You are on page 1of 55

Sri Chaitanya Saraswati

Ang Tinig ni Sri Chaitanyadev

Srila Bhakti Sundar Govinda DevGoswami Maharaj

Purihin ang Banal na Maestro at ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Sri Chaitanya Saraswati


Ang Tinig ni Sri Chaitanyadev
Isinabuhay at Ipinangaral ni Om Vishnupad Bhagavan Sri Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Prabhupad, Na Maingat na Ipinagpatuloy naman ni Om Vishnupad Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj: Itoy Unang Inilathala mula sa Nabadwip Sri Chaitanya Saraswat Math Sa Ilalim ng Banal na Inspirasyon at Gabay nang Bantog na Humaliling Acharya, si Om Vishnupad Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj [Ang lahat ng karapatan ay pag-aari nang Humaliling Acharyya]

Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip

nikhila-bhuvana-maya-chinna-vichinna-kartri vibudha-bahula-mrgya-mukti-mohanta-datri sithilita-vidhi-ragaradhya-radhesa-dhani vilasatu hrdi nityam bhaktisiddhanta-vani ---Srila Sri Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj Ang buong lugar ng materyal na kapatagan ay walang habas niyang sinira at giniba, Maging ang kabaliwan ng mga iskolar sa paghahanap sa trono ng kalayaan ay kanya ring winakasan; Dahil kailanmay hindi niya pinag-alinlanganan ang Pag-iibigan nina Sri Radha at ng Supremong Panginoon sa lupain ng Dalisay na Debosyon. O Ikaw na Banal na Mensahe ni Sri-Bhakti-Siddhanta, at kanlungan ng Banal na Pag-iibigan Sanay habambuhay kong mapagmasdan ang pag-indayog ng Iyong pagsasayaw at paglalaro habang Ikay umaawit sa loob ng puso ko.

Mga Nilalaman
Ang Banal na Paglilingkod ni Krsna
Ni Sri Srila B.S. Govinda Dev-Goswami Maharaj . . . . . . 1

Ang Tinig ni Chaitanyadev


Ni Sri Srila B.S. Govinda Dev-Goswami Maharaj . . . . . . 7

Isang Araw Habang Kamiy nasa Hapaniya


Ni Sri Srila B.S. Govinda Dev-Goswami Maharaj . . . . . . 15

Mga Banal na Talakayan


Ni Sri Srila B.R. Sridhar Dev-Goswami Maharaj . . . . . . 21

Buhay na Pananalig
Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj . . . . . 27

Ang Sampung Pangunahing Banal na Prinsipyo


Ni Srila Sachidananda Bhaktivinod Thakur . . . . . . . 35

Chaatak
Editoryal . . . . . . . . . . . 43

Ang orihinal na aklat na ito ay makukuha sa:

Sri Chaitanya Saraswat Math


Kolerganj, P.O. Nabadwip, District Nadia, West Bengal, India PIN 741302 Web site: www.scsmath.com www.srigaudiyadarshan.com

Ang Sri Chaitanya SaraswatiThe Voice of Sri Chaitanyadev, ay unang inilathala at inayos ni Tridandi Swami Sripad Bhakti Ananda Sagar Maharaj ng London, United Kingdom, para sa Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip., habang kaagapay ang mga debotong taga UK. at sa buong mundo. Ito ay unang inilathala noong ika 12 ng Oktubre, 1990, ang Banal na Pagpapakita ni Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharyya-varyya- Astottara-sata-sri Srimad Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj. Ang Ikalawang pag-imprenta nito ay isinagawa noong ika 8 ng Marso, araw ng Sri GauraPurnima, taong 1993 ng London Sri Chaitanya Saraswat Math, tanging para lamang sa Pandaigdigang Tanggapan ng Sri Chaitanya Saraswat Math, na nasa Sri Nabadwip Dham. Ang pagsasalin ng aklat na ito, Sri Chaitanya Saraswati Ang Tinig ni Sri Chaitanyadev, ay sama-samang ginawa bilang paglilingkod ng mga debotong Filipino noong araw ng Sri Janmastami, Agosto 14, 2009, para sa kadakilaan at kasiyahan ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj at ng kanyang mga tagapaglingkod. Lokal na sangay:

Sri Chaitanya Saraswat Math Sri Nama-Hatta Center Philippines


#66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101 E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com www.facebook.com//scsmathphilippines Free Filipino SCSMath Books Download: www.scribd.com//scsmathphilippines

SRI YOGA PITH, Mayapur. Ang lugar kung saan isinilang ang Panginoong Sri Krsna Chaitanya Mahaprabhu.

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sevaite na Tagapangulo at Kasalukuyang Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math

Ang Kanyang Banal na Pagpapala

Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj


Pangunahing disipulo at Personal na Pinili at Hinirang ni Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj Upang maging Acharya ng

Sri Chaitanya Saraswat Math

Om Vishnupad Paramahamsa-chudamani

Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj


Ang Nagtatag at Acharyya ng bantog na

Sri Chaitanya Saraswat Math

Om Vishnupad Astottara-sata-sri Srimad Bhagavan Sri Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Prabhupad Ang maestrong pang-espirituwal ni Srila Sridhar Maharaj

Ang Bantog na Templo ng Magkawalay na Pagsasama Na matatagpuan sa loob ng Sri Chaitanya Saraswat Math Sri Nabadwip-dham, India

Purihin ang Banal na Maestro At ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Ang Banal na Paglilingkod ni Krsna


Mula sa Mapagpalang Kautusan ni Om Vishnupad Paramahamsa-chudamani Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj: Isang panayam sa Humaliling Acharyya at Tagapangulo ng Sri Chaitanya Saraswat Math Nabadwip, India at sa sangay nito sa buong mundo, Si Om Vishnupad Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Sa lahat si Krsna ang pinakamataas, Siya ang Supremong Katauhan ng Diyos. Mayroong limang uri ng Rasas, mga Banal na Kalugud-lugod na damdamin. Lahat ng ito ay pawang nasa loob ng katauhan ni Krsna. Ang mga tagapaglingkod ni Krsna ay pawang masaya sa kanilang Katangi-tanging Paglilingkod sa Kanya. Sa loob ng mundong itoy napakaraming konsepto ng relihiyon. May mga pumapaling sa Santa-rasa (sa Tahimik na kalagayan), ang ibay sa Dasyarasa (nasa Paglilingkod), o kaya nasa Sakhya-rasa, (sa Pakikipagkaibigan), o sa Vatsalya-rasa (sa Pagiging isang Magulang). Subalit ang pinaka-sukdulan nang lahat ng Rasa, ang Madhurarasa (ang Banal na Pagsasama Bilang Mag-Asawa), ay sa linya lamang ni Sri Chaitanya Mahaprabhu matatagpuan. Halimbawa, [sa Kristiyanismo] ipinakilala ni Hesu-kristo ang kanyang sarili bilang anak ng Diyos, ang pakikipag-relasyon sa Diyos bilang ating Ama, at siya bilang anak Nito. Ang mga aral na itoy tinanggap bilang pinakamataas na pakikipag-relasyon sa Diyos, at Langit naman ang tawag sa Kaharian ng Diyos. Ito ang naging pahayag ni Hesus sa mga tao. Ang konsepto niya tungkol sa Diyos ay medyo kahawig sa paniniwala ng mga Vaishnavas. Tinangkilik din ni Guru Maharaj ang Kristiyanismo. Subalit sa lahat, ang pinakamataas na hantungan ay itong Madhurarasa, at itoy makakamit lamang natin sa pamamagitan ng ibat-ibang pamamaraan ng pagsamba kay Krsna. At ang ganitong klaseng Paglilingkod ay hindi naipaliwanag saanman sa mga banal na sulatin katulad ng Bibliya, Koran, at iba pa. At tanging Srimad-Bhagavatam lamang ang nagbigay nito sa atin, at ang mga kadakilaan nitoy personal na inawit mismo ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. At Siya din ang namudmod nang Rasa ng Madhuryya, ng Banal na Katamisan, sa mundo. Kaya lahat nang mabubuting kaluluwang naakit ng kanyang Katamisan, kailanman ay hindi na maakit pa ng ibang bagay kundi doon lamang sa Lotus na Paanan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, at tiyak na sasamba sa Panginoong Krsna. 1

Si Krsna ay taga Goloka. Ang Panginoon ay mayroong dalawang pangunahing katangian ang Madhurya at Audarya, at ito ang dapat nating malaman. Sa Madhuryya, ang Panginoon, ang Kanyang Sariling Banal na Katamisan, ay masayang nakikipaglaro kapiling ang Kanyang mga eternal na Kasangkapan at Kaibigan, subalit sa Audarya, ibat-ibang paraan ang Kanyang ginagawa upang maipamahagi lamang ang Banal na Katamisang ito sa mga dalisay at malilinis na kaluluwa, sa Kanyang mga deboto. Ang salitang Khoda at Banda ay nasa Koran. Ang ibig sabihin ng Khoda ay Diyos at ang Banda namay tagapaglingkod. Nakasaad din doon ang relasyon sa pagitan ng Diyos at kaluluwa. Sa linya naman ni Kristo, ipinakita niya sa atin ang pinakamataas na pakikipagrelasyon sa Diyos, ang pagiging ama ng Diyos at tayo bilang Kanyang mga anak. Subalit sa Awit ni Solomon, may talatang tumutukoy doon tungkol sa usapin ng pag-iibigan, bagamat ang bagay na itoy hindi masyadong nabigyan ng linaw. Ang totoo, lahat ng relihiyon sa mundo ay hanggang sa Brahmaloka lamang, hanggang sa lugar na kung saan lahat ng naroroon ay walang pagkakaiba at nasa pantay-pantay na kalagayan. Subalit bago sumapit sa Brahmaloka o sa kapatagan ng Brahman, ay may isang ilog na kung tawagin ay Viraja, at pagkalagpas sa Brahmaloka, naroroon na ang Banal na Kapatagan ng Vaikuntha. Ito ang Vaishnavaismo. Kaya ang konsepto o paniniwala ni Sankaracharya sa nirvvisesa o sa nirakaraang paniniwalang walang katauhang Diyos, ay tumutukoy lamang sa kapatagan ng Brahman. Subalit ayon sa shastra ng mga Vaishnavas, ayon sa mga Banal na Sulatin, mayroon talagang Banal na Anyo o Porma ang Panginoon. Sa loob ng araw ay maraming anyo din, bagamat hindi na natin ito nakikita. Katulad sa isang kagubatan, mula sa malayo ang kabuuan lang nito ang ating nakikita. Subalit kapag pumasok na tayo sa loob nito, marami tayong makikitaibat-ibang klaseng ibon, mga hayop, mga puno, mga bulaklak, at iba pa, na may kanya-kanya at sariling gawain din sa loob ng kagubatan. Kaya katulad din nito, mula sa malayo, may mga taong nagsasabing ang Diyos ay ganyan, at ang Diyos ay ganito, wala Siyang anyo, at iba pa. Inilalarawan nila ang Diyos ayon sa kanilang nakikita. Subalit kung aalamin lamang natin ang Kanyang Kaanyuan at ang Kanyang Kaharian, darating tayo sa konsepto o paniniwala ng Vaikunthaloka. Dahil magmula sa dakong iyon, makikita natin ang pagtaas ng limang Rasas, na umaabot hanggang sa Krsnaloka. Ang pinakamataas na antas ng kapatagan ay Krsnaloka, katulad nang naging pahayag ng Srimad Bhagavatam. ete camsa-kalah pumsah krsnas tu bhagavan svayam indrari-vyakulam lokam mrdayanti yuge yuge [Srimad-Bha: 1.3.28] Kapag pumapanaog sa mundo ang ating Panginoon itoy sa pamamagitan nang Bahagi ng Kanyang Katauhan o bahagi kaya ng Kanyang mga bahagi. At sa bawat panahon, Sila ay pumapanaog upang iligtas ang mundo sa kaguluhang likha ng mga demonyo. Subalit sa lahat, ang Pinaka-Orihinal na Kaanyuan ng Diyos ay si Krsna, ang anak ni Nanda. Ang lahat ng nakikita natin, maging ang lahat ng mabubuting bagay ay nagmulang lahat kay Krsna. Ang pangungusap na ito ay nasa Srimad Bhagavatam. Ang lahat ng bagay ay nasa Supremong Katauhan. Hindi lamang limang uri ng pangunahing Rasas o Mukhya-rasas, ang 2

makikita natin sa Kanya, kundi maging ang di-tuwiran o Gauna-rasas. Lahat ay nasa Kanya na, at lahat ng nasa Kanya ay pawang mabubuti at mapagpala. Si Sri Chaitanya Mahaprabhu ay naparito para ibigay ang Ekstasi, ang Kalugud-lugod na kasiyahan, para sa ating transedental na kabuhayan. At pagkaraan ni Mahaprabhu, marami sa Kanyang mga dalisay at malilinis na tagasunod o mga Kasamahan, mga Parsadas, ang nagpunta din sa mundo. Kaya, labis talaga tayong pinagpala dahil ang naging Tagapangalaga natin ay si Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj. Kaya marapat lamang, hanggat maaari siya ay ating pagsilbihan at gayun din ang ibang Vaishnavas. Dahil ito ang ating kasiyahan. Labislabis ang nadarama kong kasiyahan kapag nakikita kong maraming deboto mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang nagpupuntahan dito sa Sri Nabadwip-dham para sa kanilang transedental na buhay, at iwinawaksi ang pagiging makamundo. Ang hangad natin ay mag-Sevamagsagawa ng Banal na Paglilingkod. Dahil tanging iyon lamang ang makapagbibigay sa atin ng pinakamataas na hantungan sa buhay. Dito sa ibabaw ng materyal na mundo, ibat-ibang pamamaraan katulad ng karmma, jana, yoga, mga ibat-ibang gawain, kaalaman, meditasyon, at iba pa, ang ginagamit natin. Subalit hindi lahat ng pamamaraang itoy magdadala sa atin sa Kalubusan, bagamat ang lahat ng ito, kahit papaano, ay medyo nasa linya din ng bhakti, sa linya ng Debosyon. Dahil kung hindi, wala itong sustansya, wala itong buhay. Doon sa Bhagavad-gita, ganito ang sinabi ng Panginoong Krsna, sarvvam karmmakhilam partha jane parisamapyate [Bg.4.33] Ang isang bagay kapag ginawa mo, natututo ka, at sa bandang huli nauuwi din sa pagkakaroon mo ng kaalaman. tapasvibhyo dhiko yogi janibhyo pi mato dhikah karmmibhyas cadhiko yogi tasmad yogi bhavarjjuna yoginam api sarvvesam mad gatenantaratmana sraddhavan bhajate yo mam sa me yuktatamo matah [Bg.46, 47] Itinuturing Kong higit na masmataas ang isang yogi kaysa sa mga nagsasagawa ng pagaayuno o pagpapakasakit, at itoy higit na masmataas pa din kaysa sa sumasamba sa Brahman, at higit na masmataas parin kaysa sa isang manggagawa sa mundo. Samakatuwid, Arjuna, maging yogi ka. At sa lahat naman ng mga naging yogis, masmataas sa kanila ang isang matapat na deboto Ko, na nagapapailalim sa Akin, at buong pusong naglilingkod sa Akin. Ang mga kaluluwang-jiva ay maaaring tumaas sa kanilang debosyunal na buhay, hanggang sa Eksklusibong Debosyon, sa Ananya-bhakti. At ang mga ganitong deboto ay tiyak na magiging mapalad, dahil pagpapalain sila ng Saddhu, ng Guru at nang mga Vaishnavas, at silay 3

makakarating sa Paglilingkod sa Supremong Katauhan ng Diyos. Ang paglilingkod ay ating buhay. Lahat tayoy gumagalawnag-iisip, nakikiramdam, at naghahangad. Likas na sa kaluluwang-jiva ng mundong ito ang palaging kumikilos. Subalit kapag ang mga ginagawa natiy nasa loob ng linya ng Debosyon, itoy nagiging seva, kung kayat, lahat ng pagpapala ay mapapa sa atin. Samakatuwid, kailangang maging matatag ang ating espirituwal na buhay sa ilalim nang pangangalaga ng Guru at Vaishnava. Dahil ang espirituwal na buhay natin ay nasa Paglilingkod sa Sri Sri Guru-Gauranga-Gandharvva-Govindasundar. Tayo ay mga buhay na kaluluwa, at hindi mga bato. Hindi mahalaga kung hindi tayo matalino. Dahil maaari tayong mag-usap sa pamamagitan ng puso sa puso. Noon isang bata mula sa Hungary ang nagpunta ditosubalit hindi namin siya maka-usap. Ni hindi din niya masabi kung nagugutom na siya. Ganunpaman, masaya parin siyang nanirahan dito ng humigit kumulang mga apat o limang Linggo ng walang gaano mang kahirapan. Siguro ay meron din kahit konti, subalit itoy hindi gaano. Kaya, sa ganitong paraan, ang ating sraddha, ang ating paniniwala at pananalig ang magiging gabay natin. Ang palaging utos ni Srila Guru Maharaj sa mga deboto niya ay magsagawa ng dalawamput-apat na oras araw-araw na paglilingkod sa Panginoon. Dahil sa paraang ito, madali nating makakalimutan ang materyal na mundong ito, at madali din nating mararating ang ating patutunguhan. May mga taong para sa kanilang espirituwal na buhay, madalas silang mag-ayuno o magtiis ng gutom at hindi kumain. Walang-dudang kahanga-hanga ang kanilang ginagawa, dahil itoy para sa kanilang espirituwal na buhay, kaya lamang, upang tumaas din tayo sa ating espirituwal na buhay, ang materyal na katawang itoy kailangan din natin. Kung ganoon, pinakaligtas na paraan ang pasunod sa linya ni Srila Rupa Goswami: anasaktasya visayan yatharham upayujatah nirbandhah krsna-sambandhe yuktam vairagyam ucyate [Bhakti-rasamrta-sindhu, Purvva 2.255] Ang yukta-vairagya ay paglalayo ng mga sarili natin sa mga materyal na bagay na hindi natin magagamit sa ating debosyon. Dapat palaging nangingibabaw sa buhay natin ang Paglilingkod kay Krsna at hindi sa anupamang bagay. Ang ibig sabihin, hindi tayo dapat maakit sa materyal na bagay para sa pansariling kapakanan lamang natin kundi dapat itoy para kay Krsna lamang, para sa debosyon natin sa Kanya. At lahat ng hindi magagamit sa ating debosyun ay kailangang iwan na natin. Ang tawag dito ay mga pinagsama-samang bagay para kay Krsna at ang ibay walang-halaga na. Halimbawa, sa mundong ito, hindi tayo maaaring mabuhay ng walang pagkain, ng hindi kumakain. Subalit dapat ang kinakain natiy Prasadam ni Krsna at ni Mahaprabhu. yaja-sistasinah santo mucyante sarvva-kilbisaih bhujate te tv agham papa yepacanty atma-karanat [Bg. 3.13] Kapag ang mga niluto ninyong pagkain ay para sa inyong sarili lamang, ang mga kinakain ninyoy mga pagkaing makasalanan. Subalit sila na nagluluto para sa ating Poon, para kay 4

Krsna, para kay Bhagavanpara sa Diyosat tumikim ng Kanilang natirang pagkain, at upang tayoy Kanyang pagpalain, ang pagkain namang itoy Kanyang ibinigay sa atinay nasa tamang landas, dahil hindi sila aatakihin ni Maya. Hindi sila lulusubin ni Kali, o sasalakayin ng pagkakasala. Walang-dudang lahat ay may mabuting katangian din; at sa natural nilang kalagayan, ang kaluluwang-jiva ay wala talagang pagkakasala. Dahil ang pagkakasala ay isang anyong Mayik lamangisang guniguni at kathang-isipan lamang. ahankara-nivrttanam kesavo nahi duragah ahankara-yutanam hi madhye parvvata-rasayah [Brahma-Vaivartta-purana] Si Kesava, Krsna, ay nasa piling lamang ng mga taong di-makasarili, subalit para sa mga mayayabang at hambog ang layo nilay ga-bundok. Kaya kapag inisip mong, itoy akin, ang tawag dito ay ahankara. Anak ko ito, tatay ko ito, bahay ko itoang ganitong klaseng kaisipan, ito ay akin ay tinatawag na Maya. At kapag ang ganitong klaseng anino ang bumalot na sa atin, ang araw ay hindi natin makikita. Katulad ng isang kaulapan. Minsan natatakpan ng ulap ang araw, at hindi natin ito makita. Subalit dahil sa kanyang sinag ang ulap ay atin parin nakikita. At tanging sa pamamagitan lamang ng liwanag ng araw maaari nating makita ang kaulapan. Bagamat itoy natatakpan ng kaulapan at hindi natin tuwirang nakikita. Si maya ay parang ganito din. Kaya kapag tinakpan tayo nang ilusyon, ng ahankara o ng maling ego, ang Diyos ay hindi din natin makikita. Subalit dahil sa liwanag na nagmumula sa Diyos nakikita natin si Maya, at dahil sa liwanag ng kaluluwang-jiva, nakikita din natin ang ating mga ahankara. Kaya sa paraang ito, ang mga bagay-bagay ay ating nauunawaan. Mamumulat tayo, dahil ito pala ang tamang paraan.

Ang Panginoong Sri Krsna Chaitanya Mahaprabhu ang nagpasimula nang Pag-awit ng Banal na Pangalan ni Krsna kasama ang mga dalisay na deboto.

Purihin ang Banal na Maestro At ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Ang Tinig ni Sri Chaitanyadev


[Pebrero, 1990 Ang Kapistahan sa Pagdating ng Vaishnava-siddhantacharyya-samrat Jagad-Guru Prabhupada Sri Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Maharaj] Na ang Aral ay Tuwirang Ipinasa kay Nitya-lila-pravista Om Vishnupada Paramahamsa-chudamani

Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj:


Mula sa ibinigay na panayam ni Om Vishnupada

Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj


Ang Kasalukuyang Tagapangulo at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math Nabadwip, India at sa buong mundo anyera hrdaya---mana, mora mana-----vrndavana mane bane eka kari jani tanha tomara pada-dvaya, karaha yadi udaya, tabe tomara purna krpa mani Ang mapanlinlang na kapaligiran kapag umaatake sa mga kaluluwang-jiva ito ay gumagamit ng ibat-ibang pamamaraan. Kaya ang ginawa ni Prabhupada Srila Bhakti Siddhanta Saraswati ay maglinis muna, tulad ng Gundica-marjjana, ang paglilinis nang templo ng Panginoon. Ito ang kanyang unang naging gawain sa mundong ito. Ayon sa kanya, dapat ang puso natin ay maging isang Vrndaban. At dapat walang anumang klaseng gubat ang loob ng puso natin. Dahil kapag sinabing gubat, sa loob ng gubat ay naglipana ang mga elementong maaaring manggulo sa atin, at walang ganito sa loob ng Vrndaban. Dahil lahat nang nasa loob ng Vrndaban ay pawang perpekto at dalisay. Kung ganoon, dapat sinasamba din natin ang Panginoon ng buong kalinisan. Kaya kung iimbitahin natin ang Diyos at pagkatapos makikihalubilo parin tayo kay Maya at makikipagsaya parin tayo sa kanya, ay isang pagkukunwari lamang. At ang mga ganitong klaseng pagkukunwari ang gustung-gustong durugin talaga nina Srila Bhaktivinod Thakur at Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur. Ang unang ginawa nila ay ipangaral muna ang Banal na Pangalan [ng Diyos]. Dito sa Bengal, mapapansin nating napakarami ang bumibigkas ng Pangalan, subalit silay mula sa grupong humihitit ng hashish, ng marijuana. May mga ilan naman kung umusal ay 7

napakahabang oras. Sa Bengal ay naglipana ang Harinama, subalit wala ka talagang makikitang malinis. Dahil dito, ang Sampradaya ni Mahaprabhu, ang pagsasalin ng mga araling pangrelihiyon ay ganap nang nahaluan na talaga. Ang salitang Vaishnava kapag binibigkas ng tao ay mayhalong poot. Dahil ginulo ng mga grupong kilala sa tawag na Neda, Darabesa, Sai, Aul, Baul, Karttabhaja, at iba pa ang mataas at lihim na aral ni Mahaprabhu, ang Banal na Perpeksyon, bunga ng kanilang ginawa, maging si Mahaprabhu ay hindi na din ginagalang ng mga tao. Kapag may nagsabi ng, May Vaishnava po sa pintuan, ang kadalasang nagiging sagot nang may-ari ng bahay ay, Ah, bigyan mo nang isang takal ng bigas at paalisin mo na. Ganito ang naging tingin ng mga tao sa mga Vaishnavas. Ang Sagrado at Banal na Buhay ng mga Kaluluwa Subalit ang tunay na Vaishnava-dharma ay Jaiva-dharma, ang tunay na kalagayan ng kaluluwa, ang banal na buhay ng mga kaluluwa. Ang aklat na Jaiva-dharma ay sinulat ni Bhaktivinod Thakur upang ibigay sa mundo ang tunay na Relihiyong Vaishnava. jivera svarupa haya---krsnera nitya-dasa krsnera tatastha sakti, bhedabheda prakasa [C.c. Madhya 20.108] Ang turo sa atin ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay ganito, Ang tunay na kalagayan ng isang kaluluwa ay maging eternal na tagapaglingkod ni Krsna. Ang kaluluwa ay Marhinal o Panggitnang Kapangyarihan ni Krsna, ang kapangyarihan nila, ng mga kaluluwa, bagamat silay kahalintulad ni Krsna, ay kakaiba din sa Kanya. Ganitong klaseng transedental na kaalaman ang dala ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami. Naroroon na ito sa mga Banal na Kasulatan at nanatiling nakatago lamang at itoy kanyang isiniwalat. Ang isang kakaibang kontribusyon ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami ay ang Daiva-varnasrama-dharma, ang Maka-diyos na Panlipunang samahan na nakaayon sa tamang interpretasyon ng mga Banal na Aklat; daiva-varnasrama-dharma, hari-bhakti yara marmma, sastra yukti karila niscaya. Ang tinatawag nating relihiyon dito sa materyal na mundo ay maka-demonyo, maka asura-varnasrama, subalit ang Daiva-varnasrama-dharma ay palaging nagpupunyagi upang makapagsamba sa Panginoon. Napakaraming debosyunal na gawain, subalit ang tanging hangad lamang nila ay mabigyan ng kasiyahan ang Panginoon. Ang tanging layunin lamang ng sravanam, kirttanam-visnoh smaranam pada-sevanam, nang makapakinig, bumigkas, makaalala, at iba pa, ay upang sambahin lamang ang Panginoon. Ang tawag sa gawaing ito, sa panimulang baytang nito, ay Daiva-varnasrama. Isang kamalian kapag tinuring nating Brahmana ang anak ng isang Brahmana, o kaya Sudra ang anak ng isang Sudra, at iba pa. catur-varnyam maya srstam guna-karmma-vibhagasah [Bg. 4.13] Ayon sa katangian at gawa ng mga tao, nilikha Ko at pinaghati-hati ang apat na katayuan sa mundo. 8

Ayon kay Srila Prabhupad Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, ang tunay na relihiyon ng Varnasrama-dharma ay ang tamang pagsamba sa Panginoon, at sa itaas nito ay ang Vaishnavaismo, ang Jaiva-dharma, ang sagradong buhay, ang relihiyon ng kaluluwa. Ito ang tunay na linya ng Vaishnavaismo na itinatag ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami sa mundo. Dahil kailanman hindi naging masmababa ang isang Vaishnava sa Brahmana. Ang Vaishnava ay palaging masmataas sa Brahmana. At ito ang tunay niyang katayuan. Kailanman ay hindi bumuntot ang isang Vaishnava sa Brahmana. Dahil iba ang mundo ng mga Vaishnavanasa loob sila ng transedental na mundo nang Paglilingkod, Seva-maya-bhumika, silay nasa nirguna-bhumika, nasa transedental na kapatagan. At ang varnasrama-dharma ay nasa saguna-bhumika lamang, at ang mga katangian nitoy pawang materyal pa din. Kaya kahit tumaas pa ang kalagayan natin dito sa lupain ni Maya itoy nasa loob pa din ng Varnasramadharma. varnasramacaravata purusena parah puman visnur aradhyate pantha nanyat tat-tosa-karanam [Vishnu-purana 3.8.9] Ang mga taong kumikilos sa loob ng sistemang panlipunan at gawaing pang-relihiyon (varna-dharma, asrama-dharma) ay sa Makapangyarihang Vishnu sumasamba. (Sa mundong ito) tanging ito lamang ang paraan upang Siya ay suyuin. Ang mga ganitong klaseng aral ang gumagabay sa mundo tungo sa pagsamba kay Krsna. Subalit ang mga Vaishnavas, silay nasa transedental na mundo na. Halimbawa, kapag kumain tayo ng Prasadam, ang kinakain natin ay hindi lamang basta kanin, gulay, o tubig, at iba pa. Ang kinakain natin ay mga bagay na inalay natin kay Krsna. Kaya kapag ito ay ating kinain, hindi tayo mababahiran ng anumang kasalanan. Dahil lahat ng bagay ay inaalay muna nang mga deboto para sa kasiyahan ni Krsna. tvayopabhukta-srag-gandha-vaso lanka-carccitah ucchista-bhojino dasas tava mayam jayema hi [Srimad-Bha: 11.6.46] O Panginoon, kapag ang mga ikiniwintas naming bulaklak, mga pabango at mga kasuotang aming inalay ay Iyong kinagiliwan at kapag ang mga pagkaing aming inalay ay Iyo nang natikman, ang mga tirang pagkaing ito ay amin namang titikman, upang maging panlaban ng mga tagapaglingkod Mo kay Maya. Naglalahad ng isang Eternal na Hiyas Sa loob ng mortal na katawan ay may isang eternal na elementong puspos sa kalugud-lugod na kasiyahan, at sa pamamagitan ng nabanggit na paraan, itoy muling ganap na malalantad. Ganito din ang ginawa ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami, muli niyang inilahad sa mundo ang eternal na bagay na ito, na nanatiling sariwa at batam-bata. Bago pa man isinilang ang katauhang ito, marami na ang umaawit at umuusal nang Pangalan ng Diyos, subalit papaano nila ito binibigkas? Noong kapanahunan niya, siya ang nagpasimula nang tunay na pagbigkas at pag-awit ng Harinama. 9

pthivite yata katha dharma-name cale bhagavata kahe saba paripurna chale Ang lubusang pakikidigma laban kay Maya. Lahat ng dumaan sa mundong ito sa ngalan ng relihiyon ay pawang mga bulaan lamang. Ikaw ay isang kaluluwang-jiva. Si Krsna ay tulad sa isang matinding sikat ng araw, at ikaw ay katulad ng kanyang sinag. Dapat ang sinag ng araw ay palaging nasa dakilang-araw. Dahil ito ang kanyang likas na katayuan. Si Krsna ay katulad din ng isang malaking magnet, at ikaw ay parang bakal. Samakatuwid, ang tawag sa Kanya ay Krsna, dahil ang ibig sabihin ng Krsay umakit, at ang salitang na: ay nagbibigay ng kasiyahan. Nais Niya tayong akitin, dahil nais Niyang ipagkaloob ang kalugud-lugod na kasiyahan [karsan venu-svanair gopir gopinatha-sriye stu nah]. Ito ang handog sa atin ni Srila Prabhupad Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur. Maraming Acharyas tulad nina Sankaracharya, Buddha, Ramanuja, Nimbaditya, Madhvacharya, ang dumating at namahagi nang pagpapala ng Panginoon, subalit sa lahat, ang binigay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ang pinaka-supremo. Kaya lamang itoy pinigilan ng mapanlinlang na kapaligiran, kaya noong dumating si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami, inilabas niya ang Banal na Hiyas at ipinakita sa tao. Doon niya nilinaw sa mundo ang tunay na posisyon ng Vaishnava-dharma. Kaya ngayon, walang-sinuman ang maaaring magparatang na ang konsepto nang paniniwala ng Vaishnava-dharmma, ay walang-kwenta, o mababang klaseng relihiyon lamang. Dahil ito naman talaga ang pinakadakila at mataas sa lahat. Ang Tridanda-sannyasa, ng mga Vaishnavas, ang Kaayusan sa Buhay na Buong Puso, Isip at Katawang Inaalay ang sarili sa Panginoon, ay itinatag ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, at ito ay malawakang nasunod sa Bengal. Noong una, ang sinusunod na kaugalian ay eka-danda-sannayasa lamang ng mga Mayavadis. Marami talaga siyang binago, lahat ng itoy inilagay niya sa malinis na linya. Katulad nang pamamaraan sa pag-usal ng banal na pangalan, ang pamamaraan ng pangangarallahat nang itoy binago niya at inilagay sa tamang linya, na nakaayon sa kulturang Vedic, upang makarating tayo sa ating lagpas-isipang patutunguhan. Minsan, nagpunta kami ni Srila Guru Maharaj [Srila Sridhar Maharaj], kina Sauren Babu, sa kanyang Kapatid sa Pananampalataya. Dumating din sa pagpupulong na iyon ang isang kilalang pandit na naging matinding kalaban noon ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami. Matapos magbigay si Guru Maharaj ng kanyang panayam, dahil narin sa imbitasyon ni Sauren Babu, nagsalita din ang pandit na ito. Isang bagay ang kanyang inamin, Ngayon, alam na naming nagkamali kami, at tama si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Prabhupad. Noong bata pa ako, ayoko ng kanyang ipinapangaral, at ito ang aking malaking kamalian. Ngayon masasabi kong tunay na kabanalan pala ang kanyang ipinaglalaban, at kaming lahat na kumalaban sa kanya ay talagang nagkamali. Nagkamali kaming lahat ng paratangang mga Gosai, ang mga Pandit, ang mga Sahajiya. Noong mga panahong iyon, kapag sinabing Vaishnavaismo ito ay tumutukoy sa mababang-uri ng relihiyon. Subalit dahil kay Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Prabhupad itoy muling tumaas at dinakila na ng lahat.

10

Pujala Raga-patha Gaurava-bhange Sa aming Nat-mandir, dalawang linya ng isang espesyal na awitin ang makikita ninyo: matala harijana kirttana-range, pujala raga-patha gaurava-bhange. Ang talatang ito ang katauhan ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami. Anong klaseng panalangin at pagsamba ang gusto niyang ipakita sa atin? Papaano natin ito gagawin? Nasa loob ng talatang ito ang kasagutan. Noon, ang alam ng tao kapag kumatok ang isang Vaishnava sa kanilang pintuan ito ay naka-kaupina lamang; o kaya nanggigitata sa dumi. May nakakwintas na kahoy na rosaryong pandasal at naka-tilak. Matha neda kopani pada, nake tilak galay mala. Ayon kay Srila Bhakti Vinoda Thakur ganito ang ayos ng mga palsipikadong Vaishnava. Eho ta ek kalira cela: kapag tinignan mo sila akala mo mga kampon ni Kali, mga kampon ng demonyo. Kaya lahat ng katiwaliang ito ay dinurog ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami. Ang ginawa niya, nagtayo siya ng malalaking Maths [mga Monasteryo] at Mandir [mga Templo]. Ginamit niya ang lahat ng klaseng teknolohiya at materyalismomga sasakyan, mga pang-imprenta at marami pang ibana pawang para sa pagpapalaganap ng kamalayan kay Krsna sa buong mundo. Isang Hamak na Pagsisimula Nagsimula siyang mangaral sa punulukan ng kalye Ulta Dingi sa Calcutta. Dalawang palapag ang kanilang gusali at may isang kwarto sa itaas. Sa ibaba ng gusaling ito ay may apat na silid na tinitirhan nang apat na pamilyang Vaishnava, na pawang mga disipulo din niya, sila ang nagbibigay sa kanya ng donasyon, habang sa nag-iisang kwarto sa itaas siya nakatira. Nakita ko na ng personal ang silid na iyon. Doon siya nagsimula ng kanyang pangangaral. Noong tumagal, umupa pa siya ng isa pang bahay para sa pangagaral. Bagamat nag-umpisa siya sa hamak na kalagayan, ngayon makikita na nang mundo ang resulta ng mga ginawang pangangaral ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami. Ayon kay Srila Vrndavan dasa Thakur, ang sabi ni Mahaprabhu ay ganito, prthivite ache yata nagaradi grama sarvatra pracara haibe mora nama [Chaitanya Bhagavat] Makakarating sa lahat ng baryo at bayan ng mundo ang pangangaral nang Pangalan Ko. Katulad ng naging hula ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, ngayon makikita na natin sa lahat nang panig ng mundo ang pag-awit ng mga deboto sa banal na Pangalan nina Nitai-Gauranga. Dahil naging malaganap na ang Hare Krsna Mahamantra sa buong mundo. Walang-dudang, itoy isang transedental na karunungan, subalit dapat ang linya ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur ang sinusunod natin. Dahil kung hindi, malamang pagkaraan lamang ng ilang taon, o kaya mga limampu o isangdaang taon, lahat tayo ay mahuhulog na sa butas ng sahajiyaismo (puro panggagaya o imitasyon na lamang). Kaya dapat maging maingat tayo sa pagsunod sa prinsipyo ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Thakur Prabhupad. Nakita din nating purong Vaishnavaismo lamang ang gusto ni Srila Guru Maharaj. Marami ang naging maluwag sa kanilang Vaishnavaismo, subalit kailanman hindi nakihalo sa mga 11

tubog sa ginto si Srila Guru Maharaj. Kaya kapag nagsalita siya, wala na itong paliguy-ligoy pa, at makikita mong nasa linya lamang ng Dalisay at Purong Debosyon, tulad ng ipinamahagi ni Sri Chaitanya Mahaprabhu sa mundo. Samakatuwid, malinaw na Purong Debosyon lamang ang ibinibigay ni Srila Guru Maharaj sa buong mundo. Matapos libutin ni Srila A.C. Bhakti Vedanta Swami Maharaj Prabhupada, ang buong mundo sa pangangaral, regular itong bumabalik sa India, at kay Srila Guru Maharaj ito nagpupunta. Matalik silang magkaibigan, at ayon kay Srila Prabhupada Swami Maharaj, itinuring niyang siksha-guru niya si Srila Guru Maharaj. Tuwing bumibisita siya, tinitignan niya ang kalagayan ni Srila Guru Maharaj, at ibinabalita ang ginagawa niyang pangangaral. At ganito ang sinabi ni Swami Maharaj kay Srila Guru Maharaj, Hilaw pa ang mga dala ko mula sa Kanluranbahala ka na sa kanila, ikaw na ang maglinis sa kanila, maaari mo silang gamitin para sa pagse-Serbisyo kay Mahaprabhu at sa Panginoong Krsna. Sa pangkalahatang pangangaral, ikinalat ni Swami Maharaj sa buong mundo ang Hare Krsna Mahamantra. Itoy para sa pangkalahatang pangangaral. Subalit hindi ibig sabihin nito hindi siya magaling na mangangaral; magaling din siya. Subalit tulad ng ginawa ni Mahaprabhu, pinigilan din niya ang kanyang sarili. Noong habang lasing si Mahaprabhu sa Kanyang Banal na Pag-ibig at nagsasayaw, maraming tao ang nanonood sa Kanya noon, subalit agad Niyang inilalagay ang sarili sa bahya-dasa, ang damdaming itoy agad Niyang pinipigilan. Nakita nating mula sa ibat-ibang bansa, maraming mapapalad na kaluluwa, ang dinala ni Swami Maharaj sa kamalayan kay Krsna. May isang espesyal na grupo nang mga deboto ang gusto niyang bigyan ng masmataas na pag-aaral. Ang bagay na ito ay nabanggit niya noon kay Srila Guru Maharaj. Hilaw pa ang mga dala kobahala ka na sa kanila, ikaw na ang humubog sa kanila at gamitin mo sila sa Paglilingkod kay Mahaprabhu. Guru ng mga Gurus Naparito sa mundo si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami upang ipamahagi ang tunay na Vaishnavaismo. At dahil sa kanyang Pagpapala, nasa atin si Guru Maharaj. Si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupad ay kapwa Guru nina Srila Swami Maharaj Prabhupad at Srila Guru Maharaj. Kapag inawit natin ang kanilang mga kadakilaan, itoy walang-katapusan dahil ang mga ganitong tao ay magigiting at lubhang napakadakila. Kung ganoon, papaano natin dadakilain ang mga kagitingan ng mga ganoong supremong Vaishnavas? Hindi po bat napakaimposible? Maaari nating subukan, subalit kulang ang panahon para ilarawan nang lubusan ang kanilang mga kadakilaan. Ganunpaman, ngayon, napakaganda ng araw na ito at sa lahat ay pinagpala dahil ngayon ang araw ng Sri Krsna-pancami. Manalangin tayo sa Lotus na Paanan ni Srila Prabhupada Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Thakur ng tayo ay kanyang pagpalainwalang-dudang lagi niya tayong pinagpapala, dahil kung hindi, papaano tayo nakapasok sa kanyang Sampradaya? Lalu na sa linya ng Kanyang pinakamamahal na si Srila Sridhar Maharaj. Walang-dudang tayo ay labis labis na pinagpala, dahil nasa ilalim tayo ng pangangalaga ni Srila Guru Maharaj. Subalit hindi ito ang katapusan ng ating gawain. Kailangang magpatuloy parin tayo sa ating patutunguhan. Mahalagang makamit natin ang mga pagpapala at bendisyon ni 12

Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Thakur at ng mga Vaishnavas. Mahalaga ang lahat ng kanilang pagpapala para sa ating espirituwal na buhay. Sabi nga ni Sriman Mahaprabhu, trnad api sunicena taror api sahisnuna amanina manadena kirttaniyah sada harih Buong kabaitang binigyan tayo ni Mahaprabhu ng tatlong panuntunan. Ang trnad api sunicena: huwag mong gambalain ang lahat ng nilalangisipin mong masmababa ka pa sa isang damo; taror api sahisnuna: katulad ng isang puno, dapat maging mapagtiis ka sa lahat ng naririto sa mundo; amanina manadena: ang gawain ng Paglilingkod ay eternal na pag-aari ng mga dakilang kaluluwang-jiva, nang mga malayang kaluluwa, at itoy pag-aari din ng lahatkung ganoon dapat lahat silay galangin din natin, at walang hinihintay na anumang kabayaran. Kapag ang mga prinsipyong itoy nasunod mo na, walang-humpay na maaawit mo na ang mga Kadakilaan ng Supremong Panginoong Hari. Ang mga tagubiling itoy ibin igay sa atin sa pamamagitan ng pagpapala ni Sriman Mahaprabhu Chaitanyadev at ni Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Thakur. Ang Pangangailangan para sa Banal na Maestro Ang mga ganoong aral ay may sariling pinong kahulugan, at itoy kailangang nasa tamang linya. Makakasunod lamang tayo sa tamang landas ng pag-iisip kapag sumilong tayo sa Lotus na Paanan ng isang tunay na Guru. At ito ang itinuturo sa atin ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami. Dati-rati, naglipana ang ibat-ibang Shastras, ibat-ibang uri ng Vaishnavas at relihiyon sa mundo, subalit noong dumating na si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami, naging malinaw sa lahat, na ang tanging kailangan natin sa buhay ay buhay na Paglilingkod kay Krsna, sa ilalim nang pangangalaga ng isang tunay na Guru at Vaishnava. Sanay pagpalain tayo ni Srila Prabhupada Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur. Maraming talata sa Sanskrit ang sinulat noon ni Srila Guru Maharaj para kay Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Thakur. Lahat ng itoy pawang napakataas, subalit sa sandaling makapasok tayo sa loob ng kahit sa isa nito, mapapansin mong napakahabang oras na pala ang tinatakbo. Noong pumanaw na si Srila Prabhupad, sinulat ni Srila Guru Maharaj ang sloka [talata] na ito para sa kanya: nikhila-bhuvana-maya-chinna-vichinna-kartri vibudha-bahula-mrgya-mukti-mohanta-datri sithilita-vidhi-ragardhya-radhesa-dhani vilasatu hrdi nityam bhakti-siddhanta-vani Ang sabi ni Guru Maharaj kung naririto lamang si Srila Prabhupad at narinig niya ang sloka na ito, malamang masabi niyang sa pamamagitan lamang ng apat na linya ang buong katauhan niyay agad nang nayakap. At dito sa talatang ito, inihayag din ni Srila Guru Maharaj kung si no siya. 13

vrsabhanu-suta-dayitanucaram caranasrita-renu-dharas-tam aham mahad adbhuta-pavana-sakti-padam pranamami sada prabhupada-padam Eternal na iniyuyuko ko ang aking ulo sa Lotus na Paanan ni Srila Prabhupada, ang Pinakamamahal na Alalay ni Vrsabhanu-nandini. Sa pamamagitan ng alikabok sa kanyang Lotus na Paanan (caranasrita-renu-dharah), akoy naging si Sridhar Maharaj. Talagang napakadakila at mapagpala ang alikabok sa kanyang Lotus na Paanandahil kamangha-mangha at himalang nakapaglilinis ito nang lahat ng bagay: mahad adbhuta-pavana-sakti-padamnapakadakila, kahanga-hanga at talagang nakapaglilinis ang kanyang Lotus na Paanan.

14

Purihin ang Banal na Maestro At ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Isang Araw Habang Kamiy Nasa Hapaniya


[Oktubre, 1989 Ang Kapistahan sa Pagdating ni Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharya-varyya Sarvva-sastra-siddhanta-vit Astottara-sata-SriSrimad Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj] Isang panayam ni Om Vishnupada Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Deva Goswami Maharaj Ang Kasalukuyang Tagapangulo at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math Nabadwip, India at sa sangay nito sa mundo

Iniyuyukod ko ang aking ulo bilang paggalang sa aking mga pinagpipitagan at iginagalang na mga Kapatid sa Pananampalataya, sa mga taga Sri Hapaniya. Napakasaya natin ngayon dahil maluwalhati tayong nakarating dito sa Sri-Pat Hapaniya-dham. Madalas nating sinasabing ang destinasyon natin ay Goloka, bagamat hindi natin alam kung saan talaga ang Goloka. Ganunpaman, dapat nating malaman na ang Lupain ng Goloka ay personal na nagpakita sa mundong ito bilang Lupain ng Ating Banal na Maestro, ang tahanan ng mga deboto at ang Templong ating pinagsasambahan sa ating Poon. Ngayon, batid man natin ito o hindi, naririto tayo sa Banal na Lugar na hindi kakaiba sa Goloka-dham. Maraming taon na ang nakakalipas noong dinala namin dito sa Hapaniya ang aming Guru Maharaj, ang lugar kung saan talaga siya ipinanganak. May hangarin kasi kami, at gayun din ang mga naninirahan sa barangay na ito; hangad nilang lahat na muli nilang makasama si Srila Guru Maharaj, dahil maraming taon na din ang lumipas magmula noong iwan ni Guru Maharaj ang kanyang pamilya at ialay ang kanyang buhay at mag-sannyasa, at nangaral sa lahat ng panig sa India, at noong pumanaw na si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur sa mundong ibabaw, piniling manatili ni Srila Guru Maharaj sa Vrndaban, sa Gokula, at sa Sri Nabadwip-dham. Tinangka din siyang ibalik ng kanyang mga kapamilya, lalu na nina Sriyukta Mani Babu at Sriyukta Amar Babu at dalhin dito sa Hapaniya, sa kanyang sinilangang-bayan, subalit talagang ayaw na niya at hindi nila mapilit. Pagkaraan nang ilang panahon, dahil na din sa pakiusap ng kanyang mga Kapatid sa Pananampalataya, tulad nina Parama-pujyapada Srila Yajavar Maharaj, Paramahamsa Maharaj, Madhusudan Maharaj, atbp.at lahat ng Vaishnavas na may mataas na pagtingin at pagmamahal sa kanyasa bandang huli ay pumayag din siyang bumisita dito ng kahit isang araw o dalawang araw man lang. 15

Ang totoo, gusto kong malaman kung saan talaga ang eksaktong lugar kung saan siya ipinanganak. At sa palagay ko tanging siya lamang ang makapagsasabi kung saan. Dahil lahat ay hamak na masbata pa sa kanya. Sa lahat ng angkan nila, tanging si Srila Guru Maharaj na lamang ang natitirang pinakamatanda sa pamilya, at bukod pa dito, sa lahat, siya din ang may pinakamatalas na isipan. Kaya naisip ko tanging siya lamang ang makapagsasabi kung saan talaga ang eksaktong lugar kung saan siya ipinanganak. Sama-sama kaming nakiusap noon nina Yajavar Maharaj at iba pang mga Kapatid sa Pananampalataya ni Srila Guru Maharaj, na sana ay muli siyang bumisita dito, kaya noong mabalitaan ito ni Krsna dasa Babaji Maharaj, buong kagalakang nagbigay din siya ng suporta sa aming balak. Ang totoo, siya pa nga mismo ang masyadong naging masigasig sa pagbabalik dito ni Guru Maharaj. Labis-labis din ang naging kasiyahan ng aming pinaka-pipitagang Sriyukta Mani Baba at Sriyukta Amar Babu matapos nilang malaman ang aming plano. Labis-labis din ang naging kasiyahan noon nina Sriyukta Satyen Babu, Sriyukta Bon Babu, at marami pang ibang kinikilalang Brahmana at mga relihiyosong-tao sa barangay na ito, kabilang na ang kanilang pamilya. Bata man o matandalahat sila, maging ang isang matandang lalaking muslim na kapitbahay nila ay nagpahayag din ng kanyang taus-pusong kagalakan sa muling pagbabalik dito ni Guru Maharaj. Dahil dito, halos lahat ng tao ay sumuyo kay Guru Maharaj hanggang sa sumang-ayon narin ito.

Isang Natatanging Araw


Noong dumating na dito si Guru Maharaj, pinakiusapan ko siyang ituro niya sa amin ang lugar kung saan talaga siya ipinanganak. Masaya nitong tinanggap ang aming pakiusap at itinuro sa amin ang eksaktong lugar na malugod na kinatatayuan mismo nina Sri-Sri Guru-GaurangaRadha-Gopinathjiu. Noong araw na iyon, mahigit 6,000 rupees ang aming nakulekta upang pansamantalang makapagpatayo muna ng kahit maliit na lugar na maaari naming pagsambahan. Naroroon din ang lahat ng mga pinagpipitagan at iginagalang na Kapatid sa Pananampalataya ni Srila Guru Maharaj at nagbigay din nang kanilang ambag. At pagkatapos, dahil narin sa kahilingan nina Krsnadasa Babaji Maharaj, Yajavar Maharaj at ng iba pa, ibinigay sa akin ni Mani Babu ang rehistro ng lupa. Bagamat itoy maliit na sukat lamang, lalung lumakas ang aking kalooban dahil sa labis na pagpapala at pagdating ng mga kapatid ni Guru Maharaj at gayun din ng aking mga Kapatid sa Pananampalataya. Si Sriyukta Amar Babu ang nangasiwa ng proyekto, nooy nagtayo muna kami ng isang maliit na templo upang makapagsimula lamang kami sa gagawin naming pagsamba sa inilagak naming larawan ni Guru Maharaj. Noong unay wala talagang templo para sa ating Poon, o kaya ay Nat-mandir man lang. Di-nagtagal nagdatingan na din ang mga ambag at abuloy ng ibat-ibang deboto, kaya pagkaraan ng halos walong taon, naisip kong hingin na ang pahintulot ni Guru Maharaj upang magtayo na talaga kami dito ng templo at maglagay ng Poon. Labis ang naging kasiyahan ni Guru Maharaj ng malaman niyang gusto kong maglagay dito ng mga Poon. Ganito ang eksaktong sinabi niya, Alam kong makakakuha ka ng isang mabuti at magaling na pari para pangasiwaan ito, at imbitahin ang mga Vaishnavas at magsagawa ng malaking pagdiriwang upang idaos ang kapistahan nang paglalagay ng mga Poon. Pero, 16

pagkatapos nito, papaano na? Paano na ang pagpapakain sa mga Poon sa darating na panahon? Dapat hindi lamang isang taon o dalawang taon itong ginagawaalam mo namang itoy eternal, pang-habambuhay na Serbisyo. Papaano na? Kaya, unahin mo muna ang pag-aayos para sa permanenteng pangangasiwa at kung sino ang mangangalaga sa pagsamba ng mga Poon.

Ang Pagsibol ng Isang Ashram


Dahil sa pagpapala at bendisyon narin ni Guru Maharaj at dahil narin sa pagmamahal sa akin ng aking mga Kapatid sa Pananampalataya ang mga pangangailangan ko ay natustusan kung kayat regular kaming nakapag-aalay at nakakasamba na sa ating Poon. Tinandaan ko ang mga naging tagubilin sa akin noon ni Guru Maharaj, at dahil narin sa paggabay sa akin ng mga kagalang-galang na mga Kapatid ko sa Pananampalataya, nailagak din namin ang mga Imahen ng ating Poon, sina Sri-Sri Guru-Gauranga-Radha-Gopinathjiu. Magmula noon, taun-taon na kaming nakapagdadaos dito ng malalaking kapistahan, lalu na ang Kapistahan ng Gaurapurnima, Guru-puja, at Janmastami, at lahat silay masayang-masaya habang naglilingkod kay Gopinathjiu at tumikim ng Kanyang Prasadam, at labis nilang naramdaman ang transedental na kalugud-lugod na kasiyahan. Dahil dito, pataas ng pataas ang nagiging Serbisyo namin dito at ito ay dahil narin sa kabutihan at tulong ng mga deboto. Ngayon, marami parin ang pumupunta dito, at sa taon na ito medyo naiiba ang gagawin kong programa. Ang kaanyuan ni Guru Maharaj ay transedental, at kailanmay hindi naging materyal, kaya sa mismong araw ng kanyang Banal na Pagpapakita sa mundo, siya ay aming sinamba din tulad sa ginagawa naming pagsamba sa Panginoong Krsna o kay Mahaprabhu. Kung ganoon, naisip kong matapos nating ipagdiwang ang Kapistahan ng kanyang Pagdating na ginawa natin kahapon sa Nabadwip, tulad ng Nandotsava, ang ginawang Engrandeng Handaan ni Nanda Maharaj matapos Ipanganak si Krsna, dapat ganoon din ang gawin natin ngayon, dito. Lahat ng nariritoy pawang transedental, at kapag ganito na ang pananaw natin dito, higit na espirituwal na bibiyaya ang makakamit natin. Dahil dito nais naming bigyan nang katuparan ang mga kahilingan ng mga magigiting at pinagpipitaganang Vaishnavas. Ang tawag sa barangay na ito ay Hapaniya, na ang ibig sabihin ay malinamnam na inumin. Kaya Hapaniya ang tawag sa lugar na ito dahil naririto sa lugar na ito ang malinamnam na inumin. Ang ibig sabihin ng paniya ay inumin. Kaya ngayon ay natikman na natin ang linamnam ng mga buko dito. At dahil malinamnam ang mga buko dito, ang lugar na ito ay tinawag na Hapaniya.

Tubo sa Lugar na Ito


Tuwing nandirito ako sa Hapaniya, pakiramdam ko tagarito din ako. Marahil noong unang panahon ay nanirahan din ako sa barangay na ito. Hindi ko alam kung bakit, subalit tuwing pupunta ako dito pakiramdam ko tagarito din talaga ako. Marahil dala ito ng ibinigay na pagmamahal din sa akin ng pamilya ni Guru Maharaaj. Dahil mga 17 taung gulang pa lamang ako noong unang punta ko dito. Mahal na mahal ako ng pamilya nina Mani Babu at Amar Babu at talaga namang akoy kanilang kinagigiliwan at pinagpala; at maging ang kapatid na babae din ni Guru Maharaj, na ngayon ay sa Sri Chaitanya Saraswat Math sa Nabadwip na nakatira, tinuring din niya akong parang isang tunay na anak. Kaya kapag pinagsama-sama natin ang lahat 17

ng ito, pakiramdam koy parang talagang tagarito din ako. Halos 42 taon na akong nagpapabalik balik sa barangay na ito. Labis din akong minahal ni Guru Maharaj, dahil ayaw niya akong mawalay sa kanya kahit mga ilang oras lamang. Minsan kapag papunta ako sa Calcutta, ako ay agad niyang pinapatawag sa aking Kapatid sa Pananampalataya, magbibisekleta ito at uunahan ako sa bandang tulay at akoy agad niyang pinababalik. Pabalikin mo si Govinda Maharaj, sabihin mo masama ang pakiramdam ko. Maraming beses na itong nangyari. Minsan pa nga dahil sa isang mahalagang bagay habang papunta ako noon sa Calcutta, isang deboto ang kanyang inutusan na mag-bisikleta upang habulin ako at pabalikin dito, Bumalik ka daw, ngayon na. Subalit tuwing magpapaalam ako at sa Hapaniya ang punta ko, masayang-masaya ito. Kahit masama pa ang kanyang pakiramdam, pagbalik ko, bigla itong nagiging masaya. Gustung-gusto niya kapag palagi akong nagpupunta dito sa Hapaniya. Subalit kadalasan, kapag Calcutta ang punta ko, agad niya akong pinababalik. Ito ang dahilan kung bakit malapit sa aking kalooban ang Hapaniyadham. Matapos naming mailagak sa Kanyang lugar ang ating Poon, naisipan ko noong bumalik sa Hapaniya, at ako ay kanyang tinanong, Saan ba ang punta mo? Ang sagot ko sa kay Srila Guru Maharaj ay, Papunta po ako sa aking Math. Nagustuhan ni Srila Guru Maharaj ang naging sagot ko, at pangiting nagwika ito, Ah, ganun ba? Math mo pala ang Hapaniya? Sige. Pumunta ka na. Labis na nasisiyahan si Srila Guru Maharaj kapag nakapaglilingkod ako sa ating Poon, kina Radha-Gopinathjiu. Ito ang dahilan kung bakit gustung-gusto kong pasilbihan ang ating Poon. At ganoon din sa mga Kapatid ko sa Pananampalataya. Nais kong bigyan ng pansin sina Sripad Yudhamanyu Seva Vikram Prabhu at Sripad Aravinda Lochan Seva Sundar Prabhu na talaga namang umalalay sa aking seva sa Hapaniya. At sa iba ko pang mga Kapatid sa Pananampalataya na tumulong din. Noong malaman nilang ginagamit namin sa paglilingkod sa Hapaniya ang kanilang abuloy, mapayapa at masaya itong tinanggap ng mga deboto. Alam ninyo, kapag nandito kami masayang-masaya kami. At kapag nandoon naman ako sa Calcutta [Kolkata], ang dami kong gawain at kahit doon din sa Sri Chaitanya Saraswat Math, hindi din ako malibre. Subalit dito sa Hapaniya, tahimik ang aking kalooban. Kada-Linggo nandito ako o kaya tuwing makalawang Linggo. Bagamat sandali lang ako, masaya parin a ng kalooban ko sa pagpunta dito. Ngayon, kayo ay naparito sa lugar na ito, sa Hapaniya, kung saan ipinakita ni Guru Maharaj sa mundo ang kanyang sarili, kung saan ang lahat ng mga puno, lahat ng mga hayop dito, mga babaet lalakiay pawang transedental. Maging ang lahat ng gulay dito ay transedental din. Subalit mahalagang may transedental din tayong katawan kapag kumakain tayo nito. Dahil kung wala tayo nito, papaano antin ito tutunawin? Pano natin ito makakain? Noong araw na iyon noong nagpunta kami dito ni Guru Maharaj, nagpulong kami mismo sa lugar na ito. Lona lamang ang bubungan namin. At sa lupa kami umuupo, habang sa silya si Guru Maharaj. Ibat-ibang slokas ang tinalakay namin. Noong panahong iyon, isang malaking kapalaran para sa akin, ang kauna-unahang marinig ang isang napaka-espesyal na sloka mula sa aking Guru Maharaj. Gustong ipasok sa aming puso ni Guru Maharaj ang damdaming kami ay nasa Banal na Lupain. 18

Ito ang sinabi niya sa amin, Ang lahat ng bagay sa lugar na itoy transedental, napakabanal, pinagpala at nagdudulot ng kabutihan. At kapag ganito ang naging pananaw ninyo sa lugar na ito, kayo ay pagpapalain. Makakamit ninyo ang transedental na buhay, at ang isa pa, mararating din ninyo ang Paglilingkod kay Srimati Radharani. Sa paraang ito, iginawad ni Guru Maharaj ang kanyang bendisyon at pagpapala sa aming mga naroroon noong araw na iyon. At itoy lagi naming naaalala. Nais ko sanang banggitin ang ilang mga Kadakilaan ni Guru Maharaj, para sa kanyang kasiyahan, at batid kong kapag nalaman ko ang kahulugan ng kanyang sloka, madali kong mararating ang patutunguhan ng aking mga panalangin. Ngayon mag-alay tayong lahat sa ating Poon. Pagkatapos ng Bhoga-arati, masaya nating tikman ang Prasadam nina Radha-Gopinathjiu, Giridharijiu, at ng ating Guru Maharaj. Ito ang aking kahilingan at panalangin sa inyong lahat. Tanggapin ninyo ang aking mga paggalang sa inyong lahatsa lahat ng mga taga-rito, sa mga Sannyasi, sa mga Brahmacharis, at iba pa. Jaya om Vishnupada Paramahamsa-parivrajakacharyya-varyya Astottara-sata-sri Srimad Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj ki jaya! Tadiya Avirbhava-bhumi Sripat Hapaniya ki jaya! Jaya Sri Sri Guru-Gauranga-Radha-Gopinathjiu ki jaya! Tadiya bhogarati Ki jaya! Jaya Sripad Ananga Mohan Prabhu ki jaya! Jaya Gauri Matadevi ki jaya! Jaya Sri Upendrachandra Viydyaratna ki jaya! Jaya Samaveta Vaishnava-mandala ki jaya! Samaveta Bhakta-vrnda ki jaya! Harinama-sankirttana ki jaya! Gaura-premanande Haribol ki jaya!

19

Si Srila Guru Maharaj at Srila Govinda Maharaj. Habang masayang kapiling ang mga pinagpipitagang deboto mula sa Kanluran sa kanilang talakayan tungkol sa kamalayan kay Krsna.

20

Purihin ang Banal na Maestro At ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Mga Banal na Talakayan


Nitya-lila-pravista Om Vishnupada Paramahamsa-chudamani Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj [Hulyo, 1982] Asvini, Varuni, Kirttika. Ang pangalan ng ikatlong anak na babae ni Daksa ay Kirttika. Naging kaugalian na sa Vraja-mandal na isunod ang pangalan ng anak nilang babae sa isa sa mga naging anak na babae din ni Daksa Prajapati. Kirttika ang naging pangalan ng ina ni Radharani, kaya Karttiki naman ang tawag kay Radharani, dahil anak Siya ni Kirttika. Hinggil naman sa banal na buwan ng Karttika, isang palatandaan ang binigay sa atin ni Sanatana Goswami: masanam marga-sirso ham: Ang sabi ni Krsna, Sa lahat ng buwan, ang kumakatawan sa Akin ay ang buwan ng Marga-sirsa (Nubyemre-Disyembre). Pagkatapos ng Karttika ay Marga-sirsa o Agrahayan naman. Kung ganoon, marapat lamang na paniwalaan natin na ang buwan ng Karttika, ay tumutukoy kay Radharani. At dahil si Krsna ang Marga-sirsa, marapat lamang na sabihing ang Diyosa ng naunang buwan, ang Karttika, ay kumakatawan naman kay Radharani. Ang buwan ng Karttika ay buwan ng panatang Urjja-vrata. Kaya ang pangalang Urjjesvari ay isang pangalan din ni Radharani. Ang ibig sabihin nang Urjjah ay mga pinagkukunan ng yaman. Nasa Kanya nang lahat ng yaman, kay Radharani. Lahat ng yaman ay Kanyang hawak na. Tangan ni Radharani ang shakti, ang kapangyarihan o mga yaman. Kaya ang panatang sinusunod sa buwan ng Karttika na tinawag na Urjja-vrata, sa bandang huli ay nagtatapos kay Urjjesvari, kay Sri Radhika, kaya binibigyang-diin nang mga Vaishnavas ang pagdaos ng Karttika, lalung-lalo na sa hangarin nating mabigyan ng kasiyahan si Radharaniat makamit ang Kanyang Paglilingkod, ang Paglilingkod kay Krsna. At ang isa pa, sa buwang ito ang mga Gopis ay sumasamba kay Katyayani, ang gusto nilay maging maligaya sila sa pamamagitan ni Devi (Diyosa). Nandagopa-sutam devi patim me kurute namah. Ito ang naging panalangin nila kay Devi Yogamaya: Tulungan po ninyo kaming makamit ang Paglilingkod sa anak ni Nanda. Nakapaloob din sa kanilang panalangin ang panata ng Karttika-vrata. Ibinibigay din namin ng isang espesyal na pagtanaw bilang araw ng pangiling ang huling buwan ng Chaturmasya, na kilala sa tawag na Karttika-vrata. Dahil ito ay nakakunekta tanging para sa ginagawang Paglilingkod ng mga Gopis, kay Radharani at gayun din kay Krsna; kung kayat naparito din dito sa mundo ang Srimad-Bhagavatam upang himukin tayo at bigyan ng sigla ang pagtahak natin sa linyang tinatahak ng mga Gopis sa pagsamba nila kay Katyayani. Sa pamamagitan ng diwang ito, binibigyan natin ng higit na pansin ang huling buwan ng Chaturmasya. 21

Hayag na Katotohanan Vedais ca sarvvair aham eva vedyahsrutibhir vimrgyam. Ang ibig sabihin ng sruti ay hayag na katotohanan. Dito sa mundong ibabaw, wala tayong makikitang anumang katotohanan. Dahil ang mundong ito ay punung-puno ng di-pagkakaunawaan, punung-puno nang awayan, ng mga pagtatalo, personal man ito o pangkalahatang interes. Lahat ng itoy naririto na. Kaya dapat sa ibang mundo nanggaling ang di magpag-aalinlanganang karunungan, at hindi dapat nagmula sa mundong ito, at dapat sa ibang lugar. Ang tanging kasiyahan natin ay nasa hayag na katotohanan lamang, dahil ito lamang talaga ang sumusuporta sa atin. Ang ibig sabihin nang Veda ay, Itoy dapat ninyong malaman. Simpleng salita lamang, dapat ninyong malaman; ni walang anumang pagpapaliwanag, o anumang dahilan. Ang isang ina kapag nag-uutos sa kanyang anak ay hindi nagpapaliwanag kung bakit, basta: Anak gawin mo ito. Ni walang anumang pagpapaliwanag at dahilan, walang Nyaya, walang shastra (walang lohika o dahil sa pag-uutos ng banal na aklat), o ng kahit anupaman, kundi basta, Gawin mo yandapat mong malaman yan. Totoo ang mga sinasabi ko. Huwag ka ng kumontra. Walangsilbi kung kokontra ka pa, magkakamali ka lamang, kaya huwag ka ng umangal, anak, gawin mo na lamang ang ipinag-uutos ko! Alamin mo ito! Ganyan ang Veda. Vedais ca sarvvair aham eva vedyahTanging Ako lamang ang gustung sabihin ng mga Banal na AklatAko lamang. yasmin jate sarvam idam vijatam bhavati, yasmin prapte sarvam idam praptam bhavati, tad vijijasasva tad eva brahma. Kung saan-saan ka pa naghahanapwalang saysay yan. Kilalanin mo muna Ako, nang makita mo ang hinahanap mo. Kapag ginawa mo yan, tapos na ang paghahanap mo. Hindi mo na kailangang maghanap pa ng iba kapag nakilala mo Ako. bhidyate hrdaya-granthis chidyante sarvva-samsayah ksiyante casya karmmani mayi drste khilatmani [Bha. 11.20.30] Doon lamang sa yugtong iyon magkakaroon ng katuparan ang mga hinahanap mo. Bhidyate hrdaya-granthih: kahit sabihing sarado pa ang puso mo. Itoy mabubuksan parin. Kahit na nakabuhol pa itomapuputol pa din ito. Aagos pa din ito tungo sa Akin. Kahit nakagapos pa ang mga puso ninyo. Kapag ang tali nitoy napatid, natural na itong makakadaloy at madali na itong makakapunta sa Akin. Sa Akin din dadaloy ang inyong pag-ibig kapag naputol na ang lubid na nagtatali sa inyo. Chidyante sarvva-samsayah: ito na ang katapusan ng mga paghahanap ninyo, kaya huwag na kayong magpakahirap pa. Hindi na ninyo kailangang maghanap pa. Ang paghahanap ninyoy natapos na. Ksiyante casya karmmani: Ang mga obligasyon ninyo sa dati ninyong buhay ay mawawala na, mayi drste khilatmani: mapapansin ninyong naroroon Ako sa lahat ng panig. At Ako pala ang dapat ninyong kausapin. Kaya, tanging Ako lamang ang makapagbibigay sa inyo ng ganap na kasiyahan. 22

Ang Nais natiy Magkaroon ng Kasiyahan Tulad ng sinabi ng aming Guru Maharaj, Halimbawang papunta ka kay Krsna subalit biglang nasunog ang inyong bahay babalik ka pa ba dito upang itoy patayin? Huwag na, dahil hindi ito mahalaga. Dahil lahat ng internal na pangangailangan ninyo ay kayang tugunan ni Krsna. Bakit gusto mong patayin ang apoy, dahil ba may naiwan kayong ari-arian? Huwag na, huwag na. Hindi na ninyo ito kailangang gawin. Dahil bukas-makalawa ang mundoy magiging abo dinlahat ng nariritoy mawawala din. Lahat ng mga pangangailangan ninyoy nasa Banal na Paanan ni Krsna. Ang mga pangangailangan ninyoy kaya Niyang punuan, Lahat ng itoy kaya Niyang gawin. Kung kinakailangan, maaari din Niyang ibigay sa inyo ang lahat ng uri ng gawain, upang makapaglingkod kayo sa Kanya. Mayi drste khilatmani: Kahit saan mo ibaling ang iyong paningin Akoy naroroon parin. Kahit sa paggawa ng mabuti sa kapwa, Akoy naroroon parin; kaya hindi mo na ito kailangang gawin. Dahil nandoon na Ako, at Ako ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti sa inyo. Bakit ano ba ang alam mo? Tanging Siya lamang ang may-isip kung ano ang nararapat at mabuti para sa inyo. Naroroon Siya sa lahat ng lugar. Kaya huwag na kayong mag-alala pa, Siya na ang bahala. Basta ang mahalaga, tayong dalawa ang nag-uusap dito, Ako at Ikaw lamang. At silang lahat ay pangalawa lamang Oo ngat itoy madaling sabihin. Bahala na si Yogamaya, sa Grupo ng mga Nagsisilbi. Tiyak sa lugar na iyon ay maraming magaganap na pagbabago, magkakapareho subalit hindi magkakatulad. Kapag natawid na natin ang yugto ng kasiyahan, madadaanan din natin ang yugto ng walangkasiyahan: Hindi na yata ako nakakapaglingkod kay Krsna. Kahit isang patak ay parang wala na ata akong naiinumpuro lamang paghahangad at paghahangad pa rin. Kailan kaya ako makakatikim kahit isang patak man lang ng nectar na ito? Itoy panibagong yugto naman. Malalantad din sa atin ang ibat-bang aspeto ni Krsna hanggat naghahangad parin tayo nito, at doon ay matatagpuan natin ang walang-katapusang pag-iibigan. Kalidad kontra sa Dami ng Bilang Deboto: Totoo po bang ang benepisyo ng apat na buwang pagsunod sa Chaturmasya ay naibibigay nang isang buwang paggunita ng Karttika sa loob ng Banal na Dham? Srila Guru Maharaj: Itoy depende din kung papaano natin ito sinunod. Maaaring ang isa o dalawang araw na paggunita ay sumasakop na sa kabuuan nito. Huwag na tayong magbilang kung ilan, ang mahalaga ay gaano natin ito ka-taimtim na sinusunod at ano ang katangian ng hangarin natin. eka krsna-name yata papa kare pataki sadhya nahi tata papa kare Ang isang Pangalan ni Krsna ay sapat na upang puksain ang di-mabilang na kasalanan. namno sya yavati saktih papa-nirharane hareh tavat karttum na saknoti patakam pataki janah [Karmma-purana] 23

Ganunpaman, ipinag-uutos parin sa atin ang pormal na pagbigkas ng isang libong Pangalan, isang lakh na Pangalan, o mga labing-anim na ulit na paikot sa ating rosaryong pandasal, atbp. Mahalaga ang pagsunod nito lalu na ang mga nasa ibaba. Sa kabila nang lahat ng ito, kailangang ipokus parin natin ang ating mga sarili sa kalidad ng pagbigkas nito. Ang isang Pangalan ay walang-hanggang epektibo kaysa libu-libong Pangalan na binigkas naman ng Namaparadha, o Namabhasa (binigkas nang may bahid ng pagkakasala, o kaya hindi naging tuwiran at naging paliguy-ligoy pa muna, na parang isang malabong sipi). Ito ang dapat nating maunawaan. tunde tandavini ratim vitanute tundavali-labdhaye karna-kroda-kadambini ghayate karnarvvudebhyah sprham cetah-pranagana-sangini vijayate sarvvendriyanam krtim no jane janita kiyadbhir amrtaih krsneti varna-dvayi [Vidagdha-Madhava, 1.15] Kailanmay hindi ninyo makikitaan ng kasiyahan ang mga nasa itaas dahil anyay narating na nila ang panuntunan sa pagbigkas ng Pangalandahil sa umpisa pa lamang ay mapaparalisa na agad sila. Ilang boltahe ba mayroon kapag binibigkas ni Yasoda ang Pangalan ni Krsna, o kaya kapag binibigkas ni Radharani ang Pangalan ni Krsna? Ang bagsik ng boltahe nito ay hindi kayang arukin ng ating isipan! anyabhilasita-sunyam jana-karmmady anavrtam anukulyena krsnanusilanam bhaktir-uttama [B.r.s. Parva 1.11] Ang anyabhilasa ay mga susun-suson at patung-patong na mga panandalian at pabagobagong pagnanasa o kapritso ng bawat indibidwal. Ayon sa naihayag na katotohanan, ang landas ng karma, upang maibsan kasalukuyan nating kalagayan, ay naglalabas ng isang timpla. Lahat tayo ay may maliliit na bilang ng porsiyento ng debosyon, kaya lamang ito ay nahahaluan ng mga bagay na nasa loob ng magulong mundong ito. Sa itaas ng karma ay jana (karunungan, kaalaman): batid nating may katapusan ang mundong ito, kung kayat hindi tayo dapat manatili sa mundong ito na ma yroong kamatayan; kailangang umalis at pumaitaas na tayo, dahil kung hindi, hindi din tayo magiging maligaya. Kapwa ganito ang naging alok sa atin nang jana at ng yoga upang makatakas tayo sa masaklap na kamatayan. Ito ang dapat nating gawin sa ating buhay, ang itaboy ang kamatayan, ang makahulagpos tayo sa pagkaka-dakma ng kamatayan, sa pagkaka-kadena sa atin ng mortalidad. Subalit lahat ng itoy pagtakas lamang sa negatibong bahagi. Dito ang salitang adi (atbp.) ay tumutukoy sa yoga at sa saithilya, ang pagiging tamad at batugan natin, ang kawalang-bahala, o walang pagmamalasakit natin. At ang pahiwatig ng salitang anukelyana-krsnanusilanam ay hindi pratikulya o mga bagay na ayaw natin, samakatuwid ang ibig sabihin ng paglinang ng Krsna ay Serbisyo para kay Krsna. Dahil sa normal na kalagayan, doon sa itaas, tanging paglilingkod, pagsisilbi, ang magiging gawain natin at wala ng iba pa. Kaya kailangang tahakin 24

natin ang landas na ito, upang tumaas tayo, upang umangat tayo. Sa umpisa, ito ay tinatantya muna natin, sinisipa-sipat pa muna natin, subalit sa pagtagal ito ay nagiging awtomatiko na. At mapapansin nating itoy nasa loob pala natinkusang dumarating. Ilog ng Pag-ibig Ito ang pag-ibig, ang pagdaloy nang ilog ng pag-ibig. Doon ang lahat ng paglilingkod ay Serbisyong may Pag-ibig, may pagmamahal. Ang pag-ibig na itoy nabubuhay sa paglilingkod, ito na din ang kanyang damit at kasuotan, at tahanan. Lahat ay naririto na. Wala ka nang hahanapin pa sa labas dahil lahat ay nandirito na. Dapat bawat aspeto ng ating buhay ay patuloy na naglilingkod, beinte-kwatro oras. Ang lahat ng ito, buhay at panahon, at maging ang ating mga sariliang tatlong ito ay abalang-abala sa paglilingkod. Ang Supremong Panginoon ay Rasa o katauhan ng Kalugud-lugod na kasiyahan, at Siya ay maysariling ka-grupo. Dahil sa kaguluhan, may mga taong lumilikas sa kanilang lugar at sa ibang bayan naninirahan, at silay kinakalinga ng ating pamahalaan, at sa isang kampo ay binibigyan ng pansamantalang matutuluyan. At silay unti-unting inilalagay sa isang lugar na maaari na nilang tirhan na naaayon sa kanilang kakayahan. Katulad din nito, doon sa antas ng kalubusan ay maraming kampo, kampo ng ibat-ibang Rasasmga Sakhya, Vatsalya, Madhura, atbp., at sa loob ng mga grupong ito ay may ibat-ibang grupo pa rin. At kailangang pumaloob tayo dito. Doon, ang mga kabuhayan natin ay inaayos din, na ang ibig nating sabihin, tayo ay binibigyan ng mga gawain, upang makapagsilbi tayo. Doon sa mga lumikas sa kanilang lugar, silay binigyan din ng kanilang matutuluyan at magiging kabuhayan. yatha yatha gaura-padaravinde vindeta bhaktim krta-punya-rasih tatha tathotsarpati hrdy akasmad radha-padambhoja-sudhambu-rasih Hanggat ang isang pinagpalang kaluluwa ay nakapagbibigay ng Debosyon sa Lotus na Paanan ni Sri Gaura-sundarNapakaglilingkod sa Lotus na Paanan ni Sri Sri Radhikahigit na mala-Karagatang Nektarang sabay-sabay na dadaloy sa puso nito. Ang internal na katauhan ni Sri Prabhodhananda Saraswatipada (ang may akda nang sloka, ng talatang ito) ay si Sakhi Tunga-vidya, na isa sa walong pangunahing Sakhis sa Vraja-mandal. Si Sakhi Tunga-vidya ay naging si Prabhodananda sa Gaura-lila. Ang mga sinulat niya ay pawang napakatamis at napakadakila, at itoy nakakabighani at talaga namang tumatama sa puso natin.

25

Si Srila Guru Maharaj kasama ang mga nagtitipun-tipong deboto mula sa ibat-ibang misyon upang pakinggan ang kanyang mataas na kaalaman tungkol sa kamalayan kay Krsna.

26

Purihin ang Banal na Maestro At ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Buhay na Pananalig
Ni Nitya-lila-pravista Om Vishnupada Paramahamsa-chudamani Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj [Disyembre, 1982]

Deboto: Ano po ba ang dapat kong gawin para tumaas naman po ang aking espirituwal na buhay pagbalik ko po sa England? Srila Guru Maharaj: Ang magkaroon ng maayos na kuneksyon sa saddhuang makasama natin sila. Dahil malaki ang maitutulong nila sa atin. Ang bagay na itoy paulit-ulit na ipinapahayag ng mga Banal na Aklat. Mayroong buhay na samahan at Shastric o samahang nakukuha sa pagbabasa ng mga Banal na Aklat. Masmainam na makasama natin ang buhay na Banal na Aklat, na ang ibig sabihin ang saddhu, deboto. At dapat ang debotong ito ay talagang totoong deboto at hindi nagkukunwari lamang, hindi gaya-gaya lamang. Ang isang maliit na kandilay maaaring magdingas kapag inilapit sa naglalagablab na apoy, subalit itoy saglit lamang na nagdidingas at madaling namamatay din. Dahil sa kanyang liit, sandali lamang itong nagdidingas. Subalit kung itoy mapapasama sa isang naglalagablab na apoy, tiyak itoy magliliyab at tatagal. Dahil ang buhay natin ay nasa mga kakampi din natin, sa mga kababayan din natin. At kung silay magiging kaaway pa natin, ang mga pagpapakahirap natin ay masasayang at maaari din tayong mamatay. Ilang taon ka na ba? Deboto: Beinte-uno po. Srila Guru Maharaj: Buhay pa ba ang mga magulang mo? Deboto: Opo. Srila Guru Maharaj: Mga deboto din ba sila? Deboto: Hindi po, kontra nga po sila e. Srila Guru Maharaj: Sila bay mga Kristyano? Deboto: Opo. Srila Guru Maharaj: Mga Katoliko o Protestante? Deboto: Mga Katoliko po. Srila Guru Maharaj: Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging Katoliko at pagiging Protestante? Ano ba ang kaibahan ng dalawa? Bilang huwaran, marahil, ang ibig sabihin ng pagiging katoliko ay may malaking paniniwala; at sa pagiging Protestante, ang gusto nilay sukatin at suruin muna ang mga bagay-bagay bago tanggapin. Sa mga Protestante, silay pinangingibabawan ng kanilang katwiran at mga pagrarason. Itoy sinimulan ni Martin Luther King sa bansang Germany. At muli, sa loob nang mga Protestante ay nagkaroon ng mga 27

paghahati-hati at silay naging Puritans. Ang pilosopong Milton ay isang Puritan din. Ang tawag sa mga nagtataguyod ng labis-labis na pagtingin sa moral ng tao ay Puritans. At mula sa mga Puritans, itoy muling nag-sanga at tinawag na mga Independiente. Ang mga tagasunod ngayon ng mga Puritans o Independiente ay hindi na katulad ng mga namuno noon, mga Protestante at Katoliko na lamang ang naririto. Ang Monarkiya ng Inglatera ay Protestante. Ang pagiging Katoliko, sa totoo lang ay isang mabuting pahayag. Gaano ba talaga katindi ang ating paniniwala sa kalubusan? May isang istorya tungkol sa isang palaka. Nakakita noon ng elepante ang isa sa mga anak ng palaka. At wala noon ang kanyang ina. At nang itoy dumating, ganito ang salubong sa ina, Inay, inay, nakakita po ako ng isang napakalaking hayop. Gaanong kalaki ba? Pinalaki ng inang-palaka ang kanyang tiyan: Ganito ba? O masmalaki pa dito? O mas ganito pa kalaki? Hanggang sa pinalobo nito ng husto ang kanyang tiyan. Hindi pomalaki pa, sige masmalaki pa po! Hanggang sa sumabog ang tiyan ng palakatapus. Kaya, gaano ba talaga ang pagiging katoliko natin? Gaano ba kalaki ang kaya natin? Baka matulad lamang tayo sa palaka. Kahit ang elepante ay maliit parin. Ang ibig sabihin ng Katoliko ay mapagbigay. Kaya bang punuin ng ating pagiging mapagbigay ang Kabuuang nasa loob natin? Itoy imposible. Dito, tanging pananalig lamang ang magpapatunay nito sa atin. Dahil lahat ng mga pagrarason at pangangatwiran natin, lahat ng iba pang sandata ay mabibigo lamang. Tanging ang pananalig lamang ang makapagbibigay sa atin ng kuneksyon, at siyang makapagtuturo sa atin. Ilang paniniwala ba ang kayang ipasok ng napakaliit na katauhan natin? Doon sa walanghangganan, doon sa kalubusan, ang lahat ng naroroon ay pawang walang-hangganan din. Ganito ang sinabi ni Krsna, Sa konsepto ng walang-hangganan, ang libu-libong walang-hangganan ay isang maliit na bahagi Ko lamang. athava bahunaitena kim jatena tavarjjuna vistabhyaham idam krtsnam ekamsena sthito jagat [Bg. 10.42] Ang Diyos ay hindi natin kayang arukinmaaari lamang itong mangyari kapag tayo ay Kanyang Pinagpala. Kung ganoon, papaano natin makakamit ang Kanyang Pagpapala? Itoy sa pamamagitan ng lubusang pagpapasakop at pagpapailalim natin sa Kanya at kung papaano Siya mapapaligaya; magaganap lamang ito kapag nagsusumamo na tayo at Kanyang kinahabagan na, at sinusunod na ang Kanyang mga ipinag-uutos. Siya ay malalapitin lamang natin sa pamamagitan ng Kanyang mga tunay na deboto. Dahil sila ang ating yaman at hanggang sa huling sandali ay maaaring lapitan. Ang Kanyang mga deboto, ang Kanyang mga sugo, sila lamang ang kanlungan natin. Kailangang gawin natin ang 28

lahat ng paraan mapa-ugnay lamang tayo sa mga tunay Niyang kinatawan. Marating lang ang kalubusan, lahat ng imposible ay gagawin nating posible. Ang mga may-hangganan ba na tulad natin ay maaaring umugnay sa walang-hangganan? Kung titignan natin, napaka-imposible talagang gawin. Subalit itoy maaaring mangyari, at maaaring maganap lamang kapag naging mapagkumbaba na tayo; aminin nating wala talaga tayong kakayahan, wala tayong halaga. Mahina at maliit lamang, walang-halaga at walang kakayahan. Kapag naunawaan na natin ang tunay na kalagayan natin, dadalhin na tayo ng ating damdamin sa Kanya. Tanggapin lamang natin sa ating mga sarili na tunay ngang makasalanan tayo: Ikaw na lang ang dumaan sa landas ng hustisya, sa landas ng katarungan, dahil kapag doon ako dumaan, tiyak wala na akong pag-asa. Ang pagkakasala koy walang-hanggan, walang katapusan. Hihintayin ko na lang magbukas ang pintuan ng habag at pagpapaladoon ko na lang hihintayin ang aking kapatawaran, dahil sa dakong iyon naroroon ang aking pag-asa. Labis-labis talaga ang nagawa kong kasalanan, talagang napakababa koat Ikaw ay napakataas at labis na kagalang-galang. Tanging sa pintuan Mo lamang dumadaan ang habag at awa, ang Iyong pagmamahal, sana hayaan Mong makapasok ako sa kanlungan Mo. Ang labis na pagsisisi ay tinatawag na Saranagati, at dapat taimtim at buong katapatan natin itong gawin, at dapat alam mo kung ano ang kadakilaan nang grupo ng iyong Maestro. Panginoon, bagamat hindi naman po talaga ako karapat-dapat na maglingkod sa Inyo, sana po ay tanggapin din Ninyo ako. Tanging sa pamamagitan lamang ng ganitong damdamin maaari tayong dumulog sa Kanya. Doon tayo makiusap sa departamento ng habag. Doon sa lugar na may pagmamahalan, doon sa lugar na may debosyon. Ang Kanyang Pagpapala at Kabutihan ang pinong aspetong ito ng Panginoon ay kailangang malaman ng mga kaluluwa, nang sa ganoon magkaroon din sila ng pag-asa at mabuting hinaharap. Ang Habag ay Nasa Itaas ng Katarungan vicare aobi, guna nahi paobi, krpa kara chodata vicara (Ang sabi ni Srila Bhaktivinoda Thakur) Kung naparito Ka upang bilangin ang mga nagawa kong kasalanan, huwag na lang, dahil wala naman talaga akong nagawang kabutihan, akoy tadtad ng kasalanan. At kapag ganito parin ang gusto Mong gawin, tiyak wala na talaga akong kapag-a pag-asa. Subalit kung ang dala Moy habag at pagpapala, malaki ang pag-asa kong makapasok din sa lupain Mo. Ito ang tamang debosyon, ito ang Saranagati. At sa kamalayan kay Krsna, ito ang kapatagan ng awa, ng habag, pag-iibigan at pagmamahalan. Sa Vaikuntha, hindi masyadong pinaiiral ang habag; dahil ang lugar na itoy mayhalong katarungan, doon binibilang ang mga nagawa mong kabutihan at kasamaan, mayhalo itong viddhi. Subalit sa Vrndaban, Ito ang Lupain ng habag at awa, pag-iibigan at pagmamahalan. At ang isa pa, ang lugar na itoy masaganang-masagana, lahat meron at walang kinakaposdahil ang lahat ng nariritoy walang-hangganan; sa lugar na ito ang habag ay walang-hangganan din, kaya kahit ilagay pa natin ang walang-katapusang bilang ng makukulit at gumawa ng kasalanan, silang lahat ay kasyang-kasya at walang kahiraphirap na kayang ipagsama. At sa lugar na iyon, kahit anong dami pa ng bilang ng mga tulad 29

nating magugulong kaluluwa, sa lawak nito ay hindi natin kayang dumihan. Dahil wala talaga itong-hangganan, walang katapusan. Ang kamalayan kay Krsna ay talagang mapagpala. Kahit ang mga nasa pinaka-ibaba ay naaabot din nito, subalit kailangang maging tapat tayo sa pakikiharap natin sa Kanya. At ang isa pa, dito ang usapan ay walang halong anumang kalokohan. Kahit gaano pa karami ang nagawa mong kasalanan kaya parin itong linisin ni Krsna. Kahit sabihin pang ikaw na ang pinakamasama sa lahat, wala pang isang segundo linis ka na agad. Siya ay may labis-labis na kapangyarihan. Kaya dapat doon lamang tayo dumaan sa pintuan ng habag at awa at pagmamahal at hindi sa pintuan ng katarungan. Vicarite aobi, guna nahi paobi, krpa kara chodata vicara. Banal na Pagpapaka-alipin Panginoon, dalhin Mo po ako sa pintuan ng Iyong habag. Ito ang tunay nating katauhan, at sa ganoong kalagayan lamang tayo maaaring mabuhay. Kapag nais nating manirahan sa Vrndaban, huwag tayong magdala ng anumang kahambugan. Dahil sa lugar na iyon wala kang makikitang ganoong mga pag-uugali. Doon lahat ay parang mga pesteng pala-asa lamang. Doon anumang sandali ay maaari tayong palayasin at itapon. At bilang mga alipin, pag-aari tayo ng Maestro natin (Krsnera nitya-dasa). Kaya kung nais natin talagang pumasok sa loob nito, dapat handa tayong magpaka-alipin din: Ako ay Kanyang pag-aari, lahat ay maaari Niyang gawin sa akin; mananatili parin Siyang siyento-por-siyentong Panginoon ko pa rin. Ganito ang konsepto ng ating yaman. Kailangang makaramdam tayo ng tunay na pagka-uhaw sa Kanyang habag at awa. Dahil sa kapatagang iyon, lahat nang naroroon ay nabubuhay dahil sa habag at awa sa kanila ng Maestro, ng ating Panginoon. Minsan mapapansin nating grupo din ang humahawak sa isang grupo, at itoy dahil kay Yogamaya, dahil nais niyang maganap ang Lila ni Krsna. Ang isang alipin ay maaaring maging maestro ng marami. Sa isang dula, ang isang alipin ay maaaring gumanap bilang panginoonglupa, bagamat sa totoong-buhay isa siyang alipin. At sa isang dula, maaari niyang gampanan ang ibat-ibang papel. Pagka-ganoon, si Yogamaya ang nag-aayos nito upang mabigyan lamang ng kasiyahan si Krsna. Doon, ayon sa bigat ng ginagawang pasasa-kripisyo, ang isang alipin ay nagkakaroon ng isang katangi-tanging karapatan, nagkakaroon ito ng karapatang itakwil ang kanyang sarili, maari siyang magsagawa ng matinding pagsasakripisyo at maghangad sa habag ng Panginoon. Habang tumataas tayo sa negatibong bahagi madadaanan natin ang ibat-ibang yugto. Ayon sa kanila, ang taong nasa pinakamataas na kalagayan ay higit na nagiging mapagkumbaba sa lahat. Ganito dapat sinusuri natin ang ating mga sarili, sa negatibong bahagi. Ang nasa isipan nang mga taong gumaganap ng matitinding paglilingkod ay, Bigo parin ako, hindi parin ako masaya, dahil wala parin akong nagagawa, hindi ko parin napagsisilbihan si Krsna. Sa lahat ng Kanyang mga alipin, tanging ako lamang ang pinaka-walang silbi. Lahat ng ginagawa koy puro palpak. Ang totoo, ito ang isang katangian para makapaglingkod tayo sa Panginoon. Ang naramdaman nating kawalang-kasiyahan ay magiging pinaka-puhunan natin sa paglilingkod natin. Bakit hanggang ngayoy hindi ko mapaligaya ang aking Panginoon; hindi ko magawa ang mga ipinag-uutos Niya sa akin. Hanggang sa pinaka-sukdulan, ganito parin ang palaging nasa isipan ng ganitong deboto. Palagi niyang pinagdududahan ang kanyang sarili. Ito ang isang uri ng negatibong ego na kailanmay hindi nagyayabang , kundi, palaging minamaliit ang sarili. 30

Kapag ang mga ganitong klaseng tagapaglingkod ay nagsama-sama itoy nagiging sobra at labislabis na napakasarap . Ang buong kapaligiran ay nagiging kaaya-ayawalang kaaway, lahat ay pawang nagbibigayan at nag-aambag. Ang kagutuman ay panandaliang nagaganap kapag may mga nag-iimbak at nagtatago ng kalakal, kaya nga itoy pinagbabawal ng pamahalaan at ipinag uutos na ilabas sa pamilihan. Dahil sa pamilihan, marami kang mapagpipilian, at kapag may nagtatago, mararamdaman natin ang pagdarahop ng tao. Katulad din nito, kapag ang lahat ay taus sa pusong tumutulong at nagbibigay ng kanilang Serbisyo at hindi nagtatago nito, mapupuno ang pamilihan. Mapapansin ng mga dumaraan ang kasaganahan dahil sa ating taus-pusong ambag para kay Krsna at sa Kanyang mga pag-aari. Lahat ng mga kailangan moy naroroon na. Ang tawag sa pag-ibig na ito ay prema. Ito ang natural na kalagayan ng pag-ibigang mamatay para mabuhay. May mga pumapatay para mabuhay, at mayroon namang namamatay para mabuhay. Sa lupain ng pagsasamantala, ang lahat ng bagay ay pumapatay para mabuhay, dito, sa kamalayan kay Krsna, itoy kabaligtaranmamatay at ng mabuhay; ang magbigay at mabuhay, at hindi kumuha ng mabuhay. Ito ang kaayusan sa lupaing iyon kung saan ang lahat ay masayang namumuhay. Maaaring sa tingin, sila ay namamatay, subalit ang totoo doon tayo nabubuhay. Sa pamamagitan ng pagbibigayan tayo ay nabubuhay, at ang sinumang magtatangkang kumuha ay mawawalan, natatalo. Ang pagsasamantala at debosyon, o ang dedikasyon, ay magkasalungat na bagay. Ang pinakamahalaga ay ang sentrong pinag-uugnayan natin. Itoy hindi pagiging makabayan, o anumang tulad nito. Ang k ailangan lamang ay magkaroon tayo ng maayos at tamang kuneksyon sa pinaka-sentro, dahil kung hindi, ang lahat ng itoy mauuwi lamang sa pagiging makasarili natin at hindi na tayo magiging parehas. Dahil doon sa larangan ng pagiging makabayan, o pagiging relihiyoso, atbp. may palaging humaharang. Kahit ano pang klaseng relihiyon o samahan [sampradayika] ay hindi rin magiging epektibo. Ang Kalubusan, ang Pinaka-Sentro ng di mapag-aalinlanganang katotohanan ay kumakatawan sa Pag-ibig, sa pagmamahal, sa kagandahan, sa pagkakaisa at sa pagkakasundo-sundo, at upang mabuhay tayo, dapat nananatiling nakaugnay tayo dito, nagbibigay ng ating ambag. Ang makamundo at materyal na pag-aalay ay masasabing hindi talaga isang pag-aalay. Ang magbigay sa isang goonda, sa isang butangero o kaya sa isang babaeng kaladkarin ay isang pagsasamantala o pamumuhunan lamang para muli pang makapagsamantala sa darating na panahon. Hindi dapat ganito. Kundi ang magbigay sa tamang paraanang magbigay para mamatay. At ito ang mamatay para mabuhay, ang tinatawag na dedikasyon. At mamatay para kanino? Mamatay para sa pinaka-sentro, doon sa pinaka-sentro ng kabutihan. At doon tayo aanib. Buong buhay at pagkatao nating iibigay ang mga sarili natin para sa Kanyang interes. At ng maging maligaya tayo. Ituring ninyong kayo ay mga alipin ng Di Mapag-aalinlanganang Panginoon. Tiyak na magiging maligaya kayo. Mabigat isipin ang maging isang alipin dito sa ibabaw ng mundo. Ang banggitin lang ang salitang alipin ay halos kasuklam-suklam na, pinaka-ayaw natin at ikinahihiya. Subalit ang maging alipin ng Mabuting Kalubusan, ay isang marangal na katayuan, Ang bansagan tayong isang alipin ng pinakamataas na kabutihan ay pinaka-kahanga-hangang kalagayan: Hindi ko kailangang ipagyabang ang aking sarili; dahil itoy magiging kawalan ko lamang para sa aking sariling interes. Dahil hanggat ipinagyayabang ko ang aking sarili, malaki ang nawawala sa akin. Ako ay Kanyang pababayaan na at hindi na pakikialaman at iaatang na lang Niya sa aking mga kamay ang aking kapalaran. 31

Sa Kanya Tayo Dapat Matutong Umasaat Maniwala Kaya dapat hanggat maaari sa Kanya tayo umasa. Siya ay dapat nating paniwalaan, ang Mabuting Kalubusan. Hindi bat hindi ka nagtitiwala sa iyong kapitbahay. Dahil sa naging karanasan mo sa buhay. Dahil sa iyong karma, palagi kang naghihinala na baka manakawan ka. At ang pag-aalinlangan at paghihinalang ito ang nalagay sa isipan mo, Pinagsasamantalahan lamang ako ng mga nasa paligid ko, ninanakawan lamang nila ako. Hindi bat mahirap at miserable sa buhay ang palagi na lang naghihinala? Ganunpaman, gumawa parin tayo ng kabutihan sa ating buhay upang kahit papaano, kahit na maliit na kubo makapagtirik man lang tayo sa lupaing iyon, sa Kahariaan ni Krsna. Huwag nating asahan ang parating pa lamang na panahon. Dahil anumang sandali, hindi natin alam kung saan tayo itatapon ng mga nakapaligid sa atin. Kaya kumilos na tayo ngayon, paniwalaan mo ang kasalukuyan. Dito ka kumilos. Dahil wala sa mga kamay natin kung ano ang maaaring magaganap sa hinaharap nating bukas. Lahat nang itoy depende din sa resulta ng ikinikilos ng iba, nang ibat-ibang pwersang umaagos sa mundong ating ginagalawan. Hindi natin alam kung saan tayo maaaring dalhin, kaya gamitin natin ngayon ang pagkakataong ito. At kalimutan na ninyo ang mga nakaraan sa buhay ninyo. Pusot-damdamin at Diyos na nakatingin Ngayon ka kumilos, pusot-damdaminng buong katapatanat sa Diyos na nakatingin; dahil ang lahat ng ito sa bandang-huli ay humahantong sa Mabuting Kabutihan. Ganitong klaseng buhay ang dapat nating tanggapin. Na hi kalyana-krt kascid durgatim tata gacchati: kung magiging tapat talaga kayo at mabuti ang inyong hangarin, walang sinuman ang maaaring tumalo sa inyo. Tiyak na magiging matagumpay kayo. Buong-diwa at buong puso nating tanggapin ang Banal na Pangalan. At ang lupaing iyon, sa pamamagitan ng Banal na Tunog ay tiyak nating mararating. Ito ang tiniyak sa atin ng Di Mapag-aalinlanganang Tunog. Dahil itoy naglalaman nang Kabanalan, ng Dibinidad. Tayo ay unti-unti Niyang gagabayan, subalit kailangang maging tapat talaga tayo habang tinatahak natin ang landas na ito. Sa kasalukuyan, ang Pangalan ay maikli pa lamang, at habang tumataas tayo, ang lawak ng Kanyang nasasakupan ay unti-unti din nating matatanaw at ang lahat ng sustansya Nitoang Kanyang Pigura, ang Kanyang Porma, ang Kanyang Kulay, at Katauhan ay unti-unti na din nating nakikita. Ang Tunog na Ito ay naglalabas ng isang Kaanyuan na bubusog sa ating mga mata; at ang Kanyang mga Katangian ay magiging pagkain para sa ating isipan; ang Kanyang Parikara, ang Kanyang mga Alalay, ang Kanyang mga kasamahan, ang magsisilbing kilusan natin. Sila ang magtuturo sa atin kung nasaan ang lupaing iyon na dapat nating tirhan at gagalawan, at ang mga pagkilos at galaw natin sa lugar na iyon ay magiging Kanilang Lila o Aliwan. Katulad ng isang malaking kumpanya, hindi bat pera ang hanap nilakung hindi, ano ang talagang hanap nila, anong dahilan bakit pinapatakbo ng napakaraming manggagawa ang mga makina sa pabrikahindi bat itoy dahil lamang sa pera?, kung ganoon, ang Lila ay ganun din, mulat-sapul gumagalaw ito upang magbigay sa Kanya ng kasiyahan. At itoy hindi lamang nagbibigay ng kasiyahan kundi, bawat-kilos at galaw ay parang alon ng Pag-ibig, alon ng Kasiyahan, alon ng kalugud-lugod na kaligayahan. Ito ang ibig sabihin ng Lila. Ganito ang sinasabi ng Brahma-samhita, natyam gamanam. Karaniwan na tayong kumikilos, subalit 32

kapag sumasayaw tayo, ibayong kasiyahan ang ating nararamdaman. Katha ganam: doon sa lugar na iyon ni Krsna, ang bawat pangungusap ay nagiging isang awitin; at an g bawat tunog, sa labas at loob nito ay pawang naglalaman ng katamisan. Nagbibigay nang tamis, ng labis na katamisan, na nakakahalina, kasiya-siya, at punung-puno ng kariktan. At ang lahat ng itoang kariktan, kagandahan, katamisan, pag-ibig at pagmamahalisang konsepto ang ipinapahiwatig tungkol sa lupaing iyon, na pinakamataas sa lahat, na ipinangako ng kamalayan kay Krsna na dapat nating puntahan.

33

Si Srila Sachidananda Bhakti Vinoda Thakur, nanguna noong ika-19, na kanyang kapanahunan sapagpapalaganap ng kamalayan kay Krsna.

34

Purihin ang Banal na Maestro At ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Sri Dasa Mula

Ni Om Vishnupada Srila Sachidananda Bhakti Vinoda Thakur [Nanguna sa Pagsulong noong Ikalabing-siyam na Siglo ng Pantanging Debosyon]

Isinalin sa English ni Tridandi-bhiksu Sripad Bhakti Ananda Sagar Maharaj

Amnayah praha tattvam harim iha paramam Sarvva-saktim rasabdhim Tad bhinnamsams ca jivan prakrti-kavalitams Tad vimuktams ca bhavat Bhedabheda-prakasam sakalam api hareh Sadhanam suddha-bhaktim Sadhyam yat pritim evety upadisati harir Gauracandro bhaje tam [1]

Pagsusuri: iha (Dito sa mundong ibabaw) amnayah (ang tinig nang Veda, na natatamo sa pamamagitan ng Banal na Pagsasaling-aral ng mga Guru) praha harim (hinayag na si Sri Hari) paramam tattvam ang pinaka-Supremong Katotohanan), sarvva-saktim (puspos nang lahat ng kapangyarihan), rasabdhim (ang Mala-Karagatang Nektar nang lahat ng uri ng Damdamin at Kalooban); tatha (kung ganoon) jivan ca (maging ang lahat ng jivas) tad bhinnamsam (ang Kanyang kakaiba at maliliit na espirituwal na bahagi) prakrti-kavalitan (ay nilamon ni Maya) tad vimuktan ca (o kaya ay lumaya na kay Maya) bhavat (sa pamamagitan nang Bhava, ang Kanyang Bhava-bhakti); sakalam api (tunay ngang, ang buong sanlibutan, materyal at espirituwal) bhedabheda-prakasam (ay di-mawawaring iisa at magka-ibang manipestasyon) hareh (ni Sri Hari); [amnayah praha] (idinideklara nang Vedas) suddha-bhakti (ang Dalisay at Purong Debosyon) sadhanam (ang nag-iisang pamamaraan), yat pritim eva sadhyam (Pag-ibig kay Krsna, ang rurok). iti (ang pahayag na ito ng Vedas) harih gaurachandrah (ang Supremong Panginoong Sri Hari Gaurachandra) upadisati (itinuturo sa atin); tam bhaje (buong pusong pinaglilingkuran ang Supremong Panginoong Sri Gaurachandra). [1] 35

Pagsasalin: (1) Ang pinaka-Supremo sa lahat ng Banal na Aral ay itong Vedas na natanggap naman natin mula sa tunay na Banal Pagkakasunud-sunod ng mga humaliling Maestrong Pangespirituwal. Ang Banal na Awtoridad ay itong Vedas, katuwang ang iba pang Banal na Aklat sa pangunguna ng Srimad-Bhagavatam, ng Smrtti, at ng iba pa. Dahil sa ipinagkaloob sa kanyang Kapangyarihan, kanyang pinagtibay: (2) na sa lahat, si Sri Hari [Si Krsna] ang PinakaSupremong Katotohanan, (3) puspos sa lahat ng Kapangyarihan, at (4) Siya ang Mala-Nektar na Karagatan nang Lahat ng Banal na Nakalulugud na Kasiyahan. (5) At lahat ng kaluluway Kanyang kakaibang maliliit na espirituwal na bahagi lamang. (6) May mga kaluluwang nabihag ni Maya at (7) at di-nakubkob ng kapangyarihan ni Maya. (8) Ang buong sanlibutan, ang espirituwal (cit) at materyal (acit), ay isang di-mawawaring kakaiba subalit katulad na manipestasyon nang katauhan ng Supremong Panginoong Sri Hari. (9) At ang Debosyon (Bhakti) ang nag-iisa at natatanging Paraan upang marating natin ang (10) Pag-ibig kay Sri Krsnaang Nag-iisa at pinaka-Supremong Layun nating lahat. Kaya buong pusong paglilingkuran ko ang Supremong Panginoong Sri Gaurachandra, na buong kagiliwang itinuturo sa atin ang Sampung Pangunahing Banal na Prinsipyong ito. [1] svatah siddho vedo hari-dayita-vedhah-prabhrtitah pramanam sat-praptam pramiti-visayams tan nava-vidhan tatha pratyaksadi-pramiti-sahitam sadhayati no na yuktis tarkakhya pravisati tatha sakti-rahita [2] Pagsusuri: hari-dayita vedhah-prabhrtitah [praptah] (Natanggap mula sa mga Pinagsalin-saling aral nang mga Gurus sa pangunguna ng Panginoong Brahma, ang unang tumanggap ng Pagpapala ni Sri Hari), svatah siddhah vedah (ang Likas na Perpekto o ang nakikitang ebidensya ng Veda), pratyaksadi-pramiti-sahitam sat-praptam pramanam (ang Perpekto at Eternal na Awtoridad, na tuwirang napagmamasdan ng ating mga mata, ng mga pandinig natin at ating napag-alaman) nah (ayon sa ating pagkakaalam) sadhayati (itinayo) tatha (samakatuwid) navavidhan (siyam na uri ng) tan pramiti-visayan (mga katotohanang dapat nating malaman); tarkakhya ykti (pagsusuri sa pamamagitan ng lohikang pamamaraan) na pravisati (hindi makakapasok) tatha (ang isipang ito) sakti-rahita (dahil sa pagiging baog). [2] Pagsasalin: Ang Pinaka-Supremong Banal na Aral ay ang Vedas, na ibinigay sa atin mula pa sa linya nang Panginoong Brahma, ang minamahal na tagapaglingkod ng Supremong Panginoong Hari at naging karapat-dapat para tumanggap ng Kanyang Pagpapala at Habag. At dahil itoy maayos nating naiintindihan, nabasa at narinig, ang Siyam na Katotohanan ng Supremong Aral ay walang-dudang Kanyang naitayo (2-10 na nasa itaas). Kailanman ay hindi natin maaaring gamitin o kaya pairalin ang ating sentido-kumon sa paghahanap ng di-mawawaring bagay, mga bagay na di-kayang abutin ng ating isipan, kung ganoon, lahat ng klaseng argumento o pagpapaliwanag ay hindi maaaring pumasok sa linya nang ganitong klaseng kaisipan. [2] haris tv ekam tattvam vidhi-siva-suresa-pranmito yad evedam brahma prakrti-rahitam tat tanu-mahah paratma tasyamso jagad anugato visva-janakah sa vai Radha-kanto nava-jalada-kantis cid udayah [3] 36

Pagsusuri: harih (si Sri Hari) tu (tanging Siya lamang), vidhi-siva-suresa-pranamitah (na dinadapaan nina Brahma, Shiva at Indra) ekam (ay ang nag-iisang Pinaka-Supremong Katotohanan); yad brahma (si Brahman, na) prakrti-rahitam (walang kaapngyarihan), idam eva (na) tat tanu-mahah ( ang matingkad at nagnining-ning na Kaanyuan ni Sri Hari); paratma (ang pinaka-Super na Kaluluwa) visva-janakah (ang Tagapagligha nang sandaigdigan) jagad anugatah (nang pumasok sa sandaigdigan) tasyamsah (ay isang Pangunahing Bahagi lamang ni Sri Hari); sah (na si Sri Hari) nava-jalada-kantih (na ang kulay ay parang makapal na kaulapan) cid udayah (namay Banal na Kaanyuan) radha-kantah (ang iniirog ni Sri Radha). [3] Pagsasalin: Si Sri Hari, na pinag-aalayan nina Brahma, Shiva at Indra ng kanilang mga nakadapang paggalang, ay Nag-Iisang Pinaka-Supremong Katotohanan. Ang Brahman,ang lugar kung saan ang lahat ay pantay-pantay at magkakatulad ay isang sinag lamang nang kaningningan ng Katauhan ni Sri Hari. At ang mundong ito, ang buong sandaigdigan, matapos likhain, ay tinirhan nang Pinaka-Super na Kaluluwa, ng Paramatma nang isa sa Pangunahing Bahagi ni Sri Hari. At ang Sri Hari na ito, na ang katawan ay kasing-kulay ng isang makapal na kaulapan, ay walang-iba kundi ang Banal na Sinisinta ni Sri Radha. [3] parakhyayah skater aprthag api sa sve mahimani sthito jivakhyam svam acid abhihitam tam tripadikam svatanrecchah saktim sakala-visaye prerana-paro vikaradhaih sunyah parama-puroso yam vijayate [4] Pagsusuri: sah (Ang Supremong Katauhang Ito), aprthag api (bagamat hindi siya naiiba) parakhyayah sukteh (magmula sa Kanyang Transedental na Kapangyarihan) sthitah (ay nasa) sve mahimani (sa Kanyang Likas na Dakilang Katauhan) vatantra icchah (nang Kanyang Matamis na Kagustuhan), prerana-parah (magpakailanmay habang-buhay na nakatanaw) sakala-visaye (sa lahat ng materyal na bagay) tam saktim (ang Kapangyarihang Ito) tripadikam (na likas nang natitiklop sa tatlong bahagi), jivakhyam ([viz.] ang Kapangyarihan ng isang Jiva), svam (ang Kanyang Personal na Banal na Kapangyarihan) acit abhihitam ([at] at ang Kapangyarihan naman ni Maya, na ang tawag natin ay ang materyal na mundo); ayam parama-purusah (ang PinakaSupremong Katauhang Ito), vikara sunyah (di-nagbabago), vijayate (walang-hanggang nakaluklok sa Kanyang Kadakilaan). [4] Pagsasalin: Ang Kanyang katauhan ay hindi maaaring ihiwalay sa Kanyang di-mawawaring Banal na Kapangyarihan, anoman ang Kanyang naisin ay Buong Kagiliwang Nagaganap. Lahat ay kanyang pinagagalaw dahil sa Kanyang Banal na Kapangyarihan, na nahahati sa tatlong bahagi: (i) Ang Kapangyarihang nananalantay sa mga di-mabilang na magkakaibang espirituwal na bahagi, na tinatawag nating mga kaluluwa, (ii) Ang Kanyang Personal na Kapangyarihan mismo, at (iii) ang Mapanlinlang na Kapangyarihan [si Maya]. Kahit kumilos pa ang lahat ng ito, nananatili parin Siyang eternal at Personal na nagnining-ning parin bilang Di Nag-iibang pinakaSupremong Katotohanan, di-nagbabagong Pinaka-Supremong Katauhan ng Diyos. [4] sa vai hladinyas ca pranaya-vikrter hladana-rasastatha samvic-chakti-prakatita-rahobhava-rasitah taya sri-sandhinya krta-visada-tad-dhama-nicaye rasambhodhau magno vraja-rasa-vilasi vijayate [5] 37

Pagsusuri: savai (Tunay ngang, ang Pinaka-Supremong Katauhang Ito ), hladana-ratah (ang isipan ay) pranaya-vikrteh (Palaging Umiibig) hladinyas ca (ang Kanyang Kapangyarihang Hladini), tatha (at kung kayat), samvit-sakti-prakatita-rahobhava-rasitah (ang natural na damdamin Niyang Umiibig ay nalantad dahil sa Kanyang Samvit na Kapangyarihan), vraja-rasavilasi (ang tanging Dumadama nang Kasiyahan sa mga Nagaganap na Kasiyahan sa Vraja) krtavisada-tad-dhama-nicaye (doon sa Banal na Lupain ni Sri Hari, na pinamumunuan nang nakikita nating Sri Vrndaban) taya sri-sandhinya (dahil sa bantog na Kapangyarihang Sandhini), [krsnah] (si Krsna), magnah (sumanib) rasambhodau (sa mala-karagatang Ekstasi, sa mala-karagatang Kalugud-lugod na Kasiyahan), vijayate (Kanyang pinamumunuan sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapala). [5] Pagsasalin: Ang Personal na Kapangyarihan ng Supremong Panginoon ay binubuo ng tatlong pangunahing Kapangyarihan: ang Hladini, ang Nakakalugod; ang Samvit, ang Kapangyarihang Nagpapakita ng lahat; at ang Sandhini, ang Nagpapagalaw at bumubuhay sa lahat. Dahil sa taglay Niyang kalugud-lugod na Kapangyarihan, ang Puso ni Sri Krsna ay palaging Umiibig, at dahil sadya talagang Likas na ito sa Kanya, Itoy nalantad, dahil na din sa Kanyang Kapangyarihang Nagpapakita nito. Maging doon sa Kanyang mga Banal na Lupain sa pangunguna ni Sri Vrndabanna nananabik at nangangarap na matikman ang sarap dulot ng Kanyang Pag-aaliw sa Vrajamaging ang lugar na Itoy nalantad din dahil sa taglay na Kapangyarihan ni Sri Krsna at buong kagitingang nangunguna sa pagtampisaw sa eternal na malakaragatang Kasiyahan. [5] sphulinga rddhagner iva cid-anavo jiva-nicaya hareh suryyasyaivaprthag api tu tad-bheda-visayah vase maya yasya prakrti-patir evasvara iha sa ivo mukto pi prakrti-vasa-yogyah svagunatah [6] Pagsusuri: sphulinga iva (katulad ng mga kislap) rddhagneh (mula sa isang naglalagablab na apoy) jiva-nicayah (ang mga walang-katapusang bilang ng jivas o mga kaluluwa), cid anavo (atomo ang kamalayan) suryyasya eva hareh (ng pinaka-araw nang lahat ng kamalayan, si Sri Krsna), aprthag api (bagamat hindi maaaring ihiwalay) tu (ganunpaman) tad bheda-visayah (itoy eternal na hiwalay kay Sri Hari), iha (dito sa mundong ibabaw) yasya vase ([asti] (na ang Kanyang nasasakupan ay) maya (ang Kapangyarihan ni Maya) [parantu yah svayam] (na bagamat Personal Niyang) prakrti-patih isvarah (ang Panginoon ng materyal na Kalikasan); sa jivah (ang jiva na itoy) (bagamat naging Malaya na) prakrti-vasa-yogyah (ay maaaring malupig parin nang Mayika o nang Mapanlinlang na Kapangyarihan) svagunatah (dahil itoy likas na sa kanya). [6] Pagsasalin: Gaya ng mga kislap mula sa isang naglalagablab na apoy, ang mga di-mabilang na kaluluwa, tulad din ng mga kislap na ito, ang kamalayan nilay mala-atomiko ang liit, na nagmumula sa sinag ng orihinal na araw ng kamalayan, kay Sri Hari. Bagamat silay hindi maaaring ihiwalay kay Sri Hari, ang mga di-mabilang na kaluluwang ito ay eternal na kakaiba din sa Kanya. Ang mga kaluluwa ay eternal na kakaiba sa Panginoon: dahil ang Kanyang katauhan, na nasa kakaibang Kalagayan ay Maestro nitong Materyal na Kalikasandahil Siya 38

ang Panginoon; at ang isang nilalang, dahil isa siyang jiva, kahit naging malaya na ay maaaring pumailalim parin sa Mapanlinlang na Kalikasan. [6] svaruparthair hinan nija-sukha-paran Krsna-vimukhan harer maya-dandyan guna-nigada-jalaih kalayati tatha sthulair lingair dvividha-varanaih klesa-nikarair mahakarmmalanair nayati patitan svarga-nirayau [7] Pagsusuri: svaruparthair hinan ( Ang mga nakalimot sa kanilang katutubong kalagayan), krsna-vimukhan (ang mga kontra kay Sri Krsna) jija-sukha-paran (para sa kanilang pansariling kasiyahan), maya-dandyan (ay marapat lamang na parusahan nng Kapangyarihan ni Maya) hareh (ni Sri Hari) [ataeva] (samakatuwid) kalayati ([Maya] silay binibihag ni Maya) gunanigada-jalaih (sa pamamagitan ng mga tanikalang sattva-, raja- at tamo-guna), tatha (at samakatuwid) dvi-vidha-varanaih (sa pamamagitan ng dalawang klaseng takip) sthulair lingaih (ng pino at mga makakapal na katawan), klesa-nikaraih (sa pamamagitan ng maraming pagdurusa), mahakarmmalanaih (sa pamamagitan ng matinding pagkaka-gapos nang karma), nayati patitan (ang mga nagkasala at bumagsak na kaluluwa ay dinadala sa) svarga-nirayau (sa langit at sa impiyerno). [7] Pagsasalin: Ang kaluluwa dahil sa kanyang likas na katayuan, ay talagang matapat na tagapaglingkod ni Krsna. Subalit ang likas na katayuang ito ay kanyang nakaligtaan kung kayat siya ay nagkasala at bumagsak, at, bunsod narin nang kanilang masidhi at makasariling paghahanap ng kaligayahan, sumalungat sila sa gusto ni Sri Krsna. Bilang parusa, sila ay agad na binihag ni Maya, ng isa sa Kapangyarihan ng Panginoon, at ikinadena sa mapanlinlang na liwanag, ibinaba at doon na pinagalaw, dinala sa langit at sa impiyerno, iginapos at binalot sa loob ng makapal at maninipis na katawan, at mula nooy nakadama na ng ibat-ibang karamdaman at pinagdusa dahil sa bumabalot na karma (resulta). [7] yada bhramam bhramam hari-rasa-galad-vaisnavajanam kadacit sampasyams tad-anugamane syad ruci-yutah tada krsnavrttya tyajati sanakair mayika-dasam svarupam vibhrano vimala-rasa-bhogam sa kurute [8] Pagsusuri: yada (Kapag) bhramam bhramam (kung saan-saan napapapunta), kadacit (minsan) sampasyan (nakita) hari-rasa-galad-vaishnava-janam (ang isang Vaishnava na ang puso ay natunaw dahil sa nararamdamang Kasiyahan dulot nang Pag-ibig kay Sri Hari) ruciyutah tad anugamane (nais sundan ang Vaishnavang ito) syat (maaaring maging), tada (at pagkatapos) krsnavrttya (sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-awit at pag-usal nang Banal na Pangalan at mga Kadakilaan ni Krsna) sah (ang jiva na ito) sanakaih (unti-unti) tyajati (nawawala) mayikadasam (ang kanyang mala-ilusyong kalagayan), vibhranah kanyang nakakamit) svarupam (ang sarili nitong kaanyuan), vimala-rasa-bhogam kurute (at masayang nagdiwang sa Nektar nang Banal na Paglilingkod ni Krsna). [8] Pagsaslin: At ang kaluluwang-jiva na ito, matapos magpagala-gala sa lahat ng matataas at mabababang uri ng buhay, at matapos din niyang makamit ang pagpapala at bendisyon nang banal na sulyap ng isang Vaishnavana ang puso ay natunaw na sa Kasiyahang dulot ng Pag39

ibig sa pinaka-Supremong Panginoong Hariito ay maaakit sa ipinapakitang buhay ng isang Vaishnava. Ang isang nagkasalang kaluluwa, sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-awit at pagusal nang Banal na Pangalan at mga Kadakilaan ng Panginong Krsna, ang kanyang buhay sa mapanlinlang na kabuhayan ay unti-unting napapawi. At di-magtatagal ang sarili nitong likas na kaanyuan ay maaaring magtampisaw na sa Kaligayahan dulot ng malinis at dalisay na Paglilingkod kay Sri Krsna. [8] hareh sakteh sarvvam cid-acid-akhilam syat parinatir vivarttam no satyam sruti-mata-viruddham kalimalam harer bhedabhedau sruti-vihita-tattvam suvimalam tatah premnah siddhir bhavati nitaram nitya-visaye [9] Pagsusuri: cid-acid-akhilam sarvam (Ang lahat ng ito, may kamalayan o wala) parinatih syat (ay isang transpormasyon o nagbabago) hareh sakteh (nang Kapangyarihan ni Sri Hari); vivarttam (ang teoryang Mayadevi, ang Vivarttavada) satyam no (ay isang kamalian); [tat] (ang teoryang ito) kalimalam (ay dumi nang Kali-yuga) sruti-mata-viruddham (kontra sa mga Aral ng Vedas); hareh (si Sri Hari) bhedabhedau (Prinsipyong magkakatulad at magkakaiba) suvimalam (ay ang pinaka-perpekto at puro) sruti-vihita-tattvam (ang Prinsipyong kinikilala ng Veda); tatah (magmula sa prinsipyong ito) nitaram (labis-labis o ang pinaka-sukdulan nito) siddhim (ay ang perpeksyon) premnah (nang Pag-ibig) nitya-visaye (sa pinaka-Eternal na Layun) bhavati (humahantong sa). [9] Pagsasalin: Ang buong Sangnilikha, may kamalayan man o wala, ay isang transpormasyon ng Kapangyarihan ni Sri Krsna. Kaya ang teorya ng ilusyon, ang Vivarrtavada, ay maliitoy dumi nang panahon ng Kali, at salungat sa Katalinuhan ng Veda. Ang kinikilalang pinaka-perpekto at dalisay na Prinsipyong kinikilala ng Veda ay ang di-mawawaring prinsipyo ng magkakaiba at pantay-pantay na pagkilala, na kilala sa katawagang Acintya-bhedabheda-tattva. Dahil magmula sa Pinaka-sukdulang rurok ng Pag-aaral, ang perpeksyon ng Pag-iibigan para sa Supremong Katauhan ay maaari nating maunawaan. [9] srutih krsnakhyanam smarana-nati-puja-vidhi-ganas tatha dasyam sakhyam paricaranam apy atmadadanam navangani sraddha-pavita-hrdayah sadhayati va vraje seva-lubdho vimala-rasa-bhavam sa labhate [10] Pagsusuri: srutih (ang pagdinig), krsnakhyam (ang pag-awit nang mga Kadakilaan ni Sri Krsna), smarana-nati-puja-vidhi-ganah (ang paggunita, ang pagdadasal, ang pagsamba, atbp., katulad ng mga ipinag-uutos ng mga Banal na Sulatin), tatha (samakatuwid) dasyam (ang pagpapaka-alipin), sakhyam (ang pakikipag-kaibigan), paricaranam (ang personal na pagaaruga), atma dadanam api (hanggang doon sa pag-aalay nang ating mga sarili); navangani sadhayati va (ang pagsasagawa nang siyam na pangunahing bisig nang Debosyon), sraddhapavita-hrdayah (na may pusong nalinis nang kanyang pananalig) sah (ang kaluluwa) vraje sevalubdhah (minimithing Makapaglingkod sa Vraja) vimala-rasabhavam labhate (natatamo nito ang Banal, Napakasaya at Mapagmahal na damdamin). [10]

40

Pagsasalin: Ang paglinang sa siyam na pangunahing sanga nang Debosyon tulad ng pagdinig, pag-awit, pagbigkas, paggunita, pagdadasal, pagsamba, paglilingkod, pakikipag-kaibigan, at ang pagkalinga ng Lotus na Paanan ng Panginoon at ang pag-aalay ng sariliat sa pamamagitan ng pusong nilinis ng pananalig, ang kaluluwa ay napupuno ng taimtim na paghahangad para sa Banal na Paglilingkod sa Sri Vrndaban at ang nektar ng Puro at Dalisay na Pag-ibig kay Krsna ay kanyang nakakamit na. [10] svarupavasthane madhurya-rasa-bhavodaya iha vraje Radha-krsna-svajana-jana-bhavam vahan paranande pritim jagad-atula-sampat-sukham aho vilasakhye tattve parama-paricaryyam sa labhate [11] Pagsusuri: iha (Habang tayo ay naririto sa mundo), svarupavasthane (at siyay nasa kanyang likas na kaanyuan), madhurya-rasa-bhavodaye (kapag ang Bhava, ang Pagbubukang-liwayway nang Pag-iibigan sa Madhura-rasa ay nagising ), sah (ang jiva na nagsasagawa nang Puro at Dalisay na Debosyunal na Paglilingkod), vraje radha-krsna-svajana-jana-bhavam (ang malalim na paghahangad na makapag-alay nang Banal na Serbisyo sa mga Personal na Kasamahan nina Sri Sri Radha-Krsna doon sa Vrndaban) vahan (at nahawaan) hrdi (ang kaloob-looban nang kanyang puso), pritim (Pag-ibig) paranande (para sa Supremong may Transedental na Kalulugud-lugod na Katotohanan), jagad-atula-sampat-sukham-aho) ang dakilang yaman nang Kasiyahan ayhindi kayang pantayan sa mundo), parama-paricaryyam (ang pinaka-rurok nang Personal na Banal na Paglilingkod) vilasakhye tattve (sa Katotohanang kilala sa katawagang mapaglaro), labhate ([siya, kanya] nakakamit. [11] Pagsasalin: Kapag ang Paglilinang nang Debosyon ng isang kaluluwa [ Saddhana-bhakti]ay ganap ng nahinog at nasa likas at katutubong kalagayan na, ang Pagbubukang-liwayway ng Pagibig sa kanyang puso, ang Banal na Pagiging-Kabiyak ay uusbong sa kanya dahil sa kalinisan ng Mala-Estatikong Kapangyarihan, dahil sa Kanyang Kalugud-lugod na kapangyarihanat magmula sa pinaka loob-loobang bahagi ng kanyang puso [ng Kanyang dedboto] ang isang malalim na paghahangad na sumunod sa yapak ng mga Personal na Alalay nina Sri Sri RadhaKrsna na nasa Vraja ay magigising sa kanya. At ang puso ng kaluluwang itoy unti -unting mabibihag na nang Katauhan ng Banal na Ekstasi, at ang Pinaka-Sukdulang Kaligayahan, na kailanmay hindi kayang pantayan sa buong mundoang pinaka-rurok ng Personal na Paglilingkod, sa Isang kilala nating Mapaglarong Marikit na Kalubusan, ay kanya ng mararamdaman. Para sa mga jiva, ito na ang pinakamataas sa kanila. [11] prabhu kah ko jivah katham idam acid-visvam iti va vicaryyaitan athan hari-bhajana-krc-chastra-caturah abhedamsam dharmman sakalam aparadham pariharan harer namandam pibati hari-daso harijanaih [12] Pagsusuri: prabhuh kah (Sino ba ang ating Panginoon)? jivah kah (sino ba ang jiva)? katham va (at ano ang) idam acid-visvam (materyal na mundong ito)? vicaryya (kung ating ituturing) etan arthan (ang lahat ng ito) hari-bhajana-krt (ang walang-humpay na paghahangad na makapagsilbi 41

kay Sri Hari) sastra-caturah (may malawak na kaalaman sa Banal na Kasulatan) hari-dasah (ang tagapaglingkod ni Sri Hari, na nasa kanyang katutubo at likas na kaanyuan) pariharan (itinatakwil o tinatalikuran na) abhedamsam (ang kagustuhang maging isa o sumanib sa Kalubusan), dharmman (ang lahat nang pagiging relihiyoso at hindi pagiging relihiyoso, lahat ng gawain at lahat nang mga walang-gawa) sakalam aparadham (at ang lahat ng klase nang pagkakasala), pibati (iniinum) hari-janaih (kasama nang mga dalisay at purong deboto) namandam (ang nararamdamang Kaligayahan sa Sri Harinama, sa Banal na Pangalan ng Panginoon). [12] Pagsasalin: Sino ba si Krsna? At sino ba ako? Sinong kaluluwa ba ako? At ano naman ang mundong may kamalayan at walang kamalayan? Habang ang mga bagay na itoy ating pinag-iisipan, may mga taong puspos talaga sa Paglilingkod sa Panginoong Hari, at may malawak na kaalaman tungkol sa sinasabi ng mga Banal na Kasulatan, ay ayaw nilang isanib at lusawin ang kanilang katauhan sa Kalubusan, tapos na sila sa mga ipinagbabawal at ipinagagawa ng mundo, at wala narin silang kahit anumang pagkakasalaat dahil sa pagiging Tagapaglingkod nila kay Hari, ang Nektar ng Banal na Pangalan sa piling ng mga Banal ay kanilang natitikman. [12] samsevya dasa-mulam vai hitva vidyamayam janah bhava-pustim tatha tustim labhate saddhu-sangatah [13] Pagsusuri: samsevya (Ang pagsunod) dasa-mulam (sa sampung pangunahing Prinsipyong ito), vai (ay tunay ngang), janah (ang jiva), hitva (sinisira) avidyamayam (ang karamdamang dulot nang pagiging ignorante, pagiging mang-mang), labhate (kanyang nakakamit) bhava-pustim (ang kasiyahan nang kanyang debosyunal na puso) tatha pustim (at nagbibigay nang kasiyahan) saddhu-sangatah (mula sa kanyang pakikisalamuha sa mga tunay na deboto). [13] Pagsasalin: Kapag ang Sampung Pangunahing-Ugat na ito ng Prinsipyo ay lubusang niyakap na ng isang kaluluwa, ibig sabihin, agad na nitong ginawaran ng kamatayan ang kanyang kamangmangan; at ang debosyunal na puso nitoy nagiging masaya at masigla na dahil kapiling na niya ang mga banal na deboto.

42

Akoy isang ibon sa langit nakatingin Habang tumataghoy patuloy na nananalangin Kahit isang patak man lang kaibigan, Maaari bang aking hingin? Tubig na aking nakikita sa ibaba di ko kayang masikmura, Matamis mong nektar maaari ba sa akin ipagkatiwala? Matagal akong naghintay sa gitna ng mainit na arawan, Kailanmay habang umaawit hindi ko alintanang madarang. Umihip man ang malakas na hangin at lumamig maghapon, Patuloy parin akong mananalangin nektar moy baka dumaloy. Sangang aking hinahapon mamulaklak man at magkadahon, Punung-puno nang kasiyahan Ganito parin ang aking aawitin: Tubig mong kay tamis-tamis Isang patak moy labis. Ngayong nasa lupa na mga dahong nasa sanga; Hamak na awitin batid kong nadinig mo na.

Kay ganda mong pagmasdan maitim na kaulapan, Kailanmay walang kaparis taglay mong kagandahan. 43

Ikay isinilang aking mahal upang magbigay ng buhay, Ambon ng pagpapala mo Magdudugtong ng aking buhay. Kumidlat man at kumulog sa akin nais ipagkaloob patuloy mong madidinig ang nakikiusap na himig. Magunaw man ang buong mundo bahain mo man ito; ikaw parin walang iba tanging magiging kanlungan ko. Akoy isang munting ibon sa sanga lang nakatuntong di tulad mong napaka-dakila tinitingala dahil sa pagpapala. Akoy isang ibon sa langit nakatingin Habang tumataghoy patuloy na nananalangin Kahit isang patak man lang kaibigan, Maaari bang aking hingin? --Tridandi Bhikshu Sripad Bhakti Ananda Sagar Maharaj

44

You might also like