You are on page 1of 2

Ang Dakilang Agila – Episode I

Meron isang dakilang agila at nagkataon ang dakilang ito ay maglalabas n nang
kanyang mga itlog kaya ang kanyang ginawa ay lumipad sa napakataas na tuktok ng
bundok. Gumawa ng isang pugad at doon nya inilabas ang kanyang mga itlog at
kanyang napagdesisyonan na mgahanap muna ng pagkain upang kung sakaling
lumabas na ang kanyang mga inakay ay mayroon syang maipapakain.At ganun nga
ang ginawa ng dakilang ibon sya ay lumipad at umalis. At sa hindi inaasahang
pagkakataon ngkaroon ng napakalakas na lindol at nang dahil sa mga lindol na ito
nahulog ang isa sa mga itlog ng agila. Ito ay gumulong pababa sa bundok at
nagkataong sumuyot sa pugad ng isang manok . At maya maya ay dumating ang inahin
at nagulat sya at sabi nya “Bakit mayroon isang itlog mas malaki yata sa karaniwan
‘pero sabi nya “Okay lang” lilimliman ko pa rin ito. At dumating n ang panahon kung
saan lumabas na ang mga sisiw sa itlog, kasama dito ang naligaw na itlog ng dakilang
agila. At nung lumabas na ang mga sisiw ay nagulat na ang inahin “sabi nya mukhang
medyo mas malaki yata talaga ang isa sa aking mga sisiw “Pero di bale aalagaan ko pa
rin sya dahil sa akin ito nagmula. At ngayon kung saan magpunta lahat ng mga inahin
at sisiw ay sumusunod lang ang maliit na agila . Minsan isang araw ay naglaro mag isa
ang maliit na agila, at sa kanyang pagtingin sa kalawakan ay may nakita syang isang
dakilang ibon at ang sabi nya “Sana balang araw ay makalipad rin ako tulad nang
paglipad ng dakilang ibon na yan, “Siguro ang sarap diyan sa itaas na yan”,”Siguro kita
mo ang lahat ng buong paligid,”dahil ikaw ay nasa itaas,” Siguro masarap maramdaman
ang mga hangin na dadaan sa aking mga pakpak.”Sana makalipad rin ako ng ganyan
katayog balang araw. At sya ay bumalik na sa mga kasamang sisiw at taga pag
alangang inahin. At naging mapag isa ang maliit na agila dahil pakiramdam niya sa
sarili nya na tila may parang kulang sa buhay nya . Muli siyang tumingin sa himpapawid
at nagulat sya. Dahil ang dakilang ibon na kanya lang pinagmamasdan ay unti-unting
bumababa galing sa himpapawid at ito ay lumapag sa kanyang harapan . At sinabing
hindi ka manok ,”hindi ka manok ,At ikaw ay isang agila, “hindi ka manok na mahina at
mababa ang lipad, “Bagkus ikaw ay agila na kayang lumipad ng napakataas at higit sa
lahat ikaw ay magaling at malakas. Kaya simulan munang buksan ang iyong pakpak,
simulan munang palakasin ito, simulant munang mag- ehersisyo, simulan munang mag
trening ,”At nakinig ang maliit na agila ,at ganun nga ang kanyang ginawa. At binuksan
na ang kanyang mga pakpak at sinimulan nya itong ikampay, sinimulan nya itong
palakasin, araw araw ito ang kanyang ginagawa. Hanggang isang araw naramdaman
nya na ito’y malakas na, At kanyang napag-desisyonan na oras nang lumipad.
Bumwelo at tumakbo ng npakabilis at tumalon ng napakataas at nagulat ang lahat dahil
nakalipad ang maliit na agila nang napakatayog.
“Kapatid sa iyong istoryang napakinggan ay walang iba kundi ikaw”,Ikaw ang
maliit na agila. Yun lamang ikaw din ay naligaw dahil napunta k sa mundo ng mga sisiw,
napunta ka sa mundo ng mga manok. Dahil lumaki ka nalagay sa isip mo na ikaw ay
isang manok.
Kung ikukumpara naten ang manok sa agila. “Ang manok ay mahina, ang
manok ay mababa ang lipad, ang manok ay karaniwang naglalage sa lupa upang
kumain at tumuka. Samantalang ang agila ay may malakas na pangangatawan,
mahabang pakpak at higit sa lahat matayog ang lipad. Ngunit ang mundo n iyong
napuntahan ay mundo ang mga sisiw, mundo ng mga manok, na kung saan nailagay sa
isipan mo na mahina ka, na hindi mo kaya, na pangit ka,wala kang alam wala kang
kwenta. Pero ngayon oras na ito may bumababa sa ion harapan at nagsasabing hindi
ka manok bagkus ikaw ay isang agila. Kaya simulan munang buksan ang iyong mga
pakpak, simulan munang palakasin ang iyong sarili, simulan munang mag trening.
Dahil balang araw ikaw ay lilipad ng napakatayog at makakamtam mo ang lahat ng mga
pangarap mo, lahat ng gusto mo sa buhay mo, dahil ikaw ay isang agila. Kaya ngayon
oras na ito simulant mining tanggapin na ikaw ay isang agila. Kalimutan muna an
kaisipan ng pagiging manok , kaisipan ng pagiging mahina, kaisipan ng hindi ko kaya.
Bagkus isipin mo na malakas ka, magaling ka,,matalino ka, at higit sa lahat kaya mo
yan dahil ikaw ay isang dakilang agila.

You might also like