You are on page 1of 5

Republic of the Philippines Department of Education Region III Division of Bulacan

DISTRICT OF NORZAGARAY
Norzagaray

TEST ITEMS IN CHARACTER EDUCATION V S.Y. 2013-2014 First Grading Period SKILLS / COMPETENCIES KALINISAN AT KAAYUSAN SA PAMAYANAN 1. Napananatiling malinis at ligtas ang pamayanan 1.1. Naisasagawa ang paraan upang mapanatiling malinis at ligtas ang pamayanan 1. Umuubo ka at nakalimutan mo ang iyong panyo. Nakita mo ang panyo ng ate mo na nagamit na niya, ano ang gagawin mo? a. Hiramin mo ito. b. Takpan lamang ng kamay ang bibig. c. Pabayaan mo lamang na walang takip kung umuubo ang bibig. d. Gamitin mo ang iyong baro. 2. Si Mario ay walang suklay. Ibig hiramin ang suklay mo? Ano ang pasiya mo? a. Pahiramin mo si Mario. b. Itapon ko ang suklay ko sa malayo. c. Sabihan si Mario na ugaliin niya ang paggamit ng sariling kagamitan. d. Titingnan ko lang at huwag pahiramin. 3. Ang kapitbahay mo ay maraming anak. Bawat kilos ay palaging humihiram ng gamit sa inyo. Isang araw naputol ang hiniram niyang itak. Anong liksyon ang nakuha mo? a. Gumamit ng sariling kasangkapan. b. Mabuti ang palaging humihiram. c. Huwag nalang manghiram. d. Sasabihan ang nanay n mabuti ang palaging humihiram. 1. Lumalakad ka at ang iyong kaibigan papunta sa paaralan, kumain kayo ng cheese curls. Aanhin mo ang plastic na lalagyan nito sapagkat walang laman? a. Itapon sa daan. b. Ilagay sa loob ng bag at pagdating sa TANONG

paaralan itapon ito sa basurahan. c. Paliparin sa hangin. d. Tiklupin at ilagay sa kanal. 2. Kapapasok pa lang ni Romy sa paaralan ng umagang iyon ng maglaro sila. Nakita na maraming papel at plastic na nakakalat sa palaruan. Ano ang dapat nilang gawin? a. Damputin ang mga kalat sa palaruan. b. Maglaro kahit madumi ang paligid. c. Magsumbong sila sa guro. d. Sa ibang lugar sila maglaro. 3. Naglinis ang mga bata sa likod ng paaralan. Isang tambak na basura ang kanilang naipon. Itatapon na sana nila ito sa hukay ng makita na puno na ito. Saan nila itatapon ang basura? a. Sa tabi ng ilog. b. Sa tabing daan na malapit sa bahay. c. Sa bakanteng lote malapit sa paaralan. d. Gumawa uli ng hukay at doon itapon ang basura. 4. Sa paaralan nagsabi ang guro na huwag magkalat ng basura kahit saan. Bakit kaya sinunod siya ng mga bata. Ang mga sumusunod na sagot ay tama maliban sa isa. Ano ito? a. Ito ang dahilan ng sakit. b. Ito ay naging maayos at malinis. c. Ito ay hindi bagay tirahan. d. Ito ay ligtas sa sakuna. 1. Nakita nang inyong kapatid na may nagtapon ng basura sa bakanteng lote malapit sa inyong. Ano ang gagawin mo? a. Susuntukin ko siya. b. Sasabihan ko na pulutin ang basura at itapon. c. Susunugin namin ang basura. d. Hayaan ko siyang doon magtapon araw-araw. 2. Si Mario ay gumagawa ng hukay at doon itinapon ang kanilang basura. Si Roy ay nagtapon ng basura sa tabing ilog sapagkat malapit doon ang bahay nila. Sino sa dalawa ang may ugaling pagkamalinis? a. Si Mario. b. Si Roy. c. Dalawa sila. d. Wala sa kanila. 3. Tuwing umaga ay nagwawalis si Nona ng kanilang bakuran kaya sila ay may_____?

a. Maraming manok. b. Maraming kalat na papel. c. Punong namumunga. d. Malinis na paligid. 4. Nakita mong nagtapon ang inyong kapitbahay ng basura sa inyong looban. Ano ang gagawin mo? a. Damputin ang basura at ihagis pabalik. b. Lilinisin ang sariling bakuran. c. Sisigawan at aawayin siya. d. Isusumbong sa Barangay tserman. 1. Magsisimba si Minda sapagkat kaarawan niya. Isinuot niya ang kanyang barong mini skirt at backless. Ano ang maipapayo ninyo kay minda? a. Magmadali at mag-uumpisa na ang misa. b. Maglagay ng make-up. c. Maghintay at sasamahan siya sa pagsimba. d. Gumamit ng damit na nababagay sa okasyon. 2. Marami ng damit si Mario sa aparador. Palaging isinusuot ang barong isusuot sa pagpasok, sa paglalaro at sa pagpasok kaya hindi magandang tingnan. Anong kailangan gawin ni Mario? a. Ipagpatuloy ang nakaugaliang gawin ni Mario. b. Magpabili uli ng baro. c. Paggamit ng dalawang set ng damit, isa sa bahay at isa sa pagpasok. d. Manghiram sa kapatid. 3. Mayaman sina Perla kaya palagi siyang nagpapabili ng damit sa kanyang nanay. Masisiglang kulay ng damit ang nagustuhan niya sapagkat ito ay nagpapatingkad ng kanyang maputing balat. Ano sana ang bibilhin ng nanay ni Perla upang lalong magandang tingnan si Perla? a. Damit na malamig sa mata. b. Damit na pulang-pula. c. Damit na may malaking bulsa. d. Damit na may maraming laso. 4. Nag-aaral si Rosita at nasa ikalimang baitang ng siyay napili na musa ng pamahalaang bata sa kanilang paaralan. Siyay ay naging salamin sa kalinisan at kaayusan sa pananamit. Ano ang kanyang

gagawin upang maging karapat-dapat na modelo? a. Maging malinis, maayos at karaniwan sa pananamit. b. Bumili ng mamahaling damit. c. Gumamit ng maluwag na damit. d. Palaging magsuot ng pantalon.

You might also like