You are on page 1of 1

BUNDOK ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi

ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa
isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa
kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang
isang bundok.
TALAMPAS - Ang talampas ay anyong lupa,na kung minsang tinatawag ding mesa ay
ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa
anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng
bundok, na kilala rin bilang pantayanin, bakood, at bakoor.
BULKAN - Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava"
tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di
nagkakaroon ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
KAPATAGAN - Ang kapatagan ay anyong lupa na sa heograpiya ay mahaba, patag at
malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan.
Mainam ito sa pagsasaka, pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa
pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.
BUROL - Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na
kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa
ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksyon ng
dalusdos ng ungos na walang malinaw natuktok. Maliit na burol ang isang punso.Ang
burol ay mas mababa o mas maliit kaysa sa bundok.
PULO - Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at
higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi
napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga
magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.Mayroong dalawang pangunahing uri
ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga
pulong artipisyal.

You might also like