Professional Documents
Culture Documents
Hundred in One
Hundred in One
Sabi nga nung mga kaibigan ko dati, masarap daw ang pakiramdam ng sikat. Yung tipong, ikaw yung
hinahangaan. Naisip ko naman, lahat naman ng positive side, may ka-equal sa negative side.
Hindi naman puro maganda ang kinalalabasan.
I'm just the girl next door. Well, hindi naman yung literal na meaning. Typical girl kumbaga.
Yung mame-meet mo sa pangaraw-araw. In short, average lang. Pero may nagsasabi sa akin na hindi
raw ako average. Sometimes above or below. Kainis na mga yun!!!
Ang lakas ng loob na sabihing above average ako?
4th year high school na nga pala ako. Bagong school. Sa katunayan, hindi naman na talaga bago
sa akin ang 'Edison High School.' Nakatira naman na kasi kami dito sa lugar na ito, dati pa.
Kaya lang na-destino yung Papa ko sa ibang lugar kaya napilitan kaming lumipat. Pero ngayon,
stay-put na siya. Hindi na yata namin kailangang lumipat uli. Kaya bumalik na naman ako sa
pinanggalingan ko.
Makikita ko na naman yung mga naging kaibigan ko dati.
I have two brothers. Yung isa mas matanda sa akin, yung isa mas bata. Nagkataon namang yung mas
bata sa akin eh ang mortal kong kaaway sa bahay namin! Si Kuya naman, hindi nakatira sa amin
dahil college na siya.
Bakasyon pa naman. Ini-enjoy ko pa naman dahil kapag nagpasukan na, magsisimula na ang
nightmare. Hindi pa maayos yung bahay namin mula sa pagkakalipat, marami pa kasing hindi
nabubuksang kahon. Pero syempre, inuna kong ayusin yung kwarto ko. Aba, yun ang pinakamahalaga
ha!
Sa school ko dati, school paper staffer ako. Ewan ko lang ngayon kung makakasama ako. Kung
swertehin siguro.
Ganito nga pala ang isa sa mga senaryo sa bahay namin. Ang sarap-sarap ng tulog ko at tipong
nananaginip pa ako tapos eto yung maririnig mo.
"KRISTEN CARYLLE! BUMABA KA NGA DITO AT TUMULONG KA! LAGI KA NA LANG NASA KWARTO MO!"
That's my mom! Kapag galit sa akin yan, buong-buo yung pangalan ko. Kaya eto na naman, ang
lakas na naman ng sigaw niya. Dinig sa buong bahay.
So... dinilat ko naman yung mata ko. Maliwanag na nga.
Let's just say I woke up in an ordinary Saturday morning, or so I thought...
***1***
Tumayo ka na nga Kristen at baka mamaya lang may dala na namang walis tambo ang nanay mo sa
labas ng kwarto mo.
"Bababa na! Kagigising lang eh!"
Kainis na yan. Nanaginip pa man din ako ng kung ano. Hindi ko nga lang matandaan pero maganda
yun eh.
"Bilisan mo na! Mabuti pa itong si Angelo ang dami ng naitulong!"
Yeah right! Si Angelo. Ang aking kapatid na ang sarap ihulog sa canal. Madalas kasi sa aming
dalawa, kakampi niya si Mama. Hindi naman dahil sa favoritism, nagkakataon kasing kapag nagaaway kami at masyadong physical, ako ang nananalo. Maliit lang kasi yung kapatid ko. Grade 4
pa lang. Pero dati naman sinuntok ako nun sa braso at nagpasa, si Mama naman eh kumampi sa
akin.
Si Papa naman, wala lang. Nasanay na siguro sa amin. Katulad ni Mama, minsan kakampi ko, minsan
kakampi ni Angelo.
Niligpit ko naman yung pinaghigaan ko, tapos pumasok ng banyo. Syempre, bumaba rin ako at
nakita kong nagbubukas sila ng mga kahon kaya ang kalat na naman sa bahay. Nagkakamot pa nga
ako ng ulo ko nung nakababa na ako.
"Ano ba naman yan Kristen nakapajama ka pa! Magbihis ka nga!" sabi ni Mama sa akin nung
nakababa na ako.
"Sabi mo bilisan tapos ngayon..." tapos nung aakyat na ako sa hagdan eh nandun na naman yung
kapatid ko sa gilid.
"Buti nga!" sabi niya sa akin habang nagbubuhat siya ng kung ano man yun.
"Ito gusto mo?!" sabay arte ko naman na susuntukin ko siya.
"Maaaaaaa!!! Si Kristen oh!"
"Magsumbong ka, sige!" tinakot ko naman siya. Sa totoo lang, hindi ko naman yun gagawin. Ang
sarap lang talagang pagtripan ng kapatid ko. Sumbungero nga lang.
"Maaaaaa!"
"Hmpf! Bwisit!"
"Kristen, tigilan mo yang kapatid mo! Ang aga-aga.."
At magsusumbong nga! Nakakainis. Dinilaan ba naman ako.
Si Mama, hindi mo naman maintindihan. Pinababa ako ng mabilis kaya ginawa ko, tapos nung nandun
na ako pinaaakyat ako uli para magbihis! Ano ba naman yan?!? Ang aga-aga nga eh sira na naman
yata ang araw ko.
Hindi pa ako nakakatatlong hakbang sa hagdan eh may tumatawag na naman sa akin.
"Kristen.." si Papa.
"Po?"
"Tumawag dito si Neriah kanina. Alam na niya na nandito tayo kaya..."
"Opo Papa! Alam ko na!" tapos yung hakbang ko sa hagdan, dala-dalawa na.
Grabe, si Neriah! Kaibigan ko yun dati, Buti naman nandito pa rin siya. Namimiss ko na yung
bruha na yun! At alam ko na kung saan ko siya makikita. Sa Playground syempre. Dun kami madalas
tumambay. Sa tapat naman yun ng Edison Elementary. Katabi ng high school.
At kapag mamalasin ka pa talaga, dun mag-aaral ang aking pinakamamahal na kapatid.
Syempre pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at tumulong din naman. mabuti na lang at
napigilan ko pa yung sarili ko na hindi batukan yung kapatid ko. Himala nga at tinulungan ako
magbuhat. Aba! Kung ganyan ba ng ganyan eh di nagkakasundo kami.
Naligo naman ako nun. Amoy alikabok na yata ako eh. Tapos nagbihis ako, at sumagot sa sampung
tanong ni Mama kung saan na naman daw ako pupunta. Isa lang naman ang kailangan ko... 'peace of
mind'. Pero kapag nandyan si Angelo sa bahay, malabong mangyari yun.
Nabadtrip pa ako. Si Papa kasi, aalis na naman daw. 5 days yata siyang mawawala. In short, si
Mama at Angelo lang ang makakasama ko sa bahay. Whatta' life!
Dinala ko yung maliit na bag ko. May ballpen dun, cellphone ko, notebook, post-it-notes at kung
anu-ano pa. Ano pa nga bang gagawin ko? Magsusulat ng kung ano.
Tinignan ko yung Edison Elementary, at tumawid sa playground. Kainis!
Kapag may problema ako, weird ang pinaggagagawa ko. Dati nung grade 5 ako, nag-dial ako sa
landline namin ng number na hindi ko kilala. Kapag may sumagot, sa kanya ako iiyak. Isha-share
ko yung problema ko. Kapag ok na ako, binababa ko na at hindi ako nagpapakilala.
1st year naman ako nung sa text ko naman ginawa. Nanghula ako ng number at sinabi ko na naman
yung problema ko. Ang nakakainis lang, nakikipagtextmate naman yung nakatanggap. Nabwisit ako
kaya, nagpalit ako ng sim card. Kailangan ko kasi ng kausap kapag may problema. Bihira akong
mag-share sa friends eh, hindi kasi nila ako kilala sa pagiging 'iyakin'.
Pero ngayon, ayokong gamitin yung phone ko. Isusulat ko na lang. Bahala na nga! This is a great
job for my post-it-notes!
'Badtrip ako. Bwisit talaga! Aalis na naman ang Papa ko. Bakit ba kasi aalis pa yun?!?'
Dahil sa sobrang inis ko, dinikit ko doon sa railings malapit sa puno, na malapit din sa slide
at pavillion. Bahala na nga. Pakialam ko kung may makabasa niyan. Alam ba nila kung sino ako?
Basta gusto kong i-share.
O siya, makapunta na nga lang kay Neriah. Mukhang walang tao dito.
Hanggang sa nakapunta ako sa bahay nila Neriah...
the real story has begun...
***2***
Umalis na ako nun sa playground at sumakay. Ang tagal ko ng 'di nakikita yung lugar na ito, ang
dami na ring nagbago. Dati wala yung Jollibee dun sa kanto sa may likuan, ngayon meron na.
Dati rin nung umalis ako ang ganda pa nung damo sa tapat ng park, tignan mo nga naman ngayon
kalbo na!
Naglakad lang ako saglit. Nakita ko na yung brown na bahay. Kahoy kasi eh! Tatawag na sana ako
sa labas kaya lang may tao doon sa labas sa duyan.
"Hindi malaman kung anong gusto.. kanina lang..."
Tinignan ko naman kung sino yun. Si Nanay Rebecca pala. Sino ba ang kausap nun? Naku...
kakatakot ha.
"Nanay Becca!" sinigaw ko nung nasa gate na ako.
Lola siya ni Neriah. Hindi po Nanay!
Naku! Kasalanan ko yata... nahulog ba naman sa duyan! Kaya ako naman, napatakbo ng de-oras.
"Anak ng tokwa itong batang ito oh! Ginulat mo pa ako!" sabi niya nung naalalayan ko na siya.
Akala ko nga galit eh, pero tumatawa. "Iba na talaga kapag tumatanda."
"Nanay, si Neriah po?"
Tinignan niya ako na para bang nagbabasa siya ng libro at hindi niya mabasa ang letra isa-isa.
Ang lapit-lapit kasi ng mukha niya sa akin. Parang inoobserbahan ako.
"Ikaw na ba yang bata ka? Kacee ikaw ba yan?"
Hindi na nga ako nagkamali, si Nanay Becca nga ito. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng
Kacee. Nickname ko kasi dati, KC. Hindi niya mabigkas ng tama, kaya ayan.
"Opo. Nanay naman, hindi na po ako kilala sa tawag na KC, Kristen na po."
"Eh ang tangkad mo na ah! Natangkaran mo pa ang nanay!"
Aba, tumawad pa! Talaga namang mas matangkad ako kay Nanay Becca. Ano bang height nito? 2 feet?
Hindi.. nagbibiro lang.
"Neriah apo! May bisita ka dito!" tinawag niya doon sa bintana.
"Nasa taas po ba siya? Ako na lang po ang aakyat? Ayos na po ba kayo? Sorry po talaga."
"Ayos na ako Kacee. Puntahan mo na siya."
Pumasok naman ako sa loob ng bahay nila dahil bukas naman yung pinto. Kaya lang bago pa ako
nakapasok, narinig ko na naman na may kausap si Nanay Becca pero wala namang tao doon.
Naku, tinatakot na talaga ako ng matandang 'to.
Inakyat ko naman yung hagdan nila. Ang kinis! Parang yung bahay nila, back to the Spanish Era
pa ah!
Pagpasok ko doon sa unang kwarto sa kanan, may nakaupo doon sa table malapit sa bintana.
Nakasalamin.
"Oh, baka tumalino ka na naman ng husto niyan!" sabi ko doon sa pintuan. Lumingon din naman
siya sa akin.
"KC!!! Nandito ka pala!" tapos tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Oo, nandito nga ako. Hindi naman siguro ako mumo dito!" sabi ko nung humiwalay na siya. "O ano
na? Bakit wala ka yata sa galaan ngayon?"
"Nalimutan ko kasing humingi ng pera kay Papa eh. Maasahan mo ba si Nanay Becca?"
Sabay pa kaming sumilip doon sa bintana. Hay naku, nagsasalita pa rin si Nanay Becca habang
nakapikit yung mata at nagpapaypay. Napasimangot na lang akong bigla.
"Hindi naman sa masama ang ibig kong sabihin pero, anong nangyari kay Nanay? Mukhang may
kinakausap pero wala naman."
"Ahh, yun ba? Huwag mo na lang pansinin. Malungkot kasi yan at hindi tumubo yung mga tanim
niya. Kaya ayan, kinakausap baka sakali daw maagapan. Pabayaan mo na... paniwala daw kasi nila
yun noong araw."
"Mukha nga..."
Naupo naman ako doon sa kama niya at siya naman doon sa upuan sa lamesa uli.
"Dito ka na talaga uli mag-aaral?" tapos tinaggal niya yung salamin niya.
"Oo kaya! Edison High School. Tiyak magkaklase na naman tayo."
"Tiyak magugulat yung iba na nakakakilala sa 'yo diyan! Pero dahil bago ka tiyak magpapakilala
pa!"
"Yeah. Oo nga pala Neriah, favor lang... hindi na kasi KC nickname ko eh. Kristen na. Eh yung
KC ang dating sa akin eh 'girlie-girlie'."
"Ok.. KRISTEN!" sabi niya habang ang kulit ng mukha. "Kumusta na nga pala sina Mama at Papa mo
saka si Angelo?"
"Ok naman si Mama. Si Papa as usual aalis na naman. Limang araw yata. Badtrip nga eh. Si
Angelo? So far buhay pa naman. Ewan ko nga bakit hindi ko pa tinuluyan yun sa drum namin sa
banyo dati eh!"
"Yung Kuya mo? Hindi niyo ba kasama?"
"Wala eh, nagdo-dorm na kasi yun." ako naman eh tumayo na. "Tara nga. Medyo badtrip ako.
Nagpunta ako kanina sa playground eh, feeling ko pasukan at nandun ka. Gala tayo.. libre kita."
Nagbihis naman si Neriah. Ang bilis nga eh. Mukhang naiinip na rin yata sa bahay nila.
Nagpaalam nga kami kay Nanay Becca na kausap pa rin yung tanim 'daw' niya hanggang sa nakaalis
kami.
Naglakad lang kami dahil sa kanto pa yung sakayan.
"So, ano namang pagbabago sa Edison?"
"Ganun pa rin naman. Lumaki nga lang yung canteen. Inayos din nila yung gym saka yung open
bleachers dati, may bubong na! Nilulumot kasi dati sa ulan. Pero ngayon, ok na."
"Aba, asensado ang Edison ha! Feeling New York na rin! Eh yung bahay niyo naman, bakit malayo
pa rin sa kabihasnan hanggang ngayon?"
"Syempre, yung lola ko!"
Nung nakasakay na kami, nagkwento lang si Neriah. Sinabi niya yung tungkol sa mga classmate
namin dati at kung ano ng balita. Yung naging crush daw niya na nabungi dahil nasuntok.
Hindi naman malayo yung bahay nila sa school.. kaya nakarating din naman kami. Wala pa ring tao
maliban sa tatlong bata. Ang lungkot yata ngayon.
"Tara, upo tayo doon. Nandun ako kanina eh."
"Nagsusulat ka na naman?"
"Sana nga may nasulat na may kwenta. Kaya lang dahil badtrip ako kanina ang nasulat ko lang
eh..."
Tinignan naman ako ni Neriah. Ayokong sabihin. Hindi ko ugali yun eh. Hindi Kristen. Huwag.
"Ice cream gusto mo? May naglalako eh."
"Sure!"
Mabuti na lang naalis yung isip ni Neriah doon sa sasabihin ko. Parehas lang kaming bumili ng
ice cream. Nauna akong bumalik sa kanya kasi naiwan ko yung bag ko sa pavillion at nandun yung
wallet ko.
Nung napahawak na ako doon sa strap ng bag ko, may napansin ako doon sa gilid. Nandun pa rin
yung post it note ko na nakadikit at medyo siksik sa railings. Teka, hindi naman ganyan yung
pagkakalagay ko kanina ah!
"Kristen!"
Inalis ko na lang yung tingin ko. Tumakbo na ako at binayaran yung ice cream. Gagala daw kami
sa mall. Syempre, bibili rin pero kadalasan na gagawin namin eh Window shopping lang.
Kaya lang dahil hindi ako mapakali, tumakbo ako doon sa gilid at kinuha ko yung post-it ko.
Siraulo ka talaga Kristen.
Itatapon ko na lang siguro. Pagkabukas ko sa post-it dahil dumikit sa kamay ko, may nakita ako.
Huh? Wala akong natatandang sinulat ko 'to kanina. At lalong hindi rin ito yung handwriting ko.
Yung simula sulat ko, pero ito... definitely not.
'Hindi naman siya aalis kung walang reason 'di ba? Malay mo, para sa 'yo rin yun.'
Sino naman kayang walang magawa sa buhay na tulad ko ang sumagot dito?
***3***
"Ano yang hawak mo?" sabi ni Neriah sa akin kaya naman mabilis kong tinago yung post-it sa
bulsa ng bag ko.
"Wala. Tara na nga, gala na tayo sa mall."
Umalis na kami doon sa playground at sumakay para makapunta ng mall. Wala pa ring masyadong
pagbabago si Neriah, madaldal pa rin kahit papaano. Kaya nga nung nakarating kami sa mall,
bumili kaagad yun ng inumin. Nauhaw kaagad ang bruha.
Ako naman, hindi mapakali at tinignan ko uli yung sumulat sa post-it ko. Kung tutuusin, may
point naman siya. Para sa akin din naman yung pag-alis ni Papa.
Gabi na yata kaming nakauwi ni Neriah. Dahil ako yung may pera nun, sinamahan ko pa siya
hanggang sa nakauwi siya sa bahay nila. Mabuti na nga lang at wala na si Nanay Becca doon sa
duyan. Kung hindi ko lang talaga alam, natakot na talaga ako doon.
Nag-tricycle na lang ako nung pauwi na ako ng bahay. Gabi na kasi para maglakad pa. Bukas pa
naman yung ilaw nun sa bahay kaya alam kong gising pa sila. Malamang lang! Alas-7 pa lang
naman.
Pagpasok na pagpasok ko doon sa loob, bumungad kaagad sa akin yung likod ng kapatid ko na
nanonood ng anime sa TV.
"Ma, nandito na si Ate!"
I can tell, there's something wrong with my brother. Himala yata at ate niya ako ngayong araw
na ito?
"Hindi na po kailangang magsumbong, narinig naman na pumasok ako."
"Sinumbong ba kita? Sinabi ko lang eh."
Nasa banyo pala si Mama nun. Paakyat na ako ng hagdan nung napansin ko yung mukha ni Angelo.
Aba, mukhang seryosong-seryoso ito.
"Oi, 'wag mong seryosohin yang nilalaro mo at baka ma-stroke ka na lang bigla dyan. Maging
abala ka pa at dalhin pa sa hospital." sabi ko na lang nung pinuna ko yung kapatid ko. Ganyan
naman ako kapag nagtataka o kaya naman nag-aalala sa kanya... hindi ko na lang pinapahalata.
Tinignan naman niya ako. Yeah, kakaiba nga ito ngayon.
"Akyat na nga ako. 'Wag kang bigla-bigla na lang sumusulpot sa kwarto ko. Tatamaan ka sa akin."
Alam kong may narinig akong sinabi si Angelo doon nung nakarating na ako sa huling hakbang ko
sa hagdan. 'Umalis na nga pala si Papa kanina, baka gusto mong malaman. Friday na siya
babalik.'
Dumeretso naman na ako sa kwarto ko. Umalis na pala si Papa hindi ko man lang alam. Akala ko ba
bukas pa? Naman! Badtrip. Si Angelo kahit mama's boy yan, halata mo pa rin na ayaw niya ring
umalis si Papa.
Nung sumunod na araw, naisipan kong bumalik doon sa playground. Kaya lang, aalis din si Mama
nun kaya ako ang in-charge na magbantay kay Angelo. Nakipagtalo pa nga ako eh, sinabi ko kasi
na ang tanda-tanda na nun para bantayan pa. Kaya ako naman eh walang choice kundi isama siya.
Tinanong pa nga niya ako kung ano daw ba ang gagawin ko doon, pero syempre.. hindi ko sinabi.
Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa isip ko. Nung dumating kami doon, pinalayo ko muna
si Angelo at hinayaang kong maglakad. Kumuha ako ng bagong post-it note, tapos nagsulat ako ng
'Thanks' kung sino man yung nagsulat nun. Tapos tinanong ko sa kadulu-duluhan kung guy ba siya
or gal...
Hindi naman sa habit pero naging madalas kong routine yung pumunta sa playground. Siguro dahil
sa dahilan na tambayan namin yun ni Neriah dati pa, pero syempre para tignan yung post-it.
Hindi pa rin alam ni Neriah yung tungkol doon, at wala rin naman akong balak sabihin sa kanya.
Nababaliw na nga siguro ako. Kasi naman, lahat ng nakuha ko doon, tinatago ko pa. Pati ba naman
yung sagot niya na'Guy' sa post-it nung tinanong ko siya eh tinabi ko pa. Para 3-letter word
lang!
So far kapag nababadtrip ako, sinusulat ko na doon. May sumasagot naman parati. Nung nakaaway
ko si Angelo, nagtalo kami ni Mama, pinagalitan ako ni Papa (nung dumating na siya) eh ilan
lang naman sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. Sinabihan pa nga niya ako na nakakatawa raw yung
tungkol sa amin ng kapatid ko. Normal daw kas na nag-aaway ang magkapatid. Ang saya nga raw
namin siguro.
One time nga nung nagpunta ako doon, ang daming tao sa playground kaya nagtingin-tingin ako
sakaling isa sa kanila eh yung nagsusulat doon. Hindi niya alam yung pangalan ko, hindi ko rin
alam yung sa kanya. Ayoko namang malaman eh. Parang katulad ng dati.
Nag-share din siya ng problema niya dati. Unang beses na ginawa niya yun.
'Hindi maganda nangyari sa bahay namin kagabi eh. Nag-away kami ng Daddy ko. Kadalasan kasi
siya laging nasusunod, pero yung gusto ko minsan hindi na importante.'
Hindi naman detalyado, pero parang alam ko na yung ibig sabihin niya. Hindi ako magaling sa
advices eh, pero dahil tinutulungan naman niya ako eh nagbigay din naman ako. May kwenta man
yun o wala, hindi ko alam. Basta ang alam ko nagpasalamat din siya sa akin.
Nagpalitan kami ng messages nun through post-it notes ng buong summer vacation.
Monday, 5:30 am.
"Kristen, bumangon ka na diyan!"
Si Mama yun, boses pa lang.
"Opo. 5 mins!"
"Eto na naman yan 5 mins mo. Kanina pa kita ginising kaka-5 minutes mo inabot ka na ng 5:30. Si
Angelo..."
"Ok fine! Ano na namang meron sa dagang yun ngayong umaga?"
Pinagalitan na naman ako ni Mama. Sinabi niya na lagi na lang akong naka-angil kay Angelo eh
samantalang bata lang eh pinapatulan ko pa. Ako na daw itong dalaga na tapos ganito pa rin
kumilos. Yeah.. yeah right! I heard the same lines before.
Syempre, dahil hinatid ni Mama si Angelo sa school, ako na lang daw ang bahala na pumunta sa
Edison High School. Hindi ko naman feel na ihatid pa ako ni Mama. Ano ako? elementary?
Nilakad ko na lang simula elementary hanggang high school. It's so nice to be back. Ang daming
tao nun sa gate, mga nagdadaldalan pa at mukhang na-miss ang mga kaklase. Asus! Ganun pa rin
naman ang mga mukha niyan!
Ok, sabi sa schedule ko eh ang classroom ko eh Bldg H-001. Ang alam ko, ang admin eh dito sa
kaliwa, which means sa tapat nun eh library, tapos building H. Lakad na Kristen, at baka malate ka pa.
Nilakad ko nga yung corridor. Binasa ko yung mga nakasulat sa taas ng pinto. Eto naman ang ayaw
ko sa Edison High, kadalasan ng mga classroom eh walang bintana, yung pinto lang ang meron.
Tumayo ako doon sa tapat ng building na inaasahan kong Admin. Dun kasi yung admin dati. Pero
ngayon... iba na ang nakalagay. Weight lifting? Tinignan ko rin yung katapat na dating library.
Science Club Office na yun. Alright, I'm lost.
Magtanong ka kaya Kristen!
Hawak-hawak ko yung binder ko na may mga notebook papers sa loob na hindi ko pa naaayos. Nakita
ko yung lalaki na nagtetext doon sa gilid malapit sa hallway papunta ng weight lifting room.
"Excuse me..."
Tumingin naman yung lalaki at huminto sa pagtetext.
"Ano yun?"
"Pwede bang magtanong?" sbai ko nung nakatingin siya.
"Sure. Tungkol saan ba?"
"Kasi medyo nalilito lang ako. Dati kasi admin yung nandirito eh. Gusto ko lang malaman kung
nasaan na ba yung Bldg. H?"
Ngumiti naman siya sa akin. Tapos, may narinig akong tumawa doon sa gilid. May isa pang lalaki
doon sa gilid na nakatingin sa amin at mukhang nakikinig. At ang bwisit eh patawa-tawa pa? May
nakakatawa naman kaya?
"Sorry Miss, bago lang ako dito eh. Oi, ikaw nga magsabi kung saan."
Tumayo naman yung lalaki na tumawa kanina. Parehas silang naka white shirt at black shorts na
naka-print eh 'Edison High Weight Lifting Class'.
"Sige, una na ako. Ayusin mo pare." tapos umalis na yung lalaki at pumasok sa room ng weight
lifters.
Ako naman, nakatayo pa rin doon hanggang sa lumapit yung lalaki.
"Huwag mong sabihin sa akin na naliligaw ka. Sa dinami-dami ng lugar sa Edison High pa?"
Aba, nakaka-insulto ito ah. Kasalanan ko ba kung nagbago na pala ng mga building dito?
"Di bale na nga lang, magtatanong na lang ako sa iba." tapos tumalikod na ako dahil mukhang
malaki ang problema nito sa pagtuturo ng direksiyon.
Kaya lang, narinig ko ulit siyang tumawa pero mahina lang.
"Patingin nga ng room number mo.." tapos kinuha niya sa akin yung papel."H-001 ka? Ang galing.
Simula rito, diretsuhin mo yung hallway na yan." tapos tinuro niya yung nasa harapan namin.
"Tapos kapag nakaabot ka na sa dulo, kumanan ka. Akyatin mo yung hagdan tapos kumanan ka uli
tapos yung room sa kaliwa. Yun na yun."
Tinignan ko naman siya na para bang nakarinig ako ng kung ano. Nanloloko ba ito o ano? Ang
haba-haba nung sinabi niya sa akin. Baka kung susundin ko siya, nantitrip lang pala.
"Nanloloko ka ba?"
"Hindi ka naniniwala no? Totoo yun. Gusto mo samahan pa kita."
Tinignan niya ako tapos nauna siyang naglakad. O siya, sundan na nga lang. Tinandaan ko yung
sinabi niya kung totoo nga, yung mga akyat ng hagdan na sinasabi niya. Totoo naman. Tapos
huminto siya doon sa room na ang nakalagay eh H-001. Ito na nga yung room ko.
"Ito na..."
Parang gusto kong magthank you pero dahil nabwisit ako kanina, wag na lang.
"Sige pala..." tapos hinawakan ko na yung door knob.
"Wala man lang bang thank you?"
"Ikaw naman yung nagprisinta na samahan ako, hindi ko naman hiniling na samahan mo ko..."
"Ok.. sabi mo eh.
Tumayo ako doon sa harap nung classroom. Hindi ko mabuksan yung pinto kasi nahihiya ako. Ano ba
naman yan!
"Bakit hindi mo buksan? Hindi pa naman time, kaya hindi ka pa late."
Akala ko naman umalis na itong tao na 'to.
"Ano bang pakialam mo?"
Lumapit naman siya at siya yung nagbukas ng pinto.
"O ayan, bukas na po para sa iyo. Kailangan mo na lang gawin eh humakbang sa loob. Ok ba yun sa
iyo?"
Dahil nagsisimula na namang tumaas ang presyon ng dugo ko, isang malaking pasasalamat ko talaga
na ang unang lumabas ng classroom eh si Neriah. Yup, classmate ko nga siya.
"Kristen! Kanina pa kita hinihintay eh!" sabi niya sa akin nung nakita niya ako.
"Hindi ko kasi makita ito eh.. nagbago na pala..."
"Kilala mo siya? Naligaw kasi siya eh.. sa Edison!"
Humarap naman ako sa kanya ng nakasimangot.
"O sige pala, alis na ako. Bye Neriah!" tapos tumakbo na siya doon sa hagdan at nawala.
Ako naman, humarap na kay Neriah.
"Bakit ganun yung tao na yun? Sadya bang nang-aasar o ganun lang talaga siya?"
"Huwag mo ng pansinin yun, mabait naman yun. Mag pagka-makulit din paminsan-minsan."
"Eh sa kaso pa lang ngayon at kakakilala ko pa lang, mukhang yung paminsan-minsan eh araw-araw.
Anong pangalan nun?"
"Lee Xander Maclean nga po pala. Nice to meet you Kristen."
***4***
Humarap naman ako sa kanya dahil akala ko talaga eh wala na siya. Nandun pa pala.
"Ikaw ba eh may habit lang talaga na bigla na lang nagsasalita kahit akala mo eh wala?"
"Hindi naman masyado, medyo lang."
Bigla namang nag-alarm.
"Yun na ba yung time?"
"Hindi. First Bell. Ibig sabihin, 10 minutes na lang time na." sabi ni Neriah sa akin.
"Ibig sabihin lang din, kailangan ko ng tumakbo sa weight lifting room at magpapalit pa ako.
Mahirap na at baka ma-late pa! Sige pala!"
Tumakbo naman siya at nawala na talaga sa paningin ko. Sana lang di ba, totoo na yun.
Sinamahan na akong pumasok ni Neriah sa loob. Nakakapanibago nga eh, pero kahit papaano eh may
nakakakilala na sa akin. Yung mga naging classmate ko dati nung nag-aaral pa ako dito bago kami
lumipat. Pero karamihan sa kanila syempre, hindi ko na kilala. "KC, ang tangkad mo na ah!','Hi
KC, kumusta na!", Ilan lang yan sa mga narinig ko na pambungad sa akin ng mga classmate ko.
Dahil may upuan na si Neriah, umupo na lang ako doon sa pinakalikod dahil doon lang maraming
bakante. Syempre dahil sinabi naman nila sa akin na 10 minutes eh time na, saglit lang eh nagalarm na nga.
Bumukas naman yung pintuan ng room at pumasok yung teacher. As usual, kasabay na naman yung Lee
Xander whatever.
***5***
Nagtinginan naman lahat sa amin nung nagsumbong ang bwisit. Halatang-halata naman kasi ako
dahil nakataas ng kaunti yung binder ko. Naku Kristen.. mag-isip!!!
"NO!!" napasigaw na lang ako kaya napatingin sila sa akin. Pineke ko na lang yung ngiti ko.
"Ibibigay ko lang naman ito sa kanya eh... 'di ba... ano bang name mo uli?!?"
"Teka, nagpaki--" sabi niya sa akin na para bang nagtataka sa sinabi ko.
"Hindi pa pala kayo magkakakilalang lahat dito. Tutal kayong dalawa naman diyan sa likod ang
nag-iingay, kayo na ang magsimula."
Sabay pa kaming tumingin sa isa't isa nun. Tapos siya ang unang tumayo na ang ibig sabihin eh
siya ang unang magpapakilala sa amin. Yumuko lang siya ng kaunti sa akin.
"Ako na ang mauuna. Pasensya na, hindi ko kasi alam na may Alzheimer's disease ka pala at
nakakakalimot ng pangalan ng mabilis!" pagkatapos nyang sinabi yun, pumunta na siya sa harapan.
Tumayo siya doon at ang baliw eh umupo pa doon sa table ng teacher namin. Pinagsabihan siya
kaya tumayo na siya ng diretso.
"*Ehem, ehem* Lee Xander Maclean nga po pala mga kaibigan... ang inyong lingkod." sabi niya
with matching hand gestures pa "Alam ko namang kilala niyo na ako dito except sa mga BAGO
lang." diretso siyang tumingin sa likod na seryosong-seryoso yung mukha..
Bakit kakaiba yung tingin na yun? Nag-iba yung pakiramdam ko. Medyo naging ok na nung humarap
siya doon sa teacher sa pinto.
"Lee or Xander for short.. kahit ano! At ako nga pala eh kasali sa weight lifting class...
Uhmmmm.. wala na akong masabi. Thank you very much!" umalis siya doon na dala-dala na naman
yung ngiti niya na parang nag-aasar.
Pinalakpakan pa nga siya ng klase nung natapos siya. Ewan ko ba kung bakit, wala namang kwenta
yung sinabi niya eh.
Nung nakarating siya doon sa likuran, hindi kaagad siya umupo dahil dadaan pa ako nun. Kaya
lang, nung nadaanan ko siya..
"Now you know who I am..." seryoso na naman niyang sinabi yun kahit mahina..
Eh bakit ba big deal sa kanya nung sinabi kong hindi ko siya kilala?
"Tingin ko oo.. hindi naman ako bingi 'di ba?"
" 'Hope so! Kailangan mo ng tulong Lola?" tapos humawak siya sa braso ko "Baka kasi hindi iyo
po kayang lumakad hanggang sa harapan.."
Hindi ko na lang pinansin at pumunta na ako sa harapan. Syempre, nakita ko na siyang umupo doon
sa upuan.
"Hi, I'm Kristen Carylle Gutierrez. Kristen na lang. Kaka-transfer ko lang pero dito rin ako
nag-aral sa Edison dati. 15 na nga pala mag-16 this November.. and... yun lang!"
May mga pumalakpak din naman sa akin pero hindi marami gaya nung bwisit na nauna sa akin.
Kadalasan pa eh yung mga nakakilala pa sa akin. Ok lang naman sa akin kung konti lang ang
pumalakpak, I don't mind it at all. Para yun lang naman eh. Kaya lang... kapag hindi magandang
view ang makikita mo sa likuran, ibang usapan na yun!
Pagkatapos ko kasing magsalita, bigla na lang tumayo si 'Lee Xander' doon sa likuran at
pumapalakpak pa ang loko. Kailangan ba talagang nakatayo siya?
Lumakad ako habang tinitignan ko siya ng masama. Gosh! This guy is getting into my nerves!
"Show some appreciation! Best speech I've heard so far!" sabi nya pero hindi naman malakas at
konti lang ang nakarinig.
Nakasalubong ko pa nga yung nerd nung pabalik na ako sa upuan ko. Umupo na rin siya.
"Excuse me lang ha!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko nun.
Dahil dadaanan ko siya bago ako makaupo uli, tinapakan ko ng malakas yung paa niya. Ewan ko
kung bakit yun ang ginawa ko, yun kasi ang unang pumasok sa isip ko.
"Ouch! Bakit mo ginawa yun?" sabi niya sa akin. Tumingin naman yung teacher sa amin na
nakukunsumi na yata kasi kanina pa kami nangungulit sa klase. Nginitian naman niya yung
teacher. "I'm good! Continue niyo lang!
Hawak pa rin niya yung paa niya nun tapos sumandal na siya sa upuan at nagdaldal.
"Alam mo, nakakatuwa kang lokohin!"
Dahil hindi ko marinig yung mga sinasabi nung mga nagpapakilala sa harapan, napupuno na talaga
ako dito. Ang kulit naman pala nito masyado! Akala ko sinabi ni Neriah sa akin eh paminsanminsan lang.
"Will you shut up just for a minute or two?" sinabi ko na lang sa kanya nung humarap ako.
"OK."
That simple. Yun lang ang sinabi niya at tumahimik na siya doon sa upuan niya. Wala na siyang
sinabi.
Hay Kristen?!? Peaceful isn't it? Ngayon, maliwanag ko ng naririnig yung mga nagsasalita sa
harap.
"Ako nga pala si Neriah Santos. Mahilig sa sports lalo na ang volleyball." tapos umupo na si
Neriah.
"Hey Kristen!" ano na namang kailangan nito? Hindi pa nagtatagal yung peace of mind ko eto na
naman?
"Ano?!?"
"Naka-2 minutes na. Pwede na uli kitang kausapin?"
ARRRRGGGHHHHH!
Tumawa lang siya nun. Siguro nga ganun lang talaga siya at habit na niya ang may pagka-makulit.
Kasi nung second period namin, iba naman yung ginugulo niya. Umupo nga siya sa harapan ko na
upuan dahil kausap niya yung isang lalaki na classmate namin. Nangongopya kasi kami ng
requirement nun.
Seryoso talaga siya nun. Kung tutuusin... bagay naman sa kanya.
Maya-maya lang, nag-alarm na rin nun. Ang bibilis naglabasan para sa breaktime. Isa yata ako sa
mga naiwan doon. Hinintay pa ako ni Neriah.
"Oi, ang bagal mo kaya. Tara na noh! Gutom na ako."
"Sandali lang... ayun, nakita ko na yung wallet ko."
Lumabas na kami ng classroom nun. Syempre, nagpunta kami sa cafeteria ng Edison. Malaki-laki
rin at maraming pagpipilian. Kaya lang hindi naman ako masyadong nagugutom, coke lang at chips
ang binili ko. Si Neriah eh burger yata. Hindi daw siya nag-almusal kaya ganun.
Pabalik naman kami ng classroom nung nagsimula na akong interviewin ni Neriah.
"So, kumusta naman at katabi mo si Lee?"
"Lee? Yung makulit na katabi ko? EeeeHHH! Bakit ganun yun? Saka, Lee ang tawag mo sa kanya?"
"Ganun lang yun. Friendly nga yun eh. At opo, Lee ang tawag ko sa kanya. Marami naman eh. Yung
iba Xander."
Pabalik na kami ng classroom nun at balak naming doon na lang kumain. Sa bench sa labas nung
Science Club Office eh ang daming nakaupo. Isa na si.. oh well..
Hindi ko na nga pinansin at ganun din si Neriah eh bigla na lang humarang sa daanan namin.
"Hi Kristen! Anong kakainin mo?"
"Do I know you?" sabi ko na lang pero nakatawa ako nun at nagbibiro lang naman ako.
Bigla na lang nag 'aaaaawwww' yung mga kasama niya. Isa sa mga yun eh yung pinagtanungan ko pa
kanina.
"Pare, hindi ka kilala... sorry!" tapos tinapik siya sa likod.
Tumawa lang naman siya tapos kinuha niya yung kamay ko.
"Hindi pwede yun! Dapat kilala mo ako!"
"Anak ka ba ng celebrity o may-ari ng school?"
"Lee" kinamayan ako "Xander" kinamayan uli ako "Maclean" isa pa uli.
Pangiti-ngiti lang si Neriah sa tabi ko pero walang sinasabi.
"As if I care kung anong pangalan mo?"
Tapos tinalikuran ko na siya at hinila ko si Neriah. Kaya lang.. may naisip na naman ako.
"Oh yeah, I forgot. Kailangan ko na palang tandaan yung pangalan mo in case you messed up..
Just so you know, kilala namin ang principal!" sinabi ko lang yun pero hindi naman totoo.
"I guessed your right. Hindi ako celebrity, hindi rin ako anak ng may-ari ng school."
Tumawa ng malakas yung tao na yun at umalis na ako nun. Si Neriah naman, hinila na talaga ako
sa loob ng classroom.
***6***
Ano? Apo ng school board President?
"Sabihin mo sa akin nagbibiro ka! Neriah naman!"
"Eh paano naman kung hindi?!?"
"Isa lang ang ibig sabihin nun.. good luck na nga lang sa akin. Lalo pang good luck eh hindi
naman talaga namin friend ang principal no!"
Umupo na lang ako doon sa pinakamalapit na desk na nahila ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"
"Aba, malay ko ba na magsasabi ka ng tungkol sa 'friend ng principal'. Kung binanggit mo sa
akin ng mas maaga e di sana nasabi ko sa 'yo bago ka pa nagkunwari doon.."
Hindi na ako masyadong makakain nun hanggang sa natapos yung breaktime. Hindi ko nga naubos eh.
Nakita ko na nga lang na pumasok na si 'Lee Xander' sa room namin. Syempre, alam ko na kung
saan uupo yun. Hindi ko na lang sya tinignan at ang ginawa ko eh sinipa ko ng pakonti-konti
yung upuan niya para malayo sa upuan ko.
"Kristen!!!"
Kailangan ba talagang ganyan kataas ang energy level niya? Eh mukhang mas malala pa ito sa
kapatid ko eh.
Yumuko na lang ako at tinakpan ko yung kanang mata ko ng kamay ko para hindi ko na siya makita
pa uli. Kaya lang...
"Bakit parang ang layo yata ng upuan ko?" tapos inurong na naman niya yung upuan niya malapit
sa upuan ko.
Sabi ko nga eh mapapansin niya...
"Psst!!"
Pigilan niyo ko...
"You know what... ganyan ka ba talaga? Kasi alam mo yun, ang kulit mo. We're classmates ok?
Natural lang naman siguro na maging kaibigan din kita." tapos kinuha ko yung kamay niya "Hi..
hello...nice to meet you. Happy?"
"Oo naman! So, kilala mo na ako... LOLA?"
"Opo.. LEE XANDER!"
"Lee na lang... ay hindi.. Xander na lang pala. Xander na lang itawag mo sa akin ha." sabi niya
yun na nakangiti na naman siya.
"Whatever... Xander!"
Tumawa ba naman siya ng malakas. Ano bang problema nito?
"May nakakatawa ba?"
Tinapik naman niya ako sa balikat.
"Kristen, ang galing mo."
Nakita ko na nag-slide dun yung kapatid ko kasama yung ibang mga bata. At ang bwisit na yun...
nandito lang pala eh kanina pa ako naghihintay sa tapat ng gate nila.
Lumapit naman na ako at hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso.
"Ate ang sakit ha! Isusumbong kita kay Mama."
"Alam mo ba na kanina pa kita hinihintay sa tapat ng gate tapos nandito ka lang pala?!?
Naku!!!"
"Ang tagal ni Mama eh. Akala ko siya ang susundo sa akin. Bakit ikaw?"
"Huwag ka na ngang masyadong maraming tanong.. tara na."
Nagbabye naman siya sa mga classmate niya. Buti pa siya, mukhang ayos ang first day.
Samantalang ako, walang kwenta. Narinig ko pa ngang bumubulong si Angelo sa likod ko ng: 'siya
yung sinasabi ko sa yo! Monster sister!'
Kristen, ang presyon ng dugo mo!
Syempre, sinumbong na naman ako ni Angelo kay Mama na ang sakit-sakit daw nung braso niya dahil
sa pagkakahawak ko. Kahit anong explain ko kay Mama, syempre, si Kristen na naman ang may
kasalanan. Dinaan ko na lang sa kain yung inis ko. Naparami tuloy.
Dahil nga napagalitan na ako, si Mama eh napilitang ihatid si Angelo sa school. Ako eh, magisang sumakay ng jeep. Lagi namang ganun!
Mabuti na lang talaga eh hindi pa ako late nung dumating sa school. Almost 1:00 na kasi nun
tapos nahulog pa yung mga papel ng binder ko. Nagpulot pa ako. Buti na lang.. may tumulong sa
akin.
"Hey, kailangan mo ng tulong?"
Tinignan ko naman kung sino. Siya na naman.
"Oh, Thanks."
Nakipulot din naman siya sa mga papel ko. Tapos inabot niya sa akin isa-isa. Kaya lang nung
nakuha ko na lahat at nagmamadali ako, hindi ko na natanong yung pangalan. Basta ang alam ko,
siya rin yung kaninang pinagtanungan ko.
Pagdating na pagdating ko sa room, dinala ko kaagad yung mga nakaakalat kong papel sa desk ko
at balak ko namang ayusin. Nandito pa kasi yung mga sinusulat ko na masterpiece.
At eto na naman, dumating na namn ang bwisit na Lee Xander.
"Anong ginagawa mo?"
"Pwede ba, busy ako. Mamaya ka na manggulo.."
Pero dahil nga napakakulit ng tao na yun, kinuha niya yung isa sa mga papel ko at binasa ba
naman..
"Ano 'to?
"Akin na nga yan! Pakielamero ka.." tapos inagaw ko sa kanya kaya lang tinaas niya kaya hindi
ko maabot.
"Nagsusulat ka?"
"Oo bakit? Anong pakialam mo."
Sa wakas din eh binigay na rin niya yung papel ko.
"Thank You!"
"Alam mo, ok yun ah. Konti nga lang nabasa ko. Pero mas para sa akin, yung title dapat eh Open
Window kaysa close. god's window is always open."
"At feeling mo naman magaling ka?"
"Just saying!"
Napaisip naman ako doon sa sinabi niya. Kung tutuusin naman, may point siya.
Hindi naman niya ako masyadong kinulit nun. Mas ok nga. Tinanong ko na si Neriah kung
masasamahan niya ako mamayang hapon para makapag-ikot na sa school. Hindi ko pa naman kasi alam
yung mga lugar dito. Nakakahiya nga.
Unfortunately, hindi naman ako masasamahan ni Neriah dahil aalis daw sila ng Lola niya at
bibili ng school requirements. Kaya ako naman, ako lang ang mag-eexplore sa school.
Nung nag-alarm ng uwian, hinintay kong umalis kaagad yung mga classmates ko at ako na lang yung
natitira doon.
"Ok.. ayos na Kristen. Konti na lang yung tao..."
Tumayo na ako nun at kinuha yung bag ko. Kaya ko 'to. Asus! Ako pa!
Kaya lang paglingon ko, may nakatayo sa pinto.
"Gusto mo ng kasama?"
***7***
Akala ko ba eh umuwi na itong siraulo na ito?!? Kaya nga hinintay kong umuwi lahat ng classmate
ko eh para nga mag-isa na ako. Tapos ngayon.. may asungot pa.
"At paano mo namang nalaman na nandito pa ako?"
"Eh kasi po, hindi po kita nakitang lumabas ng room. Alam mo na, concern lang ako sa lola ko.
Bakit hindi ka pa umuuwi?" sabi niya tapos dineretso na niya yung pagpasok niya sa room.
"Eh ano bang pakialam mo? Umuwi ka na nga!"
"Ano munang gagawin mo?"
Para tumigil na nga ito.. sabihin mo na Kristen!
"Ok, para tumigil ka na po. Iikot ako ng school para naman malaman ko yung mga building. What's
what and where's where. Got it?"
"Ahh, tama lang pala yung dating ko. Sasamahan na pala kita. Baka kailangan mo ng tour guide."
Tumayo na ako nun at kinuha ko na yung bag ko para makalabas na ako ng room. Kaya lang sumunod
na naman yung tao na to.
"Ei... Xander. Hindi ko kailangan ng company mo. Kaya ko naman eh. Mas mapapatagal lang ang
gagawin ko kung nandiyan ka. Panggulo ka eh.."
Tinuloy ko na yung paglakad ko nun. Kaya nga lang, sumusunod pa rin eh. Ano ba ito? Buntot ko?
Kasasabi ko pa lang na hindi ko kailangan na samahan niya ako eh hindi pa rin tumigil sa
kasusunod.
Hindi ko na mapigilan yung sarili ko kundi, harapin ko siya.
"May problema ba at hindi mo maintindihan yung simpleng tagalog ko?"
Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin.
"Sasamahan na nga kita para mabilis ka, ayaw mo pa."
"Eh sa hindi ko nga kailangan---, ok fine. Siguraduhin mo lang na ayusin mo.. dahil kung
hindi..."
"Kung hindi eh ano?"
"Basta!"
Ganun na nga yung nangyari. Wala naman akong magawa kundi isama ko na siya dahil ganun din
naman at panay rin ang sunod niya. Ang pagkakaiba nga lang ngayon eh siya naman ang nauuna at
ako naman yung sumusunod sa kanya.
Huminto kami doon sa unang building na natapatan namin.
"Itong building na ito, Bldg. A. Kadalasan ng mga room diyan, freshmen. Nandito ang English
Lab."
"Saan yung English Lab?"
"Sa taas. Unang pinto sa kanan."
Lumakad na naman kami. Infairness, mas seryoso siya magturo ngayon ah. Kina-career yata ang
pagiging tour guide.
Nadaanan na namin yung Bldg. B at C, tinuro na rin niya yung ibang laboratory ng mga teachers,
Physics and chemistry lab, Little Theater, at kung anu-ano pa.
Huminto kami sa tapat ng cafeteria.
"Eto naman ang cafeteria." tapos tinuro niya.
"Alam ko. Feeling mo naman ito eh hindi ko pa alam."
"Dito naman po lola eh yung CR. Kung hindi niyo na po mabasa, yung nakalagay eh 'Ladies' eh
doon po kayo pupunta, 'Gentlemen' naman po eh kami."
Bakit ba Lola ang tawag sa akin nito?
"Alam ko na yan! Nang-iinis ka ba? Saka feeling mo naman kasama ka sa sinasabing 'gentlemen'"
"Aba syempre, lakasan lang ng loob yan!" sabi niya nung humarap siya sa akin. "Yung nasa tapat
nun na blue ang pinto, school audtorium naman."
Tinignan ko naman yung tinuturo na naman niya. Syempre, naiinis na naman ako. Paano ba naman eh
nakalagay na napakalaki doon sa building na tinuruto niya eh 'Edison High Auditorium'.
Pwede bang ituro niya sa akin yung hindi naman halata?
"Marunong naman akong magbasa no!"
"O sige.. tara dito."
Sinundan ko na naman siya at hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Kahit na yung ibang
tinuturo niya sa akin eh hindi mahalaga, nakatulong din naman siya sa akin kahit papaano.
"Yung room na yun na nakikita mo na may glass door, yun ang dance room. Katabi nun yung music
room at visual arts. Yung mga room pa na yan na katabi, hindi ko rin alam. Pinalitan kasi nila
yan eh. Hindi ko alam sino na ang nagro-room diyan."
"Ok. Siguro mga teachers and trainers na yung mga nandyan."
"Siguro." tapos pumulot siya ng stick. "Ito naman po ang Locker room. May sign naman kung saan
ang babae sa lalaki. Sabi mo nababasa mo naman. Yung malaking building na yan na parang igloo,
yan ang gym. Sa kabilang side, field. Yung katabing-katabi nun eh open bleachers. Nasasaulo mo
na ba?" humarap na naman siya sa akin.
"Sandali lang, nalilito ako. Nakakalimutan ko eh."
"Sinasabi ko na nga ba eh matanda ka na at nagiging makakalimutin. Hirap ka pang tandaan yung
mga lugar kaya ka naliligaw."
"Bago lang po ako! Buti sana kung hindi nila binago dito e di sana ayos pa ako."
"Pinapagod mo ako!"
"Sino bang may sabi na sumama ka sa akin? Nananahimik ako kanina doon sa room tapos bigla kang
papasok. Ngayon kasalanan ko pa!"
"Sandali lang--"
Ang bilis-bilis na ng pagkakasabi ko nun at ayoko ng pakinggan yung mga sinasabi niya. Tiyak
naman kasi eh pang-aasar na naman yung maririnig ko. Bwisit na 'to!
"Ikaw yung sunod ng sunod sa akin kanina. Eh kung hinayaan mo na lang ako... e di hindi pa sana
ako nabwibwisit ngayon!"
"Kristen!"
"Ininis mo na nga ako kaninang umaga pa lang tapos hindi mo na ako tinigilan. Para kang yung
kapatid ko eh.. perwisyo sa buhay.."
***8***
Tinignan ko lang siya nun habang hinihila niya ako. Kaya lang may sinasabi siya habang
naglalakad kami eh. Pero hindi naman siya nakatingin sa akin nun.
"Baka masyado mong damdamin yung sinabi ko kanina. Sabi ko cute ka, kapag naaasar. Naaalala ko
kasi yung aso ng kapitbahay namin lalo na kapag galit. Kamukha mo. Poodle pa naman yun!"
Yung boiling point ng galit ko kanina na hindi natuloy eh asahan mong ngayon na umabot.
Tinanggal ko yung kamay niya doon sa pagkakahawak sa wrist ko.
"Uuwi na nga ako.. ayokong mag-stay sa school. Gabi na kasi eh, at lalung-lalo na ayokong
maiwan kasama mo dito. Konti pa naman na yung mga tao."
"Feeling mo naman pagtatangkaan kita! Oi! Baka ikaw nga yung may pagnanasa sa akin."
Ang kapal talaga nito. Sa dami naman ng pagnanasaan ko, siya pa! Anong oras na ba?
Tinignan ko yung phone ko. 6:05 pa lang naman kaya hindi pa masyadong madilim. Tinignan ko siya
at napansin kong parang may hinahanap siya.
"Sige na, alis na ko." tapos lumakad na ako papunta ng gate.
"Sige umuwi ka na nga." tapos narinig kong may sinabi siya ng mahina "Nasaan na ba yung ballpen
ko? Ayun."
Ballpen naman pala yung hinahanap eh.
Dahil malapit na kami nun sa gate, saglit lang yung nilakad ko at nakalabas na rin ako. Pinara
ko naman yung unang jeep na huminto.
"Bye Lola!" tapos tinignan ko naman siya ng masama "Kristen pala!" nakita ko na nakalagay yung
black na ballpen niya sa tenga niya.
Sumandal lang ako doon sa jeep at napagod din ako. Mabuti na lang at nakaupo na ako doon at ang
sakit na rin ng mga binti ko kakalakad. At ano naman kayang gagawin ni Xander sa school at
hindi pa siya umuuwi? Sabagay.. ano naman bang pakialam ko?
Kung anu-ano naman yung iniisip ko nun kaya lumagpas pa ako ng bababaan. Naglakad pa tuloy ako
ng mas mahaba. Nadagdagan ng sampung hakbang.
"Ma! Dumating na si Ate!"
Nasa harap ng pinto yung kapatid ko nun. Mabuti na lang at walang kahit ano na nakakainis sa
kanya ngayon kaya hindi ko na lang pinansin.
"Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Mama habang nilalagay yung pagkain sa lames.
"Nag-ikot po ng school. Medyo naliligaw pa rin ako eh."
"Kakain ka ba?"
"Mauna na po kayo.. mamaya na lang siguro ako. Si Papa?"
"Nasa kwarto nanonood."
"Ikaw ba yung tinanong ko?"
"Kristen!"
Umalis na lang ako doon at umakyat ng hagdan. Dumeretso na lang ako ng kwarto ko. Baka lumala
na naman eh tiyak talo na naman ako. Sabagay, kasalanan ko naman talaga.
Nagbihis na ako nun kaagad. Hindi na ako nagpunta ng banyo at sabi kasi ni Mama sa akin dati
kapag pagod ka at nagbasa eh mapapasma ka raw. So, hindi na lang.
Humiga ako doon sa kama ko. Wala namang homework kaya walang proproblemahin. Ang haba talaga ng
araw na ito! Hindi talaga ako makapaniwala na...
First day pa lang...
Ang alam ko lang nung humiga ako, hindi na ako nakakain ng gabi. Narinig ko pa ngang sumarado
yung pinto ng kwarto nila Mama. Hindi ko na dinilat yung mata ko dahil tiyak gabi na nun.
Nakatulog na lang ako ng hindi kumakain.
***
Rise and shine! Second day Kristen! Mabuhay Philippines!
Himala yata at ang maaga yata akong nagising at maganda ang mood ko. Start the day right!
Ginawa ko na yung daily routine ko bago pumasok ng school. Naunahan ko pa ngang umalis kay Papa
na nagbabasa pa ng dyaryo at umiinom ng... juice?!? Parang mali yata yun. Ok na sana yung
senaryo eh, kaya lang iba lang yung napapanood ko na iniinom ng mga tatay sa pelikula kapag
umaga. Sigurado talaga ako na hindi juice yun!! Oh well... basta nasa pamilya Gutierrez ka
paminsan-minsan may pagka-weird. May pinagmanahan talaga ako.
Iniwan ko si Angelo sa bahay at nauna akong pumasok. Kahit na pinapagalitan ako ni Mama nun,
wala akong pakialam. Gumising ako ng maaga para pumasok ng maaga, hindi para maghintay sa
Yung isa na sinabi ko eh hindi dinamihan niya. Siguro mga sampu yun. Binabalik ko nga kaya lang
sabi niya sa akin na lang daw.
Aba ang bait ah!
Nasagutan ko naman yung nasa board. Kung anu-anong tanong lang naman yun. Kung anong ineexpect
mo sa subject na yun pati sa teacher.. mga ganun.
Tahimik talaga kami lahat sa klase na yun. Nung nag-alarm na ng breaktime saka lang uli
umingay. Nag-unat pa nga ng kamay si Xander.
"Grabe! Ang boring ng klase na yun!"
Tumayo na siya at tumakbo doon sa pintuan. Matindi yata ang pagkakagutom at siya ang naunang
nagbukas ng pinto. Kasunod niya kami ni Neriah.
"Lee, bilisan mo kaya!" sabi ni Neriah dahil ang tagal niyang lumabas.
"May nalimutan pala ako!" tapos bumalik siya doon sa upuan niya at may kinuha.
Kasabay lang namin siyang lumabas. Nakaupo doon sa bench sa tapat ng office eh yung mga barkada
na naman niya kahapon. Kasama doon si Bryan na kanina ko lang nalaman yung pangalan.
"Akin na nga yan! Kanina tuloy naghahanap ako ng papel.." nung tinignan ko kung sino yung
nagsabi, si Bryan pala.
"May pinasagutan nga sa amin kanina eh. Mayaman tuloy ako sa papel."
"Bumili ka nga ng sa 'yo at wag mong kunin yung nasa bag ko!"
Hindi pala kanya yun? Kaya pala ang lakas ng loob niyang bigyan ako ng sandamakmak na papel
kanina eh!
Dumeretso na lang kami ng lakad kasama ko si Neriah. Narinig ko si Xander na nagku-kwento sa
kanila.
"Wala nga siyang papel kanina! Sa akin pa nanghingi!"
Parang alam ko na kung sino yung tinutukoy niya. Maya-maya lang eh hindi pa kami nakakalayo eh
tinawag naman niya ako.
"Oi Kristen!"
Ang galang nito masyado!
"Ano?!?" sabi ko nung lumingon ako.
"Baka gusto mong magthank you sa papel na binigay ko kanina.."
Ngumiti naman ako sa kanya nun. Lumapit ako sa kanila at tumayo doon. Humarap ako kay Xander.
"Thank you--" tapos binaling ko yung tingin ko sa iba.
"Bryan."
***9***
Nagulat yata si Bryan at Xander sa akin. Yung iba nilang kasama eh umalis na tumawtawa.
"Err, your welcome." tapos tumingin siya doon kay Xander.
Ako naman, nakatayo pa rin doon.
"Paano naman ako?"
Naku nakakaawa naman...
"Ok.. thanks na rin."
"Napilitan ka lang yata eh.. bawiin mo na lang kaya..."
Napairap na lang ako dun sa sinabi niya. Ewan ko ba, parang nairita ako.
Soccer yung lalaruin namin. Hinati yung klase sa 5 grupo. 10 ang members. Syempre, lalaki sa
lalaki daw para hindi magkasakitan at babae naman sa babae. Unang-una yung mga lalaki kaya
naupo na lang ako doon sa gilid kasama yung iba.
Akala ko eh klase lang namin yung nandun sa field. Nakita ko na may mga estudyante pa sa
kabilang side na mukhang nag-stretching.
"Section 2.. mile run yata nila ngayon."
Nagulat naman ako at bigla na lang may nagsalita sa likod ko. Pagkatapos nun, umupo siya sa
tabi ko. Hindi pa siya naglalaro kasi sa second group siya.
"Alam mo, maganda ang health condition ko eh. Pero kung patuloy mong gagawin yan, magandang
candidate yan para mag-develop ako ng heart attack."
"Sorry.. grandma!"
"Shut up! Dahil ba naligaw ako at may binago sa Edison--" may bigla na lang pumasok sa isip ko.
That's it! Tanungin itong tao na ito tungkol sa pagbabago ng Edison! Ngayon niya ilabas lahat
ng nalalaman niya!
"Xander, tutal lagi mo naman akong tinatawanan sa bagay na yan... sabihin mo nga kung ano ang
nalalaman mo sa renovation ng Edison?"
"Hmmm.." sabi niya na parang nag-iisip "Ang alam ko, binago nila ang Edison dahil may ilang mga
dahilan. Unang-una, dumarami na raw yung mga estudyante kaya nagiging crowded daw bawat room.
Kaya nag-create ng mga bagong building. Yung dating ADMIN eh inalis doon dahil hindi raw
accessible sa lahat. Pinagsama-sama yung mga year level sa isang building..." tapos humila siya
ng damo.
Napatingin ako sa kabilang side habang nakikinig ako sa diskusyon ni Xander. Nagsimula na yung
kabilang klase na tumakbo habang sa gitna eh may nagso-soccer. Sa gilid lang naman kasi sila
eh.
Dahil mabilis din naman silang tumakbo, nadaanan din nila kung saan kami nakaupo. May narinig
pa nga akong tumawag ng pangalan ko doon sa mga tumatakbo.
Sino yun?
At ayun nga. Si Bryan. Kasama pala siya doon sa mga tumatakbo. Nililipad-lipad pa yung buhok
niya. MTV effect!
Or is it just.. me?
"--tapos yung iba hindi ko na alam masyado dahil nga hindi na pinaalam sa akin."
Oh my God! Hindi ko na narinig yung ibang sinabi niya.
"Ano na nga yun uli?" kasi naman Kristen! Busy kasi masyado!
Tumayo naman na si Xander nun at tinawag na yung grupo niya.
"Wag ka nga.. hindi ka naman pala nakikinig sa akin eh!" tapos tumakbo na siya.
Hay Kristen!!! Sinayang mo ang yung mga sinabi ni Xander. Malay mo naman may kwenta yun e di
nakatulong yata sa pagsulat mo?
Pagkatapos ng PE namin at nagpalit na kami sa locker namin, hinanap ko si Xander para ipaulit
na lang kaya lang wala na siya sa klase namin. Sabi sa akin, pinatawag daw sa meeting ng kung
ano.
Umuwi na lang ako nun at wala na namang nasimulan sa requirement ng selection. Malabo na yatang
makuha ako eh.
Nakatulugan ko na lang na nakalapag sa kama ko yung papel at ballpen ko. Mabuti na lang nagawa
ko na yung mga homework ko nun...
Pagkagising ko ng umaga... AAAHHHHHHHHHH!! 6:20 na? Nagbibiro ang alarm clock na ito! 7:00 ang
klase ko!
Mabilis akong kumilos nun. Si Mama, sinermonan pa ako bago umalis at hinatid si Angelo. Sinabi
ko nga na sana eh ginising niya ako. Pero sabi niya sa akin eh matanda na raw ako para gisingin
pa.
Dahil mabagal akong kumilos, wala naman na akong magagawa kung mala-late ako. E di,
pangatawanan ko na. Hindi na lang ako papasok ng first class.
Past 7 na ako nakaalis ng bahay. Eksakto nun na nakabalik ng bahay si Mama. Sumakay na ako ng
jeep. Late na late na ako. Kasalanan ko ba kung hindi ko nai-set yung alrm clock ko? Bwisit!
Hindi na sana ako dadaan ng playgroung nun at dederetso na lang ng school kaya lang naalala ko
na bukas na pala yung pasahan nung writing na yun. Let's hope for the best!! Sana meron siyang
sinulat.
Hey,
Ang alam ko doon sa renovation ng Edison, inuna nilang ayusin yung mga classrooms. Dahil nga
medyo maliit. Dinagdagan nila lalo na at taun-taon yata eh dumarami ang nag-eenrol sa Edison.
Nagkaroon yata ng meeting ang teachers, parents pati na rin yung officers na may kinalaman at
pinag-usapan nila. Napasama sa meeting yung pag-aayos ng Auditorium dahil may leaks na yung
bubong saka proper lighting, yung gym, bleachers at pati na rin yung mga Labs. Sinimulan na
nila yun last year pa, pero hindi sila makapagtrabaho ng maayos dahil nga may pasok pa nun.
Kaya ni-rush yata nila nung bakasyon. Over all, 70+ yata ang nag-work sa Edison. Hindi lang ako
sure kung dinagdagan nila.
Sana makatulong sa friend mo... Bye!
Aaminin ko. Kahit hindi maganda ang simula ng araw ko eh may igaganda rin pala kahit papaano.
You're such a hero post-it-guy! Grabe.. ayos na ito! Kaysa naman wala akong maisulat doon!
Kinuha ko yung sinulat niya. Nilagay ko sa backpack ko at naglakad papunta ng school. Dahil
sarado na yung pinto at nagkaklase na sila, naghintay na lang ako na matapos.
Lumabas pa nga yung teacher namin nung natapos yung 1st period. Nakita niya ako na nakaupo sa
labas kaya sinabi ko na yung totoo. Pumasok na ako sa loob.
Kakapasok ko pa lang eh nagtinginan na lahat sa akin. Ano ba yan.. ngayon lang ba kayo nakakita
ng late?!?
"Aba, tinanghali ng gising si Kristen ha!"
"Xander, tumigil ka muna. Nagsisimula ng gumanda yung araw ko, wag mo ng putulin!"
Nilabas ko yung papel ko at naisipan kong simulan yung isusulat ko. At least ngayon, mas marami
na akong alam.
"Nagsusulat ka na tungkol dyan? At kanino ka naman nakakuha ng impormasyon eh samantalang hindi
ka naman marunong makinig!"
"Hindi ako makapag-concentrate ok?!? Nagtanong ako kaya meron na akong alam."
"Sino nga?!?"
"Bakit ba gusto mong malaman? Ang kulit mo."
"Wala lang! May masama ba dun?!?"
"OO! Hindi ako makapag-isip. Tumahimik ka nga muna!"
"Sino muna?" ano ba 'to? kapag nagtanong kailangang may sagot kaagad?
"Ewan. Hindi ko alam."
"Hindi mo alam kung sino?"
"Sinagot ko na yung tanong mo di ba? Sinabi ko, ewan. Dapat makuntento ka na."
Tinigilan na rin niya ako nun. Pumasok na yung second period teacher namin. Napatigil ako sa
pagsusulat at napaisip.
Sino nga ba Kristen?!?
Parang gusto kong malaman kung sino ba yung ilang beses na akong tinulungan. Pero ayokong
malaman niya na ako.. e ako. Ang bait naman kasi nun masyado.
Anyways... unexpected things are always unexpected...
Let's name one...
***10***
Si Xander talaga, makulit pero may sense din naman kahit papaano. Yun nga lang, parang hindi
napapagod eh. Laging may naka-store na energy sa katawan. Marami yatang inaabsorb na energy
galing sa araw eh!
Tinanong ko nga siya kanina lang kung bakit ba madalas siyang energetic, ang sinagot naman sa
akin eh: 'Alam mo Kristen, tao lang tayo. Natutunan ko na hindi sapat yung oras natin sa
mundo.. kaya dapat, we have to make the most for it!'
Napabilib naman niya ako ng de-oras dun. Aba, kakaiba yun ah! Hindi mo aakalaing manggagaling
sa isang Lee Xander Maclean?!? Dahil masyadong naantig ang aking damdamin, pasensya na at
makata masyado, tinanong ko naman sa kanya kung saan niya natutunan yun.
"At saan mo naman nakuha yan?"
Umupo siya doon sa upuan niya at tinaas niya yung dalawang kamay niya sa sandalan.
"Wala naman. Nanonood kasi yung kapitbahay namin ng telenovela, ayun narinig ko. Ginaya ko.
Effective ba?"
Sinimangutan ko na lang siya nun. Akala ko pa naman, talagang sa kanya nanggaling yun. Asa pa
ko!!!
Ngayon naman, nakaupo ako dito sa auditorium. Pinasa ko na kanina yung papel na sinulat namin
para sa selection. Ang dami nga namin dito eh. Bahala na siguro kung mapili man ako o hindi.
Pero kung tutuusin, kinakabahan talaga ako. Kahit papaano naman eh pinaghirapan ko rin naman
yung sinulat ko. Sabagay, ang mahalaga naman eh nag-try ako.
"Ok, guys and gals, bukas na lang namin ibibigay yung result kung sino ang pumasok. Kailangan
pa kasi naming basahin itong mga sinulat niyo. Sa dami niyo, kailangan ko pa ng ibang teachers
na pwedeng mag-judge. Gusto ko lang ipaalala na kapag napili na kayo, mag-seminar muna kayo for
three days para ma-train kayo sa writing skills niyo. So.. that's about it. See you tomorrow
and good luck!" sabi nung teacher namin na nalimutan ko na naman yung pangalan.
Sabay-sabay naman kaming nagsilabasan. Yung iba eh nagbabatian pa ng 'good luck' at kung anuano na kesyo kinakabahan daw sila at tiyak na hindi sila mapipili.
Ang arte! Pero kahit ganun pa man, naapreciate ko pa rin na sinabihan nila ako ng good luck.
Bumalik na ako ng room nun. Uwian na kasi. Nakita ko si Neriah na nakaupo doon sa labas at
hawak yung bag ko.
"Oi Bruha ka! Kanina pa kita hinihintay. Tapos na ba yung thing niyo sa auditorium?"
"Oo, ngayon nga lang eh. Tara na nga..."
Dahil nga magkakilala na kaming dalawa dati pa, alam na namin parehas yung tambayan namin
tuwing uwian. Saan pa nga ba? Syempre... sa playground!!! Lagi naman eh!
Naglakad na kami at hindi pa yata inabot ng ten minutes eh nandun na kami sa pavillion at naupo
kami. Kadalasan naman tuwing nandito kami, sabay lang kaming gumagawa ng homework. Kapag yung
tipong kinakagat na ng lamok yung binti namin at hindi na namin mabasa yung nakasulat sa libro,
ganung oras kami umuuwi.
"Nagugutom ako!"
"Bili tayo. May nagtitinda naman diyan sa gilid eh." sabi niya nung tumayo siya at pinasok sa
bag niya yung mga kalat namin. Kaya lang marami eh.
"Dito na lang ako, ikaw na lang ang bumili. Alangan namang ilagay pa natin sa bag lahat na
'to!"
"O siya sige, ganyan naman parati. Ako yung tagabili at ikaw yung nakaupo. Ok KC.. alright."
Tinignan ko naman siya nun ng parang nabwibwisit. Nanloloko lang naman ako nun.
"Sorry.. KRISTEN! Pahingi ng pera! 20 na lang natira sa akin."
Inabot ko naman yung pera ko. Alam ko namang malapit yung pagbibilhan niya kaya hindi naman
siya magtatagal. Ginagawa ko na naman itong bwisit na College Algebra.
Dahil hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa ingay nung mga bata na naglalaro, tumingin na
Bago nga lang ako pero Bryan.. ako yun! AKO! Infairness, compliment ba yun?
Gusto kong sabihin sa kanya na ako yung kausap niya at hindi si Neriah. Kaya lang dahil nga
ayoko ngang makilala, 'wag na lang.
"Ahh.. ok."
"O sige pala una na kami sa inyo, may bibilihin pa kami eh. Ingat na lang kayo sa pag-uwi."
"Bye Kristen. Bye Neriah!" tapos ngumiti na naman siya bago umalis.
Sinundan ko ng tingin ko si Bryan at yung lalaki nung umalis sila ng playground. Hindi ako
makapaniwalang siya yun. Siya yung tumutulong sa akin. Siya yung kausap ko. Siya yung
nakakaalam ng problema ko. Siya yung nakakalam ng tunay na ako. Sinabihan niya na awesome ako
pero ang akala niya eh si...
NERIAH?!?
"Oi!" nag-snap ako sa harap niya dahil tulala na naman siya.
"Kristen! Kinausap ako ni Bryan! Waaaa! Mamamatay na ko!"
"OA ka! Kanina lang wala ka sa sarili mo. May pa 'uhuh-uhuh' ka pang nalalaman.."
"Eh kakashock naman. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nasa harap na pala natin yung crush ko!"
"Crush mo?!?"
"Oo kaya! Siya yung tinutukoy ko!"
Sabihin niyo sa akin na nagbibiro siya. This thing is screwed! My personality, mistaken to be
Neriah's?!? Oh My!!
"Uwi na nga tayo. Malakas na ang tama mo!"
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog nun. Basta ang alam ko eh late night na yun.
Hindi kasi ako makatulog.
***
Nung sumunod na araw at nagising ako, hirap na hirap akong idilat yung mata ko. Pero kinaya ko
pa rin. 'Di kagaya ng dati, hindi naman ako na-late sa school.
"Good Morning Kristen!" sabi ni Xander na nagbukas pa ng pinto para sa akin.
"Tabi nga.."
"Ang sungit talaga nito. Hindi ba maganda gising mo?"
"Hindi eh. Dadagdagan mo pa."
Maaga-aga pa naman nun. Hindi pa yata time. Naglakad na ako papasok ng room at papaupo pa lang
ako eh narinig ko yung announcement ng intercom.
'Attention to all the students who signed up for the school paper selection please report to
the auditorium. Don't be late.'
Ano ba yan?!? Kakaupo ko pa lang ah!
Tumayo na naman ako. Don't be late daw eh.
"Pinapatawag daw kayo.."
"Narinig ko po, may tenga ako."
"Gusto mo samahan kita?" sabi niya sa akin na sumunod na naman hanggang labas.
"May paa ako Xander."
Sumusunod pa rin siya nun hanggang sa nakalabas ako. Kaya lang nung naglalakad ako sa hallway,
may nakita ako na makakasalubong namin.
"Dali! Itago mo ko!" sabi ko at pumunta ako sa likod ni Xander dahil makakasalubong namin si
Bryan.
"Bakit? Oi! Anong ginagawa mo sa likod ko?"
Teka nga, abnormal ka Kristen. Bakit ba ako nahihiya kay Bryan? Siguro nga alam niya yung mga
bagay-bagay tungkol sa akin, pero hindi niya alam na ako eh ako. Simple lang. Hindi dapat
kabahan.
"Ei Kristen."
"Oh.. hey."
"Si Neriah?"
Sabi ko nga eh, si Neriah ang hinahanap niya.
"Sa room."
"Ok, thanks." tapos umalis na siya.
Tumakbo na si Bryan papunta ng room namin. Nakalayo naman na siya.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" napansin ko kasi si Xander.
"Bakit tinataguan mo si Bryan?"
"Wala ka ng pakialam. Saka hindi ko siya tinataguan. Akala ko kasi siya yung kaaway ko. Kahawig
niya kasi!!!"
Hindi na siya nagtanong nun, which is, much better. Pagdating na pagdating namin doon eh ang
daming tao sa harap ng Bulletin.
"Anong meron dito?"
"Pinost na nila yung listahan ng mga nakuha. Hindi nga ako pasok eh." sabi nung isang babae na
nakita ko.
Ang daming tao. Hindi ko mabasa yung nasa harapan. Mamaya na lang siguro kapag kumonti na.
"Ok, pwede pong padaan? Kailangan lang namin mabasa yung nakalagay. Yung mga nakabasa na, huwag
niyo ng titigan yan. Hindi magbabago yung nakasulat."
Nagsitabihan naman yung mga nagbabasa doon. Yung iba naman eh umalis na. Unang pumunta sa
harapan si Xander. Nagbasa siya doon.
"Saan na ba yung pangalan mo? Teka.." tapos binasa niya yung nanduon. "Ayun! Nasa number 3 ka.
Nakuha ka naman pala eh."
Napaka-casual lang ng pagkakasabi niya. Akala ko nagbibiro siya eh, totoo pala.
"Oh nandyan na yung pangalan mo, tara na!"
Parang wala lang sa kanya yun. Ako naman, parang gusto kong tumalon dahil nakuha ako.
"Nakuha ako!" tapos ginawa ko na yung pagtalon ko. OA pero ganun ako minsan. Hinawakan ko pa sa
balikat si Xander.
Parang natatawa yata sa akin eh.
"Anong nangyari sa 'yo? Masyado ka namang excited!"
"Masaya lang yung tao! Kainis na 'to."
Naglakad na kami nun pabalik ng room. Malapit na kasi yung time at baka ma-late pa kami. Nakuha
na ako dun sa sinulat ko about Renovation!
And I owe...
"Bryan!!!"
"Bakit?"
"Thanks!" kasi sa kanya galing yung mga information ko!
"Ohh.. ok."
"Pagbigyan mo na, masaya lang yan at nakuha siya sa school paper. Teka, teka... thank you na
naman? Lagi na lang.."
"Bakit ako hindi?!?"
***11***
Nakakatawa talaga yung mukha ni Xander nun na nakatayo sa harapan namin.
"Ok.. thanks na rin Xander."
Naglakad na kami nun. Ang saya-saya ng diwa ko. Paano ba naman, pasok na ako!
Nadala ko pa rin yung pagkamasaya ko hanggang sa nagklase kami. Si Xander, nakaipo lang doon at
hindi masyadong nangungulit. Hanggang sa nag-alarm na nga, mukhang wala sa mood eh.
Binati ko nga lang, isang word lang ang sinagot sa akin. 'Oo'.
Dahil nauna na si Neriah sa cafeteria, ako naman eh susunod na lang. Kaya lang pagdating ko
doon sa table na inuupuan niya, nakaupo doon si Bryan at tumayo na mukhang papaalis na.
"Anong ginagawa nun dito?"
"Wala naman. Nagyayaya na kumain daw kami sa Jollibee mamaya.." sabi ni Neriah na nakangiti pa.
"Huh?!? Bakit naman?"
"Sabi niya, gusto pa raw niya akong makilala.." ikaw? ano ba yan!!!
"Teka, anong sinabi mo? Pumayag ka ba? Hindi.. oo?"
"Easy ka lang Kristen, bakit ba parang kabado ka masyado?"
"Wala, curious lang." hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko nun.
"Ano sa tingin mo?"
"Ewan!"
Hinawakan naman niya ako sa balikat na ang saya-saya at excited na excited ang dating. Parang
alam ko na kung ano...
"Ano ka ba! OO siyempre! Pumayag ako!"
Ano ba yan?!? Masaya pa rin ba yung araw ko.. o hindi na?
Parang may kung anong bumagsak sa tiyan ko nun. Yung idea pa lang na makakasama ni Bryan si
Neriah mamaya, parang ayoko ng isipin. Hindi na nga siguro ako masaya.
Nanahimik na lang din ako nun. Parehas na kami ni Xander. Nagtanungan nga yung mga classmate
namin kung bakit hindi raw yata kami nag-aaway ngayon.
Nung tanghalian naman na, mag-isa akong pumunta sa playground. Hindi ko na nga maintindihan
yung sarili ko, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa siyang sulatan eh samantalang ibang
tao naman yung iniisip niyang ako.
'Ei.. medyo malungkot...'
Hindi ko natapos yung sinusulat ko kasi may narinig ako na nag-uusap. Kilala ko yung boses.
Nagtago na lang ako doon sa likod nung puno, baka makita ako eh.
Si Neriah pala at Bryan. Kakain na siguro sila.
Habang naglalakad sila nun, saka ko lang napansin na si Bryan ang may dala ng bag ni Neriah.
Hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako naiinis kay Neriah.. siguro... ewan!
Pangiti-ngiti rin si Bryan nun. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero, mukhang
naeenjoy niya. Buti na lang nakalagpas na sila nun saka lang ako lumabas dun sa puno tapos naglean ako doon sa bakal.
"Oi!"
Nagulat naman ako nun at natusok tuloy ako dun sa sanga nung halaman.
"Bakit ba nanggugulat ka?" nandun kasi siya sa likod ko.
"Nakita kasi kita dito, nandun ako sa elementary. Anong ginagawa mo?" tapos lumapit siya doon
kung saan ako nakatayo.
"Wala. Huwag ka ng lumapit.."
Medyo tinutulak ko siya nun at baka makita pa niya kung sino yung tinitignan ko. Kaya lang ano
namang laban ko, nakita pa rin niya.
"Bakit mo sila tinitignan?"
"Hindi ko sila tinitignan. Sino namang may sabi sa 'yo na sila yung tinitignan ko?" sabi ko
habang papaupo.
"Sila lang naman yung tao diyan ah!"
Mukhang hindi na naman ako titigilan nito.
"Ano 'to?" nakita kong hawak niya yung post it ko. Seryoso pa tumingin. "Are you writing some
kind of a diary?"
"Akin na nga yan!" tapos inagaw ko sa kanya. "Hindi."
"Ang weird mo Kristen.."
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Eh kasi naman kung shini-share mo na lang ba e di sana hindi na kita kinukulit.."
"Sa dami naman ng pagsasabihan ko.. ikaw pa. Ikaw na siguro ang huling taong makakaalam.."
"Dali na.. makikinig ako" sabi niya ng seryoso.
Tumayo ako uli doon at sinilip ko kung nandun pa si Neriah at si Bryan. Malayo na yung nalakad
nila. Nalulungkot ako para sa sarili ko.. na hindi ko naman alam ang dahilan.
Sumunod naman si Xander sa akin.
"He doesn't even know her.."
"Ano? Magkakilala kaya sila.."
"Ano ka ba! Hindi literal. Ikukuwento ko.. baka tawanan mo ko."
"Hindi. Kailan ba ako tumawa sa 'yo?" tinignan ko siya ng masama. Halos araw-araw yata
tinatawanan niya ako eh.
"Kasi.. nagsulat ako dito. Using post-it notes. Last summer ko nasimulan. Eh nagkataong, may
sumagot. Ganun. Tinutulungan niya ako. I think he's nice. Ang bait kasi eh. Nagkataon namang si
Bryan yun.."
Napansin kong seryosong-seryoso yung mukha ni Xander nun tapos bigla na lang tumawa ng
malakas.
"Huwag na nga! Nakakainis ka naman eh!" tapos kinuha ko yung bag ko at tinulak ko siya.
Kaya lang, hinawakan niya ako sa braso ko.
"Sandali lang.. niloloko lang naman kita. Nagulat lang kasi ako. Si Bryan? tapos ikaw?" tapos
nahalata kong pinipigilan niya yung tawa niya. "Ano namang problema dun?"
"Anong problema? Wala naman. Maliit lang. Akala niya ako eh si.."
"Neriah?!?" tapos tumawa na naman siya ng malakas.
***12***
"Jollibee? Ayoko dun!" kasi naman.. ayoko talaga dun. Nananadya ba si Xander at talagang doon
pa niya gustong kumain?
"Dun ang pinakamalapit eh, ano bang problema?"
"Kasi alam mo Xander, mahilig ako sa pizza. Kaya... Little Caesar's na lang tayo."
Sa dami naman ng ililibre, ako na siguro ang taong namimili pa ng lugar na pagkakainan.
"Eh malayo yun dito, yung Jollibee lalakarin na lang.." tapos tinuloy na niya yung paghila sa
akin.
Wala naman akong pakialam kung malayo. Mas gugustuhin ko na doon kaysa makita ko pa si Neriah
at Bryan!
"Kung pamasahe lang ang problema mo papuntang Little Caesar's, sagot ko na. Ikaw na lang sa
food." tapos huminto na siya sa paglalakad.
"Kristen, favorite ko yung Jollibee. Alam mo yun, bubuyog.. tapos pula! Kaya tara na!"
Grabe, napaka-reasonable nung sinabi niya sa akin. Sa katunayan, nga effective eh. Out of
100, .1% siguro.
"Siguro nga pinaglihi ka ng Mama mo sa Jollibee, na-explain kung bakit sunod ka ng sunod. Alam
mo yun.. sa honey."sabi ko na nanloloko.
"Kung pinaglihi niya ako sa Jollibee, hindi ko alam. Hindi ko naman natanong. At kung sinasabi
mo na ikaw yung HONEY... malabo naman yata yun!"
"Whatever!"
Kakalakad namin eh saka ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng Jollibee. Hinga ng
malalim Kristen, kaya mo yan!
Pagpasok namin sa loob, ang daming tao at ang haba ng pila. Ganun naman kadalasan ang nakikita
ko sa Jollibee. Akala ko nga ayaw na ni Xander doon, pero tinuloy pa rin yung pagpasok.
"Kung gusto mo Kristen, ako na lang ang pipila at maghanap ka na lang ng uupuan.."
"Ayoko nga! Mukhang wala ngang bakante dito eh."
"Bahala ka.."
***13***
"Ahh.. may sumipa sa akin..." sabi ni Bryan na yumuko habang hinahawakan yung paa niya na
nasipa ko. Na-shock din ako eh.
Si Neriah naman, sumunod at yumuko rin.
"Jackpot Kristen... para kanino ba yun?" sabi niya na halatang alam niya na dapat sa kanya yun.
"Wala naman. Para lang sa taong... este... insekto pala na walang ginawa kundi mamerwisyo ng
tao."
"Baka naman nakalimutan ng sinasabi mong 'tao'.." sabay quote pa niya ng kamay niya ".. este
'matamis' pala na trabaho na nung 'insekto' na mamerwisyo ng matamis'.."
Hindi ko na lang pinansin si Xander nun. Sa katunayan, medyo nalito ako doon sa sinabi niya sa
akin. Dahil ayokong makita yung pagmumukha niya, nakiyuko na rin ako kina-Bryan sa ilalim ng
table.
"Ei Bryan.. sorry kasi.."
Napatigil naman ako dahil nakita ko kung paanong magtinginan yung dalawa. Parang wala ng bukas
ah!
"Ahhhhhh!"
Nagulat yata sa akin at sabay pa silang tumayo. Nagulat din ako sa sarili ko kung bakit ako
sumigaw, kaya nung itatayo ko na yung ulo ko.. tumama ako sa table.
Aray! Parang nalaglag yung utak ko ah!
Umalog pa yung table nun sa sobrang lakas ng pagkakauntog ko.
"What?!? Anong nangyari sa 'yo? Ok ka lang?"
Aaminin ko, medyo nahilo talaga ako nun. Kaya nga nung nakita ko yung mukha ni Xander na
malapit sa mukha ko eh ang initial instinct ko eh sampalin ko siya.
At ginawa ko nga...
"Aray naman! Ano na naman ang ginawa ko at sinampal mo ko? Nagtatanong lang yung tao!" sabi
niya sa akin na hawak pa yung pisngi niya.
Tumayo na siya nun mula sa pagkakayuko, at ako naman eh nagingat na hindi na maulit na mauntog
ako uli. Hawak ko yung ulo ko, si Xander yung pisngi niya. Medyo naawa rin ako kasi nakikita ko
pa nun na namumula yung pisngi niya.
"Anong nangyari sa inyo?"
"Sinampal lang naman ako ng kaibigan mo eh samantalang nagtanong lang naman ako.." hawak niya
yung panyo niya at tinakip niya sa pisngi niya. "Ang sakit nun ah! Ang bigat ng kamay mo.."
Nung mga oras na yun, pakiramdam ko dapat na akong mag-sorry. Oh well... kasalanan ko naman...
"Kasi naman! Pwede ka namang magtanong ng hindi ganun kalapit yung mukha mo 'di ba?!? Medyo
nahihilo pa ako tapos mukha mo yung makikita ko! 1 and a half inch away!" hanep Kristen, iba na
pala ang meaning ng sorry ngayon?
"May eksakto pa palang sukat yun! Pasensya! Sa susunod kapag nagtanong ako at may nangyari sa
'yo, sisiguraduhin ko na 10 feet apart yung mukha ko..." sabi niya sa akin.
Natatawa naman ako nun sa kanya. Medyo diniinan ko yung part na nauntog, masakit pa rin.
Siguro, magkakabukol 'to.
"Ayoko ng ilapit yung muka ko dahil bawal na pala ngayon na magtanong at syempre para safe at
di masampal ang mukha ko. I think you owe me an apology..." medyo seryoso naman siya nun, pero
kahit papaano... hindi pa rin bagay!
"Ok... sorry--"
"Really?."
"Bryan." sabi ko nun na natatawa naman ako. "Ako yung sumipa sa 'yo kasi.. alam mo na... may
kumagat na kung ano sa paa ko kaya napasipa ako. Sorry talaga, hindi ko sinasadya..." galing
magsinungaling! Oscar's ito!
weight lifting room na wala man lang sinabi. Hinawakan ko na yung door knob nun para buksan ko
nung sinabi niyang...
"Kristen.. baka..."
"Easy ka lang, may babatukan lang ako!"
Tinuloy ko na yung pagpasok ko sa loob. Grabe, kakaiba yung amoy dito. Amoy pawis!! Ngayon lang
ako napasok dito, at ngayon ko lang nakita yung itsura. Syempre, panay weights and all sorts of
crap!
Binilisan ko yung lakad ko. Napansin ko rin na marami akong nadaanan sa loob na mga lalaki.
Sabay-sabay pa silang nag 'whoa!' nung dumaan ako sa 'di ko naman malaman na dahilan. Ano bang
problema nila? Yung isa, may towel pa sa leeg niya.
"Si Xander?"
Katulad ni Bryan, parang wala rin siya sa sarili niya at tinuro yung isang cubicle na may
glass. At syempre, may nakikita na akong paa doon. Pumasok ako sa loob.
"Oi Bubuyog na bwisit!"
Nahulog naman siya doon sa pagkakahiga niya doon. May kung anong binubuhat siya sa kamay niya
at mabigat na kung ano rin sa paa niya.
"Kristen?!? Nandito ka?"
"Oo bakit? Ang laki talaga ng problema mo?! Bakit mo nilagyan ng bato yung bag ko! Kaya pala
nagkakanda-kuba na ko sa pagbuhat nun! 'Di mo ba alam na masama ang effect nun sa spinal cord?
Kapag ako naging disabled makita mo..."
Hindi pa rin siya nagsasalita nun. Pinupunasan yung mukha niya.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo dito?"
"Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Kristen.. mamaya na nga yan. Kung 'di mo alam, tumingin ka sa likod mo."
Tumingin naman ako sa likod ko. Oh my freaking word! Ang daming lalaki nga. Walang babae dun.
Yung iba syempre, walang shirt. At yung iba... oh well.. naka-towel.
"Oohh.." ano ba yan! lagi na lang akong napapasok sa kung ano!
"So?!?"
"Just... stay away..."
Hindi ko alam kung kaya ko pang dumaan dun sa dinaanan ko kanina. Hindi ko naman talaga
napansin, paano ba naman yung mga lalaki malapit sa pinto eh nakauniform ng weight lifting
class. Tapos dito pala eh... naman!
"Ahh..." sabi ko na lang nung tumalikod na ako.
"Go ahead.."
Ayoko na talaga! Hindi makakilos yung dalawang papa ko nun. Nakakahiya na ko! Sobra!
"Ok.. that means, I am left with one choice.."
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya nun. Lumapit siya sa akin at nung tinignan ko siya
eh...
"Ano?!?"
"Just, hold tight.."
Sunod na lang na alam ko, binuhat niya ako at nilagay niya ako sa kabilang balikat niya. Medyo
nakabaliktad yung ulo ko nun at nakikita ko yung likod niya.
"Ano ba!!!"
Naririnig ko nun na sinasabi niya sa mga kasamahan niya dun..
"Pasensya na.. may sakit 'to ngayon. May topak. Wala sa sarili."
***14***
Medyo bwisit pa rin ako nun. Feeling ko, wala akong mukha na maipapakita sa mundo. Ganun na nga
talaga kapag ang pangalan mo eh Kristen, na may kasamang Carylle at Gutierrez.
Nung pumasok si Xander, nandun pa rin si Bryan. Medyo nakangiti sa akin. Nahiya tuloy ako. Kaya
sinabi ko kita na lang kami at binilisan ko na yung lakad ko.
Dahil nga seminar ngaun, dumeretso ako ng Little Theater at doon kasi ginawa yun. Hindi na
naman ako makapag-concentrate, paano ba naman eh kapag naalala ko yung kaninang umaga, di ko
maiwasan na mainis sa sarili ko! Bakit ba kasi pumasok ako doon? Pwede namang batukan si Xander
kapag nakalabas na siya 'di ba?!?
Sabagay, di ko rin naman alam na bawal pala ang babae dun. May sign ba? Wala naman ah!
"Miss...? Anong pangalan mo?" sabi nung teacher sa harapan ko.
"Ahh... Kristen." eto ang epekto ng mala-eroplano ang utak... lumilipad.
"Ok, halimbawa si Kristen.. ilalagay ko sa Editorial writing and headline news, dapat lang na
hindi mo mahalo yung opinion mo sa real facts...."
Ganyan kami nakinig. Nag-break lang. Na-boring na nga ako nun eh. Syempre, hinati kami.
Straight news and editorial writing nga ako natapat.. yung iba, ewan ko!
Dahil half time nun, lumabas na ako at nauuhaw na ako. Breaktime na rin nung mga classmates ko.
Ano kayang ginawa nila sa klase? Tiyak maghahabol na naman ako ng lesson niyan!!
"KC!" lumingon naman ako doon sa tumatawag sa akin... "Kristen.. I mean.."
"KC ka dyan!?"
"Oh, anong ginawa niyo sa seminar?"
"Ano pa kundi umupo at makinig! na-bored nga ako eh. Akalain mong gagawin ko 'to for three
days?" sabi ko nung inayos ko yung bag ko "Ano naman ang ginawa niyo?"
"Wala naman. Nag-lecture saka nag-partner by two's sa para sa Physics lab."
"Ngek! Sino naman ang maswerteng partner ko sa bwisit na Physics?"
"Aba.. sino pa!" sabi niya sa akin na nakangiti pa.
"Ikaw?! Ayos!"
"Tangek.. hindi ako. Ayun!" tapos ngumuso siya doon sa makakasalubong namin.
Yeah right... alam niyo na kung sino..
"Bakit naman siya? Kapag mamalasin! Kapag partner ko yan sa laboratory, tiyak wala kaming
matatapos o kaya laging palpak!"
"Eh siya nagprisinta kanina eh. Sinabi niya na wala ka raw partner, siya na lang daw partner
mo..."
Nakakainis na yun! Sana lang 'di ba nakipag-partner na siya? Mas ok sana kung iba partner ko o
mag-isa na lang ako.
"Oi!"
"Ano?!?" medyo naiirita na naman ako.
"Ito naman laging high blood. Binati ka lang eh.."
"Sign na pala ng pagbati ang 'oi'?!? Wow, ang galang!"
"Partners nga pala tayo sa Physics lab.." sabi niya sa akin.
"Yeah.. whatever!"
Narinig naman namin na may tumawag kay Neriah kaya nagpaalam siya. Dahil busy pa akong
nakikipagtalo kay Xander nun, huli ko ng napansin na si Bryan pala. Bakit ba kapag ganun
naiinis ako?
"OI! Ayos ka lang? Kung makatingin ka parang gusto mong tunawin yung dalawa ah!"
"Shut up! Pakialam mo ba?!?"
"Oo nga pala naalala ko, si Bryan nga pala ang pen pal mo!"
"Pen pal? Yuck! Hindi no.." sabi ko kaya tinulak ko siya pero di malakas "Teka may naalala ako
na dapat gagawin ko kanina.."
Lumapit naman ako sa kanya nun.
"ANo ba yun?"
"Yumuko ka, may bubulong ako sa 'yo!"
Dahil mas matangkad siya sa akin, yumuko naman siya dahil nga sabi ko may ibubulong ako. Pero
wala naman talaga akong sasabihin dahil...
BABATUKAN KO LANG NAMAN SIYA!!!
"Ang sadista mo! Dati sinampal mo ako.. ngayon batok!"
"Siraulo ka kasi!"
"Oh yeah? Siguro nga!" tapos hinawakan niya yung batok niya.
"Tama lang yan sa 'yo. Ang lakas mong mang trip!"
"Pasalamat ka--!"
"Pasalamat ako ano?!?"
"Basta! Kapag ako gumanti.. baka 'di mo kayanin!"
"Talaga lang!"
Papaalis na sana ako nun para kumain na rin ako..
"Oi!"
"Baka naman pwede akong kumain? Di naman siguro bawal no!"
"Kaya nga nagdala na ako eh. Binilihan na nga kita ayaw mo pa..."
Aba.. libre na naman ito!
"Hindi 'to libre, babayaran mo! Taghirap ang mundo ngayon!"
"Sino naman maysabi na gusto ko yan?"
"AKO!!!"
"Akin na nga yan!" inagaw ko naman yung hawak niyang saucer tapos naglakad na ako.
Syempre, kasama ko yung piggy bank na umupo sa labas. Naglayo nga kami ng upuan at baka kapag
nagtabi kami eh lumala pa ang yung pagkainis namin sa isa-isa.
"Kung hindi naman dahil sa 'yo di ako palalabasin dito!" panay ang pagpaparinig niya sa akin.
"Kung hindi ka rin kumakain, wala rin ako dito!"
"Maglinis ka kasi ng tenga mo"
"FYI! Naglilinis po ako ng tenga! Gusto ko lang marinig ng maayos kasi yung seminar na ito eh
para turuan tayo.. hindi para makinig sa pagnguya ng isang... " tapos bumulong ako "...obese"
"Anong sabi mo?"
"Sino ngayon ang bingi sa atin?" tapos umarte ako na nilagay ko yung kamay ko sa tenga ko.
"You talk alot Kristen!"
"More likely.. kasi may bibig ako."
Lumabas naman yung teacher at chineck kami. Tinanong kung winowork-out daw namin ang isa't isa.
Syempre, pretend to the maxx kami ni piglett.
Dahil hindi pa rin kami pinapasok, narinig na lang namin na nag-alarm na ng uwian. Nagsilabasan
na yung mga tao sa Little Theater, at kinausap kami for the last time. Bukas daw eh pwede na
kaming pumasok, pero kapag naulit daw yun uli eh baka hindi na kami kunin sa school paper.
Syempre, iniwan ko na sila doon. Mapaparami ang kain ko dahil naiinis ako.
Naglakad na ako sa corridor. Buti na lang talaga eh walang seminar mamayang hapon. Dahil hindi
ko na talaga kayang makita ang baboy na yun!
Nagulat na lang ako ng may tumulak sa likod ko kaya muntik na akong madapa.
"Ooopsss.."
"Can you drop it off?"
"Hey!"
Napatingin naman ako. Tumatakbo si Bryan. Aba, knight without an armor!!
"Nakita ko yun Margaret." sabi niya ng seryoso "Bakit mo ginawa yun?"
"Hi Bryan.."
"Mag-sorry ka nga.."
"Bakit naman ako magso-sorry dyan?"
"Just do it.."
"Fine. Sorry!" tapos umalis na yung mataba sa harap namin.
"Tama yan mag-sorry ka SUMO WRESTLER!!!"
Tumawa naman ako ng tumawa doon. Kung anu-anong codename naiisip ko. Dito ako magaling eh!
"Kristen!"
"Ooopsss..." sabi ko na lang "O sige pala... uwi na ko. Thanks nga pala. Lakas ng charisma mo
kay taba."
"Kinakapatid ko siya. Ninong niya yung papa ko."
"Kinakapatid? Hindi bagay. Ang layo eh. Bye na talaga!"
Patakbo na sana ako nun. Kaya lang narinig ko siya.
"Hey sandali lang!"
"Ano?!?"
"Kung
"Bakit?"
***15***
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako kay Xander kapag seryoso siya. Hindi kasi normal eh.
Nakakatakot. Pero kahit papaano, na-touch naman ako doon.
Napakunot-noo na lang ako at tinuloy ko na lang yung pagsulat ko. Iba talaga ang tama nun.
"Lee, request naman..." sabi nung isang classmate namin na narinig ko lang.
"Ano? Basta ba alam ko yung chords. 'Wag lang 1950's at 'di mo ko maasahan diyan!"
Hindi ko naman narinig kung ano yung ni-request nung classmate namin. Basta nung kumanta si
Xander, saka ko lang nalaman.
"If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call
If you are not mine would I have the strength to stand at all..."
'Lee Xander Maclean, please come to the front office, Lee Xander Maclean'
"Naku, ano na naman meron sa office? Hindi ko alam na naka-sampung referral na ako! Naman!"
"Paano mo naman nalaman na sampu na yung referral mo?"
"Eh nung nakaraan na tinawag ako sa office, dahil sa detention eh. Sarado kasi yung guidance
nun. Sige, punta muna ako."
Nakalabas na siya nun. Akala ko nga wala na eh. Gusto ko kasing magtanong doon sa classmate ko.
Kaya lang kung nandyan siya, ayoko.
"Ei, Bea... himala yata at may alam yun sa music?" sabi ko naman.
"Dapat lang no... vocalist siya ng banda eh.."
Bigla na lang nabutas yung papel na sinusulatan ko. Nadulas yung ballpen eh. Vocalist? Gusto ko
yatang magwala sa kinauupuan ko.
"Vocalist?" kung sabagay, hindi naman masama.
"Oo. Kaya nga kilala siya sa school eh."
"Akala ko kilala siya sa school dahil apo siya ng President ng school board." sabi ko tapos
inayos ko yung papel "Akalain mong vocalist pala yun? Hindi halata ah! Ang sama ng boses!" sabi
ko lang naman yun... hindi naman totoo.
"Ikaw talaga lagi kayong nag-aaway.."
"Kristen! Ouch naman yun! Tagos dito!" tapos nakita ko si Xander na pumasok doon sa room namin.
"Akala ko ba wala ka na?"
"Nalimutan ko yung gitara ni Bryan. Isosoli ko na." tapos kinuha na niya sa table "Sakit nun
Kristen! Tignan mo sa performance namin... kakainin mo yung sinabi mo!" medyo tumatawa siya nun
tapos kunwari eh hinahawakan niya yung dibdib niya.
"OA nito! Para yun lang!"
"Basta! Makita mo sa performance! Tiyak manonood ka nun dahil magiging staffer ka. Magaling
yata ito kumanta! Ako pa!"
"Ang nipis mo tsong! Sige na lumayas ka na!"
"Oo alis na ako.. pupunta ako sa hospital..."
"Sinaksak mo ko dito!" tapos tinuro na naman niya yung puso niya habang nakangiti...
***16***
Naguluhan na naman ang mundo ko sa sinabi nilasa akin na kumakanta pala si Xander! I'm sure,
hindi ko kakainin yung sinabi ko. Tama, panindigan na masama ang boses niya!
Nakakakaba rin ha... kainis na yun! Nanakot pa!
Nag-uwian na nung hapon na yun pagkatapos nung last subject. Ako na naman ang sumundo kay
Angelo nun. Wala naman akong magagawa dahil sinabi ni Mama sa akin. Kailangan ko lang sumunod
dahil kung hindi... walang allowance!
Siguro nakakapagtaka dahil tuwing susunduin ko yung kapatid ko eh laging wala pa eh samantalang
mas mahaba ang klase ng high school. Ang Edison elementary kasi kapag naglabasan, pila-pila.
Tumatagal tuloy.
Bago pa lumabas si Angelo, nakita ko na may post-it na naman doon. Kinuha ko lang at syempre,
binasa.
'Ano ka ba, kung may problema ka... ayos lang na sabihin mo sa akin. Doon nga tayo nagkakilala
'di ba? Kaya lang, hindi mo naman na kailangan isulat pa. Pwede mo naman sabihin sa akin ng
personal. Pero kung mas magaan para sa 'yo kung ganito... ayos lang sa akin. Basta dito lang
ako kung kailangan mo ng tulong.'
Paano ko naman sasabihin sa iyo ng personal kung... kung magulo lahat!
Tinapon ko na lang yung post-it nun. Maya-maya lang, dumating na si Angelo.
***
Kinabukasan naman, wala naman akong ginawa ng umaga. Nasa seminar na naman kami at nakinig
doon. Mga guidelines na kung ano. Syempre, pinaglayo na kami ni Margaet at baka madagdagan ang
referral. Isang referral lang yun naiinis na ako. Pero si Xander kung umasta sa ganun, parang
wala lang sa kanya. Yung sinabi niya kahapon na dati pinatawag siya dahil sa detention, wala
naman siyang pakialam. Dapat nga siguro ganun din ako?!? Hindi. Dapat alalahanin ang referral.
Nagkakarecord sa guidance kaya hindi maganda!!! At bakit ba nasama na naman si Xander sa munimuni ko? Hanggang dito ba eh magulo yung tao na yun?
Breaktime. Bumaba na naman ako dahil nga kainan na. 'Di gaya ng kahapon, hindi ako masyadong
gutom ngayon. Hinanap ko nga si Neriah at baka saka-sakaling sumulpot kung saan, si Bryan naman
ang lumabas. Kaya umatras na lang ako at ayoko ng makipag-usap. Tiyak naman si Neriah ang
hahanapin nya sa akin. Kaya lang may naapakan na naman ako. Pagharap ko si Bubuyog.
"Kailangan ba talagang sa likod ka palagi!??"
"Eh ikaw naman kasi yung itsura mo dyan, para kang detective." tapos nakita namin na dumaan si
Bryan.
Ngumiti na naman siya ng nakakaloko...
"Aha! Kaya naman pala eh. Bakit?"
"Pakialam mo ba." tapos iniwan ko siya doon sa pagkakatayo niya.
"Ok, 'di na po kita tatanungin."
"Eh bakit nakikisabay ka sa akin?" sabi ko kasi nakikilakad na naman "Ano nga pa lang ginawa
niyo sa klase?"
"Aba ewan."
"Anong ewan? Ikaw ang nandun eh."
"Gaya mo, wala rin ako sa klase."
"Skipping classes?"
"NO! Nasa practice ako."
"Practice ng ano? Pagsipsip ng nectar ng halaman? 'Di na kailangan, magaling ka na dyan."
nainis na naman ako. Practice ng ano?
"Practice po ng band. School selection kasi eh. Friday."
"Whoa! Natatakot ako. Super!"
Imbis na sa cafeteria ang punta namin, napunta kami sa classroom. Umakyat ng hagdan at kung
anu-ano. Napagod ako! Nandun pa nga yung ibang classmate namin.
"Hala nandito na kayo!"
"Bakit naman?"
"Sabi ni Mam Physics, gawin niyo daw yung laboratory niyo. Ipasa nyo na lang daw yung data
bukas."
"Tungkol saan??"
"Laws of Motion. Hingi na lang kayo ng worksheet, tapos may materials na. Kayo lang dalawa
walang gawa eh."
"Aba malamang! Wala kami dito eh!"
Pagtingin ko kay Xander nun, iba na naman nag itsura niya.
"Bakit ba pakiramdam ko kapag ganyan ang itsura mo dapat akong kabahan?"
Tinapik lang niya ako nun sa balikat.
"Ako na bahala sa kailangan, pupunta ako ng office. Gawin na natin mamaya para may grade tayo."
"Saan?"
"Dito sa room."
"Fine. 'Wag mong sirain yung experiment."
"Asus ako pa..."
"Yun na nga eh ikaw pa..." sabi ko naman.
"Cute?"
"--parang aso."
"Ang sama nito!" tapos iniwan ko na siya doon. "Kristen!"
"Ano?"
"San ka pupunta?"
"Kakain syempre!"
Tinuloy ko na yung paglakad ko.
"Kristen!"
"Ang kulit mo!"
"Hindi wala sige na.."
Napataas naman yung kilay ko nun. Nakakainis. Wala naman pala siyang sasabihin.
"Kristen.."
"Blah..blah..blah wala akong naririnig!"
"Ito kamo. Magtatanong lang eh.."
"Ng ano nga?"
"Akala ko ba hindi mo ko naririnig?!?" anyone!!!? kutsilyo nga!
***17***
Syempre dahil sa sobrang kulit ni Xander at kadalasan naman eh natatalo ako, hinayaan ko na
lang siya na sumabay sa akin kumain sa cafeteria. Siguro nga hindi na dapat akong magtaka pero
siguro ito na ang lalaking nakilala ko sa buong buhay ko na kakaiba ang style kumain.
Umorder kasi ako ng macaroni spaghetti dahil hindi ako nakapag-almusal, siya naman eh ginaya
lang ako at may kasama pa siyang chocolates. Akala ko nga eh pinaka-dessert niya na yun kaso
hindi eh. Binuksan niya yung bag ng chocolates at nilagay niya sa ibabaw ng macaroni niya. How
weird can you get?!?
"Ano ba yan! Ang weird mo! Chocolates sa macaroni?" sabi ko nung nilalagyan pa rin niya yung
pagkain niya.
"Ikaw.. try mo." tapos in-offer niya yung chocolates sa akin.
"Nah, ayos na ko dito. Hindi ko na kailangang mag-cross ng line. Mapagkamalan pa akong weird
tulad mo!"
Pagkadating pagkadating ko sa school, ang dami na namang nagkalat sa labas. Halos lahat, hindi
ko kilala. May bumati pa nga sa akin na dalawang babae at nginitian pa ako. Feeling close nga
eh, sana lang 'di ba alam ko yung pangalan nila?!? Hay.. iba na talaga kapag artista ang dating
mo!
Kakahawak ko pa lang sa doorknob ng room namin eh may nagbukas na naman.
"Kristen!" sabi niya na nakatayo pa doon sa pinto.
"Padaan nga! Ang ganda ng hapon ko nakaharang ka na naman.." tapos dinaanan ko naman siya.
"Paano mong nalaman na ako yung papasok?"
Ang lakas ng pang-amoy nito...
"Nakita ko kaya!" sabay turo niya doon sa maliit na glass ng pinto. Ang taas kasi nun, kaya
ako.. hindi ko abot. Siya, may katangkaran kaya nakikita niya yung mga tao sa labas.
"Oi Kristen! May chikka ako sa 'yo!" sabi ni Neriah na isang magandang excuse para malayo si
Xander sa akin.
"Ano yun?"
Hinila niya ako doon sa upuan niya at hindi ko alam kung ano na naman ang meron. Syempre,
asahan mo na kung ano.
"Nagyayaya uli si Bryan lumabas!"
"Ahh.." speechless na naman ako. Ito yung topic na ayoko eh.
"Sinabi ko hindi pa ako sure. Sa Saturday daw kasi eh. Tiyak hindi ako papayagan nila Lola saka
ni Papa..."
"Oo nga. Isa pa.. strict pa naman papa po pagdating sa ganyan."
"Yun na nga eh! Kaya nga inisip ko na sasabihin ko kasama ka, tiyak papayag yun. Sige na
Kristen! Sama ka sa amin!"
Heck.. no.
"No! A big Oh-no-no. Neriah naman! Ako chaperone? Alalay? Asungot? Ayoko nga!"
"Sige na. Kung gusto mo isama natin si Xander para dalawa kayo."
"E di mas lalong hindi! Ayoko! Kayo na lang. Huwag mo na akong idamay sa ganyan no! Hindi
talaga.. final answer."
Dahil dumating na yung teacher namin sa unang subject ng hapon, bumalik na ako sa upuan ko.
Tumabi na naman si Xander dala yung bag niya na mukhang walang laman.
Binigyan naman niya ako ng peace. Hindi masyadong nagdaldal kaya naintindihan ko ang El Fili.
Akala ko kung ano yung tinuturo niya sa akin sa ibabaw ng counter, gamit daw namin para sa
laboratory mamaya. Nakalimutan ko na yun!
Pagkatapos ng madugong klase namin, (madugo dahil nag-test kami at hindi ako nag-review.. tiyak
panay red marks yun), eh naglaro lang kami ng batuhan ng bola sa PE. Wala pa rin yung teacher
namin. Na-stroke pala yung asawa kaya binigyan kami ng free time para maglaro. Kinuha ko yung
malambot na bola at inupuan ko. In the end, nakipag-wrestling pa ako kay Xander dahil pinipilit
niya yung kunin at mag dodgeball daw sila. Syempre, talo na naman ako.
Nung uwian na namin, lahat eh mabili nagsitayuan nung nag-alarm. Si Xander lang ang hindi
kumilos sa kinauupuan niya at nakataas pa yung dalawang paa niya sa dadaanan ko.
"Padaan nga! Yung paa mo paharang-harang."
Pero hindi pa rin niya inalis yung paa niya kaya tinulak ko at natumba yung upuan kasama siya.
Tumayo siya at pinagpag yung polo niya.
"Nadumihan tuloy.."
"Humaharang ka na naman kasi eh.."
"Bawal kayang umuwi.." tapos tinanggal niya yung polo niya dahil marumi na sa harapan.
Sinalaksak ba naman sa bag niya.
"Bakit, may bagong law na ba na nagsasabi na bawal mo akong pauwiin?"
"Meron.." sabi niya tapos umalis siya doon sa pagkakatayo niya "Laws of Motion."
Ewan. Freaking Lab. Hindi pa pala namin nagagawa yun at bukas na ipapasa yung data.
"Ano bang gagawin?"
"Yung una, yung bote na may nakalagay na papel sa ibabaw eh lalagyan natin ng coin. Hihilahin
yung papel ng mabagal sa unang try, at mabilis sa pangalawa. Observe."
"Fine. Nasaan na yun at gusto ko ng matapos ito at gusto ko ng umuwi.." kinuha ko naman doon sa
counter. "Hihilahin?"
Nakaupo siya doon sa upuan sa harapan at ako eh naupo sa sahig habang ginawa ko yun. Nung unang
try, nahulog yung coin. Nung pangalawang try at mabilis, na-shoot sa loob.
"Galing ha! Sinulat mo ba?"
"Opo.. mam."
Tinanong ko naman yung sumunod na gagawin. Spring scales naman. Sabi, italo daw sa paa ng upuan
at hilahin. Tignan kung ano yung kalalabasan na Newton sa kabila, at Newton sa kabilang side.
Syempre, equal.
"Isulat mo, equal."
"Yes Mam."
At nung huli na yung gagawin, at pinakamtrabaho sa lahat eh yung balloon. Nagtali pa kami ng
sinulid sa magkabilang dulo ng room.
"Anong next?"
"Hipan mo yung balloon, pero wag mong higpitan ang pagkakatali. Lagyan mo ng tape at i shoot mo
yung straw sa sinulid. Tapos, tanggalin mo yung hangin.. and observe what happens."
"Teka nga, napansin ko lang ako lang ang gumagawa ng experiment at ikaw eh paupo-upo lang
diyan." sabi ko nung natapos kong hipan yung balloon.
"Ako yung nagsulat ng data.."
"Patingin.."
Hinila ko yung papel na sinulat daw niya. Ayaw ibigay kaya nalukot. Pagtingin ko, hindi pala
data. Drawing!!!
"Data! Wow. Ang galing ng data mo. Babae na may hawak na bote. Babae na katabi yung lamesa..
at ... ano 'to?"
"Akin na nga!" tapos inagaw niya. "Hindi pa tapos... nilukot mo tuloy."
Nagdrawing na naman siya doon. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano... yun pala ang ginagawa
niya. Ang i-drawing ako habang ginagawa yung experiment.
Tinuloy ko na lang yung ginagawa ko at walang sinabi.
"Huwag kang mag-alala, eto yung data.." tapos pinakita niya yung papel na hindi kasamang
nalukot.. ngumiti lang siya doon.
So far, natapos naman namin yung laboratory namin at may maipapasa kami bukas. Medyo madilim na
at nakita namin a umuuwi na rin yung mga teacher.
"Ang pangit naman ng drawing mo!" sabi ko nung nagliligpit na kami.
"Dati sinabi mo ang sama ng boses ko, ngayon naman ang pangit ng drawing ko. Dati sinampal mo
ko, binatukan.. ang dami mo ng atraso sa akin! Kapag gumanti ako..." hindi ko alam kung seryoso
ba siya nun kasi patawa-tawa lang siya. May binulong pa nga siya kaya lang di ko narinig..
"Anong sabi mo?"
"Wala. Basta."
Kinuha ko naman yung bag ko at lumapit ako doon sa desk na pinagsulatan niya kanina.
"Ito ba yung data?"
"Obvious ba?"
"Hindi eh." habang tinitignan ko. Sa likod nun, nandun pa rin yung drawing niya. "Itapon na nga
ito! Ang loko mo!"
"Huwag ka nga! Drawing ko yan eh.." tapos inagaw na naman niya. "Nilukot mo na nga.."
"Uwi na nga ako.."
"Saan?"
"Malamang sa bahay namin!"
"San ba bahay niyo?" sabi niya habang pinapasok yung kalat niya sa bag niya.
"Sa HongKong."
"Oh? Tara na pala. Punta tayo ng HongKong."
"Ako lang ang pupunta ng HongKong.. ikaw umuwi ka na ng Malaysia."
"Taiwan ako eh. Sorry. Magkapitbahay lang tayo halos. Hatid na kita."
Nabwisit na naman ako. Tumakbo nga ako nun para hindi ako sundan, pero ang bilis. Kaya stuck na
naman ako. Sinusundan.
"Pasalamat ka nga ang bait ko. Gabi na."
"Sinabi ko bang magpakabait ka?"
Pero syempre, sumama pa rin siya hanggang bahay namin. Sumusunod at hindi nagsasalita. Kaya nga
nung nakarating na kami sa tapat eh...
"Ito na yun?"
"Opo. Alam kong hindi mansion.. pero mahal ko yan. So.. chupi! Layas na!"
"Ganun lang? Wala man lang thank you o kaya 'kung gusto mong pumasok ng bahay..'"
"Kailangan ba nun?" sabi ko naman.
"Oo."
"Whatever. Gusto mong pumasok?"
"Hindi. Layas na ko. Sabi mo kasi eh!"
"Ang gulu-gulo mo! Kainis ka!"
"Good night Kristen!" sabi niya nung naglakad na siya papalayo at hindi lumingon. "Sa
Friday..."
"Ano?! Anong meron sa Friday?"
Hindi na siya sumagot nun at kumaway na lang.
Friday?!? May nalimutan na naman ba ako? Dapat na ba akong kabahan? Sabihin niyo lang kung
kailan...
Ngayon na ba? Nagsisimula na ako ngayon eh...
***18***
Nagutom ako nun dahil wala akong kinain nung hapon na. Hindi naman marami dahil baka
bangungutin ako. Alam niyo na, kasabihan. At isa pa, si Xander ang huling nakausap ko... mas
lalong bangungot!
Si Mama kasi nakabantay sa kwarto ni Angelo, nakatulog na yata doon. Si Papa naman eh nasa
kwarto at wala ring pakialam kung nakarating na ako ng bahay, so over all wala na akong
nakausap sa kanila.
Gumamit lang ako ng banyo at syempre... pumasok na ako ng kwarto ko. Hindi ko na nga ginawa
Nagklase kami nun. Syempre meron, dahil 6:00 pa yung tugtugan. Mahilig din naman ako sa music,
yun nga lang ang mahirap eh magsulat sa dilim! Sana may ilaw sa bleachers.
Nanahimik ako sa klase. Pasulat-sulat. Halatang yung mga classmate ko rin eh yung mga banda ang
iniisip. Yung intercom ng school hindi mapakali. Kung sinu-sino ang ina-announce.
'Ms. Raya, please call the front office...'
'Teachers, excuse the interruption. Will the students joining the band selection please come to
the (blah...blah...blah) to register your group...'
At hindi rin nagtagal...
'Teachers, please release the school paper staffers and students who are arranging the
decorations... Thank you'
Tumayo na ako nun at syempre, tumakbo sa bleacher.
Dala-dala ko yung bag ko, medyo mainit pa. Nilista ko yung mga decoration na nilagay, sino yung
namuno sa pag-aayos.. mga ganun. Yung mga kasali sa band, wala doon. Sabi baka nagla-last
practice o kaya nagbibihis.
Hinanap ko pa yung ibang staffer at ang nakita ko eh si Jonas, yung cartoonist. Wala man lang
dalang papel eh, sabi ba naman sa akin eh madali na raw yun.
Nung uwian na, alarm ng 5:00, tumayo na ako sa gate at pinabantay ako. Tiyak yung mga
estudyante eh magsisiksikan sa entrance. Akala mo mauubusan ng upuan eh ang laki ng bleacher!!
Syempre, nagalit pa yung iba sa akin at bakit hindi ko daw sila pinapapasok. Mabuti na lang
mabait ako at mahinahon ko pang na-explain.
"PWEDE BA?!? HINDI NAMAN KAYO MAUUBUSAN NG UPUAN EH! SINABI SA AKIN NA HINDI PA PWEDENG
MAGPAPASOK AT PINABANTAY LANG AKO DITO, KAYA EASY KA LANG! HUWAG MO AKONG SIGAWAN AT HINDI AKO
BINGI!" sa sobrang hinahon ko, namula yung mukha ko.
Nanahimik naman yung babae. I guessed, that settles it! Dumating na si Ms. Raya at siya na ang
nagpapasok sa mga nagbayad.
Hinintay ko yung mga classmate ko. Tumabi sa akin si Neriah at kumuha kami ng magandang upuan
malapit sa harapan para kita ko. Syempre, kailangan ko ng details. Siya naman, parang hindi
mapakali at lingon ng lingon.
"Nakita mo ba si Bryan?"
Gusto kong sabihin na, Bryan na naman? Hindi ka na nagsawa?
"Bakit mo naman siya hinahanap?"
"Tiyak kasama nun si Lee! Isang band sila eh!"
"Teka, isang band lang sila? Seriously?"
"Oo kaya, hindi mo alam?"
Obviously, hindi ko alam kaya nagtanong ako. Dumami na rin yung mga tao nun. Mabuti na lang at
gabi na kaya hindi mainit. Kailan ba sisimulan ito? Sabi 6:00.. 6:15 na ah! Iba talaga kapag
Filipino time...
Maya-maya lang, dininig na rin ang panalangin ko. Umakyat si Mam Lantes.. ang pinaka-emcee ng
program. Music Dept. kasi siya eh!
May mga introduction, prayer, pagpapakilala ng judges at kung anu-ano pa. At syempre, nagsalita
na siya ulit.
"And now, let start the main event! The first contestant, from II-2, The Radicals!"
Napataas yung kilay ko nung sinabi yung pangalan. The Radicals? Hindi naman halata na mahilig
sila sa math noh!
At syempre, tatlo daw ang dapat tutugin ng bawat isa. Dalawa lang yung tinugtog nila at palpak
pa yung isa. Hindi ko alam kung anong nangyari.
Yung mga sumunod na contestant, maayos-ayos naman. May kumanta pa ng 'My Immortal' at
'Perfect'..
Dito pa lang masasabi mo na ang impact ng music sa teenagers. Kasama ba naman sa kumakanta eh!
Nahihirapan na akong tumingin sa papel ko nun dahil ang dilim-dilim. Nagulat na lang ako nung
may tumabi sa akin at inilawan yung papel ko ng blue galing sa cellphone niya.
"Kumusta ang pagsusulat?"
"Ayos pa naman. Basta 'wag mo akong guluhin."
"Ang dilim-dilim dito ka nagsusulat! Kapag lumabo mata mo.. sige ka."
Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya nun at tinuloy ko yung pagsusulat ko. Napansin ko lang
nung nawala nung iniwan niya doon yung cellphone niya at umalis na sa tabi ko.
"Gamitin mo muna, para hindi madilim. Next na kami dyan. Gandahan mo write up sa group namin
ha!"
"Depende kung ano ang performance!"
Nagulat na lang ako nung may sumigaw galing sa likuran. Napalingon din ako pero hindi kita eh.
'Good luck Lee!' tapos si Xander naman, kumaway lang.
"Sige, mamaya na lang! Manood ka ha!"
"Talaga namang nanonood ako eh!"
Dahil nagdaldal pa sa harapan ko, tinawag na yata sila eh nanduon pa siya sa kadulu-duluhan
namin.
"Let's welcome, wwwdotcom!"
Yun yung name ng band nila?!? Ayos din ah!
Nakita ko na umakyat na yung iba niyang kasama sa stage. Si Xander dahil nahuli eh tumakbo at
kitang-kita na dumaan sa gitna. Nagsigawan nga nung dumaan siya, yun naman ang hindi ko
matanggap! Kumaway lang siya kahit nakatalikod.
"Phew! That's a...a... long run!" sabi niya na hinihingal pa. Tawa pa ng tawa doon.
"Good evening everyone! We're the wwwdotcom from fourth year section 1 and 2. I'm Bryan.."
"Lee Xander!" tapos kaway lang siya..
"John.."
Hanggang sa napakilala na lahat. Si Xander, nakahawak sa microphone na mukhang wala pa sa mood
kumanta! Ang bagal kasi kumilos eh.
"Our first song... is the Reason..."
Nagpalakpakan naman yung mga tao. Yung iba sumigaw pa nga! Nabingi ako! Wala na talaga akong
marinig nun! Kapag fourth year ba ang tutugtog kailangang ganyan? Hindi naman masyado kanina...
o talaga lang sa grupo nila???
Habang kumakanta si Xander doon, hindi nawala yung ngiti niya. Hindi nauubusan eh! Pero cute
talaga tignan.
Syempre yung ibang estudyante eh OA, may pataas-taas pa ng mga kamay. Yung sumunod na kanta
nila ang bumuhay. Akalain mong 'Noypi' ba naman ang kantahin! Kahit ako eh nakisabay eh!
Hay Kristen, nagsisimula mo ng kainin yung sinabi mo kay Xander. Admit it!!!
Nung natapos yung second song nila, tinanggal ni Xander yung mic sa stand.
"Ha! Napagod ako dun! Ang galing talaga kapag may back-up sa audience! Hindi nalalaman na
palyado!" medyo nagtawanan naman dun. Sabi lang naman niya yun, pero hindi naman talaga.
Napansin ko na lumingon siya sa likuran niya, at parang may sinabi. Sa lahat ng nagperform,
sila pa lang ang pinakamagaling at pinakamahatak sa audience.
"The next song is Love of My Life.. by South Border.." sabi niya sa harap. Kita pa yung
pagkindat niya kay Bryan. "I dedicate this someone at the audience.."
Nagsigawan na naman! Kakainis! Ano naman meron dun?!?
Napahigpit yung hawak ko sa ballpen ko nun. Interesting. May mailalagay ako sa editorial
writing. Huminga pa siya ng malalim nun. Hinihintay ko yung sasabihin niyang pangalan at takot
***19***
Pakiramdam ko nung mga oras na iyon eh pwedeng-pwede nang mag-apoy yung kinauupuan ko sa
sobrang shock ko na rin siguro! Naghiyawan pa nun sa audience, lalo na nung kumanta si Xander.
Mabuti na lang talaga eh hindi ako sikat sa school, may makakilala man sa akin eh mangilanngilan lang. Ang problema eh yung mga kaklase namin eh tinutulak-tulak pa ako at sinasabing:
'Kristen! Punta na sa harap!!!'
Konting-konti na lang sasabog na talaga ako. Kasi kung gumagawa ng palabas si Xander, sobra na
ang paglabag niya sa batas! Idagdag mo pa si Neriah na hindi rin nakakatulong.
"Kayo na pala? Teka, hindi mo sinabi sa akin ha! Kailan pa?"
"Hindi ko siya boyfriend!"
Nakatingin lang siya nun. Yung iba kong kaklase sa likuran ko eh nanunukso pa. 'Kristen, kaya
pala nagaaway kayo dati ha! Boyfriend mo na pala si Lee eh!'
Dahil hindi ko na kaya... sumabog na ako. Mas malakas pa sa Pinatubo.
"Everyone SHUT UP!" tapos nagtinginan sila sa akin. Nagulat yata eh. Kahit na sumigaw ako,
maingay pa rin dahil sa ibang section. "He's not my freaking boyfriend! Knock it off!" tapos
umayos ako sa upuan ko na kitang-kita ko pa yung mga expression ng mukha nila.
Akala ko ok na lahat kaya lang nung napansin nila na wala na akong sasabihin eh ang sinagot ba
naman eh: 'Wow Kristen! Di mo na kailangang magpalusot! Halata na kaya! Umamin na nga si Lee
eh!'
Nawalan ako ng mood magsulat nun. Napatingin ako sa stage. Seryoso na si Xander sa harapan.
Ngayon naman, hindi pa ako pinaniwalaan!
"Forever starts from now
I promise you
Lovin' you is all
That I can do
No one can take it
Away from me
Nobody but you
Now is the time stars will be bright
Our bodies will groove
All through the night
Come take my hand
Then we will fly high
Come on baby hear me say"
Ang laki talaga nung pasasalamat ko nung natapos yung kanta nila. Kung pwede lang akong umuwi
ginawa ko na. Kaso staffer ako, Kristen, ang trabaho mo! Huwag kang papaapekto. Ang
nagpapaapekto.. talo. At si Kristen, hindi matatalo. Hindi.. lalo ng hindi kay XANDER!
ARRRRRGGGHHH! Hindi sa isang bee brain!
Kabababa pa lang nila ng stage. Hindi ko inalis yung tingin ko kung saan siya papunta. Lumabas
siya. Hindi naman ako makapagconcentrate dahil sa nangyari. Naririnig ko rin yung iba na hindi
ko kilala.. 'Sino yung Kristen?' Gusto kong sabihin.. hello?!? Nandito ako? Hindi niyo na
kailangang hanapin! Kaya lang yung isa humirit pa.. 'Baka mamaya kung sino lang yun!'
Parang yung focus ko sa event, nag-evaporate na lang. Hindi ko na maintindihan yung nangyayari.
Yung mga staffer na kasamahan ko kanina eh kinamayan pa ako. Wala ako sa sarili ko nun kaya
panay lang din ang oo ko at tango ng ulo ko. Pagkaalis nila saka ko lang na-realize na kinocongratulate nila ako dahil doon!
Akala ko kung ano yung hawak ko sa kaliwang kamay ko. Cellphone ni Xander. Hanggat maaari nga
dapat eh ilayo niyo muna siya sa akin. Baka kung ano ang magawa ko eh magkaroon pa ng EDSA 10!
***20***
Ahhh... that felt good. Sa katunayan, na-shock siguro sila sa ginawa ko. Aba! Pwedeng-pwede na
akong isali sa Olympic boxing! mas mabilis pa nga sa cheetah ang takbo ko eh. Bumalik lang ako
sa room at kinuha ko yung bag ko. Gabi na. Wala na akong reason pa na mag-stay ng school. Pero
hindi na ako dadaan doon. Malay ko ba kung may balak na gumanti si Xander eh magkablack-eye
naman ako ng de-oras!! Aba-aba, hindi naman yata tama yun!
Umalis na ako sa room nun at dumaan ako sa kabila dahil sa corridor malapit sa office nagkaupo
sina Xander. Napaduck walk pa ako para hindi nila ako mapansin kaya lang...
"Kristen!"
Napahinto naman ako na parang ewan. Nasa gilid pala si Bryan. Hindi ko napansin. Para kasing
mumu eh.
"Anong ginagawa mo?"
Kinagat ko naman yung labi ko nun tapos sinenyasan ko siya na tumahimik.
"Shhh. Tahimik ka lang baka alam mo na..." sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya doon.
"Hindi mo na kailangang magtago, umuwi na siya. Kaalis-alis lang nung umakyat ka sa taas.
Mukhang napuruhan mo yun ah! Hindi ko lang alam kung dumugo yung ilong niya.."
"Eh siraulo ba naman siya eh.." sabi ko nung tumayo na ako ng diretso.
"Kakaiba kayong dalawa kaysa sa usual na nakikita ko na.. alam mo na.."
What is he talking about?
"Oh wait, ano yun?"
"Sinabi niya sa akin bago kami tumugtog. Tinanong niya sa amin kung pwede nga daw na dedicate
sa 'yo.. saka lang namin nalaman na kayo na pala."
Tama ba yung narinig ko? Hindi ko maintindihan eh. Anong language ba yung sinsalita ni Bryan?
Greek? Arabic? French?
"Ang sakit na ng ulo ko.. sa Monday na lang ha. Uuwi na ko. Gabi na kasi."
"Ok ka lang? Gusto mo hatid na kita. Madilim na."
Pwede ko ng sabihing 'yes' at this very moment. Pero baka ma-petrified na naman ako kapag
kasama ko si Bryan. Baka madulas pa ako sa maga sinulat ko dati, mabisto pa.
"Hindi. Ayos lang ako. Thanks sa offer. Saka.." sabi ko nung tinapik ko siya sa balikat.
"Congrats."
"Ingat!"
Dahil malinis na ang daanan, hindi ko na kailangang magtago. Ang maganda lang sa gabi na ito,
kinausap ako ni Bryan. Well, that's awesome! Yun nga lang sa negative part... akala niya kami
nga ni Xander. Yeah right! Hindi lang naman siya... yung iba rin. Sana lang bangungot ito!
Dahil ilan-ilan na lang yung tao sa school, lumabas na ako sa gate. Mukhang ang tahi-tahimik ng
daan at wala pang dumadaan ng jeep. Tumayo lang ako doon habang naghihintay. Humahangin pa nga
eh... eeh! Katakot ha! Nasaan na ba yung mga jeep at kung kailan mo kailangan saka lang
nawawala!
At syempre, dumating din ang pinakamamahal kong jeep. Pagkababa ko nun malapit sa kanto namin,
nag-tricycle na ako at may nag-iinuman kasi sa may tindahan. Mabuti na ang safety first. Kaya
yung tricycle, diretso na sa gate namin.
Dahil gabi na nga, madilim na sa loob ng bahay. Isang ilaw na lang yata ang bukas eh. Galing pa
sa baba. Dahil may susi ako eh binuksan ko yung pinto. Si Papa pala yung nandun. Nakatulog na
sa harap ng TV.
"Pa, matulog ka na sa kwarto..."
Dumilat naman siya nun.
"Nandito ka na pala. Hinintay lang kitang umuwi. Anong nangyari sa program?"
"Ayun, nagtugtugan. Nanalo rin yung classmates ko. Akyat na po ako ha.."
"Hindi ka na kakain?"
"Hindi na po.. busog ako eh."
Naunahan ko pa si Papa umakyat. Dahil pagod ako, hindi na ako naligo uli. Nag-toothbrush na
lang ako at naghilamos. Nag-PJ's at humiga sa kama. Nakatingin pa ako sa kisame.
Whatta day! Parang ang haba-haba!
Binuksan ko yung bag ko at kinuha ko yung mga nakuha kong info tungkol sa event. Dahil ang
straight news dapat wala ng paligoy-ligoy, medyo madali na yun. Ang problema ko eh... yung
editorial!
Paano naman ako magsusulat?!? Ok, in general siguro. Lahat ng contestant eh ginawa yung best
nila para manalo.. then.. in the end syempre ang may nakakaangat. Naman! Ganun din! Mamemention din ang banda ni Xander. Then what? Kailangan kong magbigay ng opinion on that freaky
thing? How hard could this stuff be! Ano namang isusulat ko..
'...and my so-called boyfriend dedicated a song for me which totally ruined my day!'
Tama na nga yan Kristen! Hindi iyan ang tamang pagsusulat ng editorial. Kailangang formal.. ang
bawal ang bad words. Help yourself... if you can.
Hindi ko talaga alam kung paano ko gagawin yun. Siguro nga, makikiusap na lang ako na i-assign
na lang sa iba yung editorial writing. Tama.
Hindi ako makatulog ng gabi na yun. Minsan natatauhan na lang ako na nakatulala ako sa kisame
pero blangko naman yung isip ko. Maya-maya, maaalala ko yung kanina. Pati yung sinuntok ko
siya.
Napatingin pa ako doon sa alarm clock ko. Kung tama pa naman ang kalagayan ng mata ko eh
sinasabi niyang 2:03 na ng umaga. Kristen, magbilang ng tupa sa kalangitan. Baka makatulog ka.
At syempre, I ended up having an uneasy sleep. Whatever that means.
***
Nakasakay ako sa eroplano. Nakasakay naman na ako dati pa, lalo na nung nagpunta kami ng Davao.
Pero yung eroplano na ito, halata mong may problema talaga. Bakit ba napakaalog? Hindi ba dapat
steady at kung may vibrations man, hindi naman ganito?! Ano bang problema?
Lumapit ako doon sa babae at nagtanong.
"Ano po bang problema at napakaalog?"
"Tinatanong pa ba yan?" sabi niya at hinawakan niya yung dalawang balikat ko at inalog-alog
ako. Nagsimula na akong mahilo nun. "Maga-crash na nga yung eroplano hindi mo pa alam yung
nangyayari!" alog pa rin siya ng alog sa akin.
"Ano ba! Huwag mo nga akong alugin! Nahihi--"
Bigla na lang may sumampal sa akin. Tama lang yun para magising ang diwa ko sa sobrang sakit ng
pisngi ko.
"Hoy! Ano bang nangyayari sa 'yo?" malabo pa yung paningin ko nun mula sa pagkakadilat, pero
naaaninag ko na si Neriah yun.
"Anong ba?!? Bakit mo ako sinampal? Natutulog yung tao... ang sakit nun ah! Saka, paano ka
nakapasok dito?"
"Hay naku, sino ba naman kasi ang matinong tulog pa ng alas-11 na ng tanghali? May pasigawsigaw ka pa niyan na may magka-crash... Nakaalis na nga si Mama mo at Papa mo at dinala si
Angelo sa clinic. Nilalagnat pala yun! Tapos ikaw nandito pa."
"Ha? Anong oras? Bakit hindi ako ginising?" sabi ko nung tumayo ako doon sa kama ko. "Di bale
na nga, si Angelo lang naman. Ayos lang. So, anong drama mo?"
Nginitian naman ako ni Neriah nun. Parang may ibig sabihin ha...
"Alam mo naman na kung anong meron di ba? Yung kay.."
Pumunta ako nun sa banyo at kinuha ko yung toothbrush ko. Syempre naman, kagigising ko lang.
Sumunod naman si Neriah at doon lang siya sa labas habang pinapanood ako doon. Kaya pala
nakabihis ng maganda ang bruha.
Medyo hirap pa akong magsalita nun.
"Ay-yokko nga eh! Koolet mo." sabi ko nung habang natoothbrush. Hindi yata nakakaintindi ng
tagalog si Neriah.
Pagkatapos kong magtoothbrush eh nagsimula na akong bumaba ng hagdan. Nakasunod pa rin siya at
kinukulit ako na sumama na doon sa lakad nila.
"Sige na Kristen... pumayag ka na."
"Wala." pero sinabi niya yun ng nakangiti. Hindi kapani-paniwala. "Aba, ayos lang naman na iwan
nila ako sa girlfriend ko no!"
Nagsisimula na namang maging stove ang ulo ko.
"Tara na nga! Alis na tayo.."
Tumayo na rin siya nun at ila-lock ko na yung pinto.
"San tayo pupunta honey.."
"Ahaha... better shut up bee brain!"
Nakita ko naman siya ng malapitan. Mukhang malakas talaga pagkakasuntok ko kagabi ah! Target
eh!
Pangiti-ngiti na naman siya nun. Ako naman eh may napansin na hindi ko napansin dati pa.
"Bee brain!" ako naman, nakatingin pa rin sa kanya nun.
Bakit ba hindi ko napansin yun dati? Siguro, hindi naman kasi halata. Pero cute eh...
May dimples pala siya???
***21***
Nakarating din naman kami sa sakayan nun. Pinauna naman niya akong sumakay. Syempre, hindi ko
alam kung dederetso ba kami ng mall at hintayin doon sina Neriah o may pupuntahan. Wala talaga
akong dalang pera kaya aasa naman ako dito sa katabi ko.
"Pamasahe mo nga.." sabi niya sa akin nung nilabas niya yung wallet niya.
Tinignan ko siya ng masama nun. Sinabi ko na kay Neriah na walang-wala talaga akong pera at
lalo namang wala ring iniwan sina Mama. Akala siguro nila may naipon ako eh nung isang buwan ko
pa yun binili ng libro.
"Wala nga akong pera, kaya ililibre mo ko.."
Naglabas yata siya ng P20.00 sa wallet niya. Tapos binulsa niya yung wallet niya.
"Wala ka palang pera eh, mukhang isa sa atin ang ikakandong..." may pangisi-ngisi pa ang loko.
Kandong? Ano ako 4 yrs old?
"Manong, isa nga po.."
Aba, totohanin nga ng loko! Isa lang ang babayaran.
"Manong dalawa.."
"Isa."
"Dalawa--"
Nakatingin sa amin yung driver na hindi naman niya malaman kung sino ang susundin sa amin.
"Ano ba talaga?" sabi niya habang nakatingin sa salamin.
"Isa lang po talaga..." sabi niya.
Ako naman eh sumandal. Papansin talaga 'to.
"Feeling mo naman kakagat ako sa biro mo na kakandong?" sabi ko sa kanya.
"Sino bang maysabi na ikakandong kita! Ako ang ikakandong mo..." nanloko pa na tatayo siya
kunwari, tapos sinabi niya sa driver, "Manong, dalawa po talaga."
Hindi ko nga kinausap hanggang sa nakarating kami ng mall. Paano ba naman, may ituturo tapos
kapag titingin ako sasabihin, 'Wala na.. bagal mo kasi eh..' Sino naman ang hindi mapeperwisyo
kapag ganun?
Dahil hindi naman kalakihan yung mall dito sa amin dahil hindi naman mala-SM, pwede na rin
naman ng galaan. Sasakit pa rin naman ang paa mo kahit papaano kung nagtagal ka.
"San sila dito?"
"Anong oras na ba? Sabi nila kita-kita ng 1:00 sa third floor eh." nagtitingin-tingin din siya
nun.
"Ako pa ang tinanong, eh ikaw itong may suot na relo..."
"Sorry!! My bad!" tapos tinignan naman niya.. "12:20 pa lang.."
Medyo nagrereklamo na yung tiyan ko ng gutom dahil hindi naman ako nag-almusal kanina. Kaya
makakabuti siguro na guluhin ko na itong isa. Ang hirap pala kapag walang pera tapos ganito pa
yung kasama mo na hihingian mo ng pabor makakain lang!
"Magkano ang dala mong pera?"
"Bakit?"
"Nagugutom na ako eh. Kain naman tayo.." tapos hinila ko siya doon sa bilihan ng shake.
"Dapat pala hindi ka na kasama, mukhang maba-bankrupt ako dahil sa 'yo eh. Ang takaw mo pa
naman..."
Ang dami pa niyang naging reklamo nun pero wala naman siyang nagawa dahil nakabili na ako.
Siya, ice cream naman ang binili.
"Wag mong sabihin sa akin na may kung ano ka na namang ihahalo diyan.."
"Wala naman sa ngayon..."
Wala naman kaming gagawin kundi hintayin yung dalawa. Kaya niyaya ko na lang siyang mag-ikot.
Unang pinuntahan namin yung KiddieLand sa baba, panay laruan yung nandun. May palaruan din kung
gusto mong iwanan ang anak mo ng dalawang oras.
Tinignan ko naman yung mga laruan. May mga barbie dolls pa nga. Kapag nakakakita ako nun, nageecho yung boses ni Mama sa tenga ko nung bata pa ako: 'Ano ba naman yan KC! Itong Barbie ang
kunin mo, ang hilig mo sa baril-barilan!'
Kakaibang bata nga rin siguro akong maituturing. Mahilig ako sa baril-barilan nun at iba pang
laruan ng lalaki. Ayoko ng mga lutu-lutuan, bahay-bahayan, manika!! Inis na inis ako. Lahat ng
manika ko nun kinalbo ko at yung isa hinulog ko sa inidoro nung sinabi na ang pangit daw nun.
Akala nga nila Mama at Papa eh magiging 'boy-like' ang nag-iisang anak nila... pero so far..
hindi naman.
Pagtingin ko nun sa likod ko, wala na si Xander. Nasaan naman nagpunta yun?
Hinanap ko siya bawat cubicle, wala eh. Kaya nung hindi ko makita eh nagtanong na lang ako doon
sa cashier.
"Miss, nakita mo ba kung saan nagpunta yung kasama kong lalaki na may nakatapal sa ilong?"
talagang sinama ko na yung bagay na yun, napaka-distinguishable kasi.
"Ahh si Lee? Nandun siya, nakikilaro."
Parang gusto mag-collapse ng tenga ko. Kanina lang si Mama ang naririnig ko, ngayon naman
kilala pa pala siya dito.
Pumunta ako doon sa tinuro ng babae. At ang senaryo, may nakabakay sa kanya na isang bata, at
dalawang bata yung nakaapak sa paa niya na nakahawak pa sa tuhod niya habang lumalakad.
"Nakakapagod!" tapos umupo siya ng dahan-dahan sakaling matamaan niya yung bata sa paanan niya.
"Break muna!" then, humiga siya doon sa malambot na talunan ng mga bata.
Kinulit naman siya doon. yung iba tinuntungan pa siya at yung iba hinihila siya. Akalain mo
yun? Nakikipaglaro siya sa bata?
"Xander!"
Tumingin naman siya nun sa akin at tumayo na hinihingal-hingal pa.
"Kristen! Tara dito!"
Niyaya ko na siyang lumabas nun kaya lang ayaw pa niya. Kaysa naman nakatayo ako doon sa labas,
hinubad ko na rin yung flip-flops ko at pumasok sa loob. Nginitian pa ako nung babae dahil
bihira daw na may mga teenagers na pumapasok doon at nakikipaglaro. Kadalasan daw kasi, hindi
matiyaga sa mga bata... ang mga kabataan.
"Ang lakas ng appeal mo sa mga bata ah!" tapos naupo ako doon. Nakatingin sa akin yung isang
batang babae.
"Syempre naman, mabait ako eh."
"Hindi. Tama lang yung role mo.. mahilig sa Jollibee ang mga bata!"
"Kuya! *bang* Patay ka na dapat!" sabi nung isa na may hawak pa na kulay green na barilbarilan.
Nagkunwari naman si Xander na humiga at nagpatay-patayan. Lumapit yung bata at dinilat yung
mata niya.
"Ate, anong pangalan mo?"
"Kristen.."
Sinubukan nilang sabihin yung pangalan ko kaya lang nahihirapan sila. Kaya, pinalitan ko na
lang.
"KC na lang.."
Mas nadalian naman sila dun. Yung isang batang babae eh hinila pa ako na sumali sa bahaybahayan niya. Siya daw ang nanay at ako daw ang anak. Parang baliktad yun ah!
May isang nanay naman ang dumating at kinuha na yung kambal niyang anak. Isang babae at isang
lalaki. Yung isa nakasabunot pa kay Xander kaya magulo na yung buhok niya. Nagpaalam naman siya
sa amin. Yung isa kasi, tulog na.
"Ate Linda, wiwi ako." sabi nung isang batang lalaki na hawak pa yung short niya.
"Ako na lang po magdadala sa CR... tara na Jerome."
Sinuot niya yung rubber shoes niya at lumabas sila na buhat pa niya yung bata. Paano kaya kung
hindi nakapag-pigil yun at naihian si Xander? Ang tawa ko lang.
"Ate, ikaw ba ang crush ni Kuya?" napakunot-noo ako dun bigla.
"Naku ha, bata ka pa! Hindi. Kaibigan ko lang si Kuya."
"Akala ko kasi eh.." sabi naman niya tapos pinaglalaruan niya yung isang stuff toy na kulay
puti, "Sabi niya kasi sa amin dati kapag may gerlprend na daw siya ipapakilala daw niya sa amin
eh.."
Napaisip na naman ako. Dati? Ibig sabihin dati na siyang nandirito? Kaya kilala siya nung
cashier?
Nakipaglaro lang ako doon. Maya-maya lang eh dumating na si Xander kasama yung batang Jerome
yata ang pangalan. Pangiti-ngiti na naman habang tinatanggal ang sapatos nya.
"Hindi ko alam na marunong ka palang makipaglaro sa bata.. akala ko sa mga matatanda lang ng
home for the aged.."
"Excuse me.. mahilig ako sa bata. Huwag lang katulad ng kapatid ko.." sabi ko habang nahihila
yung buhok ko at medyo masakit dahil yung bata eh sinusuklayan ako ng brush. "At ikaw.. bakit
kilala ka nila dito?"
"Dumadalaw ako dito paminsan-minsan eh. Kapag wala akong magawa sa bahay. Masaya naman...
nakakatuwa.." tapos humiga na naman siya. "Sana nga may kapatid ako eh.."
"Wala kang kapatid?"
"Ano namang ineexpect mo? Magkaroon pa ng anak ang Daddy at Mommy ko? Naku, mas mataas pa ang
magiging ranggo sa akin nun kung saka-sakali. Magiging uncle ko eh baby." sabi na naman niya
tapos may sumakay na naman sa kanya.
"Anong sabi mo? Hindi ko naintindihan?"
"Oo nga pala...hindi pa alam ng honey ko." sabi niya na may panghalong pag-aasar pa. "Lumaki
ako sa grandparents ko. Daddy at Mommy ang tawag ko sa kanila, hindi lolo at lola."
"Eh nasaan yung parents mo?"
"Yung real one? Ahh... they died ages ago." casual na casual pa ang pagkakasabi.
"Parang wala lang sa 'yo ah!"
"Hindi ko naman sila na-meet eh. Picture lang. Ni-hindi ko nga sila maalala. Ikaw ba naman
matatandaan mo pa kung 5 months old ka pa lang!"
Whoa! Hindi ko alam na wala na pala siyang parents. At lalong hindi ko alam na ganun kabata. 5
months?
"Anong nangyari?"
"Car crash. Long story actually." tapos tumayo na siya. "Tara na alis na tayo, 1:06 na sa relo
ko. Baka nandun na sila Bryan.."
Napansin naman kami nung mga bata doon. Lumapit pa si Jerome at yung bata kanina na kausap ko.
"Alis na kayo?"
"Oo eh. May pupuntahan pa kami ni Ate."
"Babalik pa kayo?"
"Hindi na siguro. Sa susunod baka makadalaw kami." by instinct, ang bilis na namang bumaling ng
ulo ko.. 'kami?'
"O sige pala.. bye na." nag-kiss naman sila sa amin. Yung pinaka-cute na bata eh nag-kiss sa
akin.
"Kuya, may bubulong ako..." sabi nung bata at ako eh nakalabas na at hinihintay ko na lang si
Xander. Ngumiti na naman siya.
Kinalabit ko naman siya. "Oi, tara na."
Pagkatayong-pagkatayo niya doon sa pagkakabulong nung bata, hinawakan niya yung batok niya.
"Hindi nga eh. Hindi pa kaya. Sabi mo.. sabi mo..."
"Kailangan na namin umalis. Bye Michelle. Sabihin mo sa Mommy mo 'hi' galing sa akin."
"OK. Yung Promise mo ha..."
Papalabas na kami ng pinto nun at mukha pa rin malungkot yung Michelle. Hindi mo naman malaman
ang dahilan.
"Tinupad ko na yung pangako ko Michelle... nakilala mo na siya..."
Biglang ngumiti yung bata at nagliwanag yung mukha.
"It's her." sabay akbay naman niya sa akin.
***22***
Nung una, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya doon. Pero nung naalala ko yung
tinanong nung 'Michelle' sa akin kanna, parang alam ko na. Tinignan ko lang si Xander, kaya
lang sinabi niya ng mahina na: 'Makisakay ka na lang muna...' kaya wala na akong sinabi. Nung
nakalabas na kami, tinanggal ko na yung kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. Ang bigat ha!
"Pwede ba, huwag ka ngang nagkakalat ng kung anu-ano. Hindi maganda eh... nakakainis. Mas
makakabuti siguro kung babawiin mo.. lahat! Hindi naman kita boyfriend, iba tuloy ang iniisip
nila!"
"Easy ka lang, sinabi ko makisakay ka. Ang tagal na kasi ng promise na yun, hindi natutupad..."
tapos naglakad na siya papuntang escalator.
"Ang tino mo naman kasi eh! Sobra."
Pagkaakyat na pagkaakyat namin sa 3rd floor, nakasandal sa railings ng hagdan si Neriah. Si
Bryan, hindi ko alam.
"Oi, ngayon lang kayo! Kanina pa namin kayo hinihintay.." sabi niya nung nakita niya kami.
it's me.
Hindi ko pa rin feel na magpakilala. Kaya inisip ko na gawing safe pa rin yung sulat. MalaNeriah effect pa rin.
Pagpasok na pagpasok ko nun sa school, may mga ilan-ilan na tumingin sa akin. Hindi naman ganun
karami, pero napaka-unusual lang kasi. Hindi naman ganito dati.
Nalaman ko lang yung kung ano nung nasa room na ako. Oo nga pala, balita pa rin sa school yung
Friday.
"Hindi ko siya boyfriend.." sabi ko habang naglalakad, "Hindi nga, bakit ba hindi kayo
naniniwala?" at kung ano ano pa na pinagsasabi ko pero walang naniniwala. Dahil maaga pa nun,
sinabi nila na nasa weighlifting room pa si Xander. Ako naman eh dumeretso sa school paper
office at ni-request ko na huwag muna ako ang i-assign sa editorial sa ngayon. Hiningian ako ng
reasons kung bakit, pero hindi ko masagot.
Dahil nakayuko ako nun, pagkaangat nung ulo ko eh nakangiti si Mam. Saka lang niya sinabi:
'Sige Kristen, kay Annie ko na lang muna ibibigay ang editorial'
Nginitian ko lang siya nun, at lumabas na ako ng room.
Umiwas na naman akong tumingin sa mga tao. Baka kung sino na naman ang magtatanong sa akin.
Hindi ako tumingin ng diretso, kaya nga may nabangga pa ako doon sa tapat ng isang room na
matandang lalaki. Nagtinginan na naman sa akin.
"Sir, Sorry po talaga, hindi ko sinasadya." tapos tumulong akong kunin yung gamit niya na
nahulog. Hindi naman lahat, kaya lang sumabay din siya sa akin at sinabi niyang huwag na daw
akong mag-abala.
Iniiwasan ko na ngang mapansin ng tao, may nangyayari at nangyayari pa rin na dahilan.
Binilisan ko na lang yung lakad ko at nakarating din naman kami ng room.
Nagsimula na yung klase namin at dumating na late si Xander. Syempre, pinagalitan na naman
siya. Pangatlong referral na yata niya yun kaya may detention yata siya. Wala lang naman sa
kanya yun.
"Detention?!?" mukhang gulat pa siya nun kaya nagtawanan sa expression ng mukha niya. "Ok."
Akala ko naman ayos lang sa kanya yun. Lumapit na naman siya sa akin.
"May detention na naman ako."
"Oo nga, narinig ko nga."
"Hindi ko naman kasalanan na late ako eh..."
Itatanong ko pa lang sana ang isang mahiwagang 'Bakit naman?' kaya lang parang napaurong yung
dila ko. Hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang lahat nung may pumasok doon sa room namin. Yung
teacher namin eh lumabas na at tapos na yung first period.
"Teka, anong meron?"
Nakatingin din si Xander sa pintuan. Mukhang wala sa mood ang itsura. Siya kasi, nakaupo.
"Umupo ka nga, hindi naman talaga kailangang tumayo, OA lang yung mga yan." sabi nya at hinila
nya yung kamay ko kaya napaupo ako ng de-oras.
Maya-maya lang napansin ko na kung bakit. Yung matandang lalaki na nabangga ko kanina eh
pumasok at pumunta sa harapan. Nag-good morning naman yung iba.
"Thank you.. good morning."
Dahil lahat eh nakatayo pa rin doon, napatingin siya sa direksiyon namin at kami lang ang
nakaupo. Tumayo naman ako dahil nakakahiya, bahala nga si Xander sa buhay niya. Kaya lang,
hinila uli ako. Pineke ko nga yung ngiti ko.
"May ilang bagay lang ako na ididiscuss, at nanggaling na ako sa ibang room. At mabuti at
nandirito ako sa classroom ng apo ko..." sabi niya na nakatingin sa lahat, tapos kay Xander.
"Umupo na kayo."
Ang ingay naman nung nag-upuan. Oh My God. Siya pala yung Daddy ni Xander. Idagdag mo na siya
yung School Board President. At ang pinakamasaklap pa, nabangga ko siya kanina!
Pero mukhang hindi naman siya nakakatakot, ngumiti doon sa harapan.
"Alam na alam ko na kapag may nakaupo dito na nag-iisa, tiyak na si Xander na yun."
May mga ilang teacher naman pero nasa labas sila.
"Siya yung Daddy mo?"
Pero nakatingin lang si Xander ng diretso. Hindi yata ako narinig eh..
"Bago ko simulan ang lahat, gusto ko lang malaman kung sino ba dito si Kristen?" sino daw?
Magtatanong na sana ako uli kay Xander kung sino uli at baka mali lang yung rinig ko.. kaya
lang..
sabay-sabay silang tumingin sa akin... I guessed it's me!
***23***
Talagang kinabahan naman ako nun. Ano naman kaya ang kailangan sa akin? Tumingin din siya sa
akin dahil obvious ba na ako yung tinitignan nila.
"You're Kristen?"
Wala na akong magawa nun kundi tumango. Si Xander naman walang pakialam sa mundo eh nakaupo
lang dun at hindi man lang tumingin.
"Ok. Now I know."
Ganun lang? Bakit naman kaya? Asus, akala ko mawawala na yung kaba ko, pero hindi pa rin eh.
Akala ko kung ano yung ididiscuss niya, tungkol pala sa parent conference of some sort. Buong
pagsasalita niya, nakasandal lang yung ulo ko doon sa desk ko, at nilalaro ko yung lapis ko.
Nagulat na nga lang ako nung sinabing:
"Kristen!" sabi ni Neriah kaya napatayo ako
"Ano?" tapos napansin ko na nakatingin na naman sila.
Ano ba yan? Naiilang na ko ha!
"Ano na? Bakit?"
"You two.." sabi niya nung sumenyas sa amin ni Xander, "I want to talk to the both of you.."
Akala ko nga ngayon na. Paalis na sana ako eh. Hinawakan na naman ni Xander yung kamay ko.
"Ano ba?" panay ano na lang nasasabi ko ah!
"Kausapin ko kayong dalawa, before lunch." pagkatapos niyang sinabi yun, lumabas na siya
kasabay nung ibang teachers.
Nung una, tahimik sila at medyo nakatingin sa amin. Pero saglit lang din, nagdaldalan na naman.
"O-K..." sabi ko na lang nung huminga ako ng malalim, "Dapat na ba akong magtaka?"
"Ganyan talaga yun.. huwag mo ng pansinin." sabi niya for the first time simula nung dumating
ang daddy niya.
Paano ko namang hindi papansinin? Hello? Schoolboard President alam yung pangalan ng nakabangga
sa kanya? Fine, matatahimik nga ako nito.
Hindi ako makapag-concentrate nun sa klase. Nung breaktime, hindi ako lumabas ng room.
Dinalahan lang ako ni Neriah pero hindi ko rin naman masyadong napansin.
Balak ko sanang umuwi ng bahay pagkatpos nung last subject namin sa umaga, kaya lang naalala ko
yung sinabi ng Daddy ni Xander. Tinext ko na lang si Mama, at syempre sabi niya gastos na naman
daw ang iniisip ko. Binanggit ko na school board president yun, saka naman nag-iba yung ihip ng
hangin.. pumayag din.
Pagkalabas na pagkalabas ko doon sa room, nakaupo si Xander doon sa labas. Pinaglalaruan yung
phone niya.
"Sa wakas.. lumabas ka rin."
Hindi ko naman kayang sagutin si Xander, nakakahiya ba naman. Sila na lang ang nag-order sa
akin, dahil nga wala naman akong mapili. Habang hinihintay namin yung pagkain, saka naman ako
sinimulang kausapin.
"So.. ikaw pala ang girlfriend ng apo ko.." sabi niya habang nakalagay yung dalawang kamay sa
lamesa.
"I didn't tell him.."
"Xander..."
Mukhang kumbinsido siya na ako nga. Gusto ko ngang sabihin na hindi.. pero parang walang
lalabas sa bibig ko.
"So, tingin ko ikaw rin ang mag-eexplain ng nose bleed niya.."
Naku.. papagalitan ako!
"Ahh.. yeah. I punched him."
"Thank you." nagulat ako sa sagot niya, "Mukhang kailangan na nya talaga..."
Dumating yung pagkain namin mainit pa. Kanin, chicken, sinigang na hipon, fries, soup!! WAAA!
Masarap lahat.
Walang masyadong nagsalita sa amin habang kumakain. Kumakain ng chicken si Xander, tapos
nilagyan ako nung hiniwa niya. Ang laki nga eh..
Hindi namin naubos lahat. Sa sobrang dami ba naman. Napansin ko yung relo ni Xander, sabi doon
10 minutes before 1 o' clock na. Baka ma-late kami. Mukhang wala silang sign na aalis.
Nagtanong naman ako.
"Kayo na po ba ang nagpalaki kay Xander?"
"Oo. Simula ng baby pa siya. Nabangga kasi yung sinasakyang kost nung Mama at Papa niya.
Lumusot sa ilalim ng bus..."
Oh gosh... I can't imagine that!
"Yeah.. yeah.. right."
"Mas marami syang namana sa Papa niya kaysa sa Mama niya.."
Tinanong din naman niya ako. Bagay-bagay tungkol sa akin. Yun nga, sinabi ko na kalilipat lang
namin. Mga ganun. Habang tumatagal, hindi na ako masyadong naiilang. Akalain mo yun, kausap ko
ang school board President?
Kinuwento niya kung ano daw ginagawa ni Xander sa bahay nila. Madalas daw nasa kwarto at
natutulog, lalabas kung kakain. Lagi daw napapagalitan ng Mommy (lola) niya. Madalas pa raw
humingi ng pera at gagala daw. Kapag may ginawa daw na house chores, asahan mo na daw na malaki
ang pangangailan niya.
Syempre, deny naman si Xander. Minsan lang daw yun.
Siguro nga, 1:30 na kami umalis ng Max's. Late na kami. Nag-drive na uli pabalik ng school kaya
lang napansin ko na ang daming tao sa labas ng Edison Elementary.
"Nagdaratingan na yung mga parents... ikaw Kristen? nasabi mo na ba?"
Teka, ano?
"Meeting. Ngayon yun ah."
Ayun ba yung meeting na sinasabi kanina? Hindi ko nasabi kay Mama! Kaya pala walang late-late
ngayon dahil wala ng pasok!
Napatext na naman ako bigla kay Mama. Tumawag. Pinagalitan ako. Tinawanan ako nung dalawa sa
harapan.
Humiwalay na yung Daddy ni Xander sa amin at syempre, kasama siya sa meeting. Sinabi ni Mama na
ako na ang sumundo kay Angelo at hindi na raw niya madadaanan. Nagsimula na akong maglakad.
"San ka pupunta?"
"Kapatid ko, susunduin ko." sabi ko at naglakad na ako uli.
"Hindi ko pa name-meet yung kapatid mo.." sabi niya at sumabay na naman, "Nung sabado, hindi ko
siya nakita kasi nakasakay na sa kotse niyo."
"Mas makakabuting wag na.. delikado eh."
Yun na nga siguro ang pinakahuling papangarapin ko sa ngayon. Ang magkakilala si Xander at
Angelo. Ang nightmares ng buhay ko.
Sa sobrang lapit ng Elementary, nakarating din kami kaagad. Kaya lang ang daming tao, ang hirap
maghanap. Alam naman ni Angelo na sa playgorund ako laging naghihintay sa kanya, kaya doon na
lang siguro ako uupo.
Sumunod pa rin si Xander. Nasa gate pa lang kami ng playground eh nakita ko na post-it doon.
Tumakbo ako at kinuha ko. Si Xander, ayaw tumingin.
"Eto na naman tayo.."
"Pakialam mo ba.." tapos binasa ko at maikli lang yung nakasulat.
"Anong sabi?"
"Sabi nya, he loves writing." tapos tumawa siya.
"Ano!? May nakakatawa ba dun? Writing's awesome."
"I don't like writing..." sabi niya doon. Whatta surprise!
"Grabe, kakagulat!"
Maya-maya lang, dumating na rin yung kapatid ko na nakasimangot na naman sa akin. Malaki na
naman problema nito.
"Isusumbong talaga kita kay Mama.. sabi niya sa gate mo ko sunduin para hindi na ako tumawid.."
"Talaga? Threat ba yan? Katakot!"
"Oo. Akala mo nagbibiro ako.." tapos tumingin siya kay Xander. "Sino ka naman?"
"Lee nga pala. Nakilala ko rin ang laging kaaway ni Kristen.." tapos hinawakan niya sa ulo si
Angelo. "Wala naman akong makitang reason kung bakit. Mukhang mabait naman itong bata."
Kapag nagsama ba ang mortal enemy mo sa bahay at enemy mo sa school anong kalalabasan?
"Kasi abnormal siya.."
"Mas abnormal ka!"
"Believe it or not, habit ko rin asarin si kristen kaya nag-aaway kami..."
"Ewan ko sa inyo! Basta ako uuwi na!"
Lumabas ako ng gate, at syempre.. pinara ko yung unang jeep. Sumakay na ako. Malakas lang kasi
ang kutob ko na mabwibwisit ako doon sa dalawa. Hindi pa kasi sila nagsisimula, effective na.
Bumaba ako doon sa kanto namin. Ang init kasi tanghaling tapat. Walang tao sa bahay, wala na
kasi si Mama. Mabuti na lang may susi ako. At walang perwisyo na Angelo sa bahay...
OH MY! Wala si Angelo!! Papatayin ako ni Mama!
Nakatakbo na ako ng kalahati ng street namin ng maisip ko si Xander. Alam naman niya yung bahay
namin, tiyak ihahatid niya yun. May common sense nman yun kahit na bee brain, hindi niya iiwan
si Angelo. I.. hope so...
Pumasok ako ng bahay at nagbihis. Uminom ng tubig at kinakabahan ako. Kapag hindi yun hinatid
dito ni Xander, tiyak na lalo akong lagot.
Nanood ako ng TV. Naghihintay saka-sakaling dumating yung dalawa. Magaalas-2 na, wala pa rin.
Matawagan nga si Xander! Hindi.. hindi pwede. Hindi ko alam number niya eh! Please God! Makauwi
lang si Angelo hindi ko talaga siya aawayin for one hour!!!
"Ate! Buksan mo nga itong pinto!" narinig ko na sumisigaw siya doon sa labas.
"ANGELO, MIND YOUR OWN BUSINESS. HINDI KO SIYA BOY---" saka ko napansin na nadulas ako.
"friend."
Nagulat yata sina Papa sa akin.
"Boyfriend? May boyfriend ka na?"
"Kristen, bakit wala kang sinasabi?"
Hindi ko alam kung bakit nagugulat ako sa impact ng simpleng sinabi ko. Pero mas ikinagulat ko
sa lahat...
"Boyfriend? Akala ko, partner mo lang sa lab..." WAAAAAA!
***24***
Nung nasabi ko yun, gustung-gusto ko na sakalin si Angelo. Sa sobrang inis ko, parang gusto ko
na sa kanya na lang ibuhos lahat. Pero naisip ko rin naman, kasalanan ko rin.
In-explain ko rin naman kina-Papa. Sinabi ko na: 'Oh yeah.. alam niyo yun.. kaibigang lalaki.
Partner ko nga sa lab..'
Si Papa, mukhang walang pakialam at sa tingin ko naman kahit papaano eh naniwala naman sa akin.
Si Mama, mukhang nagdududa pa sa sinabi ko at patingin-tingin sa akin. Bago pa siya
makapagtanong uli, umakyat na ako ng kwarto ko at hindi na bumaba hanggang sa natulog ako.
Nung nagising ako kinabukasan, nag-ayos lang ako saglit at umalis na ako ng bahay. Iniwan ko
nga si Anglo kaya narinig ko na naman na sumisigaw si Mama nung lumabas ako. Kunwari syempre
hindi ko na narinig para hindi ko na siya kailangang makasabay pa.
Pagkadating na pagkadating ko sa school, nandun naman si Bryan sa gate. Madalas kong nakikita
siyang nagtetext, nung pasukan ganun din. Siguro lang mahilig siya sa phone. Ngayon, nasa labas
ng gate ng school at hawak na naman ang cellphone. Ano pa nga ba? Mayaman yata ito sa load
araw-araw eh.
"Hi Bryan!" sabi ko habang papasok na ako ng gate.
"Hey.." sabi niya na hindi man lang tumingin.
Nakalagpas na ako nun at nakapasok na ng loob ng school. Una kong dinaanan na naman ang school
paper office, at syempre, pinasa ko na yung article ko. Pagsasama-samahin yata nila at gagawan
ng lay-out para i-print na rin. Syempre, binasa nila yung sa akin at sabi nila eh ayos na ayos
naman daw. May mga konti lang na babaguhin.
Pinapasok ko pa yung mga notebook papers ko sa bag habang naglalakad eh naririnig ko na naman
yung iba na pinag-uusapan yung tungkol sa amin ni Xander. Ilang beses ko na rin sinabi sa
kanila na hindi talaga kami, pero iniisip nila ang galing ko raw magbiro. Kung hindi pa raw
nila alam, kapani-paniwala raw ang acting ko. Yung isa nga tinanong ako kung ilang months na
raw kami, at nung sinabi kong wala eh: 'Wala? Ikaw ha, gusto mo talaga tago kayong dalawa!
Hindi mo naman na kailangang mahiya, swerte mo nga kayo ni Lee eh.' Swerte? Yuck.
Naalala ko pa na sumigaw pa ako uli nung papunta na ako sa room, pero parang lahat mas
naniniwala pa kay Xander. Siguro dahil mas matagal na siya at mas kilala sa akin sa Edison.
Wala pa si Neriah nung dumating ako ng room, kaya nakakapanibago na nauna ako sa kanya. Yung
iba kong classmate eh dumadaldal lang din dahil wala naman kaming homework kahapon. Saglit lang
din, nag-time na at simula na ng klase. Isang napakalaking himala at hindi late si Xander, yun
nga lang hindi naka-school uniform. Naka-green shirt kasi siya kaya ayun, sinulat na naman siya
nung teacher namin. Dress code violation daw.
"Mam! Please naman! May detention pa ako sa sabado, may pending na naman na referral! Nabasa po
kasi yung polo ko, kaya hindi ko nasuot!"
"Mr. Maclean, dapat may note ka o kaya may orange slip sa kamay mo... eh kahit naman malabo na
yung mata ko eh nakikita kong wala."
Umupo na naman siya doon sa upuan sa tabi ko. Narinig ko pa nga siya na may sinabing: 'Mahal na
mahal talaga ako niyan! Favorite ako masyado..'
Syempre, usual na klase. Nag-test lang kami sa Calculus at syempre, mataas-taas din naman yung
nakuha kong score. Yung nakaraan kong test, madugo nga ang kinalabasan.
"Anong score mo?" sabi niya habang hawak na niya yung kanya.
"9.. hindi kasi ako nag-review eh."
Tumawa naman siya ng malakas. Tawa na sanhi na naman ng ikabwibwisit ko. Sino bang may gusto na
mababa ang score sa test? Kung ako lang ang tatanungin hanggat maaari gusto ko perfect lagi.
"Ang yabang mo.. alam mo yun. Fine, Kristen's dumb... I know that.." pero hindi pa rin siya
tumigil sa katatawa nun. Nanlisik na yung mata ko. Nakita ko na pinipigilan niya yung tawa
niya.
"Natatawa lang ako... 9 ka lang? Bagsak!"
"Oo na.. magaling ka na... anong score mo?"
"Mataas naman. Eight."
Binatukan ko nga ng malakas. Ang kulit-kulit eh mas mataas naman pala yung nakuha kong score sa
kanya. Abnormal talaga yan!
Nung uwian na para sa lunch break, lumabas na ako at kulang yung baon ko dahil nga umalis ako
kanina. Kailangan kong umuwi ngayon. Dumaan muna ako sa locker ko at iniwan ko yung ibang gamit
ko para hindi na ako nagdadala ng mabigat.
Nung sumunod na mga araw, ganun pa rin naman at walang masyadong pagbabago. Sumisikat ang araw,
gigising, papasok, uuwi, lulubog ang araw at kakain pa rin ang madalas kong ginagawa. Yung
Daddy ni Xander eh madalas kong nakikita sa school dahil doon sa fund raising para sa library
books na kailangan at mga kailangan sa music room. Nung wednesday nga ng umaga at nakita ko
siya eh nakangiti na naman sa akin.
"Kumusta Kristen?" sabi niya habang nasa harap siya ng office.
"Medyo ok naman po, pagod lang."
"Saan ka papunta?"
"Cafeteria. Kakain lang po saglit. Wala po kasi yung kaibigan ko kaya ako lang mag-isa."
Tinanong na naman niya sa akin yung apo niya at yun nga, sinabi ko na yung totoo. Kagaya nung
iba, hindi rin naniwala pero nung napansin niya na seryoso talaga ako, nagbago na rin yung
isip.
"Akala ko pa naman... 'di bale, hindi na nakakapagtaka..."
Dumeretso na ako ng cafeteria nun. Dahil mag-isa lang ako, bumili ako ng hamburger at umupo
doon mag-isa. Maya-maya lang, may dumating at umupo sa tabi ko.
"Aba, nag-iisa ka ngayon. Pwedeng makiupo?"
"Sure." sabi ko bago ako kumagat. "Ikaw? Bakit wala kang kasama?"
"Kagagaling ko lang sa meeting.." tapos napansin niya na hindi ko alam kaya dinagdag niya,
"Science club."
"Ahh... hindi ko alam na magaling ka sa science..." uminom naman ako this time, "Tiyak alam na
ni Neriah yun."
"Actually, hindi pa. Hindi ko pa nababanggit sa kanya kasi ngayon lang yung first meeting.
Nakakapagtaka nga medyo late, dati kasisimula pa lang ng school year tadtad na ng projects.."
nilabas niya yung phone niya, "Kailan daw siya papasok?"
Medyo ikinatuwa ko rin yung sinabi ni Bryan. Kahit papaano pala may nalalaman ako na hindi niya
alam.
"Baka bukas. Pabalik na sila ngayon."
Nagpunta kasi ng Manila si Neriah. Naaksidente kasi yung tita niya kaya, ayun, napaluwas ng deoras.
"Bakit hindi mo kasama si Xander? Hindi ba dapat.."
"Yung tao na yun? Wala akong pakialam kung sang lupalop ng Edison napunta. Unang-una yatang
lumabas ng classroom yun nung nakarinig ng alarm eh..." naubos ko naman na yung pagkain ko.
"Naninigurado lang, alam mo na... baka magalit sa akin yun."
"Siya magagalit?"
"Oo siyempre. Kasama ko ba naman girlfriend niya." tapos tumayo na rin siya nung tumayo ako at
nagsimula na kaming maglakad.
"Huwag kang naniniwala sa pinagsasabi nun.. hindi naman kami."
"Nalilito na talaga ako. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo..."
"Hay naku, ako ang paniwalaan mo."
Kasabay ko lang si Bryan hanggang sa nakarating kami ng room. Sinabi na wala raw yung teacher
namin sa English, kaya free time na naman. Ako naman, umupo sa labas dahil maingay sa loob ng
room namin. Hyper na naman sila. Kasama ko sa labas si Jenna, ang pinakamaingay, intrigera at
pinaka-tsismosang classmate ko.
"--nagulat talaga ako nung narinig ko na plastic daw si Ana." sabi niya matapos ang 68 years na
kwento niya tungkol doon sa section 2 na nagsabunutan at na-guidance. Ako naman hindi ko na
lang masyadong pinapansin at panay na lang ang 'Oo' ko habang nagsusulat ako. Ok na sana kaya
lang sinabi niyang... "Eto na pala ang love interest mo eh."
Yun na siguro ang pinakahuling salita ang ayokong marinig ni Xander. Kaya lang, nabigo ako.
"Love interest? Ako? Matagal na..." sabi niya tapos tumingin sa room namin, "Walang teacher?"
"Obvious ba, nasa labas nga kami eh."
"Aba malay ko ba kung pinalabas lang kayo dahil ang daldal niyo.."
Si Jenna naman eh nakatodo ngiti pa sa aming dalawa.
"Ang cute niyo naman maglambingan! Kakaiba! Parang away pero nakakatuwa.."
Kung hindi ko lang talaga classmate si Jenna at kung hindi lang ako marereport ng child abuse
sa school, baka nahulog ko na rin siya sa canal.
"Nag-aasaran kami.. oo. Pero lambingan? Never."
"Sus, natural lang naman yun."
"Oo nga naman Kristen.." tapos bumulong siya kay Jenna pero narinig ko... 'Pagpasensyahan mo
na, meron siguro..' tapos humarap siya sa akin at umupo doon sa tabi ko.. "Ano naman ang
sinusulat ng honey ko?"
Sasagot na sana ako kaya lang pinigilan ako ni Jenna.
"Honey?" sabi niya doon habang nakatayo... "Kayo bang talagang dalawa?"
Halos sabay na sabay kaming sumagot ni Xander nun.
"Hindi po" ('Oo naman')
Ako naman eh nakatingin kay Jenna, si Xander sa paanan.
"Para kasing lagi kayong nag-aaway.."
"Madalas po.." ('Minsan lang')
Nakangiti pa rin yung Jenna niya nun..
"Magkaiba talaga kayo ha!"
"Halata nga eh.." ('Sorta')
Tumatawa pa rin si Jenna nun. Dumating na rin yung teacher namin kaya papasok na kami.
Kasisimula ko pa lang maglaro sa phone ko.
"Tara na nga kayo... kulit niyo parehas kaya kayo bagay eh!"
"Kami? Hell NO."
"Heck YES."
"Shut up Xander!"
***25***
Pumasok na kami at syempre, nagklase na naman ng last period. Calculus ba naman ang last
subject mo sa umaga eh hindi ka ba naman mangarap na sana lunch break na!!! Pero ayun, dumating
din naman.
Lumabas na rin yung school paper, issue for the whole month. Kaya marami-ramng articles din
naman yung nabasa ko. Nasa front page yung ginawa ko na sa band selection, at iniscan ko yung
mga iba pa. Nakita ko yung cartoon na na-drawing ni Jonas, at ayos naman. Hindi ko pa nga
maintindhan kung bakit yun.. saka ko lang nabasa yung nasa gilid. 'Lee Xander Maclean, hits it
twice?'
Hindi ko na sana babasahin dahil alam ko naman na kung ano yung nakalaga y doon, pero hindi ko
rin mapigilan yung sarili ko. Natamaan ba naman ng mata ko yung pangalan ko sa second
paragraph... ganito part nung article.
...the wwwdotcom vocalist and guitarist, Lee Xander Maclean did and awesome performance
including his co-members last Friday, on the Edison High band Selection. The crowd cheered when
they got up the stage, and became louder when the known grandson of the School Board President
ran in the middle of the school bleachers. The crowd really love them. Their first song was
'The Reason' followed by the blood rocketing 'Noypi'. But the real tension within the audience
rose when he announced their last song to be dedicated to his special girl. And who could it
be?
Kristen Carylle Gutierrez, a new student and a transferee at Edison this school year and
currently a co-staffer of The Bridge became the luckiest girl. There were murmurs among the
audience when he sang 'Love of My Life' on the stage.
(blah.. blah.. daming nakakapaginit-ulong paragraphs)
...and the big break came when wwwdotcom were announced the winner of the contest. Lee Xander
really had a wonderful night! He got his 'Love of his Life', and also the feeling of being the
champion among all. Way to go Lee!
Katatapos ko pa lang basahin at titignan ko pa lang yung picture sa gilid, may nanggulat pa sa
likuran ko at humawak sa dalawang balikat ko. Sino pa?
"Kapag ako na-hospital, at ako namatay ng heart attact, mumultuhin talaga kita bago ka
makatulog!"
"Aba maganda pala yun... dadalaw ka sa bahay?" tapos nakita niya yung hawak kong newspaper at
pinipilit kong itago.."Ano yang binabasa mo? School paper ba? Pabasa nga."
"Oo at Hindi."
may problema naglalaro? Samantalang ako naman, nagpapaka-obese kapag naiinis at may problema.
Talagang magkaiba kami ng mundo. Kaya rin madalas nag-aasaran.
Nung sobrang lapit na ako sa gate, napahawak na lang akong bigla doon sa bakal. Nakaramdam ako
ng sakit sa tuhod ko.
"Bakit?" sabi niya dahil nagtaka rin siya.
Titignan ko na sana yung tuhod ko, kaya lang parang ang pangit namang tignan na bigla kong
itataas yung palda ko hanggang tuhod ng nandun si Xander. Kahit sabihin pa nilang... knee
injury!
"Talikod nga.."
"Bakit?"
"Sabi ko, tumalikod ka. Masakit yung tuhod ko."
Hindi pa rin siya tumalikod nun. Mukhang hindi na nang-aasar. Hindi ko pa masyadong natataas at
medyas ko pa lang yung nakikita ko, pansin ko na may umagos na dugo. Yung medyas ko meron na
rin.
"Ano bang language ang sinabi ko? Hindi mo yata ako naintindihan..." sabi ko kaya lang
nakatingin din siya sa akin.
"Pumunta ka kaya sa nurse."
"Ayoko, uuwi na lang ako. Saka, sarado na yun. In-announce kanina 'di ba? May na-hospital. May
sakit pa yung sub niya."
"Tara nga dito.."
"Bakit?" sabi ko at pinapalapit niya ako.
"Sabi ko, tara dito. Umupo ka dito sa bench."
Lumapit naman ako. Sabagay, masakit talaga. Napansin ko na medyo namumula kasi yung paligid ng
tuhod ko. Siguro magpapasa yun. Kasi tuwing nadadapa ako o nababangga ng malakas, ganun
nangyayari. Hindi nga lang ako umupo ng bench.
"Ano bang language yung sinabi ko? Hindi mo yata ako naintindihan.." tapos ngumiti naman siya.
"Umupo ka na kasi.."
Kapag kalokohan na naman 'to, baka kung anong magawa ko sa kanya. Pero umupo rin naman ako.
Siya naman medyo lumuhod sa harapan ko at nilabas niya yung panyo niya. Puti pa!
"Ilang ba kasi ang nahuli mo kanina? Mukhang Jackpot eh.." tapos tinupi-tupi pa niya sa tuhod
niya.
"Siguro mga 1,000! Ano bang yan?"
"Hindi mo alam 'to?" sabi niya tapos pinakita niya yung panyo. "Panyo. Taas mo nga yung skirt
mo.."
"Eh kung sampal-sampalin kaya kita dyan! Bakit ko naman itataas para sa 'yo!"
"Dali na, ang tigas ng ulo mo. Mukhang malaki yung sugat mo, ikaw rin! Baka magka-hemorrhage
yan! sabi niya na medyo seryoso pa sa akin na naiinis. Para dun pala yung panyo niya. "Taas mo
na.. please."
Gosh! Narinig ko ba ang magic p-word kay Xander? Kakaiba ha! Tinaas ko na rin naman. Hinawakan
ko para, alam mo na... conservative. Naka-shorts naman ako kaya wala naman talagang problema.
Pero syempre, lalaki pa rin siya.
Tinali niya yung panyo niya sa tuhod ko. Medyo mahigpit nga eh, kaya masakit-sakit. Kalalagay
pa lang niya, namantsahan na rin. Patawa-tawa na naman siya.
"Kung hindi ko lang talaga alam na nadapa ka kanina, iisipin ko na girl thing yang dugo na
yan!" tapos nun, tumayo na siya at natapos niyang itali yung panyo niya. "Yan na.."
"Uwi na ko.."
Lalakad na sana ako ng maayos kaya lang sinabi niya..
***26***
That's so nice of him. Kahit na si Xander madalas kong kinaiinisan, kahit papaano may
magagandang traits din naman yan. Hindi nga lang masyadong halata lalo na kung si Kristen ka.
Pero kung hindi mo siguro siya kilala, unang impression mo eh ang bait siguro ng taong 'to.
Pero sa akin hindi nangyari yun eh, simula nung tumapak ako sa Edison High nung pasukan,
destiny ko na yata na makita siya at tawanan niya ako.
"Kaya ko namang maglakad, ang OA mo. Hindi naman ako napilay. Sugat lang.."
Totoo naman yung sinabi ko. Kaya ko naman talagang maglakad. Mahirap nga lang ihakbang kasi ang
higpit nung pagkakatali niya, pero ayos lang talaga. Humawak pa nga siya sa braso ko. Yun na
siguro ang huling scene na gusto kong makita ako ng kahit sino man sa Edison.
"Get off.." tapos inalis-alis ko yung kamay niya. Ayaw tanggalin eh.
Dahil busy ako sa pag-alis ng kamay niya, nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinila kaya
naman napalapit ako sa kanya. As in sobrang lapit. Side-to-side.
"Ano bang--?"
Nakakainis naman kasi. Akala ko kung bakit, may dadaan pala na nagtutulak ng cart na nagdadala
ng pagkain sa cafeteria. Eh mukhang mataas yung mga box kaya hindi yata ako nakita na nasa
daan, muntik na rin ako nun. Tapos ngumiti si Xander at kumaway doon sa dumaang lalaki.
Pagkatapos nun, tumingin na siya sa akin.
"Yan ang problema sa hindi nagpa-pay attention."
"Whatever!" tinanggal na rin niya yung kamay niya nung umarte ako na kakagatin ko. Hindi ko
naman talaga gagawin, pero effective naman.
Dahil nga kasama siya sa bahay, sumakay nga ng jeep kasama ko. Nag-tricycle na ako kaya wala
akong balak lumakad ng ganito yung paa ko. Sinabi ko nga na ako na ang magbibigay nung game kay
Angelo, ayaw naman niya. Ayoko kasing pumunta siya doon, yung kapatid ko tiyak nasa bahay.
Lalung-lalo pa si Mama. Nagdududa na nga sa akin yun, ngayon madadagdan pa.
"Ako na magbibigay.. ano bang problema?"
"Kasi..."
Hindi ko pa tapos yung sasabihin ko nung makita ko na wala na siya harapan ko. Nandun na sa
tapat ng pinto namin at kumatok. Sabi ko nga, mabilis siya!
Napakasamang idea talaga na naimbento ng humankind ang makilala ni Mama si Xander! Pero ayun..
akala ko sisigawan siya ni Mama at kung sino naman siya na bigla na lang sumulpot sa pintuan
namin. Hindi pa ako makalapit nun, at napansin ko na sinenyasan ako ni Xander. And to my
relief, nakangiti talaga si Mama nun.
And the reason why at kung anong sinabi ni Xander para i-brainwash si Angelo at Mama??? I have
no freaking clue... basta ang alam ko, parang sila pa ang mag-nanay at ako yung bisita.
***
Weekend. Natapos na naman ang isang linggo. Mabuti naman at walang pasok nun. Saturday nga pala
at naalala ko, dadaan dapat ako sa bahay nila Neriah. Kaya lang nung nagtext ako, nasa palengke
daw sila at pagkatapos eh dadaan sila ng bahay ng ninong niya dahil may kung anong celebration
daw. Tiyak eh gabi na daw sila makakauwi.
Wala akong balak na mag-stay ng maghapon sa loob ng bahay. Ganito pa't panay ang katok ni Mama
para daw mag-walis, o kaya mag-vacuum. Hanggang dito rin rinig yung lakas ng TV ni Angelo..
bwisit talaga yung bubuwit na yun!
Kung aalis naman ako mag-isa ng bahay, san naman ako pupunta? Sabagay, maganda rin naman umalis
kapag ikaw lang. Nagagawa mo rin yung gusto mo.
Narinig ko may nag-ring. Medyo mahina pero narinig ko. Naalala ko yung phone ko, pero hindi ko
alam kung saan ko nilagay. Hinanap ko sa ilalim ng unan, sa ilalim ng kama.. sa drawer.. at
ayun.. pinakinggan ko talaga. Nasa bag ko pala. Nasa kailalim-laliman pa.
"Hello?"
Nung una, hindi ko pa alam kung sino. Hindi kasi naka-save yung number.
"Ei.. ako 'to." sabi niya na narinig kong tumawa pa.
***27***
Ano ang intial reaction ko nung nagsalita siya... well... simple lang..
"BRYAN!!!" ok, calm down... "I mean.. Bryan... hi."
"Nabingi yata ako doon ah.."
"Gulat lang ako eh.. napatawag ka. Teka... paano mo nalaman yung number ko? Nabigay ko na ba sa
'yo dati? Hindi ko na kasi maalala.." mukhang tama nga si Xander sa akin, LOLA nga siguro ako.
"Hindi, hindi mo pa nabigay. Nakuha ko kay Neriah yung number mo.." right. I didn't think of
that, "Busy ka ba?"
Nag-isip naman ako kung busy ako. Maliban na lang sa sermon sa akin ni Mama na tulungan ko
siyang maglinis at makinig sa malakas na TV ng kapatid ko... busy nga ako ngayon. Dami ko ngang
ginagawa! Nakaupo sa kwarto.
"Wala nga akong ginagawa eh. Dapat kasi pupunta ako sa bahay nila Neriah, umalis naman sila."
"Yeah, dumaan nga ako sa kanila ngayon eh. Sinabi nung Lola niya. Gusto mong magikot-ikot?
Ayoko kasing umuwi ngayon eh, wala namang tao sa bahay namin. Walang masyadong kausap."
Narinig ko ba ng tama? Niyaya niya ako. As in A-K-O. Hindi si Neriah.
Binatukan ko yung sarili ko. Kaya ka lang niyaya dahil wala si Neriah. Asa ka pa Kristen!
Nawala na yata ako sa sarili ko. Kaya narinig ko na lang siyang...
"Kristen, nandyan ka pa ba? Anong nangyari?" saka lang ako uli natauhan nun. "Kung ayaw mo ok
lang naman.."
"Hindi. Sige, sama ako. Actually, timing ka nga."
"O sige, sunduin na lang kita dyan. On the way na nga pala ako, nakasakay na ako ng jeep."
"Ahh, right. Sige pala, bihis na ko."
"Bye."
Binaba na niya yung phone niya. Nataranta naman ako. On the way na siya? Hindi rin siya mabilis
no? Hindi halata eh. Ibig bang sabihin nun wala siyang pakialam kung anong isasagot ko?
Dahil naligo na ako ng maaga, pumasok na lang ako ng banyo at naghilamos.. nag-toothbrush at
nagayos-ayos kung may aayusin pa. Wala na akong panahong mag-isip pa ng isusuot ko, kaya
nanghila na lang ako ng blouse sa drawer ko at kinuha ko yung pants ko na naka-hanger sa
closet. Spray-spray lang ng pabango.. konting suklay... suot ng sandals.. ayos na!
"KRISTEN! BUMABA KA NGA DITO!"
Sumisigaw na naman si Mama. Uh-oh. Sabi ko nga, magagalit na naman yan at hindi pa sila
nakakapagkilala ng maayos ni Bryan. Nung nakaraan na nagpunta sila dito, hindi ko alam kasi
tulog pa ako nun. Malamang hindi talaga. Si Mama kasi OA kapag sa ganyang bagay.
"Ma? Bakit?" nasa hagdan pa ako nun at nakahawak doon sa gilid. "Hey, nandito ka na pala."
Nakahakbang na ako nun hanggang sa pinakababa. Narinig kong may galabog doon sa taas. Maya-maya
lang, nandyan na ang mahal na mahal kong kapatid.
"San ka na naman pupunta?" sabi niya nung nakita niya akong nakabihis.
"Pakialam mo ba... police ka na ba ngayon?"
Tumingin naman siya doon sa pintuan. Si Bryan, nakatayo pa rin doon.
"Sino ka naman?" naaalala ko yung expression ng mukha ni Angelo na yan. Ganyan na ganyan din
yung mukha niya nung tinanong niya si Xander kung sino siya. Tingin ko lang, masyado lang
talagang unusual kay Angelo na may pumupuntang lalaki sa bahay. Para sa kanya kasi, lahat na
siguro ng babae sa mundo eh taken, ako lang ang left-over.
"Ma, si Bryan. Angelo, wala kang pakialam. He's a friend of mine."
Hawak ni Mama yung walis tambo nun at aakalain mong gustong mag-hampas.
"Classmate?"
"Hindi."
Tumaas naman yung kilay niya.
"Schoolmate po."
"Kaibigan namin siya ni Neriah... close friend ni Xander."
Hindi ko alam kung anong nasabi ko at parang magic. Bigla na lang sinabi ni Mama na...
"Saan kayo pupunta? May pera ka ba at aalis ka na naman?"
Bigla namang si Bryan ang sumagot..
"Ok lang po, ako na lang ang gagastos. Ako po kasi ang nagyaya sa kanya."
"O sige, umalis na kayo. Kristen, 'wag magpapagabi. Sasaraduhan talaga kita ng pinto."
'Di bale Ma, may susi ako!!
Lumabas na kami ng bahay at nagpaalam ako kay Mama. Binangga ko si Angelo kaya mukhang nainis
na naman sa akin. Hindi pa kami nakakalayo ng bahay eh speechless na yata uli si Bryan.
"Pasensya ka na sa Mama ko ha, katakot no! Ganun lang talaga siya. Hindi kasi sanay yun na may
pumupunta sa bahay na hindi niya kilala..."
"Ok lang. Pero nung dumating talaga ako, akala ko hahampasin talaga niya ako ng walis tambo
eh!"
Bago pa kami nakasakay ng jeep nun, nilabas na naman niya yung phone niya. Ang alam ko, past-2
na rin ng hapon.
"San mo gustong kumain?"
"Kakain?"
"Oo. Busog ka ba?" sabi niya kasi nagulat ako.
"Hindi." tapos yumuko ako ng konti, "Umuwi ka na ba sa inyo?"
"Hindi pa simula kaninang umaga."
"Kaya naman pala eh! You must be hungry.."
"Starving..."
Sumakay na kami ng jeep nun. Mukhang siya na rin ang nag-decide kung saan kami kakain. Hindi
rin siya masyadong nagsalita nung nasa jeep, siguro dahil malakas yung music nung driver kaya
hindi rin naman kami magkakarinigan kapag nagkaganun. Maya-maya lang, bumaba na rin kami.
Napadpad kami sa Greenwich. Mukhang pizza ang gusto nito.
Pagpasok namin sa loob, puno na sa kainan sa baba. Kaya tiyak, sa taas na kami nun.
"Pearl Coolers na lang ako.. buko pandan."
"Yun lang?" sabi niya tapos nilabas niya yung pera niya, "Huwag ka kayang mahiya..."
"O sige... gusto ko ng spaghetti, samahan mo na rin ng fries, garlic bread, chicken with
rice...make it two-piece, lasagna.. yun lang." tapos tumingin pa ako doon sa menu in case na
may nalimutan ako... "oh.. and coke. Make it diet, I'm trying to watch my weight!"
Na-shock yata sa akin si Bryan. Ang dami nung gusto ko. Actually, I'm just messing up with him.
"Huwag ka ngang ganyan.. niloloko lang kita no. Pearl Coolers lang talaga gusto ko. Large, if
you don't mind."
Tumawa naman siya sa akin nun. Aba, jackpot ito! Nakita ko naman na siyang tumawa dati, hindi
nga lang malapitan. Buo na yata ang araw ko.
"I'm starting to see why Lee likes you alot..." sabi niya tapos humarap na siya doon sa babae,
"at.. kung bakit kayo nag-aaway lagi."
"Hindi kami. Seriously."
Ok, tama na yan. Nanliliit na ako. Hanggang ngayon pala naniniwala siya na kami nung bee-brain
na yun!
"Pili ka nga ng pizza..."
Tatanong ko sana kung bakit, pero hindi na lang.
"4-cheese pizza."
Naka-order rin naman kami, at binigay lang sa amin yung number at dadalhin na lang daw.
Nakahanap kami ng upuan malapit doon sa salamin kaya kita mo yung mga sasakyan sa baba. Ayos
ah!
"San ka ba nag-aral dati?" sabi niya nung nakaupo na kami.
"Somewhere.. far. Palipat-lipat kasi kami eh. Dahil sa work ng Papa ko. Kung saan-saan kasi
siya nadedestino.." sabi ko tapos nilaro-laro ko yung number sa lamesa, "Nung last summer nga
kadarating lang namin eh umalis na naman siya.. badtri---" saka ko na-realize na na-carried
away ako. Ang daldal ko.
Nakatingin siya sa akin nun na para bang alien ako.
"May naalala lang ako sa sinabi mo.. parang.." naku.. kasi naman!
"Tingnan mo! Ang ganda pala dito! Ang daming sasakyan!" tapos tinuro ko yung labas.
Corny. Kahit ganun, gusto ko lang ibahin yung topic. Mukhang may napapansin eh. Hindi ko balak
na mag-explain ng bagay-bagay.
Dumating din yung order namin... at kumain din naman kami. And to my relief, at dahil sa gutom
niya na rin siguro, hindi na niya binalik yung topic. Yung buko pandan ko, isang inuman lang
yata eh nangalahati. Sumakit tuloy yung ulo ko. Brain freeze!
"Anong nangyari sa 'yo?" sabi niya nung hindi na ako makapagsalita.
"Brain freeze..."
Tawa lang siya nun. Kumain na uli ng pizza. Dalawang solo-size pizza yung binili niya. Halatang
gutom ah! Inalok pa nga ako kung gusto ko, pero tumanggi ako.
Sumandal naman siya at uminom ng soda niya.
"Busog na ko.." sabi niya habang umiinom.
Napansin ko yung isang solo-size pizza. Hindi niya ginalaw.
"Take-out mo?" tinuro ko yung pizza.
"Oo. Pero hindi para sa akin..."
Nagpahinga lang kami saglit doon. Nag-usap ng kaunti tungkol sa mga bagay-bagay. Syempre,
nasama na naman si Neriah sa usapan.
Akala ko kung saan na kami pupunta sa susunod. Hindi naman pauwi dahil ibang jeep yung sinakyan
namin, kaya sumunod na lang ako. Siya ang boss, siya ang nanlilibre eh.
Maya-maya lang, nag-para siya doon sa tapat ng Edison High. Sumenyas siya na mauna na raw akong
bumaba.
"Sa school?" sabi ko nung hindi pa tumatawid, "Anong gagawin natin dito?"
"Tara na nga..."
Pumasok na kami doon sa loob. Ayaw pa nga kaming papasukin ni Manong guard kanina, pero nung
nakita si Bryan, pumayag din. Ewan ko kung bakit.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Maya-maya lang, nandun kami sa tapat ng Bulletin Board at
may kinausap ni Bryan yung taga-pintura doon na nakatungtong pa doon sa hagdan. Ang galing nga
eh, nag-paint siya ng dolphin.
Ako naman, busy na nakatingin sa kalayuan. Ang tahimik dito kapag walang pasok. Narinig kong
sinabi niyang: 'Thanks bro.'
Teka, bro? Pagtingin ko doon sa nakasumbrero saka naka-gown na kung ano... hindi ko talaga
nakilala kung sino.
"Xander?!?" tapos hindi man lang tumingin sa akin habang binubuksan yung pizza niya.
"Wow! 4-cheese pa ah! Favorite ko pa talaga.." sabi niya tapos tinaggal niya yung gloves niya.
"Oh, hi Kristen."
Parang wala siya sa sarili niya nung binati niya ako. Kakakagat pa lang niya nung napatigil
siya.
"KRISTEN? Anong ginagawa mo dito?"
Nakangiti lang si Bryan nun. Tapos sinabi niyang..
"Siya pumili ng 4-cheese.."
"Paano mo nalaman?" sabi niya na nakatingin pa sa akin. Hindi niyo lang alam kung gaano kaunusual na makita si Xander na panay pintura yung paint gown.
"Nalaman na ano?"
"Na, favorite ko 'to."
"Aba malay ko no! Pinili ko lang yan kanina.. pakialam ko naman kung anong favorite mo?!?"
Kain lang siya ng kain nun. Umupo na ako doon sa gilid at nangangawit na yung binti ko.
"Anong drama mo at nandito ka sa school at ganyan yang itsura mo?"
"Detention. Akala ko kung anong papagawa nila sa akin eh, sabi nila mag-paint daw ako."
Napabilib naman ako. Gawa niya yung underwater scene? Ang bilis nga niyang uminom. Hindi naman
halatang parehas sila ni Bryan na gutom. Ganyan din kasi siya kumain kanina.
"Bakit naman kayo magkasama?" sabi niya nung uminom siya.
"Sinundo ko siya sa bahay nila... niyaya kong lumabas."
At kung may nakakadiri pa sa ginawa ni Xander, ibuga daw ba yung coke sa harapan niya.
Pasalamat na lang kami wala kami ni Bryan doon. Dahil kung hindi, shower yun.
"Magkasama kayo? T-teka.. anong ginawa niyo?"
"Kumain sa greenwich. Sabi niya kasi maglilibot kami. Dumaan kami dito, para sa 'yo pala yung
pizza na yan..."
"Kumain kayo? Kayo lang?" sabi niya tapos tinuturo niya kaming dalawa.
"Oo."
"May pupuntahan pa kayo?"
"Sa playground siguro. Tambay. O kaya dadaan kami sa mall... or something."
Hindi ko naman inaasahan na tumayo si Xander at tinapon yung box nung pizza na may binubulong
pa kaya lang hindi ko marinig.
"Hanggang 4:00 pa ako dito eh. Hindi ba pwedeng dito kayo? Tapos sama ako sa inyo... g-ganun."
Tumawa naman ako sa kanya.
"Uupo kami ng isang oras hintayin ka dito?"
"Bibili lang kami, tapos ihahatid ko na rin siya mamaya..."
"Ooh.. o-ok." sabi niya tapos sinuot niya uli yung gloves niya.
"O sige bro, alis na kami ni Kristen.."
***28***
Iniwan nga namin si Xander doon na nag-paint na naman. Abnormal talaga yun. Pakialam ko naman
kung bibili siya ng bala..
Nung nakaalis na kami ni Bryan, dumaan nga kami ng mall gaya ng sabi niya. Nagikot-ikot.
Tinanong pa ako kung may gusto daw akong bilihin at sabihin ko lang, pero wala naman talaga.
Ang pinakaayaw ko sa lahat na pinuntahan namin... eh yung playground. Someone? Get me outta'
here!
"Gustung-gusto ko rito. Ikaw?"
"A-ahh.. oo naman. Tambay kami ni Neriah dito eh.." ayoko yata ng ganito.
"Sabagay, halata nga. Dito kasi kami nag-meet eh.." sabi niya na nakangiti pa, "Well, not
personally."
Hindi maganda ito. Kailangan ko ng malaking electric fan para hanginin yung topic na pinaguusapan namin.
"Ui, mag-6 na pala?" tapos tumawa ako na sana hindi niya nahalatang fake, "Ayaw ni Mama na
gabihin ako eh. Ok lang?"
"Ooh, oo nga pala. Nakalimutan ko na."
Basta sa ganyang bagay, si Kristen ang magaling! That was so close! Kasi kapag naging yun ang
topic, baka may masabi pa ako na kung ano.. patay na ko.
Hinatid naman niya ako pauwi. Nagpaalam lang siya sa akin tapos sinabi niyang: 'Thanks for the
company. I really do appreciate it!'
Oh my GOSH! Record breaking ito.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Hindi ako pinagalitan ni Mama. Sa katunayan, wala ngang
comment eh. Busog ako nun kaya hindi na ako kumain.
Umakyat lang ako sa taas. Pumasok ng banyo at naglinis. Pj's na naman. I hate night gowns!
Madalas kasi nilalamig ako eh. Humiga ako doon sa kama ko, tumingin sa kisame... at parang sira
na inisip yung kanina.
I can't believe I spent the day with... the post-it guy.
***
Monday. Isang napakagandang araw ang dumating. Kabababa ko pa lang ng jeep at patawid na ng
Edison. Hindi ko nakausap si Angelo kaya nakabuti.
Nasa gate pa lang ako eh ang daming tao doon sa hallway. Akala ko kung anong ginagawa nila pero
nung napadaan ako, at mahirap dahil nagkalat sila, tinitignan pala nila yung painting na ginawa
ni Xander. Blue na blue yung kulay. May dolphins talaga.
'Sinong gumawa? Ang galing naman!' panay ganun yung narinig ko.
Nakitingin din naman ako. I admit it. May talent talaga si Xander. Ilan kayang talent meron
yun? Ako kasi walang hidden eh.
Nung nag-clear na ng kaunti, tinignan ko rin naman. Sa pinakababa eh may nakasulat doon ng
black. Hindi masyadong pansin kasi maliit lang. Nakalagay.. 'LX,11' which stands for.. Lee
Xander.
"Mabuti na lang pala nakialam na ako. Magkaka-detention ka kung saka-sakali." aba.. bait naman
nito! "Alam mo na, alam kong di ka marunong maglinis ng CR o kaya mag-scrub ng dingding...
lalung-lalo na hindi ka marunong mag-paint..." sabi niya. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina!
"Ang yabang mo.. marunong ako noh!?" sabi ko nung nakita kong tumatawa-tawa siya.
Nag-alarm naman na nun. Ibig sabihin, tapos na yung period na ito at last subject na. Hindi pa
nga ako makakilos nun. Naunang maglakad si Xander.
"Oi, baka naman balak mo ring maglakad?!? Hindi mo naman pangarap na maging statue of liberty
niyan?"
Natuwa talaga ako kanina. Yung mga babae kanina, hindi na nakatingin sa amin. Tinulak-tulak ko
si Xander mula sa likuran. Hindi naman malakas.
"Thanks ha.."
"You're welcome!"
***
Maganda pa rin mood ko kahit papaano nung mga sumunod na araw. Umalis pa nga kami ng room ng
umaga dahil nagkaroon pa ng program. Kasama na naman ako dahil staffer ako.
Kaibigan ko
dumaan yung
yun. Nakita
ba naman sa
***29***
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng lungkot nun kay Xander. Kasi naman, bukod sa hindi ako sanay
na ganyan siya, hindi man lang niya sinabi sa akin kung ano ba talagang meron at parang ang
tamlay niya. E di sana, mas nagkaroon ako ng common sense na hindi siya masyadong inisin. Kahit
na nabanggit niya sa akin na hindi niya nakasama yung parents niya dahil wala pa siyang isang
taon nung namatay sila, nakakalungkot pa rin yun. I mean, nakakalungkot talaga.
Tatawagan ko na sana siya uli nun, kaya lang wala na siya at sumakay na. Speechless talaga ako.
Napag-isipan ko lang pumasok sa loob nung napansin ko na ako na lang ang tao sa harapan ng
bahay namin. Ilang minuto rin yata akong tumayo doon at wala sa sarili ko.
***
Thursday. Napansin ko lang na parang blooming at alive na alive ang itsura ng school ngayon. O
baka naman ako lang yun sa paningin ko? Ewan ko ba. Parang wala namang nagbago, pero kung anuano yung napapansin ko.
Pagkaakyat ko sa room namin, malapit na rin mag-time nun. Ang ingay sa loob ta may kanyakanyang mundo. Hindi pa ako nakakaupo doon sa upuan ko eh may nakita akong naklagay doon. Card.
Akala ko naligaw lang doon. Pero nung binaba ko yung bag ko at hindi ko inalis yung tingin ko,
nakalagay yung Kristen sa labas. Malamang ako yun. Binasa ko nga. Maikli lang yung nakalagay.
Punta ka ng library...
Hindi man lang sinabi kung anong oras. Ang lapit na ng time ngayon pa. Sinara ko uli. Tinignan
ko yung likod kung may nakalagay pa. Sabi ba naman eh:
NGAYON NA!
Aba demanding?
Tumingin ako baka may magsabi kung kanino galing. Pupunta ba ako? Baka ma-late ako eh. Si
Xander na naman 'to tiyak. As always. Infairness, bumalik na kaya siya sa normal state niya?
Teka lang... bakit ba niya ako pinapapunta doon?
Nagtalo pa yung isip ko nun kung dapat ba akong pumunta. Finally nung nakapag-desisyon na ako
at tipong kaa-alarm pa lang para sa time, palabas pa lang ako ng pintuan ng room eh hahawak
naman yung teacher ko sa doorknob.
"Ahh.. mam.. pupunta po kasi ako.." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko eh siya naman..
"Go ahead..." tapos pumasok na siya sa room.
Ganun?!?
Naglakad na ako nun. Kailangan kong bumaba dito tapos sa kabilang building eh aakyat ako dahil
nasa taas ang library. Kapag nalaman-laman ko lang na kalokohan talaga ito, tiyak badtrip na
naman ang lola niyo.
Nasa labas pa lang ako ng library eh hindi naman ako makapasok. Para nga akong sira eh, paano
kung may nagbibiro lang? E di, magkukunwari na lang ako na manghihiram ako ng libro. Tama.
Hindi ko pa masyadong nabubuksan yung pintuan eh narinig kong maingay sa loob. Nagtinginan sila
sa akin dahil ako yung papasok. Tahimik nilang lahat. May mga teachers din doon, ilang
estudyante, at... si Xander. Sinasabi ko na nga ba siya ang may gawa nito. Pero hindi
mukhang...
"Kristen," sabi niya pero seryoso naman yung mukha niya.
Nagtataka na talaga ako. Ano bang meron?
"Here she is... Miss Gutierrez."
Nakilala ko kung sino 'tong teacher na ito. Alam ko siya yung teacher sa guidance.
"Bakit po?"
Nung una, hindi ko talaga alam kung bakit. Maya-maya lang, pinakita na nila sa akin yung
Bulletin. At idagdag mo pa sa ikagugulat ko doon, may picture ako doon na kasama ko si Xander.
To make things worse, yun yung picture na sinuntok ko siya.
"Gusto lang kitang kausapin tungkol dito.." tapos tinuro niya yung picture. "Ikaw ba talaga
itong nasa picture?"
Obvious ba, ako na nga eh.
"Opo." mahina lang yung pagkakasabi ko. Parang lumakas yung tibok ng puso ko ah!
Si Xander naman eh parang hindi rin mapakali doon.
"Mam, hindi niya po yan sinasadya. I swear!" eh parang mas apektado pa sa akin 'to ah!
Si Xander eh hindi naman kumilos. Narinig ko pa ngang sinabi niyang: 'Hindi na pala ako babalik
sa klase...' tinignan ko nga ng masama.
Nakalabas na ako ng library nun. Nauna akong lumabas ng library. SI Xander maya-maya lang eh
sumunod na rin. Nakatayo lang ako doon sa labas. Tapos nung sarado na yung pinto sa library,
napatingin pa kami sa isa't isa. Sabay pa kaming ngumiti.
"Thanks."
***
After nun, pakiramdam ko bumait ako kay Xander ng kaunti. Kung hindi niya siguro sinimulan na
magsinungaling, baka bye bye Edison High na ako. Mabuti na lang at detention lang ang nakuha
namin. Hindi naman ganun kasama. Kaya lang, apat na Saturday yun! Apat na nightmares.
Unfortunately, kapag may detention ka pala eh deprived ka from certain privileges ng school.
Hindi ako pwedeng magsulat para sa school paper, bawal rin na sumama sa small trip sa city.
Tuwing mangyayari daw yun, dalawa lang kami ni Xander na iiwan sa Separation room at may
gawain.
Ngayon naman yung una, ngayong araw na ito pa. Naghahagis na naman ng papel sa inuupuan ko ang
nag-iisang bee brain.
"Ano?!?" panay kalat na yung upuan ko. "Baka nakakalimutan mo, wala pa tayong isang sabado na
nagagawa! Huwag mo ng dagdagan ok?"
Tawa siya ng tawa doon sa upuan niya. Palibhasa tatlong upuan ang pagitan, malayo namang
masakal ko siya ngayon.
"Nanganak yung pusa ng kapitbahay namin. Lima nga eh!"
Nainis naman ako ng bahagya. Ano namang pakialam ko doon?
"So? Pakialam ko naman sa pusa ng kapitbahay niyo?"
Kahit ganyan yang si Xander, nakakahanga pa rin paminsan-minsan. Akalain mong isang araw siyang
malungkot, bumalik na rin sa dati. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, ilang araw siguro
tatagal bago ako makabalik sa normal state.
"Wala lang. Naisip ko lang. Paano ba naman eh tatlong oras yata ang pagitan nung naunang kuting
doon sa pangalawa. E di ba, mabilis dapat?"
"Xander, pusa yun.. huwag mong ikumpara sa tao."
Dumating naman si Mrs. Tolentino, yung maliit at cute na teacher. Siya kasi ang naka-assign sa
amin na mga 'troublemakers.' Ako nga lang yata ang babae sa ngayon eh.
"Ok, third year section 11, do your workbook. Social studies. Tapos tapusin niyo yung lecture
niyo sa Geometry. First year section 3, THE book niyo page 98...Third year..."
Inisa-isa niya yung mga pangalan. Tapos huminto siya.
"Fourth year section 1..." tapos tumingin sa amin. "Secton 1?" ngumiti ng kaunti. "Health
lesson niyo.. sa values, journal entry."
Ginawa naman namin yung iniwan sa amin. Teka, let me rephrase it. Ginawa ko pala. Si Xander
kasi, nangopya lang sa akin.
Dahil hindi pa nun dumarating yung mga classmates namin na nag-visit sa local museum, mas nauna
kaming umuwi. Mabuti na lang eh tinawag si Xander kaya hindi na nakasunod sa akin.
Friday. Dati tuwing Friday, natutuwa ako dahil walang pasok at pwede akong matulog hanggang
tanghali. Pero hindi ko masasabi ngayon yun. May detention pa ako bukas.
Dumaan ako ng playground. Tagal ko na ring 'di nagsusulat, iniiwasan ko na nga hanggat maaari.
Kaya lang, di ko rin mapigilan yung sarili ko. Paano ba naman, hirap kasi kapag nasa'yo lang
lahat.
Safe pa rin pagkakasulat ko. Wala pa ring bakas na ako.. eh ako.
Dahil nga hindi pa masyadong madilim nun, bumungad si Angelo sa pintuan namin. Sinigaw kay Mama
na nandito na ako.
"KRISTEN CARYLLE! ALAM MO BA KUNG ANONG TAWAG ANG NATANGGAP KO? NASA LIST KA DAW NG MGA
TROUBLEMAKERS! ILANG BESES KO BANG UULITIN SA IYO NA UMIWAS KA SA GULO. SINABI PA SA AKIN NA
MA-EEXPEL KA RAW--"
"Ma! Ayos na, narinig ko na yan. Hindi ako maeexpel, may detention ako ok?"
Parang mas lalong nagliwanang mukha ni Mama nun. Pagkatapos nun, hindi na nagsalita. Masama na
nga pakiramdam ko, dinadagdagan pa niya.
"Hoy ate! Hulaan mo sasabihin ko sa 'yo?"
"Something stupid.. probably. Huwag mo akong inisin, masama araw ko."
"Something stupid pala ah..." sabi niya na nang-aasar pa...
Kaya lang, may kwenta yung sinabi ni Angelo.
"Sabi ng savior mo, sunod ka daw sa mall. Text mo daw siya." gosh.. really?!? kauuwi ko pa lang
ah!
***30***
Tumakbo ako nun sa pintuan. Pupunta ako ng mall. Si Mama, sumigaw na naman na hindi pa raw kami
tapos kaya lang nakalayo na ako kaya hindi na niya ako mapipigilan kung sakali man. Naggive-up
na rin kasi sabi niya sa bintana: 'Kayong dalawa, huwag masyadong magpagabi!'
Dahil sa sobrang bilis ko nun at pwede na akong pumasa sa Nascar Racing, nakasakay ako ng jeep
kaagad. Ako lang at yung isang matandang babae ang nakasakay sa jeep kaya na-enjoy ko yung
hangin ng binatana. Nadaanan namin ang Edison, kaya nakita ko na maraming tao sa labas. Ngayon
pa lang yata nakauwi yung mga classmate namin galing sa museum.
Dahil nalibang ako at lumilipad yung isip ko, saka ko lang nalaman na nasa mall na pala ako.
Sinabihan pa nga akong driver na bumaba na raw ako dahil ako na lang yung nakasakay. Nagbayad
ako at yun nga, pumasok ako sa mall.
Ngayon namang nandito ako, saan ko naman kaya siya hahanapin?
Umakyat ako sa escalator, tumingin kaliwa't kanan. Saka ko lang na-realize, may phone pala ako.
Ang t*nga naman!
'ei, san ka n? d2 me sa food court'
Tapos sinend ko na.
Hindi na ako umalis doon sa kinatatayuan ko. Malay ba natin kung saan na lang sumulpot yun.
Anytime now... five (ang tagal!).. four...three (wala pa rin?)...two...one and 3/4... waaa...
zero.. negative one...
"Kristen!" Buti na lang!
Lumingon naman ako. Siya na nga.
"Grabe ka! Ang tagal mo ah! May 10 seconds na yata akong naghihintay!"
"Tumangkad ka yata?"
"Ang yabang mo! Infairness, ang guwapo mo ngayon. Akin na lang yang cap mo!" tapos kinuha ko sa
ulo niya.
"Kabibili ko pa nga lang eh..." sabi niya tapos inayos niya yung buhok niya kasi medyo nagulo,
"Gusto mong kumain? Gutom na ko."
Dahil nga nasa food court kami nun, pinili namin yung kainan na ang nakalagay eh bahay kubo.
Masarap kasi yung luto dun eh. Natikman na namin dati pa.
"Sinabi sa 'yo ni Angelo? Wala na kasi akong load kaya hindi kita ma-text.."
"Oo. Kadarating ko nga lang eh. Sinermonan ako ni Mama..." tapos kinain ko yung kanin sa harap
ko.
"Oo nga, nabanggit niya, ma-expel ka raw?"
"Hindi no! Eh... basta may nangyari.. bumaba ang parusa. Detention na lang.."
Ngumiti lang siya sa akin nun. Wow, na-miss ko naman siya.
"Bye pare.. badtrip na yung kasama ko. By the way.." sabi niya habang nakalingon..
"Ken nga pala, kuya ni Kristen.."
***31***
Hinila ko na si Kuya nun palabas ng mall. Narinig ko pa ngang humahabol si Xander, pero badtrip
talaga ako sa kanya. Tingin niya na rin sa akin, flirt ako. Kunwari pa, concern.
Nung nakasakay na kami ng jeep, hindi naman nagsalita si Kuya. Sinabi lang niya sa akin: 'Ano
yun, LQ?'
"Kuya, Q lang.. walang L."
"Akala ko ba.."
"Kuya, maraming namamatay sa maling akala alam mo yun... saka ko na lang ikukuwento."
Hindi na kami nag-usap sa jeep. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Si Mama, nagulat yata
sa amin. Sabi huwag daw magpagabi, past-7 na. Maaga pa naman.
"Kayong dalawa, palibhasa magkasama na naman kayo kaya para kayong nakakawala na naman.." sabi
niya nung pumasok kami ng pinto.
Umakyat lang ako nun. Hindi na ako sumagot kasi hahaba na naman ang walng kwentang diskusyon.
Nagbihis lang ako, pumasok sa banyo... at nahiga sa kama. Sa tinagal-tagal na akong inaasar ni
Xander, masyado talaga akong napikon ngayon! Pati ba naman si Kuya? Sabagay... para naman kasi.
Anyways, nag-iisang savior ko yan. Hindi naman something heroic nung simula, habit ko na lang
siguro. Katulad nga ng sabi ko, kapag nagkakaroon ng away dito sa bahay, si Mama tiyak kakampi
kay Angelo. Si Papa, iba ang mundo kaya lagi namang neutral. Si Kuya, ang kakampi ko. Kapag
aawayin ako nun ni Mama, hihilahin ako ni Kuya palabas ng bahay. Sabihin niya, gagala kami.
Siguro, paraan niya para i-cheer ako.
Nung elementary nga ako, magsumbong lang ako... darating na yan. Kapag may nagkaka-crush nga
diyan nun, nagagalit ako eh. Selfish ko nga eh! Pero yung pinaka hindi ko makakalimutan na
ginawa niya eh yung nakipagsuntukan siya. Gabi na kasi nun at pauwi na ko, nagkataong may
humarang sa akin sa daan.. kala ko nun... basta! At least, yung term na savior.. totoo.
Hindi ko alam kung anong oras ako nagmuni-muni. Basta maya-maya lang... nakatulog na ako.
Tumatawag pa nga si Xander nun, kaya lang dahil wala na naman kwenta tiyak ang sasabihin niya..
pinatayan ko ng ng phone.
***
Ang aga-aga na naman eh may kumakatok sa pintuan ko. Si Mama na naman 'to. Walang pasok kung
mang-istorbo.. grabe. Yan na lang yata ang trabaho ni Mama eh.
"Ma.. natutulog pa ko."
"Labas! Maglilinis ako! Alis na!" sabi niya tapos tinulak ako doon sa pintuan pero hindi
malakas, "May detention ka ngayon.. baka nakalimutan mo."
Kinamot ko naman yung ulo ko. Kaya pala mainit ang ulo ni Mama. Oo nga pala, may detention ako.
Bwisit! Asar! Pinakanakakainis sa lahat, kasama ko dun si Xander. Hindi na masaya ang araw ko.
Nung nakapag-bihis na ako, which is plain shirt lang dahil tiyak may pagagawa lang sa amin na
kung ano, bumaba na ako. Nilaro ko pa nga yung pagkain ko, kaya pinagalitan na naman ako. Si
Kuya, naghihilik pa yata sa kwarto niya.
Kinuha ko na yung phone ko. Nagpaalam na ako at paalis na ako nun. Hindi ko pa nabubuksan eh
may tao doon na nakaupo sa gate at tumayo lang nung lumbas ako.
"Bakit nandito ka?"
"Hinihintay ka."
"SInabi ko bang maghintay ka?" sabi ko nung naglalakad na ako.
"Hindi, gusto ko lang..." sabi niya tapos humabol siya. "Kanina pa kong 6:30 dito, magdalawang
oras na nga ako eh.."
"So? As if I care?"
Sumasabay pa rin siya sa akin nun. Pero hindi ko naman siya masyadong pinapansin. Tapos sabi
niya...
"Sorry na talaga..." sabi niya kaya napahinto ako. "I'll do your detention.. ngayon lang.."
Tinignan ko naman siya.... hmmmmmmm....
Magandang offer naman yung sinabi ni Xander. Aba, bihira lang yun. Siya ang gagawa ng detention
ko? Hindi naman namin alam kung anong gagawin namin. Idagdag mo pa na kapag tinanggap ko yun, 3
saturday detentions na lang yung gagawin ko.
Tinignan ko siya, ngumiti, tapos nagsimula na akong lumakad uli.
"Hindi naman ako kinausap, payag ba yun? Bati na ba tayo o ano?" sabi niya nung kasabay ko na
siyang maglakad,"Sobrang gwapo ko ba? Ano na?"
Ang kapal talaga ng mukha nito. Pero kahit papaano, nakakatulong din yung ginagawa niya kaya
parang 'di na rin ako galit sa kanya. Ano ba yan, di man lang umabot ng isang buong araw!
Sumakay na kami ng jeep, at hindi ko alam kung nagpapakabait lang ba sa akin o ano kasi siya
yung nagbayad ng pamasahe.
Pagkadating namin sa school, hindi ko alam kung saan pupunta dahil mukhang hindi ko pa naman
naranasang magka-detention dito sa Edison. Hanggang referral lang naaabot ko. Nandun pa nga si
Manong guard na sinabihan si Xander nung pumasok: 'O, nandito ka na naman? Tuwing sabado na
lang yata may detention ka eh!' tapos tumawa siya.
Sinundan ko lang si Xander. siya naman ang nakakaalam kung saan. Suki na yan eh!
"Tara, dito tayo sa office. Kakausapin pa tayo tapos sasabihin nila kung anong gagawin. Sana
lang 'wag namang maglinis ng banyo! Napakagaling ko pa man din sa bagay na yun!"
"Sana yun na lang..." sabi ko ng pabulong, pero narinig niya kaya tumingin na lang ako sa iba.
Pagpasok na pagpasok namin sa loob, tinignan ko yung nakalista doon sa gilid. Nakalagay yung
mga pangalan tapos sa right side, yung naka-assign na gagawin niyo. Sa nakikita ko, yung mga
third year ang na-assign sa paglilinis ng banyo. Malas nila! Yung mga first year, sila yung
napunta sa garden. Tapos yung ibang second year, sa canteen. Ang nag-iisang pares ng 4th year
section 1 eh...
Gutierrez, Kristen Carylle (4-1)
Edison Day Care CenterMaclean, Lee Xander (4-1)
Edison Day Care Center
Day Care?! Mga bata yun tiyak. Hindi naman pala masama. Kahit naman gawin ko yun, mukhang ayos
lang. Pero kaya na yan ni Xander.
Tinignan ko siya nun, na-shock yata eh.
"Tara na kaya..." pero hindi pa rin niya inalis yung tingin niya doon sa nakapost, "Mahilig ka
naman sa bata 'di ba? Anong problema?"
Tinawag naman kami nung isang teacher. May pahabol pa yata.
"Tumawag si Ms. Makman, dalawa lang yung kasama niya sa day care at hindi pumasok yung iba.
Kaya kayo na lang nilagay ko doon para tumulong."
Pagkatapos niyang sinabi yun, pinaalis na kami sa office kasi may mga bagong dating at dumarami
daw masyado ang tao sa office. Malaki-laki rin naman yun kaya lang hindi lang talaga lugar para
sa 100 student capacity.
Naglakad na kami ni Xander. Kung anu-ano nga sinabi eh.
"Day care? Ok lang naman, kaya lang ang sungit ni Ms. Makman! Matandang dalaga na kasi eh. Nung
detention ko dati at doon ako na-assign kasama ko si Bryan, hinabol ako ng walis tambo nun eh.
Pano ba naman nakita kami na pinag-swimming namin sa balon yung isang bata run. Sabi ba naman
malamig daw, eh para ngang disyerto sa init nun!"
"Eh bakit ba mas marunong ka pa sa kanya, sino ba ang babae sa inyo?"
"Basta alam ko lalaki ako, lalaki si Bryan, ewan ko lang si Ms. Makman. Ikaw, lalaki ka rin
ba?"
Binatukan ko nga. Pero hindi na siya gumanti kasi nasa tapat na kami ng Day Care. Sa gilid lang
yun ng gate ng elementary. Doon kasi iniiwan yung mga bata lalo na kung walang mag-aalaga at
may trabaho yung parents.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob eh ang tahimik doon sa loob. Daig pa nito ang
simbahan!
"MACLEAN!"
Napatingin ako sa kaliwa ko at si Xander naman eh parang yumuko nung tinawag. Ngayon, alam ko
na kung bakit ayaw ni Xander si Ms. Makman. Eh para namang malaking langaw ito na na-magnify.
Nakataas pa yung kilay.
Pano ko nalamang siya si Ms. Makman? Nakalagay kasi sa table niya, 'Herminigilda Makman'.
Kakilabot!
"Mam!"
"Ilang beses ko bang sasabihin na tawagin mo akong Ms. Makman? Wala na talaga kayong galang. At
ikaw Miss...? Anong pangalan mo?"
"Kristen po."
"Last name, not your first name."
Aba, nag-iinit ang ulo ko. Sinabi ba niyang first name?
"Gutierrez po."
"Gutierrez. Maclean. Magsimula na kayo." sabi niya habang nakaupo doon.
Bumulong si Xander sa akin na huwag ko na lang daw pansinin at ganyan daw talaga yun, kaya
hindi na ako nagsalita. Nung napansin ko yung day care na yun, parang kulungan ah! May mga
babies na natutulog, tapos may mga bata doon na nakaupo lang. Ranging from 1-3 years old.
"Bakit ang tahimik nila?" tinanong ko si Xander nung lumapit ako doon sa colored fence.
"Ikaw ba naman ganyan magbantay sa 'yo hindi ka tumahimik..."
Sumabat na naman si Ms. Makman sa amin, kaya lang nag-ring yung phone. Kung ako naman ang
magulang ng mga batang 'to, hindi ko na dadalhin dito.
"Hello, Edison Day care Center... opo Mam. Mabuti po. Ok nga po eh, masaya naman sila..."
Pakiramdam ko nun eh tumataas na naman ang presyon ng dugo ko. Ang plastic naman pala nito eh!
Masaya? Hindi nga nagsasalita!
"Aalis po ako buong maghapon. Bukas na po ako babalik..." sabi niya kaya nagtinginan kami ni
Xander. Yung mukha ba naman niya eh hindi niya mapigilang tumawa. "Meron po akong dalawang
katulong dito, saka yung dalawang bata na pinadala galing sa high school..."
Akala ko pa naman wala akong gagawin dahil si Xander ang gagawa ng detention ko. Mukhang malabo
eh. Saka na lang siya siguro bumawi sa akin.
Maya-mya lang, dumating na yung dalawang babae na magiging kasama siguro namin. Kinuha ni Ms.
Makman yung bag niya, tapos umalis na rin. Nagsermon pa na ang nakakainis daw yung style ng
buhok nung isa at ayaw naman daw niya yung kulay nung palda ng isa. Parang lahat napapansin
niya ah! Nakatodo ngiti pa kaming lahat, tapos nung sinara yung pinto eh kung anu-anong
panlalait na yung ginawa namin.
Yung mga bata naman, saka lang nag-ingay. Parang sanay na sila!
"Ganito po ba lagi dito?"
"Oo. Yung matandang yan.. nakakainis."
Yung isang baby naman, nagsimula na rin umiyak. Kami kasing mga babae ang mag-aalaga doon sa
mga 2 years old. Niloko namin si Xander kaya pare-parehas kaming tumingin sa kanya.
"Ano?!"
"Sorry Xander, mukhang ikaw ang na-assign dyan."
"Baby? Bakit ako? Wala akong alam dyan!"
Hindi naman namin siya pinansin. Lumabas naman na kami. Basta ang huli kong nakita, binuhat
niya galing sa crib eh. Kawawa naman!
Naupo kami doon sa garden sa labas. Hinayaan lang namin maglaro ng bola yung mga bata. Tapos,
sinilip namin si Xander sa loob. Umiiyak pa rin yung baby. Sabi pa niya.. 'Anong gusto mo?
Bottle? Itong laruan? Ahhh...'
Tumawa kami. Pero dahil hindi niya yata alam yung dahilan...
"Lee, try mong palitan yung diapers.." sabi nung kasama ko sa bintana.
"Ganun ba yun? Kaya pala parang may...ooh!"
Tinitignan lang namin siya nun. Nung tinanggal niya yung diapers, lumayo siya ng de-oras.
Napapasok na lang kami bigla.
"Akin na nga, ako maglilinis.."
"I think, I'm going to be sick..." tapos tumakbo siya doon sa CR.
Nilinisan naman nila yung baby. Tumahimik naman. Ako naman ang nagbantay sa labas.
Pagkalabas ni Xander sa CR, nakatingin siya sa akin.
"Huwag ka ngang tumingin ng ganyan... wala akong alam sa babies." tapos niloloko ko isya sa
tingin nun.
Lumabas na si Ate Nic, tapos nilapag yung baby. Kinuha niya yung powder, saka yung bagong
diapers. Inabot niya kay Xander.
"Kaya mo na siguro yan..." tapos lumabas siya dahil yung alaga niya naglalaro na sa tubigan.
"O-K.." tapos tumingin siya na para bang puzzled.
Pinanood ko lang si Xander nun. Nilagyan niya ng powder. Ang tagal-taga niya. Baliktad yung
pagkakalagay nung diaper, tapos napansin niya kaya inalis niya uli.
"Parang hindi tama.." tapos tinignan-tignan niya.. "Tingin mo?"
"Ewan."
"Babae ka kaya!"
"So?!?"
Inalis niya uli yung diaper. Hindi niya talaga makabit. Kaya ako naman, lumapit na.
"Ang dali-dali lang nito eh. Ito, sa ilalim. Yung may design, sa harapan. Higpitan mo para
hindi mag-leak. Itong tape, ididikit mo dito. Ganun din sa kabila. Tapos na." tapos tinignan ko
siya.
"Tapos na?" tapos tumingin siya sa kain, "Alam ko naman yun eh!"
"Sira, di mo nga makabit eh." binuhat ko yung baby, at mukhang inaantok na..
"Aba, caregiver na caregiver ang dating natin ah.."
"Lumayo ka sa akin baka sipain kita diyan.. sabi mo gagawin mo detention ko.."
"Gagawin ko naman talaga. Malay ko bang dito tayo ma-assign.." sabi niya na nagkakamot pa ng
batok niya, "Sa susunod talaga..."
"Talaga lang..."
"Oo, bumabawi nga ako eh. Malay ko bang kuya mo yun.."
"Bakit, selos ka naman?"
"Ako? Ako?" tapos tinuro niya yung sarili niya... "H-hindi ah! Ako magkakagusto sa 'yo? Ang
labo.." sabi niya tapos iniba niya yung usapan. "Gagawin ko talaga detention mo.."
"But, not diapers ok?" tapos nun, inabot ko na yung baby sa kanya.
***32***
Inantok na yata yung baby kaya lumabas na ako. Nung huli ko ngang nakita si Xander, binababa
niya na sa crib. Infairness, ang cute tingnan. May stolen shot pa nga ako sa phone ko, alam mo
na, pang-asar!
Dahil tiyak na maghapon kami doon, may mga magulang na dumating. Kinuha na nila yung mga anak
nila.. yung iba naman nagdala ng pagkain. Lumabas pa nga ako nun dahil yung iba naman hindi
makulit. Nagpunta ako sa tapat, sa may playground. Tapos, hindi ko inaasahan na nandun din si
Neriah.
Hindi naman ako pumasok kaagad. Ewan ko ba, siguro nung nakita kong naglakad si Bryan papalapit
sa kanya at may inabot. Nagtago ako doon sa may halamanan. Parang ewan.. pero parang gustong
sumakit ng ulo ko.
"Wow, thanks Bryan.." tapos kinuha niya yung pagkaing binili.
"Your welcome." tumabi naman sa kanya, "Remember this place? Dito tayo nagsimula lahat..."
Mas lalo akong naging interesado kaya nag-lean ako. Kaya lang, natumba ako doon sa lupa.
Nasugatan na naman ako, pero maliit lang naman. Sabay pa silang lumingon kaya lang, nanahimik
ako. Hindi naman nila pinansin.
"Hangin siguro..."
Hangin nga lang ako Bryan..
"Malamang.."
Nanahimik sila parehas. Ako naman, hindi pa rin umalis doon.
"Mahalaga talaga sa akin 'tong lugar na ito. Kung hindi ka naman nagsulat dito, hindi naman
tayo magiging malapit sa isa't isa. Thanks for everything. Sa pagtulong mo kapag may problema
ako..."
Gusto kong umiyak nun. Pero ayokong gawin. Si Kristen nga ako 'di ba? Ang tapang ko kaya. Hindi
mahina si Kristen...
Nanonood pa rin ako doon kaya lang may tumabi sa akin.
"Nagseselos ka no?!"
Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit ba kung nasaan ako kailangang nandun ka rin?" sabi ko na talagang inis ako. "Bakit naman
ako magseselos? Masaya nga ako eh. Kaibigan ko... masaya." hindi ko naman makuhang ngumiti nun,
tapos tumingin uli ako "Masaya ako... siguro."
"You're not." sabi niya sa akin. "Kung gusto mong umiyak, libre naman eh. Walang pumipigil sa
'yo."
"Ako iiyak? Kailan ba ko umiyak? Hindi mo ko kilala.."
Napansin kong tumayo na si Neriah at Bryan. Paalis na yata sila eh. Ako naman, pinilit iharap
ni Xander sa kanya.
"Tingin mo? Alam ko matapang ka Kristen. Pero hindi sa lahat ng bagay... sa pinapakita mo
ngayon, pinapakita mo talaga kung sino ka."
"Ano bang problema mo? Nakikialam ka na lang lagi. Kung sa pagitan niyong dalawa ni Bryan, mas
kilala niya ko. Iba lang yung iniisip niyang ako.."
Naluluha na talaga ako nun. Pero kaya ko pa namang pigilan. Ayokong umiyak, lalo pa sa harap ni
Xander.
Habang naglalakad papalayo si Bryan at Neriah, may nabuo na akong desisyon. Bakit ba pinatagal
ko pa ng husto? Bakit ba kinakahiya ko yun? Siguro nga, dapat sabihin ko na sa kanya na ako
yun.. ako at hindi siya.
Nagsimula na akong maglakad nun nung hinila ako ni Xander sa braso ko.
"San ka pupunta?" seryosong-seryoso na yung mukha niya.
***33***
Nahirapan na talaga akong magpigil nun. Siguro ganun ako, kapag may sasandalan o kaya may
malalabasan ng sama ng loob, kusa na lang talaga akong naiiyak. Eto nga yung pinakaayaw ko sa
lahat, ang umiyak sa isang tao. Gusto ko, hindi ko kilala. Gusto ko, hindi rin ako makikilala.
E ano yung ngayon?
Pinunasan ko yung luha ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakatayo doon. Ayaw akong
bitawan eh, sumasakit na nga yung binti ko.
Daanin ko na nga lang sa biro.
"Ikaw ha, bakit mabait ka? Ngayon lang..wag masyadong seryosohin..."
Inabot na naman niya yung panyo niya sa akin. Puti na naman. Pansin ko lang, puti lagi yung
panyo niya.
"Mabait naman talaga ako eh, 'di mo lang alam." tapos tinignan niya yung panyo niya na hindi ko
pa kinukuha, "Kunin mo kaya, wag mo lang sisingahan ha?"
"Ang sama nito!" tapos kinuha ko rin naman, "Thanks."
"Binibiro lang kita... 'di kasi ako sanay na ganyan ka.." sabi niya nung naglakad na kami.
Bumalik na kami sa Day Care nun. Kahit papaano, nalimutan ko rin naman si Neriah at Bryan. Si
Xander kasi, ang hilig magpatawa. Nabasa pa nga siya doon sa gripo nung pinaliliguan niya yung
isang bata.
Nung hapon naman na, dumating na yung ibang parents nung mga bata. Pakonti-konti naman na
naubos sila. Pinakanakakatawa eh yung dumating yung nanay nung baby na hindi mapalitan ni
Xander ng diaper. Tinignan nga siya na para bang nagtataka.
"Napaka-unusual po ng anak niyo. Be proud. Napamahal na po ako sa kanya sa loob ng isang
araw..." tapos lumingon sa akin habang nakatawa, tapos kumindat. "I love his diapers...
really."
Sabay-sabay kaming nag-bye. Laking pasasalamat namin nung hindi talaga dumating si Ms. Makman.
Sa sobrang pagod ko na rin siguro, ayoko na siyang i-deal pa.
Papauwi na sana kami nun. Nagugutom na rin ako. Nagpaalam na kami doon sa dalawa naming
nakasama. Syempre, sino na naman ba ang bubuntot sa akin?
Hinatid naman ako ni Xander pauwi ng bahay. Ayaw na naman niyang pumasok, kaya pinipilit ko pa.
Kadalasan kasi tuwing pumupunta siya ng bahay, hindi tumutuloy sa loob. Bilang pa lang yung
times na pumasok siya. Ilan pa dun, yung ako lang at si Angelo ang nasa bahay.
Dahil nga kinukulit ko siya sa labas, narinig yata kami ni Kuya. Lumabas kasi sinuot yung
tsinelas niya.
"Aba, magkasama na naman kayo? Ayos na LQ niyo?"
"Haha, Kuya, natatawa ako. As in, sobra..." sarcastic naman pagkakasabi ko.
"Bakit hindi kayo sa loob?"
"Ok na dito..." sabi ni Xander na para bang nahihiya pa rin kay Kuya.
"Pasensya na kahapon, hindi ako nakapagpakilala ng maayos. Ken Andreii.. " tapos nakipagkamay
siya...
"Lee Xander.."
"Yeah, parehas 'K' ang first name namin. Si Angelo lang naiba. Sabi kasi ni Mama nung
pinanganak siya, 'he is like an angel from heaven..'"
Tinawanan naman nila ako parehas. Ang galing ko yatang impersonator ni mama.
"Oh Kristen, pasok ka na sa loob.." tapos tinaas ko yung kilay ko.
"Kayo?"
Umakbay naman si Kuya kay Xander. Akbay lalaki.
"Ayos na kami ni Lee dito sa labas. Ayos lang ba na Lee?" tumingin siya.. tumango lang si
Xander. Kakaiba si Kuya... parang masama ang kalalabasan nito..
Hindi pa sana ako papayag, kaya lang kahit ano namang gawin ko tiyak hindi ko rin naman
mapipigilan si Kuya. Pumasok na ako sa loob. Binalalaan ko lang si Xander na mag-ingat kay Kuya
kasi nangangain yun ng tao.
"Ahh.. sige."
"Ayos na kami dito.. guy stuff Kristen. Get lost."
"Fine."
Ang alam ko lang, nandun sila sa upuan malapit sa gate namin. Nasa kwarto na ako nun, pasilipsilip lang sa bintana kung umuwi na ba si Xander o hindi. Ilang beses kong ginawa yun, at ilang
beses ko ring nakitang tumatawa si Xander at ang Kuya ko. Nakakakilabot na senaryo. Nakita ko
pa ngang may hawak na gitara si Kuya. Tapos mamaya si Xander. How I wish huwag silang maging
close.
Close na nga sila ni Angelo, pati ba naman savior ko?
Oras din yata binilang ko. Bandang 9 na ng gabi, may bumabato na sa bintana ko.
"Sino namang matino yun?" tumingin ako sa baba, si Xander at Kuya eh nagtuturuan.
"Hindi ako yun..."
Umiiling lang si Xander. Tingin ko naman talaga si Kuya yun.
"Ingat sa pag-uwi. Hinarass ka lang ni Kuya."
"Ok lang.. good night."
"Kristen, huwag ka ng mahiya.. flying kiss nga!"
Nag-wave lang si Xander nun.. tapos ginulo ni Kuya yung buhok niya... and off he go.
Sana lang.. hindi kababalaghan yung pinag-usapan nila.
***
Monday. 6:30 am.
Naglalakad na naman ako sa crowded na corridor ng Edison High. Another week. Sana naman
maganda-ganda.
Dumaan ako sa Bulletin Board. Panay sport announcement lang.
"Nasa sports club ka rin?" lumingon ako doon sa kasabay ko na nakatingin din. Kilala ko 'to ah.
"Hindi. Curious lang. Staffer kasi eh.."
"Narinig ko nga." sabi niya na seryoso yung mukha tapos medyo ngumiti, "May rumour na na-expel
ka raw. Sa nakikita ko, mukhang hindi."
"So far, hindi naman. Akala ko rin eh. Nakuhanan pala kami ng picture nung... oh well never
mind. Mabuti na lang talaga detention na lang yung parusa ko kasama si Xander.."
"Talaga? Hindi naman pala masama. Kasama mo boyfriend mo..."
"Hindi--"
"And speaking.." tapos lumayo na siya sa akin.. "Sige una na ko.. see ya' around Kristen!"
Tumakbo naman na siya nun. Ano ba yan. Lagi na lang ba siyang busy?
At syempre, yung binanggit niya.. dumating nga.
"Oi, good morning!"
"Maganda pa naman, so far. Huwag mo lang sirain ah?!?" sabi ko sa kanya tapos tinignan ko siya
up and down.
"Kausap mo yun?" tapos tinuro niya yung babae na kausap ko.
"Oo bakit? Kilala mo siya?" tinanong ko nung naglakad na kami. "Nalimutan ko na namang itanong
yung pangalan.."
"Syempre kilala ko yun. Si Lyka. Nasa cheering siya dati.. volleyball naman ngayon."
"Asus, kilala mo nga. Sabihin mo, crush mo lang siya!" ay Kristen, pasimple pa. Parang
nagtanong ka na rin.
"Hindi no! Walang taluhan. Kaibigan lang yun!" sabi niya na tumatawa pa..
"Pinsan yun ni Bryan..." HA?
***34***
Nagulat talaga ako kay Xander nung sinabi niyang pinsan yun ni Bryan. Ano na naman ba 'to..
biro?
"Hay naku, joke na naman yan noh?" sabi ko sa kanya nung kasabay ko na siyang maglakad.
"Hindi no. Tanungin mo pa si Bryan... kailan ba ako nagbiro sa 'yo?"
Tinaas ko naman yung kilay ko. Kailan daw siya nagbiro? Araw-araw yata eh... baliw na yun!
Nakasalubong namin si Bryan. At dahil nga parang malakas na naman ang satellite niya, hawak na
naman ang phone at nagpipi-pindot doon. Hindi nga kami napansin, kaya nga nung binati ni
Xander, saka lang lumingon at ngumiti.
Siniko pa nga ako ni Xander na itanong ko na raw yung gusto ko, pero dahil malakas ang loob
ko... huwag na lang.
Pagpasok na pagpasok namin sa room, yung usual na spirit. Magulo... at syempre.. maingay.
Nagklase naman kami. Nakinig ako kahit papaano kaya hindi naman puro hangin ang laman ng utak
ko. Kaya lang nung bandang 3rd period na after recess, hindi na talaga ako makapag-concentrate.
Yung katabi ko kasi, bukod sa hindi na nga nakikinig, pero hindi rin naman nagdadaldal, eh
nailang ako. Paano ba naman eh panay ang drawing! Inagaw ko na naman yung papel niya, at
seryoso ba namang kinukuha uli sa akin.
Papalakad na sana ako nun malapit sa gate. Hindi ko na lang talaga papansinin yung mga nasa
harapan ng Bulletin. Kaya lang.. may humawak na naman sa kamay ko. Hinihila ko yung kamay ko,
kaya lang lalong hinigpitan yung hawak.
Dahil ayokong mapansin na nung mga nandun, hininaan ko na lang yung pagkakasabi ko.
"Hoy ano ba! Kamay ko nga.."
Pero hindi siya nakatingin sa akin. Doon sa mga nasa Bulletin.
"Hey.."
"Hi Lee!" sabi pa nung iba na todo ngiti pa. Si Xander naman, hindi nakangiti. Siniseryoso yata
ang mga bagay-bagay nitong mga huling araw. Tinatanggal ko pa rin yung kamay niya, ayaw talaga.
"Huwag kang nagsasalita ng kung anu-ano tungkol sa kanya.." sabi niya tapos na-shock yata
lahat. Tumahimik kasi. Hindi ko na lang tinignan.
Hindi talaga ako tumingin ng diretso. Busy ako doon sa kamay ko. Balak ko nga sana kagatin yung
kamay niya, kaya lang umakbay sa akin. Napatingin na lang ako sa kanila.
"Hi!" ano ba naman yan! Walang kwenta... tumingin tuloy sila sa akin.
Nagulat din ako kay Xander. Sinabi ba namang...
"Dahil kahit anong sabihin niyo..." hinigpitan niya yung pagkakakbay kaya napalapit ako...
"Mahal ko yan..." nakakatawa! nice joke Xander!
***35***
Nakakahiya talaga yung itsura ko nun. Hindi ko alam kung paano magre-react.
Pineke ko na lang yung tawa ko.
"Ang galing no! Nakakatawa!" tapos tinapik ko si Xander, "Ikaw talaga Xander yung mga biro
mo.." humarap ako doon sa mga babae, napansin kong ako lang yung tumatawa. Tumigil na rin ako.
Pagkatapos nun, hinila na niya ako hanggang sa nakarating sa gate. Ang higpit talaga niyang
humawak, hirap tanggalin eh!
"Pwede naman na siguro yung kamay ko di ba?"
Binitawan naman niya. Tapos tumawa ng kaunti.
"Nakita mo mukha nila?"
"Oo kitang-kita ko! Kung magbibiro ka nga lang ng ganun, huwag mo na akong isama sa kalokohan
mo. Mapapahamak pa ako niyan.."
"Tingin mo nagbibiro ako kanina?"
"Oo. As always.."
Hindi na lang niya ako pinansin. Ang laki ng problema eh noh?!
Nag-para naman ako ng jeep. Nung pasakay na ako, sumabay na naman sa akin.
"San ka pupunta?" sabi ko nung nakasakay na kami.
"Malamang kakain ako.."
"Saan?"
"Sa... sa inyo!"
Ang kapal ng mukha nito? Papakainin pa namin ngayon? Tinutulak ko nga uli pababa eh, ayaw. Lagi
na lang ganun nangyayari, kahit anong gawin ko.. hindi ko talaga siya mapipilit. Basta naisipan
niya.. yun na yun.
Nung umandar na yung jeep, ako naman ang nagbayad nung pamasahe. Isang-daan kasi yung pera ni
Xander, wala daw barya yung driver.
Parehas kaming tahimik, kaya ako naman napaisip din. Imposible namang mangyari yun? Ano bang
pinag-iisip ko? Biro nga 'di ba? Si Xander yan. Sa range na 1-10 at 10 ang pinakamataas, 8 nun
biro.. 2 lang yung seryoso. Siya may gusto sa akin? Definitely not.
Pagdating namin doon sa bahay, si Kuya naman ang nagbukas ng pinto ngayon. Dati kasi si Angelo
eh. Nagtapikan pa sila ni Xander sa mga balikat nila.. mga feeling close.
"Buti dumating ka.." sabi ni Kuya kay Xander.
"Ayaw nga niya eh.." tapos tinuro ako. Invited siya? Hay naku.. meron pa ba akong hindi alam na
ampon lang pala ako at si Xander na ang anak nila Mama dito?
Bigla namang may lumabas sa kwarto. Si Papa. Nandito siya ngayon? Aba.. kumpleto kami ngayon.
May dagdag nga lang.
"Magandang tanghali po..." sabi ni Xander kay Papa.
"Oh, magandang tanghali din." yung itsura ni Papa parang nagtataka.
"Lee Xander po."
Tumingin si Papa sa akin. Kaya sinabi kong mabilis...
"Classmate ko Papa."
Iba naman yung reaction niya. Tumawa ba naman.
"Kuya Lee.."
Naalala pa rin niya yun? Naman! Si Angelo kasi eh. Yun yung time na nadulas ako eh. Sana naman
walang iniisip si Papa ngayon.
"Oh, tara na kayo.. kain na."
Nakita kong hawak ni Kuya yung bag ni Xander. May tinitignan yata. Mukhang tuwang-tuwa pa sa
nakikita niya. Ano namang nakakatuwa sa makalat na bag ni Xander?
Umupo na kami. Pan-animan naman yung upuan kaya sakto lang sa aming lahat. Pinagpasa-pasahan
yung kanin.. ulam.. saka kung anu-ano.
Sabay-sabay kumain. Naguusap-usap kahit papaano. Nagkwento lang si Angelo tungkol sa kalaro
niya sa school.. kaya BORING! Si Kuya naman, about college life daw niya. Si Mama, wala lang.
Si Papa, walang masyadong kinuwento. Pero kinagulat ko eh..
"Kristen, ikaw naman magkwento tungkol sa school mo.." tapos napatingin ako sa kanya..
"Ha? Wala... ok lang." sabi ko dahil wala naman akong sasabihin.
"Wala daw!"
"Shut up Angelo, baka nakakalimutan mo may hawak akong tinidor.."
"Kristen kumakain!"
"MA?!?"
Napansin kong dumila si Angelo. Alam ko namang si Papa eh may dinadala lang yan na topic, in
case siguro na matipuhan kong magkwento tungkol sa amin ni Xander. Wala naman talaga.
Nagpahinga kami pare-parehas dahil busog na kami. Ang sarap ng luto ni Mama. Pinuri nga ni
Xander eh.
Nalaman ko na rin kung bakit inimbita ni Kuya si Xander. Yung mga cd pala na hinihiram niya.
Akala ko naman kung ano.
Nagpaalam na kami kina Mama. Si Angelo, 1:30 pa yung pasok dahil wala daw yung teacher niya.
Kasabay ko na si Xander lumabas. Hinabol ko pa si Angelo sa hagdan namin bago kami umalis. Tawa
lang ng tawa si xander sa amin.
"Pagpasensyahan mo na yung pamilya namin.. ganyan talaga kami kagulo."
Nakakahiya naman kasi. Tumingin siya sa akin. Tumawa.
"Nah, it's alright. Nakakatuwa nga kayo eh. Nice family.." sabi niya kaya tumingin ako.
***36***
Nahanginan yata utak ko eh. Ang gulo ni Xander. Napapag-isip ako.
Hindi kaya
pagselosin
nagpatanto
Bryan.. na
sinabihan niya ako na mahal niya ako kanina pero biro lang yun which is his way para
ang sino man doon sa girls kanina sa bulletin tapos ginagamit niya ako... na
kong evil enough.. which leads to Margaret the sumo wrestler na kinakapatid ni
nag-iisip na si Neriah ay ako! I get it!!! Maliwanag na ang lahat.
naman!
Nagmadali akong pumasok sa school. Binati ko lang si Manong guard. Dahil sarado pa yung room
namin, nag-stay ako sa upuan sa bench namin sa garden. Nilabas ko yung notebook ko at yung
libro ko sa Physics. Study of heat, thermodynamics.. ayun! chapter 12. Multiply mass to the
specific heat, then to the change of temperature... I can't do it! This is hopeless!
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito yung lesson na kadaldalan ko si Xander kaya hindi ko alam.
Hihintayin ko na lang sigurong dumating si Neriah.. tama. mangongopya na lang ako. Mabait naman
yun! Nablack-out na ako.
KRINGGGGGGG!!!
Alarm clock? Nasaan na ba yun?
Pagdilat ko ng mata ko, ang liwanag na. Nasa school na nga pala ako. Baka naman first bell pa
lang yun kaya hindi pa time. Pero malabo eh, pumapasok na sila sa mga room nila.
Tumakbo na ako nun sa classroom. Magkakareferral ako tiyak. Late na ako. Wala pa akong
homework! Ang sayang araw nito. Pagdating ko doon, late na nga ako.
"Good Morning Mam." sabi ko nung nasa pintuan ako.
"2nd time na late ka sa klase ko Ms. Gutierrez. Keep it up para magka-referral ka. Notebook?"
Naman! Wala akong homework. Mapapahiya na naman ako.
"Mam kasi--" ano bang sasabihin ko?
"Just give me your notebook!"
Binigay ko naman. Yumuko na lang ako at nag-sign ako kay Neriah na wala nga akong homework.
Nahalata rin siguro nung iba kong classmates yung sinabi ko, kasi medyo tumawa sila sa akin.
Yung teacher ko naman, binuksan yung notebook ko. Isang napakalaking ZERO na naman ang makukuha
ko.
"Ok, full marks. Sit down."
"Whoa! Full marks?"
Paano nangyari yun?
Habang papalakad ako nun sa likuran, tinignan ko yung notebook ko. Yeah, meron nga akong
homework. Nagawa ko nga ba nung tulog ako?
Todo ngiti na naman ako nun. Sino kayang gumawa nito? Ang bait naman.
Ginanahan akong makinig nun. Syempre naman.. naka-perfect score ka ng walang kahirap-hirap!
Sa di ko malamang dahilan, nakangiti si Xander sa tabi ko.
"Anong score mo kanina?"
"Negative 1."
"Hindi nga?"
"Oo nga!"
Inagaw ko nga yung notebook niya. Nakabukas naman doon sa desk niya. Pagtingin ko..
"Pa-humble ka pa perfect rin naman nakuha mo!"
'wwwdotcom members, please report to the Music Room..'
Nagtayuan yung tatlo sa mga classmate ko. Kasama si Xander.
"Anong meron?"
"Practice." kinuha niya yung bag niya..
"Sus! Karirin daw ba?"
Papaalis na sana siya nun.. kaya lang may pahabol pa.
"Kristen, do me a favor.."
***37***
Gumana na naman ang mala-machinery kong utak. Sinabihan niya ako na huwag matulog sa garden,
ibig sabihin ba nun eh siya yung gumawa ng homework ko? Aba... concern?
"Ikaw gumawa ng.. homework ko?" tanong ko sa kanya kaya tumigil na naman siya. Mapapatagal na
naman ang paglabas niya ng room.
"Theoretically.. yeah." sabi niya sa akin...
"Sweet!" nakangiti pa ako nun nung nadulas kong sinabi kaya tinakpan ko yung bibig ko. Eto ka
na naman KC.. padalus-dalos.
Ngumiti rin si Xander nun.
"Alam ko.." ang kapal talaga ng muka nito!
"Excuse me?!?" sabi ko na may pahalong palusot pa, "Hindi yun ang ibig sabihin ko. You're...
Rong!!" asus, pansinin ang spelling.. "--with a capital letter 'R' "
Nyekz. Sweet daw! *Ehem*... nasamid lang ako nun. Tinawanan naman niya ako, tapos nag-lean doon
sa desk. Sabay sabing..
"Nasabi mo na, walang bawian.." then, lumakad na siya papalabas ng classroom.
Naniwala? Dapat hindi. Pero.. ok.. fine.. that's so nice of him. Gawin daw ba ang homework ko?
To think na kadaldalan ko siya nun.. nasagutan niya? Hmmm... Xander's really something, ain't
it?
*Ehem*.. pasalamat na lang ako sa isip lang lahat 'to. May sakit yata ako ngayon.
"Miss Gutierrez!" sabi nung teacher namin na sinigawan pa ako..
"Yes Mam present!" tinuro ko pa yung sarili ko, "I'm here!" with matching smile pa yan.
Nagtawanan naman yung mga classmates ko. What's so funny?
"Ok class, magandang example para sa mga hindi nagpa-pay attention. Miss Gutierrez, sa
pagkakaalam ko tatlong beses na kitang tinawag para sagutan yung number 5 sa board."
Nyikes! May sasagutan pala. Akala ko pa naman attendance. Sabagay, hindi naman masyadong
nakakahiya kasi comedy naman ang naging dating.
Pagkatapos ng ilang klase, lumabas na kami para sa lunch break. Nag-text ako kay Mama na hindi
ako uuwi kasi niyaya ako ni Neriah na sa school na lang daw kami kumain. Minsan lang naman yun
kaya pumayag na ako.
Naglalakad pa lang kami sa cafeteria nung sinabi ni Neriah na..
"Ok yung attendance incident ah.. nakakatuwa talaga expression ng mukha mo nun.." sabi niya
habang may hinahanap sa bag niya.. phone pala.
"Malay ko ba, hindi ako nakikinig nun eh..." bumagal naman kaming maglakad kasi nagtetext siya,
"Sinong ka-text mo?"
"Bryan.." dapat pala hindi na ako nagtanong. Eh kasing dali lang ng sagot sa pang-grade 1 na
test.
"Oh.." sabi ko naman. "Pahiram ng phone.."
Nakarating din naman kami sa cafeteria. Naupo lang kami daglit dahil marami pang bumibili at
ayaw naman naming pumila kapag maraming tao. Nakialam naman ako ng inbox ni Neriah..
Bryan.. Bryan uli, isa pang Bryan, another one from Bryan, hanggang sa scroll down na ako ng
scroll down eh Bryan pa rin. Finally sa pinakadulo eh may unknown number +63927*******.. kaya
yun ang binasa ko. At least, merong hindi Bryan. Mas interesting.
'Hi Neriah, Bryan 'to. [
***38***
Napaatras naman ako nung kumindat siya. Humawak nga ako doon sa pinto eh. Ano ba naman yan..
malaki siguro ang problema ko ngayong araw na ito. Si Neriah naman eh nakatingin sa akin na
para bang nagtataka.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya sa akin kasi sumandal na ako. Hindi ko na nakikita sila
Xander sa loob, naririnig na lang.
"Wala... ano.. may naalala lang.."
Si Neriah naman eh nandun pa rin sa pinto at nanood. Nung natapos nga yung kanta, pumalakpak pa
nga siya. Napabilib din naman ako... ayos na ayos naman kasi.
Pumasok siya sa loob... at ako naman eh hindi pa. Kaya nga maya-maya lang..
"Ano, ok ba yung kanta ko?" sabi niya tapos nag-lean doon sa pintuan kaya parang cornered ako.
Yumuko nga ako para maka-kawala ako.
"O-k... sige pala.. una na ko.."
Parang gusto kong umiwas. Ngayong lang. Hirap tumingin sa kanya ng diretso ngayon ah.
Pakiramdam ko, nanghihina tuhod ko.
"Anong problema?"
Naglakad na ako ng kaunti nun. Sumunod naman siya sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot
ko, kaya naman nung nakita ko si Jason na pumasok sa Visual Arts room, nagkaroon ako ng idea.
"Oh My God! Oh my God!" umarte naman ako na pinapaypayan ko yung sarili ko.
"Ano?" sabi niya kaya yung expression ng mukha eh nagtatanong.
"Ahh.. nakita ko siya! Hihimatayin na ako! WAAA!"
"Sino?"
"Si Jason! Ang cute talaga nun! Grabe! Buo na araw ko!!!"
"What?!?" sabi niya na napatayo sa pagkakasandal niya, "I'm not doing it."
Nakapamewang pa ako nun at humarap sa kanya. Tinaas ko naman yung kilay ko.
"Sabi ko nga gagawin ko..." sinuklay-suklay pa niya yung buhok niya gamit yung kamay niya..
"Takot ko lang sa 'yo.."
"Dapat lang bee brain. May atraso ka pa sa akin.."
"Teka lang.. ngayon ba yun?" tapos hininaan niya yung pagkakasabi niya, narinig ko naman..
"Bakit ba kahit pasaway ang hirap pa ring tumanggi sa babaeng 'to?
"Anong sabi mo?"
"Wala sabi ko ang ganda mo.."
Napangiti naman ako..
"Ano? Ulitin mo nga?"
"Ayoko nga..."
Hindi ko napansin na nandun pa rin yung teacher at nakatingin sa amin.
"Kung maglalambingan kayong dalawa, saka na yan at baka wala kayong matapos.."
Tumingin naman ako sa kanya. Teacher ba ito o ano? Kung anu-ano ang nalalaman!
"Hindi naman.." kaya lang hinila na ako ni Xander papalabas ng office..
"O sige po Mam, aalis na po kami. Ang bait ko nga po sa kanya eh.. gagawin ko detention niya.."
"Monthsary po kasi namin eh...!"
***39***
Monthsary? Sus! San naman niya nakuha yun?!? Sa lahat ng lalaki na feeling, ito na yata ang
nasa pinakamataas na ere.
Nasa labas na kami, unfortunately. Hinila niya kasi ako at ngayon eh on the way na sa Bldg. A
and B.
Gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol doon sa sinabi niya, kaya lang naisip ko na
makakabuti na 'wag na lang. Tiyak naman may masasabi na naman yang date kung kelan, which is
totally useless dahil hindi naman talaga kami.
Nung nasa tapat na kami ng restroom ng Bldg. A, may mga gamit doon na kung anu-anong panglinis.
"Hindi naman pala masama eh, meron naman nito.." tapos tinaas niya yung bagong gloves..
"So.. magtrabaho ka na..." tumayo lang ako at sumandal doon sa pader, "Monthsary natin 'di ba?
Magpakabait ka!!!"
Kinuha naman niya yung malaking mop. Tinignan niya na para bang iniimbistigahan.
"Anong ginagawa mo?"
Tumingin siya pataas sa akin. Tinaas din niya yung mop.
"Now, how do you work this thing?"
"Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo alam?!?"
Tumawa naman. "Just kidding. Baka effective at tulungan mo ko.."
"You wish.."
Dahil nga napakabait kong tao, naupo ako doon sa hagdan at pinanood si Xander na maglinis. Sa
katunayan, hindi naman maduming-madumi. Kailangan lang sabunan yung sahig dahil doon sa mga
dumi ng sapatos. May janitor naman kasi ang Edison kaya nama-maintain naman ang kalinisan.
Natapos yata siyang mag-mop sa loob kaya sa labas naman siya at mag-scrub ng ding-ding. Dahil
may konsensya naman ako 'di gaya ng ibang tao, tumayo na ako para tumulong. Forget the whole
'flirt' thing na sinabi niya dati. Most of all, forget the whole 'monthsary' thing.
"Akin na nga, paikot lang 'di mo pa kaya. ANg bagal-bagal mo talagang kumilos..."
"Paanong hindi eh hindi ko naman ito ginagawa sa bahay. Kung doon nga hindi ako naglilinis, sa
school pa kaya?"
"Dapat matuto ka.. ito lang eh ang dali-dali nito."
"Ginawa ko naman ah.. Tingnan mo, ang linis-linis na nitong ginawa ko." tapos ini-scrub na
naman niya yung dingding sa tapat niya.
"Oo malinis na. Bakit hindi eh kanina mo pa iniisis that same exact spot for like 30 minutes
already!"
"Exaggerated ka naman, 27 lang.. binilang ko."
Tumulong na nga ako. At syempre, leave it to the expert. Mabilis namang natapos. As in yung
buong dingding eh ako yata yung gumawa. Except yung spot na ini-is-is ni Xander. Hanggang sa
natapos kami yun pa rin yung nililinis niya. Ewan ko ba kung sinasadya niya.. pero seryoso
niyang sinabi yung: '...feeling ko hindi pa rin malinis. Scrub ko pa kaya? Tingin mo Kristen?'
Argghhh! Can you imagine how can I keep up with this guy?
Masaya naman yung detention. Weird huh?!? Kailan ba naging masaya ang detention? Pero sa totoo
lang, yun nga ang pakiramdam ko. Nilinis din namin yung Restroom sa Bldg. B.. pati yung stairs
katulad nung sinabi sa listahan. Ang masama nga lang na nangyari, ilang beses akong nadulas
kaya tinawanan ako ni Xander. Kaya nga nung turn naman niya na madulas, hindi niyo lang alam
kung gaano kalakas ang tawa ko. At syempre, kakaiba na naman yung expression ng mukha niya.
Parang bata.
Parehas na kaming basa. Paano kami uuwi nyan? Idagdag mo pa na yung spot eh... kinda' wrong.
It's way.. down there on our behind.
"Hay naku, pakialam ba nila kung basa tayo? Ano, kain tayo?!"
"Ililibre mo ko?"
"Bakit ako na naman ang manlilibre? Pulubi ako!"
"Kunwari pa.. dali na.." naglakad na ako nun.. "Dun tayo sa favorite mo... sa bubuyog.."
"Sige na nga ililibre kita. Pasalamat ka may okasyon!"
Titigil sana ako para mag-isip. Kaya lang... pumasok na naman yun sa isip ko. Never mind.
Pumunta kami sa Jollibee. Unlike nung unang punta namin dito na nagkabukol ako at siya naman eh
nasampal ko.. maayos naman ang kinalabasan ng ngayon.
***
Yung Monday, Tuesday, at Wednesday ko eh wala nang mas busy pa. Dahil nga Thursday na yung
laban nila Xander, laging pinapatawag yung staffers. Dahil may detention pa ako na natitira,
hindi ako pwedeng magsulat as punishment. Pwede raw akong tumulong sa mga kasamahan ko. In
short, yung article tungkol doon sa event eh sa iba na-assign. At sino?
Margaret. How nice!
Badtrip talaga ako nung araw na iyon. Bukod sa masama na yung pinagsasabi niya sa akin dahil
nga daw troublemaker ako at kulang pa daw yung detention, binangga pa ako sa hallway kaya
nahulog yung mga dala-dala ko. Pinulot ko pa tuloy yun isa-isa.
Sa positive side, may tumulong sa akin.
"Oh eto, loko talaga yang si Margaret.." sabi ni Lyka at inabot niya yung mga papel sa akin.
"Thanks."
Katatayo ko pa lang nun. Pakiramdam ko eh ang gulu-gulo ng mundo ko. Hindi pa kami nakakalayo
eh may bulung-bulungan na naman akong narinig, Kristen's a slut. Ang saya!
"Watch your mouth! Baka makalimutan kong babae ka!" nakita ko si Xander doon sa tapat ng babae.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Siguro nga, sobrang sama ng araw ko. Lahat yata ng
kamalasan eh nagsama-sama. Kasunod ko pa rin si Lyka nun. Kinalabit ko nun si Xander, at
***40***
Nakatayo lang ako doon sa harap niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla ko na lang
naramdaman na para bang iiyak ako, at weird yun para sa akin. Ang sama-sama talaga ng
pakiramdam ko. Pinigilan ko lang yung sarili ko na huwag mag-crack sa harapan ni Xander. Si
Lyka naman, nakatayo pa rin doon at humawak sa akin. Sana lang 'di niya ginawa.
"A.. aalis na ko.." yun na lang ang na-manage kong sabihin matapos kong sabihin yun kay Xander.
Na-shock yata yung mga nakakita sa amin. Naglakad na ako at wala ring sinabi si Xander. Kung
tutuusin, ito yung gusto kong mangyari.. pero bakit mahirap isipin na parang... parang ang
bigat sa pakiradam? Akala ko mas lalong makakagaan para sa akin.. hindi rin pala.
Umuwi ako nun na parang nanghihina. Hindi na nga ako makapagsalita ng maayos. Napansin din ni
Mama, kasi nung si Angelo ang nagbukas ng pinto eh wala akong karea-reksiyon. Napaka-unusual
kasi nun kasi active ako sa pang-aasar sa kanya. Pero ngayon, wala talaga ako sa mood.
Ano bang nangyayari sa akin? Hindi niyo lang alam kung gaano kakaiba yung mga kilos ko ngayon.
'Never felt this way before... and I don't like it.
Pero kapag ganito ako, isa lang naman ang nakakapagpasaya sa akin. HIndi ko man sabihin sa
kanya yung problema ko, makausap ko lang siya masaya na ko. Kinuha ko yung phone ko at nag-dial
ng number.
"Kuya, busy ka ba?" sabi ko nung sumagot na siya, "Kailangan ko lang ng kausap."
***
Thursday. Kailangan kong pumasok hindi dahil sa classes. Tiyak naman sa library o kaya sa
auditorium na naman kami mag-spent ng buong araw dahil ngayon na yung laban ng wwwdotcom.
Ok naman na ako. Siguro mas mabuti lang kaysa kahapon. Nakatulong din kasi si Kuya, panay kasi
ang pagpapatawa. Tinatanong niya ako kung may problema daw ba, pero syempre sinabi kong wala.
Hindi naman niya ako kilala sa ganung bagay.
Pagpasok na pagpasok ko sa school, medyo tanghali na rin dahil ok lang ma-late, maingay na
kaagad sa corridor. Narinig ko yung iba na nag-uusap sa contest mamaya.. at kung gaano sila kaexcited. Ako naman, ibang-iba yung pakiramdam kaysa sa kanila.
Sana huminto na kang yung mundo at huwag na sanang dumating yung mamaya. Parang... natatakot
ako na hindi ko maintindihan.
Pero dahil si Kristen ako.. kaya ko yan! Kakayanin...
Hindi na ako dumaan sa room, sakaling nandun man si Xander eh ayoko naman siyang makita. I
doubt naman na nandun siya, dahil tiyak eh nag-practice sila o kaya naman nagpapahinga.
Iniwasan ko nga rin yung Music Room, pero wala naman akong narinig na Music kaya tiyak eh wala
nga sila doon.
Pagdating ko sa library, nag-discuss na naman. Helper nga lang ako... kay Margaret pa.
Pakitang-tao kami doon sa teacher na nagbabantay sa amin, pero sa totoo lang eh pwede na naming
sakalin ang isa't isa. Wala pa rin yung full interest ko sa mga bagay-bagay, kaya nga nung
dumating si Neriah at kinausap ako eh alam niya na wala ako sa sarili ko.
"Ok ka lang ba? Kakaiba ka yata ngayon.."
pinakadulo.
"kristen! Sila na!" sabi ni Jonas.
Tumango lang ako. Pero napatigil ako doon sa pag-akyat sa hagdan...
"Well our next song is dedicated to, one girl who created a great impact on my life. Alam ko
yung ilan sa inyo eh kilala na siya especially dun sa mga nakapanood sa performance namin sa
Edison High." tapos huminga siya ng malalim, "I just want to clear things... I made the whole
thing up. What I said the last time wasn't true. But still.. Kristen, kung nandito ka sa
audience.. I'm dedicating this song for you..."
Napayuko na lang ako nun. Hinawakan ko na yung strap ng bag ko. Alam kong nakatingin lahat sa
akin. Please naman.. wag ngayon. Huwag naman dito. Ayokong umiyak.. not in front of all these
people...
"I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you love me
Made me feel, oh, so right
But now I feel lost,
don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might"
Pababa na ako nun. Tinatawag pa nga ako nung mga kasama ko, pero wala na akong panahon para
lumingon pa.
"Because you've gone and left me
standin' all alone
And I know I've got to face
tomorrow on my own
But baby
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby, oh yeah
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
So before I let you go
I want to say "I love you"
I wish that it could be
just like before
I know I could've given you
so much more
Even though you know
I've given you all my love
I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you
that I'm always dreamin' of
Letting love go is never easy
But I love you so
That's why I set you free
I know someday, somehow
I'll find a way
to leave it all behind me
Guess it wasn't meant to be
But baby
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby, oh yeah
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
then sinabi niya ng mabilis at medyo hinihingal pa.. "Sorry Kristen."
***41***
Ramdam na ramdam ko na magka-crack na ako ano mang oras nun. Dahil ayokong ipakita sa lahat,
tumakbo na ako pababa at nagkunwaring nag-bye doon sa mga kasama ko.
Lumabas ako kaagad ng convention. Nanginginig yung tuhod ko sa 'di ko malamang dahilan. Pinara
ko kaagad yung unang jeep na nakita ko. Naluluha na talaga ako nun.. at kahit anong pigil na
gusto na gawin ko.. hindi ko na kaya.
Kinuha ko yung panyo doon sa bag ko. Feeling ko nakatingin sa akin yung mga tao na nakasabay ko
sa jeep, pero wala na akong pakialam pa doon. Gusto kong umuwi, yun lang at wala nang iba.
Ang labo-labo pa rin ng paningin ko nun nung naglalakad na ako. Nahirapan nga ako dahil gabi
pa. Pagdating ko sa tapat ng pintuan namin, walang comment si Mama sa akin. Dumeretso ako
kaagad sa kwarto ko, dumapa sa kama at umiyak doon sa unan ko.
Para akong sira nun. Si Xander lang iniiyakan ko. Pakiramdam ko kasi kahit nakuha ko na yung
gusto kong mangyari, yung ineexpect kong magiging kalalabasan na masaya ako eh kabaligtaran.
Gabing-gabi na nun eh gisin pa rin ako. Nakatingin sa kisame.. kung anu-anong nasa isip. Saka
ko lang na-realize...
I felt horrible. Or should I say, I feel horrible.
***
Tumunog na yung alarm clock ko ng 4:00. Maaga na akong tumayo kahit na hirap na hirap ako nun
dahil sa puyat. Tumingin ako sa salamin, hindi naman pala masama ang kinalabasan ng mata ko.
Giniginaw pa nga ako nun. Hinanap ko pa yung aircon sa dilim pero sarado naman nung nakapa ko.
Mabilis akong kumilos at kumain, kaya nakaalis din ako ng maaga sa bahay.
Ayoko na sanang pumasok. Pero ayoko rin namang mag-stay sa bahay namin dahil tiyak magtatanong
si Mama sa akin kung anong nangyari kahapon.
Madilim pa nun sa school. Kahit dito, ang lamig din ng simoy ng hangin. Naisip ko naman,
nalalapit na ba ang pasko at ganyan na? Sabagay, 'ber months' na rin naman.
Napansin kong bukas na yung classroom namin. Iniwan lang na bukas yung ilaw kaya pumasok na
ako. Si Manong guard na siguro ang nagbukas nito. Mas mabuti na rin kasi yun, dahil ayokong
mag-stay sa garden.
Sinandal ko yung ulo ko sa desk. Ang sama talaga ng lagay ko ngayon. Naisip ko lang, paano ko
kaya haharapin si Xander? Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa kanya o ano. Paano kung
hindi na tulad ng dati?
Hinawakan ko ng mahigpit yung bag ko sa kandungan ko kasi gusto kong matakpan yung braso ko.
Ang lamig naman kasi masyado.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako doon o ano, kasi kahit ako sa sarili ko eh nalunod na rin
ako sa mga iniisip ko. Pero ang alam ko, mas naging ok yung pakiramdam ko. Pag-shift ko sa
upuan ko, may nahawakan ako.
May nakapatong sa balikat ko. Nung dinilat ko yung mata ko para tignan kung ano, may polo.
Tumingin ako sa gilid ko. Nakaupo doon ang pinakahuling tao na gusto kong makita sa araw na
ito. Ang pinakahuling tao na gusto kong makasama dito.
"Ok ka lang?" sabi niya nung tumingin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. Wala namang masama.
"Ok lang.."
"Liar." sabi niya nung sumagot ako. Akala ko seryoso nakatawa naman nung sinabi niya. Tapos
nagseryoso uli, "Nilalagnat ka pumasok ka pa?"
"Ako nilalagnat? Hindi no.." tapos hinawakan ko yung noo ko, normal lang ang pakiramdam ko.
"Mainit kasi yung kamay mo kaya hindi mo ramdam," tapos lumapit siya sa akin at siya yung
naglagay nung kamay niya sa noo ko, ang lamig. "See? Mainit ka."
Bakit ba ganun siya? Kung kumilos siya, para bang wala lang lahat. Parang walang nangyari
samantalang ako eh... apektado.
Hindi kaya ako lang ang apektado sa kaso ngayon at siya naman eh hindi?
"Hatid na kita sa inyo, gusto mo?"
"Ayoko ngang umuwi."
"Hardheaded ka pa rin talaga..." tapos tumayo siya. Saka ko lang napansin na nakat-shirt siya
na white. Nasa akin nga pala yung polo niya.
Tatanggalin ko na sana para ibalik sa kanya, pero pinigilan niya ako.
"Wala akong lagnat..."
"Thanks."
Sinandal ko yung ulo ko. Parang naiilang ako na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin alam kung
ano ba ang dapat na sabihin ko sa kanya. Parehas kaming tahimik nun. In the end, siya rin ang
nagbasag ng kathimikan.
"Tungkol doon sa kahapon.."
Kailangan ba ngayon yan?
"Ahh.."
"Everything's clear." tapos umupo siya doon sa table nung teacher namin.
"Oo nga. Maliwanag na lahat.." sabi ko sa kanya pero nahirapan pang lumabas yun galing sa akin,
"Nice performance though.."
Nakatingin pa rin siya sa akin. Tapos tumawa.
"Hindi ako sanay na ganyan ka katamlay. Kapag maysakit ka pala iba ka eh.." bumaba na siya sa
table at lumapit sa akin. Umupo uli doon sa tabi kong upuan. "Wala namang magbabago 'di ba?
Ganun pa rin tayo kung paano nagsimula.."humawak siya sa chin ko, "Pagaling ka ha.." sinandal
niya yung ulo ko sa balikat niya...
"Matulog ka lang, babantayan kita..."
***42***
Masama na talaga yung pakiramdam ko nun. Nakatulog nga siguro ako. Nagising kasi ako nung medyo
maingay na.. kaya lang panay pang-aasar yung nangyari sa amin.
'Sus! Kayo bang dalawa eh talagang wala? Tingnan niyo nga itsura niyo diyan!' sabi nung isa
kong classmate at nakita ko naman si Xander na nag-sign na tumahimik siya at baka magising ako.
Pero, hindi naman na kailangan.
"Yan, ginising mo tuloy! Kawawa naman Lola ko!"
May sakit nga siguro ako kaya iba na naman narinig ko. Lola?
"Ano?!?"
"Sabi ko kawawa ka naman Lola.." sabi ko nga ako yun! "Naalala mo nung first day of classes,
tinatawag kitang Lola..."
What's up with this guy? Parang normal lang siya.
"Sige, hihingi pala ako ng gamot sa nurse, dito ka lang.." tumayo na siya, tapos humarap doon
sa classmate namin, "--and dont..touch.. her.."
Umalis nga siya nun. Si Neriah naman eh mukhang kadarating pa lang at yun nga, tumabi sa akin.
'Neriah sabi ni Lee 'dont touch her raw..' sige ka..' pero ang sagot ni Neriah..
"Hay naku, sabihin mo kay Lee kapag ganyan siya baka siya ang hindi maka 'dont touch her' kay
Kristen.." tapos tumingin sa akin, "Ano kumusta ka niyan?"
kanya na sabihin na sa iyo yung 40th anniversary namin ng Mommy niya. Sa Hotel kasi gaganapin.
Medyo formal kaya gusto ko sanang maaga para makapaghanda kayo.."
Saka naman dumating si Neriah hawak yung neon papers.
"Nahanap ko na Kristen, ilan ba gusto mo?" tapos nakita niya kami, "Oops, sorry."
"Sa Hotel po? That's 2 days from now.."
"Yun na nga.. loko talaga yung bata na yun.. pasensya ka na." nag-ring yung phone niya, "O sige
pala, kailangan ko nang bumalik sa opisina. Ingat Kristen.."
"Kayo rin po.."
Lumabas na siya doon sa shop. Si Neriah naman, lumapit sa akin.
"Ano na nga palang isosoot mo? Nalimutan kong itanong kanina."
"Anong isosoot? Malay ko! Ngayon ko nga lang nalaman eh.."
"Ano?? Hindi sinabi sa 'yo ni Xander? Si Bryan naman ang nagyaya sa akin para daw partner ko
siya. Magkasama kami.."
Nag-vibrate naman yung phone ko. Sinagot ko naman.
"Hello?!?"
"Nasaan ka ngayon?!?"
"Bumubili ng school supplies sa Ronas.. ngayon?"
"Sinabi na sa 'yo ni Daddy? Tinawagan niya ako ngayon."
"Tinawagan ka na pala.. malamang oo sinabi niya sa akin. Bakit hindi mo sinabi ng maaga?"
nakukunsumi na talaga ako dito sa lalaking 'to.
"Sasabihin ko naman talaga sa 'yo.. kaya lang, basta!" sabi niya doon na parang naiirita din,
"Ayaw naman kitang pumunta doon eh.."
Napatigil ako at tinaas ko yung kilay ko. Tinignan ko yung phone, si Neriah naman nagtataka na
sa akin.
"What's that suppose to mean?"
"Never mind. Hindi yun ibig sabihin ko. Huwag mo ng intindihin yun.."
"Ahh, paanong hindi?!? That's 2 days from now. Naiintindihan mo ba yun? 2 days! bee brain!"
"Bee brain?!?" tapos naging mahinahon naman siya, "I said don't worry about it."
"Eh baliw ka naman pala eh.."
"Huwag ka nang mamroblema ok?" sabi niya sa akin.
"Ako nang bahala dun.."
***43***
Kung hindi ko lang talaga cellphone yung hawak ko, binato ko na yun ngayon pa lang. Anong
sinasabi niyang siya na ang bahala? Hello??? 2 days? I don't even have a dress, or a filthy
gown!!!
"Ano? Anong ibig mong sabihin!!! Nakakainis ka!"
Binaba ko na yung phone ko. As in, nasa line pa siya nun. Kaya nga nakita ko tumatawag siya
uli.
"Bakit ba?"
"Bakit mo binaba?"
"Aba, malamang wala na akong sasabihin at malamang rin nahihigh-blood ako sa kausap ko ngayon."
"O sige pwede mo na baba ngayon.. bye Kristen!"
"Alam mo kung gaano ka ka-abnormal? Sobrang laki ng problema mo. Tumawag ka tapos ngayon
papababa mo."
"Para maayos. Bye Kristen!!!" tapos yung boses pa niya parang masaya o tonong nang-aasar..
hindi ko alam.
Ini-end ko na yung call. Nakapamewang na sa akin si Neriah.
"Magtatanong na ba ako?"
"Sige pwede na.." tapos hinila ko na siya doon sa cashier para magbayad.. "Hindi ko talaga
mapaniwalaan yung lalaki na yun! Siya na daw ang bahala sa 30!? As if naman may alam siya sa
ganung bagay!"
"Hay naku, di ka pa ba sanay sa tao na yun?" sabi niya tapos naglabas na siya ng pera.
"Na-uh, and never will.."
Umalis na kami doon sa Ronas at bumalik na sa school. Nag-wonder na lang ako kung anong
magiging itsura ko sa 30 dahil wala nga akong damit. Mukhang katulong? Malamang. O siya, hindi
na nga lang ako pupunta. Yun naman ang gusto ni Xander di ba?
Nagklase naman kami. Mukhang bumabalik nga yung lagnat ko nun kasi nagiging mainit na naman
ako. Hindi naman ako masyadong giniginaw di tulad kaninang umaga. Sa dami naman ng araw na
magkakalagnat ako, ngayon pa. Napaka-abnormal naman kasi.
Nung breaktime na namin, eto na naman si Neriah at patakbo sa akin. May patili-tili pang
nalalaman ang bruha.
"Krissssttteeeennnn!" sigaw niya doon sa classroom namin kaya nagtinginan yung mga classmate
namin.
"Ano? Kailangan ba talaga ganyan kataas ang boses mo?"
"Promise me hindi ka mababadtrip sa sasabihin ko..."
"Ayoko ngang mangako, ano ba yun?" sabi ko habang nilalagay sa bag ko yung mga gamit ko.
"O sige na nga sasabihin ko na..." tapos bumulong siya sa akin, "Tingin ko... tingin ko ano..."
"Ano nga binibitin mo pa eh?!"
"Kasi si Lyka... narinig ko sinabi niyang inimbitahan daw siya ni Lee. Does that mean siya yung
partner niya hindi ikaw?"
Ang nasabi ko na lang..
"Oh.. that.. siguro."
"Ano ka ba?!? Hindi ka man lang ba naiinis or something?"
Actually Neriah, it's a bit.. ou--, never mind. Akala ko lang yun.
"Hindi. Bakit naman?!?" sabi ko pero sa totoo lang parang tataas ang lagnat ko ah, "Enjoy ka na
lang din, hindi naman ako pupunta."
"Nagbibiro ka ba? Pumunta ka kaya! Wala akong kausap doon! Gusto ko kasama rin kita!"
"O sige pupunta ako na mukhang gardener ng hotel..." sabi ko sa kanya, "Saka kasama mo naman si
Bryan, wala namang masama dun. Kung gusto mo, chikahin mo si Lyka baka maging close kayo."
Narinig naman namin yung intercom:
'School paper staffers please report to the office after school, school paper staffers please
report to the office after school.'
"Hindi na ba magbabago isip mo? Kung may damit lang ako talaga papahiramin kita. Kaya lang yung
isa kong damit dun ginamit ko pa yun nung nag flower girl ako nung 3 years old ako."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!? Pupunta na ako.. kasya naman siguro yung damit na yun sa akin
noh!"
"Kristen naman!"
Wala nang nagawa si Neriah nun. Kahit ako naman wala na ring magagawa eh. Nagklase kami nun at
wala na naman ako sa sarili ko. Nagulat pa nga ako nung may humawak na malamig sa noo ko, si
Xander pala. May pailing-iling pang nalalaman.
"Kung hindi naman kasi matigas ang ulo mo sana umuwi ka na.."
"Kung hindi ka lang din naman bingi at pinakinggan yung sinabi ko na ok ako e di sana tahimik
ka na lang diyan.."
"Umuwi ka na after school..."
"May meeting ako after school!"
"Ano bang mas mahalaga sa 'yo, yung magkasakit ka o yung meeting na yan!?" sabi niya na seryoso
pa sa akin ngayon.
"Can you give me a clue?"
Sumandal naman siya doon sa upuan niya. Narinig ko pang sinabi niya: 'God kill me!'
"Naisip ko na Xander.. meeting!"
Tinignan lang niya ako pero wala nang sinabi. Siguro naisip niya na kahit makipagtalo naman
siya sa akin, hindi rin naman magababago yung isip ko. Isa pa, after class na lang din naman na
eh di lubus-lubusin ko na.
Papalabas pa lang ako ng room eh nandun siya nakatayo sa labas.
"Kinausap ko na si Neriah, sabi ko samahan ka pauwi pagkatapos ng meeting."
"May sakit ka rin ba at ganyan ka?"
Tumayo lang siya doon. Hinatid naman niya ako sa office. Nandun na rin yung iba kong kasama.
Nag-bye naman si Xander at umalis na rin.
Umupo ako doon sa upuan malapit sa likuran. Hindi naman ako pinansi ni Margaret at nahalata
yata na wala talaga ako sa tamang kundisyon. Nag-meeting na naman tungkol sa lay-out chuvaness
na yan. Syempre, helper pa rin ako. Sana naman matapos na yung detention ko di ba?
Nakiki-Oo lang din ako sa kanila. Parang yung brain ko na-paralyze at hindi ako makapag-isip ng
maayos. Napansin ako ng teacher kaya pinalabas na ako nun. Ayoko nga sana, kaya lang nagalit
yata sa akin.
"Miss Gutierrez, OUT! Pumunta ka sa Nurse."
Ok, fine.. whatever!
Umalis ako nun. Kabababa ko pa lang eh nandun si Neriah sa bench na naghihintay sa akin.
Tumakbo naman siya kaagad at inalalayan ako.
Parang gulat pa sa akin.
"Teka-- bakit parang.. ang bilis yata?!?"
"Pinapapunta ako ng nurse...'wag na lang yata. Para makauwi na rin ako ng maaga.." tapos hinila
ko na siya pakanan.
"Hindi.. ano.. nurse muna tayo. Nilalagnat ka na naman." hinila niya naman ako pakaliwa.
"Sa bahay na lang, may gamot naman siguro si Mama."
Dahil nanghihina pa ako nun, hindi ako nanalo kay Neriah. Alam ko na lang, nasa nurse na ako at
pinipilit akong inumin yung gamot at tubig.
Siguro nga matagal-tagal kami nag-stay dun. Kasi nung tinaas ko yung ulo ko, 6:30 na.
Sumakay kami ni Neriah at umuwi na ng bahay. Hindi naman nagtagal, nasa tapat na ako ng bahay
namin. Ni-hindi ko nga matandaan kung paano ko kinaya na makauwi. Gusto kong humiga, ang bigat
ng pakiramdam ko.
Nagthank-you ako kay Neriah at umakyat ng hagdan. Halata na ni Mama yung itsura ko. Hindi naman
namaipagkakaila.
Ang dilim na nun sa kwarto ko. Hindi ko na yata kayang magpalit ng damit. Huga ako sa kama ko
kaya lang.. may kung anong bulky kaya napatayo ako at binuksan yun ilaw.
Ang hirap pala talaga kapag may sakit ka. Kung anu-ano na nakikita ko.
"MA?!?" sabi ko nung nakita ko, grabe... hindi talaga kapani-paniwala.
Narinig ko namang umakyat si Mama ng hagdan. Saglit lang, nasa pintuan ko na siya.
"Ano 'to? Kanino 'to?"
"Sa 'yo. Hindi ka naman siguro pupunta doon na naka-jeans di ba?"
"Akala ko namamalikmata ako. Thanks Ma!"
"Huwag ka sa akin mag-thank you.." sabi niya doon sa pinto, "At hindi ka rin pupunta sa
detention mo. May sakit ka pumasok ka pa."
"Sino po ang ang-rent?"
"Rent? Sa 'yo na nga yan."
Hinawakan ko naman. Blue. Royal Blue.
"Sino nagbigay?"
Bigla na lang may gumalaw doon sa gilid.
"Ako."
Nagulat naman ako. May nakaupo pala doon sa sulok ng kwarto ko.
"Xander! Anong ginagawa mo dito?"
"Bababa muna ako.." tapos umalis na siya.
Napaupo na lang ako dun.
"Ang taas na siguro ng lagnat ko no? Kakaiba kasi yung mga panaginip ko ngayon."
Nag-snap siya sa mukha ko.
"Parang wala kang sakit ah, makulit ka pa rin."
"Sa 'yo galing 'to?"
Lumapit siya sa akin nun. Sobrang lapit pwedeng-pwede ko nang bilangin na dalawa ang mata niya
at may isa siyang ilong.
"Sabi ko naman sa 'yo akong bahala 'di ba?"
Ang lapit na ng mukha niya. Or should I say, lumalapit na lalo. Hindi na ako makakilos.
Nanghihina na tuhod ko...
Ang lapit na niya.. 1 inch.. hindi ko alam...
Pagkatapos nun...
Nablack-out na ko.
***44***
Hindi ko na alam kung anong nangyari nun. Dreamless sleep din naman ako. Kagigising ko nga lang
ngayon, naka-Pj's na ko. Ni-hindi ko matandaan kung nakapag-palit ba ako o ano... ang
natatandaan ko lang....
"AAAAAAHHHHHH!!!" Ano nga bang nangyari?
Dali-dali namang may bumukas ng pinto ko. Si Mama pala.
"Bakit? Anong nangyari? Ang aga-aga sumisigaw ka na naman diyan." sabi niya doon sa pintuan.
"Mama, anong nangyari kagabi? Wala na akong matandaan. Ang alam ko lang, kausap ko si Xander..
"Well.. ah.. I think light make-up will do." kinuha ko yung unan at binato ko sa kanya.
"Get outta' here Ken!" kapag nag-aasaran kami, walang kuya.
Nag-peek siya doon sa pintuan. Kumatok.
"Pwedeng pumasok?"
"Sure."
Dala-dala niya yung tux niya. Hawak niya yung mga ties. Syempre sabi ko, piliin niya yung blue
para match kami dahil blue yung damit ko.
Inaasar pa niya ako doon.. pero hindi ko nakalimutan yung sinabi niya. 'Light make up will do.'
Iba kasi kapag kinuha mo in a guy's point of view.
Katulad ng mga ginagawa before the big event, nag-ready naman kami ng todo-todo. Si Mama eh may
tinatago palang galing sa pag-aayos ng buhok kaya ginawan niya ng knot. Ganda nga eh.
Lumabas si Kuya. Ang gwapo-gwapo nga niya eh. Ang tangkad nga lang niya talaga para maging
partner ko.
Licensed driver naman na siya, kaya siya na rin ang nag-drive nung kotse niya. Nagpaalam na
kami kina-Mama, Papa, at kay Angelo. Invited din naman sila dahil sinabi raw ni Xander, kaya
lang ayaw nila eh. Si Angelo mukhang gustung-gusto namang sumama.
Madilim-dilim na rin naman na nung nakarating kami doon sa hotel. Hindi naman na kami
nahirapang hanapin kasi alam naman na namin kung saan. Nagpaka-gentleman pa si Kuya at inioffer pa yung kamay niya. Humarap pa nga ako doon sa salamin ng kotse at tinignan yung sarili
ko.
"Ok tama na.. maganda na.. masyadong problemado."
Binatukan ko nga.
Pumasok na kami sa loob. Ang dami nang tao. Yung iba may mga edad niya kaya siguro family
friend ng may anniversary. Papalakad pa lang kami doon sa gilid, nakita namin si Neriah at
Bryan.
Gosh.. kung gaano kaganda si Neriah... nag-match lang dahil ang gwapo ni Bryan.
"Hi Kristen, ang ganda-ganda mo naman."
Compliment from Bryan?? Masaya na ako.
"Thanks. Bryan, Kuya ko nga pala.."
"Kuya mo?!?.." tumingin siya kay Kuya na para bang nabigla rin, "Pare.."
"Ken..."
"Kayong dalawa, pwedeng kumuha kayo ng inumin? Nauuhaw na kami.." sabi ni Neriah kay Kuya pero
pabiro naman.
"Hindi kami alalay ha.."
Tumawa lang si Bryan, tapos umalis na rin sila kasama yung kuya ko.
Ako naman, hinila pa lalo ni Neriah doon sa gilid. May music pa akong naririnig.
"Ang ganda-ganda mo naman!" tapos hinawakan niya yung buhok ko, "Pwera biro kahit friend
kita.."
"Ikaw nga eh.. fink na fink ang dating.." tumawa naman kami ng sabay..
"Kita mo yun? Badtrip no?"
Tinignan ko naman kung sino yung tinutukoy niya. Si Lyka pala. Nandun nga siya... hindi na
talaga mapapagkamali ang mukha niyan.
Hindi na nga maganda yung view, dumating pa si Xander. Tapos, tumingin sa amin. Iniwas ko nga
yung tingin ko kunwari hindi ko nakita.
"Oh my God.. pupunta siya dito. Sisibat na ko ha.."
"Ano ka ba.. dito ka lang.." hinawakan ko siya sa braso niya.
Totoo naman yung sinabi niya. Kasi saglit lang, nasa gilid ko na si Xander. Pasalamat siya ang
gwa--, pasalamat siya anniversary ng parents niya.. dahil kung hindi!!! Naku!!!
"Hi Neriah... Hi Kristen.."
Dumating naman na si Bryan at Ken. Humarap naman si Neriah sa kanila at nagkunwaring tinatawag
siya. 'Ako ba? O sige.. pupunta na ako diyan. Usap muna kayo ha?' iniwan nga kami.
Hindi naman ako nakaharap sa kanya nun.
"Sabi ko na nga ba kakasya sa 'yo eh.." tapos pasimple siya sa gilid niya, hinawakan yung kamay
ko at hinila ako doon sa glass door sa likod. "Huwag kang magpahalata.." sabi niya sa akin ng
pabulong, "Ngiti ka lang, sumabay ka lang sa akin.."
"Ano bang meron? Library ba ito para maging tahimik? O bar ba ito para magpanggap?"
Nung nandun na kami sa likod kung saan walang tao, saka naman niya ko binitawan.
"See that? Friends ng Daddy ko sa school board.." tinuro-turo niya isa-isa. "Yung iba diyan
kamag-anak namin. Mga tita at tito ko. Pinsan ng real dad ko. Isang anak lang kasi siya.."
"Bakit ko naman ini-explain yung mga kanunu-nunuan mo?"
"Makinig ka lang.. maiintindihan mo rin.." tapos tumingin siya uli doon sa gap. "Kita mo yung
nasa tabi ng Dad ko? That's my Mom. My dad's mom."
Tinignan ko naman yug tinuturo niya. Ewan ko kung bakit, pero parang kinilabutan ako.
"Got any impression?"
"Medyo.." tapos hinawakan ko yung braso ko..
"At least alam mo na in general..."
Ewan ko ba kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. Ang gulo eh.
"Anyways, buti wala ka nang sakit?"
"Mabuti nga..."
"Kapag may sakit ka nga, huwag ka nang pumasok ha!" hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko.
"Pinapagalitan mo ba ko?"
"Oo."
Speechless ako. Ano naman sasabihin ko?
"Ginulat mo ko kaya. Ikaw ba naman bumagsak sa akin--" tapos tinanggal niya yung pagkakahawak
niya sa akin at nag-turn sideways.
"Ginulat?? Paki-explain please? Wala kasi akong matandaan eh.."
Hindi naman siya mapakali nun. Abnormal?
"W-wala. Basta.. hinimatay ka.. ganun.." humawak siya uli sa akin, "Tara na nga.."
There's something fishy around here..
"Teka nga... sabihin mo na! Alam kong meron.. halata naman eh.." hinila-hila ko siya para
huminto.
"Sigurado ako ayaw mong malaman.."
"Sigurado ako gusto kong malaman.." tapos huminto rin siya, "Naalaala pa kita na lumapit sa
akin nun... as in like this, an inch away-- umiiral na naman pagka-madaldal ko.
"Fine. You fainted. Pa-forward pa nga. Since we're like that," tinuro niya yung kamay ko, "An
inch away.. you accidentally kissed me.."
"--nahihilo pa ako nun.. tapos nagisin--- WHAT?!?" narinig ko yung sinabi niya.
Hindi ko alam kung ngumiti ba siya nun o ano.. pero hinila niya ako uli. Oh please tell me I
didn't.
"I didn't..." hindi na naman ako makakilos nun. Ako? "Sabihin mo hindi.."
"Sabi ko naman sa 'yo hindi mo gugustuhing malaman 'di ba?" I can't believe that.. "Sorry
Kristen,"
"Hindi ko na uulitin yung sinabi ko."
***45***
Bakit ba napapadalas yata ang panghihina ng tuhod ko ngayon? Kasi nangyari na naman eh. May
ibig sabihin ba yun? Nah, wala naman siguro.
Tama nga si Xander, hindi ko nga gugustuhing malaman yung sinabi niya. Or maybe, I do... ewan
ko ba... nalilito na rin ako sa sarili ko. Kung hindi ko rin naman nalaman yun, siya lang ang
may alam??
I wasted my freakin' first kiss ng hindi ko alam? Does that count? Hindi naman siguro. Baka ang
real first kiss eh considered kapag alam mo... or maybe not.. baka kapag.. aaahhhh! Bakit naman
kasi ganun?
Gusto ko pa sanang magtanong tungkol doon, pero nagbago yung isip ko. Baka isipin naman ng tao
na 'to sinadya ko yun. Na-uh, hindi.
Nagsimula na yung kainan nun. Hinatid ako ni Xander kay Kuya at sabay na kaming kumain kasama
si Neriah. Siya naman, kasama na naman niya si Lyka. Ewan ko ba kung bakit tinitignan ko
sila... ano naman sa akin ngayon? Pra si Xander lang.. sus!
"Huwag masyadong titigan, baka matunaw yung dalawa.." sabi ni Kuya pero pabulong lang.
"Sino namang maysabi sa 'yo na sila yung tinitignan ko? Yung matandang babae kaya yung
tinitignan ko. Naka X-strap kasi yung likod." sabi ko lang yun, pero hindi naman talaga.
"Talaga? Saan?" ay, naniwala nga.
Hawak ko yung pinggan ko nun, at si Kuya naman ang naglalagay ng food sa akin. Tinatanong niya
ako kung anong gusto ko, Oo na naman ako ng Oo. Mapaparami ang kain ko nito.
Napansin din yata nila Bryan, kasi sabi niya: 'Hindi ba sobrang dami na niyan Kristen?'
"Si Kristen pa? Hindi mo lang alam parang kabayo yan.."
Hindi ko na lang pinansin. Nakita ko kasi si Xander na nag-abot ng pagkain kay Lyka habang
nakaupo siya. Disabled na ba siya para may kumuha pa ng pagkain niya?
Eh bakit ba ako affected? Teka...
ako affected? Never!
Umupo kami doon sa gilid at kumain. Binanatan ko naman yung kung ano doon na hindi ko naman
alam yung tawag pero masarap. Napansin ko nga na ang daming nilagay ni Kuya, sabagay nandyan
naman siya to the rescue in case na hindi ko man maubos.
Nakinig naman kami doon sa music. Habang kumakain kasi lahat, pinatay kasi yung ilaw at may
presentation through projector. Pinakita doon yung mga pictures nung may anniversary... at
syemrpe..
Napasama doon yung 'real' parents ni Xander. Napaayos ako ng upo at tinignan ko.
So.. kamukha pala ni Xander yung tatay niya.. hindi.. nanay.. tatay.. kahawig ng mata niya yung
sa nanay eh... o siya para hindi magulo..
wala na lang...
Natapos naman kaming kumain nun. Si kuya nga ang umubos ng pagkain ko. Bait di ba?
Pagkatapos nung kainan, tumayo naman yung mag-asawa doon sa harapan. Nakangiti pa sila parehas.
May mga beso-beso pa doon sa mga tao na hindi ko naman kilala.
Nag-snap si Neriah sa harapan ko. Akala ko kung bakit. Tinuro niya sa akin si Xander.
Nung una hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. May sina-sign siya sa akin.
Yung index finger niya tinuturo niya sa tenga niya tapos sa akin.
Ok.. I think I got it.
"Ano namang ibig sabihin nung sign ni Xander na yun?" sabi niya sa akin pero nakuha ko na
talaga.
"Makinig raw ako.."
"Tama lang sinabi niya, nakatingin ka na naman kasi sa kawalan eh.."
Nakinig naman ako, kasi nga sabi niya. Ano naman bang meron? Speech lang naman yun.
"Good evening everyone..." sabi nung Daddy ni Xander, "Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng
dumalo ngayon.. sa aming 40th wedding anniversary.."
Nagpalakpakan naman. Tagal na rin ah! Ang tatag naman..
"Salamat talaga sa pagpunta. ANg bilis nga ng panahon at 40 years na pala!" tapos tumingin siya
kay Xander, "16 years na rin naming inaalagaan ang nag-iisang apo naming si Xander.."
Medyo yumuko naman si Xander nun. Nahiya yata eh. Paano ba naman nagtinginan sa kanya.
"Kaya gusto ko sana na kapag nag-desisyon ka... sa 'min ka muna kumonsulta.."
Naiba na rin yung topic nun. Ano naman kayang gustong iparating ng Mommy niya???
Sinabihan kami na may dance na. Pinatay na uli yung mga ilaw at nandun na yung disco ball para
sa lahat.
Masaya naman yung tugtugan. Sama-sama kami nila Neriah. Hindi nga bagay eh, naka-gown kami
tapos ganun yung tugtog. Pero wala kaming paki. Just enjoy the night.
Nag-slow music din naman. Sinayaw ako ni Kuya. Dalawang kanta rin yun kaya mahaba-haba. Gosh,
hindi niyo lang alam gaano ko ka-mahal ang kuya ko na yan. My #1 savior.
Pagkatapos nun, kami naman ni Bryan. Katulad ni Kuya, dalawang kanta rin yun. Sinayaw ni Kuya
si Neriah. Ang saya-saya ko. Hindi ko pa natititigan si Bryan ng ganito kalapit.. at ganito
katagal.
Pero I noticed something. Kapag kinukumpara ko yung ganitong situation, iba yung nangyayari sa
akin sa isa... how weird. Nakikita ko yung difference...
Nung natapos kami, umupo kami doon sa gilid kasi nakakangawit din namang nakatayo. Kahit
madilim, nakikita ko si Lyka at Xander. Naiinis na naman ako. Bakit ba nitong mga huling araw
masyado akong nagpapaapekto sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya? Nakakainis naman eh!
Yung ibang may-edad na, ang sarap ding panoorin kasi sumasayaw din sila ng sweet dance.
"Ok ka lang Kristen? parang nanlilisik na naman yung mata mo diyan.."
"Ako? Hindi no. ANg dilim-dilim napapansin mo pa ko..."
"Obvious naman eh.. may gusto ka kay.. 'Kuya Lee'" ang galing gayahin si Angelo.
"Hindi no.." hindi naman eh.. hindi talaga.. hindi nga ba?
Magkasayaw pa rin yung dalawa. Inutusan na naman ni Neriah si Kuya at Bryan na kumuha ng
inumin. Alalay na nga yata ang labas nila eh.
Si Neriah naman, biglang tumayo.
"San ka pupunta?"
"Ahh...ano.. restroom.. san ba?"
"Doon. Gusto mo samahan kita?"
"Kaya ko na.. dito ka na lang.." tapos umalis na siya.
Napatingin ako doon sa mga nagsasayaw. Wala na yung dalawa.
Ewan ko kung tama lang ba yung timing ni Neriah o sinadya niya, kasi nagulat na lang ako sa
likuran ko.
"Pwede kang isayaw?" 'thought you'd never ask.
"Ahh.."
"Hindi pwedeng hindi." sabi niya na nakita ko siyang ngumiti kahit medyo madilim.
Ini-offer niya yung kamay niya nun. Akala ko kung saan na naman niya ako dadalhin, doon uli sa
bandang likuran kung san niya ko dinala kanina. Naririnig naman yung tugtog doon, pero unlike
sa malapit sa dance floor, mas tahimik naman dito.
"Dapat talaga ilibre ko ng lunch si Neriah.. dami na niya nagawa para sa akin.."
So sinadya nga ni Neriah yun. Nilagay na niya yung kamay ko sa balikat niya. Nanghihina na
naman tuhod ko.
Nakatayo kami doon, at tulad ng mga sweet dance... malamang sumayaw kami.
Hindi nga lang normal...
Yumakap kasi siya sa akin habang sumasayaw. Kakaiba sa pakiramdam. Parang nag-init buong
katawan ko.
"Kahit anong mangyari... akong bahala. Isipin mo akong bahala..."
"Ano ba yun?" hindi ko maintindihan.
Ang tagal yata namin doon, kasi nag-disco uli yung tugtog bago kami huminto. Sabi niya sa akin,
huwag daw muna akong babalik at mag-eexplain siya. Alam niyang nalilito na ko sa kanya.
Umalis na siya nun at naupo ako doon mag-isa. Hindi ko na makita sina Neriah kung nasaan dahil
madilim.
Napatayo na lang akong bigla, sa sobrang takot siguro o sa kaba, nung dumating doon yung Mommy
ni Xander. Nag-sign siya na umupo ako.
"Anong pangalan mo?"
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Kristen po."
Why do I have this feeling that this woman is certainly not someone to cross?
"Xander's protecting you huh?"
"Sorry po?" hindi ko kasi maintindihan.
"Alam ko na ang takbo ng isip niyang batang yan. Akala niya siguro hindi ko malalaman na niyaya
niya si Lyka para isipin kong siya ang gusto niya." what the heck? "Para takpan ka. Alam niya
kasi kapag nalaman ko na ikaw... wala akong ibang masasabi na you are 'one--typical-- girl.'
Insult? Siguro. Pero hindi naman yata tama yun.
"I know I am. And I'm proud of it."
"Leave Xander alone..."
Sasagot na sana ako. Kaya lang, may sumigaw doon sa gilid namin.
"Mom?!?" tapos humawak na siya sa akin, "Paano mo nasasabi yan?"
"Kinakausap ko lang itong kaibigan mo.."
Pero si Xander, galit na galit na talaga.
"Ginawa mo na 'to dati pa!!! Kay Daddy pa lang. What makes you think it'll be different this
time?!?" sabi niya kaya shock na rin yata ako at yung mom niya. Sumisigaw na siya?
"I--I just want the right girl for you."
"No you don't. Makasarili ka alam mo yun?!" hindi ko na alam sasabihin ko, "Ako at ako lang
makakapagsabi kung sino ang dapat at hindi dapat mahalin ko. Hindi ikaw, hindi sinuman. Alam ko
naman kung anong problema mo eh!!!"
"Makinig ka, hindi mo naiintindihan. Para sa 'yo rin naman--"
"Ayokong makinig sa 'yo. Problema sa 'yo, takot kang may mahalin akong iba dahil iniisip mo
mawawala yung sa 'yo."tapos huminto na si Xander, mahinahon pero mahigpit yung hawak sa akin,
"If I'm going to love someone.. it doesn't mean I'm taking any from you..." hinila na talaga
niya ako, "Tara na Kristen.."
"Uhmmm... sorry po." yun na lang nasabi ko hanggang sa nakalabas kami.
Hindi pa rin nagsasalita si Xander nun. Tingin ko...
--naintindihan ko yung bagay-bagay without Xander explaining it...
***46***
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Xander nun. Hinila kasi niya ako sa labas. Pagkatapos
nun, hindi rin niya ako binitawan habang hinihila niya akong maglakad. Ang bilis nga niya, sana
lang hindi kasi naka-gown ako ngayon. Ewan ko na lang kung anong mangyayari kung madapa na lang
akong bigla.
Ayoko namang umalis doon at baka hanapin ako ni Kuya, ni Neriah o ni Bryan. Pero dire-diretso
lang si Xander. Maya-maya lang, nasa parking lot na kami ng hotel. May tinawag siya, isang
matandang lalaki.. then sinabi niya:
"Sakay na..."
"Uuwi na ba? Teka lang si Kuya hindi niya alam..."
"Sabi ko sakay na..."
Mukhang hindi naman makikinig sa akin 'to kaya sumakay na rin ako.
Driver yata nila yun... ewan ko. Pinag-drive niya kasi kami. Liko dito, liko doon. Saan naman
kayang lupalop kami pupunta? Hello? May pasok pa bukas...
Hindi na ko nag-abalang magtanong pa. Siya rin naman, hindi nag-abalang kausapin ako. Ang saya
naman nito. Sinandal ko na lang yung ulo ko doon sa gilid sa may pintuan, at naghintay kung
saan naman kami hihinto.
Finally... nag-stop din kami. After 48 years.
"Dito na tayo?" sabi ko for the first time pagkatapos naming umalis sa hotel, "Ano namang
gagawin natin dito?"
Hindi naman siya nakatingin sa akin. Sinabihan niya yung driver na dalhin daw muna yung kotse a
balikan na lang daw kami ng midnight. Binigyan pa niya ng pera para maggala yung driver. Ano
naman kayang oras na?
"Paggkatapos po ng dalawang oras, balikan niyo na kami..."
So, 10 o' clock na rin. Nag-nod yung driver, sumakay ng kotse, at umalis na nga. Ako naman
nakaharap pa rin sa kanila, mukhang ewan na ganito yung suot... pero pag-turn ko sa likod ko...
Awesome!! I've never been here..
"Wow.." sabi ko na lang pero mahina, "Paano mo nalaman 'to?"
Tinaas niya yung dalawang balikat niya. Tapos naglakad papalapit sa akin.
"Nagpupunta ako dito paminsan-minsan. Kapag hindi ako nag-playstation.."
At least alam ko parehas kami sa bagay na yun. We have a thing for... heights... views...
lights.. buildings... sky.. stars...
How cute?
Napansin ko na hindi na siya nakatayo. Akala ko kung anong gagawin, humiga pala sa damuhan.
Nakatingala pa siya sa akin nun.
"What?!?"
"Hindi mo naman siguro balak tumayo sa loob ng dalawang oras 'di ba?" sabi niya tapos nag-tap
siya doon sa damo sa tabi niya.
"Nagpapatawa ka ba? Tingnan mo nga yung suot ko.."
"So?" nag-tap siya uli, "Dali na Kristen..suot mo 'to para di ka lamigin.." binigay niya yung
tux niya.
Itong tao na ito, sobrang kakaiba ang takbo ng utak. Tingnan mo nga naman kung paano yung kilos
mo, aakalain mong hindi siya sumigaw sa mommy niya kanina at normal lang siya.
Ginawa niya na yan dati pa... after nung laban. Kung kausapin niya ako at magbiro... ganun pa
rin.
Nakatingin ako sa kanya nun. Mukhang 'di naman niya alam. Nakatakip kasi yung kanang braso niya
sa mata niya..
"Kung gusto mo magtanong... libre naman. Bukas may bayad na.." sabi niya kaya medyo nagulat
ako, "And don't stare at me like that, I'm melting..."
Nag-roll ako ng mata ko. Umupo na rin naman ako sa gilid. Hindi ko yata kayang humiga kapag
ganito.
"Anong meron sa Mommy mo?" hindi ko alam paano ire-rephrase yung tanong ko.
"Problems..."
"Gaya ng..?" ganun pa rin position niya. Kung hindi ko siguro alam, iisipin kong tulog siya.
"In her own mind, she have too many questions..."
"Questions? which one?"
"All of them." sabi niya ng mahina, "She's still looking for it..."
"Looking for what?"
"Answers." sabi niya uli.
Parang yung mga explanation niya, lalo lang akong maguguluhan. Hindi ko alam kung binibiro ba
niya ako o ano...
"Ang gulo mo naman eh.."
"Ok... ako rin naguluhan.." ano ba 'to? "Naaalala mo kung bakit ayaw kitang pumunta sa
anniversary nila?"
"Oo." sabi ko nung naalala ko. Nainis pa ko nung araw na yun.
"Siya yung reason kung bakit. Alam ko na may sasabihin siya sa 'yo na hindi maganda, just like
before, kaya si Lyka niyaya ko." nag-pause siya, "History repeats itself... not really, but at
least, I considered my parents' life a history."
Ano raw?
"Teka nga..."
"Look, yung ginagawa niya sa akin ngayon, eh parehas lang ng ginawa niya kay Daddy." huminga
siya ng malalim, "She doesn't like my mom. Pero si Daddy, walang pakialam kaya ayun kinasal pa
rin sila. Lumayo sila, more than a year, tapos bumalik sila." sabi niya, "Siguro para makipagayos na rin. Since that time... 5 months old na ko."
"Then what happened?"
"Nag-away sila. Dahil wala na talagang magagawa si Daddy, umalis na sila ni Mommy. That same
day.. they died."
"Sorry.."
"So see the picture?" sabi niya at for the first time, tumingin naman siya, "kaya ko niyaya si
Lyka. Para lituhin siya. Pero napansin pa rin niya.." tinakpan niya uli yung mata niya, tapos
bumulong pero narinig ko: "Napapansin na ng mundo, isa na lang ang hindi.."
Saka ko naman na naalala... si Kuya nga pala.
"Naiwan ko yung cellphone ko doon sa kotse... si Kuya!! Patay na ko!!" nag-panic ako. Bakit ba
ngayon ko lang naisip yun?
"Tumawag na ko.. basta daw ihatid kita.."
"Ooh.. thanks."
***47***
Tahimik kami parehas. Ang sarap ng hangin, malamig pero ok lang. Nakaka-relax. Pinikit ko nga
rin yung mata ko at ewan ko na talaga... nakatulog na ako.
Maya-maya lang may naririnig akong bulungan. Akala ko nananaginip na naman ako, pero narecognize ko.
***48***
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sobrang dami na ang nangyari sa gabi na 'to, most of them
kinagulat ko, at hanggang ngayon ba naman sa pag-uwi ko at tipong magpapahinga na lang eh may
ikakagulat pa ako.
Tingnan mo nga naman, ang galing talaga ng mga biro ni Xander. Effective na naman. Stunned ako
eh.
"Ok na.. bumenta yung biro mo. Padaan na nga at gabi na.. este umaga na pala. Matutulog na ako.
May pasok pa bukas."Nag-yawn na ako, "Super-duper puyat na ako.... pati ikaw. Sweet dreams..
sleep tight.. ano pa ba? Ingat sa pag-uwi.. God bless.."
Umiwas ako para makapasok sa gate namin. Kaya lang sumabay sa akin hanggang sa pintuan namin.
"Wala ka sigurong balak pumasok bukas no? Ako meron eh..." sabi ko kasi may pangiti-ngiti pa.
"Sabi ko naman benta na yung biro mo, so panalo ka na... unless---" napatigil naman ako sa
idea.. "Hindi ka naman seryoso 'di ba?"
Nakatayo pa rin siya doon. Hinihintay yata na buksan ko yung pinto. Nakita kong nakangiti,
kahit na medyo madilim na rin. Oh my God.
"Kaya pala may dala kang bag?!? Akala ko biro lang!"
Hindi ko naman inaasahan yung expression ng mukha niya. Parang nairita yata na parang ewan.
"Ineexpect mo ba ako na umuwi sa bahay eh kanina lang sinigawan ko si Mommy?!?" tapos umiling
siya, "Na-uh Kristen, hindi ko style. Hindi rin naman makakabuti, baka lalo pang makasama.
Mabuti na siguro hindi muna ako umuwi."
"D-dito ka matutulog sa amin?" hindi ko pa rin matanggap yun. "San ka naman matutulog diyan?"
"Nung tumawag ako sa Kuya mo kanina at pinaalam kita, tinanong ko na kung pwede. Nung una hindi
pa siya sigurado, pero sabi niya tiyak daw pwede naman. Subukan ko daw tumawag sa landline
niyo, kinausap ko yung Papa mo, nagtanong sa Mama mo.. tapos ayos na." kinausap niya sina
Mama?!?
Huminga ako ng malalim. Akalain mo ayos daw sa kanila? Eh si Mama nga nun nagmaka-awa pa ako na
magsleep-over lang kina-Neriah. Hindi raw maganda yung idea na nakikitulog. Sa akin naman
naisip ko, wala namang masama. Per yung case ngayon...
"Sinabi ko na nag-away kami ni Mommy, at ayoko munang umuwi. Does that make sense?"
Nabuksan ko na yung pinto nun. Sabay kaming pumasok. Mabuti na lang at iniwan nila yung
standing light kaya may ilaw doon sa baba. Ang tahimik na sa loob, malamang lang!!! Tulog na
yata ang sambayanang earth kami na lang ang hindi. Oh well...
"Hindi ko talaga alam ha.. pero huwag na lang tayong mag-ingay at baka magising pa si Angelo,
hindi na kakayanin ng utak ko makipagtalo sa kanya. Yung pangalawang pinto sa kaliwa, kwarto
yun ni Kuya. Doon ka na siguro..."
Napaisip naman ako. Yung kama naming dalawa ni Kuya eh twin-size beds, enough para sa dalawang
average na tao, pero si Kuya at Xander? I wonder kung makakahinga pa sila sa pagtulog nila.
Yung kama nila Mama at Papa eh queen-size.. kung ganoon kalaki eh ayos siguro... yung kay
Angelo naman dahil maliit naman siya, bed in a box. Tama lang talaga...
"Kahit saan... ok lang."
Tumigil ako at inobserbahan siya. Tingin ko lang pero hindi ako sigurado, hindi siya yung type
na tao na makakatulog'kahit saan' na sinasabi niya. Eh nung nagpunta ako sa bahay nila, sarili
niya yung kwarto... at kahit na hindi ko naman nakita yung loob at medyo 2 inches lang yata ang
napansin ko.. first impression ko eh mas malaki pa yung kwarto niya sa pinagsamang kwarto namin
nila Kuya at Angelo.
Sinabihan ko siya na ilagay muna niya yung gamit niya sa kwarto ko kung nabibigatan siya at
nagpaalam ako na gagamit na ako ng banyo. Maliligo ako. Ayoko namang may make-up sa mukha ko ng
natutulog...
Dahil isa lang yung banyo sa taas, sinabi kong pwede niyang gamitin yung banyo sa baba kung
gusto niyang magpalit na rin.
Bumaba na rin siya. Ako naman bago pumasok sa banyo eh kumatok sa kwarto ni Kuya para alam niya
na nandito na kami. Parang naghihilik na yun sa loob, pero tiyak naman babangon din yan kasi
nag-ingay ako ng kaunti.
Naligo nga ako.. as usual, ang lamig ng tubig. Nanginginig-nginig pa ako nung kinuha ko yung
towel ko. Ilang beses ko ring sinabunan yung mukha ko at baka mangati ako sa make-up. Doon na
rin ako nagsuklay at nagpalit ng Pj's. Yung idea na nandito si Xander at makikita niya akong
naka-pajama eh kinikilabutan na ako. Hello?? Nakakahiya kaya.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo eh bukas na yung ilaw sa kwarto ko. Tinignan ko naman si
Xander, nakabihis na siya. Nagulat yata sa akin kasi nataranta eh. Nakaupo siya doon sa upuan
sa table ko.
"Teka lang ha, gigisingin ko si Kuya..."
"Sure. Gaano ka ba katagal naligo? 2 hours?" sabi niya na para bang naiinis pero alam kong
nagbibiro lang, "Nice Pj's nga pala... pink."
Tinignan ko nga ng masama. Alam naman niya kasi na hindi ako yung 'pink' girl na maituturing.
Not if I can help it. Padala pa ito sa amin nung kamag-anak namin sa America.
Saka ko lang napansin nun, hindi siya naka-pajama. Instead, naka plain white shirt siya at
denim shorts na umabot sa knees. Thank God.
"Hindi ka naka-pj's ha?!?" ang weird nung tanong ko. Siguro naman hindi sanay yung tao.
"Nagsusuot ako, sa bahay. Minsan kapag pinipilit ako ni Mommy. Pero hindi madalas... hindi ko
na naman style. And Kristen, can you imagine me wearing one?!?" tapos tumawa siya.
"Yeah.. if you say so.."
Pumunta na ako sa harapan ng kwarto ni Kuya. Katok na ako ng katok doon eh wala pa ring sagot.
Namumula na yung butu-buto ko sa kamay eh tulog-mantika yata si Kuya.
Finally nung napikon na ako eh bubuksan ko na talaga yung pinto niya. Kaya lang...
it's locked.
Kanina lang ayaw na ayaw kong mag-ingay sa taas namin at baka magising sina Mama, pero ngayon
eh gustung-gusto kong sumigaw. Ginawa ko pero hindi masyado.. wala talaga.
Nilagay ko yung tenga ko sa pintuan niya.. tahimik. Kuya naman!!! Wala namang ganyanan!!!
"Hoy!" sabi niya tapos humawak pa sa balikat ko kaya medyo nagulat ako, "Anong ginagawa mo?"
"Nakikinig. Hindi na magising-gising si Kuya. Asar naman eh. Patulugin man kita sa kwarto ni
Angelo eh maliit lang yun. Yung dresser pa niya malapit sa kama kaya hindi ka makakatulog sa
sahig.." inisip ko naman kung pwede sa sala, "Hindi naman pwede sa sala namin, it'll be rude.
Saka ayaw ni Mama ng may natutulog dun.." that leaves me with one option.. anyone help me!!
"Then.. what?"
***49***
Hindi ako makakilos nun. Nakangiti pa siya sa akin. Akala ko nga aalis na sa harapan ko, parang
mas ok yata yun, pero tumayo pa rin doon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hinihintay
yata na mag-react ako.
Syempre, naghiyawan naman sa corridor. Nakakahiya talaga. Parang wala lang yun kay Xander, pero
ako eh kulang na lang manliit sa sobrang dami ng nakatingin sa amin.
Binatukan pa siya nung mga guys doon sa gilid. Tawa rin sila ng tawa. Naging style na nung mga
guys yun kapag may kagulat-gulat o katuwa-tuwa na nangyari.
"Ano ba yan.. tigil nga kayo.. bro naka-ilang batok ka na!" sabi ni Xander kasi may sumakay pa
sa likuran niya at inaasar siya.
Para akong ewan dito. May sasabihin ba ko?
"Nice one Kristen!! Kayong dalawa kakaiba kayo.."
Tinignan ko lang siya. Kung may side comment si Neriah, tiyak meron din yung mga nakakita.
Panay na ang tawa ni Xander. Hindi pa rin siya tinitigilan doon.
"Kristen!!!"
"Ano.. ahh.. kakain muna ko ha.. hindi ka na sana nag-thank you."
Parang gusto kong batukan yung sarili ko. Wala na namang kakwenta-kwenta yung sinabi ko.
"Teka lang.. ei bro.. stop!!" tinigilan din naman siya, tumingin sa akin, "Kakain ka na? Ako
nga busog pa.." tapos lumapit sa akin, lumingon sa mga lalaki sa likod niya pero parang may
meaning yung tingin.
Hinila niya ako sa gilid. Alam ko na may mga nakatingin sa amin, pero at least malayo sa
sambayanang Pilipinas.
Tuwing malapit siya, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano.
"Listen.." bumubulong pa siya, huminga ng malalim, "Alam ko hindi ito yung tamang place, at
hindi rin tamang time so.."hinga ng malalim, "I.. I want to talk to you. Privately. Kung ok
lang sana sa 'yo.. mamaya.."
"Ha.. tungkol saan?" sabi ko naman.
Tinapik niya ako sa balikat.
"Mamaya.."
Umalis na siya nun, at syempre, kung anu-ano na namang panunukso ang nangyayari. Nawala na si
Bryan sa paningin ko, si Neriah hinihintay yata ako. Hawak pa niya yung phone niya. Nakatawa pa
ang bruha sa akin na akala mo eh nakapanood ng circus.
Sinamahan ko lang sya sa cafeteria. Kumain siya ng kumain dahil nagugutom na siya. Halata ngang
puyat siya eh. Pinapakain niya ako, pero ayoko naman dahil busog ako at isa pa iba yung takbo
ng isip ko ngayon.
Gusto niya akong kausapin??? Para saan naman kaya? Pwede namang sabihin na 'di ba???
Nag-snap si Neriah sa harapan ko.
"Oi! Kanina ka pa wala sa sarili diyan!" sabi niya sa akin habang sumusubo ng kanin, "Ikaw ha,
inaala yung kanina!! Kili to the bones ka naman?!?" sabi niya, saka ko lang naalala kung ano
yung tinutukoy niya... feeling ko namumula na ako.."Anak ng teteng naman yung si Lee oh! Kung
may papasa na lang din naman na sa palabas sa TV, siya na ang number 1...akalain mong halikan
ka sa pisngi kahit na maraming tao?? Sabagay wala naman siyang pakialam.."
Kain pa rin siya ng kain. Pinaalala pa niya. Sana 'di na lang niya ginawa.
Pumasok kami nung narinig namin yung alarm. Akala ko nga kung ano yung tinitignan nila,
nakakumpol kasi sila doon sa isang sulok.
Nung dumating ako.. tumawa lang sila.
"Ano?!?"
Pinakita nila sa akin yung cellphone ni Marvin. At ang nakakainis.. may picture kami ni
Xander!!!
Hay naku.. three guesses what is it??? Obvious ba?
Inaagaw ko nga sana, kaya lang ayaw ibigay eh. Sabi niya papa-print daw niya, tapos ilalagay
niya sa Bulletin. Eh kung batukan ko kaya ito???
Nagklase naman kami. Ayun, isang malaking himala na naman at hindi ako inantok sa afternoon
classes ko. Habit ko na hindi makinig eh... pero ngayon, kakaiba feeling.
Si Xander naman, sobrang taas ng energy uli, nag-iingay na naman sa klase.
Pinagalitan pa nga siya nung teacher namin sa PE.
Mabilis namang natapos yung klase. Nitong mga huling araw, parang maganda yung mga pangyayari
hindi ko lang masyadong napapandin. Everything seems to be in place.
Dumaan ako sa locker ko at iniwan ko uli yung gamit ko. May kumalabit pa sa akin sa corridor,
si Xander pala. Seryoso na yung mukha niya, naalala ko na may sasabihin nga pala siya.
Nagmamadali akong maglakad nun. Nakikisiksik ako sa mga tao sa corridor. Kaya lang kakatakbo
ko... may nakabangga ako.
Nahulog yung mga gamit ko at yung gamit niya.
"Sorry.. pasensya na talaga.. nagmamadali lang.. hindi ko sinasadya." nataranta naman akong
pumulot doon sa gamit niya. Naghalo-halo na yata.
"Ok lang Kristen... ako na dito.. kaya ko na.." sa dami naman ng makakabangga, si Bryan pa.
Dyahe talaga.
Bukas kasi yung bag niya nun, at nagkataon namang nagtetext siya kaya hindi rin niya ako
nakita. Tinulungan ko naman siya, dahil kasalanan ko rin naman na kahit papaano.
Nung inaabot ko sa kanya yung ibang gamit niya.. na-shock ako.
Hawak-hawak ko yung bagay na yun. Tinignan ko siya. Busy siya sa pagkuha ng gamit niya. Ako
naman, tinitigan siya.
***50***
Hinila ko naman kaagad yung kamay ko sa pagkakahawak ni Xander. Ang higpit.. masakit na nga eh.
Kaya lang.. hindi ko matanggal yung kamay niya.
"Xander.. yung kamay ko..."
Dire-diretso lang siya. Hindi man lang ako nilingon. Ano ba 'to.. dito pa lang sa nakikita ko,
namumula na...
"OI ANO BA!!!" hindi kasi makinig eh.
Lumingon siya, sobrang seryoso yata nito ngayon. Parang kanina lang...
"Bakit ba?!?" aba.. parang ikaw pa galit ah!
Nakarating kami kaagad sa swing. Doon pala kami pupunta. Malamang lang makarating kami ng
mabilis paano ba naman eh pwede na kaming sumali sa karera ng kotse nito.
"Yung kamay ko pwede? Kung hindi mo lang alam, masakit na po siya kasi ang higpit ng hawak
mo.." bigla siyang tumingin, "At kung hindi mo rin alam, namumula na siya.." ni-release na
niya, nagulat yata.. "Saka... galit ka ba?"
"H-hindi. Hindi ako galit." sabi niya na parang nakonsensya yata sa kamay ko, "Sorry na..."
"Ok.. ayos na yun.. pero masakit talaga.." hinawakan ko yung kamay ko, sa wrist.
"Hihingi ako ng yelo sa cafeteria kung gusto mo.. sandali lang.."
Papaalis na sana siya nun.. kaya lang pinigilan ko. Tumingin siya sa akin.
"Huwag na.. 'di naman kailangan. Mawawala rin 'to.."
"Kasalanan ko talaga.. tatakbo ako, mabilis lang."
"Hindi na talaga kailangan. Let's get to the point. May sasabihin ka? Ok... makikinig ako. Ano
ba yun?."
Umiling naman siya.
"Nah.. mamaya na yun. Makakapaghintay naman. First things first. Ano bang nangyari sa
corridor?" sabi niya na parang 'di ko na naman ma-explain yung mukha.
"Bakit ba kailangan pa pag-usapan pa yun? Obvious naman 'di ba kung ano yung nangyari?"
natigilan ako sa tingin na yun, "Alright..sabi ko nga. Nagmamadali ako.. tumakbo.. then
BAAMMM.. nabangga ko si Bryan. Tinulungan ko siya..."naalala ko naman yung kanina. Hawak ko pa
yung post-it niya. Ano ba naman yan? Si Bryan. Kilala niya ako... yung isa pang ako. Siya lang
talaga... nag-iisang nakakaalam "Hindi naman mahalaga yun.. ano na nga yun uli?"
"Anong hindi mahalaga?" sabi niya sa akin tapos lumapit siya, "Alam ko na yung tungkol doon...
will it hurt kung sasabihin mo sa akin? Sabi ko naman sa 'yo.. kung may problema ka, nandito
lang ako."
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nainis ako.
"Problema? Paano na naman napasok yan??" Xander naman. "Kung wala ka namang sasabihin, uuwi na
ko."
"Hindi ko sinabing wala akong sasabihin. Binibigyan nga kita ng chance magopen-up ngayon eh..
you like him right?"
Tinignan ko siya. Ano ba 'to?
"No I don't."
"Liar." sabi nya na pinag-diinan pa talaga.
"Fine! I don't know. Nalilito nga ako eh.. kaya pwede ba..." nagsisimula na akong ma-badtrip,
"Bakit ba ako yung topic ngayon?! Ang alam ko ikaw yung may business.. hindi ako."
Tumayo lang siya doon, nakatingin sa akin. Awkward silence.
"Ano na?"
"Kilala ko si Bryan. It's no wonder may gusto ka sa kanya. I mean.. may itsura.. may talent.."
Hindi pa niya natapos yung sasabihin niya, pinutol ko na.
"Hindi naman ako ganyan kababaw. He's nice. Siguro higit pa dun..."
"In short, umaamin ka na may gusto ka sa kanya.."
KRISTEN? How can you be so..so.. stupid?
Napatingin ako doon sa maingay sa gilid. Uwian na nga pala kaya nagsisilabasan na yung mga
estudyante ng Edison. Tumigil kami saglit. Nandun na naman si Bryan... akala ko ba nasa library
yun? Nung binalik ko yung tingin ko kay Xander, nakatingin din siya.
"Ang swerte naman niya no?" sabi niya sa akin. "Alam ko mahirap sa situation mo. Pero kung ano
man ang maging desisyon mo.. I'm all for it Kristen."
Pinilit kong ngumiti nun. Tumingin na naman ako sa gilid. Kaya pala nandun siya, hinahanap niya
si Neriah. At yun, lumitaw naman kung saan.
"Thanks alot Xander."
"You're welcome." sa itsura niya, parang kakaiba yung ngiti na yun. "Samahan na kita sumakay,
hindi kita mahahatid ngayon. Pupunta ako sa library, narinig mo naman kanina. Guy stuff..."
Lumakad na kami sa gate. Ang bait nga naman ng tao na 'to.
Naghintay lang kami ng jeep. Nakapag-usap pa kami.. pero pakiramdam ko hindi normal. Saglit
lang din... nagsunud-sunod na yung mga jeep. Pinara namin yung isa.. kaya lang naalala ko.. may
sasabihin nga pala siya...
"Sakay ka na.."
"Teka lang.. ano nga uli yung sasabihin mo?"
"Ha? Yun ba? Ano.. wala naman talagang kwenta.." walang kwenta? eh mukhang seryoso siya kanina.
"Dali na, bago ako sumakay..."
Yung driver naman, asungot.
***51***
Hindi ako makatulog nun gabi na yun. Masyado na naman akong nag-iisip. Dumating si Kuya,
nakakapagtaka nga at hindi pa siya buma-biyahe at hindi pa pumapasok. Ewan ko ba dun.
Maya-maya lang, nasa kwarto ko na siya. Nagulat yata sa itsura ko. Ano bang meron?
"Kristen, anong meron sa 'yo? Hindi ka pa nagbibihis. Wala ka namang balak matulog na ganyan
yang suot mo? Uniform pa yan ah!"
"Magbibihis din ako. Nagmumuni-muni lang ako Kuya.." tumayo ako mula sa pagkakahiga. "Himala
yata at hindi ka pa nagbabiyahe. Wala ka bang pasok? Patay ka sa mga professors mo..." sabi ko
sa kanya.
"Papasok pa ako eh samantalang pare-parehas tayong puyat. Ayokong mag-drive ng inaantok-antok
pa.. baka madisgrasya lang ako." tapos ngumiti siya, "So, kumusta?"
"Tingin mo?"
Tumingin siya sa akin na para bang ini-X-Ray ako. Gumawa pa siya ng box sa kamay niya, umaarte
na naman.
"Ewan ko, 'di ko mawari.." tumawa siya, "Pero pwede ka na sa TV."
Humiga na lang ako uli sa kama ko. Nakatingin na naman sa kawalan.
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ok ba ako o hindi. Pero mas matimbang yung hindi..."
like a spirit."
"Eh yung second one? Does he know you exist as a friend and more than that?"
"Bilang kaibigan.. yeah. Higit sa isang kaibigan.. I'm not sure.." Hindi ko pa napapag-isipan
yun. Xander's well.. I don't know. Unpredictable?
Narinig naman namin na tinatawag si Kuya ni Papa. Hindi ko alamkung para saan, kaya napatigil
kami parehas. Siya naman, lumapit sa akin.
"Sa tingin ko dapat sabihin mo doon sa nauna na ikaw yun.. at hindi yung kaibigan mo. Kapag
wala lang sa kanya at nag-stick siya sa friend mo, then, he's not worth a crap. Kapag nagbago
naman yung isip niya, then... prepare yourself. You're in a very complicated situation."
Papalabas na siya ng pinto nun.
"Thanks Kuya. I'll think about that."
Bago niya sinara yung pinto, nakangiti
"The bottom part of all of it, the other one knows you exist. Sa tingin ko, bilang kaibigan at
higit pa dun. So, why not give him a chance?" tinitigan ko siya, "Good night Kristen." sinara
na niya yung pinto.
And that's my Brother.
Kung hindi ko lang talaga alam... iisipin ko talagang kilala niya yung mga tinutukoy ko...
Tingin ko tama siya. Sasabihin ko nga kay Bryan.
***52***
Naka-set yung alarm clock ko ng four o' clock. Ewan ko ba kung bakit nag-bother pa ako na
gumising ng maaga, eh samantalang dati-rati ayokong inaantok-antok pa ako. Sa kaso ko naman
ngayon, hindi ako inaantok.
Mabilis akong kumilos. Pumasok ako sa banyo at nag-ready na pa-school. Big day Kristen. This is
it. Good luck na lang sa 'yo. Natatakot ako sa reaksyion nila. Both Bryan, and Neriah.
Kumain ako mag-isa. Madilim pa nun sa labas pero nung sumilip ako sa bintana, wala na yung
kotse ni Kuya. Umalis na siguro ng kaninang madaling-araw. Kung ako lang ang papapiliin, mas
gusto kong nandito siya parati. mas masaya kasi.
Dahil maaga akong nagising, maaga rin akong nakarating sa school. Alam kong isa ako sa mga
maagang nakarating sa school. Nung naglakad nga ako sa corridor, ang saya dahil walng tao.
Bukas na yung ilaw sa room namin, pumasok ako dahil hindi naman na sarado yung pinto. I wonder
sinong nagbukas.
Dahil wala akong magawa, naupo lang ako doon sa upuan ko. Wala naman akong homework para
pampalipas oras. Wala rin akong balak na magbasa ng mga kwento sa libro ko sa Filipino. Kung
may homework man ako ngayon, tiyak naman hindi ko rin gagawin dahil wala ako sa mood.
Tumayo ako sa upuan ko, at nag-drawing na lang doon sa white board. Katulad ng iba, hindi ako
gifted sa visual arts. Makapag-drawing lang ako ng stick na tao, ok na ako doon.
Maya-maya lang nung lumiwanag na, nagsimula nang umingay sa school. Nagsidatingan naman na yung
mga classmates ko at nakita nila akong nakatayo at nagda-drawing. Tinanong pa nga nila ako kung
ano daw yun, at nung sinabi kong langgam, mukhang dalawang malaking bundok sa kanila. Hindi ko
talaga matutuloy ang career ko sa pagda-drawing.
Dahil worthless naman yung pag-drawing ko ng mga langgam dahil hindi nila mintindihan, tao na
lang uli yung ginawa ko. Pangit pa rin yung kinalabasan kaya nakitawa na lang din ako sa
kanila. Hindi talaga nila maintindihan yung drawing ko. Tao o insekto.. parehas lang.
Saka ko naman naisip.. bakit hindi pinagsamang insekto at tao???
Nagdrawing ako ng malaking oblong. Nilagyan ko ng parang karayom sa right side at yung
remaining eh nilagyan ko ng stripes. Sa magkabilang gilid, nilagyan ko ng paa at kamay na
kaparehas sa tao. Nilagyan ko ng maliit na dream cloud, na nag-indicate na nag-iisip siya.
Hindi naman words nilagay ko, kundi nag-drawing ako ng brain.
And that's my artwork.
Medyo na-gets nila yung part na insekto, pero naguluhan sila kung bakit may kamay at paa ng
tao. Talagang hindi nila maiintindihan, dahil ako lang may alam niya.
"Kristen!!!" lumingon ako, nandun si Xander sa pintuan.
"Oi.." hinanap ko kung nasaan yung pambura, nasa kabilang board pala. Kailangan ko lang namang
tumakbo para burahin ito at hindi na niya makita.
Dahil mukhang hindi na aabot, tumayo na lang ako doon sa
mapansin.
Hindi na siya nagsalita uli. Mas nakabuti naman yun, dahil ayokong mag-explain sa kanya.
Nung last period namin, sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga nun, baka bigla
na lang akong atakihin. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso.
Hinintay kong umalis muna yung iba naming kaklase, gagawin ko na lang din naman na, yung konti
na lang ang tao. May bench doon sa garden at tahimik doon, kaya sinabi ko kina-Bryan na
hintayin na lang nila ako doon. Pumunta muna ako sa cafeteria at kailangang ko munang uminom.
Baka mag-collapse ako nito.
Habang naglalakad ako at nakatingin sa paa ko, walang tigil kong sinasabi:
"Kaya mo yan Kristen.. kaya mo yan.. kaya mo Kristen.."
Maya-maya lang, may humarang sa dinadaanan ko. Papakaliwa ako, kaliwa rin siya. Pakanan ako,
kanan din siya.
"Excuse me.. kailangan--" pag-angat ko ng ulo ko, si Xander. Sobrang seryoso na naman niya
ngayon. "Pwedeng dumaan?"
"What's up with you?!?" sabi niya na may tonong pagtataas pa ng boses, "Ano bang problema?
Kanina ka pa parang wala sa sarili. Ngayon may kung anu-ano ka pang sinasabi na 'kaya mo
yan..'."
"You don't care.."
"I care. At ano naman itong nahagilap ko na kakausapin mo daw si Neriah at Bryan??? Anong
meron?!"
"It's not you freakin' business!"
Naging mahinahin naman siya. "I wanna' know."
Yumuko ako nun. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Kasi... nagisip-isip na ko.. I.. ah... I'm going to tell Bryan it's me. Kasama si Neriah."
Hindi ko naman inaasahan yung naging reaksiyon niya. Iniisip ko na sasabihin niyang 'Go for it'
katulad kahapon o magsasabi man lang ng 'Good luck.' Pero parehas mali.
"You... WHAT?!?"
"Bakit ka sumisigaw? Gusto kong sabihin.. may problema?"
"Hindi mo pwedeng sabihin Kristen. I won't let you.." hinawakan na naman niya ako. Mahigpit na
nama kaya masakit.
Ano bang problema nito kung sabihin ko?
"Bitawan." tinuro ko siya ng daliri ko sa dibdib niya "Mo." tinulak ko siya. "Ako."
Hindi ko alam kung anong nangyari, pero parang gusto niyang magwala na di ko maintindihan.
"Mr. Maclean!" sabi nung teacher doon sa gilid. "Tara na dito at hindi mo pa natapos yung
report mo."
Lumingon siya, tapos bumalik sa akin.
"Kristen I swear, it's for your own good. Huwag mong itutuloy." tapos bumulong siya pero 'di ko
narinig.
"MR. MACLEAN!!!"
Parang nagdadalawang-isip siyang umalis. Pero mukhang wala na siyang magagawa. Tumalikod na
siya sa akin.
"Hintayin mo ko. Kailangan pagbalik ko nandito ka pa." umalis na siya.
Kahit anom ang sinabi niya, wala akong balak pakinggan dun. Magka-kontra sila ni Kuya ng
opinion. Kay Kuya, sabihin ko raw. Siya naman, huwag daw. Bakit ba ang hirap intindihin ng mga
guys? Si Xander, hindi ko ma-explain yung behavior.
Umalis na ako doon. Hindi ko na itutuloy yung pag-inom ko sa cafeteria. Let's get this over
with. Gagawin ko na lang din, better sooner than later.
Papabalik na ako sa garden kung saan ko iniwan sila Neriah. Malayo-layo pa lang ako, nakikita
ko na silang dalawa, parehas pa silang tawa-tawa. Habang lumalapit ako, lalong bumibigat kadahakbang.
Kristen, may oras pa. Pwede ka bang magback-out.
"Kristen.. buti naman nandito ka na. Tungkol saan ba yung sasabihin mo? Mukhang mahalagangmahalaga eh.." sabi ni Bryan na naging seryoso nung pumasok ako sa gate.
"Oo, mahalaga nga."
"Talaga? O sige, makikinig kami. Tungkol saan ba?"
Paano ko ba sisimulan 'to? Hindi ko napag-isipan kung paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi
sila masyadong magugulat. This is harder than I though it would be.
Silang dalawa eh nakaupo at nakatingin sa akin. Nakatayo ako na yung likod ko eh nasa gate.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan... pero, siguro dapat nung summer." yun na lang naisip
kong paraan. Light lang muna.
"Summer? Ooh. ok."
"H-hindi ba nagka-kilala kayo dahil sa playground?"
Nag-shift naman ng position si Bryan.
kanina.
"Huwag niyo nang intindihin yung sasabihin niya. Hindi yun mahalaga. It's actually my fault..
una na kami.."
Nagsimula na siyang maglakad. Sinuntok ko nga sa likuran dahil pinipilit kong kumawala.
Hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"IBABA MO NA KO...NGAYON NA!"
"Hindi."
"XANDER ANO BA! ANG LAKI-LAKI NG PROBLEMA MO! GUSTO KO NANG BUMABA!"
"Ayoko."
Napipikon na ako. Sobra-sobra na. Napapagod na rin akong sumigaw. Finally, naiiyak na ako.
"Xander naman.."
"Malapit na tayo."
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi na rin ako aware doon sa mga taong nakatingin sa
amin, hindi ko naman sila nakikita. Medyo nahihilo na nga ako. Ikaw ba naman nakabaliktad ng
ganito.
Saglit lang din nung sinabi niyang malapit na kami, binaba na niya ako.
"Playground?" sabi ko sa kanya. "Nang-aasar ka ba?!? Kanina lang sasabihin ko na sa kanila..
tapos dumating ka!! Naiinis na ko sa 'yo! Hindi na kita maintindihan!!!" tumulo na yung luha ko
nun.
"Pwede ba makinig ka muna?" sabi niya sa akin at humawak siya sa kamay ko. "Mali na sabihin mo
sa kanila na ikaw yun..."
"Ayokong makinig sa 'yo.." tinakpan ko yung dalawang tenga ko pero inalis niya.
"Matagal ko nang napag-isipan 'to. Kaya lang siguro wala lang akong lakas ng loob. Alam mo kung
bakit? Kasi nasasaktan ako. Kahapon may sasabihin ako sa 'yo, kaya lang hindi ko tinuloy. Kasi
kumbinsido ka na si Bryan ang gusto mo. Ano namang laban ko doon?"
Tumingin ako sa kanya. This time, eye to eye na hindi ko magawa kanina. Kahit na umiiyak na ako
nun, pinilit ko pa rin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong gusto mong sabihin kay Bryan na ikaw yung kausap niya. Para tapos na lahat. Ayokong
mangyari yun, dapat talaga sinabi ko na ito dati pa.." tumalikod siya tapos sinuntok yung puno.
"Mali lahat... maling-mali."
"Anong mali? Tama lang yung gagawin ko. Alam mo kung gaano kahirap sa akin yun??? Kung alam mo
lang kung gaano ako nalilito. Si Bryan ba o ikaw. Kaya lang sa lumalabas, mas kilala ako ni
Bryan kaysa sa 'yo! I love your company Xander." saan ba papatungo 'to? "Kung sa pagitan niyong
dalawa, nahihirapan na ko.."
"Hindi mo naman kailangang mamili sa aming dalawa... simula't simula pa lang hindi naman na
mangyayari yun."sumuntok siya uli doon sa puno, "I should've told you earlier. Kaya lang, gusto
mo si Bryan kaya useless na rin na magtapat ako. Mahal kita Kristen, pero kung mas gusto mo
siya, hindi kita pipigilan. Handa akong i-explain kung magtatanong ka. Matagal ko na talagang
dapat sinabi sa 'yo to..."
Pinasok niya yung kamay niya sa bulsa. Tapos nilabas niya yung post-it na familiar sa akin.
Hindi ko na napigilan, naiyak na talaga ako.
"I'm the post-it guy..."
***53***
Pakiramdam ko hinding-hindi na talaga ako makakilos nung sinabi niya yun. Kung joke na naman
niya 'to, hindi nakakatawa. Hindi talaga.
"Alam mo kung nagbibiro ka sa akin, stop it right now. I'm not in the mood." sabi ko sa kanya
"Nakita kita na may tinataguan, sina Bryan pala. Nung sinabi mo sa akin yung totoo na ikaw yung
nagsusulat dito, tinawanan kita. Alam mo kung bakit? Kasi ayokong ipakita sa 'yo na ako yun.
"Yun na nga eh, kaya kahit ni-minsan hind ko inisip na ikaw yun. Tapos..." hinawakan ko siya sa
balikat nun, nanginginig na yung tuhod ko. "B-bkit hindi mo sinabi sa akin?!?"
"Hindi ko sinabi sa 'yo, alam mo naman kung paano tayo nagsimula 'di ba? Inisip ko na kung ano
magiging reaksiyon mo, kaya tinago ko. Gusto kitang makilala pa, pero hindi ko alam kung paano
ko mapapalabas yung babae na kausap ko. Dahil madalas pa tayong mag-away, I pretended to be
your boyfriend to pissed you off. Pero habang tumatagal... ginagawa ko na yun hindi para inisin
ka.. kundi para makilala ka.."
"So you did that on purpose?!?"
"Lagi kong binibuild-up na si Bryan yung 'pen-pal' mo, para hindi ka magka-idea na ako yun.
Tinanong mo pa nga ako kung mahilig akong magsulat, I said I hate writing. Sa post-it, sinabi
kong I love writing. Don't you get it? Binabaliktad ko."
"Pero may journal ka... bakit hindi ko ba napansin yun before?!?"
"Nung detention natin at nagdesisyon ka na sabihin kay Bryan na ikaw yun, sumigaw ako nun dahil
ayokong sabihin mo. Kung anu-anong pagkukumbinsi ko para hindi mo ituloy, ano namang magiging
reaksiyon nila Bryan? Hindi nila alam yun. Sa tuwing gusto mong sabihin, pinipigilan kita."
"Kaya pala maraming text si Bryan sa phone ni Neriah.. sumasakit na yung ulo ko.." sinandal ko
na yung ulo ko sa dibdib niya. "Hindi mo sinabi sa akin..."
"Sasabihin ko naman dapat sa 'yo, kaya lang alam ko na si Bryan yung gusto mo. Kaya hindi ko
tinuloy. Tapos nalaman ko na lang, sasabihin mo sa kanya, kaya kanina pinipilit kitang hintayin
mo ko..." sabi niya pero mahinahon na, "Akala mo ba ikaw lang nahihirapan?"
"I can't believe it's you.. ikaw.. yung post-it guy... iisang tao..."
Pakiramdam ko nun dapat nasagot na yung problema ko. Pero ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam
ko.
"Yung band selection, na inamin kong hindi tayo... hindi mo lang alam kung gaano kahirap yun.
Hindi ako natulog. Pero tingin ko tama na rin... kasi ayoko nang magpanggap..." niyakap na niya
ako ng mahigpit. "I want it real Kristen."
Umiiyak na ako nun. Hindi ko na mapigilan. ANg sakit-sakit na ng mata ko. Sa sobrang tagal ko
nang nakakasama si Xander, hindi ko man lang alam na siya pala. Hindi ko man lang alam na
nasasaktan siya tuwing si Bryan yung nabibigyan ng credit sa lahat ng nagawa niya.
Yung pakiramdam ko nun na si Neriah ang nabibigyan ng credit sa ginawa ko para kay Bryan, alam
ko na yung pakiramdam niya. Ang sakit nun sobra. Tapos hindi ko alam sa sarili ko, na ginagawa
ko rin yun sa kanya.
"I'm so.. so.. sorry Kristen. Sana sinabi ko sa 'yo noon pa.." hindi pa rin niya ako
binibitawan. "Mahal kita.. and I want to start again. Gusto ko totoo na.."
Naririnig ko pa rin yung sinasabi niya. Tapos binulong niya...
"I'm willing to earn it.."
***54***
Pagkatapos nung malaking revelation na yun, kung tutuusin dapat ok na kami. Dahil siguro sa
masama na rin yung pakiramdam ko nung araw na iyon sa sobrang daming nangyari, inaway ko pa rin
siya. Abnormal?
Pero alam ko naman kapag binigyan niya muna ako ng space na mag-sink lahat sa utak ko,
pagkatapos nun ok na siguro kami. Umuwi ako nun mag-isa, siya.. nakatayo lang doon.
Ilang araw din akong nalilito sa kanila. Siya ba o yung post-it guy. Tapos ngayon mukha lang
pala akong ewan para pumili..
siya ba o siya?
Hindi na ako tinanong ni Mama kung bakit ganun yung itsura ko. Namumulang mata, lukot na
uniform, tahimik... halatang may nangyari nga 'di ba? Pero kapag ganun, binibigyan ako ni Mama
ng privacy. Kung feel ko mag-share, willing naman siyang makinig.
Nung nakapagpalit na ako ng Pj's at nag-stay sa kwarto ko, saka ko lang napagdiskitahan yung
phone ko. Hindi na kasi ako kakain. Wala akong gana ngayon eh.
11 messages received
Binasa ko naman isa-isa.
Bryan: >kristen my prob b?<
Bryan2: >kz ang weird nyo n lee knina<
Neriah: >nu ba nngya2re? ang gulo niyong lhat.<
SaviorKo: >Kristen, inde po ako mkkuwi this week, sori ha.< Kuya, sorry for what?
Xander: >sorry na kristen<
Xander2: >ingat po prate. swit drims.<
Neriah^again^: >oi baket di k ngrereply?<
pinakafavorite ko sa lahat.. na galing sa classmate ko.
Gina: >kristen, pahiram ng notes sa calculus..<
Totally carefree. Sa lahat, siya lang ang nireplyan ko.
Pagkatapos nun dahil pagod na pagod na ako, natulog na rin ako.
***
Humarap na naman ako sa salamin kagigising ko pa lang nun. Ok naman yung mata ko. Dahil maaga
pa naman, bumaba na ako. Kumain akong mag-isa. Para nga akong mulala kasi nakatingin ako sa
kawalan.
Naligo naman na ako at nag-ready. Umupo ako uli doon sa dining table. Inaantok pa talaga ako.
Ayun.. pinikit ko yung mata ko then.. knock-out na uli ako.
"Kristen.. tumayo ka na diyan at 6:30 na. Baka ma-late ka sa school.."
Nag-slide naman yung kamay ko doon sa gilid ng table. Napatingin ako doon sa wall clock namin.
Ano daw? 6:30 na! Waaaa. 7:00 klase ko.
Umakyat uli ako doon sa hagdan namin. Kinuha ko lang yung bag ko at huling tingin sa salamin.
Wala nang sinabi si Mama sa akin, si Papa ganun din. Si Angelo, wala na. Nakaalis na yata. Pero
ganun pa man, ang lungkot naman.
Mabilis din naman akong nakarating sa school.
Kinilabutan ako.
Nung nasa room na ako at katatayo ko pa lang sa pinto, nakatingin sila sa akin. Dahil mukhang
ewan na ako doon na nakatayo, nag-good morning na lang ako.
Absent si Xander. Hindi ba naman dumating. Na-realized ko kung gaano kalungkot.
Nag-breaktime kami. Wala man lang kumausap sa akin. Hello? May malaki na naman ba akong
kasalanan? Si Neriah iniiwas yung tingin sa akin, tapos bye lang ang narinig ko sa kanya.
"Ano bang meron? Bakit.. bakit parang walang kumakausap sa akin ngayon.."
"Ewan ko.." tapos umalis na.
Nung nagklase kami ng hapon, nalungkot ako. Tuwing makikitabi ako kahit kanino, siguro mga five
minutes lang may excuse na sila para hndi ako makatabi. Kesyo hindi raw nila makita yung board,
mainit daw, maaraw.. mga ganun.
I have never felt so isolated before...
Uwian ng hapon. Wala akong kasabay kumain. Nagulat na lang ako nung tumakbo si Lyka sa harapan
ko, at tinulak yung isang balikat ko. Ang lakas nga eh..
"Ikaw, kung ayaw mo kay Lee, sabihin mo lang.. hindi yung pinahihirapan mo pa siya.." tapos
naging mahinahon siya,"Sorry ha.. nahihirapan kasi ako para sa kanya.."
Pagkatapos nun.. umalis na siya.
Ano naman ang ibig sabihin niya doon?
"Ei... ano?"
Well, dahil ganun yung itsura ko, pinagpalit naman nila ako. Mabuti na lang may dala si Mama na
damit. Nandun si Kuya..
Nandun mga classmates namin...
Tumingin ako kay Xander... tapos...
niyakap ko siya.
How weird?
Everything went well... nagulat lang ako nung hinila ako ni Xander sa parents niya.
"Formality na rin siguro. Kristen..." tapos humarap siya sa kausap namin...
"I want you to meet my parents..."
***55***
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Na-meet ko naman na sila parehas. Pero hello? Ok lang
naman ako sa Daddy niya. Pero sa Mommy niya... I don't think so. To think na yung huling
pagkikita pa namin eh yung anniversary nila na sinasabihan niya akong layuan ko si Xander.
Lumuwag naman yung pakiramdam ko nung sinabi nung Daddy niya na..
"Happy Birthday Kristen!" tapos nag-kiss siya sa pisngi ko.
"Thank you po.." sabi ko naman.
"And, this is my Mom, my grandmother in fact.." nasa harap ko yung Mommy niya, "Mom, Kristen.
Kilala mo naman na siya.."
Tinignan ko si Xander. Hindi ko alam kung ano na ang expression ng mukha ko. Nakatayo ako doon,
hindi malaman kung ako ba dapat ang unang magsalita sa Mommy niya. Nakangiti lang si Xander na
akala mong walang nangyari nung nakaraan.
Nagulat na lang ako nung yumakap yung Mommy niya sa akin. Akala ko ba nung nakaraan eh ako lang
yung typical girl na maituturing pero ngayon parang close na close na kami several years ago.
How thick can you get?
"Pwede bang iwan niyo muna kami para naman makapag-usap?" sabi niya kina-Xander.
"Sure. Tara Dad, kuha muna tayo ng inumin." inakbayan naman ni Xander yung Daddy niya ng walang
kahirap-hirap dahil mas matangkad naman siya.
Ngayon naman, dalawa na lang kami dito. Pakiramdam ko habang tumatagal yung silence lalong
sumisikip yung paghinga ko.
Oxygen!!!
Pinauna niya akong maglakad. Gusto niya yata sa labas kami eh. Oh God, help me.
Bumibigat na yung bawat paghakbang ko. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko. Kung tutuusin,
grabe na yung kaba ko eh para bang aatakihin ako. Natatakot yata ako sa Mommy niya eh.
Finally, hindi ko na ko na kaya. Binasag ko na yung katahimikan.
"Nice of you to come here..." ngumiti ako pero hindi masyado. Pinilit ko naman talaga ang
totoong ngiti, pero kapag kinakabahan ka talaga ang hirap pala.
Huminto na siya, ako rin huminto na.
"Ang ganda mo naman pala talaga..." sabi niya sa akin kaya parang yung tibok ng puso ko, hindi
na sa takot kundi sa tuwa,"Hindi mo na kailangang matakot sa akin. Kung hindi pa nasasabi sa
iyo ni Xander, nag-usap na kami."
"Ooh.." Kristen ano ba? Wala ka na bang masabing maganda?
"Oo. Everything's fine." humarap siya sa akin at hinawakan yung dalawang balikat ko, "Gusto ko
lang ng lady-to-lady talk. Or mas appropriate kung mother to daughter talk."
"Pasensya na po kayo sa akin ha, kasi... kasi... hindi ko po alam yung sasabihin. Alam niyo na
po, first time ko na ganito eh.."
"I know... I know.." sabi niya sa akin, "You remind me of someone special. Kaya lang.. hindi ko
man lang nasabi sa kanya na special siya sa akin. Napangunahan din ako ng... pride." sabi niya
ng sobrang hinahon na pagsasalita. "All these years, napakaover protective ko kay Xander.
Natatakot ako na baka kapag nagmahal siya, iiwan niya na kami. I know, it's wrong. Pero narealize ko na rin yun. Matagal na rin, pero ngayon ko lang hinaharap." umupo na kami sa gilid.
"Ginawa ko rin sa Daddy niya yun, Lyxander ang name ng anak ko kaya sinunod namin yung pangalan
ni Lee Xander. Nakilala niya si Amanda nung high school sila. Madalas silang mag-away, at least
alam ko kapag naririnig kong mag-usap sila sa phone. But ultimately, they went on the same
college. Kung hindi ko lang alam, sinundan niya si Amanda..." tumingin siya sa akin."I did
everything I can to separate them, pero si Lyxander... ginawa rin lahat para hindi mangyari.
Hindi ko sila nakita for more than a year, bumalik 5 months old na si Xander. Nakikipag-ayos na
sila sa amin nun, pero syempre, nahihirapan akong tanggapin sa sarili ko na mas pinili nga anak
ko si Amanda. Yun na yung huling araw na nakita ko silang dalawa. Si Xander, dinala sa amin
nung mga taga-DSWD at kami na yung legal guardian. Umiyak ako nung unang beses ko siyang
nakita, para bang bumalik ako ng time at hawak ko uli yung anak ko. Maliban sa mata, at kulay
ng buhok..."
"I.. I don't know what to say. Ang alam ko lang, hindi naman po nawala yung pagmamahal ng anak
niyo sa inyo. The same level.. different degree." nalulungkot ako para sa kanya.. all these
years..
"Kaya nga, nagulat na lang ako nung ginagawa ko uli yun sa apo ko. I can't afford to repeat my
mistakes again. Kinausap ko siya nung dumating siya sa bahay, worried pa nga ako dahil hindi
siya umuwi. Nung bumalik siya, nagkukulong siya sa kwarto niya at ayaw lumabas. Naayos na namin
lahat. And I'm telling you now, I'm 100% on Xander's back, you're not just one typical girl..."
Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Niyakap ko siya. Ewan ko rin kung bakit, there's more from
her to expect.
"Pasok na po tayo?" sabi ko kasi pinupunasan niya yung luha niya.
Pero alam kong hindi yun luha dahil malungkot siya.. tingin ko dahil masaya siya.
"Tingin ko rin. As I was saying a while ago, you really are pretty.." sabi niya sa akin, "Hindi
talaga mahirap na hangaan yung talen ni Xander sa Art.." may nilabas siya doon sa bulsa niya,
"At, ito nga pala yung regalo namin ng Daddy niya. Siguro nga ako na dapat magbigay sa 'yo
nito."
Napatingin naman ako sa kanya.. parang... never mind.
"Salamat po. But.. but.. you really don't have--" wala na nilabas na niya yung necklace at
binigay sa akin.
"I just thought you ought to know, that special someone you remind me of.. is Amanda. Siguro
nga it runs in the blood... pero siguro parehas lang ng taste yung anak ko at apo ko..."
nakangiti na siya.
Nandun pa lang kami sa pinto sa bahay nila, nakatayo doon si Xander at may hawak na inumin.
Nakatingin siya sa amin at tinaas niya yung kilay niya habang nakangiti.
"So... how did it go?"
"Never been better.."
Humarap siya sa Mom niya. At yumakap ng mahigpit.
"Thanks Mom!" ayaw na niya yatang pakawalan.
Tumawa ng tumawa naman yung Mommy niya.
"Ok tama na. Dapat siguro ipakita mo na yung gusto mong ipakita sa kanya. Muntik ko pang masabi
sa kanya.."
Humiwalay na rin siya doon sa Mommy niya. Todo ngiti talaga.
"Oo nga." humawak siya sa kamay ko, "Mom, you don't mind??"
"No. Go ahead.."
Hinila na niya ako nun. Yng iba busy sa mga bagay-bagay... at hindi na kami masyadong napansin.
Umakyat kami doon sa hagdan papunta doon sa mga kwarto nila.
***56***
Actually, tama siya. Sa sarili kong language, yung punch na yun means 'yes'. Hindi ko rin alam
kung bakit sinuntok ko siya, yun kasi pakiramdam ko nung mga oras na yun. Ang hirap kasing
kanila.
Nung Christmas Day naman, huwag niyo nang itanong. Dahil magcecelebrate kami ng christmas sa
kanya-kanya naming pamilya, magkausap lang kami sa phone. Tumawag siya before twelve... kaya
magkausap kami nung eksaktong 12.
'Merry Christmas Kristen...'
'Happy Christmas!' sabi ko naman.
"Dali na, talon ka na ng 100 para tumangkad ka.'
'Tangek, Bagong Taon yun hindi Pasko...'
'Bagong taon pala yun?!? Akala ko Mahal na Araw.. oh well..'
Can you believe this guy?
The same thing happened nung New Year. Kaibahan lang, nasa park kami at nanood ng fireworks
display. Pumayag si Mama na magsama na muna kami mag-ikot, pero huwag lang daw lalayo. Kasama
rin niya parents niya nun.
Nakahiga kami sa damo.. at kung anu-ano tinuturo sa langit.
'Tingin mo, sa ibang solar system maliban sa Milky Way, may nakatira kaya?'
'Aba malay ko, siguro. Bakit hindi ka mag-scientist para malaman mo?'
'Hindi na. Ilang Light years para malaman yung sagot dun. Mamiss mo pa ko...'
Pare-parehas kaming puyat nung sumunod na araw. Umuwi si Kuya nun at ang masaya lang din,
natulog siya sa kwarto ko. Ang kulit nga eh, tumabi siya sa kama ko.
Back to school din kami. Normal.. new year spirit. Masaya pa rin tulad ng dati... pero ang mga
tao eh kakaiba kasi tiyak meron at merong nagplano tungkol sa kanilang new year's resolution.
Dumating yung exams hindi rin nagtagal. Medyo hectic yung schedule sa pag-aaral, pero nakaraos
din naman at naipasa ko yung bawat isa. Akala ko bababa na yung tension sa school... hindi
pala. At alam niyo kung bakit?
JS PROM.
Hindi ako sumali sa kung ano mang cotillion na yan kahit na niyayaya nila ako. Tiyak kasi, may
write-up tungkol dito kaya hindi na ako makakahanap ng time para doon sa bagay na yun. Aattend
ako hindi dahil gusto kong sumayaw, kundi dahil sa school paper staffer ako. Ang ikinaganda
lang naman ng Prom, kanan at kaliwa lang ang hakbang mo. Hindi kailangang magaling sumayaw. Hay
naku.. kung hindi siguro ganun, nalaman na siguro ng Edison High na parehas kaliwa ang paa ko.
1 Day before nung Prom, tinanong ako ni Neriah kung ano raw yung kulay namin ni Xander at tiyak
daw match yung dress ko sa tux niya.
'Hello... hindi ko siya Prom Date..'
'Lukaret.. ako pa niloko mo..' sabi niya sa akin at umalis na rin.
I'm telling the truth here!!! Hindi siya nagyaya. Bukas na yung Prom.
Ewan ko ba sa sarili ko, nasa school pa ako nun at siguro naghihintay na baka makita siya. Wala
nga nun eh. Umuwi na lang ako sa bahay matapos kong kausapin yung teacher sa guidance.
Nahiga ako sa kama ko. Mukhang ewan na naman. Ano kayang nangyari dun? Busy siguro... o baka
naman may niyaya na...
Sobrang tahimik ng kwarto ko, kaya nagulat na lang ako nung tumunog yung phone ko sunud-sunod.
As in... sunud-sunod na text.
Nakatitig lang ako doon, hindi ko muna binuksan. May sira ba ito o ano? Bakit hindi tumitigil?
Finally.. huminto. Na-shock ako. 22 messages received.
Nung binuksan ko kung kanino galing... sa mga classmates ko pala. At isa lang yung gustong
iparating nung text nila.
>pwde k rw b magng Prom Date ni Lee?
>kinulit me n xander, txt dw kita kng my prtner k n s prom
>'can u be my prom date' > pinapa-ask po ni xander
hindi ko na iisahin.. naggawa ako ng new text kay Xander. Hinanap ko yung number niya. Gumawa
ako ng reply na wala na namang kwenta...
Sender: Kristen
+63918*******
*punch*
***57***
JS Prom. It's no big deal sa opinion ko. Oh yeah right... one of the most unforgettable
experiences in high school life. Pero yung pagsuot ng gowns, dancing, disco balls, make-up and
hair-do's ay hindi parte ng bagay-bagay ko. Nung 3rd year ako at wala pa ako sa Edison High,
school paper staffer na rin ako. At kung anong dinahilan ko sa mga gustong sumayaw sa akin???
'Busy ako, nagsusulat ng article...' Wala ngang kwenta, enjoy the night nga daw 'di ba??? Haay
ewan. Iba lang talaga yung tingin ko sa ibang mga bagay sa mundo.
Pero ngayon, iba yata ang opinion ko. For the first time, hinihintay ko.
Natulog ako ng maaga, kailangan kasi ng magandang beauty sleep para hindi mukhang haggard
bukas. Anong isusuot ko? Actually, yung red of-shoulder gown na kinulit sa akin ni Mama January
pa lang. Hindi ko alam kung anong itsura nun pag sinuot ko, pero sana lang ok.
Pagkagising ko nung umaga, parang sobrang busy ng bahay namin. Si Angelo busy sa pagpindot ng
playstation niya. Si Daddy, busy sa pagbasa ng newspaper, si Kuya naglilinis ng kotse niya
(which is a weird view), at si Mama na mukhang nagluluto. Ako na lang yata ang tanghali na
medyo magising.
"Anong meron at parang busy kayo lahat?" sabi ko sa kanila kasi wala man lang lumingon sa akin
nung nasa hagdan ako.
"Kristen, ni-ready ko na yung gagamitin mo. Nagluluto na ako ng pagkain para mamaya
matutulungan kita. Dadalhin kita sa salon, at kukulangin tayo ng oras..." hindi pa rin
nakatingin si Mama sa akin.
"Salon??? Ma??? Kailan ako nag-salon?"
"Yun na nga, hindi ka nagsa-salon. Kahit ngayon man lang na JS Prom niyo, magtodo-ready ka
naman. Susunduin ka nga pala ni Lee mamayang 6."
Napaisip naman ako doon sa sinabi niya.. wala naman akong binanggit..
"Paano--?"
"Huwag ka nang magtanong. Nandito siya kaninang umaga, kaya lang sabi ko tulog ka pa.
Papagising sana kita kay Angelo, kaya lang sabi niya huwag ka na daw istorbohin. Umalis na rin
siya. Tinanong niya lang kung anong kulay ng suot mo, para yun din yung kulay ng tie niya..."
Ni-roll ko naman yung mata ko, to think na red yung gown ko.
"Well.. red.. blood red."
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na rin. Hapon na yata nung umalis kami ni Mama ng bahay,
at syempre, hinatid kami ni Kuya sa salon. Nagpaalam na aalis daw siya, at hindi raw niya
kayang i-take na maghintay daw sa salon ng mga babae. Ewan ko kung san nagpunta, babalikan na
lang daw niya kami.
After that... the operation begins...
Let's start with the hair.
Yung ginawa sa akin, Classic French Twist. Simple lang, pero ok na rin. Sa make-up, katulad ng
dati.. light lang. Ayoko ng masyadong maraming ilalagay sa mukha, mangati pa ko niyan ng deoras. Ang tagal ngang inabot eh, may mga kung anu-anong ginawa. Kakainip na nakaupo.. pero
worth it naman.
Hinihintay na lang namin si Kuya nun at tinext na ni Mama at tapos na kami. Nakatalikod ako
doon sa pinto. Tapos may nagsalita..
"Miss, pwede po padaan?" sabi niya with matching swing pa ng mga susi niya sa daliri. Nung
humarap ako, nanlaki yung mata sa akin. "Whoa! sissy! Ikaw ba yan? Nagmukha ka yatang tao.."
"Kuya!"
"Promise, hindi ko napansin kaagad na ikaw pala yun.." tapos umakbay sa akin nung lumabas na
kami sa salon, nakangiti pa nga, "Patay talaga sa akin si Lee kapag pinaiyak ka niya.."
Kuya ko ba 'to?
Umuwi na kami ng bahay. Pagkadating ko doon, nagsuot na ako ng gown. Nakaharap pa ako sa TV ng
kawarto ko habang umiinom ng tubig. Maya-maya lang.. may narinig na akong nagbukas ng pinto.
"Kristen, nandito na si Lee.." si Papa.
Ok.. ito na. Bumaba ka na.. sus! Hindi ako mapakali. Tingin sa salamin.. ayos naman...
Kristen.. kailangan mong bumaba.
Fine.. let's get this over with.
***
"Bakit hindi ka nagsasalita? Kanina ka pa tahimik.." sabi ko kasi ang awkward talaga masyado.
"Ikaw rin naman hindi ka nagsasalita.."
"Nagsalita na nga ako eh, tinanong kita. Unusual kasi na tahimik ka, hindi bagay."
Tumingin lang siya sa akin, tapos ngumiti.
"Nahihiya lang ako sa 'yo.. yun lang."
Mabuti na lang talaga wala akong iniinom ngayon. Dahil kung hindi, naku, baka naibuga ko na sa
mukha niya. Siya mahihiya? Sa akin?
"Bakit?"
Parang 'di siya mapakali nun, tapos humarap sa akin.
"Come to think of it, you're so pretty.. and I'm.. well, I'm.." tapos tumingin siya doon sa
bubong nung kotse na para bang nag-iisip.. "I know I'm Xander. Hindi ba? Correct me if I'm
wrong.."
Huminto na kami doon sa tapat ng school. AAAAAAHHHHH! Will someone get me outta' here!!!
Bumaba naman si Xander. Binukas niya yung pinto para makababa ako. Syempre, may alalay chuva
pang nangyari. Gentleman effect pa, eh nung unang-una naman na nakilala ko yung Daddy niya,
sinara niya yung pinto para ako daw magbukas sa sarili ko.
Tumayo ako nun sa harapan niya at nakatalikod ako kaya hindi ko siya nakikita maliban sa gate
ng school. Huminga ako ng malalim.
Tapos narinig ko siya...
"Kristen!" lumingon naman ako. Alam ko na lang, na-blind na ako sa flash ng camera. Stolen
shot!!!
Ang sakit ng mata ko.
"Stolen?"
"Hindi, tinawag kita eh.."
"Stolen pa rin.." sabi ko naman.
"Tara nga dito.." pinalapit niya ako kung san siya nakatayo, tapos umakbay sa akin. Hindi naman
camera yung hawak niya ngayon, cellphone niya. Tinalikod niya at dinikit niya yung mukha niya
sa mukha ko. Then... 'click'. Tinignan niya. "Cool. Hindi na yun stolen."
Nilabas ko naman yung cellphone ko, sa purse ko. Another idea of my mom... purse.
"Ito naman.." gusto ko lang magkaroon ng picture sa phone.
"San mo ba ko gustong mag-pose? Dito ba?!?"
"Xander!!!"
May dumaan naman na ibang mga taga-Edison. Mga Junior yata. Tinawag naman niya.
"Pssst! Midget!" lumingon yung Junior, "Pwede mo kaming kunan ng pic?"
Midget?
Tumayo naman yung babae sa harapan namin tapos kinuhanan kami ng picture. Nag-thank you lang
kami, umalis na rin.
Kaya pala gusto niyang may kumuha sa amin, para buo.
Pumasok na kami sa school. Ang daming tumatawag kay Xander, panay ang kaway niya. Meron din
siguro sa akin, hindi ko lang siguro masyadong napakinggan kasi ang ingay eh.
Pumunta kami sa field. Doon kasi ginanap yung Prom. Super.. duper raming tao. May mga
malalaking speakers, chairs and tables, kung anu-anong design.. at syempre, band instruments.
Prayer.. welcome message galing sa principal, batian ng mga magkakakilala, at pakikipagdaldalan
ang dala ng prom. Ang saya pala.
Katabi ko nun si Xander, kaya lang paalis-alis kasi sila yung bandang tutugtog. Tinanong niya
ako kung ok lang daw ba na mawawala-wala siya, syempre, understood na yun.
Sinimulan na yung cotillion, purple and orange ang drama ng gowns nila. Pero ok naman. Kasali
nga si Neriah doon eh, sa purple siya natapat.
Nung natapos siya, grabe, mukhang pagod na pagod. Ikaw ba naman magpaikot-ikot, mag-waltz at
sumayaw ng sumayaw sa harap ng maraming tao ng naka high-heels. Buti na lang talaga hindi ako
kasali.
Tumabi uli si Xander sa tabi ko. Kakagulat nga eh.
"Nakita mo yung Bulletin doon sa harapan?"
"Heck no. Hindi pa nga ako umaalis sa side dito eh. Bakit?"
"Parehas tayong nominated for Prom Prince and Princess. Yung picture na nakalagay? Nung papasok
tayo sa gate. May camera pala dun.."
"Hayaan mo na sila. Tiyak naman hindi naman tayo makukuha. Sa dami ba naman ng tao.."
"Are you kidding me?" tapos tumawa siya ng malakas, "Hindi na nga ako makadaan ng maayos sa
stage para mag-test ng mic, kailangan ko pa dumaan doon sa mga babae na kung anu-anong tili
yung ginawa. Nabibingi na nga ako eh... They kept telling me, 'Oh Xander, ang cute niyo naman
ni Kristen'.. " natawa nga ako eh, ang galing manggaya ng boses.
Nagsimula naman na yung disco music. Yung ibang band na sumali sa band selection ng Edison ang
tumugtog. Mamaya pa yata ang wwwdotcom. nakita ko na rin si Bryan, finally, hindi kasama si
Neriah. Hinanap nga sa amin eh, kaya lang hindi namin alam kung saan napadpad si Neriah.
Naglakad kami ni Xander doon sa gilid. Yung iba sumasayaw pa rin ng disco. Parehas naming ayaw
ng disco, kasi hindi masyadong match sa outfit, kaya umikot na lang kami.
"Hi Kristen, ang ganda mo naman. Bagay kayo ni Lee." if I know, baka sakalin mo na ko.
"Thanks."
Humirit naman si Xander.
"Syempre bagay kami, mahal ko yan."
Tumingin ako sa kanya. Nataranta yata.
"I.. I mean, honey ko yan."
Humarap na ako sa kanya at nakapamewang na ko.
"Ahh.. baby?"
Tinaas ko yung kilay ko.
"Asawa ko?!?"
"XANDER!!!" tumawa na yung mga babae doon sa gilid.
"Ok.. ok.. bagay kami... for no reason at all.." umalis na kami sa harapan nung mga babae.
Ngumiti siya at tumingin sa likuran para bumulong doon sa mga babae, "Prinsesa ko!"
Umikot kami doon sa building ng Arts. Maingay pa rin at medyo dinig yung tugtog hanggang dito.
Umupo kami doon sa hagdan.
Dahil parehas kaming nandun, nagkwento siya tungkol sa 3rd year prom niya. Wala nga akong alam
doon eh. Yung ka-date pala niya dati, niyaya niya ng last minute at napilitan lang daw siya
kasi sa banda, siya na lang ang walang niyaya.
Ako naman, walang maikwento. Nagsulat lang ako ng nagsulat last year.
May narinig naman kami:
'Wala pa yung vocalist ng wwwdotcom. I believe Mr. Maclean..' sabi nung nagsasalita sa mic kung
sino man yun.
Nagtinginan kami sa isa't isa ni Xander ng mabilis.
"Uh-oh. Kami na pala tutugtog! Tara na.." hinila niya ako.
Grabe, sa sobrang pagmamadali niya, mystery na sa akin kung bakit hindi ako natapilok. Ang
sakit ng paa ko, hila-hila niya yung kamay ko kaya muntik-muntikan na akong madapa.
Nung dumating kami sa field at hingal na hingal, yung iba tumingin sa amin. Tinuro yung stage.
"Ok, balik ka na sa side natin kanina. Aakyat na ko doon.."
Bumalik ako doon sa gilid. ANg bilis niyang tumakbo kaya nakita ko si Bryan na ngumiti at nagsign na simulan na nilang tumugtog. Sweet dance na yata ngayon. Unang tinutog nila eh 'Rainbow'
ng South Border. Syempre, nagtayuan na yung iba. Mga yayaan na ng mga guys para isayaw yung mga
gals. Ako naman dahil masakit pa yung paa ko, tumanggi muna ako sumayaw. Tinanggal ko nga yung
sandals ko para ma-relax yung paa ko.
"kristen hindi ka sasayaw? Hindi pa kita nakitang sumayaw ah. Wala ka naman sigurong balak
maupo lang buong gabi.."
"Mamaya na.. masakit pa paa ko." umalis na siya at nakisayaw doon sa classmate namin.
Hands-free mic yung gamit ni Xander sa pagkanta. Kaya nga, nakakakilos siya ng maganda para sa
performance.
Sumunod na tugtog, oh well.. I think I know this one... instrumental pa lang naman...
kakantahin niya 'to???
Dahil nakayuko ako nun sa at nakatingin sa paa ko, hindi ko napansin yung nasa stage. Nasaan na
yung kumakanta doon? Nandun pa sila Bryan, pero wala yung vocalist. Nasaan na yung tao na yun?
"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul"
Naririnig ko yung boses niya, pero nasaan siya? Yung mga sumasayaw din, nagtataka kung san
siya, pero diretso lang sila sa pagsayaw.
"I know that you are something special
To you I'd be always faithful"
Nilagay ko na yung sandals ko. Hindi na namumula yung paa ko.
"I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me"
May kumalabit sa likod ko. Nakangiti siya tapos naka-offer yung kamay niya habang kumakanta.
Dahil nasa likuran kami, konti lang nakapansin nandunpala si Xander. Kumakanta siya dirediretso, kaya pala wala siya sa stage dahil papunta siya dito sa likod para isayaw ako.
Ain't that something?
Syempre, tumayo naman ako. Hindi na kailangang mag-inarte pa. Nilagay niya yung isang kamay ko
sa sa balikat niya, nakatingin siya sa akin.. pero hindi naman siya makapagsalita dahil nga
kumakanta pa rin siya.
"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
Papasakay na ako sa kotse, kumpleto na yung mga transcript at pera. Sumakay ako sa harapan at
tinignan ako ni Kuya.
"Kuya, pwede bang dumaan tayo sa playground? Yung nasa tapat ng Edison Elementary."
"Bakit?"
"May.. may gagawin lang ako."
"Ok, pero hindi tayo magtatagal ha, baka abutin tayo ng traffic."
Tumango na lang ako. 5 minutes lang yata, nasa tapat na kami ng playground. Sa kotse pa lang,
sinulat ko na 'to.
Xander,
Take care of yourself. Thanks for everything. Well.. see you soon. I can't say anything else..
but.. I love you so much.
Kristen.
Bumalik na ako sa kotse. Naluluha na ako nun. Napansin din ni Kuya, kaya tinapik lang ako sa
balikat. Hindi niyo lang alam yung feeling.. it seems like I'm walking away...
Away from him.
Pumasok na ako ng buong-buo. Pagalitan man ako ng prof, ok na kasi walang tao.
"Ano po kasi... naligaw ako sa school... bago lang kasi ako."
May nag-step doon sa pintuan malapit sa dulo. Stunned ako, hindi na ako makakilos doon sa
kinatatayuan ko.
"Huwag mong sabihin sa akin na naliligaw ka. Sa dinami-dami ng lugar sa dito pa?"
I know that dialogue. Yan din yung sinabi niya sa akin nung first day ko sa Edison High. What
the hell is he doing here?
"Anong--?"
"Nabanggit ko ba kung saang college ako mag-aaral?"
"Err.. no. Akala ko, Edison College."
"Kristen, tingin mo naman hahayaan kong mag-aral ka sa ibang lugar ng hindi ako kasama? Uh-ah,
not my style.."
"Paano yung scholarship mo??"
"It's valid kung san ko man gustong mag-aral. My Dad's a government employee.. I can go
wherever I want to.."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakakainis ka na naman!!!"
Sumandal ako doon sa white board. Lumapit siya sa akin.
"Sinabi ko sa Kuya mo na huwag munang banggitin, kasi hindi naman ako sigurado nung simula. I
felt mad as hell nung nakita ko yung message mo sa playground. Kaya.. sumunod na ko. And I've
been planning to do all these things all along..."
"Plan what?!?"
"First of all, ako at yung Kuya mo eh nagsha-share ng apartment. Pati rent. He's not on the
guy's dorm your thinking... magkasama kami."
"What?!?" sabi ko sa kanya, "Bakit ako hindi?"
"Babae ka.. lalaki kami. Unless... gusto mong tagaluto at tagalaba namin??"
"I think I'll stay at the dorm."
Lumapit siya sa akin.. at yumakap.
"Second.. ayokong malayo ka sa akin...."
"I love you too Kristen.."
Dumating yung concert night. Nauna na ako sa apartment nila at kumatok doon para sunduin si
Xander. Pagkabukas niya nun, bihis na bihis na rin siya. May hawak na gift at isang rose.
'I'm so sorry Kristen. Kung ano man yung special day na tinutukoy mo.. I really have no clue.
Iniisip ko na nung tuesday pa, hindi naman natin monthsary. Kaya sinabihan ko kuya mo na
itanong.. sorry. Gift ko nga pala.. Happy... something.'
Hindi siya mapakali nun. Talagang hindi niya alam. Inisip niya na may okasyon. Tumawa nga ako
ng tumawa sa kanya.
Nilabas ko yung dalawang ticket na binili ko dati pa. Tapos sinabi niyang...
"Ooh... concert. Right." natatawa pa rin ako sa kanya. "Well, may okasyon man o wala.. para sa
'yo nga pala Kristen. Ako pa nagbalot niyan!!"
Pinagmalaki pa niya yung pag-wrap niya.. kaya pala hindi masyadong pantay-pantay. Pero ok na
rin.
Si Neriah at Bryan.. sila na. Pero sa pagkakaalam ko, hindi sila magkasama sa iisang college.
Peor balak yata ni Bryan na lumipat ng school for the next semester para magkasama sila.
Si Angelo, may crush na sa school. Nung tinawagan ko kasi sila Mama, panay daw ang pagpapabili
ng gel at pabango.
Parents ko at parents ni Xander? Ayun.. alive-alive members. Magkakasama sila sa church parati.
May savior??? He's.. courting someone. Hindi ko pa siya nakikilala. Sabi niya, ako daw ang
maging judge kung itutuloy ko... hmmmm...
As for Xander and me??? Well... nothing beats us. In my opinion...
Ngayong araw na ito... I'm really happy. Sa sobrang dami na ng pinagdaan namin... whether
hilarious.. serious or sweet.. I love him alot. Hundred personalities.. that makes him unique.
He'll always be.. what you call it??? Hundred in one. Right.
"Ito na po yung coke niyo mahal, honey, baby o asawa ko... wala naman tayong tawagan eh.. so
lahat na lang nag maisip ko."
"Thanks.. beebrain."
Tumingin siya sa akin ng nangungulit.
"Beebrain---Y. Nalimutan ko." uminom ako ng coke ko.
"I was just wondering yesterday.. ever considered showing everyone who you really are??? I
mean.. yung girl sa playground.."
Tumingin ako sa kanya, ngumiti. Uminom lang ako saglit tapos nag-lean sa table.
Kiniss ko siya sa pisngi niya tapos tumingin ako sa kanya, an inch away.
"Nah..."
Simple as that.