You are on page 1of 2

Phil IRI Form 1-Pretest

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: ______________ Pagganyak: Ano ba ang El Nio? Ano ang dulot nito sa buhay ng tao?

El Nio sa Buhay ng Tao


Tagtuyot ang hated ng salitang El Nio. Nakalulungkot isipin na dahil ditto, bumababa ang water level sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog, batis at talampas. Sa pagbaba ng water level, nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng La Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod ng Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at ng mga bukirin sa mga karatig probinsiya nito. Malaki ang epektong dulot ng El Nio sa buhay ng tao. Magkukulang sa suplay ng tubig na inumin at iba pang domestikong pangangailangan. Isa pa, kailangan din ng mga halaman at hayop ang tubig, mahahalagang kasama ng ating kapaligiran. Hindi rin ligtas ang ating kagubatan. Dahil sa sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga puno. Higit sa lahat, apektado ng El Nio ang suplay ng kuryente sa ating bansa. Dahil walang tubig, walang kuryente.
Gr. V Bilang ng mga Salita : 146

Mga Tanong: Literal 1. Ano ang hatid ng El Nio? Sagot : tagtuyot 2. Saan matatagpuan ang La Mesa Dam? Sagot : Lungsod ng Quezon 3. Bakit nakalulungkot isipin ang tagtuyot? Sagot : Dahil bumababa ang water level ng mga anyong tubig. ____________

____________

____________

Pagpapakahulugan

4. Ano ang epekto ng El Nio sa buhay ng tao? Mga inaasahang sagot: y Magkukulang ang suplay ng tubig na inumin at iba pang domestikong pangangailangan. y Magkululang ang tubig para sa mga pananim. y Magkululang ang tubig para sa mga hayop.

___________

5. Bakit mahalagang pangalagaan ang ating mga halaman ___________ at hayop? Mga inaasahang sagot: y Dahil sila ay mahahalagang kasama ng ating kapaligiran. y Dahil sila ay pinagkukunan din natin ng ating ikinabubuhay. Paglalapat 6. Sa inyong bahay, paano mo ginagamit ang tubig? ____________ Mga inaasahang sagot: y Naglalagay ng tubig sa baso ayon lamang sa pangangailangan. y Gumagamit ng palanggana kapag naghuhugas ng mga pinagkainan. y Gumagamit ng baso kapag nagsisipilyo. y Isinasara ang gripo kapag hindi ito ginagamit. y Inilalagay sa isang timba ang nagamit nang tubig na maaari pang gamiting pandilig sa mga halaman o pambuhos sa palikuran. 7. Paano ka nakatitipid ng kuryente? ____________ Mga inaasahang sagot: y Pinapatay ang ilaw kapag hindi ginagamit. y May takdang oras lamang ng panonood ng telebisyon at paggamit ng kompyuter.
y Hindi nagbubukas ng electric fan kung hindi naman mainit o maalinsangan.

You might also like