You are on page 1of 4

ARALIN SA

ANG PAGBABALIK NI CRISTO AT ANG MGA HULING ARAW





















Kaya nga, ang Diyos ay naglaan para sa akin sa itaas ng isang
gantimpalang putong ng katuwiran. Ang Panginoon na siyang matuwid na
tagahatol ang magbibigay sa akin nito sa araw na iyon, at hindi lamang sa
akin, kundi sa kanila na nagmamahal sa kaniyang pagpapakita.

II Timoteo 4:8.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

2

Mateo 16:27: Ito ay sapagkat paparito ang Anak ng Tao sa kaluwalhatian ng kaniyang
Ama, kasama ng kaniyang mga anghel. Gagantimpalaan niya ang mga tao ayon sa kanilang
mga gawa.
Mateo 24:27: Ito ay sapagkat kung papaanong ang kidlat ay nagmumula sa silangan at
nakikita hanggang sa kanluran, gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao.
Mateo 25:31-33, 40-43:
31
Darating ang Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian kasama ng mga banal na
anghel. Kapag siya ay dumating, siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian.
32
Titipunin niya ang
lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan. Ihihiwalay niya sila sa isa't isa katulad ng paghihiwalay ng
pastol sa mga tupa mula sa mga kambing.
33
Itatalaga niya ang mga tupa sa kaniyang kanang kamay,
ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa. . .
40
Sasagot ang hari sa kanila: Katotohanang sinasabi ko
sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.
41
Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na
walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel.
42
Ito ay sapagkat nagutom ako
ngunit hindi ninyo ako binigyan ng makakain. Nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng maiinom.
43
Ako ay naging taga-ibang bayan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit hindi
ninyo ako dinamitan. Nagkasakit ako at nabilanggo ngunit hindi ninyo ako dinalaw.
Lucas 12:40: Kaya nga, maging handa kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras
na hindi ninyo inaakala.
Juan 14:2-3:
2
Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko
sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo.
3
Kapag ako ay
pumaroon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking
tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroon ay dumuon din kayo.
Gawa 1:11: Sinabi ng dalawang lalaki: Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo
nakatayo at nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik
din katulad ng pagpunta niya sa langit na inyong nakita.
Roma 11:25-26:
25
Mga kapatid, ito ay sapagkat hindi ko nais na kayo ay maging walang
kaalaman patungkol sa hiwagang ito. Sa kabilang dako, baka isipin ninyong kayo ay
matatalino. Ang hiwaga ay: Hanggang sa maabot ang kabuuang bilang ng mga Gentil,
bahagyang pinatigas ng Diyos ang puso ng mga taga-Israel.
26
Kaya nga, ililigtas ng Diyos
ang buong Israel ayon sa nasusulat: Ang tagapagligtas ay magmumula sa Zion. Ibabaling
niyang palayo kay Jacob ang hindi pagkilala sa Diyos.
I Corinto 3:11-15:
11
Ito ay sapagkat wala nang ibang saligang mailalagay ang sinuman maliban
doon sa nakalagay na. Siya ay si Jesus na Cristo.
12
Ngunit, ang isang tao ay maaaring magtayo sa
saligang ito ng ginto, pilak, mga mamahaling bato, kahoy, damo o dayami.
13
Ang gawa ng bawat
tao ay mahahayag sapagkat may araw na ihahayag ito sa pamamagitan ng apoy. Ang gawa ng
bawat isa, anumang uri ito ay susubukin ng apoy.
14
Kung ang gawa na itinayo ng sinuman sa
saligang ito ay nanatili, tatanggap siya ng gantimpala.
15
Kung ang gawa ng sinuman ay masunog,
malulugi siya. Gayunman, maliligtas siya ngunit tulad ng dumaan sa apoy.
I Corinto 4:5: Kaya nga, huwag hatulan ang anumang bagay bago dumating ang oras,
hanggang sa pagdating ng Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga tagong bagay ng
kadiliman at magpapakita ng mga layunin ng mga puso, at ang papuring mula sa Diyos ay
makakamtan ng bawat isa.
I Corinto 9:25:
25
Ang bawat isang sumasali sa paligsahan ay may pagpipigil sa sarili sa
lahat ng bagay. Ginagawa nila iyon upang magkamit sila ng putong na nasisira ngunit tayo
ay putong na hindi nasisira.
II Corinto 5:10: Ito ay sapagkat tayong lahat ay haharap sa luklukan ng paghatol ni Cristo
upang ang bawat isa ay tumanggap ng nauukol sa atin para sa mga bagay na ginawa sa
katawan maging ito man ay mabuti o masama.
Filipos 3:20-21:
20
Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit, na mula roon ay
hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo.
21
Siya ang
magbabago ng ating walang halagang katawan upang maging katulad ng kaniyang
maluwalhating katawan, ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan na magpapasakop
ng lahat ng bagay sa kaniya.
I Tesalonica 2:19: Sapagkat ano nga ba ang aming pag-asa, o kagalakan o putong ng
kagalakan? Hindi ba kayo sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang
pagbabalik?
I Tesalonica 4:16-17:
16
Ito ay sapagkat ang Panginoon din ang siyang bababa mula sa
langit na may isinisigaw na utos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng
Diyos. Ang mga patay kay Cristo ay unang magbabangon.
17
Pagkatapos nito, tayong mga
buhay at naririto pa ay kasama nilang aagawin sa mga alapaap upang salubungin natin ang
Panginoon sa hangin. Sa gayon, makakasama natin ang Panginoon magpakailanman.
I Tesalonica 5:2-3, 6:
2
Ito ay sapagkat nalalaman ninyong lubos na ang araw ng
Panginoon ay darating tulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi.
3
Ito ay sapagkat
kapag sinasabi nila: Kapayapaan at katiwasayan, ang biglang pagkawasak ay darating sa
kanila tulad ng nararamdamang sakit ng babaeng manganganak na. At sila ay hindi
makakatakas sa anumang paraan . .
6
Kaya nga, hindi tayo dapat matulog katulad ng iba,
subalit laging nagbabantay at may maayos na pag-iisip.
II Tesalonica 1:7: Gantihan din kayo ng Diyos ng kapahingahan kasama namin, sa inyo na
mga nagbata ng kahirapan, sa araw na ang Panginoong Jesucristo ay mahahayag mula sa
langit kasama ng kaniyang makapangyarihang mga anghel.
I Timoteo 4:1: Ngunit maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa huling panahon ay iiwan
ng ilang tao ang pananampalataya. Bibigyang pansin nila ang mga espiritung mapanlinlang
at ang mga katuruan ng mga demonyo.
II Timoteo 3:1-5:
1
Ngunit alamin mo ito, na sa mga huling araw, darating ang magulong
panahon.
2
Ito ay sapagkat ang tao ay magigimg maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin
sa salapi, mayayabang, mapagmalaki, mamumusong, masuwayin sa mga magulang, hindi
mapagpasalamat, hindi banal.
3
Sila ay walang pag-ibig, hindi mapagpatawad, mapanirang-
puri, walang pagpipigil sa sarili, mabagsik, hindi mapagmahal sa kabutihan.
4
Sila ay mga
taksil, mga hindi mapigil at mga mapagpalalo. Iniibig nila ang kalayawan kaysa sa ibigin
nila ang Diyos.
5
Sila ay may anyo ng pagkamaka-Diyos ngunit ipinagkakaila ang
kapangyarihan nito. Iwasan mo ang mga taong ito.
Santiago 5:8: Magtiis din nga kayo at patatagin ninyo ang inyong kalooban
sapagkat malapit na ang pagbabalik ng Panginoon.
I Pedro 5:4: Sa pagparito ng Pangulong Pastol tatanggap kayo ng hindi nasisirang
putong ng kaluwalhatian.
II Pedro 3:3-4, 7-12:
3
Dapat ninyong malaman muna na sa mga huling araw ay
darating ang mga manunuya na lumalakad ayon sa sarili nilang masamang
pagnanasa.
4
Kanilang sasabihin: Nasaan ang katuparan ng pangako ng kaniyang
pagparito? Ito ay sapagkat natulog na ang ating mga ninuno ngunit ang lahat ay
nananatili pa ring gayon simula pa ng paglalalang. . .
7
Sa pamamagitan ng salita ng
Diyos ang kalangitan ngayon at ang lupa ay iningatang nakatalaga para sa apoy at
para sa araw ng paghuhukom at pagkalipol ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos.
8
Ngunit mga minamahal, huwag ninyong kalimutan ito: Sa Panginoon ang isang araw
ay tulad sa isang libong taon at ang isang libong taon ay tulad ng isang araw.
9
Ang
katuparan ng pangako ay hindi inaantala ng Panginoon tulad ng inaakala ng iba.
Siya ay mapagtiis sa atin. Hindi niya nais na ang sinuman ay mapahamak kundi ang
lahat ay magsisi.
10
Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng magnanakaw
sa gabi. Sa araw na iyon ang kalangitan ay mapaparam na may malakas na ugong.
Ang lahat ng mga sangkap na bumubuo ng sanlibutan ay masusunog at mawawasak.
Ang lupa at ang mga bagay na ginawa na naroroon ay mapupugnaw.
11
Yamang ang
lahat ng bagay na ito ay mawawasak, ano ngang pagkatao ang nararapat sa inyo?
Dapat kayong mamuhay sa kabanalan at pagkamaka-Diyos.
12
Hintayin ninyo at
madaliin ang pagdating ng araw ng Diyos. Sa araw na iyon ang langit ay masusunog
at mawawasak. Ang lahat ng mga sangkap na bumubuo ng sanlibutan ay matutunaw
sa matinding init.
I Juan 2:28: Ngayon, munting mga anak, manatili kayo sa kaniya. Sa gayon, kapag
mahahayag siya, magkakaroon tayo ng kapanatagan at hindi tayo mahihiya sa
harapan niya sa kaniyang pagparito.
Juda 1:14: Si Enoc na ikapitong saling lahi mula kay Adan ay naghayag ng Salita ng
Diyos sa kanila. Sinabi niya: Narito, dumating ang Panginoon na kasama ang
kaniyang libu-libong banal.
I Tesalonica 3:13: Ito ay upang palakasin ang inyong mga puso na walang
kapintasan sa kabanalan sa harapan ng ating Diyos at Ama sa pagbabalik ng ating
Panginoong Jesucristo kasama ang lahat niyang mga banal.
Pahayag 1:7: Narito, dumarating siyang kasama ng mga alapaap at makikita siya ng
bawat mata at ng mga tumusok sa kaniya. Dahil sa kaniya, ang lahat ng lipi ng tao sa
lupa ay tatangis. Oo! Siya nawa.
Pahayag 2:10b: Maging tapat kayo kahit hanggang kamatayan at bibigyan ko kayo
ng gantimpalang putong ng buhay.
Pahayag 19:7: Tayo ay labis na magsaya at magalak at tayo ay magbigay ng
kaluwalhatian sa kaniya sapagkat sumapit na ang kasal ng Kordero. At ang kaniyang
kasintahang babae ay nakahanda sa kaniyang sarili.
Pahayag 20:2-3, 5-15:
2
At hinuli niya ang dragon, na ito ay ang ahas noong matagal nang
panahon. Siya ang diyablo at Satanas. Siya ay ginapos sa loob ng isang libong taon.
3
Itinapon siya
sa walang hanggang kalaliman upang hindi na siya makapagligaw ng mga bansa. Sinarhan niya
siya at nilagyan ng selyo sa ibabaw niya. Siya ay mananatili roon hanggang sa matapos ang isang
libong taon. Pagkatapos ng mga bagay na ito kinakailangang pakawalan siya ng Diyos sa maikling
panahon
4
At nakita ko ang mga luklukan. Nakaupo rito ang mga tao at binigyan sila ng
kapamahalaan upang humatol. Nakita ko ang mga kaluluwa ng mga lalaking pinugutan ng ulo
dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at dahil sa salita ng Diyos. At nakita ko ang mga hindi
sumamba sa mabangis na hayop o sa kaniyang larawan. Hindi nila tinanggap ang kaniyang tatak
sa kanilang mga noo at sa kanilang mga kamay. Ang mga taong ito ay nabuhay at nagharing
kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5
Ngunit hanggang sa matapos ang isang libong
taon, ang mga natira na mga namatay ay hindi muling nabuhay. Ito ang unang pagkabuhay muli.
6
Pinagpala at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay muli. Ang ikalawang kamatayan ay
walang kapamahalaan sa mga taong ito. Ngunit sila ay magiging mga saserdote ng Diyos at ni
Cristo at sila ay maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon
7
At kapag matapos na ang
isang libong taon, pakakawalan si Satanas mula sa kaniyang kulungan.
8
Ito ay upang linlangin ang
mga bansa na nasa apat na sulok ng daigdig. Ito ay ang Gog at Magog. Titipunin niya sila sa
pakikidigma. Ang bilang nila ay katulad sa bilang ng buhangin sa tabing dagat.
9
Sila ay umahon
hanggang sa kabila ng kalaparan ng lupa. Pinalibutan nila ang kampo ng mga banal at ang
lungsod na pinakamamahal. At ang apoy ay bumaba mula sa langit at tinupok sila.
10
At ang
diyablo na nanglinglang sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at ng asupre, kung saan naroroon
ang mabangis na hayop at ang bulaang propeta at doon sila ay pahihirapan araw at gabi,
magpakailan pa man.
11
At nakita ko ang dakilang maputing trono at ang nakaupo rito. Ang lupa at
ang langit ay tumakas mula sa kaniyang harapan. Wala ng lugar doon para sa kanila.
12
At nakita
ko ang mga taong patay, hindi dakila at dakila na nakatayo sa harapan ng Diyos. At binuksan ang
mga aklat at ang isa pang aklat ang binuksan, ito ay ang aklat ng buhay. Hinatulan niya ang mga
patay ayon sa nakasulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
13
Pinakawalan ng dagat ang
mga taong patay na taglay nito. At pinakawalan ng kamatayan at ng hades ang mga taong patay na
nasa kanila. At hinatulan ng Diyos ang bawat tao ayon sa kanilang mga gawa.
14
Itinapon ng Diyos
ang kamatayan at hades sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan.
15
At ang sinumang hindi
nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawang apoy.
Pahayag 21:1, 4, 8:
1
At nakita ko ang isang bagong langit at ang bagong lupa,
sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na. Ang dagat ay wala na. . .
4
Pupunasin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata. Mawawala na ang
kamatayan, ang pagtangis, ang pag-iyak o ang kabalisahan. Ang mga bagay sa
nakaraan ay lumipas na. . .
8
Ngunit ang mga natatakot at ang mga hindi
sumasampalataya, ang mga kinamumuhian ng Diyos, mga mamamatay-tao, mga
mapakiapid, mga manggagaway, mga sumasamba sa diyos-diyosan at lahat ng mga
sinungaling, ang bahagi nila ay sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre. Ito ang
ikalawang kamatayan.
Pahayag 22:20: Siya na nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsabi: Oo, ako ay
malapit nang dumating. Siya nawa. Oo, Panginoong Jesus, dumating ka na.

3
ANG PAGBABALIK NI CRISTO AT ANG MGA HULING ARAW

Ang pagbabalik ni Cristo ay isa sa pinakamahalagang pangako ng Diyos na nagdudulot ng pag-asa sa mga Cristiano. Ang kanyang pagbabalik ay
binanggit ng bawat manunulat ng dalawampung aklat ng Bagong Tipan nang higit sa tatlong-daang ulit. Ang mga Judio man ay patuloy na umaasa
sa katuparan ng propesiya sa Daniel 7:13-14 na kung saay tinatawag ang Cristo na Anak ng Tao. Nananabik ka rin ba?

Ang Pangako Tungkol sa Kanyang Pagbabalik.

1. Sa Juan 14:2-3 ipinahayag ni Jesus na siya ay paroroon sa tahanan ng kanyang Ama. Ano ang ipinangako niyang gagawin pagkatapos
niyang ipaghanda tayo ng tahanan doon? ________________________________________________________________________________

2. Pagkatapos na umakyat si Jesus sa langit, may dalawang anghel na nagpakita sa mga nakasaksi (Gawa 1:9-11). Paano isinalarawan ng mga
anghel sa mga saksi ang pagbabalik ni Cristo? Talata 11 ____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa kanyang pagbabalik sa mga sumusunod na talata?

Mateo 16:27 ____________________________________________________________________________________________________

Mateo 24:27 ____________________________________________________________________________________________________

4. Sa 2 Corinto 5:10, ano ang haharapin natin sa pagbabalik ni Cristo? ________________________________________________________

5. Anu-ano ang mga palatandaan ng mga huling araw bago siya bumalik ayon sa mga sumusunod na talata?

1 Timoteo 4:1 ___________________________________________________________________________________________________

2 Timoteo 3:1-5 _________________________________________________________________________________________________

2 Pedro 3:3-4 ___________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang patotoo ni Cristo sa Pahayag 22:20? __________________________________________________________________________

Sa Lucas 12:40? ________________________________________________________________________________________________

Mga Pangyayari sa Araw ng Panginoon.

7. Pagdating sa araw na yaon, ano ang mangyayari sa mga katawang lupa ng mga mananampalataya? (Filipos 3:20-21) _________________
______________________________________________________________________________________________________

8. Sa 1 Tesalonica 4:16-17, ano naman ang mangyayari sa mga patay na na kay Cristo? __________________________________________

9. Ayon sa Pahayag 20:5-6, kailan uli magaganap ang muling pagkabuhay? ___________________________________________________

Ano ang tatlong pangako sa mga mapapabilang sa unang pagkabuhay? _____________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

10. Sa 1 Tesalonica 5:2-3, anong mangyayari sa lahat nang hindi handa sa pagdating ng Panginoon? ________________________________

Sa Paghihintay sa Kanyang Pagbabalik.

11. Ano ang mabuting paraan ng paghihintay sa pagbabalik ni Cristo ayon sa 1 Tesalonica 5:4-6? Talata 6 _________________________
______________________________________________________________________________________________________

12. Ano pa ang dapat gawin ayon sa Santiago 5:7-8? Talata 8 _____________________________________________________________

13. Basahin ang 1 Juan 2:28. Ano ang maaasahan nating mangyari sa atin sa araw ng pagbabalik ni Cristo kung tayo ay nananatiling
sumusunod sa kanya? ________________________________________________________________________________________________

Nasusulat sa 1 Tesalonica 4:13-18 na sa muling pagbabalik ni Cristo, unang babangon ang mga patay kay Cristo at pagkatapos namay babaguhin ang
mga nadatnang buhay at nananatili kay Cristo. At sa alapaap, sila ay aagawin upang salubungin ang Panginoon sa hangin.

Paghahatol ni Cristo sa mga Mananampalataya.

14. Sang-ayon sa 2 Corinto 5:10, ang lahat ng na kay Cristo ay haharap sa luklukan ng paghatol (bema sa Griego) ni Cristo. Ayon pa dito ang
bawat isa ay tatanggap ng nauukol sa kaniya. Ayon saan ang gagawing paghahatol? _____________________________________________

15. Anong mga bagay ang malalantad sa pagbabalik ni Cristo ayon sa 1 Corinto 4:5? ____________________________________________

16. Sa 1 Corinto 3:11-15. Ano pa ang mahahayag at susubukin ayon sa talata 13? ________________________________________________

Ano ang tatanggapin kung mananatili ang gawa pagkatapos subukin ito? Talata 14___________________________________________

Saan itinayo ang mga gawang susubukin? ____________________________________________________________________________

Ano o sino ang tinutukoy na saligang iyon? Talata 11 __________________________________________________________________

Ano ang mangyayari kung ang gawang itinayo sa saligan ay nasunog? Talata 15 _____________________________________________

Sa iyong palagay anu-ano ang mga isinasalamin ng mga itinatayong ginto, pilak at iba pa sa saligan? Talata 12_____________________
___________________________________________________________________________________________________


4
17. Punan ang mga sumusunod na patlang sa pamamagitan ng pagsulat kung anong uri ng putong ang tinutukoy sa talata:

1 Corinto 9:25 ___________________________________________ Pahayag 2:10b __________________________________________

1 Pedro 5:4 _____________________________________________ 1 Tesalonica 2:19 ________________________________________

2 Timoteo 4:8 ____________________________________________ (Sauluhin ang talatang ito.)

18. Bakit dapat magsaya at magalak ang mga lingkod ng Diyos Sa Pahayag 19:7? _______________________________________________

Ayon sa napag-aralang mga talata sa Biblia, maaring ipalagay na ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay ganito: (1) Ang pagbangon at
pagbabago ng mga na kay Cristo (2) Ang pagsalubong nila kay Cristo sa hangin (3) Ang pagharap nila sa luklukan ng paghahatol ayon sa kanilang
mga gawa (4) Ang gaganaping hapunan para sa kasal ng iglesia at ng Kordero na si Cristo (Pahayag 19:9) at pagkatapos nito ay ang (5) araw na
ang Panginoong Jesus-Cristo ay mahahayag na nga mula sa langit kasama ang kanyang mga pinabanal at mga anghel upang hatulan naman ang mga
nasa lupa bago siya tuluyang maghari kasama ang kanyang mga pinabanal sa loob ng 1,000 taon.

19. Sa pagpapakahayag ni Cristo, sino ang mga kasama niya ayon sa 2 Tesalonica 1:7? ___________________________________________

Sa Juda 1:14 at 1 Tesalonica 3:13? _________________________________________________________________________________

Ang Paghahatol ni Cristo sa Mga Bansa.

20. Sa Pahayag 1:7, lahat ng lipi ay makakakita sa Panginoon, anong lipi ang tumusok sa kaniya? ___________________________________

Ano ang sinasabi sa Roma 11:25-27 na magaganap kapag dumating na ang kabuuang bilang ng mga Gentil? _______________________
___________________________________________________________________________________________________

Sa kasalukuyan, ang bayang Israel ay hindi pa sumasampalataya sa ipinangako sa kanilang Mesiyas, ganun pa man, patuloy nilang iaabangan ang
pagbaba ng Mesiyas mula sa langit na siya namang Kaniya nang muling pagbabalik para sa mga Cristiano. Libong-libong taon bago naganap ang pag-
pako sa krus, isinulat ang propesiya sa Zacarias 12:10-11 na inulit sa Pahayag 1:7. Dahil dito, tinatayang sa pagbabalik ng Mesiyaas ay saka pa
lamang makakakilala ang bayang Israel na kasalukuyan ay bulag sa katotohanan na ang kanila palang sinugatan ay ang Panginoon Jesus. Kaya
naman nasusulat na tatangis sila gaya ng pagtangis sa bugtong na anak at sa araw na iyon magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem.
21. Sa Mateo 25:31-33. Saan sinasabing uupo Anak ng Tao? Talata 31 ______________________________________________________

Sa talata 32, anu-ano ang mga titipunin niya sa kaniyang harapan? ________________________________________________________

Ano ang dahilan kung bakit ang iba ay titipunin niya sa kanyang gawing kaliwa? Talata 42-43 __________________________________

Sino ang mga kapatid ni Jesus na tinutukoy niya sa talata 40? ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

22. Sa Pahayag 20:2-4 magbigay ng dalawang magaganap sa loob ng isang libong taon? __________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

23. Isulat sa isang pangungusap ang iyong tunay na damdamin tungkol sa pagbabalik ni Cristo. ____________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Ang Paghahatol Sa mga Taong Hindi Kumikilala Sa Diyos.

24. Ayon sa Pahayag 20:7-10 anu-ano ang ilang magaganap pagkatapos ng isang libong taon? _____________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

25. Basahin ang 2 Pedro 3:7-12, saan nakatalaga ang lupa at kalangitan? Talata 7 ________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

Sa talata 10-12, ano ang mangyayari sa buong sandaigdigan sa Araw na ito ng Panginoon? _____________________________________
__________________________________________________________________________________________________

26. Basahin ang Pahayag 20:11-15. Anong trono naman ang makikita nang ang lupa at ang langit ay sinasabing tumakas na mula sa
Kaniyang harapan? Talata 11 __________________________________________________________________________________________

Sino-sino naman ang hinatulan sa tronong ito ayon sa talata 12 ___________________________________________________________

Ano ang tawag sa kamatayang tinutukoy sa talata 14? __________________________________________________________________

Ano ang pinag-sangunian kung bakit sila itinapon sa lawa ng apoy? Talata 15 _______________________________________________

27. Sa Pahayag 21:8. Pansinin ang mga gawa ng taong ipinatapon sa lawa ng apoy. Pantay-pantay ba ang bigat ng kasalanan? ____________

Ang mga hindi na kay Cristo ay wala sa aklat ng buhay at hindi mapapabilang sa unang muling pagkabuhay. At yaong mga wala sa aklat ng buhay ay
hahatulan ayon sa kanilang mga gawang nakatala sa iba pang mga aklat (Pahayag 20:12, 15). Ngunit dapat tandaan na sa katarungan ng Diyos ang
ibat-ibang bigat ng kasalanan ay kapwa iisa lamang sa paningin ng Diyos kaya ito ay may iisang kaparusahan.

28. Ano naman ang nakita ni Juan sa Pahayag 21:1? _______________________________________________________________________

29. Ano naman ang mababasang pangko sa Pahayag 21:4 ___________________________________________________________________

You might also like