You are on page 1of 170

Prologue

Grabe! Mali na naman! Bakit ba parati nalang mali?! Bakit lahat nalang ng nagugustuhan
ko eh ayaw sa akin? Ang sakit talaga! ayoko na!
*TOK*
Maghunos tili ka nga diyan babae ka. Hindi pa end of the world okay? lalaki lang yan!
Tinignan ko siya ng masama nun tapos hinimas yung part ng ulo ko kung saan niya ako
binatukan.
Hay nako Julia, nasasabi mo lang yan kasi may boyfriend ka! Eh ako!? Paano naman
ako!?
Asus, if I know mamayang hapon eh may bagong prospect ka na naman. Hay, kahit kelan
talaga eh kontra sakin tong best friend ko.
Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Kanina pa ako reklamo ng reklamo eh ni sariling
pangalan ko eh di ko pa nababanggit. Ako nga pala si Nichole Dominique Dizon, Nikki sa mga
kaibigan ko at Codie sa family namin. 16 years na akong nabubuhay sa mundong ito at no
boyfriend since birth parin ako. Ang sad no? hindi ko man lang naexperience magkaroon ng
kadate nung mga dance namin sa school.
Julia naman. Alam mo namang matagal ko nang inaasam asam ang magkaroon ng kadate
sa dance diba? Saka yung makakasama ko sa pagpasok at pag-uwi! Yung tipong
magdadala ng gamit ko kasi nabibigatan na ako! Alam mo yun?
Dati ko pa naman sinasabi sayo diba? Maghintay ka kasi!
Nag-cross arms lang ako nun tapos napaupo. Maghintay? Madaling sabihin, mahirap gawin!
hanggang kelan ako maghihintay? Hanggang sa pumuti na lahat ng buhok ko? hanggang
sa bumigay na yung bewang ko? hanggang sa mahulog na ang lahat ng mga ngipin ko?
Umarte si Julia na parang babatukan ako kaya umilag naman ako. Minsan talaga
napakabayolente nitong babaeng to. Ewan ko ba kung paano kami nagkasundo.
ewan ko sayo!
Juliaaaaaaaaaaaa
Hinabol habol ko siya nun sa may quadrangle hanggang sa mapagod kaming pareho.
Sinermonan na naman niya ako kasi nagmumukhang dugyot na daw kami sa sobrang
kadungisan.

*KRIIIIIIING KRIIIIIING*
Naku po! Warning bell na yun! Malalate na ako!
Tumakbo ako nun. Hindi kami magkapareho ng klase ni Julia. Sa kamalasan ko naman eh
mas malayo yung classroom namin dun sa quadrangle. Grabe nga eh, parang sa araw na ito
eh lahat na ng kamalasan eh sinalo ko.
Nalaman ko kasi na yung gusto kong lalaki eh may nililigawan na. Eh ang pananaw ko pa
naman sa buhay eh kung taken na or soon-to-be taken na eh wag nang magustuhan. Ayoko
kasi na magkagusto sa taong wala naman akong pag-asa.
Siguro sa sobrang pag-iisip ko eh hindi ko namalayang may tao na pala sa harapan ko.
*BAM!*
sorry! Sorry!
Sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo para hindi ka mabangga. Tinginan ko lang
siya nun at medyo napanganga pa ako.
*KRIIIIIIIIING*
Waaah! Anak ng pitumpung tipaklong kuba! Late na ako!

****
Nung dismissal eh agad kong hinanap si Julia. Magandang balita ang kelangan kong sabihin
sa kanya. simula palang nung 2nd to the last subject namin eh kating kati na akong umuwi
para makakwento na ako sa kanya. tiyak na good news itong sasabihin ko eh.
Juliaaaaaaaaaaaa!
Miss Dizon! No running in the hallway!
Tinaas ko lang yung kamay ko nun para humingi ng sorry tapos tuluy tuloy parin ako. Ang
bait ko no?
Dumating ako sa harap ng classroom nina Julia. Sakto eh biglang bumukas yung pintuan at
una siyang lumabas. Nagulat nga siya kasi agad agad ko siyang hinatak sa tabi.
Julia! Nahanap ko na siya!
Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya.

Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! Im
sure of it!
Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo pa kilala. Sasabihin mong
meant to be kayo pero ni isang characteristic eh wala kayong pagkakapareho. Tapos in the
end, youll end up getting hurt.
Hay nako bruha ka! wag ka ngang nega! Kaya minamalas ang mga tao kasi negative kung
mag-isip. Think positive kasi diba!?
Think positive? Eh kahit naman nagthithink positive ka eh negative parin yung
nangyayari! Isipin mo ha, yung mga una eh niloloko ka, nung sumunod eh bakla pala, nung
pagkatapos nun eh muntikan ka pang mapahamak at yung kahuli-hulihan eh hindi ka pa
nagsisimula eh wala na kaagad pag-asa.
Julia namansigurado na ako. Sure kasi talaga ako sa nararamdaman ko ngayon eh. I can
really feel it!
Napabuntong hininga siya nun tapos naglean nalang sa may wall.
Oh siya. Sino ba siya? Classmate niyo? New student?
Ngumiti ako ng malaki sa kanya.
Hindi ko alam eh! tulungan mo naman akong malaman ang pangalan niya!
*TOK*
At isang matinding batok na naman ang pinaramdam sakin ng aking pinakamamahal na best
friend.
Chapter 1

Kung hindi ka ba naman kasi tangengot eh hindi kita babatukan!


Tadtad ng sermon na naman ako mula kay Julia. Paano, ni hindi ko daw alam yung pangalan nung
lalaki tapos true love na yung turing ko.
Hindi mo kasi ako magets friend eh. alam mo yun, nasa pakiramdam nalang yun. Hindi mo
maexplain pero may nagsasabi talaga sayo.
Hay nako, buraot ka. Talagang hindi ko maiintindihan yung pag-iisip mo. O siya, anong year ba?
Napa-hmm ako nun. Sa totoo lang? hindi ko kasi masyadong nakita yung id niya kaya hindi ko
napansin. Masyado akong nahatak sa kagwapuhan niya.
Yun ang problema pa. Hindi ko kasi nakita ng maayos yung ID niya eh.
Hay nako. Pinapahirapan mo ko eh!

Medyo natawa ako nun. I wonder, makakailang hay nako kaya siya sakin?
Sige na friend. Tulungan mo na ako? I cant let this opportunity pass. Alam kong sign yung
pagkakabangga naming dalawa kanina.
Oo nga sign nga. Napangiti naman ako nun. Sa wakas eh sumang-ayon din siya! Sign nga para
maalog yung utak mo at magising ka na sa katotohanan!
Agad akong sumimangot nun at nag-cross arms. Buhay nga naman oh, parang bato. Its hard!
Pagkauwi ko sa bahay eh agad akong nag-computer. Naglog-in ako sa friendster nun tapos
sinubukang maghanap hanap ng tao. Syempre, dahil taga school ko naman siya eh nalimit yung
paghahanp ko sa mga taga St. Marcus Academy.
Hay, kelan kaya tayo ulit magkikita?
Todo hanap ako nun. Syempre nagtanung tanong din ako sa mga kakilala ko. dahil napakageneral ng
description ko sa kanya eh maraming naasar. Syempre, hindi madaling mapinpoint kung sino yun
dahil medyo karamihan yung mga gwapo sa school.
Pero alam ko talagang iba siya eh. unang kita ko palang sa kanya eh alam kong may kakaiba na sa
kanya. may aura siya na nagsasabing siya talaga ang para sakin. I can feel it!
Pinatulog ako ng maaga nun kasi nalate ako kanina. Nagising naman akong maaga the next day sa
kaiisip kay Mystery guy.
Pagpasok ko sa school eh sumalubong kaagad sakin si Julia. May initsa siya sa aking folder tapos
naglean sa may table.
Mr. Anakin Dylan Domingo. AD for short. 4th year section 2. Popular - Sporty type, varsity siya ng
soccer pero kaya din mag-basketball at swimming. Musically inclined, nagdudrums siya para sa
bandang West Side Story. Tahimik siyang tao at hindi sociable. Never pang nanligaw sa kahit na
sino. End of report.
Grabe, idol ko talaga itong si Julia! Isipin niyo, in just one night eh nalaman niya kaagad kung sino
yung true love ko.
Huwaw, Anakin Dylan Domingo. AD.ang ganda naman ng pangalan niya. Nagbell na nun kaya
pumunta na kami sa kanya kanya naming room.
So, one year older pala siya sa amin? Anu ba yan, hindi pa ako nagsisimula eh may obstacle na
kaagad. Tiyak maraming babae ang naghahabol sa kanya at kung lalapit man ang isang 3rd year
katulad ko eh baka tumaob lang ako.
Pero hindi, wag kang matakot sa obstacle na yan Nikki! Lilipas din yan!
Lumilipad lipad yung utak ko nun. Ewan ko ba, hindi kasi mawala sa isipan ko yung pangalan niya.
AD.

AD
AD..
AD.
Grabe, pangalan palang niya eh kinikilig na ako. Hes really different from the other guys na
nagustuhan ko. Sabi ko na nga ba eh.
Nung lunch break eh hinunting ko kaagad siya. Namangha ako nun kasi nakita ko siya in action sa
paglalaro ng soccer. Grabe ang hot niya. ang galing niyang sumipa!
Huy, laway mo tutulo na oh.
Nagpunas naman ako ng imaginary laway ko tapos tumingin kay Julia.
Grabe friend, ang lakas ng tama ko sa kanya. sana makausap ko siya.
Tumalikod na ako nun para kumain. Hindi kasi ako makakaconcentrate kung panonoorin ko siya.
Friend look out!
Dahil hindi ako yung sporty type at hindi mabilis ang reflexes ko eh wala akong nagawa kundi
mapigilan yung bola, gamit yung ulo ko.
OUCH!
Takbuhan yung mga tao sa harapan ko. grabe, ang sakit ng ulo ko nun. Para bang hinampas ng bakal.
Ang lakas ng tama eh. feeling ko nabobobo ako.
Nikki ilan to?!? nagtaas siya ng two fingers nun.
Dalawa. Tangi ka talaga. nayanig lang ulo ko hindi ako nabulag.
Tinulungan niya akong umupo ng maayos nun. Napadapa kasi ako sa sobrang lakas ng tama.
Sino yung nakatama sakin? Grabe ang sakit eh. Hahaha, metal yata yung binti nung taong yun.
Medyo tumahimik yung mga tao nun tapos napatingin ako sa harapan ko. naghiwalay yung
kumpulan ng mga tao nun tapos may lumakad na lalaki paharap.
Nanlaki yung mata ko sa sobrang gulat.
Sorry, ako yung sumipa ng bola.
Oh---em---gee!
Kinakausap niya ako! Seriously! Hes talking to me! Si AD!!

Kinurot ako ni Julia nun kasi hindi ako makapagsalita. Grabe, speechless talaga ako nun eh. isipin mo
ba naman, parang kelan lang eh humihiling akong makausap siya tapos eto ngayonwow. Its really
meant to be. Sign talaga ito!
Ahokay lang yun no. Medyo nahilo lang ako..
Naku, baka kung mapano ka pa niyan Nikki. Samahan mo kaya siya sa clinic Mr..?
AD. AD Domingo.
Napangiti ako sa kanya nun. Grabe, hes so dreamy. I know.
Napatingin kaagad sa akin si AD nun tapos parang nagtataka. Agad naman pinalo ni Julia yung braso
ko kaya natauhan ako. Grabe nakakahiya!
I mean, Iuhhuhh
Malala na siya. Baka mamaya kung ano nang mangyari sa utak ng kaibigan ko. Favor naman AD,
pakidala siya please?
Tumango lang siya nun tapos tinulungan akong tumayo. Shockers! Hinahawakan niya ako!! Hitting 2
birds with one stone ito pare!
Medyo mabagal lang kami maglakad nun. Siguro nga binabagalan ko talaga on purpose para tumagal
pa yung pagkakahawak niya sa kamay ko. syempre, moment din to. Kelangan sagarin diba?
A-Ako nga pala si N-Nikki.
Tumango lang siya nun pero hindi siya tumingin sa akin. Oh-kay?
Hanggang sa nakarating na kami sa clinic at binitiwan na niya ako nun makaupo ako sa kama.
Nagbilin lang siya sa nurse nun tapos umalis na.
Wala man lang bye? O di kaya sana gumaling ka?
Aww.
Chapter 2

Oh, bakit ganyan mukha mo? Para kang natalo sa lotto ah.
Hay nako Julia. Higit pa sa pagkatalo sa lotto yung naranasan ko. biruin mo ba naman, hindi man
lang siya nagpaalam at nag get well soon sa akin. Iniwan lang niya ako sa clinic!
Akala ko pa naman may care siya. Hayy
Anong inexpect mo? Eh saksakan ng kaweirdohan yung pinakita mo sa kanya kanina! tignan mo
to. Ako na nga yung down eh lalo pa akong idodown. Bait talaga.
pero infairness ha! Record yun! Nakaholding hands ko siya ng matagal!

Walang magawa si Julia nun kundi tumango nalang. Siguro hindi na niya ako makontra kaya
tumahimik nalang siya.
Nagsimula naman yung klase nun. May iba akong kaibigan sa class namin na inintriga ako dun sa
nangyari kahapon. May iba kinikilig para sa akin at syempre may ibang nainggit. Hottie kasi talaga
itong si AD at habulin siya ng babae. Nasa kanya na kasi yung lahat, mayaman, sporty, musically
inclinedkulang nalang yung pagkafriendly. Pero wag ka, dagdag sa pogi points niya yung pagiging
tahimik niya.
Gagi nakascore ka ah??
Ito naman, parang iba ang ibig sabihin eh.
di naman masyado
Tinawanan lang nila ako nun at binatukan.
Nung lunch time eh as usual magkasama kami ni Julia. Hinatak ko naman siya nun sa soccer field kasi
syempre, baka naglalaro dun yung love of my life ko.
May balak ka naman magpatama ngayon?
Nag-grin lang ako tapos siya eh umiling iling lang.
Hinanap ko si AD nun pero wala siya sa soccer field. Syempre, medyo nadisappoint ako kasi hindi ko
pa siya nakikita nitong araw na to. Nanutsot naman kami ng isang player dun, yung kabatch ko.
Nasaan si AD?
Ah siya? Nasa music room. May practice yung band nila ngayon eh. tutugtog sila sa opening ng
foundation week. Bakit?
wala lang..
Teka, diba ikaw yung natamaan niya kahapon?
Tumango lang ako nun tapos tumayo na kami. Si AD yung gusto ko makaalala nun hindi iba kaya
umalis na kami nun. Hinatak ko ulit si Julia papuntang music room para sumilip.
Bruhilda ka talaga.
Tinignan ko lang siya ng masama nun tapos nag-shh ako sa kanya.
Pinanood ko silang magpractice. Grabe ang galing nila. Lalo na si AD. Mas lalo yata akong nainlove sa
kanya nito!
Excuse me, bawal ang audience dito.
Tumingin kami dun sa nagsalita. Bakit sino ba siya?!
wala namang nakalagay na sign ah?

Tumigil yung pagtugtog ng banda nun tapos lumapit samin. Medyo lumakas kasi yung boses namin
kaya nakuha yung attention nila. Siguro nga si AD lang yung hindi interesado.
Gladys! Anong problema?
Ito kasi surot na to eh. akala mo kung sino magsalita.
Aba! Ako pa naging surot ngayon! Eh ikaw? Sino ka ba? Bakit ikaw pwede kang manood?
Nikki tama na!
Tumingin sakin yung babae nun tapos napangiti.
Ako lang naman ang band manager ng West Side Story.
Gagi, tameme ako nun ah! Sobrang napahiya ako nun. Hindi ko alam gagawin ko. gusto kong
magpalamon sa lupa at wag nang bumalik. Shockers! Kahiya to death ah!
ano ba yan? Magtatayuan nalang ba kayo diyan o magpapractice na tayo?
Oh my gosh! My savior! Grabe! Sabi ko na nga bang siya lang ang para sakin eh!
Pumasok na sa loob yung bubuling si Gladys at yung ibang mga band members. Sumulyap ako for
one last time kay AD nun tapos umalis na kami ni Julia.
Kita mo yun friend? Pinagtanggol niya ako! May ibig sabihin yun!
Nag cross arms si Julia nun at nagtaas ng kilay. Tama na ilusyon Nikki. Hindi ka niya pinagtanggol.
Tinigil lang niya yung gulo kasi nakakainterrupt sa practice nila.
Hay nako, miss nega strikes again.
Ah basta! Pinagtanggol niya ako! Thats final!
Bumalik kami sa dati nun. Nagbell na kasi. Nung class ng adviser namin eh binigyan niya kami ng oras
para pag-usapan yung gagawin namin para sa foundation week. kanya kanyang pakulo kasi yun eh at
ang pinakapatok yung mananalo. Syempre, may price na free day din yun. At syempre yung top 4
sections from year 1-4 eh magkakaroon ng parang outing! Oh diba? Malay natin kung pagkakataon
ko na yun kay AD. Sana talaga.
Guys ano ba gusto niyong gawin?
Wag tayo magbooth. Masyadong common yun.
Wag din naman masyadong magastos, kulang funds natin.
Hindi tayo pwede magbenta ng food kasi maraming stalls ang pupunta.
Tae, brainstorming palang eh marami na ang hindi pwede.

Eh kung magpagame kaya tayo para enjoy?


game anong game naman? Shootout? DDR? PS?
Nope! Walang kathrill thrill naman yung mga yon eh. Yung sa paintball nalang. Gawin nating
parang war. Tapos may price yung mananalo.
Pero teka, saan natin gagawin??
Whatta questions. Of course sa may fields!
Sa soccer field!
Tumingin kami sa teacher namin for approval at sinabi naman niyang ipagpapaalam niya. naglesson
na kami afternun. Lahat medyo naexcite sa idea ng paintball war namin. medyo may hindi na nga
nakikinig kasi nag-iisip ng mga ideas na pwedeng idagdag.
Pagkabalik ng adviser namin eh binigyan niya kami ng go signal para dun sa gagawin naming activity.
Exctied ang lahat. may iba nga na gusto nang tumingin ng presyo ng paint sa mall. Syempre, isa na
ako dun. may pagkagala kasi ako kaya ayokong nakapirmi sa bahay.
Wala akong magawa nun kaya kung anu-ano yung pinagsusulat ko sa notebook ko habang
naghihintay magbell. Ang boring kasi nung last subject namin kaya tinamad akong makinig. Buti nga
at hindi pa ako nahuhuling hindi nakikinig kundi, lagot, detention kaagad ang abot ko nun.
Teka nga..
Nichole Dominique Dizon..
Anakin Dylan Domingo..
Ayon sa aking mahiwagang utakhalos perfect match yung pangalan namin! tignan niyo naman!
NDD, tapos siya ADD. Wow diba? Sign yun!
Kelangan kong ipakita kay Julia para maniwala siyang meant to be talaga kami nitong si AD!
Kating kati na akong lumabas ng classroom nun. Kahit nga nung 10 minutes before time eh nagaayos na ako ng gamit. Nahuli ako ng teacher namin at sinabihan pa akong nagmamadali daw ako.
Nagsorry nalang ako nun at patagong nag-ayos ng gamit. Pagkabell na pagkabell eh tumakbo kaagad
ako palabas.
Julia Therese Mendoza!!! Meant to be talaga kami!
Nagkatinginan sakin yung mga kaklase ni Julia at siya naman eh halatang hiyang hiya. May ibang
tumatawa at may ibang nakangiti lang. bakit ako mahihiya? Wala naman si Prince AD diyan.
Walang hiya ka Nikki. Sana hinintay mo man lang akong makalabas bago ka nagwala.
Hindi na kasi to makakapaghintay Julia eh! Nasa pangalan na namin yung sign!

Pinakita ko sa kanya yung notebook ko tapos sinabi ko narin sa kanya yung conclusion ko about dun
sa pagiging meant to be namin ni Prince AD.
Kalokohan yan Nikki. Tigilan mo na yan okay?
Ah basta! Nasa pangalan na namin eh papalampasin ko pa kaya yun? No way!
Sabay kaming naglakad pauwi ni Julia nun at naghiwalay din sa pagitan ng Star at Moon street.
Pagkauwi ko ng bahay eh nagkiss ako kina Mommy at Daddy.
Si Kuya?
Ganoon parin, wala parin pagbabago.
Pumanik na ako nun at dumiretso sa kwarto niya. Kumatok muna ako nun bago ako pumasok.
Medyo magulo yung kwarto niya nun at andaming nakakalat na damit. Pinulot ko naman yung iba
nun at nilagay sa basket.
Kuya Nike, hindi ka na naman lumabas ng kwarto no?
Hindi siya kumibo nun. Nakahiga lang siya tapos nakatulala. Tinabihan ko siya nun at niyakap ko siya
sa may likuran.
Kuya, hanggang ngayon ba eh hindi ka parin makamove-on? Its been 3 yearsnamimiss ko na
yung Kuya ko na parating masaya. Nahihirapan narin ako Kuya
Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya nun at dahan dahang tumulo yung mga luha ko.
Chaper 3

Kinabukasan eh gumising ako ng maaga. Kumuha ako ng maarteng notebook sa side drawer ko tapos
nagsulat ako ng kung anu-ano.
The Nichole Dominque Dizon-Anakin Dylan Domingo Compatibility Notebook.
Ayan, para may mapaglalagyan na ako ng mga moments namin ng true love ko. sinulat ko nun
yung nadiscover ko kahapon tungkol sa pangalan namin at may ilan pa akong dinagdag. Syempre
hindi mawawala yung matagal naming pagkakahawak ng kamay nung dinala niya ako sa clinic. Hindi
ko narealize na sobrang tagal ko palanag nag-iisip nun kaya inabot na ako ng 6 am.
Huy Codie, anong oras mo ba planong umalis? Ala sais na oh. Malalate ka na.
Tong si Mommy naman sobramay 1 hour and 40 minutes pa kaya ako.
Heto na nga pot mag-aayos na.
Oo nga pala, mamaya dumaan ka ng supermarket tapos bumili ka ng
Ewan ko ba kay Mommy, may katulong naman kamit driver eh ako parin ang inuutusan na lumabas.
Ayan tuloy, naging lakwatsera ako.

Pagkatapos kong mag-ayos eh nagpaalam ako kina Mommy at lumarga narin. Nakasalubong ko nga
si Julia nun at syempre, ipinagmalaki ko naman yung compatibility notebook namin ni Prince AD.
Adik ka alam mo yun? Kelan mo lang nakilala si AD tapos
Shhh!! Ano ka ba! Paano nalang kung may nakarinig satin tapos biglang lumayo sakin si Prince
Charming ko?! Dapat may code name tayo sa kanya!
Tinignan niya ako nun na para bang nababaliw na ako tapos pinitik niya yung noo ko.
Eh kelan naman ba lumapit yang prince charming mo aber?
Basta! We can never tellso hmmcode name
Hindi pwedeng Star Wars kasi sobrang obvious. Malamang bawal naman yung DD kasi mahahalata
din. Eh kung
alam ko na! Mirumo!
EH? Ano namang koneksyon ni A---este Mirumo sa Mirumo?
Ngumiti lang ako nun.
Kase ganito yun, diba yung lalaking gusto ni Katie sa Mirumo de Pon eh nagngangalang Dylan? Eh
diba ang second name niya Dylan? Bam! Perfect match!
Nagroll lang yung eyes niya nun tapos binilisan niya yung lakad.
teka Julia! Wait for me! Ikaw talaga! ayaw mong aminin na ang galing ko no??
Whatever. Tara na, malalate na tayo oh!
Tumakbo na kami nun tapos naghiwalay nun papunta na ng classroom. Sinuwerte ako kasi naunahan
ko yung teacher namin pumasok. Kapag siya kasi ang nauna eh considered late ka na. ang lapit din
nun eh nasa likod ko lang yung teacher nun.
Morning Nikki.
Ngumiti ako nun sa katabi ko tapos nakinig na kami sa teacher namin. nagdiscuss lang yung teacher
namin ng konti tapos pinatawag lahat ng high school students. May meeting daw kasi yata tungkol
sa upcoming foundation week.
Nag-assemble kaming lahat sa may Auditorium nun. Nung nagkita nga kami ni Julia eh nagbelat lang
ako sa kanya tapos siya naman eh nang-irap. Tinawanan ko siya nun tapos umupo narin.
Tungkol sa mga guidelines at ilang announcement yung meeting. Nabanggit lang nila na may mga
bibisitang school kaya dapat daw eh best behavior kaming lahat. may iba naman na nagkunwaring
napakabehave (pero in reality eh sila yung pinakapasaway) at nagsit up straight.
Nung dinismiss na kami eh laking tuwa ko kasi nasa harap lang namin yung section ni AD my loves ko.
hinanap ko nga siya nun pero hindi ko siya nakita. Naku po, wag mong sabihing absent siya??

Nako Nikki, panigurado late yun. Late naman siya parati tuwing Friday eh.
Aba, hindi ko alam yun ah!
Tinignan ko ng masama (na pajoke) yung kaklase ko tapos nagcross arms ako. Dont tell me na
karibal kita?
Whatevs. Sa lahat ng karibal mo eh ang asikasuhin mo yung band manager nilang si Gladys.
Oo nga eh, halata kasi na may gusto siya kay AD at ginagamit niya yung pagiging band manager niya
para magtake advantage. Naku po, kawawa naman si AD ko. baka mamaya binablackmail siya nung
bruhildang yun!
OH NO!
Medyo napalakas yung pagkakasabi ko nun kay nagkatinginan yung mga tao. Nakita ko pa nga yung
bruhildang Gremlin na si Gladys nun at tumingin siya ng masama sakin. Narinig ko siyang nagsabi
ng, Ano ba yan ang ingay tapos nakipag-usap na siya sa mga kasama niya.
Rawr! Kaklase pala niya si AD ko. ano ba yan! Bwisit na gremlin yan oh!
Nung lunch time eh nilabas ko lahat ng himutok ko kay Julia. Tawa nga siya ng tawa kasi para daw
akong kung anung batang naagawan ng laruan.
Eh kasi naman eh! yung gremlin na yun!
wait, Gremlin?? At sino naman yun?
Sino pa? Eh di yung bruhildang Gladys na yun!
Ang dami mo namang mga code name.
Tinignan ko siya ng masama nun. Ano ba to, kakampi ba to o kaaway? Tinawanan niya ako ng
malakas nun hanggang sa nasamid siya. Ayun, kinarma ang bruha.
*Teet Teet*
Si Lester siguro yan, yung boyfriend niya.
tell me Julia, anong feeling nang may boyfriend?
Tinignan niya ako saglit nun tapos nag-isip. Mahirap na masarap.
Yikes, ang gulo naman nun.
Mahirap kasiminsan masyado siyang selosotsaka yung hindi kayo magkasama sa iisang school.
Tapos marami pang babaeng nagkakagusto sa kanya. tapos minsan hindi siya nagtetext..
Pinreno ko siya nun kasi feeling ko aabutin kami ng dismissal sa kakasalaysay niya ng mga nagiging
problema nilang dalawa.

eh ano naman yung kinasarap nun?


Hmmtipongisang araw eh sobrang pagod ka tapos isang I love you lang niya eh nawala na
yung pagod mo.
Huwaw.
Wow friendngayon ko lang nalaman na ang cheesy mo pala.
Binatukan niya ako nun tapos tinignan ng masama.
Tignan mo yang ugali mo, tatanungin mo ko tapos sasabihan mo ako ng cheesy.
Nginitian ko lang siya nun tapos sinabihan na joke lang. ilang minutes bago magbell eh nag-mirumo
hunting kami ni Julia. Syempre inuna namin yung soccer field.
Negative.
Dumaan naman kami sa room kung saan nagpapractice yung band niya pero
Negative.
Teka, wag mong sabihin na may sakit ang AD my loves ko? naku! Kelangan ko siyang alagaan!
Absent na yun.
Ay nako! Wag ka ngang ganyan! Hindi siya pwedeng maging absent! Nako po! paano nalang kung
ginayuma pala siya nung gremlin na yun at pumalpak tapos ngayon eh naospital siya?!
Binatukan ako ni Julia nun tapos tinawanan.
Imagination mo Nikki.
Napabuntong hininga nalang ako nun. Siguro nga absent siya.
Hindi na kami naghanap nun kasi magbebell narin. Dumiretso nalang kami nun sa kanya kanya
naming classroom tapos naghintay ng tahimik.
Hay, nasaan na kaya siya ngayon?
Huy, nabalitaan mo ba yung tungkol kay AD?
Pumalakpak yung tenga ko dun sa work na AD at agad akong napaharap sa kaklase ko. sa sobrang
bilis ng galaw ko eh napaatras yung katabi ko.
Anong nangyari!? Tell me! Tell me! TELL ME!!
Miss Dizon! Detention!
Chapter 4

Pagkaminamalas ka nga naman oh!


Ikaw naman kasi eh, masyado kang atat.
Inikot ko lang yung mata ko nun tapos nagpout. Great, whats could be better than detention?
Pero okay lang yan. May good news ako sayo na pwedeng ibahin yung opinion mo about your
detention.
Tinignan ko naman siya nun. Ano bang pwedeng mag-iba ng opinyon ko tungkol sa detention??
Nalaman ko na nakakuha ng detention si AD kasi ikatlong late na niya to sa linggong to.
Grabe, 3 lates? Sobra naman yata----hold on. KASAMA KO SIYA MAMAYA SA DETENTION!? WOW!
Gagi! Jackpot!
Tinawanan ako nung katabi ko nun. Now I cant wait for detention!
Hindi ako mapirmi sa upuan ko nun. Iniisip ko palang na masosolo ko si AD mamaya sa detention eh
tuwang tuwa na ako. Muntikan pa nga akong mapatalon sa tuwa kung hindi lang ako pinigilan nung
katabi ko eh madodoble pa sana yung detention ko.
Nung uwian eh ako yata ang pinakaunang pumunta sa detention room. Sana konti lang kami sa araw
na yun para solo ko talaga siya.
You should look up to Miss Dizon here, Mr. Domingo. Kita mo, on time siya.
OH my gosh. Ayan na siya!
Tumingin sakin si AD nun tapos bumalik yung tingin niya sa teacher na magbabantay samin.
Uhm..miss, ilan po kaming may detention ngayon? nag-ayos siya ng folder nun tapos tinignan ako.
Ah, kayo lang ni Mr. Domingo.
OH MY GOLLYWOW. Panaginip lang ba to? Kung oo, sana hindi na ako magising!
Sinamahan kami ni Miss nun sa may library. Dun kasi kami na-assign. Simple lang naman yung
pinapagawa samin. Isosoli lang namin yung mga books na nakalagay sa trolley tapos ayun na, pwede
na kaming umuwi. Sobrang tuwa ko naman kasi two full trolleys pa yung nandoon kaya matatagalan
yung bonding time namin ni AD my loves ko.
You may start.
Tahimik lang kami nun. Walang imikan. Medyo nabingi nga ako sa sobrang tahimik niya kaya I
started a conversation.
Uhmm..bakit ka nadetention? syempre, dapat kunwari hindi ko alam.

Tuluy tuloy lang siya sa ginagawa niya nun. Akala ko nga hindi siya sasagot pero nung last minute,
bago ako magtanong ulit eh sumagot na siya.
Ikatlong late ko na kanina.
Nag-aahh nalang ako nun tapos lumipat sa kabilang shelf.
Ako kasi ang stupid ng reason. Hahah, napasigaw kasi ako sa class ni Miss ****, eh alam mo
naman yun, nasa menopausal stage na yata niya..hahaha.
Medyo awkward kasi hindi siya tumawa. Syempre, napahiya ako pero I will not give up.
Umm, sorry, close ba kayo?
Umiling siya nun pero hindi siya tumingin sa akin.
Bakit ka pala late kanina?
Walang imik.
Maybe may mga certain questions na hindi niya sasagutin. Dapat siguro maging maingat ako.
anong oras ka na nakarating kanina?
8:10.
Grabe, ang tipid pala niyang magsalita. Hay, ano ba yan, mas lalo akong naiinlove sa kanya niyan eh.
Im weak for the quiet types.
umm
Can we just do our task quickly? Gusto ko narin kasi umuwi.
Ahhokay.
Hindi na ako nakapagsalita pa nun. Syempre, natameme ako eh. so kahit ano palang daldal ko sa
kanya eh hindi parin siya magiging madaldal. Hay, I have to do better. Hindi dapat ako mag-give up
sa simpleng bagay.
Natapos yung detention namin ng mga bandang 5:30. Halos one hour din kaming nasa library, buti
ngat naka-aircon kaya hindi kami masyadong nainitan or anything.
Palabas ka na? Pwedeng sumabay? tumango lang siya nun pero hindi siya nagsasalita. Pareho
kami ng daan kaya nacurious ako sa kung saan yung bahay niya.
Taga saan ka? Ako kasi sa may Moon street.
Sa Galaxy street.
Wow, ang layo nun tapos nilalakad lang niya? eh next village pa yun.

Lalakarin mo lang? Gabi na oh.


Sa comet street sasakay na ako.
Napa-ahh lang ako nun tapos nagpaalam narin nun nasa may tapat ng moon street na kami. Hindi
niya ako nilingon nun tapos dumiretso lang siya sa paglalakad.
Pagkarating ko naman ng bahay eh hindi na ako kumain kasi wala akong gana nun. Dumiretso ako sa
kwarto tapos humiga.
Hay, ano bang gagawin ko? Parang si Kuya Nike lang siya eh.
Tumayo ako nun at lumabas ng kwarto. Kumatok ako sa pinto ni Kuya tapos pumasok. Nakaupo siya
nun sa recliner niya tapos nakatulala lang.
Kuyacan we switch back now? Nahihirapan na ako eh. tumingin ako sa kanya. walang reaction
yung mukha niya. I almost lost hope kung hindi ko lang naramdaman yung kamay niya sa shoulder ko.
Hindi siya nagsasalita, walang imik, walang iba pang galaw pero yung fact na he reacted to what I
said is more than enough for me. Hindi ko napigilan yung pag-iyak ko nun at niyakap ko siya. Tabi
kami sa recliner niya hanggang sa makatulog ako.
The next day maaga akong nagising. Walang pinagkaiba sa position namin ni Kuya. Dahan dahan lang
akong umalis nun para hindi ko siya maistorbo sa tulog niya.
I wanted to get out of the house kaya nagpaalam ako para makapag-jogging sa park. Saturday
ngayon, wala pa sigurong mga tao kasi 6 am palang. Siguro puro matatanda yung makakasama ko.
Nagdala ako ng mp3 player nun para hindi ako mabore. Nung nakarating ako sa park eh agad kong
inayos yung mp3 at nagjogging narin ako. Ang sarap ng feeling ng malamig na hangin nung umagang
yun. Napapikit nga ako sa sobrang enjoy eh. hindi naman ako nangambang may matamaan kasi iilan
lang yung mga tao nun at for sure sila yung iiwas sakin kasi ako lang yata yung naka-earphones.
Nakakailang laps na ako nun. Natuwa nga ako kasi hindi parin ako napapagod. Siguro hinihingal ng
konti pero yung pagod talaga, hindi pa ako nakakaramdam.
Siguro ito na yung pinakasport ko. hindi kasi ako pwede sa mga sport tulad ng basketball at soccer
kasi masyado akong ball magnet. Tipong mahal na mahal ng bola yung ulo ko o kung ano mang
parte ng katawan ko kaya kung itry ko mang maglaro eh tiyak pagkatapos bugbog yung katawan ko.
Ewan ko ba, narerelax kasi ako kapag tumatakbo. Hindi kasi siya hassle. Hindi kelangan ng contact sa
isang bagay para magawa mo. Basta kelangan, mabilis kalang at matiba yung resistensya mo.
Siguro nga sa sobrang relax ko nun eh hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko. AT siguro din,
sa sobrang busy ko sa mga iniisip ko eh hindi ko napansin na pareho kaming naka-earphones, kaya
ang nangyari?
BAM!
Chapter 5

Napahawak ako sa ulo ko nun. Sobrang sakit. Tumalsik kasi ako nun eh.
Tinignan ko yung tao sa harap ko at nanlaki yung mata ko. SiAD.
Uh, Hi! Nagjojogging ka rin pala dito?
Tumingin siya sa akin nun. Halata sa mukha niya na naiirita siya. Ngumiti nalang ako nun kasi wala
akong magagawa. Kung ayaw niya eh hindi ko siya mapipilit. Di bale, may isang taon ako para
mamilit.
Umm, pwedeng sumabay?
If you can keep up. ay gagi, sapul ako dun oh! Nainlove naman yata ako lalo!
Ngiting ngiti ako kasi kasabay ko siya. Feeling ko nga eh nagulat siya kasi nakakeep up ako sa speed
niya. alam ko rin na tinry niyang i-outrun ako pero wala siyang nagawa. Sport ko nga to eh. kapag
gusto ko yung ginagawa ko, ginagalingan ko.
Nung natapos kaming tumakbo eh hingal kaming pareho. Para narin kasi kaming nagmarathon dun
sa park. May ibang matatanda nga na parang liliparin na sa sobrang bilis naming dalawa.
Ang bilis mo palang tumakbo..
Hindi siya nagsalita nun.
Alam ko namang alam mo AD eh
Nung time na yun eh napatingin siya sa akin. Halatang nagtataka siya sa kung ano yung sinasabi ko.
Alam kong hindi ka manhid at napapansin mong may gusto ako sayo. At hindi rin ako manhid
para hindi maramdaman na naiinis ka kapag nilalapitan kita.
Hindi ako makatingin sa kanya nun. Alam ko kasi magiging emotional ako kapag tinignan ko pa siya
eh.
Sasabihin ko sayo to, I am very persistent. Kahit anong paglayo ang gawin mo, susundan parin
kita. Kahit anong pagsusungit ang gawin mo, papalitan ko parin ng ngiti.
Ngumiti ako nun at nagpause. Hinihingal kasi talaga ako nun. Siguro nga, nasobrahan yung pagbilis
ko.
May nakapagsabi kasi sa akin dati na kapag yung taong gusto mong kaibiganin eh sinusungitan ka,
palitan mo ng kabaitan. Kasi for sure, mapapagod siyang magsungit up to the point na normal
nalang ang trato niya sayo. I know you would continue on being like this probably hanggang sa
grumaduate yung batch niyo pero I promise you thisyou cant get rid of me.
Nagpause ako nun kasi parang nahihilo na ako.
And no matter how fast you run, I would still keep up with you.
Id like to see you try.

For a short time, I thought I saw his lips curve upward. AT hindi ko alam kung talaga bang narinig ko
siyang magsalita o baka guni guni ko nalang yun? Ewan, basta alam ko, sunod na nangyari eh
nagblack out na ako.
Pagkamulat ko eh sari saring mukha yung nakapalibot sakin. Medyo nagulat nga ako eh, akala mo
kung anong specimen yung tinitignan nila.
Hindi rin naman kayo masyadong malapit no? Slight lang naman.
Umusog sila nun tapos kanya kanyang nagsabi na nag-alala daw sila na kung ano daw ba yung
nangyari o whatsoever. Basta ang alam ko, the whole time eh nakatitig ako sa isang nakaupong AD
Domingo.
Wow, talagang nagstay siya ano? Sign yan!
Nung medyo nasagot ko na yung mga katanungan nila eh lumabas na sila mama.
Wow, I feel honored.
Tinignan lang niya ako nun tapos nagsmirk siya.
The moment you blacked out, you became my obligation. Ako yung last na kasama mo eh.
How sweet.
Medyo matagal rin kaming natahimik nun bago siya nagsalita ulit.
Ill try to forget about the things you said kanina sa park. Feeling ko nagdedeliryo kalang nun.
Mabilis ko siyang nilingon. Forget about it? Eh kung saan ko na hinugot yung courage ko para lang
sabihin yun tapos hell just forget about it??
No way. Dont you even try Mr. AD Domingo. Kung lalaki ka man, you wouldnt.
Natahimik siya nun. I know, Im showing him a really different side of me. No point narin
magpaimpress. He knows na naman na may gusto ako sa kanya at ang balak ko eh magustuhan niya
rin ako.
Why?
I know it may sound ridiculous peroI think I love you.
Nagulat siya. Kahit nga ako nagulat ako eh. I mean, gusto kong yugyugin yung sarili ko at sabihin na
ano ba yung pinagsasabi ko. syempre diba, parang isang malaking bagay yung sinabi ko and I just
said it casually. Para bang, haller?
How can you love someone you just met? Love takes time Nikki.
Wow, he called me Nikki. First time niya yata akong tinawag sa pangalan ko ah.

Bakit? May law ba na nagsasabi na bawal kang mainlove ng mabilisan? Time parin naman ang
short time ah? Bakit bawal yun?
Halatang nafufrustrate na siya sa akin nun. Para bang gusto niyang sabihin na dont fall for me
pero hindi niya magawa.
Yeah but...kelangan mo munang kilalanin yung tao. You need to make sure he wouldnt hurt
you.
Alam ko yun. Pero ang pananaw ko kasi sa buhay, yung mga ligaw ligaw na yan, its only a time
for you to get to know the person you like. Eh paano kung pinagkakatiwalaan mong matino na
siya? Ayoko yung magkakasawaan kayo kasi matagal kang nagpaligaw.
Alam mo, mali yan. Paano kung lokohin ka? anong gagawin mo?
Tinignan ko siya ng diretso nun. I cant believe that Im actually arguing with him about this topic.
Lokohin?? Eh bakit, yung mga tumatagal na ligaw naman eh natatapos din sa lokohan ah? Hindi
assurance yung matagal mo siyang pinaghintay na hihintayin ka parin niya forever. Napapagod din
ang taonagsasawa. hindi natin makakasiguro na porket matagal nang magkakilala ang dalawang
tao eh hindi na magkakaroon ng possibility na iwan siya nito. I dont know kung anong nangyari
basta naging emotional na ako, from experience din kasi eh.
Dont get me wrong, NBSB ako. I just know itfrom another persons experience.
Natameme si AD nun. Medyo napagod narin ako kaya hindi na ako nagsalita. May ilang saglit pa
siyang nakaupo dun bago siya tumayo na.
Ewan ko. iba parin ang pananaw ko sa pananaw mo and no offense peroI dont think I would be
able to like you.
I smiled bitterly.
Wow, ang honest mo naman. Napakastraightforward ah.
Nagsquint siya nun na para bang sumasakit na yung ulo niya.
Alam ko AD. una palang kitang nagustuhan eh nalaman ko na ganun ang mangyayari. Pero kahit
na alam ko naI wont give up. ayokong paglaki ko eh magkaroon ako ng regrets kapag I reminisce
about the past.
Lumakad na siya paalis nun. Saglit siyang nagpause sa may pintuan tapos tumingin siya sa akin. Akala
ko may sasabihin siya pero mukhang nagdalawang isip siya at umalis nalang.
Pagkatapos niyang lumabas ng room eh nakahinga ako ng maluwag.
I swear, that was the scariest moment of my life. Akala ko aatakihin na ako sa puso!
The next day went normally. Nagsimba kami, nagcram ako para sa mga homeworks at syempre,
tumambay sa park, nangangarap na dumaan dun si AD.

Yung sa nangyari kahapon? Malay ko kung saan ko napulot yung courage na yun. Basta alam ko,
kelangan kong panindigan yung mga sinasabi ko. I am challenging myself. Para din to sa ikabubuti ko.
Naku, mahirap din kayang magconfess sa tao at mag-explain about sa pangliligaw and love sa
pagkahaba habang oras.
Kinuwento ko naman kay Julia lahat ng mga nangyari nung Saturday. Napatulala nga siya sa akin sa
ginawa ko eh. sabi niya saang lupalop daw ng mundo ko nakuha yung ganoong katapangan. Sana
daw binigyan ko siya kahit konti.
Loka. Hay, ngayon naman eh kelangan kong panindigan yun. He better prepare himself, dahil
hindi ako titigil hanggat hindi siya nagkakagusto sakin!
Bruha ka. baka naman masuka suka na yung tao sa pagpipilit mo sa sarili mo sa kanya.
Ah problema na niya yun. Just you wait AD, hindi ako mag-gigive up.
Oh, ayan na pala siya eh. buti hindi siya late ngayon.
Nginitian ko si Julia nun tapos tumayo ako.
Teka, saan ka pupunta??
Lumakad ako palapit kay AD tapos nagstop sa harap niya. nakatingin lang siya sa akin nun at hindi
nagsasalita. Ngumiti ako ng pagkalaki laki at nagsabing
Good Morning AD!
Chapter 6

Teka sino siya?


Close ba sila ni AD?
Aba himala may close si AD na babae! Lower batch pa!
Amazing ang powers ko no? inggit sila eh.
Tinignan lang ako ni AD nun tapos lalakad na sana. Hinila ko yung kamay niya nun tapos ngumiti ng
napakalaki.
Wala man lang Hi? Hello? O kaya Good morning din?? Ito naman oh, binabati ka na nga nung tao
eh.
Halatang naiinis na siya nun. Huminga siya ng malalim bago tumingin ng diretso sakin at hinila yung
kamay niya.
Morning.
At pagkatapos nun eh umalis na siya.
Oh diba? Panalo!

Naging pag-uusap ng mga tao yung eksena namin ni AD kanina. Syempre, bihira ka lang makakita ng
babaeng makakapagpagawa kay AD ng ganun. Ewan ko ba, feeling ko pinagbigyan niya lang ako kasi
he wants to get rid of me. I dont mind, at least naparespond ko siya diba? Yun ang mahalaga.
Bilib na ako sayo.
Huwat? Ngayon lang? Matagal na to no! nagkataon lang na talagang special si AD kaya nabibilib
ka.
Yung mga lalaking nagustuhan ko kasi dati eh hindi kasing sungit ni AD. At syempre, hindi ako
ganoon ka straightforward nung mga oras na yun kaya hindi ko masyadong napakita sa kanila yung
pagiging persistent ko.
Tara na, bago ka pa dumugin ng fans club niya.
Lumakad na kami ni Julia nun papunta sa floor ng 4th year. Maraming tao ang nagtinginan, I admit,
naconscious akohindi kasi ako sanay na tinitignan eh. feeling ko tuloy naipit yung palda ko sa
underwear ko or something.
Masanay ka na Nikki, you brought this upon yourself.
Napabuntong hininga ako. I know. Hindi na niya kelangang ipaalala. Medyo okay naman yung class
namin. actually, tingala nga sila sa akin kasi ako palang daw ang pinakaunang babaeng naglakas loob
na gumawa ng ganoon. At syempre, isa pang factor yung pagiging mas bata ko sa kanya. ang hectic
palang maging fan ni AD.
Nung lunch time eh may mga kaklase akong nanghila sakin sa soccer field. Sinenyasan ko nalang si
Julia nun na sumunod. Wala akong magagawa eh, ang higpit na kasi ng hawak sa braso ko kaya hindi
ako makawala.
Naglalaro daw si AD eh.
OH?! Di niyo kaagad sinabi! Hindi sana ako nagpakaladkad! Langya kayo.
Tinawanan lang nila ako nun tapos sinilip na namin yung naglalaro. Nakita ko siya. Grabe, ang galing
niya talaga. he plays sogracefully. Para bangwow talaga eh. speechless ako.
Magcheer ka naman diyan Nikki.
Tinulak tulak nila ako tapos kung anu ano pa. ang kulit din nila mamilit eh. Oh siya, cheer na kung
cheer.
GO AD!!
Napalingon yung mga seniors nun tapos may ilang babaeng sumama yung tingin sakin. Well, more
on the seniors kasi yung mga kabatch ko eh tinagala sa ginawa ko.
Si AD naman? Well, ganun parin. Parang hindi naapektuhan ng kung ano.

Hinintay kong matapos yung game nila nun. Bumili ako ng food nun para sa akin at syempre
dinagdagan ko narin para kay AD.
Oh, mukhang masyado kang pagod para umakyat sa room niyo eh.
Tinignan niya yung pagkain ko nun.
Walang gayuma yan no. Tuna and cheese yan. Hindi kasi ako kumakain ng ham eh kaya sorry
nalang.
Kinuha niya yung sandwich na inabot ko tapos kumain siya. Hindi siya nagsasalita nun. Medyo
nakakabingi nga yung silence kaya plano ko na sanang magsalita kaso pinangunahan niya ako.
Yung ginawa mo kaninaplease dont do it again. Nakakahiya.
I laughed bitterly. Napakahonest naman nitong lalaking to. Kahit kelan talaga ang straightforward
mo.
Nagshrug lang siya nun tapos inubos yung sandwich.
Sige, mukhang mamamatay na ako sa dami ng masasamang tingin eh. bye.
Hindi siya nag-bye nun or whatever. Dibale, isa yan sa mga babaguhin ko sa kanya.
Bumalik ako kay Julia nun at syempre, kinamusta niya yung pagsama ko kay AD. Ang masasabi ko
lang
What do you expect?
Nung matapos yung lunch eh back to normal na. palapit na ng palapit yung foundation week kaya
starting tomorrow eh purpo preparations nalang kami. Tiyak, mahabang free time na naman yun.
Pagkatapos ng araw na yun eh napagod ako. Gaya ng ginagawa ko dati eh dumiretso ako sa music
room. Chineck ko muna kung may tao bago ako tumuloy. Hay, parang ngayon nalang ako ulit
naharap sa piano.
Sobrang narelax ako nung magsimula akong tumugtog. Kahit noon pa eh naging anti-depressant ko
na ang pagtugtog ng piano. Para bang sa tuwing malungkot ako at natatakot eh tinutugtog ko lang
yung piano sa bahay. Ang problema nga lang nun, hindi ako tumutugtog ng walang dahilan kaya may
mga ilang times din na pinapagalitan ako nina mama kasi pinapatugtog nila ako tapos hindi ako
sumusunod.
Nang matapos ako eh medyo nabalik yung energy ko kaya nagpasiya na akong umalis.
Ah.
Muntikan pa akong matawa sa naging reaction niya. para kasing natakot siya na nakita ko siyang
nakatayo dun.
Yes I play the piano and No, I dont mind you watching me. Napasarado yung bibig niya nun.
Natawa naman ako sa kanya tapos tumakbo ako palapit.

Pero since you invaded my privacysabay na tayo umuwi.


Halata yung pagka-annoyed niya dun sa proposition ko. wala akong magawa nun kundi tawanan
nalang siya kasi talagang yung expression niya sa mukha eh hindi mo maintindihan. Sayang ngat
wala akong camera na dala, hindi ko tuloy nakunan.
Infareness, mapag-uusapan na naman ako bukas.
Napatingin siya sa mga tao sa paligid niya nun. Nagshrug lang siya at patuloy kaming naglakad. Kung
anu-ano yung pinagdadadakdak ko dun sa kanya nung oras na yun. Feeling ko nga naririndi na siya
eh pero tuloy parin ako.
Ano palang plano ng class niyo sa foundation week?
The Amazing Maze.
Wow, ano kaya yun?
Tungkol saan?
youll see.
Naghiwalay na kami nun nang makarating kami sa tapat ng street namin. kumaway ako sa kanya
pero siya eh ayun, tuluy tuloy sa paglalakad. Bait niya talaga no?
Inayos ko ang bag ko nun para sa susunod na araw. Nagtanggal lang ako ng mga gamit tapos saka
ako gumamit ng computer. Wala naman ako masyadong ginagawa maliban sapaglalaro sa net at
pagboblog. May mga bagong readers nga ako ng blog ko kaya medyo natuwa ako.
Sobrang saya ko kapag naeexpress ko yung nararamdaman ko sa blog ko. dun kasi, walang pwedeng
manghusga sayo, walang pwedeng magsabi na mali yung pananaw mo at wala rin pwedeng
makielam sa gusto mong sabihin kasi iyo yun. At kung may gusto mang baguhin yung mga
mambabasa eh gumawa nalang sila ng sarili nilang blog.
Minsan nga may mga online drama pa akong nararanasan. May mga tao kasing walang magawa at
biglaan nalang nang-aaway. Yung mga ganoong tipo eh tinatawanan ko nalang. Kawawa kasi sila
wala silang magawa sa buhay nila.
After kong magpost ng bagong entry eh nagpahinga narin ako nun.
Ano kayang magandang gawin kay AD bukas?
Chapter 7

Maaga akong pumasok nung sumunod na araw. Ewan ko ba, kapag nasa bahay ako eh nadedepress
ako sa fact na hanggang ngayon eh wala paring imik si Kuya Nike. gusto kong awayin yung gumawa
nito kay kuya kaso hindi ko kaya. Hindi ko kasi alam kung saan siya nakatira.
Habang naglalakad ako eh nag-isip na ako ng bagong way para mapalapit kay AD. Minsan nawawalan
ako ng pag-asa pero siyempre, it doesnt mean na I should give up.

Pagkadating ko ng school eh may mga tao kagad na naglapitan sa akin. Mostly, girls. Sino pa bang
lalapit sakin kundi yung FANS ni AD?
Yan, yan yung malanding lumapit kay AD nung isang araw! Amp! Feelingera eh!
Nagtaka naman ako nun. Inacknowledge ako ni AD tapos naging feelingera ako? Di kaya mga sarili
nila yung tinutukoy nila? Hindi na sana ako magpapaapekto dun sa ginagawa nila kaso may isang
bruha sa kanila na hinarap yung paa niya sa harapan ko kaya nadapa tuloy ako. Syempre, nasira yung
poise ko, at syempre, nakakahiya.
Tinignan ko siya ng masama nun tapos sunod ko nalang nalaman eh may sabunutan fest na sa may
harapan ng high school building. Ang unfair nga eh. isipin mo, 5 against one. Ewan ko pa nga kung
makakalabas pa ako ng may buhok after nito.
Kinamalas malasan ko eh may nakakita pang teacher samin kaya ayun, detention ang bagsak naming
lahat. syempre, para hindi na magkagulo pa or what, hiniwalay nila yung detention ko sa detention
nila.
Nung lunch time eh nilabas ko lahat ng pagkainis ko kay Julia. Feeling ko nga eh narindi siya sa
kakareklamo ko. syempre, after nun eh saka lang ako lumapit kay AD. Ayoko kasi na lalapitan ko siya
tapos may dala dala akong problema. Baka mamaya lalo akong madown or anything.
Bakit ganyan itsura mo?
May detention kasi ako mamaya
Napa-aahhh siya nun. Teka, di man lang niya itatanong kung bakit? Eh kaya nga ako nagkaroon ng
detention eh dahil sa kanya.
Yung mga fans mo kasi eh. nang-aaway.
Tumango tango lang siya nun na parang wala lang sa kanya. hindi na ako nagpumilit na magkwento
kasi hindi rin niya ako nun pinapakinggan.
Nakabuntot lang ako sa kanya nun at syempre, dumami na naman yung masasamang tingin ng mga
babae sa akin. Nung malapit na magbell eh nauna na akong umalis. Ni walang bye o ingat man lang
galing sa kanya. Oh well, isa yun sa mga babaguhin ko.
Kahit na free time kami eh medyo ang boring ng araw ko. puro kasi mga preparation tapos ang dami
masyadong trabahong kelangan tapusin. Nakakasawa na nga eh, kung hindi lang dahil kay AD
matagal na akong tinamad pumasok.
Nung detention naman eh wala. Nagpulot lang ako ng tuyot na dahon sa grounds ng high school
building tapos nun eh pinauwi na ako. Medyo sumakit pa nga likod ko nun kasi yuko ako ng yuko.
Dumaan muna ako ng clinic nun para humingi ng salon pas para sa likod ko. feeling ko kasi nangawit
ng sobra kaya ayun. Pati nga balakang ko nun masakit eh. para bang gusto kong magstretch lang ng
magstretch.

Pauwi na ako nun. Mag-isa. Medyo madilim nga nun kaya binilisan ko lalo pa nung nakakita ako ng
mga nag-iinuman sa may kanto. Hindi ko na nga natignan yung dinadaanan ko nun kaya may
nakabangga pa ako.
Sorry!
Kung tinitignan mo kaya yung dinadaanan mo diba?
Ewan ko, siguro sa sobrang takot at relief ko na may tao akong nakasalubong at sa main fact na si AD
pa yun eh sa sobrang tuwa eh napayakap ako ng mahigpit sa kanya. napamove backward pa nga siya
nun kasi talagang tumalon ako.
A-Anong ginagawa mo??
Grabe talaga! nakakatakot makatingin yung mga nag-iinuman kanina! Feeling ko kakainin akot
gagawing pulutan eh! scary!!
Hindi ako bumitiw sa kanya at siguro nafrustrate narin siya at nag-give up nalang kaya hindi na niya
ako tinulak pa.
Nung medyo nakakalma na ako eh saka lang ako humiwalay sa kanya. nakataas nga lang yung kilay
niya nun tapos nag-cross arms.
Yung mga mama kasi sa kanto eh, nakakatakot.
Umiling iling lang siya nun pagkatapos eh naglakad na ulit.
AD!
Tumigil siya nun pero hindi niya ako nilingon.
Bakit ganoon yung feeling ko? bakit parang hindi ako makalapit at hindi ako makahinga?
Ahmm
Pero teka nga, bakit ko nga ba siya tinawag?? Anu ba yan!
Uhh, good night.
Lumakad nalang siya paalis nun tapos ako eh dumiretso na ng bahay. Grabe, ewan ko ba, parang ang
lakas ng kabog ng dibdib ko nung mga oras na yun. Para namang hindi ako sanay na kausapin siya.
Ang weird nga eh.
Kakaiba talaga yung biglang naramdaman ko nung mga oras na yun.
Nakarating ako sa bahay ng medyo late. Sinermonan ako ni mama nung malaman niyang dahil sa
detention yung pag-uwi ko ng late. Syempre, wala akong magagawa kasi kasalanan ko rin naman yun
kaya ako nagkadetention.

Maaga akong natulog nun. Wala naman kasi akong dapat asikasuhin. Saturday na bukas. Buti nalang
at humingi extra time yung section namin para makapagprepare for the Foundation week, kung
hindi matagal na akong nabulok sa bahay. Sayang, wala si AD.
Kinabukasan eh ang aga aga kong nagising. Nag-ayos kaagad ako nun kahit na may 2 hours pa ako
bago kelangan sa school. nagliwaliw lang ako nun sa labas ng bahay. May mga aso pa nga akong
nakasalubong at syempre, dahil kilala ko yung mga may-ari eh nakipaglaro muna ako.
Bakit ba hindi ka magpabili ng aso para hindi hindi lang si Sammy yung nilalaro mo? ngumiti
lang ako sa kanya nun.
Allergic kasi si mama sa aso kaya hindi pwede. Nagpaalam narin ako nun pagkatapos eh naglakad
na papuntang school.
Purisigido yung section namin sa pag-aayos ng mga decorations. Syempre, gusto rin namin yung free
day kaya ayun. Nung bandang 10 naman eh nagbreak muna kami. Syempre dahil close yung mga
stall sa school eh lumabas muna kami para kumain.
Ui Nikki! Diba si AD yun?? May kasamang babae oh!
Napatingin ako kaagad dun sa tinuro nila. Nanlaki yung mata ko. Si Gremlin!!
Malandi talagayang gremlin na yan! tumayo ako sa pinagkakaupuan ko nun. Pinipigilan nga ako
ng iba pero wala, dumiretso parin ako sa pwesto nina AD.
HI AD!
Napatingin siya sa akin nun. Halata nga na nagulat siya kasi nandun ako. Yung gremlin namanayun,
mukhang gremlin talaga.
Mag-aayos din yung section niyo ng booth
AH o---
---AD?
Akala mo ha!
Halatang napahiya si Gladys nun kaya tumahimik siya. Si AD naman ehayun, kumakain lang na para
bang walang nangyayari.
Band practice.
Ah, nasa school din kayo ngayon??
Tumango lang siya nun pero hindi siya nakatingin sakin. Sa pagkain lang siya nakaconcentrate.
What time kayo matatapos?
Uhh2?

UY! Kami rin! Sabay na tayong DALAWA ha?


Nagshrug lang siya nun pero pumayag siya. Nung pabalik na ako eh pinipigilan ko talaga yung tawa
ko. Ang whatta face kasi ni Gladys. Para siyang constipated na hindi mo maintindihan.
Nikki I
Gremlin 0
In your face Gremlin! Akala mo ha?
Chapteter 8

Medyo maaga natapos yung tapos practice namin. halos humaba na nga yung leeg ko nun
kakahanap kay AD eh. feeling ko tuloy ginayumat minanyak na ni Gremlin ang prince charming ko.
Hay nako.
Nikkikung hinahanap mo si AD andun pa siya sa may band room.
Naku sinasabi ko na nga ba eh. yung gremlin na yun ang salarin!
Lumakad naman ako papuntang band room nun. Pagkadating ko sa may pinto eh naglalabasan na
yung mga kasamahan niya. nung nakita nga nila ako eh natawa lang sila. Napatingin naman ako sa
suot ko nun, bakit? Mukha ba akong ewan? Hindi naman ah? Ang cute ko nga eh.
Si AD?
Nasa loobhaha.
Bakit ba sila tawa ng tawa?? Anong meron?!
Nagroll lang ako ng eyes nun tapos dumiretso ako sa loob. pagkapasok ko eh nakita ko si Gremlin na
nakahawak pa sa braso ni AD. Aba, sabi ko na nga bat minamanyak nitong bruhildang to si AD eh.
AD! Uwi na tayong DALAWA!
Napatingin lang sila sa akin nun tapos si Gremlin eh biglang napangisi. Anong problema nito??
Lumabas na siya ng room. May ilang balik tingin nga siya sakin habang tumatawa bago siya tuluyang
nagdisappear. Napakunot naman yung noo ko nun. Nagulat ako nung biglang pinitik ni AD yung noo
ko. napatingin ako sa kanya nun. Ito talaga, nalingat lang ako saglit nainggit na. Hahaha, chaka.
Problema nung Gladys na yun? Bakit siya tawa ng tawa? Pati yung mga bandmates mo.
Paanong hindi sila tatawa eh may nakakabit na tissue sa may sapatos mo.
Tinuro niya yung tissue tapos bigla naglakad siya paalis. Grabe naman! Sa lahat naman ng pwedeng
mangyari, bakit ito pa?! kakahiyaaa!
Ui saglit lang naman!

Bakit? You cant keep up? Give up.


Natigilan ako nun. Bakit parang ang bad mood niya yata ngayon??
Teka bakit ang init ng dugo mo sakin? Anong nagawa ko??
Nagawa mo? Madami.
Yung kay Gladys ba?? EH ano naman kung ganoon? Siya naman kasi para siyang nakadikit sayo at
saka----
Nagulat ako kasi bigla niyang pinalo yung poste na nadaanan namin. medyo lumakas nga yung kabog
ng dibdib ko nun kasi akala ko sasampalin niya ako.
Eh ano naman sayo kung gawin ni Gladys yun. Band manager namin siya. Saka isa pa, tayo ba??
Natigilan lang ako nun. Pinagtanggol niya si Gladys. Hindi lang yun, ipinamukha pa niyang ayaw niya
talaga sa akin.
Natahimik lang ako nun. Ewan ko ba, ang awkward nga nung paglalakad namin eh. para bang may
barrier sa pagitan namin na napakahirap sirain. Nung dumating kami sa may street namin hindi parin
siya lumingon.
Grabe, hes really good at ignoring me.
Pagpasok ko sa bahay eh ang down ng feeling ko. ewan ko ba, para bang nadrain lahat ng energy ko
dahil sa sinabi niya. Dumiretso ako sa may piano namin nun tapos naghanap ako ng pwedeng
tugtugin. Sobrang lakas ng pagkakatugtog ko nun kasi sobrang hindi ko macontain yung
nararamdaman ko. nung medyo nakarelax na ako eh naging soft na yung pagtugtog ko.
Sinimulan kong tugtugin yung Blue Moon kaso naalala ko na pagdalawahan pala yun. Si kuya kasi
ang madalas kong kaduet kapag yun yung tinutugtog ko. napasimangot nalang ako nun tapos
tumayo narin ako mula sa kinauupuan ko at dumiretso sa kwarto.
Pagkahiga ko eh nakahinga ako ng malalim.
Do I still have the strength to sayI wont give up? pumikit nalang ako nun at sunod kong
nalaman eh nakatulog na ako.
Himala, hindi ka yata atat na lapitan siya?
Tinignan ko lang si Julia nun tapos nagshrug ako. Simula na ng foundation week. lumipas ang one
week na hindi kami masyadong nagpapansinan ni AD. Well sure, naghihi at hello parin ako pero..iba
eh. wala yung pagiging energetic ko kapag nakikita ko siya.
Am I losing interest? Kung alam lang ni Julia to eh sesermonan na naman niya ko sa pagiging
masyadong mabilis magsawa.
Pumunta na ako nun sa booth namin tapos tumulong. Busy tong araw na to, maraming taga ibang
school ang bumibisita. Napakalaking event din kasi ng foundation week ng school namin kaya nagiinvite kami ng mga ibang school sa area. Pinakamasaya sa mga ganitong event eh yung mga may

boyfriend/girlfriend sa labas tulad ni Julia. Pinapayagan na kasi yung mga outsider kasi open naman
yung buong event sa kahit na sino. At syempre, dahil andito ang boyfriend dear ng aking best friend,
flying solo muna ako ngayon. Ayoko kasing maging third wheel.
Palakad lakad lang ako nung magbreak na. syempre, may mga times na nadadaanan ko yung booth
nina AD peroparang nakakahiyang pumunta eh.
Miss! Pasok ka na sa aming Cops and Robber Maze!
Nanlaki lang yung mga mata ko nun kasi bigla nila akong pinosasan.
Teka! Hindi naman ako pumayag eh!
Sorry miss! Yun yung twist ng event namin! ngayon bago namin tanggalin to, dapat matapos
niyo yung maze!
Niyo??
Napatingin ako dun sa tabi ko tapos nanlaki yung mata ko.
Great.
Yeahpagkasinuswerte nga naman ako no?
Tumingin lang ako sa tao sa harap namin. may binigay siya sa aming stick at rope tapos pinapasok na
kami sa loob. teka, ano nga bang objective ng game na to??
Ayun! Habulin niyo yung dalawang yun! Dali! Pag nahabol niyo sila dagdag 5 minutes yan sa
time nila na hindi sila pwedeng lumabas!
Oh I see
ANO?!
Nagkatinginan kami ni AD nun. Medyo nailang nga ako kaya umiwas ulit ako ng tingin.
Uhcan you keep up?
Napatingin ako sa kanya nun tapos dun sa mga taong parating.
See for yourself
..and that was the longest run of my life.
Chapter 9

Sobrang hingal na hingal kaming dalawa nung makawala kami sa mga humahabol samin. Natapos
kami sa maze pero may dagdag 20 minutes kami kasi nahuli kami ng ilang beses. Medyo kasalanan
ko kasi sa hindi ko malamang dahilan eh nanghina yung mga tuhod ko kaya ayun, nadapa ako. Ewan
ko kung dahil ba yun sa pagod o dahil sa pagkakahawak ng kamay namin ni AD. Feeling kopareho.

Pinagstay muna nila kami sa isang jail cell. Ewan ko ba kung talagang nananadya ang tadhana pero
wala rin kaming ibang kasama nung mga oras na yun.
So uhkamusta kayo ni Gladys?
Tinignan lang niya ako nun nang nakakunot yung noo niya tapos tumingin siya sa iba.
Oh sorry..private ba? Silly me---
Can you stop it with your stupid imaginations?
Napasimangot lang ako at tumungo. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin nun. Ayan na
naman kasi siya eh.
Ang tagal naman..
Napabuntong hininga nalang ako nun. Pumikit pikit ako ilang beses nun bago ako huminga ulit ng
huminga.
Napatingin sakin si AD nun habang naghyhyperventilate ako. Medyo nahihilo ako nun kaya napalean
ako sa pader.
Huy! Anong nangyayari sayo?!
H-Hindi ako makahinga!
Nagpanic siya sobra nun at tinawag yung mga tao sa labas. pinalabas naman nila kami kaagad nun at
sobrang alalay sakin si AD papuntang clinic.
Its okay. you can let go now.
Kumunot yung noo niya nun tapos para bang hindi mo maintindihan yung emosyon niya.
Youfaked it?
Yes. Anong magagawa ko, atat ka nang umalis eh. That was the only way I could think of.
Halatang nafrustrate siya nun at nagpipigil nalang. Medyo napasigaw siya nun tapos tumingin sakin
ng masama.
If you ever do that againI swear
Hindi ko siya maintindihan nun. Anong gusto niyang gawin ko? magsorry ako? Eh ako na nga tong
tumulong sa kanya para makaalis dun sa jail eh. whatta naman!
Ano bang problema mo?! Ikaw na nga tong tinulungan ko tapos---
Sinuntok niya yung pader na malapit sa gilid ng ulo ko tapos huminga siya ng malalim. Grabe, akala
ko sasampalin niya ako. Nakakatakot.

Wag na wag mo kong paglalaruan.


At pagkatapos nun eh umalis na siya. Grabe, lalo pa yatang nagalit siya sa akin ngayon. Now, what do
I do??
Napabuntong hininga ako nun. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin. Para bang
gusto kong umiyak ng umiyak pero parang nagsasawa narin ako. Sobrang gulung gulo ako nun, gusto
kong magbreak down.
bakit ganun? Why do I feel this bad when he says something like that?? Bakit dun sa mga dati kong
nagustuhan eh napakabilis ko lang nalilimutan yung mga masasamang sinasabi nila? Bakit siyaang
lakas ng impact??
Sinubukan kong ibaling yung attensyon ko sa ibang bagay kaya pumunta nalang ako ulit sa may
booth namin. medyo marami rami yung mga tao nun kaya naging busy ako at pansamantalang
nawala sa isipan ko yung nangyari.
Nikki, ikaw na nga makipag-usap dun sa customer na yun. Nakakaburaot eh.
Tinignan ko naman yung matangkad na lalaki sa labas. may hitsura siya. Mukha nga siyang model eh.
Bakit anong problema?
Pinagpipilitan na magrefund eh nakabato na siya ng dalawang balloon.
Ano sabi nina Francene?
Hayun, nagpapadala sa hitsura nung lalaki. Tss.
Natawa nalang ako nun tapos lumapit ako dun sa matangkad na lalaki.
Hi, ikaw ba yung nanghihingi ng refund?
Yeah ako nga.
Im sorry sir pero hindi po talaga pwede. Once po kasi na nakabato na kayo ng balloon eh bawal
na po yung refund. Malulugi kami nun eh. mahal ang paint at saka balloon.
Tinignan ako nung lalaki na parang kinikilatis ako. Ang weir nga eh, parang kakaiba yung tingin niya
tapos bigla siyang ngumiti.
Okay..okay, I wont ask for a refund.
Thank you si---
If you agree to hang out with me. Kahit ngayong day lang. i-tour mo ko.
Aba teka, nasisiraan na ba to ng bait??
Uhh..excuse me, pero paint ball game lang yung inoffer namin sa event, hindi tour guide. And
besides, I dont even know who you are. Malay ko bang masamang tao ka pala.

Tumawa lang siya nun at pagkatapos eh naglabas ng wallet at nag-abot ng id.


My names Kyle Francis Abuedo. Kyle for short. Student ako sa St. Claires. Im sure you know the
place. 3rd year ako ngayon and Im currently modelling for *****. Need I say more?
I knew it, he had to be a model.
Kahit magpakilala ka pa, Im not giving you a tour.
Nagpout naman siya nun tapos ngumiti lang ulit.
Well then, I would just have to kidnap you. Sa hindi ko malamang dahilan eh biglaan nalang
bumaliktad yung mundo ko at ang sumunod na nangyari eh nakasabit ako sa shoulder niya at
lumalakad na siya palayo ng booth namin.
Oh my gosh. Im being kidnapped!
Chapter 10

Hey put me down!


Nagsmirk lang siya nun tapos minove niya yung shoulder niya, akala ko tuloy ihuhulog niya ako kaya
napakapit nalang ako.
May mga nadadaanan kaming tao nun na nakatingin samin. Grabe, ayoko ngang magpakita eh kasi
nakakahiya yung hitsura ko. nagulat ako kasi nadaanan namin yung booth ng section ni AD. Nakita
kong magkatabi nun si AD saka si gremlin tapos nakasmirk pa siya sa akin. Si AD namanayun,
parang dinaanan lang ng hangin at walang nakita.
Nang makarating kami sa may bleachers ng mini open theater eh binaba na niya ako. Tinginan ko
siya ng masama nun tapos sinampal ko siya ng pagkalakas lakas.
How dare you!
What? Im just asking for your company. Hindi naman kita pagsasamantalahan eh unless you tell
me to.
Pervert!
Tumawa siya ng malakas nun tapos umupo sa tabi ko.
Look, Im just making the most out of my life. life is too short kasi kaya ayokong magkaroon ng
regret.
Ano naman connection nun sakin eh hindi ngayon lang naman tayo nagkakilala?
Nugmiti siya nun tapos hahawakan na sana niya yung buhok ko pero umilag ako.

Have you ever heard of love at first sight? Alam mo kasi, parang ganoon yung naexperience ko
nung nakita kita kaya I wanted to get to know you.
I rolled my eyes. How can you love someone you just met? Love takes time Mr. Abuedo.
Teka, bakit parang narinig ko na to dati??
How can you love someone you just met? Love takes time Nikki.
Wow I cant believe na manggagaling sakin yang linyang yan. Wala nga akong karapatan sabihin yan
kasi ganun din ako kay AD.
I dont know. You just do. Thats the beauty of it.
Natameme ako nun. Somehow, itong si Kylewe have the same principles. Sure iba yung
pagkakasabi pero..yung mga paniniwala namin halos magkatugma.
Hindi ko alam kung paano pa ako makikipagreason out kay Kyle nun. Parang ang labas kasi nun eh
tama yung mga dinadahilan sakin ni AD dati at yung nararamdaman ko for him ngayon eh crush lang.
pero Im sure sa sarili ko na its more than that. Lalo pa ngayon..
So, what do you say, itotour mo na ba ako? tumayo siya tapos inoffer yung kamay niya.
Tinignan ko siya nun. He seems harmless naman, except dun sa pagbitbit niya sakin. Maybe, it
wouldnt hurt to do things out of the box.
Tumayo narin ako nun tapos tinaggap ko yung offer niya tapos naglakad kami papuntang high school
building. Wala naman masyadong makikita, ang pinakapride lang naman kasi ng mga classrooms
namin eh yung unique design sa wall tsaka magaganda yung desks. Hindi naman kami ganun kahigh
tech na lahat ng student eh may computer na sarili niya.
Halos pareho lang sa St. Claires.
Kaya nga nagtataka ako kung bakit ka pa nagpapatour
Well anyway. Salamat narin.
Lumakad kami pabalik nun sa sibilisasyon tapos nakapagkwentuhan narin kami. Yung pagmomodel
pala niya eh out of hobby lang. akala ko itutuloy niya yun hanggang sa tumanda siya, pampalipas
oras lang pala.
Why dont you try? Pwede ka eh.
Modelling? No way. baka masyado akong madiscover.
Ngumiti siya nun tapos nagbigay siya ng calling card.
If you change your mind, tawagan mo ko. private lang naman eh, hindi siya yung talagang
modelling ng mga clothes. May photographer lang talaga na magtatake ng pictures. Its more of a
charity kasi inaauction yung mga photos. Basta, if youre interested, tell me.

Tumango tango nalang ako nun tapos nagpaalam narin siya. Hes okay, medyo weird, mukhang may
topak peroall in all, okay lang.
Nagbabye lang siya sa akin nun tapos bumalik na ako ulit sa booth namin. syempre, kelangan
magligpit. Hay, kung bakit naman kasi masipag ako eh.
Ikaw ha! Sino yung kasama mo kanina? My golly Nikki, hindi ko alam na nangtotwo time ka pala.
I smiled bitterly sa kanya. I knew it was a joke pero..ewan, tinopak eh. HINDI naman kami eh.
Tinaasan ako ng kilay ni Julia nun tapos sunod kong nalaman eh binatukan na ako. Ang bait niya no?
pwede namang alugin, pitikin o paluin ng mahina. Batok talaga eh.
So ano, give up ka na?
Whatever. Nagpulot ako ng mga used balloons nun. Natigilan ako nung naalala ko yung
confession thingy ni Kyle kanina.Pero you know what, he confessed to me.
Nagulat ako kasi biglang naspray ni Julia yung tubig sa harapan niya.
OMG! Nag-I love you sayo si AD?!?
Tinignan ko siya ng masama nun tapos umirap ako. Tangi, si Kyle, the tall guy.
Napa-aahhh naman siya nun tapos uminom ulit. Ayan, may padura dura pang nalalaman eh.
Wow, I never knew na makakakilala ka ng katulad mo at pareho ng paniniwala mo Nikki.
Oo nga eh, nagulat din ako.
Why dont you go for it? Im sure naman na AD wont mind kasi HINDI kayo diba? tignan mo to,
nang-asar pa. talagang kelangan ipamukha sakin ano?? Tsaka ayaw mo nun, at least ngayon, hindi
ikaw yung naghahabol.
Napaisip naman ako nun. She has a point pero..ewan ko. parang ayokong mag-give up kay AD eh.
Eh si AD.
Hay nako Nikki, kaya ka lang naman naghahabol kay AD kasi tinuturn down ka niya. nagkakaroon
ng thrill yang ginagawa mo kaya pinapagpatuloy mo. Kung baga, gusto mo lang ng challenge. Bet
tayo, kapag nagkagusto nga si AD sayo eh mawawalan ka ng gana.
Ganoon nga lang ba kababaw yung tingin ko kay AD? Parang hindi kasi eh. feeling ko, theres
something more.
Nagshrug nalang ako nun tapos nag-ayos na kami para makauwi narin. Mag-isa akong naglakad nun.
Syempre, alangan naman sumabay ako kay AD tapos galit siya. Actually, kahit naman sumabay ako
eh wala akong makukuha, just another cold shoulder.
Habang naglalakad ako eh may naka-catch ng attention ko.

Wow! Ang cute naman nito!


Bigla akong lumapit dun sa puppy na nasa may tapat ng tindahan. Mukhang naligaw nga yung aso
kasi hindi naman siya mukhang asong kalye. Shih tzu pa nga eh.
Kawawa ka naman. Nakalabas ka siguro no? patingin nga ng collar mo.
Avery. Wow, ang cute naman ng name nitong asong to.
Tara Avery, hanapin natin yung amo mo.
Buhat buhat ko na siya nun at lalakad na sana kami paalis kung hindi lang dahil dun sa tumawag
sakin.
Miss wait!
May matangkad na babae na tumakbo palapit sakin tapos may hawak siyang leash.
Sayo ba siya?
Tumango lang siya nun tapos inabot ko sa kanya yung aso.
Sobrang thank you. Kanina ko pa to hinahanap eh.
Wala po yun.
grabe, buti ikaw yung nakahanap. Kung ibang tao siguro binenta kaagad to sa iba.
Oo nga po eh. ang daming ganoon ngayon.
Mahilig ka sa aso ano? napangiti lang ako nun tapos tumango ako. OH youll love the puppies of
Avery. Gusto mong makita?
Napatingin ako sa watch ko nun. Medyo maaga pa naman kaya sumama nalang muna ako. I know
you shouldnt go with strangers pero..ewan, iba talaga kapag kapwa animal lover.
Medyo malayo yung dinrive niya. nakakotse pala siya nun eh tapos nagpunta lang ng park para
palakarin si Avery. Ang dami nga niyang nakwento sakin nung nasa car. Nakakatuwa siya.
Oo nga pala, Im Andie.
Nikki po.
Nagsalubong yung kilay niya nun tapos tumingin sakin. Your name sounds familiar.
Ngumiti lang ako nun. Common naman kasi yung name na Nikki eh.
Anyway, were here. Teka ha, papalabas ko yung puppies. Manang, pahanda naman po ng
merienda sa garden.

Sinamahan niya ako nun sa may garden tapos pinalabas niya yung mga aso. Ang cucute nga lahat eh.
ang puti nung mga fur tapos ang liliit pa. grabe, nanggigil ako.
Maam Andie, andiyan na po si kuya.
Tumayo siya nun tapos ngumiti sakin.
Andiyan na yung brother ko.
Nilaro laro ko pa yung mga puppies nun nung pumasok si Ate Andie. Nung bumalik siya eh may
kasama na siyang lalaki. Sobrang nanlaki yung mata ko kasi the guy was familiartoo familiar.
Anong ginagawa mo dito?
Chapter 11

Napanganga lang ako. Who wouldve thought na si Ate Andie pala yung kapatid ni AD??
Nagulat ako kasi biglang binatukan ni Ate Andie si AD. Hey dont be rude, bisita ko siya. You should
be grateful to her kasi tinulungan niya akong hanapin si Avery.
Nagroll yung eyes ni AD nun tapos tumingin sa kapatid niya. Hindi naman mawawala yan kung
hindi mo pinapakawalan eh.
Napout siya nun tapos nagcross arms. Nasasakal eh!
Nag-tss si AD nun tapos tumingin ulit sa akin. Medyo nahiya ako nun kasi syempre, medyo iba pa
yung aura sa pagitan namin. ang gulo kasi niya eh.
hindi ka pa ba hinahanap sa inyo??
Binatukan ulit siya ni Ate Andie nun. Bakit mo ba siya pinapaalis ha?? Tsaka, how do you know
her??
If you look closely, uniform ng St. Marcus yan. Shes from school. lower batch.
Parang lumiwanag yung mukha ni Ate Andie nun tapos napa-ahh siya. Oh! Shes her huh?
Wait, anong her? anong meron sakin??
Shut up Andie.
Whatta, bakit hindi niya inaate yung kapatid niya? hay nako, ang rude nito ah.
Sige po Ate Andie, mauuna narin ako.
Hoy AD, ihatid mo nga.
Why should I?? napasimangot ako nun. Talagang ang cold na ng treatment niya sa akin. Siguro nga
I should give up.

Tumayo na ako nun tapos nagnod ako kay Ate Andie tapos lumakad na paalis. Narinig ko pa silang
nagtalo nun pero binilisan ko narin. Pagkalabas ko ng gate eh nag-isip pa muna ako kung lalakarin ko
ba o magtatrike nalang ako. Medyo malayo din kasi yung street nila sa amin.
Nagulat nalang ako kasi biglang lumabas yung car nina AD tapos nagstop sa may right side ko.
sakay na.
Wag na, magtatrike na ko.
Dali na.
Halatang naiinip na siya nun kaya sumakay narin ako. Gustung gusto ko siyang daldalin nung mga
oras na yun pero ang awkward parin eh. parang nagsawa narin kasi akong mabara at masabihan ng
masakit na salita kaya medyo maingat ako ngayon.
You---
Oo alam ko. I wont go back to your house. You dont have to tell me.
Nung nakarating sa street namin eh bumaba narin ako. Hindi na siya nagpaalam at hindi narin ako
nagaksaya ng laway at boses para makapagbye sa kanya. day 2 ng foundation week namin bukas
kaya wala akong ginawa sa bahay kundi mag-internet at maglaro ng kung anu-anong games. Sobrang
naaadik nga ako sa mga cooking games at dress up games kaya yung nanay ko eh naweweirduhan
sakin kapag napasok sa kwarto. Ano daw bang napupulut ko dun at bakit hindi ko matantanan.
After kong magsawa eh natulog narin ako.
The next day
Hey.
Oh, andito ka na naman?
Tumingin siya sa akin na para bang naoffend siya tapos yumuko.
Ito naman, parang diring diri kang makita ako. Of course I came back. Hindi kita pwedeng iwan
dito no. I dont trust them.
Tapos kunwari pa siyang patingin tingin sa paligid. Nagroll nalang ako ng eyes ko. kesa mainis ako eh
sasakyan ko nalang para at least diba, hindi ako mabubugnot. I have many problems to deal with
kaya ayoko nang dumagdag pa yun.
Yeah sure. Wala ba kayong pasok ngayon?
Ano ka ba, yung mga ininvite na school eh parang nakikicelebrate din ng foundation week niyo so
kung 3 days kayong walang ginagawa, kami rin ganun.
Oh, ganun pala yun? Ang lakas pala ng hatak ng school namin.

Natawa naman siya nun tapos nagcros arms siya.


Excuse me, ganun din yung school namin no.
bakit? Wala akong sinasabing hindi ah?
Umiling iling lang isya nun tapos hinawakan niya yung wrist ko.
Tara.
saan mo na naman ako dadalhin?
Youll see.
Wow. May pa-youll see pa itong nalalaman. Sumama naman ako sa kanya nun tapos dinala lang
niya ako saThe Amazing Maze, event nina AD.
Nagulat ako kasi pagdating namin dun eh magkasama sina AD at Gladys at yung gremlin na yun eh
nakangisi na naman na para bang nanalo sa lotto ng sampung beses. Nakita ako ni AD pero ayun,
deadma lang?
Imagination ko lang ba o umiwas siya talaga ng tingin nung nakita niya ako??
Imagination lang yun.
two tickets.
Si Kyle nagbayad nun tapos nung papasok na kami sa loob eh may narinig akong hindi kanais nais.
Wow ha, matapos si AD eh si Kyle naman. Ang social climber niya ano??
Ouch. Call me annoying, irritating and an eyesore pero iba na kapag social climber. Para mo narin
kasi akong tinawag na b***h eh.
Napansin yata ni Kyle na lumungkot ako bigla kaya hinawakan niya ako sa may shoulder.
Okay naman yung event nila. May mga kung anu-anong pakulo na kakaiba. Enjoy nga eh, feeling ko
isa to sa mga mananalong events. Kung hindi man, for sure kuha nito yung peoples choice award.
Nang makalabas kami eh hindi ko na nakita pa si AD. Gusto ko sanang magtanong kung nasaan siya
kaso yung mga natira eh yung mga babaeng classmate niya.
Nung bandang 2 eh umalis na si Kyle. Wala ngayon yung boyfriend ni Julia kaya nakasama ko siya.
Nasaan na kaya si AD?
wala ba sa booth nila?
Nung pumasok kami ni Kyle andoon pa, pero after nun nawala na siya.
Napaisip kaming dalawa ni Julia nun tapos eh nag-clap siya bigla.

Bakit di mo tanungin yung best friend niya?


Napatitig lang ako sa kanya nun tapos tumawa ako.
Si AD? May best friend??
Tumingin siya sa akin na parang sinasabi na hindi mo alam?! tapos nun eh nagroll ng eyes.
Malamang! Hindi mo kilala? Joey yung pangalan.
Wait bago yun ha. Hindi ko alam na may best friend pala yun. Akala ko flying solo yung lalaking yun.
Hinanap ko naman yung sinasabi nilang Joey tapos ayun, nakita ko naman siya. Hindi niya kaklase
si AD pero same batch sila.
Si AD? Nasa may band room. Tutugtog ulit sila sa closing program kaya may practice. Bakit?
Ha? Wala lang. sige.
Hindi ko na siya pinuntahan pa dun kasi alam ko namang walang mangyayari. Hindi rin naman ako
makakapagkwentuhan sa kanya kasiwell, andun si gremlin eh.
Hindi na ako nagshift ngayon sa event namin kasi nung first day naman eh ilang oras din akong
bantay. Dumiretso lang ako sa may auditorium namin. malamig nun kaya sinuwerte ako. Lumapit
lang ako dun sa grand piano tapos inopen ko na.
Nung una mahina lang yung kanta. Kinapa kapa ko muna kasi tapos nun eh medyo naging smooth na
yung pagtugtog ko. may ilang parts na strong yung pagkakapress ko ng keys pero bumabalik din sa
pagiging smooth and soft.
Nung natapos ako eh medyo umok na naman yung mood ko. inayos ko na ulit yung piano nun tapos
eh naglakad na ako paalis.
Nagulat ako kasi andoon na naman si AD. Bakit ba sa tuwing nagpipiano ako eh dumadating siya??
Oh AD, bakit nakatayo ka lang diyan? napatingin sa akin si Gladys nun tapos umirap siya. Guys
change venue, may disturbance kasi dito eh.
Sasagot sana ako nun kaso nakita ko si AD na parang sinasabi na dont even try kaya nagbuntong
hininga nalang ako at umalis.
Grabe, bakit ganoon nalang kalakas yung influence niya sa akin? Feeling ko tuloy, Im losing myself.
Pero in the first place
hindi naman talaga ako ito eh.
Chapter 12

Last day na ng foundation week ngayon. Closing na at awarding para sa events. Sobrang winiwish ng
section namin na manalo ng free day kasi balita namin eh sa EK daw yung punta namin. syempre,
sayang din naman yun kasi libre na nga.
Dumating na naman si Kyle nung araw na yun at nakipagbonding na naman. Nabring up niya ulit
yung topic ng modelling pero gaya ng sagot ko dati eh no parin ang sinabi ko sa kanya. hindi kasi ako
ganoon ka-interested eh.
Nung dumating yung closing ceremony eh tumugtog yung band nina AD. Ang galing talaga nilaang
galing niya sobra. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya nung mga oras na yun kasi sobrangI was
drawn to him. para bang, ayaw huminahon ng heartbeat ko.
youre in love with him.
Nagulat ako kay Kyle nun.
Love nga ba talaga o infatuation?
Nagsmirk lang siya nun tapos naglean sa may wall.
Wow, I havent even started yet tapos ngayon talo agad ako?
Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Pagkatapos tumugtog ng band
nina AD eh nagsimula na yung awarding. As expected, panalo yung class niya. nung dumako na sa
mga 3rd year eh sobrang kabado yung class namin.
The winner of the events for the 3rd year isclass3B!
Napatalong kaming lahat nun kasi hindi talaga namin inexpect na mananalo kami. Magaganda rin
kasi yung event ng iba. Yung event naman ng class nina Julia eh may kanyang panalo rin kaya damay
sila sa free day.
Wait, panalo yung section ni ADsaka yung aminsowoah. Kaso nga langhay..
Nagyaya yung mga classmates ko na victory party daw sa bahay nung isa pa naming classmate.
Syempre game kaming lahat kaya pumunta kami. Nagpaalam lang ako kay Julia nun. Okay lang
naman sa kanya kasi may date naman sila nung boyfriend niya.
Palabas na sana ako ng school nun nang makita ko si AD na kasama si Gladys.
Bakit parang parati yata silang magkasama nitong mga araw?
Sasakay na sana ako ng trike nun nang makita ako nung gremlin na yun tapos nagsmirk pa siya.
Grabe nga eh, gusto kong ingudngod yung muka niya sa lupa kaso baka madumihan yung lupa,
kawawa naman.
Nung nakarating na ako dun sa bahay ng classmate ko eh nagbabasaan sila. May iba nagtutulakan sa
pool at may ibang nang-aambush.
Oh tanggalin niyo na yung phone ni Nikki dali!

isa na ako sa na-ambush.


syempre diba, nagpadala ako tapos wala naman akong damit na pamalit. Naalala ko nalang yun nang
biglang nirelease na nila ako.
Wala akong---
*SPLASH!*
damit.
Tawa ng tawa yung iba nun kasi late reaction daw ako. Sabi naman nung classmate ko eh
papahiramin nalang daw ako ng damit. Wow ha, feeling ko pinaghandaan nila to kaya may mga extra
sila. Ang daya, bakit ako hindi sinabihang maghanda??
Natapos nun yung victory party ng mga bandang 6 na. wala akong kasabay pauwi nun kaya nagtrike
nalang ako. Medyo nagutom pa ako nun kaya napag-isipan kong dumaan na muna ng tindahan.
Didiretso na sana ako kaso may nakita akong nag-iinuman kaya nagback out ako. Medyo kinabahan
pa ako nun kasi may isa sa kanila na napatingin sakin.
Miss teka langsamahan mo muna kame
Medyo binilisan ko yung lakad ko nun kasi kabang kaba talaga ako. Akala ko nun iniwan na nila ako
kaso biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko.
Miss saglit lang naman eh
Kelangan ko na pong umuwi!
Sinubukan kong lumayo nun pero ang higpit ng pagkakahawak nila sa kamay ko. may isa pa sa kanila
na umabot yung kamay niya sa may gilid ng tiyan ko tapos kung sino sino pa yung humawak sa may
likod ko. sobrang umiiyak na ako nun kasi akala ko wala na akong pag-asang makatakas. Buti nalang..
Nikki sakay!
Agad akong kumawala nun tapos sumakay ako sa kotse ni ate Andie. Sobrang hindi ako makaimik
nun. Nanginginig na ako nung mga oras na yun tapos si Ate Andie eh nakatingin lang sa akin. Hindi ko
alam nun kung saan niya ako dadalhin pero hindi ko narin tinanong. Feeling ko kasi kapag nagsalita
ako eh magbebreakdown nalang ako bigla.
Andie?
Naramdaman kong lumapit si AD nun tapos nag-usap silang magkapatid. Napatingin ako sa paligid ko
nun tapos may nakita akong Piano. Ewan ko kung dala nalang ng emosyon ko pero dumiretso ako sa
may piano at tumugtog.
Namimiss ko nang tumugtog kasama si Kuya nun kaya tinugtog ko yung blue moon. Narinig kong
tumigil sa pag-uusap sina AD at Ate Andie tapos hindi ko alam kung sino sa kanila yung tumabi sa
akin at nakitugtog kasama ko.
Sunod na nangyari nun eh naiyak na talaga ako.

Bakit kelangan mangyari tong mga bagay na to sakin? Ang hirap naman eh. pagod na akong maging
malakas. Pagod na akong magkunwari. Ayoko na..
I
Napatingin ako kay AD nun tapos yumakap ako sa kanya. feeling ko nung mga oras na yun eh
pinagbibigyan nalang niya ako dahil narin sa nangyari sakin. Syempre, naappreciate ko yun kasi at
least hindi niya ako tinataboy.
Nung medyo nagcalm down na ako eh saka lang ako humiwalay. Nagpunas na ako ng mukha nun
tapos humarap sa kanya.
Salamat.
Tumayo ako nun tapos nag-offer siya na ihatid ako. Hindi naman ako makahindi nun kasi syempre,
natakot narin ako.
Nung nakarating kami sa tapat ng bahay eh bumaba pa siya. Nagulat nga ako eh kasi ang bait niya
nung mga oras na yun. So, kelangan palang may mangyaring masama sakin bago siya maging mabait
no?
Nikki..
Napatingin lang ako sa kanya nun tapos ngumiti ako ng malungkot.
You should go.
Papasok na sana ako sa loob kung hindi lang siya nagsalita ulit.
Alam kongmay kinikimkim ka diyan. Alam kong tinatago mo yung tunay na ikaw. And I know na
pagod na pagod ka na ngayonso, if you want...kapag tayo lang ang magkasama, pwede kang
magpakatotoo sa sarili mo..
Teka, tama ba itong naririnig ko? Is heoffering friendship??
If youre doing this kasi naaawa kadont.
Sumimangot siya nun. I wont deny na naaawa ako pero thats not the only reason.
Tumango lang ako nun. Maybe it would be nice na may isang taong nakakaalam kung ano talaga at
sino talaga ako. Nakakagaan din sa loob yun.
ADsalamat ulit.
Pagkatapos kong sabihin yun eh kiniss ko siya sa cheeks tapos pumasok na ako sa loob.
Hindi na ako nagpakita kina mama nun kasi hindi pa ako masyadong stable. Dumiretso ako sa kwarto
ni Kuya Nike nun tapos kinuwento ko sa kanya yung nangyari sa akin sa may kanto. I guess
naintindihan niya yung nararamdaman ko kaya niya squineeze yung shoulder ko.

After kong lumapit sa kanya eh pumasok narin ako sa kwarto. Wala ako sa mood magnet nun kaya
humiga nalang kaagad ako.Teka lang
DID I JUST KISS AD?!
Chapter 13

The next day eh sa hindi ko malamang dahilan eh bigla akong nilagnat. ito ba yung after effect nung
ginawa ko kay AD?? Grabe naman ah.
Inalagaan naman ako nina mama nun. Binilhan ng pagkain ang stuff. Buong araw nga akong
nakahilata sa may kama eh, sobrang bored kasi wala akong magawa. Ayaw naman akong pababain
nina mama kasi baka daw mabinat ako or something. Buhay prinsesa tuloy ako nung mga oras na
yun.
Nako, hindi parin bumababa yung lagnat mo.
Ughnakakaasar naman oh. Free day pa naman namin sa Monday.
Hay nako Codie, kung hindi mawawala yung lagnat mo by tomorrow eh hindi ka na muna
sasama.
WHAT? Hindi pwede yun!
Pero ma!
Nichole Dominque tigilan mo ko.
Hindi na ako nakaimik nun. Buong pangalan na eh. Namannakakaasar naman! Bakit naman kasi
ngayon pa ako nagkalagnat?!
Tinext ko kay Julia yung nangyari. Ayun, nasasayangan siya para sakin. Syempre diba, andoon yung
section nina AD tapos ngayon eh okay narin kami. Opportunity sana yun kasomukhang ayaw ng
tadhana eh.
Dumaan ang Sunday, hindi parin nawala yung lagnat ko pero bumaba na. sinubukan ko namang
kumbinsihin si mama na payagan ako kaso ayun, firm yung decision niya na hindi ako pasamahin.
Wala akong nagawa hanggang sa mag-Monday na nga at heto parin ako nakatunganga sa bahay.
Wala na akong lagnat nun. Sobrang nanghinayang nga ako eh kasi sayang din talaga. nagpaalam
naman ako nun na lumabas kahit hanggang park lang at ayun, pinayagan naman ako. Feeling ko
naawa nga eh.
Nung una medyo kinabahan ako kasi baka maulit yung nangyari dati. Nawala lang yung pag-aalala ko
nung makita kong maraming tao sa park nung mga oras na yun, mostly super tanda at super bata.
Nagswing lang ako nun tapos tumingin sa paligid. Hay, bakit ba wala akong magawa?!
Aalis na sana ako nun para bumili sa tindahan nang may nakabanggaan akong tao.

Sorry!
Nagkatinginan kami ni AD nun tapos nagblush ako. Naalala ko na naman yung nagawa ko.
Hindi ka sumama?
Nilalagnat kasi ako nung sabado at linggo kaya hindi ako pinasama.
Nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan yung forehead ko tapos dinikit din niya yung forehead niya.
Buti wala na ngayon.
Gagi ADwag kang ganyan.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung mga oras na yun. Feeling ko nga magkakaheart attack ako
dahil sa ginawa niya.
Wow concerned?
Tumawa lang siya nun tapos umupo sa tabi kong swing. Yeah wellyoure my friend.
Wow, friend. So hanggang dun lang talaga ako no? Siguro dapat ko rin tratuhin siya as a friend
nalang?
Ikaw, bakit ka hindi sumama sa free day?
Hindi naman ako mahilig sa ganun eh.
Nagkuwentuhan pa kami nun. Kung anu ano na nga lang yung sinasabi niya, feeling ko yun yung mga
unang pumapasok sa isipan niya.
AD, wag mo sanang masamain yung tanong ko ha. Tumango naman siya nun. Bakit biglang
bumait ka sakin?
Natigilan siyqa nun. Medyo matagal nga siyang nag-isip isip nun bago siya nagsalita. Ewan ko, nung
nakita kasi kitang umiiyak para banggusto kitang alagaan. I dont knowparang brotherly love
kung baga. Feeling ko dapat kitang alagaan.
Brotherly love? Hindi ba pwedeng love lang?
Ahh, ganun ba?
Pwede ba Nikki? Can I treat you as a sister and protect you?
Gusto kong sumigaw ng no o kaya ayaw ko pero hindi ko magawa. Siguro nga oras na para tanggapin
ko na hanggang dito nalang yung pwede sa aming dalawa kasi sa totoo lang? Wala namang kami sa
aming dalawa eh.
Its okay. Im sure it would be a nice feeling to have a brother.
Only child ka ba?

Napangiti lang ako nun tapos umiling ako.


I have a brother, pero parang wala rin. Halatang naguluhan siya sa sinabi ko pero tumawa lang
ako. Maiintindihan mo rin sa future.
Nirespect naman niya yung decision kong hindi muna magshare kaya nagchange topic kaagad siya.
So, youre my brother huh?
Yeah. So dapat susundin mo yung sasabihin ko.
Oh really? Eh paano kung ayoko? Hahah. Natawa siya nun tapos umiling iling.
Then I would just have to scold you.
What about my feelings?
Natigilan siya nun. Nahalata kong medyo uneasy siya kaya tumawa nalang ako ng malakas.
I cant believe na you took it seriously. Come on, ang tagal ko nang na-turn off sayo no!
Biglaan naman niyang pinalo yung braso ko nun tapos ginulo pa niya yung buhok ko.
Whats not to like?
Ang tanong, anong pwedeng magustuhan?? nagcross arms ako nun tapos tumingin sa kanya ng
seryoso. I cant believe na na-infatuate ako sayo.
Oh really? Eh ikaw nga tong sabi ng sabi na youre in love with me. I told you you cant love
someone that fast. Hahaha
Tumayo na siya nun tapos naglakad. Nag-offer pa nga siyang sumama ako para makalaro ko daw
yung mga puppies sa bahay nila. Nauna siyang lumakad nun habang ako eh nakaupo lang sa swing at
nag-iisip.
Yes AD, you can, cause Im sure that this is not an infatuation. Pero for the sake of being close to
you, itatago ko nalang yun sa sarili ko.
Just to remain close to you.
Chapter 14

Lumipas ng mabilis yung oras. Natuloy yung pagiging brother sakin ni AD at kahit papaano,
nasasanay narin ako. Hindi nawala yung mga babaeng naiinggit kasi close ako lalo kay AD pero hindi
ko nalang sila pinapansin. Si Gladys naman ehayun, namamatay sa inggit.
Ang weird mo.
Tumingin ako kay Julia nun at nagtaas ng kilay.

Ano na namang ginawa ko??


Wellpara kasing wala ka nang gusto kay AD eh.
Natawa naman ako nun. Ako? Mawawalan ng gusto kay AD?
Sino naman nagsabi sayo niyan?
Nagshrug siya nun tapos kumagat dun sa kinakain niya.
Siya lang naman ang walang alam tungkol diyan eh.
Napatingin sakin si Julia nun na para bang naawa. Tumawa nalang ako bigla nun at nagkunwari na
masaya. Ewan ko, kahit kay Julia eh hindi ko maipakita yung totoong ako.
Nung nagbell na eh bumalik na kami sa classroom. Nakasalubong ko nga nun si AD at siya pa yung
unang ngumiti. Well at least sa ganitong condition eh okay na okay kaming dalawa.
Back to lessons lang kami nung araw na yun. Syempre, kung yun ang ginagawa, malamang boring.
Ewan ko ba, hindi ko kasi talaga naeenjoy kapag naglelesson. Buti nga pumapasa ako kahit papaano
kahit hindi ako nakikinig. Siguro maswerte lang talaga ako sa buhay ano? well, in terms of school.
Mabait yung last period teacher namin nun kaya dinismiss niya kami ng napakaaga. Yung tipong 30
minutes pa bago magtime. Paano, nakaya kasing maexplain nung pinakaloko kong classmate yung
lesson niya ng sobrang ayos kaya ayun. Nakipagdeal kasi yung loko kong kaklase eh nanalo siya kaya
ayun, disimissal na agad namin.
Wala akong magawa nung mga oras na yun. 4 pa yung dismissal nina Julia at malamang nakipagdate
na yun kanina pa. date day nila kasi tuwing Wednesday kasi parehong maaga ang uwi nung dalawa.
Kaya ayun, flying solo na naman ako.
Diba 5 pa uwian niyo? Cutting ka??
Or not.
Hindi ah. Dinismiss kami ng maaga.
wow ha. Ang daya, bakit nung 3rd year kami hindi kami nakaranas ng ganyan.
Nagbelat lang ako sa kanya nun tapos tumingin sa tabi niya.
Wala kang kasama ano? upo na.
Ngumiti lang ako nun tapos sumunod narin sa anyaya niya.
Ikaw, bakit nagstay ka?
Tumawa siya nun tapos tumingin sa akin. Akala ko kasi 5 pa labas mo.
Wow, so plano pala niyang sabayan ako? Wag naman ganyanlalo akong nahuhulog eh.

Wow, touch akokuya.


Tumawa lang siya nun. Sabay kaming naglakad nun pauwi kaya yung mga kabatch niyang babae eh
nanlilisik na naman yung mata sa akin. Nakasalubong namin yung so-called best friend niyang si
Joey at ayun, nang-asar pa.
siya pala yung sinabi mong aantayin mo eh. Ikaw ha, hindi ka nagsasabi na nanliligaw ka pala.
Hindi no..shes sort of myuhh, sister.
Sister?? Eh diba ang sister mo si Ate Andie?? Wag mong sabihin na may kabit yung dad or mom
mo??
Binatukan ni AD si Joey nun tapos tinignan ng masama. Gag*. Ginawa mo pang unfaithful yung
parents ko. basta, yun na yun. Wag mo nang intindihin.
Natawa si Joey nun at pagkatapos eh umalis narin siya.
Kung anu-ano lang yung pinag-usapan namin ni AD nun. Nakakagulat nga kasi this time, siya yung
nangdadaldal sa akin.
Ininvite niya muna ako sa bahay niya para daw makapaglaro ng aso. Syempre, nagpaalam naman ako
kina mama tapos pumayag din naman sila. Pagkadating namin sa kanila eh andoon si Ate Andie.
Nang-asar nga rin siya eh pero ayun, inexplain naman ni AD yung situation namin.
Ang saya talagang makipaglaro sa aso. Ang cute cute kasi ng mga breed eh. grabe, tapos ang fluffy pa.
Huy, kulang nalang kagatin mo sa sobrang gigil eh.
Ehhh..ang cute kasi.
Bakit hindi ka nalang magpabili para gabi gabi rin eh may nagaganyan ka?
allergic si mama sa aso.
Napa-aahh lang siya nun tapos nakipaglaro narin dun sa puppies. Bandang 5:30 eh hinatid na niya
ako sa bahay.
Pasok ka muna.
Tumango naman siya nun. Pinakilala ko siya kina mama. Nung nakatalikod nga si AD eh inasar asar
pa ako ni mama. Loko din eh no? hahah.
Sunod ko naman siyang pinakilala kay kuya.
hindi nagasalita si Kuya..usually kumikilos lang para ipakita na naririnig ka.
Tumango lang siya nun tapos pumasok na kami sa kwarto ni kuya. Kakalinis lang nun kaya wala yung
mga usual na nakakalat na damit. Gaya ng dati, nakaupo lang si kuya sa recliner niya tapos dun kami
sa may tapat niya pumwesto.

Kuyafriend ko nga pala si AD.


Magandang hapon po.
Tumingin lang si Kuya nun saglit kay AD tapos eh bnialik na ulit yung tingin niya sa may baba.
Teka, naiwan ko pala yung gamit ko sa car mo.
Ikaw na kumuha, kakausapin ko lang saglit yung kuya mo.
Napakunot nung mga oras na yun yung noo ko tapos nagshrug nalang ako. Ano naman kayang
binabalak nitong lalaking to ngayon??
Pagkakuha ko naman dun sa filecase ko sa kotse niya eh pumasok na ulit ako sa loob. sakto bumaba
na siya.
Anong sinabi mo kay Kuya?
Ah yun? nagkamot siya sa gilid ng mukha nun tapos ngumiti. Sikreto ng mga kuya yun. Bye
Nikki.
Napanganga nalang ako nun kasi kinuha niya bigla yung susi tapos umalis na. wow ha. Ang daya.
the next day ganun lang ulit yung ginagawa. Nag-aantayan kami kapag dismissal tapos ihahatid niya
sako sa bahay tapos kakausapin niya mag-isa si Kuya. Nakakainis nga eh, gusto kong malaman kung
ano yung pinag-uusapan nila pero ayaw niya talagang sabihin eh.
Sabihin mo na AD please??
Bakit, kuya ka din ba? Hindi nga pwede. Nagpromise ako eh.
Nagpout naman ako nun. Pauwi na kami nung mga oras na yun at hanggang ngayon eh ayaw parin
sabihin sakin ni AD kung ano yung pinag-uusapan nila.
Kung kuya nga kita eh di hindi ka magsisinungaling sakin!
Hindi mo naman ako totoong kuya eh. kunwa kunwarian lang.
Argh, why does he have to be this smart!?
Ang daya niyo talaga!
Tinawanan lang niya ako nun tapos hindi ko na siya tinignan, sa harap nalang ako tumingin. Wrong
move.
Codie? Codie ikaw na ba yan?
Napatingin ako sa kanya ng seryoso nun. Namuo yung galit ko sa loob ng dibdib ko. anong ginagawa
niya dito?! Bakit pa siya bumalik!?

Bakit Codie? nagwhisper siya sa akin nun pero hindi ko muna siya napansin nun.
Why did you come back?
Codie..
Go away!
At pagkatapos nun eh tumakbo na ako.
Chapter 15

Mabilis rin naman nakalabas si Japoy nun. Nagulat nga ako kasi patakbo siyang lumabas mula sa
likod.
Matagal ba?
Umiling naman ako nun tapos sabay kaming lumabas. Bago pa nga kami makalabas eh inasar asar pa
kami nung ibang kasamahan niya.
Bakit mo pala ako pinagstay muna?
Uhm, kasi..sabay sana tayo.
Napa-ahh nalang ako nun kasi hindi ko naman alam kung ano ba dapat kong sabihin.
Sabay kaming umuwi nun tapos kasama pa namin si Nate at si Dretti. Nakakatuwa nga yung dalawa
eh, nagjijive talaga.
Nagkasundo sila oh.
Oo nga eh,
Nagkatinginan kaming dalawa nun tapos nagtawanan kami.

Have fun okay?


Nakasimangot nun si Nathan. Friday ngayon, ngayon ang alis ng star gazing club eh para pumunta
dun sa planetarium.
Tell me again why Im leaving alone?
Kasi, ayokong mamiss mo ang isang masayang activity dahil sakin. Kaya go on, wag ka nang
magback out kundi lagot ka. Sisiraan kita kina kuya.
Huminga siya ng malalim nun tapos nagshrug siya at pumasok na ng bus.
Nagpasundo ako kay kuya Hansel nun kasi wala akong kasabay pauwi. Hindi rin naman siya tinagal
kasi malapit narin siya nung nagtext ako.

Pagkauwi ko sa bahay eh medyo malungkot ako. Gusto ko kasing sumama eh.


Hails, wag ka naman ganyan. Pinapaguilty mo kami eh.
Ngumiti lang ako kay kuya nun tapos umakyat na ako sa kwarto. Nagulat naman ako nang biglang
may nagtext sakin.
Sender: Japoy Yuu
Message:
Pnta k sa veranda nyo.
Napakunot naman noo ko nun. Bakit? Akala ko nung una nangtitrip lang siya pero sabi niya seryoso
daw.
Lumabas ako nun tapos sumilip. Kita pala dito yung kabilang side eh. nagulat nalang ako kasi biglang
may parang light na dumaan sa mukha ko. napatingin ako sa may bahay nina Japoy tapos..may
kumaway.
Tinext ko siya kaagad nun at nagreply din naman siya.
Sender: Japoy Yuu
Message:
Yeah, tnamd na q pmnta eh.
Nkpnta n xe aq dti dun.
Ohh, kaya pala. Nagulat nalang ako nang biglang nagring yung cellhpone ko.
Japoy Yuu calling..
Sinagot ko naman kaagad nun.
Bakit ka tumawag?
Wala lang. uy tignan mo oh, big dipper. Tapos yung orions belt pa.
Natawa ako sa kanya kasi kita ko siyang tumuturo sa sky nun.
Kapag humiga ka, para ka narin nasa observatory. Ganun din yung view, mas malapit nga lang
tignan.
Napangiti ako nun. Kinocomfort niya kasi ako eh.
Japoy, bakit mo ginawa to?
Wala lang..I just thought, if you cant come and see the stars..
Nagpause siya saglit nun tapos narinig ko siyang tumawa.
Ill just have to take the stars to you..

Turn ko naman nun para tumawa.


Kahit naman hindi mo dalhin andiyan parin eh.
Kaya nga eh, panira. Kulit din niya eh.
Ang weird nun kasi buong gabi kaming magkausap. Hanggang 11 nga ako nasa veranda nun eh tapos
nung nakaramdam ako ng antok eh saka ako pumasok at nagbye na sa kanya. Nakakatuwa siyang
kausap. Hindi mo maiimagine na siya yung tahimik na Japoy Yuu sa Hayden High.
Kinabukasan, pagdating ng tanghali eh binulabog ni Nathan yung bahay namin. May dala nga siyang
pasalubong saming lahat eh kaya ayun, natuwa sina kuya sa kanya.
Hindi, hindi naman masaya eh.
Nate, okay lang sakin kung nag-enjoy ka. Promise.
At ayun, nag-enjoy nga siya. Sobrang ganda daw nung place at kung may time daw kami eh dapat
pumunta daw kami dun.
Back to normal na ulit kami. Wala nang masyadong activities, syempre pahinga rin para sa mga bulsa.
Start na ng field trip ng lower year kaya konti lang yung mga high school students nitong week na to.
Medyo concentrated naman ang mga 4th year ngayon kasi amy mock interview kami para sa college.
Ganun kasi sa school namin, may mock interview na ginagawa para paghahanda dun sa interview
mismo. Sa interview kasi nun eh nandoon yung representatives ng bawat school na pinili mo.
Hailey, anu anong school ba kinuhanan mo maliban sa Trent?
Baka magtake din ako sa Peyton University eh. Sabi kasi nina kuya madali lang makapasok nun.
Para in case na hndi ako makapasa sa Trent dun ako..
AY gnaun? Sana pasado tayo pareho.
Ngumiti lang ako sa kanya nun tapos sabay kaming kumuha nung interview forms. Nung homeroom
time naman eh parang follow up nung pag-iisip namin para sa career namin sa future kaya binigyan
nila kami ng bagong sasagutan.
Ang dami ngang sinasagutan kasi pati yung yearbook club ngayon din nagpasagot ng write up nila.
What is your motto in life?
What is your goal in life?
What are the things that you would miss in High School?
Syempre, yung mga common questions lang yung tinatanong nila.
Anong motto mo?
Wala pa akong naiisip eh, ikaw?

Ay ganun..sayang, makikigaya sana ako. Haha, joke. Maloko din siya eh ano?
Nag-isip ako nun at kung anu ano nalang sinulat ko.
No matter how hard life gets..just smile. Okay yun ah.
Ay binasa. Kumukulit tong si Japoy lately ah, ano kayang meron?
Tinignan ko naman yung kanya tapos tinakpan niya. Madaya.
Surprise yung akin eh. Haha.
Napakunot lang noo ko nun tapos nagshrug na ako at tumuloy sa pagsasagot.
Hmmgoal in life? Ayoko kasi maglagay ng common eh. Sure, lahat naman tayo gustong
grumaduate at magkaroon ng magandang trabahot masayang pamilya peroyung kakaibang goal in
life.. gusto ko nun.
Nileave blank ko nalang muna siya tapos sinagutan ko yung next question. Teka, isa pa tong mahirap
eh. Wala pa kasi kami sa kalahati ng schoolyear na to kaya hindi ko pa malalagay kung anong
mamimiss ko. Kelangan kasing iweigh ko muna kung anong mas masaya.
Pinayagan kami ng yearbook club na samin nalang daw muna yung write up basta daw ba eh isosoli
namin yun.
Yung sa homeroom thing naman, well medyo magulo din yung tanong eh.
Aside from your current ambition, what do you aim for in life?
Hmm, maliban sa pagiging isang nurse? Ano nga ba?
Nagbell na nun. Sabi ng adviser namin eh samin daw muna yun tapos ang deadline eh sa Biyernes.
Teka, anong araw ba ngayon?
Ay, Wednesday pala ngayon!
Natapos mo yung write up mo?
Hindi eh, ikaw?
Medyo. Isang question nalang yung wala.
Wow, anong question kaya dun?
Sumabay samin si Japoy nun tapos nag-usap sila ni Nate about college. Nasa unahan ko sila nun at
ako eh patingin tingin lang.
In a few months, hindi na magiging ganito yung set up. Hindi na ako lalakad ulit sa daang ito, hindi ko
na ulit makakasama sila. Sure magiging same school kami ni Nate pero, iba parin.
Mamimiss ko to.

Oh Hails, bakit ka tumigil?


Napatingin ako sa kanila nun tapos nakastretch yung kamay nila sakin.
Tara na.
Nagsmile ako nun at tumakbo palapit sa kanila at hinawakan yung kamay nila.
Yeah, saka ko na iisipin ang magiging bukas. Ang importante ay mapahalagahan ko ang ngayon.
Chapter 16

Welcome to the Annual Academic Week!


Ang bilis nga ng panahon. Parang kelan lang eh August tapos ngayon eh November na. Naging
masaya naman nung mga nakalipas na buwan. May mga ilang activities at events na nakayanan
naman.
Hailey, sama ka samin! Tara!
Nagulat ako nun kasi bigla nila akong hinila. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin nun pero
hinayaan ko nalang.
Nung tumigil na kami eh napanganga nalang ako.
Welcome to class 4-3s Hottie Caf Part II!
Wow, nagpart II pala ang hottie caf nila? Ang galing naman.
Uwaa, parang mas okay yata yung part II ah?
Syempre naman, dumagdag yata ang mga hotties namin ngayon. Eto yung listahan oh.
Natawa nalang ako nun kasi andoon parin si Nate sa listahan nila. Pinili ko siya nun kaso..
Sorry Hailey, busy si Nathan eh, may mga 3 pa yatang nakapila para sa kanya.
Eh? Hindi nga? Mabenta pala itong si Nate eh.
Sumilip ako nun kay Nate at hala, ngiting ngiti ang loko. Tinignan ko naman yung babae tapos..pffft.
Mga nanay??
Napatingin sa side ko nun si Nate tapos yung mukha niya parang nanghihingi ng tulong. Pinagdikit pa
niya yung kamay niya nun na para bang talagang desperado siyang makaalis pero ako natatawa lang.
Wala naman akong magagawa eh. May 3 pang nakapila so kahit i-assign ko siya, wala siyang takas.
Uwa, Hailey, hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganito ah.

Naku, hindi ah. Binibisita ko lang si Nate. Tignan mo oh, ang daming pumipila sa kanya.
Sumilip si Dretti nun tapos natawa siya ng malakas. Napatingin nga yung mga tao nun kaya hinila ko
na siya paalis. Hindi niya kasi mapigilan yung tawa niya.
Bakit mag-isa ka ngayon?
Ako? Wala lang..sinasanay ko lang lumangoy mag-isa..
Tama ba narinig ko? Lumangoy?? Eh, asan ang tubig??
Niloloko mo naman ako eh..saan ka lalangoy?
Ngumiti siya nun sakin tapos bigla niyang kinuha yung kamay ko tapos hinarap niya yung palad ko
samin.
Ang buhay, parang isang malaking dagat yan.. tinuro niya yung kamay ko nun na para bang yun
yung dagat. Tumango nalang ako at hinayaan siyang mag-explain.
At ang mga tao eh yung mga isda. Kagaya ng dagat, marami pang unexplored places sa ating mga
buhay. Mayroon ding super dilim na part na kinakatakutan natin at may mga maliliwanag na
balang araw eh gusto nating languyan. Pero sa lahat ng ito, ang pinakaimportante, kahit anong
makaharap mo..lalanguy at lalangoy ka parin. Kung bagajust keep swimming. Kahit na minsan eh
mag-isa ka.
Napakunot yung noo ko nun. Teka, gets ko siya pero, bakit kelangan pa niyang laliman??
Alam mo.. turn ko naman para kunin yung kamay niya nun tapos gaya ng ginawa niya sa palad ko
eh hinarap ko rin yung kanya sa aming dalawa.
Hindi porket wala kang kakilala sa paligid mo eh..ibig sabihin nun mag-isa ka na. Kasi minsan..
Tumingin ako sa kanya nun tapos ngumiti ako. Nilagay ko nun yung isang daliri niya tapos sumunod
yung isa hanggang sa makumpleto yung buong kamay.
Hindi lang natin napapansin na kahit anong mangyarihindi tayo nag-iisa. Turn niya nun para
kumunot yung noo niya tapos nagulat nalang ako kasi bigla niyang kinlose yung kamaya niya na
nagserve as dagat sa explanation ko.
Ang kaso, nakalagay nun yung kamay ko sa palad niya kaya nung pagclose eh hawak hawak niya yung
kamay ko.
Wow, I never looked at it that way.
Ngumiti lang ako nun tapos hinila ko na pabalik yung kamay ko. Niyaya naman niya akong kumain ng
lunch nun at pumayag na ako. Mukhang magiging busy kasi si Nate at baka hindi niya ako
masamahan.
Okay din pala kasama si Dretti eh. Mabait siya, maloko, nakakatuwa. Ang dami niyang alam na
kwento na nakakatawa at nakakatuwa.

Wa, mag-4 na pala, hindi ko napansin yung oras. Hindi kaya hinanap ka na sa class niyo?
Hindi, tapos na ako sa role ko dun eh.
Napa-ahh lang siya nun tapos tumayo na siya. Hinila rin niya ako patayo nun tapos sabay kaming
naglakad pabalik sa high school building.
Okay kang kausap Hailey. I had so much fun.
Ganun ba? Ako rin, I had fun.
Sinamahan niya ako nun hanggang classroom tapos nagbabye narin siya. Pagpasok ko eh nakita ko
sina Jila na nakatingin sakin tapos ngising aso pa. I dont like that look.
Kaya pala hindi mahanap eh, ayaw palang magpahanap. Uyyysi Hailey!
Ha? Anong ibig niyong sabihin?
Shuuu, wag ka na mahiya. Okay naman si Dretti eh, gwapo, mabait, funny, talentedoh saan ka
pa diba??
Teka, naguguluhan na ako. Ano ba yung sinasabi nila?
Natawa nalang ako sa kanila nun tapos pumunta ako sa may seat ko. Andoon pala si Japoy eh,
parang kanina ko pa kasi siya hindi nakita.
Andito ka lang pala.
Bakit? Hinahanap mo ko?
Umiling naman ako nun. Hindi naman talaga eh.
Hindi lang kasi kita nakita kanina kaya nagtaka ako. Actually ngayon lang ako napaisip.
Napa-ahh lang siya nun tapos tumango. Sabay kaming naglakad palabas nun tapos papunta dun sa
Hottie Caf nina Nate.
Kasama mo pala si Dretti.
Uu nga eh. Ang saya pala niyang kasama. Nakakatuwa.
Mahilig magpatawa yun eh.
Tumango naman ako para ipakitang nag-aagree ako.
Uh, Hailey..?
Bakit?
Hailey, Japoy! Andiyan lang pala kayo eh! Kanina ko pa kayo hinahanap!

Napatingin kaming pareho kay Nate nun tapos tumingin ulit ako sa kanya.
Ano yun?
Ahhwala. Saka nalang. Tara na?
Tumango ako nun tapos tumakbo palapit kay Nathan. Kinuwento niya sakin kung gaano siya
nahirapan dun sa mga matatandang naging customer niya. Paano, kinukumpara daw siya dun sa idol
nila nung kapanahunan pa nila. Nako, iba talaga ang hatak ni Nate no?
Naghiwa hiwalay na kami pagdating sa may bahay namin. Syempre si Nate eh sa tapat lang namin
kaya dun na siya tapos si Japoy naman eh naglakad pa padiretso. Pagkauwi ko eh kumpleto yung
tatlo kong kuya tapos nakaupo silang lahat sa may table. Bakit ang seryoso yata nila ngayon??
Kuya, bakit ang seryoso niyo? Anong meron?
Napatingin sakin si kuya Haisen nun tapos lumapit siya at inakbayan ako.
Hails, wag kang mabibigla ah..?
Oo nga, maupo ka muna..
Teka, kinakabahan na ako ah. Tapos si Kuya Harvey pa eh walang imik. Anong nangyari??
SiSi Kuya Harvey..ano..kwan kasi..
Mga kuya naman, wag kayong ganyan. Tinatakot niyo ko eh!
Hala, paano kungpaano kung gangster pala yung napasukang trabaho ni kuya tapos mga manloloko
sila? Tapos yun pala si kuya yung napagbintangan tapos ngayon mabibilanggo siya?!? Hala! Hindi
pwedeng mangyari yun!
Kuya dali na, natatakot na ako!
Si Harvey
Hails..
Tumingin ako kay Kuya Harvey nun tapos lumapit ako at hinawakan siya sa magkabilang braso.
Kuya ano?? Sabihin mo sakin
Hailsmay girlfriend na ako.
Parang tumigil yung mundo ko nun. May girl---HA??
Chapter 17

Napatingin naman ako dun sa kung sino man yun. Matangkad siya, gwapo, at matagal ko naring
kilala.

Long time no see.


Si Kyle pala.
Kyle, anong ginagawa mo dito?
Ngumiti siya nun tapos nagkamot ng ulo.
Wala lang, ang tagal lang natin di nagkita eh.
Wala kang school ngayon?
May photoshoot ako kaya umabsent muna ako. eh break time namin ngayon tapos malapit lang
yung studio dito kaya naisipan kong bumisita.
Nag-ehem nun si Julia tapos saka ko lang naalala na andoon pala siya.
Oo nga pala, friend ko si Julia. Julia si Kyle, taga St. Claires.
Naghandshake sila nun tapos nagpaalam si Julia. Magsolo daw muna kami. Asus.
anong oras ang tapos ng break niyo?
Hmm, may 20 minutes pa ako. Kayo?
10 minutes nalang.
Napa-ahh lang siya nun tapos umupo siya dun sa tabi ko.
May gagawin ka ba mamaya?
Oo eh, may family thing kami.
Tumawa siya nun tapos bumulong. Kung tama yung narinig ko, ang sinabi niya eh,
Wrong timing pala..
Nung tinanong ko naman kung ano yun eh sinabi lang niya na wala daw.
Uhmm, pwede ko ba kunin number mo? Para kahit di tayo nagkikita eh macocontact kita.
Nilabas ko naman yung phone ko nun tapos binigay ko yung number ko. hes a friend naman kaya
ayun.
Naisip isip ko lang nung mga oras na yun, sa tagal ko na palang kilala si AD eh hindi ko parin
nakukuha number niya. wow, mas nauna pa si Kyle.
Madalas akong walang load kaya baka hindi kita mareplyan.
Its okay, loloadan nalang kita.

Napaubo naman ako nun. Ano daw?


Ano ka ba..
okay lang talaga. I justwant to know you more.
Nagblush naman ako nun. Ano bang dapat kong ireact diba? Grabe.
Sige pala, mukhang time niyo na eh.
Tumayo kami pareho nun tapos nagbye na siya. Bumalik naman ako sa classroom nun tapos nagulat
ako kasi hindi ko napansin na ang lakas pala ng heartbeat ko.
Mabilis lang lumipas yung oras. Nung dismissal time eh dinaanan ako ni AD sa classroom tapos sabay
kaming pumunta ng band room.
Sino yung kasama mo nung lunch?
SI Julia, bakit?
NoI mean yung lalaki.
Tinignan ko naman siya nun pero nakaiwas lang yung tingin niya.
Si Kyle, taga St. Claires.
Uhh, kaano ano mo siya?
Nagtaas ako ng kilay nun. Wow, ngayon lang yata siya naging curious sa mga taong kasa kasama ko.
A friend?
Bakit parang hindi ka sure?
I dont know. Baka something more.
Kita kong kumunot yung noo niya nun tapos hindi na siya nagtanong pa. pagkarating namin sa band
room eh nagsimula silang magpractice. Halatang bwisitna bwisit si gremlin nun kasi andoon ako at
hindi niya masolo si AD.
Nagulat ako kasi biglang nagring yung phone ko. medyo nadistract nga sila kaya lumabas nalang
muna ako bago ako mamatay sa masamang tingin ni gremlin.
hello?
Hey, nasaan ka? bakit ang ingay?
Nasa school pa ko eh. may band practice pa yung hinihintay ko.
Kala ko may family thing kayo?

Yeah, after nito. Sabay kasi kami nung hinihintay ko. sinasama din kasi siya ng kapatid ko eh.
Si Julia ba?
Nopesi AKUYA AD. Napatingin ako dun kay AD kasi nasa may pintuan siya. Kumunot yung noo
niya nun tapos lumapit siya sakin.
Kuya AD? Kapatid mo?
Hindi no. Isa lang yung kuya ko.
Sumimangot naman siya nun. Anong kelangan nito? Tapos na kaya yung practice nila?
Ahhokay.
Sige pala. Una na ako. paalis na yata kami. Bye.
Sige ingat.
Pagkababa ko eh tumingin lang ako kay AD.
tapos na kayo?
Tumango siya nun tapos dumiretso. Wow ha?
Tahimik lang siya nung papunta kami sa restaurant. Ni isang imik wala siyang ginagawa. Bakit ganun?
Anong nangyari sa kanya??
Pagkarating namin dun eh bumati lang siya kina mama tapos eh umupo na kaming lahat.
Buti at nakarating ka.
Nagkwentuhan sila nun ng tungkol sa kung anu ano. para ngang ang out of place ng dating ko eh.
parang ako pa yung outsider. Nagjive kasi sina kuya Nike at AD. Sobrang nagkasundo talaga sila at
kung anu ano na yung mga topic na pinag-uusapan. Sina mama naman at papa, eh ayun, may kanya
kanyang ginagawa.
Nag-cr nalang muna ako nun para magbasa ng mukha. Naiinitan narin kasi ako nun kaya nag-excuse
muna ako sa kanila. Nang nasa cr naman ako eh biglang nagring yung phone ko.
Hello?
Ui.
Woah, hindi rin naman siya tawag ng tawag no?
Sorry tawag ako ng tawag ha.
Hahah, pansin ko nga eh.

Gusto ko lang kasi icheck kung okay ka. Hahaha.


Medyo natouch naman ako nun. Ngayon lang kasi nangyari sakin to eh, yung may nag-aalala ng
ganyan na hindi ko kapamilya.
Thanks. Okay naman ako. andito pa ako sa restaurant eh.
Ahh, may load ka ba ngayon?
wala eh.
Loadan kit
Wag na ano!
Pero..
Sige ka, pag niloadan mo ko magagalit ako.
Haha, sige na nga.
May ilang minuto pa kaming nag-usap nun. Kaya naman pala malakas ang loob niyang tumawag kasi
line siya. Grabe nga eh, hindi rin naman siya aksaya ano?
Napansin kong napatagal na ako nun sa CR kaya nagbye narin ako sa kanya. paglabas ko eh nakita
kong si AD nalang yung nasa table tapos wala na sina mama.
Asan sila?
Uh, umuwi na.
Wow ha. Iniwan ako. nice naman.
Bakit naman nila ako iniwan. Pakadaya talaga oh. Natawa lang siya nun tapos sinabi niya na siya
yung maghahatid sakin.
Tahimik lang kami sa kotse nun. Katext ko nun si Kyle, niloadan kasi ako. Siguro nanghinayang din ng
kakatawag. Inasar ko nga eh pero ang sabi lang niya gusto daw niya na parati ako macontact. Kapag
tawag kasi hindi pwedeng palagi.
Sinong katext mo?
Si Kyle. Ni-loadan niya kasi ako.
Napa-aahhh siya nun tapos kumaliwa siya. May ilang minutong tahimik ulit kami nun bago siya
nagsalita.
Eh bakit ako hindi mo ko tinetext?
Napatingin ako sa kanya. Hello? Parang ibibigay niya yung number niya sa akin kung itanong ko dati.

Wala naman ako ng number mo eh. saka, kung hiningi ko ba siya dati bibigay mo ba?
Nag-isip pa siya nun. Ang inexpect ko ngang sagot niya eh, sabagay
Kaso ang lumabas sa bibig niya eh, Bakit naman hindi?
Tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Yeah sure, sinasabi mo yan ngayon kasi
mas close na tayo.
Natahimik ulit kami nun tapos bigla siyang tumingin sakin nung medyo nagstop yung car. Traffic kasi.
Ayaw mo talaga hingin number ko? sige na nga, ako nalang kukuha. Ano number mo?
Natulala lang ako nun at para bang automatic kong sinabi yung number ko. nagsmile pa siya nun
tapos pinaring niya yung phone ko. sinave ko naman yung number niya nun tapos natulala lang ako.
buti nga at hindi niya napansin kasi umandar na yung kotse.
Seryoso ba to? Si Mr. Anakin Dylan Domingo, hinihingi ang number ko?
Ano bang pinakain nina mama dito??
Chapter 18

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang hinawakan ng sobrang tagal yung cellphone ko. hindi ako palacellphone na tao kasi una, wala akong load at pangalawa, wala naman akong katext. Pero ngayon
Sender: KUYA AD
Message:
Nu gwa mo?
Sender: Kyle
Message:
Hey
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto ganyan silang pareho. Para bang alam nila na nagtetext din yun
isa kaya nagpapaunahan sila. Si Kyle maiintindihan ko kung bakit niya yun ginagawa pero si AD?
Parangmay nagbago yata.
Oh, bakit tulala ka diyan?
Okay na talaga si Kuya ngayon at sobrang saya ko kasi bumalik na siya sa dati.
Wala, nagtataka lang ako.
Tumabi siya sakin nun tapos umupo naman ako ng maayos.
About?
Kay AD---este KUYA AD.

Natawa sakin si Kuya nun tapos ginulo niya yung buhok ko. Intindihin mo na yung tao,
naguguluhan lang eh.
Huh? Naguguluhan saan??
Saan??
Basta. Maligo ka na, malapit na yung pasok mo.
Kuya Saan?? Ang daya naman nito eh!! sisimulan mo tapos bibitinin mo ko. Hmph!
Tinawanan lang niya ako nun tapos lumabas na siya ng kwarto. Weirdo talaga yun.
Pagkarating ko sa school eh nakasalubong ko si Julia. Syempre, as usual, kung anu anong
pinagkukwento sakin. Monthsary kasi nila kahapon kaya ayun, tuwang tuwa. Sinurprise daw kasi siya
ni Lester. Hay, ano kayang feeling nang ganyan?
Medyo maaga akong nakarating nun kaya nag-ikot ikot muna ako. may mga tao akong nakasalubong
na weird tumingin (yung mga batchmate ni AD) at may iba naman na friendly at nakasmile.
*TEET TEET*
Sender: Kyle
Message:
Gud am
Nagreply naman ako nun at ayun, nagsimula kaming magtext. Sinilent ko narin yung phone ko kasi
alam kong bawal siya sa school.
*TEEEET*
Sender: KUYA AD
Message:
Tngin k sa likod
Napatingin naman ako sa likod tapos nakita ko siyang tumatawa bago niya binulsa yung phone niya.
Bakit ba yung mga kuya ko weirdo?
Bakit andito ka? Ikaw ha, hinahanap mo ko no?
Well sure, may part na hinahanap nga siya pero, he doesnt need to know that.
Asa ka.
Tumawa naman siya nun tapos nagpasama siya sa classroom nila. wow no? siya yung sinasamahan.
Tanda tanda na niya eh.
*TEEEET*
Sender: Kyle

Message:
Nsa skul k n? pasok na ko
Natatawa din naman ako kay Kyle. Parang kelangan parati akong updated sa kung anong ginagawa
niya. yung tipong ginagawa ng magboyfriend at girlfriend
Sinu yan?
sino pa ba? Dalawa lang naman kayong nakakatext ko eh.
Ahh. Natahimik siya saglit nun tapos biglang nagstop sa harap ko. Nanliligaw ba siya sayo?
Si Kyle?? Hindi no.
Eh bakit parati mong katext?
Ikaw din naman ah parati kong katext pero nanliligaw ka ba? Hindi naman diba?
Wait, that sounded so wrong.
I mean..
Alam ko. Pero iba yung case ko. Im your kuya diba?
Naiinis talaga ako kapag pinapamukha niya sakin yan.
Yeah sure. Lumakad nalang ako nun. Hindi ko na kasi talaga alam yung gagawin ko eh. ang labo na
talaga. kahit ako hindi ko na alam kung ano bang dapat ko pang maramdaman. Para bang, hes
taking away my right to love him.
Nagsimula narin yung class. Okay naman siya. Hindi boring pero hindi rin ganun kaexciting. Normal
lang. may mga times na pasimple akong nagtetext. Ang kulit kasi ni Kyle eh. para bang hindi siya
pumapasok. O baka talagang pwede lang magtext sa St. Claire during class hours?
Nung break namin eh tinawagan ako ni Kyle. Nakakagulat nga eh pero ayun, wala narin akong
magagawa. Dun ako sa cr nagstay kasi nga bawal maglabas ng phone.
Pwede ba tayong magkita mamaya?
Magkita? Bakit?
May sasabihin lang kasi ako. Kelangan harapan ko siyang sasabihin. Importante lang talaga.
Okay sure. Saan ba?
Pupuntahan nalang kita.
Nag-okay nalang din ako nun tapos nagbye na siya. Natanong ko naman kung pwede yun phone sa
kanila, hindi rin pala. Takas lang pala yung lalaking yun at nung tumawag siya eh may class siya nung
mga oras na yun. Nag-cr lang daw siya para makatawag. Wow ha?

Pagkalabas ko ng CR eh nagulat ako kasi may isang matangkad na lalaking nakalean sa may pader.
Napatingin siya sa akin nun tapos umiling iling siya.
Magkakaoffense ka sa ginagawa mong yan eh.
Isusumbong mo ko?
Tumawa siya nun tapos nagshrug. It depends, sino ba yung kausap mo?
Uhhmy brother?
Ah okay, important pala eh. eh kung sinabi ko kayang si Kyle yun? Magiging important pa ba?
Antayin mo ko mamaya ha? 5 pa kasi uwi namin eh.
I cant. may lakad ako.
Ow? Saan?
Tinignan ko lang siya nun habang naglalakad kami. Napabuntong hininga nalang ako nun.
I lied. Im meeting Kyle mamaya at siya yung kausap ko kanina sa CR.
Napastop siya nun tapos tumingin siya sakin. Bakit daw?
I dont know. Sabi niya importante daw.
Sumimangot siya nun tapos tumahimik na. hindi niya ako tatanungin pa? hindi siya mag-aala
protective kuya at pipigilan niya ako?
Hindi mo ko pipigilan?
Tumingin siya sakin nun at parang nagulat pa siya.
Kapag pinigilan ba kita susunod ka? sabi niya tapos tumawa siya bago naglakad ng mabilis.
Oh, you just dont know me that much Mr. AD Domingo. Kung alam mo lang, I would turn my back
on others just for you.
Ang awkward nung lunch na yun. Siguro kung hindi dumating si Joey at si Julia eh forever quiet na
kaming dalawa. Ewan ko ba, hindi siya nagsasalita kaya hindi rin ako nagsasalita. Ang weird ko talaga,
Im losing Nikki and slowly, Im being Codie again. Ang labo eh.
Labas tayo mamaya Nikki! Tagal na nating hindi naghahang-out eh.
I cant. may lakad na ako eh.
Ay whatta friend to, pinagpapalit ako.
Sorry Julia, nauna na kasi siya eh.

Napa-aahh siya nun tapos tumingin kay AD. Ok, shes misunderstanding things.
Okay, ingat nalang kayo AD ha?
Napatingin si AD nun tapos he smiled, pero parang ang peke ng ngiti niya.
Yung Kyle yung kasama niya.
Wow ha, parang gamit lang si Kyle ah??
SI Kyle.
Tumingin siya sa akin nun tapos kinausap niya lang ulit si Joey.
LQ?
Napatingin ako kay Julia nun tapos sumimangot.
HindeQ lang.
Hindi naman kami lovers eh.
Natapos yung araw. Syempre, gaya ng napag-usapan eh nagkita kami ni Kyle. Sinundo niya ako sa
school nun tapos dinala niya ako sa park.
ano nga pala yung sasabihin mo?
Ngumiti ngiti siya nun tapos parang nagpapakipot pa. Wow, parang babae no?
Kelan lang tayo nagkakilala pero, I know that I really like you
Wait dont tell me..
Nagulat ako kasi may mga batang lumapit sakin tapos isa isang nagbigay ng roses na puti.
I cant stop myself from liking you anymore. Wala na akong pakielam kung sabihin nilang
infatutation lang to pero sure ako, its more than that. So..uh what Im trying to say is..
Can I court you? ANO DAW??
Chapter 19

Nashock ako nun sobra. Hindi ako makakilos, hindi ako makaimik. Hello!? Ito yata yung first time na
may nanligaw sakin.
Was that a joke?
Napahinga naman siya ng malalim tapos umikot yung mata niya at umiling iling siya.

Ilang beses ko ring pinractice sa mirror yun tapos tatanungin mo lang ako kung joke ba yun? Wow
ha.
Natawa ako sa kanya nun tapos pinalo ko siya. Mahilig nga akong mamalo.
Err, sorry na ah. First time kasing may gumawa sakin nito eh.
Naging soft yung expression niya nun tapos tumingin siya sakin ng diretso. Nagblush nga ako nun eh,
sa di malamang dahilan. Medyo sumikip din yung dibdib ko at para bang hindi ako makahinga.
Hindi kaya..?
Paano si AD?
Tsaka ayaw mo nun, at least ngayon, hindi ikaw yung naghahabol.
Ayoko namang pumayag nang yan ang dahilan. Hay, ang gulo.
Can I think about it first? Bukas ko nalang sasabihin yung sagot ko.
Sure. Ngumiti siya nun tapos hinatid na niya ako pauwi. Nagulat pa nga ako nun kasi may
nakita akong isang napakapamilyar na kotse na nakapark sa harap ng bahay namin. pagpasok ko
naman eh andoon si AD sa sala at kasama si Kuyapareho silang naglalaro ng PSP.
Wow, kelan pa naging game center tong bahay natin Kuya??
Tumawa sila pareho nun tapos umupo naman ako sa chair sa tapat nila.
Anong nangyari sa date niyo?
Umirap ako nun tapos tumingin ako sa kanya ng diretso. It wasnt a date okay?
Tumawa siya nun na para bang hindi siya naniniwala sa pinagsasabi ko. whats with him?
Ito naman, hindi naman ako magagalit kung may date ka eh. Its normal for teens your age.
Napa-ugh nalang ako nun. Theres no point in explaining. Ayaw din naman kasi nilang maniwala sa
pinagsasabi ko eh.
Nung paalis na si AD eh tinawag nila ako pababa. Ihatid ko daw hanggang sa may gate. Nako naman,
ang sarap na ng paggamit ko ng pc sa taas tapos papababain lang nila ako?? Tss.
Lumakad lakad muna kami ni AD nun bago niya naisipang umuwi. Ewan ko, nagpakwento dun sa
nangyari kanina eh.
Ano yung importanteng sinabi niya?
He asked kungpwede daw bang manligaw.
Anong sinabi mo?

I saidIll think about it first. Hay, gusto kong sabihin sa kanya na siya yung dahilan kung bakit ako
nagdadalawang isip pero ang awkward masyado.
Soanong napag-isipan mo?
Wala pa. narinig ko siyang tumawa nun pero parang pilit lang.
Bagay kayo no. saka, makakabuti rin yun para sayo. Kasi isipin mo, simula nung nawala na yung
pagkagusto mo sakin eh parang hindi ka na nagkaroon ng bago. Hahah.
Tinignan ko siya nun at napabuntong hininga nalang ako ng mahina. Sino bang nagsabi na nawala na
yung pagkagusto ko sa kanya? : kung pwede lang sana.
S-siguro nga. Natahimik kaming pareho nun. After ilang minutes eh bigla siyang tumawa ng
mahina.
Sige pala. Late na oh. May kelangan pala akong gawin. Sige, bye.
Makikipagbeso sana ako sa kanya kasosa iba tumama.
Namula kami pareho at hindi nakaimik. That wasawkward.
Pagkaalis niya eh napahawak ako sa lips ko. First kiss ko yun. OMG.
Huy, anong nangyari sayo? Bakit mukha kang bangkay?
Yeah, hindi ako nakatulog buong gabi. Paano, paulit ulit sa utak ko yung pangyayari eh. grabe nga eh,
hindi talaga ako makapaniwalang nangyari yun. Isipin mo, sa lahat ng tao, siya talaga eh.
Hindi ako makatulog eh.
Nako, ngayon ka pa naganyan eh malapit na yung exams natin.
Nagshrug lang ako nun tapos pumunta na ako sa classroom namin. gaya nga ng sabi ni Julia,
napakadaming itinambak na information samin nung araw na yun. Grabe, ang daming lessons na
hindi ko maintindihan kasi sobrang sumasakit yung ulo ko. nahihilo hilo pa nga ako nun eh kaya nung
hindi ko nakayanan, pumunta na ako ng clinic.
Nung lunch break naman eh nagulat ako kasi yung taong pinakaayaw kong makita sa araw na yun eh
bumisita sakin.
Sabe ni Julia andito ka lang daw.
Hindi ko siya tinitignan nun kasi nahihiya talaga ako at sobrang pula ng pisngi ko nun.
Narinig ko siyang humila ng upuan sa tabi ko tapos umupo siya. Parang magsasalita siya nung mga
oras na yun pero hindi niya tinutuloy. Naguguluhan nga ako sa kanya eh.
Uh, yung kahapon
Lalong namula yung mukha ko nun, kung posible man mangyari yun.

Kalimutan nalang natin yunI meanaccident lang naman yun eh. dont treat it as youruhh,
first kiss.
Nanghina ako ng mga oras na yun. So ganun nalang?
Tumingin ako saglit sa kanya nun. Feeler ka, hindi ikaw first kiss ko no!
Tinago ko ulit yung mukha ko sa unan nun at sunod ko nang nalaman eh tumutulo yung luha ko.
pasalamat ako nun at hindi ako nanginginig kundi, nako.
Ow?? Ganun. Hahaha, kinabahan ako eh. akala ko ako yung first kiss mo. Buti nalang.
Makakahinga ako ng maluwag. Hahaha
Hindi ko siya iniimik nun. Ni hindi ako gumagalaw. Ewan ko ba, parang nawalan ako ng lakas,
physically and mentally.
Sige, magpahinga ka nalang muna. Daanan kita dito mamayang uwian kung hindi ka pa kaagad
makakabalik. Bye..
Hindi ko napigilan nung mga oras na yun pero napahikbi ako. sobrang hiniling ko nun na sana hindi
niya narinig at ayun, mukhang pinakinggan yung hiling ko at diretso alis lang siya.
Nung narinig kong nagclick yung pintuan eh tinanggal ko na yung pillow sa mukha ko. tinignan ko
yung upuan na iniwan niya tapos pumikit ako.
Kalimutan nalang natin yunI meanaccident lang naman yun eh. dont treat it as youruhh,
first kiss.
Kung ganoon lang kadali yun, eh di sana matagal ko nang ginawa.
Nung break time eh bumalik na ako. nakatulog na kasi ako ng maayos kaya ayun. Medyo marami
akong lesson na namiss kaya ayun, hiniram ko nalang yung notes ng classmate ko tapos kinontrata
ko si Julia na turuan ako after school. Well, after kong kausapin si Kyle.
Yeah, Ive made my decision at kung ano mang mangyari after ng desisyon kong yun, bahala na.
By dismissal eh hindi ako nagpapakita kay AD. Pumunta naman si Kyle nun sa school tapos naglakad
lakad lang kami. Hindi kasi kami pwedeng lumayo kasi magpapaturo pa nga ako.
Sabi ko sayo na ngayon ko bibigay yung decision ko diba?
Tumango naman siya nun tapos pumikit pa siya na para bang negative yung sasabihin ko. medyo
natawa ako nun sa loob loob ko, mukha kasi siyang constipated eh.
Ano ba yan Nikki, serious dapat.
Well, Ive decided nasige.
Tumingala siya nun tapos nanlalaki pa yung mata niya.

Seryoso ka??
Oo naman, bakit? Ayaw mo?
Umiling siya nun tapos napataas yung kilay ko. Este, gusto gusto!
Natawa talaga ako nun kasi para siyang batang binigyan ng lifetime supply ng candy.
Bakit hindi ka makapaniwala?
Nagsmile siya ng wide nun tapos yumuko ulit at tumingin sakin.
Eh kasi diba si AD yung mahal mo? Akala ko wala akong pag-asa kaya natakot ako.
Medyo nawala yung ngiti ko nun tapos nagulat ako kasi sa hindi kalayuan eh nakita kong nakatingin
samin si AD at palapit siya. Nung saktong nakita kong medyo malapit na siya at may possibility na
marinig niya yung sasabihin ko eh nagsalita ako.
Siya? Mahal ko? Infatuation lang yun.
Nakita kong natigilan siya nun tapos yumuko siya at umalis. Nasaktan ako dun sa reaction niya pero
mas nanaig yung feeling ng sakit na naramdaman ko kanina sa clinic.
Nagpaalam narin ako kay Kyle nun tapos hinanap ko na si Julia. Nagulat ng ako kasi kasama niya sina
Joey at AD. New barkada eh.
Sabay sabay kaming naglalakad nun. Si Joey at Julia lang yung mostly na nagsasalita nung mga oras
na yun.
Oh, himala yatat tahimik ka Nikki?
H-Ha? Wala. May katext kasi ako.
Well, hindi naman siya purong kasinungalingan. Katext ko naman talaga si Kyle nung mga oras na
yun.
Wow may load ka? parang dati lang eh tamad na tamad kang magpaload at hinayang na
hinayang ka sa pera mo. Bakit biglang nagbago isip mo?
Hindi naman ako nagload dito eh. Si Kyle.
Wow, payag ka nun KUYA AD? May pumoporma sa little sister mo.
Napatingin kaming lahat kay AD nun tpaos tumawa lang siya ng pilit at biglang kumunot yung noo,
yung tipong nag-iisip ng malalim.
Ikaw nga girl tapatin mo ko, ano bang status niyo ni Kyle? Nakakahalata na ako eh.
Yeah, siguro dapat narin nilang malaman.
Uhnanliligaw na siya.

Napasigaw nun si Julia kasi hindi niya inexpect yun. Alam ko sa loob loob niya eh nagtataka siya kung
bakit ako pumayag. Alam ko namang alam niya na si AD parin talaga, kahit anong tawag ko sa kanya
ng kuya at kahit anong pilit niyang maging brother ko.
Woah, alam ba ni Kuya yan?? Pasado ba sayo dude?
Uhh, sure.
Kumunot yung noo niya nung mga oras na yun tapos bigla niyang inakbayan si AD.
Okay ka lang ba? Parang ang tamlay mo yata? Yan ba ang sign ng pagiging lonely ng isang kuya?
Lahat nagdadaan sa ganyan pare, sinasabi ko sayo. Ganyan din ako nung una kong nalaman na
may crush yung kapatid ko.
Tinignan niya ng masama si Joey nun tapos binatukan.
Ilang taon lang ba kapatid mo? Eh diba 5 years old palang yun??
Oo nga pero alam mo yun? Nasanay ako na ako lang yung gwapo sa paningin niya. tsaka ako lang
yung center of attention niya. ngayon kapag kinakausap ko eh naiirita, kesyo busy daw siya.
Pare, incest yan.
Siraulo.
Natawa nalang kami ni Julia nun. Ang kulit din talaga nitong si Joey eh.
Pero alam mo pare, ganyan talaga yan. Minsan gusto natin na tayo lang yung mahal ng mga
kapatid natin.
Gag*
Bakit ganun? Parangit sounded differently. Para bangmay double meaning yung sinabi ni Joey??
Or is it just me?
Chapter 20

Sender: Kyle
Message:
Gud am
Ganyan, uma umaga eh parati siyang may text sa akin. Actually, hindi nga lang umaga eh.
meron sa tanghali, at saktong 12 noon pa, tapos meron sa gabi. Minsan kapag lunch time
namin eh magtetext yan ng bon appetiti, akala mo kung sinong French. Hahah.
Ang sweet naman ni Kyle.
Yeah..sweet. binasa ko lang yung hand-out ko nun. Exams na namin nung araw na yun. Syempre,
kahit papaano eh nakapag-aral naman ako ng maayos. Yung ibang hindi maturo ni Julia eh si KUYA

AD na yung nagturo. Ewan ko sa kanya, nagprisinta siya eh, wala naman akong nagawa. Good Idea
rin daw kasi yun sabi ni Kuya Nike.
Yeah sure.
Matanong nga kita Nikki, ikaw ba eh pinapaasa mo lang yang si Kyle?
Napatingin ako kaagad kay Julia nun. Ako? pinapaasa si Kyle?
Paano mo naman nasabi?
well, for one, halata namang si AD parin ang laman niyan eh. sabi niya sabay turo sa may dibdib
ko.
Napabuntong hininga nalang ako nun. I know it sounds mean pero, I like him naman eh. yun nga
lang, hindi katulad nung pagkagusto ko kay AD.
Hayalam mo? Wag mong sayangin yung pagkakataon. Ayan na si Kyle eh. may magmamahal na
sayo, bakit hahanapin mo pa yung hindi ka naman mahal?
Ang ouch naman nun.
kapag nagmamahal ka naman ng tao eh hindi dahil mahal ka rin niya.
Umirap lang si Julia nun at pagkatapos eh nagpatuloy na kami sa pag-aaral.
Nang matapos yung exams eh medyo nakahinga ako ng maluwag. Syempre, bawas burden din yun. 3
down, 4 to go. Hay, buhay, bakit ba pagkahirap hirap mo?
Sender: Kyle
Message:
Exms nyo pla tas
Txt aq ng txt. Xri po.
Nagreply naman ako na wala lang yun. Wala lang naman talaga eh, kahit naman may katext ako o
wala eh hindi naman ako kaagad nag-aaral.
Nagulat ako kasi biglang nagring yung phone ko nun.
Kyle calling...
Sinagot ko naman kaagad nun.
Hey.
Uy, bakit tumawag ka pa? sayang din.
Hindi ah. Bakit naman masasayang? Tsaka, namiss ko yung boses mo eh.
Natawa naman ako nun. Parang nung isang araw hindi kami nagkita ah?

May kung anu ano pa siyang kinuwento nun pero tahimik lang ako. parang ngayon, narerealize ko na
nakakaawa si Kyle. Totoo, mahal ko parin si AD at ewan ko kung magbabago pa ba yun. Ang hirap eh.
kapag nakikita ko kasi siya eh hindi ko makalimutan yung nararamdaman ko.
Okay ka lang?
H-Huh?
Kung may problema kasabihin mo lang. napasimangot ako nun. Ang bait niya. sobrang bait. He
doesnt deserve this.
Can we meet? Day after tomorrow. After ng exams namin.
sure, sunduin nalang kita. Text mo ko kung dismissal niyo na.
Okay okay. Sige, mag-aaral na ako. Bye.
Okay, ingat. Good luck sa test mo bukas. I love you.
Natigilan ako nung sinabi niya nun tapos bigla kong pinindot yung end call.
I love you.
Matanong nga kita Nikki, ikaw ba eh pinapaasa mo lang yang si Kyle?
Kelangan ko na talagang ayusin to.

WOOH! TAPOS NARIN ANG EXAMS SA WAKAS!


Natawa ako sa mag classmate ko nun kasi lahat sila ang saya saya. Ako lang ba ang hindi? Ang weird
naman.
Magkikita na kasi kami eh. at napagdesisyunan kong patigilin siya kasi ayokong paasahin siya. Oo nga,
masasabi ng iba na napakabilis peroayoko talagang umasa siya sa wala. Kasi aminin ko man o hindi,
AD parin talaga ako hanggang ngayon. Nakakatawa nga eh, parang kelan lang ang bilis kong
magkaroon ng bagong gusto. Pero ngayon, parang ang standards ko nakaset kapareho sa kung ano si
AD.
Kung baga, siya yung perfect guy ko.
Oh, saan punta mo? Lalakwatsa ka na naman??
Ngayon nga lang ulit eh.
Sus. Sino kasama mo?
SI Kyle. May sasabihin lang ako..
Napa-ahh siya nun tapos tumahimik siya. Bakit kapag si Kyle ang topic eh tahimik lang siya? Sabihin
nga niya, ayaw ba niya si Kyle para sakin?

Ayaw mo ba kay Kyle?


Halatang nagulat siya nun kasi agad agad siyang napatingin sakin.
Hindi ko naman kilala yung tao eh.
Yun na nga eh. bakit ganoon nalang siya makareact?
Ahh, napagdesisyunan ko kasi na
Wait, dont tell me sasagutin mo na siya? Nikki, love takes ti---
Hay nako, ayan na naman yung lecture mo eh. oo alam ko. It takes time. Hindi ko naman siya
sasagutin eh. baliktad pa nga eh. :
Nagulat siya nun at napatingin ng diretso sakin.
Bakit? Akala ko ba gusto mo siya?
Kelan ko ba sinabing gusto ko siya?
Sumimangot siya nun tapos nagbuntong hininga.
Kawawa naman yung tao.
Medyo nainis ako nung mga oras na yun.
Alam mo AD? Ang labo mo. Ipaparamdam mo na hindi mo gusto yung tao para sakin tapos
ngayon sasabihin mo na kawawa siya?
Huminga ulit siya ng malalim nun tapos tumingin sakin.
AS a guy, naaawa ako sa kanya. Pero as your kuya, hindi ko siya gusto para sayo.
Eh di yun, lumabas din. Ayaw pala niya talaga kay Kyle eh.
At pinagdiinan na naman niya yung pagiging kuya niya.
Nakakainis ka alam mo yun?
Hindi ikaw ang unang nagsabi niyan.
Aalis na sana ako nun para makipagkita kay Kyle nang tawagin niya ako.
Uhh, pwedeng malaman kungbakit?
Bakit ano?
Bakit mo siya patitigilin?

Tumingin ako sa baba nun tapos sa kanya. hes really asking that question? For someone whos
sensitive, ang manhid manhid niya.
Ikaw, ano sa tingin mo?
Ito naman, ang ayos ng tanong ko tapos sasagutin mo ng ganyan? Labo nito, sige na. makipagkita
ka na.
Pagkatapos nun eh nauna na siyang lumakad.
Hindi niya nagets no? kelan kaya niya magegets na siya yung dahilan kung bakit ko ginagawa to??
Hinintay ko nalang si Kyle nun tapos dumating narin naman siya after ilang minutes.
sorry nalate ako. kakagaling ko lang kasi sa photoshoot. Tara?
Inoffer niya yung kamay niya sa akin nun tapos nung nakita ko yung mukha niya na pagod na pagod
at halatang nagmamadali siyang pumunta dito, hindi ko napigilang umiyak.
Hey, bakit? Sorry talaga kung nalate ako. naghintay ka ba? Sorrywag ka na umiyak oh.
Grabe, nakakaguilty sobra.
Kyle sorry..
Napatingin siya sakin nun tapos hinawakan niya ako sa pisngi.
Naiintindihan ko.
Nagulat ako nun at tumingala. Alam niya??
Alam mo kung bakit?
Nung una palang kitang tinanong alam kong darating yung araw na to. Sa totoo lang, inexpect ko
nga na hindi mo ko papayagan eh kaya parang bonus nalang din para sakin yung pinayagan mo
ko.
Kyle peronapaasa kita.
I dont mind. Ganoon naman ang panliligaw eh, hindi assurance na pinayagan ka na manligaw eh
magiging kayo.
Napasimangot ako nun. Sobrang bigat talaga sa loob ko yung nangyayari. Ako yung nasasaktan para
sa kanya. feeling ko napakasama kong tao sa paggawa sa kanya ng ganito.
Pero Nikki, may request sana ako
Tumingin ako sa kanya ng diretso nun. Nakayuko siya nung mga oras na yun at nung tumingala siya
eh sobrang nagulat ako at sobrang sakit ng feeling ko.

Kung pwede sana, wag mo kong patigilinalam mo na, Im still hoping na, kahit papaano,
mapalitan ko siya.. he was crying.
Hindi yung hagulgol pero, yung pag-iyak niya eh yung tipong kaaawaan mo talaga. pumikit naman
ako nun. Ayoko ng ganito. Ayokong makasakit ng ibang tao. Pero ewan ko, ang weird. Para
kasingang sarap ng feeling na may umiiyak para sayo.
Kyle..
Please Nikki.
Pero alam mo Kyle? Ill be honest with you. The moment na dumating ka, I wanted to back out.
Kumunot yung noo niya nun at para bang sobrang confused siya.
I dont know kung naaawa lang ba ako or what. Siguro nga, part narin yun ng reason ko. Pero,
may naramdaman pa akong iba na hindi ko maexplain nung nakita kita.
bakamay pag-asa ako. sabi niya tapos sabay grin. Tignan mo to, nanloloko pa. seryoso yung tao
eh.
Siguro.
Ngumiti siya ng sobra sobra nun tapos niyakap niya ako. nagulat nga ako eh pero bigla rin siyang
bumitiw.
Okay na para sakin yun. Masaya na ako. salamat Nikki. Medyo napasimangot ako nun pero
hinayaan ko nalang.
No, ako dapat magthank you. Kasinaiiintindihan mo ko. Ikaw lang yata yung taong ganyan sakin.
Yung tinatanggap yung pagkaweird ko.
Well, theres this other guy perosi Kyle lang talaga yung sa simulat simula palang eh tanggap na
yung pagkaloka loka ko.
Haha. Ganun? Eh iba karin eh. biruin mo, ikaw ang pinakaunang babaeng iniyakan ko. hindi pa
nga kita girlfriend niyan eh.
Natawa naman ako sa kanya nun at pinalo ko siya. Nakuha pang mambiro.
Hinatid niya ako nun sa bahay tapos nagpaalam narin. Gaya nung isang linggo, may nang-invade na
naman sa bahay namin.
Tsismoso ba to o talagang walang magawa??
Chapter 21

Anong nangyari?
Ahh, tsismoso nga.

Talagang dumayo ka dito at naghintay para lang malaman?


Inikot niya yung mata niya nun tapos minadali pa ako. wow ha. Sarap batukan.
dali na.
Ihindi ko na tinuloy.
Huh??! Bakit??
Kumunot naman yung noo ko nung mga oras na yun. Anong gusto niyang gawin ko? eh sa hindi eh.
Ewan ko..
Ano ba yan---
I might like him.
Natigilan siya nun. Medyo nanlaki nga yung mata niya tapos tumango tango nalang siya.
I see.
Tumayo na siya nun tapos nag-ayos ng gamit. Nung bumaba si Kuya eh nagpaalam narin siya.
Una na ako. Bye.
Teka, ano bang problema nito?
Oh bakit ganyan ka??
Wala. Gusto ko lang umuwi. Naiinis na talaga ako sa kanya nun kaya hinila ko siya.
Hindi eh! alam ko namang ayaw mo si Kyle para sakin.
Alam mo naman pala eh, bakit mo tinatanong pa?
Sa sobrang inis eh hindi ko napigilan na umiyak. Ano ba yan, ang iyakin ko naman ngayong araw.
Sobrang nakakainis ka na! para bang ayaw mo akong sumaya eh!
Tumakbo na ako papasok nun. Hindi ko na siya nilingon kahit na tinawag niya ako ilang beses.
Nakakainis siya. Nung siya yung gusto ko kinaiinisan niya ako. ngayong may possible na pumalit sa
kanya eh ayaw niya naman dun sa lalaking yun. Ang weird niya talaga! nakakainis.
Ni hindi p anga ako nakakaget over sa kanya tapos ganyan siya?? Paano na ako makakamove on
niyan?!
*KNOCK KNOCK*
Nikki..?

Hindi ko sinagot pero pumasok parin si Kuya. Umupo siya sa tabi ko nun tapos hinawakan yung
balikat ko.
Intindihin mo nalang siya Nikki.
Intindihin? Simula pa nung nakilala ko siya ako na yung umiintindi! Nakakasawa narin eh.
So hindi mo na siya mahal ngayon?
Nagulat ako nun at natameme.
Oo alam ko. mahal mo yung tao. Hindi ka naman magkakaganyan kung infatuation lang yun eh.
Napasimangot ako nun at yumuko ako.
Hay, ang kabataan nga naman ngayon oh..parating in denial.
Hindi ko naman dinedeny eh.
Pero gusto mong mawala kahit alam mong hindi kayang mawala.
Yun yun eh. sapul na sapul.
Kaya naman ehsiguro matatagalan lang. kelangan hindi ko siya makita para magawa ko.
Nag-tsk si kuya Nike nun at pagkatapos eh tumayo na siya.
Hay nako, magpakatotoo nalang kasi kayo para di kayo nahihirapan.
Inerapan ko lang si Kuya nun tapos nagbuntong hininga narin ako. Ang hirap magpakatotoo kung
yung taong involved eh pinagpipilitan na hanggang diyan nalang kayo.
Natulog narin ako ng maaga nun at nagising din ako ng maaga. Masyado ngang maaga eh kaso wala
akong magawa kaya ayun. Weekend na ngayon, walang pasok. Ibig sabihin, boring ang buhay.
Nagjogging nalang muna ako nun kasi wala talaga akong magawa. Tulog pa nun yung mga tao sa
bahay kaya hindi ako nag-iingay. Dinala ko lang yung i-pod ko tapos tumakbo narin ako sa park.
Ang sarap ng feeling ng hangin nung umagang iyon. Sobrang lamig niya tapos parang hindi siya yung
moist at malagkit. Tamang tama nga yung tiyempo ko para tumakbo eh.
Mabilis naman na kanta yung pinatugtog ko. kapag upbeat kasi eh lalo akong ginaganahan. Siguro
nga, dala narin ng pagkaenjoy ko at earphones sa tenga ko eh hindi ko napansin yung taong
kasalubong ko kaya nagkabungguan kami, big time. Tumalsik ako eh.
Ouuch..
Sorry! nang magkatinginan kami eh umiwas ako kaagad ng tingin. Shoot, bakit ba hindi ko naisip
na dito to nagjojogging?

Tumayo nalang ako kaagad nun at pagkatapos eh lumakad na paalis. Nilagay ko kaagad yung
earphones sa tenga ko in case tawagin niya ako. may last nga ako narinig pero hindi ako sure kung
tama ba yung rinig ko. Something like, Sorry Nikki.
Dahil kaya yun dun sa kahapon? Ah ewan, bahala na.
Pagkauwi ko eh gising na yung mga tao. Si kuya nga eh inasar pa ako na tumataba daw ako kaya ako
nagjojogging. Ano siya, gusto ko lang maging fit no!
Nung araw na yun eh niyaya ako ni Kyle na lumabas. Syempre, pinagbigyan ko naman siya kaya
nagpaalam ako kina mama. Nung kay Kuya Nike na ako nagpaalam eh..
Okay, basta kasama si AD.
Teka nga, nananadya ba to??
Kuya naman!
Eh ni hindi ko nga kilala yang manliligaw mo tapos lalabas kayo? Paano nalang kung may gawin
siya sayo?
Di bale! Mamaya papakilala ko!
Isama mo na si AD dali.
Ugh! Nakakaasar naman tong si Kuya eh!!
Ehhh!
Actually, natawagan ko na siya so wala ka nang magagawa.
Nagpout ako nun at nagcross arms. This cant be happening.
After ilang minutes eh dumating si AD. Hindi ko siya pinapansin nun kasi naiinis ako sa kanilang
pareho ni Kuya Nike.
Dumating si Kyle nun at pinakilala ko siya kay Kuya Nike. nagulat nga siya kung bakit sumusunod
si AD samin pero ang sabi ko eh wag nalang niyang intindihin.
Kinuwento ko naman sa kanya yung tungkol sa away namin at alam niyo kung ano sinabi niya?
Baka naman nagseselos lang.
Binatukan ko nga siya nun eh. Bakit naman yun magseselos eh wala naman siyang gusto
sakinDIBA?
Paminsan minsan eh nililingon ko siya sa likod. Napapansin ko nga na may mga babaeng lumalapit sa
kanya at ang awkward ng feeling para sa kanya.
Syempre medyo naawa na ako sa kanya kaya nag-excuse muna ako kay Kyle nun nandoon kami sa
isang shop at kinausap ko si AD.

Umuwi ka na kaya..
Hindi..okay lang sakin.
Sumimangot naman ako nun.
dali na..
Hindi ako uuwi nang hindi ka kasama.
Napabuntong hininga ako nun. Wala na akong magagawa.
Lumapit ako kay Kyle nun tapos nagsorry.
I need to go.
Ahhokay. sige, next time nalang.
Nagbye ako sa kanya nun tapos sumama na ako kay AD pauwi. Nakakainis naman.
Nasa jeep kami nun at tahimik kaming dalawa. Konti yung tao sa jeep nun at yung nakasabay pa
namin eh isang nanay na pinapagalitan yung anak niya. grabe nga eh, awang awa kami dun sa bata
kasi talagang todo sermon yung nanay.
Pagkababa namin ng jeep eh nagtrike kami papaloob ng village namin.
Yung kanina
Hayaan mo na yun.
Sumimangot siya nun tapos napabuntong hininga. Oo, naiinis talaga ako, pero ano nga bang
magagawa ko? mas nananaig yung pagmamahal ko para sa kanya eh.
Pagkarating namin sa bahay eh bumaba lang siya saglit at pinaghintay yung trike. Hinatid niya ako
hanggang gate tapos nagbabye na siya.
Bye AD---este, Kuya AD.
Okay lang.. At pagkatapos nun eh umalis na siya.
Teka, anong ibig sabihin nung okay lang na yun?! Okay lang na tawagin ko siyang AD o okay lang na
nagkamali ako at wala lang sa kanya??
Pahirap naman oh!
Chapter 22

Mabilis lang lumipas ang panahon. Palabas labas kami ni Kyle at hindi na sumama pa si AD.
Napapayag ko naman si Kuya Nike na hayaan kami nang mapakilala ko. sabi pa nga niya,

Okay siya. Pero mas gusto ko yung isa.


Yung isa? Si Kyle palang naman ang pinapakilala kong manliligaw ah?? Di kaya, si AD? Weehh, hindi
naman nanliligaw yun eh.
Malapit na ang isa sa main events ng school namin. Ang Academic Week. ito yung week na puyatan,
paguran at pigaan ng pawis para lang yung mga ipepresenta naming performance eh maging
maganda. May mga tao na nagkakainitan na ng ulo pero buti yung class namin eh nag-eenjoy kahit
papaano.
Practice na naman? Practice kayo ng practice, may nagagawa ba kayo? Hay nako! Gabi gabi ka
nalang lumalabas ah!
Binatukan ko naman siya nun.
Ang OA mo kuya ha! Kung sina mama nga pinapayagan ako eh.
Nagcross arms siya bigla nun tapos nagpatampo effect pa.
Sige, naiintindihan ko. alam ko namang walang saysay ang opinion ko para sayo.
Tignan mo to, ang sarap kutusan eh. ano bang nakain nito at ganito kahyper to?!?
Ewan ko sayo kuya. Ang labo mo.
teka, papasundo na kita kay AD para hindi ako nag-aalala.
Natigilan naman ako nun. Isa pa itong reason kung bakit hindi ko malimutan si AD eh, masyado kasi
akong dinidikit ni Kuya Nike sa kanya. para namang hindi niya alam na hirap ako.
Wag na, susunduin ako ni Kyle.
Tumingin siya sa akin at nanliit pa yung mata niya sa akin. Kayo na ba??
Nasamid naman ako dun sa inumin ko nun tapos napatingin ako sa kanya. Alam mo, praning ka din
eh ano? iilang buwan palang nanliligaw yung tao eh.
Wala naman sa tagal ng panliligaw yun eh. Nasa nararamdaman. Bakit, hindi mo ba siya mahal?
Kung hindi mo siya mahal dapat basted-in mo na siya ngayon palang kesa umasa siya.
Napasimangot naman ako nun. Kung alam lang niya.
Andoon parin kasi kami sagetting to know process.
Dun ka na kasi sa kilala mo talaga. kesa yung naghahanap ka pa ng iba.
Inerapan ko lang siya tapos inayos ko yung bag ko at umalis narin ako.
Pagkarating ko ng practice eh medyo nagkakagulo yung class namin. nang tanungin ko naman kung
anong nangyayayari eh

Ikaw kasi Nikki eh! ikaw naman kasi talaga yung may kasalanan eH!
Wow ha, parang kararating ko palang tapos ako yung problema? Nalate ba ako? ano bang nagawa
ko? eh diba propsman lang naman ako?
Huh? Bakit ako??
Nagtinginan ng masama sakin yung mga kaklase ko kaya napaback-off ako. teka, joke lang ba to o
seryoso?
Mukha bang joke? Eh halos mapatay ka na ng tingin nila eh.
Hala, teka naman. Hindi ko talaga magets. Ano bang nagawa ko??
Ang tagal tagal mo kasing dumating! Kanina pa kami handa!
Medyo naluluha na ako nun kasi pinagtutulungan talaga nila ako. pingil ko lang yung iyak ko nun kasi
baka lalo lang silang mainis. Tumalikod ako nun at lalapit na sana sa mga propsmen kung hindi lang..
Atat na atat na kaming gawin to!
Nagulat nalang ako nang biglang may confetti tapos may mga party poppers na nagpop.
Surprise!
Hindi ko napigilan yung luha ko nun na lumabas. Ewan ko, nagulat kasi ako eh.
Teka nga, birthday ko ba? Ang alam ko kasi sa december pa birthday ko eh ano lang ngayon?
November??
Hala kayo pinaiyak niyo! Lagot kayo niyan!
Uy Nikki wag ka na umiyakbiro lang naman yun eh.
Natawa lang ako sa kanila nun kasi todo patahan sila sakin. Hindi ko kasi talaga mapigilan yung luha
ko nun eh. isipin mo, sermonan ka ba ng ganun ng mga mahigit 10 na katao. Anong mafefeel mo??
Wait anong bang meron??
Ngumiti silang lahat nun at biglang nagseparate yung mga tao sa harapan ko. nagulat ako nun kasi si
Kyle nakatayo, nakaporma at ang gwapo gwapo tapos may hawak pa siyang flowers.
Kyle??
Hi Nikki.
Lumapit ako nun sa kanya tapos yung mga tao sa paligid namin eh kanya kanyang kantiyaw.
Para saan to?

Well, ang babaw niya actually. Hindi siya naturally cinecelebrate, I guess its just me. Hahah
Natawa naman ako nun sa kanya.
Happy third month.
Wow, parang kami eh no? kumunot yung noo ko nun at natawa siya.
Okay, its not that kind of thing. Basta, para sakin kasi big deal na yung tumatagal ng 3 months sa
panliligaw. Naniniwala kasi ako na malas yung 3 kaya parang kapag nanligaw ka eh kapag
dumating sa point na ika-3rd month mo na eh baka malasin ka. Im just happy na kahit 3rd month
na eh ganun parin. Saka, its been 3 months since the day we met and gusto ko lang ipakita sayo
kung gaano ko naaappreciate na nakilala kita. Sorry ha, ang babaw ko.
Hindi! Ang sweet nga eh!
Natawa ako nun sa ibang classmates ko tapos umalis na sila isa isa para iwan kami ni Kyle.
hindi mo na dapat ginawa to..
Well, I just want to do things for you. Ayoko gumawa ng traditional things. Yung mga bagay na ieexpect mo. Nakakasawa kasi yung ganun diba? Saka, hindi kasi ako expert sa ganitong bagay
kaya hindi ko alam kung anu ba dapat kong gawin. Hahah, pasensya na ah.
hindi daw expert. Sa hitsura mong yan??
Hahah, hindi kasi ako yung nanliligaw dati. Sila yung lumalapit automatic.
Wow, bigla yatang bumagyo. Umirap ako nun tapos tinawanan niya ako.
Wala kang photoshoot ngayon?
good boy ako ngayon. Pumasok ako sa school. heheh.
Abay buti naman. Parang ang tagal mo yatang absent sa school niyo eh.
hindi naman masyado. 4 days lang.
Wow, hindi nga masyado.
alam mo Kyle, i-prioritize mo yung talagang importante para sayo.
Oo nga, kaya nga pinaprioritize kita.
Binatukan ko naman siya nun at sinabihan ng tange. Pero in fairness, kinilig ako.
I mean, yung studies mo.
Nagsmile siya nun tapos tumango lang. I know.

Umalis narin siya after ilang minutes. Exam pala nung loko tapos naisipan pang gawin to. Sus, naku
talaga oh. Sinabi ko rin na wag na niya akong sunduin at mag-aral nalang siya. Magrereklamo pa sana
siya nun kung hindi ko lang siya tinignan ng masama eh. ayun, pumayag naman.
hay Nikki, ang swerte mo talaga kay Kyle. Hes really sweet. Sagutin mo na!
Natawa naman ako sa kanila nun tapos umirap lang ng pajoke.
Ano ka, mas gusto ko parin kaya yung Nikki-AD tandem!
Wow, ginawan ng tandem??
Imposibleng mangyari yun. WEre siblings daw eh.
Nagtaka yung mga classmate ko nun tapos kung anu-ano na yung tinatanong.
ewan ko, bakit hindi siya yung tanungin niyo??
Aalis na sana ako nun nang biglang may narinig akong boses.
Oo nga, bakit hindi siya yung tanungin niyo?
Teka, kelan pa yan andiyan?!
Chapter 23

Nagulat ako nun at humarap ako sa kanya. may ilang babaeng nagtilian kasi crush nila si AD.
Anong ginagawa mo dito?
Pinapasundo ka sakin ni kuya Nike.
Hay nako, si Kuya talaga. napakakulet!
Ang aga naman?
Maaga? 7 na kaya! Sinong matinong babae ang gumagala pa ng 7 ng gabi??
Umirap ako nun tapos yung ibang classmate namin eh tumatawa tawa lang.
Nung una kuya, ano ngayon? Tatay? Baka pati lolo gusto mong apply-an?
Ni-roll lang niya yung mata niya nun tapos kinuha niya yung bag ko. may ibang classmates akong
tumili nun pero tinignan lang ako ng masama.
Ikaw Nikki ah, dalawa pala manliligaw mo, di ka nagasabi!
Sabi sa inyo gusto ko ang Nikki-AD tandem eh!
tumigil nga kayo. Wala naman talaga eh.

Umalis narin ako nun at sumakay sa kotse niya. nung papauwi eh tahimik lang siya.
Oh, bat tumahimik ka bigla?
Sinurpresa ka daw ni Kyle?
Uu nga eh, bakit?
Hindi naman siya sumagot nun. Teka, nagseselos ba siya??
Tangek, bakit siya magseselos?
Ay, oo nga no. Ito namang utak na to! Pagkasama sama! Hayaan mo naman akong mangarap kahit sa
utak lang!
Kayo na ba?
Hindi ah. Bakit ba tinatanong niyo parati ni kuya yan?
Nung nakarating kami sa bahay eh humarap muna siya sakin. Akala ko nun may sasabihin siya kaya
hindi ako gumagalaw. Napansin kong wala naman siyang ginagawa kaya lalabas na sana ako kaso
hinila niya ako.
K-Kung..
Kung?
Kung liligawan ba kita sasagutin mo ko? nanlaki yung mata ko nun sa kanya. seryoso ba siya
diyan?! Teka, hindi ako ready!
Magasalita na sana ako nun kung hindi lang siya tumawa ng malakas. Wag mong seryosohin yun.
Survey lang yun. Hahah..
Nadown ako ng sobra nun. Paasa din siya ano?
Lumabas ako kaagad ng kotse nun at hindi ko siya pinapansin. Nakakainis na siya ah. Ang bilis bilis
kong naglakad papuntang gate nun at siya naman eh humabol. Hinatak niya ako nun kaya
napaharapa ako sa kanya. pagkaharap na pagkaharap ko naman eh sinampal ko siya. First time kong
manampal ng tao na talagang seryosong seryoso ako.
Alam mo, kung hahanap ka ng pagpapractisan mo o pasasagutin ng mga SURVEY mong ganyan,
humanap ka ng iba! Hindi porket may gusto ako sayo eh pwede mo na akong laruin ng ganyan!
Teka, rewind nga! Sinabi ko ba talagang may gusto parin ako sa kanya?!
G-gusto mo ko?
Wow, sa haba haba ng sinabi ko yan ang irereact niya?! nice naman!
Syemprejoke! I moved on diba??
Napa-ahh lang siya nun tapos tumawa siya, pero halatang pilit.

sorry, hindi ko dapat ginawa yun. Sige, una na ako. bye.


Lumakad na kaagad siya paalis nun tapos ako naman eh pumasok sa loob.
Takte, bakit ko ba sinabing joke yun eh yun naman ang totoo??
Bakit, kapag sinabi mo bang totoo yun eh magugustuhan ka niya?
Ano ba yan, bakit ba ang negative ng utak ko ngayon!?
oh, anong nangyari sayo??
Wala! Natalo ako sa lotto! dirediretso lang ako nun hanggang sa makarating sa kwarto. Bago pa
sumara yung pinto eh sumigaw si kuya ng
Kelan ka naman tumaya?!
Kinabukasan eh may practice ulit yung section namin. hindi na ako pinasundo ni kuya kay AD kasi
pinilit ko siya na si Kyle na nga lang. ayun, pumayag naman siya, kelangan lang daw na dapat itetext
ko siya ever 5 minutes. Buti nalang naimbento ang unli. Tss.
Daan muna tayo ng 7eleven okay lang?
Tumango naman ako nun. Medyo maaga naman kasi kami umalis kaya pwede pa muna kami
magliwaliw kahit saglit lang.
Pagdating namin sa 7eleven eh nagulat ako kasi nakita ko si AD. Nagpadilat nga rin siya nung nakita
niya kami eh. ang mas kinagulat ko pa eh nang sumulpot yung..
AD! Ito nalang kaya bilhin natin?
walang hiyang malditang gremlin na yun.
Iniwas ko lang yung tingin ko tapos pumunta ako sa isang side ng 7eleven. Dun sa malayo sa kanila.
Masakit eh. kahit anong gawin ko masakit talaga. malay ko ba naman kasi kung may gusto pala siya
dun sa Gladys na yun eh diba?
Dun lang ako sa mga inumin ha? Wait mo ko.
Umalis si Kyle nun at nagtititingin ako ng mga magazine.
Tapos na practice niyo? nagulat ako sa kanya at napatingin. Napaatras naman ako kasi ang lapit ng
mukha niya nung mga oras na yun.
A-Ah, oo. Kayo?
Hindi pa eh. Ako kasi yung nautusan na bumili ng pagkain tapos sumama si Dys.
Waw, iba pa ang tawag niya kay Gladys. So parang ang labas niyan eh may something sa kanila?

Ahh, sige, mauna na kami ni Kyle. Baka hanapin pa ako sa bahay.


Aalis na sana ako nun para hanapin siya kaso bigla akong hinatak pabalik ni AD.
Uhm.
Nagtaas ako ng kilay nun tapos napatingin ako dun sa kamay niya. agad naman niyang binitiwan
yung kamay ko tapos parang nagdalawang isip pa bago magsalita.
Pasabi naman kay Kuya Nike nahindi ko pa kayang subukan yung binigay niya. kumunot yung
noo ko nun. Tatanungin ko pa sana siya kung ano yun kaso tinawag na siya nung Dys niya.
Teka, bakit hindi nalang siya ang magsabi?? Para namang hindi yun napunta ng bahay?? Asus.
Nung nakabili na si Kyle ng kelangan niya eh hinatid na niya ako ng bahay.
Salamat ha.
Ano ka ba, wala yun no.
Kamusta yung exam mo?
Ayun, okay naman. Hahah, mahirap pero, kaya pa naman.
Napasimangot naman ako nun. Baka kaya siya nahihirapan eh dahil sa pagsundo niya sakin?
I know what youre thinking, hindi ikaw yung dahilan okay? Ikaw nga yung nagtulak sakin para
mag-aral ako eh. talagang, mahina lang ako sa subject na yun.
Napa-ahh nalang ako nun. Kinuwentuhan pa niya ako nun ng kung anu-ano tungkol sa mga naging
photoshoot niya. sabi nga niya na mafefeature siya sa isang magazine kaya kapag may copy na daw,
bibigyan niya ako kaagad para ako unang makakakita. Asus. Haha.
Uhmm, sa sabado..may uhh..may party kasi yung mga bagong models sa agency namin. uhh,
pwede ka bang sumama?
Huh? Hindi ba nakakahiya yun? Yung mga makakasama ko eh magaganda at sexy na model tapos
magpapakita ako dun?
Nakakahiya naman..
Wag ka mahiya. Sige na oh? Please?
Natawa ako sa kanya kasi nagpuppy dog face pa siya kahit hindi bagay. tumango narin ako nun tapos
sa sobrang tuwa niya siguro eh napayakap siya.
Uh, sorry. Hahah. Sige, una na ako.
Nagwave lang ako sa kanya nun tapos umalis narin siya. Pagpasok ko naman ng bahay eh nakita ko si
Kuya Nike na nakalean sa may pader tapos nakacross arms pa.

Ang sweet nun ah. Sabi niya pero in a sarcastic-nang-aasar way.


Sabihin mo nga sakin Kuyamay galit ka ba kay Kyle?
Lumakad siya palapit sakin tapos tumigil siya sa harapan ko.
Hmm, lets see. Wala naman. Bakit?
Eh bakit ganyan ka sa kanya?
Who knows? ugh, nakakaasar naman to!
Umirap nalang ako tapos lumakad paakyat ng stairs. Nang maalala ko yung sinabi ni AD eh bigla
akong bumalik sa gitna ng stairs at sumilip kay Kuya.
Pinapasabi pala nung KAMBAL mo na hindi pa daw niya kayang subukan yung bigay mo!
Kambal? Sinong kambal?
Sino pa, eh di si KUYA AD! Pareho kayong mag-isip! Pareho kayong mahilig mambwisit! Ugh!
Lumakad na ulit ako padabog nun tapos narinig ko siyang sumigaw ng..
Anak ng tipaklong naman AD! Ang hina mo talaga!
Chapter 24

Mabilis lumipas yung oras. Last day na ng practice namin ngayon kasi next week na yung Academic
Week. hindi kami pwede sa weekend kasi parang rest day na namin yun. Isipin mo, araw araw
kaming gabi umuuwi (well sila lang kasi si Kuya Nike ayaw ako payagan) tapos sa weekend magwhowhole day pa kami? Nako, nakakasawa mga pagmumukha nila no! joke! Haha.
Guys ayusin na natin to! Dali na, gusto ko rin namang manalo!
Natawa lang kami nun kaya ayun, ginawa talaga nila (yung mga dancers) yung best nila para maayos
yung ginagawa.
Nung mga 6 nagtext si Kyle na hindi daw niya ako masusundo. Something came up daw. Tinanong ko
naman kung okay lang siya, sabi niya bukas na daw niya sasabihin sakin. Medyo nag-alala naman ako
nun.
Pauwi na ako nun ng mga 7 nang biglang nagtilian yung mga babae.
Si AD!!
Anong ginagawa niya dito??
Uh, pwede ka bang makausap?

Nagpaalam na ako sa iba nun tapos sabay kaming umuwi ni AD. Habang nasa trike kami eh tahimik
lang kaming pareho. Gusto ko siyang tanungin nung kung ano ba yung sasabihin niya kaso nga lang
parang ang layo ng iniisip niya eh.
Pagkarating namin sa bahay eh lumakad lakad lang muna kami sa labas. nagpakita naman muna ako
kay Kuya nun para hindi siya mag-alala. May kung anu anong senyasan pa nga silang ginawa nun eh
pero hindi ko nalang binusisi.
Ano yung sasabihin mo?
Tumingin siya sa baba nun na para bang may something interesting na tumubo. Nag-ehem naman
ako nun at ayun, napatingin siya.
Medyo nagblush ako kasi nung tumingin siya eh sobrang seryoso ng expression niya taposshoot,
ang gwapo niya.
Ngayon ko nalang ulit to naramdaman ah?
Uhhpwede ka ba bukas? May sobrang importante lang kasi akong sasabihin sayo.
Teka, bakit hindi pa niya sabihin ngayon?
Bakit hindi ngayon?
Matatagalan kasi..
Wrong move yung nagawa ko kasi nang mapatingin ako sa mata niya eh sobrang nailang ako at
lumakas pa yung tibok ng puso ko. dagdag mo pa yung pagkakahawak niya sa kamay ko. ano ba to?
Bakit ba to nagkakaganito?
S-sige..
Salamat. Uhh, susunduin kita ng 1pm. Kung okay lang sayo, wag mong dalhin yung phone mo
para walang istorbo?
Okay..
Pumasok narin ako sa loob nun tapos dire-diretso ako sa kwarto. Ni hindi ko nga pinansin yung
paninita ni Kuya eh. Ang meron lang ng mga oras na yun eh yung malakas na pagkabog sa dibdib ko
at ang mukha ni AD na hindi mawala sa isipan ko.
Takte, ano ba tong ginagawa mo sakin AD??
Ang aga kong nagising kinabukasan. At sa hindi ko malamang dahilan, ang aga ko rin nag-ayos.
Natatawa nga sakin si Kuya eh, halata daw na excited ako. Kung paano niya nalaman na may lakad
kami ni AD? Kambal nga sila diba??
Nang bandang 12 na eh may nagdoorbell. Si AD. Maaga rin pala siyang dadating eh, buti pala maaga
ako nag-ayos.

Tara na?
Dala niya yung kotse niya nun at dun naman kami sumakay. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin
nun. Basta nagdrive lang siya nang nagdrive.
Malayo ba yung pupuntahan natin?
Uhhhindi naman. Sa Tagaytay lang naman.
TAGAYTAY?! Wow ha!
Ang lapit ha.
Sabi sayo eh.
Umirap lang ako nun tapos nagslouch ako. mahaba habang biyahe din to.
Matutulog muna ako ha?
Tinignan ko siya nun tapos medyo parang uneasy pa siya tapos tumango siya. Teka, ayaw ba niya
akong matulog?
Umayos ako ng upo nun tapos tinignan ko siya ng diretso.
Ayaw mo ba akong matulog?
Hindi sige go lang.
Bakit ganun expression mo kanina?
Nagdadrive kasi ako..
Ahh, sorry na.
Nagslouch ulit ako nun tapos tumingin sa kabilang side. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko
pero parang narinig ko siyang bumulong ng,
Patay..
Kung anu ano na yung tinignan ko sa labas nun bago ako nakatulog.

Nikkigisingandito na tayo.
Minulat ko yung mata ko nun tapos nakita kong bukas yung pinto at si AD eh nasa harapan ko. yung
hitsura pa niya nun eh parang nagtatakang bata. Napabilis naman yung pagtayo ko nun kaya..
*BOG!*
Oww..

Ayan kasi eh, padalos dalos ka.


Tinignan ko siya ng masama nun.
Ikaw naman ang dahilan eh. bakit ba bigla bigla kang susulpot diyan eh kita na ngang kakagaling
lang sa tulog??
Bakit? Nastarstruck ka ba sakin?
Binatukan ko naman siya nun tapos pinausog ko. bumaba naman ako nun at nagstretch. Wow, ang
lamig dito ah.
Ano bang gagawin natin dito?
Hmmewan ko rin eh. lets just see.
Abay, napakasarap batukan din nito no??
Iniwan na namin yung car nun at nagpunta na kami sa kung saan saan. Naghorseback riding kami
nun. Pakitang gilas nga ito eh kasi nakakaya niyang patakbuhin ng mabilis yung kabayo. Nako,
pagkayabang.
Kung ako naman ang tatanungin niyo..
eeeeek! Kuya wag mo pong bibitawan yung kabayo! Baka malaglag ako!
Sa pag-angkas palang eh hindi na kaagad ako pasado. At hayun, object of laughter na naman ako ni
AD. Bait niya no?
Next naming ginawa eh nagpaintball match. Natawa ako kasi parang nung activity namin sa
Foundation week eh paintball din.
Sunod naming ginawa eh nagpunta kami sa mga bilihan. Syempre, binilhan ko ng pasalubong sina
Kuya, Julia at si Kyle.
Si Kylebakit parang feeling ko may nakalimutan ako?
Nikki tara!
Tinreat naman niya ako nun sa isang masarap na kainan. Medyo marami nga akong nakain kay ayun,
inasar akong tumataba.
Teka, diba sabi mo may sasabihin kang importante?
Nagulat siya dun sa tanong ko kaya medyo nasamid pa siya nun. Inabutan ko naman siya ng tubig
tapos nang nakarecover na siya eh tumingin siya sakin.
Ahhoo nga.
So anu ba yun? Sabi mo kasi napakaimportante at mahaba yun..

Teka, wag mo ko ipressure.


Magsasalita pa sana ako nun kaso naisip ko na wag nalang. Baka mamaya mahaba habang pagtatalo
lang yung gawin namin.
May ilang saglit pa akong naghintay nun pero mukhang wala talaga siyang balak na magsalita.
Hinintay ko siya ng hinintay pero wala talaga. hanggang sa nakabiyahe na kami pauwi eh wala parin
siyang sinasabi sakin. Ayoko namang i-rush siya kasi nga gaya ng kanina, ayun, sinabi na wag ko daw
i-pressure.
Nakauwi kami ng bahay ng bandang 8 na. medyo traffic in kasi nun at mga 7 na kami nakaalis ng
Tagaytay.
Pagkarating namin ng bahay eh hindi parin siya nagsasalita. Grabe no? sobrang tiyaga kong
maghintay para sa kanya.
Hintay ako ng hintay, pero minsan, wala rin naman akong nakukuha mula sa kanya.
pwede ko na bang tanungin kung ano yung dapat mong sasabihin?
Ah yun? Good luck lang sa mga contest niyo sa lunes ha?
Nyak! Yun lang pala?! Tapos ayaw niyang magpapressure kanina?! Babatukan ko na talaga tong
lalaking to eH!
Andpakisabi ulit sa kuya mo na, natatakot akong gamitin yung bigay niya kasi maka makasakit
ako. Salamat. Una na ako. bye.
Dali dali siyang pumunta sa kotse niya at nagdrive paalis. Hay, ginawa na naman akong messenger.
pagpasok ko eh nakita ko si Kuya na nanonood ng tv. Pinakita ko naman sa kanya yung pasalubong
niya nun tapos sinabi ko nari nyung message ni AD para sa kanya. ang reaction niya?
Naman! Andoon na eh! ang hina talaga, amp!
Kumunot yung noo ko for one second tapos tinalikuran ko nalang siya. Walang sense kung
poproblemahin ko pa yun diba?
Pagpasok ko ng kwarto eh tumba kaagad ako. grabe, nakakapagod tong araw na to.
Ilang saglit lang din eh nakatulog na ko.
Chapter 25

Nung lunes maaga akong pumasok. Ewan ko, medyo depressed din ako eh. Paano, hindi nagtetext o
tumatawag si Kyle.

Oo, weird na kung weird, talagang nadepress ako eh. hindi ko naman malaman kung bakit, siguro
nga may gusto ako sa kanya pero hindi lang ganoon kagrabe di tulad ng pagkagusto ko kay AD.
Ayokong mauna na magtext kasi nahihiya ako. baka isipin niya na hinahanap hanap ko siya.
Kawawa talaga si Kyle ano? namomroblema na nga tapos dinagdagan pa nung ISA diyan.
Napatingin ako dun sa mga babaeng nag-uusap. Mga 2nd year sila. Teka, anong ginawa ko sa mga ito?
Huy ano ba, baka marinig ka.
EH di mas mabuti para TAMAAN siya!
Ako bang pinariringgan mo?
Wow, nakakaramdam ka pala? Akala ko kasi MANHID ka.
Kumunot yung noo ko nun sa kanya. ang aga aga tapos manggaganyan siya? Ni hindi ko nga siya
kilala eh.
Ano bang ginawa ko sa inyo??
Hindi sa akin. Kay Kuya KYLE.
Kay Kyle?? Hindi ko maintindihan.
Hay, you just stood the guy up last Saturday. Hindi mo ba naaalala?? You were supposed to
attend the welcoming party with him. Tapos hindi ka sumipot. Wow, ang galing galing mo talaga.
and to think na, problemado na siya nung araw na yun
Hindi ko na pinakinggan pa yung ibang sinasabi nung babae at tumakbo na kaagad ako sa nearest CR.
No, hindi ako naiihi nor natatae, nilabas ko yung phone ko nun at agad kong dinial yung number niya.
Pleasesagutin mo.
Hello?
Hindi ako nakapagsalita nun. Babae yung sumagot. Tinignan ko naman yung kausap ko sa phone,
Kyle naman yung nakalagay.
Hello sino to??
Binaba ko yung phone nun tapos napalean ako sa wall nun. Pumikit ako nun at sunod kong nalaman
eh naiyak ako. ewan ko nga kung bakit ako pa yung nalungkot eh ako nga yung gumawa ng
kasalanan.
Paano pa kaya yung naramdaman niya no?
Lumabas ako ng CR 5 minutes bago magbell. Hindi ko kasi kayang magpakita na malungkot sa iba.
Hindi nila ako kilala sa ganoong paraan. Kung malungkot man, yung pajoke lang. lalo pa ngayon na
Academic week namin, ayokong maging problema lang sa kanila.

Pagpasok ko sa classroom namin eh naghahanda yung mga tao. Takbo dito, takbo doon. Nakisali
naman na ako sa kanila at nagsorry kasi ang tagal kong bumalik. Okay lang naman sa kanila yun at
hindi naman sila nagalit.

Natapos narin ang isa sa pinakanakakapagod na araw sa taong ito. naging okay naman yung mga
presentation, may mga nagkamali pero okay naman yung kinalabasan. Sana lang, ganun din yung
tingin nung nagjudge.
Nung pauwi ako eh nalungkot ulit ako. naalala ko kasi na ayun nga, si Kyle. Iniwasan ko yung ibang
tao nun para hindi nila makita na ganun ako. kahit nga si AD na alam ang totoong ako eh hindi ako
nagpapakita sa kanya. ayokong bigyan pa siya ng problema.
Aalis na sana ako nun nang biglang may humila ng kamay ko.
Nikki..
Nagulat ako kasi si Kyle nasa harapan ko. hindi siyagalit?
Pwede ba tayong mag-usap?
Automatic na tumango yung ulo ko nun tapos umalis kami ng school. pumunta kami sa nearest park
para makapag-usap ng masinsinan. Nung pareho kaming nakaupo sa may swing eh hindi ko na
napigilan yung iyak ko.
Nikki bakit?
Kinomfort niya ako kaagad. Grabe, ako yung may kasalanan tapos ganiyan parin siya. Ang sama ko sa
kanya.
Sorrysorrysorry*hic* sorry
Bakit ganun? Kapag si Kyle ang kaharap ko, ang bilis kong maiyak. Kahit hindi siya nagsasalita,
sobrang bigat ng pakiramdam ko tapos hindi ko mapigilan yung luha ko.
Nikki..wag kang umiyakplease..ayokong umiiyak ka.
sorry kahapon. D-dapat kasama ako s-sas-sayo kahapon p-pero..
Wala sakin yun Nikki. Ang importante safe ka. nag-alala lang kasi ako. nakapatay kasi yung phone
mo tapos hindi kita macontact.
Lalo naman akong naiyak nun. Hindi talaga siya nagagalit sakin..bakit ganun? Not that I want him to
get angry perodiba?
Sorry talagakasama ko kasi kahapon..si..sisi AD.
Nakita ko siyang yumuko tapos napasimangot. Hinawakan ko yung kamay niya nun tapos tumingin
siya sakin.
Thank you Nikkisa pagsabi ng totoo.

Inexplain niya sakin na may nakapagsabi sa kanya na kasama ko nga si AD kahapon. May mga
nakakita pala samin nun eh kaya ayun, yung mga gustong manira sakin eh sinabi kay Kyle.
Sorry talaga..
Wala na sakin yun.
Pero..
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko nun tapos pinunasan niya yung mga luha ko. nagulat ako
kasi bigla niyang kiniss yung forehead ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
Kyle bakit?
Tumawag ka ba kanina?
Medyo napayuko ako nun at tumango ako. naalala ko na naman yung babaeng boses.
Ate ko yung nakasagot eh, sabi niya hindi daw sumasagot nung naghello siya.
Hindi ako makatingala ng maayos nun kasi ayokong malaman niya na sobrang nakahinga ako ng
malalim nung sinabi niya yun.
Gusto ko na nga ba si Kyle?
nung Fridaybakitbakit..?
Sumimangot ulit siya nun tapos napabuntong hininga.
Umuwi kasi si Atetapos ayun, gusto nina mama na dun ako sa America mag-christmas break.
Napadilat ako nun sa kanya. aalis siya ng christmas break? Ibig sabihin, wala siya ng birthday ko?
napasimangot ako lalo nun.
Damn, ayoko talagang umalisbirthday mo pa man din.
Its okay Kyle..kung yun ang gusto ng parents mo. Dapat sundin mo sila..
Ito yung sinasabi ko pero sobrang kumokontra yung heart ko. gusto kong sabihin na wag na siyang
umalis pero hindi ako pwede maging selfish.
Tahimik lang kami pareho nung mga oras na yun. Nung napatingin ako sa orasan ko eh nakita kong
medyo late na.
Hatid na kita.
Hinatid naman niya ako nun at nung nasa may street na namin eh nagpaalam narin siya sakin.
Pagpasok ko eh nagulat ako kasi biglang sumalubong sakin si AD at si Kuya.
Sabi sayo okay lang yan eh. Masyado ka kasi magreact. Parang ikaw yung totoong kuya eh.

Napakunot yung noo ko nun tapos nagtaas ako ng kilay kay Kuya.
Ito kasi eh, sobrang alala.
Nawala ka kasi bigla.
Oh. Nagulat ako nun kasi bigla niyang hinawakan yung magkabilang braso ko tapos tinignan niya
kung okay ako.
Napayuko ako nun. Kung kelan naman naiisip ko nang gusto ko na si Kyle eh saka gagawa ng ganito si
AD. Paano na ako makakamove on nito nyan??
Sige, magpapahinga na ako..
Sige..Bye.
Umakyat naman ako sa kwarto ko nun at nagpabagsak sa kama. Napabuntong hininga nalang ako
nun at pumikit ako.
Bakit ganyan ka makitungo sa kanya ngayon? Dati rati gustung gusto mo siyang makita eh
ngayon
Ewan ko rin kuya eh. Naguguluhan nga ako eh. umupo ako ng maayos nun tapos humarap ako sa
kanya. Kapag si Kyle hindi ko nakikita at nakakausap, naiinis ako at nadedepress. Pero kapag si
AD..parang wala nalang sakin. Pero kahit ganun.. sa kadulu duluhansi AD parin ang mahal ko.
Huminga ng malalim si Kuya Nike nun tapos umupo siya satabi ko.
EH di sabihin mo na mahal mo siya.
Alam naman nya eh. matagal na niyang alam. Dinedeny lang niya kasi pinagpipilitan niya na
hanggang siblings lang kami.
Nagulat ako nun kasi biglang natawa ng malakas si Kuya. Tumayo siya nun at lumakad na paalis. Bago
siya makalabas eh narinig kong sinabi niya na
Pare pareho kayong manhid. Hahaha.
Ano kaya yun?
Chapter 26

Mabilis lumipas ang panahon. Sobrang bilis.


Natapos na ang Academic Week. Maraming nanalo at marami ding natalo. Yung class namin eh
nanalo naman sa ilang contest. Malaki narin para samin yun kasi nagawa naming angatan yung mga
ibang kabatch namin na talagang magagaling.

Christmas break na namin ngayon. Yung exams naging okay naman siya. May mga part na mahirap at
medon din namang madali. All in all, normal lang.
Codie, tumulong ka nga dito
Tinignan ko si Kuya nun. Ang sarap na ng pagkakaupo ko eh. nakaslouch sa sofa at nakataas yung paa
sa coffee table.
Nagulat naman ako na inusog niya yung paa ko nun kaya napaupo tuloy ako ng maayos.
Oo na oo na..
Tumayo naman na ako nun at tinulungan ko sila na maglinis. Gusto kasi nila na malinis yung bahay
bago magpasko. Speaking of Pasko, malapit na nga birthday ko.
Matapos naming maglinis eh pumasok lang ako ng kwarto. Grabeang boring naman. Bakit wala
akong magawa??
Imbis na magpakabum ako sa bahay eh napagpasiyahan kong magjogging nalang. Bago ako umalis
eh inulanan muna ako ni Kuya Nike ng pang-aasar. Sabi niya nagreready na daw ako para sa mga
kakainin ko sa pasko at birthday ko. Naku po. Kahit kelan talaga ang lakas niyang mang-alaska.
Medyo marami ang tao sa park nun. Syempre, bakasyon na. Marami rami akong nakakasalubong
nung araw na yun, mostly teenagers narin. Yung mga matatanda naman eh paupo upo lang sa bench.
Feeling ko ayaw nilang makipagsabayan sa teenagers kasi yung iba malilikot talaga. may mga
naghaharutan pa nga eh pero hindi ko nalang pinapansin.
Nang nakaramdam naman ako ng pagod eh umupo muna ako sa isang bench. Pumikit ako saglit nun
tapos pagkadilat ko eh nagulat ako dahil may aso na tumalon sakin. Muntikan nga akong bumaliktad
eh.
Uyy!
Teka, kilala ko tong asong to ah?
Napatingin ako dun sa tumatawag sa aso. Nagulat ako kasi andito siya. Bakit ba kapag nagjojogging
ako eh nandito siya?
Hey.
Uhh..hey.
Tinali niya muna nun yung aso niya tapos umupo siya dun sa tabi ko.
Kanina ka pa dito?
Medyo..nagjogging ako eh.
bakit bigla mong naisipan? Nagpapapayat ka para sa Pasko marami kang makain ano?
Hay nako, pareho talaga silang mag-isip ni kuya.

Ewan ko sa inyo ni kuya Nike. pareho kayo!


Tumawa siya nun tapos tumayo na ako.
Aalis ka na?
Yep. Bakit?
Umiling lang siya nun tapos nagbabye na. pagkauwi ko ng bahay eh nakwento ko naman kay kuya na
nakita ko si AD sa park.
Nakita mo?! Walang hiya yun ahtinatakasan ako. may usapan kami eh.
Nakakatuwa sila, kahit magkaiba yung age nila eh parang barkada parin.
Text mo naman oh.
Bakit hindi ikaw??
Tinatakasan nga ako nun. Kapag ikaw nagtext aakalain niya na galing sayo kaya pupunta yun.
Tinaasan ko lang ng kilay si kuya nun tapos kinuha ko na yung cellphone ko. Tinext ko naman siya
nun tapos nagreply lang siya ng okay.
After mga ilang minutes siguro eh may bumusina sa labas. ang bilis ah?
Pinapasok naman namin siya at ayun, kinorner siya ni kuya Nike.
Ikaw ah, kung hindi si Codie ang magtetext hindi ka pupunta.
Baliw ka kuya. Sige, akyat na ako.
Ayokong mag-isip ng kung anu ano. baka ma-disappoint lang ako eh.
Pagkapasok ko naman sa kwarto eh nagcomputer lang muna ako nun. Syempre, pa-net net lang kasi
wala namang kelangan gawin.
Gabi na nung bumaba ako. wala narin si AD nun. Wow, hindi man lang nagbabye?
Habang kumakain eh namention nina mama na bukas daw yung start ng simbang gabi. 5 am kami
magsisimba nun at syempre, 9 days din na hindi pwedeng matulog ng late. Okay lang, sacrifice din
yun.

Kinabukasan, ayun nga, maaga akong nagising. Hindi ako naligo kaagad nun kasi syempre diba,
masyadong maaga at ang lamig ng tubig. Okay lang, naligo naman ako kagabi kaya fresh parin ako.
nagpunas lang ako nun tapos nagbihisi ng maayos and then ready to go na.
Nang nasa simbahan na kami eh ang dami kong nakitang familiar faces. May mga kabatch akong
nakita at yung isang classmate ko pa eh nakatabi ko pa. pinakafavorite part ko tuwing Christmas

Season yung simbang gabi. Ewan ko ba, masaya kasi yung mga simbang gabi sa church namin. Tapos
kapag nagwiwish pa ako eh nagkakatotoo siya.
This year kaya? Anong iwiwish ko?
..pray in silence for your personal intentions and for the intentions of this mass.
Pumikit ako nun at inisip ko yung wish ko.
Lord, simple lang po yung wish kosana po..hindi na ako maconfuse o maguluhan sa kung anong
nararamdaman ko.
Pagkadilat ko eh nagulat ako kasi sa kabilang banda ng simbahan eh nakita ko ang isang AD Domingo
na nakapikit din.
: Sign ba ito?
Napaiwas ako ng tingin nun tapos nakinig nalang ako sa mass. Pagkatapos ng misa eh nagkasalubong
yung pamilya namin nina AD. Pinakilala naman kami ni AD sa kanila tapos ayun sabay kaming
pumunta sa may parking area.
Nagsisimbang gabi din pala kayo?
Yeah, kayo din pala. Ngayon ko lang nakita parents mo ah. Bakit nung dating punta ko sa inyo
wala sila?
Ngayon kasi yung balik nila mula UK. Every Christmas bumabalik sila tapos baka hanggang
graduation ko sila dito.
Oo nga no, gagraduate na nga pala si AD this year. Ibig sabihin..hindi ko na siya makikita sa school
next schoolyear.
Nakakalungkot pala.
Sige, aalis na yata kami.
Kami rinbye Nikki.
Kumaway lang ako nun tapos pumasok na ako sa kotse namin. Ang awkward ng feeling. Bakit ganun?
Hindi ko maintindihan yung sarili ko.
Pagkauwi ko ng bahay eh inasar ako ni kuya. Whats new? Sabi niya kilig naman daw ako kasi
pinakilala ako ni AD sa parents niya.
Hindi lang naman ako yung pinakilala niya eh. Pati kaya kayo.
Aww..gusto mo solo lang? Babatukan ko na to eh.
Umarte akong babatukan ko siya at ayun, umilag naman kaagad.

Ganun lang ang naging routine namin for the rest of the week. matutulog ng maaga, gigising ng
maaga, magsisimbang gabi at makakasalubong sina AD. Ewan ko, kahit paulit ulithindi ako
nagsasawa at kahit papaanoI have something to look forward to everyday.
December 24 na. Christmas na bukas, and at the same time..birthday ko.
Nako Codie! Tatanda ka na! yuck!
Pinalo ko naman si Kuya nun. Loko din to no?
Matagal ko ring hindi nakakausap si Kyle. Syempre, nasa America siya eh at bihira ako mag-online sa
ym. Pa-email email lang kami sa isat isa. Okay naman daw siya dun, lonely nga lang kasi nga hindi
daw niya ako nakikita. sa loob loob kosyempre kinilig ako.
Nag-aayos sina mama ng pang handa mamaya. Simple lang siya kasi bukas kami talaga
magpapaparty. Yearly na kasi yun, tuwing Christmas eh dito sa bahay sila nagcecelebrate. At
syempre, kasama narin yung birthday ko para dun.
Tumulong naman ako sa pagluluto nun. Syempre, ang dami kong natutunan. Nung fruit salad na
yung gagawin eh ako na mag-isa yung gumawa. Matagal narin kasi akong tinuruan ni mama kung
papaano at syempre, every year ako narin yung gumagawa.
Kinagabihan eh naghanda na kami para sa Christmas eve mass. Tamang tama lang yung pagdating
namin dun. ang lively nga nung church eh, at ang daming tao pa. nakakatuwa grabe.
Dun kami sa harapan umupo nung oras na yun. Ewan ko ba kay kuya Nike, biglang nagyaya eh. nung
nagstart naman yung mass eh normal lang. The usual stuff. Nakakatuwa nga yung pari na nagmass
eh kasi nagpapatawa pa siya.
Nung nasa sign of peace kami, nagulat ako kasi pagtingin ko sa kanan eh andoon si AD, nakatayo sa
tabi ko. Kanina ko pa pala siya katabi?! Bakit hindi ko man lang napansin!?
Peace be with you Nikki..
Ngumiti siya sakin nun tapos tumingin ulit sa harap. Nagulat talaga ako nun at hindi ako makakilos.
At syempre, ang aking magaling na kuya eh bigla ba naman akong ni-nudge.
U-uh Peace---
Napatingin ulit sakin si AD nun at parehong nanlaki yung mata namin.
Codie naman, peace be with you lang pinapagawa ko..talagang may kiss sa cheeks eh ano?
NAKAKAHIYA!!! KUYAAA!!
Chapter 27

Sobrang hindi kami magkatinginan nung time na yun. Kahit nga nung pinaggreet kami ng pari sa isat
isa ng Merry Christmas eh hindi namin nagawa. Grabe, sobrang nabublush talaga ako nung mga
oras na yun.
Nung pauwi magkasabay kaming naglalakad pero walang kumikibo. Pasakay na ako ng kotse nun
nang tawagin niya ako.
Nikki! napalingon ako sa kanya nun. Uhhhappy birthday.
Ngumiti ako nun pero slight lang tapos nagthank you ako sa kanya. pagpasok ko sa loob eh tinago ko
yung mukha ko sa kamay ko.
Ayeeknikilig. Dalaga na siya.
Tinignan ko ng masama si Kuya nun pero tumatawa lang siya. Kahit nga sina mama eh inaasar ako.
Grabe talaga!

Naging masaya ang birthday party ko. syempre, maraming relatives na pumunta. at itong lokong
kuya ko, inimbitahan si AD. Ayun, ang awkward na naman tuloy.
Hindi nakapunta nun si Julia kasi nag-out of town pala yung family niya. umuwi kasi sila sa probinsya.
Binati nalang niya ako nung tinawagan niya ako at sabi pa niya eh babawi nalang daw siya. Si Kyle
naman, ayun, sosyal nga ehnagpa-lbc siya ng flowers tapos tumawag din siya sa landline. Grabe eh,
ang yaman niya talaga ano? sobrang thankful naman ako nun.
Nung nagbubukas na ako ng regalo eh may natirang isa na walang pangalan. Binuksan ko siya tapos
nagulat ako kasi may bracelet dun tapos may nakaengrave na N.D. tapos may heart. Kanino kaya
galing to?
Imposibleng kay kuya kasi sinabi na niya in advance na sa susunod daw yung regalo niya. tska, hindi
pa siya lumalabas ng bahay nitong huling araw aside from going to church. Si Julia namanhindi ako
nun bibigyan ng ganito so malabo. Lalo naman kina mama at sa iba kong relatives. Si ADmay regalo
na siya sakin eh. Stuff toy na aso. Baka si Kyle
Oo nga, baka kasama siya nung flowers. Tama. It makes sense.

NIKKI! Alam mo namiss kita!


Natawa ako sa classmate ko nun kasi todo hug pa siya sakin. Parang ilang taon kaming hindi nagkita
eh. eh nung simbang gabi nakikita kita namin yung isat isa.
Hahaha.
Ikaw ahnakita ko yung nangyari dun sa Christmas eve mass! sobrang namula ako nun. Bakit pa
niya pinaalala?!
Wala yun..si kuya kasi eh.
Yeah sure!

Inerapan ko siya nun tapos pareho kaming umupo nung dumating na yung adviser namin.
Okay class, for our home room, magkakaroon kayo ng batch meeting para sa Sports Fest.
Wow, ayan na, ang isa pa sa mga most awaited events sa St. Marcus Academy. Ang Sports Fest kung
saan magkakalaban ang bawat batch ng high school students.
Maingay yung batch namin nung nagmeeting. Unang ginawa lang namin nun eh namili ng mga team
manager, isa sa teacher at isa sa student. Pinili namin siyempre yung teacher na pinakacomfortable
kami. Tapos yung sa student naman eh yung kayang maglead talaga.
Pinapili narin kami ng mga games nung araw na yun. Hindi nga natapos eh kasi naabutan ng bell.
Itutuloy nalang daw sa Friday, kapag club time na namin.
Nung lunch time eh sobrang nagyakapan kami ni Julia kasi ang tagal naming di nagkita tapos hindi pa
kami nagkakausap.
Grabe bruha ka! hindi mo man lang sinabi in advance na magproprobinsya ka! akala ko tuloy ano
na nangyari sayo!
Ito namanpara mamiss mo ko!
Binatukan ko siya nun tapos tumawa kami pareho. Kinuwentuhan naman niya ako sa mga nangyari
sa kanya. tuwang tuwa siya kasi pinakilala na niya sa buong angkan (lol) nila si Lester. Tanggap
naman daw nila at kinatutuwaan pa.
Syempre, ako din hindi ako nahuli sa kwento. Namention ko sa kanya nung pinakilala yung family ko
sa family ni AD. Inasar nga ako eh, kagaya nung pang-aasar ni kuya na gusto ko daw solo. After mga
10 minutes siguro eh dumating si AD at si Joey.
Medyo awkward nga eh at hindi kami nagkakatinginan.
Hindi ko sinabi kay Julia yung nangyari sa church kasi talagang aasarin niya ako at hindi niya ako
tatantanan. Parang girl version din kasi ni kuya yan eh.
Oh, bakit nagkakailangan kayo? May nangyari sa inyo ano? tignan mo to, isa pa itong mapangasar eh. bakit ba lahat ng kakilala ko eh mahilig mang-asar??
Wala ah!
Tumawa silang dalawa ni Julia nun at nagkatinginan.
Sabay pa sila oh!
Nagcross arms ako nun tapos si AD eh humawak lang sa buhok niya.
Nung patapos na yung lunch eh hinila ako ni AD sa side. Nagulat nga ako nun eh kasi akala ko
mapapansin nina Julia at aasarin na naman nila kami. Hindi naman pala.
B-Bakit?

Yungnangyari..
I know, I know.
Ookalimutan nalang natin yun. I know, hindi mo na kelangan pang sabihin pa. sige, magbebell
na. Bye.
Hindi ko na hinintay pa yung sasabihin niya nun at dumiretso nalang ako sa classroom. Ayoko nalang
masaktan.
Nang matapos yung araw eh nagulat ako kasi biglang nagring yung phone ko. pasalamat nalang ako
nun na tapos na yung class kung hindipatay.
Hello?
Hey.
Sa hindi ko malamang dahilan eh biglang nanikip yung dibdib ko. para bang, hindi ako makhinga.
U-Uy. Napatawag ka.
Kakabalik ko lang. Hahah.
Wow, ah talagang tumawag kaagad siya? Angsweet.
Naglakad na ako nun habang kausap siya. Malapit narin naman kasi ako sa gate nun eh kaya tinuluy
tuloy ko na.
Kamusta naman yung bisita mo?
Ayunokay lang. Malungkot kasi hindi kita nakita.
Nagblush naman ako nun sa kanya. buti hindi niya ako nakikita.
Pumasok ka na?
Nope. Kakarating ko lang talaga. as in fresh from the airport.
Natawa naman ako sa kanya nun.
Grabegumaganda ka lalo..
Napataas naman ang kilay ko nun. Paano niya naman nasabi?
Ikaw ah, sinusubaybayan mo yata yung friendster ko.
Hindi ah..I mean, personally.
Nagtaka talaga ako nun.

Huh?
Tingin ka sa kanan.
Tumingin naman ako. muntik muntikan ko pang mahulog yung cellphone ko kasi nakita ko ang isang
Kyle Abuedo na may dala dala pang maleta na nakatayo sa kanan ko.
youre crazy.
Tumawa siya nun tapos binaba na namin yung phone.
No, Im just in love.
Napaiwas tingin ako nun. Parati akong kinikilig kay Kyle. Parating naninikip yung dibdib ko kapag siya
yung kausap ko at naririnig ko yung boses niya. Pero bakit ganunkahit na ganito ako sa kanya..

Bakit si AD parin yung laman ng utak ko?


Chapter 28

Start na ng intrams. Libre kami ngayon kasi walang lessons, walang exams at higit sa lahat, WALANG
DETENTION. Ang kapalit kasi ng detention ngayon eh yung deduction sa overall score.
Sumali ako nun sa track relay. Yun lang kasi ang pwede kong salihan na sport. Kung meron kasing
BOY MAGNET, meron din namang BALL MAGNET. Oo, kahit anong bola, basketball, volleyball, soccer
ball, football, kahit nga jackstone ball eh lapitin ako. at ang kamalas malasan dun eh, sa mukha
madalas tumatama. Buti nga at hanggang ngayon hindi pa naman nadedeform yung mukha ko.
Shocks! Waterpolo na! andoon si AD!!
Hay, at syempre, dahil intrams na nga, na-on na naman yung paka-pervert mode ng mga babae sa
mga swimming players, particulary kay AD. Syempre ako, siblings daw kami kaya legal yun.
Palusot!
Totoo!
Nanalo yung seniors nun. Okay lang naman sakin kasi sophomores lang naman kalaban nila at hindi
yung batch namin. pagkatapos nung laro eh pinagkaguluhan si AD. Nung nakita niya ako eh bigla
siyang nag-excuse sa ibang tao tapos lumapit siya. Wow, special?
Nanood ka?!
Kumunot yung noo ko nun tapos tinaasan ko siya ng kilay. Bakit masama??
Bawal ba??
Hindi..peronakakahiya.

Ano namang nakakahiya dun eh nanalo sila? Ang weird niya grabe.
Weh, eh ano naman nakakahiya dun?
Basta sa susunod wag ka na manood!
Halatang nairita siya nun kaya hindi na ako sumabat pa. actually, hindi na ako nagsalita at umalis na
ako. tinawag pa niya ako nun pero hindi ko siya nililingon.
Nakakainis ha. Siya na nga itong sinusuportahan tapos ganyan pa siya. Wow ha.
May game narin ako nun kaya medyo natanggal siya sa isipan ko. sobrang nilayuan ko talaga siya nun
kasi naiinis ako. He can make me feel special and down all in one meeting. Grabe, kakaiba talaga siya.
Naging okay naman yung results nung game ko. may isang 2nd place lang at meron din namang first
place. Yung isa kasi by group, para bang marathon.
Nung matatapos na yung araw eh nagkaroon ulit kami ng batch meeting. Syempre, napag-usapan
yung mga panalo namin at yung student leader namin eh minotivate pa kami na gawin pa daw
namin yung best namin. lahat naman kami ganado para sa susunod na araw.
Balita ko may dance daw ulit sa katapusan ng Sports Fest.
Oh? Sabagay, naging successful kasi yung last year diba? Tsaka, nabawasan yung batch rivalry
nun.
Nagsimula lang kasi yung dance na yan last year. Napansin kasi ng teachers namin na kada tapos ng
sports fest eh magkakaaway ang mga batch kaya naisipan nila na gumawa ng event para mabalik
yung pagiging civil sa isat isa.
Pauwi na kami ni Julia nun nang biglang dumating si Kyle.
Uy.
hindi ka na naman pumasok?
Nagkamot lang siya nung ulo nun tapos tumango siya. Hay nako.
May photoshoot kasi eh..
Ewan ko sayo..
Lumakad kami nun tapos hinila niya yung kamay ko. alam niya kasing naiinis ako kapag pinagpapalit
niya yung pagpasok sa photoshoot. Dati kasi okay lang kaso naging madalas. May isang time nga na 2
weeks siyang hindi pumasok para lang sa photoshoot niya.
Sorrybukas papasok na ako promise.
Yan din ang sabi mo dati eh. pero anong nangyari?
hindi, ito talaga promise ko sayo. Gusto mo lumuhod pa ako eh.

Luluhod na sana siya nun pero pinigilan ko.


Ayee ang cute. Kayo na ano?
Hindi pa/Hindi ah.
Anong hindi pa?
Hindi PA ka diyan. Sasagutin ba kita?
oo naman. Love mo ko eh.
Binatukan ko siya nun tapos natawa lang si Julia sa amin.
Hay nako girl, ganiyan din ako nung una kay Lester pero tignan mo kami ngayon.
Natawa naman ako nun. Medyo nasasanay narin ako kay Kyle nun at syempre, may times parin na
ilang at kinikilig ako sa kanya. hindi naman kasi maiiwasan yun lalo na kapag sobrang sweet ng
ginawa niya para sakin.
Ngumiti lang ako nun tapos tumawa silang dalawa.
Ahh, oo nga pala. Bigla siyang may binigay na box sakin nun tapos nang buksan ko eh necklace
siya na cross. Grabe, dati ko pa gustong magkaroon nito. Ginamit ko yung pinakaunang sweldo ko
diyan.
huh? Paano yun?
Nag grin siya nun. Well, sabi ko kasi sa sarili ko dati nung nagsisimula palang ako, yung
pinakaunang sweldo ko eh ipangbibili ko ng something para sa taong special sakin. Tinago ko
talaga yung money nun at hindi ko ginagalaw kahit anong mangyari.
Natuwa naman ako nun sobra.
How sweet naman!
Nung nakarating kami sa sakayan eh sumakay na si Julia tapos naglakad naman kami ni Kyle
hanggang bahay. Nagpaalam din naman siya kaagad matapos niyang bumati kina mama. Himala nga
eh at wala si kuya Nike nung araw na yun. Saan naman kaya nagpunta yun?
Wala si Nike..natanggap na kasi siya sa trabaho eh ngayon ang start niya.
Wow, sosyal ah. Buti naman at hindi na siya bum dito sa bahay. JOKE.
Umakyat naman ako sa kwarto nun at naglaro nalang ng mga online games. Nang mga bandang 7 na
eh may narinig akong ingay sa baba kaya bumaba ako. nagulat ako kasi parang nagkakagulo sila sa
baba tapos ang pasimuno pa eh si..
Kuya Nike hindi diyan!

Hindi pa nila ako napapansin nun hanggang sa makarating ako sa may gitna ng stairs.
Walang hiya naman eh! ginawa pa akong utusan oh!
Dali na! baka bumaba na si Nikk---
Parang nagfreeze silang lahat nun tapos napatingin silang lahat sakin. Bigla silang nagturuan nun sa
kung sino yung maingay. Haller, lahat kaya sila!
Anong nangyayari dito??
Lumapit si AD sakin nun tapos parang nagpapacute pa siya na ewan.
Uhhkasi..dapat..maayos pero..wala eh. Anywaynakita mo narin eh..so..uhh..what Im trying
to say is..
Sorry daw! Hay nako, katagal naman eh. tinignan ko ng masama si Kuya Nike nun. Moment na ni
AD yun eh! naman panira oh!
Ayun, what he said. Sorry Nikki.
Bigla niyang spinread yung hawak niyang banner tapos may nakasulat dun na Im Sorry Nichole
Dominique Dizon tapos may drawing na mukhang batang nagpopout.
Bakit niya ginagawa to? :
Its okay.
Pinapatawad mo na ako?
Tumango ako nun tapos ngumiti siya ng sobra sobra. Wag kang ganyan ADyoure making me fall
deeper and deeper and yet youre not ready to catch me.
Pinakain siya nina mama dito kasi medyo gabi na nun. Ayun, kasalo naman namin siya at pareho
silang naglolokohan ni Kuya Nike.
Late narin umuwi nun si AD. May dala naman siyang kotse kaya walang problema nun. Nung hinatid
ko siya hanggang gate eh ni-nudge ako ni Kuya. Hay, nang-asar na naman.
Sige ingat..
Bye.
Pagkapasok ko eh inulan na naman ako ng pang-aasar mula kay kuya Nike.
Nakakaloko siya Kuyabakit niya ginagawa yun?
Tumingin siya sakin nun tapos bigla siyang tumawa ng malakas.
Youre really asking that question?

Oo naman. Bakit? Anong meron?


Lalo pa siyang tumawa nun tapos umakyat na siya sa kwarto niya. nagtaka naman ako nun
kasibakit niya sinabi yun??
Ang weird talaga nitong kapatid ko kahit kelan!
Nagulat ako kasi bigla akong may narinig na..
Tsk, tskang hina talaga!
Anong ibig sabihin nun??
Chapter 29

Kinabukasan, games lang ulit. May mga panalo at may talo ulit yung batch namin. umaangat nga
yung 4th year eh, pero expected narin yun. Ang naging overall sa games eh ang 4th year. second
naman kami tapos ang nakakagulat eh mas nanalo yung 1st year kesa sa mga 2nd year. Nakakatuwa
nga eh, parang yun yung kakaiba sa taong ito.
After ng games eh yung dance na. casual lang naman yung party pero yung iba pinaghandaan talaga
at nagbonggang dress pa. yung mga ganung tipo yung tinatawanan namin ni Julia minsan. masyado
kasi manamit eh, hindi naman bagay dun sa event.
Hay, yung isa diyan nagmumukmok. Bakit kaya?
Ako? nagmumukmok?? Hindi ah!
Paano mo naman nasabi??
Asus, parang hindi ko rin nakita.
Oo, nakita ko kasi na nagsasayaw sina AD at DYS niya. Tss. Ang labo talaga eh.
Kung pwede lang ang outsider eh..
Nagcross arms siya nun tapos nagtaas ng kilay. Ano, gagamitin mo si Kyle para pagselosin si AD?
Kung kaya nga lang eh. kaso kahit ano namang mangyari hindi siya magseselos kasi hindi naman niya
ako gusto.
Hindipara lang may kasayaw din ako.
Asus, kilala na kita Nikki..wag ka nang magtago.
Nagpout lang ako nun at nagcross arms. May ilang mga tao akong nakasayaw, gaya nalang ni Joey.
Buti pa nga yung best friend niya eh sinayaw ako.

Malapit nang matapos yung gabi. Tumugtog yung banda nina AD nun. Sila yata yung magcoclose
nung event eh. Oo, matatapos na yung dance at hindi man lang niya ako sinayaw. Whatta eh no?
pwede namang as siblings yung pagsayaw niya sakin ah??
Nabugnot na ako for the rest of the night. Kung hindi lang ako pinilit ni Julia na magstay eh kanina pa
ako umuwi.
Good evening everyone! Heto na naman po ang West Side story, manggugulo sa dance na
ito. ang daming babae na nagtilian nun taps tumatalon talon pa.
WEll be playing the last 2 songs for the night. Ang unang una ayThat Green Gentleman!
Naghiyawan yung mga Panic! At the disco fans. Syempre, yung iba napahiyaw narin kasi ang galing
nilang tumugtog. Nakakaamaze talagalalo na siAD.
Hmph, hindi ako dapat ma-amaze. Dapat akong mainis sa kanya.
Nung natapos yung song eh nagtono tono sila ng instruments nila tapos natawa yung lahat nang
biglang may naglabas ng acoustic guitar tapos binigay dun sa lead singer nila.
Sorry guys, hindi po rock song ang last. Ni-request kasi eh. This song is forMr. AD Domingo.
Huh? Ang labo nun ah??
Ang haba haba na nung intro nung lead singer kaya nagtaka yung lahat. bigla siyang lumapit sa mic
nun tapos..
Pare dalian mo, makakatatlong ulit na ako ng intro.
Hinanap naman ng marami si AD sa stage pero bigla siyang nawala na parang bula. Kahit nga ako
napahanap eh. nagulat nalang ako nang may nagtap sa shoulder ko tapos pagkaharap ko..
Pwede ka bang maisayaw?
Nanlaki yung mata ko nun.
Sorry pare, kelangan na talagang simulan ehin threetwoone..
The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah
Natawa ako nun sa lead singer tapos saka ko lang narealize na niyayaya nga pala ako ni AD.
Napatingin ako sa kanya ulit tapos tinanggap ko yung kamay niya. nang tignan ko si Julia eh nagthumbs up siya sakin. Kaya pala ayaw niya akong pauwiin?
I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face

Light up again
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide
I'm quiet you know
You make a first impression
I've found I'm scared to know I'm always on your mind
Sorry kung ngayon lang ha? Hahaha, weird kasi eh.
Wow, weird pala makipagsayaw sakin? Ganun?
Ah, okay.
Inis ka ano?
Hindi ah.
Oo eh.
Hindi nga.
Oo.
Wow, labo nito ah?
Fine, sabi mo eh.
Even the best fall down sometimes
Even the stars refuse to shine
Out of the dark you fall in time
I somehow find
You and I collide
Don't stop here
I've lost my place
I'm close behind
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind
You finally find
You and I collide
Hindi ko siya tinitignan nun. Ewan ko, ang awkward kasi ng feeling. Nakakaloko.
Sorry ulit kasidapat isa ka lang na isasayaw ko. Kaso binlack mail ako ni Dys eh.

Okay, medyo natuwa ako nun kasi may intention siyang ako lang yung isayaw. Napasimangot ako
kasi Dys talaga yung tawag niya dun sa gremlin na yun.
Natapos din yung kanta at ayun. Hindi napansin ng mga tao na nagsayaw kami pero okay lang sakin
yun. At least, I got my dance.
Ang weird talaga ng feeling. Parang may kakaiba kasi kay AD ngayon. Parang may dapat akong
malaman tungkol sa kanya na hindi ko malaman laman. Di bale, malalaman ko din yan.
Huh? Labo. Hahah.
Nung weekend, the usual. Wala akong masyadong magawa nun kaya nagjogging lang ako tapos
nagsimba rin kami at tumunganga na naman ako.
Nung Monday, start na ng retreat ng mga 4th year. 3 days din yun kaya mukhang may mamimiss na
naman ako. pangalawa yung class nina AD sa mga magreretreat at nagpagawa siya sakin at kay Kuya
Nike ng retreat letter. Kahit nga parents ko ginawan siya eh. wow ha, close talaga sila. Parang anak
narin kasi turing nila kay AD. Kaya nga kami naging siblings lalo eh.
Kahit na napakaraming tinambak na gawain samin ng teachers nun eh mas inuna kong gawin yung
retreat letter ni Ad. Ewan ko ba, parang gusto ko kasi gawing special kasi..si AD yun eh.
Bawat erasure na nagawa ko eh sobrang nafufrustrate ako kaya inuulit ko siya. Ayokong
icomputerize kasi parang hindi siya galing sa puso at hindi siya pinaghirapan.
Dear AD Kuya AD,
Argh! Ano ba yan!
Huminga ako ng malalim nun tapos pumikit saglit. Ano bang gusto kong sabihin sa kanya? sasabihin
ko ba na hanggang ngayon eh may gusto ako sa kanya? sasabihin ko ba na hanggang ngayon eh hindi
parin ako nakakamove on? Sasabihin ko ba na sana umalis na siya para hindi na ako masaktan?
Wow, sutil?
Hay. Nakakafrustrate naman oh.
Hindi ako masyadong nakatulog nang gabing yun. Talagang gusto kong tapusin yung retreat letter
niya kaya halos mga 3 am na ako nakatulog. Grabe eh, tapos feeling ko ang pangit pangit pa nung
nakalagay.
Nagulat naman ako kasi ginising ako ni mama ng 5 oclock. Bihira lang niya ako gisingin kaya kung
ginawa nga naman niya yun, special talaga.
Nak, paprint naman oh.
Or not.
Bakit hindi nalang kay kuya Nike??

Hindi na ako nagreklamo nun tapos pinagprint ko na siya. Hindi na ako nakatulog ulit kasi nag-ayos
narin ako nun. 5 kasi ang usual na gising ko talaga.
Pagpasok ko sa school eh nahihilo hilo pa ako nun at sumasakit yung ulo ko. grabe nga eh, parang
pinupukpok ng martilyo.
Nagtetext nun si Kyle pero hindi ko narereplyan. Feeling ko kasi lalong sasakit yung ulo ko kapag
tumingin ako sa screen ng phone ko.
Nang magsimula yung class eh hindi ako makapagconcentrate. Umiikot kasi yung paningin ko nun.
Hindi ko na talaga nakayanan nung mga sumunod na class kaya sunod kong nalaman eh
Nahimatay na ako.
Chapter 30

Pagkadilat ko eh nakita ko si Julia na may kausap. Hindi ako kaagad bumangon nun kasi nahihilo hilo
pa ako.
Ugh..
Napatingin silang lahat sakin nun tapos lumapit. Nagulanta nga ako kasi napakarami nilang tanong.
Ano bang una kong sasagutin??
Girls, go back to your class. Let miss Dizon rest. Bumalik nalang kayo mamaya.
Tumango lang sina Julia nun at yung isa kong classmate tapos umalis na sila. Chineck naman nila ako
kung okay ako nun at nagcomment yung nurse na dapat wag na daw akong magpuyat. Iniwan narin
naman niya ako nang may dumating na bagong pasyente.
Pumikit ako saglit nun tapos nakatulog ako. pagkagising ko eh tahimik dun sa paligid. Hindi ko nga
naririnig yung nurse nun eh, feeling ko lumabas lang saglit. Nagulat naman ako kasi nag-open yung
door sa girls ward at nakita ko ang isangAD Domingo.
Nahimatay ka daw??
Agad siyang lumapit sa tabi ko nun tapos umupo siya sa gilid ng kama.
Uhh,yeah..hahaha.
Bakit? Anong ginawa mo??
Puyat.
Kumunot yung noo niya nun tapos nilabas ko yung retreat letter ko para sa kanya.
Ikaw kasi eh.
Nagulat siya nun tapos napasimangot. Tinginan niya ako ng diretso tapos napabuntong hininga siya.

Sa Wednesday pa naman ah..


Eeh. Basta
Halatang naguilty siya nun kaya hindi siya makapagsalita. May mga ilang minuto din kaming tahimik
nun tapos nang magsasalita na siya dapat eh..
Oo nga eh. teka nga, icheck mo nga yung patient mula Section 3-2. Tignan mo yung
kaya ayun. Napilitan siyang umalis na. pero yung look na binigay niya eh parang sinasabi na may next
part pa yung usapan namin.
Nakapagpahinga naman ako nun. Siguro mga 2nd to the last subject na namin nang makabalik ako.
ewan ko, tinamad rin siguro akong bumalik. Hahah. Bad eh no?
Kinamusta naman ako ng mga classmate ko. syempre sabi ko okay na ako kasi nakatulog na ako. sabi
nga nila muntikan pang tawagan parents ko buti nalang walang tao sa bahay nung mga oras na yun.
Lagot ako kapag meron. Baka bigyan ako ng curfew eh.
Nung uwian naman eh talagang inabangan ako ni AD. Alam niya kasi na makakatakas ako kasi
andiyan si Kyle. Nagtext naman ako kay Kyle nun na may gagawin lang ako saglit at sabi naman niya
eh okay lang kasi may shoot pa siya.
Hmm, hindi na naman pumasok yun. Tsk.
Dinala ako ni AD sa may field nun tapos umupo kami sa may bleachers. Alam niyo sa totoo lang,
hindi ko alam kung bakit kelangan ko pang i-explain sa kanya kung bakit ko to pinagpuyatan. Obvious
naman eh, siya lang siguro ang may hindi alam. Or better yet, ayaw malaman.
Now. Explain.
Gusto ko lang siya tapusin kagabi okay? okay, so I lied. For sure naman kasi kapag sinabi ko yung
totoo eh hindi magiging maganda yung kalalabasan nun.
Gusto niya pang magsalita nun kaso biglang nagring yung phone ko.
hello?
Kakatapos na yung shoot ko.
Ah okay. Wait lang. text nalang kita.
Okay, bye. I love you.
Sinabi ko lang na bye nun tapos napangiti ako. ewan ko ba, kinilig ako bigla eh.
Si Kyle yun no?
Tumingin ako sa kanya nun. Straight face lang siya tapos nakatayo na siya.
Yeah, paano mo nalaman?

Abot tenga yung ngiti mo eh. Sige, una na ako. oh-kay. Bakit siya ganun??
Nakaready na yung sermon ko nung nakita ko si Kyle para dun sa hindi pagpasok niya. magsisimula
na sana ako kaso bigla niyang tinaas yung kamay niya at nagsenyas na tumahimik muna ako.
I changed my modeling sched. Sabi ko every after school nalang para hindi makakasagabal sa
studies ko. Ang consequence lang, I have to work on Saturdays kasi hindi enough yung after school
hours ko kasi ayokong hindi kita masusundo.
Natameme lang ako nun. Deep inside, sobrang saya ko kasi sinusunod niya yung payo ko at syempre,
kinilig ako kasi gusto niyang sinusundo niya ako. hindi ko pinahalata yun kasi baka lumaki ulo niya.
Syempre, iba na kapag ganun.
Pagkauwi naman namin eh nakita ko si Kuya Nike at si AD na naglalaro sa sala. Wow, sa bahay ko rin
pala ang punta nitong lalaking to, hindi man lang nagsabi.
Oi, andiyan ka na pala.
Ang ganda ng pangalan ko ah. Naging oi na ngayon. Hmpf. Palibahasa andiyan kambal niya kaya
nalilimutan niya na ako yung SISTER niya. Lol. Nagdrama daw ba.
Umakyat lang ako sa kwarto nun tapos nagcomputer. Napapadalas nga ang gamit ko ngayon eh.
ewan ko ba, wala akong magawa eh. para bang nitong mga linggong to eh nag-aantay nalang ako na
mag-weekend. Tinatamad na yata ako pumasok eh.
Nagulat ako nun nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Pagkabukas ko naman eh nakita ko si AD na nakatayo sa labas. Hatid mo ko
Wow, galing talaga nito. Magpapahatid nalang sa babae pa.
Sakin ka pa nagpahatid. Hmph.
Dalii na.
Wala na akong magawa nun kasi hinatak na niya ako pababa. Syempre nagpaalam lang ako kay
mama nun tapos naglakad lakad kami sa labas. tinignan ko naman siya nun at tinaasan ng kilay,
talaga bang magpapahatid to??
Joke lang yung hatid. Hahah, lakad muna tayo.
Nagshrug lang ako nun tapos lumakad na kami kung saan saan. Liko dito, liko dun, balik kasi may aso.
Puro ganoon nga lang eh. hindi ko ba alam kung may sasabihin ba ito o gusto lang mag-exercise.
Pinapapayat mo ata ako lalo eh.
Ah. Hahah. Oo nga pala. Sa Valentines dance tutugtog kami.
I know. Parating napapag-usapan ng mga kaklase ko yun eh.

Uhhso uhm. May i-aannounce ako so makinig ka ha?? Haha sige sige alis na ako bye!
Hindi na niya ako hinintay pang magsalita nun. Bigla bigla siyang umalis nun tapos tumatakbo pa siya.
Ang labo niya.
Teka
Uhhso uhm. May i-aannounce ako so makinig ka ha?? Haha sige sige alis na ako bye!
Ano naman kaya yun??
Lumipas ang araw. Ayun, retreat na nga nina AD. Syempre, I felt lonely kasi hindi ko siya nakikita sa
school. On the positive side, medyo hindi na ako namomroblema sa kanya kasiayun nga, wala siya
eh. yun nga lang, todo paranoid ako kasi baka kung anong gayuma ang ibigay sa kanya nung DYS
na yun.
Pero sino nga ba ako para mag-overreact diba?
Nitong mga huling araw naman eh mas nabigyan ko ng time si Kyle. Syempre, nakalabas din kami ng
mga after school kapag break time niya sa modeling thing niya. sobrang natutuwa talaga ako sa
kanya kasi super sweet siya at caring. Kulang nalang talaga, magustuhan ko siya.
Ilang beses ko din naman ni-reason out sa sarili ko na bakit ba hindi ko itry diba? Okay naman siya.
Hindi ako mamomroblema kapag siya yung magugustuhan ko kung saka sakali. Hindi rin ako
magdodoubt kasi pinakita naman niya na talagang mahal niya ako. Ewan ko din ba sa sarili ko. mas
gusto yatang nasasaktan kesa yung masaya.
Bakit tahimik ka?
Napatingin kaagad ako kay Kyle nun. Hindi ko namalayan na natulala pala ako. ngumiti lang ako sa
kanya tapos nagsip dun sa iced tea na binili niya para sa akin.
Napapaisip lang ako.
Ikaw ha, andito naman ako bakit mo pa ako iniisip? Kaya pala kanina ko pa nakakagat dila ko eh.
Tinignan ko siya nun tapos inerapan ko siya pero sa pa-joke na way. Pareho naman kaming natawa
nun.
Bakit naman kita iisipin?
I dont know. You tell me. Tapos bigla siyang nag-grin. Hay nako, mababatukan ko na tong unggoy
na to eh.
Napatingin ako sa orasan nun. 6 pm. Malapit na makauwi sina AD. :
Ano ba yan Nikki, si Kyle ang kasama mo ngayon tapos siya parin iniisip mo?? Grabe ka ha!
Napabuntong hininga nalang ako nun tapos uminom ulit. Nung natapos kaming kumain eh lumakad
na kami paalis. Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko pero..

Kyle, pahatid nalang sa school.


Yeah, siguro nga, siya talaga ang parating iniisip ko kaya nasabi ko yun.
Hindi nagtanong si Kyle pero alam kong alam niya na ngayon ang uwi ni AD. Paano, ilang beses din
akong nagreklamo na wala yung KUYA ko. Gusto kong magsorry para sa mga panahong mas iniisip
ko si AD kesa sa kanya peroalam kong uulit ulitin ko din yung paggawa nun. Alam ko napapagod
siya pero, hindi ko talaga mapigilan eh. Minsan gusto kong pilitin si Kyle na tumigil nalang pero,
somehow, nagiging malapit narin siya sakin at nasanay na akong parati siyang nakaabang sa labas ng
gate ng school tuwing uwian.
Pagkahatid niya sakin eh sinabi kong mauna na siya. Hindi siya nagsalita maliban sa usual bye and
I love you niya. Napasimangot nga ako nun eh kasi alam kong nasaktan na naman siya. Pero nung
mga oras na yun, si AD lang talaga laman ng utak ko kaya hindi ko naisip na sobrang nasaktan ko pala
siya.
Pumasok ako sa school nun. Muntikan pa nga akong hindi makapasok kasi yung guard makulit,
tanung ng tanong kung ano daw gagawin ko. sinabi ko nalang na naiwan ko yung importanteng
project ko na bukas na kelangan tapos hindi ko pa tapos. Ayun, naawa naman sakin kahit papaano.
Wala pa ang bus nina AD nun kaya nagpunta muna ako sa mga lockers. Dinaanan ko narin yung
locker ko tapos kumuha ng kung anong abubot dun. syempre, baka magtanong si manong guard
mamaya at wala akong maipakita. Nakarinig ako ng tunog ng engine nun kaya nagmamadali akong
nagsara ng locker tapos dumungaw sa may railings. Nakita ko yung bus nila kaya bumaba ako kaagad.
Medyo malayo pa naman ako dun sa pinagparkingan ng bus kaya talagang todo effort ako sa
pagtakbo. Wala na akong pakielam nun kung nahuhulog yung ibang mga gamit ko. gusto ko talaga
siyang makita eh.
Pagkarating na pagkarating ko sa baba eh nagulat ako kasi nakasalubong ko

Si AD.
Chapter 31

Pareho kaming napadilat kasi saktong pagstep ko sa 1st floor eh siya kaagad yung nakaharap ko. may
dala dala pa siyang bag nun tapos nakajacket pa siya. Grabe..
Bakit ang attractive niya ngayon?
Oh, bakit andito ka pa? inantay mo ba ako?
Medyo kumalma na ako nun kaya nagstand straight ako tapos tinignan ko siya ng mataray.
Hindi ah. May naiwan ako kaya bumalik ako. Feeling mo naman.
Ngumiti siya nun pero parang ang lungkot lang ng ngiti niya. May kung anong papel siyang nilabas
mula sa pocket niya tapos pinakita niya sakin. Teka, retreat letter ko sa kanya yun ah!

Salamat pala ah.


Nagulat nalang ako kasi biglang niyakap niya ako. syempre ako nakayakap pa ako sa dala ko nun
tapos bigla siyang yumakap sakin. Hindi ko alam kung bibitawan ko na ba yung dala dala ko or what.
Basta parang naparalyze nalang ako nun at hindi ako makagalaw. Ni makapag-isip nga ng sasabihin
eh hindi ko magawa. I was stuck.
And I promise I wont. Napasmile ako nun. May nilagay kasi ako sa letter ko nun na Kapag nakita
mo ko, tell me your answer to this question: Promise me you wont forget me?.
May ilang minuto siguro kaming magkayakap nun. Siguro kung hindi dahil sa pag ehem ni Joey eh
hindi kami maghihiwalay. Panira talaga yung lalaking yun.
Pare, baka naman gusto mo nang umuwi?
Natawa siya nun tapos tumingin siya sakin na para bang niyayaya na akong umuwi. Tumango ako
nun tapos lumakad ako kasunod nila. nag-usap kasi yung dalawa eh at ayun, hindi naman ako
makarelate kaya medyo pumalikod nalang ako.
Nung nasa isang kanto na kami eh sumakay na si Joey. Naiwan kami syempre ni AD na naglalakad.
Tahimik nga siya nun eh. Ewan ko, parang naiilang ako dun sa kanina. Nung nakarating na kami sa
bahay eh pumasok muna siya saglit. Nakita kasi siya ni Kuya eh kaya ayun, nag-usap muna silang
dalawa. Hindi naman ako nagstay nun sa baba kasi alam kong man-to-man talk yun.
Nang bumaba ako para kumuha ng tubig eh nakita ko wala na si AD. Hindi siya nagbabye? :
Whatever.
Kinabukasan weekend na. niyaya akong lumabas ni Kyle pero hindi ako nakapunta, may family
affair daw kasi kami. Kung anu man yun, aba malay ko kay kuya Nike. Hmph. Feeling ko talaga may
galit yun kay Kyle eh.
Nang makarating kami dun sa restaurant eh nagulat ako kasi andoon din yung family nina AD.
Napataas yung kilay ko kay Kuya nun pero tumawa lang siya. Wow, family affair pala ha?
Anong meron?
Hindi ko rin alam eh. sabi kasi nila family affair daw.
Napakunot yung noo naming pareho tapos sumunod nalang kami sa mga magulang namin. Nung
nagstart na yung kaininan eh biglang nagsalita si Kuya Nike.
Siguro nagtataka kayo ngayon kung bakit may family affair na kasama natin ang isat isa
ano? tumango kami pareho ni AD nun tapos tumatawa lang sina mama at papa. Wow ha. Ang
supportive nila.
well ganito lang yun. Lately ko lang kasi nalaman na may kabirthday pala ako mula sa pamilyang
Domingo. So ako at yung kabirthday ko eh napagdesisyunan na gawing iisa nalang yung
celebration para mas masaya.
Oo nga pala no. malapit na pala birthday ni kuya. Sa 9 na pala yun. Sino naman kabirthday niya??

Feb ba birthday mo? napatingin siya sakin nun tapos napasimangot. Teka, ano na naman?
Tapos na birthday ko..hindi mo nga ako binati eh.
Oh!? Hindi naman siya nagsasabi eh!
Ha?? Kelan?
Nung January 1 pa. Tampo na ako niyan. Sister pa naman kita. Nung sinabi niya yung sister thing
eh parang may kumirot dito sakin. Grabe, hanggang dun lang talaga ano?
sorry nabelated. Sino may birthday ng 9?
Si Andie.
Napa-ahh nalang ako nun. So ayun, pinagplanuhan narin nila yung gagawin sa 9. Sunday yun kaya
pwede daw kaming lumabas. Mas okay nga daw kung 8 palang aalis na tapos overnight. Wow ha.
Naramdaman kong magvibrate phone ko nun kaya tinignan ko. Si Kyle pala.
Sender: Kyle
Message:
Hey, eat n.
Eat nq :) wg po
Ppgutom :) ilu.
Napangiti naman ako nun. Ang sweet talaga nitong lalaking to kahit kelan.
Si Kyle ba yan?
Napatingin ako sa kanya nun tapos tumango lang ako. yung reaction niya eh para bang hindi ko
maintindihan.
Bakit?
Wala lang. Haha. Kayo na ba?
Napatas kilay ko nun tapos umiling lang ako. Napa-ahh nalang siya nun tapos kumain na ulit. Sinerve
na kasi yung next dish kaya ayun.
After nung affair na yun eh nagkayayaan nang umuwi. Itong si Kuya Nike eh hindi ko malaman
laman kung anong pumasok sa kokote at sinabi kina mama at sa parents ni AD na si AD na daw
maghahatid sakin. Ang labo talaga nitong kapatid kong to.
Okay lang naman kay AD na siya maghatid. Dalawa kasi pala yung kotse na dala nila kasi hindi
nanggaling sa bahay si ate Andie. Tahimik lang siya nung pauwi na kami. Kung hindi ko nga alam na
kasama ko siya eh iisipin ko na mag-isa lang ako kasi parang ganun din yung dating nun eh.
Nagvibrate phone ko nun. Si Kyle tumatawag. Sasagutin ko ba o hindi?

Sagutin mo na yan. Namimiss ka na oh.


Tinignan ko siya nun pero nakatingin lang siya sa daan. Napahinga ako ng malalim tapos sinagot ko
naman na yung phone ko.
Napatawag ka..?
Wala lang. haha, namiss kita eh.
Aww, kulit.
Ang daldal ni Kyle nung mga oras na yun. Pero ni isang sinabi niya eh hindi ko naintindihan. Paano,
hindi ako mapakali sa tabi ni AD. Para bang may kung anong magnet siya na gusto ko tuloy tumingin
sa side niya. Ang hirap sobra.
Hello? Nakikinig ka pa ba?
h-Ha? Oo naman. Bakit?
Sige nga, ano yung huling sinabi ko?
Hala patay. Naman kasi Nikki eh. pakinggan mo kasi siya. Siya na nga tong nag-uubos ng load para
lang makausap ka taposhaaay.
Uhhsorry.
Natahimik siya nun tapos parang narinig ko siyang huminga ng malalim.
Sige, goodnight nalang. At pagkatapos nun eh binaba na niya yung phone. Walang?
Hala, nagalit yata.
Tinignan ko yung load ko nun kung pwede pang ipangtawag. Medyo nagdalawang isip pa ako kasi
konti nalang talaga pero hinayaan ko nalang. Dinial ko number niya nun tapos ayun nagring naman.
Nikki??
Sor--
Nagulat ako kasi bigla niya akong binabaan. Maiiyak na sana ako nun nang biglang nagring yung
phone ko. Si Kyle.
Hel
Baliw ka ba?? Bakit mo ko tinawagan? Paano nalang yung load mo??? Ay nako Nikki! Bakit, line
ka ba?? Wag kang tatawag sakin! Ako tatawag sayo okay?? Paano nalang kung kelanganin mo
yung load tapos wala kang load?! Nasayang tuloy! Ay nako talaga!
Para akong baliw nun na natatawa at umiiyak. Hindi ko na nga inisip pa na si AD yung katabi ko.
ewan ko ba dito kay Kyle. Siya lang yata ang kayang magpatawa at magpaiyak sakin at the same time.

Sorry na..
HA? Ehh..umiiyak ka ba?? Wag naman. Wag ka umiyak please..
Nagsorry pa ako nun ng ilang beses dahil sa hindi pakikinig at pagiging wala sa sarili nung
nagkukwento siya. Umok naman kami sa isat isa at ayun, sobrang saya daw niya kasi tumawag daw
talaga ako para gawin yun. Ano ba yan, kanina naiinis siya na tumawag ako tapos ngayon masaya?
Ang labo din niya ano?
Pagkababa namin eh nagulat ako kasi nasa bahay na pala kami, hindi ko man lang namalayan.
Kakarating lang natin?
Nakahawak sa manibela si AD nun tapos hindi siya tumitingin sakin.
Mga 10 minutes na tayong nakapark dito.
10 minutes?? Hindi man lang niya sinabi! Ano ba yan.
Bakit di mo sinabi sakin??
Nung time na yun bigla siyang tumingin sakin tapos sobrang seryoso ng mukha niya. nakaktakot nga
eh, in a weird way. sobrang bumilis yung heartbeat ko at feeling ko anytime eh maheheart attack
ako.
Kasi umiiyak ka pa kanina kaya ayoko munang mang-istorbo..
Iniwas niya yung tingin niya nun tapos tinanggal na yung seatbelt niya. hindi ako makagalaw nun sa
pwesto ko kasihanggang ngayon ang lakas parin ng heartbeat ko. lumabas na siya sa kotse nun
kaya nagtanggal narin ako ng seatbelt. Pagkababa ko eh nakita ko siyang pumasok sa loob tapos
sinalubong siya ni kuya Nike.
Wow, parang siya yung kapatid at hindi ako eh ano?
Tahimik akong pumasok nun sa loob hangggang sa makaakyat ako ng kwarto. Hindi parin ako
makapag-isip ng maayos. Siguro natauhan lang ako nung sinabi sakin ni kuya na umalis na daw si AD.
Ikaw, ano na naman ginawa mo dun?
Napadilat naman ako nun at upo ng maayos. Anong ako? Wala nga akong ginagawa dun eh. Bakit
na naman??
Umiling iling si kuya nun tapos nag-tsk tsk pa. Para nga siyang tungek eh, ayaw pang sabihin sakin
kung bakit siya ganun.
Ang labo talaga nilang dalawa.
Syempre nacurious ako dun sa sinasabi ni kuya kaya tinext ko si AD. Tagal nga niyang magreply eh,
parang kakasend ko palang nagvibrate kaagad yung phone ko. Excited? Lol.
Naging katext ko naman siya nun nung gabing yun. Nagulat nga ako kasi bigla niyang sinabi na

Sender: KUYA AD
Message:
Tawag ako.
Teka hindi ako ready! Ano ba naman to.
Agad akong bumaba nun tapos kinuha ko yung telepono. Syempre panic ako. Nung hawak ko na sa
kamay ko yung phone eh umakyat naman ako kaagad. Naghihintay lang ako nun hanggang sa
makatawag siya. Hindi nga siya nagtetext nun eh. Ayaw ko naman itext siya kasi baka isipin niya na
atat ako sa mga tawag niya.
Chineck ko naman yung phone namin para sa dial tone kasi malay ko ba kung sira siya or what.
Binaba ko naman kaagad nang maisip ko na baka tumawag na pala siya tapos busy. May ilang minuto
din akong nag-aabang nun. Sobrang lakas nga ng heartbeat ko eh. kung anu anong tanong pa ang
pumapasok sa isip ko.
Ano kaya boses niya sa telepono? Paano kaya siya magsalita?
Nagulat ako nun kasi biglang nagvibrate yung phone ko. pagkatingin ko eh napasimangot ako.
Sobrang nadown ako nun. Kulang na nga lang maiyak ako eh.
Sender: KUYA AD
Message:
Maaga pla aq 2m.
Ska nalng. Nyt Nikki.
Wow ha, hindi rin niya ako pinaasa no?? :( Konti lang naman.
Chapter 32

Hoy, ano tong nabalitaan kong may joint celebration daw ang Dizon and Domingo family?
Dont tell meikakasal na kayo ni AD??
Tinignan ko ng masama si Julia nun. Kasal? Eh ang bata bata ko pa tapos kasal na? hibang ba siya??
Baliw. Birthday kasi nina Ate Andie at Kuya Nike sa 9 so pinag-isa nalang.
Nag-aahh siya nun tapos umupo siya. Kasi naman. Grabe mag react eh. Akala mo wala nang bukas.
Eh di ang saya saya mo niyan ngayon??
Masaya? Ewan ko. Hindi parin kasi ako makaget over dun sa nangyare kagabi eh. :
Oh, bakit di maipinta mukha mo??
Eh kasi

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari tapos biglang napasimangot din siya. See, kahit si Julia
nagegets niya kung bakit hindi ako makaget over eh. naging okay naman yung araw na yun. Normal
lang. Hindi pa tapos yung retreat ng ibang fourth year kaya mas konti sila ngayon.
Nagkaroon ng general assembly nung after lunch kasi may inannounce yung principal. Ayun,
sinermonan lang kami kasi madumi daw yung corridor and stuff. Nako, if I know, labas sa kabilang
tenga kaagad yang sermon pagkaalis namin sa auditorium.
Nung palabas naman yung class namin eh nakasalubong namin yung section nina AD. Nagulat ako
kasi nakadikit sa kanya si Gladys nun at parang nagpapacute pa. nakakaasar nga eh, ang sarap tirisin
nung babae. Parang kuto lang eh.
AD, ang daya mo talaga. Kagabi nung tumawag ka sabi mo aattend ka ng band practice tas
ngayonhay nako.
Kagabi?? Wait, baka naman
Isipin mo, nagpabulabog ako ng mga anong oras nun? Mga 10 yata tapos bigla kang magbaback
out. Ang daya mo talaga.Wow ha.
Nikki
Yaan mo. Magsama sila nung DYS niya.
Sino naman ako diba para magselos?? :(
Hindi ko tinitignan si AD nun kasi alam ko na maiiyak ako. Dirediretso kami ni Julia palabas nun. Nung
nasa may corridor na kami eh naghiwalay na kami kasi ibang way yung dadaanan nila para
makarating sa classroom nila. Nakisama naman ako nun sa mga classmate ko tapos ayun, nakinig
nalang sa kwentuhan nila.
Aakyat na kami nun nang biglang may nanghatak ng kamay ko. Pagkatingin kosino pa nga ba?
Hey.
Uy. Sige may class pa kami. Hinigit ko nun yung kamay ko pagkatapos sumabay na ako sa mga
classmate ko umakyat.
May ilang araw ko rin siyang hindi pinapansin nun. Si Kuya Nike nga nagtataka kasi kahit nasa bahay
si AD at naghihi siya eh tinitignan ko lang at hindi ako nagrerespond. Sabi pa nga niya, ano daw
drama ko.
Ewan ko, tanung niya sa magaling niyang kakambal.
Excited na si Kuya dun sa celebration. Napagdesisyunan kasi na overnight nalang sa Batangas para
mas masaya. Magswim daw kami and stuff. Oh diba, early summer eh. nag-aayos ako ng gamit nung
mga oras na yun nang biglang pumasok ng kwarto si Kuya Nike.
Telepono.

Nakakunot yung noo ni kuya nun tapos initsa niya yung telepono sa kama. Hmm, siguro si Kyle to
kaya nagkakaganyan yan. Ewan ko ba, sinasabi niyang wala siyang galit pero ganiyan siya magreact.
Ano bang ginawa ni Kyle sa kanya??
Hello Kyle?
Walang sumasagot. May naririnig ako sa kabilang line pero hindi nagsasalita. Anong trip nito
ngayon?
Kyle??? May sasabihin ka ba? Dali nagpapack na---
Im not Kyle. Natigilan ako nun. Sobrang tumaas yata mga balahibo ko nun at bumilis kaagad yung
heartbeat ko.
His voice is still the same kahit sa phone. :
A-Ahsorry. Di ko inexpect eh. Si Kyle lang naman kasi natawag sakin eh.
Ahhako.
Anong ikaw?
Tumatawag ako ah.
Ngayon lang yun. Eh si Kyle madalas talaga.
Narinig ko siyang huminga ng malalim nun na para bang nafufrustrate siya. Hoy, hindi lang siya yung
nafufrustrate ano!
Yeah, pero nung isang time..
Hindi naman natuloy yun eh. Not counted siya.
Fine.
Gusto kong maging mataray sa kanya pero ewan. Ang gulo nga eh. hindi ko alam kung anong magic
meron siya pero kahit na naiinis ako eh basta kinakausap lang niya ako nagiging okay na. Para bang
hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal : .
May sasabihin ka ba?
Uhm..wala.
Sige, magpapack pa ako eh.
Ah okay. Sige..bye.
Binaba ko na yung phone nun tapos napahawak ako sa may dibdib ko. Grabeang lakas.
Nagpasalamat naman ako na kahit papaano, after ng tawag na yun eh nakatulog pa ako. Yun nga
lang, 2 hours lang tulog ko. :

Si Kuya Nike yung nanggising sakin nun. Halata ngang excited siya eh. Paano, nung pumasok siya sa
kwarto eh bihis na siyat dala ang gamit niya. Anong oras palang ba nun? 4?? Usapan kasi 5 aaalis
eh. Kaya ayun, wala siyang ibang maimbyerna kundi ako.
Kinulit kulit niya ako nun at minadali. Kesyo ang bagal ko daw kumilos at parang walang tulog. Kung
alam lang niya.
Kuya! Stop! Lalo akong bumabagal pag pinressure mo ko okay??
Tinigilan naman niya ako nun tapos ayun, nakapagready ako ng maayos. Muntikan pa nga akong
makatulog sa CR kung hindi lang ako kinatok ni Kuya. Pasaway talaga.
Kasekasealam kong excited ka rin pero dapat natulog ka ano.
Tinignan ko ng masama si kuya nun. Grabe gusto ko siyang batukan nung mga oras na yun. Hmph.
May narinig naman kaming kotse sa labas tapos lumabas narin kami. Si Kuya Nike yung nagdrive
nung car namin tapos sa kanila naman si AD. Nagtanungan muna sila kung ready na ba bago umalis.
Hindi ko na sila pinakialaman pa kasi natulog nalang ako. Inaantok talaga kasi ako nun eh. Bahala na
kung anong mangyari kapag gising ko.

NikkiNikki
Hmmmano ba yun?? Nananaginip ba ako?? boses ni AD yun ah..
Ah..ayoko nang maging kuya nalang
Huh..? anong ibig sabihin nun??
NikkiI thinknoI knowIlove you.
Tekathis must be a dream! Imposibleng mangyari yan. Pinilit kong buksan yung mata ko nun.
medyo nasilaw pa ako nun kasi nakabukas yung pinto ng kotse.
Nirub ko yung mata ko nun tapos tumingin sa paligid. Woah, andito na pala kami?? Tinaas ko yung
upuan nun tapos tumingin sa paligid. Ayun si AD ohkaya napakaimposibleng mangyari nung kanina.
Yeahdream lang talaga yun. Hanggang panaginip nalang talaga. :
Pagkababa ko naman eh sinalubong ako ni kuya Nike. sabi niya kakain na daw kaya ayun, nilagay ko
lang yung bag ko dun sa bahay bakasyunan ng mga Domingo tapos lumabas narin ako.
Nagstretch stretch ako nun ng konti. Medyo nangawit kasi ako dun sa posisyon ko kanina. Nagulat
ako nang biglang may sumundot sa kilikili ko. pagtingin ko eh nakaparang mabaho sign si AD tapos
natawa.
Yuck ang asim.
Nag-hmp ako nun tapos tinignan ko siya ng masama. Hindi naman eh!

Uu kaya. Ayan oh, kadiri. Eww.


Di wag mo amuyin! Hmph! Laki ng problema nitong lalaking to eh. nakakaasar.
Nilayuan ko naman siya nun kasi nainis ako, pero pajoke lang. Syempre, tampo effect dapat. Sisilipin
ko na sana kung sumunod siya kaso
Patampo tampo ka pa sisilip ka din naman pala. Sus! Panira naman ng drama itong si kuya oh!
Nakakabuwisit!
Tinignan ko ng masama si kuya Nike tapos pinitik lang niya yung noo ko.
Problema mo??
Tara na. Andoon na siya sa kabila oh. Hahaha. Inerapan ko siya pero sinundan ko narin. Wala
akong magagawa. Kakain narin kasi eh.
Pagkatapos naming kumain eh sumakay kami ng bangka para makarating sa isang island. Ang ganda
nga nung napuntahan namin kasi napakaputi nung sand tas ang clear pa nung water. Parang
paradise nga eh. nakakatuwa.
Nagswim lang kami nun. kinakantiyawan nga ako ni kuya nun kasi naka 2-piece ako tapos
sinasabihan ba naman akong mataba. Hmp, kakainis.
Lulusong na sana ako sa tubig nun nang biglang may humatak sa kamay ko. napalakas nga kaya
naout of balance ako kaya ayun..pareho kaming nabasa.
Ayan kasi, antaba taba. Nadala rin tuloy si AD.
Tinignan ko ng masama si kuya Nike nun tapos umirap ako. Sabay kaming tumayo ni Ad nun tapos
nung napatingin ako sa kanya eh nakakunot yung noo niya.
Bakit?
bakit ganyan suot mo?
Napatingin naman ako sa suot ko nun tapos sa kanya. Uhhpang-swim naman to ah?
Anong masama sa 2 piece??
Magpalit ka..
teka, sina mama nga at kuya eh walang reklamo tapos ikaw..?
Basta please
Ito lang meron ako eh..
Kumunot ulit noo niya nun tapos parang biglang lumiwanag yung mukha niya. okay, parang ayoko
yang look na yan.

My gosh, I look like an idiot! Nakakainis naman si AD eh!


Oh, nag two piece ka pa eh magtatakip ka rin pala??
Ugh! Sisihin mo yung kambal mo! Bwisit!
Chapter 33

Ang tagal din yata akong pinagtatawanan ni kuya nun. Paano, ayaw talagang ipaalis nitong lalaking to
yung oversized t-shirt na pinasuot niya sakin eh. Grabe, mukha akong tange.
Eh bakit ganun, si Ate Andie rin naman naka 2 piece ah? Bakit ako lang yung kelangang magmukhang
ganito? Rawr. Sa susunod nga na magbebeach kamiIll try to remember na wag siyang isasama.
Nikki..
Napatingin ako kay Ate Andie nun nang nakakunot yung noo. Natawa lang siya tapos tumabi siya sa
akin. Medyo nirelax ko naman ng konti yung mukha ko kasi kanina pa ako mukhang natalo sa lotto
eh.
Pagbigyan mo na yang kapatid kong sira..
Eh pero
Overprotective lang talaga siya
Kaso ikaw din naman ah?
Natawa siya bigla nun tapos umiling iling. Hindi ko naintindihan yung binulong niya pero it sounded
like, Ang dami talagang in denial ngayong panahon..
Now, anong ibig sabihin naman niya dun??
Tumayo narin siya tapos lumusong sa tubig. Nakakainggit grabe. Napatingin naman ako sa right side
ko nang may naramdaman akong tumabi sakin. Nagulat nga ako kasi hindi ko siya kakilala tapos
ginigitgit pa niya ako. umusog ako sa left kaso may tumabi pang isang lalake. Tatayo na sana ako nun
kaso bigla nila akong hinila pababa.
Teka lang missenjoy pa tayo eh diba??
Bitiwan niyo nga ako
Makikipagswimming ka lang naman samin eh..dali na.
Ano ba!
Tinry ko ulit umayo ng mabilis at sinipa ko yung sand para mapigilan sila. Ayun, lalo yatang nagalit
kasi hinabol nila ako. Grabe naman!

Anong ginagawa niyo?


Nagtago ako kaagad sa likod ni AD nun tapos yung mga lalaki kanina eh halatang inis na inis na.
Sino ka ba ha?
Magsasalita na sana ako nun kaso bigla niyang hinawakan yung kamay ko kaya natameme ako. Ako
lang naman ang boyfriend niya. Bakit? May angal?
Hindi ko na narinig pa yung iba nilang pinag-uusapan. Boyfriend..boyfriend..
Nagdatingan na sina tito at papa at ayun, umalis din yung mga lalaking nanggugulo. Hanggang
ngayon hindi ako makaget over sa sinabi niya eh. Sobrang lumakas yung heartbeat ko tapos hindi pa
ako masyadong makahinga.
Sorry sinabi ko na boyfriend mo kokailangan eh. Thats right. Hindi naman niya gagawin yun
kung hindi kelangan. Galing mo na naman mag-imagine Nikki.
Tumungo lang ako nun tapos umalis na. Pumwesto nalang ako sa tabi nina mama at tita Alice tapos
tahimik lang akong tumingin sa dagat. Emo mode?
Ewan ko.
Bumalik din kami bago magdilim. Tahimik lang talaga ako kasi medyo nasira narin yung mood ko eh.
Pagkabalik namin dun sa bahay eh dumiretso ako dun sa binigay nilang room tapos nagpahulog ako
sa may kama.
Bakit ba siya ganoon? Masyado ko lang ba minimisinterpret yung mga kilos niya o talagang sinasadya
niyang gawin yung mga bagay na yun?? Hindi ko na talaga alam kung ano bang dapat ko pang isipin
eh.
May kumatok sa pintuan ko nun kaya pinapasok ko naman. Si Kuya Nike lang pala. Tumabi siya sakin
nun tapos huminga siya ng malalim.
Hmm, lets just say namay ibang tao na hindi ganoon katapang sa pagsabi ng feelings nila..
Napatingin ako kay kuya nun tapos tinaasan ko siya ng kilay.
Ganyan kasi kaming mga lalaki ehwell, yung iba lang pala kasi iba ako eh.
Natawa naman ako bigla nun kaya tumingin siya ng masama. Hay, oo na, hindi na ako mag-iinterrupt.
As I was sayingganoon kasi talaga yung ibathey dont want to come out unless they know na
may chance. Parangplaying safe sila. Ayaw nilang magtake ng risks.
Kuyabakit mo sinasabi sakin to?
Nagulat naman ako kasi bigla bigla niya akong binatukan ng pagkalakas lakas.

Nireready kasi kita. Baka mamaya mashock ka at hindi ka makapagsalita masyado. Anyway, Im
just helping out. Sige. Malapit na kumain kaya magbihis ka naand inamoy amoy niya ako nun
tapos kumunot yung noo niya. Maligo ka ngaang baho mo na eh.
Tignan mo tong lalaking to. Pagkasama sama ng ugali. Kambal nga talaga sila ni AD.
Naligo naman na ako nun para walang mareklamo si kuya. Pagkatapos eh pumunta ako sa may likod
ng bahay kasi dun daw kami kakain. Sosyal nga eh, mga ihaw yung pagkain. Tipong pusit at kung anu
ano pang masarap na pagkain. Inasar nga ako ulit ni kuya eh na baka tumaba daw ako. Tss.
Nagulat nalang ako kasi habang kumakain ako eh tinabihan ako ni AD. Tumingin pa nga siya sa
kinakain ko tapos kumunot yung noo niya.
Whats that?
Napataas yung kilay ko nun. Siya nagluto hindi niya alam? Labo nito ah.
Bangus, duh.
No I meanbakit yan lang kinakain mo?? Ang konti!
Nagulat nalang ako kasi bigla niyang pinuno yung plate ko ng kung anu anong ulam. Grabe, yung isa
sinasabi na mataba na ako tapos ito kung tratuhin ako para namang anorexic ako. Ano ba yan.
Hibang na ba mga tao ngayon?? May sayad yata tong dalawang to eh.
Ang takaw naman nito..pwede namang bumalik. Hay nako, kaya ka tumataba eh.
Tumingin ako ng masama kay kuya Nike tapos nilapag ko yung plate ko. Napatingin nga yung iba eh
kasi medyo malakas yung pagbaba ng plate. Syempre nagblush ako kasi nakakahiya.
Im full.
Pagkatapos nun eh lumakad na ako palabas. Dun nalang ako tumambay sa may shore tapos nagpulot
ng kung anu anong sea shells. May ilang mga cute nga akong nakita kaya tinago ko sa pocket ko.
pinakafavorite ko yung heart shaped shell na matagal ko ring hinawakan.
Sanathings would work out. Sana...he would love me too. Nakapikit pa ako nun habang
nagwish. Syempre, todo effort ako eh. minsan ka lang makakakita ng heart shaped shell so malay mo
diba? Baka ito na yung swerteng inaabangan ko.
Huy. Nagulat ako bigla kasi may kasama pang tulak. Sa sobrang gulat konabato ko yung shell. :(
Nakakainis naman to eh..
Kumunot yung noo niya tapos nagtaas siya ng kilay. Sinabi ko naman sa kanya yung shell na nawala
tapos nagmukmok na ako. Syempre diba, nagwish pa man din ako dun taposwala na.
Nung medyo dumilim eh bumalik na kami sa bahay nila. naghahappy happy pa nga sina mama dun at
kumakanta ng kung anu ano sa magic sing. Grabe nga eh, nakakahiya. Tapos bumirit pa si papa with
matching dance moves. Oh my gosh, talk about humiliation.

Nung medyo late na eh nagtaka ako kasi hindi ko nakikita si AD. Nung una inisip ko na baka nasa
kwarto niya. Mag-goodnight na sana ako nun sa kanya kasi inaantok ako kaso wala pala siya dun. Oh,
saan naman napadpad yun?
Kuya, si AD?
Ba malay, kayo magkasama diba?
Inerapan ko siya nun. Ang galing din niya sumagot eh.
Tinanong ko din sina ate Andie nun kung alam nila kung nasaan si AD kaso wala daw. Nalaman ko
lang kung nasaan kasi yung isang helper nila sinabi sakin na kanina pa daw paikot ikot sa may shore.
Nacurious naman ako nun kaya lumabas ako. may parang kung ano siyang hinahanap nun sa may
sand. Teka, wag mong sabihin na kanina pa to andito??
Huy, anong trip yan?
Nagstretch stretch siya nun. Narinig ko pa nga yung mga buto niya eh, halatang nangawit siya ng
matagal.
Ehh..hinahanap ko kasi yung shell. Sorry hanawala tuloy. Ito nalang kapalit..hindi ko kasi talaga
siya mahanap. Baka nga natangay sa tubig..
Natulala ako sa kanya nun. Why would he do such a thing? Andpara sa akin pa?
Tinignan ko yung hawak hawak niyang shell. It wasnt the heart-shaped shell na nakita ko kanina
pero..its a whole lot better kasi galing sa kanya.
Nginitian ko siya nun at syempre, deep inside, kinilig ako. Pero hindi ako pwedeng magpadala sa kilig
na to kasi alam ko naman na kaya niya ginawa yun kasi ayaw niyang ma-sad ang SISTER niya. :
Thankskuya.
Ngumiti lang siya nun pero parang hindi sincere. Hindi ko na masyadong pinansin yun kasi niyaya na
niya akong pumasok. Nag-goodnight narin kami sa isat isa nun tapos pumasok na sa kanya kanya
naming kwarto.
The next day maaga kaming nagising. Nagkaroon ng mga last minute swim and picture taking at
laking pasalamat ko kasi hindi na ako pinasuot pa ng t-shirt ni AD. Before lunch kami umuwi kasi may
pasok pa bukas and syempre, magsisimba pa. sabi nga nila na sabay nalang din daw kami magsimba
kaya diretso na kami sa church. Ang awkward ng position nun kasi katabi ko siya. AT syempre, ang
napakagaling kong kuya Nike eh ginigitgit ako sa tabi ni AD.
Nung nakauwi na kami eh bagsak ako sa kama. Nakakapagod peroit was worth it.
Pumasok si kuya Nike nun sa kwarto tapos umupo siya sa tabi ko.
Serious talk tayo..upo ka ng maayos.
Nagulat naman ako kasi mukhang seryoso talaga si Kuya Nike.

Bakit?
Mahal mo siya diba?
Wow, out of the blue bigla niyang tinatanong yan??
Tumango nalang ako. Yun naman ang totoo eh. Saka kahit naman na umiling ako eh alam parin ni
kuya na mahal ko naman talaga siya.
What about Kyle? Do you love him too?
Why are you asking this?
Just answer it Codie.
Honestly? Im not sure. Maybe I do. Maybe I dont.
Nag-sigh si kuya Nike nun tapos parang nirub pa niya yung temples niya.
You have to be sure. You might end up getting hurt, or hurting someone if youre not.
okay wait, somethings wrong. Ano bang meron kuya at bigla mo kong tinatanong ng ganyan?
Okay, I dont wanna ruin it for him peropara wala nang takas yung mokong na yun.
Okay, now Im REALLY confused.
Ano nga??
Wellmaniwala ka man o hindiMr. AD Domingo,

is deeply in LOVE with you.


Chapter 34

First reaction ko?


Okay, nice joke. Sige na, seriously, bakit mo ginagawa to?
Im serious Codie.
Serious?? How can he tell me na serious siya!? Its impossible! MR. ANAKIN DYLAN DOMINGO DOES
NOT LOVE ME! Napakaimposibleng mangyari nun!
Kuya, alam ko lately nag-eenjoy kang asarin ako pero wag naman sa ganitofoul na eh.

Codie.
Napayuko ako nun. My heart was beating so fast. Feeling ko mahaheart attack ako any moment. He
loves me?? AS in LOVE??
Baka naman nagkakamali ka lang? O kayamaybenamisinterpret o misunderstand mo lang??
Come on. Seriously, its impossible.
Give me one good reason why its impossible.
Kasi uhDamn.
Pero Kuya
Codie, I wouldnt hurt you okay? So if I say its true. Its true. Trust in me. I know. Lumabas si
kuya sa kwarto nun para iwan akong mag-isip.
Pagbigyan mo na yang kapatid kong sira..
Eh pero
Overprotective lang talaga siya
Now that I think of it..it makes sense kung titignan ko siya that way. Kaso nga lang..
What if its not true? EH di umasa na naman ako ng umasa? :(
Kaso gaya ng ng sabi ni kuyahe wouldnt hurt me. Alam niya ang limitations. Alam niya ang
borderline ng pang-aasar. Gosh. Ano ba ito. Maniniwala na ba ako??
Thanks to my beloved brother, I was deprived of sleep. Ang resulta? Ayun, mukha ang zombie na
naglalakad sa isang desert. Kulang na nga lang hinihingal ako eh.
Yung mga classmate ko napapansin na yung malaki kong eyebags. Lahat nga sila sinasabi na matulog
nalang daw ako pero, hindi eh. pasaway talaga ko.
I survived the first 3 subjects naman. Kaso nung lunch, bumigay talaga ko. hindi ako kumain nun kasi
nagclinic ako. Si Julia naman, ayun, todo sermon. Paano, hindi ko pa nakukwento sa kanya yung
pangyayari kaya hindi niya maintindihan.
Nakaka-15 minutes palang ako sa clinic nun nang bigla kong narinig na nag-open yung door ng
malakas. Ang bibigat nga nung yapak nung pumasok eh. Siguro emergency.
Excuse me, bawal kang pumasok diyan!
Wow, pasaway pa.
Itutulog ko nalang sana yun kung hindi ko lang narinig na bumukas yung pinto sa female ward at
nakita ang isang AD Domingo na hingal na hingal at nakatitig sakin.

I think Im going to melt.


AD?
Nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sakin tapos hinawakan ako sa magkabilang braso. Syempre,
hindi ko mapigilang mamula nun kasisi AD yun eh.
Anong nangyari sayo??
Uhhhindi kasi ako nakatulog..
Halatang frustrated siya nun kasi minasahe niya yung ulo niya at pumikit pikit pa siya.
Mr. Domingo, Im giving you 5 minutes.
Nagthanks siya dun sa nurse tapos humarap sakin.
Akala ko pa naman kung napano ka na.
Aww, youre concerned. Thanks kuya.
Napatingin siya sa baba nun tapos sinuklay niya yung buhok niya gamit yung kamay niya.
Howawkward.
Wellmaniwala ka man o hindiMr. AD Domingois deeply in LOVE with you.
Aw shucks, sa lahat pa ng pwedeng maalala, bakit ito pa?? Darn.
Sige, 5 minutes na. Sa susunod wag ka na magpupuyat ahpinapaalala mo ko eh.
Bakit ganun, parang its just ordinary for me nalang?
Kasi nasanay ka na brotherly yung concern na pinapakita niya sayo.
Kaya nga ba mahirap paniwalaan namahal niya ako.
Nakabalik na ako sa class ng mga 6th period. Yung mga kaklase ko nga eh kinakantiyawan ako na ang
galing ko daw pumili ng oras na magclinic ako. Wala nga daw kasi masyadong ginawa kaya swerte
ako na wala akong namiss. Nako buti nalang, nakakatamad din kayang maghabol sa mga missed quiz
or seatwork no.
Nung dismissal ko na nakwento kay Julia yung tungkol sa sinabi sakin ni kuya Nike. Alam niyo ang
reaction ng bruha?
GO FOR IT! DALI! PAKASAL NA KAYO!
Binigyan ko siya nun ng isang matinding batok tapos kumalma narin siya. Tinawanan ko nga siya eh
kasi nadala lang siya ng sobrang saya. Hindi naman masyadong halata ano? Slight lang.
Pagkauwi ko ng bahay eh nag-iisip parin ba ako kung totoo yung sinabi ni kuya o hindi. Inaantay ko
ngang sabihin niya sakin na oy, joke lang yung kagabi o kaya naniwala ka? kawawa naman. Pero

wala eh, hindi talaga siya nagsabi ng ganun. Mas inasar nga niya ako sa pagiging mataba kesa yun.
So baka ngaseryoso siya.
Ang bilis lumipas ng oras. Dahil paulit ulit lang yung nangyayari sa school eh hindi ko na minsan
pinapansin yung ibang mga bagay. Sunod nalang na pangyayari ehValentines dance na. Oras na
para dun sa sinasabi niyangannouncement niya.
Oh, gaya ng sabi niya ah? May aannounce daw. Makinig ka ha??
Excited ka ano? nagulat nalang ako kasi biglang napatili si Julia.
Kinikilig ako girl!
Nagsmile ako sa kanya. Syempre, dapat hindi ko ipahalata naKINIKILIG DIN AKO EH!
Naging okay naman yung dance. Sayaw dito, sayaw dun. May mga kaklase ako na sinayaw naman
ako. Nakakatuwa nga eh kasi habang sumasayaw eh yung iba parang nanginginig (crush yata ako eh
lol) at may ibang joke ng joke.
Tumugtog nun yung banda nina AD. Ang galing nila sobra. Pwede silang pang pro. Kulang na nga lang
eh magcompose sila ng sarili nilang kanta eh. Sila na siguro ang pinakamagaling na bandang
napadpad dito sa St. Marcus Academy. Yung iba kasing mga bandawell, lets just say na
nangangapa pa sila.
Nagkaroon ng break yung banda tapos hinanap ko kaagad si AD. Medyo natigilan ako kasi nakita ko
si Gladys na pinupunasan siya ng pawis. Aalis na sana ako nun kung hindi lang niya ako nakita at
lumapit siya sakin.
Yung announcement kouhh, makinig ka ha?
Nagsmile ako sa kanya nun pero andoon parin yung picture nilang dalawa ni Gladys sa isipan ko.
Now tell me, paano ako maniniwalang ako yung mahal niya kapag ganyan yung nakikita ko??
Nagkaroon ng isang slow song tapos nagulat ako kasi niyaya ako ni AD.
Let me hold you for the last time
Its the last chance to feel again
But you broke me
Now I cant feel anything
Wow, ang nice naman ng song. Para bangsomething bad will happen :
Uhtungkol saan yung i-aannounce mo?
Umiwas ng tingin si AD nun. I dont know kung tama ba yung nakita ko, kasi madilim, perodid he
just blush??
Basta, napakaimportante nun para sakin..
Wow, parangsinagot niya yung tanong ha.

Nung nasa mga last verse na eh tumingin siya sakin ng diretso.


Let me hold you for the last time
Its the last chance to feel again
Bakit ganun nalang yung impact nung kanta sakin??
Ang labo ah. :
Nung natapos yung kanta eh pumunta na ulit sila sa stage. Sila na kasi yung tutugtog ng last 3 songs
eh. as usual, namangha na naman yung mga nakikinig sa talent nila. Grabe eh, ang dami nilang
kayang gawin. Parang hindi mga 4th year high school lang eh.
Pagdating sa last song eh biglang tumigil sa pagplay yung banda.
Sorry kiddos, may important announcement kasi yung drummer namin kaya well cut in muna.
Wow, lakas nilang mambitin ah.
Okay.
Ang daming kinilig nun. Syempre, si AD Domingo yung nasa harap eh. ang lakas talaga ng dating
nitong mokong na to kahit kelan.
Well, you all know me. Para dun sa hindi nakakakilalaIm AD Domingo.
Wait, announcement ba to o nagpapakilala siya? Parang nagcacampaign lang ah. Hahah.
Well, uhhsh*t.
Natawa yung mga tao nun kasi pinat nung lead singer si AD sa likod.
Sorry ha, medyo torpe lang to eh.
Okay, sorry dun. Im justtrying to find the perfect words to saywell anyway, here goes.
Huminga siya ng malalim nun tapos nagulat ako kasi bigla siyang tumingin sakin. Napatingin nga ako
sa likod para icheck kung sakin ba talaga siya nakatingin eh. Nung humarap ako sa kanya eh
tumatango siya. Soako nga?
See, I met this girl. Shes so different from all the other girls na nakilala ko. Shes happy when
shes sad. Shes sad when shes happy. Labo niya ano? Akala ko nga rin nung una maluwag na yung
turnilyo nito eh pero hindi pala.
Natawa kaming lahat nun. Teka nga, ako ba yung tinutukoy niya? :
So I got to know her. Sobrang, shes different from my first impression. Okay siyasobrang okay.
But I wasnt ready to admit na I like her. Or better yet, I love her.

Nagtilihan yung mga tao nun. may iba pa nga na nagbubulungan kung sino daw ba yung babaeng yun.
Naalala ko naman yung sinabi ni kuya about AD taposlalo akong namula. Dagdag mo pa yung fact
na sakin lang nakatitig si AD nung mga oras na yun.
I thought, maybe if we had a different set up, I wont fall for her anymore kaso..hindi ganun yung
nangyari eh. Siguro nga you can say, I was scared. Weak, duwag. Torpe. I was just afraid na kapag I
told her my feelings, things would get too complicated for her at baka masaktan ko lang siya.
Takot akong magtake ng step kasi baka hindi ko siya mapasaya.
May mga taong nag-aww nun kasi talagang nakakatuwa.
But someone told memore like, someone made me realize na, how would I know na hindi ko
siya mapapasaya if I havent even tried? I mean, I was swallowed by this insecurity and fear kaya I
didnt realize, nasasaktan ko na pala siya, matagal na.
Nagulat nalang ako nang biglang may narinig akong nag-sniff. Wow, may naiyak? Sosyal ah.
Anyway, Ill get to the point. Now, I finally gained enough courage and confidence para ipagtapat
yung nararamdaman ko. Yeah, and kung iniiisip niyo na sobrang hirap ng ginagawa ko, telling my
feelings sa harap ng buong high school, you cant imagine how Im feeling right now. It feels so
gay.
Natawa yung ibang mga tao ulit nun kasi ang kulit niya talaga. Benta tong lalaking to ah. Nung mga
time na yun eh umikot yung tingin niya sa ibang mga tao. After ng one look around the venue,
biglang bumalik yung seryosong tingin niya sakin and he smiled.
But I dont mind being gay para lang sayo. Wala na akong pakielam kung tawanan man nila ako,
kung sabihan ng, uy siya yung lalaking makapal ang mukha na nagconfess sa harap ng buong high
school. I dont care anymore. All I care about isyou. So, before pa tayo abutin ng time, kasi if
you havent noticed, mag-10 minutes narin akong nakatayo dito at malapit na ang uwian..
Pasaway talaga tong lalaking to. Alam na niyang malapit na eh nagpaliguy ligoy pa.
What would you do if he really tells you that he loves you?
What would I do? no nga bang dapat kong gawin? I cant say yes kaagad kasiandiyan si Kyle. I dont
want to hurt him. I dont want to make him feel na, sobrang pinaasa ko siya. Pero in the first place,
pinastop ko narin siya dati eh. Pero, its still wrong diba? In the end, ako parin yung magiging
masama.
Come what may, the rest, I would leave in fates hands.
Okay, Im stalling. AnywayI just want to sayI love you.. ngumiti siya nun.
Nagtaka ako kasi biglang kumunot yung noo niya tapos..

..Gladys.
What??
Chapter 35

Hindi ko alam kung anong irereact ko. yung mga tao sa paligid namin anghihiyawan na. Lumapit
sakin si Julia tapos nirub niya yung shoulder ko.
Girl..
Haha. I knew it was a joke. Si Kuya Nike talaga..napakagaling magtago. Hahaha. Sige Julia,
mauuna na akong umuwi. Bye! See you on Monday!
Pinigilan niya ako nun pero tumakbo na ako paalis. Nung nakarating ako sa may gate eh napaupo ako
at doon lumabas lahat ng luha ko. Hindi ko alam kung sinong tatawagan ko nung mga oras na yun.
Ayokong tawagan si kuya kasiewan ko ba. I felt betrayed.
Naglakad ako nun kahit na madilim. Hindi ko alam kung saano ako pupunta. Ayokong umuwi
kasialam kong andoon si kuya Nike. hindi pa ako ready na makita siya eh.
Para akong zombie na naglalakad nung mga oras na yun. Paano, nakayuko ako tapos ang bagal
ko pang kumilos. Feeling ko kasi anytime, pwede akong bumagsak. And I did.
But I fell onto an angels arms.
Angel nga ba?
Hey.
Nang makita ko si Kyle, hindi ko alam kung bakit pero biglang bumuhos yung mga luha ko. Niyakap
niya ako ng mahigpit nun at kinomfort ako. Ni hindi nga siya bumitaw eh. He was just there, waiting.
Buti pa siya ano? Handa siyang hintayin ako. Hindi niya ako pinagmumukhang tan*a.
Paano mo nalaman?
I dont know. Feeling ko lang dapat pumunta ako sa school niyo. May shoot pa nga ako ngayon eh
pero, ewan. Ang gulo din eh. Haha, labo ko no?
Umiling ako nun tapos tumingin ako ng diretso sa kanya.
Nohindi ka malabo.
Tinulungan niya akong makatayo nun tapos sinamahan niya ako pauwi. Nung nasa labas na kami ng
bahay eh natigilan ako. Papasok na ba ako?
Kapag pumasok ako diyan, sangkatutak na tanong yung maririnig ko. Ayokong umiyak ulit. Ayoko
nang umiyak dahil sa kanya.
Game over na eh. Talo na ako. :
Sige Kylemaraming salamat.

Nagbye siya sakin nun tapos ako naman eh pumasok na ako sa loob. Pagkabukas ko ng pinto eh
nakita ko si kuya Nike na nakaupo sa sofa. Napatingin siya sakin tapos lumapit siya. Akala ko may
sasabihin siya tungkol dun sa panloloko niya pero hindi.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
Matagal din siyang nakayakap nun at hindi ko namalayan na umiiyak pala ako ulit. Kinomfort niya
ako nun hanggang sa tumigil na yung pagtulo ng mga luha ko.
Sorryakala ko hindi na siya makakatakas..pero on the last minutenagawa parin niya.
Tumingin ako kay kuya Nike nun. hindi ko siya maintindihan. Hanggang ngayon ba sinasabi parin
niyang ako yung mahal ni AD? Kuya naman..
Game over na kuya..talo na ako. Hindi ko na kaya. Ayoko na.
Hindi siya kumontra nun. tumango lang siya tapos niyakap niya ako ulit. Sinamahan niya ako sa
kwarto tpaos tinabihan niya ako nung matutulog na kami.
Makakahanap ka pa ng iba
Tumingin ako sa kanya nun habang nakahiga kami.
Kuyawould you accept Kyle?
Nakita kong parang magrereact pa sana siya ng hindi maganda pero pinigilan niya yung sarili niya.
Napabuntong hininga siya tapos tumango.
Humiga na ako ulit sa chest niya nun tapos nakatulog narin after ilang minutes. I wished so hard na
paggising ko, masamang panaginip lang pala ang lahat ng nangyari.
Kaso hindi. I have to face reality. Ang masama pa, nanadya yata yung oras kasi mabilis lang lumipas
yung weekend.
Nung Monday morning, sobrang aga kong pumasok. Andoon parin yung mga chismisan ng tao
tungkol sa nangyari nung Friday. Syempre ako, tahimik lang ako kasialam kong masasaktan lang
ako kapag nagsalita pa ako.
Nang makarating ako sa classroom namin eh walang tao. Umupo ako sa seat ko nun tapos nilean ko
yung head ko sa armchair.
May narinig akong pumasok sa classroom pero hindi ko pinansin. Yaan mo nang akalain nila na tulog
ako. Mas okay narin yun. Wala pa ako sa tamang pag-iisip para mag-explain eh. Syempre, alam
naman kasi ng class namin yung pagkagusto ko kay AD kayayung naging reaction din nila kagabi eh
kakaiba.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko yung kakapasok lang tapos narinig ko siyang nagbuntong
hininga. Hindi ko na sinubaybayan pa yung susunod niyang ikikilos kasi inantok narin ako. ang tagal
ko rin kasing umiyak kagabi kaya medyo kulang ako sa tulog.
Sorry..

Am I dreaming?
Im really really sorry..
Yeah, baka panaginip na naman.
I love you Nikki.
Pleasegame over na eh. kahit panaginip, please give me some peace naman oh. Ang sakit na talaga
eh.
Nikki! Gising!
Napamulat yung mata ko nun tapos pagkadilat ko eh nagulat ako kasi may lettering na nakalagay sa
board. Yung mga classmate ko nga nakangiti pa sakin eh. napaluha naman ako kasi sobrang thankful
ako sa kanila.
Everything will be okay Nikki! Aja! yan yung nakasulat sa board. Grabe, after kong makita yun eh
bigla akong niyakap ng mga classmates ko.
Nung dumating yung adviser namin eh saka kami bumalik sa kaniya kanyang upuan. May nag-erase
narin sa nakasulat sa board at ayun, back to normal na ulit.
Hindi nagpakita si AD. Hindi ko rin siya hinanap. Mas okay narin to siguro. Nung dismissal eh biglang
lumapit sakin si Joey.
Pwede ka daw ba niyang kausapin?
Bakit hindi siya yung lumapit?
Nagkamot ng ulo nun si Joey tapos nagtext pa siya. Kawawa naman to, siya tuloy napagbuntuan ko
ng galit.
Sorry Joey..
Okay langnaiintindihan ko naman yung sitwasyon mo eh..
After ilang minutes eh dumating si AD. Umalis narin si Joey nun para makapag-usap kami nitong
lalaking to.
Okay yung announcement mo ah. Ang sweet. EH di kayo na ni Gladys?
Nikki
Bakit hindi mo nalang sakin sinabi kaagad? Para alam mo yun, nacheer pa kita. Diba, dapat
supportive ang sister sa kanya KUYA?
Sobrang kung anu ano na lumalabas sa bibig ko nun. Gusto kong magpreno peroayaw magpaawat
eh. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Feeling ko anytime bibigay na ako at bigla nalang tutumba.

Nikki please..
Bakit? May sasabihin ka pa ba? Hindi mo pa nasama dun sa announcement? Hala naman. Dali,
hanapin natin si Gladys para masabi mo.
Hinatak ko siya nun pero hindi siya kumikilos. Ilang beses ko siyang sinubukang hilahin kaso mas
malakas talaga siya. In the end, nakahawak nalang ako sa may braso niya. hindi ko alam kung bakit
hindi ako bumibitiw. Basta alam ko lang, umiiyak na ako.
SorryNikki sa totoo lang..
Dont. Pleasedont. Tanggap ko na. Game over na ako. Talo na eh. Wala nang pag-asa.
Pero
Please AD. Hayaan mo nang tanggapin kopleasetama na...pagod na ako. Ayoko na.
Umiiyak na talaga ako nun at binitiwan ko narin yung kamay niya. Hindi kami kumikilos nun. Tahimik
din ang paligid kasi nag-uwian na yung mga tao. Mas okay narin to Nikki. In just weeks, aalis narin
naman siya eh. Magpapakalayo na. Its better to forget him now.
Sorry hahindi kita tinawag na Kuya. Gusto ko kasi nakahitk-kahit papaano, maalala
kongmay time pa na*hic*hindi tayo brother-sister. Na kahit isang beses lang bago mag-end
ang lahat, you wont see me as your..s-sister. Alam mo yun? Pagbigyan mo na ako ah? Before it
ends.
Hindi ko siya tinitignan nun. Hindi ko kaya eh. tumalikod ako nun tapos huminga ng malalim.
ByeAD.
Nikki..
Lumakad ako paalis nun. Hindi ko na siguro kakayanin pa kapag nagstay pa ako eh. Pagkauwi ko ng
bahay eh dumiretso lang ako sa kwarto. Nagkulong ako nun. Hindi ko pinapasok kahit na sino. Hindi
ako nagreply o sumagot ng kahit anong tawag. Ginusto kong mapag-isa nun.
And i hate how much i love you boy (yeah)
I cant stand how much I need you (I need you)
And I hate how much I love you boy (oooh whoa..)
But I just cant let you go
And I hate that I love you so
Nagulat ako nung narinig ko yan. Sakto naman talaga oh. Bakit ganoon?
Sige Nikki, iiyak mo na yan. Last na naman yan eh. After nitowala na.
Pangako ko sa sarili ko, this would be the last time that I would cry for Mr. Anakin Dylan Domingo.
Ito na yung huling pagkakataon na masasaktan ako dahil sa kanya dahil pagkatapos nitoIll forget
about him. Magmomove on ako, magkakagusto sa iba, gaya ng dati, andIll be happy. No, Ill be
happier.

Ill find my happiness in another.


Chapter 36

After 7 months.
Codie! Andiyan na si Kyle oh!
Oh shoot. Nagmadali na akong mag-ayos ng buhok nun. buti nalang talaga at short hair na ako kaya
mas madali na siyang imanage ngayon.
Oh, anong oras ka uuwi?
Tinignan ko si kuya nun na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo.
Kuya, hindi pa nga ako nakakaalis eh tapos tatanungin mo kagad ako kung anong oras ako uuwi?
Naman oh.
Magpahatid ka ah.
Umoo nalang ako nun para matahimik siya tapos nagkiss ako at saka lumabas. May nakapark na
kotse sa labas nun at nakalean ang isang Kyle Abuedo sa may pintuan nito. Grabe, bakit ganyan yung
porma niya??
Nakakainlove tuloy lalo :
Hey.. tumingin siya sakin nun tapos todo ngiti siya. Grabe, nakakamelt.
Hey bee.
Tara?
Tumango siya tapos pumasok na kami sa kotse. Hindi rin siya matagal nagdrive kasi malapit lang pala
yung place kung saan kami kakain. Pagkababa ko eh nagulat ako kasi may mga rose petals dun sa
floor. Grabe, sobrang pinaghandaan na naman niya to.
Pagkadating namin sa rooftop eh may mga taong nagpaplay ng violin tapos sa gitna eh may table na
pang dalawang tao lang.
Kyle..gumastos ka na naman..
I dont mind. Para sayo naman eh. I love you bee. Happy 5th monthsary.
Yeah, kami na nga ni Kyle. Weve been together for 5 months na at masasabi kong, masaya ako sa
kanya. If youre wondering kung anong nangyariwell, I left it all behind na. Its part of my past and
Kyle is now my present.
I love you bee. Salamat ha?

Kumain kami nun tapos tinugtugan kami nung mga nagviviolin. Grabe, nakakatuwa talaga. Nagulat
ako nang biglang mag-abot siya sakin ng box. Pagkabukas ko eh sobrang ganda nung necklace na
nakalagay dun sa loob. Grabe.
Sorry yan lang nakayanan ko ah?
Napatingin ako sa kanya na para bang nahihibang siya.
Ano ka ba Kyle. Sobra sobra pa nga ito eh.
Inabot ko naman sa kanya yung gift ko. Sobrang simple nga lang eh. Para siyang scrapbook na may
nakalagay na 99 reasons why I love him. Why 99? Kasi yung ika-100th reason is..
Bakit 99? Hahaha, may butal pang isa.
Ano ka ba, wag mo kong pangunahan. Gusto mo bang malaman yung 100th reason o hindi?
Natawa siya nun tapos nagsign siya na magpatuloy daw ako.
Yung 100th reasonehthe fact that you are you is already enough for me to love you. Kahit hindi
nakalagay diyan yung other 99, basta yung 100th ang pinakaimportant.
Sobrang ngiti yung loko. Feeling ko kinilig siya eh.
Tumugtog ng Ill be yung mga nagviviolin tapos sinayaw ako ni Kyle. I had so much fun nung gabing
yun. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw ko nung mga oras na yun.
Hinatid ako ni Kyle ng mga bandang 9 na. Ang dami pa kasi niyang surprises eh. May pa-star gazing
pa siyang nalalaman. Sabi pa nga niya na may shooting star na darating eh, wala naman pala. Tss.
Hahah.
Bye bee. I love you. Ingat pauwi okay?
Of course. Gusto pa kita makita no. Hahah. Sige bee, I love you more.
Kumiss siya sa akin nun pero sa cheeks lang. Nung nakaalis na siya eh pumasok na ako sa loob.
*imitates Nikkis voice* Bye bee, I love you. Ingat pauwi okay?
Tinginan ko ng masama si kuya Nike nun.
Inggit ka naman? Ligawan mo na kasi yung officemate mong maganda!
Binatukan niya ako nun tapos pumunta narin siya sa kwarto niya. Pagpasok ko sa kwarto ko eh
nagfriendster muna ako. Iniba ko yung shoutout ko nun. Dati kasi quote yung nakalagay dun, ginawa
ko nalang I Love my bee! Happy 5th month!.
Nung wala na akong ibang maisip gawin eh pinatay ko na yung computer tapos nag-ayos narin ako
para matulog. May pasok pa kaya bukas.

This year, classmates kami ni Julia. Yung mga dati kong classmates eh iba na yung section pero may
mga natira parin naman. At syempre, reunion every week! Woo!
Saya mo kahapon ah. Kita ko yung shoutout mo.
Ang sweet niya talaga Julia. As in sobrang pinaghandaan na naman niya yung celebration namin.
Tapos look, binigyan niya ako nito oh.
Syempre sinuot ko kaagad yung bigay niyang necklace Ang cute talaga eh, may nakalagay na N sa
gitna ng heart.
Sosyaal. Rich Kid talaga yang boyfriend mo eh.
Natawa naman ako nun. Natutuwa ako kina Julia kasi sila parin ni Lester. Mag-2 years na nga sila eh.
Sana kami rin ni Kyle umabot ng 2 yearsor more.
May mga ilang reminders din yung teachers namin bago kami pinaggroup. May kung ano kasing
pakulo yung school namin bukas eh. Nagkaroon kasi ng auditions and practices nung mga huling
linggo. May kung anu anong activities din na pinagawa sa bawat section. Ewan ko ba, may
presentation yata. Basta ang alam ko, invited ang ibang school, gaya nalang ng St. Claires.
Hindi ako kaagad umuwi ng bahay nun. Nakitambay muna ako sa house ni Julia kasi namiss rin ako
dun eh. Haha. Nagmovie marathon nalang muna kami kasama nung iba pa naming classmates.
Nagulat ako nang biglang may narinig akong familiar song
Let me hold you
For the last time
Its the last chance to feel again
But you broke me
Now I cant feel anything
When I love you
Its so untrue
I cant even convince myself
When Im speaking
Its the voice of someone else
Oh it tears me up
I tried to hold but it hurts too much
I tried to forgive but its not enough
To make it all okay
Sorry, haha tumatawag si boyfie eh.
Natawa kami nun sa kanya. Ang kulit ng tawag niya sa boyfriend niya eh. Tapos yung tawag naman
sa kanya eh girlfie. Ang weird no? parang goldfish lang eh. Pero masaya sila dun so hayaan nalang.
Hahah.
Hmm, sino na nga ba ulit yung naalala ko sa song na yun??
Ah bahala na.

Nung natapos yung movie marathon namin eh umuwi na ako. Isang sakay lang naman yung papunta
dun kaya no problem ako kahit na walang kasama. Tinawagan pa nga ako ni Kyle nun at medyo
nainis siya kasi bakit daw ako umuwi ng mag-isa. Sabi ko naman na okay lang ako pero siya eh.
Makulit talaga siya.
Nakauwi ako ng bahay ng mga bandang 7 na. pagpasok ko eh ayun si kuya, may katelebabad sa
phone. For sure siya yung girl na matagal na niyang crush sa office niya.
AD..
Teka, ano daw??
Napalapit ako kay kuya nun tapos tumingin siya sakin.
Edi sabihin mo nga sa kanya.
Ah, mali pala rinig ko?
Weird. Bakit ko siya biglang naalala? :
Napabuntong hininga ako nun tapos pumanik nalang ako sa kwarto ko. binuksan ko yung computer,
friendster at..
Its just one click away.
Wala naman sigurong masama kung..?
Wag na Nikki! Nakamove on ka na diba? Mas okay narin yan.
Kinlose ko yung friendster ko pati narin yung computer tapos humiga ako.
Yeah, its better this way. Im happier now diba?
Kinuha ko yung phone ko nun tapos tinext ko si Kyle. Pinatawag ko siya. Ewan ko ba, namiss ko yung
boses niya eh.
Hey bee. Bakit?
Wala langnamiss kita eh.
Aww, I miss you too. Sobra. Sorry kung hindi kita nasundo.
Its okay. Sorry din kung mag-isa ako umuwi ha?
Sh*t, I wanna see you..
Nagsmile ako nun. Ilang oras din kami nag-usap nun. Nung medyo inantok na ako eh nagbye na ako
sa kanya. Gagawa pa nga pala ako ng mga assignment, muntik ko pang malimutan.
Nakatulog ako ng mga 11 nun. Good luck naman sa gisingan nito bukas.

The next day eh muntik muntikan pa akong malate. Buti nalang at puro activities at hindi uso ang
late kapag ganitong mga events.
Hey.
Aga mo ah. Break niyo ngayon?
Nope. Takas to. Haha, andoon sila sa Theater eh. Loko loko talaga to kahit kelan.
Pinalo ko naman siya nun tapos pinabalik ko siya. Ang pilit pa nga niya eh pero wala siyang
magagawa. Nahuli kasi siya nung teacher in charge. Hahah, kawawa naman.
Nagtext si kuya Nike sakin nung bandang lunch.
Sender: Kuyaa
Message:
Uwi ka agad. May
Ppntahan mmya.
Aww. Sayang naman. Lalabas sana kami ni Kyle eh. Hay, anyway. Bahala na.
Naging okay naman yung activity ng section namin. Parang Cosplay Tea house lang kasi yung ginawa
namin at ayun, enjoy naman yung mga customers namin. Kinongratulate pa nga kami nung adviser
namin kasi mabenta daw yung activity namin.
Nung pauwi ako, ang dami kong dalang gamit. Syempre, may costume pa and some other stuff. Hindi
na ako nagpatulong kay Kyle kasi for sure magyayaya muna yan na kumain eh hindi nga ako pwede.
Kapag tumanggi naman, ayun, tampururot. Kaya, bahala na. Kaya ko to.
Pasakay na ako ng trike nun nang biglang may nakita akong pamilyar na tao.
AD?
Hindi. Guni guni mo lang yun. Wala na si AD diba? Nasa dorm siya ngayon sa may UST.
Napakaimposibleng makita mo siya ngayon. Malayo yun. AT matagal narin siyang hindi bumibisita
kaya, wag ka na umasa.
Pagkauwi ko ng bahay eh pinagbihis lang ako nina mama tapos umalis na kaagad kami. Pumunta lang
kami sa isang restaurant kasi may imemeet daw kami at may ididiscuss na family matter. Basta, kung
anu anong kaekekan na naman yung ginagawa nila.
Syempre ako, para hindi ako mabore eh tinext ko nalang si Kyle. Ayun, sabihan lang na miss na
namin yung isat isa kahit kanina lang eh nagkita kami. Nagsabi pa nga na tatawag pero pinigilan ko.
nakakahiya naman kung mag-excuse ako para lang sagutin diba.
Ma, sino po ba hinihintay natin?
Malapit na daw sila eho ayan na pala oh.
Nagulat ako at napatayo. Parents ni AD.

Hi Maresorry kung tinagal ah. Traffic kasi eh. Nasa baba pa si Andie.
Okay, good, hindi siya kasama :
Nagstart narin kaming umorder nun habang naghihintay kay Ate Andie.
Nung nakaakyat si Ate Andie eh sakto dumating na yung food. Nagkwentuhan and stuff, kamustahan
at kung anu ano pa.
Well, kaya meron tayong gathering ngayon kasi..
Napatingin ako kina mama at papa nun.
Well, we all know na this weekend na yung anniversary namin ni David. So pinlano namin na
iinvite ang family niyo para makicelebrate samin. Parang outing narin.
Halatang natuwa sina tito at tita kasi nakangiti sila at ayun, nagsimula nanag magplano plano.
Syempre, ako, dahil wala naman akong masabi eh tinext ko nalang kaagad si Kyle.
Send to: Bee
Message:
Bee. Miss na kta :[
Nagreply naman siya kaagad ng isang tumataginting na..
Sender: Bee
Message:
Pnta aq jn gs2 m?
Miss ndn kta :[
I loooove you.
Nagreply naman ako na wag na kasi syempre, andito sina tita at tito tapos biglang dadating siya?
Awkward?
Teka, bakit naman awkward??
Pero hindi ko parin siya pinapunta na. Syempre, family affair eh. baka ma-OP lang siya nito.
Ma, sorry Im late. Traffic po eh.
Tekakilala ko yang boses na yan ah??
Long time no see. Tumayo si kuya palapit dun sa bagong dating at nagshake hands
sila. Nagmamature ah. Musta college?
Eto, mahirap. Haha.
Loko, sa simula lang yan.
Nagtawanan sila nun at ako, ayun, mukhang ewan na hindi makagalaw sa seat ko.

Of course, you still remember, my sister Codie diba?


Nagkatinginan kaming dalawa. Bakit ganito pakiramdam ko?? Bakit parangparangang lakas ng
heartbeat ko??
May Kyle na ako. Hindi ito tama. Yeah, Im just in shock. Yun nga siguro.
Of course. How can I forget?
AD Domingobakit ka pa bumalik?
Chapter 37

Nung second day eh concentrated sa family yung topic ng activities namin. Nagulat ako nun kasi may
mga ibang classmate pala ako na mula sa broken family tapos ngayon ko lang nalaman. Sinupport
naman main yung mga iba na may family problems at ayun, parang mas tumindi yung bond ng
section namin.
Nung last day na namin eh nagkaroon ng activity na nagconcentrate na sa love.
Ang love, it comes in many different forms. Akala kasi natin, ang love lang na nag-eexist eh yung
love for our partners. Meron ding tinatawag na love for family, friends, work, school, and
especially for God.
Pinag-group kami nun tapos binigyan kami ng papel at ballpen.
Now, I want you to write 3 love letters. Isa para sa family niyo, isa para sa friends at yung isa
para kay God. Yung mga boyfriend at girlfriend niyo eh kasali na sa friends.
Nagsulat naman ako nun. Syempre, yung sa family eh para sa kanilang lahat. Nagpasalamat ako nun
kasi hanggang ngayon eh hindi sila nagsasawang alagaan ako. Nung sa friends naman eh kay Nate ko
na ibibigay yung letter. Syempre, mas matagal ko rin siyang naging kaibigan kaya ang sakit naman
kung hindi ko sa kanya ibibigay. Saka isa pa, alam ko namang mag-eexpect yun kasi binigyan niya ako.
After nun eh yung letter naman kay God. Nung una, humingi ako ng tawad kasi alam ko marami
akong pagkakamali na nagawa. Pagkatapos eh nagpasalamat at syempre, nagwish na sana parati
niyang ibless yung family and friends ko.
Ang aga kong natapos magsulat ng letter nun. Napatingin ako sa paligid ko. Natigilan ako nun nung
napatingin ako kay Japoy. Ewan ko ba, may something kasi sa kanya na..nagpapaiba sa
nararamdaman ko. At dagdag mo pa yung DOKI DOKI na parati kong nafefeel kapag malapit siya. Ano
ba talaga to?
Hailey..ikaw ah. Bakit ka nakatulala kay Japoy.. inasar asar ako ng groupmates ko nun tapos
tumawa nalang ako. Nung natapos yung activity eh pinaghanda na kami sa confession saka para sa
mass. Grabe, ang bilis lang lumipas nitong retreat. Gusto ko mang magstay pero, kelangan din namin
bumalik sa reality.

Gabi na nung dumating kami sa school. Traffic din kasi eh. Buti nga hindi kami nainip sa bus eh.
Paano, yung ibang kaklase ko kakaiba yung mga trip. May mga nakikipagbet at kung anu ano pa.
Magpapasundo na sana ako nun nang sabihin sakin ni Japoy na siya na daw ang maghahatid. Nagtext
naman ako kaagad kina kuya para ipaalam sa kanila tapos ayun, okay naman daw.
Iniwan mo yung kotse dito??
No, bago magretreat eh sabi ko kay Carrie na padala niya kapag mga hapon na sa araw na to.
Napa-ahh nalang ako nun tapos sumakay na kami pareho. Mabilis lang din naman kami nakarating sa
bahay tapos ayun, nagpaalam na siya. Pagpasok ko naman eh sinalubong ako ng yakap ng mga
kapatid ko. Sabay sabay nga silang nagsabi na namiss nila ako eh kaya ayun, halos mabingi bgingi pa
ako.
Mga kuya..namiss ko din kayo.
Ngumiti sila nun tapos yumakap ulit. Nagbihis naman na ako sa taas nun tapos bumaba ulit ako sa
may sala. Hindi pa kasi ako inaantok nun kaya nakipagkulitan muna ako sa mga kuya ko.
Kamusta na yung signs?
Eto..naguguluhan..
Bakit naman..?
Huminga ako ng malalim nun tapos napatingin ako kina kuya. Pinakita ko yung dalawang kamay ko
sa kanila tapos binend ko yung isang thumb ko.
Nine.. binend ko yung iba ko pang fingers hanggang sa isa nalang yung matira. Versus one.
teka, naguguluhan yata ako. huminga ulit ako ng malalim nun tapos binaba ko yung kamay ko.
Kay Dretti..nakaka-9 out of 10 na siya sa signs..pero kay---
Hold on, may isa pa??
Tumango naman ako nun tapos nagsign sila na icontinue ko daw.
Pero kay Japoy..may isa..
Japoy?? Pinopormahan ka ni Japoy?
Umiling naman ako nun. Hindi naman talaga diba?
Oh, anong nakakagulo dun?
Nakaka-9 out of 10 nga si Dretti pero..walang DOKI-DOKI. Samantalang si Japoy..isa palang yung
nakukuha pero yung DOKI-DOKI pa.
Natawa si kuya Hansel nun tapos inakbayan ako.

Obviously, si Japoy yan.


Nakitango naman yung mga kapatid ko nun tapos napakunot yung noo ko.
Ha? Bakit?
Ang pinakaimportante lang naman kasi sa 10 signs na yan..eh yung Doki-doki. Kasi yung other 9,
pwede mong maramdaman yun para sa regular friend. Pero ang DOKI-DOKi..para talaga dun sa
SPECIAL SOMEONE na yun. Gets?
Medyo nagets ko yung point nila. Ibig sabihin..mahal ko si Japoy?!
Hindi pwede..
Aba, bakit naman hindi? nagtaka naman ako sa kanila nun. Bakit parang okay lang sa kanila na
may gusto ako kay Japoy?
Okay sa inyo?
Well, walang kaso naman samin kapag si Japoy eh. Saka, nasa sayo ang huling desisyon.
Pero tandaan mo, bawal parin magboyfriend. Alam ko naman yun eh.
Tumango tango nalang ako nun tapos napaslouch ako.
Sabihin mo nga, bakit ba hindi pwede?
Kasi may Leila siya..
Aba, si bunso..nagseselos! selos? Ako? Nagseselos kay Leila?? Yun pala yun?
sinabi ba niyang mahal niya si Leila?
Tatango sana ako nun pero napaisip ako. Sa totoo lang, hindi naman niya sinasabi ng diretso na
mahal niya si Leila eh. Napapansin ko lang sa mga sinasabi niya.
Umiling naman ako nun tapos tumawa si kuya Haisen at ginulo yung buhok ko.
Then wala kang dapat alalahanin. Hanggat hindi mo pa naririnig mula sa bibig niya na mahal nga
niya yung Leila na yun, walang kaso yan.
Tumango nalang ako nun.
Pero yung sa Arc of Love
teka teka..ano?? Arc of Love ba kamo?
Oo.. inexplain ko sa kanila yung Arc of Love nun tapos tinawanan lang nila ako.
Thats gay sh*t. Wag kang magpapaniwala dun.

Napakunot naman yung noo ko nun. Umakyat narin ako nun para magpahinga. May pasok parin kasi
bukas eh kaya ayun.
Maaga akong nagising the next day kaya maaga narin ako pumasok. Class naman ni Dretti yung may
retreat ngayon kaya wala siya. Nag-ikot ikot naman muna ako sa school kasi wala akong magawa sa
classroom lang. Kung anu anong room din yung binisita ko. Kahit nga yung mga third year rooms
pinuntahan ko eh, wala pa kasing tao.
Dinaanan ko yung dati kong classroom nun tapos napatingin ako sa bulletin board. May class picture
kami nun tapos napangiti nalang ako. Sayang at hindi ko masyadong naging close yung classmates ko
last year.
Pumasok pa ako sa ibang classroom nun tapos napatigil ako sa 3-C. Nakuha kasi nung the pride of 3c yung attention ko kaya tinignan ko na. Ito pala yung classroom nina Dretti at Japoy dati eh.
May mga pictures dun yung Northside Crew. Nakakatuwa nga eh kasi halatang ang supportive nung
class nila sa pagsayaw sayaw nung dalawa. May corner naman dun na may mga sinulat yung dating
3-C. Para bang freedom wall. Napaconcentrate ako nun sa dalawang nakasulat na magkatabi.
Ill definitely see her again. DK. Napahawak naman ako nun sa nakasulat tapos napatingin ako
dun sa isa pa. Someday, Ill find that someone who would accompany me in this sea for the rest
of my life. ---Dk
Dalawang DK..ang pinagkaiba lang eh yung nakacapital yung isang K tapos yung isa eh hindi. Parang
yung sa regalo sakin nina Dretti nung Christmas.
Andito ka lang pala..
Napatingin ako kay Japoy nun na nakalean sa may doorframe.
Japoy..magkaiba pala ang DK niyo..?
Yeah, yung akin, capital K. Yung kay Dretti, small letter lang..
Bakit naman?
Napaisip siya nun tapos nagshrug siya. Hindi ko rin alam eh.
Nung nakita ni Japoy yung sulat nila ni Dretti eh napangiti siya.
*DOKI-DOKI*
Si Dretti talaga..kahit kelan eh puro sa isda kinocompare ang buhay.
Ngumiti lang ako nun tapos napatingin ako sa ibang nakasulat. Nagulat naman ako kasi biglang
naglabas ng ballpen si Japoy tapos magsusulat sana siya kaso pinigilan ko.
Huy, anong gagawin mo?
Dadagdagan ko lang yung sinulatan ko. Bakit?

Binitiwan ko naman yung kamay niya nun tapos tumawa siya at ginulo yung buhok ko. nagsulat siya
nun tapos ngumiti siya. Tinignan ko naman yung sinulat niya tapos nagulat ako.
I finally saw her again..
Si Leila yun. Ang sakit naman sa pakiramdam. Bakit ganun?
Aba, si bunso..nagseselos!
Ito na ba talag yung sinasabi nilang pagseselos?
Hailey tara. Tumango naman ako nun tapos sumunod na ko sa kanya.
Ang weird ng pakiramdam.
Chapter 38

AD, eto gamot oh.


Pinaupo ko siya nun tapos uminom naman siya ng gamot. Syempre, napatingin siya sakin nun tapos
napaiwas naman ako ng tingin. Grabe.
Sorry ahnaiwan ka tuloy.
Umiling lang ako nun. Syempre, ayoko namang iparamdam masyado na ayoko sa sitwasyon ko
ngayon. Konting tiis lang Nikki, kaya mo yan.
Pagaling ka nalang..
Inabot ko sa kanya yung bimpo nun tapos tatayo na sana ako kaso bigla niya akong hinawakan sa
kamay. Syempre, nailang ako. Hindi nga siya nagsasalita nun eh. nung medyo ginalaw ko yung kamay
ko eh parang natauhan siya kaya tinanggal niya yung pagkakahawak niya.
Sorry..
Pagkalabas ko ng kwarto eh sobrang lakas ng heartbeat ko. napalean ako nun sa wall. Hindi ko na
yata kaya to. Ang hirap. :(
Pumasok na ulit ako nun para i-check siya. Nakatulog na pala siya. Habang natutulog siya eh ako
itong mukhang timang na nakatingin lang sa kanya.
Paano kaya kungnaging tayo ano?
Takte, ano ba tong iniisip ko?? Si Kyle ang gusto ko diba??
Siya nga ba talaga? Eh diba nung una si AD naman?
Dati lang yun!

Talaga?
Ooyata :[
Kakainis naman to ehkung kelankung kelan nakamove on nakosaka ka babalik : Bakit ka ba
ganyan?
Naglean ako nun sa kama tapos the next thing I know, nakatulog narin ako.

Sorry..hay..ano ba yan. Sorry nalang ako ng sorrywala na ba akong magagawang tama? Sorry
talaga..
A dream. Panaginip lang to diba?
Nagising ako nun tapos pagdilat ko eh wala si AD sa kama. Hinanap ko naman siya sa labas tapos
nakita ko siyang nakaupo sa may veranda.
Gising ka na pala.
Tumango ako nun tapos umupo ako sa katapat niyang silya.
Kanina ka pa gising?
Umiling naman siya nun tapos sabi niya na kakagising lang din daw niya.
Nikki, naalala mo yung tinanong ko sayo about sa letter writing?
Oo, bakit?
Sa totoo lang, nakay Mr. Fuentes pa yun eh. inaantay niya kasing kunin ko sa kanya yun. Sabi ko
kasi, kukunin ko yung letter kapag handa na akong ibigay dun sa friend ko. Kaso, ayun eh, hindi pa
ako handa. Pwede bang ikaw muna ang kumuha nun para sakin?
Yeah, I think I could get it. Letter lang naman yun diba?
Sure.
Ngumiti siya nun tapos nagpasalamat sakin. Sobrang tinatry ko nalang talaga na iignore tong
nararamdaman ko. Syempre, mahirap pero, kelangan eh.
Nung dumating naman sina mama eh nagulat ako kasi may dala silang kung anu anong mga damit.
Ahh, natuwa kasi sina mama at tita kaya naisipan nilang magkaroon ng costume party mamaya.
Hahaha. Ang dami nga nilang nabiling damit eh. Magsusukatan daw tayo before magdinner. Well,
technically, ngayon na pala.
Sumama naman ako sa kanila sa loob. Ang dami nga nilang pinamiling damit. Nung tinanong ko
naman kung magkano eh sobrang mura lang pala. Ewan ko nga kung saang lupalop nila nabili yun eh.
Ayaw pang sabihin. Secret daw nilang dalawa yun. Haay nako.

Pinagbihis na nila kami nun habang nagpeprepare sila ng mga pagkain. Yung mga boys din nga eh
binigyan nila ng mga costume. Nako, buti nalang kami kami lang yung nandito.
Bagay sayo to Nikki oh.
Napatingin ako dun sa dress na pinakita niya. Grabe, ang ganda. White dress siya actually, mukhang
pangkasal pero mas simple pa dun. nagulat nga ako nang biglang kumuha ng veil si ate Andie. So
pangkasal pala talaga to ano?
Sinukat ko naman siya at ayun, kasya. Nakakatuwa nga eh.
Uy, ang ganda ng bracelet mo ah. Bagay na bagay.
Thanks. Bigay to sakin ni Kyle eh. Nung birthday ko. eheh. Tapos itong necklace nung monthsary.
Aww, how sweet. Peroyang bracelet bigay ni Kyle?? Talaga?
Yup. Nung una kasi walang pangalan. Eh nung birthday ko nagpadala siya ng flowers. Siguro
nahiwalay kaya ayun.
Ahh, oo nga. Sabagay.
Nagbihis narin si Ate Andie nun. Parang mala hawaiian yung suot niya nun. Ang cute nga eh, bagay sa
figure niya. Pareho kaming lumabas nung ready na kami.. Tuwang tuwa sina mama nung nakita niya
yung mga suot namin. pinicturan pa nga kami na para bang artista kami ni ate Andie. Yung boys ayun,
hindi parin lumalabas.
Tignan mo to, kung sino pa yung mga lalaki eh sila pa tong matagal.
Pinasok na nina tito yung mga boys tapos ilang saglit lang din eh lumabas na sila. Nagulat ako nun
kasi yung suot ni AD nun eh parang terno sa suot ko. Naka-white suit siya nun. Grabe,
ang gwapo niya talaga.
Nagblush naman ako nung narealize ko na para kaming ikakasal. Hindi naman nakalampas yung
pagkakaterno ng damit namin kay kuya Nike kaya ayun, inasar kami.
Nung kumain na kami eh pinagtabi pa kaming dalawa tapos nakailang kuha ng picture sina mama.
Grabe nga eh, nakakahiya.
Oh, sayaw ang bagong kasal!
Nagulat ako kasi bigla akong hinila ni Ate Andie at kuya Nike tapos dun kami sa gitna pinuwesto.
Nagpatugtog sila nun ng kung ano at laking gulat ko pa nun kasi
The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah
Grabe nakakahiya naman. Tinulak ako ni kuya Nike nun palapit kay AD tapos ayun, nagsayaw kami.

Pasensya na ah.
Okay lang. hahah.
I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide
Naalala ko tuloy nung unang beses kaming nagsayaw. Talagang nirequest daw niya yun sa lead singer
eh. Taposbasta. : Ayoko nang maalala. This is wrong.
I'm quiet you know
You make a first impression
I've found I'm scared to know I'm always on your mind
Sobrang naguguluhan ako nung mga oras na yun kaya humiwalay ako kay AD. Nagsorry ako sa kanya
tapos tumakbo ako paalis. Nagulat nga ako kasi narinig kong may nagsabi ng,
Runaway bride?
Napaupo ako dun sa may likod ng bahay. Ang ganda nga ng view dun eh, kitang kita yung parang
strawberry farm sa kabilang side.
Hoy, anong drama yan?
Tinignan ko si kuya nun tapos sumimangot ako. Hay.
Wag niyo na kasi akong itulaktaken na ako eh..
Natawa si kuya sakin nun.
Alam mo, kaya ka lang naman nagdoudoubt kasihindi mo talaga mahal na mahal si Kyle.
Parang may sumakit sa dibdib ko nung sinabi ni kuya sakin yun. Hindi ko mahal na mahal si Kyle?
Kuya naman..
Kasi tignan mokung talagang mahal mo siya, hindi ka maaapektuhan kay AD. Kahit na naging
part man siya ng past mo eh hindi ka parin madadala sa mga paglalapit namin sa inyong
dalawa.
Ehhkaso nga lang

Seeibig sabihin, hindi ka pa talaga nakakamove on. May part parin siya diyan, sa heart mo at
kahit anong pilit mong i-deny to, hindi yan mawawala. Lalo ka lang mahihirapan.
Eh kuya, paano si Kyle?
Kung talagang mahal ka niya, gugustuhin niyang maging masaya ka.
Naman eeeh. Ang hirap magdesisyon : Sino ba pipiliin ko? Yung taong mahal ako, o yung taong
mahal ko?
Teka, yung taong mahal ako, mahal ko din naman eh. Mas mahal nga lang niya ako. Tapos yung
taong mahal ko naman
Bakit, bawal ka bang mahalin ng taong mahal mo? Paano kung mahal ka din niya? Eh di pareho na
sila ng sitwasyon. Ang tanong nalang diyan, sino ang mas mahal mo?
Ano ba yan :(. Naguguluhan na talaga ako.
Kinabukasan eh maaga kaming umalis dun. magsisimba pa kasi kami eh tapos napagpasyahan pang
sabay nalang yung family namin magsimba. Maagang mass yung kinuha namin kasi babalik na si AD
sa dorm niya sa may UST. Siguro, mas magiging okay narin ako nito kasi wala siya.
Kaso, okay nga lang ba talaga? Paano kung bumalik siya? Ibig sabihin maguguluhan ka na naman?
Nung Monday lumapit ako kay Mr. Fuentes. Gaya ng sabi ni AD eh hiningi ko sa kanya yung letter.
Would you look at that, nakaya din niyang ibigay yung letter na yan. Haha. Pambihirang bata
yun. Akala ko mabubulok na yan sa desk ko eh.
Natawa ako nun tapos umuwi ako. Nacurious ako dun sa nakalagay sa letter kaya tinignan ko kung
kanino siya naka-address. Nagulat ako kasi
Nichole Dominique Dizon
Class *-*
P-para sakin to??
Kaso, ayun eh, hindi pa ako handa. Pwede bang ikaw muna ang kumuha nun para sakin?
Bakit kaya hindi niya maibigay sakin to??
Binuksan ko nun yung letter. Grabe, ang haba @___@ mukhang mahihilo ako sa pagbabasa nito
ah??
To my dear sister Nikki,
Oo, alam ko gulat ka kasi inerase ko yung sister. Well, Ill explain it later sa medyo gitna ng
letter ko. Basta heto muna. Pero winawarningan kita, medyo..uhh, how do you say it, cheesy itong
letter na to.

Siguro nagtataka ka kasi sinulatan kita. Well, its for our last homeroom kasi. We were
asked by Mr. Fuentes (adviser namin yan, baka hindi mo alam) to write a letter sa isang taong
napakaspecial sa buhay namin. Ops, wag muna lalaki ang ulo okay?? Di joke lang. Oo, importante ka
sakin. Napakaimportante. Maybe becauseI dunno. Youre special? Yeah sure AD, malamang special
siya. Kaya nga importante eh. T*nga mo talaga. Sorry ah. Pagpasensyahan mo na ako. I dont know
how to express all of it properly. Siguro nga, torpe na kung torpe. Duwag na kung duwag. Halata
naman eh kasi sa sulat na nga lang hindi ko pa masabi ng maayos.
Enough of that. Basta..hindi ko naman talaga kasi alam kung kelan to nagsimula eh. Nung
dance? Nope. Nung sports fest? Nope. Nung day na sinabi kong tawagin mo kong kuya? Nope. Nung
day na umiyak ka dahil bumalik yung girl na sumira sa buhay ng kuya mo? YeahI think nitong time
na to yung TIME na yon. Gets mo ba? Hindi ko rin kasi gets eh. Well, Ill get straight no the point. Ito
yung time na siguronarealize ko nain love ako sayo. Oo, tama ang nababasa mo. In love nga ako
sayo. I was too darn stupid and scared to admit it. Yun ang dahilan kung bakit naisipan kong maging
kuya kuyahan mo. I thought, it would be safer that way. Akala ko, kapag ginawa ko yun, I would be
able to set a line sa pagitan natin. Pero I was wrong. It only made everything worse kasi every time
na I see you, my feelings for you grow deeper. I asked Kuya Nike for help perolalo lang akong
nahulog eh and I was too damn scared to hurt you kaya I decided to ignore these feelings. Siguro nga,
isa ako sa mga taong play safe na hanggat walang assurane na may chance, hindi kikilos. I dont
know. Iba ka kasi eh. Remember, ikaw ang unang nagconfess so parang akoI dont know what to
do. It doesnt even help na napakalaking kasalanan ang nagawa ko sayo nung Valentines dance.
Yeah, Im really really really really x infinity sorry for doing that. I originally planned on
confessing pero, nung last minute, I backed out. Ewan ko, you were soinnocent nung nakita kasi
kita nun. I felt, was I ready to pull this girl in my complicated situation? Ewan ko nga eh, hindi ko rin
alam kung paano ako nagkaroon ng complicated situation. Siguro, I was just thinking about it too
much na akala ko ngaayun, totoong kumplikado ang buhay ko. Pero in the end, I realized, it was
just me.
I really meant to call your name nung mga oras na yun. Si Gladys? Theres nothing going on
between the two of us. Honestly, gaya mo, I think shes a gremlin too.
OH?! Wow, so hindi lang pala ako yung nag-iisip nun? Tae, ang gulo din magsulat nito. Pinapatawa
ako, pinapaiyak, pinapatawa, pinapaiyak. What next??
I dont care about her. I never did. Ikaw lang talaga yung taong parati kong inaalala. Nung
time na tatawag ako sayo? Sorry ha, hindi siya natuloy. Gaya nung dance, takot din ako nun eh. hindi
ko kasi alam sasabihin ko sayo. Baka kasi isipin mo na boring ako or what. Pero sa totoo lang,
sobrang gusto kong tumawag nung mga oras na yun. I wanted to know what your voice was like on
the phone. Sobrang nagsisi ako na hindi ko yung tinuloy.
Sorry the letters a bit messy. Ayoko na kasi gumawa ng draft. Feeling ko kasi sasakit na
yung kamay ko tapos tatamarin na ako magsulat kapag paulit ulit ako. Eh ayoko namang magprint
kasi para sakin hindi siya sincere. Kahit magmukhang kahig ng manok to, I dont care na siguro. Mas
okay na to kesa kapag gumawa ako ng draft. Baka lines nalang makita mo kapag ganoon.
Ayun, lets get back on track. I really regret the last days of my 4th year high school. Bakit?
Kasi you werent there. Siguro nga, if I had the courage to do what I had to do, magiging super
memorable na sana nitong HS life ko. Kaso hindi eh. Sorry ha? Sobrang nagregret ako kasi hindi lang
yung kaibigan ko nawala, pati yung taong pinakamamahal ko nawala din. (Syempre, ikaw yun.)

I know parati nalang akong nagsosorry. Ang dami ko kasing kasalanan sayo eh. Wala na
akong nagawang tama. Ikaw, parati na kitang nasasaktan. Parati ka nalang umiiyak dahil sakin (oo,
binubuking ka ni kuya Nike sakin.) at palagi ka din nalulungkot dahil sakin. I know my sorry is not
enough to erase the pain that Ive caused you peroIll still say it. Im sorry Nikki. From the bottom of
my heart, I really am sorry.
I hope you could still forgive me. I love you Nichole Dominique Dizon!

AD
Sobrang natulala ako nung matapos ko siyang basahin. Now, Im really really confused. :
Chapter 39

Sorry bee, nahirapan akong umalis eh.

Para akong sinaksak nung narinig kong sinabi niya yung bee. Ewan ko ba, ang sakit. Kelangan ko
talagang i-clear to ngayon na. Yeah, napagdesisyunan ko narin kung anong gagawin ko. Masakit man
siya para kay Kyle peroewan. Nagconfiden aman ako kay kuya tungkol dito at ang sinabi lang niya..
Hihintayin mo pa bang dumating yung point na hindi ka masaya kasi hindi talaga siya yung
totoong mahal mo? Aantayin mo pa bang maging panakip butas nalang talaga siya?
Ayokong gawin kay Kyle yun kayaI have to do what I have to do.
Ano ba yung sasabihin mo?
Uhmmtungkol kasi to sakay
Ahh..siya.
Biglang tumulo yung luha ko nung mga oras na yun. ITs easier said than done.
Kyle sorrytinry ko talagang kalimutan siyatinry ko talagang mahalin ka and I do love you
pero..
Nung sagutin mo ko, sobrang saya ko nun. Inisip ko, okay na ako sa ganito. Kahit panakip butas
yung labas ko sa paningin ng iba.
Kyle..
Nagbuntong hininga siya nun. Sobrang umiiyak na ako nun kasi hindi niya ako tinitignan
taposnakayuko lang siya.
Dati palangniready ko na yung sarili ko. Alam ko na there would come a time na youll leave me.
Mapilit kasi ako eh. Alam kong siya yung mahal mo pero pinagsiksikan ko yung sarili ko sayo. I
thinkI deserve this.

No Kyleyou deserve better.


Sorry for making it hard for you
Tumingin siya sakin nun tapos nakita kong umiiyak siya kaya napaiyak ako lalo.
Noako ang dapat humingi ng tawad. You did nothing wrong Kyle.
Lumapit siya sakin nun tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Just let me be selfish for now Nikki. Tell me, hindi mo ba ako minahal? Bakit siya parin?
Nagpull away ako nun tapos tinignan ko siya ng diretso. Ang weird ng hitsura namin nun kasi pareho
kaming umiiyak. Hinawakan ko yung pisngi niya nun tapos..
Its not that I dont love you Kyle. Honestly, I really do. I justlove him more.
Tumango siya nun tapos pumikit siya.
Thanks.
Nagdecide kaming maghiwalay na nun pero bago pa ako makalayo,
Kyle, pwede satin satin nalang muna to?
Uhh, yeah sure. Peroif youre planning on doing what I think youre doingdont make it too
hard for him.
Nagsmile ako sa kanya nun tapos nagthank you. I know, mali itong ginawa ko pero I had to. Ayokong
magkaroon ng point sa buhay ko na hindi ako masaya kay Kyle kasi may mahal akong iba. At least, in
those 5 months together, naging masaya talaga ako, and Im very grateful nadumating ang isang
Kyle Abuedo sa buhay ko.
Wala na kami ni Kyle.
ANO!? Asan na yung mokong na yun? Sasapakin ko dali!
Huy, sobra toako yung nakipagbreak. Quiet ka ha.
Umupo nun si Julia tapos tinaasan ako ng kilay.
Okay, ano yang binabalak mo na naman?
Wellhindi ko rin alam eh.
Hay nako ikawpag ikaw nasaktan na naman diyan sa kung ano mang twisted plan na yan. Nako,
babatukan lang kita.
Julia naman..
Fine..finejustdont make it too hard for him okay?

Teka, bakit pareho sila ng sinasabi ni Kyle? Uyy. Hahah joke lang. Lester to eh.
Hindi ko muna pinaalam sa iba pa yung nangyari samin ni Kyle. Ang alam parin nila, kami pang
dalawa. Si Kyle, ayun, pumayag naman. Naaawa nga ako eh kasi parangayun nga, nagagamit ko
siya dahil sa ginagawa ko. Kaso
Ewan : bahala na. Ito lang yung way na naiisip ko parapara kay AD.
Madalas kong nakakatext si AD nitong mga huling araw. May mga times kasi na nagkukunwari akong
may problem kami ni Kyle at sa kanya ako lumalapit. I know, its a desperate move pero..I dont
know what to do anymore.
Send to: AD
Message:
Hay, nag-away ult kme :[
Ilang saglit lang din eh nakatanggap ako ng reply niya.
Sender: AD
Message:
Aw, bkt? Nu n nmn
Gnwa ng mgalng mung bf?
Sobra naman to. Nagsabi lang ako ng madalas naming pag-awayan ni Kyle dati tapos ayun, may mga
advice na binigay siya. I really feel uneasy sa ginagawa kong ito pero, nasimulan ko na eh.
Ilang weeks din kami naging magkatext. Kahit hindi tungkol kay Kyle eh si AD yung tinatakbuhan ko.
sobrang bumalik yung closeness namin and pretty soon, the feeling was back. Pero, hindi naman
talaga siya nawala eh, yun ang sabi ni kuya Nike.
Nikki, text mo nga si AD. Sabihin mo inuman kami sa sem break.
Wow tong si Kuya Ah. May pagkabad influence din ah.
Hay nako, wag mo namang lasingin yung tao.
Dali na. Panigurado naman umiinom na yun eh.
Tinext ko naman siya tapos ayun, pumayag na pumunta dito samin ng sem break. Makikita ko ulit
siya. Sobrang tuwa ko nung nalaman ko yun. Ewan ko, hindi mawala wala yung ngiti sa mukha ko
nun eh.
Nagkikita kita pa naman kami ni Kyle. Ayun, kahit papaano, okay na siya. May feelings parin daw
pero, ayun nga, masaya na siya kasi magiging masaya nadin ako. Now I understand yung sinabi ni
kuya sakin na kung talagang mahal mo ang isang tao, mas pipiliin mong maging masaya siya.
Exams na namin. Syempre, aral mode na. Nakakatext ko parin si AD pero madalang nalang talaga.
Syempre, concentrate. 4thyear na eh. sayang naman diba?

Yung mga naunang test namin eh naging okay naman. Nakaconcentrate ako kahit papaano.
Nagkaproblmea ako nung day before nung last exams namin kasi..
Sender: AD
Message:
Uuwi aq bkas. Sem break
Na nmn. See u ;]
Napangiti naman ako nun. Syempre, mapapaaga yung pagkikita namin eh. Pinilit ko talagang
magconcentrate sa pag-aaral nun pero palipad lipad talaga isip ko nun eh. Buti nga kahit papaano,
may pumasok sa kokote ko.
The next day, last day na ng exam. Kahit nung nag-eexam ako eh iniimagine ko parin yung pagdating
ni AD. Sobrang pinilit ko yung sarili ko nun na malimutan muna siya kasi kelangan ko talagang
pumasa. Ayun, nakayanan naman kahit papaano. Feeling ko hindi rin ganoon kataas yung makukuha
ko kasi nga diba, hindi ako concentrated.
Grabe Julia, pamatay.
Bakit naman? Hindi mo nasagutan?
Nasagutan naman peropalipad lipad kasi isip ko ngayon eh. alam mo na..
Asus, eh di sana pala hindi nalang siya nagsabi, nakapagconcentrate ka pa sana.
Pinalo ko lang siya ng pajoke nun tapos umirap ako.
*TEET TEET*
Sender: AD
Message:
Skul m q. san k?
Tpos na exam? ;]
Nagreply naman ako kaagad kung nasaan ako tapos ayun, dumating din siya.
Oh, kamusta?
Okay naman. Haha, mahirap
Napasnort si Julia nun pero ninudge ko lang siya.
Oo nga pala, kakausapin ko si Kyle mamaya.
ANO?!
Nanlaki yung mata ko nun. kakausapin?! Bakit?!?
Oo, man-to-man talk. Sabihan mo ha?
Shoot. Patay. Ano ba to. Baka kung anong gawin ni AD kay Kyle!

Tinext ko naman nun si Kyle tapos ayun, pumayag na makipagkita. Nako po, parang may binabalak
tong lalaking to ah. Naku naman, sana naman hindi totoo tong naiimagine ko.
Dumating naman si Kyle ng mga 2 nun. Dahil exam nga eh maaga ang dismissal. Nung nagkita sila eh
lumayo sila sakin. Nagulat nga ako nang biglang may napasigaw eh kaya napalapit kaagad kami ni
Julia sa kung nasaan sila.
Si AD at Kylenagsusuntukan.
Huy tama na yan!
Pareganti ko lang to dun sa GINAWA mo.
Ginawa ko? EH ikaw nga tong parang nagbibigay ng problema sa kanya eh!
At hala ayun, ayaw magpaawat. Nagsuntukan ulit sila.
Tama na sabi eh!
Narinig nila ako nun tapos tumigil sila.
Sige, BEE una na ako.
Ang sama ng tingin ni Kyle nun kay AD tapos umalis na siya. Pagkaalis naman niya eh humarap ako
kay AD. Ayun, may dugo yung labi niya dahil sa suntukan nila.
Bakit mo ginawa yun??
Kelangan ko lang turuan ng liksyon yung magaling mong boyfriend.
Ano ka ba..hindi mo na dapat ginawa yun. Nakakainis naman to eh.
Kumunot yung noo niya nun tapos tumuro siya sa sarili niya.
Ako pa naging nakakainis ngayon? Wow ha. Sige, mauuna na ako.
At pagkatapos nun eh nagwalk out siya.
Whatta naman.
Tinext ko kaagad si Kyle nun tapos sinabi kong magkita kami. Agad naman siyang pumayag tapos
nung nagkita kami eh binatukan ko siya.
Ano ba yun? Bakit ka nakipagsuntukan??
Sorrygumanti lang ako.
Gumanti?? Eh ikaw daw ang unang---

Nawala ka sakin dahil sa kanya. Ano sa tingin mo gagawin ko dun sa tao? Yayakapin ko? syempre
hindi no. Sasapak muna ako.
Napasimangot ako nun. Every time napapag-usapan namin yung nangyari eh nalulungkot parin
talaga ako. Its been 3 weeks na pero..wala parin talaga eh. ganoon parin. I cant blame him. Hindi
naman talaga ganoon kadali makamove on eh. I know, kasi kita mo ako ngayon, hanggang ngayon
eh hindi parin ako nakakamove on kay AD.
Sorry Kyle.
Umiling siya nun tapos ginulo niya yung buhok ko.
Its okay..tara, hatid na kita.
Nagpahatid naman ako nun tapos pagkadating kong bahay eh naabutan ko si Kuya at si AD na
nagseset up. Wow, napaaga yung inuman session nila ah?
Hinay hinay ah.
Kaya ko to.
Hay, inis parin ba siya?? Huminga nalang ako ng malalim nun tapos umakyat na ako sa kwarto ko.
Nagcocomputer lang ako nun at tv. Ilang oras narin ang nakakalipas. Tapos na kaya sila??
Codie!
Bumaba naman ako nun tapos nagtanong kung bakit ako tinawag. Hindi pa pala tapos yung inuman
nina kuya. Ayun, nagpahanda pa ng pulutan. Syempre, ako, naging alalay ni mama at ako yung
tagaserve. TSs.
Hinatid ko sa kanila yung pulutan tapos nagpasalamat naman sakin si AD. Halatang hindi pa siya
lasing kasi nakakausap ko pa siya ng matino. Si Kuya namanwell, never mind. Basag na yata eh.
Paalis na sana ako nun para kunin yung 2nd round ng pulutan nila nang marinig kong magsalita si AD.
Kuyaang hirap eh. Minsan gusto kong magsabi ng mahal ko siya perotaken siya eh..wala
akong magagawa.
Medyo nagblush ako nun. syempre, iba yun eh. Iba yung sa kanya ko mismo narinig kesa dun sa
nabasa ko.
Eeeh tooorpe ka kaseee..hahaha. Hanung waahlang magagawah? Eh bahhkeet? Di ka ba nya
labsh?
Grabe, nakakahiya itong si kuya Nike kapag lasing. Basag kung basag eh.
Hindi ko alam eh
Heeenaku. Hang hina mo talagaaah. Hanggang ngeyon bah ehhh kalah mo di ka nya mahaal??
Baliw!

Oo nga! Baliw! Sa tingin mo ba matutuwa ako sa mga pagbisita mo kung hindi kita mahal?! Baliw ka
AD!
Achaka pahanong teken?? Matagal na shilang wala nung Kayle na yuuun! Mag-iishang buwan
na! Di mo pa bah alam??
Oh. My. Gosh.
He did not just say that?!
Chapter 40

Shimula nung nabasha nya yung shulat mo sha kanyahh eh mash pinile ka na nyadi ba nya
shinashabi shayo yun??
Natigilan si AD nun. Walang hiyang lasing naman to oh!
Nakita kong tumayo si AD tapos lumakad siya papuntang loob. nagkasalubong nga kami tapos hindi
ko pa maintindihan yung expression ng mukha niya.
Niloloko mo lang ako?? All this timewala na kayo nung Kyle na yun??
AD pleasemagpapaliwanag ako..
Ayoko na! ayoko na makinig sa kasinungalingan mo. Youwere just playing with my feelings.
Hindi AD! Makinig ka muna please!
Para ano pa? Siguro pinagtatawanan mo ko everytime na magkatext tayo kasi napaniwala mo ko
sa mga sinasabi mo?? Siguro tawang tawa ka sa mga sinulat ko kasi nagmukha akong ta*ga dun??
Grabe ka NikkiI thought you were different.
At pagkatapos nun eh umalis na siya.
Hindi ko mapigilang ang sarili ko nun. Iyak ako ng iyak. Hindi ko pwedeng isisi kay kuya to kasi in the
first place, dapat sinabi ko na kaagad yung totoo. I feel awful. Kung alam ko lang sana na ganito ang
mangyayaripero hindi eh. Wala akong magagawa. Hes mad at me.
Kinabukasan, ilang beses akong nagtext ng sorry sa kanya pero ni isa hindi niya nireplyan. Kahit kina
Julia eh pinatext ko narin na sorry kaso wala talaga. Galit talaga siya :(
Its my fault. Kung hindi ba naman ako isang malaking tan*a eh hindi to mangyayari.
Hey..
Kyle..

Napaiyak ako nun nung niyakap niya ako. Dapat hindi nalang ako nanggamit ng mga tao. Ang dami
kong kasalanan sa kanila. Ang dami kong nagawang mali, lalo na kay Kyle. Siya na mahal na mahal
talaga ako...
Kyle Sorrysorrysorry
Shh..okay lang yun. Ano ka ba..
Sorry..
Walang ibang lumalabas sa bibig ko nun kundi sorry. Sorry dahil umasa siya. Sorry dahil mas pinili ko
parin si AD kahit na ipinakita niyang sobrang mahal niya ako. Sorry dahil nabalewala yung effort
niyang makalimutan ko si AD. Sorry kasihindi ko siya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay
AD.
Matagal bago ako tumahan. Hinatid niya ako sa bahay nun pero wala, ganoon parin ako. matamlay.
Ayoko na ngang magsalita eh. nawalan na ako ng gana. Nawalan na ako ng lakas.
Codie..
Napatingin ako kay Kuya nun tapos yumuko lang ulit ako.
Sorry Codiedahil sakin..
No..its my fault..dapat hindi ko siya ginawa simula palang. I shouldve known better. Grabe, ang
tan*a ko.
Hinug ako ni kuya nun tapos pinat niya ako sa likod.
Sometimes, we need to have mistakes in order to grow and learn. Tao lang tayo Codie, lahat tayo
may pagkakamali kaya wag mo masyadong pahirapan ang sarili mo..
Pero kuya..si ADhindi na niya ako kinakausap. Ayaw niyang replyan yung text ko. hindi siya
sumasagot sa tawag ko. Wala.
Give him time to think. Naguguluhan siya.
Yeah, and its all my fault. Kung hindi akohaay.
I followed my brothers advice. I gave him time. Sobrang daming time. Days passedthen
weeksthen months. December na ngayon at hindi parin kami nagkakausap. Its been almost 2
months. Wala na kaming contact sa isat isa.
Somehow, natry kong hindi siya isipin. Kahit papaano, nagawa kong ibaling yung attention ko sa
ibang bagay. Like school. Yeah, malapit na ang exams namin. heto ako, pursigidong pumasa kaya aral
ng aral. Wala narin naman akong ibang ginagawa kaya ito nalang yung pinagtuunan ko ng pansin.
May iba akong mga classmate na pinagsasabihan ako, sobra na daw yung ginagawa ko. minsan kasi
hindi ako kumakain para lang tumambay sa library. Ewan ko ba, siguro nga this is what you call
depression. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. :

Huy, alam kong depressed ka dahil kay AD pero wag mo naman kaming kalimutan. Andito parin
naman kami Nikki eh
Pero Juliasi AD to eh..
Gumising ka nga! Lalake lang yan!
Niyugyog ako ni Julia nun tapos napatingin ako sa kanya.
Julia ano ba, hindi siya bastang lalake lang okay??
Nikki, I know how you feel---
She knows?? SHE KNOWS??
Hindi mo ko maiintindihan Julia! You dont know anything! You dont know what its like to like
someone and be hated for it! Hindi mo alam yung feeling na naghahabol kasi tinatatakbuhan ka ng
gusto mo! Hindi mo alam yung feeling na mawala yung mahal na mahal mo dahil sa sariling
katang*han! You dont know anything!
Natigilan kaming dalawa nun. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. I just feltso angry. Hindi ko
dapat ginawa kay Julia yun. She was just trying to help.
And now, I did not only lose ADI also lost a friend :( ano na bang nangyayari sa buhay ko?
The exams have passed. Para akong robot nung mga panahong iyon. Parang naka-automatic lang
ako at ang tunay na Nikki eh natutulog lang sa kung saan. Naghihintay na may gumising sa kanya.
Christmas vacation na. Ilang days nalang, debut ko na and yet, I still feel bad. Hindi ko mafeel yung
christmas spirit. Hindi ko feel na malapit na akong magdebut. Para bang, nawalan nalang ako bigla
ng gana.
Nung tinanong ako nina mama kung gusto ko daw ba ng engrandeng debut, ang sagot ko ayoko. Sabi
ko lang, close friends and relatives lang. Pumayag naman siya nun at ayun, nagpareserve siya sa
isang parang resort na pwedeng ganapan ng debut ko.
Codie, may bisita ka. Nasa baba, naghihintay.
Tumango lang ako nun tapos bumaba na ako. nagulat ako kasi akala ko nananaginip lang ako.
nakailang kuskos ako ng mata ko nun bago ko narealize na totoo pala ito.
Julia..?
Oh ano, tapos ka na magmukmok?
Tumakbo ako palapit sa kanya tapos niyakap ko siya at humagulgol. Ayun, ang bruha eh tinawanan
lang ako.
Sorry!
Hay, ano pa nga ba? Eh isip bata ka eh. dapat hindi nalang ako nagpaapekto.

Sama naman nito!


Siguro naman hindi ka na mag-aala robot mode ngayon?
Ngumiti ako sa kanya nun niyakap ko siya ulit.
Oh tama na. nalelesbo ka na eh
Binatukan ko naman siya nun tapos nakita kong naluluha nadin siya.
Ashoo, kung magsalita mo akala mo hindi ako namiss. Lika nga dito!
Turn naman niyang umiyak nun sakin. Syempre, namiss ako ng bruha eh. Si Kuya Nike namanayun,
nang-asar. Sabi natitibo na daw kaming pareho. Loko din ano?
Juliamay contact ka ba ni Joey?
Bakit? Hindi mo pa ba nabibigay yung invitation??
Nabigay na daw ni kuyakasogusto ko lang kamustahin eh..
Oh eto. Number ko narin ang gamitin mo. Basta, wag telebabad ah?? Prepaid lang yan.
Natawa ako sa kanya nun tapos hinug ko siya. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko para sa best
friend kong to.
Nagcall na ako kay Joey nun tapos after ilang ring eh sumagot din siya.
Joooooooooooey!
HOY! Ano na??! Ngayon ka lang nagparamdam?!? Langya ka!
Natawa ako sa kanya nun. Ako pa yung naging walang hiya?? Eh tinetext ko kaya yan dati!
Eto, magdedebut na. Punta ha ah?? Sa ****** Resort. Bisita ka naman dito oh!
Asus, ako ba ang bibisita o si AD?
Natahimik ako nun. Grabe, miss na miss ko na si AD.
Well, both. Ano na bang balita sa kanya?
Ayun, subsob sa pag-aaral. Mukha na ngang multo eh. bihira makatulog.
Ha?? Eh bakit ganun??
Ba malay ko. basta nung umuwi siya nung October eh ganito na siya.
Naluluha na naman ako nung mga oras na yun. Grabe, sobrang nadedepress talaga ako. Ako talaga
yung may kasalanan :(

Joeycan youmake sure na hes okay?


Nikki, kahit hindi mo sabihin yan, ginagawa ko na.
Napasmile ako nun tapos nagbabye narin ako. Sobrang sakit sa loob ko. Gustung gusto ko siyang
makita kaso kapag nakita ko siya, anong mangyayari? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko??
Hay, bakit ba napakakumplikado?
Umuwi narin si Julia nun. The next day naman eh binigyan ko na ng invitation yung mga talagang
close ko sa class namin. Pinasukatan narin ako ni mama para dun sa susuotin ko. 2 sets nga yung
gagamitin ko para dun eh. Isang gown talaga, at yung isa naman eh pangswim. OH diba, sosyal?
Hahah.
Nga pala Nikki, dapat may escort ka. Hindi porque hindi to engrande eh dapat nang wala kang
escort ha?
Tumango nalang ako nun. Si Kyle. Siya nalang siguro yung magiging escort ko. :[
Nakipagmeet ako kay Kyle nun. syempre, pumayag naman siyang makita ako. Miss na yata ako niyan
eh.
Okay ka na ba?
I think so. Bati na kami ni Julia.
Yeah I heard. Hindi ako nawawalan ng balita sayo ano ka..
Natawa ako nun sa kanya. tinawag ko pa nga siyang tsismoso pero ayun, defensive at kung anu
anong dahilan pa ang sinabi kahit hindi naman ako nagtatanong.
Wow, suot mo parin pala yan..
Napatingin ako sa neck ko nun. yeah, I still wear yung necklace na bigay niya. Kahit nga yung bracelet
eh.
Of course, kulang na nga lang ring eh kumpleto na.
Paano, nakapagbigay narin to ng earrings and nagkataon na suot ko rin ngayon.
Anong ring? Wala pa kaya akong nabibigay na bracelet sayo.
Kumunot yung noo ko nun. pinakita ko sa kanya yung bracelet na may N.D. at heart tapos umiling
siya.
Thats not from me. I swear.
Ehkung hindi ito galing sayo..kanino??

Wow naman, ilang months ko nang suot to thinking na galing ito kay Kyle tapos hindi naman pala?
Ano ba yan. Sana pala dati ko pang tinanong diba??
Kinontrata ko na siya na magiging escort ko at ayun, pumayag naman. After naming kumain eh
nagseparate narin kami. Marami pa kasi akong aasikasuhin kaya ayun nauna na ako.
Mabilis lang lumipas yung panahon. Sa dami ng preparation eh nagiging busy kami araw araw. May
ilang beses din kaming pumunta dun sa resort para mag-ayos at saka icheck kung okay na ba yung
mga kelangan para dun sa party.
Ilang days nalang party ko na. Ilang araw nalang, mag-18 na ako. Ilang araw nalangpero hindi parin
niya sinasagot yung mga text o tawag ko. :(
Siguro nga sign na ito paramag-give up.

to be continued..

Chapter 40 (II)
Nikki! Happy birthday!
Uy! Maraming salamat. Buti naman nakapunta kayo.
Syempre naman, bat naman hindi kami pupunta?? Nagsmile ako sa kanila nun tapos nilead ko na
sila sa isang table.
Simple lang yung gathering. Close family and friends lang talaga. Simple nga lang rin yung decoration
eh. Gaya nga ng sabi ko kina mama, mas okay kung simple.
Nikki! Hi!
Tita, buti po nakarating kayo. Parents ni AD. Buti pa silamakakarating.
May ilan pang bisita na dumating tapos nagsimula narin yung party. May host pa nga kaya
nakakatuwa. Paano, ang kulit kulit niya, ang hilig magjoke tapos grabe kung humirit. Hirit talaga!
Hahah.
Oh Codie, nasan na yung escort mo?
Eto nga po ma, tetext ko na po.
Send to: KYLE
Message:
HOOOOY.
San k n??
Start n kya :p
Ilang saglit lagn din eh nagreply na siya. Wow, bilis ah.
Sender: KYLE
Message:

E2 n p. ngpapark lng
Natawa ako nun tapos sinabihan ko na sina mama na nagpapark lang siya.
Late dumating si Joey at ayun, sobrang higpit kung makayakap. Parang hindi kami nagkita ng 10 taon
eh.
UmmJoey, siuh..
Sorry Nikki ha..
Tumango nalang ako nun tapos nagsmile. Dapat maging masaya ako ngayon. Debut ko to no! hindi
ako pwedeng magmukmok.
Nagsisiyahan na ang lahat.
Now, may we request the celebrant to play a song for us.
Nagulat naman ako nun. Hala, part ba ng plano yun??
Dali na Nikki! Kaya mo yan!
Tumawa naman ako nun taposI played my favorite song. Canon in D.
Nung napatingin ako sa paligid ko eh napangiti ako. People were smiling. It really made me happy.
Nagulat kaming lahat nang bigalng dumilim. Namatay lahat ng ilaw tapos biglang may spotlight na
natutok sakin. Teka, ano naman kaya to??
Nichole Dominique Dizon.
Teka, anong boses yun? Bakit parang iniba? Ano ba to? Pakulo ba to ni Kyle??
"Ikaw ang pinakamalabong taong nakilala ko
Wow, may balak pa yata itong awayin ako ah. Loko talaga tong Kyle na to!
Masungit ka one minute tapos magiging masaya. Maingay ka na tahimik. Friendly na loner. You
have 2 different personalities pero alam kong iisa lang doon ang totoong ikaw. You try to be the
perfect person for everybody pero you just cant.
Okay, ipagkalat daw ba ang imperfections ko?? Haha sira talaga. Loose na siguro yung turnilyo.
You fall too easily and you actually think its love. Youre very persistent kahit na kulang nalang
eh itulak ka ng isang tao mula sa isang mataas na building. Sa sobrang gusto mo sa isang tao,
kulang nalang eh ligawan mo siya. You really love to annoy the hell out of a person.
Wow ha, ang straight to the point. Excuse me, hindi pa ako nanliligaw ano!
You use people, you play with peoples feelings at higit sa lahat, you love to play the game of
jealousy. Kapag alam mong talo ka, you back out. Playing safe ka palagi at ayaw mong masaktan

kaya you would rather choose the one who loves you than the one you love. Youre a real bad
person wearing a good persons mask. I should be hating you for all of these things pero
Naiiyak na ako nun. I use people? Guilty. I play with peoples feelings? Guilty. Oo na, guilty na ako sa
lahat ng accusations niya. He wins. Now where the heck is he??
Biglang bumukas yung ilaw nun tapos
A-AD?
Nagsmile siya nun tapos lumapit siya sakin. Hinawakan niya yung kamay ko nun tapos pinunasan
yung luha ko. napatingin ako sa ibang tao. They were all smiling.
I just cant stop myself from falling in love with you anymore. Wala na akong pakielam sa mga
hindi mo magagandang ugali. I love you and your flaws. I dont care if I get played for so many
times. I dont care if I get rejected. Heck, I dont care if you dont love me anymore. Im willing wait
for you to love me again. Im willing to gain back that trust that I once lost. Im willing to do
everything you ask for. I would do everything just fo youso..

Will you be mine?


Epilogue

Hoy tukmol ka! bumalik ka dito! Yung cheesecake kooooo!!


Galit na galit akong tumingin kay Kyle nun. biruin mo ba naman, inagaw niya yung cheesecake ko.
Napakasarap sapukin no?
Akin na to Niks, order ka nalang ulit! Ugali din nito oh. Kakarating lang nang-aagaw na ng pagkain!
Anak ng tipaklong naman oh!
Nag-CSB itong si Kyle. More on arts kasi yung gusto niyang course kaya dun siya. Naging okay naman
yung buhay niya dun. Syempre, nung una nahirapan kasi wala pa masyadong friends pero after a
while, naging okay naman din. He even found a girlfriend. Ewan ko lang kung seryoso pero based on
our observationmukhang oo :]
Naman eh, isang linggo akong nagcrave para diyan tapos aagawin mo lang?! Balik mo na
yaaaan!
Eeeeh!
*CLING CLING*

Napatingin kami ni Kyle dun sa pumasok. Aba, himala yatat hindi nalate nong bruhang to. Aba,
hindi ka late. Sinunod mo payo ko no?
Tange! Special to kaya hindi ako late. Kamusta naman diba.
Hiwalay kami ng school ni Julia pero hindi parin kami nagkakalimutan. Sa La Salle nag-aaral yang
babaeng yan ngayon. Hanep nga ang course eh, nakakadugo ng ulo. Paano, kahirap na Math
kelangan niya para pumasa. Eng kasi ang kinuha.
Juliaaa, si Kyle oh, ninakaw yung cheesecake ko.
Ano ba naman yan Codie, cheesecake nalang. Pagbigyan mo na, tumataba ka na eh oh.
Tinignan ko ng masama si Kuya Nike nun. Minsan iniisip ko, kapatid ko ba talaga to? Paano, lahat
nalang kinampihan, basta hindi ako. TSs.
Hanep yang kapatid ko eh. Successful na siya kasi may sarili na siyang company. Sobrang lago nga rin
eh. At hindi lang yun ang malago, pati pamilya niya. Oo you read it right, may pamilya na si Kuya
dearest ko. He finally gained enough courage to ask his pretty officemate out. Ayun, nagclick silang
dalawa kaya after one year, tumunog na ulit ang wedding bells for my dearest brother. And this time,
no runaway bride.
One tall mocha frappe for Joey.
Aba, tignan mo tong lokong to. Andito na pala eh hindi man lang nagsabi! Umorder pa muna ah!
Sorry Im late!
Late ka diyan, nakaorder ka nat lahat lahat! Tumawa siya nun tapos nagbeso sakin.
Nag-aaral parin si Joey ngayon. Alangan naman hindi diba? Haha, biro lang. 1 year nalang gagraduate
na yan. Malapit na siyang sumabak sa real world. Minsan nagcoconfide siya na natatakot siya pero
ayun, parati naming pinapaalala sa kanya na andito kami para sumuporta. Oh diba, parang linya lang
sa commercial eh.
Hoy Kyle! Wag mo ngang itakas yang cheesecake ko! Bwisit ka!
*CLING CLING*
Agad akong napatingin sa pintuan at napangiti.
Uy, abot tenga ang ngiti oh.
Malamang, andiyan na ang prinsipe eh.
Hay, kawawa naman tayo, naiwan na naman.
Yaan mo namasaya eh.
Lokoloko talaga tong mga to.

Tumayo ako nun at agad siyang nilapitan.


Youre late.
Sorry hun. Traffic eh. dumaan pa ako ng dorm. Nagpout ako nun tapos nagcross arms. Nagdala
akong cheesecake?
Wow!
Sige Kyle! Sayo na yan! Meron na ako oh! 1 whole pa! Bleh!
Sige, ubusin mo yan ah? Nang maging lumba lumba ka.
Hun oh..
Natawa lang siya nun tapos kiniss ako sa gilid ng ulo ko.
Yeah, were finally together. After 2 months of courtship, sinagot ko rin ang isang Anakin Dylan
Domingo. Sobrang saya ko talaga nung dumating siya sa debut ko, it was the best surprise na
natanggap ko.Loko din tong mokong na to eh. biruin mo, it was part of his plan na pahirapan,
paiyakin at palungkutin ako. Dinahilan pa niya na para daw bonggang bonggang surpresa ang
matatanggap ko kapag nagdebut ako. Oh diba, ang bait niya ano?
Magkaiba kami ng school pero hindi naging hindrance yun sa relationship namin. Trust. Yun ang
kelangan. Kahit na sobrang magkalayo kami, nakakayanan parin namin.Ang mystery ng bracelet na
may naka-engrave na N.D. and heart? Well, galing pala sa baliw na to. And take note, iba pa daw ang
ibig sabihin ng ND dun. Hindi siya Nichole Dizon.
Nichole Domingo daw. Oh diba, sosyal ha. Parang kasal na ah.
Though we had many ups and downs, with the help of our family, friends at ang iba pang mga taong
nakapaligid samin, we were able to survive. Ganyan lang naman yun eh. Ang mga kapamilya at
kaibigan mo lang talaga ang siyang mga tutulong sayo sa bawat problema. Kahit magbali baliktad
man ang mundo, kapag totoo ang mga taong yan, hinding hindi ka niyan iiwan. Gaya ng akin.
Im just glad, na after all these things, I was finally able to be HIS girl. =]
My story doesnt really end here. It goes on and on hanggang sa next generation. Hanggang sa
kaduluduluhan ng magiging family tree ko, it would still continue. As long as theres someone to
remember, hinding hindi ito mawawala.
Kasi in life, there are no endings, only beginnings. ;]
Hoy Kyle! Gahaman ka! ibalik mo yang cheesecake ko!!

You might also like