ang alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay Lets drink all may masasamang epekto sa tao. Ito ay unti-unting night! Alak pa! nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na maging malikhain. Dahil sa kaibahan ng kanilang pag-uugali at kawalan ng pokus, nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang mga nagugumon sa alkohol. Ang ilan sa mga away at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas ng ating mga tahanan ay may kinalaman sa labis na pag-inom ng alak. Kung minsan, nauuwi pa ang mga away na ito sa ibat ibang krimen. Sa pagkakataong ito, masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa. Kung matatandaan mo, ayon sa Modyul 5, maaaring hindi siya masisi sa kaniyang ginawa dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at wala sa tamang pag-iisip, ngunit may pananagutan pa rin siya kung bakit siya uminom ng alak at gaano karami ang kaniyang nainom. Ang paginom ng alak ay hindi masama kung paiiralin lamang ang pagtitimpi at disiplina. Bukod sa epekto nito sa ating pag-iisip at pag-uugali, apektado rin ang ating kalusugan. Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer, sakit sa atay at kidney. Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang mga nabanggit na sakit, maaaring magresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang tao. Bilang nilikha ng Diyos, inaasahan sa atin na isabuhay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan - tanda ng pagmamahal sa buhay na ipinagkaloob Niya sa atin. Aborsiyon
Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon. Ang
isyung ito ay may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga mananaliksik at ng publiko higit lalo sa pagiging moral at legal nito. Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na isyu sa buhay? Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007) Narito ang sumusunod na mga pangunahing katanungan ukol sa aborsiyon na nilalayong sagutin sa modyul na ito. Una, makatuwiran ba ang aborsiyon o pagpapalaglag? Ikalawa, maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng 266 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.