Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
The Dinastiyang Tang (Intsik: ; pinyin: Tng Cho; IPA: [t t]; Gitnang Tsina: dhng) (Hunyo 18, 618 Hunyo 1, 907)o(618 AD-907 AD) ay isang imperyong dinastiya sa Tsina. Kasaysayan[baguhin] Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang mga manggagawa sa mga proyekto ng Sui. Kung kaya kalaunan, nagkaroon ng mga pag-aalsa ang mga magsasaka. Isa sa mga pinuno ng mga pag-aalsa ay si Li Yuan. Itinatag niya ang T'ang noong 618 C.E. at tinawag siyang Emperador Tai Cong. Pangalawa sa dakilang dinastiya ng Tsina ang dinastiyang T'ang. Nanumbalik ang kasiglahan at kasaganaan ng lipunan at kulturang Tsino. Bumalik ang matatag at mahusay na pamamahala sa tulong ng mga iskolar na Confucian. Sumigla ang agrikultura dahil sa mga bagong uri ng palay at bagong paraan ng pagtatanim. Sumigla rin ang kalakalan dahil sa mga bagong kalsada na naging daan para sa lalo pang masiglang palitan ng produkto at ideya. Lubos na kumalat ang Buddhism habang unti-unting umaangkop sa kabihasnang Tsino. Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing na nagpabilis sa pagawa ng kopya ng anumang sulatin. tinagurian din itong "ginintuang panahon ng literatura at sining." Dahil na rin sa lawak ng nasakop ng T'ang, kaya malawak na rin ang impluwensiya nito sa mga karatig bansa. Mga Estruktura sa Dinastiyang Tang
Ang Tang Dynasty (618-907) ay panahon ng kasukdulan ng pag-unlad ng ekonomiya't kultura ng lipunang piyudal ng Tsina. Ang mga katangian ng estilo ng konstruksyon ng Tang Dynasty ay kahanga-hanga't maringal, maayos at masaya at may simple't masiglang kulay.
Unti-unting naging mature ang kabuuang plano ng grupo ng mga konstruksiyon ng Tsina noong Tang Dynasty. Ang kabisera ng Tang Dynasty sa Chang'an (Xi'an sa kasalukuyang) at ang kabisera sa silangan sa Luoyang ay parehong nagtayo ng napakalaking mga palasyo, harding imperyal at organo ng pamahalaan at ang pagkakaayos ng konstruksyon ay mas makatuwiran sa pamantayan. Ang Chang'an ay isang pinakamalaking lunsod sa daigdig noon. Napakaringal at maayos ang plano nito. Napakadakila't kahanga-hanga ang Daming Palace sa palasyo ng emperador sa loob ng siyudad ng Chang-an. Ang saklaw ng mga guho nito ay mahigit tatlong ulit ng kabuuang laki ng Forbidden City (Palace Museum) ng Beijing noong mga dinastiya ng Ming at Qing.
Naisakatuparan ng mga estrukturang tabla ng Tang Dynasty ang pag-iisa ng artistikong paraan at hugis ng estruktura, kabilang dito ang mga sangkap ng konstruksyon na gaya ng "dougong" (isang sistema ng pagsingit ng patungan sa pagitan ng ibabaw ng haligi at barakilan), haligi at barakilan na nagpapakita ng perpektong pagsasama ng puwersa at kagandahan. Ang malaking bulwagan ng Foguang Temple sa Wutaishan ng lalawigang Shanxi ay isang tipikal na estruktura ng Tang Dynasty na nagpapakita ng mga katangiang nabanggit sa itaas.
Bukod dito, umunlad din ang mga estrukturang tisa't bato noong Tang Dynasty. Karamiha'y gumagamit ng mga tisa't bato sa pagtatayo ng mga Budhistang pagoda, kabilang na rito ang Dayanta, Xiaoyanta ng lunsod Xi'an at Qianxunta ng Dali na pawang mga pagoda ng Tang Dynasty na gumagamit ng mga tisa't bato. Dinastiyang Song
Sa mga kondisyong pampulitika, ang pagbagsak ng Tang Dynasty (681-907) at ang bunga ng paglansag ng emperyo ay hindi nangangahulugan ng biglang paghiwalay sa nakaraan. Ang Limang Dinastiya ay pawang naghahangad sa reunipikasyon ng Tsina at noong taong 959 dinala ng Later Zhou ang bansa pabalik sa ilalim ng iisang pinuno. Ang pagbabago ng dinastiya ay dahil sa pagbabago ng naghaharing pamilya. Nanatiling di nabago ang mga sikat na naghahari at ipinagpatuloy ng serbisyo sibil ang karaniwang mga gawain ng gobyerno nang walang masyadong pagtigil. Malinaw rin ang ganitong pagpapatuloy sa ilan sa Sampung Estado sa dakong timog at ipinagpatuloy ang sistema ng pagsusulit sa pamahalaan. Nang maagaw ni Zhao Kuangyin ang kapangyarihan sa pamamagitan ng kudeta sa Chengqiaoyi noong taong 960, pinag-isa at pinalawig nito ang pamamahala sa pamamagitan ng mapamigil at masistemang paraan. Ang Dinastiyang Song na kanyang itinatag ay nahahati sa dalawang panahon. Una, ang Hilagang Song na ang kabisera nito'y nasa Dongjiang (kasalukuyang Lunsod Kaifeng sa Lalawigang Henan) mula noong 960 hanggang 1127. Pangalawa, ang Timog Song na ang kabisera nito'y nasa kasalukuyang lunsod Hangzhou mula noong 1127 hanggang 1279.
Ang Dinastiyang Song ay magkakahanay sa kahalagahan sa mga Dinastiyang Tang at Han (206BC-220AD). Sa halos tatlo't ikaapat na siglong pamamahala nito (mga 325 taon) ang Tsina'y nagtamasa sa isang panahon ng pag-unlad sa ekonomiya kasabay ng malaking tagumpay na pansining at pangkaisipan. Sa dahilan nga ito tinutukoy ang panahong naturan bilang Chinese Renaissance kumpara sa enaissance na kumakalat noon sa buong Europa.
Noong taong 959, kasunod ng pagpanaw ni Emperador Shizong na naging isang matalinong monarka, isang siyete anyos na batang munti ang umakyat sa trono bilang Emperador Gong. Kasunod na taon, inagaw ni Zhao Kuangyin ang kapangyarihan at pinilit si Emperador Gong na bumaba sa trono. Ginamit ni Zhao Kuangyin ang pangalang Taizu at itinayo ang kanyang kabisera sa Dongjing (kasalukuyang lunsod ng Kaifeng). Ang una niyang ginawa ay matiyak na wala nang mga pag-aalsang militar. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang propesyunal na hukbong tapat sa dinastiya na may mga komander militar sa ilalim ng mahigpit na pagkontrol ng pamahalaang sentral. Sa nalalabing panahon ng kanyang paghahari, hinarap nang lubusan ni Taizu ang kanyang pagsisikap para talunin ang mga estado sa katimugan. Ganyan ang kanyang tagumpay, kaya sa panahon ng kanyang pagkamatay noong taong 976, liban sa Zhejiang, Shanxi, Nanzhao at purok na pinamahalaan ng mga Qidan, ang bansa'y nasa ilalim ng kontrol ng dinastiyang Song. At binigyang-wakas ang mga aktibidades ng mga warlord.
Si Taizu ay hinalinhan ng kanyang kapatid na lalaki Taizong na nagawang mapabalik sa kanyang pamamahala ang Zhejiang at Shanxi. Nagtagumpay siya sa kanyang dalawang pagtatangkang palayasin ang mga Qidan at napilitan siyang pakitunguhan sila sa pantay na pagpapalagayan. Mula noon sinikap ng Dinastiyang Song na mapangalagaan ang mga hanggahan nito laban sa pananalakay, subali't di tulad ng Dinastiyang Tang, hindi nito napagharian ang buong emperyo.
Ginamit nito ang mahahalagang mga hakbangin para patatagin ang administrasyon sa ilalim ng awtokratikong pagkontrol ng emperador. Ang ganitong mga pag-unlad ay sinuportahan ng mahahalagang pagbabago sa pangangalap sa burukrasya at sa pagpapalakad ng sistema ng pagsusulit. Ang pagkontrol sa militar at ang pagpapalit ng artistokratikong kapangyarihang katulad ng meritokrasya ay humantong sa katatagang ipinagtamasa ng bansa ang isang panahon ng kaunlaran dahil sa pagpapalaki ng industriya, komersyo't agrikultura. Sa halip, ang ganitong mga salik ang nagbigay-daan sa pagsulong ng mga bagong lunsod bilang mga sentro ng administrasyon, kalakalan, komersyo't industriya.
Ang panahon ng mga reporma ay tumagal hanggang sa pagkamatay ni Emperador Shenzong noong 1086. Mula noon ay nagkaroon ng paghina dahil sa di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga naghaharing pangkat at mg paghihimagsik ng mga magsasaka. Ang pagdagdag ng kadalubhasaang militar ng tatlong magkakaribal na kapangyarihan, ang Liao, Jin at Western Xia ay nangangahulugang maaari nilang pagsamantalahin ang mahina nang bansa at noong 1126 sinakop ng hukbo ng Jin ang Kaifeng pagkaraan ng mahabang panahong pagkubkob. Sa kasunod na taon, ang Emperador ng Northern Song ay inalis sa poder at itinapon sa Manchuria kasama ng kanyang anak. Dinastiyang Song: Paglaganap ng mga Imbensiyon[baguhin] Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham sa Tsina ang dinastiyang Song, na naghari ng may 300 taon. Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na mga panlimbag kaya't nalathala ang mga malalaking ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga dibuho ng mga tanawin; unang ginamit dito ang pulbos na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning kompas para sa paglalakbay sa karagatan. Subalit mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song, kaya nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa Mongolia. [1]