You are on page 1of 2

Buwan ng Wika

List of Activities and their Criteria


Poster and Slogan Contest
1. Ang mga kalahok ay mag-aral ng Baluan National High School mula sa
ikapito hanggang ikalabing-isang baitang. Isang kalahok ang maaaring
sumali sa bawat klase.
2. Binibigyan ng isa at kalahating oras ag bawat kalahok na matapos ang
kanyang poster o slogan.
3. Isumite sa tagapangulo ang natapos na poster o slogan.
4. Ang pasya ng hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
5. Ang mga magwawaging una hanggang ikatlong gantimpala ay
tatanggap ng premyo.
6. Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:
Kaangkupan sa tema
25%
Kalinisan at kaayusan
15%
Pagkamalikhain
35%
Kabuuang presentasyon 25%
100%
Isahang Awit
1. Ang mga kalahok ay mag-aral ng Baluan National High School mula sa
ikapito hanggang ikalabing-isang baitang. Isang kalahok ang maaaring
sumali sa bawat kurikulum.
2. Ang mga kalahok ay gagamit ng sariling prodyus na minus one.
Ibibigay ito sa namamahala bago mag-umpisa ang patimpalak.
3. Ang pasya ng hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
4. Ang mga magwawaging una hanggang ikatlong gantimpala ay
tatanggap ng premyo.
5. Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:
Diksyon
15%
Voice projection
30%
Interpretasyon at ekspresyon 25%
Pagtatanghal
20%
Kabuuang impak
10%
100%

Tagisan ng mga Banda


1. Ang mga kalahok ay mag-aral ng Baluan National High School mula sa
ikapito hanggang ikalabing-isang baitang. Isang grupo ang maaaring
sumali sa bawat kurikulum. Ang bawat grupo ay binubuo ng 5-10
miyembro.
2. Ang bawat banda ay magdadala ng kani-kanilang instrumento.
3. Isang orihinal na pilipinong musika ang aawitin ng banda. Bibigyan ng
5-7 minuto na maitanghal ang awit, kasali na ang paghahanda at pag-alis
sa entablado.
4. Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:
Musicality
Song choice
Stage presence
Audience impact

35%
25%
30%
10%
100%
Pista sa Nayon

1. Ang mga kalahok ay mag-aral ng Baluan National High School mula sa


ikapito hanggang ikalabing-isang baitang.
2. Isang pista ang pipiliin ng bawat kurikulum na ihanda.
3. Ang bawat kurikulum ay magtatayo ng booth kung saan nailalarawan
ang selebrasyon ng napiling pista.
4. Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:
Kaangkupan ng booth sa napiling pista
30%
Pagkaing inihanda
20%
Fiesta spirit
20%
Exhibit
20%
Kabuuang impak
10%
100%

You might also like