Professional Documents
Culture Documents
l
n
a
s
a
a
s
g
t P susur i
a
P
ag
ng A ang Banyaga
kd
g
n
i
g
a
h
a
Bilang b angan
l
i
a
g
n
a
g
g
n
pan
n
a
k
i
it
n
a
P
:
0
11
a
T
I
s
L
n
a
a
B
s
a
n
d
a
l
n
u
u
mga Um
Roselle M. Templonuevo
Mag-aaral
r
a
t
n
a
C
e
n
le
r
a
h
C
a
i
r
Dr. Ma
Guro
Ang opisyal na
pangalan ng bansa
ay Estados Unidos
Mexicanos
n g Ba
Matatagpuan ang
bansa sa Ring of Fire
Unti-unting lumulubog...
an g
s
n
Mexic
Dito
matatagpuan
ang tinatawag
na volcano
rabbit
Ang mga
batangng
Mexicano
ay hindi nakatatanggap ng
regalo sa araw
ng pasko.
Ang
kultura ng
Wika
Karamihan ay gumagamit ng Spanish. Ayon sa Central
Intelligence Agencys World Factbook, 92.7 porsyento
g populasyon ang nagsasalita nito. Umaabot naman sa
anim na porsyento ang gumagamit ng mga wikang
Mayan, Nahuatl at iba wpang panrehiyong wika.
Pananamit
Sa mga lalawigan, ang tipikal na damit
ng kababaihan ay saya o skirts, huipils,
quechqumitls at rebozos.
Sa kalalakihan naman ay ang sarape, bota
at sombrero.
Sining
Pagkain
Mga Pag-uugali
Malaki ang kanilang pagpapahalaga sa hirarkiya at pamilya. Malaki ang bilang ng mga pamilya na
nakatira sa iisang bahay sapagkat mahalaga sa kanila ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak.
Mahilig sila sa handaan na ginaganap
mismo sa kanilang bahay at mahalagang maging komportable ang mga bisita. Mataas ang paggalang sa mga nakatatanda lalo na sa mga magulang.
Selebrasyon
Relihiyon
Literatura ng Mexico
Ang literatura ng mexico ang pinaka-mabunga at impluwensyal sa wikang Spanish. Dahil sa kakulangan sa kagamitan, pasalita
ang naging unang paraan ng kanilang pagpapalaganap ng mga sariling kwento at mitolohiya.
Nang masakop ng mga Europeo, nagkaroon ng
magkahalong literature ng Espanya at Mexico na
tinatawag na mestizaje
Ika-19 na sivglo
Katulan ng literatura sa Pilipinas, ang madulang
kasaysayan at pagbabago ng pamunuan ay nagkaroon ng papel sa pagbabago ng mga Mexikanong manunulat. Ang orihinal na literature ay
galing sa MesoAmerica ngunit nang dumating
ang mga Espanyol hindi nila natiis na magsulat
ng mas lokal na pananaw ng kultura sa Mexico.
Ika-20 na siglo
Nabuo ang mga kilusang panliteratura, ang Estridentistas at Los Contemporaneos. Sila ay ang mga
grupo ng mga indibidwal na naglalayon para sa
modernisasyon ng literatura at kultura ng bansa.
Maraming manunulat sa bansa ang nagkaroon ng
mahalagang papel sa kasaysayan nito, ang kanilang mga naisulat ay nakapag-ambag sa pagkakakilanlan ng bansa. Ilan sa kanila ay sina Alfonso
Reyes Ochoa, Angeles Mastretta, Carlos Fuentes, Elena Garro at si Gregorio Lpez y Fuentes.
Gregorio Lpez y
Fuentes
Si Gregorio Lpez y
Fuentes ay isa sa mga
nobelistang
nakapagsulat ng mahahalagang
bahagi ng ksayasayan
sa Mexico. Ipinanganak siya noong ika 17
ng Nobyembre, 1985
at namatay noong ika-10 ng Disyembre, 1966.
Sa kanyang kabataan, lumipas halos ang
kanyang oras sa tindahan ng kanyang
ama at dito siya nagkaroon ng interaksyon sa mga Indian, magsasaka, at mga
manggagawa na nagbunsod sa kanyang
malalim na kabatiran tungkol sa kanila.
Una siyang nagtagumpay sa akdang Campamento(1931) sinundan ng iba pang akdang
nagpapakita ng rebolusyon sa bansa, kasali
ang Tierra(1932), isang nobela tungkol sa Mexicanong rebolsyunaryo; iMi General! (1934),
tungkol naman sa buhay ng mga heneral pagkatapos ng rebolusyon; El Indio (1935), ang
kathang isip na pag-aaral sa buhay ng Mexicanong kaatutubo. Naiparangalan siya ng National Prize of Arts and Sciences noong 1935.
A Letter to God
Gregorio Lopez y Fuentes
Translated by Donald A. Yates
The house the only one in the entire valley sat on the
crest of a low hill. From this height one could se the river
and, next to the corral, the field of ripe corn dotted with the
kidney bean flowers that always promised a good harvest.
The only thing the earth needed was a rainfall, or at least a
shower. Throughout the morning Lencho who knew his
fields intimately had done nothing else but scan the sky
toward the northeast.
Now were really going to get some water, woman.
The woman, who was preparing supper, replied: Yes, God
willing.
The oldest boys were working in the field, while the smaller
ones were playing near the house, until the woman called to
them all: Come for dinner
It was during the meal that, just as Lencho had predicted, big
drips of rain began to fall. In the northeast huge mountains
of clouds could be seen approaching. The air was fresh and
sweet.
The man went out to look for something in the corral for no
other reason than to allow himself the pleasure of feeling the
rain on his body, and when he returned he exclaimed: those
arent raindrops falling from the sky, theyre new coins. The
big drops are ten-centavo pieces and the little ones are fives
With a satisfied expression he regarded the field of ripe corn
with its kidney bean flowers, draped in a curtain of rain. But
suddenly a strong wind began to fall. These truly did resemble new silver coins. The boys, exposing themselves to the
May nag-iisang bahay na nakatayo sa tutok ng isang lambak. Sa paanang ito ay matatanaw ang ilog at sa katabi ng
kural ay ang hinog na mais at may bulaklak ng patani na
nangangako ng magandang ani. Ang tanging kailangan
na lamang ng mundo ay patak ng ulan o kahit man lang
ay panandaliang buhos nito. Sa buong umaga, si Lencho
-na kilalang kilala ang kanyang taniman- ay walang ibang
ginawa kundi ang pagmasdan ang langit patungong
hilagang-silangan.
Siguradong uulan ngayon
Ang babae, na naghahanda ng hapunan, ay sumagot:
Oo, sa kagustuhan ng Maykapal
Ang mga nakatatandang anak na lalaki ay nagtatrabaho
sa taniman, samantalang ang mga nakababata naman ay
naglalaro malapit sa bahay nang tawagin sila ng babae:
Tara at maghapunan na tayo...
Silay naghahapunan, kagaya ng hula ni Lencho, nang
pumatak ang malakas na ulan. Sa dakong hilagang-silangan, malalaking gabunwdok na ulap ang matatanaw.
Maaliwalas at matamis ang simoy ng hangin.
Lumabas ang lalaki hindi upang maghanap ng kung ano
man, kundi ay hayaan ang sariling lasapin ang mga patak ng ulan at sa kanyang pagbalik ay napabulalas siya:
Hindi iyon mga patak ng ulan na galing sa langit, silay
bagong pilak. Ang malalakiy sampung sentimo at ang
maliliit ay limang sentimo...
Mapapansin ang kaluguran ng kanyang mukha habang
iniisp niyang nababasa ng ulan ang kanyang pananim na
mais. Ngunit biglang malalakas na ulan ang pumatak.
Tunay ngang kawangis nito ang mga bagong pilak. Ang
mga batay lumabas sa ulan at kinolekta ang mga yelong
perlas.
Tunay ngang masama na ito, bulalas ng lalaki, siyay
napahiya. Sana matapos lamang ito agad.
Subalit hindi natapos agad. Sa loob ng isang oras, pumatak ang maliliit na yelo ng ulan sa bahay, hardin, sa
gilid ng burol, sa taniman ng mais at sa buong lambak.
Ang taniman ay kulay puti na parang natatakpan ng asin.
Walang dahon ang nanatili sa mga puno. Lubos na nasira
ang mga mais. Nalagas ang bulaklak ng patani. Napuno
ng kalungkutan ang kaluluwa ni Lencho. Nang matapos
na ang unos, tumayo siya sa gitna ng kanyang taniman at
sinabi sa kanyang mga anak na lalaki: Ang salot na mga
baling ay magtitira pa, hindi kagaya nito... ang unos ay
walang tinira: sa taong itoy wala tayong mais o patani.
Ang gabing iyon ay puno ng kalungkutan: Ang lahat ng
ginawa nating trabaho ay napunta sa wala!
Wala nang makatutulong saatin!
Sa gitna ng mga miyembro ng pamilya sa nag-iisang bahay sa lambak na iyon ay may natatanging pag-asa: tulong mula sa Diyos.
Huwag kang mabahala, kahit na mukhang wala ng natira. Alalahanin mong walang namamatay sa gutom!
Yun nga ang sabi nila: walang namamatay sa gutom...
Sa buong gabing magdamag, iisa lamang ang pag-asang
naisip ni Lencho: Ang tulong ng Maykapal, na ang mga
matay, ang turo sa kanya, nakikita ang lahat kahit na ang
kailaliman ng budhi nito.
Si Lencho ay mistulang isang baka, nagtatrabaho kagaya
ng isang hayop sa taniman, ngunit natuto pa rin siyang
magsulat. Sa dumating na araw ng linggo, sa pagbubukang-liwayway, matapos mapilit ang sarili na tunay
ngang may tagapagligtas ay sinimulan niyang magsulat
na siya mismo ang magdadala sa bayan at ihulog sa buson. Ito ay walang iba kundi ang sulat para sa Maykapal.
Maykapal, and sinulat niya, Kapag hindi mo ako tinulungan ay magugutom ang aking pamilya sa taong ito.
Kailangan ko ng isandaang libong piso upang magpunla
muli sa aking taniman at upang mabuhay hanggang sa
umusbong ang aking mga pananim, sapagkat ang unos...
Sinulat niya Para sa Maykapal sa sobre, pinasok sa loob
at nag-aalala pa ring tumungo sa bayan. Sa tanggapan ng
koreo, nilagyan niya ng tarang at hinulog sa buson.
Isa sa mga nagtatrabaho roon, isang kartero na tumutulong sa opisyal ng koreo, ay pumunta sa kanyang amo,
tawang-tawa at ipinakita ang sulat. Hindi kailanman sa
kanyang trabaho ay may nalaman siyang ganoong tirahan. Ang postmaster matabang mabait ay malakas
na humalakhak ngunit mabilis ding naging seryoso at
habang tinatapik ang nakasobreng sulat sa kanyang mesa
ay nagsabing: Anong pananampalataya! Sanay mayroon ako ng pananampalataya kagaya ng nagsulat nito.
Paniniwala kagaya ng kanyang tiwala. Ang buong pusong umasa na alam niyang kung paano umasa. Sa pagsisimulanng makipagsulatan sa Maykapal!
Upang hindi talugimpan ang himala ng paniniwala, na
ipinakita ng isang sulat na hindi maaaring maihatid,
nakaisip ng paraan ang postmaster: Sagutin ang sulat.
Ngunit ng buksan niya ito ay naging malinaw na upang
masagot ang sulat ay nangangailangan ito hindi lamang
ng magandang kalooban, dinsol o papel. Datapwat hindi
nagbago ang kanyang plano: humingi siya ng pera galing
sa mga nagtatrabaho sa kanya, siya mismo ay nagbahagi rin at ang iba pa niyang mga kaibigan ay pinaambag
para sa kawanggawa.
Naging hindi matagumpay para sa kanya na makatipon
ng isandaang hinihingi ni Lencho, kung kayay sobra lamang ng kaunti sa kalahati ang naipadala sa magsasaka.
Inilagay niya ang pera sa isang sobre para kay Lencho
kasama ang sulat na naglalaman lamang ng lagdang:
MAYKAPAL
Nang sumunod na araw ng linggo, mas maagang pumunta si Lencho, hindi katulad ng dati, upang magtanong kung may sulat para sa kanya. Ang kartero mismo ang nagbigay ng sulat, samantalang ang postmaster
naman ay nagmamasid, na may sapat na pagkalugod sa
mabuting nagawa, sa pinto ng kanyang opisina.
Nagulat si Lencho nang makita ang pera lubos ang
kanyang tiwala- ngunit nagalit siya nang mabilang niya
ang pera. Hindi maaring nagkamali ang Maykapal o
kayay tanggihan ang ka-hilingan ni Lencho! Agad-agad
siyang humingi ng papel at dinsol.
Nagsimula siyang magsulat
nang naka kunot
ang kilay bunga ng
pahiwatig niya sa
kanyang nararamdaman. Pagkatapos
ay bumili agad siya ng
pantatak, dinilaan
niya at dinikit sa sobre
ng may diin.
Sa pagkalaglag mismo ng sulat sa buson,
kinuhat
binuksan ito ng postmaster.
Ang sabi ay:
Maykapal:
Sa
p e r a
pong
hiningi ko, pitumpo
lamang
ang nakarating. Ipadala
niyo ho ang natitira
sapagkat kailangang
kailangan ko talaga.
Ngunit huwag
niyo pong ipadala sa
pamamagitan ng sulat sapagkat ang mga
nagtatrabaho sa
opisina ay
mandaraya.
Lencho
Pagsusuri sa akda
Lencho
Si Lencho ay puno ng tiwala at pag-asa. Taglay niya ang
pagiging isang huwarang ama at ang pagkakaroon ng dalisay na damdamin.
Postmaster
Tema ng Kwento
Naipakita sa kwento ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng tiwala at pag-asa. Ang tiwala na hinidi tayo pababayaan ng Maylikha sa anumang suliraning darating. Kapag tayo ay naniwala, may darating na biyaya. Sa kuwentong ito, ang biyaya ay hindi nanggaling direkta mismo sa
kamay ng Maylikha sapagkat ay ginamit niya ang kabutihang kalooban ng postmaster na nagpakita ng malasakit
sa magsasaka. Ipinapakita nito na ang biyaya ay ating
nakukuha sa mga bagay na nasa paligid lamang natin.
Laging iisiping ang magandang bagay na nangyayari sa
bawat araw ay isang biyaya galing sa Maylikha na alam
halaga ng bawat isa saatin. Naririyan lagi ang pag-asa,
hindi sumuko si Lencho sa suliranin, maiintindihang ganoon ang kanyang nagawang solusyon sapagkat ay hindi
siya nakapagtapos ng pag-aaral. Para sa kanya, ay iyon
ang mabisa at huling paraan upang mairaos ang nangangambang pagkagutom ng kaniyang pamilya.
Realisasyon sa Kuwento