You are on page 1of 4

DHENIELLE JOY G.

TIGSON
GRADE VII St. Gregory

Mga Idyoma
A
agaw-buhay -- naghihingalo
anak-pawis -- magsasaka; manggagawa
anak-dalita -- mahirap
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang

B
balitang kutsero -- hindi totoong balita
balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran
bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan
bungang-araw -- sakit sa balat
bungang-tulog -- panaginip
BALAT
balat-sibuyas -- manipis, maramdamin
balat-kalabaw -- mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya
buto't balat -- payat na payat
BIBIG
tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal
BITUKA
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao
mahapdi ang bituka -- nagugutom
BULSA
makapal ang bulsa -- maraming pera
butas ang bulsa -- walang pera
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan
BUTO
nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
matigas ang buto -- malakas

K
kidlat sa bilis -- napakabilis
kusang palo -- sariling sipag
KAMAY
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho
magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit
mabilis ang kamay -- mandurukot
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya

D
di makabasag-pinggan -- mahinhin
di mahulugang-karayom -- maraming tao
DIBDIB
pag-iisang dibdib -- kasal
kabiyak ng dibdib -- asawa
daga sa dibdib -- takot
nagbukas ng dibdib -- nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan
DILA
bulaklak ng dila -- pagpapalabis sa katotohanan
magdilang anghel -- magkatotoo sana

makati ang dila -- madaldal, mapunahin


matalas ang dila -- masakit mangusap
maanghang ang dila -- bastos magsalita
matamis ang dila -- mahusay mangusap, bolero
kaututang dila -- katsismisan
sanga-sangang dila -- sinungaling
may krus ang dila -- nakapanghihimatong
DUGO
kumukulo ang dugo -- naiinis, nasusuklam
magaan ang dugo -- madaling makapalagayan ng loob
maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan

H
hampas-lupa -- lagalag, busabos
haligi ng tahanan -- ama

I
ilaw ng tahanan -- ina
itaga sa bato -- tandaan
isulat sa tubig -- kalimutan
ISIP
makitid ang isip -- mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman
malawak ang isip -- madaling umunawa, maraming nalalaman

L
LOOB
malakas ang loob -- matapang
mahina ang loob -- duwag
mababa ang loob -- maawain
masama ang loob -- nagdaramdam
mabigat ang loob -- di-makagiliwan
bukal sa loob -- taos-puso, tapat

M
mahabang dulang -- kasalan
makalaglag-matsing -- nakaka-akit
makuskos-balungos -- mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin
mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe
malapad ang papel -- maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong
may magandang hinaharap -- may magandang kinabukasan
may sinasabi -- mayaman, may likas na talino
MATA
matalas ang mata -- madaling makakita
tatlo ang mata -- maraming nakikita, mapaghanap ng mali
namuti ang mata -- nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay
matigas ang leeg -- mapag-mataas, di namamansin
matigas ang katawan -- tamad
makapal ang palad -- masipag
maitim ang budhi -- masamang tao, tuso
mababaw ang luha -- madaling umiyak
MUKHA
makapal ang mukha -- di marunong mahiya
manipis ang mukha -- mahiyain

maaliwalas ang mukha -- masayahin


madilim ang mukha -- taong simangot, problemado
dalawa ang mukha -- kabilanin, balik-harap

N
nakahiga sa salapi/pera -- mayaman
nagbibilang ng poste -- walang trabaho
namamangka sa dalawang ilog -- salawahan
nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga
naniningalang-pugad -- nanliligaw
ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan

P
panis ang laway -- taong di-palakibo
pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw
patay-gutom -- matakaw
pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal
putok sa buho -- anak sa labas
PAA
makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad
pantay ang mga paa -- patay na
PUSA
nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho

S
sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
samaing palad -- malas na tao
sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi

T
takaw-tulog -- mahilig matulog
takipsilim -- paglubog ng araw
talusaling -- manipis ang balat
talusira -- madaling magbago
tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit
TAINGA
matalas ang tainga -- madaling makarinig
maputi ang tainga -- kuripot
nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan
taingang kawali -- nagbibingi-bingihan

U
utang na loob -- malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man
"utang na loob" -- malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng
nakikiusap, tulad ng "parang awa mo na"
ULO
matalas ang ulo -- matalino
mahangin ang ulo -- mayabang

malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon


mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon
lumaki ang ulo -- yumabang
matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos
basag-ulo -- gulo, away
may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa
sira ang ulo/sira ang tuktok -- taong maraming kalokohan ang nasa isip
UTAK
utak-biya -- bobo, mahina ang ulo
matalas ang utak -- matalino

You might also like