You are on page 1of 4

Nirmal Bhakti Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon

r Chaitanya Sraswat Mah Philippines


r Nma Htta Center
U.P. Campus, Diliman, Quezon City
(+63)09498332414

Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala


Om Visnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj
Sa harap nang mga nagtitipun-tipong deboto noong ika 28 ng Buwan ng Hulyo,
taong 2011.

Ikaapat na Bahagi
Dapat tayong lahat ay magkaisa na, kailangang
magsama-sama upang mapangalagaan natin ang Misyon ng
ating Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang Misyon ng
atingsamahan ay Krsna-anusilana Sangha, itoy isang
pandaigdigang samahan (sangha), subalit ilang tao ang gusto
itong gibain, at gustong mangisda pa dito. Kaya dapat,
maslalo kayong mag-ingat, dahil tiyak na gagamitin lamang
nila kayo.

Narinig ko sa iba, gusto daw nila ang samahang tinatag ni Srila Sridhar
Maharaj, kaya lamang pagdating kay Gurudev, kay Srila Bhakti Sundar
Govinda Maharaj, ayaw nila. Kung ganoon naman pala at ayaw nila kay Srila
Gurudev, bakit pa ako makikisama sa kanila? Dapat alam ninyo ang mga bagay
na ito. Marami ang magtatangka upang gamitin kayo, gagawin lamang nila
kayong tuntungan upang makasilo ng iba. Kaya madalas sabihin noon ni
Gurudev, Marami ang kunwari ay gustong manirahan sa ating templo,
kunwari ay gustong sumilong at makisama, subalit ang hindi ninyo alam,
Nakituloy na, tapos nang hatak pa 1
Nirmal Bhakti Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon

pagtagal-tagal ay sisiluhin lamang pala nila kayo, isa-isa nila kayong


bibingwitin. Alam ba ninyo kung bakit? Itoy hindi upang tulungan tayo, kundi
para sa kanilang kapakanan lamang, ang gusto nilay mansilo nang mansilo, at
tapos gagamitin na kayo!

Naalala ko noon, may lumapit kay Gurudev (huwag na nating banggitin ang
kanyang pangalan). May sinabi siya kay Gurudev na labis nitong ikinagalit,
Ayokong pupunta ka dito tapos ginagamit mo akoako ang gagamit sa iyo!
May isa pang insidente, naikwento sa akin ni Gurudev, isang deboto mula sa
Iskcon na taga ibang bansa ang nagpunta dito. Lumapit kay Gurudev at
nakiusap dahil gusto niyang mag-sannyas kay Srila Sridhar Maharaj. Dinala
siya ni Gurudev kay Srila Sridhar Maharaj, at sa harapan ni Srila Sridhar
Maharaj naglabas ito nang makapal na bungkos ng pera. Tinanong siya ni Srila
Sridhar Maharaj, Anong ibig sabihin nito? Bakit, binibenta ba namin ang
sannyas?...

Minsan naman, sabi ni Gurudev may ilang deboto mula sa ibang bansa ang
nagbigay ng kanyang donasyon kay Srila Sridhar Maharaj. Sabi sa kanya ni
Srila Sridhar Maharaj, Salamat, pakiabot na lang kay Govinda Maharaj. Si
Srila Sridhar Maharaj na mismo ang kumuha ng pera at iniabot kay Srila
Govinda Maharaj. At habang inaabot ni Srila Sridhar Maharaj ang pera kay
Gurudev, parang nasuya ang taong ito na nagbigay ng donasyon, sabi niya,
Maharaj, paryan a po sa iyo

At pagkatapos, nagbilin ang debotong ito kay Srila Sridhar Maharaj, Guru
Maharaj, ang pera pong ito ay para sa ganito, sa ganyan. Namula si Srila
Sridhar Maharaj at biglang nagalit, Eto, kunin mo na ang pera mo, akala ko ba
itoy pranami mo, e bakit masmarunong ka pa sa akin kung saan ko ito gustong
gastusin.

At maging noong nandito pa si Gurudev, isang debotong Indian ang nag-


abot ng kanyang donasyon kay Gurudev, isang tseke para sa dalawamput-anim
na lakhs na Rupees, (mga 2.6 milyong Rupees). Kaya lamang sa bandang
likuran ng tseke may nakasulat na kundisyon, kung saan at papaano ito dapat
gastusin. Nooy nagpunta kami sa bangko kasama ang taong ito at si Gurudev
upang kunin ang pera. Noong hiningi sa amin ang tseke, at ibibigay na ni
Gurudev, napansin niyang may nakasulat sa likod, at itoy kanyang binasa,
pagkabasa agad niyang pinunit. Biruin mo, dalawang milyun at animnaraang
Rupees, ginanun lang nya. At ang halaga ng perang kukubrahin sana namiy

Nakituloy na, tapos nang hatak pa 2


Nirmal Bhakti Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon

hindi maliit na halaga! Matapos ang insidenteng iyon, hindi na muling


nagpakita sa amin ang naturang tao.

Tandaan ninyo, hindi dahil may pera kayo, kaya na ninyong bilhin ang
debosyon. Hindi po. Nagkakamali po kayo.

Hindi ko napansin matagal na pala akong nagsasalita, naway tanggapin


nang lahat ng deboto ang aking ganap na dandavat at kung may nagawa man
akong kasalanan sa inyo, sana po mapatawad ninyo.

Hanggat kaya ko, lahat ng debotong pumapailalim sa Guru ko, pagsisilbihan


ko. Alam ninyo, ito lamang ang masasabi ko, ang sinumang sumusunod sa mga
tagubilin at aral ng aking Guru, ay pagsisilbihan ko. Ito ang aking dharma, ang
aking relihiyon. Ito ang ipinapangako ko, at ito din ang kundisyon ko, at
nararamdaman ko. Kahit na sino pa sila, lahat ng naglilingkod sa Guru ko,
pagsisilbihan ko. Wala akong pakialam kung sila man ay matagal na o
baguhang deboto, kahit na silay disipulo ko. Alam ninyo, sa totoo lang, hindi
ganito ang nasa isip ko, Ang taong ito ay disipulo ko.Hindi po. Iba ang nasa
isip ko, lahat sila iniisip kong mga disipulo ni Gurudev, walang problema sa
akin kung sila man ay pagsilbihan ko. Kaya lahat ng nagmamahal at
naglilingkod sa Guru ko, kahit na sino pa sila, nais kong maging tagapaglingkod
nila.

Ito ang huling mensahe ko sa inyo. Magsama-sama kayo at maging maingat


sa lahat ng bagay. Ngayon ang misyon natin ay pumapailalim sa isang
matinding pagsubok, ilang tao ang gustong sumira nito, kung saan-saan at kani-
kaninong grupo sila nagpupunta, nakikihalubilo at sumasama sa ibang
sampradaya na mahilig pumuna at mamintas kay Srila Sridhar Maharaj. Biruin
mo sila pa ang may ganang mamintas at tumuligsa kay Srila Sridhar Maharaj!
Sila ang mga taong bagamat nandito at nakasilong sa atin ay gustong sirain ang
ating templo, wala silang pagmamahal sa atin, ang pagmamahal nilay nandun
sa ibang misyon, sa misyon nang mga mahilig mamintas at mamuna kay Srila
Sridhar Maharaj at kay Gurudev. Sila ang mga taong kunwari ay nandito sa
atin subalit nakikihalubilo sa mga taong ayaw kay Srila Sridhar Maharaj at kay
Gurudev. Ganito ba ang gusto ninyong espirituwal na buhay? Ito ba ang inyong
paramarthik, ang inyong natutunan pagdating sa kamulatan ng tungkol sa
espirituwal na buhay? Ganito ba ang inyong kamulatan sa kamalayan kay
Krsna?

Nakituloy na, tapos nang hatak pa 3


Nirmal Bhakti Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon

Halimbawa, nalaman ninyong ang taong itoy ayaw sa Guru mo, patuloy ka
pa rin bang makikihalubilo sa kanya? Ganitong klase ba ang inyong relihiyon?
Ito ba ang natutunan ninyo kapag pumupunta kayo sa ating templo? Siguro
namay hindi. Kaya nga madalas sabihin ni Gurudev ang salitang dapat ako
lamang ang mahal ninyo at ang maging tapat at huwag maging salawahan.
Alam ninyo, ang mga bagay na itoy napakahalaga sa ating buhay, kaya lamang,
pambihirang deboto lamang ang may ganitong katangian.

Dapat itoy palagi ninyong tinatandaan. Hanggang dito na lamang po ako.

Jay Srila Guru Maharaj, ki jay!


Jay Om Visnupad Jagad Guru Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami
Maharaj, ki jay!

Mabuhay ang lahat ng mga debotong taga Kanluran at Silangan, ki jay!


Mabuhay ang lahat ng deboto sa buong mundo, ki jay!
Jay samagata Gaura bhakti vrnda ki jay!
Mabuhay ang lahat ng sannyasi vrnda sa buong mundo, ki jay!
Nitai Gaura premanande, Hari Hari bol!

Nakituloy na, tapos nang hatak pa 4

You might also like