You are on page 1of 4

ARALIN SA

ANG BAGONG BUHAY NATIN KAY CRISTO


(Para sa Mangangaral)
















Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang
nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay
ay naging bago.
II Corinto 5:17.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

2

ANG BAGONG BUHAY NATIN KAY CRISTO

Nasubukan mo na bang mangarap at manalanging magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa buhay? Kung oo ang sagot mo sa tanong na
ito, ikaw ay magalak sapagkat tinugon na ng Diyos ang iyong panalangin. Simulang sauluhin ang 2 Corinto 2:17 sapagkat ayon sa
talatang ito sa Diyos ikaw na nakipag-isa kay Cristo ay bago nang nilikha. Ngunit bilang isang bagong nilikha, tulad moy isang sanggol
na kailangan ding lumago. Sa araling ito matutunghayan mo na ang mga pagbabago sa iyong buhay at ang mga dapat tandaan upang
maging patuloy ang iyong paglago kay Cristo.

Hindi na Tayo Mga Alipin ng Kasalanan.

1. Basahin ang Roma 6:11-22. Sa talata 11, paano natin ituturing ang ating mga sarili? Ituring ang sarili bilang PATAY
SA KASALANAN at BUHAY SA DIYOS dahil kay Cristo.

a) Ano ang hindi natin dapat sundin o paghariin? Talata 12 Ang KASALANAN ay hindi dapat paghariin.
b) Kanino natin dapat ipaubaya ang ating mga sarili? Talata 13 Dapat ipaubaya ang sarili SA DIYOS.
c) Ngayong hindi na tayo napapailalim sa kautusan, saan na tayo napapailalim? Talata 14 Napapailalim na tayo SA
BIYAYA.
d) Gayong tayo ay napapailalim sa biyaya dapat ba tayong magpatuloy sa kasalanan? Talata 15 HINDI NA. [Para sa
mangangaral: Ipaliwanag ang kagandahan ng pamamaraan ng Diyos. Hindi maliligtas ang sinuman sa pamamagitan
ng pagsunod sa kautusan bagamat tayo ay tumanggap ng ng kaligtasan at tayo ay nasa biyaya, hindi ito dahilan
upang tayo ay mabuhay pa sa kasalanan na kung saan tayo ay malaya na.]
e) Bago tayo nakipag-isa kay Cristo, ano ang dating umaalipin sa atin? Talata 16-17 Dating alipin ng KASALANAN.
f) Ano ang kaalinsabay ng ating paglaya sa kasalanan? Talata 18? Ang pagiging ALIPIN NAMAN NG
KATUWIRAN. Talata 22? Ang pagiging ALIPIN NG DIYOS.
g) Noong tayo ay alipin pa ng kasalanan, saan tayo malaya? Talata 20 Malaya tayo dati sa KATUWIRAN. Dahil
hindi natin sinusunod o pinapansin ito.
h) Kanino mo mas pipiliing maging alipin? Sa kasalanan ba o sa katuwiran? Bakit? [Para sa mangangaral: Bigyang
diin na dalawa lamang ang makikitang dapat pagpilian dito: una, ang pagiging alipin ng kasalanan, at ang ika-2: ang
pagiging alipin ng katuwiran (o ng Diyos) walang gitna o ikatlong pagpipilian.]

2. Basahin ang Galacia 4:4-7. Ano ang dalawang dahilan sa talata 5 kung bakit sinugo ng Diyos ang kaniyang Anak na
ipinanganak sa ilalim ng kautusan? Upang TUBUSIN YAONG NASA ILALIM NG KAUTUSAN. At upang matanggap
nila ANG PAGKAKAAMPON BILANG MGA ANAK.

Bilang mga anak na ng Diyos ano o sino ang sinugo ng Diyos sa ating mga puso (t.6)? Ang ESPIRITU SANTO.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang higit na naglalarawan ng bagong kaugnayan natin ito sa kanya sa talata 7?
Ang sagot ay: Ang PANGATLO: Sapagkat tayoy kanya nang mga anak, ipinagkakaloob din sa atin ng Diyos ang
lahat ng karapatan ng isa niyang tagapagmana.

IPALIWANAG: Kung tutuusin mas higit na nararapat tayong ituring na mga alipin ng Diyos dahil sa ginawa Niyang pagbili
sa atin, gayun pa man mas tinuturing pa rin niya tayong mga anak dahil sa pakikipag-isa natin kay Jesu-Cristo. At bilang mga
anak ng Diyos ang lahat ng karapatan ng isang tagapagmana ay atin na.

3. Basahin ang 1 Corinto 6:20. Ano ang dapat mong gawin ngayong alam mo na ikaw ay binili na sa halaga?
LUWALHATIIN ANG DIYOS sa pamamagitan ng buong sarli. [Para sa mangangaral: Magbigay ng pagsasalarawan sa
puntong ito. Gawing halimbawa ang mga taong nalagay sa bingit ng kamatayan at muling nabigyan ng pagkakataon, sila ay
nagkakaroon ng pagbabago ng isip at nagbabagong buhay dahil sa karanasan nilang iyon. Gayun din naman kung talagang
tayo ay sumasamapalaya o kung talagang naranasan natin ang kaligtasang mula Panginoon, ganoon din ang ating gagawin.]

4. Sang-ayon sa Galacia 5:1, ikaw ay pinalaya na ni Cristo ano ang dapat nating gawin upang hindi na muling masakop sa
pamatok ng pagkaalipin? Kailangang MAGPAKATATAG sa kalayaang natamo.

5. Sang-ayon sa 1 Pedro 2:16, bilang isang malaya na, saan mo hindi dapat gamitin ang iyong kalayaan? Hindi dapat
gamitin ang natamong kalayaan SA PAG-GAWA NG MASAMA.

6. Ayon sa mga sumusunod na talata, paano tayo dapat mamuhay bilang mga Cristiano?

a) Galacia 5:16: Mamuhay ng AYON SA ESPIRITU hindi sa laman.
b) Efeso 5:1-2: Mamuhay SA PAG-IBIG.
c) Efeso 5:8: Mamuhay BILANG ANAK NG LIWANAG.

7. Anong mga bagay ang dapat nating ibigin at laging pag-isipan?

a) II Corinto 4:18: Pahalagahan ang MGA BAGAY NA WALANG HANGGAN (yaong mga bagay na hindi nakikita)
b) Colosas 3:1-2: Hanapin ang bagay na MAKALANGIT (nasa itaas).

3

Ang Patuloy Nating Pagbabago Dahil Kay Cristo.

8. Basahin ang Filipos 2:12-13. Sino ang tumutulong sa atin upang tayo ay magbago? Ang DIYOS.

Ano ang Kaniyang ginagawa upang tayo ay magbago? TINUTULUNGAN TAYO NA NAISIN AT GAWIN NATIN
ANG KANIYANG KALOOBAN.

9. Basahin ang 2 Corinto 3:17-18. Ayon sa iyong pagkaunawa sa talatang ito, tayo ba ay ganap nang nabago sa oras na
papasukin natin si Cristo sa ating buhay? HINDI PA. [Para sa mangangaral: Ipaliwanag na bagamat ipinanganak na
tayong muli hindi nangangahulugang tayo sa isang iglap ay naging ganap o nabago sa kasukdulan. Sa paningin ng Diyos,
dahil nasa atin na ang Cristo tayo ay ganap na, ibig sabihin nakita na Niya ang kahahatungan natin bilang kawangis ni Cristo
subalit sa ngayon, sa mula kaluwalhatian tungo kaluwalhatian tayo ay unti-unting babaguhin ng Panginoon.]

10. Anong mga kataga ang ginamit sa 2 Corinto 3:18 para ituro na ang pagbabago natin ay paunti-unti? MULA SA
KALUWALHATIAN TUNGO SA KALUWALHATIAN.

IPALIWANAG: Ayon sa 2 Corinto 3:18, lahat tayong mga Cristiano ay walang takip sa mukha at nakikita natin ang
kaluwalhatian ng Panginoon tulad ng sa isang salamin. At tayo'y unti-unting nababago at natutulad sa Kaniya habang
gumagawa sa ating buhay ang Espiritu ng Panginoon.

11. Ano ang paalala sa 1 Pedro 2:2 na upang bilang bagong silang na mga sanggol ikaw ay lumago? Na tayo ay
MANABIK SA GATAS NA ESPIRITUWAL, tulad ng pag-aaral sa salita ng Diyos.

12. Sa anong bagay tayo itinalaga ng Diyos?

a) Roma 8:29: Upang MAGING KAWANGIS NI CRISTO, sa kabanalan, sa katuwiran at iba pa.
b) Efeso 5:4-5: Upang MAGING BANAL AT WALANG KAPINTASAN SA PAG-IBIG.
c) 1 Pedro 2:9: Tayo ay ITINALAGA SA PANANAMPALATAYA.

[Para sa mangangaral: Bigyang diin na bagamat sa ngayon ay maaring hindi pa natin makita ang kaganapan ng ating
pagbabago, darating ang panahon sa patuloy na pamumuhay bilang alagad ni Cristo, tayo ay magiging kawangis niya sa
kabanalan at katuwiran. Huwag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat ang mga bagay na ito ay matutupad sa Panahon ng
Diyos. Huwag din tayong mawawalan ng pag-asa sa mga kapatid natin kung may nakikita tayong kapintasan sa kanila,
gaya natin sila rin ay pinapaging ganap palamang ng Panginoon, ika nga sila ay WORK IN PROGRESS tulad din
natin.]

13. Basahin ang Roma 12:2. Ano ang hindi na natin dapat sinasang-ayunan bilang mga Cristiano? Sa SANLIBUTAN.

Sa halip, ano ang dapat nating mabatid at sinasang-ayunan? Ang MABUTI, KAAYAAYA AT LUBOS NA
KALOOBAN NG DIYOS

Mga Palatandaan ng mga nakipag-isa kay Cristo.

14. Sa pamamagitan ng sumusunod na mga talata. Anu-ano ang ilang mga panlabas na katibayang makikita sa isang taong
nakipag-isa na kay Cristo?

a) 1 Juan 2:5: Ang PAGSUNOD SA SALITA NG DIYOS.
b) Juan 13:35: Ang PAG-IBIG SA ISAT-ISA.
c) Juan 15:4: PANANATILI KAY CRISTO at PAMUMUNGA.
d) Juan 17:14: KINAPOPOOTAN NG SANLIBUTAN.

[Para sa mangangaral: Ipaliwanag na ito ay ilan lamang sa mga bagay na maaring makikita ng ibang tao sa sinomang
nananalig kay Cristo. Ang kawalan ng ni isa man sa mga panalabas na katibayang gaya ito ay nagbibigay tanong kung
tunay ngang nakipag-isa na kay Cristo ang isang taong di kinakakitaan ng mga panlabas na katibayan.]

15. Sa pamamagitan ng mga sumusunod na talata. Anu-ano ang ilang mga panloob na katibayan na makikita sa isang taong
nakipag-isa na kay Cristo?

a) Roma 8:14-15:
b) Efeso 3:12:
c) Filipos 4:7:

Hindi man biglaan ang pagiging ganap nating lahat, may mga bunga kang makikita sa mga tunay na nakipag-isa na kay Cristo, narito ang
ilan pang karagdagan: (1) ang pagka-uhaw sa salita ng Diyos (2) ang pagkakaroon bagong pamantayan sa pamumuhay (3) kinapopootan ng
sanlibutan (4) ang pag-ibig sa kapwa mananampalataya (5) ang kagalakan sa pagli-lingkod sa Diyos (6) ang pagiging matatag sa
pananampalataya sa harap ng anumang pagsubok (7) ang katiyakan sa pag-ibig ng Diyos (8) kapayapaan sa puso sa gitna ng kaguluhan (9)
ang pagkamulat ng budhi sa anumang kasalanan (10) ang panloob na patotoo ng Espiritu Santo (11) ang pagkilala sa sarili bilang anak ng
Diyos (12) at ang paghahangad na maglingkod sa kapwa.


4
16. Sa iyong palagay, anu-ano pa ang mga dapat baguhin sa iyo ng Panginoon? ____________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________


Paunawa: Ang araling itoy walang bayad na handog sa iyo at ikaw ay may lubos na pananagutan dito. Itoy pinagkaloob sa pamamagitan ng tanging pagsasaayos ng
nagmamay-ari sa karapatan. Hindi ito upang kopyahin, ipagbili o ibigay kanino man. Kung mayroon kang kaibigang nais ng kopya, hayaan mong humingi sila sa taong
nagbigay nito sa iyo para sa sarili nilang kopya ng walang bayad. Kung nadarama mong pinagpalaka ng babasahing ito, maari kang magbigay ng kusang loob na
handog, ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng dagdag na babasahing tulad nito.

You might also like