You are on page 1of 12

BULKAN

Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito
mula sa kailaliman ngdaigdig. Ang halimbawa nito ay ang Bulkang Mayon.

KAPATAGAN
Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.
Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay katulad ng mga bukid.

Bundok
Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas
kaysa sa burol. Ang halimbawa nito ay ang Bundok Arayat.

Burol
Higit na mas mababa kaysa bundok. Ang halimbawa nito ay ang tanyag na chocolate
hills.

LAMBAK
Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng
gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Ang halimbawa nito ay ang
pinakamalawak na lambak sa bansa ang Lambak ng Cagayan.

TALAMPAS
patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman tulad ng mga Rice
Terraces sa Banaue.

PULO
Mga lupain na nappalibutan ng tubig at marami sa Pilipinas ang mga lupaing
ganito. Ang mga halimbawa nito ay ang pulo ng batanes, pulo ng Palawan,
pulo ng Boracay at marami pang iba.

Bulubundukin
Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod tulad ng
Sierra Madre na pinapalibutan ang Lambak ng Cagayan at ito ang
pinakamhabang bulubundukin sa Pilipinas.

Karagatan
Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang
tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko,
Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang
Southern.)

Dagat
Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Ilog
Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa
maliit na sapa o itaas ngbundok o burol. Halimbawa nito ang Ilog ng Cagayan ang
pinakamahabang ilog sa Pilipinas

GOLPO
Bahagi ito ng dagat na napapalibutan ng lupa. Ang halimbawa nito any ang golpo ng
Lingayen kung saan matatagpuan ang tanyag na Hundred Islands.

LAWA
Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Ang halimbawa nito ay ang Lawa ng Taal.

LOOK
Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyangpandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
Ang halimbawa nito ay ang look ng Maynila.

BUKAL
Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

KIPOT
Makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng
dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago
nito. Ang halimbawa nito ay ang kipot ng San Juanico Bridge.

TALON
Matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa. Ang halimbawa nito ay ang Talon ng Maria
Cristina

BATIS
Ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

SAPA
Anyong tubig na dumadaloy.

MGA
ANYONG
LUPA

MGA
ANYONG
TUBIG

You might also like