You are on page 1of 4

Panawagan para sa mga KONTRIBUSYON

Daan Pa-Libertad Via Tondo-Recto


Isang Antolohiya ng mga Sanaysay
Para Gunitain ang ika-120 Anibersaryo ng La Liga Filipina at ng Katipunan/KKK
sa pamumuno ng Backpackers Media Group, Inc. at Institute of Nationalist Education and Republican Democracy (INERD)

DEADLINE: Hunyo 22, 2012 (Biyernes) Iemail ang kontribusyon sa: nitroglicirina@gmail.com PARA SA DETALYE, BASAHIN ANG MGA SUSUNOD NA PAHINA

Panawagan para sa mga KONTRIBUSYON Daan Pa-Libertad Via Tondo-Recto Isang Antolohiya ng mga Sanaysay Para Gunitain ang ika-120 Anibersaryo ng La Liga Filipina at ng Katipunan/KKK

KONSEPTO: Sandaat dalawampung (120) taon ang nakararaan, itinatag ang La Liga Filipina at ang Katipunan ng mga mamamayang naghangad hanapin ang landas ng kalayaan o libertad ng bayan sa larangan ng ekonomya, edukasyon, kultura at politika. Sa kasamaang-palad, hindi pa rin ganap na nakakamit ang minimithing kalayaan. Gutom, alipin, busabos at aping-api pa rin ang sambayanan ni Rizal at Bonifacio. Gayunman, nananatiling inspirasyon ng sambayanang Pilipino ang La Liga Filipina na itinatag sa Tondo, at ang Katipunan na itinatag sa kalyeng ngayoy Recto, sa pagtuklas ng daan tungo sa ganap na libertad. Layunin ng antolohiyang ito na magtipon ng mga bagong sanaysay/essay hinggil sa La Liga Filipina at Katipunan bilang paggunita sa ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng mga ito. Anumang may kaugnayan sa La Liga at sa Katipunan ay maaaring isama sa antolohiyang ito. Gayunman, hinihikayat ang mga magpapasa na ikonekta sa mga kontemporaryong problema ng Pilipinas ang kanilang sanaysay/essay. FORMAT ng Pagpapasa: Short bond paper, 12 font size, Arial, 1 margin sa lahat ng gilid, 1.5 spaced, 2-10 pahina; lagyan ng maikling bionote 2-10 sentences; isama ang contact number at iemail sa nitroglicirina@gmail.com WIKA: Filipino o Ingles (pasimplehin ang wika, hanggat maaari) DEADLINE ng Pagpapasa: Hunyo 22, 2012 (Biyernes) PROSESO ng Editing: Gramatika, linaw ng pahayag at spelling lamang ang pokus ng editing. Garantisado ang pagtanggap bastat makabuluhan ang nilalaman at walang gaanong problema sa gramatika. PETSA at FORMAT ng Release: Hulyo 2, 2012 bilang ebook/.pdf file (may posibilidad din ang print publication pero libreng release bilang ebook ang pangunahing target).

PARA SA MGA MUNGKAHING PAKSA BASAHIN ANG SUSUNOD NA PAHINA.

Mga Mungkahing Paksa para sa Daan Pa-Libertad Via Tondo-Recto (hindi kumpleto ito; anumang may kaugnayan sa La Liga Filipina at Katipunan ay maaaring ipasa)

* Magagandang programa/plataporma ng La Liga at/o Katipunan na pwedeng ipatupad/iimplement sa Pilipinas ngayon * What-if essays (eksplorasyon/ispekulasyon sa kung ano ang nangyari sa kasaysayan kung nagtagumpay ang La Liga at/o nagtagumpay ang Katipunan sa mga orihinal nitong layunin) * La Liga Filipina at/o Katipunan sa kulturang popular (halimbawa, mga pangalan ng kalsada atbp. na may kaugnayan sa La Liga at Katipunan at ang mga problema ng Pilipinas na makikita sa mga kalsadang iyon) * Mga traydor na miyembro ng La Liga at Katipunan * Impluwensya ng La Liga at/o Katipunan sa mga kilusang sosyalista at/o radikal at/o komunista at/o mga unyon/labor organization sa Pilipinas * La Liga at/o Katipunan sa panitikan (allusions atbp.) * Ang La Liga at/o Katipunan at ang Iglesia Filipina Independiente * Mga miyembro ng La Liga at/o Katipunan na nanatiling tapat sa bayan * Nasyonalismo ng elite at petiburgesya noon at ngayon (o kung mayroon pa nga ba silang nasyonalismo ngayon) *Malasosyalista/socialistic na programa ng La Liga at/o Katipunan *Krisis-Pandaigdig at ang programa ng La Liga at/o Katipunan *La Liga at/o Katipunan dapat bang buhayin ngayon? *What-would-Rizal/Bonifacio-do essays (ispekulasyon sa kung ano ang gagawin nina Rizal at Bonifacio kung minalas sila na kasama natin ngayon) *Alam pa ba ng kabataan ngayon kung ano ang La Liga at/o Katipunan? Malalim pa ba ang pag-unawa nila sa ideolohiya ng mga ito? Bakit o bakit hindi? *Iba pang paksang may kaugnayan sa La Liga at/o Katipunan Para sa mga online source kaugnay ng La Liga at/o Katipunan, BASAHIN ANG SUSUNOD NA PAHINA.

Online Sources Kaugnay ng La Liga at/o Katipunan


http://en.wikisource.org/wiki/Constitution_of_La_Liga_Filipina_%281892%29 http://www.mb.com.ph/articles/325167/the-reformists-la-liga-filipina http://www.philippine-history.org/la-solidaridad.htm http://www.philippine-history.org/katipunan.htm http://www.elaput.org/pinskbnt.htm http://kartilya-katipunan.blogspot.com/ http://www.filipiniana.net/ http://opmanong.ssc.hawaii.edu/filipino/katipunan.html

You might also like