You are on page 1of 1

BUGTONG TUNGKOL SA MGA HAYOP: 1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-gamitan. (ahas) 2.

Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali. (alimango) 3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso) 4. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo. (baka) 5. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling. (kalapati) 6. Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig) 7. Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto) 8. Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong ko? (elepante) 9. Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba) 10. Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. (gamugamo) 12. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. (higad) 13. Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. (hito) 14. Ang lokong si Hudas, dila ang tsini-tsinelas. ( suso) 15. Heto na si kurdapya may sunong na baga. ( manok) 16. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas. (igat ) 17. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung ano. (ibong batubato) 18. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. (loro) 19. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. (langgam) 20. Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok. (palaka) 21. Tumatanda na ang nuno, hindi pa rin naliligo. (pusa) 22. Narito na si pilo, sunong-sunong munting pulo. ( pagong) 23. May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. (tutubi) 24. Kawangis niya'y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso. (unggoy) 25. Anong insekto sa mundo na naglalakad na walang buto. (uod) 26. Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw) 27. Heto na si Ingkong, bubulong-bulong. (bubuyog) 28. Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. (tulya) 29. Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. (paniki) 30. Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok. (lamok) 31. Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak. (alitaptap). 32. Pagkatapos na ang reyna'y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso. (anay) 33. Pinisa ko at pinirot bago sininghot. (surot) 34. Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa. (gansa) 35. Umuusad-usad sapagkat sa paa ay salat, pinahihirapan pa ng pasan-pasang bahay na ubod ng bigat. (kuhol)

You might also like