You are on page 1of 3

Ang Kalupi

ni Benjamin P. Pascual
(Maikling Kwento ng Katutubong Kulay)

I. Pagkilala sa May-Akda
Si Benjamin Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.
Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling
kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang
ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam.
Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang
antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong
Legal ng GUMIL, Metro Manila. Mula sa kanyang panulat ang maikling
kuwentong Ang Mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog.

II. Uri ng Panitikan


Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay
nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may
isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang
kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o
pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o
impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito
ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang
damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang
isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga
pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.

III. Layunin ng May-Akda


Ang layunin ng Akda ay upang imulat ang mga mata ng mga
mambabasa sa mga maaring kalabasan o kahantungan ng panghuhusga ng
kapwa.

IV. Tema o Paksa ng Akda


"Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang
busilak na kalooban."

V. Mga Tauhan o Karakter sa Akda


Aling Marta - pumunta sa palengke para mamili ng sangkap sa
lulutuing sangkap dahil yun ang araw ng pagtatapos ng
kanyang anak
- pinag-bintangan niya ang bata
- siya ang dahilan ng pagkamatay nito

Bata - batang anak


- mahirap
- naka-bangga kay AlingMarta
- Ang pinag-bintangan ni Aling Marta sa palengke

VI. Tagpuan o Panahon


Bahay - tinitirhan ni Aling Marta
Palengke - doon niya nakabangga ang bata
Pulisya -doon sila iniwan ng pulis para mag-usap
Maaliwalas ang panahon nung namamalengke si Aling Marta

VII. Nilalaman/Balangkas ng mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda


Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang
mga pagkapit ng mga pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang
wakas. Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. And akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa
buhay.

VIII. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda


Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon,
pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng
mga mambabasa.

IX. Konklusyon
X. Buod ng Akda
Isang maaliwalas na umaga nang naghahanda si Aling Marta para sa
kanyang pamamalengke.
Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapaghanda
ng masarap na putahe para sa tanghalian. Nasa palengke na si Aling Marta.
Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang iniisip ang mga bibilhing
sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan ng manok kaya
pumasok siya sa loob. "Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni
Aling Marta "Pasensya na po." Sabi ng bata. Ang bata ay nakapantalon ng
maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot
ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw
ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata
ay anak-mahirap. "Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-
ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay
ka ng tao." Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin
siya ng mantika. Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala
na ito sa kanyang bulsa. "Bakit ho?" anito. "E ... e, nawawala ho ang aking
pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta. "Ku, e, magkano ho naman ang
laman?" ang tanong ng babae. "Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi
ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang
sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung bakit ang di pa ma'y
nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob
upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso." Nanatili siya sa pagkakatayo
nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang
gusgusing batang kanyang nakabangga. Hinanap niya ito at nakita malapit
sa tindahan ng kangkong. "Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal.
"Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" Tiyakin ang
kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng
isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong
sumagot: "Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang
pitaka sa ninyo." "Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga
ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako,
ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito
sa palengke." Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila.
Nagtanong ang pulis ng kaunting impormasyon tungkol sa bata. "Kung maari
ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay
na ito. Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan
muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang
bata. Sinaktan niya ito. "Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita
sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang
harurot ng isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng
bata. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang
Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito. Namutla
si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda
ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya.
Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang
pera. Nangutang siya sa tindahan. Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng
kanyang asawa at anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng
anak" "Saan pa, e di sa pitaka." "Ngunit naiwan niyo ho ang inyong
pitaka." Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata
na kanyang pinagbintangan. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong
makikita sa akin.

You might also like