You are on page 1of 2

Pulong Ng Mga Hayop

Noong unang panahon, tinawag ng hari ng mga hayop ang lahat ng


kanyang kampon para malaman niya ang kayang gawin ng bawat isa.
Dumating sila at lahat ay nagnanais na ipaalam sa hari na sila ay may
higit na kakayahan kaysa iba.
Sabi ng kalabaw, Ako ang pinakamalakas sa lahat dahil nakahihila ako
ng mabibigat na dala-dalahan.
Sabi ng bubuyog, Nakagagawa ako ng pinakamatamis na pulutpukyutan.
Wika naman ng usa, Walang makatatalo sa bilis kong tumakbo.
Sabi ng aso, Binabantayan ko gabit araw ang bahay ng aking amo.
At nagturing din ang pusa, Ang dagang kumakain ng palay ng amo ko
ay aking nililipol.
Ang manok ay nagtanong, Kaya ba ninyong umitlog? Pang-almusal ng
taoy araw-araw kong ibinibigay.
Tumingin ang hari sa ibon. Hindi ka nagsasalita, munting ibon. Ano ang
kaya mong gawin?

Umaawit po ako, sabi ng ibon, para silay maging masaya habang silay
may ginagawa.

You might also like