You are on page 1of 1

KALABIT

napamura bigla ang isang ale


sa mahal ng bilihin sa palengke
namumutiktik ang kanyang bibig
sa salitang puta na walang takot
ngunit hindi siya pinapansin
ng mga walang buhay ng baboy
at lasog lasog na manok
lumabas ako ng palengke
ng kinalabit ako ng bata
gusgusin ang pustura
pinagkaitan ng gintong panahon
nanghihingi ng konting barya
dumapo sa madungis niyang kamay
ang mapanghusgang mga langaw
nang makita ko ang kaibigan ko
nangutang ako sa kanya ng konting barya
ang sabi ko'y ibibigay ko pobreng bata
ngunit bumalik ako'y wala na dito
puro langaw na lang ang mga nakatambay
maya maya pa'y umalingsaw ang baho
hinabol ako ng hinabol ng hinabol
wala na rin ang kaibigan ko
putang inang palengke ito!
ekspresyon ng butsi kong sumabog
wala na rin akong makitang tao
puro tae at pusali ang nakikita ko
at halos ang daanan ay malabo
lumalabo ng lumalabo ang paningin ko
hanggang may sumigaw ng pangalan ko
at kinalabit uli ako ng bata

You might also like