You are on page 1of 4

ARALIN SA

KALIGTASAN AT ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN


(Para sa Mangangaral)

















At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang
hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. Ang kinaroroonan
ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng
Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.
1 Juan 5:11-12.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

2

HINDI SA TINAPAY LAMANG

Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Dios. (Mateo 4:4)

Ang salitang ito ay unang binigkas ni Moises libong taon na ang nakakaraan at pagkatapos naman ng halos dalawang libong
taon, inulit ito ng Panginoong Jesus. Hanggang ngayon ang mga salitang ito ay naaangkop pa rin sa atin.

Sa halos lahat ng dako ng daigdig ngayon, maraming mga taong nagnanais na maintindihan ang mga bagay-bagay tungkol sa
Diyos. Kung kayat marami ang bumabaling sa pagbabasa at pag-aaral ng Biblia. Tunay ngang mahalaga ang Biblia para sa
lahat maging sa isang bago o sa isang matagal nang Cristiano. Mahalaga ito upang patuloy tayong lumago sa ating
pagkakakilala kay Cristo.

Sa iyong mga nagsisimula sa pag-aaral ng Biblia makakabuting gumamit sila ng mga araling naihanda na ukol sa mga pag-
aaral sa pamumuhay Cristiano tulad nito. Ang serye ng mga araling ito ay inihanda sa wikang Filipino sa layuning ipa-
unawaan ang mahahalagang turo sa Biblia.

Mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa sa seryeng ito kaya higit na mabuti kung susunod-sunurin ang pag-aaral
ayon sa bilang ng mga aralin. May mga tanong na sasagutin sa bawat aralin. Mabuting ang mga sagot sa mga patlang ay mula
SA SARILING SALITA ng mga mangangaral. Ang mga kasagutan ay makukuha sa Biblia kung kayat mahalagang ikaw ay
may isang kopya nito. Nasa ika-2 pahina naman ang karamihan sa mga talatang mapagkukunan ng sagot, itoy makakatulong
kung wala pang Biblia ang mga tinuturuan.

KATIYAKAN SA KALIGTASAN AT ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN

Ano nga kaya ang mangyayari sa tao pagkatapos niyang mamatay? Ito ay tanong ng maraming tao sa lahat ng panahon. Hindi
kaila sa atin na tayo ay may maikling panahon lamang sa ibabaw ng lupa at hindi maglalaon ay tiyak na haharap sa kabilang
buhay.

Mayroon nga bang buhay na walang hanggan? Kung mayroon man, paano natin ito makakamit? Ang mga kasagutan sa mga
tanong na ito ay maari nating matunghayan sa Biblia.

1. Ang kalagayan ng sangkatauhan ayon sa Roma 3:23? Ang sangkatauhan ay MAKASALANAN.

2. Ayon sa Roma 6:23, ano naman ang kabayaran ng ating kasalanan? KAMATAYAN ang kabayaran ng kasalanan.

Ayon pa rin sa talatang ito, ang Diyos ay may libreng kaloob na buhay na walang hanggan, ito raw ay sa pamamagitan
nino? Sa PAMAMAGITAN NI CRISTO JESUS.

3. Ayon sa Gawa 16:31, ano ang dapat nating gawin upang maligtas? Kailangang SUMAMPALATAYA SA
PANGINOONG JESUS upang maligtas.

IPALIWANAG: Ayon sa Dictionario ni Webster: Kaligtasan -- Ang pagkaligtas ng tao buhat sa kabayarang espiritual
ng kasalanan. Kalayaan buhat sa kasalanan at walang hanggang kaparusahan sa pamamagitan ng pagtubos ni Cristo

4. Ayon sa Juan 1:12, anong karapatan ang ipinagkaloob sa mga sumampalataya o nagsitanggap kay Jesu-Cristo? Sila ay
pinagkalooban ng karapatang MAGING MGA ANAK NG DIYOS.

5. Ayon sa Juan 11:25-26, ano ang dalawang ipinangako ni Jesus na mangyayari sa sinumang nananalig sa kanya?

(a) Ang sinomang sumasampalataya bagamat sila'y MAMAMATAY NGUNIT MABUBUHAY MULI.

(b) Ang iba nama'y HINDI NA MAMAMATAY PA. [Para sa mangangaral: Pag-aralan din ang turo ni apostol Pablo
sa 1 Corinto 15:51-51 na kung saan sinasabing hindi lahat tayo ay matutulog (ibig sabihin ay mamamatay) ngunit lahat
ay babaguhin sa isang iglap. Ito ay may kinalaman sa Huling Araw. Gayun din basahin ang 1 Thesalonica 4:14-15 na
kung saan sinasabing sa pagdating ng Panginoon, yaong mga nabubuhay ay hindi na mamamatay at ang mga namatay
dahil na kay Cristo ay unang bubuhayin.]

6. Ayon naman sa bahagi ng sermon ni Pedro sa Gawa 10:43, ano ang ipinahayag ng mga propeta na tatanggapin ng bawat
mananalig kay Cristo? Sila ay magkakamit ng KAPATAWARAN sa mga kasalanan.

Pasimulang sauluhin ang 1 Juan 5:11-12, At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at
ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan
ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay. (And this is the record, that God hath given to us eternal life, and this
life is in his Son. He that hath the Son hath life: and he that hath not the Son of God hath not life.) [Para sa
mangangaral: Sauluhin din ang talatang ito at salitain sa mga susunod na pag-aaral. Ito ay upang magsilbing mabuting
halimbawa sa mga tunuturuang mag-saulo ng salita ng Diyos.]


3
7. Sa unang liham ni Juan sa 1 Juan 5:13 ano ang layunin ng kanyang pagsulat? Upang malaman nila na SILA AY
MAYROONG BUHAY NA WALANG HANGGAN. Sila na mga sumasampalataya kay Cristo Jesus na pinadalhan niya ng
sulat. Hindi sinabing magkakaroon pa lamang bagkus sinabiy mayroon na sila nito.

8. Saan masusumpungan ang buhay na walang hanggan? (1 Juan 5:11; Gawa 4:12) Nasa bugtong na Anak ng Diyossi
JESUCRISTO.

(a) Ayon sa 1 Juan 5:12 (o Juan 3:36), kanino tiniyak ng Diyos ang buhay na walang hanggan? ANG
KINAROROONAN NG ANAK ng Diyos.

(b) Sino naman ang pinagkaitan ng Diyos ng buhay na walang hanggan? Ang HINDI KINAROROONAN NG ANAK
ng Diyos. [Para sa mangangaral: Magbigay ng pagsasalarawan nang maipaliwanag ito ng husto. Maaring gamitin ang
isang aklat na may ipit na isang pirasong papel. Ang aklat bilang sumasagisag kay Jesucristo samantalang ang piraso ng
papel ay sumasagisag ng buhay na walang hanggandito maipapakita mo ang ibig sabihin ng buhay na walang hanggan
ay nasa anak. Pagkatapos, ibigay mo ang aklat sa iyong tinuturuan at sabihin, Ngayong tinanggap mo na si Cristo ano
ang isa mo pang tinanggap? Ang sagot dito ay buhay na walang hanggan.]

(c) Sa Juan 3:36, ano naman mayroon sa taong hindi sumasampalataya? Sumasakanya ang POOT NG DIYOS.


9. Ayon naman sa Efeso 2:8-9, bakit hindi tayo maaring maligtas sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti? UPANG
WALANG MAKAPAGMAPURI o makapagmalaki.

Sa Efeso 2:10, ano ang sinasabing lalakaran ng mga nilalang kay Cristo Jesus (silang mga naligtas sa biyaya sa
pamamagitan ng pananampalataya)? Ang MABUBUTING GAWA. [Para sa mangangaral: Bigyang diin ang bagay
na ito, hindi nangangahulungang dahil sa ang isang tunay na sumasampalataya ay ligtas na siyay niligtas upang maging
tamad o upang lalong magpakasama. Ang katibayan ng isang tunay na naligtas ay ang paglakad nito sa mabubuting gawa.
Ang tinutukoy na lalakad sa mabubuting gawa sa Efeso 10 ay yaong mga naligtas sa biyaya. Bigyang diin naman ang
sabi sa talata 8 at 9 na ang kaligtasan ay nangyari na, NALIGTAS hindi ililigtas pa lamang ang sinasabi sa kasulatan.]

10. Basahin ang Juan 3:16 (o Roma 5:8) at isulat ang buod ng talata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
mga tanong:

(a) Sino ang mahal ng Diyos? Ang SANLIBUTAN.

(b) Paano niya pinatunayan ang pagmamahal niya sa atin? Pinagkaloob NIYA ANG KANIYANG BUGTONG NA
ANAK. [Para sa mangangaral: Bigyan ito ng diin sa pamamagitan ng isang halimbawa tulad ng kwento ng mag-ama
na may nagiisang anak na naipit pa sa tumataas na tulay sa hangarin ng amang mailigtas ang maraming taong nakalulan
sa tatawid na barko--isinakripisyo niya ang kaniyang anak para sa kapakanan nila samantalang sila ay maaring
nagpapasasa lamang sa barko at hindi nakababatid sa kapahamakan na kung saan iniligtas. Tanungin kung sino sa kanila
ang may mga anak na at tanungin kung ang mayroon lamang silang anak at nalagay sila sa sitwasyon ng amang ito,
ganun din ba ang gagawin nila? Kung ang sinoman sa kanila ay hindi makagagawa ng sakripisyong iyon, ito ay ginawa
ng Ama kaya nagpapatunay ito ng Kaniyang pag-ibig na dapat nating tandaan sa tuwing tayo ay dumaraan sa suliranin at
pagsubok.]

11. Sino ang nagbibigay sa atin ng panloob na katiyakan na tayo'y mga anak ng Diyos? (Roma 8:16) Ang ESPIRITU
SANTO.

IPALIWANAG: Ang panloob na katiyakang ito ay karaniwang dumarating samantalang isinasaalang-alang ng isang tao
ang pangako ng Salita ng Diyos. Kaya nga napalamahalagang malaman kung ano ang pahayag ng Diyos sa Kanyang
walang hanggang Salita.

12. Anong tatlong bagay ang totoo tungkol sa mga kabilang sa sambahayang Diyos? (Juan 10:27)

(a) Ang tupa ay ang sumasampalataya si Jesus ang pastol. Sila ay: NAKIKINIG sa tinig ng Pastol

(b) Sila ay KILALA ng pastol.

(c) At sila ay SUMUSUNOD sa Pastol

13. Ano ang ibinigay ng Diyos sa mga kabilang sa Kanyang kawan? (Juan 10:28) BUHAY NA WALANG HANGGAN.

(a) Tulad ng mga tupa tayoy maingat na hawak ng ating Pastol na si Jesu-Cristo. Sino ang makaagaw sa atin sa
kanyang kamay? (Juan 10:28) WALA.

(b) Bukod kay Cristo, sino pa ang may hawak sa atin? (Juan 10:29) ANG AMA.

14. Pagkatapos nating dinggin at sampalatayanan ang Salita ng Katotohanan, ano ang inilagay na tatak sa atin bilang tanda
na tayoy kay Cristo (Efeso 1:13)? ANG ESPIRITU SANTO.


4
IPALIWANAG: Nagkakaisa ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo para sa walang hanggang kaligtasan ng mga
dumirinig at sumasampalataya (o tumanggap) sa Katotohanan (si Jesu-Cristo).

15. Ayon sa Roma 8:35-39, ano ang makapaghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ni Cristo? (D) WALA

16. Ayon naman sa 2 Thesalonica 3:3, ano ang patuloy na ginagawang Diyos para sa mga sumasampalataya? Ang Diyos
ay NAGPAPATIBAY AT NAG-IINGAT SA ATIN.

17. Basahin ang Juan 3:3. Ayon sa Panginoong Jesus, ano ang kailangang mangyari sa tao para makita ang kaharian ng
Diyos? Kailangan siya ay IPANGANAK NA MULI. [Para sa mangangaral: Ipaliwanag mong mabuti na ang
kapanganakang muli ay pawang nararanasan ng sinumang sumasampalataya sa Panginoon. Hindi ito isang grupong inaaniban
bagkus ito ay nararanasan ng isang tao sa pakikinig ng ebanghelyo na kung saan sa pagkapakinig niya, siya ay napapatalikod
sa kasalanan at tinatangap si Cristo-Jesus bilang sariling Panginoon at Tagapagligtas.]

18. Sa 2 Corinto 5:17, ano naman ang turing sa sinomang na kay Cristo? Siya ay tinuturing na BAGONG NILALANG.

19. Basahin ang 1 Pedro 1:21-23. Sa talata 23, sa pamamagitan ng ano ipinapanganak muli ang sumasampalataya? Sa
pamamagitan ng SALITA NG DIYOS.

20. Basahin ang Efeso 2:1-5. Sa talata 1 at 5, ano ang kalagayan natin bago tayo muling binuhay? Dating MGA PATAY.

IPALIWANAG: Nasusulat na tayo ay dating mga patay dahil sa ating mga pagsalangsang at mga kasalanan. Ito ay
kamatayang espirituwal na siyang unang naranasan ng ating unang mga magulang bunga ng kanilang pagsuway (Genesis
2:17). Ngayon nga, dahil sa kasaganahan ng habag ng Diyos at sa pamamagitan ng Kaniyang dakilang pag-ibig tayo ay
binuhay Niya kasama ni Cristo.

21. Ayon sa pagkaunawa mo sa araling ito, paano nagiging anak ng Diyos ang isang tao at sa gayon ay tatanggap ng buhay
na walang hanggan? Sa pamamagitan ng PAGSAMPALATAYA SA BUGTONG NA ANAK NG DIYOSsi Cristo
Jesus.

22. Mayroon ka bang buhay na walang hanggan? Paano mo nalaman? OO. Sapagkat ito ang sinasaad sa salita ng Diyos

[Para sa mangangaral: Masusuri mo sa mga sagot sa tanong 21 at 22 kung talagang naunawan ng iyong mga tinuturuan
ang aralin. Kung kinakailangan, ibigay ang buod ng araling ito o kayay balikan o kayay ipaliwanag ng husto ang 1 Juan
5:11-12 hanggang sa masagot ng wasto ang dalawang tanong na ito.]

Bilang pangwakas, ipaalala na ang sipi ng araling kanilang tinanggap pananagutang nilang ingatan sapagkat
mapapakinabangan pa nila ito sa kanilang pagbabalik-tanaw sa aralin o kaya bilang reperensya sa pagbabahagi ng mga
natutunan niya para kaniyang mga mahal sa buhay.

You might also like