You are on page 1of 5

Motu Proprio: Kusang Paglingon sa Pinanggalingan Kasabay ng pagtaas ng baha sa Hagonoy, ang pagtaas din ng pananampalataya ng mga taong

naninirahan dito. Hindi sa halamang gamot kinukuha ng mga taga-Hagonoy ang lakas nila, kundi sa Poong kanilang sinasampalataya. Simbuyo, pagbabalik-tanaw Sabi sa mga kwento, isang halamang gamot ang pinagkuhanan ng pangalang hagonoy. Gayunpaman, hindi lingid sa kaalaman ko kung gaanong karelihiyoso ang mga kababayan kong taga Hagonoy. Sa katunayan labing pito sa dalawaput anim na barangay dito ay ipangalan sa mga santo. Hindi man ako doon lumaki, sadyang naramdaman ko naman ang turo ng Simbahang Katoliko rito sapagkat parehong taga-Hagonoy ang aking mga magulang. ng aking ama ay taga-San Sebastian !malimit nilang tawaging "ayan# at ang aking ina naman ay tubong Sta. $lena. Doon po sa Bayan Si po na. po ang tawag sa nakatatanda sa Hagonoy. %adalas ito ang

tawag kapag lolo o lola ka na. Pero si po na, siya ang ina ni "irheng %aria na ina ni Kristo. Si po na ang una kong kinilalang Santa. Sa &ambana niya ako bininyagan, kinumpilan at dito rin ikinasal ang aking amat ina. Sino ba naming hindi makakakilala sa kanya kung ikaw ay taga-Hagonoy. Pagbaba mo pa lang ng dyip sa "ayan, ang Simbahan na nya ang unang babati sayo. Sa tagal na ng panahong nakatayo ang simbahan nito, marami ng unos itong pinagdaaanan. 'aritong binaha, lumindol at inulan ito. Gayunpaman, nananatili pa ring matatag ang dambana ni po na. Sa katunayan nga, tuwing "iyernes Santo naging parte na ng aming %ahal na raw ang sumama sa prusisyon bilang pakikiisa sa pagdadalamhati sa kamamatayan ni Kristo. %ula sa "ayan, lumalakad kami paikot ng tatlong barangay hanggang mailagak ang labi ni Kristo sa Kapilya ni San Sebastian.

&agdag pa rito, may senakulo rin na

itinatanghal tuwing %ahal na

raw.

(naabangan naming magpipinsan ang pagtatanghal nito kahit abutin pa kami ng madaling araw. Hindi rin mawawala ang pagpepenitensya ng mga taong malalalim ang pananampalataya. %ay nagpapasan ng krus at may naghahampas-dugo. Kwento sa akin ng aking ama, miyembro ang kanyang tiyo sa Samahang Puti kung tawagin. Sila ang samahang nagpapasan ng krus na nakasuot ng telang puti mula ulo hanggang paa. 'akayapak silang naglalakad sa kainitan ng araw mula %iyerkules Santo hanggang umaga ng "iyernes Santo. %as nakakamanghang malaman na nakalagak sa Simbahan ni po na

ang ilan sa kanyang mga labi na mula pa "asili)a ng Sainte- nne-de-"eaupr* , ang internasyonal na dambana sa +uebe) , ,anada at ang mga labi ng St. -oa.uin. &ahil nga sa lakas ng pananampalataya ng mga taga Hagonoy kay po na, ipinangalan ang pribadong paaralan sa tabi nito na dating St. nnes )ademy, ngayon ay St. %arys )ademy. %arami sa aking mga pinsan ay dito nag-elementarya. Karamihan rin ng inililibing sa may tabing sementeryo ni po na ay sa simbahan na rin nya binabasbasan bago ito tuluyang ilagak sa himlayan. Paano ko ba naman malilimutan ang musikong minsan ay sinabayan ko ng indak. Sa tuwing may lamay ng patay, madalas ko nadadatanan ang mga musikong ito. Kabalintunaan sa mga nakasanayan na nating malulungkot na tugtog ang musikang kanilang inihahandog. %oderno at masasayang himig ang kanilang pinapapatugtog. (ka nila pampabawas din daw ito sa dalamhating dinadamdam ng maganak na namatayan. %adalas pa, may mga tagisan ng kakatwang kwento kapag may lamay. Sabi ng matatanda, komedya raw ang tawag dito. Komedya dahil katatawanan ito hindi tulad nung araw na ang intindi sa komedya ay may belyako at belyaka/ o kaya naman ay may hari at reyna na nagtatagisan ng talino. t paano ko ba naman malilimutan ang mga pagkaing aking kinalakihan. &ito ko natikman ang pinakamasarap na at)hara. t)hara ang tawag sa ginayat na papaya at karot na hinaluan ng pasas, suka at asukal. %alimit na gumagawa nito ang aking lola. %adalas din kami noong magagahan ng labay-kape. $to

ang tawag sa kaning sinabawan ng kape at ulam na daing. Hinahanap-hanap ko pa rin ang ganitong mga pagkain. Sa modernong panahon, nakikisabay na rin sa pagindayog ng kultura ang "arangay ng San Sebastian. &ahil tinaguriang "ayan, relihiyong kanilang nakalakihan. mas modernisado at sibilisado na ang mga taong nandirito.Gayunpaman, hindi nila malilimutan ang

Sa Kariktan ni Sta.Elena Si Sta. $lena, maganda, mala-porsenang kutis, marangya, reyna at

isang ina. Siya ang natatanging ina ni ,onstantino. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa 0eyna ng Santa)ru1an2 Si 0eyna $lena na naging panata ang paghanap sa krus na pinagpakuan ni Kristo. (sinantabi ni 0eyna $lena ang titulo niya, nagpakumbaba at nagpakaaba upang mapakita ang kanyang pananampalataya kay Kristo. "ata pa lamang ako, alam ko na ang kwento kung paano naging parokya ang simbahan ni Sta.$lena. &ating sa kapilya lamang ng Sagrada makikita ang imahen ni Sta. $lena noong panahon ng mga Hapon. &ahil sa giyera, sinunog ng mga Hapones ang kapilya. 'atupok ang buong kapilya ngunit naiwang buo ang imahe ni Sta. $lena. Simula noon, itinuring na naghihimala ang poon. &inala ang imahe sa barangay Sta. $lena at hanggang sa ngayon ay maraming debotong dumarayo sa parokya nito. &ahil nga tuwing %ayo nating ipnagdiriwang ang Santa)ru1an, tuwing %ayo 3 din ang kapistahan nito. ng kakaiba pa rito, dalawang beses sa isang taon ipagdiriwang ang kapistahan ni Sta.$lena4pistang maliit tuwing gosto 56 at pistang malaki tuwing %ayo 3. 'gunit ang aming pamilya ay nakasanayan ng umuwi tuwing %ayo 3. (tinutiring na isang malaking selebrasyon ang kapistahang ito para sa mga taga rito. ng iba pa nga ay hindi pumapasok sa trabaho. Parang pasko, ika nga nila. %aliit man ang barangay, madalas mang bahain, hindi pa

rin ito hadlang para ituloy ang pagdiriwang. %ahaba ang pagdiriwang. %agsisimula sa paglalagay ng banderitas, sa pagkakaroon ng lingguhan na patimpalak at sa despiras ng piyesta ay inaabangang paputok bilang pagsalubong. Sa mismo araw ng pagdiriwang, lahat ay masaya, maingay at hindi nakakalimutang dumalaw kay Sta. $lena. Pagdating sa simbahan, ang imahe ni Sta. $lena ang siyang bibida. %ay mahabang pila para makalapit sa poon at makapagpahid ng panyo. %atapos ang misa sa hapon, maguumpisa na ang prusisyon. Sabi ng iba, parang 'a1areno dahil talagang ito ay dinarayo. %anu-manong binbuhat ang Sta.$lena. 'akasuot Siya ng pinakamagara niyang bestida/ pinakamakinang niyang diyamante at pinakamarangya niyang korona. Kaakit-akit ang kanyang ganda. %aamo ang kanyang mukha. Sa iba, Siya ay maghihimala. Sa liit ng barangay, inaabot ng halos pitong oras ang paglibot dito dahil sa dami ng debotong sumusunod sa kanya. Kahit ako mismo ay sumasama sa kanya. Sabi ko kasi sa sarili ko, minsan lang naman ito. "ukod pa rito, buhay na buhay pa rin sa "arangay Sta. $lena ang pagkakaroon ng orasyon. Sa tuwing papatak ang alas sais ng gabi, lahat ng bata ay dapat magmano sa mas nakatatanda sa kanila, kamag-anak man o hindi. 0espeto ika nga. 'apagusapan na ang respeto, Kaka ang tawag nanay at tatay. &ito ko rin unang natikman ang pangat. &ahil ilog ang likod bahay ang aking lolo at lola, madalas na pangat ang kanilang ulam. (sdang maliliit ito na nilagyan ng mantika, asin, kamatis at kalamansi. Sabaw pa lang naman ulam na. 8alo na kapag sinabayan mopa ito ng sinangag na maraming bawang. Sadyang rural pa rin ang pamumuhay doon, doon nga ako nakakita ng tapayan na pinagiimbakan ng suka na mula sa sasa. &ahil ito ang hanapbuhay ng aking lolo. "ukod pa diyan, dito ko rin unang natikman ang pinakamasarap na burong hipon at isda. %asarap itong sawsawan ng pritong isda. sa nakatatandang kapatid ditto. 7so pa rin ang tawagang inang at amang sa

Sa Sta.$lena, dito ko natutunan ang payak na pamumuhay. %aagang gumigising ang mga tao. Sa pagtilaok ng manok, sa pglangoy ng mga isda sa ilog, doon mo makikita na ang pananampalataya ay hindi namimili ng estado sa buhay. 'asa rurok ka man o hindi, sa mata ng &iyoss, tayo ay pantay pantay.

Bilang inu!a %alaki ang naging impluwensiya ng kultura, tradisyon at

pananampalataya ng Hagonoy sa akin. Kaya nga siguro sa murang edad ay pinili kong pumasok at mag-aral sa seminaryo. Sa lakas at sa tatag ng paniniwala ko at ng aking pamilya sa Poon, eto ang naging sandigan ko. Kailanman, hindi mawawala ang anumang ating nakasanayan. %aging ito man ay relihiyon, ritwal, tradisyon, reputasyon, putahe o pagkain/ ito atinpa ring babalik balikan. (to ay parte na ng aspetong sosyo, ekonomika, politika at etika bilang miyembro ng komunidad at bilang tao. Sa huli, wala ka rin naming kapupuntahan, kundi ka kusang lilingon sa iyong pinanggalingan. Sa salitang 8atin, motu proprio o 9sa kanyang pagkukusa o simbuyo.9

You might also like