You are on page 1of 1

Chavez, Julius Caezar C

10-Fermi
Boses Upos
Sa linggong ito, papasukin ni Howie Severino at ng kanyang I-Witness team ang mundo ng mga
tao na parang robot magsalita at may butas sa kanilang lalamunan.
Isa rito si Emer Rojas, isang dating radio announcer na nakaranas ng kanyang pinakamatinding
bangungot: ang pagkawala ng kanyang boses nang magkaroon siya ng cancer sa vocal chords na
kinailangang alisin.
Siya at marami pang tulad niya ay humihinga na ngayon gamit ang butas sa kanilang lalamunan.
Ngunit sa tulong ng isang aparato, nagawa na ni Emer na makapagsalita ngunit tunog robot na
ang kanyang boses. Tulad ng ibang cancer survivors, bilang na ang araw niya sa mundo. Sa
kabila nito, nagkaroon si Emer ng bagong misyon sa buhay. Kanyang inorganisa ang mga tulad
niya, mga dating chain smoker na nawalan na ng vocal chords at ngayo'y tunog robot. Ang iba
naman ay natuto ng tinatawag na esophageal speech, o ang pagsasalita sa pamamagitan ng
pagdighay na tila palaka.
Ginagamit ni Emer ang kanyang kakaibang boses upang makakuha ng atensyon sa kanyang
pinaglalaban: ang masawata ang paninigarilyo. Nagsasalita siya sa mga eskwelahan at muling
bumalik sa radyo upang ihatid ang kanyang mensahe.
Tinutulak ni Emer at ng kanyang lupon ang paglalagay ng litrato ng mga taong may cancer sa
etiketa ng sigrailyo, isang bagay na matagal nang ginagawa sa ibang bansa. Ngunit ang
oposisyon dito ay kasinlaki ng industriya ng tabako. Pinuntahan ng grupo ni Howie ang
pinakamalaking pagawaan ng sigarilyo sa Pilipinas, na isa sa mga bansa sa mundo ngayon na
marami ang lulong sa ganitong bisyo.

You might also like