You are on page 1of 4

MAGKATULAD NA TRAHEDYA SA CAVITE AT CABANATUAN

 Daniel Mendoza Anciano

Sa mga mahilig sumubaybay sa mga pangyayari at kasaysayan ng bansang


Estados Unidos ng Amerika (USA), ang malagim na kamatayan ng kanilang
pangulong sina Lincoln at Kennedy ay parang  sinasadya  ng  mga
pagkakataon dahilan sa mga  pagkakatulad  ng  mga detalye  sa kanilang
buhay at sa panahon ng asasinasyon ng  dalawang pangulo. Marami parin ang
nag-iisip kung papaano ito  nagkaganoon. Sa  kabilang dako, hindi na pala
tayo dapat tumingin  pa  sa kaso  nina Lincoln at Kennedy ng Estados Unidos
para sa  ganitong magkakatulad  ng  insidente  ng asasinasyon  mayroon  din
tayong ganitong penomena na natala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Panahon na para mapuna na ang kamatayan ng dalawang bayaning sina


Andres  Bonifacio  at Antonio Luna  ay  mayroong  malaking pagkakatulad
tingnan, ang mga sususunod na detalye:

Sa  kanilang  kaarawan - si Andres Bonifacio  ipinanganak  noong Nobyembre


30,  samantalang Si Antonio  Luna  ay  ipinaganak noong Oktubre 29.

Si  Andres  ang panganay sa anim na magkakapatid at si  Antonio naman ang


bunso sa pitong magkakapatid.

Ngunit tingnan at pag-aralan pa ang susumunod na datos  para tumayo ang


inyong mga balahibo:

Una  -  ang kanilang pangalan ay nagsisimula sa letrang   A   at sinusundan


ng  letrang n at pag  pinagsama  lalabas  ang An (dres) at An (tonio).

Pangalawa  -  ang dalawa ay parehong taga -  Maynila.  Si  Andres Bonifacio ay


mula sa Tondo at si Antonio Luna naman ay  mula sa Binondo.

Pangatlo  - Si Andres na unang nasawi ay may 6 letra sa  pangalan


samantalang  si Antonio na ikalawang nasawi ay may 7  letra sa pangalan

Pang apat  - Ang dalawa ay nakarating sa lugar ng kanilang  kamatayan


dahilan  sa  inbitasyon ang isa ay  sa  lalawigan  ng Cavite at ang isa ay sa
noon ay bayan ng Cabanatuan.


Nalathala sa Filiipino Magasin (FILMAG) noong 1996
Panglima  - Si Andres Bonifacio ay natalo sa pakikipaglaban  sa mga  Espanyol
na naganap sa Kamaynilaan noong  panimula  ng himagsikang Filipino at si
Antonio Luna ay natalo sa pakikipaglaban  sa  mga Amerikano sa
Kamaynilaan  sa  panimula  ng Digmaang Filipino-Amerikano.

Pang anim - Noong si Bonifacio ay nasa Cavite kaniyang sinita si Vicente


Fernandes dahilan sa hindi nito pagsunod sa plano sa pag-atake  at pagsakop
ng Maynila. Sa Cabanatuan  ay  sinita naman  ni Luna niya ang Pangkat Kawit
sa Pamumuno  ni  _Pedro Janolino_  dahilan  sa hindi nito pagsunod sa plano
ng  pag-atake at pagsakop ng Maynila.

Pangpito_  - Sa panahon ng Unang Yugto ng Himagsikang Pilipino  sa Cavite ay


hayagang ang ginawang pagtanggi ni Tomas  Mascardo na  magpailalim sa
pamumuno ni Andres Bonifacio. Sa  panahon ng Unang Republika ay hayagan
din ang ginawang pagtanggi  ni Tomas  Mascardo  na kilalanin ang
kapangyarihan  ni  Antonio Luna bilang isang mataas na heneral ng hukbo.

Pangwalo_  -  Iisang tao lamang ang sentro ng bintang  na  siyang utak sa
likuran ng kamatayan ni Andres Bonifacio at  Antonio Luna, ito ay walang iba
kundi si Pangulong Emilio Aguinaldo.

Pangsiyam_  - Ayon kay Emilio Aguinaldo noong mga sumunod na  araw na


lamang  niya nalaman na pinatay si Andres  Bonifacio  at sinabi rin niya na
noong sumunod na araw lamang niya nalaman na  pinatay si Antonio Luna.
Magkaparehong pahayag sa  dalawang magkaibang krimen.

Pangsampu_ - Pinatay si Andres Bonifacio (1897) sa panahon na  ang hukbo


na nasa pamumuno ni Aguinaldo ay sinusugod at natatalo ng hukbong
Espanyol. Pinatay naman si Antonio Luna (1899) sa panahon  na ang hukbong
ng Unang Republika ay  sinusugod  atnatatalo ng hukbong Amerikano.

Panglabing-isa_  -  Si Andres Bonifacio  ay  pinaghihi-nalaan  na nagtatayo  ng


hukbo na hiwalay at ilalaban kay Emilio  Aguinaldo,  samantalang  si Antonio
Luna ay  pinaghihinalaan  na nag-oorganisa  ng isang coup d'etat laban kay
Aguinaldo.  Kung magkaganoon,  ang  dalawa  ay  parehong  pinaghihinalaan
at inaakusahan  ng salang pagtataksil sa pamahalaan at  planong pagpatay sa
Pangulong Aguinaldo.

Panglabing-dalawa_  -  Bago maganap ang  trahedya  itinuring  na mortal na


kaaway ni Andres Bonifacio si Daniel Tria  Tirona at sa ilang pagkakataon ay
nagkaroon na sila ng konprontasyon  at  dalawang pagkakataon na si Tirona
ay  tinutukan  ng baril ni Bonifacio (pangalawang pagkakataon na ang
pagtutok ng  baril kay Tirona sa Kombensiyon ng Tejeros ) isa sa  mga
mainpluwensiyang  tauhan  ni Aguinaldo. Sa kaso  ni  Antonio Luna,
nakaaway niya naman ng labis si Felipe Buencamino  at sa  isang
pagkakataon ay simapal pa ni  Luna  ang  nasabing ginoo. Si Daniel Tria
Tirona sa pagbagsak ng Cavite ay agad na sumuko  sa  hukbong Espanyol.
Samantalang si  Buencamino  sa pagbagsak ng Unang Republika ay sumuko
sa mga Amerikano.

Panglabing-tatlo_  -  Sa  ka kamatayan ng  dalawa,  ang  pangulong Aguinaldo


ay pinapayuhan at inuudyukan ( o  sinulsulan)  ng mga taong malalapit sa
kaniya ng mga kaisipan na laban  kina Andres Bonifacio at Antonio Luna.

Panglabing-apat_  -  Ang pangu-long Aguinaldo ay  laging  wala  o malayo  sa


lugar na kinamatayan nina  Andres  Bonifacio  at Antonio Luna. Ngunit ang
mga tao na nanguna sa pagbitay  kay Andres Bonifacio ay si Lazaro Makapagal
at ang naguna  naman sa  pagpaslang kay Antonio Luna ay si Pedro  Janolino.
Sina Macapagal  at Janolino ay mga malalapit na tauhan ng  Pangulong
Aguinaldo.

Panglabing-lima_  -  nang patayin si  Andres  Bonifacio,  kasama niyang


nasawi  ang kaniyang kapatid na si  Procorpio.  Nang patayin  naman si
Antonio Luna kasama niya si Koronel  Francisco Roman.

Panglabing-anim_  -  Ang mga tao sa likod ng hiwalay  na  pagpatay kina


Andres Bonifacio at Antonio Luna ay hindi naparusahan.

Panglabing-pito_ - Si Andres Bonifacio na unang nasawi ayy pinatanoong


buwan  ng Mayo (10, 1897) samantalang si  Antonio  ay pinatay sa buwan ng
Hunyo (5, 1899).

Panglabing-walo_ - Sa bangkay ni Andres Bonifacio at Antoonio  Luna ay


matatagpuan ang dalawang uri ng sugat ang una ay bunga ng taga ng itak at
ang pangalawa ay mula sa punlo.

Panglabing-siyam_  - sa kamatayan ni Andres Bonifacio  ay  kasama niya


namatay ang kaniyang mga nakakabatang mga kapatid na si Ciriaco  (na
napatay sa panahon na ipinagtatanggol niya  ang kaniyang kapatid habang
dinadakip ng mga tauhan ni Aguinaldo sa Limbon) at Procorpio(na nakasama
at kasabay na  binitay). Sa kaso ni Antonio Luna, namatay ang kaniyang
kapatid na  si Juan Luna (ang pintor) sa atake sa puso dahilan sa labis  na
pamimighati  sa  sinapit na kamatayan  ng  kaniyang  bunsong kapatid.

_Pangdalawampu_ - Pagkatapos na mapatay si Andres Bonifaacio nakatikim


ng pagkatalo si Aguinaldo at ang huli ay  nagmartsa  ng mahaba mula Cavite
hanggang Biyak na Bato upang takasan  ang mga Kastila na humuhuli sa
kaniya. Sa Biyak na Bato isinuko ni Aguinaldo ang himagsikan sa isang
kasunduang  pangkapayapaan. Pagkatapos na mapatay si Antonio Luna,
nakatikim  muli ng  pagkatalo  si  Aguinaldo at nagmartsa  ng  mahaba  upang
matakasan  ang  mga  Amerikano na nagbabalak  na  humuli  sa kaniya.
Nagtapos  ang martsa sa Palanan,  Isabela  nang  si Aguinaldo ay mahuli ng
mga Amerikano.

_Pangdalawampu't  isa_  - Noong Disyembre 1897,  sakay  ng  Barkong Uranus


patungo ng Hongkong pagkatapos na makipagkasundo  sa mga Espanyol
umamin si Aguinaldo sa isang mamamahayag  Espanyol  na  siya ang
nagpapatay kay  Andres  Bonifacio.  Noong Marso,  1901 bago sumakay si
Aguinaldo ng Barkong  Vicksburg ay  inamin  ni Aguinaldo sa mga pangkat ng
mga  Amerikanong humuli sa kaniya na siya ang nagpapatay kay Antonio
Luna.

You might also like