You are on page 1of 164

SIYA

By Jessamine

I have seen lots of PAIN.


I have seen lots of LOVE.
Though no memories to go back…
Or feelings to feel…
Alam kong SIYA na yun.

|| Kai || Aiden || Jake || Geanne || Migs || Nica || John || Karl || Harry || Milcah || Kyla || Kaycee || Dylan || Kat || MJ ||

Prologue

Siya.

Siya at siya na lang. Mula sa pagkamulat ko ng mga mata ko hanggang sa pagpikit ko ulit. Siya lagi ang iniisip ko… ang
dahilan kung bakit pa ko nabubuhay. Siguro nga… siya ang buhay ko.

Ewan ko ba. Minsan nagtataka na ko kung bakit ganon. Ang weird talaga ng buhay… lalo na siya. In a minute,
kinamumuhian ko siya. After a second, mahal ko na ulit… di ko alam. Sa kanya ko naramdaman na pwede mo palang
mahalin ang taong pinakamumuhian mo. Sa kanya ko lang naramdaman ng dapat kong maramdaman sa mundong ito.

Lahat tayo may iba’t ibang istorya. Yung iba nga jan, mas grabe pa yung storya kay sa akin. Yung tipong 10 taon silang
nagkahiwalay pero sila parin ang magkakatuluyan. Nung kabataan ko, I really hate watching telenobelas. Yuk, ang cheap.
Oo nanonood ako ng anime pero hindi ko hiniling na maging ganon kaexciting ang buhay ko. Ganon ako kaboring. Pero…
hindi ata yun ang gusto ni Lord.

Minsan nga naisip ko kung bakit ako binigyan ng ganitong buhay. Ang drama… maraming beses akong umiyak na para na
kong mababaliw. Maraming beses na kong ngumiti kahit alam ko na hindi dapat ngumiti. Maraming beses na ko sumaya. At
lahat yun ay dahil sa kanya.

Pero, kung iisipin, Masaya na rin ako kahit ganto kadrama ang buhay ko. Yung mga tipong pwede ng ipocket book? Kung
ishashare ko man yung storya ng buhay ko, gusto ko maramdaman nung nagbabasa na siya ako. Na parang nangyayari
lahat habang binabasa niya yung storya ko. Gets? Haha… tawa muna at magrelax… kahit ako hindi ko alam kung bakit ko
kinukwento ang storya ko... Alam ko na may istorya ka din… pero, kung okay lang… basahin mo na rin yung akin. Autistic
na nga ako. Wala naman akong kausap pero may pinararatingan ako. Ano to, apostrophe?

Ang sarap ng ihip ng hangin. Yung tinatawag nilang “amihan”. Habang pinagmamasdan ko yung scene sa harap ko,
napangiti ako. Napatawa. First time kong Makita lahat ng to. Parang himala. Andito ako kanina pang hapon. Pero hindi na
masyadong masakit ang araw nun at magaganda pa yung ulap. Nakakatawa nga eh.

Habang sinasabi ko to parang nagiging si Leonardo da vinci ako… na parang gusto kong ipinta lahat ng nakikita ko. May puti
paring ulap banda don habang naglalakbay na sila pauwi sa cute na cute na blue skies ika nga. Nasa ilalim ako nung mga
ulap na yun at kasalukuyang nakaupo sa isang lambak na pinaliligiran ng paru-paro.

At banda naman dun, pasikat na ang buwan. Bilog na bilog… ever since, full moon na talaga ang paborit ko. Haha. Meron
narin akong nakikitang stars dun. Medyo madilim na nga dun eh. Sa harap ko, nakikita ko na lumulubog na ang araw sa
may baybaying dagat… ang ganda…

Huminga ako ng malalim. Pinikit ko mga mata ko habang inaalala ko lahat mula sa umpisa hanggang sa dahilan kung bakit
ako nakaupo sa kinalalagyan ko ngayon. Kung pwede lang… kumpleto na sana kung andito siya. ang weird ba? Eto na ata
ang pinakamagandang lugar na nakita ko… pero, alam ko na may hihigit pa diyan.

Ang lugar kung saan kasama ko siya. At sinong siya?...

Find it out.

Chapter 1

High school na ako. Third year high school specifically. Ako? Simple lang ako. Fortunately, virgin pa. May mga nanliligaw,
pero di ko sinasagot. Di pa kasi ako handang masaktan (note masaktan at hindi magmahal).

Anyway, dinedescribe ako as ‘simplicity is beauty’. Uh, sabihin na nating may mga nagsasabi na napaka weird ko kasi
nakakaattract ako pero hindi ko sila nilalandi. That’s good news.

Minsan napapatingin ako sa salamin. Hindi naman talaga ako maganda. I don’t wear make-ups and jewelries. Isang
necklace lang na bigay sa kin ng mga magulang ko nung Pasko two years ago at isang relo. I don’t have that shoulder bag,
back pack lang at may baunan pa. Hindi nga ako naniniwala na may nagkakagusto sa kin kasi whenever I look at the
mirror…

I just see myself as plain… absolutely plain.

Pero siguro ganon talaga ang mundo ngayon. They like simpler people like me. Weh? Sinong tunge ang maniniwala dun. Eh
halos lahat ng lalaki ang gusto nila mga kerengkeng tulad ni... Oops. Sorry. I’m going beyond my limits. Naiinggit sila sa kin
kasi dahil... humble ako. Haha. Ano pa ba daw ang mahihingi ko? Actually, meron akong gustong hingin na characteristic…

Sensitivity.

Kasi one time, nung first year ako, may nag kagusto sa kin na fourth year. Nung graduation lang nila ko nalaman. Ang sabi
ba naman sakin,

“Hindi ka naman talaga manhid no? Graduation ko na nga, di mo pa rin alam na may gusto ako sayo. Kahit halos everyday
na kita binibigyan ng teddy bears, roses, chocolates at mga paburito mong cd… wala ka paring pakiramdam.”

At alam mo sabi ko sa kanya?

“You’re not mistaken. Manhid nga po ako.”

Ewan ko nga ba sa sarili ko. Ayon, para bang ako pa ang nabusted… mukhang sira… haha! Pero ang nakakalungkot dun,
after nung graduation nila eh para akong desperado… aba malay ko ba na madedevelop ako… hai ewan ko nga ba sa sarili
ko kung bat ako ganito… I’m too weird to be understood.

And another fact about me… believe this or not. Sabi ng mama ko nagkaroon ako ng lacunar amnesia. Lacunar amnesia or
selective amnesia. Katapusan na daw yun ng grade four nangyari. 10 years old ako. Wanna know what happened?

Haha. Actually hindi ko rin alam. Basta nabagok daw yung ulo ko. Yun lang ang alam ko. Hindi rin naman kasi nila alam.
Natagpuan na lang daw nila akong duguan yung ulo sa may park. May witness naman na may kausap pa ko nun tapos nung
may nangyari eh bigla daw siyang tumakbo. Whoever that was, I hate that ‘whoever that was’.

Sabi ni mama, ang naaalala lang niya, iyak ako ng iyak those days pero hindi ko sinasabi kung bakit. Sabi naman ni doc,
baka yun ang nangyari. Dahil sa depression ko, may parts lang ng memory ko yung nawala. At yung parts na yun ay yung
mga bagay na nagpadepress sa kin. At least, hindi nawala lahat… yung mga nakakadepress na alaala lang…

Sabi niya, baka it would take days or weeks or months or years bago bumalik yung nawala kong alaala. Baka nga hindi na
daw. Masaya parin ako dahil di ako bumobo tulad ng iba… na total amnesia talaga! I can’t imagine being a teenager na di
ko parin alam kung pano mag bilang.

You get my point?

Haha… well iyon na nga. Wala na kong pakielam dun kasi I have rebuilt my memory already. Kilala ko na ang mga dapat
kong kilalanin so no problemo. Hindi naman yung major thing to me. Kinuwento ko lang para may maidagdag ako
dito. Anyway, enough of the bla bla’s. Ideal girl daw ako sabi ng best friend kong si Jake. Sasaya daw ang lalaking
makakapiling ko. Whoo! Echos talaga. Si Jake, best friend ko siya since Grade 5. Siya yung gumabay sa kin after kong
magkaroon ng the term you call “memory loss”.

Siya lang naman yung nagturo sa kin kung pano maging babae. I remember na wild ako nung grade five. Nakikipagsapakan
pa nga ako nun eh kaya laging pinapatawag parents ko sa office. Lagi namang sinasabi ng mga magulang ko sa principal…

Pasensya na ho… may nangyari po kasi sa anak namin…

Then they always tell the principal about my amnesia thing. Well actually, it was obviously an excuse. Haha!

Anyway, back to Jake. Ayun nga. Siya yung nagturo sa kin kung pano maging babae. Kasi mahiyaan siya nun. Naaalala ko
yung unang usap namin…

“Bakit hindi ka natatakot sa mga bully?”


“Kasi ang mga bully dapat pinapatay. Yun ang natututunan ko sa kakanood ng anime at iba pa. bakit… binubully ka ba?”
“Babae ka. Dapat mahinhin ka. Hindi para kang amazona. Walang magkakagusto sayo niyan kung ganyan ka katigas.”

Siyempre nahiya naman ako nun kaya binago ko yung ways ko… pero aminin ko meron parin akong attitude sa
pakikipagaway pero di tulad ng dati.

Bagong transfer lang si Jake nun sa elementary school na pinapasukan ko. Maliit pa lang siya nun. Siya yung tipong
binubully. One bully in our batch (my mortal enemy dating dati pa kahit daw before ako magkasakit) ay si Katrina.
Papakopya ng assignment eh ayaw ni Jake (kasi alam niyo yun, matalino talaga si Jake.)

“Isusumbong kita kay Teacher Hannah pag di ka tumigil.”

kahit grade five na ko, aminin ko medyo bulol ako… buti na lang eh di ako nagkaroon ng verbal amnesia! Pero ayun… aba
inisnab ako! sinumbong ko nga ang loka. Iyak siya ng iyak kasi tatlo na ang major offense niya… meaning… kick out na
siya! Bwahahaha! Akala niya kasi hindi ko siya isusumbong dahil mommy niya yung isang teacher sa min.
Mula noon, naging best friend ko na si Jake. Fortunately, lumaki siyang matapang hindi tulad noong una ko siyang nakilala.
In fairness, gwapo siya nung lumaki. As in LUMAKI. Ilang inches ba tinangkad nun? 5 in just one month?! Ngayon, varsity
na siya ng basketball ng school namin at member ng school paper staffers. Photojournalism siya, at lagi siyang pinanlalaban
sa mga contest. Ang saya no?

Mga magulang ko naman ay… ayon… practical parents. Si mama, house wife. Si papa, nagtatrabaho sa isang office. I just
don’t know what. Yung Kuya ko, teacher na ng math sa isang school. Yung ate ko, 4th year college na. Yung after ko, grade
6 pa lang, babae. At yung last one, grade 4 na lalake. Nagaaral sila sa same name of the school namin. Eh kaso lang,
hiwalay ang pre school campus, grade school campus at high school campus kaya di ko nakikita yung mga maliliit kong
kapatid. Si Kuya Ken, Ate Karylle, Keisha at Koko. Parepareho kaming K. Ewan ko nga kay na Papa at Mama kung bakit
significant ang K. Haha! Nakakatuwa no. Siguro sinadya nila yun. Ay! Buntik ko na makalimutan…

Ako nga pala si Kyleen Ylkivia Unabia Tuazon.

Chapter 2

Third year high school na ko. Nagtransfer ako sa school na yun kasi may allowance. Eh, unfortunately, tatlo lang kaming
nakapasa sa entrance exam. Si Jake, ako, at si Jodie. Nagquit yung isa pang nakapasa tapos hindi nakapasa sa interview
yung isa pa… (bale… lima kami.).

Dahil parte din to, sasabihin ko na. Para may dagdag. Wala akong award nung elementary. Si Jodie yung valedictorian
namin noon tapos si Jake naman first honorable mention. Ewan ko nga kung sadyang biniyayaan ako ni Lord ng
sangkatutak na utak nung entrance exam kaya ako nakapasa. At imagine, sa first section ako napunta agad.

Anway, andun nanaman ako sa pilot section kaya halos parehas din yung mga nagiging kakalase ko. III – 1 ako. May ibang
nalipat sa second section. May iba naman na nalipat sa amin. Magkakasama parin kaming mga magkakabarkada.

Namely…

Si Jake. Siya yung best friend ko. Sweet at gwapo “daw”. Haha. Hindi joke lang. Gwapo nga siya. Varsity ng basketball sa
may amin. Maraming nagkakagusto jan—unfortunately. Bakit?! Eh pano ba naman, lahat ng nagkakagusto jan eh inaaway
ako!

Si Geanne. Magaling siyang kumanta at magaling magdrawing. Katulad ko, warfreak na babae na inaaway na lang kahit
sinong mangaway sa kanya... siyempre maliban sa sweetie pie niya. Masungit na pranka sa ibang tao, pero sanay na kami.

Si Migs. Ang boyfriend ni Geanne na kumpare ni Jake. Varsity din siya ng basketball, at crush din ng bayan—lakas ng dating
eh. Mejo bully sa ibang tao, pero pag dating kay Geanne, sweet. Siya pinakamatangkad sa magkakabarkada, kaya turing
namin sa kanya, kuya.

Si Nica. Ang bespren ni Geanne. Tahimik na nilalang, pero siya na ata ang pinakamayaman sa aming lahat. Adik sa
computer, hacker nga yan eh. Mejo man-hater dahil sa ex niyang ubod ng playboy. Pinakamaliit at “cute” daw sa aming
lahat.

At siyempre ako. Kailangan ko bang magexplain?

Barkada ko na yan since first year kasi sa average binabase kung pano kayo isesection. Pag dating ko ng school, nilapag ko
yung bag ko sa corridor kung saan usually tinatambak namin bag namin pag dating. Andun na yung dalawang bruha. Sigaw
ng sigaw.

Oo. Ganyan kami sa barkada. Pakitaan ng kanya kanyang sungay.

“Bakit kayo sigaw ng sigaw? Anong meron?”


“Buti na lang mahirap ang second year kaya maraming nagsumikap mag-aral kaya maraming napalitan sa section natin!”

Eto talagang si Geanne. Yan din yung sinabi niya nung first day nung nagsecond year kami. Sa pagkakatanda ko.

“Pero at least, hindi tayo nagkawatak watak.”


“Eh pano ba naman Nica no, lagi na lang tayo nagtutulungan sa mga assignment kaya pare pareho din mga scores. Sa tests
lang tayo nag kakaiba.”
“Ah!!! Naloloka na ko!!! Kakalase natin si Aiden!!!”
“Hay nako Geanne, may Miguel ka na… sumbong kita eh!”
“Joke lang!”
“Kamusta na kayo ni Jake?”
“Ay nako! Tigil tigilan mo nga ko! Sabing…”
“Ano pinaguusapan niyo?”

Dumating na sina Jake at Migs.


“Magkakaklase parin pala tayo.”
“Oo nga eh.”

Nung nag ring na yung bell, pumila na kaming lahat para mag flag ceremony. Tapos, pinakilala yung supreme student
government ng high school. Si Jodie (one of my close friends) ang third year representative at si Jake naman ang third year
governor. Naisip ko nga eh… medyo isolated ako kasi nga silang dalawa from my school eh nangunguna pag dating sa
leadership echos na yan. Ako naman ay isang simpleng mamamayan lamang.

Pumunta na kami sa sari-sarili naming class room. Ang adviser namin ngayong taon ay si Mrs. Lorna. Sexy pa rin siya kahit
nagkaanak na last year.

Inarrange muna kami by heights tapos saka pinaupo. Siyempre, alternate boys and girls para walang outcast. 30 kami sa
klase. 14 na lalake, 16 na babae. Not badly mixed naman. Siyempre, nasa first seat si Nica kasi siya pinaka maliit sa min.
Nasa hulian si Geanne kasi medyo matangkad siya. Ako, 2nd row. Diagonally right ko si Jake. Si Migs nasa dulo.

Hindi na namin kailangang mag orientation dahil mga third year na kami, kilala na namin ang isa’t isa.

Nung nag ring na yung bell, pumunta na kong banyo kasi naiihi na ko. Nagsalamin muna ako nung nakita kong occupied
yung 2nd cubicle (kasi yun lang yung may flush. Yung 2, under renovation pa). Habang tumitingin sa salamin… nagulat na
lang ako…

“AAAAAAAHHHHHHH!”
“AAAAAAAHHHHHHH!”
“Anong ginagawa mo dito?! Girl’s C.R. to!”
“Tumingin ka kaya! Ginawa na tong Men’s C.R.!”

Sa sobrang hiya, lumabas ako. Shacks!!! Oo nga… men’s C. R. na pala siya. Ano ba naman!!! Bakit naman pinalitan!?
Madami bang napapaihi na lalaki sa pants dahil sobrang layo ng C. R. nila?!

Pumunta ako sa TUNAY na banyo ng babae. Success… nakaihi na rin ako…

Paglabas ko… andun yung nakita ko sa DATI naming C. R….

“Sorry ah…”
“Anong sorry so…”

Tapos tumigil siya mga 5 segundo ata yun…

“Hui… problema mo?!”

kailangan ko na siyang tapikin kasi nakatulala eh.

“Basta sa susunod tumingin ka!”


“Eh bat ba ang sungit mo?! Nagsorry na nga eh…”
“Oo na…”
“Taga section one ka din diba?!”
“Oo. Kilala mo naman siguro ako… sikat ako eh…”

Aba! Sandali lang?! Tama ba narinig ko?! Oo, kilala ko siya. Pero... tae ang yabang ah! Kala mo kung sino umasta…
sandale… matingnan nga name tag mo… yung buong pangalan mo.

Smith, Aiden Gabriel A.

Ano ba’t bakit ganto ang apelyido nito?! Naligaw ata. Di naman to bansa ng mga kano. Hai… bwiset.. umagang-umaga eh.
Sinungitan ko siya. Kapal ba naman ng mukang sabihing sikat siya. Nag sorry na nga eh. Haay… umakyat ako sa room
namin. Kinuha ko baunan ko at kinuha yung sandwich with peanut butter.

After non, may narinig akong nagbulungan… sina Geanne ata…

“Ang gwapo talaga ni Aiden!”


“Shacks oo nga. Balita ko nga may girl friend siya na namatay na.”
“Wawa naman! Palitan ko kaya?!”

*laughter*

Si Aiden nga pala yung nakabangga ko kanina. Second year bagong transfer siya. 3rd section. At ngayon, 1st na… akalain
mo, mabilis pala siya mag excel. Ang alam ko sa kanya, mayaman sila tapos madaming nagkakagusto sa kanya mula pa
nung pumasok siya sa eskwelahang to. Halos ligawan na nga siya nung mga fourth year na babae noon. Uhm… not to
mention ang mga bading. Varsity din siya tulad ni Jake, at alam ko magkakilala din sila. The most interesting about him
yung tungkol sa namatay niyang girl friend. Mahal na mahal daw niya kasi yun. Magaling siya mag paint.

Naaalala ko pa nga nung math exhibit last year. Nanalo siya. Ganda ng pininta niya. Anghel na nakabuka yung pakpak pero
nakatakip yung mukha tapos hawak niya yung kamay ng isang lalake na umiiyak at nakaharap dun sa angel. Yung kamay
nung guy, may dugo. Well, it obviously shows na he missed his girl friend. Inauction yun. Gusto ko nga bilhin, kasi parang…
ang lungkot nung painting na gustong umiyak ng puso ko… basta ang daming emotions… pero baka mapagkamalan pa kong
kabilang sa fans club niya. No way!

Tapos nung division contest, 2nd place siya. Abstract eh… kaya di ko naintindihan.

The teachers liked him a lot. Bukod sa teachers pa yung sumisipsip sa kanya kasi papa niya yung mayor sa lugar namin…
cute kasi siya… and that’s it. Grabe nga naman ang may halong kano.

When the bell rings at 5, dismissal na. Cycling distance lang naman (meaning bina bicycle ko na lang on the way home)
kaya medyo nag pa late na ko. Inayos ko yung locker ko at nilagay yung mga notebooks and books. Balak ko linisin yung
room tapos ko umakyat. So ayun umakyat ako papuntang room namin… nagulat ako nung nakita ko pa si Aiden na may
dinadrawing sa board. Puso? Pagtingin ko… puso nga. As in yung heart… hindi lang yung symbol… yung mismong organ.

“Oi! Anong ginagawa mo?”


“**** ka!”

Sabay bura agad nung kung ano man yung pinagsususulat niya.

“Aba! Anong ginawa ko sayo at tinawag mo kong ganun?! Kanina ka pa ah!”


“Ginulat mo kasi ako!”
“Eh kasalanan ko ba kung hinaheart attack ka diyan?!”
“Sa susunod kasi, kumatok ka muna.”
“The same thing rin na mangyayare. Magugulat ka…”
“Pero di kita masasabihan ng ****”
“Ewan sayo.”

Nawalan ako ng mood para mag linis ng room kaya iyon… umuwi na ko. Pag dating ko sa kinalalagyan ko, nakita ko na flat
na yung gulong ng bike ko. Siguro may nang trip. Kaasar talaga!

Pumunta ako ng faculty para tanungin si Sir Jay kung may pang bomba siya or extra wheel (kasi parehas lang kami ng
bike) pero umalis na pala siya. So ayun, no choice ako pero maglakad…

Kinuha ko na yung back pack ko nung may narinig akong boses…

“Gusto mong sumakay?”


“Aaaaahhhhh!!!!!”

Ano ba yan… Si Aiden lang pala. Akala ko naman kung si… Si Aiden?! Anong ginagawa nanaman nito dito?! Parang multo
lang na sumipot…

“Wag ka nga manggugulat!”


“Eh di naman ako nanggugulat ah…”
“O, e anong ginagawa mo dito?”
“Kasi nakita kita… nakita ko na flat yung gulong ng bike mo, gusto mo sumakay?”
“Siguro ikaw nangtrip ano!”
“Hindi kaya! Ano, gusto mo, o ayaw mo?”

Siyempre, pinagisipan ko muna bago ako mag...

“Oo na…”

Sumakay na ko sa bike niya. Medyo naiilang ako kasi… D U H … lalake na hindi ko pa gaano kilala biglang mag feefeeling
close ako na sasakay sa bike niya. Isang beses ko pa nga lang siya nakakausap, then nagkunwari ako na hindi na siya
nageexist. Yun ay nung secretary kasi siya nung II–3 tapos pinapatawag siya ni Sir Willie. Nakatalikod pa nga siya nug
sinabi niyang…

“Ano nanamang kailangan nung bading na yun? Mangmomolestya nanaman?”

Ang yabang no? Parang ipagsusulat lang ng attendance. Sasabihin ko na sana yung dahilan nung nabadtrip ako. Hindi ko na
nga siya hinintay humarap. Now i know na talagang SUPER yabang niya.

Sumakay ako sa likod niya… Pero nung una, di pa ko humawak dun sa likod niya… urgh… hirap naman nito.

“Humawak ka kaya sa likod ko…”


“Ayoko nga!”
“Bahala ka… Malalaglag ka diyan.”

Pero unfortunately, nung biglang umandar yung bike, wala akong nagawa kundi ang humawak sa likod niya… hmmm… ang
broad ng likod niya, sarap yakapin…

“Hoi ano ba, andito ka na sa bahay niyo.”

Shecks! Nakakahiya… nakapikit pa naman ako nun nung nakita niya… kadiri! Mukha tuloy na nagnanasa ako sa kanya! Yak!
Nagtaka ako. Pano kaya niya nalaman bahay ko? Eh pagkakaalam ko... two subdivisions away pa ang bahay niya. Pano ko
nalaman? Eh mayor ba naman namin ang tatay niya eh.

“Pano mo nalaman na bahay ko to?!”


“Sikat ang bahay niyo dito. Kayo lang naman ang may pink na bubong dito eh. Hinanap ko na lang habang nagnanasa ka
diyan.”
“Aba! Ang yabang mo ah! Hindi nama—”
“Wag ka na magexplain. Caught in the act ka.”

Langya! Ang yabang nito!!! Kainis! Wala tuloy akong pambara…

“Fine!”

Tapos kumatok na ko sa gate namin…

“Wala man lang bang ‘Thank you’”


“Pasalamat ka at nagkataong sira bike ko. Favor, pauwi nalang ng bike ko sa inyo, paayos na rin.”
“Ano ba yun… Ok, at least nag pasalamat ka parin. Bye…”

Nakakatuwa naman, walang reklamo. Magpapaddle na siya nung nag behlat ako… akala ko yung “Bye” niya yung huli
niyang sasabihin… pero may sinabi siya na familiar sa kin… di ko na masyado naintindahan… pero eto yung eksaktong
narinig ko… (mejo malabo na yung hulian eh…)

“Chupchu-pen-enko”

Mejo malayo na siya nun nung narinig ko yung last words niya… Anyway, pasok na ko sa loob… In fairness, wala siyang
reaksyon dun sa sinabi kong pabor…

Pagkapasok na pagkapasok ko, nagring agad yung phone. Since lahat sila nasa taas, ako na yung sumagot.

“Hello good evening po, sino po sila?”


“Good evening din…”

Sa sagot na yon, alam ko na kung sino yun…

“Bakit Jake?”
“Ok ka lang ba diyan? Kararating mo lang ba?”
“Opo best pwet…”

Haha… kalimutan ko sabihin. Ang tawag namin sa isa’t isa ay ‘best pwet’ o di kaya ‘pwet pals’… cute noh?!

“Uh… may assignment ba?”


“Tigang ka ba?! First day pa lang kaya.”
“Siguro nga tigang na ko…” *laughs* “Nga pala, kain ka diyan ng mabuti at…”
“Siguraduhing uminom ng gatas para tumangkad, kuminis ang balat para maganda sa picture… Hay nako… mga linya mo.
Oo na alam ko na.”
“Galing naman…”
“Eto naman! Parang di na to nasanay na ako na yung dumudugtong sa mga linya mo mula pa non.”
“Para lagi kang maganda sa mga takes ko.”
“Para san ba yon?”
“Pag ako naging sikat na photographer, ipapadala ko agad mga litrato mo sa cosmopolitan o kaya F. H. M. para sumikat ang
best pwet ko.”
“Tumahimik ka nga! Babaan kita eh!”
“Joke lang. Ipapadala ko yung mga yun sa isang model company para may trabaho ka agad.”
“Sweet naman ng best pwet ko, inisipan pa ko ng trabaho pag laki!”
“Ganon talaga, basta ikaw…”
“Uh, Jake, sige na… pahinga ka na lang… para, magpahinga na rin ako.”
“Okay…”
“Bye… Mwah!”

After ng friendly kiss ko, binaba ko na yung phone. Ang sweet ng best pwet ko no? Nagbihis na ko after non tapos
nagtawag na ko para kumain. Peaceful naman ang first day ko sa school…

RRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!

Wah! Nakatulog ako agad… patay ako… di ako nakainom ng gatas… So ayun. Ligo- kain method of the morning ako. Mga
6:15 a.m. ako umaalis ng bahay. Nung nakita kong 6:11 na, pumunta na kong garahe… Oops, nakalimutan kong sira nga
pala yung bike ko…

Naglakad na lang ako. Sina Keisha at Koko 8 pa ang pasok. Swerte ng mga yun. Kaasar. So yun nga, naglakad na ko. May
nakasalubong akong kotse… kay na Jake yun…

“Sakay na bestee…”
So ayun, sumakay na ko… Pagdating naming dalawa sa school, walang tao… except sa guard. Kami pala unang lumapag
ngayon sa school. Nilagay na namin yung bag namin sa corridor. Tapos, nagtabi kami. Humiga ako sa balikat niya. Ganon
naman talaga ginagawa namin noon pa, kaya, patay malicia kami.

Natulog muna ako for 5 minutes ata yon tapos dumating na yung iba.

Nung klase, normal pa rin. Pagdating ng advisory class, nagbotohan ng officers. Ang president si Jake. Vice si Nica.
Secretary si Geanne. Treasurer si Migs. Ewan ko nga ba kung bakit parang ang lakas ng barkada ko. Hinakot ba naman ang
first four seats ng officers ngayong taon?! First time kong hindi maelect as vice president after ni Jake. Karaniwan kasi, sa
kahit anong club, ganon ang nangyayari.

Maya maya, nagtanong na si Ms. Lorna kung sino pwede sa muse.

“Madam! I nominate Kyleen Ylkivia Tuazon for muse! I close the nomination!”
“Second the motion!”

Grr! Etong si Migs at si Geanne! Andaya! Palibasa last year sila yung ginanyan namin ni Jake. Grr talaga! Sumangayon
naman ang lahat.

“O, para sa escort?”

Naku patay! Wala na silang pwedeng maitukso sa kin! President na si Jake eh…

“I nominate myself as escort.”

Tumahimik ang lahat… pati ako napatigil… sinong hinayupak ang nag nominate sa kanyang sarili bilang escort?!

“O, may gusto bang pumigil kay Aiden?”

Nagtaas ng kamay si Nica. Akala ko may inonominate siya…

“I close the nomination for escort.”


“I second the motion!”

Wah!!! Ano namang nasa isip ng mga toh at kami ang ginawang muse and escort.?!!! Pero DUH… wala rin naman akong
magagawa.

Nung break, nilapitan ko agad yung ungas… at siyempre, sinigawan ko siya… ANO PA NGA BA eh bang lakas ng trip niya sa
ken… pati ba naman sa pagiging escort ko!!!

“Ang kapal naman ng mukha nito! Bakit ka naman nag volunteer na maging escort?!”
“Eh ano naman. Mapalad ka nga escort mo ko eh. Prinsesa na kita…”
“Hindi noh!”
“Eh sige nga, maghanap ka ng may matinong itsura sa mga kaklase natin na handang maging escort…”
“Ang yabang mo ah… feeling mo naman ang gwapo gwapo mo!”
“Hindi lang talaga ako feeling, gwapo lang talaga ako.”
“Aba! Ang ka—”
“Kyleen! Halika na!”

Sigaw yun ni Jake… kaya ayun, pinalo ko na lang sa braso si Aiden…

Well, after, ganon parin yung pakikitungo sa kin nung ungas na yun. Kahit nga nung party ni Nica for her birthday, wala
siyang ginawa kundi batuhin ako ng cake.

Ah… hindi lang pala cake. Pati pala samu’t saring boy bawang.

Kulang na nga lang eh ibato niya sa kin yung buong cake. Aba! Lagyan ba naman ako ng cake kung saan saan?!!?

Nung birthday niya, naglagay DAW siya ng invitation sa locker ko. Pero, hindi naman talaga ako nagchecheck ng locker
kaya sorry na lang. Ayon, ang ending, ako lang ang wala dun sa party niya. Eh sabi nung mga kadamates ko, bonggahan
daw yun.

Never mind na lang… right? Hindi naman talaga ako ganung kaSOSYALite… oops. That must be spelled as SOCIAL. Pero
dahil ehem… alam niyo na… yun na lang. bagay din naman sa kanya yun.

Nako. Bwisit na unggoy.

Bakit kaya hindi na lang siya pagkalooban ng sarili niyang gubat? Wag na siya pumasok sa buhay ko… grr. Lagi na nga lang
niya ko iniirita eh. Mambabato ng chalk. Mangtitrip pa. minsan itatago yung notebook ko.

Lord!!! Maging mabait naman sana tong unggoy na to.

Minsan nga pinagnanasaan pa ko eh… (sorry for the term). Sinasabi niya sa harap ng klase na sarap ko daw yakap yakapin
etc. urgh. Oo nga, minsan bigla bigla na lang tatalon sa kin… (para talagang unggoy no?) tapos gugulugulohin yung buhok
ko and stuff. Sa mga ganong bagay… I love it when Jake will come tapos sasabihing…

“Ops. Alaga ko yan. La kang karapatang guluhin buhok niyan.”

Since then, pag nasesense ko ng guguluhin niya ko, guguluhin ko yung buhok ko saka sisigaw ng… “Jake o!!! Ginulo ni
Aiden buhok ko!!!”

And guess what, nung mga kalagitnaan ng July, naglagay ba naman ng “Napakaganda mo… ang ganda mo ipinta ng
nakahubad” sa table ko… sinampal ko siyempre. Bwisit… panira ng araw! Grr!! Anyway, nung hapon ding yon…

“Kyleen, hatid na kita.”


“O, Jake.”
“Ok lang ba?”
“Ok lang, pero di ba medyo malayo ang bahay niyo?”
“Magtatricycle na lang ako.”
“Mapanganib no… baka makidnap ka.”
“Asus. Eto naman. Hindi yan.”

Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa min, bigla na lang ako nakaramdam ng pagkailang. Hindi ko rin alam kung
bakit. Ang tahimik kasi ng paligid… tapos bigla niyang sinira yung silence… buti na lang nangusap na siya.

“Ano tingin mo kay Aiden?”


“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

Huminga siya ng malalim…

“May gusto ka ba kay Aiden?”


“HA??!!! DUH!!!! Obvious naman na wala eh. Siya ang pinaka huling tao na gusto ko makasama sa mundong to.”
“Sigurado ka?”
“Oo.”
“Sinong una?”
“Pamilya ko.”
“Bukod sa pamilya mo… sino?”
“Sandale, bakit mo tinatanong?”
“Ala naman… sige wag mo na sagutin… hanggang dito na lang ako ah… bye…”

Tapos bigla siyang tumakbo. Ano kaya nangyayare don?!

Weird.

Chapter 3

Ayon. Magtatapos na ang July. Halos August na. Sure akong sobrang busy nanaman nun dahil malapit na magintrams. Eh
pati nga ngayon… may nagpapractice na ng cheering. Pero… ASA naman ang mga lower levels diba? Third year at fourth
year lang naman talaga ang naglalaban. Pero, in fairness, last year, second place kami sa basketball at volleyball boys.
Tapos nadisqualify kami sa cheering dahil hindi kami sumunod sa rules na walang pyramid. Asar nga eh. Ako pa naman
yung cheer maker. (note: cheer maker at hindi cheer leader.)

Nagusap na kami ni Ruby at Aries tungkol sa cheering. Bale as always naman. Dancers will be dancers. Sasayaw parin ako
kahit cheer maker lang ako. Aba! Kung wala ako, wala din silang icheecheer. Diba? It’s true. Ahaha.

“Ano iniisip mo diyan?”


“Ano ba Aiden! Wag ka ngang biglang susulpot!”
“Yihee. Gawa ka na ba ng cheer? Gusto yung katulad last year. Yung parang Shola-Ola-Para-Hala-Oiiiiii… Ikaw din ba
gumawa non?”

Uhm… pasingit lang ha? actually, makakabuo yan ng SOPHOMORES. Eh yun nga. Mejo cute nga pero disqualified naman
kami. So anyway… back to the story.

“Tumahimik ka nga. Kung manggugulo ka, dun ka sa kabila. Wag ka dito!”


“Eh! Naman to…”
“Aids, busy ako.”
“Wow! May bago akong pangalan!!!”

tapos nagsisisigaw… nako. Navavibes ng mga antenna ko ang nalalapit na pangaasar nitong unggoy na to.

“Aids!!! Ang chut naman!!! Tinawag akong aids ng prinsesa ko!!!”

‘chut’=‘cute’
“Nako. Tigil tigilan mo nga ko. Shoo!”
“Opo mahal kong prinsesa. Pakiss nga!”

Sabay sampal sa kanya. Pasensya na kung medyo amazona ako. Sa kanya lang naman actually. Nasanay na rin ako.
Normal na lang sa min to.

“Tumigil ka. Jake oh!”


“Oo… eto na nga eh… aalis na po.”

So yun umalis na siya… LORD!!! Lord naman… what have I done to deserve this!!! Pero sige na nga… lahat naman ay
blessing…

Si Aiden?! Blessing?! Next topic.

So anyway, TLE namin. Para sa mga di alam, technology and livelihood education, (sa iba HELE), nagkaroon ng groupings.
Pinagroup kami ni Mrs. Ramsy sa tatlo. Fortunately, hindi ko kagroup si Aiden. Hell no.

So yun. Bukas group one. Ako naman ay group two. Eh di yun. Eh nagkaroon ng activity. Gagawa kasi each group ng
activity. Ang plano ng group namin, relay na lang. Mga tipong ganun? Alam niyo naman ang groupings echos sa school
diba?

Whoah. Well anyway… kapag kasi yung group niyo yung pinakamataas, may libreng quiz kayo. Eh sadista pa naman si Mrs.
Ramsy pag dating sa quizzes. Quiz pa ba ang over 30?! Hiosme! Unit test na nga namin yun sa ibang subject… siya, quiz
lang! Eh ako pa naman yung studies first motto na person… (kasi alam niyo yun… may goal ako maging honor). Hehe… oo
di ako matalino nung elementary… pero nung nagtransfer ako dito na medyo sadista ang rules… (kailangan not lower than
85 ang grade mo tapos zero based pa), nagsipag ako mag-aral. And I learned, matalino talaga ako… sometimes mas
natatalinuhan ko pa si Jake eh. Hehe…

So well, eh di yun, group 1 na nga. Medyo boring activity nila eh. Drill board. Tapos group 2, na grupo ko eh relay nga…

So yun, group three na. Dito na magkakaalaman kung sino ang magkakamit ng free quiz! Yehey!!! Bale ang score eh… 98 –
97 – 190…

Aww. Kami pinakamababa. Kung tutuusin, 2 activities na ang natapos ng group three so 190 na talaga yung score nila. 96
kasi sila dun sa unang activity tapos 94 sila sa activity namin. Hindi kasi kami yung naggragrade… si Mrs. Ramsy parin.
Hmm… kung saka sakali, kaya parin namin makakuha ng mataas taas na grade… diba? Group one na lang pala talaga
kalaban namin. In real life, kalaban namin sina Aiden.

Kagrupo ng ungas na yun si Geanne at Jake. Group 3 naman sina Migs. Kagroup ko naman si Nica. Woah! Nako naman… So
anyway…

THE MOMENT OF TRUTH.

Siguro nagtataka na ang tao kung bat desperate akong makuha yung free quiz…

Kasi po… hmm… sabihin na nating grade conscious ako. Moreover, naka 19 over 30 ako sa first quiz ko. Nakakainis nga eh.
May sakit kasi ako nun. Nagabsent ako, tapos the next day may surprise quiz eh wala akong alam sa una niyang diniscuss.
Hindi ko na tinanong kung pwede ba ko hindi magtake ng quiz kasi sasabihin niya…

dapat nagtanong ka sa mga classmates mo kung anong nilesson namin kahapon.

Parang ewan no? buti nga naka 19 ako eh… second to the lowest… at least hindi lowest!

So yun na nga. Naggather kami sa may covered court. Buti nga naka P.E. uniform kami kasi medyo war freak yung ideas ni
Migs… baka mamaya eh ipagulong kami sa buong quadrangle na may bubog…

Tanda ko pa nga last year nung naassign sa Migs sa activities ng Christmas party… Aba!!! Meron ba naming hanapin ang
nawawalang karayom sa may classroom? Isn’t that stupid?! Pero wag ka… talagang yun yung game… kailangan mahanap
yun within thirty mintures or else ang parusa eh kakain kami nung special recipe niya… noodle con yelo na may gulaman,
toyo, ketchup at suka. Di ko kakayanin yun no! Hindi niya pinaghanap si Geanne, assistant daw kasi… daya no?

Isa pa yung piso challenge. Guess what! Nakabalot sa uod. (diba ang usual gawgaw?) Kaso iba talaga si Migs. Grabe!
Palibhasa research niya eh tungkol sa uod kaya madami. Dahil natalo grupo namin, pinainom kami ni Migs ng itlog. Eek!
One week namin siyang hindi pinansin. Kahit ba sabihin pa ni Geanne. Nakakatawa nga kasi parang bata si Migs na iiyak na.
Kaya yon, binati nanamin.

So now, I wonder kung anong kalokohan este activity nanaman ang inisip ni Migs. Tumingin ako sa paligid kung may
aquarium ba ng uod o kung ano. Pero, la naman…

“Okay…”

nagsalita na si migs na may hawak na isang cube… kinakabihan na ko!

“simple lang naman yung hinanda kong activity.


GOOSEBUMPS. Naalala ko… sinabi din niya yung salitang ‘simple’ nun kaya nga ako sumali… wah! Nakakaloka…
kinakabahan tuloy ako.

“Mas simple to kay sa maghanap ng piso sa uod. Kita niyo ba tong cube na to?”
“O, anong meron jan?”
“Merong 500 cubes na nakakalat sa campus. Pero, sa mga tagong lugar lang to. Bahala na kayong dumiskarte. 40 minutes
lang to.”

One hour yung klase namin… bat 40 minutes lang?

“10 minutes explanation at ngayon yun… 10 minutes counting din.”


“kailan kami pwedeng magumpisa?”
“Pag natapos na akong magsalita.”

OOPS. Go signal na ba yun? Yun na ata yun.

So nagtakbuhan na kami. Wala ng plano plano kung saan kami naassign. Paano ba naman kasi, naunang tumakbo yung
leader namin. Well anyway, ayun… the search goes on. Para ngang survivor eh. Nakakatuwa. Una akong naghanap sa
banyo namin. At yun! Nakakakita ako ng isa. Bigla kong naisip… kinilabutan ako…

Pag natapos na akong magsalita…

Eh pano kung hindi pa pala siya tapos? Uh-oh. Delikado ata to. Ni hindi nga niya inexplain kung anong parusa. Ang sinabi
lang niya… 500 cubes… so what’s with that? Sinabi lang niya kung saan namin makikita, kung bahala kami sa diskarteng
maghanap by group o individual at kung ilang oras ang game.

Oh yes… this is a game.

Oh no! this is Migs’ game!

Waaaaaaaaaaaaaaah!!! Kilala ko si Migs. Oo… yun lang ang sinabi niya… hindi pa niya sinasabi yung totoong mechanics. Eh
paano kung pakuntian lang talaga to ng bilangan? Paano kung may clue clue etcetera sa mga cubes na yun at ang totoong
hahanapin namin ay isang malaking cube?! Ni hindi nga niya sinabi kung anong totoong itsura ng mga cubes na yun eh!
Paano kung may color coding tapos minus points sa mga cubes na nakuha naming hindi namin kulay?! Etcetera etcetera….
You know what I mean.

Yes… biktima ako niyan. Nung sinabi niyang concerned sa itlog ang game, sumali agad ako. Akala ko eh batuhan lang… yun
pala upuan ng itlog… no quitting that time… kundi tatawagin kang KJ king or queen. Yun pa naman ang pinakamasagwang
pangasar sa buong school. Yeh right. Mas gugustuhin pa naming tawagin na jologs at dugyot… wag lang kill joy. I don’t
know what’s the matter with this school. Haha! Para ngang mawawalan ka na ng dignidad pag tinawag ka ng KJ.

So anyway, ayoko naman matawag na KJ diba? At higit sa lahat… ayokong hindi makuha yung quiz!!! At ayokong patalo ulit
kay Migs no!

So yun… bumalik ako kay Migs…

Takbo…
Takbo…
Takbo…
Boogsh!

Eh?! Ano nanaman ba!? Ang sakit nun ah! Sino bang hinayupak ang bumangga sa kin?!

…Speaking of hinayupak.

“Aiden! Ano ba! Tumingin tingin ka sa daraanan mo!”


“aba! Ikaw din! Ikaw na nga diyang bumangga sa kin eh!”
“FYI!!! Agh!!!”

sabay kamot sa ulo… kaasar eh.

“diyan ka na nga! Wala akong panahon sayo!”


“Ako din!”

Tapos tumakbo na ako.

Takbo…
Takbo…
Takbo…

Damn. Something’s wrong…

Bat ako sinusundan ng gunggong na ito?!?!?!


“hoy! Bakit mo ko sinusundan!?”
“sino bang nagsabi na sinusundan kita?!”
“wala. Pero kasunod kita.”

Doon ko lang narealize na mukhang narealize na rin niya na hindi yun yung last words ni Migs. At…

Papunta din siya kay Migs.

So yun, nakita namin yung grupo ni Migs na pinipicturan yung mga kaklase ko na nagaagawan sa cubes at naghahanap ng
cubes. Nakita ko si Migs, Mrs. Ramsy at Geanne sa covered court…

GEANNE?!?!??!

“hoy ikaw San Miguel, bat anjan si Geanne?!”


“Pasensya ka na Kyleen. Ayaw kasi ni Migs na sumali ako sa game eh. Pinilit ko siya pero ayaw talaga niya.”
“Yan ang nagagawa ng pag-ibig. Mag spoil.”
“may asthma si Geanne kaya hindi ko na siya pinaglaro. Pero hindi na siya maeexempt sa quiz.”

Nag lipsing ako ng ‘asthma pala’ with the nasty smile and my right eyebrow up. Natawa naman si Geanne.

“hoy. Migs.”

Tumingin si Migs na parang alam na kung anong itatanong ko.

“bakit Kai?”
“tapos na ba yung sinasabi mo kanina?”

Nagulat si Aiden.

“Asteeg nga naman. Andito ka rin pala dahil don. sabi na nga ba eh. Nagtaka na ko nung may 2 kulay ng cubes. Aba malay
ko kung may color coding pala.”

Sa sandaling yun?! Naka dalawa na agad siya?

“galing niyo namang dalawa.”


“sabi na nga ba!”

nagdabog ako. Buti na lang pala hindi ako masyadong naghirap!

“nako! Buti na lang at natuto na ko!”


“naks. O sige. Sasabihin ko na talaga. Hindi talaga cubes ang hahanapin niyo. Marbles.”
“At?”

tinaasan ko siya ng kilay.

“Anong kulay?”
“Wala… kahit anong kulay. 3 lang yun na nakakalat sa school.”
“nasisiraan ka na ba talaga Migs?! Sa buong school?! aba! Ilang square meters naman tong school na to para hanapin
namin ang 3 marble na tig one square centimeter lang?!”
“Oh… wag ka namang magalit Aiden. Alam na kasi ng grupo namin na hindi namin makukuha yung free quiz na yun. Pero…
nagbabakasakali lang kami na kung saka sakaling hirapan namin ang game, eh makuha parin namin.”
“nako Migs! Kung di lang talaga kita kaibigan…”
“dalian niyo. 25 minutes na lang ang natitira.”

25 minutes na lang?! saan na napunta ang 15 minuto?!

“Migs, hindi pa pwedeng palugit?!”


“Sorry Kai… di talaga pwede.”

Sabay tap sa shoulder ko…

Nako naman… mukha tuloy hindi ko na makukuha yung free quiz na yun… Nooooooo!!!

“Wait.”
“Ano yun?”
“ano namang parusa neto?”
“Kai naman. Pati ba naman parusa tinatanong mo pa?”
“tumahimik ka nga Aids. Hindi mo kilala si Migs. Tuso yan. Kaya nga kaibigan ko eh.”

Tumingin ulit ako kay Migs.

“O, so? Ano na?”


“Magquiquiz. Yun lang naman.”
“Promise?”
“Promise Kyleen.”
“sa harap ni Geanne?”

Tapos napangiti siya.

“Alam mo talaga kahinaan ko no?”


“Hai nako. Dalian mo na at nauubos na ang minuto namin.”
“opo. Pinapangako ko yan sa harap ni Geanne.”

Sabay ngiti. Nako, yan talagang si Migs. Kung hindi mangangako kay Geanne eh hindi niya tutuparin pangako niya.

Aalis na sana kami ni Aiden nung biglang tinigil kami ni Mrs. Ramsy… aba! Ano naman kayang problema nitong bruhang to?!
Siya na nga ang dahilan kung bakit ko sineseryoso tong activity ni Migs.

Tinawag kami sa mga apelyido namin.

Tumingin kami ni Aiden. Bigla ngang binulong niya sa kin,

“Alin ka dun, yung Smith, o yung Tuazon?”


“Tumahimik ka nga.”

Tapos umepal si Migs.

“Ganito. Sabi ni Madam, dahil kayo lang ang bumalik dito, may extra akong bonus.”

Hmm… extra na nga, bonus pa… sobra sobra na ata yun.

“Kung sino daw ang makakakuha ng pinakamaraming marbles sa inyo, bibigyan pa daw kayo ng isa pang free quiz. Ibig
sabihin, kung ang grupo niyo ang pinaka mataas at kayo pa ang makakakita ng mas Maraming marbles, dalawa ang libreng
quiz niyo. Pero pag hindi naman mataas ang group niyo pero nakakuha kayo ng mas maraming marbles, at least, may libre
kayong quiz.”
“Wow! Eh?!”

nagulat si Aiden. Pati ako. Almost tie ang group ko at group niya. Kung mananalo sina Migs, dapat makakita ako ng at least
2 marbles or kahit 1 tapos si Aiden wala… or better pag nakuha ko yung tatlo!

Ay hindi! Pag nakuha ko pala yung marbles… kami ang pinakamataas na grupo… at may isa pa kong libre quiz!!! So dapat
makuha ko talaga yun! 2 free quizzes… or nothing!

“At isa pa,”


“Ano po?”
“Kayong dalawa lang ang maghahanap sa marbles na yon. Bawal magpatulong sa kagrupo.”

Tumingin ako sa score board…

Kung makukuha ko yung marbles, pusibleng makakuha kami ng 97 plus. Matataasan parin namin ang group one at three.
Pag nakuha naman ni Aiden, sila ang makakakuha ng 97 plus… kung 94 naman kami, nako… talo parin. Pero pag hindi ko
nakuha o wala kaming makuha ni Aiden, group three ang mananalo kasi automatic 0 na yun. Nako!!! Naloloka na ko aba!!!

Challenge to. Meaning… In real life… And will always be…

Si Aiden pala ang kalaban ko dito…

Tumakbo na kami para hanapin yung marbles. OMG! Where in this school ko makikita yung marbles?!?!??!
Hindi naman nila pwede itago yun sa loob ng mga classrooms at labs diba? Bale CR lang at ditto sa quadra.

Yes! Tama! No need to worry Kyleen, maliit lang naman yun! IHindi naman ganun kawild si Migs. Well, wild nga siya, pero
may respeto naman para sa mga lugar na sagrado at may ginagawa.

Yey! Nagumpisa ako sa garden, tapos sa canteen, tapos sa scouts corner at quadrangle.

Nakita ko si Aiden na may hawak na siyang marble. Aba, san naman galing yan! Andaya!

“Hoi! San galing yan? Napulot mo yan sa kung saan no?”


“Hindi ah. Maangas nga ako, pero di ako mandadaya.”
“San mo nakuha yan?”
“sa covered court. Kung saan nakatayo si Migs.”
“Eh?!?!?!?!??!?!?!?!?”
“Mm, hindi naman. Nakatago din to. Sa may bakal bakal, nakita ko na sinasandalan ni Migs.”

Bwisit. Pag wala akong makita kahit isa lang, matatalo ako. No! Not with Aiden!

Tumakbo ako. Hoping na may makita ako sa stage pero wala talaga. Halos 8 minutes na lang ang natitira para sa akin.
Isip isip isip isip… Mag isip ka Kyleen…

Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Migs. Geanne…

Tama! Na kay Geanne ang isa! Tumakbo ulit ako papunta sa covered court. Nakita ko si Geanne na nakaupo tapos nakangiti
sa kin.

“Asan?”
“Galing mo talaga Kai!”
“Nako! Wala akong inisip kundi yung pangalan ni Migs. Buti, biglang sumipot yung pangalan mo.”

Kinuha ni Geanne yung isa sa bulsa niya. Nagthank you ako tapos tumakbo na ko. Nasa mga halahalaman lang yun. Maya
maya, nakita ko din si Aiden na naghahanap sa may side ko.

“Oi! Dun ka nga sa kabila!”


“Nahanap ko na don. Dito na lang ang di ko nahahanap.”
“Weh?”

Tsk tsk. Agh! Ang bilis naman niya maghanap… so, I must do my best!

Oops. Ano yon?

Yay! Yung marble!

Nagkatinginan kami ni Aiden. Nako, ang mga tingin na yun… kukuhanin din niya! No! Hindi Kyleen… be positive! Inhale,
exhale… ayan na… go go go!!!

FIGHT FOR YOUR GRADE… YAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!

Nagsslow motion ang paligid habang binubuwis namin ang aming mga buhay para kunin yung marble… Pero…

Nauna siya.

Huminga ako ng malalim. Nakita ko yung dalawang marble na hawak na niya ngayon. Hay… napabuntong hininga na lang
ako. Tumalikod na lang ako.

“Di mo ba aagawin?”
“Ayoko na. Pagod na ko. Mag aaral na lang ako para sa mga quiz na yon.”

Narinig na namin yung bell kaya bumalik na kaming lahat sa covered court. Nagcompare na ng mga nakuhang cubes. Tapos
naginterrupt si Migs.

“Nako guys. Hindi niyo kasi ako pinatapos. Di ba sabi ko magsisimula ang game pagtapos kong magsalita?”

Natural, nagsungit yung iba kong kaklase. Pero pinatahimik sila ni Mrs. Ramsy.

“Wag kayong magalala, may dalawang matalino na bumalik dito. Si Aiden at Kyleen.”

So parang sort of representative for each group ang nangyari. Nag step forward na kami ni Aiden. Nalungkot ako natural.
Alam ko kung ano na kinalabasan.

“Ilan nakuha mo Aiden?”


“isa.”

I—isa? Eh?! Tama ba ang narinig ko?! ISA?!?! Hunghang ba siya?!

“Si Kyleen ang nakakuha nung dalawa.”


“hoi! Sinu—“
“Tingnan mo bulsa mo.”

Binulong niya sa kin.

Pag tingin ko, andun yung isa pang marble. Hindi ko alam kung pano napunta dun pero, yun na nga… grupo ko ang
biniyayaan ng free quiz at ako ang nakakuha ng double free quiz.

Nung pauwi, nagkaroon ako ng pagkakataon para kausapin yung ungas na yun.

“Ui.”
“Huh?”
“Paano mo nailagay yun sa bulsa ko?”
“Nung di ka tumitingin, nilagay ko sa bulsa mo.”
“Eh… bakit?”
“Mmm… malay ko.”
Tapos napangiti siya.

“Ah, alam ko na…”


“Bakit?”
“Kasi, prinsesa kita.”

Ngumiti si Aiden. Dun ko nakita na ang cute ng ngiti niya. May hidden dimples.

“May maghahatid ba sayo pauwi?”


“Wala naman. Sarili ko.”
“Sabayan na kita sa bike mo.”

Napangiti ako…

“Sure.”

After niya kong hinatid sa bahay, I felt safe. Nakakatuwa. Kahit maangas, makulit at mayabang, kahit papaano, mabait
siya… At kahit papaano… aaminin ko na…

Cute nga siya…

Chapter 4

Hai. Di ko parin lubos maisip na ibibigay niya yung marble na yun. Meron tuloy akong dalawang free quiz. Habang
nagquiquiz sila, iniisip ko kung anong pwedeng ibigay ko sa kanya bilang ‘thank you’.

Hindi naman kasi ako ganon kasama no. Oo nakakaasar siya at super maangas, pero di ko alam kung bakit niya binigay
yung marble na yun… di ba second to the lowest ako dun sa isang quiz? Pero lalo akong nakonsensya nung sinabi ni Jake na
siya pala yung lowest dun…

Ay! Ang tanga tanga mo Kyleen! Baka ikaw pa ang maging dahilan kaya malilipat siya sa last section. Tsk tsk tsk.

Nagring na yung bell… tapus na ang TLE.

“Jake!”
“O?”

nagaayos na ng gamit si Jake kasi tapos na yung quiz. Mukha ngang chicken lang sa kanya eh.

“Bakit?”
“Musta ang quiz? Ayos lang ba?”
“Uh, oo. Madali lang naman eh.”
“Nako naman. Bakit ba ikaw ang tinatanong ko? Eh genius ka nga pala.”
“Hay nako Kyleen talaga. Lika, libre kitang break.”

Ngumiti na lang ako. Usual na kasi sa akin ang pag libre niya ng break. Binili niya ko ng mr. chips at ng juice.

Habang kumakain kami sa canteen, nakita ko si Aiden kasama ni John at ni Karl. Si John at Karl yung mga kaibigan niya sa
nakaraan niyang section at kabanda naman nina Jake at Migs. Nakita ko na medyo malungkot siya. Dismayado siguro sa
quiz.

Bumalik ako sa upuan ko kasi magsstart na yung next subject. Twenty minutes lang naman kasi ang break. Mejo
nakokonsensya parin ako.

“Oi Aiden.”

Ngumiti siya at napuno ng liwanag yung mga mata niya. Hahaha! Ewan ko ba kung bakit ganon yung nakita ko. Unggoy na
kumikislap ang mga mata.

“May problema po ba prinsesa ko?”


“Hay nako. Tumahimik ka nga kakatawag ng prinsesa sa kin.”

Umupo ako sa desk niya. Haha. Minor offense. Pero okay lang, hindi naman talaga binibilang yun.

“Uh, salamat ulit.”


“Hindi ka parin ba nakakaget over dun sa marble? Asus.”

Tapos pinalo niya ko ng dalawang beses sa cheeks, pero mahina lang… parang tap ba?
“okay lang yun. Ikaw kasi, grade conscious ka.”
“Eh… ngayon ko lang nalaman na mas kailangan mo yun. Di mo naman kasi sinabi na ikaw pala yung lowest.”
“Okay lang yun. Nag aral ako ng mabuti para sa quiz kanina. hindi ko yata kayang mawalay sayo at malipat sa ibang
section.”

Ngumiti ulit siya. Di ko alam kung bakit kaya parin niyang ngumiti ng ganoong kagandang ngiti. Eh kung ako sa kanya,
malulugmok na ko.

“Ang labo mo. May kapalit ba yun?”


“Ang alin?”
“Yung marble?”

Tapos nag isip siya at nag exhale.

“oo meron.”
“Meron ba talaga o kakaisip mo lang?”
“Kakaisip ko lang. Binigyan mo ko ng idea eh.”
“Sana pala hindi ko sinabi.”

Pero actually, willing naman ako at di ko pinagsisisihan na tinanong ko kung may kapalit. Siguro kasi naawa ako kay Aiden.
Nako! Kung hindi lang talaga ako mabait.

“Ikaw ang coach ko sa basketball.”


“Ha?! anong coach?”
“Uh… sabihin na nating personal coach. Diba malapit na intrams? Eh tinatamad akong magpractice.”
“Ano ka ba! Kailangan mo mag attend ng mga practice sa hapon! Para sa team kaya yun!”
“Eh tinatamad nga ako. Siguro naman hindi ako tatamarin pag sinabi mong papayag kang magiging coach ko.”
“Ano ka ba! Di kaya ako magaling mag basketball!”
“Sinabi ni Jake na kasama ka sa basketball team nung elementary pa lang kayo. Pero pinatigil ka kasi nalamang may hika
ka pala.”
“Halos dalawang taon na ko hindi nagbabasketball eh.”
“Hindi ah. Sabi ni Jake nung nagkaroon daw kayo ng game sa MAPEH nung first year, ikaw ang coach at ikaw ang may
gawa lahat nung puntos ng grupo niyo.”

Nako! Puro sabi ni Jake sabi ni Jake. Patay sa kin si Jake mamaya. Wait… ibig ba sabihin tinanong na niya si Jake about my
basketball history?!

“Sabi na nga ba inalam mo na kung anong pwedeng kapalit.”


“Actually,”

tinanggal niya yung isang butones sa polo niya.

“napagusapan lang namin. Yung first and last na inattendan kong basketball practice, napagkwentuhan ka lang namin.”

HOT. Ang hot niya nung tinaggal niya yung isang butones niya... HOY! SLAP! GISING KYLEEN! Nakakadiri yang
pinagsasasabi mo ah! Tumingin ka nga kay Aiden at wag diyan sa polo niya!

“Ah…”

lumunok ako ng laway bago magsalita.

“Sige. Pagiisipan ko muna.”


“Wala ka namang choice diba?”
“Huh? Anong walang choice?”
“Wala kang choice kasi eto yung sinasabi kong kapalit.”

Tapos “binaril” niya ko.

“Sige na nga.”

Umupo siya na parang unggoy sa upuan niya.

“Kelan po practice natin coach?”


“Mamaya. Sa covered court na lang malapit sa bahay.”
“Bakit dun pa? Ayaw mo sa gym?”
“Ayoko. Magkaroon pa ng issue. Dun na lang sa konti lang ang makakakita.”
“kahit naman isa lang ang makakita sa tin dun, kakalat yun na parang apoy. Ayaw mo pa kasing aminin na may gusto ka
rin sakin.”

What’s with the word ‘rin’?

“eh di inamin mo ng may gusto ka sa kin?”


“Matagal ko na ngang inaamin sayo. Eh di sana kung aminin mo na, eh di liligawan kita.”
“Tumahimik ka nga Aiden. Bulaan ka talaga.”
Nagbato ako ng chalk sa kanya. Naguumpisa nanamang mangasar eh.

“Mamayang dismissal, magkita na lang tayo sa may gate.”

Tumalikod na ko. Wayhk! Pinalo ko yung noo ko. Ano ba naman kasi tong pinasok ko!? Now what?! Coach ako ng isang
unggoy. Ako’y isang coach ng isa sa pinaka maangas na magbasketball dito. As if naman na may matututunan siya sa akin!
Eh basics lang ang alam ko…

Kung makita lang ng lahat ng nilalang kung paano akong magshoot…

Medyo maliit lang kasi ako. Kaya ang ginagawa ko, tinataas ko yung parehong paa ko tapos tinitiklop ko yung tuhod ko para
malakas yung force. Yung cheerleading na jump? Ganon ako tumalon pag magshooshoot ako. Kaya nga ako tinawag na
tumatalong Leonora nung first year. Ako kasi si Leonora sa play namin ng Ibong Adarna. Tapos nagkataon na may game sa
MAPEH ng basketball… nakita nila kung pano ako magshoot…

Mula noon, hindi na ko nagbasketball sa harap ng maraming tao. Kahit sa harap ni Jake o sa harap ng family ko. Mm… pero
aaminin ko… my favorite sport is basketball… yun nga lang, konti lang ang may alam nun.

So anyway…

Dismissal na. Lumayas na ako agad sa room. Hindi ko na siya hinintay. Ang usapan naman namin ay sa gate eh. Nagbabay
na ko sa mga kabarkada ko bago ako umalis.

So yun, nagtago ako sa front gate ng school. Siyempre, nakita ko yung mga service ng mga kaklase ko etcetera. Kaya nga
dun ako mismo sa gate eh, para walang makakita na hinihintay ko yung unggoy. Baka isiping magdadate kami. Never in my
life na gugustuhin kong matukso sa kahit sinong lalaki.

“Hoy!”
“Yay!”

nagulat ako na umabot sa tumaas yung balikat ko.

“Ano ka ba Aiden! Wag ka ngang manggugulat! Kanina ka pa ba diyan?”


“Sinundan kita ng patago.”
“may nakakita ba sayo?”
“Tamo. Hindi mo nga tinanong kung bakit. Bakit ba ayaw mong may makakita na magkasama tayo? Ibig sabihin, guilty ka!”
“Alam mo, hindi ko nga alam kung bakit nagkakandarapa sayo lahat ng babae sa school na to eh. Buti at hindi ako
nakifederasyon kasi hindi nila alam kung gano ka kaangas at kayabang.”
“Sa mga babae ng henersyon ngayon, mas type nila ang gwapo.”
“Not mentioning na mayaman ka at cute ka magsmile—”
“Eh?! Cute ako magsmile?! Ulitin mo nga yung sinabi mo…”
“Wala akong sinasabing ganun ah!”
“kakasabi mo lang eh! Narinig ng dawalang tenga ko!”
“Narinig mo naman pala, eh bat mo pa pinapaulit?!”
“Kasi masarap pakinggan.”

Tapos ngumiti nanaman siya ng sobrang laking ngiti.

“Ibig nga sabihin, sinabi mo nga!”


“Hindi nga eh!”
“Eh ano yung ‘narinig mo naman pala’?”
“Wala lang yun.”
“Yikee!”

Tapos ninudge niya ko.

“sabi na nga ba may gusto ka sa kin eh. Wooh! Aminin mo na.”


“Ano? Magpapractice ba tayo o hindi?”
“Magpapractice po.”
“O siya tara na.”
“Opo mahal kong prinsesa.”

Hindi ko na sinabi yung phrase na, ‘tigil tigilan mo nga yang kakaprinsesa mo’ dahil hindi na matatapos yung kakasalita at
kakapangasar niya. Buti nang tumahimik. Well, I can use naman my coaching skills di ba?

Ah… alam ko na… hihihi… evil laugh.

Anyway. Nung nakapunta na kami sa covered court sa subdivision namin, natuwa ako kasi walang tao… kaya kong gawin
kung anong gusto ko gawin…

Ops!!! Walang maduming isip!

Paparusahan ko lang to sa kahit anong paraan na gusto ko….


“So ano uumpisahan na ba nat—”

Oops… ano to…

Naghuhubad siya ng damit!

AAAAAAHHH!!! Nakakaloka… Oo, nakita ko na si Kuya Ken at Koko na maghubad, pati si Jake… napunasan ko na nga likod
niya eh. Pero… ewan. Parang feeling ko ngayon lang ako nakakita ng lalaki naghuhubad ng damit sa harap ko! Uh… FYI,
hindi naman lahat ng damit… yung polo lang niya…

Kyleen! Magsalita ka! Go! Speak up! Para kang nauutal diyan ah… SLAP! Wag mo nga titigan yang dibdib niya! Nakakadiri
ka!!!

“Coach?!”
“Ah… eh… bakit?!”
“May sakit ka ba Kai?”
“Ako?!”

tapos tumawa ako pero halatang fake.

“magkakasakit!? No way! Teka, bat mo nasabi?”


“Namumula ka. Gusto mo magmeryenda muna?”
“Hindi okay lang. ano ka ba, six na o. kailangan matapos natin to before seven.”
“Hanggang seven lang? Nagpaalam na ko kay mama na nine ako makakauwi.”
“Nine!?!?! Hanggang nine tayo magpapractice?!”
“Oo naman.”

Tapos may kinuha siya sa bag niya. Gatorade. Uminom siya tapos inoffer niya sa kin.

“Gusto mo?”
“Sure.”

Sabay ngiti. Gatorade kasi yung peborit kong inumin pag may gagawin akong mejo haggard.

Kinuha ko yung Gatorade niya. Nung iinom na ko, tiningnan ko yung mouth piece (yuh right… if mouth piece nga tawag
dun). Naisip ko na… ininuman na to ni Aiden… pag uminom ako dito… ibig sabihin…

Parang nahalikan ko na siya… pero wala lang contact… nako… pano ba to?!

Tumalikod ako saka pinunasan. Tapos uminom ako ng konti.

“o, salamat.”

Nung tinanggap niya, bigla siyang uminom na hindi man lang pinunasan yung mouth piece. Di ko na pinansin kasi baka
talagang hindi siya maarte at hindi niya iniisip yung mga iniisip ko.

Yuk. Ikaw kasi Kyleen.

Nag ‘ah’ siya.

“Ayan! Nahalikan ko na ang prinsesa ko!”

Yay! Natapilok ako. So ganun din pala ang iniisip niya. Yun nga lang, imbis na maiwasan ang non-contact kiss eh ginawa pa
niya! Loko loko talaga to.

“kaya pala pinainom mo ko. Hambog ka talaga!”


“Sari sariling diskarte lang yan no.”

tapos tumawa siya.

“Kasalanan mo yan. Hindi mo pinunasan matapos kang uminom. Pinunasan mo lang bago ka uminom.”
“Hay! Bahala ka na nga!”
“Ano na po gagawin natin?”

nageexercise siya nung tinanong niya… nagsstretching.

“Shooting na ba tayo?”
“Natural hindi pa. Warm-up muna.”
“Anong klaseng warm-up? Kiss o hug? O kiss sabay hug?”
“hindi.”

Inirapan ko siya. Lakas ng loob sabihin yun sa kin eh.


“suntukan.”

Binato ko na yung bola sa kanya.

“push up! 50 counts! Dali!”

Tapos nag push up na siya. After niyang mag push up, pinagcurl ups ko naman ng 50 din. Tapos bending at jumping jacks
na tig 50 din.

“Coach princess naman eh! di naman ako andito para magpalaki ng abs dahil malaki na ang abs ko.”
“anong abs?! baka tabs! Taba yan hindi abs! at saka, hindi princess ang pangalan ko… Kyleen! Wag mo nga kong tawaging
ganon. Nakakairita. O sha na. Tayo na. magshooting na tayo.”

Tapos yun. Nagshooting na. Dahil iisa lang naman ang dala naming bola, ako yung taga abot ng bola. Mukha ngang mas
napapagod ako kesa sa kanya.

Pumunta kami sa bahay ko tapos nagdinner. Wala sina mama at papa. Naggrocery kaya kay Koko, Keisha at Ate Karylle ko
lang siya napakilala. Ang hirap ngang idefend na hindi ko siya boyfriend kasi kinukulit ako ng ate ko.

After dinner, pumunta ulit kami sa covered court. Nagpahinga kami ng konti tapos nagshooting ulit kami. 7:30 palang nun.
Ano na kayang gagawin namin?

“Coach,”

tumingin siya sa kin… ano nanaman ba? Aasarin niya ko o ipagpupulot ng bola?!

“One on one tayo.”

Ha?! anong one on one? Nasisiraan na ba to?

“one on one?! Alam mo ba ang ibig sabihin ng babae at lalake?! Ayoko nga! Pawisin ka pa dyan. Paglalaruan mo lang
naman ako.”
“Sige na! promise, magiging gentle ako.”

Smile.

Nako. No way na mapapapayag niya ko sa ngiti niyang yun.

“Ayoko.”
“Sige na. 30 minutes na nga lang eh.”
“O sige na.”

Tapos tumayo na kami. Nako! Ano nanaman ba tong pinasok kong gulo?! Nakita ko na naka defensive pose na siya.
Meaning, ako ang offense. So yun, naglaro na kami. Nakashoot ako ng isa.

“Yehey! Nakita mo yun!”


“nako. Ang tumatalong Leonora.”
“Pano mo nalaman yun?”
“Sabi ni Jake.”

Nako!!! Si Jake talaga. Pati ba naman yun sinabi niya kay Aiden?!

“Bahala ka.”
“Ah, alam ko na… pag naka shoot ako ng isa, ibig sabihin, mahal mo ko. Pwede mo kong sipasipain o kahit ano.”
“ayoko.”

SHOOT.

“ayan… pinabayaan mo kasi ako. Ibig sabihin, mahal mo nga talaga ako.”
“tumigil ka nga!”

tapos kinuha ko yung bola. Nagshoot ako pero sumablay.

“Sige… pag na shoot ko to, mahal kita.”

Tapos pumunta ako sa three point line.

“Ano ba yan! Mashoshoot mo nga ba jan?”


“Kaya nga dito ako pwumesto dahil alam kong air ball lang to.”
“Sabagay. Love is in the air.”
“Hindi yun ang ibig kong sabihin.”
“Eh! Andaya mo naman! Hindi naman talaga mashooshoot yan eh!”

nagmake face siya pero maya maya nagagree na rin.


“Mmm… O sige. Pero seryosohin mo ha?”
“Oo no. kahit alam kong hindi ko kaya, seseryosohin ko to.”

Well, totoo yun. Seseryosohin ko. Dahil kahit naman seryosohin ko, never ko pang nashoot ang bola sa three point area.

Okay… inhale exhale… dribble ng dalawang beses. Tingin sa ring… jump!

Nangiti ako kasi alam kong sablay. Naikot ko ata yung kamay ko or something.

Tumalikod ako tapos narinig ko…

FUHK.

Sorry sa interpretation ng sound. Pero… you get the picture. Nashoot ko yung bola. Tawa ng tawa si Aiden. At ako,
nakatulala sa ring. Hindi ako makapaniwalang nashoot…

“Utot lang siguro yung narinig ko.”


“Gandang utot ha.”

Tapos nagcross yung arms niya.

“Swack eh. Ganda nga ng tunog. Di ko akalain na magagawa mo yun. Dapat sumali ka sa girls basketball.”

Nakatulala lang ako. Nabigla ako. As in. never in my life na nashoot ko yung bola na yun…

“O, pano ba yan… mahal mo nga ako.”


“Tumahimik ka nga! Swerte lang yun.”
“Ganda ng swerte ano?”
“Tumahimik ka nga. Umuwi ka na.”
“Hindi ako pwedeng umuwi… di ko pa nashooshoot yung bola na para sayo.”

Pumunta siya sa gitna ng court. Tumawa ako. What the! Kaya ba niya yun?! 6 footers lang makakagawa nun. Eh ano siya?
5’6? 5’7? 5’8? No way.

“Sige nga. Pag nashoot mo yan, tayo talaga ang para sa isa’t isa.”

Siyempre, loko loko lang yun. Wala yung meaning. Alam ko namang hindi yun mashooshoot… kahit anong mangyari.

“Expect the unexpected ano. Bakit kanina? Akala ko hindi mo mashooshoot. Pero nashoot mo. This time, ako naman.”

Tapos yun. Hinayaan ko nalang siya. Umupo ako sa tabi tapos pinagmasdan siya. Drinibble niya yung bola… tiningnan ang
ring… nagexhale… jump!

FUHK.

EEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH?! Napatayo ako. What the! Is the world insane at pinayagan na mashoot yun!? That’s
impossible!

“Matagal ko na yun prinactice. At di ko pa nashoot yun. Sabi na nga ba… magagawa ko lang yun sa harap mo.”
“Tama na nga. Uwi na tayo.”

Hinatid niya ko sa bahay. Hanggang ngayon, di parin ako makapaniwala na nashoot ko yung ball sa three point line at
nashoot niya yung bola sa half court. Parang…

Destiny?

Chapter 5

Destiny.

No can’t be.

Umaga na. Di parin ako makapinawala sa nangyari. Parang ewan nga lang. Hai ewan. Di ko maexplain. Oo alam ko… meron
ngang nakakagawa sa half court shoot. Nakikita ko yung mga fourth year na ginagawa yun. Pero duh. Ang tangkad kaya
nila! Hindi na yun nakakapagtaka. Eh si Aiden?! Talaga bang ganun?!

Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya nung flag ceremony. Magkatabi lang kasi kami. Ano ba to?! Me gumagabay na
dwende kaya natutupad lahat ng sinasabi niya?!
Anyway, periodicals narin kaya kailangan mag-aral. Nung dismissal, may practice kami ng cheering sa covered court na
malapit sa bahay nina Irish. Nagpaalam na ko kay mama. Kasabay nun, nagprapractice din sa likod namin yung basketball
boys at basketball girls. Wala si Aiden dun. Pasaway talaga. Ayaw magpractice.

After nun, may ten minute break. Pumunta si Jake sa kin at nakita kong naligo siya patiwarik.

“Ano ba yan Jakey! Pawis na pawis ka! May extra shirt ka ba?”
“Opo.”
“Halika nga.”

Umupo kaming dalawa. Pinunasan ko likod niya tapos mukha niya.

“O ayan. Magbihis ka.”


“Ikee… Para na kayong mag asawa diyan ha… kakilig naman.”
“Tumahimik ka nga Geanne. Best friend ko nga lang tong si Jake.”
“Woo! Showbiz answer.”
“Hay nako.”

Nagpunas ng mukha si Jake.

“Kulet nio ah. Kayo talaga. Inggit lang kayo.”


“Yabang mo rin ano!”

Super yung ngiti ni Nica. Alam nio kasi, crush ni Nica si Jake dati pa. Pero hanggang crush lang. Hinding hindi na daw siya
makikipagrelasyon.

“O eto.”

Tapos nagbigay siya ng mineral water sakin.

“inom ka… baka medehydrate ka.”

Ngumiti siya sa kin tapos bumalik na siya sa practice niya. Ngumiti ako tapos umupo sa tabi ko si Geanne at Nica.

“Hindi pa ba kayo?”
“Ano ka ba. Hindi kami. Wala ng ‘pa’. Kung saka-sakali, kayo unang makakaalam.”
“Grabe… ang swerte mo talaga pagdating sa lalake… kahit mas maganda naman ako di hamak sayo!”
“Gaga ka talaga Nica. Ipakita mo nga yang totoong kulay mo sa mga kaklase natin!”
“Ssssh. Kayo lang ang may alam na demonyita ako.”

Tumawa kami.

“Biruin mo, yung isa, photographer. Yung isa painter. Ang cute ng love story mo Kai!”
“Ha?! Anong pinagsasasabi mo jan?”
“Si Aiden, si Jake. Susme. Dalawang cute na lalake na ang naghahabol sayo.”
“una sa lahat, si Jake cute pero si Aiden hindi. Pangalawa, hindi nila ako hinahabol. Hindi ako maganda para habulin.”
“Alam naming hindi ka maganda, kaya nga nagtataka kami ni Geanne kung bakit ikaw ang hinahabol nila at hindi kami.”
“Mga gaga kayo!”

Tawanan galore. Kami talagang tatlo. Habang nagtatawanan kami, nakashoot si Migs, tapos nakashoot din si Jake.

“Hay, ang gwapo ni Miggy baby ko.”


“Kadiri ka Geanne. Hindi naman gwapo si Migs eh. Malakas lang ang dating, magaling kasi magbasketball. Ang definition ng
gwapo ay Jake.”
“Alam mo kasi, bakit ba hindi mo na lang aminin kay Jake na labs mo na siya? Malay mo, ikaw talaga ang labs niya at hindi
si Kai.”
“Ano ba yang pinagsasasabi niyo.”
“Tsaka anong hindi gwapo ang Miggy baby ko! Sabunutan kita jan eh!”
“Eh totoo naman eh. Ang gwapo, si Jake.”
“Siyempre… best friend ko ata yan.”
“Best friend lang talaga?”
“Oo nga. Bat ba ang kulet mo? Kung gusto mo, lamunin mo siya para maging future husband mo na. basta sa best friend
ko, dapat, maid of honor ako.”

So yun, nagpractice na kami ulit. After one week, intrams na namin kaya kailangan naming magpractice. Hindi pa
masyadong malinis yung dance. May iba pa ngang nagkakaaway. So, kailangan namin linisin lahat.

Anyway, nakikita ko si Aiden sa hapon na nagpapractice magisa. Ang angas talaga nito. Ayaw niyang magpractice kasama
yung ibang third year basketball boys. Minsan naglalaro siya kasama nina John at Karl. Pero karaniwan nakikita ko siyang
mag isang nag shooshooting.

Naisipan kong puntahan siya tutal lunch time naman. Pinauna ko na sina Jake sa canteen. Sinabi ko na lang na kinain ko na
yung lunch ko kaninang recess kaya di na ko kakain. So anyway, sumilip ako. Nakita ko nga… andun nanaman si Aiden sa
quadra at nagpapractice. Ganon naman yun eh. Pag sinabing break na, tatakbo pababa para mag basketball.
Umupo ako sa bleachers.

“Unggoy!”

Sumablay yung tira niyang yun.

“O! Kai!”
“Yak! Sablay!”
“Nadistract kasi ako… dumating ka eh.”
“Yabang!”
“Bakit ka nga ba andito?”

Lumapit siya sa kin habang dinidribble yung bola.

“wala lang. naisip ko lang na umupo dito. Tutal, lunch break naman.”

Binigyan ko siya ng mineral water. Nakita ko naman siyang uminom.

“Bakit ba ayaw mong makipractice kena Jake?”


“Di kasi ako makaconcentrate. Isa pa, siguro sa isang practice, out of 100 balls, walong beses lang ako makakahawak ng
bola. Yung iba pa dun, hindi mashooshoot. Kaya nga nagpapractice ako mag-isa. Alam mo naman, time is precious… not
gold.”
“Corny mo.”
“Alam ko. Kaya nga nagdala ako ng mais eh.”

Kinuha niya yung mais sa bag niya. Mejo natawa nga ako kasi comedy yung dating. Hahaha! Patawa talaga.

Kumaway si Nica sa kin. Meaning, tapos na silang mag lunch. Hindi kasi ako naglunch kaya pinauna ko na sila sa canteen.

“O sige na… good luck sa intrams!”


“Sure… para sayo yung larong to.”

Para sakin ang larong to? Bahala na nga siya. Di ko maintindihan pinagsasasabi nito. Hai ewan.

For the whole week, di ako masyado concerned sa surroundings ko. Busy kasi kami sa cheerdance. Mejo okay nga eh. ang
cute ng cheering namin. Okay na sana ang second place di ba tutal third year naman na kami.

So yun… feeling ko nga pumayat ako eh. well… better. Kasi ang suot namin labas puson. Hahaha! Nakakahiya naman kung
makikita yung bilbil ko diba? Haha! Kaya go go go! I need fat burnin’ baby!

Ayon, lumipas na nga ang one week. Tumulong ako sa pagaayos ng decorations and everything. Ang ganda nga ng stage
eh.

Hinanap ko si Aiden before nung intrams bukas. Gusto ko siyang igood luck ulit. Siya na lang kasi ata yung hindi ko
nagoogood luck sa players na kaibigan ko. Si Nica walang sports kaya magcheecheer na lang siya sa amin. Si Geanne
naman sa sepak takraw.

At siyempre… the rest na rin.

So yun, hinanap ko siya. Unfortunately, di ko siya nakita buong hapon na yun. Ay! Namention ko ba na siya yung escort
para sa taong to? Si Kyla ang partner niya ngayon, taga second section na maganda at sexy. Nung first year kami, si Jake
yung escort. Si Jake yung nanalo. Kaya nga gusto ko rin siyang igood luck.

Anyway, since hindi ko siya nakita, umuwi na ko ng bahay. Pagtingin ko sa oras, 7:30 na. Ginabi pala ako ng uwi ngayon
dahil sa pagaayos ng decorations. May parade pa naman bukas kaya kailangang magpahinga. Haay…

Habang nagbibike ako… may nakita akong tao sa play ground…

At kung tama ang mga mata ko…

Si Aiden yun.

Ano naman ang ginagawa ni Aiden dun?

For a closer look, tinigil ko yung bike ko at pinark sa puno. Lumapit ako sa may swing at nakita ko nga. Si Aiden nga yun.

“Aiden? Bat ka andito?”


“Ikaw… bat ka andito?”
“Nakita kita eh. Nacurious lang ako kung bakit ka andito.”
“Hinihintay ka.”
“Hinihintay ako?! Bakit?”

Umupo ako sa swing tapos nagswing lightly.


“Kailangan ko ng inspirasyon eh.”
“Ano ka ba! Baliw ka. Chicken lang naman sayo yung game na yun… bakit kailangan mo pa ng inspirasyon ha?”
“Wala lang. Akala ko kasi macocoach mo ko ngayon.”
“Ah ganon ba… Mm… sorry ah. Nagayos kasi ako ng decorations eh.”
“Okay lang. sapat na yung nakita kita.”

Tumawa ako. Ang corny niya talaga eh.

“Bukod dun sa namatay mong gf… wala ka na bang naging crush o minahal o something more than friends?”
“Si Lenlen? Wala na.”
“Lenlen pala pangalan niya. So ibig sabihin… hindi mo talaga ako seryosong crush?”
“Ang kulet mo rin ano. Mahal nga kita.”
“Ang labo mo naman eh. kakatanong ko lang kung wala kang minahal bukod dun sa babaeng yun… o kay Lenlen…”

Ngumiti siya sa kin… na parang iniiwasan lang niya yung lungkot…

“Wala nga.”

Ang gulo niyang kausap. Hindi ko alam kung maiinis ako o iiignore ko na lang yung asar niya. Tumayo na siya after nun
tapos hinawakan niya yung kamay ko. Nagulat ako kung bakit niya ginawa yun. Basta narinig ko sabi niya,

“magingat ka nga sa lugar na to. Ang daming bato dito kaya pwede kang madapa at mauntog sa kung saan eh.”

Nagets ko naman siya. Ang dami ngang bato dito.

Ang sarap ng pakiramdam nung kamay niya. Ang lambot… ang smooth… ang sarap hawakan…

SLAP! Kyleen! Ano ba naman yang sinasabi mo. Nakakadiri ka na ah. May crush ka na ba dito sa ugok na to?! Hiyaak!

Nung andun na kami sa mga bike namin, nagpaalam na siya.

“Sensya na. di na kita maihahatid. Walang nagbabantay ng bahay.”


“Okay lang… uhm… Good luck bukas ha?”

Ngumiti nanaman siya for the last time.

“Opo.”

Sa malayo, may narinig akong sinigaw niya pero di ko naintindihan. Sumigaw na lang ako ng ‘bye bye’ as a reply dun sa
sinabi niyang di ko mawari kung ano.

The next day… INTRAMS NA!!! yehey! Pangatlong taon ko na to sa school na to! Wipee! Haha! Ayan… magpaparade na!

Ang mga cheering nasa harap nung banner. Ang muse at escort naman yung may hawak nung banner: si Aiden at Kyla.
Actually ang cute nilang tingnan. Para silang si Barbie at si Ken.

So yun. Nagumpisa na yung program. As usual, cheering ang una. Siyempre, kami yung third na magpeperform. Ayos
naman ang lahat. Kawawa nga yung second year kasi parang nasabotage yung kanila. Well anyway, nung fourth year na,
mejo kumalat ang balita na nagpaturo sila. Well… I wonder kung anong place nila.

So yun. As usual, ang first game eh basketball boys ng third year at fourth year. So… unang laban kami.

“Go!!!”

Ayun… naririnig ko na ang sigaw ni Nica kasabay ng sigawan ng fourth year. Kawawa naman kami… though alam namin na
magagaling yung players namin, alam din namin na wala kaming panalo sa fourth year.

Hmm… pero malay mo.

So yun. Naglaro na. Yung ibang third year umalis kasi maguumpisa na rin yung ibang games. Pero ako… since anjan ang
best pwet ko, hindi naman ako pwedeng mawala sa tabi niya…

“Go Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaaake!!! Go Miiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiigs!!!”

Tapos napatingin ako kay Aiden. Nung napatingin ako sa kanya, hindi ko akalain na isa na siya sa mga special friends ko
ngayon kahit inaasar asar ko siya. Hindi ko naman kasi siya masyadong kilala noon. Ang alam ko lang eh heartthrob siya.

Pero para sa kin isa lang siyang ungkal… (unggoy + kalye)

Ayon! Nagumpisa na talaga yung game. Ang first point namin ay gawa ni Migs. Lay up! Yey!

Pero… as the game goes by… tinambakan kami ng fourth year.


Maniniwala ba kayo na ang score namin eh 10-22? Yeh… ang lakas nila eh. Pero wag kayong magalala kasi sa ibang levels,
tinatambakan din namin sila para mataas parin yung over all points namin.

So ayun. Nasa bench pa si Aiden. Di ko alam pero siya na lang yung hindi pinapalaro. Si Migs at Jake nakasalang na.

Nagpatuloy yung game. Labas masok lahat ng players. Pati nga si Aiden nakapaglaro na. Mejo nakakainis dahil napapanood
ko yung pagkatalo namin. Ako pa naman ang so-called couch nitong unggoy na to tapos naka apat na shoot lang ata siya.

Nilabas siya dahil mukhang sumakit na yung tagiliran niya. Sa buong third quarter, nakaupo lang siya. Nung fourth quarter
na, hindi na masyadong maganda yung scores. Tapos biglang nagkaron ng Foul…

Nadapa si John, ayun labas laman yung tuhod niya. Aww… kailangan tuloy namin magpalit ng player…

Well… alam naman naming wala kaming chansa kasi fourth quarter na. kaya bahala na kung sinong ipasok nung coach
namin.

Tapos biglang tumayo si Aiden, meaning, si Aiden nga yung nagsub.

That time, 20-42 na. Well… I wish kahit magkaron lang ng isa pang puntos… wag naman 20 lang…

Ayon… 3 minutes left na lang. We know naman na hindi na yun mahahabol. Pero anyway, nung pinasok si Aiden, nagkaron
kami ng 12 points. Sunud-sunod kasi yung three points ni Migs tapos may isang free throw si Jake na naipasok.

So yun. Si Aiden nagkaron ng 2 points. Pati nga fourth year napasigaw nung nagshoot siya. Ang score…34-49.

So yun. Last 20 seconds na nung game. We know na di na yun talaga mahahabol. Bawi na lang sa lower levels.

“Kayang kaya! Juniors kayang kaya!”

Sumigaw ako kasama ng buong juniors. Maya maya sumigaw yung seniors ng kayang kaya, seniors kaya kaya. Siyempre
bumarat kami. Gaya gaya, seniors gaya gaya!

Habang nagrarambulan sa sigaw ang mga batch, (sinisisi ko pa tuloy yung sarili ko dahil sa nagawa kong cheer na dahilan
ng sagutan ngayon), Nakita ko na tiningnan ako ni Aiden. Ngumiti siya sa kin. Nabigla naman ako. Katabi ko pa nga nun si
Nica at mukhang nakita niya yun.

“Nginitian ka ng papa ko.”


“Tumahimik ka nga Nica. Ikaw nginitian nun.”

So anyway… patuloy yung tukso sa kin ni Nica. Nung nagbuzz na, back in the game. Nagkaron kasi ng time-out yung
seniors. So yun…

Defense muna namin… Oops! Naagaw ni Migs yung bola! Offense na kami!

Pinasa ni Migs kay Aiden. Nung oras na yun, lahat ng tao nasa side namin. Pero si Aiden, andun lang siya sa half court.

Nagulat ako nung nagshooting position siya. Narinig ko si Jake,

“Baliw! Ipasa mo na lang!”

Pero di nakinig ang ungas. Tinira niya…

Well… kahit second time yun… nagulat ako… NASHOOT NIYA. Nashoot niya sister! Woooh!!!

Napasigaw ang buong third year. Though ang rebound ay sa seniors at ang panalo ay sa seniors… natutuwa parin kami sa
nangyare…

So yun. Kwento ko na lang yung the rest na nangyare. Three days kasi tong intrams. Si Geanne at yung group naman niya
nanalo ng third place. Over all, second place kami. Natural, over-all champion ang seniors.

Uwian na. Dumerecho na agad ako sa bahay. Hinatid ako ni Jake.

Nung matutulog na ko, naisipan kong pumunta sa may garahe. Nakita ko yung favorite constellation ko na si Orion.
Napangiti ako. Ang ganda kasi.

Nagring yung cellphone ko… si Aiden pala.

“O Aiden? Nakakagulat ah. Dami ka atang load para tumawag sa kin.”


“Mm… wala lang… tulog ka ng mahimbing. Mahal na mahal kita prinsesa ko.”

Tapos binaba na niya. Napatawa ako… di ko talaga alam kung seryoso ba siya sa lahat ng sinasabi niya… kung pinagtitripan
lang niya ko…
Pero naisip ko din… masaya palang kilalanin siya...

Chapter 6

TOK.

Binabawi ko na!!! hindi pala siya masarap kilalanin! Bwisit siya!!! Tama ba naman na kaaga aga eh batuhin ako ng eraser!
Bwisit yun ha!

“Hoi Aiden!!! Kung gusto mo makipagaway, dun tayo sa labas!”


“Wooh! Eto naman! Nagalit na agad! Parang binato lang ng eraser!”
“bwisit! Halika nga dito halimaw ka!!!”
“Eh wala namang chalk eh! Bagong bili yan!”
“Kahit na! halika ditoooo!!!”

So… you know why na.

Well anyway. Katatapus lang ng intrams. Buti na nga lang may gym kaya hindi kami umiitim. Well anyway, MVP namin si
Migs. Asteeg no?! siyempre, proud na proud nanaman tong si Geanne.

So anyway, wala lang. Birthday ng bestpwet ko. Weirdo nga eh. Pano kasi, yung 3 (si Geanne, Migs at Nica) iniwan kami
nung banding gabi. Hindi man lang sinabi na umalis na sila sa jollibee. Sabi ko magwawashroom lang ako. Tapos pagbalik
ko, wala ng tao, si Jake na lang.

“Asan sila?”
“Sabi nila may bibilhin lang sila. Nagulat ako nung sumakay sila ng jeep.”
“Bat di mo pinigilan?”
“Eh pano kung bumalik ka, tapos nakita mong wala ako? Hindi ko hahayaan yun.”
“Ay, sira ka.”

Umupo ako. Kami na lang dalawa pero may limang sundae na nasa harap namin. Pero dahil favorite ko naman ang sundae,
kinain ko yung 3, siya yung kumain ng dalawa.

“Mukhang, nagkakadevelopan na kayo ni Aiden…”


“Ha? Ano ka ba Jakey. Ako at si Aiden? Eh halos magkasalubong na ang langit at lupa sa aming dalawa eh.”
“Totoo ba yan?”
“Oo. Bakit, tingin mo ba gusto ko siya?”
“Nagdadasal ako na sana hindi.”
“Pwes tama yang dasal mo no.”
“Bakit?”
“Alam mo, kung magkakagusto ako, gusto ko sa isang katulad mo. Mabait, maasikaso, understanding, loyal, kilala ako—“
“Eh bat hindi na lang ako?”

Nagulat ako sa sinabi niya na napatigil ako sa pagkain ng ice cream.

“joke.”
“Sira ulo ka!”
“kinabahan ka dun no?!”
“Oo naman! Bigla ba namang ganon ang sabihin mo.”

Natapos na din yung kinakain naming mga ice cream tapos nun.

“Tara na.”
“San tayo?”
“Ihahatid na kita sa inyo.”
“Diba dito maghihintay sundo mo?”
“Hayaan mo na. Maghihintay lang naman yun eh.”

Sumakay kami ng jeep. Habang nagbbyahe kami, naglean ako sa shoulder niya tapos hawak hawak naming ang kamay ng
isa’t isa. Para sa kin, walang malisya yun dahil magbespren naman kami. Wala pang 5 minutes nasa bahay na kami.

“Sige, salamat sa oras.”


“Ano ka ba, ako nga dapat magthank you eh. Nilibre mo kami. Tapos kahit ikaw pa may birthday, hinatid mo kong bahay.”
“Wala yun. Ikaw pa.”
“Sabagay, sige, pasok na ko.”
“Sige.”
“Umalis ka na kaya. Baka hinihintay ka na.”
“Hihintayin muna kitang pumasok.”
“Sige na nga. Babay! Labchu bespwet!”

Nag flying kiss ako tapos tumalikod na ko habang papunta dun sa gate.
“Labsyu too Kai.”

Yun yung huli kong narinig sa kanya nung araw na yun.

Yung mga susunod naaraw. Mejo naweirduhan ako habang pinagmamasdan si Nica. Bakit? Eh kasi, nakabuntot siya ngayon
kay Aiden…

Eh?!?! anong nangyayari?

Kinalabit ko si Jake. Natural hindi ko na kinalabit si Nica dahil andun siya kay Aiden at nakikipagusap.

“Ano bang nangyayari dun sa babaeng yun at biglang bumubuntot sa unggoy na yun?! Nasaniban na ba yun ng masamang
ispiritu?”
“Di ko rin alam.”

Tumingin kaming dalawa kay Geanne.

“Geanne… sabihin mo na sa min… No secrets…”

naglabas ako ng isang evil smile…

“Uh… Kasi…”
“Kasi?!?!?!”

Naghihintay kaming dalawa ng sagot mula kay Geanne nung biglang may gumulat sa min mula sa likod.

“Hoi!”
“Ano ka ba babes! Wag ka kayang manggugulat!”
“Hala ka Migs… lagot ka sa sweetheart mo… bugbog ka nanaman niyan…”
“Anong bugbog nanaman?!”
“Ah wala yun babes…”

Tsk tsk… talaga tong dalawang to oh…

“Wait… may alam ba kayo kung bakit sinusundan ni Nica yung unggoy?”
“Teka…”

naginterrupt si Geanne tapos may sinulat sa isang papel na… BARKADA MEETING… shoot. May problema ba?

So yun. Nung lunch nagkaron kami ng barkada meeting. Well… hindi to tulad ng lagi naming usapan. Actually, nagkakaroon
lang ng barakada meeting pag yung isa sa amin nagkakaroon ng problema… especially LOVE LIFE.

Kinabahan tuloy ako… wag mong sabihin...

In love si Nica sa unggoy na yun?!

Ang first meeting namin ay nung nagconfess si Migs na may gusto siya kay Nica. At ang huli naman naming meeting eh
noong si Migs ay nagconfess na narealize niya na ang gusto talaga niya si Geanne. Ang chuchu no? buti nga best friends
parin sina Geanne at Nica eh.

Well… that’s another story.

So yun.

Nasa confession sit si Nica. As usual, binibining binibini ang dating. Meron siyang cute na maliit na ilong at lips… at mata?
Chinita. Lahat maliit… pero yung… ehem… malaki hinharap niya… minsan nga naiinggit ako dun eh… wala kasi ako… haha!

Ano ka ba Kyleen… lumalabas ka na sa topic.

“So… Nica… sabihin mo sa min ang totoo… May gusto ka ba sa unggoy na yun?”
“Hindi siya unggoy… ikaw lang naman may tingin ng ganun sa kanya eh.”

Ayon. Alam ko na.

Nagexhale ako. Nako naman… nakisama narin pala tong si Nica sa federasyon. Haay. di naman ako papayag na mainlove
ang kaibigan ko sa ungas na yun ng tuluyan… aba! Kung papayagan ko yun… pagnagkataon nagkatuluyan sila… magiging
buttered wife si Nica!

Kyleen… baka ang ibig mong sabihin eh battered?!

Hindi eh. Buttered talaga! Baka gawin lang siyang palaman ni Aiden… Well… anyway.

“Sige! Susuportahan ka namin!”


“Jake ano ka—”
“Tama! Pero aaminin ko… crush ko din si Aiden! Ops babe, crush lang naman kasi cute. Pero… wag kang magalala!
Susuportahan kita Nica!”
“O. M. G.”

This is SO unbelievable… bakit sila nagkakagusto sa unggoy na yun?!?! At ano naman ang magugustuhan nila sa isang
maangas na tulad niya?!

“ano ba naman kayo! Gumising nga kayo!!! Lalo ka na Nica. Di siya cute. Di siya gwapo. At lalung lalo na hindi siya papabol
material!”
“Pero Kai. Ewan ko. Minsan nga nagseselos ako sayo kasi parang gustung gusto niya na lumapit sayo eh.”
“Nako! Wag mo ngang isipin yan!”
“easy ka lang Kai. Nagkakaroon ka ng wrinkles o.”
“Eh kasi naman tong si Nica. Parang chuahuah eh.”
“Alam ko na!”

pumitik si Jake. Nagulat nga ako kasi bigla siyang nakisali sa girl talk namin. Woah. Anyway…

“Ikulong natin si Nica at si Aiden mamaya dito sa loob ng room!”


“Teka teka teka.”

Pinigilan ko yung plano nila… are they insane or what?!

“Ano ba kayo! Dapat eh prinoprotektahan natin si Nica laban sa mga kampon ng kadiliman!”
“Ikaw lang naman ang nagiisip ng ganun eh.”
“Nako Migs. Tumahimik ka nga. Di naman ako makakapagya na—”

Tapos narinig kong nag ‘tsk’ si Nica.

“Nagseselos ka ba Kyleen?!”

ANO BA NAMAN NICA!!! Kung di ko lang talaga to kaibigan eh… AKO?! MAGSESELOS?! Buti sana kung alam ko yung
pakiramdam ng nagseselos diba? Eh everyday, ang nararamdaman ko lang eh galit mula sa nilalang na yun!!! May rason ba
para magselos?!

“Nica!!! Ano ba naman yang pinagsasabi mo! Siya na ang huling lalaking mamahalin ko. Mas pipiliin ko pa ang taong grasa
kesa sa kanya.”
“Then the decision is final. Ikukulong natin sila dito mamaya. Ganito… ako na bahala sa mga kaklase natin. Basta…
ipagtapat mo na kung anong nararamdaman mo pag naiwan ka na ha.”
“Ano ka ba Geanne… Alam mo namang hindi ako magaling diyan diba?”
“Ganito na lang. Bigyan mo siya ng sulat. Ilagay mo sa bag niya. Tapos pag nakita na naming binabasa niya,
magkunwakunwarian kang matulog. Saka naman namin kayo iiwan…”
“Kelan naman natin yun gagawin?”
“narinig ko na wala daw tayong chemistry at ap. Parehong absent si mam Dioni at Mam Leah.”
“Good. Sa AP time na lang.”

Tapos biglang may nagannounce sa room na taga science club. Lahat daw ng muse at escort may
meeting mamayang dismissal sa gen sci lab.

Ano ba naman yun. Sa lahat eh dismissal time pa. Wait… after yun ng english at ap namin ah?!

“Nako naman kasi etong si Kyleen… Kung kailan naman pwedeng magsolo silang dalawa hanggang dismissal saka naman
magkakaroon ng meeting… at muse and escort pa! pwede naman pres at vice pres diba?”
“Babes, narinig ko na ang muse at escort daw yung magbaba ng waste segregation sa may covered court para may silbi
naman daw sila.”

Upakan ko kaya tong science club?! Gawin ba naman akong basurera?!

“Ayan ha.”

Kinindatan ni Jake si Nica.

“Gumawa na kami ng paraan… paraan mo na lang ang kailangan.”

Cute talaga magsmile ng bestee ko.

Well anyway… inaasar ako ng kumag. Nabwibwisit nga ako eh. pinipigilan ko lang para wag masaktan si Nica. Nako naman…
why of all creatures… si Aiden pa ang nagustuhan niya?!

So anyway… dumating na ang second to the last subject, ang chem. Eh dahil wala nga si Mam Dioni, free time namin. Eh
kaso, wala din si Mam Lea, yung last subject namin kaya pwede na kaming magliwaliw. Unfortunately, may pinapagawa sa
min si Mam Dioni.

BOGSH.
L*ntik yan aba!

“Hoi sexy! Bat ba di ka namamansin ngayon?”

Tapos narinig kong may bumulong sakin. Parang si Geanne ata.

“Magtimpi ka Kyleen… para kay Nica…”

Okay… Kyleen… inhale… ex—

SH*T.

Binato niya yung lalagyan ng chalk sa kin. Nabuhusan ako ng chalk dust sa likod… ano sa tingin niyo ginawa ko?

“Ui…”

nilapitan ako ni Aiden…

“Kyleen sorry. Akala ko kasi walang laman yung b—”


“Go eat some sh*t.”

Tapos tumakbo na ko.

Umiiyak ako habang tumatakbo. Hindi naman porke ganon eh babatuhin niya ko ng chalk diba? Hindi naman ata
nakakatuwa yun… ano ba to… di ko alam kung mabait ba talaga siya sa kin o masama talaga siya sa kin… o parte na ba ng
buhay niya ang bwisitin at guluhin ang buhay ko?!

Nadedepress ako. Di ko alam kung bakit… naging OA ba ko?! Eh kung sila kaya batuhin ng ganon?! Hindi naman sila ang
nagpapalamon sa kin at nagbabayad ng mga uniform ko. Hindi naman sila naglalaba ng damit ko… at hindi sila ang
nagsusuot ng damit ko… at hindi sila ang napahiya…

Ako naman diba?

So okay lang na nagwalk out ako at umiyak?

Nako… parang nahihiya na ko bumalik sa room. Never in my life na nangyari to. Kaasar. Feeling ko tuloy ang babaw ko…

“Ui Kyleen… okay ka lang ba?”

Ah… si Jake. Buti pa si Jake.

“Okay lang bang magsinungaling at sabihing oo? Jake… tama ba yung ginawa ko? Mababaw ba ako? Ano ng tingin ng klase
sa kin? Tingin ba nila maarte na ko o ano?”
“hindi ah. Sa katunayan… parang naging parte ng plano.”
“Anong part of the plan?”
“Nung umalis ka, natapos ng Isulat ni Geanne yung love letter para kay Aiden. Natulog na si Nica. Tapos nagkunwari yung
klase na hanapin ka nila. Naiwan si Aiden… mukhang naguilty.”

Buti naman at naguilty siya sa ginawa niya… pero asteeg ha. it worked well…

“Asan na ang klase ngayon?”


“Ewan ko. Pag alis kasi ng room hinanap na agad kita.”
“Thanks Jake. So… right timing pala yung batuhin niya ko ng chalk at nagwalk out habang umiiyak ako?”
“Narinig ko nga yung iba na ang sabi nila eh best actress ka daw. Kung hindi lang dahil kay Nica, sasapakin ko yung
lalakeng yun.”

Haha… galing naman. Naging solusyon yung problema. Ngayon… wala na kong pakialam. Galit na galit ako kay Aiden…

Pinunasan ni Jake yung likod ko. Ang sweet talaga ng bestee ko. Minsan nga pinipilit kong mainlove dito kaso mukhang
friends lang talaga. Anyway, pumunta kaming canteen tapos nagkwentuhan. Unti unti ng nawala yung galit ko.

Ayon… bumalik na kami ng room. Nakita ko na may mga tao na tapos ginagawa yung seatwork na iniwan ni Mam Lea.
Gusto ko mang makipagkwentuhan kay Nica pero di ko magawa.

Pag balik ko ng room, may mga bumulong ng ‘best actress ka Kyleen…’ at saka ‘galing mo kanina… pang Famas’. Ako
naman ang sinasabi ko, ‘ako pa!’ Pero kung alam lang nila… totoo yun. Now I wonder what really happened inside the room
between Aiden and Nica…

Pero kung ano man yun… bahala na si Aiden.

Umupo na lang ako at tumungo. Mamaya maya eh lumapit sa kin si Nica at Geanne. Pumunta kami sa bleachers.

“Ui… Kyleen… Okay ka lang ba?”


“Ewan ko. Bwisit eh.”
“Sabi na nga ba… Pinahanap ka namin kay Jake. Pero kahit di namin sabihin mukhang alam naman niya ang gagawin.”
“O ano… Okay ka lang ba? Kami yung nagkalat na best actress ka para di mahalata na umiiyak ka.”
“Pasensya na kayo… nga pala… anong nangyari Nica?”
“Di ko nga kayang sabihing may gusto ako sa kanya kaya siya na ang nagsabing gusto ko siya.”
“Ha?!?!?!??!?!?!?”
“Nung natutulog ako… actually mejo nakonsensya ako sa ginawa niya sayo. Ayon… pero nung nagkaron ng silence…
kinabahan ako.”
“Tapos?”
“Tapos binasa niya yung letter sa harap ko.”
“Eh?! tapos tapos…”
“Sabi niya alam naman niyang hindi ako may gawa. Nakita niya kami nina Geanne.”
“Oo promise…”

tapos umikot yung mga mata ni Jes na parang nainis kasi nabuking sila.

“Nahuli niya kami.”


“Tapos?”
“Sabi niya sure.”
“Sure na alin?”
“Okay lang daw na magkagusto ako sa kanya.”
“Yun lang?”
“Oo. Tingin ko nga… may gusto siya sayo Kai.”
“Pagkatapos niya kong batuhin ng chalk dust sasabihin mong may gusto yun sakin?! Ano ka ba naman.”
“Manhid ka nga ano?”

kinurot ako ni Geanne. Ang secret weapon niya. Ako naman napasigaw sa sobrang sakit.

“Ganon yun. It’s either sobrang sweet sayo ng lalake o lagi ka niyang ginugulo.”
“Kung ano man yun, wala akong nararamdaman.”
“Kasi nga manhid ka.”
“Hay nako. Sige… pupunta na ko sa gen sci lab…”

tumingin muna ako kay Nica bago lumayo…

“Ano… okay ka lang ba?”


“Ano ka ba Kai… semi man hater nga ako diba? Nahiwagaan din naman ako nung nagustuhan ko si Aiden, siguro dahil
sobrang gwapo.”
“Eh kung ganon… Bakit mo pa ginawa yun?”
“Para masubukan lang… at… gusto ko lang din malaman kung nakalimutan na niya yung gf niya.”
“Sus. Yun pala.”
“Alam niyo…”
“Ano yun?”
“May mga bagay pala na hindi matatandaan ng isang tao pero nakatatak sa puso ng isa pang tao… kaya hanggang ngayon…
andun parin.”
“Ano?”
“Wala. Umalis ka na nga.”
“Oo na.”

At don… umalis na ko.

Sabagay… sabi na nga ba. Hindi naman talaga ganong uri ng babae si Nica. Hahaha! Well anyway, hindi na ko nagalala.

Pagpunta ko dun… wala pang tao.

Pero may unggoy.

Umupo ako pero hindi sa side niya. Malayo actually. Hindi ko kasi alam. Parang ang gulo ng nararamdaman ko. Mm…
sabihin na nating galit na inis na awa at yung feeling na masyado atang OA yung ginawa ko… lalo na yung huli kong sinabi…

Ayon. Mejo guilty ako kaya ayokong lumapit sa kanya.

Nagulat ako nung pagtingin ko sa tabi ko eh andun na siya. Mejo nagreact yung shoulders ko. Bumilis yung kabag ng dibdib
ko… (wag niyong isipin na dahil in love ako) pero dahil nagulat ako. You know… magugulatin talaga ako.

“Sorry na…”

Pero di ko parin siya pinansin.

Lalo akong nagulat nung naglean siya sa shoulders ko tapos kinuha niya yung kamay ko… hinwakan niya tapos nilock niya
yung fingers niya sa fingers ko.

“Ano ka ba Aiden…”
“Ayan… mas gusto ko namang yung pangalan ko yung huling maririnig ko sayo kay sa ‘sh*t’ no.”
“Fine. Sorry din.”
“okay lang yun… kasalanan ko naman eh…”
“Mm… okay… wala ng bawian yun ah?”
“Opo.”

Pero di parin ako makagalaw. Yung tipong gusto mong tanggalin yung kamay mo pero nakakahiya?! Hindi sa gusto ko pero
parang nakakailang lang na gumalaw.

“Anong pinagusapan niyo ni Nica?”


“Wala… binusted ko siya…”
“sira ka… bakit nga ba? Ayaw mo ba kay Nica? Cute naman siya ah.”
“Cute nga siya… pero… sabihin na nating… hindi siya siya.”
“Ang redundant mo.”
“Akala ko kasi makukuha ulit kita sa ganoong paraan. Para maiba naman.”
“Ano?”
“Wala.”
“Narinig ko… pero di ko maintindihan.”
“Di mo na kailangan intindihin.”
“Ang labo mo talaga…”
“Basta… gusto kita… gusto ulit kitang makuha…”
“Crush mo ba ko?”
“Hindi ah… kapal ng mukha mo…”
“Jombagin kaya kita!!! Eh ano yang mga sinasabi mo?!?!?!”
“Wala.”
“Ha?!??! Ano ba Aids! Di talaga kita maintindihan!”

Pero wala ng chance kasi dumating na si Mam Santos. Kaya yun. Naghiwalay na kami. Nafigured out namin na medyo
maaga pala kami kasi nga wala kaming last subject.

Nung umuwi ako sa bahay… nagwonder parin ako sa mga sinasabi nung lalaking yun. Di ko alam kung anong pinagsasabi
niya… parang out of the world…

Parang hindi siya… at parang hindi ako yung sinasabihan niya…

Chapter 7

Grabe, ang bilis ng araw at September na pala. Akalain mo yun? Parang kahapon lang lahat ng nangyare. Parang kahapon
lang nung first year palang ako—

Eh?! San naman galing yun?! Haha! Ikaw talaga Kai… wala ka ng magawa… Hmm… Ay! Haha… birthday nga pala ni Migs
nung isang araw. School day yun. Wala namang handa, nilibre lang niya kaming apat. Pero siyempre hindi mawawala ang
sweet surprise ni Geanne para kay Migs.

*Yawn*… Saturday morning. Haynako… kainis… ang aga-aga, ang una kong naalala ay assignment sa arts. Kaya ayon, dahil
responsible naman ako, ligo na ko agad para makapunta ng mall at makabili ng materials pang cross stitch. Hmm… ano
kaya magandang icross stitch ano?

So ayun. Kahit na sandali lang ako sa mall, kailangan maganda parin ang bihis ko. Kinuha ko yung jeans ko tapus yung pink
na shirt na binigay sa kin ni mama. Sinuot ko yung earings ko na pearl at yung wrist watch kong baby g. What else??? Ay,
haha… yung necklace ko…

Yes!!! I’m already ready! That’s nice Kyleen. So ayun. Pumunta na ako sa mall. Well actually, 30 minutes away lang sa
bahay namin. Grabe no? Hinatid na ko ni papa tutal papunta narin siya sa work niya. Nakisabay na ko… aba! Sayang
pamashe noh…

Pumunta muna ako sa 100 peso store. Tingin tingin lang. Hehe… tapos dumerecho na ako dun sa bilihan ng pang cross
stitch.

Sabi ni Sir Oj, kailangan daw landscape… ILLUSIONADA!!! Aba! Ang laki nito! Tapos isang buwan lang namin tatapusin…
nababaliw na ba siya o baliw na talaga!? Grr…

Anyway… may medyo madali lang at saka konti lang yung mga thread… and tutal, I like their culture naman… eto na lang
japanese landscape… cute kasi—

“Miss, meron ba kayong landscape na cross stitch, yung parang langit?”

Kilala ko yun ah…

SH*T!!! Sabi na nga ba…

Tumalikod na ko bago pa ko makita… bakit naman lagi kaming pinagkikita nitong impaktong pinaglihi sa buntot ng uod na
binadbaran ng asin?!!! Ganito ba talaga kaliit ang mundo?!

“Ui! Kyleen, andito ka pala!”

Okay… so no choice… bati na. Kyleen, wala ka ng choice…

“Hi Aiden…”
“Anong ginagawa mo dito?”
“Obviously, naghahanap din ako ng pang cross stitch.”
“Akalain mo yun… pinagkikita talaga tayo… grabe talaga. We’re meant to be… soulmates ba. Siguro may gusto iparating ang
langit…”
“Ayan ka nanaman sa mga langit langit mo. Soulmate ka jan?! Soulmatin mo neknek mo. O sha na, eto lang naman pinunta
ko dito eh…”

haha… napaka ungirly naman ng sagot ko… pero okay lang… tutal eh hindi ko siya gusto not like any other girls… unique
ako!

“Eh! Pasyal muna tayo!”


“Che! Mag isa mo. Ayoko nga.”
“Pleash???”

Aba! Pacute pa to… in fairness cute naman… ahehe… Nako Kyleen ha… mapanganib pag nasasabi mo ang salitang cute sa
isang tao… tsk tsk. Go na! sabihin mo hindi pwede!

“Hindi nga pwede.”


“Please Mami Kyleen?”

Nakakatuwa naman siya… parang batang iiyak dahil wala siyang lollipop…

“Eh ano naming gagawin ko eh pamasahe ko na lang matitira pag binili ko to. Wala na kong pampasyal.”
“Eh kung treat ko lahat, sama ka na?”

Weh? Treat niya lahat?

“Kahit pagkain, pamasahe…”


“tingnan mo nga ang salitang LAHAT sa diksyunaryong Pilipino para di ka na magtanong.”
“Di lang kasi ako maniwala. Magkano ba dala mong pera?”
“buong atm ko. 5 thou.”
“ANO NAMANG GAGAWIN MO SA 5 THOUSAND?!”
“eh kasi di ko naman alam ang presyo ng isang cross stitch. Eh yung binili nga ni mama na maliit na landscape 700 ata.
Para sure.”

Eh?! Baka naman ang maliit sa kanila yung kasing laki ng tao?!

“Sabagay mayaman ka nga pala.”


“Ganon talaga.”
“Grabe, nararamdaman mo ba yung hangin?”
“Aircon naman. Walang bukas na bintana sa mall.”
“Hindi, yung masamang hangin.”
“Bakit, umutot ka?”

Walangya… napaka sipag nitong mambara. Pero in fairness, ang galing ng mga bara niya. I quit! Sige na, panalo na siya.
Ayon, dahil naman libre niya lahat, sumama na ko. Aba… minsan lang may magtreat sa ken sa lahat noh…

“San mo gustong una? Sine, laro, treat, pagkain?”


“treat?! Eh treat na to eh.”
“Ibibili kita ng gusto mo… basta ba yung possible.”
“Talaga!?”

Kyleen, magdahandahan ka. Baka mahalata niyang gustung gusto mo na makasama siya dahil libre niya lahat… baka
sabihin pineperahan mo!... easy easy ka lang…

“Oo. Uhm… pero since maglulunch na, kain muna tayo. San mo gusto?”
“KFC na lang.”

Matapos naming bilhin yung mga dapat icross stitch, pumunta kaming KFC. Nagorder kami ng bucket meal. Mga anak nga
naman ng rich pipol eh no. Meron pang mashed potato. O diba sosyal? Galing nga eh… pang limahan yung binili niya kahit
dalawa lang kami. Lumobo yung chan ko habang nagtatawanan at nagaasaran kami. Yung natira, pinabinalot ko este
namin. Hehe. Sayang kaya.

“Grabe ka rin no… panlimahan nga yung binili mo, parang magisa ka lang kumain ng lahat.”
“Pagisip isipan mo nga yang sinasabi mo! Eh tingnan mo nga ikaw nakaubos nung kalahati nung bucket meal?! Kinuha mo
pa yung softdrinks ko! Ang dami mong baby fats. Magpapayat ka nga.”
“Ikaw ang dami mong maladamulag na buto…”
“Muscle yan.”
“Muscle?! Walang lokohan!”
“Maiba tayo, kayo na ba ni Jake?”

Halos mabuga ko na yung softdrink na iniinom ko. San naman nanggaling yung tanong na yun at bakit bigla na lang niya
tinanong?!

“Hindi pa.”
“pa? So ibig sabihin, pwedeng may chansa si Jake?”
“Oo naman. Sa sweet ba naman ng bespren ko eh. Kaso sa ngayon, hanggang friends lang.”
“Eh pag niligawan ka niya?”
“Papayagan kong manligaw. Tutal in good relations naman sila nina mama at papa eh.”
“Eh pag ako ang unang nanligaw sayo?”
“hindi yun mangyayare. Dahil busted ka na!”
“Ha! Hindi mo alam kung sino ang pinapalagpas mo!”
“Anong sino?! ANO! Alam ko kung ano ang pinapalagpas ko! Isang unggoy na wala ng alam kundi manggulo ng buhay!”

Ayon, away away at puro daldalan lang kami.

After non, pumunta na kami sa sinehan. Nakakatawa talaga siya. Pumili siya ng movie na hilig ko pero alam ko naman na
hindi niya yun papanoorin. Hindi sa mahilig ako sa romance talaga, sa comedy romance ako mahilig.

“Bakit yan ang pinili mo?”


“Kasi mahilig ka diyan di ba?”
“Pano mo nalaman?”
“Wala lang. mga babae ganon.”
“Hindi naman lahat. Ayoko, gusto ko pareho nating gusto.”
“Eh yung gusto kong action and suspense, eh yun yung pinaka ayaw mo. Eh kung horror na lang kaya, okay ka ba dun?”
“Pano mo nalaman na pinakaayaw ko ang action?”
“Eh ordinaryong babae ka naman kaya alam kong action ang pinaka ayaw mo. O ano, horror na lang?”

eh?! What’s with the word ordinary?!

“Wag ka nga magstereotype. Hindi naman lahat ng babae ganun.”


“Oo na sorry na po.”
“O sige, horror na lang.”
“Pumila ka na lang, ako na bibili ng pagkain natin.”
“Eh halos kakakain lang natin ah! Busog na ko!”
“Matagal yung movie. Baka magutom ka. Bibili na rin kita.”
“O sige na nga, bahala ka.”

Tapos umalis na siya. Nakapila lang ako. Eksaktong nagbabayad na ko pang ticket nung dumating siya. Pumasok na kami
sa loob. Trailers pa lang kaya hindi masyadong creepy. Tapos nag-umpisa na.

Habang napapanood ako sa sine, narealize ko na kain lang ako ng kain ng popcorn na bili niya. Nung part na nagpakita na
yung antagonist na multo (wherein ubos ko na yung popcorn), napasigaw ako (which is okay lang kasi madami ring
sumigaw).

“Hoi!”
“Bakit?”
“Nanginginig ka na. Gusto mo na bang lumabas?”
“Ang yabang mo. Kaya ko pa to no!”
“O talaga? E bakit anjan ka sa balikat ko at hawak mo pa kamay ko?”

Wah!!!! Langya naman! Halos nakayakap na pala ako sa kanya eh di ko na namalayan.

“Eh di fine!”

Tapos nung part na bumitaw ako sa kanya, pinatay nung antagonist na multo yung isa sa mga barkada nung protagonist
kaya napahawak ako sa kanya. Wala akong ibang nasabi kundi…

“Pwede bang pahawak na lang ng kamay mo? Nakakatakot eh.”

Um-oo naman siya kaya okay lang. Nung lumabas kami sa sine, medyo nakahinga na ko. Pinalo ko siya agad sa likod.

“Langya ka naman eh! Siguro kaya horror pinili mo para makachansing ka sa kin!”
“Sabi mo eh.”
“Sabi ko na nga ba! Maniakis!”
“Tunge. Horror ang pinili ko kasi sabi mo pareho nating gusto. Eh since okay lang naman sayo ang horror, eh di yun na
pinili ko!”
“Fine. San tayo sunod?”
“Arcade? Gusto mo?”
“Sige! Game ako!”
Ayon, tapos nagarcade kami. Ang mahal ng 1 token, 5 isa. Inuna namin yung may basketball. Nagparamihan kami ng
points. Unfortunately, sino ba yung nanalo? Duh. Eh di siya! Tapos, nagdance revo kami, talo ko naman siya kasi hindi
naman siya marunong nun! Haha! Tawa lang ako ng tawa kasi para siyang linta. Tapos nag baril barilan din kami at saka
yung wheels chorvah. Aalis na sana kami nung nakita ko yung machine kung san maraming manika. Nakatitig lang ako dun
tapos may nakita akong panda bear na stuff toy… sobrang cute at mukhang huggable na—

“Gusto mo nun?”

Kagulat naman! May telepathy ba to oh ano?!!

“Nakakabasa ka ba talaga ng isip?!!!”


“Alam mo, kung pano mo tingnan yung stuff toy eh para ng matutunaw yung buong machine. Manhid ang hindi
makakahalata nun.”
“Wag na. Tara na.”

Tapos bigla siyang umalis. Pumunta siya dun sa bilihan ng token. Pipigilan ko sana kaso too late.

“Ang kulet mo naman eh!”


“Sorry ka. Matigas talaga ulo ko.”
“Eh kasi wala naman talagang ulong malambot.”
“Tigilan mo nga yang kakornihan mo. Tara, kunin natin anak natin.”

ANO?! ANO DAW?! ANONG ANAK?!

“Tigilan mo nga rin yan! Nakakasuka yung sinabi mo!”


“Tinatakawil mo asawa mo? Tsk tsk… pagkatapos ka gastusan…”
“Che!”

Pumunta na kami dun sa machine tapos ininsert na niya yung token. Nakaconcentrate siya. Nung una niyang try, hindi niya
nakuha.

“O tara na. Di mo nakuha eh.”


“Sorry ka, may 2 pa ko.”

Ang kulet niya talaga. Tapos nung sa pangalawa niyang try, iba nakuha niya, yung katabi nung panda na giraffe.

“O ayan, may nakuha ka na. Tara na!”


“May 1 pa ko.”

Tapos binigay niya yung giraffe dun sa isang batang babaeng dumaan. Seryoso siya, natakot ako. Ganon ba talaga siya
kadesperadong makuha yun?

Pero sa huling token, di parin niya nakuha. Kumuha siya ng lima pang token. Grabe! Porke maraming pera… hindi na lang
niya ibigay sa mga aesthetically challenged na tulad ko! At sa pangalawang token…

“Ayan!!!!!”

Sumigaw siya ng malakas. Nakakahiya!

“O ayan na anak natin, nakuha ko na.”

Tapos may dumaan na mga babaeng malandi na parang na love at first sight kay Aiden. Nakakainis, mga impakta. Ang
dami talagang malalandi sa mundong to. Kinuha ko yung panda bear… ang cute cute talaga…

“O ano, di ka ba magpapasalamat na niligtas ko anak natin?”


“hay nako, tigil tigilan mo nga ko sa kakaanak mo diyan.”

Parang ang weird nung sinabi ko dahil sa salitang kakaanak.

“Ang cute cute niya no? Mana sa kin…”


“Hay nako, tumigil ka nga!”

After ng arcade, pumunta kami sa bench. Bumili siya ng isang polo, pupunta daw siya sa debut ng isang kaibigan. Tapos
pumunta kami sa grocery. Bumili siya ng baby cologne. Nagulat nga ako kasi favorite cologne ko yung binili niya. Yung pink
ng johnsons.

“Bakit pang babae yang binili mong pabango?”


“Mas mabango to kaysa perfume. Matapang ang amoy ng perfume eh..”
“Eh bakit pambabae?”
“Eto kasi yung… pabango niya… ni Lenlen.”
“Oops… sorry…”

Tapos tumahimik siya. Seconds pa noong nasabi na niyang ayos lang. After non, pumunta kaming department store. Pinili
niya ko ng t-shirt… siyempre finit ko muna yun.
“Ang cute mo diyan… akin na…”

Tapos binili na niya. Tapos binigay na niya sa kin. Hmm… ganon na lang ba talaga yun kadali?!

“Kayo, basta may pera gastos kayo ng gastos… hindi niyo na lang Ibigay sa mahihirap na tulad ko…”

Napangiti siya, di ko alam kung bakit, wala namang maganda dun sa nasabi ko… ang weird talaga niya…

“Papicture tayo.”
“Ano ba yan. Ayoko.”
“Sige na. Alam ko namang sa susunod eh hindi mo na ko hahayaang lumabas kasama mo na solo.”
“Buti alam mo.”
“Kahit para sa sariling kaligayahan ko na lang. Ayos lang na wag kang kumuha ng kopya.”
“Ang arte mo talaga! Sige na nga! Pero wag mo ilalagay sa wallet mo ah! Yung 8 by 11 ang orderin mo para wala akong
kopya!”
“Mam yes mam!”

Lumibot muna kami kung saan saan. Tingin tingin. After 45 minutes, kinuha nanamin yung picture… ang cute… mukha
kaming…

mukhang kami…

“Mukha tayong mag-asawa… kasama ng baby nating panda bear…”


“Sira ka talaga…”
“Ayan kasi. Ayaw mo kumuha ng kopya… ang ganda mo pa naman dito. Photogenic ka pala.”
“T*e ka. Oo nga eh, parang ang ganda ko jan sa picture.”
“Anong parang. Ang ganda mo talaga. Siyempre, gwapo yung kasama mo eh.”
“W H A T E V E R Aiden.”
“Scan ko na lang. Send ko na lang sa e-mail mo.”

Although hindi ako umoo, sa totoo lang gusto ko ng kopya. Pano, ang ganda ko dun. Parang ang kinis kinis ng kutis ko
tapos ang ayos ng buhok ko dun sa picture. Siyempre pag ganun, kukunin ko na!

Lumabas na kami ng wall… mejo mag sisix na. Pupunta na sana ako sa sakayan jeep pero hinarang niya ko…

“Bakit?”
“Di ba sabi ko, libre LAHAT.”
“O? Libre mo nga lahat.”
“Tinawagan ko na driver namin… papahatid na kita.”
“Eh! Nakakahiya kaya!”
“Okay lang yun ano ka ba.”
“Hindi yun okay! Sabihin pa…”
“Hindi yon… Tutal ako naman talaga ang nagimbita diba?”
“May choice ba ko?”
“Wala.”

Sabay smile…

“Ewan ko sayo…”

So wala narin naman akong choice kundi ang sumabay sa kanya… so fine…

Nakauwi na ko mga 7… kasi medyo traffic… nagpasalamat ako sa kanya tapos nagbabay na ko…

“Ingat ka.”
“Ikaw ang magingat. Ako nasa bahay na.”
“Ang sweet talaga ng asawa ko. Alagaan mo baby natin ha.”
“Che.”
“Labyu.”
“Labyu mo mukha mo.”

Tumawa siya tapos sumakay na ulit siya. Ako naman, pumasok na ng bahay,

What a LOOOOONNNNNGGGGG day… Kumain muna ako ng dinner. Hindi na nagtanong sina mama kasi obvious naman na
may nakakitaan ako na kaibigan.

Nagbihis na ko tapos humiga… Kinuha ko yung panda bear na napanalunan niya sa arcade… tinitigan ko ng mabuti at
yinakap ko…

Bininyagan ko siya…

Na anak naming dalawa…


Aiden Jr. …

Chapter 8

Haii nako… kapagod talaga mag-aral ngayong third year… grrr!!! Nakoo… hirap maging matalino mga bakla… hai! Dami
daming dapat asikasuhin. Halos wala na nga akong panahong lumabas. Eh ako pa naman tong… you know. Ayoko rin
namang makulong sa bahay kahit ayoko ng too much adventure diba?

Panahon na ng math club at siguradong magpapasikat nanaman si Aiden. Bakit? Eh kasi sa tuwing math month na, hindi
mawawala ang painting contest. Kahit ako, nagtataka kung ano ang relasyon ng art and math. Pero sabi ng adviser nila,
kasi daw sa art, may calculations parin. Etc etc.

As I was saying… Duh! Yung unggoy na yun, sa galing mag-paint, impusible na hindi siya sasali. Well, yung iba nga,
sumasali na lang sa contest just for fun. At malay mo, manalo pa sila kahit 2nd prize man lang kasi alam na naman ng lahat
na ang 1st place ay siya. Eh yung ibang painting ng ibang balbal na tao sa school eh kaya ding ipaint ng isang
kindergarten… Haha! Kokonti lang naman kasi ang biniyayaan ng ganung talent sa school namin. At yah, aaminin ko, isa na
dun si Aiden. Eh ako nga kaya ko lang magdrawing pag me kopya o yung mga stick people pero may laman? Yung cute!!!
Argh basta… Yeah right…

Excited na ang lahat kung ano yung ipapaint niya. Kasi naman noh, sa ganda ng paint niya, sa tuwing magoauction na,
umaabot ng dalawang libo. Lalo na yung mga teachers… pwede na daw kasing ipaframe kahit one half illustration pa yun…
mga adik no??? ganyan sa school namin. Akalain mong may ganyang school si Pilipinas?! Well of course… you’ll never know.

Ayun. Bukas magpainting contest na. Siyempre, nagregister na siya. Pati tuloy ako nacurious kung anong ippaint niya…
kaya ano pa nga ba? Eh di tinanong ko ang kumag na unggoy…

“Hoi unggoy…”
“Alam mo… sa buong school, ikaw lang talaga ang tumatawag sa king unggoy. Sa gwapo kong to… unggoy pa pala ako…
kaya nga mahal na mahal kita eh!”
“Hai nako… Tatawa na ba ko?”
“O sige… Yung malakas hanggang sa mautot ka.”
“Langya ka talaga!”
“Ano, langka?!”
“Binge ka pa”
“Eh bakit mo ba ko biglang kinausap? Para awayin?! Uuuyy… namimiss na niya ko! Ikaw naman parang sandali lang tayo
hindi nagkita eh…”
“Tigilan mo nga ko. Hindi no… gusto ko lang malaman kung anong ipapaint mo… Pero duh, hindi rin naman ako interested
pero kung sakasakali, pwede narin.”

Haha. Patawa ka talaga Kyleen… hindi pala interested huh?!

“Sa totoo lang, impromptu ako kung magpaint.”


“Weh?”
“Oo…”

Hindi na ko magtataka no. Alam ko namang yung ibig niyang sabihin na impromptu ay hindi totoo… kasi mula pa noon, wala
na siyang ibang pinaint kundi yung mga alaala ni Lenlen…

“Ah… Eh di anong ipapaint mo?”


“Ang kulet mo din ano… sabing impromptu eh…”
“Kahit man lang tema?!!!”
“Ano bang gusto mo ipaint ko?”
“Wala naman akong pakialam kung anong ipaint mo eh.”
“Eh bat mo tinatanong?”
“Wala lang… curious lang…”
“Eh di may pake ka…”
“Hai nako… wala ka talagang kwentang kausap…”
“Kyleen, ano bang paborito mong scenery?”
“Ako?! Bakit, ipapaint mo?”
“Sige ba…”

At dahil napakayabang tong nilalang nato… nilokoloko ko yung sinabi kong ‘paborito kong scenery’. Yung totoo, sa may
dagat tapos nakatapat na buwan. Pero siyempre iniba ko… yung mejo weird na scenery.

“Uh… ganto… May lambak tapos may dagat. Sa dagat andun yung sunset at pink na clouds. Sa may lambak, may puno ng
balete tapos andun yung buwan at yung mga stars. Tapos dun sa may baybay dagat, may sementeryo. Well actually, hindi
talaga sementeryo. May lapida na nawawash out sa dagat na nakasulat yung pangalan mo. Ah… hindi pala. Papangit na pala
pag makikita yung pangalan mo… so wag na lang. Anyway, yun ang favorite kong scenery…”

sinabi ko yun na parang… ano, hamon ka pa!


“May ganun ba talaga?!”

Hai nako. Tong isip bata na to… mag-isip nga siya! Meron bang araw at buwan na parehong nakalabas ng sabay?! At may
sementeryo bang nasa dagat?!!

“Ay oo… meron na meron… actually, labas ka lang ng school meron na…”
“Weh? Talaga?”
“Hai nako! Namimikon ka talaga no! Ewan ko sayo!”
“Eh paborito mo yun eh… eh di ibig sabihin, totoo nga. Naniniwala naman ako sa lahat ng sinasbi mo eh…”
“Ewan ko sayo. Nananadaya ka ata eh!”

Tapos binato ko siya ng chalk…

“Ay ***!”

[well actually kaya *** yun kasi hindi ko narinig yung sinabi niya]

“Aba! Minumura mo na ko ah!”


“Hindi kita minumura… minamahal nga kita eh…”
“Ang corny mo! Mamatay ka na nga Aiden!”
“Mamamatay ako dahil mauubusan ako ng hininga sayo.”
“Ha?!”
“Kasi nga, you take my breath away.”
“Kadiri ka Aiden. Kung ano ano pinagsasasabi mo.”
“Ikee. Ayan nanaman yang dalawang yan oh.”
“Konti na lang magkakatuluyan na yang dalawa na yan.”
“Korek Nica. Jan nagumpisa ang lolo’t lola ko eh.”
“Whatever Geanne! Mga nakabaro’t saya pa ang mga lola natin nun! Hindi uso ang love team ng isang unggoy at ng isang
tao!”
“Wow. Ngayon ko lang nalaman na tao ka pala.”

From there, hinabol ko siya hanggang sa matamaan na siya ng chalk.

The next day, painting contest na. Nasa conference na silang lahat. At kami na hindi kasali, nagkaklase. Bukas pa kasi
pwede tingnan yung mga painting…

“Kai.”
“O Jake, bakit?”
“Wala lang. Mukhang napapalapit na kayo ni Aiden ah.”
“Hindi ko na matandaan kung pangilang beses mo na sinabi sa kin yan.”
“Eh kasi…”
“Eh kasi?!”
“Oi Mr. and Mrs. Enriquez!”
“Langya ka Migs!”

Ayun, nagwrestling silang dalawa. Hindi ko naman alam kung bakit. Basta bigla na lang silang nagdaganan sa harap ko. Ako
naman, tawa lang ng tawa. Hindi pa ata sanay si Jake na tinatawag kami na Mr. and Mrs. Enriquez (Enriquez yung apelyido
ni Jake). Ako, nasanay na.

“Kai, sabay tayo mamaya.”


“Sige.”
“Ayie. Ayan na! Kumikilos na si Jakey!”
“Bakit ba ako sinumpang maging single forever!”
“Eh hello Nica, sino ba jan ang man-hater?!”
“Koreksyon! Semi lang!”
“Ganon na rin yun.”
“Kung ako sayo Nica, maghanap hanap ka na. Baka tumanda ka ng dalaga niyan.”
“Magsama kayo ni Geanne! Third year high school pa lang tayo! Kung magisip kayo akala niyo pwedeng pwede na kayo
magpakasal! Sige, magpakasal na kayong apat! Ako ang magkakasal sa inyo!”
“Ha?! Ano ba yang pinagsasasabi mo Nica?!”
“From now on, Sister Nica na ang tawag niyo sa kin!”
“At kalian pa pwedeng magkasal ang isang madre? Bago yun ah.”

Siyempre tawanan naman kaming magkakabarkada.

Nung uwian na, ayun, naghintayan kami ni Jake. Sumakay na ng tricycle sina Nica, Migs at Geanne. Eh dahil wala pa naman
yung sundo ni Jake, hinatid niya muna ako hanggang bahay. Nakasakay kami ng bike ko, pero siya yung nagddrive, ako
naman nakaupo.

“Pano mabuhay na walang nararamdaman?”


“Ha?”
“Ang dami dami kasing nagsasabi na, manhid ka.”
“Oo nga. Madami na. Hindi naman talaga ganun yun. Manhid lang ako pagdating dun sa mga taong may gusto pala sa kin.”
“Bakit nga ba?”
“Ewan ko. Pinanganak na ako na nakatatak sa isip ko na hindi ako maganda.”
“Bakit, sa tingin mo ba sa mga magaganda lang talaga nagkakagusto ang mga tao?”
“Malay ko. Basta ganun na yun.”
“Ah… Kai…”
“Ano yun?”
“Naisip mo ba kung…”
“Kung?”
“Kung tayo… na lang…”
“Ha?”
“Ano—ang ibig kong sabihin… kung tayo na lang sa mundong to… parang ganon. Kunwari namatay na yung mga mahal
natin sa buhay…”
“Ha? Hindi. Hindi pa naman tumatatak sa isip ko ang ganon.”

Hindi na siya nagsalita hanggang sa naihatid na niya ko ng bahay. Pagkatapos niya magwave, umalis na agad siya tapos
sumakay ng tricycle.

Recently… my best friend’s acting weird.

At dumating na nga ang bukas. Siyempre, tiningnan na namin yung mga paintings. Yung iba, halatang just for fun nga.
Haha… may favoritism nga ngayon yung math club kasi nakaseparate yung mga magagaling sa mga just for fun… haha!
Yung mga professional nakalagay dun sa may sort of stage at sa baba pa nun… sa kalahati ng conference na yung iba…

Siyempre, di maiwasan na pagkaguluhan yung painting ni Aiden. Medyo maraming tao na gusto tumingin. Pero ako, wag
muna. Sabihin pa nung ungas na yun ay nakikifans ako…

“Kyleen!”
“Ha?!”
“May airport ba malapit dito?”
“Hello!!! As if naman!!! Naia lang ang pinakamalapit dito! Yun ay kung matatawag mo nga yun na malapit. Bakit?”
“Baka nga yung puso ko lang yung naririnig kong nagtatake off. Andito ka kasi eh.”
“Kung wala kang sasabihing matino, makakaalis ka na.”
“Eto naman. Nakita mo na ba painting ko?”
“Bat ko titingnan yun?”
“Ay…”
“Nu ka ba! Eto naman, kahit na kinasusuklaman kita, titingnan ko parin yun. Marami lang tao. Painting mo na nga lang ang
cute sayo eh…”
“Salamat sa papuri! Ang cute mo talaga!”
“Alam ko na yan dati pa…”

Ayon. Pero pag pumupunta akong conference, laging puno ng tao. Kaya laging nauudlot. Kaya nga nung awarding ko nalang
napagdesisyunan na tingnan yung painting niya… as usual… alam ko namang makakasali siya eh…

Inannounce na ni Sir Jay yung tatlong placers… pinapakita yung painting nila… at dun ko lang napatunayan, wala akong
future sa fine arts…

3rd Place si Kuya Jose.

*clap clap clap clap clap*

2nd Place si Ate Hanna.

*clap clap clap clap clap*

At ang first place…

Siyempre. Walang iba kundi siya, si Aiden.

Ayun, nagpalakpakan naman kaming lahat. Kaming III-Einstein, siyempre, dahil kaklase namin siya, nagsisisigaw kami sa
tuwa.

Nung pinakita yung drawing, naka landscape yung 1 whole illustration board… siyempre, enough na yun para makita ng
lahat…

At nagulat ako…

Nanadya nga ang kumag…

Aba!

Sinunod niya yung ‘peborit scenery’ ko!!!!

Hayop talaga yun oh!


Nung naglakad na ko papuntang room, narinig ko yung bulungan nina Geanne at Nica tungkol sa painting niya…

“Ang lungkot naman ng painting niya…”


“oo nga eh… sa dagat ba namatay si Lenlen?”
“Aba malay… pero grabe talaga yung idea niya no? Ang daming meaning… nakakacurious talaga kung ano yung story sa
likod nun…”

Aba! Kung alam lang nila na ako yung nag-isip nun… hai nako pag nakita ko talaga siya…

“Pangit ng mestisong unggoy!”


“Sana yung mestiso na lang, wag na yung pangit at unggoy…”
“Hay nako! Nananadya ka talaga no?!”
“Hindi ah. Bakit, ano nanaman bang ginawa ko?”
“Iexplain mo nga yung painting mo!”
“Ah… yun ba? Sa totoo lang, walang pumasok sa utak ko. At dahil ikaw lang naman laman ng isip ko, naisip ko na yung
favorite scenery mo na lang ang ipinta ko. Wirdo nga eh. Di ka ba napapagod?”
“Napapagod na alin?”
“Kakatakbo sa isip ko.”
“Langya ka talaga o! Nananadya ka talaga!”
“Ayaw mo nun? Sinunod ko gusto mo. Ako ay iyong alipin.”
“Kung may martilyo lang ako, aayusin ko yang ulo mo. Ang luwag na ng tornilyo eh.”
“Una sa lahat Kai, ang martilyo, ginagamit sa pako. Screw driver ang para sa tornilyo.”
“Ganon na rin yun! Eh sira ka kasi eh… Lahat kasi sila iniisip na…”
“Na?”

Oops. Di ko naman masabi na ang sinasabi nilang lahat ay may koneksyon si Lenlen dun sa painting…

“Wala.”
“Alam mo, lahat naman talaga ng painting ko connected sa kanya.”

Grabe… may mental telepathy ba to or what?! Pano niya naman nababasa isip ko?!

“Eh bakit ngayon?”


“Connected din.”
“Anong connect?”
“Gustong gusto niya makakita ng sunset na may pink na clouds, at buwan na maraming stars. Gusto din niya yung hangin
ng dagat… at namamangha siya sa puno ng balete. Minsan naisip narin niyang tumambay sa mga lambak…”

Wow. Minsan naisip ko tuloy na napaka ganda ni Lenlen. Siguro katulad din siya ng lalakeng to na sa tuwing pinaguusapan
na ang isa’t isa eh biglang gumagwapo at gumaganda…

“Asan dun yung sementeryo?”


“Eh sabi mo kasi.”
“Hay nako!”

What the… in a part… meron parin pala talaga akong part dun. Minsan nga, gusto kong sabihin dun sa mga nangiintriga sa
kanya na wala talagang konek kay Lenlen yung sementeryo or lapida effect sa painting… pero, parang wala na kong
magagawa dahil tumatak na sa isip nila yun eh.

Pagdating ng auction, ang konti lang ng pumunta kasi hindi daw ibebenta ni Aiden yung painting niya…

Hay! Paguwi ko sa bahay, nagluto agad ako ng canton. Canton na kasi yung tatak meryenda namin. Ahahahaha! Isa pa,
wala pa kasi sina mama at papa. Si mama kasi nag grocery. Si papa, as usual work. Sina Koko at Keisha andun sa taas
sari-sariling assignment.

DING DONG!!!

Ha?! Sino naman kaya yun? Ang aga naman ni mama at papa…

OMG. Bakit andito tong kumag na ‘to?!

“Hi Kyleen…”
“Anong ginagawa mo dito ha unggoy?! Mali ang pinuntahan mo. Hindi to zoo.”
“Hindi nga to zoo, andito naman yung kapwa kong unggoy…”
“Tumahimik ka nga!”
“May ibibigay ako sayo…”

Dun pa lang, alam ko na kung ano. Aba eh, nakita ko na agad yung hawak-hawak niya na nakabalot ng papel tapos
nakatali.

“Ayoko niyan.”
“Eh ikaw nga nakapagisip ng idea na to kaya gusto ko ibalik sayo. Uh… sabihin na nating, bigay ko sayo.”
“Ayoko ko nga! Hai nako, ibenta mo na lang yan… Pera din yun…”
“Pagkatapos ko tong lagyan ng frame…”
“Eh sino ba kasing nagsabi na ipaframe mo at Ibigay mo lang sa kin?”
“Tatawagan ko si mama…”
“Eh di magsumbong ka sa mama mo. Katawa ka rin ha, mama’s boy ka pala.”
“Tonge hindi naman mama ko. mama mo ang sabi kong mama..”
“ANONG MAMA KO?! At bakit ka nakiki-mama?! Hoi! Baka masampal ka nun!”
“Eh ano naman, magpapaalam lang ako kung pwede kong ibigay sayo to.”
“Ano ba!!! Aiden naman eh!”
“Eto na…”
“Oo na!”
“Ayan… mabuti…”
“Akin na nga!”

sabay kuha nung painting na parang may choice ba ko?! Eh baka magpaalam ka pa diyan sa mama ko.

“Ingatan mo yan ah. Minsan lang ako magbigay ng libre…”


“Eh anong gusto mo magpasalamat ako sayo?!”
“Hindi. Ang binge mo talaga. Sabi ko ingatan mo yan.”

Ang labo niya talagang kausap! Nagsarcastic smile ako then with rolling eyeballs sabay irap.

“Oo na! Shoo!”

Pagkatapos niya umalis, nagbuntong hininga ako. Sinara ko na yung gate at baka kung anu ano pang sabihin sa kin. Ano ba
yan, ano bang gagawin ko dito? Hindi naman talaga ako masama para itapon tong painting niya… tapos pinaframe pa niya…
buntong hininga again and again.

Pumasok na ko sa loob ng bahay at nagwonder kung san to pwedeng ilagay… sobrang laki… well not that big pero malaki.
Ilang craypas at watercolor naman ang ginamit niya dito?! Astig nge eh… natapos ng isang araw. Feeling ko, sa kanya, wala
pa tong effort.

So wala akong choice kundi idisplay sa kwarto ko… meron pa namang space sa wall kaya dun ko nilagay…

Pag dating nina mama, nakita nila yung painting. Siyempre, pinuri nila. Totoo naman, maganda. Parang symbol ng
impressionism plus expressionism. Diba? May dark plus light colors. Abstract ba ito?! Eh!!! Di ko alam!!!

Nung tinanong nila kung kanino galing…

“Binigay po sa kin ng kaibigan ko.”

Sabay subo naman ng sangkatutak na canton para may rason ako na di na sagutin yung susunod na canton… may hinala na
ko eh.

Pero siyempre ang tanong… lalake o babae? At kasunod na tanong na yung manliligaw mo?

“Lalake po. At Ma! Wala pa nga akong balak no.”

whatever naman. Aiden?! Manliligaw?! Well, hindi siya ligaw factor. Parang mas astig kung crush ng bayan factor lang siya.

“Kasi, ako daw yung nag-isip ng pinaint niya tapos nanalo siya ng 1st place… gusto daw niya ibigay sa kin yan since idea ko
yan…”

Napatawa sina mama. Alam naman kasi nilang niloko loko ko lang yung sinabi ko pero it turned out to be really good. Too
good to be true.

Ayun… grabe…

Minsan tuloy, naisip ko na sana nakilala ko si Lenlen… parang napaka misteryoso niya… at saka…

Yung pagmamahalan nilang dalawa…

Chapter 9

After nung painting contest, wala na siyang ginawa kundi ang asarin ako. Nakakainis nga eh… asar talaga. Haynako, may
iba pa dun?

Dumating si Madam Lagu. Eh siyempre, kami naman ‘good morning po’ as always and always. Pero… di to just ordinary.

Aba! Bigla ba namang inannounce na may project kami?! OH NO!

Sabi na nga ba! Hindi ito just ordinary !!! meron ng project… Medyo sadista pa naman tong magproject. Narinig ko nga last
year, ang pinaproject niya isang video. Bahala na daw yung topic. The rarer, the better. Parang newscasting ba?! Eh
siyempre, ano ba ang rare sa teacher na to?! Eh ang gusto niya atang rare eh yung mga lalapitan yung mga may leprosy
para tanungin kung anong feeling ng may sakit na yun… interviewhin ang lalakeng nahulog sa 10-floored building pero
nabuhay parin… mga ganun?! Iba talaga tong mga ito eh…

Oo, minsan minsan lang siya Magbigay ng project. Usually, once a year lang to magpaproject. Binabawi na lang sa activities
at yun yung ginagawa niya as a project para di kami mahirapan. Mukhang masaya… pero… nako! Ewan ko na lang! mahilig
pa naman to sa mga video at pictures…

Pero dahil favorite daw niya ang batch namin, yung madali lang daw.

Wish ko lang talaga EASY is EASY and VERY EASY is VERY talaga. Wag niya lang kaming gawing parang Guinness book of
records… I wonder kung sinabi din niyang favorite din niya sial sa ibang batch.

And boom. Great way to start a day. Isang autobiography ang project namin pero dapat 50 pictures or more. The more the
better. AT may video pa ng bahay at ng family.

Ayon. Sabi na nga ba. VERY EASY pala.

Sabay sulat sa board.

40% content. 30% correct English. 20% creativity. 10% for punctuality. Siyempre pag on time, kuha na yung 10 percent
agad.

Nako.

So anyway, ayon. Naghanda na ko for this project. Kasi nga, grade conscious ako alam niyo yun. Hindi naman pwedeng
hindi ko to seryosohin. Go go go Kyleen!

Nung araw ding yun, pumunta ako sa bahay nina Jake. Gusto ko kasi as much as possible, magawa na namin yung project.

“Jakey, dun na kasi tayo sa kwarto mo! Bakit ba ayaw mo kong papasukin dun?”

Ayon. So namention ko na. never pa kong pinapasok ni Jake sa kwarto niya. Hindi pa nga niya ko tinutour sa itaas.
Hanggang dun lang ako sa baba. Hanggang sala lang ako.

Typical house bahay nila. Malaki ang sala at dining room. Sabi ni Jakey for visitors daw talaga yun. Well, anyway.

“Kai, di nga pwede.”


“Eh bakit di pwede?”
“Ayaw kasi ni mama na may pumupunta sa itaas. Ilang beses ko na ba yan sasabihin?”

Haha. Oo nga eh. Ilang beses na niya yun sinabi.

Well anyway, ginawa na namin yung part namin so go go go! Nagkasundo kami ni Jakey na sky blue ang layout niya tapos
pink naman yung akin. As usual, mejo ganon naman lagi.

Ayon. Anyway. Kumuha si Jakey ng mga pictures na pwede naming gamitin. Diba nga kasi may photographic art siya? Eh
yun. Nagbigay siya ng 3 picture ng barkada at 15 pictures ko. Hindi ko na yun ikinagulat kasi nga mahilig siyang picturan
ako. Wala naman siyang problema dun kasi may tito ata siya na manager ng isang photo company.

“Wag kang magalala. May kopya ako nian lahat sa computer.”


“Sabi ko nga eh. May dapat pa nga ba kong ipagalala?”

So yun. Nung naging mag best friend na kasi kami, nakikita ko na siyang may hawak lagi ng camera niya. At ang astig pa
dun, yung camera talaga na pang photographer. Diba more than 10K yung ganun? Regalo ata sa kanya.

Vain ang best friend ko. Haha. Vain sa kin? Tama ba yun? Minsan nga pag walang magawa, pinagmomodel niya ko and
stuff. Pinagsusuot ng kung anu-ano at pinagpopose ng kung anu-ano. Okay lang naman yun. Di ko nga alam kung saan
niya nakukuha yung mga costume na pinasusuot niya sa kin.

Kakambal na ni Jake ang camera mula pa nung bata. Kaya nung nafeel na nila na may pagka photographer ang anak nila,
pinatayuan na nila ng studio. Well, that was a long time ago. Mga 6 palang ata si Jakey. Pero nasa ibang lugar pa yung
studio niya eh. Hindi lang naman siya, pati tito niya kasama niya.

So yun. Ginawa na namin yung project namin.

“Pagod ka na ba Kai? Gusto mo ng juice?”


“Okay lang. Sabihin ko na lang kay mama na medyo late ako ng uwi.”

Ayon. Sinabi ko na nga kena mama na late ako uuwi. Alam naman nila na nakay Jake ako. Lam niyo yun. Sort of close na
rin kasi yung pamilya naming pareho.

Ayon. Trip ko din kasi yung computer nila. May bomberman! Haha. Naglalaro ako pag di nakatingin si Jake.
Ayon. Mejo 5 subdivisions away kasi yung bahay nina Jake. Pero pwede ding kaso matagal. Eh kung kotse, wa pang limang
minuto andun na kami.

So anyway, hinatid na ko ni Jake sa bahay namin. Siyempre, ang nagdrive eh ang kanilang driver.

Actually, ang konti palang ng natatapos ko. Yung information palang ng tungkol sa kin. Eh halos hindi pa nga ata ako
makagawa ng 10 pages eh! Hmph. Umabot na nga to ng 20 pages dahil sa mga dinikit kong pics. At hula ko, aabot pa to ng
30 pages pag may explanation bawat info.

Hai… siyempre dun nakasulat ang mga paborito ko and stuff. Grabe ha. Ayaw pa naman ni mama na pakielaman yung mga
albums kaya scan and print method nanaman ako. Hai. So yun. Umabot na ko ng mga 32 pages.

Okay na siguro to. Wala pa kasi yung ibang pictures. Cut. Paste. Cut. Paste. Print. Type. Print. Type.

Yehey! Tapos na ang aking autobiography! Pwedeng pwede na ipasa. Tiningnan ko yung calendar. Malapit nap ala yung
pasahan. Kung magpasa na kaya ako bukas? may credits kaya yun? Wee… sana. Sige. Magpapasa nalang ako bukas.

Nagtoothbrush na ako for the night. Ang bilis kasi ng takbo ng mga araw ngayon. Naghahabol na rin sa mga quizzes ang
aming mga teachers. So… go go go!!!

Ay! Makatawag nga muna kay best pwet.

RRRRRIIIIINNNNNGGGGG.

“Hello pwede po ba kay Jake?”


“Sino to?”
“Weh Jake.”

Tumawa siya. Sira talaga to.

“O? bakit po? Uminom ka na ba ng gatas?”


“Asus. Opo uminom na ko. Magpapasa na ko bukas ng project… ikaw, kailan ka magpapasa?”
“Sa totoo lang tapos ko na nung first week pa lang.”
“Eeeeeeeeeehhhhhh?”
“Oo… hinihintay na lang kitang magpasa.”
“Ang sama mo naman. Eh di sana dinalian ko.”
“Ano ka ba… okay lang naman eh.”
“Ah sige na Jakey… babay na ko.”
“Ang ikli naman. Sige… babay.”
“Labyu bes!”
“Uh…”
“Hui!”
“Ah… sige sige… Love you din.”
“Bat parang alinlangan ka?”
“Ha… Ah… hindi… may nakita kasi akong daga…”
“Daga?! Kelan ka naman natakot sa daga?”
“Ah… sige na… babay.”

DIAL TONE.

Ano bang nangyayari sa best pwet ko? Haha. Well anyway… sige na. at least nalaman ko na may kapareho akong
magpapasa bukas.

TUT TUT. TUT TUT.

Ui… may text… sino naman kaya to?

Galing kay Aiden.

Unggoy. Kelan ka magpapasa ng auto mo?

Bukas. Bakit? Mgpapa2long k? Hula ko, title page palang nggwa mo no?

Hindi ah. Tapos na ko. Gusto ko may kasabay ako.

Ah o sige. Sabay na tayo magpasa bukas.

K… Labyu!

Natural hindi na ko nagreply. Nagkagoosebumps pa nga ako dun sa sinabi niya eh. So yun… natulog na ko for a brand new
day tomorrow!

Nagkatinginan muna ng project namin. Siyempre, mejo may pagkaphotographic ambiance yung autobiography ni Jakey.
Yung sa akin naman may pagka Barbie ang dating. Haha.

“Eto naman! Tingnan niyo yung akin!”

In fairness, nageffort siya sa project niya. Nagbrowse ako ng konti. Nung tiningnan ko… halos bawat page eh nandoon yung
pangalan ko!

Sa dedication nakalagay sa third paragraph ‘To Kyleen Ylkivia Tuazon who has been my inspiration ever since’.

Sa acknowledgment nakalagay din ako dun ‘I would like to express my deepest gratitude to Kyleen Tuazon for motivating
me to continue my life amidst the problems and hard challenges’.

Sa likes, ang nakalagay: painting, music, basketball, Kyleen.


Sa dislikes naman: boorish and pathetic people, not seeing Kyleen.

Tapos sa ambition & dreams: I would like to be a famous painter someday, and a loyal lover of K.Y.U.T.

Haynako! Nakakairita na ito ha!

“Hoy unggoy! Ano nanaman ba tong pinaglalalagay mo?”


“Totoo yang lahat ah! Walang false statements diyan!”
“Lulukutin ko to eh!”
“Subukan mo. Sumbong kita kay Madam eh!”

Natural alam ko naman yung sinasabi niya diba. So bakit ko ba isusumbong? Eh mas malaki naman yung percent ng
content. Kaya baka mga 75 lang siya dun! Buahahaha. Kawawang Aiden.

Ayon. Yun lang naman. Marami na ring nagpasa ng project.

After one week, ayon, ang bilis ni mam na magcheck. As usual, tuwing break, nagtitipon-tipon ang barkada sa upuan ni
Geanne. Hindi rin namin alam kung bakit dun.

“Ui! Nakadisplay na pala yung mga project sa may English room!”


“99 ang pinaka mataas. Guess who.”

Siyempre, kani kanila ng bet.

“Eh kung pumunta na lang kaya tayo sa English room no?”


“Magandang ideya Migs.”

So yun, pumunta kami sa English room. Dun, nakadisplay lahat ng trabaho ng buong batch namin. Ako, 95. Si Jake 97.
hindi ko Makita yung pinakamataas na sinasabi nina Geanne.

Mayamaya, nakita ko na pumasok na si Aiden, John at Karl dun sa English room. Lumabas na ko kasama si Jake para
maiwasan ang tensyon. Maya-maya…

“Woo!!! Ako ang pinaka mataas! 99 ako!”

Nagtawanan lahat ng third year na nandun. May ibang lalake na nagappear appear sa kanya. Seryoso ba ito?! Si Aiden?!
99?!

“What the… Pano naging 99 yun?! Halatang halata na ang favoritism!”


“Nabasa mo na ba yung kanya?”
“Eh pano ko babasahin?! Eh halos bawat page nandun ako. Nakabold pa!”
“Pero nabasa mo yung content?”
“Hindi.”
“Basahin mo.”
“Pati ba naman ikaw Jake?!”
“Kahit na… ayoko talaga sa kanya… aaminin ko… maganda yung project niya.”
“Ayaw mo sa kanya?”
“Oo. May inaagaw siya sa kin.”
“Alin?”
“Yung bola na gustung-gusto ko kasama.”
“Pareho naman kayo magaling magbasketball ah—“

Nilagay niya yung kamay niya sa tuktok ng ulo ko tapos ginulo niya yung buhok ko.

“May mga bagay talaga na kahit kailan, hihintayin mo na lang hanggang sa dumating ang araw na matunaw yung yelo.”
“ha?! Ano ba yan! Nagdudugo ang ilong ko!”

Hindi naman sa nagrereklamo ako sa grade ko… nagrereklamo ako sa grade niya! Aba! Eh puro AKO yung laman eh. Hindi
ko nga alam kung saan niya kinuha yung mga pictures ko!!! Nako naman. Di ko masabi na… parang autobiography ko yun.
Haha. Ang yabang ko. Eh kasi naman… halos lahat eh andun ako.
Teka teka Kyleen. Nakita mo na balahat? As in lahat?

Tama si Jake. Hindi ko pa nga nakikita lahat eh.

Later on, nagkaroon pa ng issue na panakip butas daw ako kay Lenlen… eek ha! Never in my life na gustuhin kong maging
panakip butas lalo na sa isang unggoy na tulad niya… No way!!! Hell no!!! No nah never!!!

Hindi ko na talaga to mapapalagpas… sapakan na!!!

At hindi pa yun ang huli!!! Akalain niyo bang nasa last page yung picture ko nung grade 6 ako!!! Ang caption dun My One
and Only… Kainis talaga!!! Pag sa mga ganung pagkakataon, nagddoubt ako kung sineryoso ba niya yung Lenlen (oops…
sorry… rest in peace…) o hindi… Kulang na lang eh magkapalit kami ng pangalan eh!

Mga ganung klase ang pangaasar niya sa kin. Pero hindi siya pinagagalitan ng mga teachers. Pinagsasabihan lang siya na
seryosohin ang mga bagay bagay at wag ipaglantaran ang relasyon namin.

LECHE! Kung hindi lang sila mga teachers ko, matagal ko na silang nilagay sa shell ng balot!!! Aarrgh!!! Sino bang
nagsabing may relasyon kami?! Ilang beses ko na nga sinabi sa mga teachers na wala lang yun eh.

Sabi ba naman sa kin, Iha, Okay lang ang puppy love. Wag lang masyadong PDA. Di mo rin naman kailangang ideny…
there’s no need… pero sana, dahan dahan lang…

Mga sira pa la toh eh!!! Kahit teachers tong mga to babatukan ko tong mga to! Aba eh buti gusto ko din maging teacher
kaya… inhale… exhale… easy ka lang Kyleen. Nakoooo!!! Buti at hindi ako pinanganak with muscles!!! Nakoo itech talaga!!!
Ang chaka mga bakla!!! Pigilan niyo nga ako!

Dumating si Mam Lagu out of the blue. Eh break naming nun. Pinadistribute sa kin yung mga project sa section namin.
Siyempre yung wala, nilagay ko sa table.

Ayun, kinuha na namin yung mga autobiography namin. Since wala pa si Jake, kinuha ko yung kanya.

Sa ilalim ng project ni Jake, yung kay Aiden. Kinuha ko at balak kong hindi na ibalik para hindi niya matago tong project
niyang puro ako eh di naman pala siya seryoso (haba nung sinabi ko ang shortcut lang naman eh itatago ko yung project
niya. Haha!) Ayun, pagdating niya, hindi niya Makita yung project niya. Buti nga sa kanya noh!

Binigay ko yung kay Jake. Tapos pinagbintangan pa ko ni Aiden. (in fairness ang lakas ng power niya ha… akalain mo yun,
ako lang ang tinuturo niya na kumuha ng project niya! Grr…) Pero paulit ulit kong sinabi, ‘hindi nga ako, bat bang kulit mo?’

“Alam ko naman kasing ikaw lang ang kukuha non.”


“Maraming nagkakagusto sayo at hindi ko nga alam kung anong nagustuhan nila sayo. Bat ako lang pinupuntirya mo
diyan?!”
“Ayon! Buking ka na! May gusto ka nga sakin! Ibalik mo na! Wag kang maglala, sasagutin naman kita pag nanligaw ka eh!”
“Magpakain ka muna sa buwaya bago ko gawin yun!”

Pagdating ko sa bahay, nilapag ko na yung gamit ko. Tapos naligo at kumain ako. At yun, nung matutulog na ko, nagtooth
brush muna ko.

Humiga na ko… at tumingin sa ding ding ko na may glow and the dark na stars. Naalala ko yung autobiography ni Aiden, di
ko alam kung bakit.

At least, pag nabasa ko na, malalaman ko nga kung ako lang talaga laman nun.

Tiningnan ko yung first page at yun… nakita ko nanaman yung pangalan ko. Grabe, nakakainis talaga!

Pagkabasa ko…

Dun ko lang nalaman na, anak pala siya nung second girl ng daddy niya. Hindi siya legal son. (tama ba?) Pero since hindi
magkaanak yung legal wife nung dad niya, inampon na lang siya.

No one knows kung nasan na yung totoo niyang mama. Yung mother naman niya ngayon, tinuturing siyang totoong anak.
Buti na lang hindi nagaya yung kwento niya dun sa iba na sobrang lupit nung mga legal wife sa not-so-legal-child.

It hurts my heart pag nababasa ko yung not legal dito sa autobiography niya. Though mejo natawa ako nung nakalagay,
I’m not a legal son, but I’m not illegal. That does make sense?

Buti na lang, naisulat pa niya yung totoong buhay niya. Nakasabi pa nga: I’m not ashamed of my past for that past made
the present Aiden.

Tapos tiningnan ko yung fourteenth page. binasa ko. May nakalagay dun na medyo sooper nagtaka ako… (haha… mejo na
nga sooper pa. katawa ka talaga Kyleen!)

‘I already fell in love with her, and I still love her. I wish she could and would come back to me.’

Yun ang nakalagay… sort of na header sa gitna nung page. Aww… nakakalungkot naman.
Habang binabasa ko yung tungkol sa kanya… nalaman ko na napakamisteryoso niya.

Gulat ako. Ibang klase din siya magisip ano? Ngayon, di na ko magtataka kung bakit siya naka 99. And then… habang
tinuloy ko ang pagbabasa. Lalo akong nagdoubt kung nagsasabi siya ng totoo… o sadyang nilalaro lang niya ang mga tao sa
paligid niya?

Natulog ako na nagtataka… ano ba? Nagsasabi ba siya ng totoo o nagsisinungaling siya? Totoo bang patay na si Lenlen? O
gawa gawa lang niya yun para makakuha ng simpatya? Ano ba talaga? Tiningnan ko ulit yung mga salitang kinapagtaka ko
sa autobiography niya…

‘I’m a liar yet I say the truth. I’m paradoxical yet I have consistent decisions. I hate her for leaving me but I love her for
coming back. I’m Aiden Smith.’

Nosebleed.

Sino bang hindi magtataka kung nagsasabi siya ng totoo? Eh halos puro sarcasm ang ginamit niya…

Ano nga kaya?

Chapter 10

My days have been the same.

Dumaan na ang maraming araw eh wala siyang pinapalagpas na minuto hangga’t di niya ko naaasar. Buti na nga lang eh
ssssssssooooooooppppppppeeeeeeeerrrrrrrr haba ng pasensya ko kung hindi matagal ko na siyang nilibing ng buhay,
binabad sa toilet na punung-puno ng Clorox at sinampay under the heat of the scorching sun!

Ayun, back to present time na okay? Tama na ang asar asar effect ni Aiden… hindi rin naman ako papatalo kung saka-
sakaling hamunin niya ko ng suntukan sa field… babae sa bakla!!! Hay nako itech… Ayun. Itong araw na to, halos walang
teachers kasi may laban sa ibang school. At dahil yung ibang teachers tinatamad ding pumasok, halos buong araw kaming
walang klase.

Kakagaling ko lang ng canteen tapos narinig ko yung mga classmates ko na naguusap sa kung anong pwedeng gawin. Yung
iba kasi nakahiga. Yung iba naman nagsusulat na lang sa board ng kung anu-ano. At ako? Di muna ako nagsalita.

“Sana hindi na lang tayo pinapasok. Ano kayang gagawin natin dito?”
“Eh di sana nakanuod pa ko ng tv… Hainako… dineklara na lang sanang holiday ngayon. Meron bang students’ day?”
“O eh di anong gagawin natin ngayon?”
“Mr. Presy!!! Ano ng gagawin natin?”
“O sige, igilid niyo yung mga upuan.”

Woo! Heto na po ang superhero ng III-1!

Ayun, tapos ginawa namin yung sinabi niya. Si Jakey talaga! Dedicated president ata yan! Kaya nga siya lagi naming
binobotong president kasi nakakaisip siya ng paraan para hindi kami mabore. Hindi namin alam kung anong gagawin namin
pero may hinahanap siya. Aba malay namin kung ano.

“Tara upo na tayo.”


“Ano bang gagawin natin Jake?”
“Truth or dare”

Ayun, para kaming mga timang na sabi namin, dare na lang dare. Ayun. Siyempre nagkaikutan ng bote. Yung iba
napasigaw ng ‘bakla ako’ sa quadra. Yung iba nagmacho dance sa pinto. Nung natapat kay Nica… Ako yung nagtanong.

“Nasaktan ka ba nung naging sina Geanne at Migs?”

Ayun… kinilig ang lahat. Pati nga si Geanne at Migs hinihintay yung sagot niya. Siyempre, bawal na ang bawian, kaya yun.

“Oo.”

Tapos tinuloy nia.

“Pero nung time kasi na yun, akala ko may trauma pa talaga ako dun sa ex kong halimaw. Eh nung napagdesisyunan ko na
isikreto na lang na sagutin ko si Migs, nalaman ko na lang na gusto ni Migs si Geanne. Eh ako naman may kasalanan. Past
na yun, tanggap ko naman eh.”

Ayun. Pero masaya parin si Nica. La naman siyang pinagsisihan kasi masaya naman daw ngayon sina Migs at Geanne.
That’s what we call FRIENDSHIP!!! Yehbah!!!
Inikot na niya yung bote. Natapat sa kung sinu-sino hanggang sa mapunta kay—

“O pano ba yan! Ikaw na Kai!”


“truth o dare?”

Di ako makapili. Aba! Kung truth eh baka kung ano pa tanungin sa kin. Alam ko namang it’s either si Jake lang yan or si
Aiden. Kung dare naman baka ipasigaw nila sa kin na mahal na mahal ko si Jake. (kasi si Jake talaga main issue sa kin).
Mga tipong ganun. Kaya di ako makapili… And after a few moments…

“Dare na lang nga!”


“O eto… halikan mo sa pisngi yung 5 lalakeng pinaka type mo sa classroom. Yung huli yung pinakagusto mo.”
“Eh anu ba yun!!!”
“Wala ng bawian!”

So ayun. Ang una kong hinalikan eh si Migs. Nagsori ako pa nga ako kay Geanne. Tapos si Mike. Hai salamat, tatlo na lang!
Ayun, hinalikan ko si Justin. At dalawa na lang…

Nakita ko si Jake…

At nakita ko rin si Aiden.

Shacks naman oh! Ang hirap… hmm… pag pinili ko si Aiden, baka sabihin niya crush ko siya. At pag pinili ko si Jake,
sasabihin nila may relasyon kami.

What’s worse?

Kaya guess who?

Mas nauna kong hinalikan si Jake sa pisngi, tapos binulong ko sa kanya,

“Umiiwas lang ako sa issue, wag mong pagkakamalan na may gusto ako sa kanya okay?!”

Tapos hinalikan ko na yung ungas. Nagtuksuhan sila, pero di ako affected. Eto namang unggoy na to eh paulit ulit na
sinasabing hinalikan daw siya ng prinsesa niya at gusto ko daw siya.

“Hoi baliw! Umiiwas lang ako sa issue! Wag kang presko!”


“Asus, eh issue na nga to Kyleen eh!”

Tapos nagsigawan na silang lahat. Inikot ko yung bote tapos natapat kay Geanne. Parang nag 360 degrees nga lang eh kasi
that time katabi ko siya kaya yun, sinabunutan ako!

Eto benta! Pinahalik namin sa cheeks kung sino yung next na gusto niya bukod kay Migs. Actually, pasimuno ko. Gusto ko
lang malaman. Hehe.

“Traydor ka Kaaaaaaai!”
“Eto naman! Para lang malaman ng buong sanlibutan kung sinong gusto mo after ni Migs.”
“Eh lahat naman magkakagusto dito eh!”
“Aba! Sino yang nilalang na yan!”
“Si ano—si Jake.”
“Ako?!”

Tapos nagtawanan kaming lahat. Eh kasi naman, kung hindi si Jake ang gusto ng mga babae, si Aiden. Palitan lang naman
yan. Yun nga lang, si Jake handang makinig. Si Aiden? Ayun, natutulog. Humilik pa nga ata.

Sabi ba naman ni Migs,

“Hoy pare. Suntukan tayo mamaya ha.”

Tawanan naman kami. After ni Geanne, si Migs yung sumunod na biktima. I wonder kung anong ipapadare sa kanya ng
mga tao. Eto namang si Jake, ayun, siya yung nagsabi ng dare.

“Dare.”
”Sampalin mo si Geanne.”

Awww!!! Ang sakit naman nun!

“Hoi Jake, baka gusto mong magsuntukan kayo ni Migs o magsabunutan kayo ni Geanne!!! Hirap ng pinapagawa mo!”

Nagtawanan yung mga kaklase ko.

Tumayo si Migs tapos sinampal si Geanne. Pero DUH. As if naman magagawa ni Migs yun sa kanyang pinakamamahal. Ano
ba yung sampal na yun… hangin?!?! At may bonus pa na kiss! Eto talagang dalawang to.

Isa pang ikot. Napunta sa mga iba ko pang kaklase hanggang sa napunta kay Jake.
Jake.

Kagulat gulat nung si Aiden yung nagtanong na kanina pang tahimik at wala man lang imik. Gulat ako nung bigla siyang
nagising.

“Katotohanan o hamon?”
“Katotohanan?”
“May gusto ka ba kay Kyleen?”
“Oo.”

Leche! Ang bilis nun ah! Ni hindi man nga lang nasaktan si best pwet dun sa pisil eh. Kinindatan niya ko after, ibig sabihin,
joke lang yun… though, may tuksuhan.

“Hindi ako papayag na ganun lang!”


“Ako din ako din! May iba kaming ipapagawa!”
“Anduya. Kayong dalawa talaga. Mga sadista talaga kayo.”
“Ang gusto namin, tumingin ka sa mga mata ni Kai, hawakan mo yung mga kamay niya, tapos sabihin mo na mahal na
mahal mo siya!”
“Ang galing talaga ng babes ko oh.”
“Migs kasama din ako sa nagisip nun.”
“Oo sige magaling ka din.”
“nako pag ako talaga nakahanap ng pari!”
“Tumigil na nga kayong tatlo jan.”
“Nagaagree ako sa kanila.”
“Pati ba naman ikaw Aiden?!”

Tapos ayon. Eh kahit hindi naman ‘kiss’ yung hinihingi nung dalawang bruha at nung isang bruho, kiss yung sinisigaw ng
sanlibutan. Nako naman!

Ayon, pumunta si Jake sa kin. Tawa ako ng tawa. Alam ko namang di niya to seseryosohin eh. Silang lahat tumatawa din at
nagtutuksuhan. ay ewan.

Lumunok siya ng laway. Tapos nagbuntong hininga.

Nagulat ako nung pagtingin ko sa kanya, seryoso yung mukha ng bespren ko. Yung pagtitig niya sa mga mata ko, parang
kinabahan ako ng sobra.

“Mahal na mahal kita… Kai.”

For a moment, tumahimik. Si Migs yung unang nagingay.

“A—yee!!!”

Pagkatapos nun, nagsigawan na sila. Pagkatingin ko kay Aiden, nakatulog na siya ulit. Ayon, tuksuhan ng tuksuhan. Inikot
yung bote at halos lahat nagkaaminan na. Maliban na lang sa isang natitira…

At ang last na natapat eh walang iba kundi yung unggoy na ungas na pinaglihi sa butiki at uod na binudburan ng asin.

Humikab siya.

“Sabi na nga ba. Ako ang huli. Ang boring.”


“Truth o dare?”
“Dare…”

Wow… in fairness ang tapang niya. Nagbulungan sina Migs at Geanne. Oops… Ewan ko. parang kinilabutan ako ah.

“O sige… yakapin mo si Kyleen ng 10 seconds…”


“10 seconds lang?”
“Tumahimik nga kayo!”

Tapos yun, lumapit si Aiden sa kin. Shacks… Eeeewww!!! Kaadddiiiirrrriii!!! Hai! My goodness gracious!! Nagsigawan
nanaman lahat ng tao. Bigla kong naisip…

Lapitin ba talaga ako ng issue? Kulang na lang eh ilagay ako sa tabloid at sabihing: isang estudyante sa high school,
tinambakan ng mga chismis! Ay ewan! Ano ba naman to oo.

“Hoi ikaw! Di ko to gustong gawin ah!”


“Aba eh lalo naman ako! Ayokong gawin mo to sa kin!”

At yun, yinakap niya ko. Halos masuka na nga ko eh. Nagbilang ang lahat.

10.
“Wag mo nga higpitan!”

9.

“Bakit, ayaw mo?”

8.

“Duh obvious ba!?”

7.

“5 seconds na lang… kaasar naman!”

6.

“Aba! Buti nga mag 0 na eh!”

5.

“Alam mo…”

4.

“Ano?!”

3.

“*buntong hininga*”

2.

“Ano ba?!!!”

1.

“Nayakap ko na rin si Lenlen ng ganito…”

0.

Ayun. Tapos humiwalay na siya. Ano raw? Nayakap na daw niya si Lenlen ng ganun? Anu yun, parang napilitan lang din si
Lenlen tulad ko ngayon? Hai… nakoo naman! Lalo talaga akong nacucurious…

I can’t help but to keep some secrets to myself.

Teka teka… anong sikret Kyleen?! Nasisiraan ka na ba or what?!

Ah… ewan ko ba kung bakit ko nga yun tinatago. Yung curiosity ko kay Aiden at dun kay Lenlen. Siguro kasi… masakit para
sa kanya lahat ng nangyari kaya tinitiis ko na lang yung urge ko na tanungin siya about her…

Anong urge?! You’re funny Kai. Ayan, kinakausap mo nanaman yang sarili mo.

Tapos nagbreak na. Ayun, kumain kami. Pero dahil wala paring klase nung bumalik kami sa classroom… umupo muna ako
sa upuan ko (san pa ba ako uupo?)

Sina Jake nagbasketball. Tapos yung iba pumuntang canteen. At ako? Ayon natulog na lang ako kesa kung ano pang gawin
ko.

“Hoi…”

Pagkagising ko… isang pawis na pawis na Aiden ang sumalubong sa ken. Eeek!!!

“Lumayo ka nga! Yuk kadiri! Pawis na pawis ka na!!!”


“Ano ba yan. Tinigil ko nga yang basketball para sayo tapos…”
“Wala kong care! Haynako… Shoo… shoo away ka nga!”
“Naman to eh. Bakit ka andito at mag-isa ka lang?”
“Eh nakakapagod magliwaliw no.”
“O sige, dito na lang ako para sa prinsesa ko.”
“Alam mo minsan naguguluhan ako kung may gusto ka ba sa kin o wala. Minsan ang tamis ng mga salita mo. Minsan para
kang manloloko. Ewan ko ba!”

Tapos lumunok siya… at tumawa ng naaaapakalakas.

“Ano ka ba! Di ako magkakagusto sayo no! Asa ka lang!”


“Sabi na nga ba eh… Bulaan ka lang! Eh bat mo sinasabing may gusto ka sa kin tapos maya maya mangaasar ka na lang ?!”

Tinawanan lang niya ko. Doon alam ko na. Alam ko na inaasar lang niya ko para may mapagtripan and stuff. At sinasabi
niya na may gusto siya sa kin dahil parte yung ng pangaasar niya. Ayun, tapos di ko na siya pinansin. Aba… kapal ng
mukha niyang paglaruan ang pagkababae ko! Hmph!

“Pero alam mo, minsan nga tinatanong ko yung sarili ko kung may gusto nga ba ako sayo o wala…”

Ano daw?!?!?! Have I heard him right?!?!?!

“Ang labo mo talaga pare.”


“At…”
“At ano?”

Huminga siya ng malalim tapos naglakad na papunta sa pinto… alam ko ng aalis na siya… pero bakit naman siya aalis?! Ang
gulo gulo talaga niya…

“At kung nakalimutan ko na nga ba siya.”

Ouch.

OUCH?! Anong ouch?!

Ayun lamok!

*pak*

Nung bandang uwian, ayun, nagprisenta nanaman si Jake na ihatid ako sa bahay. Nagtataka nga ako kasi halos lagi na niya
ako hinahatid tapos nagtatricycle na lang siya pabalik ng school.

“Ay Jake…”
“Ano?”
“Wala lang. Kasi… Alam mo nakakatakot ka kanina…”
“Ha? Bakit?”
“Eh kasi… yung mga mata mo kanina parang lalamunin ako.”
“Ha?! Ikaw ba yan Kai?!”
“Bakit?!”
“Eh kasi, karaniwan wala lang sayo yun.”
“Eh nakakatakot ka kaya! Ngayon lang kita nakitang ganun!”
“Hindi ka naman kasi… tumitingin na derecho sa mga mata ko eh.”
“Ha?! Ano ba yang sinasabi mo?”
“Wala.”
“Jake naman eh!”

Tumawa siya. Pinipilit ko siyang sabihin kung ano yung dapat niyang sabihin pero ayaw niyang sabihin. Hay nako! Pasaway
talaga tong si Jakey.

Tapos natandaan ko nanaman yung linya na sinabi sa kin ni Aiden.

At kung nakalimutan ko na nga ba siya…

“Hui Kai! Kumapit ka nga!”

Ayon, buntik na ko mahulog sa sarili kong bike na drinadrive ng bespren ko ngayon. Ewan ko kung bakit biglang lumuwag
yung kapit ko sa kanya.

“Bakit?”
“W—wala. Naisip ko lang si Aiden at yung deds niyang gf.”
“Kahit kailan, hindi mo talaga iniisip yang mga sinasabi mo.”
“Ha? Na alin?”
“Hindi mo naiisip kung iba ang iisipin sayo ng ibang tao sa mga sinasabi mo.”
“Eh alam ko naman na kilala mo na ko eh. Alam ko namang—“

Tumigil yung bike, andito na pala kami sa bahay.

“Alam ko namang hindi mo kayang magmahal ng ganun ganun na lang.”

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa sinabi niya. Pero more of… natuwa? Dahil… alam niyang hindi ako easy
to get… at alam niyang kikilalanin ko muna yung tao in case na main love ako.

…In case.
Chapter 11

Hai ewan ko na. Minsan nga matutulala na lang ako at iisipin siya. Todo to da deny naman ako sa konsensya ko na may
gusto ako sa kanya. Yuk ha. Neber in my layp akong nagkagusto… at magkakagusto pa ko sa isang unggoy pa?

Kakain muna ako ng elepante ng buo bago pa mangyare yun no.

Pero di nga. Minsan talaga tumitibok yung puso ko ng malakas pag naiisip ko siya.

BOG!

Ampupu naman eh! sinong nagbato nun?!

“Woo! Strike 1!”

Tumawa si Aiden. Bwisit to ah.. batuhin ba naman daw ako ng notebook?

Binabawi ko na yung sinabi ko. Well, oo siguro nung time na yun. Siguro nga hindi ako sa kanya nagkakagusto pero dun sa
pagmamahal niya kay Lenlen.
Haha… pwede pala yun ano? Ang mainlove sa love.

Siguro nga… pusible yun… naging pusible sa kin eh.

“Jake… May itatanong ako sayo.”


“Ano yon?”
“Pwede bang mainlove sa love?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Ganito kasi yun. Tingin ko kasi… in love ako.”
“In love ka?! Kanino?”
“hindi sa kanino. Pero sa ano.”
“Wag mong sabihing… may pagka bestial ka…”
“Hindi no ano ka ba!”

aba! Sabihin bang maiinlove ako sa hayop?! Hinayupak tong best pwet ko… pinalo ko nga siya sa chan.

“Hindi… tingin ko kasi… in love ako sa pagmamahalan ni Aiden at ni Lenlen.”


“Sigurado ka bang sa love ka nila in love? O baka naman kay Aiden mismo…”
“Eto naman! Isa pang ulit… tatamaan ka sa kin.”
“Oo na… pero… pwede ba yun?”
“Mm… siguro. Nangyari na sa kin eh. Ewan ko ba. Mula nung nalaman ko yung tungkol sa kanila… parang nahiwagaan ako.”
“Bakit… ano bang sinabi niya sayo?”
“Minsan kasi napapatanong ako sa kanya kung may gusto ba siya sa kin. Minsan ang isasagot niya ‘oo’. Minsan naman
‘hindi’. Depende kung anong gusto niyang isagot. At ang masagwa pa dun, nag aaylabyu din siya sa ibang babae. Aba ewan
ko. Ang gulo gulo kasi niya… pero pag tumatahimik na siya… dun lalabas yung softer side niya.”
“Ah. Siguro kasi… tinatago lang niya yung totoong nararamdaman niya.”
“Anong totoong nararamdaman?”
“Manhid ka nga pala no… kaya di mo alam yun.”
“Gusto mo ba makakita ng lumilipad na chinelas papunta sa mukha mo?! Jakey naman eh! mangaasar pa.”
“Oo na.”

inakbayan niya ko.

“Siguro kasi… yung pangaasar niya sa ibang tao… yung pagiging masayahin niya… nagkukunwari lang siya… paraan niya
yun para makalimutan yung nakaraan niya.”
“Eh kailan pa ba yun? Ang alam ko grade 4 o 5 namatay yung gf niya ha… ang tagal na non.”
“Hay nako… heto nanaman po ko sa for-the-manhid-lessons natin. Ganito kasi yun… kahit gaano pa katagal ang lumipas…
basta madami kayong alaala…at mahal niyo ang isa’t isa… kahit bilyong taon pa, masakit parin yan sa puso.”

Ah… ganon pala yun. Nakakaawa naman pala si Aiden. So now I know… at least alam kong hindi na ko dapat magpadala sa
mga pangaasar niyang aylabyu etcetera.

Natural Kyleen! Pang ilang babae ka na ba na pinagsabihan niya ng ganon?! Ikaw talaga… hindi ka pa nadala.

So yun. After ng classes, tutal Saturday na bukas, mejo late ako nagpauwi. Nagdecide ako na pumunta muna ng
playground.

“Kai.”

Huh… sino naman yun?

“Aids?”
“Siguro pag nagkaanak tayo… tatawagin na natin yung Kaids.”
“Ampanget. Parang ewan. At una sa lahat, sino bang nagsabi na magkakaron tayo ng anak? Di ko rin naman balak na
pakasalan ka. Baka chanak pa maging anak ko.”
“Kung chanak man… alam mo na kung kanino nag mana yun…”

tapos nag smile siya… evil smile.

“…Sayo.”

Tumawa siya. Sa totoo lang natawa din ako dun. Asar nga lang.

“Tumigil ka nga.”
“San ka punta?”
“Playground. Sama ka?”
“Sure. Anong oras mo ba kailangang bumalik sa langit?”
“Haynako Aiden. Tigil tigilan mo nga ako.”

Tapos pumunta na kami sa playground sakay ang mga bike namin. Kahit 6:30 na ng gabi, hindi parin talaga lumulubog ang
araw. Ang weird nga eh. mag susunset palang. Parang tinatamad si mr. sun na bumaba.

“Prinsesa ko, anong gusto mong pangalan ng anak natin?”


“Baka gusto mong maupakan?”
“Hindi naman. Tinatanong ko lang kung saka sakaling may mangyari sa tin.”
“Baliw ka pala eh.”

Tapos napabuntong hininga ako.

“Alam mo, alam ko na.”


“Alam mo na ano?”
“Na kaya mo ko tinatawag na prinsesa. Na kaya mo ko inaasar araw-araw. Kung bakit minsan ang sweet sweet mo sa kin at
kung bakit minsan para kang sinapian ka ng kung anong maligno. Alam ko na kung bakit minsan sinasabi mong gusto mo
ko at minsan naman sinasabi mong hindi. Alam ko na kung bakit…”
“Bakit nga?”
“Para makalimutan siya.”
“Sinong siya?”
“Si… si Lenlen.”

Silence.

OMG. Sana may lumabas na salita sa kin… o kahit man lang sa kanya… wah! Ayoko ng ganito… nakakailang.

“Mm… siguro nga.”

Phew! Nakahinga narin ako ng maluwag. Sabi na nga ba. Ibig sabihin, tama si Jake. Tama nga siya. Gusto lang niya
makalimutan ang lahat.

“Pwede mo namang sabihin sa kin eh… sa totoo lang… nagiging fan na ata ako ninyong dalawa.”

Tumawa si Aiden. Yun ang pinakamalakas na tawang narinig ko. Pero kahit yun na yung pinaka unmanly laugh na narinig
ko, may nakita parin akong cute sa kanya…

His dimples. Haha.

“Bakit ka tumatawa?! May nakakatawa ba?”


“Tingin ko meron.”
“Alin don?”
“Wala.”

Tapos ginulo niya yung buhok ko na para akong bata.

“Aiden ano ba! Buhok ko!!!”


“Kaya mahal na mahal kita eh.”
“Tajakan kita eh. Wag mo na nga sabihin yan kung hindi rin naman totoo.”
“Eh totoo nga eh. Kaya paulit ulit kong sinasabi hanggang sa magdugo yang mga tenga mo.”
“Ewan ko nga sayo! Ang gulo gulo mo kausap!”
“Marunong ka bang tumugtog ng kahit ano?”
“Yehp. Guitar.”
“Samahan mo ko bukas. Jamming tayo. Sunduin kita sa inyo.”
“Hoy! Parang kung magsalita ka sasama na ko sayo ah! Tsaka mas sikat ang jamming kung all boys. Sina John nalang
imbitahin mo.”
“Bakit, lalake ka naman ah?!”
“Ikaw talaga! Halika nga dito!”

binato ko siya nung isa kong school shoes.


“Alam mo… hindi cute sa inyong mga babae ang magbabato ng sapatos.”

Pinulot niya yung sapatos ko tapos sinuot niya sa kin.

“Sige na. kita kits tayo bukas.”


“Bawal ang lalake sa bahay!”
“Bakit si Jake at Migs? Nakapunta naman na ako sa bahay niyo ah.”
“Kilala na sila ng mga magulang ko eh! Tsaka may purpose naman yung pagpunta mo! Aynako! Wag ka ngang makulit!
Bawal ka dun!”
“Eh di kung ayaw mo mapahamak,”

sabay sakay sa bike niya,

“Abangan mo ko sa labas.”

Tapos umalis na siya.

“Hoy!!!”

kumaripas ako ng takbo para habulin siya… tama ba naman daw yon?! Iwan ako WITHOUT A CHOICE?!

“Nako naman!!!”

yung lang ang naisigaw ko sa playground. Argh! Dapat di ko na siya pinasama sa playground!

So yun. No choice nga ako. Di nga ako makatulog eh. Buong gabi ko inisip kung saan kami pupunta, kung anong jamming
station, kung anong oras siya pupunta. Aba! Eh pano kung 5:30 yon ng umaga pumunta at magulintang ang mga
kapitbahay namin!? Alam ko naman kung gaano ka baliw yun eh!

The next day. Ayan. Nagising ako ng 7. buti naman at wala pa siya. Teka teka… bakit mo ba hinihintay ha Kyleen?! And so
what kung dumating siya?!

“Uh ma… Alis po ngayon.”

Nagulat ako dahil tumango lang si mama tapos nagsaing na. WOAH! First time to aba! First time na hindi man lang naging
Ms. Inspector si mama! Yun lang?! yun lang yun!? Kung kailan ko pa naman inaasahan na hindi ako papayagan ni mama!

So yun. Naligo na ko. Eh ano pa nga ba? Same girl stuff. Pero wala akong nilagay na kung anu-ano. Natural simple lang
ako. Plain as usual.

DING DONG.

Pagbukas ko ng gate…

“Hi Kai.”

Sabi ko nga ba.

“Halika na. Ma alis na po ko!”

Nakarinig ako ng ‘ok anak ingat’ tapos lumabas na kami at sinara ko na yung gate.

Nakita ko na may hawak hawak siyang bike. Ibig sabihin, cycling distance lang. papasok ulit sana ako sa loob nung
hinawakan niya yung kamay ko.

“Sakay ka na lang.”
“Ayoko. Kadiri.”
“Eto naman. Eh isang beses ka pa nga lang nakakasabay sa kin dito sa bike ko ah… sige na, pagbigyan mo na ko.”
“O sige na nga… second and last.”

Ayon. Sumakay ako sa bike niya. Natural nakakapit ako sa kanya. Hindi naman pwedeng hindi pwede. Mahal ko pa naman
ang buhay ko.

Napunta kami sa village nila. So dun pala sa village nila yung sinasabi niyang jamming studio.

Napatigil kami ng di oras sa isang green-colored roof. Pagpasok namin, andon si John at si Karl.

“Pare!”

nagappear si Aiden at si John. So yuh right whatever.

“Bat kayo andito?”

tanong nung unggoy. If I know, planado na to.


“kayo ang tatanungin namin ni Kyleen. Bat kayo andito? Ikaw ha. Pag may girlfriend ka na, dapat, kami ang una mong
pinapaalam!”

Teka teka… ano to?!

“Hoi Karl!!!”

sumingit na ko… di ko na take eh.

“FYI. Di ko siya boyfriend. Sumama lang ako dito dahil wala akong choice!”

Nagappear yung mga boys na parang ‘finally! Nainis din siya!’

“Grr!!! Bwisit!!!”

magwawalk out na sana ako nung pinigilan ako ni Aiden. Haha. Well for a fact, nagustuhan ko din na pinigilan niya ko. Kasi,
hindi ko na ata kakayanin na maglakad. Bigla kasing sumakit ang paa ko. Haha. May advantage din pala… buti nagpapapigil
ako. Wala rin naman akong bike pauwi.

“Dito ka lang.”

GOOSEBUMPS.

Di ko ba alam kung dagdag gwapito points yun o mumu points. Bigla kasi akong kinilabutan nung sinabi niya yun. Ay ewan.

“Kayo ha. tigil tigilan niyo kami. Walang issue sa min. Sama ka sa jamming namin?”
“Hindi ayoko. Okay lang.”

Ayun. Nagbayad sila ng 200 pesos. Meaning, two hours kami dito. Hay. Eh ano naman kaya mapapala ko dito eh mga
rakista to eh! si John at Karl eh parehong guitars ng peborit kong banda pag may battle of the bands sa amin. Ewan ko lang
sa unggoy na to kung may talent siya.

Tugudugudugdugtaktugudugudugtaktaktak.

Galing nun magdrums ah. Sino yun?!

Paglingon ko sa likod.

Woops. Si Aiden.

“Marunong ka pala magdrums no?”

yun lang nasabi ko. Nilunok ko tuloy yung sinabi ko kanina.

“Anong marunong?! Hyper kaya yan. Halos everyday na ata andito yang ungas na yan eh.”
“Adik kasi ang tawag kay Aiden.”
“Tumigil nga kayo.”

Woo. Kunwari pa to… pahumble effect… eh hambog naman. Hmph! Oo na nga, magaling na sila.

Umupo muna ako sa tabi kasi kumpara sa kanila, kuko lang ako pagdating sa pagtutugtog. Well anyway, kung sa babae,
magaling ako. Pero compared sa kanila… i’m useless. Wuahaha. Tama ba naman daw na ibaba ang sarili?

“O bakit Kai, ayaw mong makijam?”


“Wag na Aiden. Better kung pagtatawanan ko na lang kayo.”
“Mm… sige… kaw bahala.”

Ayon. Tapos si kuya studio pumasok na. inayos na yung mga instruments na gagamitin nila. Tumayo ako para makakuha ng
isang gitara. Haha. Tatlo lang naman sila no. tatlo naman yung guitars tapos isang drums at isang mic natural. May
keyboard din pero hindi in-on kasi nga hindi naman namin gagamitin.

Maya maya, nagwala na sila.

Ang ingay nga nila sa studio eh.

Nung mejo nasa katapusan na ng pang apat nilang metal rock chuchu na tinutugtog, nagpaalam muna ako na lalabas. Sabi
ko, bibili lang ako ng dirty ice cream.

Actually, excuse lang yun. Baka kasi mamaya, Makita ko ng naka sabit na yung intestines ko sa may tenga ko. Ang ingay
eh! Hindi kinaya ng tenga ko.

Paglabas ko, nakita ko si mamang sorbetero. At kasunod din nun, may narinig akong kanta. Ang pagkakaalam ko, kanta
yun ng Silent Sanctuary. Anyway… hinabol ko si mamang sorbetero.
Though hindi perfect yung intro, it was still music to the ears.

Natupad din ang aking pangarap… na ipagtapat sayo.

Wow… ang cute naman non.

Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko


Sulyapan mo lang sana ang langi baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko

Kung sino mang babae ang pinaparatingan ng kantang yan, ang swerte ng babaeng yon in fairness.

“Manong! Pabili po!”

Maalala mo sana ako dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sayo na mahal na mahal kita
Maalala mo… sana.

Aww. How touching. Hay nako. Si mamang sorbetero talaga. Ako yung unang nagbayad, yung isa yung inuna. Ang tagal in
fairness. At hindi lang yung isa, yung kasama pa niya, nakipagchikahan pa sa mga bata.

Naitago ko pa ang iyong mga liham.

“Wala akong sulat sayo pare!”

naisigaw kong ganun. Mukha nga akong autistic kasi tiningnan ako ni mamang sorbetero at yung batang bumili. Pinauna ko
narin yung iba, mas trip ko yung naririnig mula sa labas yung boses ni—

sino nga ba yung kumakanta?

Unang ngiti mga yakap mo’y di maalis sa aking isipan


Tutugtog ako ng gitara baka sakaling sumagi sa isip mo ang mga pangako

Tsk. Napansin ko na may mga particular people ang pinaparatingan ng message nitong kantang to.

Maalala mo sana ako dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita

Ayan! Tapos na yung ice cream ko… wee! Habang papalapit ako sa studio… narinig ko na lumalapit din yung kanta.

Kaya ngayon aaminin na sayo na mahal na mahal kita.

Uy! Mukhang sa studio nga! (DUH Kyleen… obvious naman eh.) Siyempre, gusto ko rin naman makita kung sino yung
kumakanta. Baka si Karl… o si John?

Siyempre impusibleng yung unggoy nay un.

Maalala mo… sana.

Pagdating ko sa studio, tapos na silang kumanta pero patuloy parin yung instrumental. Wow naman in fairness kay manong
sorbetero. More than three minutes yung order kong ice cream.

Ang nakita ko lang, nakatayo si John at Karl na nagigitara tapos may nakatapat sa kanilang mic. Si Aiden yung nagdudrums
at may nakatapat ding mic.

“Sino yung kumanta?”


“Bakit? Cute ba?”
“Weh?!?! Ikaw Karl… shucks… sobrang gan—”
“hindi ako, si Aiden yung kumanta.”

Pwede ba yun? Habang nagdudrums eh kumakanta?! Wag niyo nga kong pinaglololoko!

“Imposible. Eh pinaglihi sa butete yung boses niyan eh.”


“ang dami ko namang pinaglihian. Sa uod, sa butiki, sa unggoy… sa prokaryotes… sa lahat na pangdidirian ng lahat.”

Sabi ni Aiden. Tapos tumayo na siya bitbit yung drum sticks.

“Ako nga yon.”

Sabay ngiti.

Nako! Yang mapanlinlang na ngiting yan eh di ko alam kung ano ba talaga ang sinasabi!
“Sa tingin mo ba mapapaniwala mo ko?! Nako. Tumigil ka nga. Alam ko naman na si Karl eh.”
“eh di sige. Kaw ang bahala.”

After non, inuwi na niya ako sakay ulit ng bike niya. Inuwi niya naman ako after lunch kaya okay lang.

Siyempre, the usual doings at home.

Nung at last nakahiga na ko… umulit yung kanta sa isip ko.

“Ang ganda talaga…”

sabi ko sa sarili ko. Well, totoo naman. Habang pinakikinggan ko yung kanta sa isip ko…

Binalikan ko yung sinabi ko kanina.

May particular na tao ang gustong sabihan nito. Naisip ko, oo para to sa mga nagmamahalan. Sa isang babae na
ipinaparemind ng lalake kung gano niya kamahal yung girl of his life niya. Pero kung tutuusin… meron tong pinararatingan…
more specific…

Una ay ang mga namatay…

At pangalawa… yung mga nawalan ng alaala.

Chapter 12

Kaya ngayon aaminin na sayo… na mahal na mahal kita… Maalala mo… sana.

Yan lang naman ang kantang sobrang na LSS ako as in last song syndrome. Kahit sa banyo kinakanta ko yun. Pag walang
ginagawa sa classroom kinakanta ko. Pag nagtetext kinakanta ko. Kahit nga pag tinutugtog yung ibang kanta, yan ang
kinakanta ko.

“Kai.”

Sino yun?

“Ano ba, wag mo nga ako guluhin Nica.”


“Nakatingin na kaya sayo si Sir Will.”

BAM.

Oops. Ayon. Nakatulog ako sa dis-oras ng geom. Eh kasi nag advanced study ako kahapon sa maraming subject. Hindi ko
naman akalain na magdudulot yun ng walang tulog. Ang ending, sa class ako natutulog.

Siyempre, bilang parusa, pinagsulat ako ni Sir Will sa board nung mga exercise. Buti na lang at matiyaga akong magsulat.
Maganda kasi ako magsulat eh, one of my oh-so-proud skill.

Tama nga ba? Skill yun diba? O talent? Haha. Ewan.

“Reynang unggoy, wala po ba kayong tulog kagabi?”


“Kung gusto mo pang mabuhay—“
“Umalis na ko.”
“Buti alam mo na yung kasunod kong sasabihin.”
“Eto naman, di mo ba ko namiss.”
“Obvious bang hindi? Lumayo ka na nga Aiden. Gusto ko matulog.”
“Ihehele kita.”
“Wag na.”
“Sige na.”
“Bahala ka nga.”

Maya-maya, parang nakarinig ako ng isang anghel na kumakanta. Siyempre, papakinggan ko na lang kesa sa tingnan ko
pa. Baka biglang magtransform sa ibang creature.

tulog na mahal ko
hayaan na muna natin ang mundong ito
lika na, tulog na tayo.

In fairness kay Aiden, maganda talaga boses niya... para talaga akong hinehele.

tulog na mahal ko
wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
saka na mamroblema...

“Ikee. Hinehele ang kanyang prinsesa oh.”

tulog na hayaan na muna natin sila

“Kung sino man yun, wag kang magpapakita sa kin mamaya.”

mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan...


kung matulog, matulog ka na…

“Hindi pa pala tulog Migs. Lagot ka.”


“Wag ka magalala babes, ako bahala kay Kai.”

tulog na mahal ko
nandito lang akong bahala sa iyo

“Buti nga tong si Kai may naghehele eh.”

sige na, tulog na muna...

“Yuk. Si Nica bitter.”

tulog na mahal ko...

Gusto kong tumawa pero ayoko ngang iangat yung ulo ko. One thing’s for sure, gusto ko talaga pakinggan yung buong
kanta na kinakanta ng unggoy na to.

To be honest, maganda talaga boses niya.

at baka bukas ngingiti ka sa wakas


at sabay natin haharapin ang mundo

“Asan si K—“
“Ssssh.”
“Bakit?”

tulog na hayaan na muna natin sila

Ang ingay ng mga barkada ko.

“Natutulog. Hinehele ni—“


“Nakikita ko.”

mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan


kung matulog, matulog ka---

“Aiden.”

Naangat yung ulo ko dahil hindi pa natapos yung kanta pero tumigil siya dahil sa tawag ni bestpwet. Siyempre nagkunwari
ako na talagang kakagising lang. Pinamuka kong bangag ang sarili ko.

“Bakit? Selos ka?”

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Aiden. Sira talaga to. Ang hilig hilig niyang ganyanin si Jake. Buti na nga lang, hindi
sumasagot bestpwet ko eh.

“Ayokong hinehele mo siya.”


“Ano ka ba Jake. Hindi naman niya ko hinehele. Tumutula siya.”
“Eh bakit, baby mo ba to?”
“Pano kung oo?”

Hindi masyadong maganda yung tono nilang dalawa. Pero, malay mo nagbabarahan lang sila. Eto namang si Migs eh
inakbayan si Jake.

“easy ka lang tol.”

Pero inalis ni Jake yung akbay ni Migs. Nagulat kaming magkakabarkada sa ginawa niya dahil, parang ang init init ng ulo
niya. Super rare pa naman uminit ng ulo ni Jake. Pati ako natatakot pag umiinit ulo nian eh.

Umalis si Jake sa classroom. Hindi naman naming alam kung saan siya pupunta. Wah! Ano na bang nangyayare?! Huli kong
nakitang uminit ang ulo ni Jake nung—
Ah oo. Nung binastos ako ng mga lalake sa kanto na halos umabot na sa rambulan. Ewan ko nga ba kay Jakey kung bakit.
Eh alam ko namang hindi nila ako papatulan, at lalong hindi ko sila papatulan.

“Tsk. Ayan. Pinagpapawisan nanaman ang ilong ni Jake.”


“Ha? Bakit?”
“Ewan ko nga sayo. Para kang sinaksakan ng isang libong anaesthesia kaya wala kang maramdaman eh.”
“Hindi pa nga ako natuturukan eh... ata.”
“Nako ewan ko nga sayo Kyleen. Habulin mo kaya!”
“Sa kin ba galit si Jake?”

Tumayo ako kasi bigla akong nag-alala. Kung hindi man sa kin siya galit, ewan. Kasi tong mga kabarkada ko, sa tuwing
umiinit ang ulo ni Jake, ako sinisisi nila. Ewan ko kung bakit.

“Tsk tsk tsk tsk tsk. Kasi kasi ako.”


“Ano ba kasing ginawa mo?!”
“Mmm... Nakita ko kasing flat yung bola niya. Ayun, binombahan ko para naman magkahangin.”
“Ay nako! Wag mo kasing galawin yung hindi naman iyo!”

Tumawa sina Geanne, Nica at Migs. Eto pang tatlong to. Ewan ko kung kinukunsinte tong unggoy na to. Ewan ko ba! Basta
kailangan ko habulin bespwet ko muna.

Hinanap ko siya tapos natagpuan ko siya sa may canteen na nakaupo at kumakain ng sopas. Hinihipan niya, natural kasi
mainit.

Nagulat siya nung hinipan ko yung kuchara niya.

“O, Kai.”
“Bat ka nagalit?”
“Nagalit? Hindi naman ah.”
“Eh kasi parang ang init ng ulo mo kanina...”
“Ha? Hindi ah.”
“Sabi ni Aiden dahil daw binombahan niya yung bola mo. Pasensya ka na pakielamerong yun.”

Tumawa si Jake. Isa pa to.

“Eh! Jakey naman eh! Bat ka tumawa?!”


“Wala naman. Mukang okay na ko. Gusto mo din ba ng sopas?”
“Subuan mo na lang ako. AAAAA.”

Ngumiti si Jake tapos sinubuan niya ko. Yey! Mukang okay na siya. Ang ginawa ko naman, kinuha ko yung kuchara niya
tapos kumuha ng sopas. Siya naman yung sinubuan ko.

“Ayan na. Chu chu chu chu! Parating na ang ayerpleyn.”


“Ikaw talaga Kai. Wag na. Ako na. Baka kung ano pang isipin ng iba eh.”
“Ano ka ba! Hindi ka pa nasanay sa mga iniisip nila. Eh alam naman natin yung totoo.”
“Oo nga eh.”
“Berigud.”
“Na sana tama nga yung iniisip nila.”
“Bakit naman?”
“Mm, wala naman. AAAAA.”

Hehe. Ang cute ni Jake. Naalala ko tuloy nung grade 6 kami. Nung naiinis ako dahil sumakit yung ulo ko tapos may nakita
akong mga images na sobrang nagpasakit ng ulo ko. Ang ginawa niya...

“AAAAA.”
“Anong ginagawa mo?”
“Subo mo daliri mo.”
“Ha?! Bakit?! Kadiri!”
“Kakagatin ko.”
“Para san?!”
“Para may mas masakit na kesa sa ulo mo.”

Nilagay ko naman yung daliri ko tapos kinagat niya. Ayun, nawala na nga yung sakit ng ulo ko... pero masakit yung kinagat
ni Jake na daliri ko.

Bumalik na kami sa room. Masaya naman na kaming pareho. Masaya ako dahil nawala na yung init ng ulo ni Jake.

We know, malapit na sembreak. Siyempre, malapit na ang Halloween. One week lang yung inalaan para sa sembreak sa
mga months na yun. Kaasar no?! Pero kahit na. Ayoko kasi yung dumadalaw kami sa patay. Kinikilabutan nga ako pag nasa
sementeryo kami tapos nagtitirik ng kandila. Feeling ko may lalabas na kamay mula sa lupa tapos hihilain yung paa ko.

Gumagawa ng trick or treat ang school actually. Pero ang activity na to nangyayari lang after four years. Eh ngayong third
year kami, gagawa ulit ng trick or treat ang school. So yehey! Ngayon lang ako makakaranas ng ganito.
Hindi naman kasi ganon kauso ang trick or treat sa Pilipinas. If ever, activity lang yun sa ibang church pero hindi talaga
tradisyon dito di tulad sa states. So ayon.

Before sembreak to nangyayare. Ginagawa kasi tong parang paligsahan sa school. Trick or treat sa mga bahay na malapit
sa school. Iba kasi yung rules. Pag treat, bibigyan nila kami ng kahit magkanong money not lower than ten pesos. Haha.
Galing namin mangurakot no? Pag trick naman it’s either they eat one of the dishes na hinanda naming. Tatlo lang yun.
Yung isa dun masarap. Lucky pag napili mo yun no! Eh ako, hindi ko ibubuwis ang buhay ng sikmura ko para kumain ng
uod na binabad sa ketchup o di kaya mata ng baka. Kadiri ah. Magbibigay na lang ako ng sampung piso!

Yung sexy naming adviser na si Mrs. Lorna ay dumating na. so umupo na kaming lahat.

Ang rules, hindi pwede galawin ang mga bahay na may nagtrick or treat kaya as much as possible mauna kami sa lahat ng
bahay.

Which is impossible.

Pero ang astig dito… ang prize…

+10 sa lahat ng periodical. Pero pag kami nga pinaka marami pero hindi kami umabot ng 1,000, +5 lang ang makukuha
namin. Ang second place plus two sa periodical ng five selected subject na kayo ang pipili. Ang third place naman plus two
sa unit test sa major subject areas.”

Ah. Para sa pinaka mataas, plus five. Pero pag pinaka mataas tapos umabot ng 1,000, plus 10. Aba! Para sa top section na
tulad namin, kailangan namin yun no!

Kinuha ko na yung assignment notebook ko kasi isusulat ko na yung isusulat ni Madam. At eto namang katabi kong si
Wayne eh biglang tumayo. Di ko alam kung saan pupunta.

Akala ko naman kung sino tong lumipat sa upuan ng katabi ko at nagbububulong.

“Pwede bang hindi na lang pumunta?”


“Bakit ka di pupunta unggoy?”
“Nakakatamad. Imaginin mo na lang, lalakarin natin tong buong bayan na to?!”
“Eh di kung ayaw mo, di wag. Pwede ka naman magabsent bukas eh.”
“Hindi ka ba magaabsent?”
“Wag ka nga B.I. Aiden. Alam mo naman kung gano ako ka gc.”
“Hindi mo ba naririnig ang balita na uulan bukas?”
“Ang taas taas kaya ng araw!!!”

binatukan ko tong ungas na to. Eh kitang kita naman na daan daang tao na ang jinajabar dahil sa init ng panahon tapos
sasabihin niya uulan bukas?!

“Pano pag umulan bukas? Hihiwalay tayo sa kanila ah?”

biglang naging baby yung boses ng unggoy na to. Halatang nagpapacute.

“Hindi nga pwede. Bawal mag loiter.”


“Madaaaaaam!”

Sumigaw si Aiden. Ako naman eh tatakpan sana yung bibig niya kaso huli na ang lahat dahil pansin na siya ng buong klase.
Bwisit talaga tong ungas na to no.

“Pwede po bang mag loiter bukas?”

Nagtawanan ang lahat kasi obvious naman na hindi.

“Pwede po bang humiwalay?”


“Aiden, natural hindi rin. Ano pang balak mo?”

BAM! Wuhaha. Si Jake ang sumagot. Siyempre alam ko namang hindi yan papayag!

“Ako naman ang in charge.”


“Anong oras ba to mag-uumpisa at matatapos?”
“seven to twelve. Bakit? May balak ka ba? Magpresent ka ng letter from your parents kung gusto mo gumala bukas dahil
after ng twelve, tatawagan ko ang parents ng lahat at titingnan kung nakauwi na lahat.”

Siyempre yung iba nanghinayang dahil balak din nilang gumimik bukas. Wow. Galing talaga ni Jake. Responsible!

“Ano, may balak ka pa ba?”


“Pwede ko bang idate si Kyleen bukas?”

Nagtawanan ang buong klase at ako naman ay nagulat. Nagkaroon pa nga ng tuksuhan sa aming dalawa. Bwisit talagang
tong lalakeng to. Parang napagusapan na namin to nung isang araw lang?! at bakit hayan nanaman siya?!
“Pwede. Basta sabi ko sayo kailangan mo ng letter mula sa magulang mo. Sana di ka payagan.”
“Pati ba yung pagdadate kay Kyleen kailangan andun?”
“Tumahimik ka nga Aiden! Papatayin na kita eh!”

Tapos tumawa nanaman ang buong klase.

“Hay nako Aiden. Bumalik ka na nga lang sa pagsusulat mo. Wag mo pagtripan si Kyleen kung gusto mo pa mabuhay.”

Haha. Buti nga sayo. After nun nagtutuksuhan parin sila. Bwisit talaga tong mga to. Pagbabatuhin ko sila eh.

Ayon. Yun lang naman ang nangyare. Siyempre, hindi nawawala ang pangaasar niya every day every time at the same
place… wag po kayong lilipat ng channel! haha. Para ka talagang timang Kyleen.

Well anyway. Pagdating ko ng bahay, sa sobrang pagod from school, di na ko nakakain ng dinner. Ni hindi ko na nga
naabutan yung favorite kong tv show: ang balita. Haha. Oo promise. Sa sobrang busy na sa school, hindi na ko nakakanood
ng balita.

Nakatulog nga ako na nakauniform eh! Eek! Kahiya no? haha.

So yun na nga. Pagkagising ko, humiling ako kay Lord na sana maging masaya ang araw na to. Nagising ako tama lang sa
oras para maligo at maghanda ng kung anu-ano pa. natural siyempre nung ready na ko, pumunta na ko sa school.

Pagkasalubong ko dun, samu’t saring tao na nakacivilian ang pumarada saken…

SHECKS!!! CIVILIAN NGA PALA!!!

Ampupu naman oh! Dali ka Kyleen! Ang eng eng mo kasi! Nakalimutan mo pang civilian lang ngeon! Nako naman! Dali!
Patakbo na ako papunta sa bike ko nung…

BANG! BOGSH! TUMBA!

nu ba yan! Aray ha! Ang sakit ng ulo ko… sino ba yung tatanga-ta—

“Aiden?!”
“Kyleen?! Bakit pauwi ang takbo mo?! Siguro napag desisyunan mo na rin na sumama na lang sa kin kay sa makipag trick
or treat ka no?”
“Asa ka naman! Kita mong naka uniform ako eh… tinatanong tanong mo pa?!”
“Ayee… oo nga no? gusto mo samahan na kita?”
“Hindi!”

tapos tumayo na ko.

“Jan ka na!”

Kumaripas ako ng takbo tapos naging rocket yung bike ko. Wala na kong oras!!! Panigurado, pagbalik ko dun, wala ng tao!
Yoko naman mag T.O.T. na naka uniform no!

So yun. Nagbihis ako ng soooooooooooooooobrang bilis. Kahit anong comportbale t-shirt na lang. Pants sana ang gusto ko
isuot kaso pedal yung una kong nakita… eh di pedal kung pedal! Siguro kung mini skirt lang ang nakita ko, isusuot ko narin!
Buti na lang at hindi at buti na lang wala akong mini skirt!

Ayan. Karipas ulit sa pagbibike. Nadaanan ko yung section II at yung iba pang year levels. Kaso wala dun yung section ko.
Baka sa kabila sila nag trick or treat. Asar naman o! hindi naman. Baka naman andun pa sila sa school at hinihintay ako…

Tama! Andun pa sila! Nako naman!!! Asa ka!!! Huah… pray ka Kyleen… pray…

Ayan… nasa school na ko. Hmph… Lord… sana may naghihintay sa kin para at least mahabol ko sila kung hindi man nila ako
hinihintay…

Uy! May tao dun sa area namin!!! Sino yun?

“Ang tagal mo namang magbihis.”

Shoot naman. Sa lahat ng taong paghihintayin nila… si Aiden pa!!!

“Sandali… bakit hindi isa sa mga kabarkada ko ang naghintay sa kin?”

Magtatampo ako sa kanila pag walang sapat na rason tong lalakeng to.

“Pinili ako ni Madam Lorna. Sabi nga ni Jake siya na lang daw. Hindi naman daw pwede dahil president siya. Sina Nica din
nagpresenta pero ayaw ni Madam.”

Hay nako. Pasaway! Pinalo ko yung noo ko. di ko alam kung sa disappointment o sa pagpupumilit ng adviser ko na etong
unggoy na to ang maghintay sa kin.
Tapos may naramdaman akong pumatak. Tumingin ako sa taas. Akala ko ipot yun… pero pagtingin ko…

Mukhang uulan.

“O diba. Sabi ko sayo uulan eh.”


“Nanay mo ba si Madam Auring?! Pano mo nalaman?!”
“Hiniling ko sa langit na sana umulan.”
“Ewan ko sayo! Tara na nga, hanapin na natin sila!”

So yun. Pinark ko yung bike ko sa school tapos nagumpisa na kaming maglakad nung unggoy. Unfortunately, dun sa ten
minutes na nakalipas, hindi namin sila nakita.

“Saang lupalop ba sila pumunta?! Sigurado ka bang dito sila?!”


“Oo nga! Sabi nga nila hihintayin daw nila tayo sa bahay na parang doll house. Eh dumaan na tayo dun diba?!”

Nako. Hindi ko pa naman dala ang cellphone ko kasi maglalakbay. Naisip ko pano kung nahulog yun habang naglalakad
kaya hindi ko na dinala.

“Oi. May cellphone ka bang dala?”


“Wala. Naiwan ko sa bahay. Nagmadali lang kasi ako kanina.”
“Napaka galing. Isang huwarang mag-aaral.”

Woo. I sound sarcastic.

“Bakit naman ngayon mo pa kinalimutan?”


“At bakit naman kasi ngayon mo pa hindi dinala?!”
“Hay nako… ewan ko sayo.”

Tapos nagpatuloy kami. Andun na kami sa parang medyo malayo na sa kabihasnan eh parang wala na atang tao dun.

“Tara balik na tayo wala na sila dito oh. Baka may alam silang shortcut.”
“Ano ka ba Aiden! Hindi pa natin sila nakikita meaning andun pa sila!”
“Wag ka na nga magmatigas Kyleen. Kita mo namang wala eh. ang layo na natin sa school oh! Baka mawala pa tayo! Sige
ka… iiwanan kita jan.”
“Eh di sige!”
“Nako. As if naman kaya ko no. Hali—”

Plok. Plok. Shoot. Umuulan na.

Naghanap kami ng magandang shed. Pero dahil sa layo ng nilakad namin, malayo pa yung pinaka malapit na shed. Ang
putik putik pa!

“Ikaw ang may kasalanan nito eh!”


“Aba! At bakit ako! Eh ikaw tong nagpupumilit para hanapin sila.”
“Haay nako! Bakit ba ko laging minamalas pag kasama kita?!?!”
“Yan din ang nasa isip ko no!”

Nagtakbuhan na kami. Nung may nakita kaming maliit na store, sumilong kami dun. Grabe! soaking wet ako! Nako! Basang
basa ako… peste talaga tong ungas na to kahit kailan!

“Hoy babae.”
“At bakit lalake?!”

Bwisit. Lakas ng hirit nito ah.

“Bakit ba tayo sumisilong?!?!”


“Para hindi maulanan! Ugak ka ba!?”
“Eh ugak ka din! Kita mong basang basa na tayo… ano pang silbi na hindi tayo magpaulan?!?!”

Tapos sumugod tong lalakeng to sa ulan. Grabe!!! Lakas ng topak nito ah!

BOGSH.

“AAAAAHHHHH!!!”

Sumigaw ako. Bwisit kasi tong unggoy na to! Tama ba namang batuhin ako ng putik?!?!?!?!?

“Bakit mo ko binato ng putik?!?!?!??!”


“Dahil mahal kita!”

sumigaw siya sa ulan dahil lumalakas yung ulan…

“Ah ganon ah…”


Sumugod narin ako sa ulan tapos dumangkot ng makita kong lupa. Binato ko sa mukha niya! Hah! Buti nga sa kanya!
Natawa ako nung nakita ko yung pagmumuka niyang soaking wet na nga, soaking wet dry pa dahil sa lupa.

“Bakit mo naman ginawa yun?!”


“Dahil mahal kita! Problema ba yun?!”
“Ahh.. ganon ah… marunong ka ng gumanti… halika dito!”

Tapos naghabulan kami sa may putikang daan na yun na mejo pabalik na ng school. Nagbatuhan kami ng putik. Hindi ko na
nga alam kung may tae na ba yung hinahawakan ko… ang importante, may maibato ako sa ungas na to!

Nagkaiwanan pa nga ng chinelas kasi sobrang dikit na ng putik. Binato pa niya yung chinelas ko way far kaya binalikan ko
ulit at naglakad ako ng nakapaaa! Bwisit to!

Nung nasa may road na kami… umuulan parin. Inopen niya yung arms niya na parang tinatanggap lang yung ulan na
dumaloy sa katawan niya.

“Hoy! Anong ginagawa mo?”


“Obvious ba?”
“Hindi! Kaya nga tinatanong eh!”
“Papasalamat ako sa langit kasi, pinakinggan nila yung hiling ko na sana umulan para di matuloy yang trick or treat na yan.
At sabihin na nating, para makasama ka.”
“Hibang ka na!”

sabi ko. Lumapit ako sa kanya at halos katabi ko na lang siya.

Ewan ko ba sa sarili ko. Inopen ko din yung arms ko para tanggapin yung ulan.

“Hoy! Anong ginagawa mo?!?!”


“Obvious ba! Eh di ginagawa ko kung anong ginagawa mo!”
“Humiling ka din ba sa langit na umulan?”
“Hindi… humiling ako sa langit na sana sumaya ako.”

Haay. Ewan ko bakit ko sinabi yun. Parang ang weird kung bakit ko sinabi yun. Nakita ko siyang ngumiti. Bigla siyang
gwumapo. Ewan ba! Nakakaloka. Dumadaloy yung ulan sa mukha niya. Kung hindi lang umuulan, pagkakamalan kong
umiiyak to.

Pagbalik namin, nalaman namin na kami yung second sa pinakamataas kaya plus five kami sa limang subjects. Ang pinili
namin ay Chem, Advanced Bio, Geom, Physics at TLE.

Nakita ko na basang basa si Jake. Sabi ni Migs, hinanap daw niya kasi ako. Aww… Ang sweet naman ng best friend ko.

“Jake oh.”

Inofferan ko siya ng towel na binigay sa amin ni Mrs. Lorna.

“San ka ba galing?!?! Di mo ba alam na nagaalala ako sayo?!”

Nagulat ako kasi para siyang nagalit. Eh di ko naman kasalanan kung di ko sila makita eh.

“Sorry… di ko kayo nakita.”

Napabuntong hininga siya.

“Sorry nasigawan kita. Sa susunod wag mo ko ipagaalala…”

Ngumiti ako dahil don. Ang sweet ng best friend ko.

Niyakap niya ko ng mahigpit. Hindi na ko nagulat sa ginawa niya. Ganun naman talaga siya eh.

“Sa susunod wag mo na ulit to gagawin. Papatayin mo ko sa pag-aalala sayo.”


“Opo...”

Binitawan niya ko sa yakap niya tapos hinatid na niya ako hanggang bahay.

Paguwi ko ng bahay, pinagalitan ako ni mama dahil nagpaulan nga ako at sobrang dumi ko. So ayon. Naligo ako. At habang
naliligo, napangiti ako nung natandaan ko yung open arms ceremony namin ni Aiden sa ulan.

I love the rain.


Chapter 13

WHAPAK!

Kakatapos ko lang suntukin si Aiden. Tama ba naman daw na sabihing kami na? Ang feeling naman niya na porke
nakipaglaro ako sa kanya sa ulan eh may magaganap na sa aming dalawa. No way!

Haynako. Nakakainis.

Anyway…

The whole week, as usual, wala na siyang ginawa kundi asarin na lang ako forever and ever and ever and ever. Para ngang
ewan eh. nakakabanas. Sarap magbato ng cutter. Buti nalang at hindi ako sadista.

Ayon. Tong araw na to mejo maaraw pero okay lang din. Macloudy. Haha. sarap tumingin sa langit. Magtataglamig na kasi
malapit na ang December.

At habang nakaupo ako at nananahimik sa upuan…

“Kyleen…”
“Wah!!!”
“O, bakit nanaman? Ano nanamang ginawa ko sayo?!”

Sa totoo lang, nagrereminisce ako eh bigla mo kong ginulat!!!

“Wag ka nga kung san san lang sumusulpot sulpot! Baka ibato kita eh!”
“Eto naman. Ubod ng sungit. Sige ka… tatanda ka niyan agad.”
“wala ka ng pake dun!”
“sisipot agad ang lines…”
“Eh di sumipot sila…”
“Hindi ka makakakuha ng asawa nian…”
“marami jan…”
“ay sabagay… andito nga pala ako para pagtiisan ka.”
“Ewan ko nga sayo! Layas! Shoo!”

So yun. Nilubayan na ko ng ungas. Nakakaasar kasi.

Pagkauwi ko sa bahay, nagulat na lang ako kasi may handaan. Nakita ko na andun yung dalawang kapatid ng mama ko
kagagaling ng states. Tapos andun din yung kaclose friend ni mama. Well, magkakakilala sila. Pero ako, di ko talaga sila
kilala.

Puro English ang naririnig ko sa bahay. Grabe. Nose bleed naman. Di ko kayang makipagsabayan dito ng tuluy tuloy na
English no! nako… mauubusan ako nito sa salita. Haha!

Biglang maya maya, may lumapit sa kin na lalake.

“Hi. Wow, I dunno that there’s someone hot here in this house.”

HOT?! Sira ulo ka pala eh. Gusto mo ba prituhin kita kasabay nung priniprito ng nanay ko?! May pahothot ka pa jan.
Sunugin kita eh.

“Sino ka?”
“What? I can’t speak Tagalog.”
“I’m Kyleen. And you are ?”
“I’m Harry.”
“Just feel at home. I’ll just dress myself up.”

Ha?! ano yung sinabi ko?! Haha! parang ewan lang! so yun. Pumunta ako sa taas. Aba naman. Sinadya ko talagang tagalan
ang pagbibihis ko. Mga isang oras at kalahati. Kunwari mamimili ng damit. Naman kasi! Ayoko nga!!! Ayokong asikasuhin
yung mga yun. Nako. I do not belong. Haha!

Tok tok.

Siyempre binuksan ko yung pinto. Ah, si mama pala.

Maya maya, nakikita ko ang sarili ko nakikitug-of-war kay mama. Kung saan yung dalawang kamay naming ang tali.
Nakakaasar nga eh. Sabi ko si ate Karylle na lang magaasikaso sa kanya tas ako magluluto. Pero sabi ni mama na kakainin
ko lang yung niluto nila.

Sabay birit pa na bat daw ang tagal ko magbihis ngayon eh pag aalis kami para daw akong rocket kung magbihis. Parang
nagwisik lang daw ang ligo.

So yun. No choice. Galit na si mama eh. nako naman. Sino ba kasing nagsabi na ngayon sila pumunta diba! Pwede naman
kasing Christmas vacation.
Lalo pa akong nabadtrip nung sinabi ni mama na kung uso daw fixed marriage, igaganun daw niya kami. Buti na lang at
20th century na.

Nako naman tong si mama oh! Kadiri ah! Urgh! O sige sabihin na nating mejo may ichura yung Harry. Pero nakakadiri kasi
nagyoyosi siya. Yuk! Ayoko kaya ng mga taong nagyoyosi. Para siyang adik! Eh liberated pa naman sa states… no way!

Umupo ako sa sofa. Sinadya ko talagang hindi tumabi sa kanya kasi nandidiri ako dun sa amerikanong ugok.

Aba! Bigla ba namang umupo sa tabi ko! What the!

“So, where do you study?”


“Just near the village.”
“Would you mind if I get you there every morning and then in the afternoon?”

Ha?! ano daw?!

Buti na lang at dumaan si Ate Karylle habang minimix yung salad saka bumulong ng ihahatid daw ako sa school…

“Ano siya sinuswerte!”

Siyempre binato ako ng sibuyas ni ate dahil marunong magtagalog mga magulang niya. Tapos umalis na si siya. No!!! Don’t
leave me here ate!!! Wah!!! Nako nako! What shall I do!!! Buti nalang pala hindi ako narinig nung mga magulang niya!!!

“Would you mind if we go out even just for a—“


“No way! I…”
“What?”
“I have a boyfriend.”
“You have a boyfriend???!!!”

Wah! Sinigaw pa ni Harry! Nako!!! Ano ba naman to! Tumingin ng masama sa kin si papa at mama na para bang, ‘tama ba
yung narinig ko?!’ tingin. Wah! What shall I do!

“I… I mean… I have lots of boy friends in school. And… and… they love to fight strangers.”

Yay. Ano ba naman tong pinagsasasabi ko. Ang weird!

“Oh, I see. That’ll be okay. It’s fun to meet other guys here in the Phil.”

Naman. Napasubo tuloy ako!!!

Wah!!! What shall I do na?!?!?!??!?!

Nako. Napapakonyo tuloy ako ng di oras. Ah alam ko na! rerenta ako ng lalakeng pwede ko maging boyfriend. Tama tama!
Si Jake!!! O kaya si Migs! Pero sige… try ko muna si Jake…

RRRRIIIIINNNNNGGGGG!

Sakto! Sigurado si Jakey yan!

“Hello, Jake! My prob ako!”


“Hoi. Di to si Jake. Sabi na nga ba. May gusto ka talaga kay Mr. Pres.”
“Sino to?!”
“Si Aiden. Bakit, may angal?”
“Wag ka nga makatawag tawag dito at baka di na ko makaabot sa pasko ng buhay pag nalaman ng mga magulang ko na
may lalakeng tumatawag sa kin! Buti na lang ako ang nakasagot!”
“Eh may favor lang naman ako eh…”
“Ano yun? Dali dali. May tatawagan pa ko.”
“pwede ba kita maging girlfriend? Kahit isang araw lang!”
“Ayoko nga!!! At ba—”

tapos bigla kong naisip yung sitwasyon ko. Kailangan ko din ng kahit isa man lang na lalake na magpanggap na parang
sweet sweet kami.

“Teka, bakit?”
“Eh kasi may bisita kami dito eh nagyaya magdate tong babaeng to bukas. After daw ng klase. Eh kaw una kong naisip.
Nagbabakasaka—”
“So pareho pala tayo ng sitwasyon.”
“Bakit?”
“May balik bayan dito. Family friend. Eh ayoko sa kanya. Gusto ba naman daw ako ihatid sundo sa school?! Ayoko nga! Oo
cute siya, pero nagyoyosi!!! Ewww!!!”
“Ah alam ko na… magpanggap kang girlfriend ko, magpapanggap akong boyfriend mo.”
“Ewww!!! That would be the worst thing I would ever think of!”
“Susme. Wag ka nga magenglish English jan dahil hindi naman bagay sayo. Sige na! kailangan mo din naman diba? Isang
araw lang naman eh!!!”

Isip isip isip isip isip.

“P*cha. Sige na nga. Pero… warning! Isang araw lang! walang kahit ano! Just the name na mag bf-gf tayo!”
“Opo prinsesa ko!”
“Ganito. Abangan mo na ko sa gate tapos ikaw na dumiskarte.”
“Okay. Uh, tapos, pagnagpumilit pa tong babaeng to na makipagdate bukas, sumama ka tapos ikaw narin ang dumiskarte.”
“Okay.”
“Okay.”
“Sige. Bye.”
“Bye din prinsesa ko.”

DIAL TONE.

Whew! Problem fixed! Eek. Kadiri talaga tong Harry na to. Kung pwede lang upakan eh. Sabi na kasing ayaw ko eh
pinagpipilitan parin. Kahit anong excuse bale wala.

Nung gabi, di ako nakatulog ng maayos. Bukod kasi na katabi ko si Jin sa pagtulog, eh alam ko na nasa kabilang kwarto
lang yung Harry na yun. Nasa kama siya ni Kuya Ken. Di kasi umuwi si Kuya. Nako nako nako talaga!

The next day…

Garurot naman oh! Pagising na pagising eh inirita na ko agad ng amerikanong ugok na to. Bwitre talaga!

Tapos yun. Imbis na magbike eh nilakad talaga niya ko. Ang dami dami niyang sinasabi eh di ko naman siya maintindihan.

Nung nakarating na ko sa school, nakita ko na si Aiden sa may gate. Perfect. Pumunta siya agad sa kin. Haha. ang cute nga
ng scene kasi ang epal niya. Kinuha ba naman yung bag ko na hawak ni Harry.

“Oi pare, musta?”


“Tunge. Di yan nakakaintindi ng Tagalog.”
“Ah ganon ba.”

Sabay birit ulit nitong si Aiden.

“Hi bro. Ya’ from states?”


“Yeh. Who are you?”
“Kyleen’s lover.”
“Oh.”

At yun. Ang amerikanong ugok ay mukhang nagulat. Nako! Bigla kong naisip… pano kung isumbong niya ko kay na ma!?
Wah! Di ko naisip yun shucks!!!

“Want some cigar?”


“Yeah. My pleasure.”

Tapos sabay binigyan ni Aiden ng sigarilyo tong ugok. Nandidiri talaga ako. Tapos nagulat pa ko nung si Aiden mismo yung
nagbigay ng pack at nung lighter.

“You like my gf?”


“Mm. Yeh. She’s pretty.”
“Of course. That’s why I have chosen her.”

Tapos tumingin sakin si amerikanong ugok este ni Harry.

“But I thought you don’t have any boyfriend?”


“She’s not allowed. Don’t tell to her parents, ayt?”
“Pretty okay. But let me court her. Our family will transfer to a hotel later that’s why I wanna spend my time with pretty
Kyleen.”
“Bastos ka ba?! Sabing girlfriend ko eh. G*go pala to eh. di nakaintindi. Ganyan ba kayong mga kano? Okay lang na
ligawan kahit may boyfriend na?!”

Woah. Nagulat ako kasi nagsalita si Aiden ng tagalog. Tapos para bang galit. Pinigilan ko siya kahit na alam kong di
nakakaintindi ng tagalog tong si Harry. Eh pano kung magsuntukan pa tong dalawang to?!

“What did you say?”


“I said, let’s just meet later afternoon. We have classes.”
“Okay. Bye honey.”

Sabay kindat. YAAAAAAAAAAAAAAAAAKKKKKK!!!!!! For goodness sake!!! Kadiri! Tapos lumabas na yung usok sa may ilong
niya. OMG!!! Yuk!!
Nung nakatalikod na si Harry, parang gustong sumugod ni Aiden. Pinigilan ko nga eh. Haha. nakakatawa.

“Bwisit to ah. Di nakakaintindi. Leche.”


“Baliw ka. Thanks ha. Pero teka, wag mo sabihin na nagyoyosi ka din!?”
“Hindi no!”

tapos tinapon niya yung pack ng sigarilyo at yung lighter sa basurahan.

“Naisip ko lang yan kaya bumili ako sa tindahan para aliwin yung kanong di makaintindi ng ibig sabihin ng girlfriend. Di ata
siya tinuruan ng English teacher nila ng maayos eh. Tsaka sabi mo nagyoyosi siya.”

Haha. natawa talaga ako dun. Well, nung klase, natural nagaasaran parin kami tulad ng dati. Siyempre, mamaya pang
dismissal yung kasunduan namin. Wala akong balak na iapply yung deal sa loob ng school.

At siyempre, dumating na rin ang dismissal. Nagbbye muna ako kena Jake tapos umalis na ko agad ng school. Ayoko ngang
makita nila yung kalokohan ko. At lalong ayokong matukso dito sa unggoy na to.

“Barkada meeting!”
“Bakit anong problema?!”
“Ano yun?”
“Mamaya, may sort-of-date kami ni Aiden.”
“B—bakit?”
“Ayan kasi ang nagagawa ng torpe. Ayaw pa kasi—“
“Tumahimik ka Migs.”
“Eh kasi dapat tatawagan na kita kahapon. Kaso si Aiden una kong nakausap dahil biglang tumawag sa kin.”

Siyempre kinuwento ko na. Good thing naintindihan naman ng barkada. Siyempre kung anu-anong warning ang natanggap
ko galing kay Jake. Wag daw mag mini skirt blah blah blah.

Nung paglabas ko, nakita ko na naguusap na si Aiden at si Harry. Aba. Ang aga naman nito.

Lalapit na sana ako nung biglang dumating ang isang babaeng may earring na kasing laki ng kamao ko.

“Aiden baby!!!”

Siyempre… it’s my time to do my part.

“Teka! Alisin mo nga yang mga kamay mo sa leeg ng bf ko!!!”


“Is she your jowa?”

Aba. At konyo pa pala tong bruhang to. Sabagay. Sa suot palang niya polka dots na palda na para siyang nasa 80’s with
matching kamao earrings eh di na ko magtataka. Tapos ang dami pa niyang punseras sa katawan.

“Oo siya nga.”

Tapos tiningnan niya ko from head to toe.

“Oh. Hi. I’m Milcah.”


“Kyleen. Kai na lang.”
“See. Sabi sayo may gf ako.”
“Eh sino tong lalakeng yan?! Hmm… in fairness. He’s gwapo.”
“Uh. Harry, this is Milcah. Milcah, Harry.”
“Hi. Nice to meet you Harry.”

Tapos ang pagkakapronounce pa niya sa Harry eh parang Hairy. Kadiri.

“Nice to meet you to Milk.”

Ayon. Bagay sila. Kakakilanlan lang nila eh may tawagan na sila agad. Well anyway…

Ginawa na namin ang part namin. Okay. Inhale exhale.

“Tara na beh.”
“San nga ba tayo pupunta?”
“Jollibee daw sabi ni Milcah. Eh yun lang naman pinakamalapit dito eh.”
“Oo nga eh. Parang walking distance lang dito sa school. Eh bat kailangan pa nating magsasakyan?”
“Ayaw ni Milcah eh.”

Tae ang arte ah.

Napainhale pa ko nung biglang hinawakan ni Aiden yung kamay ko. Tatanggalin ko sana nung hinigpitan pa niya hawak.
Haayay.
So yun. Nakita ko yung kotse nina Aiden. Pinasakay niya si Harry sa harap. Pinauna niya si Milcah tapos ako tapos siya
yung huling sumakay.

Siyempre nakauniform kami ni Aiden na pang high school diba?!

At muli, nagulat nanaman ako nung sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Aba aba aba… sobra na to ah!

“Ano ba!”

bumulong ako.

“tanggalin mo nga yang ulo mo!”


“Para pagkamalan talaga na tayo.”
“Sumosobra ka na ah.”

Kurot abot niya.

“Aray ko!”
“Aiden? Are you all right?”

naman nitong impakta to. Wag ka nga makialam bruha ka!

“Oo okay lang ako.”

Ayon. Nung nakarating na kami sa Jollibee, kanya kanya na kaming order, pero si Aiden na yung pumila. Mejo nakakaasar
nga lang tong si Aiden… laging umaakbay! Inaabuso niya! Aba naman aba naman!

“Teka… if you are really mag jowa, kiss nga each other.”

Bwisit tong bruhang to ah.

“Yeah. That’s cool.”

Cool cool ka diyan… baka gusto mong ifreezer ko yang mukha mo Harry!!!! Nako. Patayan na…

“Gagi ka… wag kang magpapadala jan sa mga yan…”

bulong ko naman kay Aiden… nakakadiri… eek!!!

“Eh pano yun? Eh gusto nga nila…”


“Tumigil ka Aiden…”

Nagulat na lang ako nung biglang nagsalita yung babaeng konyo…

“Sige na! I thought you were kayo. Dali na… Harry, don’t you like them kissing? So that they could prove that they’re mag
bf talaga?”
“Yeah.”

Then a little later, naririnig ko na lang na nag ‘kiss! Kiss! Kiss!’ na silang dalawa. What the… shoot. Pano na to?!

Okay.

Napatitig ako kay Aiden…

NO WAY!!!

Teka… ayoko nga!!! Aba… bat ko naman siya hahalikan?! Sa una pa lang eh dapat di na talaga ako pumayag… ayan tuloy…
napasubo ako! Wah! Anong gagawin ko???

“Ano babe… ipapakita ba natin?”


“Ano kasi—”
“No more reasons! Just kiss!”

Shet!!! Ayoko!!!

Nakita ko na lang na lumalapit na yung mukha ni Aiden sa kin… naloloka na ko. Gusto ko may mangyari para di to
matuloy… Aaaaahhhhh!!! Ano ng gagawin ko?!?!?!

OMG. Malapit na siya…

Okay… Close your eyes Kyleen… this would be the END of your life… magpakamatay ka na after nito…

“Hello ma?!”
Napatigil na lang kami nung biglang yung kikay na boses ni Milcah eh nagsalita. Ayon, kausap niya yung nanay niya sa
telepono. Halatang halata nga na pinapagalitan na siya eh.

“Wait a minute.”
“Sure, take your time.”

Tumayo naman si Harry, nagbanyo. After ko nga sabihin yung ‘take your time’ eh nagsalita naman tong si Aiden na…

“Okay lang! Wag ka na bumalik!”

Haha. Mejo natawa ako dun. At ngayon… kaming dalawa na lang sa table… astig ng timing… ngayon lang gumanda yung
timing ng mga pangyayari…

“Astig no? Shoot. Akala ko matutuloy.”


“Sinadya ko yun…”
“Ha?”
“Oh my gahd! Aiden let’s go na! my nanay’s gonna kill me already… grabe! Hindi niya kasi alam na I’ll go out with you eh.”
“Okay lang… mejo gabi narin naman. Tara na babe.”
“We’re going already?”
“Yah Harry. Milcah’s mom is mad already.”
“Ah really. Okay, it’ll be fine.”

Tapos yun. Mejo umiiyak na nga si Milcah eh. Tsk tsk tsk… yan ang problema pag di nagpapaalam ang isang anak sa isang
magulang.

Nung dumating na yung kotse nina Aiden, siyempre sumakay na kaming lahat. Hinatid na namin si Milcah sa bahay nila.

Nung kaming tatlo na lang tapos naririnig na namin na nagssnorr si Harry, bigla niya kong inakbayan…

“Hoi Aiden… baka nakakalimutan mo na tapos na ang contrata.”


“Ineextend ko.”
“Baliw.”
“Hay… sana totohanin na lang kasi na tayo no. Pramis… aalagaan kita. Di kita papaiyakin!”
“tumahimik ka nga. Maging battered wife pa ko sayo.”
“Hindi yan pramis.”
“Ang galing ng timing no? buti na lang may tumawag kay Milcah.”
“Magaling kasi ako.”
“Aba pano ka naging magaling?!”
“tinext ko yung mama niya…”
“eh?!?!”
“Eh ayoko namang mamilit no… kahit… kahit gusto ko…”
“baliw ka.”

SILENCE.

Ang hirap naman nito. Pero… haha… di ko nga ba alam kung bat ko ginawa yun. Sumandal ako sa balikat niya… kahit na
alam ko na nakaakbay siya sa kin… sabihin na nating… sinasamantala ko din ang contrata…

Seriously?

Chapter 14

November na! Hai graabeeehh!!! Di ko na take ang life!!! Kailan ko kaya marerealize na kaya ako binuhay eh para
magsaya… kasi, feeling ko kaya ako binuhay eh para inisin nitong ungas nato eh… GRRR!!!

Ganda ng intro no?! Wala akong maisip eh. Wala na siyang ginawa kundi inisin ako… alam niyo ba buong sanlibutan…
napahamak ako dahil sa kanya!!! Bwisit!!! Akala ng teachers eh may nangyayare na daw samin… DUH?!!! Anong
mangyayare sa amin eh ni katiting sa kuko niya eh hindi ko gusto! Yeh right… whatever! Sabi daw ng guidance counselor
naming kalbo eh ipapatawag daw niya yung magulang ko… THE HELL!!! Magulang ko lang?!!!

Pero buti na lang at di natuloy… I’m still fortunate!!! Hai…

“Ui, best pwet okay ka lang?”


“Ah… oo… kaasar lang yang bwisit na unggoy na yan!”
“Ikaw kasi eh…”
“Eh bat ako?!”
“Wag mo na siyang awayin para manatili kang kalmado… baka magkawrinkles ka niyan… sayang lang yung pinagpaguran
ko…”
“Hai nako Jakey, asar lang talaga…”
Tapos may binigay siya sa aking papel,

“Ano yan?”
“CIR po…”
“Para san?”
“Field trip…”
“Weh?!!! Malapit na magfield trip?!!!”
“4 days from now…”
“Hwow!!!”

Usually kasi, may 3 kaming pupuntahang educational tapos isa, just for fun… tiningnan ko… national museum, fort
bonifacio… tagaytay… Enchanted Kingdom…

“Enchanted?! Weh, serious sila?!”


“Asteeg noh… pang 11th time ko na pumunta dun pag sumama ako…”
“Eh Jakey naman eh! Sama ka! 1st time ko kung sakali…”
“Aba eh kung sasama ka, o sige…”
“YEHEY!!!!”

So ayun, napagusapan naming magkakakada na sama sama kami sa field trip. Pinayagan naman ako ni mama at ni papa sa
field trip basta ba daw eh magingat ako. Haha! Galing!

To admit, excited talaga ako kasi nga first time ko diba?! Well, wala silang care noh… dukha lang ako kaya di pa ko
nakakapunta dun… haha… joke… pero first time ko lang talaga dun. Siguro kasi too busy sina mama at papa para mag
outing dun…

Two days before the field trip, nagmunimuni ako kung anong pwede naming gawin na magkakabarkada. Nung 1st year kasi
sa 8 waves kami. Eh unfortunately, meron ako nun kaya di ako nagenjoy. Nung second year, di ako pinayagan kasi may
meningococcemia daw sa Baguio… Parang ewan lang eh no. Eh sa calculation ko, next next week pa ko magkakaroon… at
siguro naman, walang sakit na meningococcemia sa echanted…

“Hoi!”
“Ano ba Aiden! Para ka talagang sira… pati mga patay bubuhayin mo eh!”
“Eh ano nanaman bang ginawa ko?!”
“hindi ka lang naman nanggulat noh?”
“Hindi nga…”
“Ewan ko sayo…”
“May kasama ka na ba sa tour?!”
“Oo, mga kadamates ko…”
“Ay…”
“bakit?”
“Imbitahan sana kitang magdate…”
“Ano nanaman yang nasa isip mo?! Tunge!”
“Seryoso!”
“Idate mo nalang sarili mo no!”
“Ay… ayaw ko… gusto ko ikaw kasama ko…”
“Whatever Aiden… ang dami kayang gurlalu diyan na gusto kang makasama… don’t every try to bother me.”
“wag ka namang magenglish. Hindi bagay eh.”
“Eh ano bang sabi ko?!”
“Grabe, baliw ka na talaga…”
“Pumunta ka na nga kung saan ka liligaya! Shoo!”
“Eh kausap ko na nga yung ikaliligaya ko eh.”

Hai nako! Ultimatong eche burecheng uno panira de araw!!! Grr!!! Bahala nga siya!!! Asar ha!!! Isa na lang talaga at baka
magpaturo na ko kung pano mangmurder!!!

Maglulunch na sana kami… kasama ni Aiden yung sarili niyang barkada (mga angas boys ng batch) well, to admit eh siya
ang pinaka may ichura sa barkada nila… ewan ko ba kung anong balak niya, bigla siya umalis sa grupo niya tapos nakita ko
na lumalapit sa kin… what the…

“Jake!”
“O, bakit…”
“Bato bato pick tayo!”
“Ha?!”

Ang weird ha… anong plano nila?!

“Pag natalo ako, bibigyan kita ng P1,000, kaw na bahala kung san mo gagastusin…”
“At kung nanalo ka?”
“Sa kin si Kyleen sa Enchanted…”
“Hoi matsing! Kala mo naman kung sino ka! Hindi ako sa—“
“O sige.”
“Jake!!!”
“Akong bahala Kai…”
Tapos nung nagbato bato pick sila…

Scissors-stone
Paper-scissors
Stone-stone
Stone-paper

Yehey!!!

Guess who won?

Panalo si Jake! At si Aiden ay wala man lang score! Haha!

“O pano ba yan… akin na yung 1000…”


“O eto.”

Nakita kong binigay niya. Tapos bumalik siya sa grupo niya. Kinakanchawan siya. Nakita ko naman yung galit na may
halong lungkot sa mukha niya…

Nung bandang dismissal nakita ko si John na kausap niya si Karl. Hmm? Ano kayang pinaguusapan nila? Well, nag
eavesdrop ako… hindi namang seryosong eavesdrop kung sadyang malakas ang boses nila diba?

“Kawawa naman si Aiden no?”


“Oo nga eh.”

Tapos nagtawanan sila.

“Ayan kasi, nakipagpustahan pa… ayan tuloy wala siyang kasama sa field trip…”

Ha?! Tama ba yung narinig ko? Anong wala siyang kasama?!

“Eh sabing matatalo siya eh. Bang kulet. Hari ng jack en poy yang si Jake.”
“Ang lakas ng trip niya kay Kyleen ah. Gustong gusto talaga ng challenge ano?! Patahanin ba naman ang leon na hindi pa
kumakain?!”
“Tama ka pare… natitimang na talaga siya.”

So I understood… gusto niyang mainlove ako sa kanya ganon?! Kasi it looks like na ako na lang ang hindi in love sa kanya
sa campus… WHATEVER AIDEN!!! Pero ang di ko maintindihan, eh kung bakit wala siyang makakasama sa field trip.

Field trip.

Magkakasama kaming magkakabarkada. Mula sa national museum, fort bonifacio tapos naglunch kami sa tagaytay…

And all the while, nakita kong magisa si Aiden.

Weh?! Is he sure?!!!

Siyempre, naawa naman ako. Aba eh mag-isa ba namang kumain ng lunch?!!!

“Hoi Aiden, anong nasa isip mo at kanina ka pa mag-isang kumain ng lunch?”


“Wala ka na don.”
“Aba… bad mood…”
“Kung ayaw mong marape, lumayo ka sa kin…”
“Anong marape?! Eh kung ikaw kaya ang…”
“rarapin mo ko?! Go dali!”

Tapos humiga siya sa grass… baliw na talaga tong lalakeng to! Nasisiraan na siya ng bait…

“Hoi ang feeling mo naman! Umupo ka nga—“

And before I could speak, hinila na niya yung kamay ko kaya napahiga ako sa kanya… at bago pa man may nakakita nun,
inangat ko agad yung katawan ko.

“Baliw!”

tapos pinalo ko yung chan niya.

“Sakit nun ah!”


“Eh ikaw kasi! Para kang… Baliw!”
“Ah ganun pala ah…”

Tapos tumayo siya… well, kung ikaw yun eh tatayo ka rin dahil mukhang may masama siyang balak!! Wah! Oh no! Help!
Napatayo ako tapos hinabol niya ko sa field! Wah!

Ang daming taong nakakita nun… Yak!!! Issue nanaman toh mga tol!!!

Nung napagod na kaming dalawa, dun ako sa banig ng mga kabarkada ko, at siya, nagpahinga siya dun sa may horse
chuva…

Tapos tumakbo ulit siya…

Andun ako sa tabi nina Jake na hinihingal…

“Aiden ayoko na!!!”

Ayon, kinikiliti ako ni Aiden na kahit halos magitgit ko na si Jake. Tumatawa lang yung mga kabarkada ko nun. Kaso pansin
ko, si Jake, kanina pa walang imik.

“Ayoko na!”

Tumatawa parin ako nung sinabing ayoko na… tumigil na siya sa pangingiliti niya sa kin. Napaupo siya sa grass, medyo
katabi ni Geanne kung saan nakaakbay si Migs. Tumatawa lang sila… para daw kaming mga sira.

“Sabi sayo eh, sa akin ka nalang kasi sumama sa EK!”


“Manigas ka!”

After nun, tinawag na kami ng teacher namin papuntang bus. Oh well, hindi pa ko baliw para sumama sa kanya no.

Ang nasa tabi ko eh si Geanne, tapos nasa kabila naman si Nica. By surname kasi. Mm… hindi naman talaga. Haha.
Nakipagpalitan kasi kami. Nasa unahan ang lahat ng boys tapos girls sa dulo. Gulat nga ako kasi baligtad. Pero sabi nila,
baka kasi kung ano gawin ng boys sa dulo (last year kasi, may naginuman daw. Ayun, huli.)

Nung medyo aalis na kami at papunta na kaming Enchanted Kingdom, tumayo si Aiden… and guess where kung saan siya
pumunta…

“Geanne, pwede bang ako na lang diyan sa tabi mo?”


“Niyek. Eh di san ako uupo.”

Binulong ko kay Geanne na wag siyang aalis no matter what happens.

“Sige na Geanne, mahal naman kita eh. Hindi mo ba ko mahal?”

Sh*t yan ah! Gamitin ba naman daw ang charms!? Hindi na ko nakapagtimpi kaya ayun! Waahpak!

“Hoi Mr. Aiden Gabriel A. Smith, FYI, kung alam mo ang meaning ng surname eh hindi ka dapat dito umupo.”
“Eh excuse me po… pero in case hindi mo alam, ikaw po si Kyleen Ylkivia Tuazon Smith… ang aking asawa.”
“Tumahimik ka nga! Magkahiwalay nga ang boys sa girls eh!”
“Sige na! Makakatabi mo pa si Migs oh.”
“Narinig ko yan.”

Hinawakan ko si Geanne sa braso.

“Wag Geanne please!!!”

Siyempre pinabalik na ng adviser namin si Aiden. Tapos bumalik na si Aiden sa upuan niya. Buti nga at hindi siya nasunod!
Bwahaha!!!

Medyo five minutes palang ang nakakalipas eh biglang may hindi naramdaman si Geanne na maganda… nasusuka daw siya
kaya nireport ko kay Mrs. Lorna…

“Madam, nasusuka po si Geanne.”

Siyempre alalang alala si Migs pero pinaupo ni Jake. Pinuntahan ni Madam si Geanne… may binulong si Madam tapos
biglang nagannounce si Nica…

“yung mga nandyan sa harap, sino gusto makipagpalit kay Geanne? Para—“
“Ako! ako!”

Sh*t!

“Hindi makakabuti sayo na tumabi kay Kyleen. Baka kung anong gawin mo.”
“Jake, sabihin mo kasi kung gusto mo para ibigay ko na.”
“Wag ka magumpisa Aiden.”
“Pasensya ka na, hindi kasi ako torpe.”
Tumayo si Jake, pero since katabi siya ni Migs, pinigilan. Ay ewan ko ba. Alam ko namang may konting tensyon sa pagitan
nila, siguro kasi concerned lang talaga sa kin si Jake. Ako ba naman tong maging biktima ni Aiden ng kung anik anik na
ecklaboo niya.

Nag “peace” sign sakin si Geanne… para bang ‘Kyleen sorry kung hindi kita naprotektahan laban sa masasamang espiritu
pero kailangan ko talagang umalis…’

WAAAH!!! WAG GEANNE!!! DON’T LEAVE ME!!!

At eto namang lalakeng to na napakabilis humanap ng butas eh nagumpisa ng magkarga ng gamit niya papunta sakin.
Bwisit! Kaasar talaga!

Para bang nung umulan ng swerte eh lahat sinalo niya… tapos nung umulan ng pwet na may balat eh nasalo ko lahat…

Ayon. Nandon na siya. Grr.

I mean… Nandito na siya.

“O kamusta na babe? Namiss mo ba ko?”


“Eh kung lukutin ko kaya yung mukha mo?”
“Ay… gusto mo bang maging lukot din ang muka ng anak natin?”
“Shut up!”

Maya maya, nakatanggap ako ng text mula kay—

Kai wag ka masyado paapekto jan.

Ako naman, reply agad.

Oo naman no ;) Alam ko namang hindi totoo eh. :) Kung may totoo, yun ay yung pagiging concerned mo sa kin. Ahehe.
Drama?! Haha. Slamat. Kaw, mahiga ka na nga. Mabilis ka pa naman mahilo.

“Ano ba yan. Kung nag-iibigan kayo, ipagsigawan niyo na.”


“Aiden, wag ka malisyoso. At higit sa lahat, wag kang usi.”
“Eh gusto ka naman ni Jake.”
“Magbespren lang kami.”
“Yun ang tingin mo. Eh ang tingin niya?”
“Kung may gusto siya sa kin, matagal na niya yun sinabi.”
“Alam mo kasi, tingin ko, matagal na niyang sinabi, unfortunately, sa lahat ng magugustuhan niya, ikaw pa na manhid…
at…”
“at?”
“At ikaw pa na nakatadhana na sa kin.”
“Bahala ka nga. Pero yun lang talaga ang turingan namin sa isa’t isa. Okay?! Sino ka ba para sabihin mong nakatadhana ka
sa kin?!”
“Hindi mo na ba talaga natatandaan?”
“Ang?!”
“Ako yung asawa mo, sa una mong buhay.”
“hindi ako naniniwala sa reincarnation.”
“Ganon din naman ako.”
“Ay ewan ko nga sayo. Ang gulo gulo mong kausap!”

Ayon. Tumahimik na ko at sinaksak ko sa tenga ko yung headphones ng cd player ko. Hindi na ko tumingin sa kanya. Later
on, medyo inantok ako. Eh kanina kasi sa shoulders ako ni Geanne nakahiga… and what now?! Maglelean na lang ako sa
window kay sa naman…

“Gusto mo sa balikat ko na lang?”


“Never mind…”
“Matigas yang bintana. At least malambot balikat ko…”

Sabagay tama siya. Di ko na lang siya pinansin. Tapos naglean ako sa bintana. Nagulat na lang ako nung…

Kinuha niya yung ulo ko ng sapilitan tapos inilagay niya sa balikat niya.

And you know what he did next?

Nilagay niya yung ulo niya sa ulo ko.

Pero di ko alam kung bakit hindi ako tumanggi…

“O ano, bumigay ka rin?”

Iaangat ko na sana yung ulo ko nun pero hinwakan niya para di ako makawala.

“Eto naman, joke lang…”


Nakatulog ata ako sa balikat niya. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto. Pagkagising ko, malapit na sa EK…

“Hoi adik, gising na.”


“Asan na tayo?”
“EK na po…”

Tumigil na yung bus. Nakita ko na bumaba na yung mga kabarkada ko kaya bumaba narin ako. Nung nasa labas na ko,
hinihintay kong lumabas si Aiden pero parang hindi siya lumalabas…

Pumasok ako sa loob para kunin yung camera ko… well… one fourth of my reason eh dahil gusto kong tingnan kung
nakababa na ba siya o ano… ewan.

Nakita kong nandun parin siya. What’s the matter with him?

“Hoi, bat di ka bababa?”


“Eh kasi, di kita kasama.”
“Para ka talagang bata!”
“Joke lang. bababa ako siyempre. May hinahanap lang ako.”

Since bababa naman daw siya, bumaba na ko. Later, nakita ko na siyang bumaba. Pero something’s wrong…

Nandun na kami na pumipila para makapasok sa EK… nakita ko siya na mag-isa lang na pumipila.

Alam ko na kung bakit.

Nung nakapasok na kami, ewan ko ba. Nahirapan ako maglakad. Kasi naman, nag-aalala ako dun sa ungas na yun… wala
ba talaga siyang kasama?! Natitigang na siguro yun.

“Uhm… guys…”

Napalingon kami kay Geanne at Migs…

“Hihiwalay kami… okay lang ba?”


“Okay lang… enjoy ha!”

Pumunta kaming carousel. At eto namang si Jake eh nilubos lubos yung pagpipicture sa kin dun… haha.

Ayun… kaming tatlo na lang… Wala pa kami sa kalahati eh biglang nawala si Nica. Susme. Saan naman kaya nagpunta
yon?!

“Sinong hinahanap mo?”

Medyo nagulintang ako sa tanong ni Jake.

“Si Nica. Hindi man lang sinabi sa tin. San kaya pumunta yun?!”
“Sigurado ka?”
“oo naman! Eh sino pa ba?!”
“Andun si Aiden o.”

Napatingin ako sa direksyon na sinasabi niya. Oops. Andun nga si Aiden at kumakain ata ng potato fries… etong ungas
nato… bakit naman siya mag-isa?!

“Tara, puntahan natin.”

Pinuntahan namin ni Jake since hindi rin naman kami masyado nagsasaya na kaming dalawa lang.

“Ui! Aiden!”
“O! Kai! Jake! Asan na yung iba?”
“Napahiwalay sa min eh.”
“P*cha… kanina pa nga ako naghahanap ng kasama eh. Bwisit na pustahan yan.”
“O, sama ka na lang sa min.”

Perfect suggestion Jake… Sarap mong sakalin… pero sige na nga, nakakaawa din naman siya.

“Ikaw ba yan Jake?”


“Gusto ayaw?”
“Gusto.”
“Ikaw na nga tong pinagbibigyan eh.”
“Iniisip lang kita.”
“Wag niyong sabihing… kayo na?! Kayo na?! Anong kabadingan to?!”
“T*e. Naririnig mo ba yang sinasabi mo Kai?! Kadiri! Ayokong pinagkakamalan akong bading!”
“Si Jake kasi alam kong lalake. Aba malay ko sayo.”
Kumain din kami muna ni Jake bago kami umalis. Sumama na siya sa min. Iyon… nag anchors away kami… tapos flying
fiesta… tapos nag 3D pa kami… haha! Saya! Isang ride lang naman ang ayaw ko sakyan. Eh sana, hindi nila yun isuggest…

“Tara! Space shuttle tayo!”

Sh*t!!!

“Ayoko! Kayong 2 na lang!”


“Sige na Kai.”
“Jake, tigil-tigilan mo nga ako! Baka mamaya eh nawawala na yung ulo ko eh!!!”
“Hainako, tayo na.”

Hinila ako nina Jake at ni Aiden. Unfortunately, saktong pagpasok namin sa ride eh saktong kami na lang talaga ang
hinihintay para makumpleto yung seats…

Katabi ko si Jake…

Nasa likod ko naman si Aiden.

Perfect!

Kung sakaling maputol ulo ko, si Aiden sasalo at kung sakali namang matanggal kamay ko eh si Jake naman ang
makakakuha.

Nung naka sakay na kami… I was hysterically praying…

“Our Father…”
“Wag kang magalala, di naman kita pababayaan eh.”
“Sige. Wag mo pabayaan sina Koko at Keisha ha. Pakisabi kena mama at papa na mahal na mahal ko sila.”
“Kai... hindi tayo mamamatay dito.”
“Eh pano kung nangyare satin yung nasa final destination 3?!”
“Bakit, may dala ka bang camera?”
“Wala.”
“Pero yung isa meron?”
“Sana wala. T*e. Siya ang nagsabak sakin dito eh!”
“kung sakaling matanggal ulo mo, tatanggalin ko rin yung akin para patas.”
“Jake naman—“

And poof, nagsimula ng tumaas yung ride. Sigaw ako ng sigaw na pwedeng ng lumabas yung mga laman loob ko. Sobra. Si
Jake naman, tawa lang ng tawa.

And then it started…

Wala akong ginawa kundi sumigaw… akala ko nga eh lalabas na yung mga intestines ko… lecheng ride yan! Pag katapos
namin, ayon. Phew! I’m safe!

Paglabas namin, saktong may tumawag kay Jake.

“Hello… Opo opo… Ah… Sige… Sige po… Sasabihan ko po… Sige po bye.”
“Jake anong problema?”
“Punta lang ako sa bus.”
“Dahil?”
“Nagsumbong yung bus driver kay Mam Lorna. May umiinom daw sa bus natin.”
“Weh?!”
“Aiden…”
“Oh?”
“Iiwan ko muna siya sayo.”
“Sir yes sir.”
“Alagaan mo. Pag nagkasugat yan, papatayin kita.”
“Nanakot ka pa. Oo na. Aalagaan ko siya, wag kang mag-alala.”
“Kai, sige. Tatawagan na lang kita pag nasabihan ko na yung mga yon. Asar.”
“O sige.”

Ayon. Pinisil ko yung kamay niya at pinisil din naman niya yung akin. Ganon naman kami lagi. Alam ko namang nakita yun
ni Aiden. Pero ano naman? Alam naman ng lahat ang totoo.

“In love ka ba kay Jake?”


“Hindi no! Best friend ko lang talaga siya!”
“Eh bakit ka ganyan? Parang boyfriend mo yung nangiwan sayo ah.”
“Ikaw ba naman ang iwanan sa matsing na tulad mo!!??”
“Alam ko na… sa wheel of fate na lang tayo.”

Hinila niya yung kamay ko… Sumigaw ako ng ‘magdahan-dahan ka nga!’ kasi hinihila niya ko eh halos gabi na…
Sumakay kami dun sa wheel of fate… dismayado parin ako. Naaasar ako dun sa mga naginuman. Hindi ba nila alam ang
rules? Grr. Ayan tuloy pati si Jake napagsabihan. Poof. Umandar na…

“Hoi anong ginagawa mo diyan?!”

Tumabi siya sa kin. Tumabingi yung sinasakyan namin. Matatakutin pa naman ako sa ganun.

“Maghulus-dili ka nga!”
“Ikaw kasi eh.”
“Bakit nanaman?!”
“Wag ka na kasing madismaya. Andito naman ako eh.”
“Lumayo ka nga! Lalo lang ako nadidismaya eh!”
“Sabihin mo munang mahal mo ko.”
“G*go!”
“Seryoso!”
“Mag isa mo!”
“Ah ganun ah…”

Nasa tuktok na kami nung bigla siyang tumayo tapos mukha pang tatalon sa feriswheel…

“Hoi baliw na nilalang!”


“Sabihin mo muna!”
“In your peys!”
“O sige…”

DUH. Wala akong nagawa. Bwisit na kumag.

“O sige na! Mahal na kita!”


“Talaga?”
“Siyempre di yun totoo.”
“Okay na yun… bawiin mo pa eh.”

Nung umupo na siya sa dapat na pwesto… direchahan na yung tanong ko.

“Ano ba talaga… hindi ko alam kung pangilang tanong ko na to… may gusto ka ba sa kin?”
“Seryoso ba yan?”
“Oo… duh.”
“Eh di, oo.”
“magseryoso ka nga!”
“Eh sabi mo seryoso!? Eh di, oo nga gusto nga kita.”
“Para ka namang timang eh!”
“Ang gulo mo rin noh. Sinasabi na nga sayo eh ayaw mo parin maniwala.”
“Eh kasi di naman mukhang seryoso yang mukha mo.”

Tapos sumimangot siya.

“Oo.”

Tumawa ako… para kasi siyang timang eh.

“Nakakatawa ka!”
“Kung kailan seryoso ikaw naman tong hindi seryoso!”
“I mean… yung totoo!”
“Bahala ka na nga!”

Tumatawa parin ako nun… para nga akong sira ulo eh… ichura niya… haha… para siyang unggoy na hindi nabigyan ng
saging.

“Gusto mo ba talaga ako?!”


“Hindi nga kita gusto, yun na yun.”
“Eh bat para kang sira ulo na humahabol sa kin?!”

My question was so stupid… ang feeling ko naman kaya nirephrase ko.

“I mean, bakit parang alam mo yun… para na kasing buntot ka ng buntot sa kin. Inaasar mo ko tapos sweet ka na. sabihin
mong gusto mo ko tapos mamaya eh hindi na. ano ba talaga sister?!”
“Naniniwala ka na naman na gusto kita?!”

Yeah right Aiden. Haha… ewan ko na nga ba sa kanya. Bet ko, next time eh itatanong ko ulit yung tanong na yun sa kanya.

Nagtext na sa kin si Jake tapos yung buong barkada. Actually, mga 7:30, halos magkakasama na kaming magkakasection.
Bump cars etc. Ayon, basta marami na kami nung banding dulo.

By the end… Magffire works na.


“Wow grabe.. da best talaga ang fireworks dito!”
“Pag nagpakasal tayo, my fireworks para asteeg.”
“In your dreams!”

Tapos tawanan nanaman kami. Turing ko na kasi sa kumag na tao eh isang kaibigan nangaasar… para bang parte na talaga
ng araw-araw kong buhay yung pangtitrip niya… well, sana matigil…

Hinawakan ni Jake yung kamay ko. Nakacrossed fingers pa. Nagikee lahat nung nakakita pero di na lang namin sila
pinansin. Nasa kanan ko si Aiden, nasa kaliwa ko naman si Jake.

“Nung wala ba ko, may sinabi ba si Aiden?”


“Na?”
“Uh… inamin?”
“Ano bang aaminin niya?”
“ibig sabihin, wala pa siyang sinasabi sayo.”
“Marami siyang sinabi sa kin kanina… pero wala naman siyang ‘inamin’. Alin ba yun?”
“Wala.”

Pinisil niya yung kamay ko tapos ngumiti siya sa kin. Nagulat ako nung hinawakan din ni Aiden yung kamay ko. Pero nung
papalag sana ako…

Nakita ko si Aiden na nakatitig lang sa fireworks…

“Kai.”
“B—bakit Jake?”
“Wala. Nanibago lang ako.”
“B—bakit?”

Nung mga oras na yun, mejo nauutal ako dahil hindi ko alam kung bakit hindi ko inaaway si Aiden. Dapat, by the time na
nakita kong hawak niya yung kamay ko, makikipagaway ako. Kaso nagtaka ako kung bakit… hindi man lang ako pumalag.

“Wala. Nakakalungkot lang na… muka kang masaya na humawak sa nakaraan.”

Hinigpitan niya yung hawak.

“Pero di parin kita bibitawan.”

Hindi ko magets yung sinabi ni Jake. Basta ngumiti na lang siya. Nung sinubukan kong alisin yung kamay ko kay Aiden, lalo
niyang hinigpitan. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako makapagsalita…

Nung natapos na… saka lang niya binitawan ang kamay ko.

Nakita ko si Aiden na natutulog sa bus…

Nakita ko si Aiden na bumaba na ng bus…

Nakita ko siya na nagpaalam sa kin nung nagpart na kami ng ways…

I just realized that I can’t read him. Di ko alam kung kailan totoo… Kung kailan siya nagsisinungaling… Kung sino ba talaga
ang gusto niya…

At higit sa lahat…

Sino ba talaga siya?

Chapter 15

Ayan. Umpisa na ng December… magiging busy nanaman ang lahat. Ang bilis ng araw no? yeah. It has been weeks since
the field trip thingy. Dun ko lang nalaman na sa umpisa pa lang eh may balak na talaga kami iwan nung tatlo. Pinagtripan
lang pala kami nung mga yon. Unfortunately, may isang unggoy ang pumigil dun. Okay lang naman… tawa lang ako ng
tawa. Ang term ko pa nga eh…

“Okay lang, nagsaya naman kami ni Aiden.”

Nagtinginan sila kay Jake na parang… o ayan kasi… pinabayaan mo sa karibal mo. Yan tuloy, bawas points ka. Pero
honestly, it’s all okay. Wala naman akong gusto kay Aiden or kay Jake.

Ang unang activity for this month ay ang Family day. Values and Family Club ang magaasikaso dun (oi, auditor ako diyan…)
Kaya ayun, pinatawag kaming mga officers tapos nagplano para sa Family Day…
Haha… sasayaw din kami… Hwow… Nice one. Buti na lang at may talent ako. Ayun, nagplano kami ng games at decorations.
Habang nagpapraktis kaming mga babae ng sayaw, yung mga boys naman ang magaayos ng court para sa gaganaping
family day. 8 ang umpisa at 12 naman ang tapos. Tapos 12-5, bingo na…

Nagpractice ako ng sayaw. Ang title pa nga nung kanta eh ‘everafter’. Di ko na alam kung sinong kumanta. Pero nung
nakita ako ni Aiden sa practice, tinatawanan niya ko. Yuh right… whatever.

“Tinatawa tawa mo jan?!”


“Nadevelop na pala ang bones mo no? Galing mo sumayaw.”
“Well actually, unang steps pa nga lang ang nakikita mo eh. One fourth palang yun ng buong song.”
“O… tapos?”
“Haynako! Jan ka na nga!”

Sabay hawak sa wrist ko… oops… what the hell is this?!

“Ikaw naman… di ka na mabiro. Galing mo nga sumayaw eh.”

Tapos ngumiti siya sa kin. Eh kung ano pa man yun. Pinabitaw ko sa kanya yung kamay ko tapos bumalik na ko ng practice
room.

After nun, hindi na siya pumunta dun. Medyo naging uncomfortable nga ako kasi parang sa araw-araw na ginawa Niya eh
parte na ata ng buhay ko ang inaasar ako ni Aiden. So yun, minsan umaasa ako na andun siya somewhere para asarin ako
pero wala… mukhang nagaayos siya sa decors…

EH?!?! KYLEEN ARE YOU SERIOUS?! You’re missing him?!

No way!!! Hell no!!! No nah never!!! Sabi ko lang naman eh parang nasanay na ko na inaasar niya ko every now and then…

So yun, tuluy-tuloy lang ang practice hanggang sa perfect na namin ang sayaw. I just love dancing. Haha…

Anyway…

Nung araw na ng family day, 7:00 am pumunta yung mga officers. Pinaiwan ko muna parents ko kasi mamaya pa naman
daw yung program… Iwan daw muna ang parents ng officers tapos saka na lang papuntahin. Hindi pa daw kasi tapos yung
pag-aayos. Di pa naayos yung chairs at di pa nahahanda yung mahabang table, di pa daw nalalagyan ng skirting. Tapos
hindi pa nalinis yung bleachers. Nakoo yung mga lalake talaga… akala ko ba sila yung nagaayos nung mga ganong stuff?
Pero, mukhang hindi pa tapos… well, ano bang magagawa ko dun? Makukupad na nga siguro ang mga lalake sa bagong
henerasyon na ito… haha… just joking!

Pero pag dating ko sa court, ang ganda! Haha… Talaga naman palang ginawa nung mga lalake yung part nila. Purong
dekorasyon eh. Nakaset-up narin pala yung table, yung skirting na lang. tapos konting punas sa ibang upuan.

“Ui! Kai!”
“O, bakit ang aga niyo dito? Andito na ba parents niyo?”
“Ah, hindi. Pinapunta lang yung mga boys ng mas maaga.”

Ayun. Nakita ko si Aiden, Migs at Jake. Sila yung maglilinis ng bleachers at iba pang boys at mag-aayos ng chairs. Kaming
mga girls naman, skirting kami…

Inutusan ako ni Ate Maria, yung president ng val ed, na bumili ng pins. Kaya ayun, kumuha ako sa funds ng club at nilista
(kasi nga auditor ako di ba?!)

Pagdating ko sa tindahan, nakita ko si Aiden na umiinom ng softdrink. Aba! Tumatakas ata to sa gawain niya… parang
kanina lang na nakita ko siyang nagpupunas ng bleachers..

Well anyway…

“Hoi! Bat ka andito?!”


“Kasi wala ako dun.”
“Nakoo! Tumatakas ka no?”
“Hindi. Nagpaalam ako kay Kuya Francis. Tanungin mo pa…”

Ay… may napansin akong mali sa kanya. Kasi… mukhang malungkot ang unggoy ngayon, bakit kaya?

“Bakit ka malungkot ngayon?”


“Ha? Wala naman…”
“Hindi nga… Kuya pabili po ng pins…”
“Eh basta”

Tapos tinapon niya yung softdrink.

“Hinatayin na kita”
Sabay kami naglakad at hindi ko siya tinigilan…

“Sige na naman!!! Mapagkakatiwalaan naman ako eh…”


“Basta… malalaman mo rin naman mamaya eh…”

Mamaya.

Ayun, nag-umpisa na ang family day. Nagmamatyag ako sa mga kilos niya. Kung bakit siya matamlay ngayon…

And presenting, Values Club!

Ayan, sasayaw na ko… Haha…

Nakita ako ng mga classmates ko, sabay cheer ng ‘go Kai!!!’ habang sumasayaw. Haha… astig nga naman.

And now we're slightly weathered, we're slightly worn


Our hands grip together, eye to eye through the storm, yet
I still believe in ever after with you, yeah
Cuz life is a pleasure with you by my side,
And there ain't no current in this river we can't ride
I still believe in ever after with you

Habang sumasayaw ako, napatitig ako kay Aiden. Kinindatan ako. Sira talaga yun.

Nung natapos na kami, umupo ako sa bleachers. Tapos nakita ko siya na nakatingin ata sa kin. Well… ata. I’m not that sure
pero… kung sakaling nakatingin sia sa kin, maflaflatter ako… haha. Aba, kahit sino naman siguro diba?

“Galing sumayaw ah…”


“Siyempre!”
“Galing talaga ng bespren ko.”
“Woo. Hindi pa kasi magkaaminan eh.”
“Tingnan niyo kami ni Geanne. Happy.”
“Pero pagisipan niyo. Masaya maging single.”
“Bitter!”
“Tumigil nga kayo.”
“Magbespren lang kami ni Kai.”
“Sa simbahan na lang kayo magpaliwanag.”
“Tigil niyo na nga yan. Jake, bili tayo ice cream.”
“Bakit si Jake lang yinaya mo? Andito kami.”
“Ililibre ko na nga kayo eh.”
“Yehey!”

Siyempre ayun. Pumunta kami ni Jake dun

Pag punta naming dun sa bilihan ni ice cream. May sinabi si Jake pero nung una di ko narinig kasi marami ding tao. Maya
maya, may nakita na kong tinuturo niya.

“Ayun o…”

Nakita ko si Aiden na umiinom mag-isa. Siyempre nagtaka naman ako kung nasaan yung mga magulang niya. Pero
siyempre, mayor kasi yung papa niya. Last year na ata niya ngayon. Eh yung mama niya eh hindi ko alam.

“Ano kayang problema nung unggoy nay un?


“Marahil hindi makakapunta magulang niya. Ganun din last year.”
“Talaga?”
“Oo. Sa pagkakaalam ko.”

Hay nako.

Nung kainan na, pumunta lahat dun sa buffet table… Ayun, masaya naman. Pumunta ako sa pamilya ko (kaso wala si Kuya
Ken at Ate Kar dahil sa work and studies… katulad din naman ng ibang tao na may dapat iconcentrate diba?) At yun,
pinakain ko sila. Nung kumakain ako, nakita ko si Aiden na kumakain mag-isa…

“Ma, wait lang ah… may pupuntahan lang ako…”

Pinuntahan ko siya tapos umupo sa tabi niya… kawawa naman eh…

“Kaya ka pala malungkot.”


“Sabi ko sayo malalaman mo rin kung bakit.”
“Asan ba sila?”
“Busy pareho sa trabaho…”
“Ah… sana pinilit mo…”
“Ayoko, alam ko naman na para sa kin din yun…”
“Mm… eh di ako na lang muna nanay mo ngayon…”
“Aba, mukhang mabait ka ngayon…”
“Eh kasi mabait ka ngayon…”

sabay tap sa ulo tapos quite na ginulo ko yung buhok niya… parang aso lang? haha…

“Eh bakit, lagi naman akong mabait sayo ah.”


“Hindi no… Hindi lagi…”
“Eh di ibig sabihin, ikaw ang mami ko ngayon…”
“Oo nga…”
“Eh di…”
“Eh di ano?”
“Eh di… unggoy ka na!”
“Kahit kailan puro ka kalokohan!”

May iba pang part nung programs. Yung dance club ng school eh sumayaw. Yung choir eh nagpresent ng maikling kantahan
serye. Yung drama club din may pakulo. Hindi ako nakasali sa lahat kahit sa lahat ng binanggit ko ay member ako kasi nga
val ed ngayon.

Masaya yung family day… Natutuwa ako kasi nakita ko siyang masaya. Eh?!?!? Ano ba naman yang pinagsasasabi mo
Kyleen… nasisiraan ka na siguro ng bait. Hai… sympathy… buti na lang meron ka nun ano?

Ayan, bingo na! lumugar kami sa natural… a comfortable place sa may court. Though mejo crowded… alam ko naman na
kahit papaano nageenjoy yung mga family. Kanya kanya ng lapag ng bingo cards floor. Kanya kanya ng labas ng chalks,
pencils at markers… haha. At siyempre, yung iba may chibog parin.

At ang first lucky number natin ay… sa letrang B… 14!!! Araw ng mga puso, kiskisan ng mga nguso!!!

Tawa na lang kami sa punch line ni Sir Rom. Anyway, everyone seems to be enjoying the game.

“Kyleen…”
“Oh, bakit chonggo?”
“Wala. Ang ganda mo kasi.”
“Siyempre. It’s the genes pare.”

Nako ha… ano ba to, flattering style ng isang chonggong nangaasar o a way to pay yung utang na loob niya sa kin? In any
means… cute parin… aba! Maganda naman talaga ako…

Sabay kanta ng… mangarap ka!!!

Nung bingo, hindi kami sinuwerte. Well… partly yung sa akin. Kasi, ang aking kapatid, si Keisha, nanalo nung 5,000.
nakakaasar nga eh… kung kailan ba naman isa na lang yung kulang ko eh saka may mananalong iba. Ganun naman lagi
diba? Well… swerte naman nung utol ko. Kaso 3 sila… Kaya tig P1,665 sila…haha! Nagpabalato nga ako sa kapatid ko. Kaso
sabi ni mama, tumigil daw ako. Pambili daw yung ng damit ni Keisha… nyaks…

Pumunta ako papuntang banyo nung nakita ko ang buong barkada.

“O, bat kayo andito?”


“Ikaw lang kasi ang nandun.”
“Ay nako.”
“Kamusta na si Aiden?”
“Bat mo sa kin kinakamusta?”
“Mukang pinagpapalit mo na kami kay Aiden eh.”
“Hoi manahimik nga kayo!”
“Tingnan mo yung kamay ni Jake.”
“Sige Migs. Taran—“
“Bakit ano ba yun?”
“Wala yun Kai. Wag mo na sila intindihin.”
“Alam mo ba kung bakit kami andito? Nagulat na lang kami ni Geanne na sinusuntok niya yung pader.”
“Yep. Pumunta na nga akong clinic para kumuha ng bandage eh.”
“HA?!”

Pagkatingin ko sa kamay ni Jake, ayon, may bandage nga. Nakonsensya ako dahil wala ako para gamutin siya nung mga
panahong yun. Bakit nga ba naganun si Jake?!

“Jake ano ka ba! Bakit kasi naganun ka!”


“Yung bola niya kasi Kai. Nakita nanaman niyang hawak ng—“
“Migs ano ba!”
“Sige Migs ituloy mo.”
“—hawak ng iba.”
“Sino ba yun? Akin na, kunin natin yung bola mo. Sino yung hinayupak na yun.”
“Ano ka ba Kai. Eh kasi, wala naman pakiramdam ang bola.”
“Diba, natural lang naman yun?”
“Ay nako. Pigilan niyo ko! Sasabunutan ko na tong babaeng to!”
“O, anong ginagawa ko sayo Geanne?!”
“Secret.”
“O dali na. Sino ba kasi yan?!”
“Tingin ko hindi na kailangan.”
“Bakit?”
“Eh nasa kanya na ulit yung—“
“Halika na nga Kai.”

Tapos hinila ako ni Jake papunta sa may corridor. Narinig ko yung halakhak nina Geanne, Nica at Migs. Mga sira talaga yun.
Pinagtitripan nanaman nila si Jake. Halos nakalimutan ko na yung dahilan kung bakit nga ba ko pupuntang banyo.

“Wag mo na silang pakinggan ah.”


“Eh ano ba kasi yang dahilan? Jake naman eh.”
“O, bat ka naiiyak?!”

Totoo. Naiiyak ako. Nasasaktan kasi ako pag may nililihim ang barkada sa kin. Lalo na si Jake. Best friend ko, naglilihim sa
kin? Eh kahit kalian… hindi ako naglihim sa kanya.

“Tss… tahan na nga.”


“Ikaw naman kasi eh. Pinagaalala mo ko. Nakakainis ka.”
“Sige na, balik ka na—“
“Sabihin mo muna kung bakit mo ginawa yan sa sarili mo! Naman eh.”
“Dahil sayo.”
“Dahil sa kin?”

Mejo nawawala na yung mga luha ko. Eh pano ba naman hindi mawawala. Eh kada tulo pinupunasan ni Jake. Sino ba kasing
hindi mag-aalala sa ginawa niya?

“Joke.”
“Hindi naman nakakatuwa.”
“Ikaw talaga. Nagalit lang ako kanina dahil kay Migs. Iniinis niya ko eh.”
“Talaga? Mamatay man ako bukas?!”
“Bumalik ka na nga dun. Ayun o, kumakaway na anak mo.”

Pagtalikod ko, ayon, kumakaway na si Aiden. Bago ako umalis, hinalikan ko yung kamay ni Jake.

“O ayan ah. May kiss na yan! Pag yan hindi pa gumaling! Ewan ko na lang sa powers ko.”
“Gagaling yan… may basbas mo na eh.”
“Sige una na ko!”

Ayon. Pagpunta ko dun, mejo seryoso yung mukha ni Aiden.

“O, bakit?”
“Nakita ko yun.”
“Yung alin?!”
“Wala.”
“Yung alin ba?!”
“Ang kulet mo mami. O ayan! 24 daw! Lagyan mo na nga ng chalk yun.”
“Oo na po.”

Tapos ayon, tawanan galore.

“Payakap nga mami ko.”


“Shaddap.”
“Sige na.”
“Ayoko.”
“Eh di ako na lang yayakap sa mami ko.”
“Tumigil ka nga Aiden!”
“Ang cute cute mo talaga pag pumapalag. May naaalala tuloy ako sayo.”

May naaalala tuloy ako sayo.

“Sino?”
“Secret.”
“Bakit ba lahat na lang kayo nagtatago ng sikreto sa kin?!”
“May mga bagay kasi na hindi mo dapat malaman.”
“Tulad ng?”
“Mga dapat ng kalimutan.”
“Tulad nga ng?”
“Kasalanang hindi man lang na ikumpisal.”
“Ano ba! Tulad nga ng?!?!”
“O, number 1 daw! Yes isa na lang!”

Hay ewan ko ba dito sa unggoy na to. Ang gulo gulo kakausap! Kaanis. Anyway. Ayon, Nung uwian na, nagkahiwalay kami
kasi maiiwan daw ang boys para ayusin ang court. Lumabas na ko.
“Oi, di ka man lang ba magpapaalam sa kin?”

Eh? Sino naman yun… ah, si Aiden…

“Babay!”

sabay ngiti sa kanya at talikod.

“Uh, Mami…”
“O baket?”

though nagulat ako kasi tinawag niya kong mami. Kahit na kanina ko pa yun naririnig, paulit ulit parin akong nagugulat.

“Lubus lubusin mo na kasi sa susunod magiging masama nanaman ako…”


“Salamat ah?”
“Asus, nagdrama ka pa.”
“Lam mo, mahal na mahal ko mama ko… Sayang at—”
“Alam ko na yun! Ako rin naman eh! Mahal na mahal ko din mama ko.”

Sumakay na ko sa kotse namin, tapos nagdrive na si papa. Hindi siya natapos sa saktong ala singko ng hapon eh. mga 7:30
ng gabi pa natapos dahil may kabagalan yung mga nanalo. Siyempre, konting discussion pa and everything… Habang
nagddrive si papa (well anyway, mga isang minuto lang naman pag magddrive si papa from school to home). may nagtext
sa kin… Number eh… Kaya di ko kilala… sino naman kaya to? Pagkakita ko sa first screen, nagulat ako…

I’m Aiden’s mom and I want to thank you for taking care of my son. We really wanted to attend the family day kaso kami
ng dad niya may trabaho na hindi talaga pwede umabsent. take care and God bless you iha.

Wow! Nagthank you sa kin mommy niya! Pero, sino naman kay nagbigay ng # ko?? Duh! malamang si Aiden! sino pa ba?
tanung tanong ka pa jan. Si Aiden talaga oh. Eh pwede namang di niya Ibigay… nakakahiya… nako… di pa naman ako
masyado sanay na makipagusap sa mas matanda sa kin as you know, the moms and dads bukod sa mga magulang ko…

Ang bait naman ng parents niya! eh bakit kaya lumaki tong unggoy? Nako! spoiled siguro kasi unico ijo. Hmm… ang bait
naman ng parents niya. Nagthank you pa sa kin… So I guess, kinuwento na ni Aiden sa kanila yung nangyari. Na I became
his one-day mother. So, DUH!!! Anyway…

Kyleen. Sayang, umalis ka agad. Di tuloy kita nakita. Salamat kanina. Para ka ngang may telepathy eh. Alam mo kung
kailan ko sinisigaw pangalan mo. Mahal kita.

Ang sweet talaga ng bespren ko. Siyempre, reply naman ako.

Onga eh. Hinanap kita kaso mukang busy ka sa pagaayos. Hugs. Love you too Jakey! Wag na wag mo na ulit yun gagawin.

Bumaba na ko ng sasakyan nung may dumating na ikatlong message. And guess who.. sino pa na ba eh di ang butihing
anak nila…

Kai, kung nagetxt sau mom & dad ko, haha! Tinext ko kasi sila na magpasalamat sayo kasi mahirap aq alagaan… ako
nagbigay ng # mo. Thanks ulit… I love u mami!!! Onga pala… IKAW tinutukoy ko kanina.ü

Asus! Itong lalakeng to! Nagpasalamat ulit sa kin… well… appreciation accepted. Pero… teka… Alin ba yung sinabi niya
kanina? Ang dami dami niyang sinabi… ano nga ba yung huli??? Nakalimutan ko na… honestly, di ko alam kung alin dun sa
mga huli niyang sinabi yung yun. Anong ako?! Nakoo… di ko na matandaan… or… mas tama ata yung… Di ko na mafigure
out kung alin dun.

At dahil di ko naman mahulaan… Inon ko na lang yung radio habang unti unti na kong nakatulog…

I still believe in ever after with you.

Chapter 16

Hai grabe… ang dali matapos ng mga buwan. At heto, malapit na mag pasko. Parang kahapon lang nung first day ng school
ng third year. Lumalamig na nga ang panahon. Nagumpisa narin kami na magdecorate ng bahay. Christmas tree, Christmas
lights at iba pa. Uso pa nga ang Christmas stockings sa bahay eh. Pero kami nina kuya Ken at Ate Karylle, hindi na
nagaganon. Matatanda na kami aba. Sina Keisha at Koko na lang. Buti nga hindi na humihiling si Keisha ng Barbie. Haha!

Usually, mga 20 yung Christmas party namin. Pero ang pinakahinihintay talaga ng lahat ay ang yung battle of the bands…
10-15 bands ang magcocompete. Meron pa ngang mga first year eh. Kahit di pa sila ganun kagagaling, at least nagkaron
sila ng guts para sumali. Naalala ko pa tuloy na balak naming gumawa ng banda nung first year kaso hindi natuloy dahil
hindi kami nakaattend nung meeting. Eh di ayun, di kami nakabunot ng number.
Laging December 15 yung battle. Kung Sunday, saka magiging 16 or 14… So ayun, nagregister na lahat nung mga sasali.

Ayoko kasing sumali sa ganun kahit pa isa ako sa pinakamagaling maggitara sa batch namin. Haha, hindi naman. Isa sa
mga marunong at bihasa na sa paggamit. Minsan nga ang tawag samin ni Geanne ay ang M2M of the new millennium kasi
kami lagi yung magkaduet… tapos pag magjajaming kami, hindi mawawala ang kanta ng mga M2M… o basta yung dalawa
yung boses…

Ayun, pero wala kaming balak . Sa 4th year na lang… haha! Siyempre kaming mga girls lang… Ako lead at second voice, si
Geanne ang Vocals at rhythm at si Nica naman ang drummer. Saka na lang siguro kami maghahanap ng bassista.

Si Jake at si Migs kasi may sariling banda… kaso yung vocalist nila lumipat ng school… pano na kaya yun?

“Jake!”
“O?”
“Sasali pa ba kayo?”
“Oo naman. Hindi pwedeng mawala kami sa battle no.”
“Eh di sino na vocalist niyo? Wala na si Kris ah.”
“Wag ka mag-alala… meron na…”
“Sino?”

Sasabihin na sana niya kaso tinawag na siya ni Migs. Magpapapraktis na kasi sila. I wonder kung sino vocalist nila… iilan
lang naman ang magaganda ang boses sa amin eh. Napatingin pa nga ako kay Aiden…

Hindi… hindi… impusible. Pagkanta pa nga lang ng Lupang Hinirang di na niya kaya… maging vocalist pa kaya?! Pero…

Maalala mo sana ako…

Naalala ko yung pagkanta niyang yun. May posibilidad kaya na siya ang kunin nilang vocalist?!

Nung 2nd year lang sila sumali… nanalo sila ng 2nd place… galing nila no? Haha… grabe… Kaso wala na si Kris… ang ganda pa
naman ng boses ng lalaking yun.

Hai…

Nung 13, pinakilala na yung mga banda… hindi ko nga ba alam kung bakit sinesekreto sakin kung sino yung vocalist…

“Sino na kaya vocalist nina Jake ano?”


“Hindi pa ba sinasabi sayo nina Migs?”
“Asa ka Geanne. E siyempre, gf ka niya…”
“Eh bakit samin sinabi?”
“Eh!??? Bakit sa akin hindi?!!!”
“Sabagay….”

Tapos nagtawanan sila… Hay nako! Ang daya naman nina Jake eh! Ano bang ispesyal dun sa vocalist ila?!!! Hinanap ko si
Aiden… pero wala siya…

Ang ibig bang sabihin nito… si Aiden ang vocalist nila?! Can’t be. I must be mistaken… eh laging kumakanta yun sa
classroom. Parang lasenggero lang… kaya Kyleen… wag kang magisip ng ganyan… Soooper impusible ng iniisip mo.

Pero Kyleen… pag nagseryoso siya… ang ganda ng boses niya. Joke lang naman yung nasa classroom eh.

Nakakaasar yung konsensya ko. Kung anu-ano pinagsasasabi! Grr… bat ba ayaw nila sabihin sa kin?

Pagkakita ko sa stage…

Sh*t ba naman…

Tama pala yung hinala ko. Nagkaron nga ako ng dark aura eh. Parang nanggagalaiti… sa lahat ng kumag… bakit siya? Well,
oo marunong siyang kumanta… pero… magaling ba?!

Nako naman!!! Why of all people?! Bakit ba lagi nalang nakikieksena yung kumag na yun?! Ngayon alam ko na kung bakit
ayaw sabihin sakin nina Jake kasi alam nilang kokontrahin ko sila…

“So ayan… kami po ang Moonlight… Ako po si Jake, sa rhythm guitar…”


“Miguel po sa drums”
“John po sa bass…”
“Karl po lead…”
“At ako naman po ang bagong member… Aiden po, vocalist…”

Ahhhhhhhhhhhhhhhhrrggghh!!! Grabe, nangagalaiti ako sa galit!!!! Sa lahat, bakit yung kumag na yun!!!??? Grr… Hai
nako… I doubt it… Baka mawala na sila sa place!!!

Nakita kong tumatawa sa kin sina Nica… Aba! Tong mga bruha na to!
“Eh bakit kaya kayo tumatawa! Nakakairita kaya!!!”
“Haha! Kaya nga ayaw sayo sabihin nina Jake, kasi pag pinigilan mo sila, wala silang magagawa kundi sundin ka… alam mo
naman under mo sila…”
“Kahit na! Unfair!”
“Hai nako Kai, alam mo, don’t worry, maganda talaga boses ni Aiden… at alam naming alam mo yun. Wag na kasing ideny.”
“Alam mo Geanne, pag kumanta yan, baka bumuga lang yan ng apoy. Alam mo naman na para siyang lasenggero pag
kumakanta sa room eh!”
“hay nako. Ikaw nga tong nakarinig na talaga ng boses niya ng seryosohan diba? Ikaw lang naman tong nagsasabi na para
siyang lasenggero kumakanta, kahit ng deep in side, alam mo na.”
“Siguro kayo magkakatuluyan pag laki!”
“Sige pa Nica… sige lang… pag may pagkakataon, masasabunutan din kita…”
“Nakoo Kyleen… pag nakita ko kayong magkasama at magkaholding hands, ikaw ang gugulpihin ko…”
“Pero pag after 10 years nakita mo ko going solo, gugulpihin kita!”

12th sila… Uh, well, ok na yun kasi 15 yung banding sumali… kahit 3 pm pa yun umpisahan, aabot pa yun ng 12 midnight
kasi tig tatlo yung kanta… ok na yung sa three fourths sila… at least medyo gising pa yung mga tao…

Bandang dismissal…

“Uy Kyleen!”
“Kayo pala… nakita niyo ba sina Jake?”
“Nagpractice. Panigurado… gusto nila surpresa sa lahat… ano kaya costume nila ngayon noh?!! Hahaha!”

Naalala ko tuloy last year… last year kasi ang costume nila eh gown… grabe, ang ganda ng best friend ko! Haha… naexcite
tuloy ako…

Hindi nga nila ako pinayagang pumunta sa mga practices nila eh. Huhuhu… pero sabagay. Sabi naman ni Jake, better to be
surprised daw.

So ayun na. After weeks of wait, eto na!!! Battle of the bands na! Since kasama ako sa juniors org, inipon ko yung third
year para magpunas ng bleachers for the event tonight. Ang suot ko, black-yun kasi uso pag battle. Pero with touches of
white and red kaya cute parin… para nga kong rakista, pero di ako trying hard. Medyo boring yung 1st bands. Well, may
tumugtog ng maayos… pero bet ko, Moonlight ang pinaka maayos sa lahat. May ibang 4th year panigurado na hindi
papayag… pero nobody knows.

“AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!”
“Ano ba Nica—yung sigaw—“

Oops… narindi ako dun ah… ayan sila na pala… grabe tong mga katabi ko… haha… siyempre nakisigaw na rin ako…

“Moonlight!!!”

Siyempre yung grufeng balatokla (pangalan yun ng magkakabarkadang bakla (na may isa lang na babae sa grupo nila) na
mahilig sa gwapong lalake sa batch namin…)

“Shet! Ang gwapo ng baby ko!!!!”

Ayan nagsisisigaw na sina Geanne… oo nga, in fairness ang gwapo ni Migs kahit nakatakip yung mata. Maskara ang theme
nila ngayon ah…

“Sino yun?”
“Si Aiden yan gaga.”

WEH?! Si Aiden ba yun? Bat ang cute niya? No! It’s impossible!! Si Jake yung unang nagsalita… second voice kasi siya…

“Hi…”
“AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!”

Sinabi ko naman na lumaki siyang cute di ba? Kaya hindi na nakakapagtaka kung may marinig akong sigawan… ang gwapo
niyang bandang yan… haha! Nagpapasalamat na nga lang ako at sa batch namin, medyo marami-rami ang may itsura…

“Uh, una sa lahat, dinededicate namin to sa lahat…”


“Hi sa baby ko.”

Uuuyy… ang sweet naman ni Migs. May special mention pa para kay Geanne. Haha! In fairness no… 2 years na pala sila.
Hay nako… grabe… kinikilig siya… haha! Eto namang mga kakada ko… haha… ang hyper. Ako lang ang medyo tahimik…

“Uy! Anjan pala kayo!”

Grabe… at lalong lumakas ang sigaw… may unggoy kasi na nagsalita…

“Mic test, mic test…”

Hay nako… kaasar… wala talaga ako makitang maganda sa boses niya… Grrr…
“Uh… Sabi ni John hi daw kay Kat-kat…”

Tapos may narinig akong ‘g*go’ na sinabi ni John… medyo malapit kasi kami sa stage kaya narinig ko kahit walang mic na
nakatapat sa kanya…

“Tapos I lab you daw Erin sabi ni Karl!”

Etong kumag na to, binubuking yung mga crush nila… By the way, it’s another Katrina ha? Hindi siya yung kaaway ko…
Hindi siya taga dito sa school na to.

“Ayoko sabihin yung kay Jake, baka masuntok ako niyan eh…”

Tapos tawanan ang lahat… Nag-sip ako sa softdrink ko…

“At yung akin naman, hi sa pinakamamahal kong unggoy…”

*cough cough cough* ANO DAW SABI NIYA?!?! Hayop talaga yung unggoy na yun oh! Pero nung tiningnan ko mga kakada
ko, tumatawa lang sila at hindi nila ko tinukso… ah… kaya ibig sabihin, hindi nila naintindihan yung sinabi niya… good good…

GAGA!!! Sino bang nagsabi na ikaw yung pinakamamahal niyang unggoy?! Para ka talagang sira Kyleen…

Ayon… Tapos una nilang kinanta yung santa claus is coming to town… since required na kailangan isang Christmas song ang
kakantahin…

Yung susunod, hindi ko napanood. Tumawag kasi sa kin si mama eh. Ayon. Kung anu-ano tinatanong. Pumunta ako sa
labas tapos bumili ng pagkain para sa ming tatlo, at siyempre para sa pinakamamahal kong bespren at kay Migs.

Buti, naabutan ko pa yung huli.

“Eto!!! Hooh! Kapagod… Tong last song namin, para to sa lahat ng manhid…”

Tapos tumingin siya sa kin… Tintigan lang niya ko… Ewan ko… Parang kinilabutan ako…

“Para sa pinakamamahal kong prinsesa sa mundo ng mga unggoy…”

At don… biglang tumingin sa kin mga kabarkada ko…

“Hoy… wag nga kayong tumingin ng ganyan…”


“Sabi na nga ba nadedevelop na yan sayo eh…”
“Mga gaga! Tumahimik nga kayo! Buhusan ko kaya kayo diyan?!!!”
“Eh sino pa bang manhid?!”
“At sino pa bang unggoy?!”
“sino kaya yung prinsesa niya?!”
“At higit sa lahat…”

Tapos sabay-sabay sila… nakoo nakakairita!!!!

“Sino kaya yung…”


“pinakamamahal niya!!!!!!!!!!!!!!????????”
“Che! One thing is for sure… hindi ako yun…”
“Probability ng sinabi mo? 1 is to 100 chances correct…”
“Tigilan niyo nga ko!”

Narinig ko na ang napakagandang lead ni Karl. Si Karl… na isa sa mga una kong hinangaan sa batch dahil sa galing niyang
magitara.

Tapos kumanta na siya…

Para kang asukal


Sing tamis mong magmahal

Siyempre nasa harap kami ng mismong stage nina Geanne at Nica. Etong dalawa, walang tigil sa kakahiyaw. Ako, as a
support, winawave ko na lang yung bond paper na lukot lukot na may nakasulat ‘go moonlight’.

Para kang pintura


Buhay ko ikaw ang nagpinta

Ayon. Siyempre ang sakit sa tenga ng mga tili ng pinaghalong babae at bakla. Gaah! Pasalamat na lang at nasa bandang
yan ang bespren ko at si Migs.

Para kang unan


Pinapainit mo ang aking chan
Para kang kumot
Na yumayakap sa twing ako’y nalulungkot

Minsan talaga… ang sarap pakinggan ng boses ni Aiden. Nakakawala ng stress. Whoaps! Ano ba yang pinagsasasabi mo
Kyleen?!

Kaya’t wag magtataka…

Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumapat sa kin sa may stage tapos…

Kung bakit ayaw kitang mawala…

Nginitian niya ko.

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!”
“Kilig!”

Siyempre etong dalawang to hindi papahuli. Yung iba naman na nakaikot sa kin, kanya kanya ng siko! Aba naman mga
mare’t pare. Ingat ingat lang! Kayo kaya ang masiko!?

Kung hindi man tayo

Nakatitig parin siya sa kin. Narinig ko yung boses ni Jake. Second voice ata.

Hanggang dulo wag mong kalimutan

At anong tinuturo turo mo jan?!

Nandito lang ako laging umaalay


Hindi ako lalayo

Talaga lang?!

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw…

Tuluy tuloy parin ang hiyawan. Nakakainlove lead ni Karl. Naks. Galing magitara. Si Jake, nakita kong ngumiti sa kin.
Ngumiti din naman ako sa kanya.

Di baleng maghapon pang umulan

Naalala ko tuloy yung trick or treat.

basta’t ikaw ang sasandalan…

Ay ano ba Kyleen! Kung ano ano iniisip mo eh!

Liwanag ng lumulubog na araw


kay sarap pagmasdan…
Lalo na kapag nasisinagan ang yong mukha

Tumingin nanaman si Aiden sa kin.

Ayoko ng magsawa…

Pero dun ko napansin…

Hinding hindi magsasawa sayo…

Na pati na pala si Jake nakatingin na sa kin.

Kaya’t wag magtataka


Kung bakit ayaw kitang mawala

Bigla akong napatahimik… Nakatingin ako sa dalawang taong nakatingin sa kin. Hindi ko alam kung pano ko yun nagawa.
Ewan ko. Biglang sumakit yung ulo ko…

Kung hindi man tayo


Hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko…

Sumigaw nanaman sina Geanne at Nica at ang buong sanlibutan. Ako, patuloy lang naiinlove sa lead ni Karl. Ganda eh.

Bahala na…
Ayoko munang magsalita…

Ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil…

Hayaan na muna natin ang daloy


Ng tadhana

Tadhana narin ang nagsabing ngumiti ako.

Ayan na yung lead ni Karl kasabay yung super galing na drums Migs.

Kung di man tayo


Hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalay
Hindi ako lalayo

“Woo!”

Sumigaw ako dahil nagsecond voice si Jake. Siyempre bilang support. Hay. Tumalon ako para malamang sa kanya ako
nakasuporta. Ang galing talaga ng bespren ko!

Kung hindi man tayo


Hanggang dulo wag mong kalimutan…

Wag kalimutan… Pano ko ba ako makakalimot na anjan ka lang para sa kin…

Nandito lang ako laging umaalay


Hindi ako lalayo…

Teka… sino yung… sinasabihan ko?

Dahil ang tanging panalangin…


Dahil ang tanging panalangin…

Sa halo ng ganda ng boses ni Aiden at ni Jake, hindi ko na alam kung sino dun yung nangibabaw. Sabihin na nating… ang
ganda nung mix.

Ay ikaw.
Ay ikaw.

Tumingin ako kay Jake. Kinindatan niya ko. Sumaya ako bigla. Kung saka sakali… gusto ako kay Jake ako maiinlove… kung
mararamdaman ko na…
.
Ay ikaw.

Wag mo ko titigan Aiden…

Ay ikaw.

Nagflying kiss siya sa kin. Ayon, isang daang siko nanaman ang natanggap ko mula sa iba’t ibang tao. Pero hindi ko alam.
Biglang sumakit yung ulo ko na napatakbo agad ako sa bleachers para magpahinga.

“Kai?! Hui! Ayos ka lang ba?!”

Narinig ko yung mga salita ni Nica. Pero… parang… nagitim yung paningin ko tapos may nakita nanaman akong mga
larawan…

Isang batang lalake… at…

“Kai!”

Nagising ako, si Jake pala. Naka patong yung lap ko sa may lap ni Jake.

“J—Jake?”
“Ano ka ba!”

Yinakap niya ko ng sobrang higpit. Sobrang higpit na halos nakalimutan ko na kung anong nangyare. Hindi ko nga
matandaan kung hinimatay ako o basta humiga na lang ako.

“Wag mo nga ako ipagaalala ng ganito!”


“Nasan na tayo?”

Pag kakita ko, nasa school parin kami. Last na ata yung tumutugtog.
“Nagulat na lang ako nung bigla kang tumakbo sa bleachers eh. Tapos humiga ka.”
“Akala ko kung ano na nangyare sayo eh. Eto kasing si babes.”
“Bat ako! Alam mo namang pagdating kay Kai kinakabahan talaga ako pag hinihika.”
“Geanne, hindi yan hika.”
“Alam ko, kaya nga lalo akong kinabahan.”
“Ano ayos ka lang ba?”

Napaupo ako. Migraine? Siguro nga.

“Para kasing… nanaginip ako saglit. Ewan.”


“Ano?”
“W—wala… pero parang…”
“Parang?”
“Yung… hindi ko alam. Hindi kasi ako sigurado.”

Pinainom niya ko ng tubig tapos pinagpahinga muna niya ko sa balikat niya. Buti na lang, anjan ang bespren ko…

“Congrats nga pala. Ang galing niyo kanina.”


“Kami? O, baka naman si Aiden lang.”
“Ano ba yang sinasabi mo Jake. Siyempre kayo. Gusto ko talaga lead ni Karl. Ang galing.”
“Yung prinsipe mo paparating…”
“Jake… kung sakaling may prinsipe ako… ikaw yun.”

Ngumiti si Jake. Hindi ko alam kung narinig yun ni Aiden pero bigla siyang napatigil. Ako naman, nakatingin lang ako sa
kanya, wondering kung bakit siya tumigil.

“Sumakit daw yung ulo niya.”


“May nangyare?”
“Wala pa.”

Gusto kong iangat yung ulo ko pero pinigilan ni Jake.

“Wag kang mag-alala, hindi ko siya kukunin sayo.”


“Wag mo nga akong pinaglololoko. Dati mo nang ginawa yun, at ayoko lang maulit.”

Naguluhan ako sa pinagsasasabi nila na napapikit na lang ako para marinig at pilit dindecode yung sinasabi ng dalawang to.

“Kung ano mang nakaraan ang meron kayo, wag nga kayo mag-away sa harap ni Kai.”

Napadilat ako.

“Migs.”
“Etong dalawang to eh. At ikaw naman miss tulog, magbubugbugan na sila sa harap mo, di mo pa alam.”
“Eh di naman nila yun magagawa eh.”

Hinawakan ni Nica at ni Geanne si Aiden sa braso. Hindi ko na alam kung anong nangyayare. Parang… parang ako na lang
ang walang alam sa mga nangyayare.

“Aiden, dun ka na lang.”


“Kakamustahin ko lang naman.”
“Ayos lang siya, baka mag-away lang kayo ni Jake eh.”

Magaaway? Bakit naman sila magaaway?!

“Aiden.”

Tumingin kaming lahat kay Jake. Hindi ko na talaga alam ang nangyayare. Kung hindi lang talaga masakit yung ulo ko,
magrereact ako sa sinasabi nilanglahat.

“Kai, ayos lang ba na kausapin mo siya?”


“Oo naman, bakit hindi?”

Umupo si Aiden sa kanan ko. Yung tatlo naman, nasa paanan namin nakaupo.

“Prinsesa ko, ayos ka lang ba?”


“Sige, magsisinungaling ako. Oo ayos lang ako.”
“Ano ba nararamdaman mo?”
“Sumasakit ulo mo.”
“Katulad ka talaga niya.”
“Nino?”
“Ni Lenlen.”

Unang beses kong narinig ng derechahan na sinabi ni Aiden ang pangalang yun sa harap ko. Nabigla ako sa totoo lang,
pero, ano ba dapat ang ikagulat ko?
“Oo… katulad ka nga niya”.

Hindi ko alam kung may narinig ako na ganun… o nagiilusyon lang ako. Pero kung sakaling totoo yun… alam kong galing
yun sa boses ni Jake. Tumingin ako sa kanya, at nakita kong nakatingin siya kay Aiden.

“Tama ba narinig ko? Jake nagsalita ka ba?!”


“Hindi. Kayong dalawa ni Aiden ang naguusap, diba?”

Siguro nga… ilusyon lang yun. Minsan kasi, nakakarinig ako ng mga boses na akala ko narinig ko pero hindi pala. Ewan ko
ba sa tenga ko.

“Magkakilala na ba kayong dalawa dati?”

Nagkatingin ulit silang dalawa.

“Hindi.”
“Para kasing… oo.”

Tumawa si Migs at si Nica. Pero si Geanne, parang tulad ko ding walang alam.

“Lagot.”
“Bakit Migs?!”
“Mukang magaling yung last na banda no, Nica?!”

Ngumiti lang si Nica. Kaming anim, tumingin lang sa stage. Magaannounce na ata after nung raffle.

“Sige, kailangan ko na rin mauna.”


“Hindi mo hihintayin yung announcement?!”
“Hindi na siguro.”
“Sige tol, ingat.”
“Ikaw din.”
“Bye Aiden.”
“Ay teka.”

Lumapit sa kin si Aiden at nagulat ako nung hinalikan niya yung noo ko. Wala ako sa energy para awayin siya kung bakit
niya yun ginawa.

“Ingat ka.”
“Oo, magiingat ako.”

Nagbabay na kaming lahat kay Aiden. Nakita ko siyang nakipagapir muna kay John at Karl bago tumuloy tuloy sa labas.

Sa awarding, 2nd ang moonlight. Naks. Next year, first na sila.

Hinatid ulit ako ni Jake sa bahay gamit yung kotse nila. Siyempre, nagbabay narin ako.

“Matulog ka na ha. Uminom ka muna ng gatas.”


“Oo na po.”
“Bye.”
“Bye.”
“Ah… teka Kai…”
“Ano yun?”
“Yung kanina nga pala… yung tungkol kay Aiden… wala yun ha. Wag mo na isipin. Nagalala lang talaga ako sayo ng sobra…”
“Oo, wag ka mag-alala. Alam ko namang concerned lang kayong mga kaibigan ko eh. Sige, matutulog na ko Jakey.”
“Sige, good—night.”

Umakyat na ko sa taas at tinakluban ang sarili ko ng unan. Maya maya… may nagtext sa kin.

Ikaw lang naman talaga ang panalangin ko eh. Aheheh. Labyu prinsesa ko.Pagaling ka.

Ako, may wisho pa naman ako para magtext kaya nagreply ako.

Labyu mo muka mo. Hehe. Mejo okay na ko. Totoo ba yung kanina?

Sabay reply.

Alin dun? Wala na kong load Kai.sige, good night.

Nagbuntong hininga ako. Habang tumatakbo ang oras… lumalabo ng lumalabo ang mga pangyayareng nagaganap sa buhay
ko…

Pero may ilang lumilinaw… ata.


Di ko parin maalis yung litratong yun sa isip ko…

Chapter 17

Good morning Philippines! Yihee… kilig naman ako… bakit kaya ganda ng gising ko?! Grabe no? Grabe talaga ang third
year… daming adventure… sana next year, konti na lang…

And guess what…

Ilang araw na lang… PASKO NA!!!

May ibang nagbibigay na ng regalo. Kasi ako, tradisyon ko na ang magbigay sa Christmas party… Yung iba nagsasabihan ng
gusto nila… Pero ako, haha! Siyempre di naman kami mayaman para bilhin yung gusto nila… pero instead, bumibili na lang
ako ng useful na gamit…

Nakatulala lang ako nung biglang may kumalabit sa kin… E sino pa nga ba…? E di yung alaga ko… Ano nanaman kayang
binabalak nito?!

“Ano gusto mong regalo?”


“Bakit reregaluhan mo ko?”
“Ang kailangan ko po ay sagot at hindi po tanong…”
“Aba… uh sige…”

Tapos nagisip ako… nagisip ng nagisip ng nagisip…

“Uh… Wala akong maisip eh…”


“Isip ka ng gusto mo…”

Siyempre nag-isip ako ng possible niyang bilhin para sa kin… malay mo ibili niya talaga…

“Violin.”
“Ang mahal naman!”
“Bakit, ibibigay mo sa kin?”
“Siyempre ang gusto ko yung gusto mo.”
“Eh violin nga ang gusto ko.”
“Yung pusible naman sa bulsa!”
“Posible naman yun ah! Mayaman ka naman.”
“Hindi no… uh… mejo…”
“Harhar.”
“Ako na nga tong nagpapakahumble eh.”
“Humble ka jan. Hum—bog!”

Hay nako, etong lalakeng to, kahit kailan hindi na ko tinigilan. Sige nga, tingnan natin kung keri mo ang hinihingi ko!
Buwhahahahaha.

“Dali na seryosohan naman kasi!”


“Eh bakit ba! Ang gusto ko nga eh violin!”
“Hindi ko spoiled Kai na sa isang iglap lang eh kaya kong humingi sa magulang ko na pambili ng violin… kahit pa sabihin
mong may ibibigay nga sila.”
“Eh di wag mo na ko regaluhan!”
“Alam ko na. Ang ireregalo ko sayo ay isang bagay na… makakapagpasaya sayo.”
“Ano yun?”
“Wag ka magalala… bibili ako ng maraming gift wrapper… at uumpisahan ko na ang pagbalot sa sarili ko ngayong gabi.”
“Aiden, malayo pa ang Halloween okay. Wag kang mag trick or treat sa kin.”
“Sige na nga. Pipilitin kong maghanap ng violin. Kahit secondhand lang.”
“Whatever Aiden. As if possible yun diba?!”
“O… ngayon naman ikaw tong nagsasabing imposible yun! Ang gulo mo rin eh!”
“Che! Jan ka na nga!”

Pero siyempre, napaka sama ko naman kung hindi ko siya tatanungin diba?

“Ikaw ano gusto mo?”


“Ikaw.”
“Alam mo kasi, tinatanong kita. Bat pa kita tatanungin kung ako lang din yung pagdedesisyunin mo?!”
“Ang kulet mo rin ano. Ikaw. As in ikaw mismo.”
“Kahit kailan oo… kailan ka ba titigil?! Hindi nga seryoso… YUNG NABIBILI.”
“Uh sige… Mug na may ‘I love you’…”
“Ah…”

Medyo nahiwagaan ako dun ah… Bakit niya gugustuhin ang ganong regalo?! Nasisiraan na siya ng bait…
“Weh? Mug lang?!”
“Hindi MUG LANG… Mug na may I love you…”
“Bakit?! Talagang may tama ka na sakin noh?!”
“Eh ayaw mo kasi maniwala eh…”

Sino bang maniniwala sa tono niya??? Parang sarcastic na loko loko. Playboy tone… kahit di ko pa talaga alam ang tono
nun… Hay nako… kung kayo nasa pwesto ko mga sis… alam niyo talaga na nagsisinungaling siya… nakoo… ilang babae na
kaya naloko nito?!!

Pumunta na ko sa barkada ko para hindi kami mapunta sa isang usapang walang patutunguhan ewan. Siyempre…
mawawala ba ang tanungan sa barkada?

“O go na! Maglilista na ko!”


“Okay. Babes, ikaw na bahala. Para kay Jake, Nica at kay Kai… kahit anong pambabae.”
“Okay listed na! Ako kahit ano. Siyempre magusap usap na lang kayo.”
“Ako… pwede na yung ibigay niyo sa kin ang buong banda ng good charlotte.”
“Akala ko ba man-hater ka, Nica?”
“Semi lang! Iba naman ang good charlotte at yung mga gwapong jap no!”
“Seryoso Nica? Gusto mo dalhin ko dito si Layjo?”
“Isa kang malaking ipot Migs.”

Si Layjo nga pala yung ex ni Nica na nangtwotime. Haha. Nung una aprub kami eh, kasi kakaiba yung pangalan at in
fairness may ichura. Yun nga lang, may nakatago palang napakahabang tenga sa kanya.

“Ikaw Jake, anong trip mo?”


“Bahala na si Santa.”
“Ha? Hanggang ngayon ba naman naniniwala ka kay Santa?!”
“Binigay ko na yung picture ng bespren ko sa kanya, siya ang gusto kong regalo sa pasko.”
“Ako?”

Tapos nagtinginan sila sa kin.

“Ikee!”

Sabay tulak sa kin kay Jake. Mga sira talaga to.

“Sagutin mo na kasi!”
“Ano ba tigilan niyo nga kami!”
“Ayan na nagpaparamdam na oh! Ganda ng banat ni Jakey!”
“Ano ba. Sinubukan ko lang yung nakita ko sa internet.”
“Woo! Eh bakit si Kyleen pa ang example?!”
“Kasi naman Kyleen! Ayan na oh! Ayan na si Mr. right! Nasa kanan mo na!”

Nagtinginan na kami kay Nica. At ayon. Siya naman ang napagtripan.

“Ang corny mo Nica!”


“Sinubukan ko lang naman magjoke.”
“Ang baho eh. Sa susunod, warningan mo kami pag magjojoke ka!”

Tawanan Blues na yung susunod.

Ayun… nagbunutan na kami para sa kris kringle…

Nung nag mall kaming magpapamilya, nakabili na ko sa P100 store… haha… ang cheap ko talaga… pero naglibot pa rin
ako… di ko alam, pero parang may bibigyan pa ata ako ng regalo… hmm.. tingnan ko nga yung listahan…

-Jake
-Geanne
-Nica
-Migs
-Papa
-Mama
-Kuya Ken
-Ate Karylle
-Keisha
-Koko
-Charina
-Ms. Lorna
Unggoy

Nakoo! Nakalimutan ko yung unggoy!!!! Hai nako… pano ba to…

Mug na may I Love You…


Oops.. natandaan ko yung boses niya… parang andito lang siya paligid… eek! Ang creepy ha. Haha… Sige na nga, bibigyang
effort ko na rin na hanapin yung gusto niya since mukhang mura naman.

Pumunta ako sa department store…

So ayun, nagescalator ako pababa… nakita ko mga babasagin… talaga bang MUG lang ang gusto niya? Naghanap ako ng
mga printed mugs… ang daming I LOVE YOU mugs dun kaya nahirapan ako pumili…

“Nakoo ano nga pala favorite color nun?!”

Red.

Eh?!!!! San naman galing yung boses na yun?!!! Shacks.. ang creepy na talaga… parang binubulong niya sa kin na DAPAT
ko talaga bilhin yun…

So ayun… bumili ako ng red na mug… at naisipan ko, na hindi rin naman masama kung bibili ako ng para sa kin di ba?!

So ayun binayaran ko na. Next stop ko ay sa national bookstore… Gift wrapper lang naman ang habol ko dun at scotch
tape…

Binalot ko na lahat yun sa bahay. Pagkabalot, papangalanan na para hindi ako malito… Siyempre, ang pinakaspecial yung
kay Jake. May letter pa yun! Pinaghirapan ko. Ang cute nga ng regalo ko sa kanya eh. Isang backpack na turtle. Ang cute.
Haha. Kung pwede nga eh iregalo ko na lang para sa sarili ko to eh. Para sa pinakamamahal kong bespren. Merry Christmas
Jakey!

Tapos binalot ko na yung kanya… Para sa pinakagwapong unggoy na nakilala ko. Behlat. Yun ang nakalagay sa tag… Haha.
Eh totoo naman. Sa lahat ng unggoy, gwapo siya.

Nakita ko yung mug na binili ko sa sarili ko. Tapos nakita ko din yung gift wrapper. Eh tingin ko, kasya pa naman. Bigla
akong nanghinayang. Bukod sa mahilig talaga ako magbalot ng kung anu-ano (especially pag karton yung binabalutan ko),
nanghinayang lang talaga ako dun sa gift wrapper. So yun, napagdesisyunan ko na balutan narin yung regalo ko para sa
sarili ko. Haha. Dagdag narin yun sa Christmas tree no.

At siyempre, dahil mahilig din ako magsulat, at nakakaadik ang amoy ng pentel, sinulat ko narin yung akin. Para sa
pinakamamahal kong buhay. Yehey! Bonggacious!

Pag dating ng Christmas party, kanya kanya ang ayos ng bawat section… Siyempre, abala kami ni Jake. Ako yung nakatoka
sa softdrink… Hehe… Isang box ang dinala ko.

Ayon. Nagumpisa na yung program namin… Masaya naman. Kaso di ako sumali kc MC ako… ano pa nga ba?! Haha. Isang
game lang yung sinalihan ko, at yun ang “How well do you know your best friend game”. Siyempre, kasali kami ni Jake.

“Ang daya. Wag niyo na nga isali yang dalawang yan! Pati ata kung anong ichura ng lungs nila alam na nila eh!”
“Ayos lang yan babes. Hayaan mo na sila.”
“Eh di sumali din kayo ni Nica.”
“Ayoko! Nakalimutan ko na pangalan ng first crush ni Geanne eh.”

Haha. Ayon. Ang host ay si Migs. Buti na lang at soooooobrang dali lang ng game niya ngayon at hindi yung tulad ng
napakamorbid na laro.

“O, ang sasagot yung nasa left. Yung magcoconfirm yung nasa right.”

Ako yung nasa right.

“Ano ang pangalan ng unang crush ng bespren mo?”

Siyempre kanya kanya kaming sulat. Mm, sa totoo lang, ang ineexpect ko ng sagot ni Jake ay si Kuya Dariel, yung fourth
year na nagkagusto sa kin na nagustuhan ko after ko siyang bustedin. Haha. Kaya ang sinulat ko, Dariel.

Nung tinaas na yung mga illustration board, nagulat ako sa sinulat niya.

JR.

Nagtaka lahat, actually pati ako. Sino naman yung JR na yun?

“J—Jake, sino si JR?”


“yung unang crush mo.”
“Ha?!”

Tapos tumayo si Jake.

“Pano ba yan, out na kame?”


Nagtinginan si Migs at Nica.

“Uh—hindi. Try pa lang. Patingin nung sa—iba.”

Nagtaka ako. Sino si JR? Sino yun?! May naging crush ba ko na ganun?!

Habang tinitingnan ni Migs yung iba, tinanong ko si Jake.

“Sino si JR?”
“Ako.”
“Ikaw?! Patawa ka Jake! Kelan ko sinabing crush kita?!”
“Noon.”
“Ha?! Kelan noon?”
“Joke.”
“Jake naman eh! Lagi ka na lang nagjojoke!”

Binura na namin yung mga nasa board. Nakita kong lumabas si Aiden. Pero parang kinilabutan ako nung biglang tumingin
siya sa kin na parang kakainin ako ng buo.

“O, next question. Right naman ang sasagot.”

Siyempre kanya kanya naman kaming alay ng tenga kay Migs. Baka mamaya kung anong parusa nito eh.

“Sino ang gusto ng bespren mo ngayon?”


“Kailangan ba talaga connected sa love lahat?!”
“Ganon talaga! Dali, ako gumawa ng mga tanong na yan.”

Nako. Paslangin ko tong si Geanne eh.

Sa totoo lang, love life ang pinaka hindi namin napaguusapan ni Jake dahil yun ang wala kami. Ano nga ba?! Hindi ko alam
ang isusulat ko. Siyempre, jinoke joke ko na lang. Sinulat ko, ‘ako’.

Nung niraise yung board…

“Kinikilig ako!”

Ayon, sumigaw si Nica. Hindi ko naman alam kung bakit. Pagtingin ko sa sagot ni Jake. Ang nakasulat…

Siya.

Siyempre nakisabay lahat ng mga kaklase namin. Ewan ko ba. Mga sira talaga to. Joke lang naman yung akin. Pero nagulat
ako dun sa sinulat ni Jake.

“Woah! Pagkakataon nga naman!”


“May telepathy ang bespren ko!”
“Hindi, seryoso talaga yang sagot ni Jake.”
“Yee! Kiss na!”
“Mga gaga.”

Mga sira talaga tong mga to. Ayon, nagpatuloy yung game. Yung ibang tanong, ano daw yung shampoo blah blah. Hindi
kami nanalo ni Jake kasi nga nagkamali kami dun sa unang tanong. Sira kasi tong si Jake eh. May pajoke joke pa.

Bago kainan, nag bigayan muna ng regalo. Ayun, nagkabukingan kung sino yung nagkabunutan.

After non, kainan na… siyempre masaya kaming lahat. Tapos non, kanya-kanya na…

Binigay ko yung regalo ko sa mga kakada ko… at ang huli yung sa unggoy este yung kay Aiden…

“Lika dito…”

Tapos hinila ko siya papalabas. Pumunta kami dun sa labas ng classroom, sa may corridor…

“Bato bato pick kung sino mauna…”


“Eh bakit ba kailangan nating magtago?!”
“Eh… ayoko lang na makita nila na nireregaluhan kita… bigyan pa nila ng malisya noh…”
“Sabagay…”
“Bato-bato pick!!!”

(scissors-stone. Ako yung stone.)

“Haha! Pano ba yan unggoy, ikaw nauna!”


“O sige, kunin ko lang sa loob….”

After a few seconds…


“O eto…”
“Ano yan?! Bat ang liit?!”
“Buksan mo.”
“Ayoko. Sa Christmas ko na to bubuksan.”
“Pleeeease?”
“Fine.”

Pagkabukas ko. Nagulat ako sa sobrang ganda. Nakabox pa siya na maliit, isang clip na violin. Parang puro diamond, pero
hindi. Basta kumikintab na clip na violin.

“Ang cute!”
“Sabi sayo, reregaluhan kita ng violin. Akin na, suot ko sayo.”
“Bading ka ba?! Bat mo to isusuot sa kin?”
“Nagawa ko na to sayo dati, kaya wag ka makulit.”
“Ha?! Ano?!”
“Wala. Basta wag ka makulit.”

Ayon. Kinuha niya yung clip tapos nilagay niya sa buhok ko. Habang inaayos niya yung clip, ewan ko ba. Parang
kinakabahan ako. Siguro dahil… ang lapit ng dibdib niya sa kin…

GAGA! Ano ba yang pinagsasasabi mo Kyleen! Gumising ka nga!!! Gising!

Nalagay naman niya ng maayos yung clip, pero feeling ko magulo. Haha. Ayos lang. At least inilagay niya.

“Asan na yung akin?!”


“O, to na po…”
“Sala—”

Ayun… guess what’s the word… ako alam ko na… ‘salamat’. Kaso kasi, may mga first year na bastos na biglang
nagtatatakbo sa corridor at nabunggo si Aiden tapos nahulog yung regalo… nakarinig kami ng crack…

“Sh*t!”
“Hala… nabasag ata…”

Binuksan naman yung regalo… nakita ko nga na basag na…

“Hala pano na yan… basag na yung—”

Ha?!

Totoo ba to?!

Totoo ba tong nakikita ko?!

Si Aiden?!!!

Hindi nga?!!

Weh?!

“Mga p*tang 1st year yun ah…”

LUMULUHA PARA LANG SA REGALO NA MUG?! Are you serious?

“oi ano ka ba… mug lang yan eh… Wag kang isip bata!”

Umiiyak pa rin siya… hindi naman sa umiiyak talaga. Pero namumula siya tapos parang teary-eyed.

“Hindi lang to basta mug… mug to na may I love you… eto ang unang mug ko na may I Love You… At eto rin ang unang
regalong mug na galing sayo… galing SAYO kaya hindi to mug lang…”

Aww… touch naman ako dun… I’m happy na pinapahalagahan niya yung unang regalo na binigay ko sa kanya… para siyang
bata… pero, ang cute niya… Gaga! Gising Kyleen!!!

Ayun! Bigla kong natandaan na may regalo papala akong ganun! Haha… Okay lang kahit na nawalan na ko… Nalaman ko
naman na kahit papano… kahit anong paraan, espesyal parin ako sa kanya…

Buti na lang pala dinala ko yung regalo ko para sa sarili ko.

“Sandali lang ha, may kukunin ako…”

Tapos kinuha ko yung regalo.


“Eto na lang o… Dalawa kasi binili ko.”
“Baka regalo mo yan para sa iba… eto na lang…”
“Eh gung-gong ka pala eh… di mo naman yan magagamit kung basag yan. Itago mo na lang… yan ang unang regalo ko
sayo… at eto naman ang pangalawa…”
“Parehas din?”
“Oo naman… Dapat kasi para sakin yan… Naisipan ko na hindi masamang regaluhan sarili ko… nawala ako sa sarili ko
kagabi kaya pati yan binaluta ko din…”

Tapos napangiti siya… Haha! Cute talaga niya pag nagssmile siyang ganun… para siyang totoy na binata na prinsipe na
gwapo… tapos teary eyed pa… haha! Ang gwapo talaga…

HOI GAGA! Be yourself! *slap slap*

“Thanks…”
“Welcome… Tara balik na tayo sa room…”
“Aiden.”
“O?”
“Tara, basketball tayo.”

Nagulat naman ako nung nagyaya si Jake ng basketball. Pero nakangiti naman siya.

“Bagay sayo yung clip.”


“Thanks Jakey.”
“O ano, one on one?”
“Ayos lang. Sama natin sina Migs pwede din.”
“Wag na. As usual na lang. Tayong dalawa.”

Tsk. Sabi na nga ba may lihim na pagmamahalan tong dalawang to eh!

“Sama ka Kai?”
“Ah wag na. Dun na lang ako siguro sa loob.”
“Tinanong mo pa, alam mo namang yun ang isasagot niya.”

Ha?! Ano daw?!

“Malay mo.”
“Oi teka ano ba yang pinagsasasabi niyong dalawa?”
“Eto kasing si Aiden. Nag-aral pa dito pa tuloy sa section one napunta. Ginugulo pa tayo.”
“Nanahimik ako ng ilang taon ha. Tumahimik ka jan.”
“Uh? Kausap niyo pa ba ako? O gusto niyong pumasok na ko sa loob?”
“Ang ibig ko kasing sabihin, ilang taon ko kayong di kakilala. Bigla tong eewan ewan si Jake.”
“Masyado kang defensive, di naman tinatanong.”

Tumawa si Aiden at si Jake. Ako, hindi ko gets. Nako. Bahala na nga silang dalawa jan. Magkaaway magkaibigan. Di ko sila
maintindihan.

Ayon… and the day passed by. Pagdating ko sa bahay nagbihis muna ako… tapos kinuha ko si Aiden Jr…

“Haha… hindi naman pala masama ugali ng daddy mo eh… cute din naman siya kahit papano at marunong mag
appreciate…”

After non, inilagay ko na yung panda bear sa tabi…

TOOT TOOT… TOOT TOOT… Uy, cell ko yun ah… Ah… Si Aiden…

Thanks sa regalo ah? Itatago ko yung isa, at yung isa naman iingatan ko… Haha… Ang galing talaga… Kaya nga mahal na
mahal kita eh…

PINAKAMAMAHAL KONG BUHAY.

SH*T! NAKALIMUTAN KO ALISIN YUNG TAG!!!

Chapter 18
Walang tigil na ininis ako ni Aiden sa text. Hindi na lang ako nagrereply, pero kahit hindi ako nagrereply, naiinis parin ako.
Napakapabaya ko naman. Grr.

Ayun. New year na. Umuwi sina mama, papa, Keisha at Koko sa probinsya. Ako, si Ate Karylle at Kuya Ken ang natira sa
bahay. First time kaming hindi magkakasama sa new year. Si Ate Karylle, sabi niya sa friends daw siya muna. Si Kuya Ken
din. So pano ko?

RING.

Sino kaya to?

“Hello?”
“Kai. Jake to.”
“Ah, oh bes. Bakit?”
“Wala ka daw kasama?”
“Sino nagsabi?”
“Gulat ako. Biglang nagtext si Keisha sa kin eh.”

Sira ulo talaga tong si Keisha. Si Keisha kasi, may gusto siya kay Jake. Pero sabi niya sa kin, gusto daw niya kami para sa
isa’t isa. Kinikilig daw siya. Sira ulo talaga yun.

“Baliw talaga yun.”


“Bakit sila pumuntang Ilocos tapos di ka kasama?”
“Eh marami kasing gagawin Jake eh. Diba? Physics project. Pagbalik natin exam.”
“Pano na yan? Sina ate Karylle at Kuya Ken? Diba anjan sila?”
“Kasama daw nila barkada nila eh. Siyempre, mga going single sila.”

Going single = liberated gala people.

“Gusto mo, samahan kita jan?”

Ang sweet talaga nitong si Jake. Kaso, hindi pwede. May family din siya.

“Wag na ano ka ba. Dapat ispend mo tong time na to with your family.”
“Eh kilala ka naman na nina mama at papa eh. Kung gusto mo, dito ka na lang magnew year ngayon.”
“Wag na Jake. Nakakaistorbo.”
“Ayos lang. Mas masaya nga kung kumpleto ang pamilya eh.”
“Ha?”
“Ako, sina mama at papa. Si Ate Princess, si Jason. At… ikaw.”
“Bakit pati ako kasama?”
“Kasama ka na kasi, sa future.”
“Bakit?”
“Ang dami mo namang tanong. Buti nalang talaga SL ka.”
“bat ako naging SL?”
“Tigilan mo na nga yang kakatanong mo. Ano, dito ka na.”
“Wag na Jakey. Ikaw talaga.”
“O sige bahala ka. Tatawag ulit ako sayo mamaya. Magluluto lang ako.”
“Anong niluluto mo?”
“Yung kakainin mamaya. Mejo may sakit si mama eh. Eh si ate ayaw kumilos. Eh di ako na lang.”
“Pwede ka ng daddy ah.”
“Oo nga eh.”
“Wala pang mommy?”

Sabay tawa ako.

“Meron na.”
“Weh?! Sino?! Ang daya naman eh. Sino?”
“Kaso hindi pa niya alam na siya yung mommy.”
“Nyeh, may ganon. Bakit?”
“Secret.”
“Sino muna yun?”
“Teka lang. Luto lang ako ah. Tinatawag ako ni ate.”
“O sige. Babay!”
“Bye.”

Wala akong ginawa kundi manood ng mga DVD na napanood ko narin dati. Hindi naman kasi ako mahilig mag telebabad.
Wala naman akong pambili ng internet card. Wala din naman akong pera. So no choice. Assignment? Tae katamad pa.

Kung pumunta na lang kaya ako kena Jake?

Wag nakakistorbo.
Nung bandang gabi na, ayon. Mag-isa na ako. Sina Ate Karylle at Kuya Ken umalis na. Ako, nakatunganga nanonood ng TV.
Nagsimba ako dun sa may chapel namin. Pagdating ko sa bahay, may tao na nakaupo dun sa stairs ng gate namin. Ayoko
lumapit, pano kung holdaper yun?!

Lumapit ako ng konti. Nakapants na nakasumbrero na naka—

Teka. Parang si Jake yun ah.

“Jake?”

Lumingon yun lalake. Oo nga. Si Jake nga. Hala. Anong ginagawa niya dito?

“Jake! Anong ginagawa mo dito?”


“Ayoko kasing magcelebrate ka mag-isa ng new year.”
“Ano ka ba. Ayos lang naman.”
“Talaga?”
“Uh… mejo.”
“Tamo to. So ano, dito na lang tayo sa labas?”

Pinapasok ko si Jake sa loob. Eto talagang bespren ko. Walang oras na hindi niya ko inaalala. Umupo siya sa sofa. Tapos
ako, naghanda ako ng konti para sa kanya.

“Alam mo…”
“Ano yun?”
“Pinilit kong kalimutan. Pinilit kong magumpisa. Hindi ko alam kung bakit dumating siya ulit.”
“May problema ba? Sino?”
“Ayoko munang sabihin.”
“Bakit?! Ang daya naman eh! Akala ko ba—“
“Basta. Malalaman mo din.”
“Basta ako unang sasabihan mo nian ah!”
“Oo naman. Ay teka. May dala akong paputok. Sabi ko kasi kena mama sandali lang ako dito.”
“Ay sige!”

Lumabas kami sa may maliit naming garden. Tapos sinindihan niya yung fountain. Kahit maaga pa yun para
magcountdown, ayos lang. Pinanood naming dalawa yung bonggang bonggang fountain tapos sinindihan na naming yung
lusis.

“Kai…”
“Ano yun?”
“Pag may pagkakataon kang ibalik ang nakaraan, alin dun ang gusto mong balikan?”
“Siguro yun… nakaraan na hindi ko alam na nakaraan ko.”
“Yung nakalimutan mo?”
“Oo. Hindi dahil sa gusto kong balikan. Gusto ko lang malaman kung sino yung hayop na iniwan ako na nanguntog sa kin.”
“Bakit?”
“bubugbugin ko siya. Aba! Iniwan niya ko tae siya. Nawala yung ibang alaala ko. Feeling ko nga, yung mga nawala kong
alaala, lahat nandun yung taong yun. Kasi, yung naalala ko na lang na natira, yung kasama yung family ko. Ang hirap kaya
mag-umpisa mula sa wala.”
“Pano kung…”
“Kung?”
“Kung biglang magpakita ulit sayo yung taong yun? Tapos magsosorry?”
“Mamatay siya.”
“Hindi mo siya mapapatawad kahit may… nakaraan kayo?”
“Panong nakaraan?”
“Kunwari… uh… nagmahalan. May gusto ka sa kanya, nagkagusto din siya sayo.”
“Pano mo nasabi yun? Eh summer daw yun ng grade 4. Masyado pa akong bata nun.”
“May nagkakalove life na nga ng grade 3 eh.”
“Sabagay. Pero hindi parin. Hindi siguro ako ganun.”
“O sige. Ganito na lang, pano kung… magkaibigan kayo tapos ayon, siya nga yung nangiwan sayo. Tapos bigla niyang
dumating at sasabihin sayo na siya nga.”
“Jake, kung kaibigan ko siya, eh di sana, hindi niya ko iniwan. Bat niya ko iiwan.”
“Sabagay.”
“O diba.”

Namatay na yung lusis naming dalawa nung may tanong siya ulit.

“Kai, sinong pipiliin mo. Yung una, yung minahal mo dati tapos naging kaibigan mo na mahal ka na…”
“O?”
“Yung kaibigan mo dati tapos minahal mo na mahal ka na din…”

Mejo weird yung choices. Parehong past na parehong minahal “ko” na mahal na din “ako” ngayon. Hmm. Parang ang hirap.

“Ang hirap naman. Yung sequence of events lang yung pinagkaiba.”


“Ang hirap no?”
“Bakit, kaninong sitwasyon ba yan?”
“Sa pinsan ko, si Charisse. Diba? Yung nakita mo dati.”
“Talaga? Naks. Umuunlad na pala love life nun. Hmm. Sabihin mo, una sa lahat, bakit siya pipili kung hindi naman niya
mahal yung dalawang yun? Kahit mahal na siya nung dalawang yun, eh wala naman siyang mahal ngayon. Diba? Piliin na
lang niya yung mahal niya ngayon. So what kung may past? Ang mahalaga… yung present.”
“So, mas pipiliin mo yung, mahal mo ngayon, kung ikaw yung nasa sitwasyon?”
“Oo, natural.”

Pumasok na kami sa loob. Kinuha na ni Jake yung bag niya tapos nagpaalam na siya sa kin.

“See you in three days?”


“oo naman.”
“Sige, bye Kai.”
“Bye.”

Tumalikod na ko nung biglang…

“Kai…”

Yinakap niya ko.

Hindi ko Makita yung reaction ng mukha niya, at natural, alam kong hindi niya nakikita yung reaction ng mukha ko dahil sa
nakatalikod ako nung yinakap niya ko. Bakit kaya? Ano bang nangyayare sa bespren ko? Hindi naman siya ganito dati…

“J—Jake? Bakit? Sabihin mo na sa kin may—“

Haharap na sana ako nung humigpit yung yakap ni Jake. Sa totoo lang, simula nung nagthird year, nagkaganito na siya.

“Akala ko simple lang. Pero habang dumadaan ang panahon, gumagrabe. Parang di ko kayang…”
“Di mo kaya ang?”
“Mawala siya…”
“Sinong siya? Jake di kita maintin—“
“Sige alis na ko.”

And then it all happened. Nakatalikod ako nung umalis siya. Pagkatalikod ko, wala na siya, nakalabas na ng gate. May
narinig akong tricycle. Siguro si Jake yung nakasakay dun…

And that was the end of the year.

Bagong umpisa nanaman.

Nakakatuwa nung pagpasok ko sa school. Ang daming nagbago ng buhok. Halos lahat sila nagpagupit. Yung sa lalake ayos
lang dahil kailangan 2 by 3 yung buhok nila. Pero si Nica at Geanne, ayun nagulat ako. Si Nica ang ikli ng buhok. Si Geanne
halatang umikli pero mejo mahaba parin. Ako, walang nagbago.

Hinanap ko si Jake. Kasi after nung December 31, hindi na siya nagtext or tumawag. I tried to call pero lagi siyang wala.
Maya maya, may humarang sa kin na unggoy.

“O, mukang may hinahanap ang prinsesa ko.”


“Wala ka na dun.”
“San ka pupunta? Malapit na flag ceremony.”
“May hinahanap ako.”
“Si Jake?”
“Oo.”
“Tss. Hindi siya karapat dapat hanapin. Lika na.”

Kinuha niya yung kamay ko na walang alinlangan. Ang init ng mga kamay niya. Pero, hindi ko nga alam kung bakit hindi
ako bumitaw. Ano bang nangyare sa kin?

Nung nasa pila na kami…

“Ang weird… yun ba ang new year’s resolution mo? Ang maging mabait sa kin?”

Oo nga no. bat di ko naisip yun?

“Wala akong new year’s resolution. Pero dahil sinabi mo narin, siguro nga.”
“Ah. Nabalitaan mo na ba?”
“Na?”
“Pupunta dito halos lahat ng batch 5. Diba dun si Kuya Dariel?”

Oh? Si Kuya Dariel? Si Kuya Dariel lang naman yung first crush ko na after kong bastedin eh nagkagusto naman ako sa
kanya. Weird no?

“Ta—talaga? Pano mo nalaman?!”


“Sabi sa kin nung trip ni John na batch five.”
“Fine.”

Tapos narinig na naming yung pito ni Sir Box kaya nagayos ayos na kami.

Tahimik ang klase. Tumitingin ako kay Jake pero di ko alam kung bakit siya hindi tumitingin sa kin. Nung recess nga eh
parang iniiwasan ako. Yinaya niya agad si Migs sa canteen tapos kaming mga girls naiwan sa room.

“Alam niyo ba nangyayare kay Jake?”


“Nope. Si Migs ata alam.”
“Bat ganon?! Hindi ako pinapansin?! Galit ba yun sa kin?”
“Ano ba nangyare kasi?”

Sasabihin ko n asana yung nangyare kaso naisip ko na pag sinabi ko eh baka tuksuhin nanaman ako sa kanya. Kaya hindi
na lang.

“Ewan. Basta ganyan na siya.”


“Baka kasi binusted mo.”
“Bakit ko siya bubustedin? Magbespren nga kami eh.”
“Yun nga eh Kai. Magbest friend lang kayo.”
“Ha?”
“Malay mo, ang gusto talaga niya eh… iba. More than that.”
“Eh di sana sinabi na niya noon pa.”
“Eh baka ngayon lang niya narealize na… hindi niya kayang mawala ka. Akala niya dati simpleng best friends nga lang.
Tapos ngayon, narealize niya na ibang level na.”
“Ang whatever Geanne.”
“Ano ka ba. It’s possible.”
“Hay ewan ko nga sa inyo.”

Tapos maya maya, pumunta sa classroom si Aiden, John at Karl. The three musketeers? Haha. Ewan. Lagi na lang silang
pasimuno ng kung anu-anong gulo. Pero in fairness, si Aiden ang pinaka may utak. Si John at Karl nasa ibang section eh.

“Anjan na si Dariel ah.”


“Si Manong Dariel?”
“Hoy wag na wag mo ngang tawaging manong si Kuya Dariel. Wala ka pa naman nung andito sila ah.”
“Alam ko. Eh close kami eh.”
“FC ka.”
“Hinahanap nga pala niya si… ano nga ba yun Karl?”
“Si, Little Miss Spaghetti?”

Nung sinabi yun ni Karl, napatayo ako. Dahil, yun ang tawag sa kin ni Kuya Dariel noon, kasi mahilig kaming kumain na
dalawa sa jollibee ng spaghetti. Ibig sabihin, hinahanap ako ni Kuya Dariel. Hindi naman sa gusto ko parin siya, pero gusto
ko lang siya makita.

“Tsk. Panigurado, guguho ang mundo nung Little Miss Spaghetti na yun pag nalaman niya. Sino kaya yung Little Miss
Spaghetti na yun?!”

Tae tong si Aiden. Pinaparinggan pa ata ako.

Lumabas ako agad para hanapin si Kuya Dariel. Maghihi lang naman ako ng konti kaso bigla kong nakasalubong yung next
teacher naming kaya bumalik na agad akong room.

Atat na atat na kong lumabas eh three subjects pa yung hihintayin ko. Minsan nga natatawa ako pag naiisip kong naging
kami ni Kuya Dariel. Eh pano, anong itatawag ko sa kanya? Kuya parin?! Weird diba?

Nung natapos na yung super boring na three subjects na yun, pumunta ako sa labas para hanapin si Kuya. Agh. Excited na
ko Makita siya after 2 years na hindi ko siya nakita.

Sana hindi pa siya nakaalis.

Yun ang nasa isip ko.

Maya maya may nakita akong lupon ng batch 5 sa may corridor ng physics lab. And boom! Nakita ko siya! Yehey! Kaso ang
payat payat na niya. Naisip ko tuloy, ganito ba kahirap ang college?!

Lalapit na sana ako nung nakita kong…

May kahawak siya ng kamay…

Nung mejo lumapit ako ng konti…

Nakita ko na si…

Ate Finnie pala yun.


Tae.

Si Ate Finnie yung kaunaunahan kong mortal enemy. Siya kasi yung tumawag sa kin na prostitute nung first year ako dahil
nilalandi ko daw si Jake. Pero the truth is, siya ang lumalandi kay Jake at hindi ako. Kasi nga, may gusto siya kay Jake.

Nagstep backward ako at nagdesisyon na wag na lang pala siya kausapin. Never mind. Sa lahat naman ng papatulan niya,
yung nilalang pa na tinawag akong prosti?!

Mejo naiiyak ako. Di ko alam kung bakit. Ay alam ko pala. Meron bang nilalang na after mong bastedin ang isang tao eh
bigla ka na lang maiinlab sa kanya tapos malalaman mo na sa mortal enemy mo napunta yung kaunaunahan mong gusto
mo? Kung meron, I’m calling him/her. Please sympathize with me!

Pagkatalikod ko, may nabunggo akong isang malaking tao.

Si Migs.

“Kai? Bat ka—“


“Wala. Wag mo na lang sabihing nakita mo.”

Tapos naglakad na ko papalayo sa kanya at naghanap ng maganda gandang pwesto na pwede akong umiyak ng solong
solo.

Kahit sinasabi nilang manhid ako, marunong din naman akong umiyak, lalo na pag nagkasugat ako. At eto, I’m not broken
hearted pero naiinis ako dahil sa lahat ng babaeng pwedeng patulan, dun pa sa nilalang na tinawag akong prosti ang naging
gf ng kaisaisang lalake na nagustuhan ko.

Masyado na ba akong redundant?

Ayun. Naghanap ako ng naghanap tapos naisip ko yung likod ng dorm tutal, kahit naman may mga taong makakakita sa
kin, at least wala pa sa 2 yun dahil, andun ang “the legendary balete tree” na pinaniniwalaang may sumpa etc.

Eh hindi ako naniniwala dun.

So ayun, punta ako dun. Balak ko na dun muna ako magpapakaemo hanggang sa mag 10 minutes before the next subject.
Hindi naman ako ganun katagal umiyak. Wala pang 2 minutes, tapos na ko. Eh bakit naman ako hahagulgol para sa isang
lalakeng hindi ko naman labs? Iiyak lang ako dahil sa galit.

Kakaupo ko pa lang at naguumpisa na akong magwhimper nung may nakita akong kulay green na pants at leather shoes na
de sintas sa harap ko. Natural, isang lalake, isang estudyante ng eskwelahang pinapasukan ko at isang tao yun.

Pagtingin ko…

“Jake?”
“Wag mo nga iyakan yun. Hayaan mo na sila. Bakit, gusto mo parin ba si Kuya Dar?”

Nag knight-kneel si Jake, with his left leg kneeling.

“Hindi. Naiiyak ako dahil sa galit. Biruin mo yun, yung bruhang nagkagusto sayo na tinawag akong impakta yung
nakatuluyan niya?!”
“Ano ka ba. Malay mo, hindi pa permanent.”
“Kahit na. The fact na pinatulan niya. Nakakainis. Feeling ko tuloy, kasing level ko lang siya.”
“Bakit naman?”
“Kasi pareho niya kaming nagustuhan.”

Ngumiti si Jake tapos pinat niya yung ulo ko.

“Eto, panyo.”
“Wag na Jakey.”
“Sus. Bat ka pa mahihiya sa kin?”
“Oo nga naman… eh bespren kita.”

Ngumiti ako. Tumayo siya tapos tinayo niya ko. Halata parin yung hindi pagpantay ng mga mata ko kaya ayun, halatang
umiyak.

“Sige, actually, pinapatawag ako ni Ms. Lorna. Eh biglang sinabi sa kin ni Migs na umiiyak ka daw. Eh since pupunta na ako
dun, inuna na kita.”
“Hala. Eh di kanina pa naghihintay si Mam Lorna.”
“Nakakapaghintay yung sasabihin ni Mam Lorna. Pero yung mga luha mo, hindi ko kayang paghintayin.”
“Ikaw talaga. Sige na, punta ka na dun.”
“Kain ka na ha.”
“Opo opo.”
Ayon, naglakad na si Jake. Ako naman, pumunta ng canteen. Nakita ko yung the three stooges, si John, Karl at yung
unggoy. May hawak hawak na juice si Aiden. Tapos, walang katao tao sa canteen. Mejo naweirduhan nga ako dahil walang
tao.

“O, Little Miss Spaghetti, nakita mo na?”

Yun lang yung sinabi ni Aiden pero di ko alam kung bat ko ginawa yung susunod. Warning, patnubay ng magulang ay
kailangan, wag na wag gagayahin.

Kinuha ko yung juice ni Aiden at tinapon sa damit niya. Si John at Karl, napatulala. Si Aiden naman nakatingin sa damit niya
na parang ‘anong nasabi ko?’

At ako?

“OMG Aiden! Sorry sorry!”

Nagpanic ako dahil parang nagkaroon ng sariling buhay yung kamay ko ng kinuha ko yung juice. Parang clepto? Yun nga
lang, nakonsensya yung kamay ko kaya binalik na lang niya. Unfortunately, juice yun kaya natapon kay Aiden.

Nagpanic ako at naghanap ng basahan agad. Lalo ako naiyak. Napressure pa ko nung nag ‘tsk tsk tsk’ si John at Karl.

“Tsk. Kala ko pa naman mabait ka Kai. Tamo kung anong ginawa mo kay Aiden.”
“Grabe pala to magalit.”
“Sorry na nga eh! Di ko kasi mapigilan yung galit ko. Sorry Aiden. Sorry!”

Ayun. Naiiyak na talaga ako. Parang ang malas. Una nalaman kong sila na ni Kuya Dariel at Ate Finnie. Tapos eto,
binuhusan ko pa (or must it be nabuhusan since hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun?) si Aiden.

Habang umiiyak ako at pinupunasan yung damit ni Aiden, hinawakan niya yung kamay ko na may hawak ng basahan.
Nagulat ako habang namumula na talaga yung mukha dahil sa halu-halong emosyon na galit, gulat at giya este hiya.

“Tahan na nga. Dapat ang itawag sayo Little Miss Cry Baby eh.”
“Kailan mo ba ko nakitang umiyak para sabihin mo yan?”
“Gusto mo malaman? Halos palagi… nakikita kitang umiiyak, dati.”
“Aiden, walang panahong magjoke. Naiiyak na nga ako eh!”

Binato ko sa kanya yung basahan. Nakakainis. Ako na nga tong nafrufrustrate sa mga pangyayare eh, kung anu-ano pang
sinasabi niya sa kin.

“Tsk. Lagot ka pare. Pinaiyak mo pa lalo.”


“Lumayas nga kayong dalawa. Tara, labas tayo.”

Hinila ako ni Aiden palabas. Una ayoko sumama, pero masyado na kong napahiya para hindi pa sumama. Tae kasing mga
kamay to.

Pumunta kami sa likod ng dorm. Anong balak nito?

Gulat ako nung…

Yinakap niya ko…

“Hoy ano bang problema mo?!”

Tinulak ko siya papalayo sa kin.

“Anong problema ko? Etong juice na tinapon mo sa kin. Kaya ayan, amoy juice ka na rin.”

Pag tingin ko sa damit ko, ayun, may konting basa na kulay orange, pero konti lang na pwede ding hindi masyadong halata.
Sira ulo tong Aiden na to. Kaya ako yinakap dahil lang dun?!

“Langya ka.”
“Joke lang. Ang cute mo kasi kaya gusto kitang yakapin.”
“Anong pinagsasasabi mo jan?! Jan ka na nga. Maiwan ka jan!”

Papalakad na ko nung hinawakan niya yung balikat ko.

“Tae ka. Ano ba. Oo na okay. Kasalanan ko na. Sorry naman. Frustrated lang ako.”
“Gusto ko lang naman maramdaman mong secured ka parin eh. Mamaya, bugbog sarado sakin yang Dariel na yan.”

Tumingin ako sa kanya.

“Anong secured?!”
“Yinakap kita dahil ayokong umiiyak ka. Pero alam mo…”
“Ano?”
“Kahit umiiyak ka… maganda ka parin.”

Napangiti ako pero tumalikod agad ako para hindi niya Makita. Ano bang pinagsasasabi ng tuod na to?

“Wag mo na bugbugin si Kuya Dariel. Ayos na sa kin yung mga sinabi mo.”
“Talaga?”
“Oo. Pero sa susunod, wag mo nga ko yakap yakapin. Kaya nagkakaroon ng malisya sa iba eh.”
“Eh bakit si Jake?”
“Bespren ko yun.”
“Talaga?”
“Oo nga!”
“Mahilig ako yumakap ng kahit sino, basta kailangan niya ng karamay.”
“So kahit si John at Karl yayakapin mo pag may problema sila?”
“Wag naman. Inuman na lang.”
“Tamo to. Jan ka na nga.”

Umalis na ko patakbo papuntang room dahil nakakatakot na baka may nakakita. Well, for sure meron, si John at Karl. Pero
kilala ko naman yung dalawang yun. Hindi sila nagkakalat ng mga nakikita nila, tukso ayos pa.

Nung dismissal, ayun, hinatid ako ni Jake papunta sa bahay. Frustrated parin ako pero mejo ayos na di tulad kanina. Next
time, magaaral na ko ng anger management.

Kinuha ko si Aiden Jr.

“Ano ba yang tatay mo. Ang gulo gulo.”

Sabay ginalaw ko yung ulo niya, kunwari may sagot. (Niliitan ko yung boses ko para kunwari yun yung boses ni Aiden Jr.)
Nakakaautistic no?

“Eh ikaw naman kasi Kyleen. Ang sama sama mo. Mag-aral ka nga ng how to control your anger.”

Sagot ulit ako.

“Oo wag ka mag-alala. Mag-aaral ako. Ay alam mo ba kanina… ang sweet ni Jake. Ewan ko. Basta ang sweet niya. Tingin
mo ba… totoo yung sinabi nina Nica kanina?”

Pinalo ko yung noo ko. Kung anu-ano talaga iniisip mo Kyleen!

“Ano ka ba mami! Hindi. Friends lang kayo. Kung maiinlove si Tito Jake, sasabihin naman niya yun diba?”

At sagot ko uli.

“Oo na. Ay oo nga pala, yung tatay mo, hindi mo talaga yun tatay okay? Siya lang yung nagbigay sayo.”

muli, ang sagot ni Aiden Jr.

“Opo mami. Nakakaasar nga yun eh. Laging nangaasar. Dapat dun binabatukan eh. Don’t worry mami, anjan si Jake para
ipagtanggol ka.”

Buntong hininga.

Haha. Ang bias ko.

Ewan. Haaaay. Naguguluhan na ko, bahala na…

Masaya ako na may taong nakakapagpangiti sa kin… kahit umiiyak na ko.

Chapter 19

Hindi ko alam kung sobrang tangengot na talaga ako. Nako. Yang insidenteng yun ang nagdrive sa kin para magingat ingat
na wag masyadong magalit. Lalo na sa unggoy na yun. Bwisit nga eh! Blinablack mail ba naman daw ako! Kada itataas ko
yung kamay ko para paluin o suntukin… eto ang sasabihin niya…

“Sige ka! Isusumbong kita sa guidance!”

So kadalasan, kahit na super asar na asar na ko… pinipigilan ko. Bwisit! Bwisit! Bwiset! Nakakaasar na talaga siya! Grr!
Hanggang sa di ko na mapigilan…

“Hoy Aiden! Pag di mo pa ko tinigilan… kakainin kita ng buhay!”


“Weh? Sige! Dali! Kainin mo na ko!!!”
Diba?! Sinong di maiinis dun?! Sarap batuhin ng upuan at lahat na ng bagay sa mundo!

At dahil sa kakulitan niya, halos nakalimutan ko na ang January nga pala ay science month. Meaning… malapit na ang
science fair at ang science camp! Wee! Nako… ano nga bang meron dun?!

Haha. Puro booths lang ang nandun pero sobrang saya kasi walang klase. Haha. Yun lang naman ang hinihintay naming
lahat. Plus videoke tapos yung mga karinderia jan sa tabi tabi pumupunta tuwing science fair.

Sa aming magkakabarkada, ang pinaka masaya sa amin na part ng science fair ay ang sunugan ng balat sa may
quadrangle. Kasi pag may science fair, it’s either naglalaro kami ng patintero sa may quadrangle, o tumatakbo kami dahil
kami ay hinuhuli ng mga taga jail booth. Haha. May jail booth kasi kami, eh civilian ang suot. So anyway…

“Oi, agawan base tayo sa may quadra.”


“Oo nga tama ka jan Jake!”
“Teka, baka masunog ulit balat natin! Kakaputi ko nga lang eh!”
“Nako Geanne, okay lang yan… ano ba naman ang agawan base diba?!”

So yun, pumunta kaming magkakabarkada sa quadrangle. Haha! Ayos naman. May iba ding sumali kaya go go go na.
Kampihan natural. Eh malas nalang ng tatlo!

So yun, nagagawan base na kami… kaso nga lang…

Dumating na ang mga nanghuhuli!!!

May nagannounce sa buong school.

Lahat ng naka jeans, ilagay sa kulungan!

Eh patayan… naka jeans ako nun! Sa totoo lang nga, ako lang ang nakajeans. Tapos yung mga girls ko, naka three-fourths!
Sina Jake at Migs din naka puruntong lang!

So yun… takbo naman ako. Kakaasar pa nga eh… hinarang ba naman daw ako ni Nica at ni Geanne!! Parang sila yung mga
jailers!!! Kainis!

Siyempre takas ako. Si Migs at Jake tumatawa lang. Nako!!! Kainis talaga!!! Eww no. ayoko pa naman dun… puro palaka!!!

Takbo…
Takbo…
Takbo…

Huli!!!

Nakakainis. No choice ako. Pano ba naman… hazing ata to eh!!! Buntik na ko matamaan nung sinturon. Leche talaga… di ko
naman ipapahamak ang sarili ko no… sama na lang ako…

“Bala kayo. Galit ako sa inyo.”

Sabi ko sa barkada ko. Aba… tama ba naming ipahamak ako? Eh pag sila nga hinuhuli ako pa yung nangaaway sa mga
jailers para makatakbo sila… asar ah. Nilaglag nila ko… huhu…

“Ayos lang yan, makakawala ka din.”


“Ewan ko sayo Jake. Wag mo ko kausapin.”

Ayon. Naiwan ko na sila. Mejo may galit talaga ako sa kanila promise. Alam naman nilang takot ako sa palaka eh… hai.

Pag kakita ko sa jail booth…

Haynako. Bakit ba lagging sumusunod tong unggoy na to sa kin?!

“O, bat ka andito? Di ka naman naka jeans ah?”


“hindi mo ba narinig yung inannouce? Pinaka una pa nga yun eh.”
“Ano?”

umupo na ko sa may tabi niya to get rid of the frogs. Eww. Kadiri. Parang ang sarap nilang idart.

“Lahat daw ng gwapo huhulihin. Tapos lahat ng jailers ako lang hinabol. Eh meron namang ibang gwapo jan.”
“Weh!!! Imbento ka!!!”
“Oo nga!”
“Woo. Eh di sana hinuli nila si Jake.”
“Ehwan ko. Baka pag gwapo lang talaga, ako lang ang nasa isip nila.”
“Whatever Aiden.”
“Eh ikaw?”
“Kasi nga naka jeans ako.”
“akala ko lahat ng mukang palaka kailangan huliin.”

Sabay sampal. Asar to ah. Bad trip na nga ko sa mga kabarkada ko eh. Bwisit… dugtungan pa nito.

“Asar ka ah. Nilaglag na nga ako ng mga kabarkada ko eh.”


“eh? Bakit?”
“sila pa yung nagpahuli sa kin. Kaya nga galit ako sa kanila eh.”
“nyek. Gusto mo magpakasal tayo?”

WHAT THE PACK!!! Ano tong pinagsasasabi nito?! It came out of nowhere!!! Parang ewan… sira ulo.

“Whatever Aiden. Ano ba naman yan! Kung mangungusap ka, yung connected sa mga sinasabi natin ah!!!”
“Connected naman yun ah. Naiwan ko kasi wallet ko sa taas kaya di ako makabayad. Kaya mula sa assumption na yun,
magpapakasal tayo sa marriage booth.”
“Tigilan mo ko. Ang layo ng konek. ipakuha mo nalang yung wallet mo.”
“Sige… Pero papakasalan mo ko.”
“Nyeh. Ano to, blackmail?”
“hindi naman. Eh kung titingnan mo, badtrip ka sa barkada mo. Eh sino pang papakuhanin mo ng wallet na talagang tiwala
ka?”

Oo nga naman. In fairness may point siya.

“May pride pa naman ako.”


“Ah ganon, o sige kainin mo yang pride mo kasabay ng mga palakang to.”

Nung tiningnan ko yung isang palaka, lumabas lahat ng goosebumps ko sa katawan! Pero hindi… ayoko nga. Akala niya
mahuhulog ako sa bitag niya?! PWES! YUN ANG AKALA NIYA! Matapang ata a—

KOKAK.

“Sh*t!!!”
“O sige… ano mas gusto mo? Maging prinsesa ko, ang maging isang frog princess?”

Nako. Halata namang wala akong choice. Ayoko talaga sa palaka. Bukod sa mga banlag sila, nakakadiri pati sila tingnan.
Parang galing sila lahat sa lumot.

“Fine!”
“Promise yan ah. Kahit mamayang 3 pa yung marriage booth.”

Sabay smile. Nako Aiden… sige ngumiti ka lang para may dahilan ako para pakasalan ka talaga…

WAPAK! Sapakin kita Kyleen eh!!! Kung anu-ano pinagsasasabi mo!!!

“Oi John!!!”
“O, nakakulong ka jan?!”
“Wag mo na problemahin yun. Pautang 20. Bayaran ko mamaya sa taas.”
“siguraduhin mong magbabayad ka!”
“kalian ba ko di nagbayad?! Si Karl lang yun! Dali dali!!!”

So yun. Pinautang naman ni John si Aiden. At yun… nakawala naman kaming dalawa tapos pumunta kami sa canteen.

“Gusto mo ng juice?”
“Hindi.”
“Bad trip ka parin sa barkada mo?”
“Hindi.”
“Eh ano?”
“I just can’t believe na may utang na loob ako sayo.”
“Eto naman! Hindi naman yun utang eh. May bayad yun. Yung kasal…”

Tapos yun. Nilbre niya ko ng pwedeng makain. Yay. Mejo eto lang advantage pag kasama mo si Aiden…

Nililibre ka…

May pagkain pa…

Tapos para kang prinsesa…

PRINSESA!!?? Wapahk! Sapakin kaya kita Kai. Para kang ewan. Well, kasi pinagtitinginan ka ng tao. Haha. Siguro nagtataka
sila kung ako na ba gf na to. Haha. Yuk. As if… well… kung sa iba eh mukha siyang perpekto, sa kin parang di pa niya reach
yung standards ko. Haha. Ewan ko nga ba.

“Bakit ka takot sa palaka?”


“Pakeelam mo?”
“Sunget. Isang araw magmumuka kang palaka pag ganyan ka kasungit.”
“Never magiging tao ang mga palaka Aids.”
“Eh pano kung nagtake home ako ng palaka?”
“H—ha?”

Napatayo ako sa sinabi niya. Feeling ko tuloy may binulsa siyang palaka mula dun sa jail booth. Amp! Subukan lang niya!
Makakakita siya ng lumilipad na sapatos papunta sa mukha niya nakooooo!!!

“G*go ka Aiden! Naman eh!”


“Ano ka ba masyado ka namang praning!”
“Ilayo mo yan sa kin!”
“Anong ‘yan’?! Baliw! Wala akong dalang kerokeropi of your dreams! Tinatanong lang kita eh! Praning to aba!”

Tapos tinawanan niya ko. Isa talaga siyang malaking sira ulo nako. Patayin ko siya eh! Pasalamat ka may utang na loob ako
sayo!

“Nako kung hindi lang talaga ikaw ang nagpalaya sa kin sa jail booth!”
“Wow. Nagiging matalinhaga ka ata ngayon ah.”
“Wa sa mood. Balik na nga tayong classroom.”

So yun, bumalik na kami sa room. Nakita ko yung barkada ko na naguusap, nagtatawanan. Nako, so ganon pala. After nila
akong itrap…

“Oi Kai!”

Hindi ko pinansin yung bati ni Migs. Sinamahan ko lang si Aiden… na kahit unusual eh ginawa ko parin. Haha. Ang childish
ko. Pero ganon talaga…

“Pansinin mo na kaya?”
“Mamaya na.”
“Bakit mamaya pa?”
“Eh basta.”

Tapos yun, sa tabi niya ako umupo. Lumapit sa kin si Nica at Geanne para magsorry pero ewan ko sa kanila. Takot talaga
ako sa palaka, pramis. Magbubuhat ako ng limang kilong anaconda pero ang limang grams na palaka, hindi ko kaya.

Later on, napansin ko siya na tinititigan lang ako na parang ewan lang. ang laki talaga ng problema niya. Maya maya
hinawakan na niya yung kamay ko. Nako. Pasalamat siya bad trip ako kaya hahayaan ko na lang siya.

“Tigilan mo nga yang pagtitig sa kin! Para mo kong lalamunin ng buhay eh.”
“May naaalala lang ako sayo… Tsaka… Hindi ka masarap para kainin ko.”
“Kapal mo!”
“Bakit, gusto mo ba pag sinabi kong masarap ka?!”
“Nakakadiri ka pa nga Aiden! Lalake ka nga!”
“O teka! Ikaw tong naglalagay ng meaning sa sinasabi ko eh! Ang wholesome kaya nun!”
“Aynako, ewan ko nga jan sayo.”

Pagkatayo ko, nagulat ako nung may umilaw sa harap ko.

Yung camera ni Jake.

“Kai, sorry na.”


“Sorry, wala ka man lang ginawa kanina. Tinawanan mo lang ako.”
“Sorry na.”
“Che.”

Aalis na sana ako nung nagoffer siya ng pinakapaborito kong bulaklak, ang santan. Isang bunch yun. Baliw talaga tong si
Jake, kumuha pa ng isang bunch ng santan.

Tinanggap ko naman yun. Ngumiti si Jake.

Ang cute niya.

Yun ang nasa isip ko.

Hay nako Kai. Ano ba yang pinagiiisip mo na parang iba na ata yung pagkakaisip mo. Tigilan mo nga yan. Alam mo naman
na matagal ng cute ang bespren mo diba? Lalo na pagnagmumuka siyang totoy tapos nagsosorry sayo kahit sa totoo lang
eh wala talaga siyang kasalanan.

Nagyawn ako.

“Inaantok ka?”
“Mejo.”
“Ehem ehem.”
Napatingin kaming dalawa kay Aiden.

“O unggoy, anong problema mo?”


“Wala lang. Ang bilis kasi gumawa ng paraan ng mga zombie sa tabi tabi.”
“Ano?!”
“Wala. Sige, alis lang ako. Alas tres ha?”

Umalis si Aiden tapos naiwan ako kay Jake.

“Anong problema nun?!”


“Malay. Ano, inaantok ka?”
“Oo. Asan na yung tarp na ginamit nung science fair?”
“Kunin ko.”

Kinuha ni Jake yung tarp tapos nilatag niya. By that time, ang dami ng nakahiga sa sahig ng classroom namin. Haha.
Nakakatuwa nga eh, mukha ng evacuation center yung room.

Sumandal si Jake sa may wall.

“o bakit, hindi ka matutulog?”


“Hindi… babantayan kita.”

Ang sweet talaga ng bespwet ko.

“Sabi mo eh.”

Humiga ako sa lap niya. Walang malisya yun pramis dahil matagal na naming ginagawa yun. Yung iba nga ang ginagawa
nila humihiga sila sa chan ng pinakachubby na tao sa room namin eh, mapababa o mapalalake.

Sana habang buhay pwede namin tong gawin no?

Umidlip na lang ako habang may nagpplay na music sa kabilang room

our little conversations


are turning into little sweet sensation
and they're only getting sweeter everytime

Maya maya, nakaramdam na lang ako ng kamay na sumusuklay ng buhok ko. Pag mulat ko, yung kay Jake yun. Ngumiti
siya sa kin.

our friendly get togethers


are turning into visions of foreve
if I just believe this foolish heart of mine

“Ang ganda ng kanta. Pang lullaby.”


“Talaga? Di ko kasi yan alam eh.”

I can't pretend
that i'm just a friend
'cause i'm thinking maybe we were meant to be

Pero nagulat ako nung inumpisahan ni Jake ang paghum ng chorus.

i think i'm fallin', fallin' in love with you


and i don't, i don't know what to do
i'm afraid you'd turn away
but i'll say it anyway
i think i'm fallin... for you
i'm fallin' for you...

“Kala ko ba di mo alam?”
“Alam ko pala yung tono. Pero hindi yung lyrics. Naririnig ko lage sa radyo.”

whenever we're together


wishing that goodbyes would turn to never
'cause with you is where i'll always wanna be

Ngumiti si Jake. Ako naman, unti unti na kong inaantok…

whenever i'm beside you


all i really wanna do is hold you
no one else but you has meant this much to me
Nakaramdam ako ng mga malambot na kamay sa pisngi ko, eto na yung secret weapon ni Jake para makatulog ako…
malapit na…

i cant pretend
that i'm just a friend
'cause i'm thinking maybe we were meant to be

“Tulog na… Kai ko…”

i think i'm fallin', fallin' in love with you


and i don't, i don't know what to do
i'm afraid you'd turn away
but i'll say it anyway
i think i'm fallin... for you
i'm fallin' for you...

Pinikit ko na ang mga mata ko. Finally, nakatulog na ko.

“KAAAAAIIII!!!”

Anak naman ng butiki na pinutulan ng buntot!! Sinong hinayaupak yun!

Bumangon ako. Gising parin si Jake at mukha ding narindi sa sigaw ng hinayupak na yun. Actually, hindi lang kami lahat ng
natutulog.

“Aiden ano ba! Di mo kailangang sumigaw!”


“Tae. Nanggugulo ka ng natutulog eh.”
“Eh di matulog ulit kayo.”
“Anong oras na Jake?”
“3:12.”

Chums.

“Lika na!”

Tapos kinaladkad na niya ako pababa. Wala pa ko sa mulat nun, gusto ko pa matulog. Nakita kong nagumpisa ng
bumangon yung mga natutulog sa room. Parang kinuhanan ng carbohydrates ang madlang people.

Nagkakamot pa ko ng mata, nasa may stage na kami, may mga tao narin, naglilista.

“O Aiden.”
“Anong ginagawa mo dito Karl?!”
“Ako nakaassign dito sa marriage booth. Pari.”
“Seryoso?! Sakto, ikaw ang magpapakasal sa min ni Kai.”
“Ha? Teka, parang ang alam ko eh ikakasal na siya kay Jake.”

WHAT?!

“Ha?! Hui teka ano yang sinasabi mo?!”

Langya naman oh. Namulat ako dahil dun ah!

“Bat ako ikakasal kay Jake?!”


“Si Geanne kaya unang nagpunta dito pagkaannounce na bukas na yung marriage booth.”
“Kai!”
“Geanne?!”
“O, nalista ko na!”
“Ha?! Wala naman tayong planong ganun ngayong year ah!”
“Eh pati rin naman nung first year at last year ah.”
“Nagplano tayo nun eh!”
“Ayos lang yan. Bakit ba?!”
“May karapatan ba akong icancel yan?!”
“Wala. Si Geanne lang din ang pwedeng magcancel niyan kasi siya naman ang nagbayad.”

nagmeet na yung eyebrows ni Geanne.

“Bat ayaw mo?”


“Papakasalan ko si Aiden.”

WOAH! I COULDN’T BELIEVE I JUST SAID THAT!!! Kadiri! Biglang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. My gas! Ano ba
to.

“Pero kasi—“
“Sige na, pacancel mo na.”
“Teka lang, itetext ko lang si…”
“Si?”
“Jake.”
“Bakit?!”
“Eh basta.”
“Eh kasi gusto din naman niya.”
“Tumahimik ka.”

After a few minutes, bumaba na yung barkada ko.

“Bakit?”
“Pacancel daw.”
“Naks. First time to ah.”
“Eh wala naman kasing plano.”
“Kahit na. Eh ang sunod ninyo, kami ni Geanne eh.”
“Si Nica na lang kaya at Jake.”
“Ayoko magpakasal sa lalakeng di ako mahal no!”
“Nako Nica! Ubod ka ng corny!”
“Prituhin niyo na nga yan.”
“Hoi anu ba, maguumpisa na ko ng seremonyas?”
“Ayos lang… si Aiden naman at si Kai talaga dapat eh.”

Tumingin si Aiden kay Jake.

“Mukhang—“
“Kung ano man iniisip mo, hindi yun yun. Ganti lang yan ni Kai dahil ikaw yung nagbayad para makaalis siya dun sa
jailbooth. Pasalamat ko na yan sayo dahil nakaalis siya.”

So yun, kinansel ni Geanne yung ‘kasal’ namin ni Jake tapos pinalitan niya at ginawa niyang si Aiden. Nako, bigla tuloy
akong kinilabutan sa ginawa ko.

“Sabi na nga ba, may gusto ko talaga sa kin.”


“Wala. Ang feeling mo. Ganyan lang talaga ako magbalik ng utang na loob. Alam ko namang patay na patay ka sa kin.”
“Ayan, yan ka Kyleen.”
“HA?!”
“Yan ka talaga. Kung di mo matandaan kung sino ka, yan ka.”
“Ano ba sinasabi mo di kita maintindihan.”
“Ui Kai, Aiden! Kayo na!”

Tinawag kami ni Migs. Kami naman tumayo na. Nakakatawa ichura ni Karl, kasi nga siya yung pari. Parang ewan lang
talaga.

“O tara, na kasal na.”

Yung dulong part lang naman ng kasal yung sasabihin eh.

“O ikaw Aiden, tinatanggap mo ba si Kyleen bilang iyong asawa… sa hirap at ginhawa… hanggang sa paghiwalayin kayo ni
kamatayan?!”
“Oo na. Ganda mo sa gown mo ha.”
“G*go ka.”

Siyempre nagtawanan yung mga nasa paligid namin.

“Ano ba tong paring kinuha niyo! Nagmumura!”


“Ewan ko nga sayo Aiden! Ganon talaga.O ikaw Kyleen, tinatanggap mo ba si Aiden bilang iyong minamahal na asawa—“
“Teka bakit yung akin may minamahal!?”
“Ganon talaga. O ulitin ko. Sabat kasi ng sabat!”
“Sorry naman!”
“Ikaw Kyleen, tinatanggap mo ba si Aiden bilang iyong asawa… sa hirap at ginhawa, hanggang sa paghiwalayin kayo ni
kamatayan?”
“Oo na. Dali ang kati nung belo!”
“O, you may kiss the groom.”
“Teka bat ako ang hahalik?!”
“Ganon talaga Kyleen! O dali na, kiss mo na ko.”
“Sira ulo ka! Ayoko nga! Lelang mo!”
“Ang arte nito!”
“Hoi Kyleen pinacancel mo yung inyo ni Jake tapos di mo man lang susulitin yang kasal niyo ni Aiden!”

Nako po pinagalitan pa ko ni Geanne. Patay.

Ok fine, no choice na ata ako.

Siyempre tinanggal ko yung belo ko… Yung napakakating belo na parang kacha lang ata yun.
And boom.

Hinalikan ko siya sa cheeks.

“Mabuhay ang bagong kasal!”

So yun, nagsigawan silang lahat na parang mga ewan. Siyempre etong si Aiden eh nakikipagkamay pa sa kung sinu sino.
Ako naman eh tumatawa lang sa kalokohan niya.

“O pano Mrs. Smith, maghoneymoon na tayo.”


“Tot mo. Divorced na tayo.”

Nagtawanan kaming dalawa. Alam ko namang hindi to seryoso kaya tawanan na lang ang lahat diba? Okay naman yun eh.

Ang rule dito, nakaposas yung kinasal kuno for one hour, tapos pwede na maghiwalay. Mga echosera. Siyempre nakaposas
ako sa kanya sa loob ng isang oras.

At sa loob ng isang oras na yun… di man lang niya ko ginalaw.

Uh… what I mean was… di man lang niya ko inasar o ano… eh kung tutuusin yun na yung chance niya para pikonin ako and
stuff. Pero di niya ginawa. Nakatungo lang siya dun sa armchair niya.

“Hoi anong nakain mo at parang di mo ko inaasar?”


“Wala naman. Gusto ko lang na kasama ka ng tahimik…”
“Uh Kai…”
“Ano?”
“NaCCR ako.”
“Kontrolin mo Aiden. Hayop ka.”
“Sige na! Samahan mo ko sa CR!”
“Ano ba! Maghulus dili ka nga!”

Ayun, naghilahan kami. Tawanan naman lahat.

Nung tinanggal na yung posas na ming dalawa, nakahinga din yung kamay ko. Tapos naglabas siya ng isang ngiti na
parang—akala ko isang anghel…

Yun ang huling nakita ko sa school.

Nung hinatid ako ni Jake sa bahay…

“Ano naging masaya ka ba?”


“Ayos lang.”
“Ihanda mo na yung gamit mo para sa science camp.”
“Opo opo.”
“Ang hirap talaga magpalaya o.”
“Bakit?”
“Wala lang. Naisip ko lang bigla na hinahayaan kong hawakan ka ni Aiden… kahit ayokong makita kong hawak ka niya…”

Naisip ko na nagtatampo na tong bespren ko dahil siguro mas madalas ko narin nakakausap si Aiden. Sabgay, nung umpisa
pa lang sinabi ko na kay Jake na ayokong kasama si Aiden. Pero yung nangyare kanina, ako pa mismo ang nagtulak sa
sarili ko para makasama siya.

“Wala lang yun ano ka ba. Tsaka, kung nagkataon na alam ko na yung feeling ng nagmamahal, pramis, ikaw ang una kong
magiging prospek.”
“Prospek?”
“Oo. Ikaw yung una kong magiging, gusto? Mahal? Basta ganun. Tingin ko naman, madali ka lang magustuhan. Ipagdasal
mo na lang na sana, marunong na nga ako magmahal.”
“Napakapranka mo talaga. Kahit yung mga bagay na hindi dapat sabihin… sinasabi mo.”
“Eh, ganun talaga. Ewan ko rin sa sarili ko kung bat ako ganto eh.”
“Tsaka kai…”
“Ano yun?”
“Ako naman talaga yung una.”

Ha?

Nagsalubong yung mga kilay ko pero tumawa lang si Jake tapos hinalikan niya ko sa noo sabay sinabi niya na wag ko na
daw isipin yun dahil joke lang. Ngumiti na lang ako pero parang… para kasing hindi. Anyway, nagtricycle siya. Ako naman,
nilagay ko yung bike ko sa dapat niton lagyan.

Magkakaroon nga ba ako ng chansang… magmahal?


Chapter 20

Pero di pa dun nagtatapos ang lahat.

Umuwi ako ng maaga para magligpit ng gamit para bukas (which is Friday) dahil bukas na gaganapin ang science camp.
First time kong sumama. Nung first year kasi, star gazing na nagkasakit ako. Nung second year, hindi ko trip sumama sa
science camp. At eto, ngayong third year na ko, ready na ready na ko.

Hmm, required ito para sa aming lahat. I mean, ang sabi sa letter, voluntary lang. Pero hello! Ang sabi ng teachers, may +5
sa exams sa lahat ng science subjects. Take note, LAHAT ng science subjects. Eh tatlo pa naman ang science subjects
namin ngayon. Advanced Physics, Biology II at ang walang kamatayang Chemistry. So imaginin mo naman ang 15 points na
mawawala sayo diba?! Aba! Sumama ka na lang!

Anyway, siyempre kanya kanyang bitbit ng bagahe. Gulat nga ako pagdating sa school, yung mga first year akala mo isang
taon mawawala. Malemaleta yung dalang gamit! Samantalang ako, paper bag lang. ang chepar diba?

“O Kai!”
“Geanne! Nica!”
“Nakita mo na yung group mo?! Grabe. Malas mo girl!”
“Bakit?!”
“Kagrupo mo kaya sina Joga, Bulalakaw at Buwan!”
“What the!!!”

Pumunta agad ako dun sa board kung san nakapost yung group members. Tae. Hiwahiwalay kaming magkakabarkada
maliban kay Nica at Jake. Pareho silang nasa red team. Si Geanne nasa orange. Si Migs nasa green. Ako naman nasa pink.
And guess who kung sinong kasama ko?!

Yung iba lang namang malalanding fourth year na akala mo kung umasta eh may ari na ng school. Ayun. Joga kasi malaki
yung hinaharap. Bulalakaw kasi uh… hindi naman sa masama kami pero ayun… pimple-ic? Tama ba yun? Tapos si buwan
kasi… malaki yung… noo… argh. Do I sound so evil?

Well, mas evil naman sila. Pano, ang sama ng ugali nila. First year pa lang ako, inaway na nila ako. Nilalandi ko daw si Jake.
Aba! Sino ba sila para sabihan nila ako ng ganun?! Eh bespren ko kaya yun?! Anong tawag sa kanila kung ako yung
lumalandi?! Ay ewan.

Pero sabi naman ni bestee, di daw niya type yung mga yun.

And guess who’s my groupmate.

“Naks. Pinagtatagpo talaga kayo ng langit o.”


“Tsk tsk tsk. Walang duda.”
“Tumahimik kayong dalawa jan. Paguntugin ko kayo eh.”

Kagrupo ko lang naman si Aiden. Asar. Asar. Asar talaga!

Pumunta ako sa classroom na badtrip. Sino bang hindi mababadtrip dun? Eh bawat babaeng napapadikit kay Aiden eh
parang ipapamassacre ng mga babaeng halipa. Eh buti nga hindi nila nakikita yung pagewan ewan sa kin ni Aiden sa bawat
araw na ginawa ni Lord eh.

“O miss, bat ka naman nakasimangot?”


“Aiden lumayo ka nga. Bad trip ako.”
“Mas maganda ka pag nakangiti. Pero, kahit naman nakasimangot ka maganda ka parin eh.”
“Wag ka nga buntot ng buntot sa kin.”
“Arf!”
“Arf ka jan. Shoo.”

Umupo siya dun sa armchair sa harap ko tapos nakaharap siya sa kin. Ay nako. Sino bang may boxing gloves dito? Labanan
na lang eh.

“Bakit? Nalaman mo nang kagrupo mo ko mamaya no?”


“hindi lang yun. Kagrupo ko pa yung mga halipa.”
“Sino yun?”
“Basta.”
“Wag ka magalala. Andito naman ako para sayo eh.”
“Yun nga eh! Anjan ka para sa kin kaya siguradong lalo akong guguluhin niyang mga yan.”
“Subukan lang nila, ibibitin ko silang patiwarik.”
“Gawin mo na.”
“Tsk, wag ka na mabadtrip. Pramis, magsasaya tayo mamaya.”
“Wish ko lang.”
Ayun. Mejo bad trip talaga ako. First time kong umattend ng science camp tapos sila yung mga kagrupo ko?! Well anyway.
Wala naman akong magagawa diba?!

“O Kai, natatapakan ko na yung baba mo o.”


“Sira ulo ka Jakey.”
“Ano bang meron?”

Umupo siya sa tabi ko. Siyempre, kwento galore na ko.

“Nako yaan mo na nga yung mga yun. Hindi ko naman sila papansinin eh.”
“Pero sila pinapansin ka.”
“Kai, ikaw lang naman yung napapansin ng mga mata ko eh.”
“Ha?!”
“Ang ibig kong sabihin, uhm… parang… ganto. Siyempre sino ba sila? Eh di ko nga sila close eh. Eh ikaw, best friend ko
diba? Di ko sila mapapansin.”
“Ay ewan ko sa kanila.”
“Pahiram ng kamay mo.”
“Bakit?”
“basta.”

Binigay ko sa kanya yung kamay ko. Kala ko naman kung anong gagawin niya. Pero, nagulat na lang ako nung may binigay
siya sa kin. Isang…

“Ano to?”
“Obvious ba. Keychain.”
“Alam kong keychain… na may heart. Parang, luma na to ah.”
“Oo, matagal na yan eh.”
“O? Kanino galing?”
“Sayo.”
“Sa kin?! Wala naman akong maalang may binigay ako sayong ganito ah.”
“Kagrupo mo si Aiden diba?”
“Uh… oo. Anong konek nun?”
“Ibigay mo yan sa kanya. Sabihin mo, suko na ko. Panalo na siya.”
“Ha?!”
“Basta. Magegets din niya yun.”
“Bat ako di ko magets?! Ang daya naman eh!”
“Sabihin mo malalagot siya sa kin pag inaway ka nung… anong tawag mo sa kanila?”
“Yung… halipa?”
“Ayun. Sabihin mo lagot siya pag inaway ka nung mga halipa.”
“Teka Jake, di kita gets…”
“Basta… simula ngayon… binabalik ko na lahat ng dapat mong bawiin sa kin...”

Umalis na si Jake na iniwan yung bibig kong nakabukas. Pano, di ko magets. Recently, nagiging weird na talaga yung best
friend ko. Di ko alam kung bakit… bakit nga ba?

Anyway…

Naging busy nung bandang hapon. Kanya kanya na kaming punta sa mga room na nakaassign kami. Hiwalay ang boys sa
girls. Inayos ko yung gamit ko. Sakto naman nung nagbanyo ako, nagkita kami ni Migs. Konting kwentuhan hanggang sa
nabuo na kaming magkakabarkada na nakatambay sa may disturbing office este sa disbursing office.

“Tae babes. Namimiss na kita.”


“Ay grabe tong si Migs! Baka magsawa na kayo niyan pag nag-asawa na kayo!”
“At least alam namin na kami ang magkakatuluyan. Eh ikaw Nica?! Meron ka na ba?!”
“Ano ba. Ayoko nga eh.”
“Woo. Ayaw daw. Bitter lang!”
“Tamo tong si Jake at si Kai. Ayaw pa magkaaminan.”
“Ano bang aaminin?”

Napatahimik ako dun sa sinabi ni Jake. Hindi ko ba alam pero parang kumirot yung puso ko sa sinabi niya. Eh usually
naman kasi hindi niya pinapatulan yung mga ganyan…

“Wala kaming aaminin ni Kai, diba?”


“uh… oo.”

Tapos ayon. Nagkaroon ng awkward silence.

“Ay magsalita nga kayo! Dadami ang bakla sa mundo!”


“Bakit? Ganun ba yun?”
“Oo, di niyo ba alam yun?”
“Nako Nica, ikaw naman ang nakakaalam ng lahat eh.”
“Pag may awkward silence, may bagong panganak na bakla.”
“Ay grabe naman yan!”
“Parang pag umulan pero umaaraw, may kinakasal na tikbalang. Ewan ko ba kung bakit ganyan.”

Tawanan galore. Tapos pagkatapos nun, awkward silence.

“Ay tama na nga. Baka tayo pa ang dahilan kung bakit dadami ang bakla sa henerasyong ito eh.”

Tumawa kami. Siyempre, hiwahiwalay na kami after nun. Ako at si Jake, naiwan lang saglit. Wala lang. Nakinig lang kami
ng music. Tapos, nung bandang mga 5 na, yung assembly, saka kami nagkahiwalay. Pumunta na kami dun sa kanya-kanya
naming grupo.

“Hoy eba. Ang tagal mo.”

Sino yun?!

Ay, yung unggoy pala.

“hoy unggoy, wala kang pake kung matagal ako.”


“Meron no. Tagal tagal na kitang hinihintay eh.”
“Nako ewan ko nga sayo.”
“Seryoso, namiss kita.”
“Tumigil ka nga kung ayaw mo mabugbog.”
“Ayos lang naman magpabugbog eh, basta sayo.”
“Alam mo grabe. Sayang, gwapo ka pa naman. Pero kung sa kakornihan ng mga sinasabi mo, baka walang babaeng
makakatiis sayo!”
“Ano ka, meron no.”
“Sino?!”
“Siya.”

Siya?!

Ay tae.

Si Lenlen.

Kunwari hindi ko narinig. Kinausap ko agad yung katabi ko tapos tinanong ko siya kung ano yung unang activity. Ay nako.
Ewan ko nga ba sa mga taong to.

Yung unang activity, grabe haggard! Siyempre may pinadalang panyo sa amin. Blinind fold kami tapos hahanapin namin
yung mga kagrupo namin by sounds lang. Imaginin niyo naman. Seven groups (red, blue, black, yellow, pink, green at
orange) tapos halos 40 plus members each?! Magkakahanapan ba kami nun?!

Anyway, ayun. Ang ingay nung oras na yun. Feeling ko nga nakabunggo ko pa si Geanne nung nagsosound ako ng oink oink
(kasi yun yung sound namin). Well anyway, pangalawa lang kami nun.

Sunod yung war of the worlds. Gustung gusto ko na kumain nun pero wala naman akong choice. So anyway. Eto namang si
Aiden, parang bata. Handang handa makipaglaban.

Hindi kami masyadong nakapagusap nung mga games. Paano, lagi siyang chinichika nung mga fourth year. Iba ang kasama
ko nung games na. Anyway, ayos lang naman sa kin.

Nakakatawa nga eh. Meron kasing muse and escort. Ang escort namin, si Aiden. Ang muse namin, si Joga. Ang landi talaga
nung babaeng yun. Dun naman sa red team, ang escort nila si Jake. Haha! Benta.

Kaso…

Biglang inannounce na ang laban pala eh bebot and bebang. Meaning, yung lalake, magbibihis pambabae. Tapos yung
babae, panglalake naman. Tawa ako ng tawa nung nagsuot ng palda si Aiden tapos ewan ko nagkaroon siya ng boobs.
Haha! Benta.

Si Jake ang cute. Sinuutan siya ng dress. Haha. Tawa lang ako ng tawa kasi palandian sila. Akalain mo na si Jakey ko ay
magsusuot ng ganun?!

Tapos, Bonfire. Grabe. Gutom na gutom na ko. Pumunta sa kin si Aiden.

“Oi babae.”
“Bakit lalake?!”
“Wala lang. bat di mo ko pinupuntahan?!”
“Bakit naman kita pupuntahan?!”
“Asawa mo ko.”
“Asawa your face.”
Maya maya, pumunta din sa kin si Jake.

“O Jake.”
“Binigay mo na kay Aiden?”
“Yung alin?”
“Yung keychain… naalala mo pa?”
“Teka. Bakit niya yun ibibigay sa kin?! Wag mong sabihing…”
“Oo.”

Ngumiti si Jake. Ano ba. Ano na bang nangyayare?!

“Bigay mo na.”
“Nasa bag.”
“Ah ganun.”
“Jake, gusto ko naman ng—“
“Wag ka na magsalita. Basta… binibigay ko na lahat sayo.”

Naguguluhan na ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa.

Nakarinig ako ng sigaw. Yun pala, nilagyan na ng apoy yung mga kahoy. Ayun, bonfire na talaga. Nagkaroon ng mga
entertainment chorva. Tawa nga kami ng tawa eh. Basta may gag show.

Nung sinabing tumayo, tumayo na kami. Nagulat ako nung pagtayo ko, hinawakan ni Aiden yung kamay ko. Ano nanaman
bang problema ng lalakeng to?!

“Hoy Aiden! Ano—“


“Sshh.”
“Anong ‘sshh’?!”
“Basta. Ako na bahala sayo.”

Ano?! Siya na daw bahala sa kin?!

Unfortunately, hinila siya ng mga fourth year papalayo. Sira talaga yung mga fourth year na yun.

O sige. Dibale na. Nagkantahan galore. Ano nga bang title nun?! Let there be peace on earth?! Since ang theme ng science
eh peace ecklaboo. Mejo nakornihan ako, pero ayos lang kasi nung narinig ko na yung boses ng mga tao, para kaming mga
batang kumakanta ng isang Christmas carol.

Tiningnan ko si Jake at hinawakan yung kamay niya.

Para pa ngang nagulat siya eh.

“Hindi ako sanay na hindi mo hawak yung kamay ko.”

Ngumiti ako tapos ngumiti siya.

Pero ang masaklap…

Tinanggal niya yung kamay niya.

Nagulat ako nung ginawa niya yun. Usually naman, pipisilin pa nga niya yung kamay ko eh. Halos lahat ng tao magkahawak
kamay. Pero siya, hindi, ayaw niya akong hawakan.

“Ganun ba? Pero… simula ngayon… kailangan mo na masanay.”

Nginitian niya ko na parang ewan. Sa totoo lang, kumirot yung puso ko nung sinabi niya. Hindi ko din alam kung bakit.
Basta. Masakit talaga.

Napayuko na lang ako sa sinabi niya.

“Jake… bakit ka ba… nagkakaganyan…?”


“Ha? Bakit naman? May mali ba?”
“Oo.”
“Akalain mo yun. Napansin mo. Hindi ka na manhid.”

At dun, hinawakan na niya yung kamay ko.

“Sige na nga.”
“Eh, napipilitan ka lang eh.”
“Oo. Napilitan ako. Pano, ayokong Makita kang ganyan.”
“Eh bakit ka ba naman kasi nagddrama?! Kung may gusto ka sa kin, pwede bang sabihin mo na?”
Di ko alam kung bakit ko yun sinabi. Pero minsan kasi, feeling ko yun yung gusto sabihin nina Geanne, Migs at Nica sa kin.
Hindi ko kasi alam kung kelan totoo yung sinasabi ng mga tao eh. Ignorante nga siguro talaga ako.

“Ikaw talaga.”
“Anong ako talaga?! Ano?! Meron ba?!”
“Pano kung meron?”
“Eh di papayagan kitang ligawan mo ko.”
“Hahayaan mong ligawan kita?”
“Oo naman.”
“Hindi mo ba naiisip yung… masisira?”
“Alin? Ano namang masisira? Yung pagkakaibigan natin?”
“Oo… uh… siguro.”
“Ano ka ba Jake. Eh bakit mo kasi iniisip na masisira yung pagkakaibigan natin agad? Eh hindi pa nga tayo dumadating sa
puntong yun eh.”
“Dahil ayokong dumating sa puntong yun…”
“So meron ka ngang… gusto sa kin?”
“Wala.”
“Wala naman pala. Eh bat ka ba nagkakaganyan?”
“May mga bagay na… hindi na dapat ibalik. May mga bagay naman na… dapat nang ibalik sa tunay na nagmamay-ari.
Diba?”

Ngumiti siya. Pero nung natapos yung kanta, nagpaalam siya agad sa kin na pumunta sa ibang grupo. Hindi ko alam pero…
sobrang nalungkot talaga ako nung sinabi niya yun.

Announcement na dinner na. Buti nga nanalo kami kaya kami ang unang pipila para sa dinner. Saya no?

Umupo ako sa bleachers kasama sina Geanne at Nica. Sina Migs at Jake kasama yung ibang lalake. Chikahan lang.

“Tae. Nakakapagod.”
“Lalo na yung isang activity. Parang tunge lang. hanapan ba naman daw ng groupmate?! Like ilang tao kaya tayo diba?”
“At least makakain na tayo ng—“

Maya maya… may dumating na fourth year. Member ng science club. Tinatanong niya kung pwede ba daw akong kumanta
sa stage. Siyempre ang sagot ko ayoko. Umalis yung member tapos tumawa sina Geanne at Nica.

“Naks girl. Talagang in demand ang boses mo.”


“Eh ewan ko sa kanila. Hindi naman pang doxology yung boses ko ah.”
“Pero pang rakista. Pwede ding pang anime. Kaya malakas ang dating eh.”
“Ay ewan. Bahala sila.”
“Next year mag banda tayo ah.”
“sige sige!”
“basta vocalist ka Kai.”
“Eh mas maganda pa nga boses sa kin ni Geanne eh!”
“Hello. Ako naman yung pang doxo lang. Ikaw yung pang rakrakan talaga.”
“Pano niyo ba nadedefine kung anong genre ng mga boses niyo?! Yung akin, ano?”
“Pang rap.”
“Tae ka Kai!”

Tapos nagulat na lang kami nung biglang dumating yung teacher namin sa general science nung first year. At ngayon, siya
na ang nakiusap sa kin na kumanta sa stage.

May choice ba ako?! Eh ang dami dami namang magaganda ang boses dito ah?! Bakit ako pa?!

Tae. Napa ‘sige po’ na lang ako. Nakakatatlong subo palang ako sa kakainin ko nun, bigla na lang akong inistorbo. Hai.
Ewan. Kung tutuusin, mas magaling nga akong sumayaw kesa kumanta eh.

Pumunta ako sa backstage. Gusto ko na bumalik sa kinauupuan ko para ubusin muna yung kinakain ko. Grr.

Tiningnan ko yung pinapapakanta nila sa kin.

Everytime ni Britney Spears.

Cheber. Kaya pala. Eto kasi yung nirecital ko last year.

Pwumesto na yung magpipiano dun sa stage. Ako naman, nasa likod pa. Nung pinakilala ako, saka ako pumasok. Nagulat
na lang ako nung pumunta yung mga kabatch ko sa may stage. Akala mo naman kung anong solo performance ang
gagawin ko.

Nagumpisa na yung piano.

Notice me…
Take my hand…
Napatingin ako kay Jake. Gusto ko sana sabihin na, kung meron mang tao na pagaalayan ko ng kantang to… Siya yun.

Why are we...


Strangers when…
our love is strong?
Why carry on without me?

Every time I try to fly I fall


Without my wings I feel so small
I guess I need you baby.

And every time I see you in my dreams


I see your face, it’s haunting me
I guess I need you baby.

Nakatingin lang ako kay Jake nung mga panahong yun. Siya din naman. Nababasa ko yung lungkot sa mga mata niya. Yung
akin kaya, nababasa niya?

I make believe that you are here


It’s the only way I see clear

What have I done?


You seem to move on easy.

Oo nga. Ano bang nagawa ko para, layuan niya ko unti-unti? Akala ko ba magbest friends kami… pero parang… hindi eh…

And every time I try to fly I fall


Without my wings I feel so small
I guess I need you baby.

And every time I see you in my dreams


I see your face, you’re haunting me
I guess I need you baby.

I may have made it rain.


Please forgive me.
My weakness caused you pain
And this song's my sorry.

Ang kahinaan ko nga siguro yung… nagdulot sa kanya ng sakit. Minsan naisip ko… kung… naging parte ba si Jake nung
nawala kong nakaraan…

That night I pray


That soon your face will fade away

At dumating na sa last part. Mejo namove na ko sa kanta, kaya napapapikit narin ako. Nalulungkot talaga ako dahil habang
tumatagal…

Parang hindi na si Jake yung Jake ko…

Everytime I try to fly I fall


Without my wings I feel so small
I guess I need you baby.

And everytime I see you in my dreams


I see your face, you’re haunting me
I guess I need you baby.

Tinapos ko na lang yung piano. And boom. Nagpakawala ako ng isang malabathalumang ngiti. Haha. Yabang. Pumalakpak
ang mga gusto pumalakpak at nagpatuloy kumain ang mga kumakain. Ako, ang naisip ko lang ay yung pagkain ko…

At kung alam ba ni Jake na para sa kanya yung performance ko kanina.

Anyway, imaginin niyo mga tunay kong kababayan. I was very exhausted. Mula 6 in the evening, hindi natapos yung
activity. And guess what, 11 kami nagdinner. Buti nga pink team yung una kasi kami yung best group dun sa first three
activities.

Hiwalay ang girls sa boys nung gabi. Kaya nga wala ako masyadong balita sa kanya. O well, it’s a good thing na
magkahiwalay kami! Ha!
Three kami ginising ng science club. May activity kasi na umabot hanggang six! Peste… tama ba naman daw yun?! Yun yung
kahabahabang caterpillar na bawal maghiwahiwalay yung members ng bawat team na umabot sa uh… 40 plus?!

Ang masama pa dun, pinagalitan ako ni Joga dahil sa cellphone ko. 1:00 ko kasi inalarm yun para mejo mamulat mulat ako.
Eh nagalit sila kasi ang lakas daw ng tunog… Sorry naman.

Anyway, so yun nga, nagumpisa na yung activity.

Nung umaga na at unti unting lumalabas ang anino ng eyebags ko, unti unti ring lumalabas ang anino ni Aiden.

“Kyleen, okay ka lang ba?”


“Obvious ba?”
“Uh, oo.”
“Eh bat ka pa nagtatanong.”
“Eto naman… sayang ganda mo. Eto, kape oh.”

Ang sweet naman niya…

“Thanks.”

Kinuha ko yung kape tapos napainom ako. Sa far side ng mata ko (alam niyo ba yun? Kahit hindi ka sa kanya nakatingin eh
nakikita mo parin siya… basta may ganun). Nakita ko siyang ngumiti… Hai… ang cute talaga niyang mag smile… hmph…

Slap Kyleen! Ano nanaman yang pinagsasabi mo?! Nahihibang ka nanaman aba naman!!!

“Ang cute mo uminom.”


“Pati ba naman yun tinitingnan mo?!”
“Siyempre naman.”

Well… I was glad he told me…

WHAT?! Anong I was glad he told me ka dyan?! Suntukin kaya kita Kyleen?!

Nagsiuwian na yung mga dapat umuwi. Nakakainis nga eh kasi hindi nagpaalam sa kin yung mga kabarkada ko. Sabagay,
baka pagod na yung mga yun.

Ako, nagstay ako sa room, ginawa ko yung mga assignment. Math workbook lang naman. Dun ko na ginawa kasi baka
pagdating ko sa bahay, tulog na lang, tapos wala na kong magawa pag katapos.

Nagulat ako nung narinig ko yung creak ng pintuan.

Ayoko ngang tingnan. Eh pano kung serial killer pala yun?!

“Hoi Kai!”

Hainako! Ano ba naman tong unggoy na to. Bigla bigla na lang sumusulpot.

“Ano ba Aiden! Ano pang ginagawa mo dito?”


“Binalikan kita.”
“Ha?!”
“Naiwan yung puso ko sayo.”
“Hay nako! Tigil tigilan mo nga yang kacornihan na yun.”
“Para namang di ka pa nasanay.”
“Eh bat ka pa ba kasi nandito?”
“Pinapunta ako ni Jake.”
“Ha?!”
“Nasa may hiway na ko nung nagtext sa kin si Jake. Sabi niya, puntahan daw kita.”
“Bakit?”
“Ewan. Baka nagaalala sayo.”

Umupo siya sa may tabi ko.

“Aiden…”
“Ano yun?”
“Pano mo ba malalaman pag in love ka?”

Napatahimik kaming dalawa.

After 10 seconds…

“Hindi mo naman malalaman kung in love ka na eh.”


“eh ano?”
“mararamdaman mo.”
“Eh di fine. Pano mo mararamdaman?!”
“Hindi ko din alam.”
“Eh pano mo malalaman kung crush lang o infatuation lang o obsession na o mahal mo na talaga?”
“Wag mo ko tanungin sa ganyan. Kasi… iisa pa lang sa apat na yan ang naramdaman ko.”

Hindi ko na tatanungin. Alam ko namang yung huli na yun eh.

“uh… pano mo nalaman na… mahal mo na si Lenlen?”


“Hindi ko alam. Mahirap kasi idefine eh. Kung nadefine mo ang pagmamahal mo sa isang tao, hindi mo siya mahal.”
“Bakit?!”
“Di ko din alam.”
“ang gulo mo naman eh.”
“Basta. Pag sinabi mong mahal mo na siya… yun na yun. Hindi na dapat tinatanong sa tao kung bakit mo siya mahal o kung
paano mo siya minahal.”
“Pero kasali na ba dun yung… nalulungkot ka kapag, nilalayuan ka niya?”
“Baka kasi… iniisip nung taong yun na… may isang lalakeng para talaga sayo… at alam niyang hindi siya yun.”
“Hindi ko naman sinasabi na ako yun eh!”
“Eh kunwari ikaw na yun.”
“So ano, pagmamahal na ba yun?”
“Pakiramdaman mo kasi.”
“Eh hindi ko nga alam ang pakiramdam ng nagmamahal eh.”
“Oo nga pala no.”

Tapos nagkaroon ng pause.

“Hindi mo nga pala naaalala.”


“Na?”

Tumayo siya.

“Na nagmahal ka na.”

Nagulat ako sa sinabi niya na napatayo ako. Ako nagmahal? Kung saka sakali… hindi kaya…

“Aiden, aminin mo nga… may alam ka ba tungkol sa kin?”


“Marami.”
“Tulad ng?”
“Cute ka, pero manhid. Matalino ka, pero tanga.”
“Aiden.”

Hinawakan ko siya sa may sleeves niya. Kung meron nga… nagbabakasakali ako na…

“Eh ano yung sinabi mong nagmahal na ko?”


“Hula ko lang.”
“Hula?”
“Oo. Bakit, hindi mo ba minahal ang mga magulang mo? Hindi ba minahal ang mga kaibigan mo?”
“Mina—“
“Tingin mo, hindi mo ba minahal si Jake?”

Napatahimik ako.

“Mina… hal.”
“O. yun naman pala. Alam mo naman pala na nagmahal ka eh. Tara na nga. Hatid na kita sa inyo.”
“Dala ko bike ko.”
“Ako na lang magbibike. Sumakay ka na lang.”

Pumayag ako tutal tapos ko narin yung homework ko. Nung andun na kami sa street namin, pinastay ko na lang siya dun
sa may kanto, basta wag dun sa tapat ng bahay.

“Ingat ka. Ay teka, eto nga pala yung pinabibigay ni Jake.”

Binigay ko na sa kanya yung keychain na may heart. Para san ba talaga yun?

“Kai…”
“Ano?”
“Sa tingin mo… ako din ba… minahal mo?”
“Tumahimik ka nga. Pano kita mamahalin kung…”
“Oo nga naman… paano mo ko mamahalin kung ngayon mo lang ako nakilala.”

Ngumiti siya sa kin. Ako, mejo napuzzled sa sinabi niya. Tumalikod siya tapos ‘binaril’ niya ko.
Pumasok na ko sa bahay. Gulung-gulo yung utak ko…

Nagmahal na nga ba ako?

Chapter 21

“Hai.”
“O Kai bakit?”
“Wala lang. Para kasing…”
“Para kasing?”
“May nagbago.”

Dun nagumpisa ang araw ko ngayon. Hindi ko alam pero parang feeling ko may nagbago. Ay hindi pala parang… alam kong
may nagbago. Ano? Yung…

“Jake…”
“O Kai…”
“Pwede mo ba akong samahan mamaya sa bayan?”
“Bakit?”
“Uh… wala lang. Jollibee lang tayo.”
“May gagawin ako eh.”

Yun. Yun ang nagbago. Kaming dalawa ng best friend ko. Best friend pa nga ba? Actually hindi ko na alam. Basta after ng
science camp, naging ganito na kami… siguro dahil… ay ewan.

Dumaan ang isang linggo, ganun lang kami. Naiintindihan ko naman na marami siyang ginagawa dahil kasama siya sa isang
photo contest, photojournalism ecklaboo. Ang hindi ko lang maintindihan… kahit isang beses lang sa isang linggo, parang…
ayaw na niya ako kausapin. O baka mas appropriate ang… nilalayuan niya ko.

Minsan nga, sa tuwing kakausapin ko siya sana kung nilalayuan nga ba niya ko, lagi siyang lumalayo. Actually these days,
minsan minsan ko na lang siya Makita at makausap. Trinatrain kasi siya dun sa photojournalism ecklaboo.

Hay ewan.

Lumipas ang isang linggo na hindi kami naguusap ng matino.

At…

Lumipas ang isang linggo na inaasar lang ako ni Aiden.

“O, pansin ko lang isang linggo na yang nakalabas nguso mo. Muka ka ng shokoy.”
“Pansin ko din na sa bawat araw na nakikita mo ko, lagi mo yang binabanggit. Ano ba Aiden, lumayo ka nga.”
“Namimiss mo si Jake no?”
“Paanong hindi?! Eh ni hindi na nga ako kinakausap nun eh. Parang iniiwasan niya ko.”
“Ang manhid mo talaga.”
“Bakit nanaman?!”
“Hindi ba talaga halatang iniiwasan ka niya?!”
“Hindi yun gagawin ni Jake sa kin. Ano bang ginawa ko para iwasan niya ko?”
“Parang mali.”
“Anong mali?”
“Dapat… ‘ano bang nararamdaman niya para iwasan ka niya’.”
“Parehas lang yun.”
“Magkaiba yun. Ay sabagay… parehas lang yun sa manhid.”

Hindi ko na maintindihan. Nakakaasar. Isang linggo na lang, birthday ko na… tapos eto. Isang linggo na kami hindi
nakakapagusap. If ever maguusap kami, yun ay kung ibibigay ko na sa kanya yung yellow pad. Kasi nga diba panlaban
siya? So, ako yung nagnonotes para sa kanya.

Sa totoo lang, wala siyang sinasabi. Pero di ko alam kung bakit ko yun ginagawa.

Nagaayos ako ng locker nung mga oras na yun nung may gumulat sa kin mula sa likod.

“Hoi!”
“Ano ba Migs!”
“Tara, kain tayo?”
“Wag na, kayo na lang.”
“Bakit naman kami na lang?”
“Nakakatamad kumain eh.”
“Tinatamad ka kumain, o dahil wala si Jake?”
“Pwede both?”
“Pwede.”
“Eh di both.”
“Hoi!”

Gulat ako nung biglang sumigaw si Migs.

“Barkada meeting!”

Uh-oh.

“Migs! Mali ang iniisip mo!”


“Bakit, ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?”

Ano nga ba?

“Uh… wala.”
“See.”
“Bakit babes, ano yun?”
“Yung isa ditong nagmumukmok ang tanungin niyo.”
“Pansin ko nga. Isang linggo ka nang ganyan ah.”
“Eh kasi naman…”
“Ops. Wag dito.”

Pumunta kami sa upuan ni Geanne. Ako yung nasa hot seat (yung nasa upuan ni Geanne). Si Nica naman nasa floor. Si
Geanne katabi ko. Si Migs katabi ni Geanne.

“Sabihin mo nga sa min… honestly ha. May gusto ka ba kay Jake?!”

Grabe naman tong mga to. Porke ba namimiss ko yung tao at feeling ko nilalayuan niya ko, may gusto na ko sa kanya?
Naninibago lang ako dun sa pagbabago ng panahon.

“Wala.”
“Eh bakit ka nagkakaganyan?”
“hindi kasi ako sanay na nilalayuan ako ni Jake. Last year naman may contest din pero nagkakaroon parin naman siya ng
time para sa kin… sa atin.”
“Kai, tingin mo ba, may gusto sayo si Jake?”
“Ewan… di ko din alam…”
“Takte ang manhid.”
“Pano ba ako naging manhid? Pano niyo nalaman na manhid ako?! Ibig sabihin may alam kayo…”
“Kung sakaling may alam kami, hindi dahil sinabi ni Jake pero nakikita namin, kaya namin nasabi na manhid ka.”
“Eh pano kung hindi pala ganun?”
“Eh pano kung ganon?!”
“Eh pano nga kung hindi?!”
“Hay nako. Wala pa nga tayong patutunguhan sa usapang ito. In short, walang feelings si Kyleen kay Jake. Kung meron
mang feeling, yun ay ang pagkamiss lang sa kanya dahil hindi siya sanay na walang Jake sa tabi niya.”
“Pero hindi ba… gusto mo narin yung tao pag ganon?”
“Depende yun sa criteria mo kung kelan mo na gusto yung tao.”
“Takte. Pano ba tayo napunta dito?!”
“Ayan tanong mo kay Migs kung anong criteria niya kung pano ka niya nagustuhan.”
“O babes, ano daw criteria mo?”
“Ewan ko. Basta yun na yun. Naramdaman ko na lang.”
“Symptoms?!”
“Yung namimiss kita pag di kita nakikita o di ka nakakusap… yung… gusto ko lagi kita nakikita…”
“Pareho lang yun Migs eh.”
“Pero magkakaiba parin naman ng so-called-symptoms eh.”

Hay nako. Etong barkada ko, ang gulu-gulo.

“Teka. Sa ating lahat kasi, si Kai ang pinakaapektado ng vanishing epek ni Jake.”
“Siyempre, best friend eh.”
“Sabi na nga ba yun sagot mo eh. Adjourn na. Alam na natin eh.”
“ha?!”
“Tara, canteen muna tayo.”

Ayun. Tumayo na kami. Gusto ko sana sila samahan pero ewan ko. Parang in a blink, nasa labas na sila ng pintuan at ako,
nakaupo na lang.

“O yung prinsesa mo, di na maipinta ang mukha o.”

Narinig ko si John na nagsabi nun. Napansin ko nga na sa sobrang lakas ng boses ni John, narinig yun ng lahat ng nasa loob
ng room. Haynako, walang duda, issue nanaman to eh.

“Puntahan mo na, dun na kami sa room.”


Kunwari di ko narinig. Ayun, mukang nagbabay na sila sa isa’t isa. Ako naman, naghihintay na ko ng isang asar mula kay
Aiden.

“O, Kai, bat ka malungkot?”

Mejo nanibago ako dun sa tanong ni Aiden. Di ko alam kung bakit… siguro dahil walang halong asar yun.

“Wala.”
“Dahil kay Jake?”
“Obvious ba na yun?”
“Mmm… mejo.”
“Di lang talaga ako sanay na hindi niya ko kinakausap.”
“May tanong ako sayo…”
“Ano yun?”
“Anong makakapagpakumpleto sayo?”

HA?!

Ano ba namang tanong yan Aiden. Parang ang weird ha.

“Uh… anong makakapagpakumpleto sa kin? Eh di… saya. Ligaya… Bakit mo tinatanong?!”


“Gusto ko ibigay yung makakapagpakumpleto sa prinsesa ko.”
“Eh kung sabihin ko, isang milyong piso ang makakapagpakumpleto sa kin?”
“Kaya. Maghintay ka lang ng 20 years.”
“Salamat ha.”
“Bakit?”
“Wala lang. Kasi… kahit papaano, gumagaan ang loob ko.”
“Talaga?”
“Oo naman. Minsan naman, nakakausap kita ng matino eh.”
“Pag kausap kasi kita…”
“Ano?”
“Tingin ko, kayang kaya ko ibahin ang kasalukuyan.”
“Bakit?”

Nagulat ako nung bigla niyang nilagay yung dalawang kamay niya sa may desk ko, tapos nakatayo siya. Nakatitig lang siya
sa kin na parang…

Wala akong lusot…

At nakakulong ako…

Sa mga braso niya…

“Kasi nakikita ko ang nakaraan.”

Ngumiti lang siya pagkatapos nun at ginulo niya ang buhok ko. Nakita ko siyang lumabas at pumasok ulit nung dumating na
yung teacher.

Ay ewan. Bahala na nga siya sa buhay niya. Wala naman akong pake kung anong meron siya dati… kung ano ang nakaraan
niya… in the first place, di naman ako kasama sa nakaraan niya…

Tama?

Ewan. Sa isang pikit, nakita ko na si Aiden naka business uniform. Hindi ko alam. Nakalimutan ko na yung ibang details.
Basta, sa lahat ng nangyare, eto lang ang alam kong nangyayare.

“Honey… alis na ko. Alagaan mo sina Oji at Hime ah.”

May nakita akong dalawang toddler, isang babae, isang lalake.

“Sige alis ka na.”

*smack*

“Ay sha nga pala…”


“Ano?”
“Tapos na english.”
“Ha?!”

Naalimpungatan ako sa sinabi ni Aiden. WTH. Nakita ko na tawa ng tawa si Aiden at Migs.

“O, musta?!”
“Shems. Ano nangyare?!”
“Nakatulog ka.”
“Nakatulog ako?!”
“Oo. Tawa ng tawa si Mam Fem eh. Pero hinayaan ka na lang niya matulog.”
“Bait nga eh.”
“O ano, napanaginipan mo ba ko?!”

WTH.

Goosebumps.

Bigla akong kinilabutan nung narealize ko na si Aiden yung napanaginipan ko… at ako… na may dalawang anak?! Shems,
isang malaking shems!

“Hindi ah! Ang feeling mo! Bakit kita mapapanaginipan?! Jan ka na nga!”

Sabay punta sa banyo. Napanaginipan ko ba talaga yun?!

Takte. Oo nga, di ako kasama sa nakaraan niya… Pero… pwede kayang kasama ko siya sa future niya?

NO! Kyleen! Ano ba yang pinagiiisip mo!

Anyway…

Dumaan ang sabado at linggo. Wala naman akong ginawa sa bahay kundi homework at iba pa. Pagdating ng Monday, busy
ang lahat kung saan sila pwedeng gumimik sa valentines (which is my birthday), narinig namin yung announcement na ang
prom ay 2 weeks from now kaya mula ngayon, half day na lang kaming mga 4th year at 3rd year. Eh di yun na nga.
Nagpractice kami. Napunta ako sa first batch for the mean time kasi madami paring absent. 4th year ang partner ko
pansamantala.

So yun na nga. Nakakainis nga sa mga practice. Parang ewan. Kahit sobrang init, pinagpapractice pa rin kami. Anong balak
nila? Maging uling kami pagsapit ng prom? Ayoko nga.

The next day nagaabsent ako kasi dumalaw si bloody visitor at ako’y nagkadismeno. Hindi lang yun the next day. Pati yung
other day. Haha. Kaya sure ako, maiiba ako ng batch… hmm… ang hirap talaga maging dance instructor sa isang school
especially kung super dami ang nagaabsent. Nagtext sa kin si Geanne nung gabing yun.

Kai, bawal daw magabsent tomorrow or else teacher partner mo. yuk. Kung ako sayo, pumasok ka na.

Pero ako? Eh sa may dismeno ako eh! Problema ba nila!!!?? Papasok ako na nagpapractice na kukuba kuba? Ayoko nga.
Magspill pa ko ng dugo sa quadrangle. No way. So yun nga nagabsent ako.

Habang nakahiga ako, well for a fact mga 10:30 ako ng umaga nung absent day ko na yun nang nagtext naman sa kin si
Nica.

Hoi Kai! Anong ginagawa niyo ni Aiden? Nasan kayo?!

Hindi na ko nagtaka, nakakawalang gana naman kasing pumasok noh. Sinagot ko si Nica dahil sa kanyang hinala.
Nakakadiri noh.

Hoy bruha! FYI, wala akong pake kay Aiden. Ayoko lang pumasok. Yun lang yun.

Pumasok na ko the day after. Ayun. Narinig ko nga yung mga pinaguusapan nila na ayaw nila sa partner nila.

Nagulat ako nung biglang may inannounce.

Lahat ng 3rd year at 4th year students, punta na dito sa quadrangle NGAYON NA!!! Pag wala kayo dito at the count of 10,
hindi ko na kayo isasali sa promenade. 1…

So yun. Nabigla na lang ako kasi nagsitayuan yung mga kaklase ko na parang bale wala lang yung pinagusapan nila kanina
na ayaw na nila magprom. Aba! Lahat ba naman sila nagtakbuhan papuntang quadra!!! Hmm… ayaw pala magprom ha?!
Sino kayang niloko nila. Oh well, dahil kagagaling ko lang sa dismeno, ayoko nga tumakbo. My gas!!! Tingnan nio nga ang
taas ng sikat ng araw!!! Parang gusto kong magcutting at hindi magattend ng practice. What the!!

So yun, pinapila lahat kami by section. Tingin ko, magkakaiba iba nanaman ng partner.

Pumunta na kami sa formation namin kasi sabi nung dance instructor. Eh siyempre, hindi naman ako makaride in dun sa
formation na yun dahil nga wala ako the last two days. So, mejo isolated ako.

Tiningnan ako ni bading (yung dance instructor) saka inannounce na Pumunta sa harap yung mga walang partner. Puro 3rd
year nga eh. Nakita ko dun si Aiden… nagusap muna kami.

“oh, bakit ka absent kahapon? Naglaro ka lang noh? Nako… san ka galing ha?!”
“Tita ko kasi namatay…”
Nako. Ang sama mo talaga Kyleen. Ayan tuloy…

“Oops, sorry.”
“Okay lang… may partner ka na ba?”
“Si Kuya Arden dapat. Eh nagabsent ako kasi nagkadismeno ako…”

Biglang mamaya, nakarinig kami ng sigaw na Hoi kayong dalawa dian!! May balak ba kayong magprom? Akala naman
namin hindi kami… yung pala, kami na yung sinisigawan niya. Oops. Nagalit ata yung D.I. Aba, eh bang tagal niya pumili ng
partner ko eh!

Sabay senyas ng ‘kayong dalawa na lang’.

TROUBLE.

Ha!? Hui!!! Ayoko nga!!! No way…

“Eh ayo—”
“Bago ka muna magreklamo, tingnan mo muna yung mga lalake sa paligid mo na magiging partner mo kung di ako ang
pinili niyang baklang yan.”

May nagreklamo pa nga na madaya daw kami kasi pareho kaming third year.

Sabi naman nung D.I., bahala daw kami. Hindi daw namin mararamdaman ang true spirit of the JS promenade kasi nga,
parang lipatan yan ng responsibility. Kaya yun. Kami na nga talaga.

So tumingin ako like what he said. Puro fourth year at puro lalamunin ata ako. siya nga naman. Hindi sa masama ako, pero
ayoko kasi pag hindi ko kilala yung taong makakasama ko. Prom night pa naman yun. So… go go go! Payag na ko. Go
Kyleen! Practice!!!

After nun, pumasok na ulit si Jake. Nanalo siya first place sa photo echos at sa isa pa. Featured writing ata yung isa. Kaya
babalik na si Jake sa room. Yey!

Papalagpasin ko ba naman ang araw na di ko man lang nacoconfirm kung iniiwasan ba talaga niya ko o hindi?

“Jake…”
“O… Kai…”
“Uh… may tanong lang ako…”
“Kung iniiwasan ba kita? Ano ka ba. Hindi no. Mas grabe lang talaga si Mam Vern mag coach ngayon sa kin kaya wala akong
time. Pagdating ko sa bahay tulog agad.”
“Pano mo nalaman?!”
“Tumawag sa kin si Migs sa cellphone.”
“Weh?!”
“Oo. Sabi niya… namimiss mo na daw ako.”
“Tae talaga yung si Migs o.”
“Yaan mo na, sumaya naman ako dahil dun eh.”

Yahoo!

At least confirmed na hindi siya talaga galit sa kin.

Nung week din na yun ay birthday ko… Valentines itself.

Minsan nga nakakapagtaka eh. Parang akala mo holiday ang valentines, pero hindi naman talaga. Bigayan lang ng chocolate
at kung anu-anong ecklaboo ng mga magsing-irog.

Happy birthday Kai!!!

Yun. Lahat sila bumati sa kin ng ganun. Natuwa naman ako. Pag may klase, ang sasabihin nila, “Madam!!! Birthday po ni
Kyleen!!!” or, “Sir!!! May pakain si Kai!!!” haha. Yeah. Siguro yun ang hinahanap nila. PAGKAIN. Haha. Pero okay lang. no
matter what, di yun mahalaga sa kin. At least, they know my birthday… and greeted me… ayt?

Iisa nga lang ang hindi bumati sa kin. DUH. As in… the W, the H, the A, the T, the E, the V, the E, the R, the dot the dot the
dot and the exclamation point!!! Alam niyo naman kung sino ang kontra bido sa storyang to. Eh di sino pa ba… Eh di si
Aiden de unggoy. Ano kayang problema nito at wala man lang siyang isang salitang sinabi sakin?!?! Ni ha ni ho wala. Ni
tumingin nga sa kin ayaw eh… nu ba to!!!

Lumipas ang isang araw na di na nga niya ako pinapansin. Ano to?! Surprise?! Yung tipong… tipong may hawak siyang red
ribbon na may 15 candles tapos may balloons and everything… sabay…

Happy Birthday Kyleen… I love you.

Eh?!?!?!?!?!?! Wahpahk! Boogsh! Yihaaah!


Yan ang dapat sayo Kyleen. Bugbog. Kadiri ha!!!! Isang mahabang Yaaaaaaaaaaaaaak!!!! Ano ba naman yang iniisip mo!?
Nasisiraan ka na talaga. Dalhin ko yang sarili mo sa mental eh! Ano siya, bf mo?!!?! Remember, monkeys can’t say ‘happy
birthday’…

At lalo naman ang ‘I love you’ noh!!! Hell no!!!

Pero… Aiden is a human.

Hindi!!!! Tumigil ka nga Kyleen. Aiden is Half monkey, half human…. Better if purebred na monkey!!!

Hmm… hindi naman. Mabait kasi mga parents niya.

Sige na nga. Tao na.

Anyways. Nakakadiri ka parin Kyleen. Yuk ha. How dare you imagine that. Nako, you’re starting to imagine weird things.
Wala ka ng dignidad dahil nagimagine ka ng ganun. Eek!!! Kadiri ka talaga!!!

“Kai?”

Oops. Si Jake pala.

“Bakit?”
“Parang may iniisip ka. Ano yon?”
“Uh… wala naman…”
“Maya ko na ibibigay regalo ko ha?”
“Sure!!! Just make sure na meron!”

Tapos nagtawanan kami pareho. Never pa naman namiss ng bestpwet ko ang birthday ko. Ever since na naging best friend
ko siya, we always have a gift for each other pag birthday na ng isa’t isa.

Pero, di ko maiwasan tingnan yung kumag. Hindi pa talaga niya ako kinakausap. Di lang talaga ako siguro nasanay na hindi
niya ko inaasar kaya sort of hinahanap hanap ko yung pangaasar niya.

“Hoy kumag.”
“O.”
“Langya ka. Ikaw na lang ang hindi bumabati sa kin.”
“Ng?!”
“Ewan ko nga sayo!”

Ano bang problema ng lalakeng to?!

“Gusto mo pumunta sa bahay mamaya?!”


“Bakit?!”
“Kasama buong barkada ko… eh since… mejo chummy na tayong dalawa… I wonder kung…”
“Hindi. Di ako pwede.”
“Bakit?!”
“Baka bigla tayong ipakasal ng nanay at tatay mo.”
“Para kang ewan! Bat naman nila gagawin yun?!”
“Pakiramdam ko lang.”
“Well, kung gusto mo pumunta, punta ka lang.”
“Oo na.”
“Yung happy birthday ko?!”
“happy anniversary.”
“ha?! Anong anniversary ka jan?!”
“Anniversary parin naman ang birthday ah. Anniversary ng pagkasilang mo.”
“Ang sama mo talaga.”

Ano bang problema nitong lalakeng to?!

Pagdating sa bahay, ayun. Present ang buong barkada. Kakilala naman na lahat nina mama at papa yung mga kaibigan ko.
Sabi kasi nila, nung elementary daw ako, never akong nagpakita ng kaibigan ko sa bahay. Di daw nila alam kung bakit.
Kaya nung nagiipon sila ng information nung nawala yung part ng memory ko kung sino yung nakakasama ko araw-araw,
iba iba yung sagot.

Well anyway…

Blowing of the candles na.

Actually kahit fifteen na ko, isa lang yung kandila. Haha. Ang chupetiks no?

Siyempre kumain na kaming lahat. Kaming magkakabarkada, tumambay sa may sala. Kwentuhan lang. Bawal kasi ilabas
yung cards dahil anti-cards si mama. Si papa ayos lang. pero di ko alam kung bat ayaw ni mama.

“Hoy gagita! May regalo ako.”


“Ako din ako din!”
“Ako muna!”
“Ayos lang kahit sino sa inyo.”
“Next time na lang yung akin Kai.”
“Ayos lang Migs. Alam ko namang di ka mahilig magbigay ng birthday gift eh!”
“Wooshoo.”
“O eto na.”

Ang regalo sa kin ni Nica ay isang dress. Ang cute nga eh. Kulay pink. Si Geanne naman sakin, picture frame na may
drawing ko sa loob. As in yung chibi na ako. Haha.

“O Jake ibigay na ang halik!”


“Ssshhh! Baka marinig kayo ni mama!”
“Oo nga. Tumahimik nga kayo.”
“Ibigay mo na kasi.”
“Nangutang pa yan sa kin para lang mabili yan.”
“Weh?! Ano ba yan?!”
“Teka.”

May kinuha si Jake sa bag niya. Isang…

“Tae ka Kai! Sabi na nga ba eh! Dapat matagal ko nang pinaibig si Jake sa kin!”
“Gagita ka.”

Ayun. Ang regalo kasi ni Jake sa kin ay yung yung complete set ng cds ng eraserheads. Super saya ko dahil frustrated na
talaga ako magkaroon nun. Isa pa lang yung meron ako, ang masaklap, tumatalon na.

“Wah Jake! Thanks!”


“Kaw pa.”
“Ayee!”
“Sagutin na kasi eh.”

Naramdaman kong parang kinilabutan ako. Pagtingin ko sa likod, ang sama ng tingin ni mama. Pero yung tingin na masama
pero natatawa dahil ‘may nabuking ako sayo’ look. Basta ganun.

Siyempre, kwentuhan na kaming magkakabarkada tungkol sa mga teachers, sa subjects, sa exam at sa kung anu-ano pa.
Nasali pa nga yung mga taong walang malay na pinaguusapan na pala namin.

Before sila umalis, nagpaalam muna sila kena mama, papa at sa mga kapatid ko.

“O, Jake, go na ha.”


“Dun na lang kami maghihintay sa dulo ng street.”
“Ha? Bakit, di ba kayo sabay sabay?!”
“Sabay sabay. Pero, may business pa si Jake dito.”
“Ano?!”
“Basta. Sige sis, happy birthday.”

Nag beso beso na sa kin si Geanne.

“Ingat ka.”
“Tunge kayo mag-ingat.”

Beso beso narin sa kin si Nica.

“Sige kumpare. Ingats.”

Nagappear kami ni Migs.

“Thanks sa pagdalo!”
“Sige, Jake ha. Hintay ka na lang namin dun.”
“Sige.”
“Bye Kai!”
“Bye!”

Ayun. Nakita kong naglakad na sina Migs, Geanne at Nica patungo sa dulo ng street namin. Kami naman ni Jake, naglakad
ng konti papalayo sa bahay. Baka kasi lagyan ng malisya nina mama eh. Strikto pa naman si mama at papa pag dating sa
lalake.

“O, Jake… ba—“

Nagulat ako nung yinakap niya ko…

“Jake teka—nasa daan lang ta—“


“Ayos lang siguro… kahit yakapin kita… di ko na kasi mapigilan eh…”
“Ha? Na? Na alin?!”
“Sabi ng utak ko, sumuko na ko… dahil… hindi ka naman talaga sa kin eh… nung una akala ko… pero… hindi pala. Bakit nga
ba kasi kita pinabayaan?”
“Jake ano bang pinagsasasabi—“
“Pero iba kasi eh… iba yung sinasabi nitong takteng pusong to. Sabi… wag muna. Malay ko… maibalik ko pa yung dati…
yung unang una…”
“Jake… di kita—“

Binitawan niya ko sa yakap niya. Hawak hawak nalang niya yung dalawang kamay ko.

Naramdaman kong malakas yung pintig ng puso ko. Kaba? Oo tama. Kaba…

“Di mo kailangang intindihin ngayon. Fifteen ka na… pero yung utak mo… at puso mo… ten years old parin.”
“Hindi ko nga maalala na naging ten years old pala ako eh.”
“Yun nga.”
“Ha?”
“Sige na Kai… Wag mo pasakitin ang ulo mo. Kilala naman kita eh. Pagkatapos nito, dadaan lang parang hangin yung mga
sinabi ko… at iisipin mong… wala lang to.”
“Ha?!”
“May araw ba na inisip mo yung mga sinabi ko?”
“Uh… sa totoo lang… di ko… kasi… alam…”
“Ayos lang… mas maganda nga yun eh.”
“Paano naging mas maganda?”
“May mga katotohanan kasing… nakakapagpalaya ng kalooban… pero makakasama sa hinaharap.”

Hinalikan niya ko sa noo. At dun, binitawan na niya yung kamay ko.

“Happy birthday.”

Ngumiti ako.

Habang papalakad siya na nakaharap pero papalayo sa kin, nagwawave siya. Hindi kami tumigil sa pagkaway hanggang sa
maging microscopic na lang si Jake sa paningin ko.

Hai.

Ang haba ng araw.

Happy fifteenth birthday to me.

Tiningnan ko yung cellphone ko.

1 message received.

Ang tagal matapos ah. Labas ka, andito ako.

Ha?!

Tae tong si Aiden!

Lumabas ako agad ng gate namin. And boom, dun ko siya nakita.

“Ma wait lang ah! May nakalimutan ata sila!”

Sinara ko yung gate tapos hinila ko si Aiden papalayo sa bahay. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Siyempre, baka isipin
nina mama nanliligaw sa kin si Aiden.

“Ano ka ba! Anong ginagawa mo di—“


“Ikaw ang nagsabi na pumunta ako eh.”
“Shunge ka ba! Tapos na yung kainan! Lagpas na ng 8 o!”
“Oo nga eh. Mga tatlo’t kalahating oras ako naghintay dito.”
“Kanina ka pa anjan?!”
“Oo. Nakita ko nga yung drama niyong dalawa ni Jake eh. Di niyo man lang ako napansin.”

Shems. Nakita pala niya yung nangyare. Yung pagyakap ni Jake sa kin…

“Friends lang naman kami eh. Walang ibig sabihin yun—“


“Wala naman akong tinatanong kung friends kayo ah.”
“Uh… ineexplain ko lang naman yung sarili ko…”
“Bakit mo ineexplain? Para hindi ko malagyan ng malisya?”
“Uh… parang ganun na nga…”
“Tsk tsk. Bakit, ano ba sa tingin mo ang iniisip ko? Na kayo na? At hindi na kita pwedeng basta basta angkinin?”
“Ano ba yang pinagsasasabi mo!? Hindi ah!”
“Nako Kai. Buking ka na. Sabihin mo kasi kung may gusto ka na sa kin. Papayagan ko namang ligawan mo ko eh. Kung
gusto mo, liligawan kita.”
“Ewan ko sayo! Birthday ko ah! Wag mo kong aawayin!”

Awkward silence.

Now I found myself in a trap. Nakatitig lang siya sa kin. Ako naman, nakatingin sa ibang lugar. Pero alam kong nakatingin
siya sa kin. Di ko alam… parang kinakabahan ako na ewan. Wah! Ano bang nangyayare sayo Kai! Maghulus-dili ka nga!

“Ang tagal kitang pinagmamasdan sa malayo… ngayon… di ako makapaniwalang… natititigan na kita ng ganitong katagal…”
“Hoy Aiden… ano ba yang sinasabi mo…”
“Naiilang ka ba?”
“Takte. Kailangan mo ba talagang tanungin yun?!”
“Naisip ko lang… bakit nga ba… hindi ko sinabing ako si Aiden nung nakasalubong kita? Bakit ba…”

Hinintay ko yung mga susunod niyang sasabihin…

“…kailangan mo pang mawala?”

Bigla kong narealize…

Parang…

Hindi ako yung sinasabihan niya…

“Hoy… ako ba yang sinasabihan mo?!”


“Gusto mo talaga malaman ang totoo?”
“Natural! Sino bang—“
“Pinaparinggan kita.”
“Ano?! Ano bang gusto mong sabihin talaga?”

Silence.

“Birthday din niya ngayon.”

Niya?

Shem.

Si Lenlen?

“B—birthday din—”
“Sa tuwing may nakikilala akong babae na birthday din sa kaarawan niya… biglang… tingin ko… nakikita ko siya ulit…”
“Ibig sabihin… nakikita mo ko sa—”

At sa wakas… narinig ko na…

“Nakikita ko siya sayo…”

Nakatitig na lang kaming dalawa sa isa’t isa. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I mean, hindi ako in love… feeling ko hindi…
tingin ko hindi…

Kinakabahan lang ako.

Tama. Kinakabahan lang.

“Di bale na.”


“H—ha?”
“Eto. Regalo ko sayo.”
“Asan?!”

Ang weird talaga nitong unggoy na to. Walang laman yung mga kamay niya.

“Asan?! Wala namang laman yang kamay mo.”


“isipin mo, ano kaya ang meron dito?”
“Malay ko… ano bang meron jan?”
“May kulang ba sayo?”
“Marami… hindi naman ako perpekto eh.”
“naalala mo… tinanong kita kung anong makakapagpakumpleto sayo?”
“Uh… oo…”
“Anong sagot mo?”
“Saya… Ligaya…”
“yun… ang hawak ng kamay kong to…”
“Ha?!”
“Ang slow mo talaga.”
“Di kita gets.”
“Kunin mo na kasi yung kamay ko! Ang tagal naman o!”
“Aba! Inuutusan mo ko?!”
“Sige na!”
“Fine.”

Kinuha ko yung kamay niya. Nagulat ko ako nung bigla niyang nilock yung fingers niya sa fingers ko.

“Ano ba Aiden!”
“Ayan.”
“Anong ayan?!”
“Nakuha mo na yung makakapagpakumpleto sayo…”

Silence.

“Hawak mo na yung makakapagpakumpleto sayo…”

Silence.

“Yan ang regalo ko sayo… yan ang kaya kong ibigay sayo…”

Silence.

“Kaligayahan mo…”

Napatunganga ako sa sinabi niya. Kung recognition lang to, aawardan ko siya as the corniest person ever existed. Pero…
pwede din ang… mr. mysterious award.

Binitawan niya yung kamay ko…

Honestly…

Ayokong bumitaw.

Di ko alam kung bakit…

Ewan ko!

“Happy Birthday…”
“S—salamat.”
“Alis na ko.”
“S—sige…”

Ngumiti siya. Pinagmasdan ko siya umalis hanggang sa di na siya maabot ng mga mata ko. Umakyat ako sa kwarto ko. As
usual, isang simpleng araw ang nagdaan. Fifteen na ko… pero… para parin akong bata…

Di ko matanggal sa isip ko yung ginawa ni Jake… at ni Aiden…

Hanggang sa pagtulog ko…

Malakas ang tibok ng puso ko…

Chapter 22

Dumaan ang mga araw. Ayokong magbanggit ng kahit anong nangyare nung birthday ko. Para kasing feeling ko
nakakailang. Tuloy lang ang pagkakaibigan namin ni Jake, ang pagaasaran namin ni Aiden. Tuloy lang lahat.

Hanggang sa dumating na ang araw na malapit na yung prom namin.

“Takte. Ayoko pa.”


“Anong gagawin mo sa prom Nica?”
“Anong gagawin ko?! Ano pa nga ba. Eh di sasayaw. Kakain.”
“Tanungin mo ko.”
“Bat kita tatanungin?! Eh hello. Alam naman namin kung anong gagawin niyo ni Migs.”
“Ikaw Kai?”
“Ano ba yang mga tanong na yan. Eh pano ko malalaman yung gagawin ko eh hindi pa naman dumadaan yung date na yun.
Excited ka siguro.”
“Hindi ah. Wala pa nga akong isusuot.”
“Seryoso?!”
“Mejo. Nakakatamad magrenta.”
“Teka Kai, may tanong ako…”
“Ano?”
“If ever na… may dalawang lalakeng lumapit sayo ng sabay…”
“Tapos?”
“Pareho kang mahal…”
“Tapos?”
“Sinong pipiliin mo?”

Parang tunge lang yung tanong ni Nica. Parehong lalaki na pareho akong mahal… sinong pipiliin ko?! Depende kung kanino
lumapit yung kamay ko.

“Yung fishball.”
“Anong fishball?”
“Magfifishball na lang ako kesa isipin yang mahirap na tanong na yan. Tara na nga!”

Ayun. Puro girl talk nga kami this week eh. Anyway…

Before the night, nagpaganda na ko. Kahit pa may pasok nun, sinong sabik sa grade ang papasok? Beauty rest na lang kay
sa pasok no, magkaron pa ko ng pimple. Pero nabalitaan ko, si Jake, Migs at si Aiden pumasok. Yung mga girls, hindi. Puro
lalake daw eh. Haynako.

Minake up-an na ako nung bakla malapit sa min. Sabi ko, wag ahitan yung kilay ko kundi aahitin ko buong mukha niya.
Kaya ayon. Kulay blue yung gown ko. Muka akong dyosa ng dagat. Haha. Cheber. Basta. Muka akong mermaid na naging
tao. Haha.

Nakoo! 6:00 na! eh sabi, 5:30 magsstart… nakoo! Asa! Pag Sinabi kasing 5:30 mga chong, 7:00 sila maguumpisa…

Kahit malapit lang ang school, ala na nga mag bisikleta ako… kaya hinatid ako nina mama. Hindi na nila ako pinanood kasi
hanggang alas kwatro pa yun ng umaga. Sa kin na nila pinaubaya yung digi cam.

Pagdating ko, medyo marami ng tao. As usual, binati ako ng barkada ko.

“Kyleen, ang ganda mo!”


“Diyosa ka talagang gaga ka!”
“Siyempre!”
“Muka kang… pusit!”
“Hilahin ko kaya yang korona mo?!”

Sira talaga tong sina Geanne at si Nica.

Tapos, may hinanap ako na hindi ko alam kung ano. Pero feeling ko alam ko kung SINO hinahanap ko… ayoko lang aminin
sa sarili ko na siya hinanap ko. Unfortunately that time, hindi ko pa siya nakikita. Nakita ko si Migs kaya tinanong ko siya.

“Nakita mo ba si Jake at si Aiden?”


“Ang alam ko, nagkasundo yung dalawang yon. Sabay sila pupunta dito. Nag comp shop pa ata yung mga yon.”
“Kahit kelan. Mga walang pakialam sa buhay…”

Nakita ko sa vote sheet na nasa top 10 ako… nice one. Wala naman akong balak maging prom queen. Pero kung gusto
nila… why not.

Nakita ko na si Jake at si Aiden. Pero di ko sila pinansin. Hay nako. Lalo na yung partner ko… nakoo!

“Excuse me… nawawala ka ata miss… hindi po to langit…”

Pagtingin ko, si Aiden… ang sweet naman niya para sabihin yun. Pero siyempre, para hindi naman niya isiping naniniwala
ako, binarat ko siya.

“uh… excuse me din eh. Pero sa pagkakaalam ko, tama tong pinuntahan ko. Bakit parang nasa karnibal na ata ako?”
“Ang sakit mo naman magsalita…”
“Eto naman! Joke lang…”
“Ang ganda mo ah.”
“Thanks.”
“Dapat laging prom para mukha ka laging tao.”
“Che! Mangiinis ka nanaman!”

Tapos nakita ko best pwet ko.

“Jake!”
“Uy!”
tapos lumapit siya sa kin…

“sino ka?”
“Ang sama mo!”
“Joke lang… nakakatulala ka naman… ang ganda mo…”

Tumawa ako tapos pinalo ko siya.

“Sira ka talaga. Alam mo naman ako lang ang diyosang andito sa lupa eh… nagtaka ka pa!”
“Sabagay… tama ka dun… Asar, dapat yung camera ko yung dinala ko eh.”
“Bakit ano bang dala mo?”
“Digi cam lang.”
“Ayos lang yun.”
“Ayoko. Hindi maganda resolusyon.”
“Jakey, ayos lang ano ka ba.”
“Tsk. Ang ganda pa naman na may dyosa akong napicturan ngayon.”
“Sira.”

Napangiti ako sa sinabi ng best friend ko. Haha. Ito tlaagang si Jake. May topak na adik. Haha. Ang vain niya sa kin. Tama
ba yun? Nyaha. Basta, ako lang kasi pinipicturan nito eh.

Tapos, nagannounce na yung dance instructor. Stand by. So ayun. Pumwesto na kami. Si Aiden, hinabol ako kasi iniwan ko
siya.

“Oi! Hintayin mo naman ako!”


“May paa ka naman.”
“Sunget naman ng dyosang to oh.”
“Aba dapat lang. Taga lupa ka lang eh. Dapat sumusunod ka sa mga dyosa.”
“Pasalamat ka, nagmamahal ako ng mga dyosa.”
“Ano?!”
“Wala. Madapa ka sana.”

Nakapwesto na kami. Bali, lei ceremony na kaya naghanda na kami. Nakataas na yung kamay niya… yung malalambot
niyang kamay na yun…

“o tara na diyosang nasa lupa.”

Ngumiti na lang ako. Inaamin ko, flattered ako dun. Basta. Bahala na nga siya. So ayun, hinawakan ko na yung kanang
kamay niya. Nagumpisa na yung music. Sinabitan ko na siya ng bulaklak tapos sinuot na niya yung bracelet na orchid sa
kin. Tapos yung part na sasayaw ka ng partner mo kahit sandali, sinayaw niya ko… tapos may Sinabi siya…

“pwede bang maging prinsesa kita… kahit ngayong gabi lang?...”


“Ano nanaman bang nasa isip mo at sinasabi mo yang mga korning bagay na yan?!”
“Ikaw.”
“Ano?!”
“Tinatanong mo kung anong nasa isip ko diba?”
“Nako ewan ko nga sayo.”
“Ikaw ba naman na makakasayaw ang isang dyosa, kahit sinong lalake sasaya nun.”
“Malas lang ng dyosang nasa harap mo ngayon na ikaw ang kasayaw niya.”
“Hindi ah. Ang swerte nga niya eh.”
“Bakit?!”
“Kasi handang maging alipin yung taong yun para sa kanya.”

Napatahimik ako. Wala akong maihirit. Tumingin na lang ako sa ibang lugar.

“Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko.”


“Na alin ba?!”
“Pwede ba kita maging prinsesa ngayong gabi?”
“Ayos lang.”

Pagkatpos nun, nakita ko nanaman yung liwanag sa ngiti niya… bakit kaya ganon? Kung yelo lang ako, natutunaw na ako…
hindi ako makatingin sa kanya… ayoko pa naman ng eye contact…

“prinsesa ko… tumingin ka naman sa kin…”

Leche! Ano ba yun!? May telepathy ba talaga to?!

After ng short time na isasayaw ka ng partner mo, aalis siya tapos isasayaw naman niya yung gusto niyang isayaw. Para
lang to sa mga lalake. Kaya naman nabigla ako nung umalis si Aiden. Ibig sabihin may gusto siyang isayaw na iba…
Nalungkot ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil… may gusto siyang ibang isayaw.

Ano bang iniisip mo Kyleen? Para kang sira ulo.


Nagulat ako nung may humawak sa kin. Si Jake pala.

“Pwede ka bang isayaw?”

Ngumiti ako…

“Tinatanong pa ba yan?”

Nagumpisa yung music.

“Uh… Kai…”
“Bakit?”
“Komportable ka pa ba sa ken?”
“Oo naman… bakit mo naitanong?”
“Wala naman. Para kasing hindi na.”
“Ano ka ba. Kung ano ano iniisip mo.”
“Alam mo, ikaw lang talaga tong babaeng… nakakapagparealize sa kin ng maraming bagay…”
“Tulad ng?”
“May mga manhid na tao.”
“Grabe ka! Hindi naman ako ganun kamanhid no.”
“Sa ilang taon kitang nakilala, tapos sabihin kong hindi ka manhid, kalokohan na yun.”
“Sira ulo ka!”
“May tanong ako…”
“Bakit kaya punung-puno ng tanong ngayong gabi?”
“Bakit?”
“ah wala naman. Sige anong tanong mo?
“may dalawang lalakeng nagaagaw buhay, at kami yun ni Aiden… tapos binigyan ka ng chansang pumili kung sinong
maililigtas mo… sinong ililigtas mo?”

Of all the questions, bakit yun pa ang gusto niya tanungin di ba?!

“Pwede bang hindi sagutin?”


“Bakit naman?”
“Pareho ko kayong kaibigan, bakit kailangan kong pumili?”
“Sige na… gusto ko lang malaman…”
“Jake… wag mo ikumpara sarili mo kay Aiden… kung may nakalalamang… ikaw yun… dahil ikaw ang best friend ko…”
“Ibig ba sabihin… ako ang pipiliin mong iligtas pag ganun?”
“Pwedeng hindi…”
“Bakit?”
“Pwedeng si Aiden ang piliin ko…”
“T—talaga…”
“Tapos… magpapakamatay na lang ako. Para sabay tayong dedo.”
“Ayos.”
“Kaya Jake… wag na wag na wag na wag mong sasabihing mahal ko yung taong yun ah. Dahil… sa pagkakaalam ko… hindi
ko pa alam at hindi ko pa nararamdaman yun. Kung meron man… eto na yun. Pagmamahal sa mga kaibigan.”
“Minsan nga iniisip ko na… sana di na lang kita naging kaibigan.”
“Hala! Bakit naman?! Galit ka ba sa kin?”
“Hindi no.”
“Eh bakit?”
“Dahil iba ang gusto ko.”
“Ano?”
“Padating na si Aiden. Sige.”

Ouch. Parang nasaktan ako sa Sinabi ko sa kanya. Bakit naman?! Bakit ako masasaktan?! Ang weird mo talaga Kyleen…
Pero ewan ko. Anong gusto niya? Ewan.

So ayun, bumalik na si Aiden. And DUH. Kailangan ko pa bang sabihin kung ano yung una kong tinanong?! Pero natatakot
ako tanungin siya… nag iba bigla yung tingin niya… parang ang lamig na gusto mangain ng tao…

“Sino sinayaw mo?”


“Kahit sino.”
“Kahit sino?”
“Yung partner ni Jake.”
“Si Maica?”

Si Maica ay hindi ko pa nagiging kaklase, pero I already know her by face…

“Oo.”
“Bakit? May gusto ka dun?”
“Hindi. Nagbigay daan lang ako sa mga gusto sumayaw sa prinsesa ko.”
Tapos non, tumahimik na ko.

Medyo mahaba haba yung ceremony. Hinintay ko na lang na matapos yung program at iannounce na yung prom queen at
king. Ang prom king ay si Aiden, junior prince si Jake. Ang prom queen fourth year. Ang junior princess si Kyla, yung
nagiisa kong crush na babae na taga second section.

Haha. Special mention lang. Hindi ako les ha? Ang ganda lang talaga niya.

Ayan, so sayawan na. wild muna yung mga sayaw. Siyempre, ako at ang barkada kong tunay, nagsayawan na. Siyempre di
makakalimutan ang rakrakan. Pumunta sina Aiden sa harap. Di ko alam na tutugtog pala sila, kaya pala may nagaayos ng
instruments sa may stage.

“Kamusta po.”

Siyempre sigawan yung mga tao.

“Isang kanta lang to… Mabuhay tayong lahat.”

Sira talaga tong si Aiden.

“Ang title po nito ay… Prom ng sugarfree. Sana magustuhan niyo…”

Nag signal na si Migs ng tatlong tunog ng drumsticks…

“I love you!”

At nagumpisa na.

Nanginginig na mga kamay


Puso kong hindi mapalagay…
Pwede ba kitang tabihan?
Kahit na may iba ka ng kasama…

Kaming mga nakagown na babae, andun sa may stage, tawa ng tawa habang sumasayaw. May iba na nakaupo. Pero
kaming mga mga magbabatch, tapos yung iba ding fourth year, nakipagrakrakan kahit nakagown at naka amerikana. Haha.
Katuwa nga.

Ito na ang gabing di malilimutan..


Dahan dahan tayong… nagtinginan…

“Shems! Girl, nakatingin sayo si Aiden!”

Pagtingin ko sa stage…

Nakatingin siya sa kin.

Dinilaan ko lang siya.

Tapos… Kinindatan niya ko.

Lalo tuloy napatili tong mga babaeng to.

Parang atin ang gabi


Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang di na tayo bibitaw…

“Ang hirap pag daladalawa sila eh no.”


“Mga gagita. Sayaw lang tayo. Woo! Party mode!”
“Ayan nanaman o, nakatingin nanaman sayo.”
“Wag niyo nga tingnan kung may tinititingan siya!”

Nalalasing sa yong tingin…


Di malaman laman ang gagawin…

“Whooshoo. Ayan na oh. Tingin na kasi.”

Habang lumalalim ang gabi


Ay lumapit ang ating mga labi…

Naglipsync ako ng ‘sira ulo’. Siyempre, hindi naman niya ako pwede sabihin ng ‘sira ulo ka din’ dahil kumakanta siya. Haha.
Ito na ang gabing di malilimutan…
Tayo’y naglakad ng dahan dahan…

“Uy, Nica, tingnan mo si Jake.”


“Bakit?”

Napatingin din ako…

Parang atin ang gabi


Para bang wala tayong katabi

“Ikee tiningnan!”
“Chums! Ang yummy ni Jake!”
“Kadiri ka Nica ah!”
“Eh etong si Kai eh, walang gusto kay Jake!”
“May sinasabi ba ko?!”

Oops. Mali!

At tayo’y sumayaw

“Eh di meron nga! Ayee!”

Na parang di na tayo bibitaw…


Bibitaw…

“Ewan ko nga sa inyo!”

Matapos man ang sayaw


Pangakong di ka bibitaw…

Parang atin ang gabi…


Parang atin ang gabi…

Parang atin ang gabi


Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang di na tayo bibitaw…

Ayun. Nung natapos na, sinalubong namin nina Nica at Geanne sina Migs sa likod. Ayon, kahit mejo pinagpapawisan kami,
yakap lang.

Siyempre, kaming mga girls, punta sa banyo para makapagretouch. Haha.

Pagbalik namin, slow dance na.

Umupo kaming tatlo. Nagulat na lang kami nung biglang lumapit si Karl para isayaw si Nica. Tinukso nga namin siya eh.
Haha. Tapos siyempre, lumapit na si Migs kay Geanne.

At ako?

Mukang nakita ko na yung magsasayaw sa kin.

“Pwede ba kita isayaw?”


“Matatanggihan ko ba?”

So ayun… sumayaw kami. Akala ko nga hindi na niya ako bibitawan. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga kalokohan namin
mula pa nung umpisa na nagkakilala kami… puro ganun… tawa nga ako ng tawa. I realized na ang gwapo ng best friend ko
with his outfit… mukha siyang disente…

The next three songs, puro sweet. Tapos nag-iba kaya umupo ako. Ang mga sumayaw medyo wild, kaya nagulat ako.
Natuwa lang ako. Matatapos na yung isang wild song tapos biglang sumulpot si Aiden sa harap ko.

Wala siyang sinabi. Inoffer lang niya kamay niya.

Nagulat ako. Pero, walang alinlangan kong tinanggap yung alok niya… kahit hindi ko alam yung susunod na kanta.

“Ano yan?!”
“Yinayaya kitang sumayaw.”
“Wild song kaya yung pinatutugtog.”
“Basta.”
Natapos na yung kanta na wild. Biglang may nagsalita sa mic… Dinedicate daw ng ayaw magpakilalang taong to sa lahat ng
manhid ngayong prom…

“alam mo na ba yung susunod na kanta?”


“Hindi. Pero baka maagaw ka pa ng iba sa ken no. sabi ko pa naman, prinsesa kita ngayon. Dapat, maisasayaw ka ng
prinsipe mo.”

Napangiti ako. Tapos narinig ko na…

Ikinagulat ko nung bigla niyang kinuha yung kamay ko tapos pinaikot niya sa leeg niya.

Siya, hinawakan niya yung bewang ko.

Tapos… nilapit niya ko.

“A—Aiden teka…”

Aalisin ko sana yung mga kamay ko pero bigla niyang binulong…

“Minsan… kailangan din matutunan ng mga dyosa ang sumunod sa alipin.”

Ewan.

Nakita kong nakatingin sa min yung mga tao. Sobra kasing intimate. Baliw tong lalaking to. Nakita ko si Jake, nakangiti
lang… pero oo… nakatingin siya sa min.

Nakangiti…

Pero…

Nararamdaman kong parang may ibang sinasabi yung mga mata niya…

Nakita kong may pumuntang babae sa kanya. Si Honey ata, taga ibang section… ‘Um-oo’ na lang si Jake. Tapos pumunta
silang dalawa sa quadra. Si Migs at Geanne din pumunta.

At dun… nagumpisa na yung music.

You and I…

“Psst alam mo ba…”


“Ano?”

Cannot hide the love we feel inside

“Wala lang.”
“Para kang tunge.”

The words we need to say…

“Tunge nga.”

I feel that I…
have always walked alone…

“Sarap talaga…”

But now that you’re here with me, there’ll always be

“Sarap na?”
“Kayakap kita.”

A place that I can go…

Silence.

And suddenly our destiny has started to unfold


When you’re next to me
I can see
The greatest story love has ever told…

“Kanta ko yan para sayo.”


Now my life is blessed with the love of an angel

“Eto?”

How can it be true?

“Oo.”

Somebody to keep the dream alive

“Bakit?”

Dream I found in you

“Kailangan ba itanong kung bakit?”

I always thought that love would be the strangest thing to me

“Oo. Pwede.”

But every touch…

“Pati ba pagmamahal tinatanong kung bakit?”

I realize…

Biglang nagsalita si Aiden… nagulat ako sa Sinabi niya…

“Now I found my place in heaven by your side…”

Pagkatapos niya yun kinanta, naramdaman ko yung mas lalong higpit na yakap niya. NOTE: YAKAP at hindi lang hawak.
Nagpatuloy yung kanta kaya sumayaw parin kami. Nakakainlove siyang sumayaw habang kumakanta siya. Para bang may
pinaparating siya. Ah basta. Ang weird…

I could fly…

“Seryoso yun.”

When you smile…

“Yung alin?”

I’d walk a thousand miles

“Yung kaya kong lumipad pag nakikita kitang ngumiti.”

To hear you call my name…

Now that I…

“Ewan ko nga sayo.”

Have finally found the one

“Pati yan.”

Who will be there for me eternally

“Yung?”

My everlasting sun…

“Buong kanta.”

And suddenly our destiny has started to unfold


When you’re next to me
I can see…
The greatest story love has ever told…

“Nababaliw ka na.”

Now my life is blessed with the love of an angel


How can it be true?

“Mejo.”

Somebody to keep the dream alive


The dream I found in you

“May gusto ka ba sa kin?”

I always thought that love would be strangest thing to me


But when we touch

“Sayo?”

I realize

“Oo.”

That I found my place in heaven by your side…

“Alipin lang ako.”

That I found my place in heaven by your side…

“Pwede naman ata…”

heaven by your side…

“Ang?”

heaven by your side…

“Wala.”

heaven by your side…

“Hindi eh… may sasabihin ka…”

Chums. Bakit ko ba kasi sinabi yun… Wah.

When you’re next to me

“Uy… ano nga yun?!”

I can see

“Wala…”

The greatest story love has ever told…

“Sige ka. Bubuhatin kita.”


“Oo na sasabihin na!”

Now my life is blessed with the love of an angel


How can it be true?
Somebody to keep the dream alive

“Bago pa ako mawala sa wisyo dahil kayakap kita…”

The dream I found in you

“Baliw.”

I always thought that love would be the strangest thing to me

“O, ano na?”


“Na…”

But when we touch… I realize

“Na?”
That I found my place in heaven by your side…

“Pwede ata ang dyosa at alipin…”

Now my life is blessed with the love of an angel


Heaven by your side…

“Ata lang ah.”

Somebody to keep the dream alive


The dream I found in you
I always thought that love would be the strangest thing to me
But when we touch… I realize
That I found my place in heaven by your side…

Nagbitaw kaming dalawa. Pagkabitaw ko, nakita ko siyang nakangiti…

Isang ngiting hindi ko makakalimutan kahit kailan…

Yung next song, tumawag sa kin si mama sa cellphone, umuwi na daw ako. Sabagay, mga 2:30 na yun ng umaga kaya
umuwi na ko. Uuwi na sana ako tapos biglang pumunta si Aiden sa kin.

“Kyleen!”

Lumingon ako…

“Yep?”
“May ibibigay pa ko sayo, aalis ka na agad.”
“Ano? Dalian mo kasi naghihintay si Mama sa labas.”
“Sige na nga wag na.”
“Eto naman! Dalian mo lang… pero di ko Sinabi na wag mo Ibigay. Ano ba yon?”
“Eto oh…”

Tapos may ibinigay siyang bracelet. Friendship bracelet siya, pero mas maliit sa wrist ko. Nakakapagtaka nga eh. Parang
friendship bracelet na pang bata.

“Ano to?”
“Obvious ba, e di bracelet.”
“Alam ko! Pero para san? Ni hindi nga ata to kasya sa kin… baliw ka talaga.”
“Matagal ko na yan gustong Ibigay sayo, pero kung bakit ba kasing…”
“kasi?”
“wala.”
“Dali na!”
“Hindi na. Basta, importante yan sa ken kaya pahalagahan mo. Sige!”
“Oi!”
“Ano?”
“Kalimutan mo yung mga sinabi ko ah. Joke lang yun.”

Ngumiti siya… tapos tumalikod…

“Pasensya ka na, hindi nabubura yung alaala ko eh.”

Chapter 23

“Hoi ano ba to!”

Napatingin sa kin lahat ng tao. Kakatapos lang ng flag ceremony, eh since wala pa namang teacher, ginulo ko muna si
Aiden, na mahimbing na nakayuko sa mesa niya.

“Ano ba. Natutulog yung alipin—“


“Gaaah! Tumahimik ka nga!”
“O, e bakit ayaw mong ipabanggit sa kin na—“
“Aaaah! Wala akong naririnig!”
“Eh di wala. Basta sa pagkakaalam ko—“
“Peste! Tinatanong ko lang naman kung ano to eh! Naguumpisa ka nanaman.”
“Asus. Naghahanap ka lang ng dahilan para makausap ako eh.”
“Ah ganon. Kausap your face! Sige, jan ka na!”
Asar. Ayon, nasira na ng tuluyan yung araw ko. Buong February at March lang naman kami nagaasaran, hanggang sa
dumating na yung examinations. Ang bilis nga ng mga araw eh. Parang kahapon lang nung first year kami. Tapos next year,
ggraduate na.

Siyempre, Gawain na namin Jake yang magreview ng sabay sa bahay nila pag fourth quarter exams. Minsan
napapaovernight din ako. Minsan nga, nagtataka ako kung bakit ayos lang kena tito at tita.

Hindi ko na ikinagulat nung minsang nagpasko ang pamilya namin nina Jake. Tawa nga kami ng tawa nung pinagkasundo
ba naman ako at si Jake tapos si Ate Princess at si Kuya Ken tapos si Keisha at Jason. Haha. Benta. Pero siyempre, joke
lang yun. Siyempre ang mga nangasar, sina Ate Karylle at Koko.

“Kai, ano, sabay tayo magreview?”


“Sige. Game.”
“Siguraduhin niyong magrereview kayo ah. Baka kung anong gawin niyong dalawa.”
“Mamatay ka na Migs.”
“Wag ang baby ko! Si Nica na lang!”
“So talagang panakip butas na lang ako kay Migs! Grabe ka bespren!”
“Joke lang bruha! Alam mo namang labs na labs kita na abot hanggang dulo ng kalawakan ang pagmamahal ko para sayo.”
“Ang sweet naman non. Sige na nga, tanggap ko naman na magkasing level lang kami ni Migs sa puso mo.”
“Grabe. Ipagkumpara ba naman daw.”

Haha. Baliw talaga tong mga girls ko. Well anyway.

Since half day lang ang dismissal ngayon para mabigyan kami ng time para makapagreview, inayos ko na agad yung mga
dadalhin ko.

“San ka pupunta?”
“Sa bahay nina Jake, magrereview.”
“Bakit?”
“Feel lang namin. Every fourth quarter exams, yun naman talaga yung ginagawa namin.”
“Bakit?”
“Eh sa ganon eh. Mas feel namin na magbabakasyon na.”
“Nakakapagreview kayo na magkasama kayong dalawa?”
“Teka teka, ano bang point mo?”
“Wala lang. Ang saya siguro ni Jake.”
“Ha?!”
“Sige na. Dun ka na nga sa quote unquote bespren mo.”

Ano bang problema nitong unggoy na to at may balak pa atang awayin ako?! Ay nako. Ang echos.

So yun na nga. Hinintay namin ni Jake yung sundo niya. Nung nakarating kami sa bahay, si Jason pa lang yung nandon,
yung bunsong kapatid niya. Siyempre, gwapo pa din. Nakakatuwa nga tong batang to kasi may gusto siya kay Geanne. Eh
sa tuwing pupunta kaming barkada, inaaway niya si Migs.

Well anyway.

Pumunta kaming dalawa sa study room. tapos inumpisahan na namin ang paglabas ng mga libro at notebook namin.

“Jake, pwede bang maligo muna? Para derederecho na.”


“Sige. Basta, wag kang pupunta sa kwarto ko.”
“Opo.”

Trivia, wala pang nakakapunta sa kwarto ni Jake sa aming magkakabarkada. Hanggang first floor at study room lang kami.
Yung kwarto nga ni Ate Princess at ni Jason napasok ko na eh. Pero ayaw niya akong papasukin sa kwarto niya. Kung ano
man yung rason, hindi ko din alam. Kahit anong pilit ko na sabihin niya sa kin kung bakit, ayaw talaga.

Siyempre naligo na ko. Isa sa mga favorite spot ko ng bahay nina Jake ay ang banyo. Bakit? Kasi may shower sila! Haha.
Wala kasing shower dun sa banyo namin. De tabo lang. Haha. Dun lang sa kwarto nina mama yung may bathtub. Kaso
hindi ko din enjoy paminsan. Parang feeling ko may babaeng biglang lilitaw dun sa bathtub.

Haha. Tinakot ba naman daw ang sarili.

Tok tok tok.

Ops. May kumakatok.

“Jake, kaw ba yan?”


“K—kai... p—para kasing... nak—kalimutan mo yung...”
“Yung?”
“Iwan ko na lang sa labas.”
“Teka lang. Lalabas ako.”

Tapos saka ko lang narealize na ang naiwan ko pala ay yung tuwalya ko.
“Ah kaya pala. Tuwalya ko pala.”

Binuksan ko yung pinto (pero slight lang) tapos nilabas ko yung kamay ko.

“Akin na.”
“Sa susunod, wag mong iwan yang tuwalya mo.”
“Sir yes sir!”

Eh di ayon. Patuloy lang. May narinig akong dumating. Sina tito at tita ata. Lumabas ako agad ng banyo tapos nagbihis at
nagsuklay. Siyempre, bumaba ako para magmano.

Tumaas ulit ako. Pero si Jake naiwan sa baba. Kakausapin ata ni tito. Ay ewan.

Pagbalik niya...

“Sa susunod nga di na kita papapaliguin muna.”


“Bakit?!”
“Sira ulo si daddy eh.”
“Hala, pinagalitan ka ba niya?”
“Secret.”
“Bakit secret?!”
“Siyempre kung may girl talk, meron ding panlalaki lang no.”
“Eh! Ano sabi ni tito?”
“Basta. Nako. Ewan ko ba kay dad.”
“Seryoso? Pinagalitan ka?”
“Hindi. Basta. Parang ewan si dad eh. Kung anu-ano nasa isip. Basta ang summary nun, bata pa daw tayo… Uh… Gusto mo
ng kape?”
“Pero sure ka na—“
“Oo. Hayaan mo na sila. Di ka pa nasanay na tinutukso tayong dalawa eh.”
“Ah so yun yun! Sabi ng daddy mo na—“
“Ssh! Wag kang maingay! Oo basta yun!”
“Ay grabe!”
“Pero… di ka ba nagtataka Kai…”
“Na?”
“Hindi ba dapat may pinagbago tayong dalawa?”
“Meron naman ah. Tumangkad ka, tumangkad ako.”
“Sira ulo ka. Hindi yun ang ibig kong sabihin.”
“Eh ano?”

Tiningnan ko si Jake. Halatang di siya makatingin sa kin. Sa totoo lang, gets ko yung ibig niyang sabihin. Pero, ewan.
Kailangan ba may nagbago? Dapat ba talagang may nagbago?

“Tingin ko lang… Tingin ko lang ha…”


“Na? Na tingin mo dapat hindi ako sumasama sayo lagi dahil lalaki ka at babae ako? Tapos tingin mo na dapat hindi lang
ako basta nagoovernight sa bahay niyo dahil baka isipin ng ibang tao na iba na yung pagsasamahan natin?”

Dun sa mga tingin ni Jake, oo ang sagot niya. Sabi na nga ba. Naiilang na siya sa kin. Yun pa naman yung ayoko. Sabi ko
sa sarili ko dati, nung nagdesisyon akong maging best friend ko si Jake, ayokong may magbago sa aming dalawa. Kahit na
tabi kami sa pagtulog nung mga bata kami tuwing may camping, ayos lang.

Sa totoo nga… ganon ko gusto lumaki. Ito ang pinakaiiwasan ko…

Ang pagbabago.

“M—mejo.”
“Sabihin mo lang kung ayaw mo na kong maging bespren.”
“Grabe naman to. Ms. Drama queen ka nanaman. Kaya ayokong sabihin yung sinabi ni dad eh.”
“Eh alam mo naman na ayoko ng ganito diba? Gusto ko hindi tayo magbago. Diba sinabi ko na sayo yan noon noon noon
noon noon pa? Sinabi ko na sayo na—“
“Sinabi mo na sa kin na gusto mong walang magbago sa tin. Kahit matatanda na tayo, magiging ayos lang sa ting dalawa
ang humiga habang pinagmamasdan ang langit ng sabay.”
“Alam mo naman pala.”
“Pero Kai… tingin ko kasi… di pusible yun.”
“Bakit?”
“Magkakaroon ka ng mamahalin at…”
“At?”
“Magiging pusible lang lahat ng sinasabi mo… pag… pag naging…”
“ano?”
“Wala. Panalo ka na. Sige na, wala ng pagbabago. Habang buhay ka na talaga immature.”

Pinalo ko siya ng unan tapos hinagisan ko siya ng libro.

“Sira ulo ka! Aba! Ako pa tong immature! Eh ikaw nga tong kung anu-ano iniisip.”
“Opo opo. Sige na, kukuha na ko ng kape. Magdidinner ka ba?”
“Hindi na. Nakakatulog ako pag nagdidinner eh.”
“Sige hindi narin ako. Teka lang ah.”

Baliw talaga tong si Jake.

Mayamaya, may nareceive akong text. Galing kay…

Aiden.

Nagrereview na kayo? Hindi ako makapagreview. Sana di ko na lang tinanong kung magkasama kayong dalawa. Hindi tuloy
ako makapag-aral ng maayos. Kasalanan mo to eh!

Gusto ko sana magreply kaso wala akong load. In-off ko na lang yung cellphone ko kasi baka kulitin niya lang ako. Eh kesa
naman ganun ang mangyare, wag na lang.

Nung unang part ng pagrereview namin ni Jake, sagot tanong method kami. Parang, diagnostic lang. Tapos nung alam na
namin kung saan kami walang kaalamalam, dun kami nagconcentrate.

“Ano, sino unang matutulog?”


“Ako na lang. Baka kung ikaw ang unang makatulog pag masdan lang kita eh.”
“Ano ba namang kakornihan yun?! Buhusan kita ng kape eh.”
“Joke lang. Sige. Gisingin mo ko ng 12 ah.”
“Okay.”

Ayun. Mayamaya, I found myself na ako na lang ang nag-aaral mag-isa. Nakita ko si Jake na nakahiga sa may puzzle mat.

Baliw. Hindi man lang naglagay ng unan sa may ulo niya.

Yun ang nasa isip ko. Siyempre, kinuha ko yung unan na hawak hawak ko tapos dahan dahan kong nilagay sa may ulo ng
bespren ko. Dalawang oras din siya matutulog.

Habang nilalagay ko yung unan na yun sa may ulo niya… saka ko naisip…

Ang cute ng bespren ko.

Napangiti na lang ako sa naisip ko. Haha. Ang baliw ko. Anyway, bumalik ulit ako dun sa notes na inaaral ko. Malapit na
matapos yung dalawang oras niyang pagtulog nang nakarinig na lang ako ng isang sleeptalk. Pero…

Malinaw.

Nagulat na lang ako nung binanggit niya yun.

Len.

Nahulog ko yung ballpen na hawak ko. Lumapit ako sa kanya para marinig yung sinasabi niya. Nagdasal ako na sana
marinig ko ulit ng mas malinaw.

Lumapit ako.

Saka ko narinig yung sumunod niyang sinabi…

Wag kang umalis.

Sumakit yung damdamin ko. Di ko alam kung bakit. Ngayon ko lang siya narinig magsleeptalk, Pero sa lahat ng sasabihin
niya…

Ewan. Sana mali yung iniisip ko.

Hoping na may maririnig pa ko, lumapit ako ng mas konti. Tapos biglang…

KRING.

Napaangat yung ulo ko ng mabilis nang biglang magalarm yung cellphone niya. Bumalik agad ako sa pag-aaral ko. Siya
naman, nagising na. Pulang pula yung mata.

“Anong oras na?”


“12.”
“Tapos ka na mag-aral?”
“Hindi pa.”
“Sige, 12:30 mo na lang—“
“Hindi. Ikaw naman ang mag-aral. Matutulog ako. Gisingin mo ko ng 2.”
“Seryoso ka?”
“Oo.”
Sabay nagyawn siya tapos nakita niya yung unan.

“O, sayo galing tong unan?”


“Oo. Pinatong ko sayo yan kanina.”
“Ah. Sige dito ka na…”
“Teka Jake…”
“Ano?”
“May napanaginipan ka ba?”
“Ako? Teka… wala akong maalala.”
“Ah ganun ba.”
“Bakit?”
“Wala lang. Sige matutulog na ko.”

Ayon. Natulog na ko. Ginising niya ko ng 2 as expected. Sabay na kaming nag post-review para masiguradong maayos
lahat ng napagreviewhan namin. Siyempre yung mga nakaligtaan naming sagutin yung pinagtuunan namin ng pansin sa
pagbbrowse ulit.

5 am nung umalis ako sa kanila. Drinive ako ng daddy ni Jake papunta sa min tapos natulog ako ng 30 minutes saka ako
naligo ulit para pumasok sa school.

Grabe.

“O miss sungit, maayos ba review niyo ni Jake?”


“O Aiden.”
“Nakapagreview kayo ng maayos?”
“Oo.”

Sabay yawn ako.

“Inaantok ka pa.”
“Mejo.”
“Paano mamaya?”
“Anong mamaya?”
“Siyempre dalawang araw ang exam. Magoovernight ka parin?”
“Hindi na. First day lang. Madali lang naman yung sa second day eh.”
“Oo nga pala, magaling ka nga pala sa math kaya hindi mo na kailangang magreview.”
“Asus. Kaw nga jan yung ubod ng yabang pagdating sa bio.”
“Bio lang.”
“Bio parin yun.”
“Wag kang magalala, mag-aaral ako ng mabuti para first section parin ako next year.”
“Oo na oo na.”

Biglang dumating si Jake after several minutes. Takbo naman ako papunta sa kanya.

“Long time no see!”


“Oo nga eh. Hindi ko parin makuha yung part ng Judaism.”
“Kaya mo yan!”
“Tara, punta na tayong room.”
“Sige.”

So yun, pumunta na kaming room. The first day of exam went well. Buti na lang nag-aral ako. Isa ako sa mga natapos ng
maaga dun sa huling exam. Gulat ako nung biglang tumakbo papunta sa kin si Aiden.

“Kai!”
“Bakit?”
“Wala lang. Ano balak mo?”
“Balak na ano?”
“Wala ka bang balak na magcelebrate?”
“Magcelebrate? Para saan?”
“Kayo talagang matatalino… wala na kayong inatupag kundi mag-aral. Wala ka man lang bang balak na magliwaliw after ng
exam? 2:00 tapos na ang exam bukas.”

Aba. So may ganung discrimination?!

“Eh di mabuti. Matutulog na lang ako.”


“Ang boring nun. Gusto mo samahan kita?”
“Samahan matulog?! No way!”
“Ang itim talaga ng utak mo.”
“Excuse me. Hindi no. Baka ikaw!”
“Ibig ko kasi sabihin, sasamahan kita bukas kasi ang boring ng gagawin mo.”
“Pagod ako and I need my beauty rest no.”
“Beauty rest, wala kang beauty para mag ganun.”
“Ang sama mo talaga. Balimbing!”
“Ano? Kambing?”
“Binge ka pa! Sabi ko balimbing ka kasi minsan maganda ako sayo, minsan naman panget. Ewan ko ba sayo.”

Ay nako. Ewan ko ba kay Aiden. Ang gulo kausap.

“Sige na naman! Comshop kaya tayo bukas?”


“Anong comshop?! Comshop ka jan!!! Hindi ko na kailangan nun no. May computer na kami sa bahay.”
“Kami rin naman eh. Magliliwaliw lang naman tayo.”
“At sayo ako sasama?!”
“Eh kung ayaw mo… hindi okay. Required ka sumama sakin bukas”
“Eh anong gagawin natin?”
“Maglalaro.”
“Maglalaro? Akala ko ba sa comshop tayo pupunta?”
“Oo nga. Maglalaro sa computer.”
“Ng alin? Solitaire?”
“Yun lang ba alam mong laro sa computer? Kawawa ka naman.”

Aba sorry naman. Hindi naman kasi ako malacomputer na tao eh. Ginagalaw ko ng lang yung computer namin pag may
assignment ako or pag gusto ko lang magsulat ng mga kwento. Pero pag mga laro laro, hindi ako game.

“Tinatanong ka ng maayos… baka magbago pa isip ko.”


“Binablack mail mo pa ko ah. O sige. Counterstrike.”
“May balak ka bang gawin akong lalake?”
“Pwede din. Tapos magpapakabading ako.”
“Umpisa ka nanaman eh.”
“O ano, game?”
“Yun ba yung may baril tapos may mga kidnapper?! Nakita ko isang araw na naglalaro si Jake ng ganon.”
“Aysusme. Kidnapper sa counterstrike?!”
“Nako ah. Tigil tigilan mo ko.”
“Online game. Yung kidnapper na sinasabi mo, terrorist yun. Baliw. Tuturuan kita, wag ka magalala.”

Ayon. Umalis na ang kumag. Ako naman, hinintay ko yung barkada ko. Siyempre ako, nagbike ako pauwi. Sina Migs
sumakay na ng jeep. Si Jake sinundo na. So yun, go na lang.

Eh di siyempre, review ako ng konti nung gabing yun. Buti na nga lang laging madali lang ang second day exams. Puro
math lang. Eh dun ako magaling. Haha. Sa bio ako mahina kasi wala talaga akong kaamor amor sa pagaaral ng halaman at
ng tao. Bakit? Ewan ko sa utak ko.

Well as of expected, nadalian lang ako sa exam. Haha yabang. Pero math talaga ang subject kung san ako pinakamagaling.
Sumunod ang English. Kaya nga gusto ko alisin sa lahat ng utak ng mamamayang Pilipino na hindi porke magaling ka sa
math eh boggart ka na sa English and vice versa. Pwede namang magaling ka sa pareho. Iba parin naman ang magaling sa
dalubhasa diba?

Haha. Nosebleed pati ako.

Nang matapos na yung second day…

“Tae. Ang hirap nung lecheng circle na yun.”


“Alin yung angle?”
“Oo na Kai. Wag mo na ipagmalaki sa min ang kagalingan mo sa math.”
“Chaka. Di no.”
“Takte. Nahirapan ako sa val ed!”
“Seryoso ka ba dun Jake?!”
“Oo. Di ko nakita yung empathy dun sa crossword.”
“Ay puchek, merong empathy?!”
“Oo ano ka ba.”

Tapos tawanan na lang kami. Sabay sabay na kami sana uuwi nung…

“Hoi.”

Napatalikod kami. Nakita namin si Karl, Aiden at John.

“Diba makikipaglaro ka pa sa kin?”


“Wag na!”
“Ay tae. Nakalimutan ko iannounce na may pasok parin bukas.”
“General knowledge na yun no. Alam naman na ng lahat na kailangang pumasok eh.”
“Tama. Kundi sila mismo mamromroblema sa clearance nila.”
“itext mo na lang.”
“Sige na, counterstrike.”
“Maglalaro kayo?”
“Oo. Sali ka?”
“Sige.”
“Babes!”
“Please? Tapos naman na ang exam.”
“Okay, eh di game din ako.”
“kung game ang bespren ko, game din ako.”

Nagtinginan kami ni Jake. Nagkapaan kami sa mga mata namin kung sasama ba kami o hindi.

“Sama ka na Jake.”
“Oo nga. Ayan o, buo pala ang banda natin.”

Woops. Oo nga no.

“Sige sama na ako.”


“O, mahal kong prinsesa, ikaw na lang ang hinihintay.”
“Kai sama ka na!”
“Palibasa kasama si Karl.”
“Hoi anong issue yan!”
“Nako wag kang maniwala jan. Ginagawan lang tayo ng issue nitong si Kai.”
“Eh sa katunayan, siya tong may issue.”
“Tumigil kayo. Sige, game na ko.”

Ayon. Siyempre masaya yung mga lalake. Sila naman talaga yung original na magkakabarkada eh. Kung hindi lang siguro
ako best friend ni Jake, at kung hindi ko lang kachika sina Geanne at Nica nung first year, marahil, hindi kami mapapabilang
sa circle nila ngayon.

And since homogenous ang sectioning namin, hindi ko kaclose yung iba sa batch namin. Ang lungkot no? Hanggang sa
second section at third section lang yung kakilala ko. Ginawa ba naman kaming experimental batch!? Kami lang kasi yung
homogenous mula pa nung first year. Titingnan lang nila kung effective yung ganong system.

“Kai.”
“Bakit?”
“Bukas bag mo.”
“Weh?!”
“Akin na, sara ko.”

Tumigil kami ni Jake habang yung iba naglalakad. Nakita ko na naglalakad yung mga taga section two na grupo ng babae.
May tawag sa grupo nila eh… nakalimutan ko na kung ano. Well, nasa second section kasi yung mejo model-look na kabatch
namin ngayong year. Ayun nga, isa dun si Kyla. Haha. Ganda kasi niya eh. Kaya tuwang tuwa ako sa kanya. Para siyang
Barbie.

Nakita ko pa nga sila na tumigil para maghi kena John, Karl at Aiden. Pagkakaalam ko, naging magkaklase sila nung second
year sa third section.

“Tara.”
“Okei.”

Tapos patuloy kami sa paglakad.

“Ay Jake,”
“Bakit?”
“Mm, magkakilala na ba kayo ni Aiden dati?”
“Bakit mo naitanong?”
“Wala lang. Minsan kasi feeling ko, magkakilala na kayo dati.”
“Kung magkakilala man kami dati, tinanggal ko na sa alaala ko yung parteng yun.”
“Hala, bakit naman?!”
“Tingin ko siya din naman, yun din ang gagawin niya… kung sakasakali lang.”
“Bakit?”
“Lalo na pag may agawang naganap.”

Di ko maintindihan. Anong agawan? Minsan ang deep talaga nitong si Jake. Sa iisang tanong ko, ang dami na niyang
sinasabi na lalo tuloy ako napapatanong sa sarili ko.

“Kasi nga Kai, History repeats itself.”


“bakit?”
“Alam mo ba kung san tayo magcocomshop?”
“Mm… ewan ko.”
“As usual.”
“Anong as usual?”
“Wala. Makakalimutin ka lang talaga. Sa susunod nga bibigyan kita ng sustagen premium.”
“Anong konek nun?! Nako ewan ko nga sayo.”

So yun, binilisan na lang namin ni Jake yung lakad. Pagdating sa comshop, si John yung nagtanong kung meron pang unit.
Nagtaka ako kung nasan si Aiden.

“Si Aiden?”
“Andito lang.”
Nagulat ako nung paglingon ko dahil andun siya sa likod namin ni Jake.

“Di mo ko napansin dahil busy kang makipagusap.”


“Grabe, anong bitterness yan?! May deal ba pag di ka napansin o hindi?!”
“Okay lang naman kasi pag di mo ko papansinin eh. Ang masaklap, yung rason kung bakit di mo ko napansin.”
“Nako ewan ko nga sayo. Di kita gets.”
“Lagi naman eh.”

Sabay tingin siya kay John.

“Ano meron pa daw?”


“Meron pa. 2, 3, tapos 13 hanggang 18.”
“Tamang tama. Magkakatabi pala eh.”
“Hindi, may dalawang naligaw.”
“Sino yung sa 2-3?”
“Kami nalang ni—“
“Ako at si Kai na lang.”

Boom. Nagulintang ako sa sinabi ni Aiden.

“Si Kai na lang ang hindi marunong mag counterstrike dito tama?”
“O, eh di dapat dun siya sa magkakatabi para maturuan siya.”
“Bakit pa? Pwede naman yung pinakamagaling na lang.”
“Wow. Naramdaman niyo yung hangin?! Mas malakas pa ata dun sa aircon dito eh.”
“Hihirit ka pa Karl eh. Wala namang aircon dito.”
“Ikee kinikilig si Nica.”
“Nako Geanne tigilan mo nga ako!”
“Ano Jake, ayos lang ba yun?”

Tumingin sa kin si Jake.

“Ayos lang.”
“Hay nako. Gumana nanaman ang pagkator—“
“Gagita. Wag mo ngang sabihin.”
“O dali, dun na tayo.”

So yun. Pumunta na kami ni chonggo este ni Aiden dun sa 2 at 3 tapos yung iba sa 13 hanggang 18. Si John yung gumawa
ng room. Terrorist ata ako? Haha. Sabi ni Aiden terrorist daw ako eh. Siya din terrorist. Kakampi namin si Nica at Karl.
Tapos si Migs, John, Jake at Geanne counter terrorists. May iba pang sumali, sa Lan lang yun eh.

“O pano to?!”
“Ganto.”

Nagulat ako nung hinawakan ni Aiden yung kamay ko. Siyempre, hahawakan talaga niya yun dahil nakahawak ako sa
mouse. May kung anu ano siyang pinindot.

“W A S D yung control keys. Mouse yung sa galaw. Left click yung baril. F1 pag gusto mo magpalit ng baril.”
“O—okay.”

Haha. Natawa na lang ako sa pinagagagawa namin. Nakapatay ako ng isa. Feeling ko nga si Jake yung napatay ko kasi
narinig ko na nagmura si Jake na may pumatay daw sa kanya. Nyaha.

Maya maya, may nakita ako sa screen.

Miss sa number 2 unit, anong pangalan mo?

Tapos may nakita ulit akong nagtype.

Miss glasses sa 14, anong name mo? Lester to.

Haha. Lagot ka ngayon kay Migs kung sino mang Lester ka.

Girlfriend ko. Bakit?

Si Migs ata yung nagtype nun. Maya maya may nakita ulit ako na nagtype. Haha. Mga sira ulo. Ginawa ba namang chat
room ang counterstrike?!

Hi miss cute. Yung sa 15. asl please?

Si Nica ata yung tinutukoy nun.

22 na ko. Dati akong bading. Taga India.


Benta yung sagot ni Nica.

Sunget. Si miss ganda ng number 2?

“Ano ba to. Ginagawa talagang chatroom ang online game?!”


“Hayaan mo lang sila. Nagagandahan lang yan sayo.”

Ang huling nakita ko… dalawa yung nagtype. Yung isa…

Gusto mo pa ba mabuhay?

Yung isa naman…

Langit ang pangalan niyan. Bakit?

Natawa ako dun sa mga nagtype nun. Well anyway, tuloy lang ang laro. Nung nagtime na, nauna kaming tumayo at
lumabas ni Aiden. Eh may mga lalake sa pinto. Yung isa tinanong kung anong number ko. Gulat ako nung inakbayan ako ni
Aiden.

“Gusto mo talaga ng number niya? O sige. 666. Magpumilit ka pang hingin ang number ng girlfriend ko, sa numerong yan
ka talaga mapupunta.”

Woah.

Sira ulo tong si Aiden. Halata namang bata pa yung tinakot niya. At alam ko namang hindi seryoso yung bata. Haha. Ayon.
Si bata ay mukang natakot at tumakbo na lang. Natawa ako.

“Sira ulo ka. Walang ginagawa sayo eh. Grabeng panakot yun ah!”
“Ganon talaga. Minsan, kailangan mong bawasan yung mga kakompetisyon mo.”

Lumabas na rin sina Jake. Eh since nasa hi-way na kami, pinasakay na namin sina Geanne, Migs, Nica at Karl sa jeep. Kami
namang apat nina Jake, bumalik ng school. Dun kasi susunduin si Jake. Si John, dun talaga ang daan. Ako at si Aiden,
andun yung bike.

“Bagay si Nica at Karl no?”


“Nako. Wag kang ganyan. Mahirap magpakamartir.”
“G*go!”
“May gusto ka kay Nica?!”
“Wag kang maniwala jan. Topak yang si Aiden eh.”
“Akalain mo yun. Sa wakas, may lovelife na si Nica.”
“Eh maganda naman si Nica eh. Problema, man hater.”
“Talaga?”
“Oo. Natrauma kay Layjo.”
“Sino yun?”
“Ikee naman. Inaalam talaga.”
“Ano ba. Hindi no.”
“Kung nagkataon…”

Haha. Napagiggle ako. Madali lang kasi ako kiligin pag dating sa love life ng kaibigan ko. Napatingin sila sa kin kaya tawa
sila ng tawa kasi nga sobra yung pagkilig ko.

“Takte. Nakakatawa ka tumawa. Para kang butiki!”


“Grabe ka John! Woohoo! Magbespren pa naman kayo ni Karl diba?”
“Hindi no. Magtol lang.”
“Ganon na rin yun. Mga lalake kasi minsan walang bespren.”
“Bakit ako meron?”
“Aww… ang sweet talaga ng bespwet ko oh!”

Hinawakan ko yung kamay ni Jake, crossed fingers as usual, ganon naman talaga kami.

“Patay.”
“Bakit?”

Tumingin si John kay Aiden.

“Wala.”
“Omg!”
“Ano ba! Wala akong gusto kay Nica no. Si Katkat type ko.”
“Ah, yung kasection mo?”
“Yung isa sa mga stiletto girls.”

Ayun! Stiletto girls nga pala yung tawag sa kanila! Yung sinasabi ko na mga model-like na fashionistang mga babae.

“Ah oo. Pero diba type nga pala ni Karl si Erin?”


“Hindi no. Tinutukso lang namin.”
“So meaning, pwede talaga na gusto ni Karl si Nica?”
“Pwede. Maganda naman si Nica, kahit mejo maliit. Cute siya. Mukang—“
“Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Umamin ka na! Para love triangle na kayo!”
“Bat mo ba pinagpipilitan na may gusto ako kay Nica?!”
“Wala lang! Para may love triangle!”
“Sira. Kung may love triangle man na nageexist, nawiwitness ko na yun ngayon.”

Ano daw?! Hindi masyado nagsink in yung sinabi sa kin ni Karl. Pero bago ko pa maitanong kung anong ibig sabihin nun,
nagkwento si Jake tungkol dun sa bumaril sa kanya kanina dun counterstrike. Sinabi ko ako yun kaya tawa kami ng tawa.

Andun na yung sundo ni Jake kaya nauna na siya. Si Aiden naman, may kailangan puntahan. Si John sabi niya, hatid na
lang daw niya ko. Nagkuwentuhan lang kami ng konti at lalo ko pang pinilit na may gusto siya kay Nica.

“Kai, may tanong ako.”


“Ano?”
“Talaga bang… manhid ka?”
“huh?! Anong tanong yan?”
“Wala. Balewalain mo na lang.”
“Bakit?!”
“At least alam ko na.”
“Na?!”
“Manhid ka nga.”

Pinalo ko siya ng bag. Sira ulo tong lalakeng to, sapakin ko to eh. Bago siya umalis, dinefine niya ang salitang manhid. Lalo
ko siyang pinalo at walang humpay ko siyang tinukso kay Nica.

Pagkauwi ko sa bahay, the usual. Nagluto ako ng canton para sa merienda ko. Pero, mejo nainis ako sa sarili ko kaya
napakain ako ng dalawang canton. Sa lahat ng ignorante, ako na ata ang pinakaignorante. Lalo tuloy akong nainis. Lalo
kong pinagdasal na sana, magkaroon man lang ako ng konti… kahit konting sensitivity man lang. At katulad ng dinefine ni
John na manhid…

Ang ibig sabihin daw ng manhid ay ‘ikaw’

That is…

Ako.

Chapter 24

Ayoko na pumasok. Papano, umagang umaga eh kailangan kong asikasuhin yung pesteng clearance. Hai. O well anyway, sa
ganon eh. Wala naman akong magagawa.

“Kai.”
“Aiden wag ka nga mangaasar. Tinatapos ko pa tong Indayog.”
“Hindi ako si Aiden.”

Woop.

Tumingin ako. Si Jake pala yun.

“Ui sorry. Akala ko si Aiden.”


“Ayos lang. Bat mo ginagawa yang Indayog?”
“Diba kailangan? Eto yung requirement sa Filipino.”
“Sabi kaya ni ma’am hindi na daw kailangan.”

Tae.

Well anyway, ganto ako nagdudusa tuwing final clearance. Unpredictable kasi yung mga teachers. Last year, may record
DAW ako na nakabasag ng beaker. Eh wala naman akong nababasag. Nakakainis nga eh. Pero ganon talaga.

Matagal din bago natapos yung final clearance naming. At least tapos na. Ang huling pipirma ay yung principal siyempre.
Pero pipirma lang siya pagumattend kami ng graduation as tagapalakpak.

Ang bilis talaga ng mga araw.

“Nica, sagutin mo na kasi si Karl.”


“Ano ba. Wag mo nga ako tuksuhin dun.”
“Asus. Type ka naman ni Karl eh.”
“Hindi nga eh!”
“Akalain mo, sa liit mong yan, may nagkatype sayo.”
“Migs, nakakalimutan mo na bang niligawan mo ko?!”
“Akalain mo, sa liit ni Nica, nagkagusto ang baby ko sa kanya.”
“Babes naman eh.”
“Wow. Ang dating love triangle nagkakadiskusyon.”
“Ayoko na nga maalala na nagkagusto ako kay Migs eh.”
“Grabe naman to.”
“Sorry na kasi!”
“Bat ka nagsosorry?”
“Eh kasi…”
“Etong dalawang to, paulit ulit na lang. To kasing si Migs eh, nagremind pa ng kung ano.”
“Hindi naman.”

Minsan talaga, naaamaze ako sa tatlong to. Kahit na niligawan ni Migs si Nica dati, ayos lang kay Geanne na Makita si Migs
at Nica na nagtutuksuhan na hindi nagseselos. At kahit na yung dating nanligaw na nagustuhan ni Nica na si Migs ay
napunta sa best friend ni Nica na si Geanne, patuloy parin ang pagkakaibigan.

Diba? Ang galing. Yun ang pagkakaibigan at pagmamahal.

The day before nung graduation ng fourth year, nagkausap kaming magkakaklase.

“Mag class outing kaya tayo?”


“Pwede din.”
“Wag na. Magpahinga naman tayo.”
“Eto nanaman si Kai o, ang kj.”
“E totoo naman. Next time na lang yang class outing na yan.”

Pero sino ba ko?! Muse lang naman ako ng section at hanggang dun lang. Nung nagkaroon ng nomination, majority gusto
magkaroon ng class outing.

Amp. Bakit ba kailangan nun?!

“O ano, swimming ba o malling na lang?”


“Swimming na lang!”
“Tapos overnight!”

So ayon, everybody agreed na overnight swimming na lang. Lagi naman eh. Haha. Laging ganon every year. Ako, ewan ko.
Since almost half of our section ay hindi lumilipat ng section dahil lagi kaming nagaaral (ano daw?!), magkakasama kami
every year. So sa tuwing may class outing, kami kami din ang magkakasama.

“Sama ka ba?”

Ah si Aiden lang pala…

“Ikaw?”
“Oo”
“Eh di hindi na ko sasama.”
“Tingin ko sasama ka kasi andito na ko.”
“Tumahimik ka nga! Hindi, di ako sasama…”
“Ikaw din…”
“Ewan ko sayo Aiden! Di naman ako mahilig sa outing-outing eh. Last year hindi rin ako nag attend.”
“Eh di ngayon magaatend ka na?”
“Bakit naman?”
“Eh kasi noon, hindi mo pa ko kaklase. At ngayong andito na ko, sasama ka na.”
“Ano yun? Requirement? No way! Di ako sasama!”

Tapos sumimangot siya…

“please?”

Tiningnan ko siya… hai nako bwisit… ang sarap lukutin yung mukha niya…

“Depende, pagpupunta ang buong barkada.”


“Sabi na nga ba… Hindi ako matitiis ng langit!”
“Ayan ka nanaman sa langit langit mo. Jan ka na nga.”

Hai nako. Pasaway talaga tong si Aiden. O sha na… hindi ko rin naman mababawi yung mga sinabi ko di ba? So, no choice
ako…
Natapos na ang grad. Nung araw na ng outing namin, nagkita-kita kami sa bahay nina Nica. Nasabi ko na ba na
pinakamayaman sa room si Nica? Oo, rich kid talaga yun. Although mayor yung daddy ni Aiden, parang kung sa yaman ang
labanan, kaya magbigay ng ginto nina Nica.

“Grabe. Minsan talaga napapanganga ako sa bahay ni Nica kahit mga apat na beses na ata akong nakapunta dito.”
“Yak. Apat na beses pa lang Jake?!”
“Oo. Lahat naman yun kasama kayo eh.”
“Ako mga billion times na.”
“Walang nagtatanong.”
“Langya ka.”
“Magtaka silang lahat pag hindi ka pa nakakapunta dito eh bespren kita since elementary.”
“Pano kaya pag kami nagkatuluyan ni Nica no? Eh di sana rich kid na ko ngayon.”

Tumingin ng masama si Nica at Geanne kay Migs.

“Pero siyempre, hindi nabibili ang pagmamahal.”


“Batuhin ng tae si Migs!”

Tawa kami ng tawa dahil dun sa cheesy line ni Migs. Sabay yakap nga yun kay Geanne eh.

Anyway, kaming magkakabarkada natural ang unang dumating sa bahay nina Nica. Tapos sunod sunod na yung mga
kaklase naming pupunta. Andun si Aiden, tapos yung iba pang kaklase. Mga 17 lang kami out of 30.

Nagrenta kami ng isang jeep. Mga anim lang yung lalake tapos eleven kaming babae. Haha. Expected naman yun. Si Aiden,
ayun, pinagtripan nung ibang lalake. Nilagyan ng lipstick yung cheeks. Kaya pagkagising, tawa kami ng tawa.

Pagpunta namin sa resort, nilapag na namin agad gamit namin dun sa cottages (na air conditioned at kumpleto sa kwarto).
Dun na lang kaming lahat para masaya, makakapagchikahan pa kami. Ang mahal pala nung resort. Pero since ninong ata ni
Nica yung may ari ng resort na to, tig 100 lang kami ng binayad. Ang hipokrita naman namin pag di kami nagbayad kahit
konti no. Super discount lang.

Yung ibang lalake, nagsitalunan na sa pool. Sumunod na rin yung ibang babae. At ako, naglakad lakad sa may resort.
Ganun kasi ako. Pag bagong dating ko sa ibang lugar, pinapasyalan ko muna. Inaalam ang pasikot sikot. habang
naglalakad, biglang may nagflash sa mukha ko… and I wouldn’t doubt kung sino yun…

“Jake!”
“Hehe… Smile ka naman!”
“Grabe sina Nica. Ang yaman. Sana ganto kami kayaman.”
“Only girl lang naman siya.”
“Only girl na may kapatid na lalake.”
“Wag na yun.”

Haha benta. Nagkaron kasi ng away sina Jake at ni Kuya Mariano. Haha, pangalan ng kuya ni Nica. Ewan ko kung bakit,
dahil ata sa basketball? Ewan.

“Buti sana kung average kami, eh naghihirap na kami ngayon.”


“Hindi yan. O dali, pose ka naman…”
“Ayan ka nanaaman sa vanity mo.”
“Ikaw na lang ang kaligayahan ng camera ko no.”
“Sus, ikaw talaga. Eh ni isang picture wala pa kong nakikita.”
“Ireregalo ko din lahat yun pagdating ng panahon.”
“O sige, pakibox na lang.”

Natawa kaming dalawa kasi alam naman naming kung gano kavain si Jake pagdating sa kin. Basta walang special occasion
na wala akong picture sa camera niya.

“O sige na, pose na.”


“Pati ba naman dito? Baliw ka talaga.”
“Sige na… hindi pwedeng wala kang picture dito.”
“O sige... 3 lang ha?”

Tapos pinicturan niya ko ng 3 beses. Pasaway talaga to…

“Patingin nga.”

Nung pagtingin ko, napawow agad ako. Pano, ang galing ng camera ni Jake. May instant editor ata to eh. Haha. Muka kasi
akong walang pimple, to the fact na meron ako eh Masaya akong hindi makakita ng kahit isang dark spot lang sa muka ko.

“Tumataba na ata ako lalo.”


“Ano ka ba, ayos na yang katawan mo.”
“Eh. Gusto ko yung katawan ni Geanne, yun ang definition ng sexy.”
“Ayos na yan. Hindi mataba, hindi payat.”
“Ano? ang taba ko kaya.”
“Chubby lang.”
“O yun na yun. Mataba parin yun.”
“Hindi no. Okay yan, may konting taba.”
“Tapos ang liit ko pa tapos—“

Yinakap ako ni Jake. Sa di ko alam na dahilan, bigla niya kong yinakap.

“Ayan ka nanaman. Iniinsulto mo nanaman ang sarili mo.”


“Hindi naman.”
“Ayan o, ang sexy mo nga eh.”

Hinigpitan ni Jake yung yakap niya.

“Yun naman ang lagi mong ginagawa para sabihing sexy ako eh.”
“At saka, mas maliit naman si Nica sayo, kaya okay lang yon.”
“Ikaw talaga.”
“At… basta para sa kin, ikaw na ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.”

Ang sweet talaga nitong si Jake.

“Lalanggamin ka na.”
“Sinasabi ko lang yung nakikita ng mata ko no.”

*FLASH*

Gulat kami kung sino yun.

“Hoi babae ano yon!”


“Yakap picture number 1!”

Eto talagang si Geanne. Tinotopak nanaman!”

“Eto na! Dumating na ang pinakahinihintay kong araw na magkaron ng picture niyo na nagyayakapan!”
“Sana sinabi mo para binigay ko sayo camera ko.”
“Mga sira ulo kayo!”
“Sino kaya jan ang may sira ang ulo na after all these years eh—“
“Sige, Migs, ituloy mo lang yan. Gusto mo pa bang umabot si Geanne hangang bukas?!”
“Ay grabeng blackmail! Talagang ginamit ang girlfriend!”
“Bat kayo andito?”
“Hindi pa ba kayo magswswimming?”
“Mamaya na lang siguro. Mataas pa ang araw eh.”
“Tama ka diyan. Baka umitim ka pa…”
“Sige, magsswimming na kasi kami.”
“Sumama ka na Jake.”
“Hindi na. Sasamahan na lang—“
“Maglilibot pa kasi ako. Sige na, sumama ka muna sa kanila.”
“Aray ko! Ang sakit!”
“O, ano nangyare sayo Migs?!”
“Wala lang. Nasaktan lang ako para kay Jake.”
“G*go.”
“O, tara na. Sure kang hindi ka sasama?”
“Eh di dun na lang tayo sa covered na pool.”
“Hindi na. Maglilibot muna ako. Sige.”
“Ay grabe, emo.”
“Tumahimik ka nga. Sa gabi na lang ako magsswimming.”
“Okay. Tara. Ay Kai, yung kisses mo na sa freezer.”
“Ingat ka.”
“Eto talagang si Jake. Sige.”

Tapos lumakad na sila papalayo. Ako naman, tinuloy ko na yung lakad ko. Tapos may part sa resort na parang may lambak.

Wait.

may tao…

kilala ko yun ah…

“Aiden?”

Lumingon siya, kaya tama ako.


“O… kaw pala…”
“Bat ka andito? Mag isa ka lang?”
“Oo. Di ko pa trip magswimming. Ang init. Baka magkasunburn lang ako.”
“Madali ka din bang umitim?”
“Mamula. Tapos nangingitim na.”
“Parehas pala tayo. Eh bat ka nagsesenti?”
“Magtatanong lang sana ako kung asan dito yung malaking slide tapos nakita ko tong parting to. Mas pinili kong
tumambay.”
“Ah…”
“Hindi ka pa ba magswswimming?”
“Mamaya na sigurong mga 5… mainit pa eh.”

And bam. Hindi ko alam kung bakit ganun yung pumasok sa isip ko…

“Pwede ba akong… magtanong?”


“Ano yun?”
“Matagal na kasi akong naiintriga tungkol kay… Lenlen…”

SILENCE.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko siya tinanong ng ganun.

“Kung hindi naman pwede, okay lang.”


“Alin ba ang gusto mong malaman… yung buong kwento?”
“Uh… kung… kung… pwede.”
“Mmm… Bata pa lang kami… Siguro simula nung magkamalay kami… magmatalik na kaming kaibigan. Nung nakita ko pa
lang siya, sinabi ko na sa sarili ko na gusto ko siya. Hanggang sa, tumanda kami… nagkagusto siya ng iba.”

Hala. Aray ko naman. Bago pala si Aiden, may ibang nagustuhan pala si Lenlen.

“Kelan yan nangyare?”


“Grade four.”
“G—grade four?! Ang babata niyo pa.”
“Hindi ko nga rin alam eh. Basta isang araw umiiyak siya. Siguro dahil… inayawan siya nung may gusto sa kanya.”
“Tapos?”
“Hinalikan ko siya.”
“HINALIKAN MO SIYA?!”

Goodness gracious. Meron bang mga ganitong nilalang?! Ang babata palang nila eh may alam na sila sa pag-ibig?! Eh ako
nga wala pa ata akong kamalay malay ng mga panahong yan eh!

“Tapos yun na. Nagkagustuhan na kaming dalawa.”


“Tapos?!”
“Pero kailangan ko kasi pumunta sa ibang bansa.”
“San?”
“California.”
“Wow. Bakit?”
“Ewan. Sasama lang ako kena dad. Nagself-study ako ng dalawang taon.”
“Tapos?”
“Pero nung sinabi ko yun sa kanya, ayaw niyang pumayag. Nagkasakit siya, nanghina dahil dun. Nung summer nung taong
din yun nangyare.”

Ang nasa isip ko, mejo ang OA ni Lenlen. Pero di ko naman siya mahuhusgahan. May iba lang talaga na dahil sa sobrang
mahal mo yung isang tao, manghihina ka pag ang nasa utak mo ay di mo na siya makikita.

Tapos naisip ko din na…

Yun na yung panahong nagkaamnesia ako.

“Pero wala naman akong magagawa. Wala namang panahong wala siya sa isip ko.”
“Tapos?”
“Bumalik kami dito after two years.”
“Tapos?”
“Nalaman ko na umalis na pala sila dun sa bahay nila. Wala naman na akong choice. Ang nasa isip ko, baka may bago na
siyang buhay ngayon.”

Naalala ko tuloy nung lumipat kami ng bahay nung maguumpisa pa lang ako mag grade five. Nakakaasar kasi naiwan ko sa
dati naming bahay yung paborito kong Barbie. Yun yung mga panahong ineexplain nila sa kin na may parte sa mga alaala
ko ang nawala.
Pero basta, di ko maexplain. Kasi para sa kin, parang wala lang yung mga alaalang yun dahil normal parin naman. Siguro
ang inisip ko na lang, at least marunong parin ako ng math, kilala ko parin yung mga magulang ko… marunong parin ako
magsalita.

“Pero… di ko alam. Sabi nila puppy love lang daw. Pero kung ganon nga, bakit di ko parin siya nakakalimutan hanggang
ngayon?”
“Kanya kanya naman yan eh. May ibang bagay talaga na hindi maiintindihan ng ibang tao.”
“Lumipat kami ng ibang bahay. Dun na kasi naging mayor si dad.”
“Tapos?”
“Sinubukan ko siyang hanapin, pero di ko siya nahanap. Yun pala… Nung second year nalaman kong… namatay na siya.”

OMG.

Yun yung pagpasok pala niya sa school namin. Oo, naalala ko pa nun. Pinaguusapan siya sa school dahil sa ichura niya. Oo
aminado naman ako nung first time ko siyang nakita na ang unang impression ko sa kanya ay ‘gwapo’ dahil totoo naman.
Pero, nakita ko siya na, ayun na nga, malungkot.

“P—pano daw?”
“Nawala siya sa kin dahil sakin…”
“Dahil… sa depression?”

Tumayo siya.

“Pero buhay na buhay pa siya sa kin.”

Hindi ko masabing patay na yung tao, hindi siya makakapagmove on hanggat hindi niya naaalis sa puso niya si Lenlen.
Habang nagsasalita siya… tuluy-tuloy na yung mas malalalim na salita na parang di ko na maabsorb… Na-oautistic na ata
to… mapanganib pala kung magtanong tungkol sa personal niyang buhay…

“Ah… hindi ko na maabsorb…”

Tapos ngumiti siya…

“Okay lang… hindi niyo naman dapat malaman ang lahat eh…”
“Meron na bang nakakaalam… nung tunay na nangyare?”

Tumahimik ng sandali, tapos nagsalita na siya.

“Meron na… Ikaw.”

Napalunok ako ng laway. At dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, yinaya ko na lang siya bumalik sa kung san
kami nagsstay.

Naglunch kami. Ang dami ng basa. Ayon, ang saya saya ng barkada ko habang tinatawag nila akong kj dahil hindi ako
sumama sa kanila.

Tapos natulog muna ako, pagkagising ko 3 na. Bored na bored na ko kaya nanood muna ako ng TV. Andun si Geanne at si
Migs, magkaholding hands na nanonood ng Jimmy Neutron. Sus, in-on pa nila ang TV eh yung isa’t isa lang naman din yung
papanuorin nila.

4:30 pm na nung nagdecide na ko magswimming. Eh since pwede naman ang shorts at shirt, yun na lang. Ayoko nga
mageffort na magbathing suit.

Nung pumunta ako sa pool, halos andun lahat ng kaklase ko. Nung nakita ako ni Jake, kumaway siya tapos umahon sa
tubig. Kinuha agad niya camera niya… and as usual, kinuhanan niya ko.

“Nice.”
“Nice ka jan.”
“Shower ka muna.”
“Onga eh.”

Nagshower muna ako bago lumusong sa pool. Ayon, nakipag laro ako sa mga kabarkada ako… hanggang sa mag gabi na at
di parin kami nagsawang magswimming…

Nakita ko si Aiden na lumusong. Mga babae kinikilig at halatang halata na lahat sila may gusto kay Aiden. Kung hindi kay
Aiden, kay Jake.

“Tara, paunahan tayo sa dulo.”


“Andya naman, mauuna ka naman lagi sa kin eh.”
“Eh di magpapabagal ako.”
“Nagpaunahan pa tayo.”
“Dali na.”
“Sige na nga!”

Kaya ayon, nakipag unahan sa kin si Jake. Siyempre, siya yung nanalo. Like DUH. Haha. Kami ng bespren ko yung
nagpauso ng games. Tulad nung patintero sa swimming pool. Nakakatawa nga dahil pinulikat si Migs. Ayan kasi.

Tapos ang walang kamatayang paghahanap ng piso.

Sabay sabay kaming umahon para mag dinner. Nakakatawa nga kasi de lata lang lagi yung kinakain namin. Haha.

Nung medyo gabi na, mga 9… may ilan ilan parin na nagswswimming. Pero yung mga babae, pagod na kaya nanood na
lang sila ng tv at nagsikantahan sa karaoke. Ako naman, naglakad-lakad.

And in the same place, nakita ko si Aiden but not in the same position, nakahiga naman siya.

“Psst…”
“O, ikaw nanaman.”
“Nagsesenti ka nanaman?”

Umupo ako sa tabi niya.

“Hindi naman, tinitingnan ko lang yung langit.”


“Ah… senti na din yon. Basta, wag mo lang ako sabihan ng mga makapaglaglag ngipin na mga salita…”

Tumawa siya. Saka ko naisip na baka kaya siya nakatingin sa langit ay baka ‘naguusap sila ni Lenlen’.

“Sure…”
“Ano bang tinitingnan mo sa taas?”
“Yung mga stars.”
“Alin diyan?”
“Humiga ka kaya para makita mo din.”

Kaya humiga ako, mejo malapit sa kanya tapos tinuturo niya yung group of stars na tinititigan niya…

“Ayun oh!”
“Asan!”
“Yung rosary! Malapit sa 3 maria!”
“3 maria?!!”
“Wala ka talagang alam sa bituin… ayun oh!”
“Alin!”
“Malapit sa orion’s belt…”
“San ba diyan ang orion’s belt?”
“Kita mo ba yung tatlong star na vertically na sunud-sunod?”
“Oo…”
“Ayon ang orion’s belt, o tatlong maria din yung tawag.”
“Asan diyan yung 3 maria?”
“Magkaparehas lang sila, ang kulet nito.”
“Ahh… asan diyan yung rosary?”
“Ayun…”
“Asan?”
“Ayun! Ayun oh! Kitang kita naman eh. Malapit dun!”
“Ah! Ayun nakita ko na!”

Hanggang sa napansin ko na, andun na pala ako sa balikat niya… napaupo ako.

“Okay lang naman na mapahiga ka sa balikat ko eh… wala namang problema yun, wala namang malicia di ba?”
“Nakakahiya kaya!”
“Kapag nahiya ka, ibig sabihin, nabibigyan mo ng malicia, ibig sabihin, may gusto ka sa kin.”
“Ayan ka nanaman sa kakapalan ng muka mo.”
“Eh di humiga ka na!”

So ayun, humiga na ko. Baka sabihin pa nito eh nagpapakipot lang ako.

“Psst…”
“Ano?”
“Marunong ka bang humalik?”
“Ha?!”

TAE.

Nagulat ako! Ano ba namang klaseng tanong yon!

“Humalik… marunong ka ba?”


“Bakit mo natanong?”
“Bakit sa tingin mo?”
“E—ewan”
“Namumula ka.”
“Tae ka.”
“Joke lang. Pero, ano nga?”
“Sa lips, hindi… Sa cheeks oo…”
“Halikan mo naman ako sa cheeks…”
“Ano bang pinagsasabi mo?!! Sinasapian ka na ba?!!”
“Hindi no… masama bang humiling ng pabor?!”
“Ibang klaseng pabor yan…”
“Kung ayaw mo, ako hahalik sayo…”
“Tumahimik ka nga! Para kang sira!”
“Oo nga, seryoso naman ako ah!”
“Gusto ko, ang first kiss ko, yung mahal ko at mahal niya ko…”
“O anong problema dun?”
“Eh kasi, di mo ko mahal at…”
“di kita mahal at…?”

Napatingin ako… parang di ko masabi na…

Ano ba Kai! Kung anu-ano pinagsasasabi mo jan!

Pero…

Pagkakaalam ko… di ko siya mahal...

ata…

“Sino namang nagsabi sayo na di kita mahal?”


“Ha? Gumising ka nga!”
“Gusto mo tayo na?”

Nabigla ako kaya napatayo ako. Ewan ko ba. Nahihirapan akong tumingin sa kanya.

“Hay nako tumahimik ka nga!”


“Nakakatawa ka pag di mo na alam yung gagawin mo.”

Nahiya ako sa sinabi ni Aiden. Langya, talo ako.

“Humarap ka nga dito…”


“Tatayo na nga ako. Peste ka.”

Tumayo na ako. Siya, nakahiga parin.

“Aalis ka na?”
“Oo.”
“Iiwan mo din ako?”

Ano bang meron sa salitang ‘din’?!

“Oo. Pupunta na ako sa bahay.”

What I meant was yung bahay na pinagsstayan namin dito sa resort.

“Teka.”

Tumayo siya. Naglakad siya papunta sa kin. Akala ko naman, sabay kaming pupunta dun sa pinagsstayan namin.

Gulat na lang ako nung…

Hinawakan niya yung kamay ko.

“Bakit di mo suot yung bracelet na bigay ko?”


“Masyadong maliit. Teka nga Aid—“

Kakawala na sana ako sa hawak niya nung lalo pa niya hinigpitan.

“Eh yung hairclip?”


“Baka mawala, kaya nasa bahay lang.”
“Yung anak natin? Yung panda.”
“Iniwan ko sa kwarto.”
“Pwede ba kitang yakapin?”

Woah.

Ano ba to. Sira ulo tong lalakeng to.

“Aynako Aiden, kung ano-anong pinagsasasabi mo—“

Hinila niya ko papunta sa kanya.

Saka ko lang narealize na nakayakap na siya sa kin.

“Sasabihin mo lang na ‘oo’, kung anu-ano pang sinasabi mo.”


“Aiden ano ba—“

Pero yun. Hinigpitan lang niya lalo.

Hindi ko din alam kung bakit may tendency siyang yakapin na lang ako bigla bigla. Naalala ko tuloy yung unang beses ko
siyang yakapin… yung sa bike…

Tapos yung nanood kami ng sine kung san napayakap ako sa kanya dahil sa takot…

Yung truth or dare na ang dare sa kanya ay ang yakapin niya ko ng sampung Segundo…

Nung natapon ko yung juice sa damit niya tapos pumunta niyakap niya ko sa likod ng dorm…

Yung yakap niya na sobrang higpit nung prom…

Habang kayakap niya ko nung mga panahong yun… nagulat ako nung may biglang tumugtog sa malayo, pero naririnig parin
namin. Saka ko naisip…

Bakit ba kailangan lahat ng kanta, sakto sa laman ng puso ko?

Narinig ko siyang tumawa.

“Bakit?”
“Ang galing. Bakit kaya… lahat ng kanta… sakto sa laman ng puso ko?”

Kinabahan ako.

Sumabay siya sa kanta…

Kaya mas lalo akong kinabahan.

And I’ll give up forever to touch you…

Habang buhay… nga… ata…

Coz I know that you feel me somehow…

Sana? Kai. Ano bang iniisip mo.

You’re the closest to heaven that I’ll ever be,

Ako? Langit… Sana din…

And I don’t wanna go home right now.

At pati ako… ayoko pang umuwi.

And I’ll I could taste is this moment.

Tama… itong oras lang na kasama ko tong unggoy na to…

And I’ll I could breathe is your life.

Wag… ayoko… please… not now…

Sooner or later it’s over,

Ayokong matapos… ayoko…


I just don’t wanna miss you tonight…

Ang panahong to…

And I don’t want the world to see me

Yun nga ba ang nararamdaman mo, ha, Aiden?

Coz I don’t think that they’d understand

Na di ka namin maiintindihan?

When everything’s made to be broken

Andito naman ako…

I just want you to know who I am…

Para kilalanin ka…

Nararamdaman ko yung bawat hinga habang kinakanta niya yung Iris. Pareho kaya kami ng iniisip? Ayoko. Eto ba ang
pakiramdam ng hindi manhid?!

And you can’t fight the tears that ain’t coming

Nilalabanan mo yung sakit ng nakalipas…

Or the moment of truth in your lies

Pati sarili mo… sinasabing buhay pa yung babaeng yun…

When everything feels like the movies

Katulad ngayon… na para lang sine ang lahat…

Yeah, You bleed just to know you’re alive

Hindi ako makapaniwalang… nangyayare to… sa akin.

And I don’t want the world to see me


Coz I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken…
I just want you to know who I am.

“A—aiden…”
“Ssh.”
“Kasi…”
“Gusto ko lang ulit maramdaman… yung… dati… yung… marunong pa ko magmahal…”
“Sige, papayagan naman kitang yakapin ako… may tanong lang ako…”
“Ano?”
“Minahal mo ba ko?”
“Bakit mo naitanong?”
“O sige… eto na lang…”
“Ano?”
“Mahal mo pa ba siya?”
“Sa tingin mo?”
“Uh… Oo?”
“Alam mo naman pala ang sagot…”
“Eh bakit mo… sinasabi sa kin lagi na… mahal mo ko…?”
“Para lokohin ang sarili ko… Para… Para… lokohin ang sarili ko… na marunong pa ko magmahal.”
“K—kaya pala.”

Silence came after. Bumitaw na lang siya sa kin.

And I don’t want the world to see me

“Minsan, marunong din ako magsinungaling.”

Coz I don’t think that they’d understand

Nagkasalubong yung kilay ko.


When everything’s made to be broken…

“Pero sa kasinungalingang yun…”

I just want you to know who I am.

“…may makikita kang katotohanan.”

Nauna siyang naglakad habang patuloy na nagpplay yung kanta. Palapit kami ng palapit dun sa kung saan nanggagaling
yung tunog. Yun pala, mula sa pinagsstayan namin.

And I don’t want the world to see me


Coz I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am…
I just want you to know who I am…
I just want you to know who I am…
I just want you to know who I am.

Tumigil siya sandali.

“Alam mo… namimiss ko na siya…”

Nung nagsalita siya, alam kong umiiyak siya.

“Si Lenlen ba?”


“Ang tanga ko para umalis. Ang tanga ko para iwan siya.”

Kahit nakatalikod siya… kita ko kung pano niya pinunasan yung sarili niyang luha.

“Ang hina ko no?”


“B—bakit?”
“Umiyak ako eh. Kahit na… mahabang panahon na yung nakalipas… hanggang ngayon… sinisisi ko parin ang sarili ko…”

Wala akong masabi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na, hindi na niya maibabalik ang nakalipas. Hindi na pwede. Kung ano
man ang nangyare noon… hanggang dun na lang…

“Gusto ko na siyang bumalik ulit sa kin…”

Hindi ko naman masabi na hindi na mabubuhay ang patay…

At… Nalaman ko na rin na umiiyak ako… di ko alam kung bakit. Buti na lang hindi niya nahalata na umiyak din ako…

“Kyleen… lam mo… ang swerte ko…”

Pinunasan ko yung mga luhang walang rasong kung bakit tumutulo…

“Bakit naman?”

Nanahimik siya sandali

“kasi nakilala parin kita…”

Pumasok na kami. Pag pasok namin, ewan. Parang bumalik yung dating kami.

Or should I say…

Sinuot ulit ni Aiden yung maskara niya?

Matapos ang kantahan… dumerecho ako sa kama ko. Kinuha si Aiden jr., yung panda bear na anak daw naming dalawa… at
kinausap ko…

“Alam mo…”

Sabi ko… at ngayon, alam kong hindi na talaga ako baliw… Napaluha ako… hindi ko alam kung dahil sa saya na hindi na ako
manhid… o dahil sa lungkot na alam ko na yung katotohanan na iisa lang talaga yung mahal niya… isang taong alam kong
hindi ko na mapapalitan sa puso niya…

“Mahal ko na ata tatay mo…”

Hindi. Bawiin mo Kyleen. Bawiin mo.


“Mahal ko na ata siya…”

Sana… manhid na lang talaga ako.

“ Mahal ko na ata si Aiden.”

Chapter 25

Nagattend ako ng review classes nung summer. Hai… hindi ko parin makalimutan yung class outing namin… mukha tuloy
akong timang ngayon. Ni hindi ko nga alam kung pano magmahal… pano ko kaya nasabing mahal ko si Aiden? Hai…
nababaliw na talaga ako.

Sa mga review classes, pag ang boring ng discussion, siya lang iniisip ko. Yung yakap niya sa outing, yung yakap niya sa
prom… lahat… siya lang.

AARGH!!! Nababaliw ka na talaga Kyleen Ylkivia Unabia Tuazon… sira ulo ka na. Hindi! Hindi talaga to pwede! Parang dati
lang eh nayayabangan ka sa kanya… ngayon… MAHAL mo na siya?! WTH. Sigurado ka?! Alam mo ba talaga yung feeling?!
Leche… manhid ka naman dati ah?! Pano mo nasabing mahal mo na yung tao?! Arggh! Ang weird… kainis…

Tapos may dumating na text…

Kai, tawag ka naman dito. Wala akong magawa.

Kilig naman ako. Pinapatawag niya ko sa bahay nila.

Hoi unggoy, may review classes ako. Pagdating ko na lang.

Pero totoo naman. Review classes ko naman talaga yun. Excited na kong umuwi ng bahay para lang matawagan siya.
Maya-maya, kung anu-ano nang iniimagine ko. Kung saan saan galing yung imahinasyon.

AHHHHH! Naloloka na ko. Ano ba to. Napakahipokrita ko na. Inaaway ko parin siya, pero eto, may gusto ako sa kanya.
Sobra, sobrang naguguluhan na ko. May ganito din kayang babae? Yung tipong kahit na gusto mo na yung tao, inaaway mo
pa rin.

Pagdating ko sa bahay, di na ko nagbihis, tumawag ako agad sa phone nila.

“Hello good evening po, pwede po ba kay Aiden?”


“Oi Kai! Kaw ba yan?”
“Yep. Bakit, may prob ba?”
“Wala naman. Kaso, wala talaga akong magawa. Ang boring ng summer.”
“Yeh… medyo… nagrereview classes ka na ba?”
“Hindi. Matalino na ko.”
“Ba yabang! Ah… Musta ka na?”
“Eto. Miss na kita…”
“Weh.”

Nako. Weh ka pa jan Kyleen. Eh sa totoo, gusto mo naman nung sinabi niya yun.

Nagusap kami na walang humpay. Iniiikot ikot ko na nga yung chord ng phone. After namin mag-usap, mukha akong tanga
na sumisigaw… kinikilig talaga ako… Nababaliw na ata ako…

Kinuha ko si Aiden Jr. at walang tinigil na kinausap…

“Nakakainis ka! Bakit mo ba ko… aarrghh!!! Hai nako, bwisit yang ama mo. Ang hirap pa naman magmahal ng isang Aiden.”

Naalala ko tuloy yung kwento ni mama kung pano naging sila ni papa. Well, gwapo si pa, at una pa lang crush na siya ni
mama. Kaya ang ginawa ni mama, kinaibigan niya. Pero duh, manhid si pa. Mga 3 taon naghintay si mama, pero manhid si
papa at hindi niya nakita na si mama lang ang laging anjan.

Nakarami ding GF si papa. Hindi nakayanan ni mama kasi nasasaktan na siya. Ang ginawa niya, sinampal niya si papa at
sinabing ayaw na niya etc etc.

And you know what were the last words that mama said before siya maglakbay? “MANHID!” Ganda ng love story no? Hindi
daw talaga yun makakalimutan ni papa dahil dun siya nagising.

Pumuntang manila si mama (kasi taga Ilocos sila…) para magtrabaho. Mga one year yun. While si papa, narealize nya na
hindi niya kayang mabuhay na wala si mama, lagi niya kasing hinahanap. Ang ginawa ni papa, pumunta siyang manila… at
kahit ang laki laki ng manila at madaming tao, hinanap parin niya. At ayun, whaapak! Akalain mo ba namang magkikita
sila?? And guess where…

Sa C.R. ng lalake… nagkamali kasi si mama na pinuntahan sa mall… nagkaaminan… ayun… kasal na…

Sounds familiar no? Kaso, ang kaibahan lang, sina mama at papa, dun muling nagkita. Pero kami, dun kami unang
nagkita…

Asteeg no? Ano kayang ending namin?

Kaso, I think mahihirapan ako… kasi parang impusibleng harapin ko ang kakaribal ko…

Ang hirap pala… pano ko siya pipilitin na kalimutan na niya ang isang patay (sorry sa pagiging pranka) para sa isang buhay
na nilalang na lagi siyang inaaway at sa isang yakap… *ting*… in love na sa kanya…

And ever since… mahal na niya talaga si Lenlen… ano ka ngayon Kyleen?!

Damn.

Ayon. Madalas siyang tumawag, na ikinatutuwa ko naman. Minsan buong paguusap namin nagaasaran lang kami. Minsan
naman, kwentuhan lang. Kahit alam kong napagkwentuhan na naming yun, ayos lang. Napapansin nga yun ni mama eh, na
madalas napapatawag si Aiden. Minsan nagtatanong tanong. Pero sasabihin ko, kaibigan ko lang.

RING.

“Hello?”
“Kai?”
“O, Jake!”
“Bat busy phone niyo?”
“Katawag ko kasi si Aiden.”
“Si—Aiden?!”

Nako po.

Bigla ko tuloy naisip… sasabihin ko ba kay Jake na gusto ko si Aiden? O next time na lang? Next time na lang siguro. Baka
infatuation lang tong nararamdaman ko at mawala na pag nagkita ulit kami ni Aiden. Buti na ang sigurado. Baka
makapagbitaw ako ng salita na pagsisisihan ko sa huli.

“Oo. Wala lang. Nagkkwentuhan lang.”


“Anong pinaguusapan niyo?”
“Kwento kwento.”
“Yun lang?”
“Yep.”
“Kailan pa nagumpisa?”
“After ng outing. Wala lang. Haha. Iniinterview mo talaga ako ah!”
“Ah… nagulat lang ako nung nalaman ko yun…”
“Bakit naman?”
“Wala kasi sa mukha ni Aiden ang tumawag. Nakakagulat lang.”
“Tingin mo ba…”
“Ano?”
“W—wala.”
“Kai…”
“Ano?”
“May gusto ka na ba kay Aiden? Tanong lang.”

Shoot.

“Wala ah! Ano ka ba! Bat ako magkakagusto sa ungas na yun eh ang yabang yabang nun. Tsaka isa pa, inaaway lang ako
nun. Tapos ang yabang yabang pa.”
“Easy ka lang. Mawawalan ka na ng hininga eh.”
“H—ha?!”
“At saka… dalawang beses mo ata inulit yung mayabang siya.”
“Hindi ah. Nabibingi ka lang bes.”
“Mukang… may gusto ka na nga.”
“W—wala nga! Jakey naman eh!”
“Kilala kita Kai. Oo lang naman o hindi ang sagot mo lagi.”
“bakit, hindi na ba ako pwede magiba ng sagot?”
“Sabagay. Hay. Ang sarap naman magpakamatay.”
“O! Bakit?! Anong kaemohan yan!”
“Pwedeng hindi ka na manhid… dahil may nararamdaman ka na sa iba. Pero hanggang ngayon, hindi mo parin
nararamdaman yung nararamdaman ng iba.”
“Di kita naintindihan.”
“As usual naman.”
“Eh!”
“Tanong ulit.”
“Ano?”
“Litrato… o larawan?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Picture… o painting?”
“Tinagalog mo rin eh!”
“Wala lang. Sabihin nating kunwari… bibigyan ka ng regalo. Tapos… pinapili ka kung… picture mo… o isang painting mo.
Anong pipiliin mo?”

Napaisip ako dun. Ano nga ba ang pipiliin ko?

“Mm… siguro yung… painting…”


“Bakit?”
“Eh kasi… mas pinagbuhusan ng panahon. Diba? Yung picture kahit sino naman pwedeng gawin yun? Ang painting… konti
lang yung may talent.”
“ah ganun ba.”
“Bakit mo naitanong?”
“wala naman. Gusto ko lang itanong kung… kung anong tingin mo sa ginagawa ko.”

Sh*t.

Ang tanga mo Kyleen. Hindi mo naisip yun. Bakit mo nga ba sinabi yung isang yun?!

“hindi Jake. Teka… iba ang ibig sabihin ko dun.”


“Ayos lang Kai. Hindi mo kailangang mag-alala.”
“Sorry sorry. Sinabi ko lang naman kasi yung kung ano ang…”
“Kung ano ang nasa puso mo.”
“Teka Jake. Wag kang magagalit—“
“Kai… alam mo namang… hinding hindi ako magagalit sayo. Kung magagalit ako, sa sarili ko yun.”
“Jake—“
“Ah… tawag na ko ni mama. Sige bye.”

DIAL TONE.

Takte. Nakahang lang ako sa telepono. Sobrang tanga ko para sabihin yun sa bespren ko. Mga limang minuto after,
tumawag si Aiden. Imbis na kiligin ako, mejo malungkot yung boses ko.

“O, prinsesa ko, bat ka malungkot?”


“Kasi… may nasabi akong… hindi maganda kay Jake.”
“Ano?”
“Wala. Wag mo na alamin.”
“hindi nun kaya magalit sayo.”
“Oo nga eh. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko.”
“Alam mo ba kung bakit hindi niya kaya?”
“Siyempre, bespren niya ko.”

Tumawa siya.

“O, bat ka tumatawa jan?!”


“Masama bang tumawa?”
“Whatever. Uh… Aiden…”
“O?”
“Ayaw mo pa ba mag-move on?”

Ang gaga ko talaga. Parang out of the blue, bigla ko yun tinanong. Ayoko kasing malaman niya yung dahilan kung bakit ako
nadisappoint.

“Di mo ba naisip na… hindi na siya babalik?”


“Wow. Bilib ako sa kaprangkahan mo.”
“Eh totoo naman eh. Maraming babae dyan na naghihintay sayo…”
“Kasama ka ba dun?”

Darn it. Pano niya nalaman ang ibig kong sabihin?!

“Ang feeling mo. Hindi no. Ako na ang kahulihulihang babae na magkakagusto sayo.”
“Well, kung ikaw nga, ikaliligaya yun ng puso’t kaluluwa ko.”

Ayan. Masaya ka na ulit Kai? Kahit ang split ends mo kinikilig.

Iniikot ikot ko nanaman yung chord ng phone. Eto, para nanaman akong timang.
“Oo nga pala.”
“Ano?”
“May gusto ka ba kay Jake?”
“Wala.”
“Wow.”
“Bakit?”
“Inaalam ko lang kung paano ka sumagot.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Prangka ka kasing tao kaya… halatang halata kung nagsisinungaling ka.”

BAM.

Naisip ko tuloy nung nagusap kami ni Jake. Shems. Ibig sabihin kaya na alam na ni Jake na may gusto ako dito kay Aiden?!
Sabagay. Hindi malayong hindi niya mapansin yun. Best friend ko ba naman eh. Nako Kyleen! Sa susunod kasi, wag ka na
magpahalata.

“Well… wala pa.”


“So sa tingin mo pwedeng magkaroon?”
“P—pwede. Mabait naman. Gwapo at—”
“At?”
“Sobrang maaruga. Sweet. At kung may isang tao bukod sa pamilya ko ang alam kong kaya ako alagaan, si Jake yun.”
“Talaga?”
“Oo nga.”
“Talagang talaga.”
“Ang kulet mo rin eh no.”
“Eh kung ako magaalaga sayo, papayag ka?”

GRABE! Yung ngiti ko abot langit. Ang saya! Grabe. Sira ulo talaga tong nilalang na to. I can’t believe someone like him
exists!

“Che.”
“Pwede ba kitang sunduin bukas?”
“Hindi. Susunduin ako ng mga magulang ko. Bakit? Anong meron?”
“Wala lang.”
“Aie. Crush mo na ko no?”
“Tangengot ka talaga no?”
“Bakit?”
“Mahal kita, hindi lang kita basta crush.”
“Ay nako tigil tigilan mo nga ako Aiden! Text na lang kita. Sige, baboo!”

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi niyang yun. Ano bang meron sa kanya? Eto na kaya? Gusto narin kaya niya ko?

Maya-maya, may text na dumating mula sa kanya… Mula sa Prinsipe Aiden ko.

Hoy. Sa ayaw at sa gusto mo, susunduin kita bukas. Paunahan na lang kami ng mga magulang mo. Bwahaha! Good night!

Hai. Kahit hindi naman niya sabihin, sasama at sasama ako sa langit niya.

Hoping.

Chapter 26

“Psst!”

Nagulat ako pagkalabas na pagkalabas ko nung building, andun na si Aiden. Hindi man lang ako nakapagpulbo o ano. Ang
oily oily ko na.

“Wag mo nga ko tawaging psst.”


“Ashu. O dali, tara na.”
“Anong tara na? At san tayo pupunta?”
“Diba sabi ko sayo susunduin kita?”
“Tapos?”
“naghihintay si Jake. Tara na.”
“si Jake?!”

Huh? Hindi ko maintindihan. Inimbita din niya si Jake? Hala. Baka naman… aaminin na niya na…
Kyleen. Sorry. Pero… ang type ko talaga ay ang best friend mong si Jake. Kyleen… I’M GAY.

OMG. Oh no! That was nuts!!!!

Kadiri yang iniimagine mo Kai! Alisin mo nga yang imagination mo! Yak! Ginoosebumps pa ko dahil dun sa inimagine ko.
Ergh.

“Anong iniisip mo?”


“Wala.”

Hay nako. Nahihiya parin ako dun sa sinabi ko kahapon kay Jake. Sira ulo talaga tong si Aiden. Hindi man lang sinasabi sa
kin!

“San daw naghihintay si Jake?”


“Sa may ministop.”
“Sira ulo ka. Bat di mo man lang sinabi sa kin?!”
“Gutom ka na ba?”
“Ano ba naman yan. Nililihis mo yung usapan eh!”
“Binili ka niya ng burger.”
“Niya? Ni Jake?”
“Oo.”
“Eh bat hindi siya sumama?”
“Ewan ko dun. Parang may masakit sa kanya eh.”
“May masakit?! Hala! Dalian natin!”

Sobrang nagaalala ako. Eto namang si Aiden, sira ulo’t iniwan si Jake eh alam naman na pala niyang may sumasakit sa
kanya. Pagdating sa mini stop, ayun, nakita ko si Jake.

“Jake!”
“O, Kai.”
“Ayos ka lang ba? Anong meron sa puso mo?”
“Baka naover caffeine lang ako.”
“Ayan kasi! Pinapainom mo ko ng gatas tapos ikaw puro kape pala!”

Nangiti si Jake ng konti. Pero halatang pinipisil niya yung part ng puso niya.

“Ui. Sabihin mo nga, may sakit ka ba?”


“Pano mo naman nasabi yan?”
“Eh kasi. Nagaalala ako baka—“
“Kinain mo na ba yung burger mo?”
“Hindi pa. Kasi—“
“Basta kainin mo yun.”
“Sorry dun sa… kagabi.”
“Walang kaso yun sa kin. Hindi tayo magkakagalit dahil lang dun.”
“Kaso… big deal yun sa kin.”
“Ang kulit! Sabing wala yun sa kin. Hindi yun magiging dahilan para itigil yung pagkuha ng mga litrato mo.”
“Ahem ahem. Mawalang galang lang sa inyo ha? Alam kong nilalanggam na ko dahil sa tamis ng kunwaring pagkakaibigan
niyo. Kaso… Baka nakakalimutan niyong may kasama pa kayo. Andito pa ako ha? Remind ko lang, baka makalimutan niyo
eh.”

Haha. Napatingin na lang kami ni Jake sa kanya. Wow. Andito ang best friend ko, at ang crush ko. Astig diba? Ang saya ko
naman. Ano naman kayang gagawin naming tatlo?

“Anong gagawin natin?”


“Maglalaro ng apoy.”
“Weh?”
“Ay grabe lang Jake. Naniwala ka sa sinabi ni Aiden?”
“Malay mo.”
“Tara, commute na tayo.”
“Saan nga muna tayo pupunta?! Inabala mo kami ng bespren ko.”
“Woo. Nagpaabala ka naman.”
“Ay nako. San nga?”
“Sa bahay namin.”

S—sa bahay nila?!

Yes! Go Kai! Makakapunta ka narin sa future house mo! Haha! Joke lang. Hala. Grabe. Naaadik ka na talaga Kai. Wah. Eto.
Eto siya. Nasa harap ko. At heto ako, nagpapanggap na masama sa kanya pero sa totoo lang eh crush ko siya.

Hipokrita na nga rin ata ako. Tae.


Nilibre kami ni Jake ng chillz tapos nagcommute na kaming tatlo. Kaso, magkakahiwalay kami sa jeep kasi mejo masikip na.
For short, hindi kami nakapagusap usap. Mejo malapit lang yung bahay niya sa bahay namin. Mga 45 minutes siguro kung
lalakarin, pero pag dinadrive, wala pang 5 minutes andun ka na.

Andun na kami sa bahay nila. I expected it to be big kasi government official yung papa niya pero hindi masyado. Ang
iniisip ko nga may rancho pa eh. Pero, katamtaman lang.

“Dito ako tumitira.”


“Bakit, san ka ba talaga dapat nakatira?”
“Dito nga. Kulit mo din.”
“Eh bakit parang, ikaw lang?”
“Sabi ko sayo, busy lagi mga magulang ko. Tara, pasok.”

Medyo nalungkot ako para kay Aiden. Bukod dun sa family background niya about her real mother thing, eto pang tungkol
sa bahay nila na halos lagi pala siyang mag-isa. May kaya ka nga… pero aanhin mo pa tong laki ng bahay na to kung ikaw
lang nakatira mag-isa diba?

“Tamo tong si Ate Maricel.”


“May ate ka?!”
“Parang di mo ko kilala. Kasambahay namin yun.”

Something dun sa paguusap nila ay naweirduhan ako. Ewan ko kung bakit. Parang ang tagal tagal na nilang magkakilala
pero hindi. Ewan. Ayoko na tanungin, baka maging katawa tawa lang ako.

“Tsk. Sabi ko iref niya tong cake eh.”


“Lagay mo na lang sa freezer.”
“Sana marinig ko parin yan pag mag-asawa na tayo.”

Nanigas ako sa sinabi ni Aiden. Napatingin sa kanya ng masama, pero yung puso ko tumatalon sa tuwa. Aynako,
napakahipokrita ng mga nararamdaman ko.

“Joke.”
“Joke mo muka mo. Hindi nakakatuwa.”
“Nakakatuwa naman ah.”

Napatingin naman kaming dalawa kay Jake, unexpected na yun yung isasagot niya.

“Joke.”
“Weh.”
“O, bakit si Jake walang joke mo muka mo?!”
“Bias lang.”

Tumawa kami. Ang nakakatawa pa, naeecho yung tawa namin sa bahay na yun. Ewan ko nga kung ako lang yung
nakapansin nun eh.

“Tara. Dating gawi.”


“Peram jersey.”
“Ha?! Anong sinasabi niyo?! Anong dating gawi?!”
“Magwaone on one kami.”
“One on one?! San ba tayo pupunta ha?!”
“Sa court…”
“Sa court?! Bakit, magbabasketball ba tayo dun?”
“Hindi, kaming dalawa lang ni Jake… Manood ka lang…”

Ewan ko ba… His looks were as handsome as the skies… pero parang may sadness behind it… at parang may halo ding
galit… Basta… nakakatakot yung tingin, na lalong nakaturn-on sa kin…

“What the. Sinama niyo pa ko! Teka!”


“O bakit, makikisilip ka?! Magbibihis kami!”
“Kadiri kayo!”
“Anong kadiri dun?! Mga lalake kami huy!”

Haha. Gosh. Eto nanaman ang imagination ko.

Ayon, nagbasket ball sila. Pinanood ko sila, the whole game. Si Jake lang ang may hawak lagi. LIKE DUH. Mas matagal
naman ng varsity si Jake kesa kay Aiden. Ang huling act, naagaw ni Aiden yung bola, tapos nagshoot,

All in all, nakatatlo or apat na shoot lang si Aiden. Pero, nakaagaw pansin parin yun sa kin. Hai! I’m damnly in love! Nung
time na yun, parang nag slow motion… tapos yung pawis niya na tumalsik parang mga kristal na gusto kong angkinin…
wah!!! Nababaliw na talaga ako!!!

“Kai???”
“O, Jake.”
“Bakit kanina ka pa parang natutulala?”
“Ah, wala naman…”
“Nahot-an lang yan sa tin.”
“Kapal mo. Ano ba namang ginagawa ko dito?! PA niyo?!”
“Pwede din. Pasimpleng Admirer.”
“Ang corny mo Aiden.”

Haha. Pero in fairness, ang galing niya! Haha!

Nagusap usap kami ulit pauwi. Tapos hinintay ko silang dalawa. Ewan ko ba dun. Sinama pa ko eh taga nood lang pala
ako..

Sa kwarto ni Aiden... Humiga ako sa kama niya… binulong ko sa sarili ko na isang araw, mahihiga din ako dito at
mayayakap siya buong gabi… Wah!!!

“Lambot ng kama mo Aids!”


“Kailangan eh.”
“Parang nagbago itsura ng…”
“Ng?!”
“Ang ibig kong sabihin… nagbago itsura mo.”
“Magpapalusot na nga lang yung obvious pa. Buti slow to.”
“May sinasabi kayo?”
“Tingin mo?”
“Meron.”
“Yun naman pala eh.”
“Ang sama mo talaga Aiden!”
“Ano gusto niyong gawin?”
“Ba malay. Ikaw kaya nagimbita. Ba malay ko bang magiging taganood lang pala ako.”
“Teka, pagtitimpla ko kayo ng juice. Wait lang ah.”

Siyempre, naghintay naman kaming dalawa.

“Wala ka pa bang naaalala?”


“Na alin?”
“Wala lang.”
“Bakit? May dapat ba akong maalala?”
“Para kasing…”
“Ano?”
“May sinasabi ka?”

Ayun. Biglang dumating ang prince charming ko este ni Aiden. First time kong makakita ng prinsipe na may dala dalang
tray na may pichel na may juice, tatlong baso at isang tempura.

“Sabi ko nga eh, tatahimik na ko.”


“Wow! Tempura!”
“Kahit kailan tong si Kai, laging panira ng momentum.”
“Ano nanamang ginawa ko sayo aber?!”
“Wala naman. Pinapatibok mo lang puso ko.”

Ewan ko ba. Kahit nakakakilabot yung mga banat ng sira ulo to dahil sa sobrang corny, yung mga buto ko nanginginig dahil
sa sobrang kilig.

“Jan ka magaling eh. Mga hirit mo.”


“Nagsalita naman ang hindi mahirit.”
“Hindi naman talaga.”
“Woo. Asa ka.”
“O tara, playstation muna tayo.”
“Ano ba talagang gagawin natin dito aba?”
“Uh… reunion?”

Tapos tumawa si Jake.

“Kulang ng isa, sira.”

May binulong si Aiden. Something na ‘kaso di na babalik’? Hindi ko sure. Pero parang ganun yung narinig ko. Hindi ko na
pinansin, baka naman nagjojoke lang tong dalawang to.

“Ui, washroom lang ako ah… San ba?”


“Sa baba.”
Ayon, nagwashroom na ko. Pagtapos ko, pupunta na sana ako sa kwarto ni Aiden nung napaglance ako sa may hallway.
May isang pinto sa dulo na may nakapin sa maypinto. Pagkakita ko, may nakasabit na painting.

“Ang cute.”

Yun lang yung nasabi ko.

Hindi ko alam kung pano ko nasabing cute eh stick people naman yung andun. Painting ng dalawang batang nakatalikod na
magkahawak kamay. Isang lalake, isang babae. Pero isang pangalan ang nakapagpanganga sa akin…

Lenlen.

Yun ang nakasulat sa lower right corner nung maliit na paiting. Hindi kaya, painting niya to? Malay natin.

Hinawakan ko yung doorknob. Lumunok muna ako ng laway bago pumasok.

Pagbukas ko, mejo madilim. Kahit maaraw. May bintana pero nakasara. Parang ang tagal tagal nang hindi binubuksan ng
kwarto to. Nahaching pa nga ako dahil sa sobrang maalikabok nung lugar.

“Wow.”

Dun ako namanga sa nakita ko.

Dito pala nakalagay yung mga painting ni Aiden. Lahat naka frame kahit sa oslo paper lang o sa illustration board. Iba’t
ibang theme. Meron dun, halatang bata pa lang eh nagppaint na. Pano, hindi pa ganun ka fine. Pero sa isang ordinaryong
bata, magaling na nga siya magpaint. Grabe talaga yung talent ng baby ko este ni Aiden sa pag paint.

Tapos may isa pang pintuan… bakit kaya may isa pang pintuan? May nakasabit ulit na painting. This time, puro red. Parang
winisik wisik lang.

Pwede kayang pumasok?

Hawak ko na yung door knob nung…

“Wag!”

Tapos tumakbo siya at hinarangan ako…

“Wag, private to… please…”


“Ano bang laman…”
“Wala ka ng pake dun.”

SILENCE.

Di ko alam kung pano magreact. Hindi naman niya ko sinigawan pero… parang ang sakit nung sinabi niya. Wala nga siguro
akong pake.

“I’m sorry. H—hindi lang talaga pwede.”

Tumawa ako, just to lighten the moment.

“Ang pakielamera ko kasi. Pasen—“


“Matagal na kasi tong hindi nabubuksan. Tong pintong to.”
“Bakit?”
“Siya lang kasi ang may karapatang pumasok dito.”
“Siya?”

Siya. Siya nga naman.

Ok. I get the point. Nagokay na lang ako at unti-unting lumabas sa kwarto. Hindi parin niya nakakalimutan si Lenlen. Ano
bang meron? It’s been years. For goodness sake… YEARS.

Ngayon lang ata ako nakakilala ng isang tao na hanggang ngayon eh hindi pa nakakamove on sa isang namatay na
minamahal sa buhay. Ang tagal na. Masyado nang matagal. Sabagay, sino ba ko para manghusga, eh hindi naman ako

“I’m sorry Aiden… nacurious kasi ako…”


“Ayos lang. hindi ko din naman nasabi.”
“Kasalanan ko din. Mahilig lang talaga ako sa mga pinto.”

Oops. Haha. Benta yun ah. Parang ewan lang yung excuse ko. Whatever. Does that even make sense?

“Pinto?”
“Uh… basta. Parang may rush ako pag nakakakita ako ng mga pintong parang may something.”
“Ang labo mo talaga.”

Naglakad na kami papunta sa kwarto niya. Guilty in a way dahil pumasok ako sa isang kwartong walang pahintulot. Kaya
hindi nakapagtataka kung may isang taong paghinalaan akong clepto. Pero hindi, adik lang talaga ako sa mga adventure.
Malay mo, may time machine sa pintong yun.

Excuses. Ano ba yang pinagsasasabi mo Kai.

“Bakit ang tagal niyong dalawa? San kayo galing?”


“Eto kasing si Kai. Kung anu-anong pinagagagawa.”
“Oo na.”

Tapos tumahimik na lang ako.

Ewan ko ba. Meron sa dugo ko na… kailangan kong pumasok dun. Baka dun ko makilala yung Lenlen na pinakamamahal
niya. Malay mo, hindi naman pala talaga patay si Lenlen. I mean… andun siya. Tas tinatago lang ni Aiden dahil adik si Aiden
sa kanya.

Huh?

Haha. Bangag ka Kai. Ikaw nga tong adik sa kanya, remember? Gusto mong pumasok dun dahil gusto mong harapin ang
totoong karibal mo—ang nakaraan.

Mga 5:30, pinamerienda muna kami. Carbonara yung minerienda namin. Si Aiden, tahimik buong time na yun habang
kaming dalawa ni Jake ang nagdadaldalan. Siguro, iniisip niya yung nangyare kanina. Hai. Ayan tuloy Kyleen… minus points
ka ngayon sa sweet heart mo.

Mga 6:30, nagpaalam na kami kay Aiden.

“Next time, pizza ha?! Tsaka sa susunod na mag wa-one on one tayo, siguraduin mo namang mananalo ka.”
“Wag kang mag-alala…”

Sabay tingin sa kin.

“Mananalo talaga ako.”

Tumahimik ng saglit. Umihip yung hangin. Meron sa loob ko na parang ayoko na magreact. Mali nga naman ako, pero wala
lang. Parang masakit na isipin na ang hirap naman burahin yung alaala nung babaeng yun sa kanya.

“Oo ba…”
“Uh… Aiden sorry ulit…”
“Wag mo na alalahanin yun…”

Papalakad na kaming dalawa ni Jake… medyo malayo na kami dun sa kinaroroonan niya nung bigla niyang sinigaw.

“Alagaan mo si Kyleen ha? Kundi, malalagot ka sa kin!”


“Hindi mo na kailangang ipaalala sa kin yun. Ako ng bahala sa kanya mula ngayon.”

Ha?! Anong pinagsasabi ng dalawang to? Mga lalake talaga.

Nung pagkauwi ko, akala ko dun na matatapos ang araw. Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung reaksyon niya
nung nakita niya kong hahawakan na yung door knob. Parang… NAKAKAINIS! Naiinis ako sa parte ko. Eh ano naman kung
Makita ko yun di ba? Wala namang big deal. Ganon nab a ka “private” yung Lenlen na yun?

Ganon na lang ba siya kahalaga?!

RING.

“Hello?”
“Kai.”

Wah! OMG. Tumawag siya. Nako, Kai. Wag kang easy to get. Kunwari wala ka sa mood.

“Aiden? O, bakit?”
“Punta ka ulit bukas dito.”
“Bakit, magiging witness nanaman ako sa one on one niyo?!”
“hindi… Tayong dalawa lang…”

OMG… eto na talaga yun… Minarkahan ko yung May 11 ng isang happy face… eto na talaga yun… walang istorbo… AAAHH!!!

“Uh… o sige try ko ulit…”


“Sorry ha…”
“Bakit?”
“Nasigawan kita kanina…”
“Hindi naman yun sigaw. Ako nga dapat magsorry kasi nakialam ako sa gamit ng iba. Haha! Baka pagkamalan mo pa kong
klepto jan.”
“Eh sta. Sorry na rin.”
“O sure…”
“Sige, bye…”
“Bye din…”

Ano nanaman ba gagawin namin bukas? Sana exciting. Haha! This is it. Kami lang dalawa! Pero hindi kaya—

Hoi Kyleen. Kung anu-ano iniisip mo.

Hay nako! Kinikilig talaga ako to death. Pero, kailangan ng matulog.

Wait, ano nga palang oras? Di bale na. Impromptu na lang.

BUKAS.

Gumising ako. The usual morning, mas masaya nga lang. Nakinig lang ako ng music dahil super duper excited na ko. Sabi
ko kay ma, punta lang ako kena Geanne. Ayun.

Nagbike na ko papunta sa kanila ng mga 2:30. Although hindi ko alam kung anong oras talaga, inassume ko na lang na
2:30. Wala kasing sumasagot sa bahay nila.

“Tao po!”

Walang sumagot.

“Tao po!”

Wala pa ring sumagot.

Sabi na eh, niloloko lang ako ng gung-gong nay un. Pinapaasa ako! Dapat pala talaga nung tinawagan ko siya tas walang
sumagot, dapat inassume ko na hindi na tuloy. Hay.

Pabalik na ko nung…

“O, Kai!”
“Ang sama mo! Akala ko wala ng tao!”
“Mamaya pa sanang mga 4. Ang init eh!”
“San ka galing?”
“Bumili ng makakain.”
“Wala parin ba yung kasama niyo sa bahay?”
“Wala pa. Tae nga eh. Sobra sobra na yung day off nun. Tara, pasok tayo.”

Grabe. Ang lakas ng kabog ng puso ko. So… dalawa lang kami dito?!

Lakas. Ang lakas talaga ng tama ko dito.

Why?!

Pumasok kami sa loob… at iyon… at natural, may merienda. At pizza ngang talaga…

“sumbong kita kay Jake eh.”


“Bakit naman?”
“Siya kaya ang nagsabing gusto niya ng pizza!”
“Okay lang yun, yan lang nakita ko eh…”
“Don’t tell me… ikaw naghanda niyan?”
“Tunge. Binili ko lang to. Kitang kita mo pa yung ‘pizza hut o’. O ano, uupo ka ba?”
“Oo noh… di ko papalagpasin yung handa mo…”

So ayun, magkatabi kami habang kumakain. Kinukwento ko yung tungkol sa pagrereview center ko. Kasi si mama, dun ako
pinagreview center sa maraming nagrereview na taga private. Ayun. Puro landian yung mga lalake at babae dun, puro
conyong hindi ko maintindihan. Pero ayos lang, friendly naman ako sa kanila.

Haha. Siguro bitter lang talaga ako dahil hindi ko keri yung pagiging fashionista ng lahat. Pano, simple lang talaga akong
babae. Parang every time na pumapasok ako, lahat sila magpaparty after.

“Grabe naman.”
“Oo nga eh. Next time talaga!”
“Pano ka magkakaron ng next time eh isang beses ka lang naman magrereview center?!”
“Eh basta.”
“Sira ulo ka talaga.”
“Ano bang gagawin natin?”
“Gusto mo magbike? Ikot tayo.”
“Sige. Mukang masaya yan. Tara.”

Tapos lumabas kami. Habang kinukuha niya yung bike niya, kinuha ko naman yung bike ko.

“O, bat mo kinukuha bike mo?”


“Sabi mo magbbike tayo?”
“Oo nga. Pero sinabi ko bang, bike mo ang gagamitin?!”
“O, eh di anong gagamitin ko?!”
“Sasakay ka sa bike ko.”
“Eh pano ka?”
“Sasakay din.”
“Huh?!”

At dun ko lang nagets. Damn. Marunong siyang magpakilig. Wah!

Wag kang magpahuli sa bitag niya.

Pero…

Sige na nga. Isang beses lang naman eh.

Haha. Hipokrita ka talaga Kai. So ayun, sumakay na ko sa bike niya at “yinakap” siya. Naalala ko tuloy yung first day na
magkakilala kami. Sumakay din ako sa likod niya at halos nakalimutan ko na yung nangyayare nun.

“Grabe. Ang sarap ng hangin.”


“Oo nga eh. Perfect para mag—HOI! Hawakan mo nga yung—“
“Natatakot ka no?!”
“Eh!”

Sigaw ako ng sigaw pag hindi niya hinahawakan yung “manibela” nung bike. Bwisit talaga yun. Pero, kinikilig naman ako.
Haha. Nako. Ayoko na nga! Kaasar to. Gusto pa ata akong ibuking na may gusto na nga ako sa kanya!

Nung nakauwi na kami sa bahay niya, ayun. Andun na ata yung kasama nila sa bahay. Nagpahanda siya ng pagkain.

“Nood tayong dvd?”


“Ayos lang. Pero maya maya mejo uuwi na rin ako ha?”
“O sige. Ano gusto mo?”
“May SAW I ka ba jan?”
“Wala. Horror ba? Final destination 1. The grudge. The ring?”
“Eh. Napanood ko na yan eh.”
“Eto na lang. Lion King.”
“Lion King?!”
“Ang cute kaya niyan.”
“Hindi ko alam na pinagpapantasiyahan mo pala ang mga leon.”
“Ay nako. Sira ka. Umakyat ka na nga sa kwarto.”

So yun umakyat na ko. Bago ko buksan yung kwarto niya, napatingin ulit ako dun sa kwarto na hindi ko dapat buksan.
Napabuntong hininga na lang ako tapos pumasok na ko sa kwarto niya.

Ininsert ko na yung dvd dun sa player. Ang yaman talaga. May sarili pang tv set sa kwarto. Samantalang kami, sira na yung
tv. Harhar. Cinderella story ba to?

Haha. Hindi naman. Feelingera ako.

Nung narinig ko na paakayat na siya… hindi ko alam kung bat ako nagkaroon ng instinct na magtago. Tumawa na lang ako.
Nagtago ako dun sa closet niya. Bakit sa closet? Hindi ko din alam. Basta dun ako nagtago.

Narinig ko na nagbukas na yung pinto. Tumawa ako ng tahimik. Iniisip ko na baka isipin niyang andun ulit ako sa kwartong
hindi dapat buksan.

So yun naghintay ako.

Kaso…

ANG TAGAL HA.


Siguro mga limang minuto na ko sa loob ng closet niya. Ano ba to?! Ang tagal naman niya. Pero, hindi ko naman narinig na
lumabas siya.

OMG.

Baka naman may pumasok na magnanakaw?! Shems.

Ay grabe talaga ang imahinasyon mo Kai. Pero, tingin ko sobrang tagal ko na dito. Baka joke lang yung naring kong may
pumasok.

Makalabas—

“Huli ka!”

Nagulat na lang ako paglabas na pagbukas ko sa closet at paglabas ko, nakatayo na siya sa harap ko. Kailan pa niya
nalaman na andito ako?!

“Kailan mo pa nalamang andito ako?!”


“Ganyan ka naman lagi.”
“Ha?!”

Tapos di ko alam… parang ang bilis ng pangyayari… Bigla na lang niya kong kinuha at yinakap ng tahimik. Ang lakas ng
kabog ng puso ko na parang…

Totoo ba to?!

Sabagay. Mahilig naman talaga siyang yumakap. Bakit pa nga ba ako mabibigla na yakap niya ko? Bakit pa ko mabibigla
na…

Magkayakap na kami?

“Huli na to… pramis.”


“Bakit?”

Pero hindi na niya sinagot yung tanong ko. Pero di bali na… Parang ayoko matapos tong oras na to.

“Tara. Nood na tayo.”

Habang nanonood kami, hawak hawak niya yung kamay ko. Eto na kaya? Kami na ba? Haha. Ang feeling. Pero, bat niya
hinahawakan yung kamay ko? As friends? FRIENDS? Oh kamon Kai. Uso pa ba yung ‘sorry friends lang kami’ na ganito?
Sabagay, eh bat kayo ni Jake? Pero hindi eh. Iba yun—

“Parang ang lalim ng iniisip mo?”


“Ah w—wala.”
“Gutom ka na ba?”
“Hindi. Pero…”
“Pero?”
“Nagtataka lang ako kung bat hawak mo yung kamay ko?”
“Akala ko hindi ka na magtataka eh.”

Nung parang feeling ko bibitawan na niya, hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit.

GOSH. What have I done?!

Shems. Ayan na.

Nakatingin na siya sa kin.

“Bakit?”
“Ah… para kasing… ang lamig?”

Haha. Stupid excuse… again.

Ngumiti na lang siya.

And for the millionth time…

I saw heaven.

Umalis na ko sa bahay nila after naming manood nung movie. Yung lion king. Para ngang hindi ko din napanood dahil
sobrang busy ko magimagine. Sobrang busy ko paringgan yung puso kong tumatalon at natutuwa sa kilig.
Yun ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko…

Well. Lahat naman ata ng araw na kasama siya… masaya na. So, mahirap idefine ang “pinaka” sa ngayon.

Pero… alam ko… at sisiguraduhin kong…

Hindi pa yun huli.

You might also like