You are on page 1of 4

Sri Gaura Vani

A Page of Instructions from Sri Guru and Sri Gauranga

December 9, 2016

r Chaitanya Sraswat Mah Philippines


U.P. Campus Diliman, QuezonCity
Mga Turong-aral mula kay Sri Guru at Sri Gauranga

Inilabas sa Sri Gaudiya Darshan noong ika-4 ng Nubyembre, 2011.

Ang siping ito ay pagpapatuloy nang mga inilabas nating serye tungkol sa Saranagati,
at amin namang inilabas mula sa talakayan na may pamagat na Amnaya Tattva. Sa
talakayang ito, malinaw na ipinaliwanag ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami
Maharaj kung papaano umuusbong sa loob ng puso natin ang saranagati, ang ganap na
pagsuko at pagpapailalim sa Panginoon.

Hindi madali ang magkaroon kaagad nang 100% paniniwala sa Panginoong


Ka. Naririto tayo sa materyal na mundong ito at sa araw-araw at sa tuwituwina puro materyal na bagay ang ating nakakasama, na ang ibig sabihin, ang
paniniwala at isipan natin ay nasa ilalim nang impluwensya nitong materyal na
mundo.
praktibhya para yach cha tad achintyasya lakaam
(Mahabharata: Bhishma-parva, 5.22)

Si Ka ay achintya, at hindi kayang arukin


nang ating isipan. Kung hindi Siya abot nang
ating isipan papaano natin Siya paniniwalaan
at papaano natin gagawin ang banal na gawain
ng paglilingkod sa Kanya?
Ang totoo, ang pagpapala ni Ka ay
walang-tigil na dumadaloy sa materyal na
mundo at ang lahat ng maagusan nang
Kanyang mapagpalang agos, ang mga kaluluwang ito na pumailalim sa materyal
na kundisyon ay tiyak na madadampian ng nitya-sukrtti, silang lahat ay
magkakaroon nang mabuting kapalaran, gaganda ang kanilang espirituwal na
buhay, hanggang sa magkakaroon sila ng pananalig kay Ka.
Madalas ang ginagawa nang mga taong may mabubuting kalooban ay
nagpapakain ng tao, silay nagkakawang-gawa, walang-alinlangang ang ganitong
klaseng gawain ay nagdudulot din ng mabuting kapalaran subalit itoy anityasukrtti, panandalian lamang. Subalit kapag itoy nitya-sukrtti, ang kapalaran nilay
nagiging walang-hangganan, at itoy natatamo lamang kapag ang ginagawa nila
ay nakaugnay sa Panginoon. Kung ganoon ibig sabihin, kung nais nating matamo
ang nitya-sukrtti dapat naglilingkod tayo sa mga deboto nang Panginoon, o kaya
sa Kanyang templo, o sa kahit anopamang bagay na may kuneksyon sa Kanya.
Kapag ang isang kaluluwa na napaloob sa materyal na kundisyon ay
pinagpala, itoy pinagkakalooban nang pagkakataon upang makapaglingkod sa
Panginoon, at habang siyay naglilingkod, parami din nang parami ang nakukuha
niyang nitya-sukrtti, ng mabuting kapalaran, upang muli na naman siyang
makapaglingkod sa Panginoon. At dahil sa pagpapala, habag at awa nang
Panginoon, umuusbong sa loob ng puso nito ang sraddha, ang pananalig.
At kapag ang nitya-sukritti na nasa loob ng puso nang isang kaluluwang
nalagay sa materyal na kundisyon ay naging sraddha na, ito ay nakikihalubilo na
sa mga sadhus. Ibig sabihin, bago natin sila makasama, dapat meron na tayong
sraddha. Dahil ang sraddha ay nakukuha sa pamamagitan ng nitya-sukrtti. Habang
tumatagal ang maliit na pananalig ay nagiging malago, tumitibay at nagiging
2

matatag, at habang ikay patuloy na nakikisama at pakikihalubilo sa mga sadhus


itoy maslalu pang nagiging matibay.
Sa sandaling pumailalim ang isang kaluluwa na nalagay sa materyal na
kundisyon sa pangangalaga at gabay nang isang sadhu, ang espirituwal na buhay
nito ay nagiging matatag at kahit ilang ulit pa itong atakihin at linlangin ng
ilusyon, itoy hindi tatablan. Subalit hindi dahil sinabi nating sadhu dapat ito ay
nakasuot ng kulay kahel na kasuotan na kalimitang damit nang mga sannyasis.
Hindi po. Dahil ang sadhu ay maaaring isang grhastha, isang brahmachari o kaya
vanaprasthi. Sa madaling-salita, lahat ng tapat na deboto nang Panginoong Ka
ay dapat nating kilalanin bilang sadhu.
ka-bhaktanikma, ataeva nta
bhukti-mukti-siddhi-kmsakali anta
(Sri Chaitanya-charitamrita: Madhya-lila, 19.149)
Ang sinumang nagsisilbi kina Radha-Govinda ng dalawamput-apat na oras
bawat araw nang walang pansariling interes, sa ilalim ng pangangalaga at gabay
nang kanyang guru ay tunay na deboto at tunay na sadhu. Sila ang dapat nating
nakakasama dahil ang makahalubilo sila ay tiyak na magdudulot nang kabutihan
sa ating espirituwal na buhay. Sila ang totoong sadhu, dahil beinte-kwatro oras
silang araw-araw na naglilingkod kina Radha-Govinda at kapag sila ang
nakasama nang mga kaluluwang nalagay sa materyal na kundisyon, tiyak na higit
na magiging malago at madaragdagan ang kanilang pananalig at kaloobang
maglingkod sa Panginoon at ito ang naging payo sa atin ni Sri Chaitanya
Mahaprabhu at ng Srimad Bhagavatam at maging nang lahat ng banal na aklat.
sajtay bhakty (Srimad Bhagavatam: 11.3.31). Ang debosyon ay nagigising sa
pamamagitan nang Debosyon.
Pagdating sa debosyunal na buhay, lalu na kung itoy katangi-tangi at
eksklusibo, mahalaga ang pagpapala, habag at awa nang isang sadhu, na totoo
talagang nagsasagawa nang debosyunal na gawain, dahil sa ipinakita nilang
halimbawa, ang mga kaluluwang nalagay sa materyal na kundisyon ay kanilang
napapaniwala, naaakit at nahahatak upang magsilbi sa kanilang Panginoon.

At habang ang mga kaluluwang ito na nalagay sa materyal na kundisyon ay


patuloy na nasa ilalim nang pangangalaga at gabay ng totoong sadhu, dumarami
din ang nakokolekta nilang nitya-sukrtti, habang ang mga nakolekta nilang
debosyunal na kayamanan ay nakaimbak sa kanilang puso, na ang ibig sabihin,
habang tumatagal at patuloy parin silang nakikisama at nasa ilalim nang
pangangalaga at gabay ng sadhu, patindi din nang patindi ang pagnanasa nilang
mapakapaglingkod sa Panginoon, hanggang sa tuluyan ng maging mayabong at
namumukadkad ang kanilang espirituwal na buhay.
Kaya lahat ng nagsasabing, Para sa akin, sa lahat, tanging si Ka lamang
ang pinakamataas. Siya ang aking buhay at kaluluwa at mithiin ko sa aking buhay
ang makapaglingkod sa Kanya, kung ganoon, ang debotong ito ay isang
saranagata, isang kaluluwa na ang buhay ay lubusan na talagang iniukol para sa
Panginoong Ka. Sa totoo lang, ito talaga ang natural na kalagayan at relihiyon
nang lahat ng kaluluwang-jiva, kaya lamang, para sa mga kaluluwang nalagay sa
materyal na kundisyon, ang hirap nitong sundin at gawin.
Lahat ng kaluluwang nalagay sa materyal na kundisyon, magmula nang
mapunta sa ilusyon ni Maya, ay dumanas na nang labis-labis na paghihirap.
Katakut-takot na karma ang kanilang naranasan, labis-labis na kalungkutan, gulo
at kasawian.
Mabuti na lang pumunta dito si Sri Chaitanya Mahaprabhu at tayo ay
Kanyang tinuruan, ayon sa Kanya, sa sandaling ang kaluluwang nalagay sa
materyal na kalagayan ay namulat sa kamalayan kay Ka, naniwala, nanalig at
nagtiwala at buong katapatang inilaan ang kanilang mga sarili sa mundo ng
transedental na gawain, sa paglilingkod kay Ka, ang ilusyong ito na patuloy na
bumabalot sa atin ay madaling mawawala at itoy tiyak nating malalampasan. At
ang tanging pamamaraan lamang ay sa pamamagitan ng saranagati, nang ganap
na pagsuko at pagpapailalim sa Panginoon.

You might also like