Professional Documents
Culture Documents
E)
Pagsapit ng 200 BC, isa na lamang ang kalaban ng Roma sa
Mediterranean: ang Carthage na nasa hilagang Aprika. Ito ay
dating kolonya ng mga Phoenician at naging kabisera ng
isang malaking imperyong pangkalakalan na umaabot mula
Espanya hanggang Sicily. Mula 264 hangang 241 BC,
nagkaroon ng maraming digmaan sa pagitan ng Roma at
Carthage upang makuha ang karapatan sa Sicily. Ang unang
tatlong digmaan ay kinilala bilang Digmaang Punic. Ang ibig
sabihin ng Punic ay Phoenician. Ang Carthage ay itinatag
bilang sentro ng kalakalan ng Phoenician. Simple ang naging
dahilan ng kanilang alitan: natakot ang Carthage na makuha
ng Roma ang Sicily. Ang Roma naman ay natakot na baka
harangan ng Carthage ang kalakalan sa pagitan ng Italya at
Sicily. Sinimulan ng Roma ang Unang Digmaang Punic nang
may mas pinalakas na hukbong sandatahan, ngunit may
mahusay sa digmaang pandagat ang mga Carthaginian.
Kayat ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali
silang gumawa ng mga barkong halos katulad ng mga
barkong pandigma ng Carthage. Gamit ang mga barkong ito,
ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila sa Carthage.
Ngunit tumagal ito ng halos 20 taon bago tuluyang
napabagsak ng Roma ang Carthage at nasakop ang isla ng
Sicily. Nagbayad ng indemnity o bayad pinsala ang mga
Romano.
Ang Ikalawang Digmaang Punic (218-202 B.C.E)
Bumagsak nga ang Carthage ngunit hindi ito tuluyang
nanahimik. Sa halip, ito ay nagpalawak pa ng kapangyarihan
sa Espanya sa pamumuno ni Heneral Hamilcar Barca.
Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng mahusay na pinunong
Carthaginian ang Espanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa
pinakamahusay na heneral ng hukbong Espanya sa kanyang
kapanahunan. Noong 218 BC nilusob ni Hannibal ang Roma
kasama ang sandatahang lakas na binubuo ng 4,000 sundalo
at 50 elepante. Tinahak nila ang daan sa hilagang silangan
ng Espanya at timog na bahagi ng Pransya at tinawid ang
mayelong kabundukan ng Alps, kung saan maraming sundalo