You are on page 1of 5

ANG UNANG HALALANG PANG-PANGULUHAN

 Daniel Mendoza Anciano  

 Malapit  na ang taong 1998 at ang bansa ay nahaharap  na  sa nalalapit  na
eleksiyong pangpanguluhan, naglalatag  na  ng  mga istratehiya ang mga
pulitiko na nangangarap na maging susunod  na pangulo ng bansa. Nag-
eeksperimento sa kemistriya ng mga personalidad na maaring magtambal na
presidente at bise-presidente.  May sumisipsip  sa  pangulo,  para dito ibigay
ang  kaniyang  mando, bilang  kahalili.  Naandiyan  din ang  pagpapalakas  ng
partido, nagsisimula na rin ang batuhan ng putik, ang siraan ng  katauhan, at
marami  pang iba. Ang mga ito, ang  karaniwang  kalakaran  sa pagdating ng
halalang pampanguluhan. Ang tanong ng iba ay  kaylan kaya matatapos ang
ganitong sistema ng bulok na pulitika? Pero sa aming  mga  estudyante ng
kasaysayan, ang aming tanong  ay  hindi kung kailan ito magtatapos, kung
hindi saan ito nagsimula?

 Sa artikulong ito ay pag-aaralan natin ang naging  kaganapan sa idinaos na


unang halalang pampanguluhan sa Filipinas at  maari kayong  magtaka
dahilan  sa halos walang  ipinag-iba  ang  unang halalang  pampanguluhan  sa
makabago nitong  katapat,  kahit  na halos 100 taon na ang nakakalipas.

 Ang Unang Halalang Pampanguluhan

Sa mga textbook ay matatagpuan ang isang pangyayri sa  ating kasaysan na


tinatawag na Kombensiyon ng Tejero1 na ginanap  noong Marso  22,  1897,  sa
sitio ng Tejeros, sa pagitan  ng  bayan  ng Rosario at San Francisco de
Malabon, Cavite. Para sa ilan ito  ay isa  lamang pagpupulong at pagbuo ng
pamahalaang  rebolusyonaryo, na nauwi sa pag-iinit ng ulo ni Andres
Bonifacio laban kay Daniel Tria  Tirona. Pero sa katotohanan, ang
Kumbensiyon ng Tejeros  ay isang halalan at dito ginanap ang unang halalang
pampanguluhan sa Filipinas.

 Ang Labanan ng Incumbent at ng Aspirant

Ang halalang ginanap sa Kombensiyon ng Tejeros ay paglalaban sa


pamumuno ng isang nakapuwesto at isang aspirante.  Sa  kasong ito,  si
Andres Bonifacio na Supremo ng Katipunan at  Pangulo  ng Haring  Bayang


Nailathala sa Filipino Magasin (FILMAG) noong 1997 para sa sentinaryo ng
Kombensiyon sa Tejero.
1
Ang tawag sa lugar ay na pinaganapan ay Tejero, ngunit popular sa tawag na
Tejeros, dahilan sa pagkakasulat sa Ingles na Tejeros Convention.
Katagalugan, ang nagsisilbing lider ng  himagsikan hanggang ang kaniyang
kakayahan ay maging isang katanungan  dahilan sa kaniyang naging
pagkatalo sa pakikipaglaban sa Kamaynilaan sa  unang  buwan pa lamang ng
himagsikan. Malaki ang  nawala  kay Bonifacio  sa kaniyang pagkatalo sa
Kamaynilaan,  dahil  nagbunga ito  upang malantad ang kaniyang kahinaan sa
istratehiyang  pangmilitar sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.

Ang  aspirante ay si Emilio Aguinaldo, isang katipunero,  na nagsimulang


makilala bilang lider dahilan sa kaniyang mga  natamong  tagumpay laban sa
mga Espanyol sa lalawigan ng Cavite.  Ang talunang supremo at ang
mapagwaging heneral ay isang sitwasyon na nagbigay  daan upang hamunin
ng isang aspirante ang  pamumuno  ng isang  pinunong nakapuwesto.

Ang lahat ng halalang  pampanguluhan na  sumunod sa Filipinas ay labanan


ng nakapuwesto at  ng  aspirante, maliban lamang sa kaso nina Quezon (1935)
at Ramos (1992).

 Ang Partido Pulitikal

Sa  ginanap  na  unang halalang  pampanguluhan,  malaki  ang naging papel


ng dalawang pangunahing partido pulitikal sa  Cavite upang matiyak ang
panalo ng bawat isa. Ang dalawang partidong ito ay ang Magdiwang na
pinamumunuan ng mga Alvarez at ang Magdalo na dominante  ng  mga
Aguinaldo. Ang bawat partido ay  mayroong  mga balwarte,  sa kaso ng
Magdiwang nasasakop nito ang mga  bayan  na nasa baybayin ng Look ng
Maynila. Sa kaso ng Magdalo ay nasasakop nito  ang mga bayan na nakaharap
sa Look ng Bacoor,  hanggang  sa mataas na lupa ng Cavite.

Sa  unang  buwan ng himagsikan ay nagkaroon ng  hidwaan  ang dalawang


paksiyon dahilan sa karibalan at kawalan ng koordinasyon sa pagkilos na
militar. Sa pagdating ni Bonifacio noong Disyembre 1896  sa Cavite siya ay
pumanig sa partidong Magdiwang, sa  dahilang  ang  matandang Alvarez ay
tiyuhin ng kaniyang asawa  na  si Gregoria  de  Jesus.  Sa paglipas ng ilang
araw,  ang  matandang Alvarez  ay  ibinigay ang puwestong haring bayan ng
partido  kay Andres Bonifacio.

Samantala ang partido Magdalo ay nasa bukana ng lalawigan ng Cavite at sa


malimit na pagkakataon ay napapasabak sa  pakikipaglaban  sa  mga Kastila
na nagbabalak na  pumasok  sa  kanilang teritoryo. Sa ganito, ang panalo ng
Magdalo at kaniyang karanasan sa  pakikipaglaban ay nagbigay ng kaukulang
pagkilala ng mga  tao sa Cavite sa pamumuno nito. Ang dalawang partido,
maaring naitayo dahil sa pagsisikap ng Katipunan, ngunit dumating ang
panahon na sumapit ito sa salungatan  ng ideolohiya at sa pananaw sa dapat
na maging  landasin  ng himagsikan. Para sa mga Magdalo, dapat nang palitan
ang Katipunan ng  isang pamahalaang rebolusyonaryo, samantalang  ang
partidong Magdiwang ay nanghahawak sa paniniwala na hindi dapat palitan
ang Katipunan sa dahilang ito ay isa nang pamahalaan.

Sa  pagkakataon  ding ito ng hidwaan  ng  dalawang  partido, nakita  ni


Bonifacio ang kaniyang pangangailangan sa  partido  ng Magdiwang  upang
tapatan ang pangkating Aguinaldo at ang  partido Magdiwang  naman ay
nakita ang supremo na maaring itapat  sa  mga Magdalo.

 Ang Black Propaganda

Ilang linggo pagdating ni Bonifacio sa Cavite at bago pa man ang  malaking


asamblea ng mga rebolusyonaryo sa Imus,  at  ilang buwan  pa  bago ang
ganapin ang Kumbensiyon ng  Tejeros  talagang desidido na ang Magdalo na
bunuin mula kay Bonifacio ang pamumuno ng  himagsikan. Ito ay
mapapatunayan sa dahilang kumalat ang  mga mapanirang  polyeto sa
lalawigan ng Cavite, lalo na sa  lugar  ng San Francisco de Malabon, kung
saan ang supremo ay pansamantalang namamalagi.  Sa  nasabing  mga
polyeto  ay  hinihikayat  ang  mga Caviteño na huwag pakitaan ng anumang
paggalang o pag-ukulan  man ng anumang pansin ang supremo.

Sa  mga nasabing polyeto, sinasabi na ang supremo  ay  isang mason,  hindi
naniniwala sa Diyos, upahan o ahente ng mga  prayle para  maghasik ng
kaguluhan, walang pakundangan sa mga  sagradong bagay na pangrelihiyon,
may mababang pinag-aralan, at isang hamak na utusan lamang ng isang
negosyanteng Aleman. Pamilyar na pamilyar, yata ang black propagdanda na
ito hanggang ngayon.

Nang  makarating ito sa kaalaman ng supremo, kaniyang  hiningian  ng


paliwanag si Daniel Tirona na nauwi sa pagtatalo,  dito sa unang pagkakataon
ay tinutukan ng baril ng supremo si  Tirona, nailigtas  lamang si Tirona ng
pag-awat ni Mariano Alvarez at  ng pakiusap ng isang babae nagkataong
naroroon sa bahay.

 Karahasan

Ilang  oras bago ganapin ang Kumbensiyon/halalan sa  Tejeros ay  nagkaroon


ng pagtatalo sina Santiago Alvarez at Antonio  Montenegro,  na nauwi sa
berbal na pagtatalo at pagpapadakip ng  una sa  huli. Dahilan sa pangyayaring
ito, ang mga tauhan ni Santiago  Alvarez ay humanay na sa tabi ng hagdanan
na paggaganapan ng kombensiyon at  nagbabantang gagamitin  ang kanilang
mga baril sa sinuman na kalahok  sa  kumbensiyon.

Matatandaan  din na dahilan sa nakakainsultong  protesta  ni Daniel  Tirona


laban  sa pagkakahalal ng  supremo  sa  posisyong Direktor  ng  Interior ay
tinutukan ng huli ang una.  Salamat  na lamang sa dalawang mahalagang
pangyayari na nagligtas kay  Daniel Tirona, una ay ang maagap na pag-awat ni
Artemio Ricarte sa kamay ng  supremo na may hawak na baril at pangalawa,
ang kabilisan  ni Daniel  Tirona na magtago sa karamihan. Kung walang ang
dalawang pagkakataong ito siguro, ang unang halalang pampanguluhan ay
may bahid ng dugo.

 Alsa Balutan

Sa panahon ng kombensiyon/halalan sa Tejeros, ang nakakarami  sa  mga


dumalo ay mula sa partidong Magdiwang at  sa  Magdalo naman ay mahigit
kumulang sa siyam na katao. Ngunit, huwag tayong malinlang  ng  numero  sa
dahilang  marami  sa  mga  dumalo   sa halalan/kumbensiyon  ay  ang mga
tinatawag na  alsa  balutan  mga indibidwal  na taga-Maynila, at ibang pang
mga lalawigan na  nagtungo  sa  Cavite sa unang buwan ng himagsikan upang
mabuhay  sa napalayang lalawigan ng Cavite.

Ang  mga alsa balutan ayon sa mananalaysay ang dahilan  kung bakit
maraming nakuhang boto si Aguinaldo sa kabila ng kakauntian ng kaniyang
mga kapartido na dumalo sa kombensiyon. Minsan habang pinag-aaralan  ko
ang artikulong ito ay nagbibiro ang aking  isipan,  para  matuksong isulat na
parang ang mga alsa  balutan  ang lolo ng mga makabagong flying voters.

 Ang Laro ng Pulitika

Ang  supremo  Bonifacio ay hindi dapat na  isipin  na  isang mangmang  na
pulitiko sa kaniyang unang  pagkandidato,  ayon  sa mananalayasay  na si
Alfredo Saulo, ang supremo ay  nakatagpo  ng ang isang tagapayo sa katauhan
ni Artemio Ricarte. Pinaghandaan nilang dalawa ang Kombensiyon ng Tejeros,
una, ipinatawag  nila ang kumbensiyon sa panahon na ang  teritoryo  ng
Magdalo ay sinasalakay ng puwersa ng mga Espanyol na pinamumunuan ng
berdugong Heneral Lachambre at ang mga Espanyol ay nasa  lugar na
tinatawag na Pasong Santol na siyang pintuan patungo sa  Imus na noong ay
kapitolyo ng pangkating Magdalo. Pangalawa,  ibinigay lamang  sa  pangkating
Magdalo ang panawagan ukol sa  gaganaping pagpupulong  sa Tejeros noong
Marso 21, 1897. Isang  araw  lamang ang  pagitan  sa  layunin na pakauntiin
ang  makadadalo  mula  sa pangkating Magdalo.

Pero  ang istratehiyang Bonifacio ay sinagot naman ng  pangkating Magdalo sa


pamamagitan ng mga sumusunod: Una, bago ganapin ang halalan ay
nagkaroon ng huling sandaling pangangampanya  para huwag  ihalal si
Bonifacio, at hinihikayat ang mga  mamboboto  na huwag  pailalim sa hindi
Caviteño; pangalawa, pinaghati nila  ang mga  Magdiwang dahilan sa sandali
ng pagpili ng mga kandidato  sa pagkapangulo  ay  tatlo ang nominado, sina
Aguinaldo  (Magdalo), Bonifacio  (Magdiwang) at Trias (Magdiwang). Sa
ganitong  pamamaraan  sa unang sandali pa lamang ng halalan ay nakatakda
na  ang paglansag ng kapangyarihan ng supremo sa pamumuno ng
himagsikan.
 

Dinayang Balota

Sa panahon ng Kombensiyon/Halalan sa Tejeros ay lumitaw  ang isang isyu


mula kay Diego Mojica na nagsasabi sa superemo na  ang mga balota na
ipinamahagi ay may sulat na, at di na sinulatan  ng mga manghahalal.

 Balimbingan

Sa bandang huli, ang tinatawag na turncoatism  ng partido  ay naganap  sa
panahon  pa ng unang  halalang  pampanguluhan,  bago ganapin ang halalan,
ang pangkating Magdalo sa pamumuno ni Daniel Tirona ay gumawa ng
hakbang upang makuha o makaalyansa ang  ilang mga  Magdiwang. Isa na sa
klasikal pagsasagawa ng turncoatism  ay mapapansin kay Mariano Trias, bago
ang kombensiyon siya ay nagbitiw  sa kaniyang puwesto sa pangkating
Magdiwang bilang  Ministro ng  Katarungan  at lumipat sa pangkating
Magdalo  bilang  isang heneral. Pagkatapos ng halalan sa Tejeros ay
mapapansin na nawala na ang init ng pulitika sa dalawang partido, naluklok
na  pangulo si Aguinaldo, at ang mga Magdiwang ay tinanggap ang kanilang
mga bagong posisyon sa pamahalaang rebolusyonaryo.

You might also like