You are on page 1of 2

Fiat Money Ang salapi na ginagamit noong panahon ng Hapon ay walang intrinsic value.

Ang salaping ito ay tinatanggap lamang kapag itinuring na legal tender, na nangangahulugan na ginagarantiyahan ng pamahalaan ang paggamit rito sa lahat ng uri ng transaksyon tulad ng pagbabayad ng utang at pagbili ng mga produkto at serbisyo. Ngunit kapag ang salapi na ginagamit ay wala nang garantiya, ito ay tuluyang mawawalan ng bisa. Ang salaping papel, at mga barya ay yaong tinatawag na salaping nasa sirkulasyon o money supply na ginagamit ng tao sa araw-araw. Commodity standard Pamantayang papel (paper standard) Ito ay may kinalaman sa pagpapalabas ng mga salaping papel na hindi na kailangang tumbasan ng anumang metal. Ang managed currency standard ay sinimulang gamitin at ipatupad ng maraming bansa sa daigdig dahil mas madali nilang kontrolin ang dami ng salapi sa sirkulasyon. Ang garantiya ng pamahalaan na ang salaping papel ay kanilang pananagutan sa lahat ng transaksyon ay siyang kailangan ng pamantayang ito. Ang ating bansa ay nasa ganitong pamantayan mula 1949 hanggang sa ngayon. Ilan sa halimbawa ay ang Yen ng Japan, Ruble ng Russia, Riyal ng Saudi Arabia at iba pa.

You might also like