You are on page 1of 2

Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya Sa paggawad ng kalayaan sa mga bansa sa Asya, nabigyan ng pagkakataon ang mga Asyano

na makilahok at mamuno sa pamamahala. Ang pamahalaan ay maituturing na isang haligi. Ito ay nagsisilbing suhay ng bansa tungo sa katatagan, katahimikan at kaunlaran ng pamumuhay ng mga mamamayan. Pinangangasiwaan ng pamahalaan ang mga tungkulin o gawain ng pamahalaan sa loob ng isang maayos at matatag na lipunan. Mga Uri ng Pamahalaan: Ang pamahalaan ay maaaring uriin sa ibat ibang kategorya ayon sa kayarian, lawak ng kapangyarihan, pag-uugnayan ng mga sangay at dibisyong heograpikal ng kapangyarihan. Demokrasya. Sa pamahalaang demokrasya, hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan. Ang mga tao ay may pantay-pantay na karapatan at pribilehiyo. May kalayaan silang political, pangkabuhayan at panlipunan. Nagtatakda ang batas ng kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa at kumikilos sila alinsunod sa batas. Republika. Ang republika ay isang uri ng pamahalaan na walang monarka. Ang pinakamataas na kapangyarihan ay nasa mga mamamayan na maaaring maghalal ng mga taong kakatawan sa kanila. Maaaring presidensyal o parliamentaryo ang anyong republika. Pamahalaang Pederal. Sa pamahalaang ito, hawak ng mga local na pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring pakialaman ng pamahalaang nasyonal. May halos kumpletong autonomiya ang bawat estado o yunit na politikal sa pamamahala ng sariling teritoryo. Subalit nagsasama-sama ang mga pamahalaang lokal na ito upang sumailalim sa mga batas ng pamahalaang pederal. Totalitaryanismo. Ito ang sistemang politikal na hawak ng estado, o ng pamunuang namamahala nito ang ganap na awtoridad. Maaaring minamana ang kapangyarihan ng estado o pinipili ang lider ng isang grupong espesyal. Diktadurya. Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng isang diktador na hindi nalilimitahan ng anumang batas ang kanyang desisyon. Masugid siyang tagapagtaguyod sa isang ideolohiyang pinagbabatayan ng pamamahala gaya ng komunismo. Teokrasya. Sa pamahalaang ito, ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang kinatawan ng kanilang Diyos. Republikang Islamic. Nagsimula ito sa kilusan ng mga Islamist upang magdulot ng pagbabago sa relihiyon, politikal at sosyal. Layunin nitong agawin ang kapangyarihan sa mga bansang Islamic at gamitin ito upang makamit ang kanilang adhikaing repormasyon sa lipunan. Komunismo. Sa pamahalaang ito, iisang partidong autoritaryan ang may kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa. Anyo ng Pamahalaan ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya KANLURANG ASYA BANSA PAMAHALAAN Nepal Parliamentaryong Demokrasya Sri-Lanka Republika Bhutan Monarkiya Pakistan Republikang Pederal India Republikang Pederal Bangladesh Parliamentong Demokarasya Maldivs Republika 79 80. KANLURANG ASYA BANSA PAMAHALAAN Afghanistan Pamahalaang Transisyunal Bahrain Monarkiyang Tradisyunal Iran Republikang Teokratik Iraq Pamahalaang Transisyon Israel Parliamentong Demokrasya Jordan Monarkiyang Konstitusyunal Kuwait Nominal na Monarkiyang Konstitusyonal Oman Monarkiya Qatar Monarkiyang Tradisyunal Syria Republika sa Ilalim ng military United Arab Emirates Pederasyon, may tiyak na kapangyarihan ang gobyernong sentral ng UAE at iba naman ang kapangyarihan sa bawat Emirate Yemen Republika

Turkey Republika, ParliamentaryongDemokrasya Gawain 3: Power Point Presentation Pagkatapos ng inyong pagsusuri gumawa ka ng power point presentation na tatalakay sa sumusunod: A. Balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. B. Mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan at ng kababaihan, grupong katutubo at iba pang sektor ng lipunan. Maaring sumangguni sa sipi ng binasang teksto tungkol sa mga samahang kababaihan. A

You might also like