You are on page 1of 92

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA

KOMPREHENSYON NG MGA MAG-AARAL SA


ASSIGNATURANG FILIPINO NG DALUBHASAANG
COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA
KLASE SA TAG-ARAW 2004

ni
Ernel F. Galang Jr.

Isang Panukalang Tesis
Ipinasa Bilang Pagtupad na Pangangailangan sa Kursong
PSR32S- Introduction to Educational Research
Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo
Mayo 2004



COLUMBAN COLLEGE
OLONGAPO CITY

In partial fulfillment of the requirement for the Degree of
Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino this thesis
proposal entitled;
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KOMPREHENSYON
NG MGA MAG-AARAL SA ASSIGNATURANG FILIPINO NG
DALUBHASAANG COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA
KLASE SA TAG-ARAW 2004
has been prepared and submitted by ERNEL F. GALANG JR.
who is hereby recommended for oral examination.

David Bueno Ed.D.
Faculty Adviser
Approved by the Committee of Oral Examiners:
______________________

______________________ ______________________
Date of Oral Defense: ______________________
TALAAN NG MGA NILALAMAN
DAHON NG PAMAGAT.................................................. i
DAHON NG PAGPAPATIBAY....................................... ii
PASASALAMAT...............................................................iii
TALAAN NG MGA NILALAMAN..................................v
KABANATA
1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
Panimula........................................................ 1
Lugar ng Pananaliksik....................................8
Mapa Fig. 1.......................................... 10
Balangkas Konseptuwal................................. 11
Mapa Fig. 2..........................................14
Paglalahad ng Suliranin................................. 12
Pagpapalagay................................................. 15
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral...............15
Kahalagahan ng Pag-aaral..............................16
Katuturan ng mga Katawagan........................ 18
2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
PAMPANITIKANG PANANAW
Pampanitikang Pananaw
Sa Ibang Bansa................................ 21
Sa Pilipinas.. 29
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Sa Ibang Bansa.................................... 63
Sa Pilipinas...........................................65
3 DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMARAAN
Ginamit na Pamaraan ng Pananaliksik .......... 71
Respondents...................................................72
Instrumento.................................................... 73
Pagkamay-Bisa ng Instrumento..................... 74
Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos. 74
Pagbibigay-Halaga sa Datos...........................75
TALASANGGUNIAN............................................ 76
APPENDIKS............................................................ 79
CURRICULUM VITAE..........................................87

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
Panimula
Ang antas tersyarya ay maituturing na kritikal na panahon
para sa buhay ng isang mag-aaral. Sa pagpasok ng mga bagong
kaalaman at konsepto na itinuturo ng mga guro, pangunahing
nasusukat dito ang lawak at bilis ng komprehensyon ng bawat mag-
aaral. Kaya mapapansin na sa unahang bahagi pa lamang, malaki na
ang gampanin ng guro sa ikatututo at sa ikapagtatamo ng malawak
na komprehensyon ng mga mag-aaral.
Ang pagtuturo ay SINING. Ayon kay Belvez (2000) ang
pagtuturo ay isang sining sapagkat ito ay maayos na paraan ng
pagsasagawa ng pagkikintal ng kaalaman. Ito ay sangay ng
karunungang nauukol sa paglikha ng maririkit na bagay,
magagandang kaganapan. Sa masining na pananaw at pamamaraan
ng isang guro nakasalalay ang mabisang pagtuturo. Ang pagiging
malikhain at pagka-resourcefulay nagbubunga ng mabisang
pagtuturo. Samakatuwid ang isang masining na paraan ng pagtuturo
ay makakatulong sa mga mag-aaral, una sa lahat ay maganyak
(motivate) silang mag-aral. Ang pag-aaral ng liksiyon ay isang
hakbang naman tungo sa ikauunlad o ikalalawak ng
komprehensyon ng mga mag-aaral, na tanda ng pagkatuto.
Binigyang halimbawa at pagtutulad ni Calderon (1998) ang
sining ng pagtuturo sa isang pintor na kayang gumawa ng marikit,
masining at simbolikong obra-maestra. Kasama na rito ang mga
ibat-ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro para sa bawat
uri ng kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral.
Ang pagtuturo ay isang AGHAM. Isang sangay ito ng
karunungan, lalo na ng kaalaman kung paanong ang isang
pangyayari ay nagbibigay-daan sa pinagmulan ng iba sa lipunan.
Itoy umaalinsunod sa mga simulain o prinsipiyo (Belvez; 2000).
Ang mga teknik at istratehiya sa pagtuturo ay umaalinsunod sa
maayos, sistematikong pagkakasunod ng mga hakbang. Ang
pagtuturo ay may mga batayan at saligan. Ilan sa mga ito ay mga
batayang pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal.
Ang guro ay kinakailangan din na umagapay sa mabilis na
pag-unlad ng edukasyon. Karaniwan na sa mga gurong nagtapos ng
Sekundarya o kaya naman ay Elementaryang kurso sa Edukasyon
ang kumuha ng kurso para sa pagka-masteral at sa kalaunan ay sa
pagka-doctoral. Ito ay sa layunin nilang mapalawak pa at
maragdagan ng bago at napapanahong kaalaman at kalakaran sa
pagtuturo upang makatulong sa pagpapabuti ng mga mag-aaral.
Kinakailangan din ang patuloy na pananaliskik, pagbabasa ng mga
propesyonal na babasahin, pagdadalo sa mga seminar at panayam
para makakalap ng mga makabagong paraan sa pagtuturo.
Sa mga paaralan, maging pribado, o publiko, ay may
sinusundang kurikulum. Ang kurikulum ay ang kabuuan ng mga
pinag-aaralan sa isang institusyong pang-akademiko. Ito ay pinili
ng maayos at maingat na ipinapatupad sa mga paaralan.
Ang mga pasilidad ng paaralan ay nakakaapekto sa pagkatuto
ng mga mag-aaral. Gumugugol ng malaking halaga ng salapi ang
mga kilalang pamantasan at dalubhasaan upang matustusan lamang
ang pagpapatayo o pagsasaayos ng mga pasilidad. Nakasalalay kasi
ang lahat ng gawaing pang-edukasyon sa isang maayos na paaralan.
Batayan ng pag-unlad ng isang pamayanang pang-akademiko ang
maayos at kumpletong mga pasilidad at kagamitan.
Sa kasalukuyan, ang Dalubhasaang Columban ay nasa ilalim
ng accreditation process ng PAASCU na ang ibig sabihin ay
Philippine Accrediting Agency for Schools, Colleges, and
Universities. Isang malaking karangalan at hamon para sa isang
paaralan tulad ng Columban ang makapasa sa accreditation ng
PAASCU, sapagkat nagpapatunay lamang ito na nagsisikap ang
paaralan na tugunan ang lahat ng pangangailangang pang-
akademiko nito, at higit sa lahat, ito ay sumisimbolo sa kagalingan
ng isang paaralan.
Malimit nang ikinakapit ang pagkatuto sa pagtuturo. Ayon
kay Kolesnik (Aquino; 1988), ang pagkatuto ay nakatuon sa
pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon, kakintalan, at
pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at mga ibang uri ng
bagong tugon (new response). Binigyang katwiran ni Gregorio
(1976) na ang pagkatuto ay isang aktibong proseso na kung saan
ang mag-aaral ay tuwirang kabahagi. Natututo ang mag-aaral sa
kanyang ginagawa, at sa kanyang pag-iisip. Masasabi lamang na
may pagkatuto [pagkaunawa] kung may kakintalan (mastery or
retention). Hindi matatawag na pagkatuto ang tuwirang pagsasaulo
(pure memorization). Ang pag-unawa sa bawat konsepto o
kaalamang kanyang tinaglay ay magdudulot ng kakintalan
(retention), na kahayagan ng pagkatuto.
May tatlong pangunahing katangian ng pagkatuto
(Lardizabal; 1991). Una ay: ang pagkatuto ay umuunlad. Habang
ang tao ay lumalaki, siya ay natututo ng ibat- ibang kaalaman at
mga kasanayan. Ikalawa ay: ang pagkatuto ay interaktib. Ito ay ang
pagtugon sa stimuli na nangangahulugan ng pagnanais na matuto.
Ang pagtugon na ito ay maaaring nasa uring pasalita,
pagpapaliwanag muli ng mga dating konsepto, pagkatutong muli ng
mga kinagawian, atbp. Ikatlo ay: ang pagkatuto ay saligan ng
teoryang S-R (stimulus-response).
Nailahad na ang mga panunahing salik na nakakaapekto sa
komprehensyon ng mga mag-aaral kayat bilang panghuli, bibigyan
ng pahapyaw na pag-aaral kung anu-ano ang mga araling bumubuo
sa assignaturang Filipino.
Sa Dalubhasaang Columban at maging sa ibang paaralang
pang-antas tersyarya; ang Filipino ay binubuo ng apat na bahagi. Ito
ay ayon sa bagong memorandum na ipinalabas ng CHED, bilang
pagtupad sa bagong kurikulum na kilala sa tawag na General
Education Curriculum. Ang unang Filipino ay pinamagatang Sining
ng Pakikipagtalastasan. Itoy nakatuon sa apat na kasanayang
pangwika- pagsasalita, pakikinig, pagbasa, at pagsulat. Ang
Filipino 2 ay pinamagatang Pagbasa at Pagsulat sa Ibat Ibang
Disiplina. Ang mga Disiplina ay nauukol sa humanidades, likas na
agham, agham panlipunan, at kasaysayan, na may kaugnayan sa
teknismo ng pagbasa at pagsulat. Samantalanga ng Filipino 3 ay
pinamagatang Sining ng Retorika na sumsaklaw sa malikhaing
pagsulat kaugnay ng apat na paraan ng pagpapahayag:
pagsasalaysay, paglalarawan, paglalarawan, paglalahad, at
pangangatuwiran. Panghuli ay ang Filipino 4 na nakatuon sa
Panitikang Filipino na tumatalakay sa kasaysayan ng pag-unalad n
gating panitikan mula sa Panahon ng ating mga ninuno hanggang sa
Kasalukuyang Panahon.
Naniniwala ang mananaliksik na ang ikapagkakaroon ng
mabisang pagtuturo, sistematiko at organisadong kurikulum,
maayos at kumpletong pasilidad ng paaralan, disiplinadong mga
mag-aaral, at paggamit ng angkop na pagpapahayag sa wikang
Filipino; ay magiging malaking bahagi sa ikalalawak ng
komprehensyon ng bawat mag-aaral sa assignaturang Filipino. Sa
gayon, magkakaroon ng pagpapahalaga ang mga mag-aaral sa
kanilang ginagawang pag-aaral.
Lugar ng Pananaliksik
Dalubhasaang Columban ay isang institusyong Katoliko na
naglalayong pagsilbihan ang mga pangangailangang pang-
akademiko ng Zambales at Bataan. Unang nakilala ang institusyong
ito bilang Naval Resrvation Junior College na itinatag noong 1947
ni G. Pedro Mendoza, kasamang guro ni G. Dionisio Lindayag, na
parehong nagsipagtapos sa Mataas na Paaralan ng Bulacan noong
bago sumiklab ang digmaan. Ang mga naunang pagsisikap na
magtayo ng paaralan ay naisakatuparan sa kadahilanang walang
ibang paaralan na malapit sa Base Nabal ng Subic upang
pagsilbihan ang mga taong nagnanais na makapag-aral.
Noong 1961, ipinasa ng Pamilya Lindayag sa mga Columban
Fathers for the Prelature Nullius ng Iba ang pagmamay-ari sa
paaralan. Sa taong 1962, binago ang pangalan ng paaralang
institusyonal na ito, at nakilala sa tawag na Columban College Inc.
Bilang diocesan school, ito ay pinamumunuan ng Obispo ng Iba.
Ang unang Direktor ng Dalubhasaang Columban ay si Fr. Thomas
L. Convery, SSC kasama si Fr. Paul O Malley, SSC bilang
kanyang kanang-kamay. Nailipat kay Fr. Constancio Gan, C.M.,
tagapangasiwa ng mga Vicentian Fathers, ang pamamahala sa
Dalubhasaan noong 1983 bilang Direktor.
Humalili noong 1989 ang Daughters of Charity bilang
bagong tagapamahala sa Dalubhasaan. Samantalang noong 1993,
ang Dalubhasaan ay naisailalim sa patnubay ng Diocese of Iba na
pinamunuan noon ni Obispo Deogracias Iniguez Jr., D.D. Naatasan
naman si Fr. Daniel O. Presto bilang Pangulo mula 1993 hanggang
sa kasalukuyan.
Ang Dalubhasaang Columban ay matatagpuan sa #1 Mt. Apo
St., New Asinan, Lungsod ng Olongapo. Ito ay bukas sa mga mag-
aaral ng elementarya, sekundarya, tersyarya, at maging sa mga
taong nagnanais kumuha ng kursong pang-gradwado.


















Balangkas Konseptuwal
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa limang salik na
nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa
assignaturang Filipino.
Mula elementarya, itinuturo na ang mga araling nakapaloob
sa assignaturang Filipino. Patuloy pa rin na nagsasagawa ng mga
pagbabalik-aral sa Antas Sekundarya at Antas Tersyarya. Naging
malalim lamang ang diwa, talasalitaan, at pagtalakay; subalit ang
pangunahing paksa ay pagbabalik-aral pa rin. Ang nakapagtataka
ay may mga mag-aaral pa rin na bumabagsak ang grado sa Filipino
maging sa Antas Tersyarya. Bakit kaya?
Nararapat tukuyin muna ang mga katangian ng mga mag-
aaral, ang kanilang Edad, Kasarian, Anyo ng paaralang
pinagtapusan sa hayskul, at Antas <year level>. Isama pa rito ang
pagtukoy sa limang salik- guro, kurikulum, pasilidad ng paaralan,
mag-aaral at Wikang Filipino. Gagamit ng Talatanungan,
Pakikipanayam, Pananalisik, Pangangalap at Pagsusuri sa mga
datos sa pamamagitan ng pagkuha sa Percentage at Mean. Ang
resulta ay ang pagkakaroon ng malawak at malinaw na
komprehensyon ng mga mag-aaral <pagkatuto>.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy ang ibat-
ibang salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral
sa assignaturang Filipino ng Dalubhasaang Columban sa Antas
Tersyarya, upang matiyak ang mga kasagutan ayon sa mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang katangian ng mga respondent ayon sa mga
sumusunod:
1.1 Edad;
1.2 Kasarian;
1.3 Anyo ng paaralang pinagtapusan (hayskul); at
1.4 Antas?
2. Paano nakakaapekto ang mga sumusunod na salik sa mabilis
na ikauunawa ng mga mag-aaral?
2.1 Guro;
2.2 Kurikulum;
2.3 Mga Pasilidad ng Paaralan;
2.4 Kaasalan at Gawi ng mga mag-aaral; at
2.5 Paggamit ng Wikang Filipino?
3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa
mga mag-aaral?
3.1 Sining ng Pakikipagtalastasan;
3.2 Pagbasa at Pagsulat;
3.3 Ang Sining ng Retorika; at
3.4 Panitikang Filipino?
4. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng malawak na
komprehensyon sa assignaturang Filipino bilang gabay ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo?
































Fig. 2
Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral

INPUT
Katangian ng mga
mag-aaral ayon sa:
Edad
Kasarian
Anyo ng
Paaralang
Pinagtapusan
<hayskul>
Antas
Mga Salik na
nakakaapekto sa
komprehensyon:
Guro
Kurikulum
Pasilidad ng
Paaralan
Gawi at
Kaasalan ng
mga mag-
aaral
Paggamit ng
Wikang
Filipino
PROCESS
1. Pangangalap
ng Datos
2. Paggamit ng:
Talatanungan
Pakikipanayam
Pananaliksik
3. Pagsusuri sa
mga nakalap na
Datos:
Percentage
Mean


OUTPUT

Pagkakaroon ng
malawak na
komprehensyon

<pagkatuto>
Pagpapalagay

Narito ang nabuong pagpapalagay:
1. Ang bilis ng komprehensyon at pagkatuto ng mga mag-aaral
ay nakabatay sa mga sumusunod na salik:
1.1 Mabisang Pagtuturo ng mga Guro na masusukat sa
kanilang taglay na:
1.1.1 Katangiang Personal; at
1.1.2 Pansariling Katangian
1.2 Organisado at Sistematikong Pagkakaayos ng Kurikulum
1.3 Maayos at Kumpletong Pasilidad ng Paaralan
1.4 Kaasalan at gawi ng mga mag-aaral
1.5 Mabisa at angkop na paggamit ng Wikang Filipino sa
pag-aaral at pagtuturo.
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
Bahagi at sakop ng pag-aaral na ito ang lahat ng mga mag-
aaral na kumukuha ngayong tag-araw ng assignaturang Filipino
(Filipino 1 hanggang 4).
Ang pag-aaral ay tatalakay sa mga ispisipikong bahagi ng
problema: (1) mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng
mga mag-aaral; at (2) kaugnayan ng wastong paggamit ng wika sa
ikalalawak ng komprehensyon sa assignaturang Filipino.
Sa pagkalap ng datos, ang pamamaraang ginamit ay
pagtatanong sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire).
Gumamit din ng mga pakikipanayam at pagsusuri sa mga datos
upang makakalap ng mas mahahalaga at napapanahong
impormasyon.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa ikabibisa ng
pagtuturo ng assignaturang Filipino at sa paggamit ng Wikang
Filipino bilang midyum.
Sa mga tagapangasiwa ng Dalubhasaang Columban, ang pag-
aaral na ito ay makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa
kanilang mga pagpapasyang nauukol sa mga bagay na pang-
akademiko, tulad ng ikapagkakaroon ng mabisang ugnayan sa
pagitan ng mga guro at mag-aaral. Lalo na sa pagsasaayos at
pagpapatayo ng mga pasilidad na makakatulong sa mga
kagalingang pang-akademiko at pang-kasanayan ng mga mag-aaral.
Maging ang pagpapatupad ng organisado at sistematikong
kurikulum ay magiging malaking tulong sa ikauunlad ng
akademikong pamayanan na ating kinabibilangan.
Sa mga guro, ang pagtukoy sa kanilang mga kalakasan at
kahinaan; pagpapaunlad ng kanilang mga kaalaman sa
pamamagitan ng pagdalo sa ibat- ibang training seminar; at
pagkuha ng kursong pang- masteral at pang- doctoral ; ay lubhang
makakatulong sa pagiging epektibo ng kanilang pagtuturo.
Sa mga mag-aaral, na pangunahing makikinabang sa
ginawang pag-aaral na ito at sa anumang mga pagbabagong
magaganap sa kanilang gawi at kaasalan pagdating sa pag-aaral ay
tunay na makadaragdag sa kanilang taglay na kaalaman, at sa
paglawak ng kanilang komprehensyon lalo na sa assignaturang
Filipino.
Katuturan ng mga Katawagan
Narito ang mga pananalitang ginamit sa pag-aaral na ito:
Antas Tersyarya. Pangunahing tumutukoy sa pag-aaral na nasa
Dalubhasaan o Pamantasan.
Dalubhasaan. Makasining na pamamaraan ng pagpapakahulugan sa
terminong kolehiyo.
Guro. Pangunahing nagsasagawa ng pagtuturo sa klase at iba pang
kaugnay na tungkuling may kinalaman sa pagpapaunlad ng
kaalamn, kasanayan, at kaasalan na kinakailangan ng mga mag-
aaral upang silay maging responsible at produktibong mga
mamamayan ng siang demokratikong lipunan.
Komprehensyon. Sa pag-aaral na ito, itoy tumutukoy sa
pagkaunawa o pagkaintindi ng bawat mag-aaral sa mga konsepto at
kaalaman na kanilang napag-aralan.
Kurikulum. Sa pag-aaral na ito, pinapakahulugan nito ang
organisado at sistematikong pagkakahanay ng mga assignaturang
kukunin ng bawat mag-aaral sa Antas Tersyarya, sa loob ng isang
takdang panahon.
Mag-aaral. Tumutukoy sa taong nag-uukol ng kanyang panahon na
matuto sa loob ng klase, kung saan napapaunlad niya ang kanyang
mga kasanayan at kaalaman upang magamit niya sa hinaharap.
Pagkatuto. Ito ay ang pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon,
kakintalan, at pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at iba pang
uri ng bagong tugon. (Aquino; 1988)
Pagtuturo. Ito ay isang gawain na lumilikha ng mga pangyayari,
mga bagay o kagamitan at patnubay na nagpapadala ng pagkatuto
kahit na pormal o di-pormal na kalagayan (Quinto; 1998)
Pasilidad. Sa pag-aaral na ito, itoy tumutukoy sa mga gusaling
pampaaralan tulad ng mga silid, laboratoryo, atbp.
Salik. Sa pag-aaral na ito, itoy tumutukoy sa mga dahilan o sanhi
na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral.
Wika. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wikang Pilipino at iba pang mga wika (Quinto; 1998)














Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT PAMPANITIKANG
PANANAW
Ang kabanatang ito ay magpapakita ng pangkalahatang
kaalaman na kaugnay sa pag-aaral na ito. Naglalaman ito ng
mahahalagang pananaw at impormasyong makakatulong sa
paggawa ng panukalang tesis na ito.
A. Pampanitikang Pananaw
Sa Ibang Bansa
Ang pagkatuto ng may pag-unawa ay higit na mahalaga
kaysa pagsasaulo ng mga impormasyon. Ayon kay Cooper (1999),
ang pagkatuto ay nangangailangan ng pag-unawa sa mga
mahahalagang diwa na napapaloob sa bawat impormasyon upang
itoy magamit sa paglutas ng mga problema sa hinaharap. Kapag
ang mga mag-aaral ay natuto ng may pagkaunawa, napapaunlad
nila ang kanilang kakayahang mag-isip, lumutas ng mga problema,
at maging mga mag-aaral na kayang matuto nang nag-iisa.
Isang kabiguan para sa mga guro kapag ang kanyang mga
mag-aaral ay nabigong magkaroon ng malalim na pagkaunawa at
lumutas ng mga problemang may kaugnayan sa ginagawang pag-
aaral.
Ang patuloy na pagsisiyasat ay makakatulong sa pagkatuto.
Kasama sa pamamaraan ng pagsisiyasat ang pagtatanong ng mga
kawili-wili at mahahalagang penomena, pagbubuo ng hinuha upang
sumagot sa mga tanong, pagkalap ng mga ebidensiya, pagsusuri, at
pagbubuo ng teorya ukol dito. Hindi magtatapos sa teorya ang
pagsisiyasat, sapagkat itoy patuloy na proseso ng pag-alam. Sa
pagsisiyasat, lalong lumalawak ang taglay na kaalaman ng mga
mag-aaral, at higit sa lahat, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng
kritikal na pang-unawa.
May dalawang pangunahing kategoriyang binanggit si
Ausubel (1965) na nakakaapekto sa pagkatuto: Una ay ang
kategoriyang Intrapersonal na tumutukoy sa mga kaasalan at
katangian ng mag-aaral. Nahahati ang kategoriyang ito sa limang
salik:
1. Cognitive Structure Variables- Tumutukoy ito sa kaugnayan
ng organisadong pagkakabalangkas ng dating nakalap na
kaalaman sa muling pagkalap ng panibagong kaalaman.
Dahil sa organisado at may pagkakahalintulad ng paksa,
handa na ang mag-aaral na matutuhan ang panibagong
kaalaman .
2. Development Readiness- Ito ay ang kaugnayan sa pagitan ng
Edad ng mag-aaral at ng kanyang kahandaang pangkaisipan.
Ang 15 taong gulang na mag-aaral ay mas may kahandaang
matuto ng ibat-ibang kaalaman kaysa sa 6 na taong gulang
na mag-aaral.
3. Intellectual Activity- Ang ipinapakitang kagalingang pang-
akademiko ng isang mag-aaral sa ibat ibang assignatura.
4. Motivational and Attitudinal- Tumutukoy sa interes ng mag-
aaral na matuto at paunlarin ang kanyang taglay na kaalaman
sa isa o higit pang assignatura. Karaniwan itong mapapansin
sa pagsisikap at konsentrasyon ng mga mag-aaral sa kanilang
ginagawang pag-aaral.
5. Personality Factors- Ito ay ang pagkakaiba-iba ng asal at
gawi ng mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral.
Ang ikalawa ay ang Pangkalagayang Kategoriya, na kung saan
itoy tumutukoy sa kalagayan ng pagkatuto ng mag-aaral. May apat
itong salik na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Pagsasanay
2. Pagkakaayos ng mga kagamitan sa pagtuturo
3. Panlipunang Salik- tulad ng kooperasyon sa larangang pang-
akademiko
4. Katangian ng Guro
Inilahad ni Raths (1971) ang kanyang panukala tungkol sa mga
gawin sa pagtuturo. Narito ang listahan:
1. Nagpapaliwanag, Nagbabatid, ipinapakita kung paano gawin
2. Nagpapasimula, nangangasiwa
3. Pinapagkaisa ang grupo
4. Tagapanagot
5. Nililinaw ang mga kaasalan, paniniwala, at problema
6. Sinusuri an mga problema sa pagkatuto
7. Gumagawa ng mga kagamitang itinadhana ng kurikulum
8. Tagapagtala, tagapag-ulat
9. Nakikiisa sa mga gawaing pang-komunidad
10. Tagaayos at Tagapag-organisa ng klase.
11. Nakikibahagi sa mga aktibidad ng paaralan
12. Nakikibahagi sa mga gawaing propesyonal at pang-sibiko.
Para naman kay Borich (1996), ang mga gawain ng isang
epektibong guro ay ang mga sumusunod:
1. May personal na pananagutan sa pagkatuto ng mga mag-
aaral at may positibong inaasahan sa ang guro sa pagkatuto
ng mga mag-aaral.
2. Iniaangkop ang mga aralin sa kakayahan ng mga mag-aaral
upang maunawaan ng mas nakararami sa kanila.
3. Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
maisagawa nila ang kanilang natutuhang konsepto at patuloy
na sinisiyasat ang kanilang performance.
4. Ginugugol ang kabuuang oras ng klase upang mabigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na matutuhan ang
kabuuang aralin na kanilang pinag-aaralan .
5. Binibigyan ng direksyon ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagtatanong, pagbubuo, at pagpapatunay.
6. Gumagamit ng ibat-ibang kagamitan sa pagtuturo tulad ng
visual aids.
7. Nagsasagawa ng ebalwasyon sa mga mag-aaral upang
malaman niya kung nauunawaan ba ng mga mag-aaral ang
aralin o hindi.
8. Hinihikayat ang mga mag-aaral na magbigay katuwiran at
palawigin ang tamang kasagutan sa ibat-ibang tanong sa
panahon ng talakayan.
9. Nagsisilbing tagapamagitan (facilitator) kapag may
malayang talakayan sa klase.
10. Gumagamit ng pangkaraniwang pakikipagtalastasan sa loob
ng klase upang mahikayat ang mga mag-aaral na makibahagi
sa talakayan.
Inilarawan ni Ornstein (1990) ang ibat ibang aspeto ng
mabisang pagtuturo sa loob ng klase:
1. Pamamahala ng klase- Napapaunlad ng isang mabisang guro ang
kanyang magagandang pamamaraan sa pamamahala ng klase.
Nagiging disiplinado ang mga mag-aaral , at alam nila ang kanilang
mga gampanin at gawi.
2. Tuwirang Pagtuturo- Ito ay sistematikong pamamaraan ng
pagtuturo na kung saan nagsisimula ang guro sa pagtalakay ng
aralin, pagkatapos ay pagrerebyu at pagpapaliwanag muli nito bago
lumipat sa susunod na aralin. Nagbibigay ng pagsusulit ang guro
upang malaman kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang
tinalakay na aralin.
3. Sapat na oras sa bawat gawain- Nagbibigay ang mabisang guro
ng mga gawaing pang-akademiko na kayang gawin at tapusin ng
mga mag-aaral sa isang takdang panahon.
4. Pagtatanong- Nagtatanong ang isang mabisang guro upang
makatulong sa pagpapaunalad ng kagalingang pang-akademiko ng
mga mag-aaral. Nahahasa ang isip ng mga mag-aaral nang dahil
sa pag-aanalisa sa mga katanungan ng guro patungkol sa mga
araling tinalakay.
5. Pagtuturo na may Komprehensyon- Tinuturuan ang mga mag-
aaral na maisagawa ang mga konseptong napag-aralan nila sa loob
ng klase; lumutas ng mga problemang pang-akademiko, at bantayan
ng mga guro ang bilis ng komprehensyon ng bawat mag-aaral.
6. Antas ng pagtuturong kognitibo- Binibigyan ng isang mabisang
guro ang mga mag-aaral ng mga pagsasanay na nakatuon sa pag-
iisip at pag-aanalisa sa pamamagitan ng paggamit ng ibat-ibang
pamamaraan sa layuning maganyaka ng mga mag-aaral na matuto.
7. Pagpapangkat- Kadalasan itong ginagawa kapag may mga
gawain o pag-aaral na nangangailangan ng ilang pangkat ng mga
mag-aaral.
Sa Pilipinas
Bahagi na ng tradisyong pampaaralan ang pagdiriwang ng
Buwan ng Wika sa tuwing sasapit ang Agosto 13-19 bagamat may
mangilan-ngilan pa ring paaralang nakapikit ang mga mata sa
gawaing ito. Taun- taon, may natatanging paksang ibinibigay ang
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating Surian ng Wikang
Pambansa). At sa bawat paksa, isa lamang ang diwang ibig
iparating- Kailangan natin ang isang wikang magagamit ng buong
sambayanang Pilipino tungo sa pambansang pagkakaisa at ganap na
kalayaan.
Sa pamamagitan ng Bagong Konstitusyon ng 1987, nilinaw
at tiniyak na mayroon tayong wikang pambansa at ito ay ang
FILIPINO na ang nukleo ay PILIPINO na isang wikang umiiral,
buhay, ginagamit na at may literatura at gramatika, patuloy na
lamang lilinangin at pagyayamanin batay sa mga umiiral na iba
pang wika at wikain ng Pilipinas. (Abad; 1995)
Nahahati sa dalawang pangunahing bahagi ang pagtuturo ng
Filipino: ang Wika at ang Panitikan. Nakapaloob sa Wika ang
Sining ng Pakikipagtalastasan (Filipino 1), Pagbasa at Pagsulat
(Filipino 2), at Ang Sining ng Retorika (Filipino 3). Samantalang
ang Panitikan (Filipino 4) ay nakatuon sa kasaysayan, pag-unlad, at
mga ibat-ibang literatura ng Pilipinas.
Problema sa lahat ng antas ng edukasyon ang pagtuturo ng
wika sapagkat para sa mga mag-aaral, isa itong kainip-inip na
gawain. Ganito ang umiiral na saloobin ng mag-aaral kahit anong
wika ang itinuturo.
Para sa isang guro ng wika, maging sa Filipino man o
dayuhang wika tulad ng Ingles, dalawang problema ang umiiral
(Papa; 2000):
Una- Ano ang ituturo? (Nilalaman)
Ibat iba ang nagiging pokus ng araling pangwika sa antas
kolehiyo. May naniniwalang dapat daw higit na bigyang diin ang
Filipino 1 [na kung saan bahagi ng assignaturang ito] ang balarila
ng ating wika sapagkat hanggang sa antas na ito ng edukasyon ay
hindi pa rin gaanong marunong ng wastong balarila nag mga mag-
aaral. Wari bang maaring ipakahulugan na wala na silang
masyadong natutuhan sa mga antas elementarya at sekundarya. Sa
kabilang dako, may nagsasabi ring ang dapat pagtuunang pansin ay
ang paglinang sa mga kasanayang komunikatibo. Samakatuwid,
hindi kung ano ang wika, kungdi ang makabuluhang paggamit nito
sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat.
Pangalawa- Paano ituturo ang wika (Istratehiya)
Sa puntong ito, ang empasis ay nasa pamamaraan o
istratehiya sa pagtuturo. May apat na lawak na dapat nating pag-
ukulan ng pansin para sa isang matagumpay at epektibong
pagtuturo ng wika:

A. Kaligirang Sosyal (Social Environment)
Maaaring ito ay ang kaayusang pisikal, sitwasyong
instruksyonal at mismong katauhan ng guro. Ang pagpuna ng guro
sa maling sagot at maling asal, paraan ng pagpapahalaga s atamang
gawin at sagot ay mahalagang salik sa pagkakaroon ng mga mag-
aaral ng tiwala sa sarili.
B. Kaligirang Pisikal (Physical Environment)
Narito ang mungkahing gawin tungo sa pagkakaroon ng
kaaya-ayang kaligirang pisikal:
1. Pagkilala sa bawat mag-aaral
Pagpapakilala sa isat isa sa isang impormal na paraan.
2. Kaayusan ng silid-aralan
Pabagu-bago ng mga upuan, at iba pang kagamitan sa
loob ng silid-aralan at hindi isang kaayusang pamalagian.
3. Pagkakaiba-iba ng mga gawain sa pagkatuto
Higit na epektibo at kawili-wili ang pagkatuto ng wika
kung may baryedad ng mga gawain sa paraan ng paglulunsad ng
aralin, sa paglalapat o pagsasanay at maging sa ebalwasyon o
pagtataya ng natutuhan.
Narito ang ilang baryedad na maaaring subukin:
a. Paggamit ngmga kagamitang audio-visual gaya ng tape,
overhead projector, slides, at video.
b. Mabisang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay,
paglalarawan, paghahambing, at pagmamatuwid.
c. Pagtatanghal ng dayalogo o skit upang mabigyang buhay
ang araling pangwika.
d. Pagpasok ng mga larong pangwika, tugma, awit
e. Role Playing
f. Pag-aanyaya ng isang tagapagsalita.
g. Pakikinig sa isang itineyp na talumpati, tulang bigkasan,
talakayan.
h. Pagpapabasa ng ibat ibang uri ng babasahin tulad ng
komiks, magasin, pahayagan, atbp.
Mahalaga sa ikapagtatagumpay ng ganitong mga gawain ang
malawak at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa
pagbabalak hanggang sa pagtataya at maging s atakdang aralin.
Maisasagawa ito sa tulong ng sumusunod na mga mungkahing
paraan.
a. Sabayang Pagbasa o pagbigkas ng isang magandang tula o
usapan
b. Malayang talakayan o tanungan
c. Pagpapangkat ng dalawahan, tatluhan, at pagsasagawa ng
dyadic o triadic na usapan.
d. Dugtungang pagsasalaysay, paglalarawan, pagpapaliwanang
at iba pa.
4. Pagwawasto at Feedbacking
Narito ang ilang paraan ng pagwawastong nagdudulot ng
epektibong resulta:
a. Sariling pagwawasto ng mga mag-aaral ng sariling kamalian.
b. Sariling pagwawasto sa pamamantnubay ng guro.
c. Sariling pagwawasto sa tulong ng mga kamag-aral
Mga Katangian ng Epektibong Guro ng Wika (Papa; 2000)
A. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon,
upang maklaikha ng positibong kaligirang sosyal.
B. May malawak na kabatiran sa paksa, assignatura at
wikang itinuturo.
C. Gumagamit ng ibat-ibang istratehiya at mga
pagdulog sa pagtuturo na angkop sa layunin ng pagkatuto at sa
kakayahan ng mga mga-aaral.
D. Malikhain at maparaan sa pag-iisip at pagbabalak ng
mga aralin at sa paggamit ng iba-ibang gawain sa pagkatuto, mga
larong pangwika, tugma, awit at iba.
E. Bukas ang kaisipan sa mga umiiral na pagbabago sa
ekonomiya, lipunan at edukasyon
F. May pagpapahalaga sa damdamin ng mga mag-aaral.
G. Nakalilikha ng kaiga-igayang kaligiran sa pagkatuto,
nakapagbibigay ng malawak na oportunidad sa pakikilahok,
pagwawasto at pagpapahalaga sa natutuhan.
Nakatuon ang Filipino 1 sa Sining ng Pakikipagtalastasan.
Ang komunikasyon ay galling s asalitang communis na hiniram
natin para gamiting panumbas saTagalog na pakikipagtalastasan.
Nangangahulugan ng panlahat o para sa lahat ang communis.
Kay Aristotle ay simple ang mga sangkap ng isang buong
siklo ng komunikasyon. Kailangan ay may pinanggalingan ng
mensahe, ang mensahe mismo at ang destinasyon ng mensahe. Ang
pinagmulan ng mensahe ay maaaring taong nagsasalita, sumusulat,
gumuguhit, kumukumpas; ang mensahe ay maaaring nakasulat,
sinasalita, galaw ng kamay o ulo o ang bandilang iniwawagayway o
tunog ng Morse Code; at ang destinasyon ay ang mga taong
nakikinig, nanonood, bumabasa o nagmamasid sa pintura. Kapag
naroon at naganap ang isang mabisang komunikasyon.
Ayon kay Tumangan (2001), ang wika ang kasangkapang
kailangan sa pakikipagkomunikasyon. Marahil, sa mga naimbeto ng
tao, wala nang hihigit pa sa wika.
May apat na kasanayang pangwika na mahalagang malinang
sa mga tao upang maging mabisa sila sa paggamit ng wika:
1. Pagsasalita;
2. Pakikinig;
3. Pagbasa; at
4. Pagsulat
Lahat ng wika ay una munang natutuhang salitain ng tao.
Ginagamit ng tao ang kasanayang ito sa pakikipagkomunikasyon
ng kuru-kuro at upang maipahayag ang kanyang mga karanasan at
nalalaman. Ito ang kasanayan na una niyang natutuhan. Sa tahanan
pa lamang ay natutuhan na niya ang kasanayang ito upang siyang
gamitin sa pakikipagkomunikasyon sa kanyang mga kasambahay.
Kinakailangan naman ng tao na maging sanay sa pakikinig
upang malaman at pakinabangan ang sinasabi ng kausap. Sa ganito,
naitutugma niya ang kanyang ikikilos at sasabihin sa kanyang
kausap. Mahalagang pangkuha ng impormasyon at karunungan ang
pakikinig. Nakikinig ang mga mag-aaral sa mga panayam at
natututo sila ng maraming kaalaman. Nakikinig tayo sa mga
talumpati at nakukuha natin ang mahahalagang payo at isipan ng
nagsasalita.
Nang matuto nang sumulat ang tao, marami sa mga
karunungan niya ang isinatitik niya. Nais niyang maisalin sa mga
aklat ang kaalamng nasa kanyang isipan at utak upang maituro niya
iyon sa susunod na salinlahi.
Kaugnay ng kasanayan sa pagsulat ang kasanayan sa
pagbasa. Kailangan na maging mahusay sa pagbasa ang tao upang
makuha niya ang mga impormasyon at kaalamang inihayag ng
awtor sa kanyang libro.
Sa apat na kasanayang pangwika,a ng pasgsulat ang
masasabi at tinatanggap ng lalong marami na pinakamahirap
linangin kaya inihuhuli itong ituro sa mga mag-aaral. Sa pagsulat,
ang mga natutuhan sa pakikinig at pagbabasa at pakikipag-usap ay
mahalaga at gagamitin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang mga tao
sa ibat-ibang dako at sa iba-iban panahon ay nagkakaalaman ng
mga karanasan at kaalaman.
Nahahati naman sa dalawa ang uri ng komunikasyon: ang
pasalita at pasulat. Ang dalawang uring ito ng komunikasyon ay
nagagawa sa apat na paraan ng pagpapahayag:
1. Paglalahad. Ito ang pinakagamiting paraan ng
komunikasyon. Ibig ng nagsasalita o sumusulat na magpaliwanag.
2. Paglalarawan- Ang layuning ng nagsasalita o sumusulat ay
maipakita sa kausap at tagapakinig ang kabuuang anyo ng tao o
bagay, pook at damdamin sa pamamagitan ng mga pananalitang
mapaglarawan nang s agayon ay maipakita ang kaibhan ng bagay o
tao sa mga kauri nito. Tao ang karaniwang paksa sa paglalarawan.
3. Pagsasalyasay- Hangad ng nagsasalita o sumusulat na
maihayag sa nakikinig o bumabasa ang mga pangyayaring naganap
at minamahalaga at naisa na mabatid ng nakiking o bumabasa.
4. Pangangatuwiran- Ang hangarin ng nagsasalita o sumusulat
ay maihayag ang mga dahilan o sanhi sa pagkaganap ng
pangyayari.
Kung ang Filipino 1 ay nakatuon sa pagbabalik-aral ng mga
pang-sekundaryang konsepto sa Filipino; magiging ispesipiko ang
mga aralin at pagtalakay sa Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat. Narito
ang panimulang pag-aaral sa Filipino 2 na matatagpuan sa aklat ni
Badayos (2000):
ANO ANG PAGBASA?
Marami nang pag-aaral at pananaliksik sa pagbasa. At
marami ring pagpapakahulugan na naging bunga ng gawing ito.
Sinabi ni Goodman (sa Badayos 1999) na ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong
binabasa. Kay Goodman, ang gawaing ito ng pagbibigay kahulugan
ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling
paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo
pang pagpapakahulugan. Sa ganitong pagpapakahulugan, hindi na
kailangan pang basahing lahat ang teksto upang maunawaan ito,
lalo na kung higit na magaling ang tagabasa sa paghula o
pagbibigay ng haka. Kaya nga, ang isang tagabasa na magaling sa
pagbibigay ng tamang prediksyon ay nakababasa nang higit na
mabilis kaysa iba dahil hindi na niya kailangang basahin nang isa-
isa ang bawat salita sa teksto.
Si Coady (1979) ay nagbigay ng elaborasyon sa kaisipan ni
Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pag-
unawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa
ay maiuugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga
impormasyong masasalamin sa teksto.
BALIK-TANAW SA PROSESO NG PAGBASA
1. Ang pagbasa ay walang kahilingang imposible para hindi ito
maisagawa ng isang tagabasa. Pang-araw-araw nating binabasa
ang mga ekspresyon ng mukha ng mga taong ating
nakakasalubong. Nakukuha natin ang pangunahing
ideya kung ano ang nagaganap sa isang pangyayaring
naoobserbahan; nakabubuo tayo ng sariling kongklusyon sa ating
nakita at marami pang iba. Ang mga pagpoprosesong mental na
binanggit ay ginagamit din sa akto ng pagbasa.
2. Ang pagbasa ay isang prosesong pag-iisip. Utak ang
ginagamit sa pagbasa, hindi ang ating mga mata. (Braille ang
binabasa ng mga bulag). Ang mga mata ay tagahatid lamang ng
mga imahen o mensahe sa utak. Ang pagpapabuti ng pagbasa ay
nangangahulugan ng pagpapabuti ng pag-iisip- hindi iyong
pagsasanay sa mabilis na panggalaw ng mata.
3. May tatlong mahalagang bahagi sa pagbasa: paghahanda
(pag-iisip kung ano ang alam sa paksang babasahin at pagtatakda
ng layunin sa pagbasa); pagpoproseso ng impormasyon; at
pagtugon o pagbibigay ng reaksyon sa binasa.
4. Ang epektibong mambabasa ay iyong mga interaktibong
tagabasa. Ang epektibong mambabasa ay palaging naghahanap ng
mga posibleng maipapakahulugan sa teksto, gumagawa sila ng mga
alternatibong hakbang kung hindi nila nauunawaan ang teksto.
5. Maraming suliranin sa pag-unawa na hindi lamang mga
suliranin sa pagbasa. Maaaring sanhi ng di pagkaunawa sa teksto ay
ang mga kamalian sa pagkakasulat nito. Maaari ring hindi sapat ang
dating kaalaman o impormasyong taglay ng mambabasa para
maunawaan ang teksto.
6. Ang magaling na tagabasa ay sensitibo sa kayariang
balangkas ng tekstong binabasa. Ang pag-alam kung paano
binalangkas o binuo ang teksto ay makakatulong nang malaki sa
komprehensyon. Sa pagbasa, hindi sapat na alam ng tagabasa ang
paksa at pangunahing diwa ng bawat talata, mahalagang malaman
din ng tagabasa kung paano binuo ang teksto (hal. pagtatala, sanhi
at bunga, paghahambing at pag-iiba, atbp.).
7. Ang mabilis na pagbasa ay bunga ng komprehensyon o pag-
unawa. Ang mabilis na pang-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis
sa pagbasa. Ang mabilis na pagbasa na walang pag-unawa ay
walang kabuluhan. Walang iniwan ito sa pagpaparaan lamang ng
mga mata sa mga salitang nakalimbag.
ANG PAGBASA SA ANTAS TERSYARYA
Ang kakayahang bumasa ay isang makabuluhang kasanayan
sa pagtatagumpay sa kolehiyo at pamantasan upang magampanan
ng lubusan ang gawaing pang-akademiko. At sa pagbasa ng mga
tekstong akademiko, unti-unti mong matutuklasan ang mga
katangian ng mga teksbuk sa antas tersyarya.
Sa pagbasa ng mga tekstong akademiko sa antas tersyarya-
1. Matutuklasan mo na ang isang talata ay maaaring magtaglay
ng maraming ideya o kaalaman. Ang tawag dito ay idea density.
Halos lahat ng pangungusap ay tila nagtataglay ng bago o
mahalagang impormasyon. Lahat ay parang mahalaga sa ganitong
uri ng talata.
2. Maraming bagong salita ang iyong makikilala dahil ang
bawat sabjek ay may kanyang sariling set ng mga talasalitaan. Ito
ang tinatawag na teknikal na bokabularyo para sa isang tiyak na
sabjek o aralin.
3. Makakatuklas ka ng mga hulwaran sa pagbubuo ng ibat-
ibang teksto. Halimbawa sa Agham Panlipunan, ang hulwarang
sanhi at bunga ang karaniwang ginagamit. Makikita ring ginagamit
ang hulwarang ito sa mga Likas na Agham.
4. Kakailanganin mong humito nang madalas at magtanong sa
sarili ng ganito: Naunawaan ko ba ang aking binasa? Ang tawag
dito ay pagmomonitor ng pag-unawa na malalaman mo kapag
nagbasa ka ng mga tekstong akademiko sa antas tersyarya.
5. Maaaring hindi sapat ang iyong dating kaalaman upang
maunawaan ang babasahin sa isang sabjek o aralin. Masasabi mo
tuloy na parang ibang wika ang iyong binabasa. Kung minsan,
maaaring akalain ng awtor o ng iyong propesor na marami ka
ngang alam. Kung ganito ang mangyayari, tungkulin mo pa ring
punan ang mga kakulangang ito sa iyong kaalaman. Maaaring
hingan mo ng tulong ang iyong propesor o kamag-aral na higit na
maraming alam kaysa iyo.
6. Matutukalasan mo na hindi lahat ng aklat ay mahusay ang
pagkakasulat o pagkabuo. Kung sakaling may ganito kang aklat,
hindi mo pa rin ito maiwawaksi, dahil kailangang pag-aralan mo
kung paano ito magagamit nang mahusay sa tulong ng mga
kasanayan.
7. May pagkakataon na panghihinaan ka ng loob. Ang
damdaming itoy karaniwang nararanasan ng bawat mag-aaral.
Itoy tinaguriang intellectual despair. Makakatulong ang mga
kasanayang matututuhan mo sa Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-ibang
Disiplina upang mapaglabanan mo ang panghihina ng loob.
ANO ANG PAGSULAT?
Ang pagsulat ay iinog kung gaano kabisa at kasensitibong
makabubuo ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang
makabasa nitoy magaganyak na mag-isip, kumilos at magalak. Sa
puntong pedagohikal, ang mga pahayag (statement) ay iyong
paggamit ng wika bilang instrumento sa mabisang paglalahad ng
naiisip o nadarama, saloobin, at reaksyon sa isang natural na paraan
(kakayahang komunikatibo). Ang wika ay isa lamang sa maraming
midyum ng komunikasyon sa pagpapahayag. Sa daigdig ng sining,
maraming kaparaanang ginagamit sa pagpapahayag ng karanasan,
halimbawa: musika, pagpinta, paglilok, sayaw, dula, atbp.
Kung tatanawin ang pagpapahayag sa wiikang Filipino
bilang isang anyo ng sining, marapat lamang na bigyang-pansin
natin ang tatlong dimension ng pagsulat.
1. Ang masining at istetikong hikayat (artistic and aesthetic
appeal) ng mga malikhaing sulatin na siyang pinakatampok
at minamalas natina ng mahika ng gamit ng wika.
2. Kasunod ng herarkiyang itoy ang paggamit ng wika kung
nais nating magbigay ng ulat katulad ng uri ng wikang
ginagamit sa mga pahayagan. Itoy tinatawag na expressive
purpose ayon kay Samuel (1988)
3. At ang pinakagamiting dimension hinggil sa hikayat ng
pagsulat ay ang functional purpose. Kabilang sa dimensyong ito
ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Ang mga
kombensyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga
panimulang gawaing magagamit ng mga mag-aaral sa paglinang ng
mga kasanayan hinggil sa paglalahad ng mga detalye, pakiusap,
pagsusumamo, at iba pa. Laging isaisip na palagay ang sinumang
tao kung alam niyang tinatanggap ng balana ang wikang ginagamit.
Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyon
interpersonal na gumagamit ng simbulo at isinusulat/ inuukit sa
isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kayay isang
malapad at makapal na tipak ng bato. Ang pagsulat sa Filipino ay
gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28 letra (a,b,cz).
Nahaharap tayo sa ibat ibang uri ng sulatin araw-araw: ang
dyaryo, adbertisment, phone bills, electric bills, liham, paalaala,
atbp. Hindi lahat ng tao ay nakakasulat kahit na nga ang sinumang
normal na tao ay nakapagsasalita nang walang sistematiko o pormal
na pagtuturo. Kakaiba ang pagsulat. Kailangan tayong turuan ng
pagsulat at itoy nagaganap sa paaralan.
MGA URI NG SULATIN
1. Personal na Sulatin impormal, walang tiyak na
balangkas, at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin ng
mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang
paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kayay tungkuling taglay nila
sa kanilang sarili.
2. Transaksyunal na Sulatin pormal, maayos ang
pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang impormasyon o mensaheng
nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng
ganitong sulatin.
3. Malikhaing Sulatin masining na paglalahad ng naiisip o
nadarama at karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit
sa sulatin. Itoy ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad
ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kayay
isang libangan.
Ang Filipino3 o ang Sining ng Retorika ay sumasaklaw sa
malikhaing pagsulat, kaugnay ng apat na paraan ng pagpapahayag
nang may pokus sa ibat-ibang estilo ng wika. Lilinang ang
assignaturang ito sa mga kasanayan na pasalita at pasulat na
pagpapahayag ng mga mag-aaral.
Ang Retorika ay isang mahalagang karunungan ng
pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na
pagsasalita at pagsulat (Dinglasan; 2001). Kung ang balarila ay
nauukol sa kawastuhan, sa kaibhan ng tama sa maling
pangungusap, ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng
malinaw, mabisa, maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.
Samakatuwid, ang retorika ay isang sining ng diskurso,
pasalita man o pasulat, may kapangyarikhang makapagbigay-saya,
nananatili dahil sa kayamanan at kakaibhan ng wika at kung ang
isang pahayag ay naipapahayag lamang sa isang paraan, walang
retorika, at sinasabing ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika
sapagkat may ibat-ibang pamimilian o alternatibo.
Ang mga kaayusan ng salita ay dinidikta ng
gramatika/balarila. Ang pagpili ng salita ay retorika. Sa ibang
salita, inuutos ng gramatika ang tamang paggamit ng salita upang
makabuo ng mga pangungusap na gramatika, iminumungkahi ng
retorika ang pinakamabisang paggamit ng salita, upang makabuo ng
pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat
sa lakas o dating ng mensahe sa nakiking o nagbabasa.
Ayon kay Sauco (1998) may tatlong simulain ng
Pagpapahayag:
1. Kalinawan- Ipinalalagay na may kalinawan ang
isang pahayag kung itoy madaling maunawaan. May tatlong bagay
na makatutulong upang madaling maunawaan ang isang pahayag:
a. Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan
nang hindi mapagkamalan.
b. Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may
pagkakaugnay (pambalarila at panretorika).
c. Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at
wasto ang baybay kung pasulat.
2. Kapamigatan- Ipinalalagay na mabigat ang isang
pahayag kung may mga sumusunod na katangian:
a. Makatotohanan at itoy di matutuklasang may
kasinungalingan pagkalipas ng ilang panahon. May mga pahayag
na waring totoo kayat madaling paniwalaan ngunit sa dakon huli
ay matutuklasang walang batayang katotohanan. Hindi dapat na
gamitin ng pagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag.
b. Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may
awtoridad sa paksa.
c. Kinakailangan ng katapatan na tanda ng pagiging
marangal.
d. Binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang
karanasan at pananampalataya ng tao. Dapat pahalagahan ang
dignidad ng isang tao.
3. Kagandahan- May kagandahan ang pananalita kung
may mga sumusunod:
a. Kaakit-akit na pagtutugma ng mga kahulugang
ipinapahayag at tunog ng mga salita.
b. Wastong bigkas ng mga salita
c. Matalinghaga ang diwang ipinapahayag
d. Kalugud-lugod na pagsasama-sama ng mga salita
sa pagbuo ng mga pangungusap na nagdudulot ng pananabik sa
nakikinig o bumabasa.
e. Paggamit ng mga salitang makahulugan at
malarawan.
Narito ang balangkas ng mga araling nakapaloob sa Filipino
3-Ang Sining ng Retorika:
I. Ang Retorika at Mabisang Pagpapahayag
II. Mga Patalinghagang Pagpapahayag
III. Ang Pagsasaling-Wika
IV. Kawastuhang Pambalarila
V. Mga Uri ng Pagpapahayag
A. Ang Pagsasalaysay
B. Ang Paglalarawan
C. Paglalahad
D. Pangangatuwiran
Ang Filipino 4- Panitikang Filipino ay ang panghuli sa mga
Minor subjects na itinakda ng General Education Curriculum.
Para kay Casanova (2001), ang panitikan ay pangunahing
salamin ng kultura ng isang sambayanan. Dito nalalarawan ang
kanyang kahapon, ngayon at bukas. Sadyang nagkakaroon ito ng
ibat-ibang anyo na bunga ng pagpapahayag ng damdamin at
kaisipan ng ibat-ibang tao. Kadalasang nagsisimula ito bilang
pasalitang pagpapahayag o salin-dila hanggang sa landasin nito ang
daan tungo sa pagkalimbag. Sa ganitong paraan, natatanto ng
nagsisisunod na salin-lahi ang mga pangyayari at kaisipan ng mga
nauna sa kanila. Namamatay ang mga tao at nagpapalit-palit ang
mga henerasyon subalit nananatiling walang kamatayan ang
panitikan. Ang panulat ng mga taoy lalagi sa kabang-yaman ng
bansa. Patuloy itong dadaloy sa kamalayan ng mga susunod pang
lahi. Mananatiling buhay ang pagpapahalaga ng mga tao sa kultura
ng lahi na ipinapahayag sa mga tula nito; sa mga sanaysay,
maikling kuwento, nobela at lahat ng anyo ng pagpapahayag.
Para kay Santiago (1989), ang panitikan ay nagbubunsod sa
pagkilos ng mga mamamayan sa knailang pagkamakabayan o
nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang
damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at
katarungan.
Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo
kundi itoy nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga
mithiin ng bawat bansa. Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan
ng kultura ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang henyo ng bawat
panahon. Itoy walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan.
Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamtayang tumatanglaw sa
kabihasnan ng tao.
May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong
mag-aral ng Panitikang Pilipino (Santiago; 1989)
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at
matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng
ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na
tayoy may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang
sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat
ng panitikan at makapagsananay na itoy matuwid at mabago.
4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa
pagsulat at magsikap na itoy malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling
kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating
sariling panitikan.
Nahahati naman sa dalawa ang uri ng panitikan: (Sauco;
1997)
1. Patula- Itoy nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama
ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng
mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod
sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang
liriko, tulang pasalaysay, tulang pantanghalan, at patnigan.
2. Tuluyan o Prosa- Itoy nabubuo sa pamamagitan ng
malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.
Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-
akda. Kabilang dito ang mga sumusunod: maikling kuwento,
nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita, at
editoryal.
Isa sa mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga
mag-aaral ay ang kurikulum. Ang terminong kurikulum ay nagmula
sa salitang Latin na currere, na ang ibig sabihin ay tumakbo. Sa
pananalitang edukasyonal, ang pagtakbo ay tumutukoy sa pagtupad
ng mga mag-aaral sa mga pangangailangang pang-akademiko na
nakapaloob sa kanyang kurso sa isang takdang panahon.

May tatlong pagkakahati ang kurikulum: (Acero; 2000)
1. Academic Curriculum- Tumutukoy sa pormal na listahan ng
mga kurso ng bawat paaralan, na nakapaloob sa mga syllabus.
2. Extra Curriculum- Tumutukoy sa mga aktibidad at samahan
na itinataguyod ng paaralan, tulad ng isports, mga samahang
lilinang sa kanilang kakayahang umarte, sumayaw, kumanta, atbp.
3. Hidden Curriculum- Tumutukoy ito sa mga hindi
nakaplanong mga aktibidad pangkaalaman. Ito ay impormal na
bahagi ng kurikulum na kung saan nakapaloob ang 3Rs (rules,
regulations, and routines).
May limang gawain ang Kurikulum (Acero; 2000):
1. General Education- Itoy bahagi ng kurikulum na nagbibigay
ng mahahalagang saligang karunungan na kinakailangan ng tao.
Ang mga assignaturang nakapaloob ditto ay nauukol sa wika,
siyensiya, matematika, humanidades, sining, atbp.
2. Specialized Education- Nakapaloob dito ang mga
assignaturang nakatuon sa larangan ng ispesyalisasyon (major
subjects) ng mga mag-aaral.
3. Exploratory Education- Itoy nasa anyo ng electives,
cognates, minor, o allied subjects. Layunin nitong makapagbigay
ng pagkakataon sa mga mag-aaral na alamin nila kung sang kurso o
larangan ng pag-aaral sila nabibilang.
4. Enrichment Education- Ang bahaging ito ng kurikulum ay
naglalayong pagyamanin ang mga taglay na kaalaman at karanasan
ng mga mag-aaral bukod pa sa kanilang mga natutuhan sa General,
Specialized, at Exploratory Education.
5. Special-interest Education- Layunin nitong linangin ang mga
hilig ng mag-aaral bukod pa sa larangan ng kanilang
ispesyalisasyon.
Ayon kay Palma (1992), may 3 elemento ang kurikulum:
1. Layunin
2. Pamamaraan
3. Pagtasa sa Kahihinatnan
Ang Kurikulum ay patuloy na umuunald upang itoy lalong
maging mabisa. Subalit ayon kay Aquino (1985), ang
ikapagtatagumpay o ikabibigo ng kurikulum ay nakasalalay sa
guro. Ito ay sa kadahilanang sila ang tagapagsalin ng mga
nilalaman ng kurikulum tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Itinuturing din na mahalagang salik ang pagkakaroon ng
maayos at kumpletong pasilidad ng paaralan. Kaya naman ang
DepEd ay may sinusunod na malinaw na paraan at modelo sa
pagbili at pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan.
Kinakailangan ng maingat na pagpaplano bago bumili ng mga
kasangkapan o magpatayo ng mga pasilidad upang itoy
mapakinabangan sa mahabang panahon.
Mahirap para sa mga guro ang magturo sa paaralan na kulang
sa mga kagamitang panturo at sa silid na sira ang kaanyuan nito.
Ang anyo at kalidad ng mga kagamitang panturo ay may malaking
papel na ginagampanan sa ikapagiging mabisa ng pasilidad ng
paaralan sa gawaing pagtuturo. Ayon kay Gregorio (1961), ang
paaralang may maayos at mahusay na mga pasilidad ay isang
mahalagang kontribusyon sa kapakanang panlahat ng mga mag-
aaral at maging sa buong komunidad, dahil ang paaralan ay
itinuturing na sentrong pang-komunidad.
Inilahad sa Manual of Regulations for Public Schools
(Revised Edition, 1998) ang mga patakaran, na hanggat maari ang
mga silid ng paaralan ay:
1. Malayo sa lugar na maaaring pagmulan ng apoy, at ang
pagtuturo ay hindi naaapektuhan ng ingay [ng trapiko].
2. May maayos na plano at lugar na pinagdaraanan ang mga
mag-aaral kung sakaling magkaroon ng sunog, bagyo, lindol, atbp.
3. May mga kagamitan tulad ng pamatay-sunog at mga lugar
tulad ng fire exit.
4. May sapat na dami ng comfort rooms na laging
pinananatiling malinis.
5. Sapat na naiilawan at may maayos na bentilasyon.
6. Naglalaman ng sapat na espasyo, at kasangkapan para sa
pangangailangang panlahat ng buong akademikong komunidad.
7. Hindi gagamitin bilang sa anumang paraan na
makahahadlang sa mga gawaing pampaaralan.
8. Nagtataglay ng silid-aklatan, opisina ng mga tagapangasiwa
ng paaralan, at guro na madaling hanapin at puntahan.
9. May sapat na mga kagamitang pang-laboratoryo para sa mga
kumukuha ng kurso sa larangan ng agham.
10. May sapat na laki para sa mga empleyado na tumutugon sa
mga pangangailangan ng mag-aaral.
Sa pagpaplano at pagpapatayo ng mg pasilidad, narito ang
mga salik na nararapat isaalang-alang (Gregorio; 1961):
1. Lugar
2. Kalusugan
3. Kaligtasan
4. Pagpapailaw


B. Mga Kaugnay na Pag-aaral
Sa Ibang Bansa
Tinalakay ni Rosenshine (1995) ang nauukol sa pag-unlad ng
pagtuturo na resulta ng tatlong bahagi ng pananaliksik na kanyang
isinagawa sa loob ng 25 taon. Ang mga pananaliksik ay nauukol sa
prosesong kognitibo, pag-aaral sa mga gurong humahawak ng klase
na nakakuha ng pinakamataas na mark, at pananaliksik sa
pamamaraang kognitibo. Tinangka ng pag-aaral na ito na alamin
ang mga gawi ng guro na may kaugnayan sa pagtatagumpay ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Mula 1955 hanggang 1980,
mahigit 10 magkakaugnay at eksperimental na pag-aaral ang
isinagawa. Dalawang bagay ang natuklasan mula sa mga
isinagawang pananaliksik na may kaugnayan sa pagtuturo. Una ay
ang kahalagahan ng maikling hakbang sa pagtuturo at ang
kahalagahan kahalagahan ng gabay ng mga guro kapag may
pagsasanay ang mga mag-aaral.
Bilang buod, ang epektibong guro ay ginagawa ang mga
sumsunod: nagpapakilala ng mga bagay/ kaisipan sa isang tiyak na
panahon, ginagabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglutas ng
mga problemang pang-akademiko, binibigyan ng pagkakataon ang
mga mag-aaral na mapag-aralan ang mga bagong kaisipan na
itinuro, sinisiyasat ang komprehensyon ng mga mag-aaral, at
pinipigilan ang pagbubuo ng maling pagkaunawa sa mga mag-
aaral.
Marami nang pananaliksik ang isinagawa upang malamna
ang epekto ng ibat-ibang estilo sa pagkatuto (learning styles).
Tulad ni Cafferty (1980) na kung saan ipinakita niya na kapag
estilo ng mga mag-aaral at guro ay nagkatugma pagdating sa pag-
aaral at pagtuturo, mas mataas ang nakukuhang marka o grado ng
mga mag-aaral sa klase. Idinagdag pa niya na kapag hinayaan ang
mga mag-aaral sa nais nitong estilo ng pag-aaral, mas mataas ang
mga nakukuhang marka nito sa pagsusulit at sa mga pagsasanay
(Dunn; 1989).
Iniulat ni Dunn, Deckinger, Withers, at Katzenstein (1990)
na ang pagtutugma ng mga pamamaraan sa pagtuturo at mga estilo
sa pag-aaral ng mga estudyante ay hindi lamang nakapagdudulot ng
makahulugang pagtatagumpay sa larangang pang-akademiko kundi
nababago nito ang mga gawi sa pag-aaral at nakakabawas ng
kaligaligan s amga mag-aaral.
Sa Pilipinas
Isa sa mga pangangailangan ng pag-aaral ng wika ay ang
pagsasanay sa paggamit ng wikang kanyang pinag-aaralan. Ito ay
maaari lamng magamit sa isang kaligirang relaks at impormal at
makakaramdam ng seguridad ang mga mag-aaral. Ipinahihiwatig
nito ang pangangailangan ng gurong makahikayat sa mga mag-
aaral na makilahok sa mga gawaing pang-komunikasyon at
magbibigay sa mag-aaral ng mga pagsasanay na angkop sa kanilang
pangangailangan. Ipinahihiwatig pa rin nito ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng gurong mabisang gumamit ng wika para
maisakatuparan ang kanyang mga tungkulin sa mag-aaral. Ang
paraan ng paggamit ng wika ay nagpapahiwatig ng personalidad at
pagkatao ng isang guro.
Sa pag-aaral ni Quinto (1998) tungkol sa paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo sa mg assignaturang pangkolehiyo
sa Dalubhasaang Columban, inihayag niya ang mga sumusunod na
rekomendasyon batay sa kanyang isinagawang pagsasaliksik:
1. Manindigan sa pagpapayaman at pagpapayabong ng Filipino
bilang pambansang wika, ayon sa itinatadhana ng Konstitusyon sa
patakarang pang-wika na gagabay sa paggamit sa Filipino bilang
midyum ng pagtuturo at opisyal na wika sa komunikasyon.
2. Puspusang isulong ang paggamit at pagpapayaman ng
Filipino bilang wikang panturo. Sa ganitong tunguhin, gagamitin
ang Filipino hindi lang midyum ng pagtuturo kundi wika sa
pananaliksik, gawaing panlabas at opisyal na komunikasyon.
3. Tuunan ng pansin ang produksyon ng mga gamit-panturo
tulad ng isinasagawa sa Proyektong Aklatang Bayan. Marami nang
teksbuk sa agham at matematika para sa mataas na paaralang
naisulat at nailimbag.
4. Magpalinang ng pananaliksik batay sa mga sumusunod na
paksa:
4.1 Pagtataya ng mga nalinang na kagamitang instruksyonal sa
Filipino
4.2 Ebalwasyon sa pagsasagawa ng mga pag-aaral sa kolehiyo
sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng panturo o opisyal na
wika ng komunikasyon.
Inilahad naman ni Arias (2000) ang kanyang mga
rekomendasyon na nauukol sa pagiging epektibong guro at ang
implikasyon nito sa kagalingan ng mga mag-aaral. Narito ang ilan:
1. Pagbibigay pansin sa ebalwasyon ng mga mag-aaral bilang
lehitimong feedback sa pagiging epektibo ng pagtuturo. Sa
pamamagitan nito, mapapabuti ng mga guro ang kanilang
pagtuturo.
2. Kinakailangang bigyan ng mga pagkakataon ang mga guro
na makadalo sa mga seminar, training, at pagkuha ng mga kurso sa
antas gradwado. Ito ang daan upang mapaunlad nila ang kanilang
mga katangiang propesyonal at pansarili.
3. Pagtutulungan ng mga guro at mga tagapangasiwa ng
paaralan upang mapabuti ang maagang pagpasok ng mga guro sa
kani-kanilang klase.
Sa pag-aaral ni Panis (1998) ukol sa kaugnayan ng
pamamahal ng klase sa performance ng mga mag-aaral, narito ang
ilan sa kanyang mga rekomendasyon:
1. Bigyan ng orientasyon ang mga guro ukol sa pamamahala ng
klase sa pamamagitan ng miting, seminar, workshop, at
komperensiya. Dito tatalakayin ang mga makabagong estratehiya at
pamamaraan sa pagtuturo upang mapabuti ang kagalingan ng mga
mag-aaral.
2. Pagpapatupad ng Parent Learnig Support System (PLSS).
Magiging kaakibat ng mga guro ang mga magulang ng mga mag-
aaral sa pagtuturo at paghubog ng tamang kaasalan ng mga mag-
aaral pagdating sa pag-aaral.
Narito naman ang ilan sa mga rekomendasyon ni Soriano
(1998) mula sa kanyang pag-aaral ukol sa gawi at pagpapahalaga
ng mga guro sa kanilang propesyon:
1. Patuloy napagyamanin ang kanilang mga kakayahan tungo sa
makabagong pamamaraan ng pagtuturo, para higit nilang
magampanan ang kanilang mga gawain at responsibilidad- na
hubugin ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral.
2. Hinihikayat sa mga guro ang pagsasagawa ng ebalwasyong
pansarili (self-evaluaton) upang malamn kung naisasagawa nila ng
maayos at mabisa ang mga layunin ng bawat paaralan.
C. Relasyon ng mga Nakaraang Pag-aaral sa mga Bagong
Pananaliksik
Sa pagsusuri ng mga pag-aaral na isinagawa sa Pilipinas,
malinaw na may pagkakahalintulad at pagkakaiba sa kasalukuyang
pag-aaral na nagpapatibay sa mga pangangailangan ng
pagpapaunlad ng pagtuturo ng Wikang Filipino.
Ang mga pampanitikang pananaw sa Pilipinas ay tuwirang
naglahad at nagpaliwanag ukol sa mga salik na nakakaapekto sa
komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino.
Tinalakay ng lubos ang bawat salik na nakapaloob sa paksang
suliranin.
Ang mga pag-aaral ni Qunito, Arias, Panis, at Soriano ay
may pagkakahalintulad sa kasalukuyan pag-aaral dahil ang kanilang
ginamit na mga baryabol ay patungkol sa wikang Filipino at ang
pamamaraan na kanilang pagsasaliksik ay paglalarawan.
Subalit, ang mga nabanggit na isinagawang pag-aaral ay may
pagkakaiba rin sa kasalukuyang pag-aaral: una ay sa lugar kung
saan isinagawa ang pag-aaral, ikalawa ay ang mga respondent sa
pag-aaral, at ikatlo ay ang ginamit na statistical design at kagamitan
sa pag-aaral.
Bilang kabuuan ng ginawang pananaliksik, ito ay hindi pag-
uulit o replikasyon ng pag-aaral o anumang mga pag-aaral na
isinagawa.
Kabanata 3
DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMARAAN
Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng pamaraan ng
pananaliksik; anyo ng populasyon at paglalarawan; instrumento at
paglilikom; at pagpapahalaga sa mga datos o tala.
Ginamit na Pamaraan ng Pananaliskik
Ang nananaliksik ay gumamit ng paglalarawang pamaraan
ng pananaliksik. Ayon kay Sevilla (1990) ang palarawan na
pamaraan, bilang kabuuang pangangalap ng datos o tala, ay
naglalayong masubok ang haka o palagay o kaya ay aksagutan sa
tanong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng paksang pinag-aralan.
Para kay Good at Scates, ang palarawang pananaliskik ay
nagpapakahulugan ng mga pag-aaral na naglalayong ilahad ang
mga bagay o pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Halimbawa
nito ay ang mga impormasyong patungkol sa isang grupo ng mga
tao, bilang ng mga bagay, pangkat ng mga kalagayan o kondisyon
at pangyayari, sistema ng kaisipan, mga uri ng penomena o
karanasan na maaaring pag-aralan.
Ang pagsisiyasat na gagawin ay nangangailangan ng
makatotohanang impormasyon na naglalaman ng mga nakalap na
datos o impormasyong nasuri, nilagom at ipinakahulugan sa
layuning makita ang mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon
ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino. Kayat ang palarawang
pamaraan ang pinaka-angkop na gamitin sa pag-aaral na ito.
Respondents
Ang pokus ng pag-aaral ay binubuo ng lahat ng mga mag-
aaral sa Dalubhasaang Columban ngayong tag-araw (summer
classes). Ang mga datos ay kinalap sa pamamagitan ng
pamamahagi ng talatanungan. Dahil sa kakaunti ang bilang ng mga
mag-aaral, sampung (10) mag-aaral lamang ang kinuhang
respondent, bawat sabjek na bumubuo sa assignaturang Filipino
(Filipino 1-4)

Instrumento
Ang talatanungan ang pangunahing instrumento na ginamit
sa pag-aaral na ito. Ito ay nahahati sa apat na bahagi:
Unang Bahagi- Pansariling Datos
Mga datos na sumusunod: Pangalan (optional), Gulang,
Kasarian, Paaralang Pinagtapusan (hayskul), Departamentong
Kinabibilangan, Kurso at Antas (year level), Antas o grdaong
nakuha sa Filipino.
Ikalawang Bahagi- Ang Guro at ang Pagtuturo
Nakapaloob ditto ang mga Kasanayan, Kabatiran sa Paksa,
Pangangasiwa sa Silid-Aralan, Kasanayan sa Pag-eebalweyt, at
Personalidad ng Guro.
Ikatlong Bahagi- Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan
Kasama rito ang pagsusuri sa kaayusan at kalagayan ng mga
silid, pati ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga sangguniang
aklat.
Ikaapat na Bahagi- Pagsukat sa Kaalaman ng mga Mag-aaral
Itoy isinagawa sa pamamagitan ng maikling pagsusulit na
kinapapalooban ng limang tanong patungkol sa mga araling
Filipino na tinatalakay sa Antas Tersyarya.
Nagsagawa din ng mga pakikipanayam at mga pansariling
obserbasyon sa mga bagay na nangangailangan ng paglilinaw.
Pagkamay-Bisa ng Instrumento
Ang burador ng talatanungan ay sinubukan sa isang klase ng
Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-Ibang Disiplina. Layunin
nitong makita ang mahihina at malalabong bahagi o bilang sa
instrumento. Kagyat itong inirebisa at iniwasto ng mananaliiksik.
Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos
Ang kapahintulutan na magsagawa ng pag-aaral,
pamamahagi ng talatanungan sa mga mag-aaral ay hiningi ng may
kapahintulutan sa Pangulo at sa Pangalawang Pangulo para sa
Kalakarang Pang-Akademiko ng Dalubhasaang Columban.


Pagbibigay-Halaga sa Datos
Ang mga nakalap na datos ay itinala, hinanay at isa-isang
sinuri. Narito ang mga pormulang istatistikal na ginamit:
1. Percentage- Itoy ginamit upang malaman ang kabuuan ng
mga tagasagot.



2. Mean- Ginamit upang matuklasan ang persepsyon ng mga
respondent.
Kung Saan:

X= Mean
= Summation
f= Frequency
N= Kabuuang Dami ng kaso (Respondent)

Katumbas ng paglalarawang antas sa halagang numerikal:

Numerical Value Scale Description Rating

3 2.51-3.00 Mabisa
2 1.51-2.50 Katamtaman
1 1.00-1.50 Hindi Mabisa
Pormula: %=f /nx100
Kung Saan:
%= Percentage
f= Frequency
N=Kabuuang
Dami ng kaso
(Respondent)

Pormula: x=fx/N

TALASANGGUNIAN
A. Mga Aklat
Abad, Marietta A. Filipino Bilang Tanging Gamit. Mandaluyong
City: National Book Store Inc., 1995

Acero, Victorina O. et.al Principles and Strategies of Teaching.
Quezon City: Rex Printing Company Inc., 2000

Aquino, Gaudencio V. Principles and Methods of Effective
Teaching. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1988

Ausubel, David P. Educational Psychology: A Cognitive View.
New York: Holt Rineheart, and Winstron, 1968

Badayos, Paquito B. Filipino sa Ibat Ibang Disiplina. Makati City:
Grandwater Publications and Research Corporation, 2000

Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex
Printing Company, 2000

Borich, Gary D. The Appraisal of Teaching: Concepts and Process.
Massachusetts: Addison-Wesley Publishing Co., 1977

Calderon, Jose F. Principles and Methods of Teaching. Quezon
City: Great Books Trading, 1998

Cooper James M. Classroom Teaching Skills. USA: Houghton
Mifflin Company, 1999

Dinglasan, Resurreccion D. Retorikang Filipino. Manila: Rex
Printing Company Inc., 2001
Gregorio, Herman C. Principles and Methods of Teaching. Quezon
City: Garotech Publishing, 1976

Gregorio, Herman C. School Administration and Supervision.
Quezon City: R.P. Garcia Publishing Company, 1961

Guamen, Pructuosa C. et.al. Tanging Gamit ng Filipino. Qezon
City: Rex Printing Company Inc., 1986

Lardizabal, Amparo S. et.al Principles and Methods of Teaching.
Quezon City: Phoenix Press Inc., 1991

Ornstein, Allan C. Teaching: Theory in Practice. Massachusetts:
Allyn and Bacon, 1995

Palma, Jesus C. Curriculum Development System, A Handbook for
School Practitioners in Basic Education. Mandaluyong City:
National Book Store Inc., 1992

Papa, Nenita P. Wikang Filipino sa Ibat Ibang Disiplina. Manila:
Booklore Publishing Corporation, 2000

Raths, James, John R. Pamcella, and James S. Van Ness, eds.
Studying Teaching 2
nd
Edition. New Jersey: Prentice Hall Inc.,
1971

Santiago Erlinda M. et.al Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-
unlad. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1989

Sarmiento, Ulpiano P. Manual of Regulations for Private Schools
Annotated. Quezon City: Risen Publishing, 1998

Sauco, Consolacion P. et.al Panitikang Filipino: Pandalubhasaan.
Quezon City: Katha Publishing Co. Inc., 1997
Sauco, Consolacion P. et.al Retorikang Filipino: Pang-antas
Tersyaryo. Quezon City: Katha Publishing Co. Inc., 1998

Tumangan, Alcomtiser P. et.al. Sining ng Pakikipagtalastasan.
Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation,
2001
B. Babasahin
Dunn, R. Beaudry, J.S. and A. Klavas. 1989. Survey of Research
on Learning Styles. Educational Leadership VI (6), March 1989:
50-55
C. Mga Di-Nalathalang Tesis
Arias, Elizabeth G. Teacher Effectiveness As Perceived By the
Students of Selected Private Secondary schools in Olongapo City:
Implication to Student Performance and Progress. Unpublished
Masters Thesis, Columban College, Olongapo City, 2000

Quinto, Concepcion S. Ang Paggamit ng Filipino Bilang Wikang
Panturo sa mga Assignaturang Pangkolehiyo sa Dalubhasaang
Columban Lungsod ng Olongapo. Unpublished Masters Thesis,
Columban College, Olongapo City, 1998

Panis, Flordeliza P. Relationship of Classroom Management with
the Performance of Pupils at District III Olongapo City.
Unpublished Masters Thesis, Columban College, Olongapo City,
1998

Soriano, Levy P. Attitudes and Values of Olongapo City District II
Teachers Towards the Teachers Profession. Unpublished Masters
Thesis, Columban College, Olongapo City, 1998








APPENDIKS







Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo



Mayo 17, 2004


Rev. Fr. Daniel O. Presto
Pangulo ng Dalubhasaang Columban
Lungsod ng Olongapo


Ako po ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng
talatanungan sa mga mag-aaral ng Columban sa Antas Tersyarya. Ito po ay
may kaugnayan sa aking pag-aaral na Mga Salik na Nakakaapekto sa
Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Assignaturang Filipino sa Antas
Tersyarya, Klase sa Tag- Araw 2004
Umaasa po akong bibigyan ninyo ako ng karampatang tugon.

Lubos na Sumasainyo,
ERNEL F. GALANG JR. (Sgd.)
Mananaliksik











Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo



Mayo 17, 2004


Dr. Antonia Balde
Pangalawang Pangulo para sa Kalakarang Pang- Akademiko,
ng Dalubhasaang Columban
Lungsod ng Olongapo


Ako po ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng
talatanungan sa mga mag-aaral ng Columban sa Antas Tersyarya. Ito po ay
may kaugnayan sa aking pag-aaral na Mga Salik na Nakakaapekto sa
Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Assignaturang Filipino sa Antas
Tersyarya, Klase sa Tag- Araw 2004
Umaasa po akong bibigyan ninyo ako ng karampatang tugon.

Lubos na Sumasainyo,
ERNEL F. GALANG JR. (Sgd.)
Mananaliksik









TALATANUNGAN
Pagsusuri sa Pananaw ng mga mag-aaral sa ibat-ibang salik na
nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino
ng Dalubhasaang Columban, sa Antas Tersyarya
Panuto: Tsekan ang katumbas na sagot sa kaukulang bilang o aytem. At kung
hinihinging sagot ay letra, salita o parirala, mangyaring punan o sulatan ang
kaukulang blangko.
Bahagi I- Pansariling Datos
1. Pangalan (optional) - _____________________________
2. Gulang _______
3. Kasarian:
____Lalaki ____ Babae
4. Paaralang Pinagtapusan (hayskul) ___________________
____Public ____Private Non- Sectarian
____Private
5. Departamentong Kinabibilangan:
____Architecture ____Engineering
____Arts and Sciences ____ ITC
____Commerce ____Nursing
____Education
6. Kurso at Antas (year level) _______________________
7. Antas o [huling] markang nakuha sa Filipino:
____4
th
Year High School
____Sining ng Pakikipagtalastasan (FIL111/PL111)
____Pagbasa at Pagsulat sa Ibat- Ibang Disiplina (FIL121/PL121)
____Retorika (FIL211)
____Panitikan ng Pilipinas (FIL221/PL221)
8. Pangalan ng Guro______________________________
Bahagi II- Ang Guro at ang Pagtuturo
Panuto: Isulat ang mga letra sa blangko kung ang mga sumusunod ay:
M- Mabisa
K- Katamtaman
HM- Hindi Mabisa
A. Kasanayan sa Pagtuturo
1. Pumipili, naghahanda at gumagamit ng mga kagamitang panturo. ____
2. Gumagamit ng Ibat-Ibang teknik at istratehiya sa masigla at kawili-
wiling pagtuturo. ____
3. Naglalahad at nagpapaliwanang ng aralin, gumagamit ng angkop na
mga ilustrasyon, mga halimbawa, at mga kagamitang biswal. ____
4. Nagagawang laging masigla at buhay na buhay ang mga talakayan,
pagpapaliwanang at palitang kuro. ____
B. Kabatiran sa Paksa/ Assignaturang Itinuturo
1. May ganap na kabatiran sa nilalaman ng kursong (course content)
itinuturo. ____
2. Malawak at higit na malalim ang kabatiran ng guro sa paksa,
assignatura, kursong itinuturo na ipinahihiwatig ng kanyang kahusayan
at kasanayan sa malinaw, wasto, angkop na paliwanag at pagtalakay sa
aralin. ____
3. May kaalaman hindi lamang sa saklaw ng kurso/ assignatura o
disiplinang itinuturo kundi gayon din sa kaugnayan nito sa iba
pang kurso, assignatura, o disiplina. ____
4. May laging bago at up-to-date na kabatiran hinggil sa itinuturo. ____
C. Pangangasiwa sa Silid-Aralan
1. Sinisikap ng guro na magkaroon ng kaaya-ayang kaligiran sa silid-
aralan. ____
2. May kaiga-igayang kaligirang sosyal, magandang relasyong guro-mag-
aaral, mag-aaral-mag-aaral. ____
D. Kasanayan sa Pag-eebalweyt ng Mag-aaral
1. May kasanayan sa pagbuo at paghahanda ng angkop na pagsusulit
na epektibong susukat sa antas ng pagkatutong naganap, susukat sa
kasanayan, lakas at kahinaan ng mag-aaral. ____
2. Hindi siya maramot sa pagbibigay ng kaukulang papuri sa mga mag-
aaral na may magandang performance o sa mga mag-aaral na karapat-
dapat sa papuri. ____
3. Sinisikap na maging fair at may pantay-pantay na pagtingin sa bawat
miyembro ng kanyang klase. Iniiwasan ang pagkakaroon ng mga
paboritong mag-aaral sa klase. ____
E. Persoalidad ng Guro
1. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon, may diwa ng
paluwag-tawa (sense of humor). ____
2. May katamtamang lakas ng tinig na nagagamit niya sa malinaw na
pagpapaliwanang ng aralin. ____
3. May mataas na antas ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, sa gamit ng
wika, lalo na ng Filipino. ____
4. Maunlad, mapanaliksik, malikhain, mapamaraan, at may pagkukusa.
____
Bahagi III- Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan
1. Maayos na silid (classroom) para sa pag-aaral. ____
2. Naglalaman ang silid-aklatan ng mga bagong sangguniang aklat na
tumatalakay sa ibat-ibang aralin na nauukol sa Filipino. ____
3. May mga nakatakdang silid para sa ibat-ibang gawain. ____
Bahagi IV- Pagsukat sa Kaalaman ng mga Mag-aaral
1. Prosesong sosyal o panlipunan na bunga ng interaksyong proseso ng
mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto sa
pagkatuto.
____Pagbasa ____Pagsulat ____Pakikipagtalastasan
2. Isang patuloy na siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula,
pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan.
____Pagbasa ____Pagsulat ___Retorika
3. Pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang
wika.
____Ponolohiya ____Morpolohiya ____Sintaksis
4. Pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
____Ponema ____Morpema ____Sintaksis
5. Tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at
pagsulat.
____Retorika ____Morpolohiya ____Sintaksis
Salamat sa Inyong Pagtugon
ERNEL GALANG JR.
BSED-Filipino
CURRICULUM VITAE
Batay sa pangkasalukuyang impormasyon (2012)
I. PANSARILING DATOS
Pangalan: Ernel Galang Jr. Kalagayang Sibil: Single
Edad: 27 taong gulang Kasarian: Lalake
Lugar: Lungsod ng Olongapo

II. MGA PAARALANG PINASUKAN
Graduate: Tertiary: Secondary:
St. Josephs College
Bulacan State University
Graduate Studies
Consortium

Master of Arts in
Education- Major in
Educational Management

Completed Academic
Requirements
Columban College, Inc.
Olongapo City



Bachelor of Secondary
Education- Major in
Filipino (BSED-F)

Year Graduated: 2006
Olongapo Wesley School
Olongapo City







Year Graduated: 2002


III. MGA KARANASAN SA TRABAHO
Secondary School Teacher
September 2009-present
Kalalake National High School
14th Street New Kalalake, Olongapo City


College Instructor (part-time)
June 2007-present
Subic Bay Colleges, Inc
#3 18th Street West Bajac-Bajac, Olongapo City
June 2009-October 2010
Colegio de Castillejos
Brgy. San Roque, Castillejos, Zambales


High School Teacher
Academic Year 2006-2007
Little Angel Study Center, Inc.
32 3
rd
Street West Tapinac, Olongapo City

You might also like