You are on page 1of 2

Rafael L.

Lazatin Memorial High School


Balibago, Angeles City
Pangalan:_____________________________
Seksyon:______________________________
I.

Petsa:__________________________
G. Ernesto N. Yap Jr.

Panuto: Itiman ang bilog ng napiling sagot.


A B

C D

1. Sino ang nagpahayag na ang kasaysayan ay mga tala ng mga nagawang kagitingan na tinitingnan bilang
isang pananaw na hindi binibigyang halaga ang karanasan ng tao sa kabuuan lalung lalo na ang nakaraan
na may kinalaman sa kababaihan?
A. Herodotus
B. Ambeth Ocampo
C. Thucydides
D. Renato Constantino
2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpatunay na ang kasaysayan ay maaaring maging instrumento
sa katapusan ng mundo?
A. Kapag ang isang tao ay natuto sa mga aral ng nakaraan.
B. Kapag walang nagnais na basahin ang naging kasaysayan ng mundo.
C. Kapag ito ay nagpaalab sa damdamin ng isang tao o grupo ng tao na sa tingin nya dumanas ng pangaapi mula sa isang lahi.
D. Lahat ng nabanggit.
3. Anong grupo ng tao ang naniniwala na ang mundo ay nilikha ni Shu mula ng mapaghiwalay niya ang
mag-asawang sina Nut at Geb na nagsilbing langit at lupa?
A. Ehipsiyano
B. Tsino
C. Pilipino
D. Asirio
4. Sino ang nagpahayag na ang gumawa ng mundo ay si Marduk mula sa katawan ni Tiamat, ang diyosa ng
karagatan?
A. Ehipsiyano
B. Tsino
C. Pilipino
D. Asirio
5. Ano ang pangalan ng diyos ng mga Sumeriano na sinasabi nilang lumikha sa daigdig?
A. Pan Ku
B. Enlil
C. Bathala
D. Izanami at Izanagi
6. Sino ang lumikha sa mundo ayon sa mga Hapon?
A. Pan Ku
B. Enlil
C. Bathala
D. Izanami at Izanagi
7. Anong teorya ang nagpapaliwanag na ang solar system ay nabuo mula sa isang solar nebula na binubuo
ng alikabok at gas?
A. Nebular
B. Dust Cloud
C. Planetissimal
D. Collision
8. Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagsasaad na ang mundo at iba pang planeta ay nabuo mula sa
mga tipak na nagtalsikan matapos ang banggaan ng dalawang malalaking bituin?
A. Nebular
B. Dust Cloud
C. Planetissimal
D. Collision
9. Anong teorya ang ipinanukala ni Chamberlain at Moulton na nagsasaad na ang mga planeta ay nabuo
mula sa mga nagkadikit-dikit na mga planetoids?
A. Nebular
B. Dust Cloud
C. Planetissimal
D. Collision
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa Teoryang Condensation?
A. Ang daigdig ay nabuo mula sa nitrogen at helium.
B. Ang daigdig ay nabuo mula sa hydrogen gas at atomic dust.
C. Ang daigdig ay nabuo mula sa kakaibang uri ng sangkap o matter?
D. Lahat ng nabanggit
11. Sino ang nagpanukala ng Capture o Catastrophic Theory na nagsaaad ang mga planeta ay nabuo mula sa
mga natanggal na tipak ng araw ng dumaan ang isang protostar malapit dito?
A. James Jeans
B. Immanuel Kant
C. Victor Safronov
D. Harold C. Urey
12. Anong teorya na nagsasaad na ang mga planeta ay nabuo mula sa mga tipak na nagtalsikan dahil
pagbangga ng isang malaking bituin sa araw?
A. Dynamic Encounter
B. Big Bang
C. Steady State
D. Solar Disruption
13. Alin sa mga mga sumusunod ang teorya ni Fred Hoyle na nagsasad na panibagong matter ang nabubuo sa
kalawakan habang patuloy na lumalayo ang mga galaxy sa isat isa?
A. Dynamic Encounter
B. Big Bang
C. Steady State
D. Solar Disruption
14. Anong teorya ang nagpapaliwanag na dating magkakapatong ang mga galaxy hanggang sa magkaroon ng
isang malakas na pagsabog 20 bilyong taon na ang nakalilipas?

A. Dynamic Encounter
B. Big Bang
C. Steady State
D. Solar Disruption
15. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi na ang mga planeta sa solar system ay nabuo mula sa mga tipak
na natanggal mula sa araw dahil sa pangbangga ng isang malaking kometa?
A. Dynamic Encounter
B. Big Bang
C. Steady State
D. Solar Disruption
16. Ano ang kaisipan ang ipinapahayag ng sistemang Creationism?
A. Ang mundo ay dumaan sa isang proseso bago ito mabuo.
B. Ang mundo ay nalikha ng mga sinaunang diyos ay diyosa.
C. Ang mundo ay nilikha ang isang makapangyarihan Diyos.
D. Wala sa nabanggit.
17. Anong teorya ang nagsaaad na ang mga fossil ay sa mundo ay walang iba kundi ang mga labi ng mga
hayop na namatay bunsod ng isang malaking pagbaha sa panahon ni Noah ng Great Flood?
A. Diluvial
B. Uniformitarianism
C. Marsupial
D. Uniformity
18. Sino ang Arsobispo ng Armagh sa Ireland ang nagpahayag na ang mundo ay nilikha ng Diyos noong
4004 BCE.
A. James Hutton
B. Dr. John Lightfoot
C. George Cuvier
D. James Ussher
19. Sino ang French naturalist na nagpanulaka ng Catastrophe Theory na nagsasaad na ang lumipol sa mga
hayop at halaman ay mga serye ng kalamidad?
A. James Hutton
B. Dr. John Lightfoot
C. George Cuvier
D. James Ussher
20. Sino sa mga sumusunod ang Scottish na heologo na nagsabi na ang mga pwersang humuhubog sa sa
daigdig sa nakaraan ay nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyang panahon?
A. James Hutton
B. Dr. John Lightfoot
C. George Cuvier
D. James Ussher

You might also like