You are on page 1of 2

PEP EXCLUSIVE: 

TV5 not bothered by Willie Revillame's frequent absence


on Willing Willie

    Bong Godinez

Hindi nababahala ang TV5 management sa estado


ng kalusugan ng Willing Williehost na si Willie
Revillame.
   
Ito ang siniguro ng network Vice President for
Entertainment na si Perci Intalan sa PEP (Philippine
Entertainment Portal) sa pamamagitan ng isang e-
mail reply na ipinadala niya kagabi, February 9.
   
Ilang araw na kasing absent si Willie sa sarili niyang
programa dahil na rin sa madalas nitong
pagkakasakit.
   
Recently lang ay may kumalat pa ngang balita na
inatake diumano si Willie sa puso kaya daw ito na-
confine sa ospital, dahilan para mag-file ito ng leave
of absence sa primetime variety-game show ng
Kapatid network.
   
Mabilis namang pinabulaanan ng TV5 management
ang balita sa pagsasabi na "viral infection" daw ang
tumama sa controversial host at hindi ito inatake sa
puso
 
During those days na wala si Willie ay sinalo muna nina DJ Mo at Rico J. Puno ang hosting slot,
kasama pa rin ang regular co-host na si Valenzuela City 2nd District Councilor Shalani Soledad.
 
"We know how hard Willie works on his show, iba ang level of dedication and attention to detail niya,
not just as a host but also as producer of the show. So we completely understand that if and when he
does have to rest or go on a break, it is not something na gusto niya but kailangan niya," paliwanag ni
Sir Perci sa PEP.
 
"We also know that just because you don't see him personally hosting the show, that doesn't mean
that he is not monitoring it from wherever he is and coordinating with the production staff on every
aspect of the program.  Kaya naman the show maintains good ratings and has his personal touch pa
rin," dagdag pa ng network executive.
 
BETWEEN WILLIE AND FRIENDS. Tinanong din namin si Sir Perci  tungkol sa noontime show na
diumano'y niluluto ni Willie para sa mga kaibigang sina John Estrada at Randy Santiago.
 
Matatandaang nagbuhos ng sama ng loob si Willie sa dalawa noong January 26 episode ng Willing
Willie matapos niyang malaman na tinanggap nila Randy at John ang alok na noontime show ng ABS-
CBN.
 
Dating magkakasama sila Willie, Randy, at John sa ABS-CBN noontime program naMTB (Magandang
Tanghali Bayan).
 
Matapos ang pitong taong pag-ere ay pinalitan ng Wowowee ang MTB sa tanghaling timeslot.
 
Si Willie ang nagsilbing host ng Wowowee, ngunit hindi naging maganda ang paghihiwalay ng
controversial host at ng Kapamilya network na nauwi sa paglipat ni Willie sa bakuran ng TV5 noong
nakaraang taon at sa pagsasampa ng kaso ng magkabilang kampo.
 
Sa January 26 episode ng Willing Willie ay personal pang tinawagan ni Willie si John gamit ang cell
phone upang iparating ang kanyang pagkadismaya dahil hindi na diumano matutuloy ang inihahanda
niyang noontime program para kina Randy at John sa TV5.
 
"Kasi dapat may noontime show sila rito, e. Tapos bigla na lilipat sa channel ano naman. Inaayos ko
na, tapos eto. Inaayos ko na lahat, tapos bigla niyo kong iiwan na naman? Ano?" himutok ni Willie kay
John.
 
Sinabi naman ni Sir Perci na wala siya sa posisyon para magbigay ng komento tungkol sa sinasabing
programa ni Willie dahil hindi siya kabilang sa pagpaplano nito.
 
"As for the noontime show, we don't know the details because this is a show that Willie and his
production team are cooking up to pitch to TV5. 
 
"We aren't privy to how far discussions have gone and how many ideas Willie has discussed with John
and Randy already," sabi niya.

You might also like