You are on page 1of 2

c  


             
— 

"This is an unforgettable moment in my life."

Ito ang nasabi ng Filipino boxing icon na si Manny


"Pacman" Pacquiao matapos ang kanyang
pagbisita sa White House sa Washington, DC,
ngayong araw, February 16 (February 15 sa
Amerika), para personal na makaharap sina U.S.
President Barack Obama at Vice President Joe
Biden.

Pambihira ang pagbisita ni Manny dahil siya lang


ang kauna-unahang reigning boxing champion na
naimbitahan sa opisyal na tahanan at opisina ng
pangulo ng U.S.A.

Hindi na kasi kampeon at aktibo sa boxing ang legendary fighter na si Muhammad Ali nang makapunta
ito sa White House para tanggapin ang Presidential Medal of Freedom na ibinigay ni dating U.S.
President George W. Bush noong 2005.

Sinabi sa ulat na kasama ni Manny ang kanyang asawa na si Jinkee, at sabay na nananghalian
kasama ang dalawang pinakamataas na opisyal ng Amerika.

Game na game naman na nagpa-picture sa Oval Office si Manny kasama si Obama, na nagpahayag ng
intensiyon na bumisita sa Pilipinas kapag may pagkakataon.

Binigyan din ni Obama ang Pinoy boxing champion ng tatlong grocery bags na puno ng light blue M&M
brand chocolates na may presidential seal design.

Isang relo na nagtataglay ng presidential seal logo rin ang ipinagkaloob ni Obama kay Manny.

Hindi naman maiwasan na mapag-usapan ng dalawa ang pulitika, lalo pa't bukod sa pagiging world-
class athlete ay kasalukuyang naninilbihan din si Manny bilang congressman ng Sarangani.

Inimbita ni Manny si Obama na manood ng magiging laban niya kontra kay Shane Mosley sa darating
na May 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Unfortunately, may trabaho raw si Obama sa araw ng laban ni Manny ngunit nangako naman ito na
susubaybayan sa telebisyon ang bakbakan

Ang White House visit ni Manny ang nagsilbing last stop ng kanyang press tour para i-promote ang
kanyang nalalapit na laban kay Mosley.

Ilan lamang sa mga siyudad na binisita ni Manny bago ang Washington ay ang Las Vegas at New York.

Ayon sa publicist ni Manny na si Fred Sternburg, lumikha ng traffic sa kalye ang pagbisita ng
boksingero kay Obama dahil nagkagulo ang ilang motorista matapos na makita ang eight-division
world champion na tumatawid papuntang White House.

"Manny said it was very impressive being in the Oval Office, seeing it first hand. He said it was a great
honor to meet the President of the United States. He also said the President is a very tall man,"
masayang pahayag ni Sternburg sa media.
Ang pagbisita ni Manny sa tanggapan ni Obama ay personal na inasikaso ni Nevada Senator Harry
Reid.

Matatandaang inendorso ni Manny ang kandidatura ni Reid noong nakaraang taon at naging maganda
naman ang resulta dahil muling nahalal bilang senador ang 71-year-old na mambabatas.

Nauna nang sinabi ni Reid na bihira siyang makiusap kay Obama. "But I bothered him on this
occasion," pahayag ng Democrat senator.

You might also like