You are on page 1of 3

Graciano Lopez Jaena

(Prinsipe ng mga Pilipinong Orator)


Si Graciano Lopez Jaena ay isang Pilipinong manunulat,
rebolusyonaryo, at pambansang bayani mula sa lalawigan ng Iloilo, na
nakilala sa kanyang pahayagang, "La Solidaridad". Nakilala rin siya sa
kaniyang akdang Fray Butod. Butod ang salitang Hiligaynon para sa
kabag at katumbas din ito ng balbal na tabatsoy.
Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena
sa Jaro, Lungsod ng Iloilo, noong 18 Disyembre 1856. Ang ina niya, si
Mara Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si
Plcido Lpez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit
nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si
Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.
Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray
Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro,
upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si
Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing
niyang magsalita.
Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo
ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging
manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga
magulang, tinangka niyang pumasok saUniversidad de Santo Tomas sa
Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en
Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa
kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan
(apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni
Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan
siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan,
nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.
Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng
pag-api ng mga frayle sa mga tao. Noong 1874, nang 18 taon gulang
lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang Fray
Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya
na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay
ang daya at pagsamantala sa mga tao.
Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies)
ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano
nang patuloy siyang kumalampag (campaa, campaign) ng katarungan
para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Espanyol na
alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si
Graciano na ipahayag na natural ang pagkamatay ng mga bilanggo.
Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle.
Noon siya tumakas sa Espaa.
Noong 15 Pebrero 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang
pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang
husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang
pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat
upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga
Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.
Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40
sa Madrid, Espanya.

You might also like