You are on page 1of 3

Iglesia ni Cristo sa Huling Araw

1.
S.

2.
S.
3.
S.
4.
S.
5.
S.

6.
S.
7.
S.

8.
7.

1.
1.
2.
3.
4.

2.
1.
2.
3.

Ang tinutukoy raw ng banggit na ibang mga tupa sa Juan 10:16 ay ang mga Gentil na
natawag rin sa Iglesia?
Hindi po totoo na ang tinutukoy sa Juan 10:16 na ibang mga tupa ay ang mga Gentil
sapagkat ayon sa Gawa 2:39 ay binabanggit ang sa inyo ang pangako, at sa inyong mga
anak, na ito ay ang mga Hudyo at mga Gentil na natawag na (Roma 9:24). Samantalang
ang tiyak na binabanggit na ibang mga tupa ni Cristo ay tatawagin pa lamang (Gawa 2:39).
Sila ang mga dadalhin (tatawagin pa lang) mula sa Malayong Silangan (Isa. 43:5-6).
Katuparan ay Pilipinas (W. History p. 445)
Ano ang katunayan na hindi ang mga Gentil ang tinutukoy na nasa malayo sa Gawa 2:39?
Ang katunayan po na hindi ang mga Gentil ang tinutukoy na nasa Malayo ay tatawagin pa
lang ang Nasa Malayo samantalang ang Gentil ay natawag na (Roma 9:24).
Paano patutunayan na ang ekspresyong mga wakas ng lupa sa Isa. 43:5-6 ay tumutukoy
sa panahon at hindi sa dako?
Ang ekspresyong mga wakas ng lupa ay tiyak na tumutukoy sa panahon at hindi dako
sapagkat ang ginamit sa orihinal na salin ay Qatseh, ang katumbas ng wakas sa Isa. 43:6
na ito ay maaaring tumukoy sa panahon ayon kay Tuggy (INC p. 129)
Alin ang tiyak na tinutukoy na banggit sa Isa. 43:5 (Moffatt) na From the Far West will I
gather you?
Ang malayong Kanluran na ang bansang kinatuparan at natipon ang mga kaanib sa Iglesia
ni Cristo ay Hawaii, San Francisco, Cal.
Ayon sa mga kumakaaway sa atin, ang Isa 43:5-6 ay hindi tumutukoy sa Iglesia ni Cristo sa
Pilipinas sapagkat sa talatang 1-3 ang pinagsabihan ng Diyos na huwag matakot ay ang
Jacob at Israel. Papaano ito sasagutin?
Ang nakasulat po sa Isa. 43:5-6 ay tiyak na tumutukoy sa Iglesia ni Cristo sa huling araw at
hindi sa dating Jacob, dahil ito ay malaon ng patay. At kung babasahin natin ang mga
talatang 1-3 ay naibigay na ang pantubos samantalang sa talatang 4 ay ibibigay pa lang
ang katuparan nga ay ang nasa 5-6 na natupad sa Iglesia ni Cristo sa huling araw.
Sinasabi ng mga kumakaaway sa atin na ang katumbas ng lupa sa wikang Hebreo ay Erets
at ang wakas ay Ephes at qatseh, kaya ang banggit na mga wakas ng lupa ay tiyak na
tumutukoy sa dako at hindi sa panahon. Paano ito sasagutin?
Sa Ezek. 7:2-3, 12 erets ang ginamit ngunit ito ay tumutukoy sa panahon ayon sa talatang
7 at 12.
Paano maipakikilala at mapapatunayan na may dalawang uri ng Israel- Israel sa laman at
Israel na pangako? Ano ang katunayan na ang Iglesia ni Cristo ay Israel sa pangako?
Ang Israel sa laman ay ito po ang Jacob ng una na pinangalang ding Israel (Gen. 35:10 at
pinagkalooban ng mga karapatan), tipan (Roma 9:4) ito rin ang tumalikod (Dan. 9:11 at
nasumpa). Ang Israel sa pangako ay binhi ni Abraham sa mga wakas (Isa. 41:8-9, 14-15)
na ginawang bago.
Sa isang maikling pagpapaliwanag, batay sa mga talata ng Biblia, anu-ano ang mga
katapat na kahulugan at katuparan ng mga banggit sa hula sa Zak. 13:7-19?
Sa maikling paraan, anu-ano ang kahulugan at katuparan ng mga banggit sa Zak. 13:7-9?
1. Pastor Cristo (Mat. Juan 10:11)
2. Sinaktan ng Diyos nasugatan dahil sa ating kasalanan (Isa. 53:4-5)
3. Nangalat ang mga tupa (mga tao ng Diyos - Ezek. 34:31)
pinag-uusig, pinatay (Gawa 12:1-2, 3-4; 8:3)
4. Maliliit - mga Apostol (Mat. 10:40-42)
5. Lupain - Iglesia (I Cor. 3:9)
6. 2 bahagi ay mamamatay at mahihiwalay papatayin at matatalikod (Mat. 24:9, 11;
Gawa 20:29-30)
a. binubuo ng Judio at Gentil na mga natawag sa unang Iglesia (Roma 9:24)
7. Ikatlong bahagi na maiiwan nasa malayo na tatawagin upang maging bayan ng
Diyos o INCHA (Gawa 2:39, Isa. 43:5-6, Isa. 62:11-12)
8. Dadalisayin at susubukin susubukin sa pananampalataya (I Ped. 1:7)
Hindi ba si Elias na Tesbita o si J. Bautista ang tinutukoy sa Mal. 4:5 at hindi si Manalo?
Si Elias na Tesbita ay nabuhay sa panahon ng kaharian sa Israel (875-854 BCE)
Si J. Bautista ay bago ang unang pagparito/pagdating ni Cristo (Isa. 40:3)
Ang hinuhulaan ay bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
(Zef. 1:14, 18, II Ped. 3:7, 10)
Kaya tinawag na Elias taglay ang kaisipan ni Elias na papagbabaliking-loob ang puso ng
ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang ama (Mal. 4:5-6)
Nota: Ang mga Elias sa Biblia
1. Elias na propeta (Tesbita) nasa langit na (II Hari 2:11)
2. J. Bautista (Mat. 11:10-14, Luk. 1:13-17)
3. FYM Mal. 4:5-6, (Zef. 1:14, 18, II Ped. 3:7, 10) (Mat. 17:10-11 Gawa 3:20-21 NPV)
Hindi ba si Cristo ang isang pastor na binabanggit sa Juan 10:16 ayon sa talatang 14?
Ang banggit ay magkakaroon itoy sa hinaharap (in the future ERNT)
Ang ibang mga tupa na tatawagin ay nasa malayo Malayong Silangan (Gawa 2:39, Isa.
43:5-6)
Si FYM ang katuparan ng hula na nangalaga sa INCHA.

2
11.
S.
5.

12.
6.

3.
1.
2.
3.
13.
S.

4.

8.
9.
1.
10
1.

2.
3.
11.

Ano ang isasagot mo kung may magtanong ng ganito: Mababasa mo ba sa Biblia ang
pangalang Pilipinas?
Mababasa po batay sa salita ng Diyos ang katumbas ng salitang Pilipinas ayon sa Isa. 43:56 Moffatt- Malayong Silangan na ang katuparan ay Pilipinas. (W. Hist. 445).
Mababasa mo ba sa Biblia ang pangalang Pilipinas?
1. Ang Pilipinas ay pangalang artipisyal na hinango sa pangalan ni King Philip II ng
Espanya.
2. Ang katutubong pangalan na ibinigay ng Diyos sa ating bansa ay Malayong Silangan
(Isa. 43:5-6) at mga pulo ng dagat (Isa. 24:15)
3. Pilipinas ang katuparan ng pahayag ng Diyos (W. Hist. p. 445)
Bakit ipinarehistro pa sa Securities and Exchange Commission ang INC? Ang Iglesia ba sa
panahon ni Cristo ay inirehistro sa pamahalaan?
Bakit ipanarehistro pa sa Securities and Exchange Commission ang INC? Ipinarehistro din
ba ang INC sa panahon ni Cristo?
1. Ito ay pagsunod sa batas (Roma 13:1-4; I Ped. 2:13-14) at akay na mabuting layunin
a. Walang itinatago ang INC sa gobyerno
b. Kung nakarehistro ay nasasakop ng batas
2. Walang batas sa panahon ni Cristo na magparehistro
a. Kung mayroon ay iparerehistro Niya, ibigay kay Cezar ang kay Cezar (Mat.
22:21)
Si FYM ay nagtatag ng Iglesia ayon sa rehistro?
Ito ay rehistro natin (termino natin) kaya tayo ang nakauunawa kung ano ang kahulugan at
hindi ang sinoman.
Lokal (samahan) ang itinatag hindi ang organisasyon.
Gaya ni Apostol Pablo matalinong tagapagtayo (I Cor. 3:10)
Nota: Si A. Pablo ba ang founder ng INC?
Ang Isa. 43:5-6 ay hindi raw tumutukoy sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas dahil sa talatang 1 na
binabanggit ang pangalang Jacob at Israel. Patunayan mo na mali ang kanilang
pagkaunawa sa mga talatang nabanggit.
Hindi si Jacob na anak ni Isaac ang tinutukoy sa Isa. 43:5-6 sapagkat matagal nang patay si
Jacob nang ito ay banggitin ni Isaias. Ang katunayan pa na hindi si Jacob na anak ni Isaac
ang tinutukoy sa Isaias 43:5-6 ay nakasulat sa 43:4 na ang Etiopia at ang Seba ay ibinigay
na pantubos sa Israel (43:1). Ang nasa 43:5-6 ay pantubos din sa Israel ngunit ibibigay pa
lamang. Sila ay nasa Malayong Silangan o Pilipinas (W. Hist. p. 445). Tatawagin sila sa
pangalang nilikha ng Diyos (Isa. 43:7); Gawa 2:36; Roma 16:16. Sila ay lilitaw sa panahong
MGA WAKAS NG LUPA (Mat. 24:3; 33, 6, W. Hist., p. 478-479).
Hindi raw natalikod ang unang Iglesia, kaya di na kailangan pang magtayo ng panibago sa
Pilipinas. Magiging dalawa ang Iglesia kapag nagtayo pa sa Pilipinas. Ang kailangan ay
sumangkap na lamang sa Iglesia na nasa Biblia at hindi na dapat na magtayo pa ng
panibago
1. Kung hindi natalikod,
a. Sinu-sino ang mga namahala sa Iglesia pagkamatay ng mga Apostol hanggang sa
ngayon?
b. Sa anong Iglesia kaanib ang mga kaanib sa Iglesia na nagpasimula noong unang
siglo pagdating ng ika-2, 3, 4, 20 na siglo?
2. Ang katunayan na may pagtalikod (Mat. 24:10-11, I Tim. 4:1-3, Gawa 20:29-30)
a. Pagkatapos ng mga Apostol mga palatandaan ng pagkasira (The Ch. In Hist. p. 44)
3. Hindi magiging 2 ang tunay na Iglesia dahil ang INC na lumitaw sa Pilipinas ay ang
ikatlong pulutong at hindi isang iba pang Iglesia. (Jn. 10:16, Gawa 2:39)
4. Mga Judio at Gentil ang mga natawag noon (Roma 9:24)
5. Sa Malayong Silangan magmumula ang ikatlo (Isa. 43:5-6 at Moffatt)
Bakit ang katumbas ng mga wakas ng lupa sa banggit ni Cristo ay nasa mga pintuan na
1. Sapagkat ang ika-7 tatak na huling yugto ng panahong Cristiano ay nahahati sa pitong
hihip ng pakakak na ang bawat hihip ay pinto ng wakas kaya nasa mga pintuan na.
Bakit ang panahong malapit na ang wakas ng mundo ay tinatawag na mga wakas ng
lupa?
Sapagkat ito ang panahon na nasa dulo (1 wakas) ng ika-anim na tatak na pasimula ng ika7 tatak (huli o wakas na tatak) at ang dulo ng ika-7 tatak ay wakas na ng mundo.
Ano ang katunayan na hindi ang lahat ng banggit na end/ends of the earth ay tumutukoy
sa dako?
Ang binabanggit ni A. Pablo na end of the earth ay katumbas ng sinabi ni Isaias na worlds
end o ika-2 pagparito ni Cristo panahon. (Gawa 13:47, Isa. 49:6, Mat. 24:3 [lahat ay sa
Moffatt])
Nota: Si Apostol Pablo ay magiging sa ikaliligtas sa pamamagitan ng kanyang turo na
siyang sasamahan ni Cristo hanggang sa katapusan ng sanlibutan. (Mat. 28:20)
a. Papaano aabot ang turo hanggang sa katapusan? nasulat. (I Cor. 10:11)
Ang salita ng sugo ang aabot hanggang sa wakas ng sanlibutan. (Awit 19:4 Moffatt), Roma
10:18 Moffatt)
Ang katumbas ng wakas ay qatseh maaaring tumukoy sa panahon (Tuggy, INC, p. 129)
Ang mga wakas ng lupa ay maaaring tumukoy sa dako at panahon. Ano ang katunayan na
ang banggit na mga wakas ng lupa sa Isa. 43:5-6 ay tumutukoy sa panahon at hindi sa
dako?

1. Ito ay katumbas ng worlds end (Isa. 43:5 Knox) na tiyak na tumutukoy sa panahon
a. Ngunit hindi pa araw ng paghuhukom dahil tatawagin pa lamang ang mga anak ng
Diyos.
b. Gaya ito ng binabanggit sa Daniel 12:4 TEV na end of the world o end of time sa
ibang mga salin ngunit hindi pa paghuhukom dahil sa lalago pa ang kaalaman at
marami ang tatakbo ng paroot parito.
2. Binanggit na ang dako malayo
a. Sa maraming pagkakataon na binabanggit ang mga wakas ng lupa sa hula tungkol sa
pagsusugo sa mangangaral ng salita ay binabanggit ang dako at panahon
1) Mat. 28:19-20 Gawing alagad ang lahat ng mga bansa (dako) hanggang sa
katapusan ng sanlibutan
2) Awit 19:4 Ang pangungusap ay lumalaganap sa buong lupa (dako) hanggang sa
wakas ng sanlibutan
3) Gawa 1:8 Ginawang saksi sa Jerusalem, Judea at Samaria (dako) hanggang sa
ends of the earth - NIV, LB, TEV, NEB (panahon)
4) Gawa 13:47 Inilagay na ilaw sa mga Gentil (dako) hanggang sa ends of the earth
5) Isa. 43:5-6 - mula sa malayo (dako) mula sa mga wakas ng lupa
6) Isa. 41:9 - hinawakan mula sa mga wakas ng lupa tinawag mula sa mga sulok
(dako)
3. Katulad din ito ng banggit sa Ezek. 7:2 ang wakas ay sa apat na sulok ng lupain o apat na
direksiyon na ang wakas ay tumutukoy sa panahon (Ezek. 7:2-3, 12)
Nota: Sa Isa. 43:5-6 ay binanggit ang apat na direksiyon at pagkatapos ay binanggit ang
mga wakas ng lupa gaya ng pagkakabanggit sa Ezek. 7:2-3.
25.
Ano ang katunayan na ang ika-7 tatak na binabanggit sa Apocalipsis ang tinutukoy na
mga wakas ng lupa na nagsimula noong 1 st World War?
1. Ang ends of the world/earth ay katumbas ng katapusang yugto ng mundo (I Cor. 10:11
BTK)
26.
Hindi raw totoo na panahon ang binabanggit na wakas ng lupa sa Isa. 49:6 at Gawa 13:47
kundi ito raw ay dako.
1. The fulfillment of these wonderful promises to Jews and Gentiles stretches onward to the
great day of God, when earth ends and heaven begins (Half Hours w/ Isaiah p. 229)
27.
Bakit natin natitiyak na ang ekspresyong nasa mga pintuan na ay katumbas ng
ekspresyong mga wakas ng lupa?
1. Sapagkat kapuwa ito tumutukoy sa panahong malapit na ang wakas
28.
Bakit natin natitiyak na ang digmaan na binabanggit ng Panginoong Jesucristo sa Mat. 24:6
ay ang digmaang pandaigdig na naganap noong 1914 samantalang maraming digmaan
ang naganap bago ang 1914?
1. Sapagkat ang digmaang ito ay (palatandaan na malapit na ang wakas) ang hangin na
nasa apat na sulok ng lupa (pambuong sanlibutan) na pinigil ng apat na anghel o sugo
(Big Four)
2. Ito ay nasa dulo ng ika-6 na tatak at pasimula ng ika-7 tatak (Apoc. 7:1, 6:12, 15)
3. Ginamitan ng mga makabagong kasangkapan pandigma karo na parang ipo-ipo
(tangke) at kabayo (eroplano) na lalong matulin sa agila (Jer. 4:11-13, 19) at patayan ng
lahat nilang hukbo o buong sanlibutan (Isa. 34:1-2) na natupad sa unang digmaang
pandaigdig noong 1914.

You might also like