You are on page 1of 2

(UPDATED) 

Actor Sid Lucero and model Mikael Daez are Marian Rivera's
leading men inAmaya
Noel Orsal / Candy Magazine

  

Pagkatapos ng mahabang
paghahanap ay natagpuan na
rin ang magiging leading men ni
Marian Rivera sa epicserye ng
GMA-7, angAmaya.
 
Sila ay sina Sid Lucero at Mikael
Daez.
 
SID LUCERO. Si Sid ang isa sa
itinuturing na pinakamahusay
na aktor ng kanyang
henerasyon na mula sa showbiz
clan na Eigenmann. Anak siya
ng mahusay ring aktor na si
Mark Gil at ng dating model na
si Bing Pimentel.
 
Identified si Sid sa ABS-CBN kung saan ginawa niya ang mga sumusunod na teleserye: Kung Fu Kids,
Ligaw Na Bulaklak, Flash Bomba, Gaano Kita Kamahal, Dahil May Isang Ikaw, Magkano ang Iyong
Dangal?, Habang May Buhay,  at Alyna.
 
Pero hindi Amaya  ang magiging unang proyekto ni Sid sa Kapuso network. Napanood na siya noon
sa Narito ang Puso Ko, Hanggang Kailan, Darna (2005), atEtheria.
 
Apat na Best Actor awards na ang napalanunan ni Sid para sa pagganap niya sa indie films na Donsol,
Tambolista, at Selda.
 
MIKAEL DAEZ. Si Mikael naman ay isang professional model na nakakontrata sa Mercator Model and
Talent Agency, na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud.
 
Ang Mercator din ang humahawak sa career ng Brazilian-Japanese hunks na sina Akihiro Sato, Daniel
Matsunaga, Fabio Ide, at Hideo Muraoke.
 
Si Mikael, 23, ay graduate ng Business Administration sa Ateneo de Manila University. Masasabing
"true-blue Atenean" siya dahil mula grade school hanggang college ay sa Ateneo siya nag-aral.
 
Bukod sa print ads, nakagawa na rin ng ilang TV commercials ang six-footer na model. Ilan sa mga ito
ay para sa Jollibee Champ, Dole, at SM.
 
THE SEARCH. Bago napili sina Sid at Mikael ay ilang pangalan din ang lumutang at napabalitang
makakapareha ni Marian. 
 
Ilan sa kanila ay ang Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo, Diether Ocampo, Tom Rodriguez, at
Derek Ramsay; ang Kapuso stars na sina Geoff Eigenmann, Mike Tan, JC Tiuseco, at Luis Alandy; at
ang models na sina Jome Silayan at Benedict Campos; at maging ang ex-boyfriend ni Marian na si
Ervic Vijandre.
 
Hindi sigurado kung totoong inalok silang lahat o nag-audition sila talaga para sa role.
 
Sa huli ay sina Sid at Mikael nga ang napili.
 
Si Mikael ay napili pagkatapos niyang mag-audition sa role ng isa sa magiging kapareha ng itinuturing
na premiere female star ng Kapuso network.
 
Si Sid naman, ayon sa pagkakaalam ng PEP, ay hindi na nag-audition kundi binigyan ng offer ng GMA-
7.
 
Ngayong araw, February 16, lang nakumpirma ang paglipat ni Sid mula sa ABS-CBN nang um-attend
siya ng story conference ng Amaya.
 
Bago ang Amaya, mapapanood muna sina Marian at Mikael sa bagong horror-comedy series ng GMA-
7, Ang Spooky Mo Presents Bampirella.
 
Bukod kina Marian, Sid, at Mikael, ang iba pang nasa cast ng Amaya ay sina Glaiza de Castro, Gina
Alajar, Lani Mercado, Gardo Versoza, Rochelle Pangilinan, Kristoffer Martin, AJ Dee, Rocky
Salumbides, Ana Capri, Roy Alvarez, at Buboy Villar.

You might also like