You are on page 1of 4

Mambugan National High School

Lungsod ng Antipolo
Taong Panuruan 2016-2017
Banghay Aralin sa Filipino VIII
I.

Mga Layunin
Sa loob ng 40 minutong aralin sa Filipino VIII, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Natutukoy ang kawastuhan o kamalian sa pagkakagamit ng bantas.
2. Nagagamit ang kahusayan sa gramatika sa pagsulat ng sagot.

II.

Paksang Aralin
PANITIKAN:

Pelikula (Anak sa direksyon ni Rory


Quintos)

GRAMATIKA/RETORIKA:

Tamang Gamit ng mga Bantas

SANGGUNIAN:

Pinagyamang Pluma 8
A.Julian et.al pp. 439-442

III.

KAGAMITAN:

biswal/powerpoint

MAILALAAN NA ORAS:

40 minuto

Pamamaraan (40 minuto)


A. PAGHAHANDA (10 minuto)
a.1 Panalangin
a.2 Pagbati
a.3 Balik-aral
Rebyu sa tamang gamit ng bantas.
B. PAGSASANAY (30 minuto)
Gawain 1 (15 minuto)

Isulat sa patlang kung tama o mali ang mga bantas sa bawat bilang.
____ 1. Mahal kong Josie - (bating panimula sa liham)
____ 2. Aileem Baisa-Julian (ang pangalan ng nanay)
____ 3. Ika-27 ng Mayo, 1973 (petsa ng kaarawan)
____ 4. Mateo 25;21 (Bersikulo sa Biblia)
____ 5. maka:Diyos
____ 6. araw-arawin
____ 7. isda, karne, manok at gulay
____ 8. trabaho't negosyo
____ 9. ika, 7 ng umaga
____ 10. mag!usap
Gawain 2 (15 minuto)
Sundin ang panuto sa bawat bilang. Isaalang-alang ang tamang bantas,
baybay at pagkakaugnay ng mga pangungusap sa iyong susulating sagot.
1. Isulat kung kailan at anong oras ka ipinanganak.
2. Bumuo ng pangungusap hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
(Kung kailan nagsisimula at natatapos ang pagdiriwang na ito ng mga
Pilipino)
3. Sumipi ng isang pahayag mula sa kilalang personalidad o hinahangaang
taong magagamit mong gabay sa iyong buhay.
4. Bumo ng pangungusap hinggil sa mga katangiang nakatala sa ibaba
upang mahalin ka ng iyong kapwa.
mapagpatawad
mapagbigay
mapagkumbaba
5. Lapian ang salitang ibig upang maipahayag ang iyong nararamdaman
para sa iyong kapwa partikular sa iyong kapwa Pilipino.

Ituturo sa 8-Burgos at 8-Gomburza

Inihanda ni:

Bb. Marinel H. Villanera


BSED Filipino
Iniwasto ni:
Gng. Ria Roxan S. Dela Soledad
Gurong Tagapagsanay
Enero 16, 2017

You might also like