You are on page 1of 4

ARALIN SA

MGA GINAWA NI JESUS


(Para sa Mangangaral)
















Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y
nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating
kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay
nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay
tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng
Panginoon ang kasamaan nating lahat.
Isaias 53:5-6.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

2

KABANATA 1: SI JESU-CRISTO AY TAO

Sa Araling Sino si Jesus?, natunghayan natin na malinaw na pinahahayag sa Kasulatan na ang Panginoong Jesu-Cristo na
tinatawag na Verbo o Salita ng Diyos. At bagamat may katanginang Diyos, siyay nagkatawang tao para sa atin. Dito
namay matutunghayan natin kung sa anong bagay siya natutulad at naiiba sa atin.

1. Paano ipinapakita sa mga sumusunod na talata na si Jesus ay isa ngang tunay na tao?

Juan 4:6 NAPAGOD SI JESUS.

Juan 11:35 TUMANGIS SI JESUS.

Juan 19:28 NAUHAW SI JESUS.

Lucas 2:52 LUMAGO SI JESUS SA KARUNUNGAN AT PANGANGATAWAN.

Marcos 13:32 MAYROON SIYANG HINDI ALAM.

2. Ayon sa Hebreo 2:14 bakit kailangang pumarito si Jesus sa lupa bilang isang tao? UPANG MALIPOL ANG
DIYABLO.

3. Ayon naman sa 1 Juan 3:8, ano ang isa pang dahilan kaya ay nahayag ang Anak ng Diyos? UPANG WASAKIN ANG
GAWA NG DIYABLO.

4. Basahin ang Hebreo 4:14-15. Ayon sa talata 15, paano natutulad si Jesus sa atin? SIYAY SINUBOK SA LAHAT
NG BAGAY.

Paano naman siya naiiba? HINDI SIYA NAGKASALA.

5. Basahin ang Hebreo 9:1-10. Ayon dito, sa Unang Tipan ay isang beses lamang bawat taon pumapasok ang pinaka-
punong saserdoteng Judio sa kabanal-banalang dako. At para doon, ano ang inihahandog niya para sa kanyang kasalan at
sa kasalanan ng mga tao (talata 7)? DUGO NG HAYUP.

Ayon sa talata 9, ano ang kahinaan ng mga kaloob at mga hain na kanilang inihahandog? HINDI NAKAPAGLILINIS
NG BUDHI NG SUMASAMBA.

6. Ngunit ayon sa 1 Pedro 1:19, kaninong malahagang dugo ang pinanlinis sa atin? DUGO NI JESUCRISTO.

7. Ayon naman sa Hebreo 9:11-14, si Jesus ang naging pinakapunong-saserdote ng Bagong Tipan. Ngunit di tulad ng mga
nauna, siya ay pumasok sa dakong kabanal-banalang hindi gawa ng tao. Hindi rin tulad ng mga nauna, si Jesus ay pumasok
hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya, bagkus ay sa pamamagitan ng ano (talata 12)? SA
PAMAMAGITAN NG SARILI NIYANG DUGO.

Di rin tulad ng sa nauna na ang pagpasok sa kabanal-banalang dako ay bawat taon. Ayon sa talata 12, papaano naiba
ang walang hanggang katubusang ginawa ni Jesu-Cristo? ITOY MINSAN LAMANG MAGPAKAYLANMAN.
[Para sa mangangaral: Hindi tulad ng ginagawa sa Israel noong may Templo na taon-taon.]

At hindi rin tulad ng sa nauna na hindi nakakalinis ng budhi ng mga sumasamba, paano naiba ang dugo ni Cristo ayon
sa talata 14? ANG DUGO NI CRISTOY NAKALILINIS NG BUDHI.

Hindi tulad ng sa nauna, saan pumasok ang Panginoong Jesus ayon sa Hebreo 9:24? SA LANGIT MISMO. [Para sa
mangangaral: Noong may Templo pa, ang pinakapunong saserdote ay pumapasok sa kabanal-banalang dako ng Templo.
Ang Templo ay gawa ng kamay ng tao ayon sa kalooban ng Diyos. At diyan pumapasok at naghahandog ang
pinakapunong saserdote samantalang si Cristo ay pumasok naman sa kabanal-banalang dako ng kalangitang hindi gawa
ng kamay ng tao.]

8. Ayon sa Gawa 20:28, kaninong dugo ang ginamit sa pagtubos sa kawan? DUGO NG DIYOS. [Para sa mangangaral:
Paanong nagkaroon ng dugo ang Diyos? Sa pagkakatawang tao ni Jesus.]

Likas sa Verbo ang pagka-Diyos. Dahil sa kalikasang ito, siya ay talaga namang walang laman at dugo kaya minabuti
niyang magkatawang tao nang sa gayon ang kawan ay matubos sa sarili niyang dugo. Si Jesu-Cristo ang tinutukoy dito.

KABANATA 2: ANG MAHALAGANG GINAWA NI JESUS

Noong si Jesus ay nasa lupa pa siya ay nagpagaling ng mga maysakit, bumuhay ng mga patay, nagpakain ng mga
nagugutom, nakipagkaibigan sa mga taong makasalanan. Kapag siya ay nangungusap napapamangha sa kanya ang mga
nakikinig sapagkat ang mga salita niya ay punoong-puno ng karunungan at kapangyarihan. Siya ay namumuhay sa lupa na

3
wala man lang nagawang kasalanan. Subalit sa kabila nito siya ay hinatulan pa ring mamatay tulad ng isang pangkaraniwang
kriminal.

Maraming bagay na mabubuti at kamangha-manga ang ginawa ni Jesus habang siya ay nasa lupa subalit ang pinakadakila
sa mga ito ay ang kanyang kamatayan, muling pagkabuhay at ang pag-akyat sa langit.

Ang Kanyang Kamatayan

1. Nang ipinahayag ng anghel kay Jose ang darating na kapanganakan ni Jesus (Mateo 1:21), ano ang sinabi niyang
pinakadahilan sa pagparito ni Jesus sa sanlibutan? UPANG ILIGTAS ANG TAO SA KANIYANG SARILING
KASALANAN.

2. Basahin ang Mateo 16:21. Kanino ipinaalam ni Jesus ang kanyang nalalapit na paghihirap, kamatayan at muling
pagkabuhay? SA KANIYANG MGA ALAGAD. [Para sa mangangaral: Sinabihan niya sila upang malaman nila na ito
ang talagang layunin ni Jesus dito sa lupa, isa na ring dahilan ay upang sila ay lubos na sumampalataya. Kung hindi niya
sinabi ito bago pa man naganap maaring siraan sila na si Jesus ay hindi tunay na Anak ng Diyos sapagkat siya ay namatay sa
kamay ng mga makasalanan.]

3. Ayon sa Mateo 27:26, anong uri ng kamatayan ang ihahatol kay Jesus ng Romanong gobernador na si Pilato?
PAGKAPAKO SA KRUS. [Para sa mangangaral: Ang kamatayan sa krus ay ang pinakamataas na kaparusahang
ginagawad ng mga Romano sa mga kriminal. Bagamat wala siyang kasalanan na kung ano pa man, ito ang naranasan ni Jesus
kamatayan ng isang kriminal.]

4. Anong uri ng mga tao ang ibinitay na kasamay ni Jesus? (Mateo 27:38) MGA TULISAN.

5. Ayon sa Roma 5:8, paano ipinadama sa atin ng Diyos ang kanyang pag-ibig? NANG TAYO AY MAKASALANAN
PA SI CRISTO AY NAMATAY PARA SA ATIN. [Para sa mangangaral: Ganito na lamang ang pag-ibig ng Diyos,
pinatunayan niya ang dakila niyang pag-ibig habang tayo ay hindi nakakaisip na manumbalik sa Kaniya, gumawa na Siya ng
paraan para tayo ay maligtas. Magandang gunitain ang pag-ibig na ito sa oras ng pag-aalinlangan. Kung iniisip mong hindi ka
mahal ng Diyos, tanungin mo ang iyong sarili, Kung hindi ako mahal ng Diyos, bakit namatay si Jesus para sa akin? Sino
ba sa atin ang handang isakripisyo ang sariling anak sa isang estrangherong kriminal? Wala. Subalit ganito ang ginawa ng
Ama para sa atin. Dapat kang magalak, ito ang mabuting balita.]

6. Basahin at kabisaduhin ang Isaias 53:5-6. Bakit kailangang danasin ni Jesus ang maraming uri ng paghihirap?
UPANG TAYO AY MAGSIGALING. [Para sa mangangaral: Sa ngayon, apat na dapat ang nadidiskubre nating dahilan
kung bakit nagkatawang tao si Jesus: (i) Upang lipulin ang Diyablo (ii) upang wasakin ang gawa ng Diyablo, (iii) upang
iligtas sa sarili nating kasalanan at (iv) upang tayo ay magsigaling sa ating mga kalikuan.]

7. Basahin ang 1 Pedro 2:24. Bakit kailangang dalhin ni Jesus ang ating mga kasalanan sa krus ng Kalbaryo?
UPANG TAYO AY MAMATAY SA KASALANAN AT MABUHAY NAMAN SA KATUWIRAN. [Para sa
mangangaral: Ipa-alaala ang nakaraang aralin patungkol sa Pamumuhay ng Matagumpay na kung saan dalawa lamang
ang pagpipilian ng tao: ang pagiging alipin ng kasalanan o ang pagiging alipin ng katuwiran. Dalawa lamang ang kalalagyan
niya: ang pagiging malaya sa kasalanan o sa katuwiran.]

8. Basahin ang mga sinasabi ni Jesus sa Juan 10:17-18. Markahan ang pangungusap na nagbubuod ng mga turo sa
nasabing mga talata.

N Kusang loob na inialay ni Jesus ang kanyang buhay sa atin.
Dahil sa kagagawan ng kanyang mga kalaban si Jesus ay napilitan lamang na mamatay sa krus.
Hindi tinutulan ni Jesus na pahirapan siya at ipako sa krus sapagkat wala siyang kapangyarihan na maiwasan ito.

Ang Muli Niyang Pagkabuhay

9. Basahin ang Juan 2:18-22. Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa kanya pagkaraan ng kanyang kamatayan? SA
IKA-3 ARAW NABUHAY SIYANG MULI.

10. Ano ang ipinahayag ni Pedro tungkol kay Jesus sa kanyang sermon sa templo? (Gawa 3:15) SI JESUS AY
IBINANGON NG DIYOS MULA SA MGA PATAY.

11. Sa Gawa 4:33, ano ang nilalaman ng patotoo ng mga apostol tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo? ANG
MULING PAGKABUHAY NI JESUS.

12. Basahin ang Roma 1:4. Anong bagay ang pinatunayan sa atin ng muling pagkabuhay ni Cristo? SIYA ANG ANAK
NG DIYOS, ANG PANGINOON.

13. Ayon sa mga salita ni Pablo sa 1 Corinto 15:3-8, kani-kanino nagpakita si Cristo pagkatapos na siya ay muling
mabuhay? KAY CEPHAS (Pedro), SA MGA APOSTOL, SA 500 KAPATIRAN, KAY SANTIAGO, at KAY PABLO.

14. Ayon sa 1 Corinto 15:17, ano ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Cristo sa bawat isa sa atin?

4
NAPAKAHALAGA: SAPAGKAT DITO ANG KABULUHAN NG ATING PANANAMPALATAYA. [Para sa
mangangaral: Pinakamiserable tayo sa lahat kung hindi tunay na nabuhay na muli si Jesus sapagkat tayo ay handang
mamatay sa ating pananampalataya. Ngunit salamat sa Diyos tunay na bumangon si Jesus at ayon sa pangako niya, kung tayo
man ay mamatay, tayo rin ay babangon sa kaniyang pagbabalik.]

Ang Kanyang Pag-akyat sa Langit

15. Sinasabi sa Gawa 1:1-11 na si Jesus ay apatnapung araw na nagpakita at nagturo sa kanyang mga alagad sa lupa. Saan
siya pumaroon pagkatapos nito (talata 11)? SIYA AY UMAKYAT NA SA LANGIT.

16. Sa Juan 14:1-2 ano ang dahilang ibinigay ni Jesus sa kanyang mga alagad tungkol sa kanyang pag-akyat sa langit?
UPANG MAGHANDA NG DAKO PARA SA ATIN.

17. Sa Juan 14:3, ano ang ipinangako niyang gagawin? SIYAY MULING BABALIK.

18. Sapagkat si Jesus ay niluklok ng Diyos sa kanyang kanang kamay sa kalangitan, anu-anong mga bagay ang nasa ilalim
na ng kanyang kapangyarihan? (Efeso 1:18-23) SA LAHAT-LAHAT.

19. Magbalik-aral sa iyong mga sagot sa kabanatang ito. Ano ang pinakamahalagang bagay ang natutunan mo?
[Para sa mangangaral: Hayaan silang sumagot sa sariling pangungusap. Kung may panahon pa, isa-isahin sila.]

Paunawa: Ang araling itoy walang bayad na handog sa iyo at ikaw ay may lubos na pananagutan dito. Itoy pinagkaloob sa pamamagitan ng tanging
pagsasaayos ng nagmamay-ari sa karapatan. Hindi ito upang kopyahin, ipagbili o ibigay kanino man. Kung mayroon kang kaibigang nais ng kopya, hayaan
mong humingi sila sa taong nagbigay nito sa iyo para sa sarili nilang kopya ng walang bayad. Kung nadarama mong pinagpalaka ng babasahing ito, maari
kang magbigay ng kusang loob na handog, ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng dagdag na babasahing tulad nito.

You might also like