You are on page 1of 4

ARALIN SA

ANO ANG BAWTISMO AT PAGPIPIRA-PIRASO NG TINAPAY?


(Para sa Mangangaral)

















Kaya ang mga tumanggap ng kaniyang salita na may kasiyahan ay
nabawtismuhan. At sa araw na iyon, nadagdag sa kanila ang may tatlong
libong kaluluwa. Ang Pagsasama-sama ng mga Mananampalataya. Sila ay
matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pagkikipag-isa, sa
pagpuputul-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.
Gawa 2:41-42.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

2

ANO ANG BAWTISMO AT PAGPIPIRA-PIRASO NG TINAPAY?

Ang bawtismo at ang pagpipira-piraso ng tinapay (o ang comunion) ay masasabing dalawang pangunahing ordinansa o utos ang Panginoong
Jesus sa iglesiya na patuloy na ginagawa sa loob ng humigit kumulang dalawang libong taon na ang nakakaraan. Ang dalawang ito ay hindi
lamang mga ritwal, ang mga ito ay sumasalamin sa panloob na biyaya ng ating kaligtasan.

KABANATA-1: ANG BAWTISMO SA TUBIG

Pinapahiwatig sa Hebreo 6:2 na maraming uri ng bawtismo, at matatagpuan nga sa Biblia ang mga sumusunod na mga uri ng bawtismo: Ang
bawtismo ni Juan o ang tinatawag na bawtismo ng pagsisisi (Lucas 3:3). Ang ginagawang pagba-bawtismo ng Panginoong Jesus sa Espiritu
Santo (Lucas 3:16). Ang bawtismo ng mga Cristiano (Roma 6:3-4). At ang sinapit na pagdurusa ng Panginoong Jesus para sa kapakanan
natin (Lucas 12:50).

1. Ayon sa Mateo 28:18-20 ano ang tatlong bagay na kinakailangang gawin ng mga alagad sa kanilang paghayo sa lahat ng
bansa? (i) GAWING ALAGAD ang lahat ng bansa (ii) BAWTISMUHAN SILA sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo,
(iii) TURUAN SILA na ganapin ang lahat ng utos ni Jesus.

2. Basahin ang Roma 6:3-6. Ano ang itinatanghal sa bawtismo sa tubig? ANG PAGKAMATAY, PAGKALIBING, AT
MULING PAGKABUHAY NI JESUS.

3. Basahin ang 1 Corinto 12:13. Anong bawtismo naman ang nagdala sa atin tungo sa Katawan ni Cristo?
ANG BAWTISMO NG ESPIRITU SANTO. [Para sa mangangaral: Ipaalala ang natutunan sa araling, Ang Iglesia
patungkol sa ibig sabihin ng Katawan ni Cristo o ang iglesiyang pangkalahatan at ang iglesiyang local o iglesiya sa
iisang lugar.]

4. Sa ebanghelyo ni Apostol Juan, sa 1:33, nagpatotoo si Juan na Tagapanguna. Anong bawtismo ang gagawin ng
Panginoong Jesus? BAWTISMO NG BANAL NA ESPIRITU. [Para sa mangangaral: Sa puntong ito dapat ay dalawang
bawtismo na ang nadiskubre natin: (i) ang bawtismo sa tubig at, (ii) ang bawtismo ng Epiritu Santo na walang ibang
makagagawa kundi ang Panginoong Jesus lamang. Oo, wala nang iba kundi ang Panginoong Jesus lamang. At nagaganap ito sa
oras ng pagsampalataya.]

Ang mga alagad ni Cristo ang nagbabawtismo sa mga bagong mananampalataya samantalang ang nagbabawtismo naman ng Banal na
Espiritu ay ang Panginoong Jesus.

5. Ayon sa 1 Pedro 3:21, nakapagliligtas ba ang bawtismo sa tubig? Bakit o bakit hindi? HINDI. SAPAGKAT ANG
KALIGTASAN AY BIYAYA NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA HINDI SA
PAMAMAGITAN NG GAWA. [Para sa mangangaral: Ipaalala ang mga natutunan sa araling, Katiyakan sa Kaligtasan.
Bigyang diin ang katotohanang ito sabihin na maraming mangangaral ng Biblia ang nagkakamali dito. Kapag ang kaligtasan ay
sinabi nating nagmumula sa bawtismo sa tubig binabawasan natin ng kapangyarihan ang bawtismo ng Espiritu Santo na siyang
tunay na naligtas sa atin. Pag sinabi nating sa pamamagitan ng gawa din naman tayo naligtas, binabawasan natin ng halaga ang
ginawa ni Jesus para sa atin.

Ayon sa I Pedro 3:21: Ang tubig na iyon ang larawan ng bawtismo na ngayon ay nagliligtas sa atin. May sinasalamin o
nilalarawan ang tubig, ang nilalarawan nito ay yaong bawtismong nagligtas sa atin. Anong bawtismo ito gayong natutunan na
nating maraming bawtismo? Kung ang sagot mo ay bawtismo ng Espiritu Santo, tama! Yan ang sinasalamin ng bawtismo sa
tubig ang bawtismong nagligtas sa atin sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo.]

Hindi nakapagliligtas ang bawtismo sa tubig, sa katunayan pa nga, itinuturo ng Biblia na ang tao ay dapat munang maligtas bago siya
mabawtismuhan.

6. Ayon sa Roma 3:28 at Tito 3:5, paano inaaring ganap ang isang tao sa Diyos? SA PAMAMAGITAN NG
PANANAMPALATAYA.

7. Ayon sa Gawa 8:36-37, ano ang tiniyak muna ni Felipe bago niya binawtismuhan ang lalaking taga-Etiopia?
KUNG SIYA AY SUMASAMPALATAYA KAY CRISTO. [Para sa mangangaral: Bigyang diin ito sa mga tinuturuan. Ito
ang pangunahing kundisyon wala nang iba. At hindi na kailangan ng magbilang pa ng ilang Linggo, buwan o taon, ang
pangunahing kundisyon ay ang pagsampalataya kay Cristo. Kung sinumang sumasampalataya kay Cristo ay maaring
bawtismuhan sa tubig.]

8. Basahin ang tagpo sa Gawa 10:43-48. Habang nangangaral ng ebanghelyo si Pedro ano ang bumaba sa mga nakikinig ng
salita? ANG BANAL NA ESPIRITU. [Para sa mangangaral: Bigyang diin din ito: Naganap ang pagbaba ng Espiritu Santo
habang nangagaral ng Ebanghelyo o ng Salita ng Diyos si Pedro.]

Ayon sa Efeso 5:26 ano ang nakapaglilinis sa atin? ANG TUBIG NG SALITA. [Para sa mangangaral: Ipaliwanag na
hindi literal na tubig ang tinutukoy dito kundi ang tubig ng salita. Ang Salita ng Diyos ay nakapaglilinis sa atin. At ito ang
ginagamit ng Espiritu Santo upang tayoy linisin at hindi ang literal na tubig na ginagamit sa pagba-bawtismo.]

3
Hindi bawtismo sa tubig ang nakapaglilinis ng kasalanan ng tao kundi ang salita ng Diyos. Kaya masasabing ang bawtismo sa tubig ay
sumasagisag din ng bawtismo ng Espiritu Santo na naglinis sa atin sa pamamagitan ng salita.

Ano ang iniutos ni Pedro pagkatapos nilang tanggapin ang Espiritu Santo? Gawa 10:48 NA SILA AY
MAGPABAWTISMO SA TUBIG.

Sa pamamagitan ng bawtismo sa tubig, tayo ay nagkaroon ng karapatang maging kaanib sa lokal na iglesiya (o sa iglesiyang nasa iisang
lugar) na bahagi naman ng buong Katawan ni Cristo.

9. Sa Gawa 2:41-42, ano ang nangyari sa tatlong libong kaluluwa na binawtismuhan? NADAGDAG SA KANILA. [Para sa
mangangaral: Ipaliwanag na sa pagkakataong ito, ibinilang ng Kasulatan ang tatlong libo nang sila ay nagpabawtismo. Sa
ganitong paraaan, masasabi nating ang paganib sa local na iglesiya ay sa pamamagitan din naman ng bawtismo sa tubig.]

Ano ang mapapansin mo sa mga nabawtismuhan? SILAY MAY KASIYAHAN. [Para sa mangangaral: May
kasiyahan, hindi sila pinilit o hindi sila napipilitan, bukal sa kanilang kalooban ang pagsunod sapagkat sila ay talagang
nagsisipagsampalataya na.]

Hindi sapilitan ang ginawang pagbabawtismo sa tatlong libong mananampalataya. Makikitang binawtismuhan sila nang sila ay tumanngap sa
salita ng may kasiyahan.

10. Ayon Mateo 3:14-15, si Juan na tagapanguna ng Panginoon ay tumutol na bawtismuhan si Jesus, sa iyong palagay, bakit?
WARI NIYA WALA SIYANG KARAPATAN. [Para sa mangangaral: Hindi si Apostol Juan bagkus ay si Juan
Tagapanguna o Juan Bawtista ang tinutukoy na Tagapanguna ng Panginoong Jesus ayon sa Juan 1:23, Ako ang tinig na
sumisigaw sa ilang. Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon tulad ng sinabi ni Isaias na propeta. Binabawtismuhan ni Juan sa
tubig ang mga Israelitas na nanunumbalik sa Diyos upang ihanda sila sa pagdating ng Mesiyas. Tinuro ng Diyos kay Juan na si
Jesus ang Mesiyas kaya wari niyay wala siyang karapatan ni kalagan man lamang ang sandalyas nito.]

Bagamat ang bawtismo sa tubig ay hindi nakapagliligtas, ito pa rin ay may lubos na halaga. Masasabing ito ay pagpapahayag natin sa
sanlibutan na tayo na ay nakikiisa kay Cristo. Makikita rin natin sa Panginoon kung paano dapat ituturing kahalagahan nito.

Ano naman ang naging sagot ni Jesus sa talata 15? NAGPABAWTISMO PA RIN SI JESUS. [Para sa mangangaral:
Bagamat si Jesus ay ang Mesiyas mapagpakumbabang nagpabawtismo pa rin si Jesus upang matupad ang lahat ng
katuwiran kaya napapayag niya si Juan.]

11. Basahin ang Mateo 3:16 o Gawa 8:39. Ano ang ginawa ni Jesus (o ng lalaking taga-Etiopia) matapos nang siya ay
bawtismuhan? UMAHON SILA SA TUBIG.

Ang katagang bawtismo ay hango sa katagang Griego na baptidzo, na ang kahulugan ay ilubog o ilublob. Makikita ito sa ginawang pag-
ahon ng panginoon o nang lalaking taga-Etiopia mula sa tubig na nagpapahiwatig na sila ay inilubog o inilublob nga sa tubig. [Para sa
mangangaral: Ipaliwanag na sa pamamagitan na lamang ng kahulugan ng salitang bawtismo malalaman na natin kung ano ang
kaparaanang ito ay sinasagawainilulublob ang binabawtismuhan sa tubig. Makikita rin natin sa Mateo 3:16 at Gawa 8:39
kung anong ginawa ng ni Jesus at ng lalaking taga-Etiopia (ang lalaking kapon) matapos silang bawtismuhansilay umahon
sa tubig. Kaya nararapat na ganyan din ang pagbabawtismong ating gagawin. Maliban pa sa mga ito. Dahil sinasagisag ng
bawtismo sa tubig ang kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay ni Jesus nararapat lang na ilublob sa tubig ang
binabawtismuhan. Ang paglublob ay naglalarawan ng ating pagkamatay at pagkalibing kasama si Cristo, ang pag-ahon naman
ang naglalarawan ng muling pagkabuhay natin kasama si Cristo.]

12. Ayon sa 1 Corinto 1:16-18, bakit sinugo si Pablo hindi upang magbawtismo kundi upang ipangaral ang ebanghelyo?
SAPAGKAT ITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA MGA NALIGTAS. (Hindi ang bawtismo sa tubig.)

Ganun pa man mababasa na may mga binawtismuhan pa rin si Apostol Pablo? Sa sarili mong salita ano ang pinapahiwatig
nito? MAKIKITA NA BAGAMAT HINDI ANG BAWTISMO SA TUBIG ANG NAKALILIGTAS PATULOY ANG
IGLESIYA SA PAGSUNOD SA UTOS NA ITO NI JESUS.

13. Balikan ang mga napag-aralan at sagutin ang mga tanong: Para sa iyo, gaano kahalaga ang pagpapabawtismo? At bakit?
[Para sa mangangaral: Bayaan silang sumagot sa sariling pangungusap subalit maging handang itama ang maaring maling
sagot gaya ng: Nakakalinis kasi ng kasalanan ang bawtismo sa tubig, Kasi pag di ka sumunod di ka maliligtas, at iba pa.
Ipaliwanag ding mabuti na bagamat hindi ito nakakalinis sa kasalanan, ang bawtismo sa tubig ay mahalaga sa ating
mananampalataya. Ito ay ang pampublikong proklamasyon natin ng pakikiisa kay Cristo, na tayoy nananalig sa kaniya, na tayo
ay naligtas na sa pamamagitan ng pagbabawtismo ng Espiritu na nagaganap nang tayoy sumampalataya.]

Mayroon bang hadlang kung bakit ang sinumang sumasampalataya ay hindi dapat magpabawtismo? [Para sa
mangangaral: Bayaan silang sumagot sa sariling pangungusap.]

KABANATA-2: ANG PAGPIPIRA-PIRASO NG TINAPAY (COMUNION)

1. Nang sinabi ni Jesus sa Lucas 22:19, Ito ang aking katawan, ang ibig sabihin ba ay naging katawan niya ang tinapay?
Iugnay ang iyong sagot sa kanyang pangungusap na, Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. SIMBOLO NG KATAWAN

4
NI CRISTO NA GINUGUNITA NATIN. [Para sa mangangaral: Sa mundo, ang pag-gunita sa kamatayan ay nagdudulot
ng kalungkutan subalit sa ating mga mananampalataya, ang paggunita sa kamatayan ni Cristo ay nagdudulot sa atin ng sigla at
kaligayahan sapagkat sa pamamagitan nito nakatanggap tayo ng paglaya at katagumpayan sa kasalanan.]

2. Ayon sa 1 Corinto 11:24-26, anong sinasagisag ng tinapay na pinakikibahagian natin? KATAWAN NI CRISTO [Para
sa mangangaral: Hindi ang iglesiyang pangkalahatan ang tinutukoy dito kundi ang literal na katawan ni Cristong
binayubay sa krus.]

Sa talata 25, ano ang sinasagisag ng saro na pinakikibahagian natin? DUGO NI CRISTO.

3. Sa tuwing kakanin natin ang tinapay at iinumin natin ang saro, ayon sa 1 Corinto 11:26, ano ang ginagawa natin?
IPINAPAHAYAG NATIN ANG KAMATAYAN NI JESUS.

Hanggang kailan dapat gunitain ang kamatayan ng Panginoon? HANGGANG SIYAY DUMATING.

Ang pagpipira-piraso ng tinapay ay sumasagisag ng paghahandog ng Panginoong Jesus. Ang tinapay ay nagsisilbing sagisag ng kanyang
katawan na nagdanas ng hirap para sa ating kaligtasan (Isaias 53:4-5). Sa kabilang banda, ang saro naman ay sumasagisag ng kanyang
dugo na dumanak para sa ating katubusan (1 Pedro 1:18-19). Hindi nagiging tunay na laman at dugo ni Cristo ang mga elementong ito.

4. Basahin ang 1 Corinto 11:27-30, ano ang dapat munang gawin bago makibahagi sa tinapay at sa saro? (Talata 28)
SURIIN ANG SARILI.

Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili sa hindi mo pagkilala sa katawan ng Panginoon? (Talata 29) KUMAKAIN AT
UMIINOM NG KAHATULAN.

Ano ang bungang idinudulot ng hindi pagkilala sa katawan ng Panginoon? (Talata 30) KARAMDAMAN O
PAGTULOG (pisikal na kamatayan). [Para sa mangangaral: Hindi ito espiritwal na kamatayan, mayroon na tayong
buhay na walang hanggan. Subalit sa pagkakasala natin sa katawan ng Panginoon kapag di natin sinuri ang sarili at hindi
inilahad sa Diyos at pinagsisihan ang kasalanan, hahatulan niya ang ating katawan.]

5. Ano ang tawag sa pista ng mga Judio kung kailang ginanap ang unang pagpipira-piraso ng tinapay? (Mateo 26:17)
PISTA NG PAGLAGPAS, (o Pista ng Paskua, o Pista ng Tinapay na Walang Lebadura o Pampaalsa).

Pinasimulan ang pagpipira-piraso ng tinapay sa unang araw ng pista ng Mga Tinapay na Walang Lebadura (o pampaalsa). Ang pistang ito ay
pinagdiriwang ng mga Judio taon-taon at tumatagal ng pitong araw. Ang pista ay nagsisimula sa paglubog ng araw, at sa gabing ito, salo-
salong naghahapunan at kinakain ng mga Judio ang Kordero ng Paskua o paglagpas (Lucas 22:7). Ang Paskua ay ipinagdiriwang nila bilang
pag-ala-ala sa ginawang paglagpas ng Panginoon sa tahanan ng mga Judio nung gabing ang lahat ng mga panganay sa Egipto ay pinaslang
(Exodo 12:13-24; Levitico 23:4-8) bilang kaparusahan sa ginagawa nilang pag-aalipin sa mga Judio.

6. Sa Mateo 26:28, ano ang tawag ni Jesus sa saro? DUGO NG BAGONG TIPAN.

7. Pagkatapos makibahagi sa tinapay at saro, ano ang ginawa ni Jesus sampu ng kanyang mga alagad bago pumunta sa
bundok ng Olibo? (Mateo 26:30) UMAWIT SILA NG HIMNO.

8. Basahin ang 1 Corinto 5:7-8. Ano ang turing ni Apostol Pablo sa mga mananampalataya? MGA TINAPAY NA
WALANG LEBADURA o pampaalsa. [Para sa mangangaral: Sa Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, inaalis ng mga mga
Judio ni bakas man lamang ng pampaalsa sa loob ng 7 araw. Sa Bagong Tipan, tayo ang tinapay na walang lebadura, sapagkat
sa ginawa ni Jesus tinakpan niya sa pamamagitan ng kaniyang dugo ang mga kasalanan natin hindi lamang sa loob ng pitong
araw kundi magpakaylanman.]

Para sa Apostol, sino ang ating Kordero ng Paglagpas? SI JESUCRISTO. [Para sa mangangaral: Sa Bagong Tipan, ang
Kordero natin ay ang Panginoong Jesus. Kung papaanong ang mga korderong kinatay sa Egipto at ang dugo ng mga ito na
pinahid sa mga itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto ng kanilang tahanan ay (Exodo 12:23) naglagpas ang
kamatayang hatol ng Panginoon sa mga panganay sa Egipto gayung si Jesus naman sa pamamagitan ng ang dugo niyang
dumanak sa krus ng kalbaryo ang naglagpas sa sa sinumang sumasampalataya at nakikiisa kay Cristo sa kahatulang walang
hanggang kamatayan.]

9. Sa sariling pangungusap, gaano kahalaga para sa iyo ang pagdiriwang ng pagpipira-piraso ng tinapay? At bakit? [Para
sa mangangaral: Mula sa tanong na ito hanggan matapos, bayaan silang sumagot sa sarili nilang pangungusap.]

Anu-ano ang mga sinasagisag ng mga elemento sa pagdiriwang na ito?

Ang tinapay _______________________________________ Ang saro __________________________________________

10. Anong paghahanda ang dapat mong gawin bago ka makibahagi sa pagdiriwang na ito?
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

You might also like