You are on page 1of 1

Ang Tunay NA Pasko Ng Mga Pilipino By: Leonilyn Centino Dagoplo ( Dec. 9, 2011,11:00 a.

m) Hindi lamang tuwing kapaskuhan Aking nasisilayan, Ang kaaya-ayang katangian Nitong aking mga kababayan. Ang pagiging bukas-palad sa nangangailangan, Isa sa mga katangian na dapat nilang tularan. Ang kahirapan ay hindi dahilan Upang di tumulong sa mga nawalan. Kung tuwing pasko naman, Hindi ang dami ng handa ang basihan Nang maging masaya ang isang tahanan. Kundi ang maligayang pagdiriwang ng buong pamilya sa kaunting handaan. Sa hirap na ating natatamasa, Ngiti pa rin ang iyong makikita. Ito ay nagpapatunay lanmang, Na sa pagiging masaya problemay di hadlang. Pagmamahalan at pagpapatawad Ang susi ng kaligayahan. Kaya naman walang katulad Ang ating pagdiriwang sa kapaskuhan. Ang mga magagandang katangiang ito, Ang dapat na ipagdiriwang mo. Sapagkat ang tunay na pasko Ay nasa puso ng bawat Pilipino.

You might also like