Professional Documents
Culture Documents
Maryada-langhana,
Prabhu
sahite
na
pare.
Ang
pambabastos
at
paglapastangan
sa
mga
matagal
at
naunang
Vaishnavas
ay
hindi
kinukunsinti
at
pinagwawalang-bahala
ni
Mahaprabhu.
Page 1
inutusan, nagalit ito at siyay pinagsabihan, Hindi mo ba alam Guru Ko si Sanatan. Bakit
ganyan ka, matagal nang naninilbihan si Sanatan, at hamak na nauna pa sa iyo, kaya
hindi tamang siyay iyong inuutusan o tinuturuan.
Labis-labis itong pinagalitan ni Mahaprabhu, subalit nakadama ng lungkot si Sanatan
Goswami hindi dahil napagalitan si Jagadananda kundi, para sa kanya, itoy isang uri ng
pagmamahal ni Mahaprabhu kay Jagadananda Pandit, Prabhu, bakit po ganun,
napansin kong higit ang ipinakita mong pagmamahal kay Jagadananda, kaysa sa akin.
Subalit ngayon, sa panahong ito ng Kali, di-tulad noon, iba na ang takbo ng isip ng mga
tao. Ngayon, kapag pinagalitan mo lang ang isang brahmachari, ganito agad ang nasa
isip nito, Ayoko na sa iyo. Ayoko na sa Guru ko. Bakit ako magtatyaga sa iyo, e marami
namang ibang Guru, doon na lang ako. Subalit kakaiba ang ipinakita ni Sanatan
Goswami, dahil noong pinagalitan ni Mahaprabhu si Jagadananda Pandit, nagreklamo
ito, bakit ganoon, siya lang ang pinagsasabihann mo. Dapat, ako din.
Marahil ay narinig na ninyo ang tungkol kay Srikantha, ang lalaking pamangkin ni
Sivananda Sen.
Isang araw, habang naglalakad sina Nityananda Prabhu kasama ang mga deboto
papunta ng Puri, isang aso ang sunud ng sunod sa kanila. At noong silay kailangan nang
sumakay ng bangka upang tumawid ng ilog, ayaw itong pasakayin ng bangkero, (dahil
ayon sa kanya, malas daw ito, kapag nagsakay sila ng aso). Subalit pinakiusapan ni
Sivananda Sen ang bangkero, Isakay na lang po natin iyang aso, ako na lang po ang
magbabayad, kahit sampung patong pa ang singil ninyo, pumayag ang bangkero at
isinakay ang asonasaan na ang sinasabi niyang malas matapos siyang bayaran hindi
bat parang bigla itong nawala? At noong silang lahat ay bumaba na, agad na itong
nagtatakbo at nauna pa sa kanilang makarating sa Gambhira at nauna pang humarap kay
Mahaprabhu. Alam ba ninyo, kung ano ibig sabihin nito? Ibig sabihin, walang sinuman sa
ating ang nakakaalam kung sino ang Vaishnava? Isipin ninyo nauna pang nakarating ang
asong ito kaysa kanila kay Mahaprabhu. Hinanap ni Sivananda Sen yung aso, Nasaan
na kaya yung aso, saan na kaya ito? At noong itoy hindi na niya makita, nalungkot ito
at di-na kumain noong araw na iyon. Hindi ako kakain sa araw na ito, kaya huwag
narin kayong kumain hanggang sa gabing ito.
Magmula nooy hindi na nawala sa kanyang isipan ang tungkol sa aso, subalit ang laki
ng gulat nila, dahil noong makarating sila kina Mahaprabhu nakita nilang pinapakain ito
ng buko ni Mahaprabhu.
Bago dito, noong bumababa na sila sa bangka, may taong nakaabang sa daungan at
isa-isa silang sinisingil. Nooy nasa unahan ng pila si Nityananda Prabhu at si Sivananda
Sen naman ang nasa bandang hulihan, dahil siya ang nagbibilang kung ilan lahat ang
kasamang deboto. Unang tinanong ng kolektor si Nityananda Prabhu, dahil siya ang nasa
unahan ng pila, subalit ang sagot niya, nasa bandang hulihan po ang magbabayad sa
amin. Ganun din ang sinabi ng mga sumunod sa kanya, yung nasa likuran po ang
Sri Gaudiya Darshan Philippines
Page 2
Page 3
Subalit para sa mga taong may mataas at malinis na debosyon sa Panginoon, sa mga
taong may malalalalim na pananaw tungkol sa debosyunal na damdamin, alam nila kung
bakit sinipa ni Nityananda Prabhu si Sivananda Sen. At para sa kanila, napakahalaga ng
bagay na ito. Kaya kung nauunawaan mo kung ano ang bagay na ito, ibig sabihin, alam
mo din kung gaano kabait at mahabagin si Nityananda Prabhu.
Hindi bat nooy pinuri ni Mahaprabhu si Nityananda Prabhu, at sa kanyay nagbilin,
Kung ano man ang gusto mong gawin, ay maaari mong gawin, kahit sabunutan mo pa
sa buhok ang isang lasing, babae man ito o lalake, muslim man ito o hindikahit sa
buhok mo pa siya hawakan, at kaladkarin, wala kang pagkakasala. At ang sabi pa Niya,
lahat ng makakakita sa ginawa mo, kahit na itoy si Panginoong Brahma pa, ay dapat
yumuko at magbigay-galang sa iyo.
Hindi bat ayon sa banal na kasulatan, kahit na ikay nagkasala pa, hindi hinihingi ni
Krsna ang inyong prayaschitta, ang inyong pagsisisihindi na natin kailangang gawin ang
anumang prayaschitta. Hindi bat si Bhagavan pa mismo, ang Panginoon pa mismo, ang
nagsabing Siya na ang bahala sa taong ito, Siya na mismo ang magliligtas sa Kanyang mga
tagapaglingkod. Dahil sa pamamagitan ng pag-awit ng Banal na Pangalan, paglilingkod
sa Kanya, at ganap na pagpapailalim at pagsuko sa Kanya, lahat ng ito, lahat ng
kasalanan ng taong ito, ng Kanyang tagapaglingkod, ay mawawalang lahat. Basta ang
mahalaga, itoy ating ginagawa na. Basta dapat ang mga nabanggit ay ating sinusunod.
Praktis, pagiging matatag sa ating pananalig, at ganap na pagsuko (sad-anga saranagati,
ang anim na panuntunan, kung papaano sumuko)ito ang dapat nating gawin:
sad-anga saranagati haibe yahara
tahara prarthana sune sri-nanda-kumara
Sa pamamagitan nitong anim na panuntunan,
Napapakinggan ni Sri Krsna ang mga panalangin
Ng mga taong nais sumuko sa Kanya.
Hindi bat napakaganda nang paliwanag ng talatang ito.
Page 4
Mayroon bang
Katuturan
ang mga
Pinaggagawa
Natin?
Sa maikling sanaysay na ito, ipinaliwanag ni Srila
Bhakti Sundar Govinda De-Goswami Maharaj ang kahalagahan ng pagkakaroon natin nang mga
katangian tulad ng pagpapakumbaba, pagtitimpi at pagiging magalang.
Page 5
Page 6
mababa, walang baguhan at walang matagal na! Kundi, dito, ang tinitignan dito ay
kung ano ang nakapaloob na damdamin kapag nagseserbisyo tayo.
Kaya para sa mga masmatatagal at naunang deboto, dapat ganito na ang lagay ng
kanilang pag-iisip, dapat ganito na ang takbo ng kanilang pag-isip, Papaano ko kaya
mapapabuti ang aking espirituwal na buhay? Dapat tumataas na tayo . Oo ngat,
walang-dudang lahat tayoy nagsisilbi; subalit hanggat hindi tayo nagbabago, ang
bawat araw na dumaraan sa buhay natin ay nasasayang lamang at ang masama pa,
maging ang damdamin natin sa debosyon ay unti-unting nawawala narin.
Oo ngat nakatulong din ang mga naging karanasan natin, kaya lamang hanggat
nakaharang ang ego natin, mahuhulog parin tayo sa ating kinalalagyan. Walangdudang ang mga nauna at matagal nang deboto ay dumaan na rin sa maraming
pagsubok; mayroon na silang adhikar: kung kayat nakamit na nila ang ganoong
kalagayan at katangian. Subalit dapat, itoy nagagamit sa tama dapat silay
mapagkumbaba at mapagtimpi din. Hanggang ang lahat, sa bandang-huli ay maging
perpekto na. At huwag nating kalilimutan, tayong lahat ay nasa marumi pang
kalagayan.
Ang mga baguhang deboto ay wala pang masyadong karanasan. Ibig sabihin,
kulang pa sila sa kalinga at pagmamahal; at silay wala pang masyadong muwang at
salat pa sa kaalaman. At dapat, palagi natin itong tatandaan. Kaya dapat ang trato natin
sa kanilay parang mga anak na natin, o kaya mga nakakabatang kapatid natin. At nang
sa ganoon, ang Misyon natin ay maging masaya na.
Kaya dapat sundin natin ang mga teoryang napag-aralan natin, sundin din natin
ang mga ipinag-uutos na panuntunan at kautusan ni Mahaprabhu, dahil sa labis na
pagkahabag at awa sa atin, ito ang ibinigay Niya sa atin, at dapat nating sundin. Kung
ganoon, ano ang dapat gawin ng mga deboto upang magkaroon sila ng ganitong
klaseng katangian, papaano ang tamang pagdadasal nang Hare Krsna?
trnad api sunichena taror iva sahisnuna
amanina manadena kirtaniyah sada harih
(ri Chaitanya-charitamrta: Adi-lila, 17.31)
[Kung nais mong tuluy-tuloy na nadadasal at nabibigkas ang Pangalan ng Panginoon,
dapat higit na mapagkumbaba ka pa sa isang damo, mapagtiis at mapagtimpi tulad ng
isang puno, marunong gumalang kahit kanino, at kahit hindi pa galangin ng iba.]
Page 7
Sa totoo lang, kumpleto ang nararamdaman kong kasiyahan kapag kapiling ko ang
mga deboto. Kaya lamang, tuwing makakarinig ako nang masamang balita,
nalulungkot ako. Kaya ang panalangin ko sa inyong lahat: sana sundin ninyong lahat,
sa tamang pamamaraan, ang mga ipinag-uutos ni Mahaprabhu at pagkatapos damhin
ninyo ang kasiyahan sa pag-awit ng Hare Krsna.
Jay Om Viupd rla Bhakti Rakak rdhar Dev-Goswm Mahrj ki jay!
Hari-nm-sakrtan ki jay!
Page 8
At sa kabuuan, atma-nivedanam, ang ganap na pagsuko ng mga sarili natin, ang siyang
pinakabasehan nang lahat ng ito. At pagkatapos ng atma-nivedanam, doon na natin masasabing
talagang nagbago na ang larangan ng ating buhay. Kapag sumuko na tayo sa Sentro, ang lahat ng
ginagawa natin ay isa nang debosyon. Ito ang debosyon. Ang atma-nivedanam, ang di-natin pagiging
makasarili, ay nadadagdagan na nang pag-aalay ng ating sarili. Ang pag-aalay ng sarili ay sinasabing
isang gawain na di-makasarili. Lahat ng makasariling gawain ay mahihinto na at ang pagiging dimakasarili ay nalalampasan na din, at pagkatapos, doon na nagsisimula ang buhay ng pag-aalay
ng
1
sariliat ito ang tamang debosyon.
Sa buhay ng isang deboto ay walang pansarili o makitid na interes. Itoy kumikilos lamang tanging
para sa pangsandaigdigang interes ng Di Mapag-aalinlanganang Kalubusan. Ang mga deboto ang
sundalo sa kapatagang iyon. Lahat ng kanilang gagawin, anuman ito, ang kanilang isipan at
inspirasyon ay nagmumula sa pinakasentro, doon sa Mabuting Kalubusan. Bagamat kung ating
titignan silay naririto sa kapatagang ito ng mayroong pag-aaway-away, subalit doon sa loob ng
kanilang mga puso ang kuneksyon nilay nasa Mabuting Kalubusan; samakatuwid ganap na talagang
nag-iba na ang kanilang kulay. Ganap nang nagbago ang mga pagkilos ng mga deboto bagamat kung
ating titignan ang ginagawa nilay katulad din nang ginagawa ng mga taong makamundo. Ang mga
makamundong tao ay kumakain, at gayun din ang mga deboto, silay kumakain, subalit ang totooy
hindi sila kumakain: silay naglilingkod sa mga tirang pagkaing ipinadala ng Panginoon. Ganito ang
takbo ng kanilang buhay.
tvayopabhukta-srag-gandha-, vaso lankara-carccitah
uccista-bhojino dasas, tava mayam jayema hi
Sabi ni Uddhava sa Srimad-Bhagavatam, Isang bagay lamang ang aming gagamitin sa paglupig sa
mapanlinlang na enerhiya (ni Maya). Ano? Lahat nang itoy aming tatanggapin upang magamit aming
paglilingkod. Dahil lahat ng ibibigay Mo sa amin, O Panginoon, ay Inyo nang natikman at
nagustuhan, at ang mga tirang itoy amin namang paglilingkuran upang tuluyan ng masira ang
mapalinlang na kapangyarihan.
Isa noong magaling na propesor na Kapatid ko din sa Pananampalataya ang hinamon noon ng isa
niyang nakakabatang kapatid na siguroy nakapagtapos din ng pag-aaral, Ano ba ang kaibahan sa mga
ginagawa ninyo sa loob ng inyong Math? Dahil pareho lang naman ito sa ginagawa natin dito.
Sumagot ang propesor na ito, Aba hindi, hindi, magkaiba ang ginagawa ninyo sa ginagawa namin
sa Math.
Ang ibig mong sabihin hindi kayo kumakain?
Hindi, hindi kami kumakain.
Kung ganoon, ano ang ginagawa ninyo? Kitang-kita kasi mismo ng mga mata ko na kumakain
kayo.
2
Aba hindi, hindi kami kumakain. Pag kumakain kami, iba ang ginagawa namin sa ginagawa
ninyo: kayo kapag kumakain mga solidong bagay ang inilalagay ninyo sa inyong sikmura,
Sri Gaudiya Darshan Philippines
Page 9
samantalang kami iba. Naglilingkod kami sa Maha-prasadam. Ang ginagawa namin ay hindi abot ng
inyong isipan. Iba ang ginagawa namin. Wala sa aming isipan na kami ay kumakain. Wala kaming
pansariling-hangarin kapag kumakain, ang ginagawa namiy pawang pagbibigay-galang lamang sa
mga tirang pagkain ng Panginoon.
Ito ang kaibahan sa ginawa ng mga totoong Vaishnavas at mga makamundong tao. Bagamat kung
ating titignan halos pareho lamang ang kanilang ginagawa: naglalakad, natutulog, kumakain, kasakasama ng ibang tao, naghahanap-buhay, gumagastos, at marami pang ibang animoy magkakatulad
na gawain; subalit ang paninindigan nila sa buhay ay lubos na magkaiba. Dahil ang ginagawa nang
mga deboto, ang bawat kilos at galaw nilay nakaugnay sa pinaka-sentro. Silay naka-ayon saanmang
direksyon gustong gumalaw ng sentro, samantalang ang mga makamundong tao namay nagagabayan
nang kanilang pansarili at makitid na interes. Ang kaibahan, ang isa ay nagagabayan ng kanyang
pansariling interes, samantalang ang isa nang Kalubusan, at ang kaibahan ng dalawang ito ay sadya
talagang malayung-malayo. Ang mga Vaishnavas ay nasa bahagi ng pagwawalang-bahala sa sarili,
silay naroroon sa kabilang bahagi ng mga tumiwalag sa makamundong buhay. Sa pagitan nilang
dalawa, ng materyalistang tao at mga Vaishnavas ay may-isang lupain, ang lupain ng ganap na
pagtalikod sa materyalistang buhay. At silang dalawa ay kapwa nasa magkaiba at magkahiwalay na
bahagi.
Ang mahalaga ay kung papaano ang tamang debosyon. Kadalasan, ang mga bagay na nakikita nila
sa mga deboto ay hindi nila nauunawaan, at mauunawaan lamang kapag inilagay nila sa tamang
anggulo ang kanilang pananaw. Kaya dapat kailangang baguhin natin ang anggulo ng ating pananaw.
Napakaraming mga pangyayari, mga istorya, mga eksenang nakaugnay dito sa Sri Nabadwip
Dham Parikrama, subalit ang lahat ng itoy upang tulungan tayong maging maayos ang ating buhay sa
Kalubusan. Kung itoy mahuhuli ninyo, habang nagpa-parikrama kayo sa ibat-ibang banal na lugar at
narinig ninyo ang lokal na makasaysayang kaganapan doon, makakamit ninyo ang eternal na pagaaral tungkol sa ibat-ibang konsepto ng debosyon. Magiging inspirado kayo.
Ang parikramang itoy hindi katulad ng mga parikrama nang ordinaryong tao sa bahagi ng mga
Hindus na naglalakbay din sa ibat-ibang banal na lugar. Kadalasan ang mga taong iyon ay
nagpupunta sa mga banal na lugar at nakikisalamuha sa mga banal na tao, subalit ang tunay nilang
pakay ay upang matulungan sila sa kasalukuyang buhay nila. Gusto nilang maging maganda ang
kanilang buhay sa pamamagitan ng tulong ng mga diyus-diyosan. Ang bagay na itoy punyakarmmaayon sa kanilang paniniwala, itoy upang magkaroon lamang ng mabuting merito
at
3
maging matagumpay ang kanilang buhay. Subalit itoy hindi Suddha-bhakti.
Ang layon ng mga taga Gaudiya Math ay medyo kakaiba at hindi kayang unawain maging nang
mga taong may mataas na pinag-aralan. Kung kayat hanggang ngayon hindi parin nila mawari, nang
matatalinong-tao natin ngayon, na posible palang mamuhay sa mundong ito na may dalisay at purong
espirituwal na buhay. Ayon sa kanila dahil sa sobrang kahirapan sa buhay itoy likha lamang daw ng
ating isipan. Ayon sa pananaw nang mga tinatawag nating siyentipikong iskolar, ang hinahanap
nating espirituwal na buhay ay tulad daw sa paghahabol ng tao sa kanyang anino at sa mga bagay na
kathang-isip lamang. Ayon sa kanila, itoy guni-guni at pamahiin lamang ng mga deboto.
Sri Gaudiya Darshan Philippines
Page 10
Page 11
Ang gusto niyay atakihin ang pinakamataas na posisyon ng sibilisasyonang Kanlurang bahagi
ng mundo, ang mala-siyentipikong sibilisasyon. Dahil sa labis na kahambugan ng Kanluran, ang
buong istraktura ng maling sibilisasyong ito ay gustong gibain ni Srila Saraswati Thakur Prabhupad.
Ang sabi niya, kapag itoy kanyang nasira na sa ibabaw nito ay magtatayo siya ng isang banal na
templo. Ibig niyang magtayo nang templo ng Diyos sa ibabaw ng materyal na mundo. Ang gusto
niyay buong katotohanan at hindi kalahating katotohanan, ang kabuuan ng kalubusan: ayon sa kanya
itoy, ganap na kalubusan ng teismo na ayon sa ibinibigay na aral ng Srimad-Bhagavatam. At dapat
hindi tayo dapat tumigil sa kalagitnaan o kaya magkasya sa kaunting pagsulong, kundi dapat
hanggang doon sa kadulu-duluhan, hanggang sa lubusan, dahil ito ang sinasabi ng Srimad
Bhagavatam.
avismrtih krsna-padaravindayoh
Dito sa linyang ito sumusunod ang konsepto ng teismo. Ang walang-katapusang pamumuhay sa
ilalim nang banal na proteksyon ng Banal na Talampakan ni Krsna: ang tuluy-tuloy na pagganap nang
ibat-ibang tungkulin habang ganito ang nasa ating isipan, Nasa aking ulunan ang aking gabay.
Nakatuntong ang Banal na Paa ni Krsna sa aking ulunan. Sa pamamagitan ng ganitong pag-iisip,
madali nating matatanggal ang mga bagay na hindi natin kailangan. Kaya kapag patuloy nating
naaalala ang Lotus na Paanan ni Krsna, ang kuneksyon natin kay Krsna, hindi magtatagal lahat ng
5
nakaharang sa ating dadaanan, maging ang lahat ng kasamaan at lahat ng hindi marangal ay
mapapawing lahat. Sabi nga nang aming Srila Guru Maharaj, Ang Gaudiya Math ay naninindigan
para sa lahi ng sangkatauhan. Mahalagang maunawaan natin kung bakit ang pagpapaka-alipin kay
Krsna ang pinaka-maringal na kalagayan. At ang lahat ng lumalaban sa pamantayang itoy isang
pagwawalang-hiya. Ang tanging pamantayan sa buhay para sa isang maginoo ay ang malaman at
tanggapin ang posisyon na nagpapailalim sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan. At hindi
masamang tumanggap kung ano ang tama at makatotohanan, at sa pamamagitan nitoy isulong natin
ang ating buhay. Ang maunawaan ang tamang alagayan natin at maunawaan ang tamang tungkulin at
ang pagsasagawa nitoay buhay ng isang maginoo; ang tanggapin kung ano ang katotohanan. Di
magtatagal, ang sinasabi nating kasamaan ay mawawala din. At ang mga bagay na para talaga sa ating
kabutihan at kapakinabangan ay magiging malago.
Sa kasalukuyan kayo ay nasa maruming konsepto pa ng buhay. Kung ganoon, ibig sabihin ang
inyong isipan, ang inyong katalinuhan, at maging ang mga ginagawa ninyo, ang ibat-ibang klaseng
pagsasamantala, lahat ng ito, ay pawang marumi parin. Kaya lahat ng ito, lahat ng klaseng dumi ay
mawawala sa inyong buhay. Ang buhay ninyo ay magiging malinis at mababantad ang busilak na
kadakilaan nang tunay na sariling nasa kaloob-looban natin, makikita mong mayroon ka palang
masayang debosyunal na kuneksyon sa Super na Kaluluwa, doon sa Super-kaalaman. Makakaharap
mo mismo ang karununganna isang malinaw, at personal na kaalamankasama ang mga kagamitan
nito at sistematikong kabuhayan.
Lahat nang mga kinagigiliwan mo sa materyal na mundong ito ay malilipat. Madidiskubre mo ang
tamang pagmamahal. Sa kasalukuyan, ang inyong pagmamahal, pagkagiliw, at pag-ibig ay nasa maling
direksyon, subalit matatagpuan din nito ang tamang lugar at katayuan. Ang isang magandang
Sri Gaudiya Darshan Philippines
Page 12
katangian nito, magkakaroon pa kayo nang isang tunay na lugar at katayuan kung saan lahat nang
kapangyarihan ng ating pagmamahal at pagkaakit ay makakatagpo nang isang espesyal na tulong, at
tamang lugar kung saan ito maaaring magtungo. Ito ang debosyon.
For Inquiries:
The Secretariat
Page 13
Sri Chaitanya Saraswat Math
Kolerganj, P.O. Nabadwip, District of Nadia,
West Bengal, India741302