You are on page 1of 77

Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa maka-agham na pamamaraan ng
pagnanarseri

II. Paksa : Pagsunod sa Maka-Agham na Pamamaraan ng Pagnanarseri

Sanggunian : BEC PELC, 2.1, p. 36


Agap at Sikap, p. 84

Kagamitan : tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Paano nalilinang ang mga likas na yaman/halaman sa bansa?

2. Pagganyak
Ano ang narseri?
Anu-ano ang nakikita ninyo sa narseri natin? Anu-ano ang naidudulot
nito sa pamumuhay natin?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbabasa ng mga maka-agham na pamamaraan sa pagnanarseri na
nakasulat sa tsart.
Maka-agham na Pamamaraan sa Pagnanarseri.
a. Paghahanda ng lupa na pabinhian
1. Pagbubuhos ng kumukulong tubig sa dinurog na lupa.
2. Pamamaraang pag-iinit
3. Pagsunog sa ibabaw ng punlaan
4. Paggamit ng kemikal
b. Paglalagay ng lupa sa punlaan
c. Mga kagamitan at kasangkapang kailangan sa paghahanda sa lupa
sa binhian.
d. Pag-iipon, pagkilala, pagsubok at pangangalaga ng mga buto at iba
pang kagamitan.
e. Pagpupunla ng binhi o buto.
f. Pagtatanim ng pinutol na sanga ng halaman.

2. Pagtatalakay
a. Saan dapat ilagay ang binhian?
b. Anu-ano ang mga paraan sa paglalagay ng lupa sa punlaan?
c. Ibigay ang mga kagamitan at kasangkapang kailangan sa paghahanda
ng lupa sa binhian.
d. Kung hindi susundin ang maka-agham na pamamaraan sa
pagnanarseri, ano ang maaaring mangyayari?

C. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pagsunod sa maka-agham na pamamaraan sa
pagnanarseri?

D. Paglalapat
Bakit kailangang kumukulong tubig ang ibuhos sa lupa?

93
Bakit hindi maaari ang malamig o maligamgam na tubig?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at ekis (X) kung hindi.

____ 1. Mahalaga ang pagsunod sa maka-agham na paraan ng pagpapatubo ng


halaman upang maging matagumpay sa pagnanarseri.

____ 2. Kapag may narseri sa likod-bahay ay nagkakaroon ng mga punlang


handang itanim sa kamang taniman sa lahat ng panahon.

_____ 3. Ang kabutihang naidudulot ng pagnanarseri ay ang pagpapabuti ng


mga uri ng punungkahoy.

____ 4. Sa pamamagitan ng ibat ibang pamamaraan ng pagpapatubo ng


halaman ay napabababa ang uri ng bunga ng ibat ibang klase ng
punongkahoy.

____ 5. Ang mga punla ng halamang - gulay at punungkahoy ay maaaring


ipagbili at pagkakakitaan kung may sapat na kaalaman sa pamamahala
ng munting narseri.

V. TAKDANG ARALIN
Isulat ang mga gawain sa pagpaparami ng mga tanim at punungkahoy.

94
I. LAYUNIN
Nakapagpaplano ng isang narseri upang makatipid sa espasyo

II. Paksa : Pagpaplano ng Narseri

Sanggunian : BEC PELC 2.3, p. 36


Agap at Sikap, p. 85

Kagamitan : tsart

II. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang kabutihang naidudulot ng pagnanarseri?
Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagnanarseri?

2. Pagganyak
Maaari bang makagawa ng isang punlaan kahit maliit ang espasyo?
Paano?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pag-usapan ang mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng isang
narseri na nakasulat sa tsart.
a. Ang lupa at lugar na pagtataniman.
b. Silungan ng pinag-aalagaan ng palaganaping halaman (laki,
kinatatayuan at lugar)
c. Ang mga lalagyan ng pinaraming halaman.
d. Sa isang binhian na mabuti ang pagkakaplano at pagkakatayo, ang
mga halaman ay pinagbubukod-bukod ayon sa laki o iba pang
praktikal na pagpapangkat.
e. Pagtatayo ng isang gagamiting silungan.
f. Uri ng punla

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagplano ng isang narseri?
b. Anong uri ng lupa ang pinakamahusay para sa isang lugar ng binhian?
c. Anu-ano ang karaniwang ginagamit na lalagyan ng pinaraming
halaman?
d. Ano ang karaniwang sukat ng isang narseri?

C. Paglalahat
Paano makapagpaplano ng isang narseri?

D. Paglalapat
Gumawa ng plano ng narseri na gawin sa ating paaralan ayon sa:
a. Uri ng lugar
b. Uri ng lupa
c. Sukat ng narseri
d. Lalagyan ng pinaparaming halaman

95
IV. PAGTATAYA
Basahing mabuti ang mga sumusunod na kalagayan at piliin ang mga titik ng
wastong sagot.
1. Gumawa si Mang Tomas ng isang pook binhian. Ayaw niya itong mapasok ng
ibat ibang hayop na nakakasira ng mga punla. Ano ang dapat niyang gawin?
a. paglalagay ng maayos na daan
b. paglalagay ng mga kanal sa daan
c. paglalagay ng mataas na bubong
d. paglalagay ng maayos at mataas-taas na bakod.

2. Pumili ang guro ng paaralan ng pagtatayuan ng pook binhian. Upang ang mga
punla ay maging malusog at maging berde ang kulay ng mga dahon. Alin sa mga
dapat niyang isaalang-alang sa pagtatayo ng isang pook binhian o narseri?
a. sagana sa sikat ng araw ang lugar.
b. sagana sa malakas na hangin ang lugar.
c. malilim ang lugar upang hindi malanta ang tanim.
d. sagana ang lugar sa ulan upang laging sariwa ang mga punla.

3. Gusto mong gumawa ng pook binhian. Ayaw mong mapagod sa pagsalok ng tubig
na pandilig ng mga punla. Saan mo dapat itayo ang pook?
a. malayo sa ilog
b. malapit sa bayan
c. malapit sa bumbero
d. malapit sa pinagmumulan ng tubig

4. Iniisip ni Mang Tomas kung paano niya maisasapamilihan ang mga punla na hindi
siya mahihirapan. Alin sa mga salik ang dapat niyang isaalang-alang?
a. malayo sa daan
b. sementong daan
c. lubak-lubak ang daan
d. pagkakaroon ng maayos na daan

5. Pipili ng lugar si Mang Imong ng isang pook na binhian upang ang halaman ay
tumubo. Alin sa mga ito ang dapat niyang piliin>
a. mataba ang lupa
b. mabato ang lupa
c. matigas ang lupa
d. maputik ang lupa

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ng ibat ibang uri ng mga halaman.

96
I. LAYUNIN
Nakagagamit ng angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng narseri

II. Paksa : Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Paggawa ng Narseri

Sanggunian : BEC PELC 2.4, p. 37


Agap at Sikap, p. 85-86

Kagamitan : pala dulos tulos at pisi


kalaykay gulok martilyo at pako
asarol lagari karatilya
Japanese hoe pandilig palang tinidor

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Bakit kailangang magplano ng isang narseri?

2. Pagganyak
Ano ang dapat gawin bago pasimulan ang pagpapatubo ng mga punla?
(Mahalagang linisin at ayusin ang mga lugar na paglalagyan ng
narseri)
Ano ang makakatulong sa iyo sa paggawa nito?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Isa sa mga salik sa pagnanarseri ang angkop na kasangkapan at
kagamitan.
Madali at maginhawa ang paghahanda ng narseri kung angkop ang
mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa nito. Ang mga ito ay pala,
kalaykay, tulos, asarol, gulok, martilyo at pako, lagari, tulos at pisi,
karatilya, palang tinidor at pandilig.
Mga Bahagi ng Narseri:
1. Kamang paglalagyan ng mga binhi o seedbed. Ilagay sa
pinakamadilim ang mga bahaging ito. Ang karaniwang sukat nito
ay isang metrong lapad at limang metro ang haba.
2. Kamang paglilipatan o transplant bed. Mas malaki at
magkakalayu-layo kaysa kamang paglalagyan ng binhi. Ito ay may
lapad ding isang metro ayon sa laki ng narseri. Tiyaking may kanal
na pagdadaluyan ng sobrang tubig ang kama upang
mapangasiwaan ang maayos na pagsipsip ng tubig.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng
narseri? Isa-isahin ang gamit ng bawat isa.
b. Bakit kailangang gumamit ng angkop na kasangkapan at kagamitan sa
paggawa ng narseri?
c. Ilang bahagi ang narseri? Anu-ano ang mga ito? Anu-ano ang
kagamitang kailangan sa paggawa nito?

3. Pakitang-turo sa paggamit ng angkop na kagamitan

97
C. Paglalahat
Anu-ano ang mga angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng
narseri? Paano ginagamit ang mga ito?
D. Paglalapat
a. Pagpapabuo ng dalawang pangkat ng klase. Gawin ng isang pangkat ang
seedbed at ang pangalawa ay transplant bed.
b. Pagpapagamit ng angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa sa
kamang paglalagyan ng mga binhi o seedbed at kamang paglilipatan o
transplant bed.
Pagpapaligpit sa mga kagamitan o kasangkapan.

IV. PAGTATAYA
Piliin ang wastong sagot ng mga sumusunod na tanong.
1. Alin ang ginagamit sa pagbungkal sa lupa?
a. asarol b. Japanese hoe c. pala

2. Ano ang gagamitin sa paglalagyan at paghakot ng lupa?


a. karatilya b. kalaykay c. dulos

3. Alin ang pamutol ng sanga at puno ng malaking halaman?


a. gulok b. martilyo c. lagari

4. Ano ang ginagamit sa pagdilig ng mga punla?


a. lata b. water hose c. lagari

5. Bakit ginagamit ang angkop na kasangkapan at kagamitan sa pagnanarseri?


a. upang maging madali at maginhawa ang paghahanda ng narseri.
b. upang maging mabagal ang paggawa.
c. upang maging mabilis ang paglaki ng mga punla.

V. TAKDANG ARALIN
Iguhit sa kwaderno ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagnanarseri. Isulat ang
kani-kanilang ngalan at gamit.

98
I. Layunin:
Naisaalang-alang ang mga salik sa pagpaparami ng halaman sa pamamaraang
artipisyal ng halaman sa pamamaraang artipisyal o asekswal at sekswal

II. A. Paksa: Mga Salik sa Pagpaparami ng Halaman sa Asekswal at


Sekswal na Pamamaraan

B. Mga Sanggunian:
1. BEC PELC, p.37
2. Agap at Sikap 6, pp. 86-92

C. Mga Kagamitan:
Mga buto, pinutol na tangkay, tubig, palang gawa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga angkop na kasangkapan sa pagnanarseri?
Bakit kailangang iwasan ang mga sakit at pesteng nakapipinsala
sa mga halaman?

2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng mga halaman.
Itanong: Paano pinaparami ang mga tanim na ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Dalawa ang paraan ng pagpaparami ng halaman.
a. Sekswal na paraan kung ang halaman ay galing sa buto.
Anu-ano ang mga halamang galing sa buto?
b. Asekswal o artipisyal na paraan kung hindi buto ang
tinatanim. Ito ay pinaparami sa paraang pagpuputol,
marcotting, grafting at budding.
Anu-ano ang halamang pinaparami sa paraang ito?

2. Pagtatalakay at pagpapakita ng larawan


Upang hindi masayang ang pera, oras at tanim sa pagpaparami ng
halaman, narito ang mga salik dapat isagawa.
a. Ang buto ay dapat galing sa magalang na bunga.
b. Piliin ang mataas na uri ng buto upang matiyak na
malulusog at malalaki ang mga punla. Dapat hindi galing sa
mga tanim na naateke ng sakita at peste.
c. Kailangang maayos ang pagkatuyo at pag-iimbak ng mga
binhi.
d. Subukang ang kagandahan ng binhi sa pagbababad ng
tubig. Ang mga binhi na lilitaw ay hindi tutubo, kaya alisin
ang mga ito. Ang itatanim lamang ay iyong
lumubog.
e. Ang mga scion na gagamitin sa grafting at budding ay
kailangan galing sa magagandang halaman.
Ang layunin ng gawaing ito ay upang mapaganda ang mga
bunga.

99
f. Ang stock na gagamitin din ay dapat malusog at bagong
tanim.
g. Ibabad sa tubig na may kemikal ang mga naputol na
halaman upang hindi matuyo.
C. Paglalahat
Anu-ano ang mga sa pagpaparami ng halaman?
Ano ang pagkakaiba ng sekswal at asekswal na pagpaparami ng
halaman?

D. Paglalapat
1. Bakit kailangan sundin ang mga salik sa pagpaparami ng halaman?
2. Bakit hindi magandang itanim ang mga buto na lumilitaw?
3. Bakit kailangan ang mga buto ay galing sa magulang na bunga?

IV. Pagtataya:
1. Magbigay ng 3 salik sa pagpaparami ng halaman mula sa buto.
2. Magbigay ng 2 salik sa pagpaparami ng halaman mula sa asekswal na
paraan.

V. Kasunduan:
Magdala ng mga punla.

100
I. Layunin:
Naisasagawa ang mga hakbang ng marcotting

II. A. Paksa: Marcotting

B. Mga Sanggunian:
1. BEC PELC, p.36
2. Agap at Sikap 6, p. 86-92

C. Mga Kagamitan:
moss, pantali, plastic, kutselyo, tunay na halaman

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit mahalaga ang pagsunod sa makaagham na paraan ng
pagnanarseri?

2. Pagganyak
Nakakita ba kayo ng tanim na kalamansing maliit pero may
bunga? Paano ito nangyari?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang marcotting ay isang paraan ng pagpaparami ng tanim sa
asexual. Karamihan sa kalamansi, lemon, oranges at pomelo ay
minamarcot at ibinibenta. Ito ay isang paraan ng pag-
papaugat bago itanim ang sanga.

2. Pagtatalakay
Ipaliwanag ang mga hakbang
a) Sukatin ang bilog ng sangang mamarcotin. Ang sukat ng bilog
na sanga ay siya ring haba ng balat na aalisin.
b) Lagyan ng hiwang paikot sa sanga. Alisin ang balat.
c) Kuskusin ang cambuim layer hanggang maalis lahat. Dapat
walang maiwan na cambuim layer upang walang daanan ng
sustansiya at mapilitang mag-ugat ang namarcot sa sanga.
d) Lagyan ng moss. Ang moss ang gagapangan ng ugat.
e) Balutin ng plastic. Itali ng maigi upang hindi maalis.
f) Alisin ng dahon ang sangang minarcot.

C. Paglalahat
1. Ano ang marcotting?
2. Anu-ano ang mga hakbang sa marcotting?

D. Paglalapat
Anu-ano ang mga halamang pinaparami sa paraang marcotting?
Ipakitang-turo ng guro ang paraang marcotting.

IV. Pagtataya:

101
1. Isagawa ng marcotting ang mga bata.
2. Bigyan ng grado ayon sa pamantayan.

Sinunod ang mga hakbang 40%


Ginamit ang tamang kagamitan 20%
Sapat ang moss na ginamit 15%
Maayos ang pagkatali 15%
Malinis ang ginawa 10%
100%

V. Kasunduan:
Magdala ng bawang, pako/ferns, luya o patatas.

MGA HAKBANG SA MARCOTTING

102
I. Layunin:
Naisasagawa ang pagpaparami ng halaman sa paraang paghihiwalay at
paghahati

II. A. Paksa: Paghahati at Paghihiwalay na Paraang Pagpaparami ng


Halaman

B. Mga Sanggunian:
1. BEC PELC, p.36
2. Agap at Sikap 6, pp. 86-92

C. Mga Kagamitan:
Patatas, luya, pako, bawang

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga hakbang ng marcotting?

2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan o tunay na bagay.
Itanong: Paano pinaparami at tinatanim ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sino sa inyo ang may tanim na tanim na luya, pinya, saging , stroberi,
gabi, cassava at camote? Anong bahagi ang tinatanim sa mga
halamang ito?

2. Pagtatalakay at pagpapakita ng larawan


Ang ibang halaman na walang buto ay bahagi nito ang tinatanim
upang dumami. Ang mga tinatanim ay mga sumusunod:
a. Bulbs -ito ang tinatanim sa bawang, sibuyas at bulaklak na
Gladiola at iba pa.
b. Suckers - ito ang mga maliliit na supang ng saging at abaka.
c. Runners - ito ang mga bahagi ng tanim na gumagapang sa lupa na
may ugat gaya ng pako at strawberry.
d. Risoma - ito ang bahagi ng luya na tinatanim.
e. Slip - ito ang madahong usbong mula sa ibaba ng tanim gaya ng
pinya, maguey at iba pa.
f. Hinahating may mata, buko o usbong - Ang isang piraso ay dadami
kung marami rin ang mga mata o buko.

C. Paglalahat
Anu-ano ang mga bahagi ng pananim na tinatanim?

D. Paglalapat
Magpakita ng patatas, luya, bawang at pako.
Pakitang-turo sa paraang paghihiwalay at paghahati.

103
IV. Pagtataya:
1. Pangkat-pangkatin ang mga bata. Sa bawat pangkat ihanda o ihiwalay ang
mga pananim na dala nila.
2. Tingnan at punan ng checklist ng bawat pangkat.

Pamantayan Oo Hindi
1. Sigurado bang mabubuhay ang hinati?
2. May buko o mata ang ihiniwalay?
3. Lahat ba ng kasapi sa pangkat ay may dinala?
4. Wala bang nasira sa hiniwalay?
5. May disiplina ba habang ginagawa ang aralin?

V. Kasunduan:
Itanim ang hinati-hating tanim.

DAGDAG NA KAALAMAN

104
I. Layunin:
Naisasagawa ang pagpuputol at pagtatanim ng pinutol na tangkay

II. A. Paksa: Pagpaparami ng Halaman sa Paraang Pagpuputol

B. Mga Sanggunian:
1. BEC PELC, p.36
2. Agap at Sikap 6, pp. 86-92

C. Mga Kagamitan:
Mga tunay na halaman, kutsilyo

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga itinatanim sa mga halamang walang mga
buto?

2. Pagganyak
Anu-ano ang mga tanim sa ating paligid? Paano pinaparami
ang mga iyan?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Paano pinaparami ang golden bush, santan, dama de noche, rosas,
kamote, cassva, at malunggay? Anong bahagi ng tanim ang itinatanim?

2. Pagtatalakay at pagpapakita ng larawan


Ang pagpuputol o cuttings ang isang paraan ng pagpaparami ng
halaman. Ang pinuto na bahaging tinatanim ay maging bagong
halaman. Ito ay madaling gawin, magaan at hindi masyadong
delikado.
Ang putol o cuttings ay maaaring kunin sa:
a. Ugat - ito ay ginagawa sa rimas at bayabas. Kinukuha
ito sa pangalawang ugat at hinahati mula 7 hanggang 15
sentimetrong haba. Tiyaking may buho ang bawat putol
upang lumago ang bagong halaman at itanim nang pahiga.

b. Tangkay at maliliit na sanga - karamihan itong ginagawa sa mga


Golden Bush, Santan, Gumamela, Dama de Noche, Bougainvilla,
Roxas, Lantana, Cassava, Kamote at iba pa. Mas maganda kung
ibabad sa kemikal ang pinutol upang madali ang pag-ugat nito.

c. Dahon - Ang mga halamang may makakapal at malalaman ang


dahon ay pinatutubo gaya ng Begonia, African Violet at Cactus.

d. Buho sa Dahon - Sa paraang ito ginagamit ang talim at tangkay ng


dahon. Ito ay maaaring gawin sa Santan, Pamintang Itim, Pinya at
Rosal. Kailangang malusog at malago ang halamang pinagkukunan
ng putol upang matiyak na mabubuhay ang bagong halaman.

105
C. Paglalahat

Anu-ano ang mga bahagi ng tanim ang maaaring putulin at maging


bagong tanim? Magbigay ng halimbawa ng tanim na maaaring gawin ito.
D. Paglalapat
Bakit mas madali ang pagpaparami ng pagpuputol?
Anu-ano ang mga tanim sa ating paaralan na nagmula sa pinutol na
sanga?
Pagpapakitang-turo sa paraang pagpuputol.

IV. Pagtataya:
1. Pangkatin ang mga bata. Itanim ang pinutol na tanim sa bakanteng lupa sa
paaralan.

Pangkat I - Cassava
Pangkat II - Camote
Pangkat III - Golden Bush
Pangkat IV - Rosas

2. Bigyan ng grado ang paggawa ng mga bata.

Sinunod ang mga paraan ng pagpuputol at pagtanim 4%


May disiplina habang nagtatrabaho 20%
Malinis ang taniman 10%
Ginamit ang mga kasangkapan nang tama 15%
Lahat ng kasapi ay tumulong sa kanilang ginagawa 15%
Kabuuan 100%

V. Kasunduan:
Magdala ng kagamitan sa grafting at budding.

MGA HAKBANG SA PAGPUPUTOL

106
I. Layunin:
Naisasagawa ang pagsusugpong sa tamang paraan

II. A. Paksa: Grafting at Budding

B. Mga Sanggunian:
1. BEC PELC, p.36
2. Agap at Sikap 6, pp. 86-92

C. Mga Kagamitan:
Kutsilyo, scotch tape, stock at scion

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga bahagi ng halaman na pinuputol upang maging
bagong tanim?
Anu-ano ang mga halaman na pinaparami sa paraan ng pagpuputol?

2. Pagganyak
Nakita ninyo na may mestizong hayop at tao, di ba? Ano ang
itsura nila? Sa mga halaman meron din.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad
Ang pagsusugpong ay dalawang bahagi ang pinagdudugtong
upang lumaki bilang isang bagong halaman. Ang
idinudugtong sa itaas na bagong halaman ay scion at ang
pagdudugtungan na dating halaman ay stock. Kapag ang
ginagamit ay maliit na sanga, ito ay grafting. Kung ang buko
ang ginagamit, ito ay budding.

2. Pagtatalakay at pagpapakita ng larawan


Maraming paraan ang grafting, kabilang nito ang inarching, splice
grafting, cleft graphing, bark grafting at saddle grafting.
Sa budding, ang tatlong paraan ay : shield, patch at chip
budding.

3. Pakitang-turo:
a. Ipakita ang mga hakbang ng Grafting.
Pumili ng stock at scion. Dapat pareho ang laki.
Gumawa ng Hugis V sa stock at scion.
Isugpong ang dalawa at tiyaking ito ay magkapareho.
Balutin ng scotch tape o grafting tape. Higpitan at siguraduhing
hindi papasukin ng tubig upang hindi masira.

b. Mga Hakbang ng Budding

107
Pumili ng malusog na buho o bud. Tuklapin at linisin.
Maglaan ng maliit na balat at siguraduhing hindi masira ang
buho.
Isuksuk ang buho na may pag-iingat.
Balutin ng budding tape o scotch tape. Higpitan at siguraduhing
hindi papasukin ng tubig.
C. Paglalahat
1. Ano ang budding at grafting?
2. Ano ang kanilang pagkakaiba?
3. Anu-ano ang mga hakbang sa grafting at budding?

D. Paglalapat
Bakit ginagawa ang grafting at budding ng mga magsasaka?
Bakit di-dapat malagyan ng tubig ang ginawang grafting at budding?

IV. Pagtataya:
1. Isagawa ang grafting at budding ng bawat bata.
2. Bigyan ng grado ayon sa pamantayan.

Sinunod ang mga hakbang 45%


Maayos ang pagbabalat at pagdudugtong 25%
Malinis ang trabaho 10%
Ginamit ang tamang kasangkapan 20%
Kabuuan 100%

V. Kasunduan:
Palaging bantayan ang ginawa upang hindi masira.

MGA HAKBANG SA BUDDING AT GRAFTING

108
I. LAYUNIN:
Naisasagawa ang pagsugpo ng sakit/ peste ng mga halaman

II. Paksa : Pagsugpo ng Sakit / Peste ng mga Halaman

Sanggunian : BEC PELC 2.6.1, p. 37

Kagamitan : bawang, sibuyas, red pepper

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga salik sa pagpaparami ng halaman sa pamamaraang
artipisyal o asekswal?
Paano nating mapaparami ang halaman sa pamamaraang artipisyal?

2. Pagganyak
Anu-anong sakit/peste ang sumisira ngayon sa ating mga halaman?
Paano kaya natin masusugpo ang mga ito?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
a. May alam ba kayong Home-Made Pesticides? Ang gagawin ngayon
ay isang paraan sa pagsugpo ng peste ng mga halaman natin.

b. Ang gagamitin natin sa pagsugpo ng peste sa halaman ay


bawang, sibuyas at pepper brew.

2. Ipakitang-turo habang tinatalakay


Mga Paraan
1. Tadtarin nang pinung-pino ang bawang, sibuyas, at siling labuyo
(red pepper)
2. Haluin at pakuluin sa dalawang tasang tubig
3. Palamigin at salain
4. Haluin ng tatlo hanggang apat na tasang tubig
5. Idilig sa mga halaman para sugpuin ang mga peste

3. Magbigay ng iba pang paraan ng pagsugpo ng mga peste na alam ninyo o


nakikitang ginagawa ng mga magulang ninyo.

C. Paglalahat
1. Anu-ano ang dapat nating gawin upang masugpo ang mga peste sa
halaman?
2. Anu-ano ang pwede nating gamitin sa pagsugpo ng mga sakit/peste
sa halaman?

D. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata sa tig-apat.

109
Bawat pangkat ay gagawin ang napag-aralang pagsugpo ng sakit/ peste
ng halaman.
Gaano kabisa ang ginawa ninyo?
Nasugpo ba ang mga sakit o peste na sumisira sa inyong mga
halaman? Magbigay ng ulat tungkol dito.

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng tsek (/) ang antas ng kasanayan na nararapat sa bawat pamamaraan.

Mga Kasanayan Antas ng kasanayan


5 4 3 2 1
1. Naihanda ba lahat ang mga kagamitan
bago magtrabaho?
2. Natadtad ba ng pinung-pino ang mga
sangkap.
3. Pinaghalo ba lahat ang mga sangkap
bago pakuluin?
4. Pinalamig ba at hinaluan ng tatlo hanggang
apat na tasang tubig ang pinakulong
pamatay ng peste?
5. Idinilig ba sa mga halaman na inatake ng peste?

Pamantayan:
5 Napakahusay 2 mahusay
4 mas mahusay 1 di-mahusay
3 mahusay-husay

V. TAKDANG ARALIN
Linisin lagi ang paligid at alisin ang damo sa lahat ng uri ng halaman para tuluyan
nang masugpo ang mga sakit/peste sa mga halaman. Gawin ito sa halamanan sa
paaralan.

110
I. Layunin:
Naipapakita ang wastong paraan ng pagbebenta ng mga tanim

II. A. Paksa: Wastong Paraan ng Pagbebenta ng mga Tanim

B. Mga Sanggunian:
BEC PELC, p.36

C. Mga Kagamitan:
Mga punla, tunay na bunga, mesa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano sugpuin ang sakit at pesteng mga halaman?
2. Pagganyak
Gusto ba ninyong kumita sa pagbebenta ng mga tanim? Paano?

B. Panlinang na Gawain
1. Ang paraan ng pagbebenta ay mahalaga upang siguradong magustuhan ng
mga bumubili. Paano ninyo isagawa ito?

2. Basahin at talakayin:

Narito ang mga paraan ng pagbebenta na dapat tandaan

a) Uriin ang mga punla sa uri, laki, kalidad at gulang. Ang presyo ay
maaaring abahin ayon sa uri.
b) Iayos ang pagdisplay upang kaakit-akit tignan at nakawiwili sa
mga bumibili.
c) Kung ang mga punla ay prutas, kumuha ng bunga ng tanim upang
may ipapakitang magpapatunay sa kagandahan.
d) Maging matapat sa mga bumibili. Huwag magsinungaling na
maganda ang tanim pero sa katotohanan ay hindi.
e) Gumawa ng listahan o records upang malaman ang kikitain at
malaman ang mabiling halaman.
f) Masayahin sa pag-aalok ng paninda at iwasang makipag-away sa
mga mamimili.
C. Paglalahat
Paano ibebenta ang mga tanim?

D. Paglalapat
Anu-ano ang mga maaaring mangyari kung magsinungaling sa mga
bumibili ang nagtitinda?
Anu-ano ang mga salitang maaaring sabihin ng nagtitinda?
IV. Pagtataya:

1. Pangkatin ang mga bata. Ipakita nila ang wastong paraan ng pag-aayos ng
paninda, gumawa ng listahan at wastong pag-aalok ng paninda.

111
2. Bigyan ng grado ayon sa pamantayan.
Maganda ang pagkaayos ng mga paninda 50%
Maayos ang listahan 20%
Maganda ang paraan ng pag-aalok 20%
Lahat ng kasapi ay may gawain 10%
100%
V. Kasunduan:
Magdala ng mga buto ng prutas.
I. LAYUNIN:
Nakapagtutuos ng gastos at kinita

II. Paksa : Pagtutuos ng Gastos at Kinita

Sanggunian : BEC PELC 2.7.2, p. 37

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anong sangay ng pamahalaan ang nagpapatupad ng wastong paraan
ng pagpapabili ng mga produktong-lupa/mga tanim? Paano ito
pinatutupad lalo na sa (inyong) ating lugar?

2. Pagganyak
Bakit kailangang may nalalaman kayo sa paraan ng pagtutuos ng
gastos at kinita?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ilahad ang tsart ng isang halimbawang record ng pagtutuos ng ginasta
at kinita.

Record ng Ginasta at Kinita sa Pagpapatubo ng


Kalamansi

A. Mga Kagamitan Halaga sa Piso


1. Buto ng kalamansi (1kl. hinog na halaman) P 20.00
2. Pataba 50.00
3. Plastik 50.00
Gastos P 120.00

B. Pinagbentahan
100 na punla X P 5.00 P 500.00
Buod ng Ginasta at Kinita

a. Kabuuang Gastos 120.00


b. Kabuuang Benta 500.00
c. Kabuuang Kita 380.00

2. Pagtatalakay
Pag-usapan ang mga bagay na isinaalang-alang sa pagtutuos ng
ginastos at kinikita.

112
a. Bakit kailangang gumawa ng record ang isang
magsasaka/manggagawa ukol sa mga gastos at naibentang
mga produkto?

b. Sa halimbawang ibinigay, nalugi ba o kumita ang


magsasaka? Patunayan ang sagot/

C. Paglalahat
Bakit mahalagang malaman ang mga ginasta at kinita sa paghahalaman?
Paano ito malalaman?

D. Paglalapat
Gumawa ng graph tungkol sa gastos at kita ng magsasaka.
Ihambing ang gastos at kinita dito.

IV. PAGTATAYA
Gumawa ng payak na pagtutuos ng kabuuang gastos at kinita pagnanarseri.
Punan ang tsart.
Gastos at kinita sa Pagpapatubo ng _______

A. Mga Kagamitan
Buto
Pataba
Plastik
Iba pang gastusin

B. Pinagbentahan

C. Kinita

V. TAKDANG ARALIN
Alamin ang mga uri ng mga hayop sa sariling pamayanan. Itala sa kuwaderno.

113
I. LAYUNIN
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa pag-aalaga ng hayop

II. Paksa : Kahalagahan ng Kasanayan sa Pag-aalaga ng Hayop

Sanggunian : BEC PELC 3.1, p. 37


Agap at Sikap 6 p. 96

Kagamitan : tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-anong mga hayop ang maaaring alagaan at paramihin sa ating
lugar?
Paano inaalagaan ang mga ito?

2. Pagganyak
a. Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop sa tahanan?
b. Pinagkakakitaan ba ninyo ang alaga ninyong hayop o para sa
pangangailangan ng mag-anak lamang?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Anu-ano ang kabutihang naidudulot ng kasanayan sa
paghahayupan? Alamin sa teksto sa pahina 96.

2. Pagtatalakay
a. Bakit isang gawaing kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng hayop?
b. Anu-ano ang mga produktong makukuha natin sa mga alagang hayop?
c. Paano nakatutulong ito sa pamumuhay natin?
d. Ano ang pwede nating gawin sa malayang oras lalong-lalo na kung
may kasanayan sa pag-aalaga ng hayop para aasenso ang buhay natin?
e. Anong katangian ang dapat nasa katangian ng mga bata na makapag-
aalaga ng hayop sa ating likod tahanan?

C. Paglalahat
Bakit mahalaga ang kasanayan sa pag-aalaga ng hayop?
D. Paglalapat
Anong alagang hayop ang maaaring pagkakakitaan sa inyong lugar? Bakit?

IV. PAGTATAYA
Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at Mali kung hindi.

114
1. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay isang gawaing kapaki-pakinabang sapagkat
malaki ang naitutulong nito sa pagdaragdag ng kita ng mga mag-anak.
2. Ang malayang oras ng mag-anak ay di-maaaring gamitin sa paghahayupan.
3. Mapapaunlad ang kabuhayan ng mag-anak kung may sapat na kaalaman sa
paghahayupan.
4. Isang magandang libangan ang pag-aalaga ng hayop at makatutulong din sa
pagpapalakas ng katawan.
5. Ang kasanayan sa paghahayupan ay maaaring gawin itong gawaing
pangkabuhayan na mapagkukunan ng karagdagang kita.

V. TAKDANG ARALIN
Isulat sa kuwaderno ang mga hayop na inaalagaan ninyo sa bahay.
I. Layunin:
Nagagamit ang kaalaman sa paggawa ng plano ng pag-aalaga ng hayop

II. A. Paksang Aralin: Paggawa ng Plano ng Pag-aalaga ng Hayop

B. Mga Sanggunian:
BEC PELC 3.3 p.37
Agap at Sikap, B.A. p. 96

C. Mga Kagamitan:
tsart

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1) Balik-aral
Bakit mahalaga ang paghahayupan? Anu-ano ang mga salik na dapat
isaalang-alang sa pagpili ng hayop na aalagaan?

2) Pagganyak
Sino sa inyo ang may mga alagang hayop sa bahay? Paano ninyo
inaalagaan ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Anu-ano ang mga hayop na inaalagaan ninyo sa bahay?
Basahin ang aklat sa pahina 96.

2. Pagtatalakay
1) a. Bakit mahalaga ang pagpaplano sa paghahayupan?

b. Anu-ano ang mga pangangailangan ng hayop na aalagaan


ninyo, halimbawa, ang baboy?

c. Ibigay ang mga kagamitang kinakailangan sa paggawa ng


kulungan ng baboy.

2) Pag-aralan natin ang plano ng pag-aalaga ng baboy

Mga Pangangailangan sa Pag-aalaga ng Baboy Halaga


1 biik 2,000.00
25 kgs. Starter 500.00

115
2 sako na Hog grower 1,740.00
1 sako ng finisher 870.00
4 ml na bitamina 60.00
kilo na purgina(dewormer) 50.00
Kabuuan 5,220.00

a. Magkano ang kakailanganin sa pag-aalaga ng isang biik hanggang sa paglaki


nito?
b. Bukod sa nakatalang pagkain ng baboy na ito, anu-ano pa ang puwede nating
ipakain? Saan ito kinukuha?
c. Ilang beses nating pinapakain ang mga baboy sa isang araw?
d. Ano ang dapat nating gawin sa kulungan lalung-lalo na kung marumi na
ito? Ilang beses nating lilinisan sa isang araw?

C. Paglalahat
Bakit kailangang gamitin ang kaalaman sa paggawa ng plano ng hayop
na aalagaan?

D. Paglalapat
Gumawa ng plano ng hayop na aalagaan ninyo. Gamitin ang sumusunod na
balangkas.
1. Pangalan ng hayop na aalagaan.
2. Mga kagamitan at kasangkapang kakailanganin
3. Kabuuang halaga ng kakailanganin
4. Paraan ng pangangasiwa

IV. Pagtataya:
Markahan ang mga bata batay sa uri ng pakikilahok sa kanilang ginawa sa pag-
aalaga ng napiling hayop.

Mga Pamantayan Takdang Marka


1. Pakikiisa sa mga kasama sa pangkat ng
mga itinakdang gawain
2. Pag-iingat sa pagsasagot ng itinakdang gawain
3. Pagsunod sa mga tuntuning pangkalusugan
4. Pagpapamalas ng kasiglaan at kasiyahan sa
paggawa.
5. Pagkatapos ng gawain sa takdang panahon
Kabuuang Marka

V. Kasunduan:
Sikaping gumawa ng BIG sa bakuran ninyo.

116
I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng aalagaang hayop
upang mapagkakakitaan

II. Paksa : Mga Salik sa Pagpili ng Aalagaang Hayop Upang


Mapagkakakitaan

Sanggunian : BEC PELC 3.2.1, p. 37


Agap at Sikap 6, p. 96

Kagamitan : larawan ng mga malulusog na hayop

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Ano ang kahalagahan ng kasanayan sa pag-aalaga ng hayop?

2. Pagganyak
(Ipakita ang larawan ng mga malulusog na hayop.)
Bakit mahalaga ang paghahayupan?
Marunong ba kayong magkilatis sa pagpili ng mainam na
katangian ng aalagaang hayop?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Aalagaang
Hayop Upang Mapagkakakitaan:
a. Ang uri ng hayop na alagaan ay dapat nababatay sa uri ng
kapaligiran.
i. Kung malapit sa mga dagat o anumang anyong-tubig,
maaaring mag-alaga ng mga isda o itik.
ii. Kung may malalawak na damuhan at parang, mainam
mag-alaga ng kambing, baka, at kuneho.
iii. Ang mga baboy, manok, pugo, kalapati at gansa ay
maaaring alagaan sa malawak na bakuran.
b. Piliin ang magandang lahi at angkop ang laki sa kanyang
gulang, at naibabagay o angkop para sa klima sa lugar na
pinag-aalagaan.
c. Piliin din ang aalagaang hayop na mabili at may maganda
ang presyo o halaga.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng
aalagaang hayop upang mapagkakakitaan.

117
b. Aling hayop ang mainam aalagaan sa ating paaralan? Bakit?
c. Aling hayop ang maaari ninyong alagaan sa inyong bakuran? Bakit?

C. Paglalahat
Sabihin ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng aalagaang
hayop upang mapagkakakitaan.

D. Paglalapat
Ang ating paaralan ay may malawak na bakuran. Pumili ng angkop
na hayop na aalagaan ayon sa sumusunod:
1. uri - baboy, manok, gansa o kalapati
2. lahi - (Dapat may lahing malalaki at madaling alagaan)
3. mabili - (hayop na nagdudulot ng karne o karne at itlog)

IV. PAGTATAYA
Talakayin sa isang talata ang dalawang salik na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga
ng baboy.

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik o magtanong at ilista ang mga maka-agham na pag-aalaga ng baboy.

118
I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop

II. Paksa : Mga Maka-Agham na Pamamaraan ng Pag-aalaga ng


Hayop

Sanggunian : BEC PELC, B. 34.1 p. 37


Agap at Sikap, pp. 96-115

Kagamitan : mga tsart ng pormularyo para sa pagkain


larawan ng mga hayop

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga kaalaman sa paggawa ng planong pag-aalaga ng
hayop?

2. Pagganyak
Aling uri ng hayop ang karaniwang inaalagaan upang
makatulong sa kita ng mga mag-anak dito sa ating pamayanan?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ilang mga Maka-Agham na Pamamaraan sa Pag-aalaga ng
Hayop
1. Dapat may malinis na kulungan ang alagang hayop.
Panatilihing malinis ito upang maiiwasang magkasakit ang
mga alaga.
2. Piliin ang uri ng pagkaing nagtataglay ng ibat ibang mga
sangkap at sustansyang kailangan ng alagang hayop upang
mapabilis ang paglaki nito, tulad ng baboy.

Sa pag-aalaga ng baboy, ibat ibang uri ng pagkain ang


kinakailangan batay sa kanyang gulang.
i. Starter mash- para sa mga biik na may gulang na
dalawa hanggang walong linggo.
ii. Growing mash- para sa dalawa hanggang anim na
buwang gulang
iii. Breeding mash- para sa mga baboy na napalahian tulad
ng barako at inahing nasa sapat na gulang.
iv. Fattening mash-para sa patabaing baboy hanggang
sampung buwan at inihahanda upang katayin.

119
3. Dapat bibigyan din ng inoculation shots o iba pang
kailangan ng mga alaga upang di madaling dapuan ng sakit.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga
ng hayop?
b. Paano ito nakakatulong sa paglaki ng alagang hayop?
c. Bakit kaya mabagal ang paglaki ng ibang hayop?

C. Paglalahat
Anu-ano ang mga maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop?

D. Paglalapat
Talakayin sa klase ang mga sumusunod:
1. Unang pangkat-ang kulungan
2. Ikalawang pangkat-pagkain
3. Ikatlong pangkat-Ibat ibang uri ng pagkain ng baboy.
4. Ikaapat na pangkat-iba pang kailangan sa pag-aalaga ng baboy.

IV. PAGTATAYA
Talakayin ang mga maka-agham na paraan ng pag-aalaga ng hayop sa isang talata.

V. TAKDANG ARALIN
Paano aalagaan ang mga biik?

120
I. LAYUNIN
Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng
baboy

II. Paksa : Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-


aalaga ng Baboy

Sanggunian : BEC PELC, B. 3.4.2 p. 38


Agap at Sikap, pp. 96-115

Kagamitan : tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng
hayop?

2. Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop sa bahay? Paano
ninyo inaalagaan ang mga ito?
Ano ang ginagawa ninyo kapag kayo ay nag-aalaga ng hayop
para hindi kayo kapitan ng sakit?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbabasa ng mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng baboy na nakasulat sa tsart.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa


Pag-aalaga ng Baboy

1. Dapat malinis ang pakainan ng baboy.


2. May sapat at wastong pagkain.
3. Palitan ang naiwang tubig at laging bigyan ng malinis na
inumin.
4. Bigyan ng wastong gamot ang mga hayop.
5. Panatilihing laging malinis ang kulungan.
6. Kailangan din na may sapat na sikat ng araw na pumapasok
sa kulungan.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan ng


Nag-aalaga ng Baboy

121
1. Gumamit ng bota at over-all na damit kapag naglilinis ng
kulungan.
2. Hugasan at sabunin agad ang kamay pagkatapos maglinis
ng kulungan at magpakain ng baboy.
3. Kailangang panatilihing malakas at malusog ang katawan
ng nag-aalaga ng baboy para hindi kapitan ng sakit ng
baboy.

2. Pagtatalakay
a. Bakit dapat na malinis ang pakainan ng baboy?
b. Anong mangyayari sa hayop kung hindi sapat ang pagkaing
ibinibigay sa kanila?
c. Bakit kailangan ng hayop ang sapat na sikat ng araw?
d. Anong katangian ang inyong alagang hayop?
e. Bakit kailangang gumamit ng bota kapag naglilinis ng kulungan ng
baboy?
f. Anong gagawin ninyo pagkatapos ninyong maglinis ng kulungan ng
baboy?
g. Ano ang dapat ninyong gawin para hindi kayo kapitan ng sakit ng
hayop na inaalagaan ninyo?
h. Bakit kaya mabagal ang paglaki ng ibang hayop?

C. Paglalahat
Bakit kailangang sundin ang mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng baboy?

D. Paglalapat
Sa loob ng 5 minuto, pangkatang gumawa ng dula-dulaan tungkol sa
pagsunod sa mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-
aalaga ng baboy.

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng ekis (X) ang patlang bago ng bilang kung panuntunang pangkalusugan
at pangkaligtasan ng baboy at tsek (/) naman kung para sa nag-aalaga.
_____ 1. Linisin ang kulungan araw-araw.
_____ 2. Bigyan ng wasto at sapat na pagkain.
_____ 3. Gumamit ng bota kapag naglilinis ng kulungan.
_____ 4. Bigyan ng wastong gamot ang baboy.
_____ 5. Hugasan agad ang kamay pagkatapos maglinis ng kulungan
at magpakain ng baboy o maligo.

V. TAKDANG ARALIN
Sundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga
ng baboy.

122
I. LAYUNIN
Naipapakita ang mga maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop

II. Paksa : Naipapakita ang Maka-Agham na Pamamaraan ng Pag-aalaga


ng Hayop

Sanggunian : BEC PELC B. 3.4.3, p. 38


Agap at Sikap, B.A., p. 96-115

Kagamitan : Pagkain ng hayop na baboy


kulungan ng baboy
at iba pa

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga salik sa pagpipili ng hayop na aalagaan upang
mapagkakakitaan?

2. Pagganyak
May naitutulong ba ng maka-agham na pamamaraan sa pag-aalaga
ng hayop? Paano?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Dalhin ang mga mag-aaral sa pinakamalapit na piggery farm o poultry
farm sa paaralan.

2. Makipagpanayam sa may-ari ng paghahayupan at tingnan kung paano


isagawa ang ilang maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop
tulad ng pagpapakain, paglilinis, pagpapainom ng gamot at iba pa sa isang
kulungan.

3. Itanong:
a. May kautusan o ordinansang pambarangay ba sa ating lugar?
Ano ito? (Dapat ito ay tungkol sa pag-aalaga ng hayop)

b. Ano ang maaaring mangyari kung hindi natin susundin ang mga batas,
kautusan o ordinansa na may kaugnayan sa pag-aalaga ng hayop?

c. Ano ang kahalagahan ng pagpapakita o pagsasagawa ng mga maka-


agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop? Bakit?

C. Paglalahat
Paano isasagawa ang mga maka-agham na pamamaraan sa pag-aalaga ng
hayop?

123
D. Paglalapat
1. Pagpapangkat sa klase ng tatlo.
2. Pagpapakita ng bawat pangkatang isang maka-agham na pamamaraan sa
pag-aalaga ng hayop.

IV. PAGTATAYA
Checklist sa pangkatang gawain:

Mga Pamantayan Marka (%)


1. Pagpapakita ng mga maka-agham na pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop. 30%
2. Pagsasaling lahat ng mga miyembro ng pangkat. 30%
3. Maayos at wastong pagpapakita o pagsasagawa ng pag-aalaga ng hayop. 40&
Kabuuan 100%

V. TAKDANG ARALIN
Paano ipinagbibili ang mga alagang hayop?

124
I. Layunin
Natatalakay ang mga paraan ng pagbebenta ng mga produkto tulad ng karne
ng baboy at gulay

II. A. Paksang Aralin: Mga Paraan sa Pagbebenta ng mga Produkto

B. Mga Sanggunian:
BEC PELC B.3.5.1 p. 38

C. Mga Kagamitan:
tsart

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1) Balik-aral
Anu-ano ang mga maka-agham sa pamamaraan ng pag-aalaga
ng hayop?

2) Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang nakapamili na sa palengke?
Anong kagamitan ang ginagamit nila sa pagtitinda ng karne at isda?
Nasubukan na ba ninyong magtinda ng mga gulay?
Paano ninyo ibinebenta ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang mga paraan sa pagbebenta ng karne ng baboy.
a. Pagbebenta ng buhay (live weight)
b. Pagbebenta ng kinatay (dressed weight)

Mga Paraan sa Pagbebenta ng Gulay


a. Lansakan
b. Patingi
c. Pakilo
d. Pabilang

2. Pagtatalakay
a. Paano ibinebenta ang karne ng baboy?
b. Alin sa dalawang paraang ito ang mas malaki ang matutubo?
Bakit?
c. Tutubo ba kayo sa lahat ng paraang ito?
d. Aling paraan sa pagtitinda ng gulay ang mas magandang gagamitin?
Bakit?

C. Paglalahat

125
Anu-ano ang mga paraan sa pagbebenta ng karne ng baboy at gulay?
D. Paglalapat
Isulat ang mga paraan sa pagbebenta ng sumusunod
a. Pangkat I and II - karne ng baboy
b. Pangkat III & IV - gulay

IV. Pagtataya
Sumulat ng maikling talata tungkol sa pagbebenta ng karne ng baboy at gulay.
V. Kasunduan
Magsaliksik tungkol sa mga paraan sa pagbebenta ng isda.
I. LAYUNIN
Naisasagawa nang maingat ang pagtutuos/pagkukukwenta ng pinagbilhan

II. Paksa : Pagsasagawa ng Maingat ang Pagtutuos/Pagkukuwenta ng


Pinagbilhan

Sanggunian : BEC PELC B. 3.6 p. 38

Kagamitan : tsart ng pagtutuos/ pagkukwenta ng pinagbilhan

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Dapat bang sundin ang mga umiiral sa pamamalakad tungkol sa
pamamahagi ng mga produkto? Bakit?

2. Pagganyak
Bakit marami ang nag-aalaga ng hayop katulad ng baboy? May
kita kaya dito?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ilahad ang tsart ng pagtutuos/pagkukwenta ng pinagbilhan

A. Mga Gastos Bawat Halaga


Pagkain (feeds) 3 sako X 900 3,150.00
Bitamina 50.00
Biik (45 days) 2,000.00
Kabuuan gastos 5,200.00

B. Pinagbilhan Halaga
Kabuuang Halaga
7,500.00
*halaga ng baboy sa taong 2005*

C. Kabuuang halaga ng Pinagbilhan 7,500.00


Kabuuang gastos (5,200.00)

Kabuuang kita 2,300.00

126
2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga dapat itala para makuha ang kabuuang
gastos?
b. Paano makukuha ang kabuuang kita? Anong formula ang gagamitin?
c. Sa halimbawa na ipinakita, kumita o nalugi ba ang nag-alaga?
Ano ang mangyayari kung ang halaga ng ginastos ay mas
malaki kaysa sa halaga ng pinagbilhan?

C. Paglalahat
Paano mo malalaman kung ikaw ay kumikita o hindi sa pag-aalaga
ng hayop/baboy?

D. Paglalapat
Gumawa ng simpleng pagtutuos/pagkukwenta ng kinita at gastos
kung ikaw ay may dalawang baboy.

IV. PAGTATAYA
Anu-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagtutuos/pagkukwenta para
malaman natin kung tayo ay kumita o nalugi?

V. TAKDANG ARALIN
Makipanayam sa nag-aalaga ng hayop. Gumawa ng
pagtutuos ng kinita at gastos sa pag-aalaga ng mga hayop.

127
I. LAYUNIN:
Natatalakay ang maka-agham na mga pamamaraan sa pag-aalaga ng isda

II. Paksa : Maka-agham na Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Isda

Sanggunian : BEC PELC B.4.4.1, p. 38


Agap at Sikap, B.A, p. 119-127

Kagamitan : tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng
aalagaang isda?
Maaani ang karpa sa loob ng 6 na buwan o higit pa. Ilang buwan
maaaring anihin ang tilapia?

2. Pagganyak
Mayroon ba kayong palaisdaan? Anu-ano ang mga isdang
matatagpuan dito? Paano ninyo pinaparami ang mga isda dito?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Basahin ang sumusunod.

Pangalagaan Natin at Pamahalaan ang Munting Palaisdaan

Masayang nag-uusap ang mag-anak ni Mang Ramon


pagkatapos makagawa at maisaayos nila ang isang maliit na palaisdaan
sa kanilang bahay.

Mang Ramon : Mga anak, ako ay labis na nasisiyahan at


nakapagpatayo tayo ng isang maliit na palaisdaan. Nakasalalay sa
ating lahat ang ikatatagumpay ng ating proyekto.

Rommel : Huwag kayong mag-alala, Itay. Alam kong kayang


kaya nating lahat na pamahalaan at panglagaan ang ating munting
palaisdaan. Tutulungan po naming kayo ni Ate Liza.

Liza : Oo nga po, Itay. Ako na po ang bahalang magpakain


sa ating mga alagang isda tuwing umaga. Pakakainin ko ang mga isda
natin araw-araw hanggang sa lumaki.

128
Mang Ramon : Magaling ang iyong naisip. Kailangang maghati-
hati tayo sa mga gawain upang maging madali at maginhawa ang
pangngalaga natin sa ating palaisdaan. Ikaw naman Rommel, ano ang
iyong gagawin?

Rommel : Ako na po ang bahala sa pagpapanatili ng kalinisan


ng ating palaisdaan. Linisin ko po ito kung kinakailangan. Sisikapin
kong maging maayos ang pagdaragdag ng tubig at maging maayos ang
daloy nito.

Mang Ramon : Ako naman ang bahala sa pagsasaayos ng sala o


dike para maging maayos ang daloy ng ating panustos na tubig. Ikaw
naman, Charing, ano ang nais mong gawin?

Aling Charing : Ako naman ang bahala sa pagsasa-ayos at


pangangalaga sa mga pagkaing halamang tubig. Tutulungan ko si Liza
sa kanyang pagpapakain sa mga isda araw-araw.

Liza : Natitiyak kong magiging mabilis ang


paglaki ng ating mga alagang isda sa pamamagitan ng ating wastong
pag-aalaga at pamamahala.

Aling Charing : Harinawa ay magkatotoo ang lahat ng sinabi


ninyo. Magtulung-tulong tayo at isagawa nating lahat ang ating
nalalaman upang matagumpay tayo sa ating proyekto.

2. Pagtatalakay
a. Ano ang gagawin nila para uunlad ang kanilang palaisdaan? Bakit
nila gagawin iyon?
b. Kung kayo si Rommel, ano ang gagawin mo?
c. Ibigay nga ang wastong pag-aalaga at pamamahala sa
palaisdaan.
d. Kung kayo ay may palaisdaan , paano ninyo paplanuhin na maging
maayos at maunlad ito?

C. PAGLALAHAT
Anu-ano ang maka-agham na mga pamamaraan sa pag-aalaga ng isda?

D. PAGLALAPAT
Bawat pangkat ay isusulat ang maka-agham na mga pamamaraan sa pag-
aalaga ng isda.

IV. PAGTATAYA
Panuto:Lagyan ng tsek () ang patlang kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Pinapakain ang mga isda araw-araw hanggang sa lumaki


ito.
_____ 2. Ang wastong oras ng pagpapakain ay sa hapon.
_____ 3. Ang tubig sa palaisdaan ay pinanatiling malinis upang
maiwasan ang panganib at pagkamatay ng mga isda.
_____ 4. Ang kasipagan at tiyaga ay kailangan din kung nais mong
matagumpay ang palaisdaan.
_____ 5. Magiging mabilis ang paglaki ng alagang isda sa
pamamagitan ng wastong pag-aalaga at pamamahala.

129
V. TAKDANG ARALIN
Makipanayam sa may-ari ng palaisdaan tungkol sa mga gawain dito upang
magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng napiling isda.

I. LAYUNIN
Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng
isda

II. Paksa : Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa


Pag-aalaga ng Isda

Sanggunian : BEC PELC B.4.4.2, p. 39

Kagamitan : tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Paano makatutulong ang palaisdaan sa pamumuhay ng mag-anak.
Ibigay ang mga paraan sa pag-aalaga ng isda.

2. Pagganyak
Paano ninyo napapanatili ang kalusugan at kaligtasan ninyo? Sa
mga isda, anu-ano kaya ang dapat nating gawin para manatili silang
malusog at ligtas.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Basahin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan
ng mga isda.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan ng mga Isda


a. Panatilihing malinis ang tubig ng palaisdaan.
b. Ilipat ang mga binhing isda at tamang oras at panahon.
c. Panatilihing maayos ang daloy ng panustos na tubig.
d. Bigyan nang wasto at sapat na pagkain ang mga isda araw-araw.
e. Pangangalaga ng mga pagkaing halamang-tubig.
f. Gumamit ng tamang pamamaraan sa pag-aani ng isda.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan para sa Taong


Nag-aalaga

a. Gumamit ng damit na magaan at maluwag kapag nagpapakain o


naglilinis.
b. Gumamit ng gloves kapag naglilinis ng kulungan ng isda.
c. Paano ninyo mapapanatiling maayos ang daloy ng panustos na tubig?
d. Ano ang mangyayari sa mga isda kung hindi sapat ang pagkain
na ibinibigay ninyo?
e. Bakit kailangang alagaan ang mga pagkaing halamang tubig?

130
f. Ano ang mangyayari sa maliliit na isda kung gagamit tayo ng
marahas na paraan sa pag-aani ng isda?
g. Bakit ginagamit ang gloves kapag naglilinis ng kulungan?
h. Ano ang dapat nating gawin pagkatapos magpakain ng isda at
maglinis ng kulungan?
i. Bakit kailangang magaan at maluwag ang damit na gagamitin kapag
tayoy naglilinis ng kulungan ng isda?

2. Pagtatalakay:
Isa-isahing pag-usapan ang mga ito.
C. PAGLALAHAT
Paano nating mapapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga isdang
alaga natin?

D. PAGLALAPAT
Bawat pangkat ay bubunot ng panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan na isasagawa ninyo.

IV. PAGTATAYA
Panuto:Lagyan ng ekis (X) ang patlang bago ng bilang kung panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan ng mga isda at tsek () naman kung
panuntunanang pangkalusugan at pangkaligtasan ng nag-aalaga.
_____ 1. Maghugas agad ng kamay pagkatapos magpakain ng mga
isda at maglinis ng kulungan.
_____ 2. Gumamit ng gloves kapag naglilinis ng kulungan ng isda.
_____ 3. Ilipat ang mga binhing isda sa tamang oras at panahon.
_____ 4. Bigyan nang wasto at sapat na pagkain ang mga isda araw-
araw.
_____ 5. Gumamit ng tamang pamamaraan sa pag-aani ng isda.

V. TAKDANG ARALIN
Anu-ano ang mga paraan sa pag-aani ng isda?

131
I. LAYUNIN
Nakapag-aani ng mga inaalagaang tilapia sa tamang panahon at wastong pamamaraan

II. Paksa : Pag-aani ng mga Tilapia

Sanggunian : BEC PELC B.4.4.5, p. 39


Agap at Sikap pp. 119-127
Manwal ng Guro p. 63

Kagamitan : tsart, larawan

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-anong mga produkto ang makukuha sa palaisdaan? Ano ang
gagawin sa mga produktong ito?
Paano ninyo mapapanatili ang kalusugan at kaligtasan sa pag-aalaga
ng mga isda?

2. Pagganyak
* Pagpapakita ng larawan ng isang mangingisdang namimingwit.
a. Ano ang ginagawa ng mangingisdang ito?
b. Ano ang tawag sa kagamitang ginagamit niya sa
pangingisda?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Basahin ang nakasulat sa tsart.

Ang tilapia ay puwede nang anihin pagkatapos ng tatlo


hanggang apat (3-4) na buwan ng pag-aalaga dito. Sa loob ng ikatlo at
ikaapat na buwan, kapag mataas ang presyo nito, ito na ang tamang
panahon ng pag-aani para dalhin sa pamilihan.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan ng mga Isda

a. Panatilihing malinis ang tubig ng palaisdaan.


b. Ilipat ang mga binhing isda at tamang oras at panahon.
c. Panatilihing maayos ang daloy ng panustos na tubig.
d. Bigyan nang wasto at sapat na pagkain ang mga isda araw-araw.
e. Pangangalaga ng mga pagkaing halamang-tubig.
f. Gumamit ng tamang pamamaraan sa pag-aani ng isda.

132
Mga Pamamaraan ng Pag-aani ng Tilapia

1. Pamimingwit - gumagamit ng bingwit na may tahi na tansi at


nakakabit sa isang kawayan o mahabang patpat. Ang bingwit ay
nilalagyan ng pain. Ang isdang kumakagat sa pain ay nahuhuli.
2. Pangingitang - gumagamit ng maraming bingwit na nakakabit sa
isang pisi na nylon. Nilalagyan din ito ng pain upang makahuli ng
isda.
3. Pagbabaklad - Sa pamamagitan ng tulos na itinirik at nakabakod sa
palaisdaan ay nakukuling ang isdang paumapasok sa pagtaas ng tubig.
Hinuhuli ang mga isda kapag bumababa ang tubig.
4. Pagdadala - gumagamit ng bilig na lambat na inihahagis sa kumpulan
ng mga isda at sinasakluban ang mga ito. Kapag hihigpitan ang tahi ay
nahuhuli ang mga isda.

2. Pagtatalakay
a. Kailan puwedeng anihin ang mga tilapia? Ano ang dapat
isaalang-alang kapag puwede nang anihin ang mga tilapia?
b. Ano ang tawag sa pamamaraan ng pangingisda na ginagamitan
ng bingwit? Ano ang nangyayari sa isdang kumakagat ng pain?

c. Anu-anong kagamitan ang gagamitin kapag ang pamamaraan


ng pangingisdang gagawin ay pangingitang?
d. Ano ang tawag sa pamamaraan na ginagamitan ng bilog na
lambat na inihahagis sa kumpulan ng mga isda at sinasakluban
ang mga ito?

C. PAGLALAHAT
Paano malalaman kung ano ang tamang panahon at pamamaraang
gagamiting panghuli sa mga tilapia?

D. PAGLALAPAT
Pangkatang pagsasadula ng mga pamamaraan. Bawat pangkat ay bubunot
ng pamamaraan ng pangingisda at isasadula ito.

IV. PAGTATAYA
Markahan ang mga bata batay sa uri ng pakikilahok nila sa gawain ng
pangkat.

Mga Pamantayan Uri ng Pakikilahok


Napakaayos Maayos Hindi Maayos
1. Pakikiisa sa pangkat sa pagsasagawa
ng mga itinakdang gawain.
2. Naisagawa nang wasto ang pamamaraan
ng pag-aani ng isda na nabunot nila.
3. Pag-iingat sa pagsasagawa ng
itinakdang gawain.
4. Pagmamalas ng kasiglahan at kasiyahan
sa paggawa.
5. Pagtapos ng gawain sa takdang-oras.

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng listahan ng mga isdang nakikita at napakikinabangan
bilang pagkain sa bansa.

133
I. Layunin
Natatalakay ang mga paraan ng pagbebenta ng mga isda

II. A. Paksang Aralin: Mga Paraan ng Pagbebenta ng mga Isda

B. Mga Sanggunian:
BEC PELC B.4, 4.6.1, p. 39
Agap at Sikap pp. 119-127
Manwal ng Guro p. 63

C. Mga Kagamitan:
larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1) Balik-aral
Hinuhuli ang isda sa pamamagitan ng kawit/biwas, tansi at pain.
Kapag kinagat ng isda ang pain, ito ay mahuhuli.
Anong paraan ng pangingisda ang tinutukoy?
Sa panahong mataas ang tubig, pumapasok ang isda sa loob. Sa
pagbaba ng tubig, inaani ang isda. Anong paraan ng pag-aani ng isda
ang tinutukoy?

2) Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng nagtitinda ng isda.
a. Ano ang ginagawa ng ale na nakikita ninyo sa larawan?
Ano ang itinitinda niya?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilahad ang mga paraan ng pagbebenta ng mga produkto.
a. Ang pagbebenta ng isda ay maaaring lansakan o patingi. Ang
pagbebenta nang maramihan ay lansakan at ang pagbebenta nang
pakaunti-kaunti ay patingi. Sa alin man sa dalawang paraang ito ay
maaaring tumubo.
b. Ang isda ay maaaring ibenta nang patimbang o patakal, lalo na sa
maliit na isda at hipon. Minsan din ay may itinitinda nang
patumpok.
c. Kung nagtitinda ng isda ay dapat panatilihin ang kasariwaan nito.
Dapat panatilihing malinis ang puwesto kung sa palengke
nagtitinda. Ang mga pinaghinainan o pinagkaliskisan ay dapat
alisin agad upang huwag langawin ang paninda.
d. Maging maingat at mabait sa pakikitungo sa mamimili. Maging
magalang at maunawain, maging matapat sa pagtitimbang at
pagsusukli. Sa ganitong paraan ay higit na dadami ang mamimili at
suki.

134
2. Pagtatalakay
a. Ano ang tawag sa pamamaraan ng pagbebenta nang maramihan?
b. Maari ba kayong tumubo sa dalawang paraang ito? Bakit?
c. Paano itinitinda ang mga isda? Anu-ano ang mga kagamitang
ginagamit sa pagtitinda?
d. Anu-ano ang dapat ninyong gagawin kapag kayo ay nagtitinda
ng isda para mapanatili ang karamihan ng mamimili o suki?

C. Paglalahat
Anu-ano ang mga paraan ng pagbebenta ng mga isda?

D. Paglalapat
Pangkatang pagsasadula ng mga bata sa mga paraan ng pagbebenta
ng isda.

IV. Pagtataya
Isulat ang tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at mali kung hindi.

1. Ang pagbebenta nang maramihan ay patingi.


2. Ang pagbebenta nang pakaunti-kaunti ay lansakan.
3. Ang isda ay maaaring ibenta nang patimbang o patakal lalo na sa maliliit
na isda at hipon.
4. Dapat panatilihing malinis ang puwesto.
5. Kapat matapat ka sa pagtitimbang at pagsusukli ay dadami ang iyong suki.

V. Kasunduan
Isulat ang mga umiiral na pamamalakad tungkol sa pagbebenta ng mga isdang
inani.

135
I. LAYUNIN
Naisasagawa ang pagtutuos/pagkukuwenta ng pinagbilhan

II. Paksa : Pagtutuos/Pagkukuwenta ng Pinagbilhan

Sanggunian : BEC PELC B.4, 4.7, p. 39

Kagamitan : tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
a. Anu-ano ang mga umiiral na pamamalakad tungkol sa pagbibili ng
mga isdang inani?

2. Pagganyak
Paanong malalaman kung kayo ay kumikita o hindi sa pag-aalaga ng
hayop? Marunong ba kayong magkuwenta?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ilahad ang isang modelong talaan ng ginastos at kinita sa pag-
aalaga ng isda.

Payak na Talaan ng Gugol at Kita sa Palaisdaan

Buwan Pinagkagastusan/Uri ng Halagang Nagugol/ Pinagbilhan Natira/


Pinagbilhan Gastos Balance
Buwan Pinagkagastusan/uri Halagang Pinagbilhan Natira/
Ng
Enero Materyales sa paggawa ng
Baklad P 1,000.00
Pagpapagawa ng baklad 500.00
Bayad ng semilya ng tilapia 500.00
Pagkain ng Isda 600.00
Pebrero Pagkain ng Isda 700.00
Marso Pagkain ng Isda 800.00
Abril Pagkain ng Isda 1,000.00

Pinagbilhan ng Isda-150 kilos


Sa halagang P55.00 isang kilo P 8,250.00

Kabuuang gastos P5,100.00 P 3,250.00

136
2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang pinagkakagastusan mula buwan ng Enero hanggang
buwan ng Abril?
b. Magkano ba ang nagastos mula Enero hanggang Abril?
c. Anong buwan inaani ang mga isda?
d. Gaano karami ang inaning isda? Ilang kilo?
e. Magkano ang kanilang pinagbilhang lahat?
f. Magkano ang pagbibili nila ng isang kilong isda?
g. Tumubo ba sila? Magkano?
C. PAGLALAHAT
Paano ninyo malalaman kung kumita kayo o hindi sa palaisdaan?

D. PAGLALAPAT
Pangkatang paggawa ng gugol at kita sa palaisdaan.

IV. PAGTATAYA
Panuto:Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang tamang
sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik nito.

1. Ano ang gagawin mo upang malaman kung kumikita o nalulugi ang


iyong palaisdaan?
a. Bilangin ang isda
b. Umani nang madalas
c. Itanong sa tanggapan ng fisheries
d. Gumawa ng talaan ng gugol at pinagbilhan sa palaisdaan.

2. Batay sa talaan, paano nalalaman kung kumikita o nalulugi?


a. Pagsama-samahin ang halaga ng kinita at kabuuan ng ginugol.
b. Bawasan ang kabuuan ng nagugol sa kinita ayon sa kung alin ang
malaki.
c. Basahin lamang ang talaan.
d. Alamin lamang ang iyong kinita.

3. Alin sa mga sumusunod ang pinagkakakitaan?


a. pagkain ng isda
b. pinagbilhan ng isda
c. materyales sa paggawa ng palaisdaan
d. pamimili ng semilya

4. Alin sa mga sumusunod ang pinagkakagastusan sa pagsasapamilihan


ng isda?
a. pagkain ng isda
b. pamimili ng semilya
c. lalagyan, sasakyan at yelo para sa isda.
d. upa sa paghahakot ng materyales para sa palaisdaan.

5. Anu-ano ang itinatala sa talaan sa pangangalaga ng isda?


a. ang bigat at timbang ng bawat isa
b. ang haba ng bawat isda
c. ang bilang ng isdang natira sa palaisdaan
d. ang timbang at halaga ng isdang inani.

V. TAKDANG ARALIN
Paano ninyo maipapakita ang kawilihan sa pag-aalaga ng isda?

137
I. LAYUNIN
Natutukoy ang bahagi ng bahay na dapat ayusin

II. Paksa : Bahagi ng Bahay na Dapat Ayusin

Sanggunian : BEC PELC B.5, 5.1, p. 39


Batayang Aklat sa EPP 6, p. 291

Kagamitan : larawan ng ibat ibang bahagi ng bahay

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga bahagi ng bahay?

2. Pagganyak
Pagpapakita ng ibat ibang bahagi ng bahay. Maayos ba lahat ang
inyong bahay? Wala bang nasira?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Sa loob ng limang (5) minuto pagmuni-munihin ang mga bata ukol
sa kanilang mga sariling tahanan, at mga bahagi nito na dapat
ayusin.
Ipakita ang dapat ayos ng bahay sa pamamagitan ng mga larawan.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang ibat ibang bahagi ng iyong tahanan na
nangangailangan ng pagsasaayos?
b. Anong dahilan ng pagkasira nito?
c. Bakit kailangang ayusin ito?
d. Anu-ano ang kailangang maayos?

C. PAGLALAHAT
Anu-ano ang mga ibat ibang bahagi ng bahay o kagamitan na dapat
bigyang-pansin o ayusin?

D. PAGLALAPAT
Bawat isa ay isulat ang mga bahagi ng bahay na dapat ayusin.

IV. PAGTATAYA
Tingnan ang paligid ng inyong tahanan. Itala ang mga kinakailangang
ayusin. Pag-aralan. Alin ang magagawa mo?

138
V. TAKDANG ARALIN
Suriin ang mga kagamitan sa inyong tahanan na maaaring pansamantalang
magamit.

I. LAYUNIN
Nasusuri ang mga kagamitan/materyales na maaaring pansamantalang magamit

II. Paksa : Mga Kagamitang Maaaring Gamiting Pansamantala

Sanggunian : BEC PELC B.5, 5.2, p. 39


Batayang Aklat sa EPP 6, p. 296-301

Kagamitan : mga tunay na kagamitan (bote, kuwadernong di maubos gamitin,


galloon)

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
a. Anu-ano ang mga kagamitang dinala ninyo?

2. Pagganyak
Pahulaan. Pangkatin ang mga bata sa apat. Pumili ng lider sa bawat
pangkat. Bubunot ang bawat lider at ilarawan ito sa pamamagitan ng
pantomina. Ang unang pangkat na siyang maraming nahulaan ang
panalo.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Bawat isa sa inyo ay kukuha ng patapong bagay na nasa ibabaw ng
mesa at sabihin kung ano ang nakuha.

2. Pagtatalakay
a. Itatapon na ba natin ang mga kamitong binanggit ninyo?
b. Anu-anong kagamitan ang maaaring pansamantalahang magamit?
c. Ano ang pwedeng gawin upang itoy magamit?
d. Anu-ano ang ibat ibang paraan upang muling magamit?

C. PAGLALAHAT
Paano masusuri kung ang mga kagamitan ay maaaring ayusin at magamit
pa pansamantala?

D. PAGLALAPAT
Anong maaaring gawin upang muling magamit pang pansamantala ang
mga sirang gamit?

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano mapapakinabangan ang ibang papatapon na?

139
2. Saan makakukuha ng mga magagamit upang mapapakinabangan ang mga
gamit na papatapon na?

V. TAKDANG ARALIN
Mag-isip ng mga paraan kung papaano mapapakinabangan o magagamit pa ang
mga patapong bagay na nakikita ninyo sa inyong bahay.

I. LAYUNIN
Nakasusunod sa wastong paraan ng pag-aayos ng sirang gripo

II. Paksa : Pag-aayos ng Sirang Gripo

Sanggunian : BEC PELC B.5, 5.3, p. 39


Batayang Aklat sa EPP 6, p. 292-294
Patnubay ng Guro, pp. 83-86

Kagamitan : larawan, tsart, mga tunay na bagay (gripo, plug at iba pa)

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
a. Anong mga kagamitan ang maaaring pansamantalang magamit?
b. Ayos ba lahat ang inyong gripo?

2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng sirang kagamitan. Maaari pa bang gamitin
ito? Paano?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Anu-ano ang mga kagamitang nasira sa inyong bahay?

2. Pagtatalakay
Alam ba ninyo kung paano kumpunihin ang sirang gripo?

Pagbabasa sa tsart (Mga Hakbang sa Pagkukumpuni)

1. Pigilin ang daloy ng tubig sa pamamagitan ng papipinid ng balbula


(value) na matatagpuan na malapit sa kontador ng tubig.
2. Alisin ang takip ng gripo at turnilyuo ng pinggo (lever) sa
pamamagitan ng liyabe-inglesa (monkey wrench)
3. Alisin ang turnilyo na siyang naghahawak ng kuwerong gasket (leather
gasket) sa pamamagitan ng disturnilyador.
4. Palitan ng bago ang nasirang gasket. Kung walang makuha o mabiling
gasket maaaring gumawa na lang ng yari sa kuwero.
5. Ilapat ang kuwerong gasket na inilaang grove sa dulo ng pingga at
ikabit ito nang mahigpit sa pamamagitan ng turnilyo.
6. Ibalik ang pingga at takip ng gripo. Maaaring buksan ang balbula at
subuking gamitin muli ang gripo.

3. Pakitang-turo sa pag-aayos ng sirang gripo.

C. PAGLALAHAT

140
Paano ayusin ang sirang gripo?

D. PAGLALAPAT
Pangkatang pagpapapakitang-gawa sa pagsasaayos ng mga sirang gripo.

IV. PAGTATAYA
Gamitina ang sumusunod na tseklis sa pagmamarka ng natapos na gawain ng mga
bata.
Mga Sukatan Oo Hindi Gaano Hindi

1. Kumpleto ba ang mga kasangkapan at


materyales na kailangan bago magsimulang
gumawa?
2. Ginamit ba ang wastong kasangkapan sa
pagkukumpuni?
3. Sinunod ba ang wastong hakbang sa
pagkukumpuni?
4. Naging maingat at tahimik ba habang gumagawa?
5. Natapos ba ang gawaing pagkukumpuni sa
takdang oras?

V. TAKDANG ARALIN
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa isang buong papel.

1. Bakit kinakailangang isaayos agad ang mga sira?


2. Bakit lumalaki ang bayad sa tubig?
3. Ano ang pinagmumulang ng mga problema sa gripo?

141
I. LAYUNIN
Napahahalagahan ang natapos na pag-aayos ng sirang bahagi ng bahay

II. Paksa : Pagpapahalaga sa Inayos na Sira

Sanggunian : Batayang Aklat sa EPP 6, p. 245


Patnubay ng Guro, pp. 83-86

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Palabunutan sa pag-aayos ng sirang kagamitan. Ang inumpisahang
hakbang ng unang bata ay itutuloy ng ikalawa hanggang sa matapos.

2. Pagganyak
a. Pansinin ang mga salita: Ang taong mapagpahalaga ay
pinagpapahalagahan ang mga bagay, maliit man o malaki ang
halaga.
b. Anong kaugnayan ng kasabihang ito sa ating leksiyon ngayon?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
a. Pagpapabasa ng mga pangungusap.
1. Ang magagawa mo ngayon ay huwag nang ipagpabukas.
2. Isaayos agad ang mga kailangang kumpunihin upang hindi na
ito lumalala.
3. Pareho rin ang gastos kahit maliit o malaki ang kasiraan.
4. Napag-aralan ang pagsasaayos ng mga sira.
5. Mura lamang naman ang bayad sa tubero.
6. Lahat ay matutuhan kung pagtitiyagaan.
7. Madali ang humanap ng mga magkukumpuni.
8. Daig nang maagap ang masipag.

2. Pagtatalakay
a. Sang-ayon ba kayo sa inyong mga nabasa? Ipaliwanag.
b. Anong mga pangungusap ang nagpapakita ng pagpapahalaga?
c. Anong mga kagamitan ay inyong pinapahalagahan sa inyong
tahanan? Bakit?
d. Paano ninyo ito napahahalagahan?

C. PAGLALAHAT
Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa inyong mga kagamitan sa bahay?

D. PAGLALAPAT
Ilista sa isang puting papel (coupon bond) ang naayos na ninyong
kagamitan na iyong pinahahalagahan o kinumpuni.

142
IV. PAGTATAYA
Ano ang iyong nadarama?
1. Ipinagpaliban nila ang pagkukumpuni para sabay-sabay na at isang
gastahan.
2. Hindi ka pinababayaang magsaayos ng mga sira sa inyo.
3. Ibinabayad na lang lahat ng pagpaayos kahit kayang pag-aralan at
pagtiyagaan.
4. Laging katulong ng tatay ang mga kasambahay sa pagsasaayos ng
anumang sira.

V. TAKDANG ARALIN
Ipagpatuloy ang pagkukumpuni at pag-aayos sa nasirang mga kagamitan o bahagi
ng bahay na kaya mong gawin.

143
I. Layunin
Natatalakay ang kabutihang matatamo ng mag-anak at /o pamayanan mula sa ibat
ibang industriya

II. A. Paksang Aralin: Mga Kahalagahan ng Gawaing Pangkabuhayan na


Natatamo ng Mag-anak o Pamayanan Mula sa
Ibat Ibang Industriya

B. Mga Sanggunian:
BEC PELC B.6.1, pahina 39
Agap at Sikap 6, pp. 131-133
Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
(Sining-Industriya) mga pahina 5-7

C. Mga Kagamitan:
Larawan ng ibat ibang gawaing industriya
Mga aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 6 (Sining Pang-
Industriya)

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1) Balik-aral
a. Anu-ano ang mga gawaing pangkabuhayan sa ating paligid?
b. Ano ang kahalagahan ng may kasanayan sa pag-aayos ng sirang
bahagi ng bahay?
c. Masaya ba kayo kung maayos ang bahay na tinitirhan ninyo?

2) Pagganyak
Anu-ano ang mga gawaing pang-industriya na nakakatulong sa pag-
unlad ng mag-anak at ng pamayanan?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad
A) Pagpapakita ng mga larawan o poster ng mga gawaing pangkabuhayan
na maaaring makatulong sa kalagayan ng mag-anak tulad ng mga
taong:
a. Nagtatatak ng kamiseta (silk screen)
b. Gumagawa ng cabinet
c. Gumagawa ng laruan
d. Gumagawa ng ibat ibang uri ng paso
e. Gumagawa ng kaing at basket
f. Gumagawa ng palamuti at iba pa

B) Pagtatanong sa mga bata kung anong gawaing pangkabuhayan ang


makikita sa larawan o poster.

2. Pagtatalakay

144
a. Pagtalakay at pagbibigay ng kahalagahan ng isang gawaing
pangkabuhayan sa kalagayan ng mag-anak.

b. Anu-ano ang kahalagahan ng gawaing pangkabuhayan na natatamo ng


mag-anak o pamayanan mula sa ibat ibang industriya?
i. Matatamo ang matiwasay at tahimik na pamumuhay ng mag-anak.
ii. Matatamo ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak.
iii. Matutugunan ang iba pang pangangailangan ng mag-anak.
iv. Magkaroon ng karagdagan kita ng mag-anak.
v. Makaipon at magkakaroon ng kaluwangan sa buhay ng mag-anak.

c. Batay sa mga larawan, anu-anong gawaing pangkabuhayan ang inyong


nakitang:
1. nangangailangan ng mga tauhan o manggagawa
2. may kahalagahang dulot sa mag-anak
3. maunlad ang kabuhayan ng mga taong may ganoong uri ng
hanapbuhay

C. Paglalahat
Anu-ano ang kahalagahan ng gawaing pangkabuhayan sa kalagayan ng
mag-anak?

D. Paglalapat
Kailan masasabing may kahalagahan ang gawaing pangkabuhayan?
Ipaliwanag ito.

IV. Pagtataya:
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Bagamat isang guro sa mataas na paaralan si G. Torres, tumatanggap pa rin siya


ng pagtatatak ng kamiseta sa kanilang tahanan. Ginagawa niya ito sa
hapon at mga araw na walang pasok. Ano ang kahalagahan na dulot
nito sa mag-anak?

a. Nakadaragdag sa kita ng mag-anak?


b. Nakabibigat sa mga suliranin ng mag-anak?
c. Nakakainip ang ganitong gawain sa mag-anak
d. Nakapagbibigat sa gawain ng mag-anak

2. Matapos na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa paggawa ng ibat


ibang laruan, naisipan ni Medel na magbukas ng isang maliit na pagawaan ng
laruan. Anong kahalagahan ang idinudulot nito sa kanyang mag-anak?

a. Mahihirapan sila sa pagbebenta


b. Lalayo sa kanila ang kapalaran
c. Magkakaroon sila g kaluwagan sa buhay
d. Magiging suliranin nila ang materyales

3. Ang mga taga-Pililla ay kilala sa paglala ng banig at sombrero. Maging ang mga
bata ay makikitang abala sa gawaing ito sa mga araw na walang pasok. Dahil
dito, naiiwasan nila ang pakikipagbarkada at paggawa ng masasamang bisyo.
Anong kabutihan ang naidudulot nito sa mga taga-Pillila?

a. katiwasayan b. karangyaan
c. kasaganaan d. kaluwagan

145
4. Sa pagtutulungan ng mag-anak ni Mang Karyo sa paggawa ng ibat ibang uri ng
palamuting yari sa kabibe ay lumaki ang kanilang kita. Ano ang kahalagahang
naidudulot ng gawaing ito sa kanila?

a. Darami ang mangungutang sa kanila


b. Tatataas ang halaga ng mga kabibe sa karagatan
c. Madaling mauubos ang kabibe sa karagatan
d. Mabibili nila ang iba pang pangangailangan ng mag-anak

5. Ang mag-asawang Celso at Tinang ay kilalang-kilala sa paggawa ng ibat ibang


uri ng pigurin. Dahil dito ay dumami ang kanilang suki at kailangan pa nilang
magdagdag ng mga manggagawa. Ano ang kabutihang maidudulot nito sa
kanilang mag-anak?

a. Magiging abala ang mag-anak


b. Madaling uunlad ang kanilang buhay
c. Darami ang bibili ng pigurin
d. Magiging panandalian lamang ang kanilang gawain

V. Kasunduan
Magtala ng sampung kapakipakinabng na gawaing pang-industriya na maaaring
pagkakakitaan. Isulat ito sa kuwaderno.

146
I. LAYUNIN
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng ibat ibang gawaing industriya sa
ikauunlad ng mag-anak, pamayanan at bansa
2. Natutukoy ang mga gawaing pangkabuhayan sa pamayanan na may
kinalaman sa gawaing industriya

II. Paksa : Pangkabuhayan sa Pamayanan

Sanggunian : Agap at Sikap 6, pp. 130-131


BEC PELC B. 6.1, p. 39

Kagamitan : Larawan ng ibat ibang gawaing industriya, tsart ng dalawang


lawak ng mga gawaing industriya.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga gawaing industriya na nakikita sa inyong
pamayanan?
Ipalarawan ang mga gawaing ito batay sa sarili nilang mga
obserbasyon.

2. Pagganyak
a. Marami bang mapagtatrabahuan dito sa atin? Bakit?
b. Anu-ano ang mga gawaing industriya na napapangkat sa gawaing
kamay? Sa pangkalahatang industriya?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paggamit ng mga Diorama (Exhibits)

a. Pag-aayos ng mga diorama na may ibat ibang gawaing


pangkabuhayan na may kinalaman sa industriya sa paligid
ng silid-aralan.
b. Pagpapangkat sa mga bata sa apat at pagpili ng kani-kanilang
lider.
c. Pagmamasid ng bawat pangkat sa mga dioramang nakapaligid
sa silid-aralan.
d. Pagsusulat sa pisara at pag-ulat ng mga lider ng bawat pangkat
tungkol sa kanilang mga namasid.

2. Pagpapangkat ng mga bata sa tatlo o apat at pagbibigay sa bawat


pangkat ng mga larawan ng ibat ibang gawaing pangkabuhayan sa
pamayanan na may kinalaman sa gawaing industriya.

* Pag-uusap ng mga bata sa bawat pangkat tungkol sa hawak nilang


mga larawan.

147
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Anong gawaing pangkabuhayan ang ipinahihiwatig ng
larawan?
3. Mayroon bang ganitong gawain sa ating pamayanan? Sa ibat
ibang pamayanan?
4. May kaugnayan ba ang mga gawaing pangkabuhayang ito sa
industriya?

C. PAGLALAHAT
1. May kahalagahan o kaugnayan ba ang ibat ibang gawaing industriya sa
pag-unlad ng inyong pamayanan? Bakit?
2. Anu-ano ang mga gawaing pangkabuhayan sa pamayanan na may
kinalaman sa gawaing industriya?

D. PAGLALAPAT
Magbigay ng ibat ibang mga gawaing industriya at sabihin kung ano ang
kahalagahan nito.

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Magbigay ng limang kahalagahan ng ibat ibang gawaing
industriya sa pag-unlad ng pamayanan.
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Sa isang pagawaan sa Paete, Laguna napagmasdan ni Dennis na ang


ginagamit ng mga manggagawa sa kanilang paggawa ay pait at kahoy.
Anong gawaing pangkabuhayan mayroon sa pook na ito?
a. Paglala ng banig
b. Paggawa ng lambat
c. Paggawa ng lubid
d. Pag-ukit ng kahoy

2. Sa paligid ng liwasang bayan ng Tanay ay may mga pagawaan ng mga


sirang bentilador, refrigerator, stereo, radyo at telebisyon. Anong gawaing
pangkabuhayan ito?
a. Gawaing metal
b. Gawaing kahoy
c. Gawaing seramiks
d. Gawaing electisidad

3. Maraming yaring mesa, silya, aparador, kama at cabinet sa pagawaan nina


Mang Delfin at Aling Maring. Ano ang hanapbuhay nila?
a. Pagawaan ng mga Handicrafts
b. Pagawaan ng Muwebles
c. Pagawaan ng mga Palamuti
d. Pagawaan ng mga Laruan

4. Ibat ibang uri ng plorera, banga, palayok, at pigurin ang binibili ng mga
mangangalakal sa pabrika ng mga Reyes. Ano kaya ang gawain ng mga
tauhan nina G. at Gng. Reyes?
a. paggawa ng laruan
b. pag-ukit sa kahoy
c. paggawa ng seramiks
d. paglala ng himaymay

5. Sa pagawaan ng mga Arcilla, Ibat ibang aklat, magasin at kard ang


ginagawa rito. Ano ang hanapbuhay nila?
a. pag-iimprinta
b. pag-iistinsil
c. pagdodrowing
d. pagpipinta

148
V. TAKDANG ARALIN
Itala sa kuwaderno ang ibat ibang mga gawaing pangkabuhayan na may
kinalaman sa gawaing industriya at ang kahalagahan ng bawat isa.

I. LAYUNIN
Nakapipili ng isang mapagkakakitaang gawain

II. Paksa : Pagpipili ng Gawaing Mapagkakakitaan

Sanggunian : Agap at Sikap 6, pp. 130-131


Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (Sining Pang-Industriya 6) pp. 8-12
BEC PELC B. 6.2, p. 40

Kagamitan : Mga larawan ng ibat ibang gawaing industriya tulad ng : gawaing


elektrisidad, gawaing panggrapika, gawaing seramika,
gawaing kahoy, gawaing metal

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Magbigay ng ilang mga gawaing industriya. Itanong kung anu-ano
ang mga kabutihang matatamo ng mag-anak mula sa ibat
ibang gawaing industriya.

2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga sumusunod na gawaing industriya
tulad ng gawaing panggrapika, gawaing kahoy, gawaing
metal, gawaing elektrisidad at gawaing seramika.
Anu-ano kaya ang kahalagahan ng bawat gawain?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbabasa ng isang dula-dulaan.

Ang Magkakaibigan

Pagkalipas ng sampung taon ay muling nagkasama-sama ang


magkakaibigan. Sila ay sabik na nagkukwentuhan tungkol sa naging buhay
nila mula nang matapos sila sa mataas na paaralan. Nabatid nila na halos lahat
silang magkakamag-aral ay mayroon nang matatag na hanap-buhay. Bawat isa
sa kanila ay naglahad ng kasalukuyan nilang mga gawain.

Willy : Napakaganda yata ng iyong kotse.

Ed : Hindi naman Willy. Alam mo ba na pinilit kong makaipon ng pera


mula sa aking maliit na pagawaan ng muwebles.

Willy : Mabuti naman at nagagamit mo ang iyong pinag-aralan na napili


mong hanapbuhay.

149
Ed : Aba, oo. Dahil sa kaalaman kong ito, matiwasay na nabubuhay ang
aking mag-anak at nagkakaroon pa kami ng mga kasangkapan sa
tahanan na hindi na kailangang gumastos ng malaki. Ikaw
naman Noel? Kumusta ang pamumuhay ninyong mag-anak?

Noel : Mabuti naman Ed. Bagamat ako ay pumapasok sa isang malaking


kumpanya, ako pa rin ang nagkukumpuni ng aming radyo, at
telebisyon at nagsasaayos ng instalasyon ng kuryente sa aming
bahay. Kung araw naman na walang pasok, nakapagkukumpuni
rin ako ng mga sirang appliances ng aming mga kapitbahay at ibang
barangay.

Ed : Ah, ganoon, kaya pala napakaganda ng iyong bahay dahil sa


dagdag na kita na iyong tinatanggap.

Noel : Ganoon na nga, Ed. Ikaw naman Ricky, magarang magara ka yata
ngayon.

Ricky : Hindi naman. Alam mo naman ang hilig ko noong tayo ay nag-
aaral pa. Dahil sa hilig kong iyon umunlad ang aking
kakayahan sa pagguhit at paggawa ng mga disenyo lalo na noong ako ay
nasa pamantasan. Halos lahat ng mga kamag-aral kong babae noon
ay nagpapaguhit at nagpapagawa ng ibat ibang disenyo sa akin.
Kung araw na wala akong pasok sa opisina, naging libangan ko ang
paggawa ng mga signboard at gayundin ang pagtatak ng mga
kamiseta.

Jhun : Eh, di pwede pala akong magpagawa sa iyo ng krokis para sa


itatayo kong bagong bahay.

Ricky : Puwedeng-pwede, Pareng Jhun. Hintayin kita sa sa bahay sa


darating na Linggo. Teka nga pala, ano ba ang iyong ginagawa
sa ngayon?

Jhun : Simple lang. Ang napili kong gawain ay ang paggawa ng mga
paso, palayok, kalan at iba pang dekorasyon na yari sa putik.

Ricky : Iyon ba ang tinatawag na seramika?

Jhun : Iyon na nga. Sa tulong noon umuunlad ang aking mag-anak at


nakatutulong pa ako sa pagsulong ng aming pamayanan. At isa
pa, naiiwasan ko pa ang pakikipagbarkada.

Ricky : Paminsan-minsan ay sumama ka naman sa aming pamamasyal.


Ikaw rin, baka tumanda ka agad.

Nilo : Sandali lang, mga pare ko. Bakit ba walang kakibo-kibo si Oscar?

Oscar : Hindi naman, nahihiya lang ako dahil pinakamaliit ang aking
kinikita.

Nilo : Ito naming si Oscar. Wala kang dapat ikahiya basta itoy galing sa
marangal na pinagkakakitaan. Ano ba ang napili mong gawain?

Oscar : Ako at ang aking mga anak ay kumikita sa pamamagitan ng mga


laruan na yari sa lata. Ito lamang kasi ang hindi

150
nangangailangan ng malaking puhunan. Ang mga basyong
lata sa bahay at iba pang napupulot sa lansangan ay ginagawa
naming ibat ibang uri ng laman at aming ipinagbibili. Dahil
dito maligaya ang aking mag- anak.
Nilo : Siyanga pala, diyan na muna kayo at may kakausapin pa aking
mamimili ng aming produkto.

Lahat : O, sige hanggang sa muli nating pagkikita-kita.

2. Pagtatalakay
a. Ano ang pinag-usapan sa dula-dulaan?
b. Anu-ano ang mapagkakakitaang gawain ng bawat isa?
c. Bakit mahalaga ang gawain ng bawat isa?
d. Lahat ba ay kailangang malaki ang puhunan? Bakit?
e. Anu-ano ang maaari nating matutunan tungkol sa pagpili ng
pagkakakitaan?

C. PAGLALAHAT
1. Anu-ano ang mga gawaing industriya na maaaring pagkakakitaan?
2. Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa ibat ibang gawaing
industriya sa pamumuhay ng bawat tao?

D. PAGLALAPAT
Ilarawan ang napili ninyong gawaing industriya na maaaring pagkakitaan.

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Pumili sa mga sumusunod ng isang ninanais o gustong
mapagkakitaang gawain at isulat ang dahilan kung bakit ito
ang napili.
a. pagpipinta o pagguhit ng mga larawan
b. pagdidisenyo
c. paggawa ng bag at basket
d. pag-aayos ng mga kagamitang de-elektrisidad
e. pagbebenta ng bote at diyaryo

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng plano ng isang proyekto na may kinalaman sa gawaing
industriya. Ilapat ang mga bahagi sa pagbuo ng plano. Gamitin ang
halimbawang nasa batayang aklat (Sining Pang-industriya 6), pahina 133.

151
I. LAYUNIN
Nakalilikha ng disenyo ng napiling gawain

II. Paksa : Paglikha o Paggawa ng Disenyo ng Napiling Gawain

Sanggunian : Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng EPP;


Sining Pang-Industriya 6, pp. 43-45
BEC PELC B. 6. 3. 1 p. 40

Kagamitan : lapis, foot rule, T-square, drawing paper o coupon bond

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Bakit kailangan o lumikha ng disenyo ng napiling gawain tulad ng
medicine cabinet?

2. Pagganyak
Paano gawin ang isometrikong drawing bilang disenyo
ng napiling gawain?
Bakit ito mahalagang gawain bago isagawa ang napiling gawain?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
a. Pagpapakita ng mga iba-ibang isometrikong drowing

2. Pagtatalakay
Pagtatalakay tungkol sa pagbuo ng isometrikong drawing.

3. Pagpapakitang turo ng guro

C. PAGLALAHAT

152
1. Ano ang unang dapat gawin bago gumawa ng isang proyekto?

2. Sa paanong paraan natin maipakikita ang paglikha ng isometrikong


drawing?

D. PAGLALAHAT
Pagsasagawa ng mga bata

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Lagyan ng tsek () ang hanay na naaayon sa Antas ng
Kahusayan ng Paggawa.

Kriterya Antas ng Kahusayan

5 4 3 2 1
1. Angkop ba ang pagkakagawa ng disenyo?
2. Gaano kaayos ang pagkakagawa ng disenyo?
3. Paano naisakatuparan ang bawat sukat ng disenyo?
4. Gaano kaayos ang kabuuan ng disenyo?

Batayan: 5 - napakahusay - (86%-90%)


4 - mas mahusay - (81%-85%)
3 - mahusay - (76%-80%)
2 - mahusay-husay (71%-75%)
1 - di-mahusay - (65%-70%)

V. TAKDANG ARALIN
Ipagpatuloy ang ginagawa ninyong disenyo. Ayusin at ipakita ito bukas.

153
I. LAYUNIN:
Nakapagkukwenta ng mga materyales na gagamitin

II. Paksa : Kagamitan at Materyales sa Pagbuo ng Medicine Cabinet

Sanggunian : Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng EPP Sining Pang-Industriya,


pahina 45-47
BEC PELC, B. 6. 3. 2, pahina 40

Kagamitan : Tunay na materyales, tsart ng talaan ng materyales sa pagbuo ng


Medicine Cabinet

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Ano ang kahalagahan ng isang disenyo sa paggawa ng isang
proyekto?
Paano ninyo ginawa ang pagtatala at pagkukuwento ng mga
materyales sa paghahalaman at pag-aalaga ng hayop?

2. Pagganyak
Kapag binalak mong gumawa ng isang medicine cabinet, mahalaga
kaya ang pagtatala at pagkukuwento ng mga materyales na
gagamitin?
Paano ito itatala at kuwentahin?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagpapakita ng modelong talaan ng isang gawain na may kuwenta ng
mga materyales.

Pangalan ng Proyekto: Medicine Cabinet


Talaan ng mga Materyales

Pangalan ng Materyales Kagamitan at Halaga ng Kabuuang


Bilang
Deskripsyon Isa Halaga
2 piraso Plywood 32 cm X 31 cm X 30.5 cm P 20.00 P 40.00
2 piraso Plywood 30.5 cm X 31 cm X 10 cm 15.00 30.00
4 piraso Kahoy o tabla 10.00 40.00
4 piraso Tanguile 1.3 cm X 2.0 cm X 30.5 cm 5.00 20.00
1 piraso Drawer pull-knob 15.00 5.00
1 piraso Papel de liha # 00 10.00 10.00
2 piraso Bisagra (maliit) 15.00 10.00

154
kilo (pako) Pako maliit 15.00 15.00
1 pint Pintura puti 25.00 25.00
Kola 10.00 10.00

Kabuuan 175.00

2. Pagtatalakay
a. Pag-uusap tungkol sa talaan at kuwenta ng mga kagamitan
materyales para sa gagawing medicine cabinet.
b. Pagbubuo ng isang talaan ng kagamitan.

C. PAGLALAHAT
Anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang talaan ng
materyales?

D. PAGLALAPAT
Patnubayan ang bawat mag-aaral sa paggawa ng talaan ng materyales ng
proyektong kanilang gagawin.

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Magpakita ng isang proyektong mailbox. Pagawain ang mga bata
ng isang talaan ng mga kagamitan/materyales na gagamitin
sa paggawa ng mailbox.

Bilang Pangalan ng Materyal Halaga ng Isa Kabuuang Halaga


kagamitan at Deskripsyon

V. TAKDANG ARALIN
Planuhing mabuti kung anong proyekto ang makakaya ninyong gawin sa loob ng
isang linggo.

155
I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga angkop na kasangkapang gagamitin

II. Paksa : Mga Kasangkapang Gagamitin sa Pagbuo ng Proyekto

Sanggunian : Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng EPP (Sining Pang-Industriya 6),


pp. 47-49; BEC PELC, B.6.3.3, p. 40

Kagamitan : Mga aktuwal na kasangkapan sa paggawa ng napiling proyekto,


tsart ng mga napiling proyekto at mga angkop ng
kasankapan sa bawat isa.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Bakit mahalaga ang kaalaman sa pagkukuwenta ng mga materyales ng
gagamitin sa paggawa ng isang proyekto?
Sinu-sino ang mga dapat pagtanungan kung hindi pa lubos na alam
ang pagkukuwenta ng materyales na kakailanganin sa gagawing
proyekto?

2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga aktuwal o larawan ng ibat ibang proyekto tulad
ng sumusunod:

1. medicine cabinet
2. parilya
3. photo Album
4. pulbera
5. pamaypay

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbasa sa tsart ng mga napiling proyekto at mga angkop na
kasangkapan sa bawat isa.

i. Medicine cabinet- martilyo, lagare, katam, sinsil, metro, ruler,


coping saw, disturnilyador
ii. Parilya- gunting ng yero, lagareng bakal, sulpete, plais, panukat
iii. Photo Album- martilyo, de bola, karayom, panukat, gunting,
puncher
iv. Pulbera- coping saw, katam na haling, lanseta, kikil, suplina,
compass, panukat
v.Pamaypay- kutsilyo, itak, lagare, lanseta, panukat

2. Pagtatalakay

156
a. Pag-usapan ang tungkol sa mga kasangkapang dapat gamitin sa
bawat proyekto.
b. Pagpapangkat-pangkat ng mga bata ayon sa mga proyektong
kanilang napili tulad ng mga sumusunod: medicine cabinet,
photo album, pamaypay, pulbera at parilya.
c. Ipaulat sa bawat pangkat ang mga angkop na kasangkapan na dapat
gamitin sa bawat gawain.
d. Pagtatalakay sa mga naiulat na mga kasangkapan.

C. PAGLALAHAT
Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga kasangkapang gagamitin
sa pagbuo ng napiling proyekto?
Anu-ano ang kasangkapang dapat gamitin sa pagbuo ng mga proyekto
tulad ng mga sumusunod:
a. medicine cabinet d. parilya
b. photo album e. pulbera
c. pamaypay

D. PAGLALAPAT
Ibigay ang angkop na kasangkapan sa bawat gawain na nabanggit:
1. Sangkalang yari sa kahoy 4. Salaan na yari sa metal
2. Basket mula sa kawayan 5. hanger
3. Mesa at upuan

IV. PAGTATAYA
Panuto:Hanapin at bilugan ang mga titik na bumubuo sa mga
kasangkapang dapat gamitin sa mga proyektong nakasulat sa itaas ng
bawat puzzle.

MEDICINE CABINET
I A B O K I L E M
T O R P A E T G S
A M A R T I L Y O
K U T L A G A R E
E D O E M S N T U

PARILYA

P U N C H E R S T O L N S
Z R X V S P T E L M N W P
E S U L P E T E R S T P R
L A G A R E N G B A K A L
N M T R O T S W B A D K R
G U N T I N G N G Y E R O

PHOTO ALBUM

L A G A R E S B N S U T L P
M A R T I L Y O D E B O L A
K A R A Y O M L T O N E D N
O L E N M T A R S U V L A U
P U N C H E R T I A W R S K
S O R B D I A L A N S E T A

157
V. TAKDANG ARALIN
Itala ang mga hakbang sa paggawa ng proyekto.

I. LAYUNIN
Naitatala ang wastong hakbang sa paggawa ng proyekto

II. Paksa : Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa


Gawaing Pang-industriya

Sanggunian : Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng EPP (Sining Pang-Industriya 6),


pp. 98-101
BEC PELC, B.6.3.4, p. 40
Agap at Sikap 6 Batayang Aklat, p. 143

Kagamitan : mga larawan, mga tunay na bagay/kagamitan, tsart

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga kasangkapang ginagamit sa pagbubuo ng mga
proyekto sa gawaing industriya? (Palabunutan: Iguhit sa kapirasong
papel ang mga kagamitan. Bubunot ang mga bata ng isa at sasabihin
ang ngalan ng kagamitan o pagpapakita ng mga tunay na kasangkapan
at pagkilala ng mga bata sa mga ito.)

2. Pagganyak
a. Pag-awit ng Martilyo
b. Pagpapakita ng mga larawan at poster ng mga taong
1. naglalagare, nagpupukpok
2. nagwewelding, nanghihinang ng metal
3. yumayari at gumagawa ng mga nakalarawan
Anu-anong gamit ang nakikita ninyong ginagamit nila?
Paano kaya nila pinangangalagaan ang kanilang gamit?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbasa sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na
nasa tsart.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan

1. Magsuot at gumamit ng apron sa oras ng paggawa.


2. Ililis ang mga manggas ng damit.
3. Maglaan ng matibay na kahon o cabinet na pagtataguan ng mga
kasangkapan.
4. Ayusin ang mga kasangkapang may talim na nakaturo sa ibaba na
malapit sa inyong tabi.

158
5. Laging dalhin ang mga kasangkapang may talim na nakaturo sa
ibaba na malapit sa inyong tabi.
6. Laging malayo ang dalawang kamay sa talim ng mga kasangkapan.
7. Isauli kaagad sa sariling lalagyan ng mga kasangkapan kung tapos
ng gamitin.
8. Magtanong sa nakaaalam kung hindi ninyo alam gamitin ang isang
kasangkapan.
9. Huwag subukang humipo ng mga kasangkapan o mahinang
pinatakbo ng kuryente, maliban kung kayo ay naturuang
gumamit nito.
10. Panatilihing ang pook ng gawaan ay malinis at walang nagkalat na
mga bagay na maaaring makasakit.

2. Pagtatalakay
a. Bakit kailangang gumamit ng apron sa oras ng paggawa?
b. Ano ang gagwin sa mga kasangkapang may talim?
c. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang nabanggit?
d. Ano ang mangyayari kapag sinunod o di sundin ang mga ito?

C. PAGLALAHAT
Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ang
dapat isaalang-alang habang gumagawa at pagkatapos gawain?

D. PAGLALAPAT
Pagsasagawa ng mga bata o role-playing (Bigyan ang bawat pangkat ng
kagamitan at tingnan kung sila ay nakasusunod sa mga panuntunang
napag-aralan.)

IV. PAGTATAYA
Panuto:Itala ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na
dapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon (isa o dalawang
panuntunan.)
1. Inutusan si Danilo na ilagay sa wastong tabihan ng mga kasangkapang
tulad ng paet at katam. Paano dapat hawakan ang mga
kasangkapang matatalim?
2. Ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan matapos gamitin?
3. Kung hindi ninyo alam ang wastong paghawak at paggamit ng gunting
ng yero, ano ang iyong gagawin?
4. Upang maging malinis at maayos ang pook pagawaan, ano ang iyong
dapat gawin?
5. Inutusan ka ng isang magulang na dalhin ang sirang bangka sa silid-
aralan ng Sining Pang-Industriya at itampok ito, ano ang sasabihin
mo?

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ng tig-isang martilyo ang bawat pangkat.

159
I. Layunin:
1. Nakapagpaplano nang may angkop na ispesipikasyon ng isang proyekto
2. Natutukoy ang mga hakbang sa pagpaplano
3. Naiisa-isa ang mga bahagi ng plano sa isang proyekto

II. A. Paksang Aralin: Pagbuo ng Plano ng Proyekto

B. Mga Sanggunian:
BEC PELC B.6.6.3, pahina 40
Agap at Sikap 6, pp. 131-133

C. Mga Kagamitan:
Modelo ng isang yaring plano sa pagbuo ng proyekto, batayang aklat

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1) Balik-aral
Anu-anong gawaing industriya ang kinawiwilihan ninyong gawin para
lalong mapaunlad ang iyong kakayahan at kasanayan sa mga gawaing
ito?
Anu-anong kabutihan ang naidudulot ng mga gawaing ito sa
pamumuhay ng mag-anak?

2) Pagganyak
Kung may iniisip kayong proyekto na nais gawin, paano ninyo ito
sisimulan at tatapusin?
Bakit kaya kailangan ang pagpaplano bago isagawa ang isang gawain
o proyekto?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-aralan natin ang yaring plano na ito.

Mungkahing Proyekto
I. Pangalan ng Proyekto
Pangkaliskis ng Isda

II. Mga Materyales na Gagamitin


a. 2 pirasong kahoy na X2X7
b. 40 pako tig-1 ang haba
c. weldwood glue or kola
d. pintura

III. Mga Kagamitan at Kasangkapang Kailangan


a. panukat c. barena e. brotsa

160
b. lagari d. katam

IV. Mga Hakbang sa Paggawa


a. Putulan ang kahoy at katamin ayon sa sukat. Kortehan ito ayon sa
gusto ninyo.
b. Markahan ang isang kahoy ng nakahilera. Nakahilera o nakahanay
ang mga tuldok ng limang tigwawalo.
c. Butasin ang mga tuldik na ang gagamiting talim ng barena ay
maliit kaysa sa pako.
d. Ibaon ang mga pako sa butas. Kung napakatulis ng pako, putulan
nang kaunti ang dulo nito o kaya ay ikaskas sa
hasaan.
e. Lagyan ng kola ang kahoy sa bahaging may ulo ng pako. Ipahid at
ikalat ang kola sa buong kahoy. Ganoon din ang
gawin sa isang kahoy. Paraanin ang ilang sandali.
Pagdikitang mabuti ang dalawang kahoy.
Punasan ang sobrang kola sa paligid at patuyuin.
f. Linisan ang proyekto. Pintahan ang mga kahoy upang gumanda at
tumibay laban sa pagkabulok.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga materyales na kinakailangan sa proyekto?
b. Mura ba at madaling nakukuha o nabibili ang mga materyales na
kinakailangan?
c. Bakit mahalagang itala ang mga kasangkapan at kagamitang
kinakailangan sa paggawa ng napiling proyekto?
d. Nasunod ba ang wastong hakbang sa pagpaplano?

C. Paglalahat
Anu-ano ang mga bahagi ng plano ng isang proyekto?
Bakit mahalaga ang paggawa ng plano ng isang proyekto?

D. Paglalapat
Bawat pangkat ay gagawa ng plano ng proyektong gagawin. Sundin
ang wastong hakbang sa pagpaplano.

IV. Pagtataya:
Pagsusuri sa ginawa ng mga bata gamit ang score card na ito.
Score Card Para sa Ginawang Plano
1. Nasunod ang wastong hakbang sa pagpaplano 25%
2. Mura at madaling makuha o mabili ang mga
materyales na kakailanganin sa paggawa ng proyekto 25%
3. Mura at madaling makuha o mabili ang mga materyales
na kakailanganin sa paggawa ng proyekto 25%
4. Angkop ang mga materyales at kasangkapang
gagamitin sa paggawa ng proyekto 25%
Kabuuan 100%

V. Kasunduan:
Ihanda at dalhin dito sa paaralan ang mga materyales at kasangkapang
kinakailangan sa paggawa ng proyekto ninyo.

161
I. LAYUNIN:
Nakasusunod sa wastong hakbang ng pagbuo ng gawain tulad ng pagsusukat,
pagpuputol, pagpapakinis, pagbubuo, pagtatapos at iba pa

II. Paksa : Wastong Paraan ng Pagkakatam

Sanggunian : Agap at Sikap 6, pahina 146


Patnubay ng Guro sa EPP (Sining Pang-Industriya 6), pp. 67-69

Kagamitan : mga larawan o tunay na kasangkapan/kagamitan (katam, basag na


bote, kikil, kutsilyo o lanseta, papel de liha) kahoy.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Wastong paraan ng paglalagari

2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan o tunay na bagay. Ano kaya ang
gamit ng mga ito? Alin sa mga ito ang pinakamainam gamitin ng
karpintero sa pagpapakinis ng tabla?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbasa ng mga bata sa wastong Paraan ng Pagkatam.

i. Piliin ang pinakamakinis na panig ng tabla


ii. Ilagay ang tabla sa mesang gawaan at ipirmi ito. Tiyaking
nakaayos ang tabla sa paraang makakatam ito naayon sa
hilatsa ng kahoy.
iii. Ayusin ang talim ng katam upang maging manipis at pantay
ang pagkayod nito sa kahoy.
iv. Katamin ang ibabaw ng tabla hanggang sa maging malinis ito.
v. Gamitin ang talim o maikling braso ng iskuwala upang matiyak
na pantay ang ibabaw ng kinataman. Tiyaking magtatama ang
talim at ang kahoy sa kabuuan ng kinatam na panig ng
tabla.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga kasangkapang o kagamitan na maaaring gamitin
sa pagpapakinis o sa pglilinis?

b. Saan ginagamit ang katam? Ano ang gamit nito?

162
3. Pakitang-turo ng guro
1. Pagkakalas at paglalagay ng talim ng katam.
2. Pagsasaayos ng talim ng katam.
3. Wastong paraan ng pagkakatam.

C. PAGLALAHAT
Anu- ano ang paraan ng pagkakatam?

D. PAGLALAPAT
Papangkat na pagsasagawa ng mga bata.
Isahang pagkatam ng mga bata sa pamatnubay ng guro.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek () ang antas na nararapat sa bawat pamamaraan.

Mga kasanayan Antas ng kasanayan


5 4 3 2 1
1. Napili ba ang pinakamalinis na panig ng tabla?
2. Nakaayos ba ang tabla sa paraang makakatam
nang maayos sa hilatan ng kahoy?
3. Naayos ba ang talim ng katam upang maging
manipis at pantay ang pagkayod nito sa kahoy?
4. Nakatam ba ang ibabaw ng tabla hanggang sa
maging makinis ito?
5. Nagamit ba ang talim o maikling braso ng
iskuwala upang matiyak na pantay at pat gang
ibabaw ng kinataman?

V. TAKDANG ARALIN:
Magdala ng barena at magpaturo sa inyong magulang o nakatatandang kamag-
anak kung paano ito gamitin.

163
I. LAYUNIN:
Nakapagsusuri ng gawaing natapos upang lalo itong mapabuti

II. Paksa : Wastong Paraan ng Pagbabarena

Sanggunian : Agap at Sikap 6, pp. 145-146

Kagamitan : lapis, eskuwala, kahoy/tabla

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang paraan ng pagkakatam?

2. Pagganyak
Pagpapakilala sa Pamilyang Pagbabarena (Mga piling bata ang
hahawak ng bawat kasangkapan).

Tagapagsalita: Nais Kong ipakilala ang mga kasapi sa pamilyang


Pagbabarena.
Pangkat 1: 1. barena/balbike
2. eskuwala
3. tabla
4. talim ng barena o auger bit
Pangkat 2: 1. Narito po ako
2. Narito po ako
3. Narito po ako
4. Narito po ako
Lahat: Narito na po kaming lahat

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
a. Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa.
b. Basahin ang aklat sa pahina 145-146 kung anu-ano ang mga ito.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga kagamitan sa pagbabarena?
b. Paano ginagamit ang mga ito?
c. Kailan ginagamit ang mga ito?

3. Pagpapakitang-turo ng guro o pangungumbida ng taong sanggunian.

164
C. PAGLALAHAT
Anu-ano ang wastong paraan ng pagbabarena?

D. PAGLALAPAT
Papangkat at isahang pagsasagawa ng mga bata sa pagsubaybay ng guro.

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Markahan ang inyong sarili. Maging matapat sa paggawa nito.
Lagyan ng tsek () ang hanay na naaayon sa Antas ng kasanayan
ng Paggawa.

Mga kasanayan Antas ng Kasanayan


5 4 3 2 1
1. Pagmamarka sa lugar na bubutasin at madidiin.
2. Pagdidiin ng balibal na pagbubutas.
3. Pagkakabit ng angkop na talim ng barena o auger bit.
4. Paggawa ng ilang ikot pakanan upang bumaon sa
kahoy ang balbike.
5. Pagtiyak na nakaperpendicular ang kalaparan ng tabla
at balbike sa pamamagitan ng eskuwala.

V. TAKDANG ARALIN
Ipagpatuloy ang mga gawain ninyong gagamitan ng pagbabarena.

165
I. LAYUNIN
1. Nakalilikha ng disenyo ng napiling gawain
2. Nakalilikha ng disenyong ortograpiko ng napiling gawain

II. Paksa : Paglikha o Paggawa ng Disenyo ng Napiling Gawain

Sanggunian : Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan
BEC PELC B. 6. 3. 1 pahina 40

Kagamitan : lapis, foot rule, drawing paper o coupon bond, T-square

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga bahagi ng isang plano ng proyekto?
Anu-ano ang mga hakbang sa pagpaplano ng isang proyekto?

2. Pagganyak
Ipakita sa mga mag-aaral ang ortograpikong drawing ng isang
gagawing proyekto.
Paano kaya ang paggawa ng ortograpikong drawing? Saan
gagamitin ito?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
a. Pagpapakita ng ortograpikong drawing ng isang gagawing
proyekto

ORTOGRAPIKONG
DRAWING

166
2. Pagtatalakay

a. Pagtatalakayan tungkol sa pagbuo ng ortograpikong drawing.


b. Pagpapakitang-turo sa ortograpikong drawing.
c. Pagsasagawa ng mga bata sa namasid na paraan ng ortograpikong
pagdodrawing.
d. Pagbibigay ng kaukulang marka sa mga isinagawang drawing.

C. PAGLALAHAT
Sa papaanong paraan natin naipapakita ang paglikha ng disenyong
ortograpiko?

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Igawa ng ORTOGRAPIKONG DRAWING ang larawan.

V. TAKDANG ARALIN
Magsanay sa pagguhit ng ortograpikong drawing.

167
I. LAYUNIN:
Nagagamit nang may kawilihan ang kakayahan at kasanayan sa pagbuo ng proyekto

II. Paksa : Wastong Paraan ng Pagmamartilyo

Sanggunian : Agap at Sikap 6, pahina 144

Kagamitan : tunay na bagay, larawan, puzzle

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan
kaugnay sa gawaing pang-industriya?
Pag-awit ng Hammer One, Hammer Two

2. Pagganyak
Pagbuo ng puzzle (Bigyan ang bawat pangkat ng ginupit na
larawan ng martilyo)
Anu-ano ang inyong nabuo? Ano ang gamit nito? Paano dapat
hawakan o ingatan ang martilyo?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Pagbasa sa wastong paraan ng pagmamartilyo na nakasulat sa tsart.

2. Pagtatalakay
a. Anu-ano ang mga kasangkapang kinakailangan sa pagmamartilyo?
b. Paghahanda ng mga kagamitan.
3. Pakitang-turo ng guro sa wastong paraan ng pagmamartilyo.

C. PAGLALAHAT
Anu-ano ang paraan ng pagmamartilyo?

D. PAGLALAPAT
Pagpapangkat sa mga bata at isagawa sa wastong paraan ng
pagmamartilyo.

168
IV. PAGTATAYA
Paano isinasagawa ng bawat pangkat ang pagmamartilyo? Wasto ba ang
kanilang ginawa? Paano ang paghawak ng martilyo at pako?

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ang bawat pangkat ng lagare.

169

You might also like