You are on page 1of 2

Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko lyrics

ABS-CBN 2013 Christmas Station ID theme



Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Anumang lungkot, tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap, ngayo'y magaganap

Refrain:
Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal
sa'yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

Chorus:
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-
ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang
mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng
Pasko

wo-oh wo-oh-oh
wo-oh wo-oh-oh
Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
Umuukit nang malalim

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)

Bridge:
Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos

(Repeat Chorus)

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang
mahalaga
Nasaan man sa mundo, magkasama
tayo
Nasaan man sa mundo, magkasama
tayo
Sa kwento ng Pasko

(Repeat Chorus 3x)

Isang kwento
Kwento ng Pasko


Iisang kwento
Kwento ng Pasko


http://www.slideshare.net/MariaMarthaManetteMadrid/technical-writing-12786836

You might also like