You are on page 1of 200

***1*** The End. Fairytales. Yeah right! As if it's true.

Siguro nga yung


fairytales eh hindi maganda sa simula, then pagdating ng dulo eh happy ending
parati. Lagi na lang napapataas yung kilay ko. My mom told me I used to like
reading those kind of books. But right now... wala siya sa interest ko. Paano nga
ba sinisimulan yung story sa mga fairytale? Ano nga bang phrase yun? Ooh.. ok. I
remember. Let's start my story with that phrase too. Once upon a time, in a kingdom
far far away, there lived a princess who cleaned her closet. Ooopps... corny. Wala
kaming kingdom, at hindi rin whatever once upon a time. It's modern day. And
fairytales, don't come true in real life. Right now, the closet part was true. I'm
cleaning my closet and my drawers. Ito yung binigay sa akin na relo ni Daddy nung
nagpunta siya ng Canada. Hindi ko naman na ginagamit so might as well, isama ko na
lang doon sa sako. Crap. Ito kayang bag na regalo naman sa akin ni Mommy nung
nanalo ako sa Declamation ko? Marumi naman na so, wala na rin siyang kwenta. Crap.
How about itong stuff toy na... Fine.. fine!! Bakit ba ako nag-aabala na tanungin
pa yung sarili ko kung alam ko naman na yung mga nandito sa drawer eh yung mga
hindi ko na ginagamit. Mostly, crap for me... not for others. Bumaba ako sa
hagdanan namin at dumeretso ako doon sa mini-office ni Daddy sa bahay. As usual,
nakalatag na naman ang iba't ibang papel sa harapan niya at nakasalamin pa siya.
"Hey Dad, I need a ride sa Hand-me-down Shop!""Ok honey!" tapos winave lang niya
yung kamay niya ng hindi man lang lumilingon sa akin. Wala na naman yatang pakialam
sa mundo itong Daddy ko. Workaholic kasi yan. Kapag nawala siguro yung work niya sa
buhay niya, baka suki na siya ng mga psychiatrist. Ang mean ko no? Totoo naman
kasi. Dati nga bakasyon namin sa probinsiya para magbeach, may dala ba namang
tatlong suitcase at may gagawin daw siya. And my Mom? She's in the kitchen. Baking.
She loves to bake. Unfortunately, wala pa siyang nape-perfect. As for me, wala rin
akong talent. Or maybe I do, hindi ko lang alam. But lately, sinusubukan kong mag
hang-out sa kitchen para matuto magluto. Ayun, wala pa ring nangyayari. Cooking is
a talent right? Err.. I don't know. Nung nakalabas ako sa garden namin, mukhang
walang tao. Hindi ko makita kung nasaan yung driver namin. Hindi naman ako marunong
mag-drive. O siya, maglalakad na lang ako hanggang makarating doon sa Shop. Mas
mahilig naman ako doon. Nag-sneak ako lumabas nun dala-dala ko yung malaking sako
na pinaglagyan ko nung mga gamit na ayaw ko na. Nung nasa labas na ako ng bahay,
tumakbo na ako. Mamaya may makakita pa sa akin. Nakita ko na naman ang kagandahan
ng village namin. Sa sobrang ganda at sa sobrang
tagal na namin dito, hindi ko pa rin alam yung pangalan nung matandang lalaki na
nakatira sa tapat ng bahay namin. Yung nasa kanan naman eh alam ko ang pangalan
pero hindi ko pa nakikita. Maganda nga yung village, weird naman lahat. Hindi
normal. Ang daming sasakyan nun na nag-pass sa akin. Mausok nga eh kaya nag-cough
pa ako. Naglakad lang ako ng naglakad at saglit lang din eh nasa harap na ako ng
shop. Nakaupo doon si Mr. Ferol, yung may-ari ng shop. "Hi Mr. Ferol!" tinaktak ko
naman ng daliri ko yung glass window niya. "Oh.. hija nandito ka na naman uli. May
ibebenta ka uli?""Opo. Itong nasa sako." tapos inabot ko sa kanya yung mga gamit
ko. I've been in this shop for a couple of times. Pero hanggang ngayon, wala pa
ring masyadong pagbabago maliban na lang sa mga nakasabit na tinitinda. If you get
the idea of hand-me-down shops, then wala na pala akong problema i-explain sa inyo.
If not, consult a doctor. I mean, someone who knows all about it. "One thousand one
hundred pesos." Nagulat naman ako. P1,100? Para doon sa mga ayaw ko na? "For real?
Hindi ko naman po inaasahan.""Naku hija, sa pinambili niyo dito, ilang P1,100 na."
inabot niya sa akin yung pera."May quality naman talaga yung binebenta mo sa akin.
May balak ka na naman sa pera?" Dahil nga iniikot-ikot ko yung paningin ko sa shop,
isang minuto pa siguro yung nakalipas bago ako sumagot. "Opo. But, it's not
something for me. For.. somebody else." Ngumiti lang si Mr. Ferol. "Anong taon ka
na pala sa pasukan?""Uhmm.. 4th year po." tapos yumuko ako. "Doon ka uli sa private
school?""I think so. I don't know, ayoko kasi doon eh." napatingin ako doon sa
labas at nakita ko si Roland na nakatingin din dito sa loob, "Sige po Mr. Ferol
aalis na ako. Nandito na yung isa sa action figures ng Daddy ko." Lumabas na ako
nun sa shop at syempre hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Roland. "Mam naman. Bakit
po kayo lumabas ng hindi nagsasabi? Papagalitan po kami niyang ng Daddy niyo eh."
Huminto naman ako, humarap at nilagay ko yung isang kamay ko sa balikat niya.
"Roland, I hate to say this but... I'm already 15. Turning 16 this year. I'm a
teenager. I'm still young, but I can handle myself. Eh yung Daddy ko? He's in his
late 40's. Old enough! Kaya dapat, sa kanya ka lagi nakadikit." tapos dumeretso na
uli ako ng lakad. "Pero papagalitan po kami nun. O kaya ikaw rin." Tumawa naman
ako. "Ako papagalitan ni Daddy?" tinuro ko pa yung sarili ko at nakangiti...
"You're right."tapos bigla akong sumimangot. "Pero sasabihan ko lang yun ng I'm
sorry hind na mauulit Dad wala na uli yun. It always works for me! You should try
it.""Magwo-work lang yun kung tatay ko siya. Kaya nga ang kaibahan natin ngayon,
Daddy mo siya, boss
ko siya. So.. uuwi na tayo." Hinila naman niya ako kaya lang pinigilan ko siya.
"Roland, saglit lang." tapos tinaas ko yung sobre doon na hawak ko, "Kailangan ko
lang ibigay ito doon.""Magdo-donate ka na naman doon sa school?!?" Tumingin ako sa
gilid at tinakpan ko yung bibig niya. "Shh! Huwag ka ngang maingay. Nobody knows
it's me. Gusto ko lang mag-donate doon sa school para, para ma-improve nila yung
mga bagay-bagay. In my school, lahat may gumagawa para sa amin. You don't have to
do anything but to bug your teacher. Pero diyan sa public high school? It'll help
alot of them. Please!""All right!" This time, sumakay kami ng kotse na dala ni
Roland at dumeretso kami doon sa school. Hindi na ako bumaba at tinulak ko siya na
lumapit doon sa babae na nag-aabang ng donation. May inabot naman na papel tapos
dinala niya sa akin. Nilagay ko yung pera doon sa loob. Hindi naman ganun karami
pero, at least meron. Nakalagay yung amount doon sa labas, tapos name ng nag-
donate. As usual dahil ayokong may makaalam na ako yung nag-donate, nilagay ko na
lang yung madalas kong nilalagay. 'A.L.' Initials ng pangalan ko. Umuwi na kami ng
bahay pagkatapos nun. Sinermonan ako ng Daddy ko na delikado daw yung ginawa ko.
Syempe, oo na lang uli ako ng oo. "Sinabi ko naman sa iyo na may fund tayo para sa
donation na gusto mong ibigay bawat school! Ano pa bang gusto mo? May program na
tayo para doon. Tapos ngayon tumatakas ka pa?""Dad! I've been in this program since
I was 5 years old! And thank you sa pag-oorganize ng program for donations. Pero
alam mo kung anong gusto ko? Magdo-donate na lang din ako eh galing sa akin. Magdo-
donate ako ng hindi nila ako kilala! Hindi dahil magdo-donate ako for publicity! So
people would think I'm really kind! No way!""But you are kind! Kaya nga nagbibigay
ka sa kanila ng donations 'di ba? Don't you want them to know that you are
'A.L.'?""No Dad. Kaya ko nga ginawang ganun para hindi nila alam." Tumingin ako
doon sa mga kasamahan namin sa bahay na nakapalibot sa amin. "Nobody knows except
everyone in this house! No one would talk about my name and 'A.L.'!" Nagdabog naman
ako at umakyat ako doon sa hagdan namin. Hindi pa ako nangangalahati eh tinawag na
naman ako ng Daddy ko. "Anak, 4th year high school ka na sa pasukan.. then college.
Naisip ko lang..""Dad, wala akong oras para dito.""Ayos yung school na iyon anak.
Nanduon ka na nga buong high school life mo..""Yeah! That's the point. I've been
there 3 years of my high school life and I still feel that I am not one! Ayoko nang
bumalik doon.""You're going back in that school you hear me?!?" dinire-diretso ko
lang paglalakad ko, "You're going back to that school with that Wesley guy!" Nung
binanggit ng Daddy ko yun, napahinto na talaga ak ng tuluyan. Nasa pinakataas na
ako ng hagdan nun. "Who?!?" Mommy ko naman ang sumagot. "Wesley. Yung nag-iisang
anak ng mga Garcia." Nagalit talaga ako nun. Gusto nilang bumalik ako sa school na
iyon para magkasama kami nung Wesley Garcia? I don't even know him. Alam ko na kung
bakit. Dahil may
kumpanya sila. Syempre yung Daddy ko, gusto lang na magkagusto ako doon din sa may
pera na. Kaya nga niya ako inenroll sa private school na yun 'di ba? "I hate you
guys." yun na lang ang nasabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko. Dumapa ako doon sa
kama ko. Parang lahat na lang ng kilos ko, planado. Parang lahat ng kilos ko,
kailangan tanungin ko pa sa kanya. Hindi ba ako pwedeng magdesisyn para sa sarili
ko? I've never been on a date in my entire life. Hindi dahil sa walang nagyayaya sa
akin kundi dahil ako lagi yung tumatanggi. Makikipagdate ka na lang, may action
figures pa na nakabantay. Makikipagdate ka na nga lang, yung mga jackass spoiled
rich kids pa makakasama mo. So what for? Have you ever felt like your life is in a
music box? Iikot mo yung key, tutunog. Iikot mo uli, tutunog. The same music over
and over again. Nakakasawa na. It's not funny at all. It is not. For once, I wanna'
do something for myself. Gagawin ko hindi dahil gusto ng Daddy ko, kundi dahil
gusto ko. Tumakbo ako doon sa kwarto ng Mommy ko at kumatok ako doon. "Mom!"
binuksan naman niya. Huminga ako ng malalim, "I'm enrolling myself in a public
school." Tumingin lang siya sa akin. Tapos yumakap sa akin. "Go for it anak. Ako na
ang bahala makipag-usap sa Daddy mo." Ngumiti naman ako. I have plans. Different
ones. And if my Dad can't accept my own conditions, I'm not going to school...
ever. Why bother going to school if everything's planned for me? Gusto ko mag-plano
para sa sarili ko. And experience the other side of everything. This time... I'm
the going in the real world.

***2*** Hindi naman na ako nagtaka nung nalaman ni Daddy yung tungkol doon sa plano
ko. Sa bahay naman, siya lang ang mahilig kumontra sa akin. "Public School? Alam mo
ba yung sinasabi mo?!?" ang aga-aga high-blood na naman yata. Hindi ko nga sinagot.
"Hindi mo ba alam na ibang-iba yung environment doon sa public school. Iba yung mga
bata, yung mga classrooms, mga pagkain.." Napikon talaga ako nun. "Tao rin sila
Dad! Tao rin ako! What's the difference? If they can do it, I can!"binagsak ko yung
kutsilyo ko saka yung tinidor, "I'm not going to school kung babalik na naman ako
doon. You want me to go with that Wesley guy? I don't know him!""Nag-iisang anak
yun ng mga Garcia. Papasok na siya sa school mo. Nagkausap na kami at bigyan lang
daw sila ng tawag ok na. Why don't you give him a chance? He's probably a
nice--""Yeah right Dad. You only care about yourself. Sa pagkakaalam ko, hindi mo
naman concern na pumunta ako sa school na yun. You're so desperate to keep your
company up that you are trying to set-up your own daughter with some spoiled rick
kid she never met! And FYI Dad, I want a change in my life. It's MY life. I didn't
say OUR life." Pagkatapos na pagkatapos kong sinabi yun, tumakbo na naman ako sa
taas at doon na naman ako nag-iiiyak. Binuksan ko naman yung TV ko at nilipat-lipat
ko yung channel. Wala pa rin akong makita. Wala kasi ako sa mood. May kumatok naman
sa labas ng kwarto ko. Nung tinignan ko, si Tilly pala yun. Nanny ko since bata pa
ako. "Hi Tilly, kukunin mo yung laundry?" tinanong ko naman siya. Instead, umupo
siya sa edge ng kama ko at inakbayan ako. "Anak ko, alam ko na nahihirapan ka rin."
hay, nandito na naman siya para i-point out yung ginawa ko, "Pero sigurado ka na ba
sa desisyon mo?""Opo. Kung hindi lang din siya papayag, tatanda ako sa bahay na
ito." ngumiti naman ako. "Alam mo ba, maganda na ipinaglalaban mo yung gusto ko.
Pero minsan, dapat mo ring isipin yung magkabilang side na pinagpipilian mo.
Maraming pwedeng mangyari. Hindi mo alam kung lahat ba kakayanin mo.." I hate it
when she's always right, "Kaya dapat, ready kang harapin lahat yun.""Hindi ako
sigurado kung kakayanin ko lahat. Yun nga yung challenge 'di ba?!? Pero ang alam
ko, ready naman ako eh." Bigla na lang may kumatok uli sa pintuan ko. This time,
it's my real Mom. Nakangiti naman siya sa akin at nakatayo lang siya doon sa
pintuan. "Anak, I think you're in luck. I talked to your Dad.. kahit na hindi pa
rin siya ganun kaapprove, pumayag na siya. But with certain conditi--" tumalon ako
nun sa kama ko. Nag-kiss lang ako kay Mommy na nakatayo doon sa pintuan at mabilis
naman akong tumakbo sa hagdanan. Paalis na papuntang office yung Daddy ko. Muntik
pa akong madapa sa carpet pero wala akong pakialam. Tinalon ko naman yung 7 steps
sa front door namin at hinarangan ko yung kotse niya na paalis kaya napahinto yung
driver namin. I mean, napa-break ng de-oras. Binuksan naman ng Daddy ko yung
pintuan niya sa likod. "Thanks Dad! Thanks alot!" yumakap naman akosa kanya.
Yumakap din naman siya sa akin. "We'll talk about it later. Anak, mala-late na
ako." Humiwalay na ako sa Daddy ko. Wala pa akong slippers na suot nun. Sumakay na
siya uli at ako pa yung nagsara nung pintuan nung kotse. Dahil nga sa sobrang saya
ko, sumaludo pa ako sa kanya.
Pagpasok ko sa bahay namin eh nagsasasayaw pa ako. Wala lang, I never felt so happy
for the last few days... or years. *** Nag-doorbell naman kami doon sa bahay nila.
Maliit lang kung ikukumpara sa bahay namin, pero pakiramdam ko, masaya pa rin ako.
May nagbukas naman ng pinto. Nung makita niya kami eh.. "AAAAAAAHHHHHHHH!!!!" tapos
sinara niya yung pinto. After 2 seconds, binuksan niya uli at nakangiti na siya, "I
mean, good evening cousin! Good evening uncle.. and auntie.. and everyone!"
Pinapasok naman niya kami. Nagulat lang siya at nadayo kami dito sa lugar nila.
Hindi kasi kami madalas pumupunta dito. Inexplain namin sa kanya at sa family niya
yung plano. Anong yung plano? Kasama ko yung cousin ko na papasok sa school. Siya
ang magbabantay sa akin. Yung cousin ko? Si Kaylie. Kay for short. "Mag-eenroll ka
sa public school? Napaka--" Alam ko hindi maganda yung sasabihin niya kaya ako na
yung nagtuloy. Baka magbago bigla-bigla yung iniisip niya. "--gandang opportunity
naman yun 'di ba Kay?" Tumingin lang sila Mommy at Daddy sa akin. Ayon sa usapan
namin, dito muna ako sa bahay nila titira ng isang araw. Pagkatapos, magmo-move
kami ni Kay sa isang boarding house malapit sa school. Malayo kasi yung bahay nila
eh. Ayaw ng Daddy ko na biyahe daw ako ng biyahe at yung mga driver daw eh hindi
niya pinagtitiwalaan. "Titira tayo sa boarding house? Tayong dalawa lang?" mukhang
excited din siya. "Yeah." tumango naman ako. "Ang saya nun!" Syempre bago pa umalis
yung Daddy ko kasama si Mommy, Tilly at yung action figures niya, kung anu-ano pang
paalala yung binigay niya. Kesyo siya daw ang magbabayad doon sa boarding house, na
wala daw ako dapat kalokohan, tumawag daw kung may kailangan, sabihin ko daw kung
nagbago na yung isip ko.. mga ganun. Pero sorry na lang, hindi nagbago yung isip
ko. Doon na ako natulog sa kanila. Within three days, pasukan na namin. Enrolled na
si Kay, ako hindi pa. Pero dahil nga yung Daddy ko eh maraming nagagawa, hindi na
problema kung late man ako sa enrollment o ano. Dinala namin yung bags ko nun
hanggang sa taas. Si Tilly eh umiyak pa dahil hindi daw niya ako makikita ng ilang
buwan. Si Roland din eh yumakap sa akin. Ka-close ko yung mga yun eh. "Wow! Ang
dami mong gamit! Branded pa lahat!" tinignan niya yung laman ng bag ko. "Gusto mo
yung mga yan? sa 'yo na lang.""Hindi nga?!? Hindi ako tatanggi!"
Mukhang ang saya-saya niya nung makuha niya yung mga damit na binigay ko. Kung
magpapakanormal high school student ako, e di lubus-lubusin ko na. Simulan sa
damit. Nag-move kami kinabukasan doon sa boarding house na tinutukoy. Sabi ni Daddy
eh ako daw ang pumili. Pagpasok na pagpasok namin sa loob, ang dumi-dumi doon.
Hinatid kami nung babae sa isang room. Kabubukas pa lang eh panay alikabok na
kaagad yung bumngad sa amin at may ipis pa na lumipad. Tinignan ko si Kay. Iba na
yung itsura niya. Umiiling-iling pa siya na hindi namin kukunin yung room. Ako
naman eh humarap doon sa landlady. "Considering na panay alikabok yung kwarto at
may ipis ako na nakikita.." Tumango na naman si Kay at nakiki-agree sa akin. "We'll
take it." Tumango pa siya ng isang beses tapos tumingin sa akin. "What?!?" tumingin
siya sa landlady, "Excuse me lang po ah," hinila niya ako sa gilid,"Ang dumi-dumi
ng kwarto na yun doon tayo?""Konting linis lang yun ayos na! Maganda naman yung
kwarto eh.. malinis. Isa pa, nasa harap ng pintuan natin yung CR ng mga babae..."
Biglang may pumasok na lalaki na teenager doon sa CR at nagkamot pa ng ulo at
mukhang hindi kami napansin. Napataas yung kilayko. "At lalaki." Ganun na nga
ginawa namin. Nilinis muna namin yung kwarto bago namin nilagay yung mga gamit
namin. Wala pa lang aircon doon kaya ayun, pawis na pawis ako. Pero natuwa pa rin
naman ako dahil hindi pa ko naglinis ng totoo. Hindi ko nga alam gumamit ng mop
nila kaya nagbaha pa ng tubig doon sa loob. In the end sa sobrang pagod namin, nag-
hire na lang kami ng babae na pwedeng magtapos nung sinimulan namin. Kami eh nag-
shopping ng pwedeng gamit sa loob. After that day, nag-move na kami. Maganda na
yung room. Nung nag-shopping kami, kinuha ko eh yung mga plain bedsheet para simple
lang. Gusto ni Kay nun eh yung may design. Hindi naman ako pumayag. After two days,
ang aga-aga kong nagising at sinubukan kong maligo doon sa CR na marumi na nasa
harapan namin. Buti na lang tiles siya. Hindi naman pala ganun kasama. Nagdala pa
man din ako ng pang bubble bath kaya lang wala pa lang bathtub dito. At kung meron
man, hindi siguro ako gagamit dahil public toilet 'to. Ginising ko pa si Kay nun.
Late na nga siya bumangon at mukhang wala siyang balak pumasok sa school. Mabuti na
lang mas mabilis siyang kumilos sa akin. Sabi niya, excited naman ako masyado sa
pagpasok. Mukhang alam na niya kung saan kami pupunta. Unlike sa school ko before
na alam ko na kung saan ang room ko, dito naman sa kanila eh nakalista yung names
sa labas ng classroom at ikaw pa ang maghahanap. How, unusual. Konti lang din yung
lockers nila. Kaya magkasama kami ni Kay sa iisang locker. "Alam ko hindi ka sanay
sa ganito, pero ganito talaga sa school na ito. Shared lockers,
maduming restrooms, may vandalism.." Umupo naman ako kasama niya dahil nasa baba
yung locker namin sa hallway. Inayos ko naman na yung gamit ko. Iniwan niya ako
nakaupo at tumayo siya malayo doon sa akin at tinitignan niya yung mga dumarating.
Ang gulo nga sa school nila pero.. mas masaya ito. Kaysa naman organize na
organize, nakaka-depress lang. Hindi ko maipasok yung binder ko dahil hindi na yata
kasya. May narinig naman akong ingay kaya lang hindi ko na lang pinansin. Kaya lang
narinig kong sumigaw si Kay. "Hey.. hey hey.. ingat!" Tinakpan ko yung ulo ko at
napayuko ako. May nakita akong rubber shoes sa gilid ko na nakatiptoe para pigilan
na tumumba sa akin. Nung tumingala ako, nakahawak na siya sa gilid at mukhang
muntik na talaga siyang matumba sa akin. Lumapit si Kay sa akin. Akala ko kung
anong sasabihin nung lalaki. "Zup?" tapos umalis na siya kasama nung dalawang
lalaki. Nung nakalayo na siya, tumabi sa akin si Kay. "Oh My God! Muntik na siyang
matumba sa iyo. Hindi niya nakita na nasa baba ka pala!" Mukhang excited na excited
naman yung cousin ko. Who the heck is that guy? "Narinig mo yung sinabi niya sa
iyo? Zup? Hindi nga ako kinakausap nun eh!""Sino naman yun?""Siya?" ngumiti siya sa
akin, "That's Jasper Morales, #1 prankster namin.. pero smart." Parang hindi nagma-
match ang prankster at smart ah! Usually smart, ibang issue yung pagiging
prankster. Nagtaka lang ako sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay ko. Dumiretso
kami doon sa dulo ng hallway para hanapin yung room namin. Nung makita na namin
yung names namin sa pinakadulo na room, nandun yung tatlong lalaki kanina. "4th
year din sila?""Oh yeah! Classmate ko na naman siya!" Hindi na lang ako nagsalita.
Unlike her, I don't know everyone. Nakatingin sila sa akin nun. Bago pa kasi ako.
Iniwas ko na lang yung tingin ko at napatingin ako doon sa building sa labas.
Nakita ko yung name ng building. A.L. Building #1. A.L.?? "Hey Kay, who's A.L?""Oh
that? Siya yung nagdodonate lagi dito. Pinangalan na sa kanya yung buildings dito.
Wala ngang may kilala sa kanya eh. Ang bait niya no?""Ilan ang building dito na
pinangalan sa kanya?""7." Seven?!? Tumingin uli ako doon sa classroom at nakita ko
yung Jasper na naglalagay ng glue doon sa isang upuan. Paano kung may naupo doon eh
di malalagyan ng glue. Hindi ko natiis, tumayo ako at inagaw ko yung glue sa kanya.
"What are you doing? Paano kung may naupo diyan?" nilayo ko yung glue sa kanya.
"Yun nga yung masaya doon! May mauupo diyan, didikit siya.""No way! Masisira yung
first day of school niya." Napansin ko na nakatingin na naman sila sa akin. Did I
miss anything? "In this school, masaya ito. Kaya akin na yang glue.." hindi ko pa
rin binigay. "Bago ka dito no?!?""How did you know? I.. i mean.. Oo." bakit ba
nage-english ako? Normal kid. Right. "Miss, Jasper nga pala. Sanay na mga tao sa
akin sa ganito so... ibigay mo na yung glue." hinawakan ko pa rin. Lumapit naman si
Kay at hinila ako. "Pasensya na, bago lang yung pinsan ko dito eh. Sa school kasi
niya, walang ganito." Tinignan ko ng masama si Kay. "Syempre meron! Ahh..." inabot
ko uli yung glue, "Sige lang!" Hindi ko alam na yung ganito, normal lang sa kanila.
First day pa lang.. I blew it! Tumalikod na ako. "Hey Miss! Anong pangalan mo at
saan ka transferee?" Nagtinginan kami ni Kay. "Galing siya sa priv--" siniko ko
naman siya kaya natigilan siya. "Galing ako sa probinsiya. School ko eh..."
tumingin ako sa gilid, "Jose Rizal uhh... National High School.""Probinsiyana ka
pala." tapos binuhos na niya ng tuluyan yung glue. Bumulong naman si Kay sa akin.
'Probinsiyana? Ikaw?'"Yeah... probinsiyana nga ako kaya hindi ko pa alam yung mga
bagay-bagay dito. My name is, Szarielle (she-ree-yel) Madrigal Lopez.." Tumingin
uli yung Jasper sa akin. "Ok. Transferee ka galing ng JRNHS.. probinsiyana ka.."
halata kong confused na yung itsura niya... "She--- What now?" sabi ko nga hirap na
naman sila sa pangalan ko.

***3***Lagi na lang ganun. Nagkakamali sila sa pangalan ko. "Szarielle." inulit ko


uli sa kanya.
"Anong spelling?" pinunasan naman niya yung kamay niya doon sa polo nung kasama
niya. That is so rude. "S-Z---" hindi ko naman natapos yung pag-spell ko ng
pangalan ko dahil pinigilan niya ako... "Whoa.. whoa.. whoa.. simula pa lang
mukhang mahirap na. SZ??" tumingin siya sa kisame.. "Since your name is She-
whatever.. I'll call you..." Kinabahan ako nun. Not Arielle.. not Arielle... not
Arielle.. "Riel (ree-yel)" Tumango na lang ako. It's better than I expected. Ayoko
maging Arielle na naman ang nickname ko. Sa bahay at sa dati kong school yun ang
gamit ko. Baka magkaroon pa sila ng idea na A.L. stands for Arielle Lopez. May
pumasok naman na teacher at may kasama siyang isang lalaki na nakasalamin. As in
yung salamin niya, makapal na. Tinuro nung teacher yung upuan sa likuran na
nilagyan nung Jasper ng glue. Napatingin ako doon sa lalaki. Kawawa naman siya.
Nagpipigil pa ng tawa yung Jasper saka yung dalawa pa niyang kasama. Gustung-gusto
ko sanang sabihin na mali yun, kaya lang bago ako dito. Ayokong mag-focus sa akin
yung spotlight. Lumapit na sa likuran yung lalaki. Plantsadong-plantsado yung
buhok, may hawak na libro, makapal na salamin... I know.. you get the idea. Uupo na
sana siya nun sa upuan kaya lang hindi ko mapigilan yung sarili ko. "Hey wait!"
sabi ko naman kaya natigilan siya, "You can have my seat." Alam kong nagtinginan
silang lahat sa akin. Pati si Kay eh nagtataka kung ano daw ba ang ginawa ko.
Tumayo lang ako sa gilid nun. Hawak-hawak ko yung binder ko at nangongopya nung
requirements. Napansin din naman ako kaagad nung teacher. "Uhmm.. Miss--?" tinuro
niya ako. "Riel.""Riel. Miss Riel. Bakit ka nakatayo eh may upuan sa tabi mo?"
tinuro niya yung upuan na pinangpalit ko. "Ok lang po, ayos na akong nakatayo.
There's.. something." Hindi naman nakuntento yung teacher kaya lumapit nun.
Tinignan naman niya yung upuan. Nagsalubong yung kilay niya at tumingin sya doon sa
likuran. "Mr. Morales, sa guidance office!" pinalabas niya yung Jasper, "Ms. Riel,
you can have his seat." Nakangiti pa yung Jasper na lumabas ng classroom. That is
so odd. Masaya pa siya na in-touble siya. Tumingin ako kay Kay nun. "Was that
supposed to be 'cool'?"
Tumango lang siya sa akin. Sabi ko nga eh, cool yung ginawa niya. Inayos ko naman
yung binder ko doon sa desk ko. Saglit lang, may kumakausap na sa akin. "Thank you
nga pala sa ginawa mo sa akin ha.." napatingin ako doon sa direksiyon nung lalaki
kanina, "Ronnie nga pala." Nakipag-kamay naman ako sa kanya. First day of classes,
may friend na ako. "Riel." natapos na kami magshake-hands, "Bago lang ako
dito.""Pansin ko nga eh." Nakopya ko na lahat nung requirements na dinikit nung
teacher doon sa board. Saglit lang din eh, pawis na pawis na ako. Mabuti na lang eh
may dala akong hanky sa bag ko. Ang init pala dito. "Arielle!" this time si Kay
naman ang tumawag sa akin, "Pawis na pawis ka na ah. Ayan kasi hindi sanay sa--"
tinignan ko nga siya ng masama, "I mean, cousin.. RIEL! Sanay na sanay sa init."
Nag-sign naman siya sa akin sa pisngi ko. "What?!?""Kanina pa namumula." Bumalik
naman na yung teacher at yung Jasper na nagpunta doon sa Guidance Office. This
time, tinignan lang niya ako at siya naman yung tumayo doon sa tinayuan ko kanina.
Nakataas yung kanang paa niya para gawin niyang desk habang nagsusulat siya. Nag-
physics kami susunod nun. Ayos lang naman pala ang orientation nila. Nakakailang
lang, nasa gilid ko yung Jasper. May tumunog naman na bell sa kanila. Bell?
That's... odd. Hindi alarm? Or intercom? "Bakit nakatingin ka sa kisame?""Wala
lang. May napasin lang ako." Naglakad kami nun papunta ng cafeteria. Habang papunta
na kami, panay na ang turo ni Kay sa akin sa mga buildings. Hindi rin nagtagal,
alam ko na yung A.L. Building 2-7. Kung alam lang niya siguro. Sabihin ko kaya?
Huwag na lang. Pagpasok na pagpasok namin doon sa cafeteria nila at sobrang dumi
talaga, bigla na lang may dumikit sa blouse ko na sobrang lagkit. Paghawak ko..
"Sago? Eew." Tumingin ako sa gilid ko nun. Nakita kong may hawak na baso yung
Jasper at nakatingin sa ibang direksiyon. Kung hindi ko lang alam, siya ang may
gawa nun. Eksakto namang lumingon siya. Kumaway pa sa akin. Inirapan ko lang. Naupo
kami ni Kay doon sa isang bakanteng upuan. "Bakit siya ganun?" tinanong ko naman
siya. "Si Jasper?" tinuro pa niya, "Sanayan na lang yan. Makulit talaga yan. Pero
yun nga sinabi ko, matalino.""Matalino pero napupunta sa Guidance?""Sabihin na lang
nating ganito.." nag-lean siya sa table, "Na-meet mo si Ronnie 'di ba? Top 2 ng
klase namin
yun. Matalino, pero.. geek type of guy. Si Jasper, Top 1 namin. Matalino, pero
cool. Gets mo? Tingin ko ginagawa lang niya yan para mawala yung impression na nerd
yung mga matatalino. Last year, 7 times siyang napunta sa guidance in one day.
Pinalakpakan pa siya nun. In short... yung trouble sa kanya eh wala lang.""Hindi
siya naki-kick out ng school?""Oh please! Dahil naglagay siya ng glue sa upuan o
nanunulpit ng sago? What kind of reasoning is that? Simula first year kami ganyan
na yan." Kumain lang kami doon. Nung una pa lang, tinignan ko lang yung binili ni
Kay para sa akin. Ayoko pa sanang kainin nung simula, pero di nagtagal.. masarap
din pala. Wala yung teacher namin after breaktime kaya wala kaming ginawa.
Nakipagkilala lang ako at sinabi nga ni Kay na pinsan niya ako. Napunta na naman sa
Guidance yung Jasper. Hindi ko na lang pinansin. Nung natapos naman na yung umaga,
lunch na daw sabi ni Kay. Hindi pa naman ako nagugutom nun dahil parang hindi pa
bumababa yung kinain ko. Ang sama nga ng pakiramdam ko nun eh, pakiramdam ko
magsusuka ako. Nagpaalam ako kay Kay na babalikan ko na lang siya sa room at
gagamit muna ako ng restroom. Di gaya uli sa room ko sa dati kong school, may
toilet bawat classroom. Pumasok ako doon at kumuha ako ng paper towel. Dahil ayoko
nga yung amoy nung bowl nila, doon ako nag-lean sa lababo. Parang babaliktad yung
sikmura ko. Saglit lang din, I threw up. Nagulat na lang ako nung may gumalabog sa
pintuan. Kinabahan tuloy ako. Tapos narinig kong bumukas tapos sumara uli ng
malakas. Nung tinignan ko.. "AAAAHHHHHH!!!" tumigil din ako nung nag-sink na sa
utak ko, "What're you doing here?""What do you think I'm doing?" naka-lean siya
doon sa pintuan. "I don't know. Kaya nga tinatanong kita. This is the girls
bathroom. You're a guy.."tapos ini-scan ko siya mula ulo hanggang paa, "Baka naman
gusto mo lang makakuha ng eyeful dito.. or.. you're gay.""Excuse me Miss, kung
papipiliin mo ako doon sa dalawa, mas gusto ko na yung nauna kaysa sa pangalawa.
But either way, hindi yun ang reason ko.""Then what?!?" Parang ayaw pa niyang
sabihin nung una, pero sumuko rin. "Fine. Nagtatago ako." tapos diniinan niya lalo
yung pinto. "Bakit?""Eh kasi po, binuksan ko yung sprinklers sa garden. Nabasa
lahat ng mga babae doon. Ngayon, hinahabol nila ako.""Ok." pinunasan ko yung bibig
ko nun at tinapon ko sa trash can. Nakakuha naman siya ng kahoy at gnawa niyang
lock. "Hey, lalabas na ako.""Hindi pwede Miss. Kapag lumabas ka, papasok sila..
patay na ako. So mamaya na lang kapag pagod na silang lahat." Naglakad naman siya
doon sa restroom ng mga babae. "Ganito pala ang itsura ng bathroom ng mga babae.."
tapos tumingin-tingin siya sa gilid, "Ang daya bakit may vending machine kayo! Wala
kami niyan ah!" Lumapit naman siya doon sa tinatawag niyang vending machine. "Oh..
gross."
Napansin niya kung ano yung laman sa loob. Mga pads.. para sa you-know-what. "Ikaw,
anong ginagawa mo dito?" ako pa ang tinanong! "Girls bathroom? Hello?""I mean..
anong talagang ginawa mo? Number 2 no?" inasar pa ko. "Hindi no! Number 2 ka
diyan!" umatras naman ako. "Paano mo nalaman yung tungkol doon?" nagtaka naman siya
sa akin. "Saan?""Number 2? Lahat ng girls na lumalabas ng CR at tinatanong ko sa
number 2, laging sinasabi nila.. ano yung number 2. Ikaw lang yung may alam.""So
what? It's common.""No it's not." tapos tumingin siya sa akin, "Namumutla ka. Anong
nangyari sa iyo?""Uhmm.. medyo.. naghalu-halo lang siguro yung kinain ko.""Yung
sopas pa sa cafeteria?" ngumiti siya, "Masarap naman ah!" Hindi ko lang masabi sa
kanya na hindi ako sanay kumain ng ganun, pero nakinig siya doon sa pintuan. "Pwede
na akong lumabas?""Sorry, hindi pa." tumayo siya sa harapan ko. "Pero hinihintay
ako nung cousin ko.""Nah-uh." umiling siya sa akin. "Sorry, mapapahamak ako kapag
lumabas ka. Unless.." Ayoko yung tingin niya sa akin nun. Biglang napatngin ako sa
bintana na tinititigan niya. "Gusto mo bubuhatin kita doon ka lalabas sa binatana.
Ako naman, dito lang muna.""No way!" tinalikuran ko nga, "Ako aakyat sa bintana? Eh
kung pinapalabas mo na lang ako eh no!""Sorry ka. Hindi pwede. Magdasal ka na lang
na mawala yung tao sa labas..." Nag-isip naman ako nun. Ayaw talaga niya akon
palabasin. "Amen!" sabi ko na lang. "Wala nang tao sa labas. Alis na kasi." Ngumiti
naman siya sa akin. "Hellelujah!" tinaas pa niya yung kamay niya, "NO." Tumahimik
na lang ako at naupo ako doon sa may lababo uli. Siya kasi eh nakabantay doon sa
pintuan. Walang nagsalita sa amin. "Alam mo, for a new kid, you seemed to be
everywhere." Nagsalubong naman yung kilay ko. "I mean, parang nakikita kita kung
saan ako magpunta. Sinusundan mo ba ako?" siya susundan ko? "Ikaw nga yung pumasok
dito sa girls bathroom tapos ako yung sumusunod sa iyo. you wish." Bigla na lang
may kumatok ng malakas doon sa pintuan. Nagulat pa nga ako kaya napatalon ako at
tumakbo din ako. "Hey couz! Nandiyan ka ba sa loob?!?" si Kay! "Kay nandito--"
tinakpan naman niya yung bibig ko.
Hindi ko alam kung narinig niya ba ako o ano. "Riel? Ikaw ba yan?" Hindi na ako
makasigaw nun dahil tinakpan niya yung bibig ko. Narinig ko namang umalis na si
Kay. "Ano ka ba! Ang laki-laki naman ng problema mo! Kung ayaw mo lumabas, ako
gusto ko na ok? Ang init-init dito!""Mainit? Hindi naman mainit!" nakipagtalo pa
siya. "Kaya pala pinagpapawisan ka!" tinulak ko siya, "Tabi nga!" Ayaw talaga
niyang umalis doon. Kinuha ko tuloy yung hose doon. "Hndi ka aalis, mababasa
ka!""PUT-THAT-DOWN." Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin. Hindi ko naman siya
makuhang basain dahil naka-uniform siya. Kaya lang inagaw niya sa akin at ako yung
binasa niya. "Why did you do that?!?""Eh babasain mo ko eh!""No!" sa sobrang inis
ko eh kinuha ko yung tabo doon sa malaking drum at binasa ko rin siya.
Unfortunately, para kaming naligo na dalawa. Siguro sa sobrang ingay namin doon,
may nakarinig sa aming teacher. Dahil nga teacher yun, binuksan din ni Jasper yung
pintuan at lumabas yung tubig doon nung binuksan niya. "Anong nangyari dito? Bakit
baha na?""Siya nagsimula!" nagturuan pa kami. Tinignan kami nung teacher. Basang-
basa kami parehas. "Pumunta kayo sa nurse at humingi kayo ng mga extrang damit
tapos dumeretso na kayo sa cafeteria." Whoa! Walang parusa?!? "Ganun po ba? Thank
you.""Anong thank you? Pagkatapos sa cafeteria, dumeretso kayo sa
Guidance."hinawakan niya si Jasper sa tenga at ako eh sa collar ko, "Nagsasayang
kayo ng tubig hindi naman kayo ang nagbabayad niyan!""Ow.. ow.." Hindi na lang ako
nagsalita. First day, first punishment. Tapos ganito pa itsura ko. Ang masaklap pa
sa lahat... Kasama ko siya sa punishment...
***4*** I can't believe it. I have never been in any trouble at my school, my
entire life. Pero ngayon, first day? Imagine.. first day! Pwede namang second day..
bakit kailangang yung una pa! Sinunod na lang namin yung sinabi nung teacher na
hindi ko naman kilala at pumunta kami sa nurse at humingi ng t-shirt. Hindi naman
masyadong nabasa yung skirt ko kaya ok lang kahit malamig-lamig. Ang laki nga nung
t-shirt na puti na binigay sa akin eh. Hindi naman pala masama. Pagtingin ko doon
sa t-shirt nila, may nakatatak na name ng school then donated by A.L. Ano ba naman
yan! Wala na bang ibang nagdo-donate dito maliban sa A.L. na yun? Teka, ako nga
pala si A.L. Dapat hindi na nila pinangalan sa akin. Isa pa, hindi naman ako ganun
katagal nag-dodonate dito ah. Simula 5 ako nagbebenta na ako ng laruan ko eh! Which
means.. I've been donating money here for almost... 11 years? Whoa. Pero noon wala
pa namang A.L thingy akong naiisip. Seven years old ako nung nagsimula akong
maglagay ng so-called 'Anonymous' name. "Hindi ko isusuot yan! Itsura niyan!" may
hawak na shorts yung nurse at inaabot doon kay Jasper. "Ayos lang po ako. Nakat-
shirt na ako. Yung pants ko medyo basa pero ok lang po talaga. Kaya ko pa namang
tiisin." tapos tumingin siya sa akin pero masama,"Salamat sa ibang tao diyan ang
galing umasinta!""Compliment ba yun o insult? Well, tatanggapin ko na lang na
compliment so.. thank you. Dapat iwork-out mo yung aim po para sa susunod, ako rin
basang-basa na." free lessons from Arielle! Tumingin ako sa wall clock doon sa
clinic nila at napansin ko na 10 minutes before 1 na. Hindi na nga siguro ako
makakakain ng lunch. Kanina lang hindi ako gutom, pero ngayon pa yata kung kailan
kami dapat pumunta sa Guidance Office. Nauna akong maglakad sa kanya. Siya naman eh
nasa likod ko at sumusunod lang. Hindi talaga kami nag-usap. Nakita ko na yung sign
sa taas.. 'Guidance Office.' Oh great! Kinabahan ako nun. Tumayo lang ako doon sa
labas. "Tabi nga.." sinagi niya ako pero hindi naman malakas, "Tatayo ka lang ba o
papasok ka?" sabay binuksan niya yung pinto. "Sorry, first time ko mapunta ng
Guidance ok?""Get over it. You're here already." yeah! and it's your fault!
Binuksan naman niya yung pintuan at pumasok siya sa loob. Hindi man lang ba siya
kakatok at maghintay na papasukin siya sa loob? Ako naman, kumatok pero pumasok din
ako kaagad. Nakita ko siyang umupo doon sa isang upuan. Tingnan mo, hindi pa nga
pinapaupo naupo na? "Upo ka na Miss Lopez." sabi nung babae na nasa harap ko.
"Sanay na kami kay Mr. Morales kaya may sariling upuan na siya dito. Siya pa ang
nagdala niyan." Tinignan ko nga si Jasper. Akala mo bahay niya yung Guidance dahil
nakataas pa yung paa niya. "Mr. Morales, pwede bang ibaba mo yung paa mo?" binaba
naman niya. "Thank you." Inayos naman niya yung papel niya sa lamesa niya tapos
tumingin sa amin. "Ngayon, sinabi sa akin ni Ms. Elgar na kayo daw dalawa ang
dahilan kung bakit nagbaha doon girl's restroom.."
Bigla namang nagsalita kaming dalawa. "Hindi ko naman po talaga kasalanan
yun!""Siya ang nagsimula, hindi ko naman talaga siya gustong basain!""Binasa niya
ako ng hose kaya binasa ko rin siya ng tubig sa drum!""Hindi siya tumigil kaya
hindi rin ako tumigil...""Kaya nagbaha doon sa---" napatigil naman kami. "STOP!
Both of you." naupo naman ako. Saka ko lang napansin na nakatayo na pala ako.
"Let's settle this." mahinahon na yung boses niya, "Sino sa inyo ang nagsimula ng
bathroom fight?" Nagtinginan kaming dalawa. "Siya." tinuro ko siya at tinuro naman
niya ako. Dahil naghihintay ng sagot yung Counselor at mukhang walang aako talaga
sa amin, naisip ko na kausapin muna siya. "Pwede pong pag-usapan lang namin
saglit?" tumango naman yung Counselor. Nag-lean naman ako sa direksiyon niya para
makabulong ako. "Hey, ganito na lang. Sasabihin mo ikaw ang nagsimula, sasabihin ko
ako ang nagsimula. In that case, hindi nila alam kung sino talaga. Ok ba sa iyo
yun?" Hindi naman siya nagsalita. Nakiayon na lang din sa akin. "Ok. Ready na kayo
magsabi ng totoo?" sabay kaming tumango, "Sino yung nagsimula ng basaan?" Parang
nag-rewind yung kanina at nagtinginan kami uli. "Ako/Siya." tinuro ko yung sarili
ko at tinuro din naman niya ako. Oh no he didn't! "Miss Lopez, ikaw ang nagsimula
ng away?" on the spot na ako nito. "Pero--""Considering na nagsasayang ka ng
tubig..""Pero--""Ikaw ba?" Cornered naman na ako. Bakit pa kailangang itanggi? May
kasalanan din naman akong maituturing. "Opo." Tumayo naman si Jasper nun. Nakangiti
na siya at dumiretso doon sa pintuan. "Siguro naman tapos na ako dito. Wala naman
akong kasalanan. Umamin na.." tapos hinawakan niya yung doorknob. "Not so fast Mr.
Morales." tinuro niya yung upuan niya uli, "Kailangan mo pang i-explain kung anong
ginagawa mo sa Girls Bathroom in the first place.""Teka, ang kaso dito eh yung may
kasalanan sa pagbabaha nung tubig.. hindi yung reason kung bakit ako nanduon!"
nakatitig sa kanya yung counselor, "Fine. I'm hiding in there." Ibubuka na sana
nung counselor yung bibig niya para magtanong uli, kaya lang pinigilan siya ni
Jasper.
"Oopps opps.. huwag nang magtanong uli. Kapag nagtanong ka, lalabas yung reason
kung bakit ako nagtatago. At kapag lumabas yung reason kung ano yung ginawa ko at
bakit ko ginawa yun, magiging mountain lang lahat ng ginawa ko so.. punish me."
Sabi ko nga chain-chain na lahat ng ginagawa niya. Narinig naman na namin yung bell
at mukhang time na yata para sa klase. "Kayong dalawa, lilinisin niyo yung banyo
mamayang uwian." tumayo na rin siya,"Sige, pumasok na kayo sa klase niyo." Naunang
lumabas si Jasper katulad kanina na siya ang naunang pumasok. Ang bilis niyang
maglakad at nakita kong dumiretso siya doon sa bandang kaliwa eh samantalang yung
pinanggalingan namin eh sa kanan. "Ikaw may kasalanan nito eh.." sabi ko habang
nakasunod ako sa kanya, "Sabi ko sabay tayong aako nung kasalanan tapos tinuro mo
rin pala ako. You horrible traitor!"sabi ko naman yun pero hindi naman ako galit na
galit. "You know what Miss?""Riel.""What?" mukhang naiirita na siya. Tapos
naintindihan din niya, "Ang tagal-tagal ko nang napaparusahan sa lahat ng ginawa ko
dito pero never na bathroom ako na-assign! Alam mo kung bakit? Iniiwasan ko yun
dahil ayoko. Tapos ngayon maglilinis ako doon kasama ka? That's worse than having a
nightmare!""Alam mo rin? Never pa akong napunta ng Guidance at never pa akong
nagli--"natigilan naman ako at nagsimula na akong maglakad. "Never mind.""Ano bang
problema mo? Eh kung maglinis ka man ng banyo hindi naman problema sa iyo yun 'di
ba? Ang mga probinsiyana, sanay magtrabaho!" tapos tinignan niya ako mula ulo
hanggang paa, "Kung hindi mo nga sinabi sa akin na probinsiyana ka, hindi ko
iisipin dahil hindi bagay." Iniwanan naman niya ako at dumiretso na naman siya
maglakad. "Hoy! Saan ka pupunta?!?" Humarap siya sa akin at magkasalubong na yung
kilay niya. "Sa cafeteria saan pa ba?""Pero sabi pumasok na daw sa klase ah!"
inayos ko naman yung sapatos ko dahil nadumihan. "Di pumasok ka nagugutom ako eh!"
Tumakbo naman ako sa kanya. "Sama ako!" *** Bumalik din naman kami sa classroom
nun. Nagtinginan pa nga sila dahil bukod sa sabay na kami, parehas pa kami ng suot
na t-shirt. "Walang magsasalita sa inyo ang magkamali.." ewan ko kung treat ba yun
pero nagtawanan naman yung mga tao sa loob. Nagklase lang kami doon. Si Kay naman
eh inulan ako ng tanong at ano daw ba ang nangyari sa akin at hind niya ako makita.
Ako naman eh todo-explain sa kanya na ayaw akong palabasin nung tao na yun. "No!"
sabi niya tapos tinakpan niya yung bibig niya. Nakakaloko nga eh, natatawa ako sa
kanya.
"Oo no!" tapos naisip ko naman yung mga sumunod na nangyari, "Tapos binasa niya ako
nung tubig galing sa hose!""No!" inulit na naman niya yung sinabi niya. "Oo ulit!
Kaya binasa ko rin siya. Nagbaha tuloy doon sa bathroom." tumingin ako sa
direksiyon nung Jasper. "Kaya kami napunta sa Guidance.""No.""Oo! For the first
time!" naglabas na ako ng gamit ko, "Ayun, naparusahan kami na maglilinis kami
mamayang hapon. Huwag mo na akong hintayin. Mauna ka na sa boarding house." sinulat
ko yung nasa board, "Pagkatapos nun, sinabihan niya ako na mas worse pa raw sa
nightmare na maglinis siya ng banyo kasama ako!""NO HE DIDN'T!" sabi naman ni Kay
uli. "I know! Ang sama niya no!""Right. Kung alam lang niya na ikaw ang pinaka-
worst kasama dahil hindi ka marunong maglinis ng banyo!" binatukan ko nga siya.
"Sira. Akala ko pa naman nasa iisang ship tayo, nilubog mo yung akin!" Nakinig na
lang ako sa klase nun. Lalo akong nainitan dahil bukod sa tanghaling tapat na,
malaki pa yung t-shirt na suot ko. Pero habang tumatagal, naiisip ko na kaya ko rin
naman pala dito. Sa school ko dati, pagkatapos ng klase eh susunduin na ako. Kung
hinid man at maisipan naming mag-mall, kasama ko naman palagi si Roland. Balewala
rin. Parang hindi ako libre. Nung breaktime naman, tumayo yung Jasper at nag-lean
sa desk ko. Nagulat pa ng ako dahil hindi ko naman alam na nandun siya sa harapan
ko. "Hey longsilog girl sa lunch!" tapos tumawa siya, "Mga probinisiyana talaga
iisa lang ang alam kainin!" bigla siyang lumabas ng classroom. Buti na lang talaga
hindi ko siya sinagot. "Ano naman yun ngayon?" nagtaka naman si Kay. "Paano sa
cafeteria kanina nung sabay kaming kumain, hindi ko alam ang kakainin ko. Kaya
binasa ko yung nasa menu, sabi ko 'Longsilog'. Tumawa yung babae saka siya, sa
umaga lang daw yun. Kaya ginaya ko yung order ni Jasper. Malay ko bang chili yun.
Ang anghang!" Tumawa naman ng tumawa si Kay nun. "Not helping Kay!" tumigil din
naman siya, "Pwede bang i-explain mo kung ano yun?" Inexplain naman ni Kay sa akin
yung mga pagkain sa cafeteria. Kung ano yung pangumaga, ano yung sa lunch at ano
yung snacks. At least, alam ko na yung mga bagaybagay. Sa positive side, akala ni
Jasper eh hindi ko alam ang mga pagkain dito dahil nga probinsiyana ako. Pero ang
hindi niya alam, hindi ko talaga alam yung pagkain dito dahil iba yung sineserve sa
school namin. Ang sakit ng katawan ko nun. Ewan ko ba kung bakit. Nag-bell naman na
at sinabihan ako ni Kay na mauuna na siyang umuwi dahil nga maglilinis pa ako.
Tinanong niya ako kung magiging ok lang daw ba ako, naki-oo na lang din ako. Kami
na lang ni Jasper ang natira doon sa loob. Tumingin lang siya at sinundan ko siya
kung saan siya pupunta. Kukuha lang pala ng mga panlinis sa stockroom. "Gloves mo!"
inabot niya sa akin yung pink na gloves, "Ako mag-mop, ikaw mayscrub.""Ok, kaya ko
yun!" nakatayo lang ako doon sa labas ng pintuan at hinihintay niya ako.
"Kumuha ka na ng pang-scrub mo!" Tumingin naman ako doon sa loob. Ang dumi tapos
ang lamok pa. Nakita kong magbrush doon sa baba. Pagkakuha ko dun sa isa, sakto
namang may nakadikit na gagamba. "AAAAAAHHHHHH!" binitawan ko naman at lumabas ako.
"Ano?!?""May gagamba." nanginginig pa ako nun. Yumuko naman siya at kinuha niya
yung gagamba. Pinagapang pa niya sa braso niya. "Para ito lang eh." lumapit siya
doon sa railings at nilagay niya yung gagamba doon,"He's scared of you more than
you are scared of him." What's that supposed to mean? Na ako ang monster dito?
Parang nabasa niya yung iniisip ko kasi bigla ba naman niyang sinabi.. "Ibig kong
sabihin, malaki ka, ang liit niya. Apakan mo lang siya, patay na siya."sinara na
niya uli yung pintuan, "Pero hindi mo naman siya papatayin 'di ba? Tumutulong siya
kumain ng insekto." Ni-hindi ko nga mahawakan iisipin pa niyang patayin ko yun?
Dumeretso na kami doon sa CR ng girls. Grabe, basa pa rin yung sahig. Kitang-kita
na konti na lang yung tao sa school at kadalasan pa eh yung mga nagpa-practice.
"Oh, simulan na natin 'to. I-scrub mo ng sabon, ako na bahala i-mop." tumayo siya
doon sa pintuan at hinintay ako. Tinignan ko yung liquid soap na binigay niya sa
akin at yung blue na pang-scrub. Dahil nga tiles na maliliit yung nandun, pinatakan
ko ng sabon yung unang tile at iniscrub ko. Nung maputi na at kontento na ako, nag-
move na ako sa sumunod na tile, pinatakan ko uli at iniscrub ko ng ini-scrub
hanggang sa pumuti rin. Pinagpawisan naman ako kaagad. "Nasaan na yung natapos mo?"
lumapit siya sa direksiyon ko. "Ayan tapos na ako diyan." tapos tinuro ko yung
dalawang tiles na maliliit na natapos ko. "Saan?!?" tapos yumuko siya doon sa
ilalim nung lababo at nakita niya yung dalawang tiles na malinis. "Is this some
kind of a joke?" Napikon naman ako. "Ano! Nilinis ko na nga eh! Nasa pangatlong
tiles na ako ano bang problema mo?!?" at least I'm trying here! "Alam mo ba kung
ilang tiles meron dito sa banyong ito? Marami. Hindi ko rin bilang lahat. At kung
iisa-isahin mo na ganyan yan, baka bukas pa tayo matapos." inagaw niya yung sabon
sa akin. "Kung ganito, mas mabilis." Ini-squeeze niya yung liquid soap kaya kumalat
doon sa sahig. As in, kumalat. "Ngayon, tumayo ka na diyan at i-scrub mo kahit
saang direksiyon basta makita mong nasabunan lahat. Ok?!?"
Actually, may point siya! Tumayo naman ako at inapakan ko na lang yung scrub. Mas
madali kasi kapag ganun. Saglit lang din sa pagtayo ko, nadulas ako kaya bumagsak
ako paupo sa sahig. Grabe ang sakit nun! "Anong nangyari sa iyo?""Wala po sir
natumba lang.""Anong tawag doon?!?" sabi niya sa akin. "Accident?!?" asus nanghula
pa. "Nope. The Big 'T' sa tagalog and big 'S' sa English." tapos ngumiti siya at
ini-offer niya yung kamay niya. Naintindihan ko na naman yung insulto niya kaya
oras na nahawakan ko yung kamay niya na ini-offer niya para makatayo ako, hinila ko
rin siya para matumba siya. "Bakit mo ginawa yun?""Anong tawag doon?" inulit ko pa
yung dialogue niya. "Doing things in purpose?""Nope. Karma. This time, galing sa
ininsulto mo." Inagaw niya uli yung sabon at ini-squeeze niya doon sa ulo ko. Dahil
nga panay tubig naman yung sahig eh ginamit ko yung scrub at in-splash ko sa
direksiyon niya. Ewan ko ba, parang walang gustong magpatalo eh. Nalagyan pa nga ng
sabon yung mata ko kaya nahirapan pa akong idilat. Pero naging ok din naman kahit
medyo mahapdi. Siya naman eh napasukan yata ng tubig yung tenga niya. Ang tagal-
tagal naming nagbabasaan ng maruming tubig at sabon doon sa loob. ILang beses din
siyang nadulas at ganun di naman ako. Huminto lang kami nung may nagsalita galing
sa labas. "Kayong dalawa diyan sa loob, tapos na ba kayong maglinis? Mag-iisang
oras na kayo diyan." Nag-panic kaming dalawa kaya kinuha ko yung scrub at binilisan
ko yung kilos ko. Siya naman kahit na nadudulas, nag-mop din siya ng mabilis. Bigla
na lang may pumasok doon sa loob at tumakbo siya sa tabi ko. Umakbay pa nga siya at
nagpanggap kami na friends kami. Nakapekeng ngiti kami nun. "Ano na namang nangyari
dito?" tinignan niya yung salamin na panay sabon na rin. "Naglilinis po kami..
right?!?" hinigpitan niya yung paghawak niya sa balikat ko. Bumulong pa siya sa
akin. "Ngumiti ka lang.""Opo. Hindi pa nga lang po tapos." Ewan ko ba, ang galing-
galing naming umarte na dalawa at nag-panggap na friends kami at nagtutulong sa
paglilinis doon. Sa totoo lang, baka nga paniwalaan pa kami na naglilinis talaga
kami doon at hindi kami nag-exhibition na naman. Pero may ginawa yata kaming mali
dahil hinawakan na naman si Jasper sa tenga niya at ako naman eh sa sleeves ng t-
shirt ko. Ngayon, nandito na naman kami sa room na ito. Nakaupo, at basang-basa pa
dahil sa sabon. "Siya nagsimula!" Yep, Guidance Office again!
***5*** Umuwi na nga yung nurse nun kaya pagkatapos naming i-explain uli yung
nangyari eh lumabas kami na ganun yung itsura. Wala naman na kaming pampalit.
Mabuti na lang talaga at uwian na. Sana lang walang makakita sa akin na ganito yung
itsura ko. Nasa labas naman ng room yung mga bag namin kaya kinuha na ko na lang
yung akin at naglakad na ako. Siya rin naman eh naglakad pero hindi na ako
kinausap. Ang lalaki nga ng mga hakbang niya kaya hindi rin nagtagal eh malayu-layo
na siya sa akin. Lumiko ako sa kanan dahil sa direksiyon sa kanan yung papunta ng
boarding house. Nakita ko na naman yung likod niya na naglalakad din. Basang-basa
din pala siya. Sabi ko nga eh malaking damage din yung nagawa ko sa kanya.
Binilisan ko naman yung lakad ko. Napansin ko na lumiko uli siya sa kaliwa at sa
kaliwa rin ako lumiko. Bigla na lang siyang lumingon sa akin. "What's the matter
with you?" humarap siya sa akin. "I'm sorry?!?" yun na lang yung nasabi ko dahil
nagulat ako. "Bakit mo ko sinusundan?" Natawa naman ako sa kanya nun. Siya
sinusundan ko? Ang kapal talaga ng mukha. Teka, hindi ko naman siya sinusundan ah!
"Hindi no. Talagang dito lang yung daan ko.""Dito? Parehas?!?" tinuro niya yung
daan. "Not here! Over there!" tapos naglakad na ako. Bakit ko ba kailangan i-
explain sa kanya kung saan ako pauwi? Naglakad lang ako ng mabilis. Hindi rin
nagtagal nakita ko na yung boarding house. Nakasarado yung gate at nakita ko na
hindi naman naka-padlock. Umakyat na ako doon sa stairs at hinawakan ko yung bakal
para buksan ko na kaya lang may pumigil sa kamay ko. "Anong ginagawa mo dito?" yung
itsura niya nun eh nagtataka na. "Kasi nakatira ako dito." bubuksan ko na uli kaya
lang pinigilan na naman niya. "No.. no.. I live here. Ikaw, bumalik ka na sa bahay
niyo. Kina-Kay ka nakatira di ba?""Nakatira rin si Kay dito. Now, if you don't
mind, nangangati na ako dahil sa sabon."tinulak ko naman siya at binuksan ko yung
main gate ng boarding house. Umakyat ako doon sa hagdan. Tumingin ako at umaakyat
din siya. "Ikaw yata ang sumusunod sa akin eh.""Hey girl, huwag kang mangarap.
Nakatira ako sa second floor."
Ang sakit nun ah! Fine, walang pansinan. Tumakbo ako paakyat nun. Siya naman eh
hindi tumakbo pero padala-dalawa yung hakbang kaya naabutan pa rin niya ako. "Saan
kayo?""Huh?!?" lumingon ako sa kanya pababa. "Sabi ko, saan kayo? Hindi naman
nakatira si Kay dito before. Kailan pa kayo lumipat?" huminto siya doon sa tapat ng
isang room. "Nung weekend lang. Third floor kami." tinuro ko yung sumunod na floor
sa kanya,"Magisa ka lang?""Nope. Tatlo kami. Hati-hati kami sa rent." binuksan na
niya yung pinto at pumasok na siya. Hindi man lang nag-bye o ano? Ang sama ng
ugali. Sabagay, lalaki naman siya. Iba lang siguro talaga ang takbo ng utak niya.
Umakyat na ako sa taas nun. Isususi ko na sana kaya lang sakto namang binuksan ni
Kay. Nagulat pa nga siya sa itsura ko. "Ano nangyari sa iyo?" Ni-roll ko lang yung
mata ko at kinamot ko yung batok ko. "Wrestling sa school restroom." pumasok lang
ako at kumuha ako ng malinis na damit, shampoo at sabon, pati na rin yung kung anu-
ano na kailangan para maging malinis ka sa katawan. "I really really need to take a
bath.""Yeah.. I noticed." *** Naramdaman ko naman na may yumuyugyog sa kama ko.
Nung dinilat ko yung mata ko, si Kay pala yun at nakatayo na siya doon sa gilid.
"Rise and shine sleeping beauty. May pasok pa tayo." tinignan ko naman siya at
nakita kong ready na siya at nagsusuklay na lang, "Oo nga pala, ring ng ring yung
phone mo kagabi. Sinagot ko.. si uncle pala. Hindi ka man lang daw tumawag or
something para magbalita." tapos nanlaki yung mata niya sa akin,"Paano kung nalaman
ng Daddy mo na in-trouble ka sa school! Ooh.. hindi yun maganda!""He wouldn't
bother to come at school. Alam ko na magagalit yun kapag nalaman niyang pinaglinis
ako ng banyo at ididiscuss yung second punishment ko ngayon, pero sinabi ko sa
kanya na i-keep niya yung distance niya." inayos ko naman yung bedsheet ko. Lumapit
naman si Kay sa akin dahil yung pag-aayos ko ng kama eh kaparehas sa comforter
namin. "Dito sa amin kapag nag-aayos ka ng kama, hindi uso yung ganyan.." tapos
tinanggal niya at tiniklo naman niya ng square. "Dapat matutunan mo yun." binagsak
niya doon sa unan ko. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na anak ka ni Mr. Lopez.
Tiyak yun mahihiya silang bigyan ka ng punishment or something.""Kaya nga hindi ko
sinabi kasi magiging ok yung treatment nila sa akin. Nakikita mo ba yung
difference? Kapag hindi nila alam, binibigyan ako ng punishment. Eh paano kung alam
nila? Lagi akong ligtas?"hinawakan ko yung likod ko, "Ang sakit ng katawan ko."
Kinuha ko uli yung towel ko at yung mga naka-ready ko na damit. Nasa likod ko si
Kay at tinutulak niya ako papunta ng bathroom at baka ma-late daw ako sa school.
Pumipikit-pikit pa yung mata ko nun. "Arielle, Riel," pinalitan naman niya kaagad,
"Ang ganda nung design ng bra mo na nasa
bag mo nung isang araw.""Yung bra na yun? Hindi ko pa nga yun--" natigilan naman
ako kasi may nag-lean doon sa gilid. "Yuck. Ang aga-aga, pwede bang huwag niyong
binabanggit yun bra?!?" at anong ginagawa niya sa third floor? Nag-good morning
lang sa kanya si Kay at sinara na niya yung pinto. "Eh ano naman, parehas kaming
babae." wala pa ako sa sarili ko nun at inaantok talaga ako. "Yung boarding house
na ito eh wholesome. So yung usapang bra eh sa loob lang ng kwarto niyo."nagising
naman yung diwa ko nung bigla-bigla siyang sumigaw, "Carlo! Ilang beses ko bang
sasabihin sa iyo na huwag mong iiwan yung boxers mo dito!" Bigla siyang tumingin sa
akin. Yung itsura ko nun eh ako naman yung nandiri. Huwag daw pag-usapan yung bra
pero siya sinigaw niya sa hallway yung boxers nung kasamahan niya. Lumapit naman
yung Carlo at mukhang nairita din. "Bro, hindi sa akin yun. Si Kevin ang may-ari."
napansin naman niya ako, "You're rude. May babae sa harapan mo." ini-stretch niya
yung kamay niya, "Hi Riel, Carlo nga pala." Nakipagkamay lang din ako at umalis na
rin yung Carlo. Ako naman eh nakatayo pa rin doon sa harap ng banyo kasama itong
tao na ito. Humarap naman siya sa akin. "That's a differen't story." ngumiti naman
siya at binuksan niya at humarap sa banyo. "Hey, nauna ako dito. Maliligo ako
pwede?""Ako na nga yung papasok ng banyo sasabihin mo ikaw yun nauna?" Ako naman
talaga yung nauna doon. Kaya ang ginawa ko eh hinila ko siya para makapasok ako sa
banyo. Hindi rin nagpatalo. Inikot niya yung kamay niya sa waist ko at binuhat ako
patalikod. Bigla siyang tumakbo ng mabilis. "Sorry, nauna na ko." sinara niya ng
malakas yung pinto. Dapat ba akong mainis doon? Siguro. Pero kahit papaano, hindi
ko na lang pinansin. Hindi na kakayanin ng utak ko magkaroon pa ng isang bathroom
fight. Saka hindi na ako nakatira sa bahay namin, sharing the bathroom is one of
the top lists in this boarding house. "Ni-hindi ka nga naligo dito kahapon tapos
dito ka gumagamit!" yun na lang ang sinigaw ko. "Hindi mo alam na dito ako gumamit
kahapon kasi naligo na ako naghihilik ka pa lang!" nag-echo naman yung boses niya
galing sa loob. "Hindi ako naghihilik baka ikaw!" Hindi ko alam kung sinadya ba
niya o ano pero ang tagal-tagal niyang gumamit ng banyo nun. Kaya nga nung lumabas
siya hindi na lang ako nagsalita. Baka nga sanay ang siya na ganun katagal maligo.
Hinintay naman ako ni Kay sa labas nun. Nung natapos ako eh nagsuklay na lang ako
habang naglalakad kami. Wala na kasing time nun eh. Mala-late na kami sa school.
Medyo masakit pa rin yung katawan ko. Mawawala rin naman siguro yun. "Hey couz,
anong tingin mo kay Jasper?""What do you mean? As a classmate, as a troublemaker,
the so-called prankster or what?""As a person. In general." Tinignan ko naman siya
ng may meaning. Bakit niya ako tinatanong? Naging defensive naman siya. "Alam mo
na, one day pa lang kayong magkakilala pero nakasama mo na mas maraming beses pa
kaysa sa mga girls na nakasama niya more than 3 years." inayos niya yung backpack
ko. "So? Sa kanila na siya." yun na lang ang nasabi ko. "Hindi nga couz, anong
tingin mo sa kanya?""Bakit naman? Hindi ko nga siya kilala eh. Para sa isang tao na
naglalagay ng glue sa upuan, nanulpit ng sago sa blouse ko, binasa ako sa CR,
sinama ako sa trouble, nakipag-wrestling sa akin sa banyo at sinabihan na huwag
akong magoopen ng topic tungkol sa bra, sa tingin mo anong alam ko sa
kanya?"nilagay ko naman yung suklay ko sa maliit ng pocket ng bag ko. "Yeah, I see
your point." Nanahimik naman si Kay nun. Tinignan ko naman siya. Hindi ko alam kung
anong nangayari sa akin kaya lang nagtanong pa rin ako. "Ano bang alam mo sa
kanya?""Ikaw ha.. curious ka!" inasar pa ako, "Ang alam ko nakatira na siya dito sa
boarding house na ito kasama si Carlo 3 years na rin. Simula nung nag-high school
sila.""Magkapatid sila?""Nope. Best buds." tumingin siya sa akin tapos dumiretso
uli ng tingin, "Alam ko lumipat sila dito kasi yung bahay nila malayo. About 1 hour
30 minutes sa school. Eh syempre nakakapagod naman na travel ng travel, kaya nag
boarding house na sila. At ang pinaka-cool pa sa lahat, nagtratrabaho sila para
pambayad nung rent nila dito.""Whoa... may part time job sila? Saan?" naging
interesado naman ako. "Bakit naman?""Siguro pwede tayong magtrabaho." nakangiti pa
ako nun. "Ang galing ng joke mo ah! Ang benta!" tinulak pa niya ako, "Daddy mo na
nga nagbabayad nung rent, magtratrabaho ka pa? Para saan pa?""Ang plano ko, yung
pocket money na binibigay sa atin ni Daddy, ido-donate ko. Yung pera na kikitain
natin, yun yung gagamitin nating panggastos." Tumingin siya sa akin na talagang
litong-lito na sa mga pinagsasasabi ko. "Donate for what?!" Siguro nga sabihin ko
na sa cousin ko. Hindi naman siguro makakasama. Isa pa, pinsan ko siya. Huminga ako
ng malalim. May kinuha ako sa bag ko na sobre at yung bracelet ko. Una kong
pinakita yung bracelet ko. Nagandahan pa siya at mukhang hindi niya na-gets na A.L.
yung nakalagay. Then sumunod, inabot ko sa kanya yung sobre na idodonate ko uli.
Umatras siya sa akin. "IKAW SI A.L.?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.
"Yeah.""No... seriously?" hindi pa rin siya naniniwala. "I'm serious.""So all these
years sa school ko ikaw yung nagbibigay ng donations?" sa pisngi naman niya ako
hinawakan. "Yep." Napaupo na lang siya doon sa gilid at pinaypayan niya yung sarili
niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na yung pinsan ko pala yung role model ko
nitong mga huling taon!"yumakap siya sa akin, "I admire you girl.""Everytime na may
gamit ako na ayoko na, or extra money na regalo sa akin, dinodonate ko.""Arielle
Lopez. Hindi ko nga alam kung babae o lalaki ba yung tao na iyon ikaw pala. Tapos
sa iyo rin pinangalan yung ibang buildings sa school!" Yumuko naman ako nun. "Yeah.
Sana nga hindi na lang eh.""Hintayin lang nila na malaman nila sa Guidance!
PInaparusahan nila si A.L!""Hey.. hey hey! No! A.L.'s anonymous! And I like to keep
it that way. Wala akong balak na sabihin sa lahat maliban sa iyo, saka sa mga
kasamahan ko sa bahay. Ok ba yun?" Nawala naman yung ngiti niya. Tapos nag-isip
din. "Sure, hindi ko sasabihin." ngumiti na naman siya uli, "Kakausapin ko si
Jasper kung may openng doon sa part-time nila." Dahil nga nasa gilid na kami ng
school nun, tumakbo na kami nung maring namin yung bell nun. Tiyak din naman eh
late na kami. At dilang anghel nga ako. Late na kami. Tinignan lang kami nung
teacher pero hindi naman kami pinansin. Dahan-dahan kaming umupo doon sa upuan
namin sa bandang dulo at tinignan ko muna yung upuan ko at baka may kung ano. Pero
nung napansin ko na wala naman at safe na naupo na rin ako at nakinig doon sa
homeroom teacher namin. Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Siguro nga sa pagod
na rin siguro. Ni-hindi ko nga na figure-out kung anong subject siya. "Anong class
yun?" tnanong ko si Kay nung lumabas yung teacher at may pumalit naman. "TLE,
electricity and woodshop." Umayos naman ako ng upo ko at tinigna ko yung teacher sa
harapan ko. Hindi naman siya nagsayang ng oras at may sinulat siyang malaking words
sa board. Physics. "Ok class, nagkakilala naman na tayo kahapon.. siguro mag-lesson
introduction na tayo." umikot-ikot siya sa harapan, "Now, who can tell me.. what is
Physics?!?" Nanahimik yung klase. Wala man lang nagtaas ng kamay nila o ano. Ako
naman eh alam ko yung sagot kaya tinaas ko yung kamay ko bigla-bigla. Dahil
nakatalikod yung teacher, hindi pa niya ako nakikita. May nagsalita naman sa likod
ko.
"Physics is our natural science. It concerns on the basic principles of the
universe and our natural world."tumingin naman ako sa kanya sa likuran. Hindi siya
nakatingin sa teacher o sa board. Instead, naka-lean yung ulo niya doon sa desk na
akala mo eh tinatamad sa klase. Hindi man lang siya nagtaas ng kamay niya. Nag-nod
sa akin yung teacher at saka ko lang napansin na nakataas pa rin pala yung kamay
ko. "Uhmm... it also deals with the analysis of systems, laws in the most precise
and simplest explanation and formulation." tapos tumingin uli ako kay Jasper, "--
and, what he said." Ngumiti yung teacher sa akin. Nagsulat uli siya sa board.
"Among the branches of Classical Physics, which one deals with matter, force,
motion.." hindi pa tapos yung tanong eh nagtaas naman na ako uli ng kamay ko. Kaya
lang... "Mechanics." napalingon na naman ako. Hindi pa rin siya nakatingin.
Nakikinig lang siya sa boses nung teacher pero parang wala lang sa kanya yung
pagsagot niya. Hndi ba pwedeng magtaas naman siya ng kamay niya? "Definition of
Acoustics." lumingon sa ibang student yung teacher. Hindi na ako nagtaas ng kamay
ko. "Branch of physics that studies sounds." Nung lumingon ako sa likod, tinayo na
ni Jasper yung ulo niya. Nagtaka rin siya sa akin. "An acoustician studies gases,
liquids, solids and also waves." dinagdagan pa yung sinabi ko! Humarap naman siya
sa akin at humarap din ako sa kanya. "Thermodynamics is the science of heat."
ngumiti siya ng nakakaloko, "Chill out Riel." Aba, ako pa ngayon yung hot? Eh siya
nga ang may tingin na competition ito! "Optics is the branch of physics that
explains the behavior of light.." ngumiti rin ako ng nakakaloko, "Sanay ka ba na
nasa iyo lagi yung spotlight, o hindi ka sanay na magshare?" Lumapit yung teacher
sa amin at pinigilan kami. Baka kasi kung anong mangyari na naman.
"Congratulations.""For what?!?" sabay pa kaming sumagot. "Captain kayo ng Physics
team ng Science Club." Nagtinginan kaming dalawa. Umiling lang yung Jasper.
"Yung meeting eh every Monday morning. Bago magsimula yung klase." pumunta uli sa
harapan yung teacher. "Makakasama ko na naman yan?!?" Hindi ko na lang pinansin.
Baka mag-resulta pa sa away lalo. "Yeah, magkasama kayo after niyong mag-cafeteria
duty mamayang hapon." Isa na naman yun sa ikinagulat ko. "For what?!?" nagsabay na
naman kami. "Binaha niyo ng sabon uli kahapon yung CR ng girls kaya hanggang ngayon
wala pa ring makagamit."ngumiti pa rin siya, "Class, palakpakan natin yung dalawang
captain." Nagpalakpakan naman at may asaran pa. Imbis na matuwa ako, hindi rin
nangyari. Sa school ko dati, science club president ako. Tapos dito, may kasama
ako? Lumabas naman yung teacher at may kinausap. "Congratulations.. RIEL." may
halong pang-aasar pa yung sinabi niya at inextend niya yung kamay niya para
makipagshake-hands sa akin. Nakipag-kamay na lang din ako. Si Kay eh nakangiti pa
sa akin at narinig kong may tinanong siya kay Jasper. "Oo nga pala Jasper baka
hindi na kita makita mamayang hapon, saan ka nga pala kayo ni Carlo nag part
time?""Sa grocery store.""Really? May vacancy kaya?" tinanong naman ni Kay.
"Interesado ka malaman?""Yeah. Meron ba?" Nag-isip naman yung Jasper. Tapos hindi
ko na lang tinignan. Narinig ko yung sagot niya. "Oo. Meron, isa lang. Lumipat na
kasi yung isang kasama namin na taga-ayos doon eh.""Oh great thanks!" tapos tinawag
ako ni Kay, "Oh couz, may vacancy daw.""Ikaw yung mag-aapply? Akala ko ikaw?"
tinuro niya ako, then si Kay. "Dapat dalawa kami, kaya lang isa lang pala yung
bakante. Gusto niya mag part time job." Nilingon ko na uli yung Jasper. Nginitian
ko ng totoo. As in, totoong friendly na ngiti. "I really need a job. Part time?"
Tinaas niya yung dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya. "Sorry walang vacant."
iniwas niya yung tingin niya. "Kasasabi mo pa lang na meron ah!""Kapag ikaw, wala."
yun lang ang sinabi niya. "Fine, pupunta ako doon at yung may-ari na lang ang
kakausapin ko.""Si Mang Ramon? Close kami nun! Kapag sinabi kong huwag kang kunin,
di ka kukunin." Wala talaga akong choice kung hindi mag-beg pa. "Please, kailangan
ko lang talaga.""O sige, lumuhod ka sa harapan ko tapos mag-please
ka.." Tumayo naman ako sa upuan ko at pumunta ako sa harapan niya. Nakalingon siya
sa kanan niya at kausap niya ung Carlo na nakaupo na sa kabilang row. Uupo na sana
ako sa harapan niya kaya lang napatingin siya sa akin. "Hoy! Niloloko lang kita
luluhod ka talaga?!?" katulad kahapon, ini-offer na naman niya yung kamay niya para
makatayo ako. Tumayo naman na ako nun. Sa totoo lang, kukunin ko lang naman yung
ballpen ko nun at hndi ako luluhod. Nahulog kasi eh. "O sige na nga sasabihin ko
kay Mang Ramon na tanggappin ka... pero sa isang kondisyon..." tumawa naman siya
nun eh wala namang nakatatawa. "Ano naman?""Tara, lapit ka dito ibubulong ko."
Nakatingin naman yung ibang tao sa amin at alam ko na curious din sila. Tiyak naman
kung anong kondisyon ito eh kalokohan lang ito. So ire-ready ko na yung pag-hindi
ko. May minumble naman siya sa tenga ko. Lumayo ako ng kaunti. "HECK NO!" yun na
lang yung nasabi ko. Binatukan ba naman ako. "Wala pa nga akong sinasabi humihindi
ka na! Saka madali lang naman yun eh." tapos nag-lean siya para ibulong uli sa
akin. Nakinig naman ako. Malay ko ba kung ano yun. Saglit lang eh narinig ko na
siyang magsalita. "Oo ka muna saka mo na lang malalaman." Tinignan ko nga ng
masama. "Bakit naman ako o-oo kung hindi ko alam." mapanigurado ito! "Sorry ka. Oo
ka muna." No choice naman eh. Pagbigyan na nga. HIndi naman siguro mahirap yun. "Ok
fine. Oo na!" nilakas ko pa yung pagkakasabi ko, "Ano pala yun?""Basta pumayag ka
na ah!" nag-lean na naman siya para ibulong na talaga kung ano man yun. Hinihintay
ko siyang magsalita. Ang tagal. Naiinip na ako. "Gusto mo talagang
malaman?""Naiinip na ako. Kapag tinagalan mo pa yan ayoko na.""Wala na pumayag ka
na eh!" sabi niya sa akin. "Ano na nga yun?""Oh sige huwag kang tatawa. Sasabihin
ko na..." At iyon nga tinotoo na nga niya... huminga pa siya ng malalim at nagre-
ready daw siyang sabihin. Siraulo!!! "Secret!"
***6*** Nung nag-uwian ng hapon din nun eh sinamahan na ako ni Kay para tignan yung
sinasabi nilang Grocery store kung saan daw ako magwo-work. I can't believe it.
Yung word na 'AKO' at 'WORK' sa isang sentence? Nah, hindi pa nangyayari buong
buhay ko. And all I can say is that.. it's so COOL. Huwag lang sanang malaman ng
Daddy ko dahil kung hindi, baka hindi pa ako nagsisimula mag-work eh ipatanggal na
niya ako sa trabaho. "Cousin, sigurado ka ba talaga na magwo-work ka?" mukhang mas
kabado pa sa akin si Kay. "Oo naman. New experience right? Saka kapag bumalik na
ako sa amin, for college I'm sure, pwede ko na ipagmalaki kina-Mommy na.. nag-work
ako. I'm going to work in an ordinary local shop! It's really good isn't it?!?"
todo talaga yung pagngiti ko nun. "At happy ka talaga na magwo-work ka?" nakataas
naman yung kilay niya sa akin. "Yeah! Bakit ikaw hindi ka masaya?""Trust me.. I
don't want to work. Masaya ka lang kasi excited ka sa simula. Alam mo na, almost 16
years ka namang may nanny! May gumagawa ng bagay-bagay sa iyo. ANo ba ito, nag-
iipon ka ng new experiences?""Nope." nakangiti na ako nun at nakatingala doon sa
grocery store na maliit lang,"Well.. err.. kind of." Pumasok kami sa loob at tinuro
ni Jasper yung table nung Mang Ramon. Dapat may cafeteria duty kami today para doon
sa kasalanan namin sa banyo kaya lang na-move na tomorrow dahil maagang umalis yung
cafeteria lady. Tumayo lang ako doon at nagtingin-tingin. Nag-good afternoon lang
kami sabay-sabay. "Kailangan ko po ba ng resume or something?" Nagulat naman ako
nung sabay-sabay silang tumawa lahat. Bakit, may nakakatawa ba sa tanong ko?
"Something wrong?""Resume?!?" tumawa pa rin si Jasper nun, "Good one Riel." Hindi
naman ako tumawa nun. Seryosong-seryoso yung mukha ko. Saka lang siya tumigil nung
napansin niya na hindi ako nakikitawa. "Oh.. oh... you mean, you're serious?"
Tumango lang ako. "No. Helper lang tayo. Hindi na kailangan nun." tapos pumasok
siya doon sa loob na maraming boxes kasama yung Carlo.
Naupo naman si Kay doon sa dulo since hindi naman siya kakausapin. Ako naman eh
nanatiling nakatayo doon. "Ginulat mo ko at nandito ka sa maliit na tindahan ko
Miss Lopez," napatingin ako doon sa Mang Ramon, "o kung tawagin nga ni Jasper,
'grocery'.""Ok nga po eh. Ang cute nga po ng tindahan niyo." nag-sign siya na umupo
ako kaya umupo naman ako, "Uhmm, maasahan po ninyo ako sa pagtratrabaho!" tama ba
yun?!? "Oo nga eh, napansin ko... MISS LOPEZ." Napansin ko naman na laging Miss
Lopez ang tawag niya sa akin. Masyado namang formal. "Please, Riel na lang po."
tumingin naman siya sa akin. Nag-lean siya sa table para katapat ng mukha niya yung
mukha ko. "Saan ka nag-stay dito?" Napaatras naman ako ng kaunti. "Ano pong ibig
niyong sabihin?" nakakapagtaka naman itong matandang ito. "Kung sa public school ka
nag-aaral, siguro may lugar ka kung saan ka nakatira. Malayo yung bahay niyo dito
sa school 'di ba?" tapos ngumiti siya. Kinabahan ako nun. Paano niyang nalaman
na... na ako eh.. AKO? "Alam niyo po?" bumilis yung tibok ng puso ko. Tumango-tango
lang siya sa akin. Inangat niya yung local paper doon. Tapos sa pinakagilid at
halatang pinilit pa talaga, picture ko. Ayoko yun. Dati-rati kasi gusto nila akong
kunan ng picture, ako lagi ma ayaw. Unfortunately, meron akong isa. Yung 3 months
ago na issue. "So, anong balak mo dito sa neighborhood dito? Ang alam ko hindi
naman dito ang nakasanayan mo." mahinahon naman siyang magsalita. "Ah.. opo. Gusto
ko lang po ng... change. Something new." yumuko ako nun pero 'di ko napigilan eh
tumayo na ako at humawak sa dalawang balikat nung Mang Ramon,"Hindi niyo naman po
sasabihin yung secret ko 'di ba? Please? Nakikiusap po ako!""Hija, wala akong
sinabing babanggitin ko. Kung mas komportable ka na hindi nila alam, hindi ko
sasabihin." Napangiti ako nun at yumakap ako doon sa matanda. "Thank you.. thank
you.. thank you po talaga!" Saka naman lumabas si Jasper at may buhat-buhat na
karton. "Pwede ba huwag mong harasin si Mang Ramon!" saka lang ako humiwalay nun.
Bigla namang nag-ring yung phone ko. Narinig ko sa bag ko. May kumakanta na.
Nagtinginan kaming lahat kung kanino nanggaling yun. Ewan ko kung ano na ang
expression ng mukha ko. "Kanino yun?" nagtanong naman yung Carlo.
Kinuha ko kaagad yung bag ko at hinila ko si Kay palabas. "Kay.. yung CELLPHONE
mo." kaya sinamahan niya ako lumabas. Tumakbo naman kami doon sa gilid na hindi na
kami naririnig. Sinagot ko naman yung phone ko. Sino pa nga ba? "Oh hi.. Dad."
wrong timing naman oh! "Anak, hindi ka pa tumatawag kahapon pa. Ano nang nangyayari
sa iyo diyan? Sabihin mo lang kung may problema at aayusin ko.." yun na naman yung
offer niya. "Everything's great Dad!" kunwari eh tuwang-tuwa pa ako. "Oo nga pala,
kinukumusta ka ng Mommy mo, saka ni Tilly at Roland.""Pakisabi po miss ko na rin
sila!" yun na lang yung sinabi ko, "Sige Dad, I'm kinda' busy.""Teka lang anak,
bakit ba nagmamadali ka masyado?" sus nakahalata rin pala, "Oo nga pala, nakabili
na nga pala ako ng 20" flat screen TV para mailagay niyo sa room niyo. Ayos ba
yun..""You WHAT?!?" bakit naman siya bumili nun? "I.. I mean.. cool.""O sige pala
anak, kinumusta lang kita. Sabihin mo lang kung gusto mo nang bumalik.. ayos lang
sa amin. Sige anak.. Bye.""Bye Dad. I love you po." tapos sinara ko na yung flip
phone ko. Pagkababang-pagkababa ko nung phone, humarap ako kaagad kay Kay nun. Yung
itsura niya eh halatang clueless na clueles sa mga nangyayari. Siguro nga, dapat na
akong magsalita. "We have a major problem.." pambungad ko pa lang yun sa kanya.
"Ano naman?!""Dad bought a 20" flat screen television. Maliit lang since it's room
size." umikot-ikot naman ako dahil hindi ako mapakali. "I can't see the reason why
that's a major problem.""ARE YOU KIDDING ME?!?" napatras naman si Kay, "Kapag
dinala yun sa boarding house at dinala sa kwarto natin, makikita ng mga tao. Anong
iisipin? 2 ordinary high school students, one from a province and one local, bought
a flat screen tv! Paano natin ieexplain kung paano natin nabili yun?!?""Flat screen
TV? Ayos nga yun eh. I think it's a--" tumingin ako ng masama sa kanya,"BAD IDEA."
tumingin din siya. "It's not like we won that TV or something.." sabi pa niya na
wala lang sa kanya. "That's it! Oh my God that's it! Kay, you're a genius!""Sus...
matagal na." nagbiro pa. "Pwede nating sabihin nanalo tayo sa kung saang raffle. In
that case, mas kapanipaniwala." tapos nabaling yung atensiyon ko sa phone ko, "One
more. Anong unit ng phone mo?""Hindi kami mayaman so.. 3315 lang
po.""Perfect.""Perfect ka diyan!" tinignan niya ako ng naloloka-ka-na-ba-look,
"Ewan ko cousin ha, pero parang yung mga taste mo sa bagay-bagay eh somewhat
'abnormal'. No offense. Tingin mo mas maswerte ako sa iyo kahit na ikaw yung
mayaman dito, gusto mo sa public school kaysa sa private, gusto mo ma-experience na
magtrabaho, ayaw mo ng flat screen tv, tapos ngayon perfect pa yung Nokia 3315 eh
ikaw nga itong mayroong Motorola V3??""It's yours.""At alam mo ba.." tumingin siya
sa akin na nagulat, "What?""It's yours. Mag-swap tayo ng phone. Except sa sim card
ok?" syempre naman no! "Eh paano ko naman ieexplain kung paano ako nakabili
nito?""From your Mom and Dad. At least sila nakatira dito, eh mas masaklap naman
kung ako mag-eexplain kung saan ko nakuha yan." kinuha ko yung phone niya at
tatanggalin ko na yung sim card. Hindi ko pa nabubuksan yung likod eh may sumigaw
naman doon sa gilid.
"Hoy kayong dalawa! Bumalik na nga kayo dito! May kakausapin lang sa phone ganyan
pa kalayo!" Bumalik naman na kami at hawak-hawak pa rin ni Kay phone. Ako naman eh
binulsa ko yung 3315. Nakita ko na nakatayo si Jasper at Carlo doon sa pintuan.
Nilalabas na niya yung mga de-lata galing sa box at natigilan naman siya... "Wow!
RAZR?" tumingin siya sa pinsan ko, "Ang cool ng phone mo Kay!" tapos tinignan naman
niya, "Gusto ko nga bumili ng ganito eh, kaya lang mahal walang pambili. Pero ayos
din yung Motorolla L7. Sa ngayon, mag-stick muna ako sa Nokia. After 10 years
siguro makakabili na ako niyan." tinuro niya yung phone ko, este phone ni Kay, at
nilabas naman niya yung kanya... Nokia 2100. "Patingin nga ako." Lalo akong
kinabahan nun. Please naman huwag siyang madayo sa messages! Please huwag naman.
Sim card ko pa yung nanduon sa loob. Please naman... Pindot siya ng pindot doon.
Tapos saglit lang, inabot niya na uli kay Kay. "Cool." Nagkamot lang ako ng ulo ko
nun. Si Mang Ramon eh nakangiti pero umiiling lang. That was close. Nagpaalam na
kami kay Mang Ramon at sinabi niya na pwede daw akong magsimula sa Thursday since
bukas eh may cafeteria duty kami. Bumalik din kami kaagad sa boarding house. Dahil
pakiramdam ko eh pagod na ako nitong mga huling araw, nakatulog din naman ako ng
mabilis matapos naming maagpalit ng Pj's. *** Maaga akong nagising kinabukasan.
This time, hindi ko kailangang makipag-unahan sa banyo nun. Si Kay din eh maaga
kong ginising kaya wala pang 6:30 eh bihis na kaming dalawa. Nagluto lang siya ng
itlog saka hotdog doon sa kalan na kasama na sa room kaya nakapag-breakfast din
naman kami. Dahil nga may extrang pera ako ngayon, nagtawag ako ng bata at siya
yung inutusan ko na magdala nung sobra doon sa donation box. Ayaw naman kasi ni Kay
at baka isipin na siya pa yun. Dahil nga almost 7 o' clock nama na, ang daming tao
doon sa corridor. May mga kumpul-kumpol na tao sa tapat ng Bulletin Board at Club
audissions na rin pala. Dahil busy naman kami ni Kay, hindi na muna namin pinansin.
"Anong sasalihan mo?" tinanong naman niya ako. "Hmmm.. wala muna siguro. Teka,
meron na rin pala. Remember yesterday, captain thingy ng physics thingy ng science
club thingy?" Tumingin naman si Kay sa akin tapos tumawa. "Oh right.. that THINGY."
Dahil nga dulo pa yung room namin eh kitang-kita na dito na may mga nakaupo doon sa
benches sa labas. Isa na sa mga yun eh si Jasper, Carlo at yung isang lalakin na
kasama rin nila pero hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon. "Kita mo yung tatlo na
yun? Kapag nakaupo sila sa bench at sama-sama, nag-iisip yung
mga yan ng gagawin nila para mamaya.""Ganun? Hindi naman siguro. Mukhang naguusap-
usap lang sila kasi tinginan mo, nagbuhbulungan tapos tatawa." Dumaan lang kami
doon sa locker sa hallway at dumeretso na kami doon sa room namin. Dahil nga
madadaanan namin yung tatlong kolokoy, narinig din namin yung ingay nila. "Ang
galing! pwede na rin!" tapos tumingin si Carlo sa amin. Hindi na lang namin
pinansin ni Kay. "8 kaya ayos na ayos eh!" sabi nung isa na hindi ko kilala. "8 din
tama ka diyan!" sabi naman nung Carlo. Si Jasper naman eh inaayos pa yung rubber
shoes niya kaya nakayuko siya. "9 dude." Napataas na lang yung kilay ko nung naghi-
5 pa sila pare-parehas. Tawanan ng tawanan na parang mga baliw. Tapos nagsasalita
na naman yung Carlo. "10 siguro pwede na." sabi naman niya tapos tawa rin ng tawa.
"I'm cool with that.. 9 ako." Tumingin si Kay sa akin at medyo naguguluhan din siya
gaya ko. "What's up with the numbers?" binulong ko na lang sa kanya. Nung tapos na
mag-ayos ng rubber shoes si Jasper, tumayo na rin siya. "6." yun na lang yung
sinabi niya. "Lol dude seriously? 6?" tapos binatukan siya nung dalawang kasama
niya. Binilisan na lang namin yung lakad namin. Parang mga baliw na sabi ng sabi ng
numbers. Ang ingay-ingay nilang tatlo. Hanggang sa makapasok kami ng loob ng room
naririnig mo pa rin sila. "Yuck dude! Si Ms. Elgar yun! Iba na lang! Sa susunod
niyan yung librarian na!" Ano daw?!? Nag-bell naman na at tumayo na sila doon sa
bench para pumasok sa classroom. Tawa pa rin sila ng tawa at si Jasper naman eh
seryoso. "Siya nga lang binigyan mo ng 9 eh! yung iba nga hindi pa nakaka-8!" sabi
na naman ni no name. "Oo nga napansin ko yun bro!" inakbayan siya tapos ginulo yung
buhok, "Ikaw ha!""Stop that!" tapos inayos niya yung buhok niya dahil naguluhan,
"Just leave it to the pro. I have my own ways." Inasar pa siya lalo nung dalawa.
Nung nagulo yung buhok niya, tumingin pa siya sa direksiyon namin tapos naupo na
naman uli doon sa likuran. Hininaan niya yung boses niya pero dinig ko par in dahil
nasa likod ko siya.
"Hey Carlo! Ayus-ayusin niyo yung reasons niyo..." tumawa siya uli. Kaya lang ayoko
yung naring kong sumunod. "Hindi kayo makatotohanan mag-score ng babae eh!"

***7*** Tumingin ako sa kanya sa likuran nun. Yung itsura ko siguro nun eh medyo
naiinis na hindi ko maintindihan. "Bakit niyo nira-rate ang girls? Yun ang idea
niyo ng games?" Tinignan lang niya ako na parang nagulat. "Oo. So? Bakit nakikialam
ka? Trip lang naman yun." gusto ko siyang suntukin nun, pero 'di ko ginawa. "Ano
namang mararamdaman mo kung girls naman ang gumawa nun sa guys?""Wala! Ok? Wala.
Game lang naman yun kung anong tingin mo sa isang tao." tinignan niya ako na parang
nagtataka, "Common na yun sa mga tao dito. Huwag mong sabihing hindi mo pa
nasusubukan yun? Saang planeta ka ba galing at yung mga bagay-bagay dito parang
bago sa iyo?!?""Sinabi ko na nga 'di ba? Sa probinsiya." tapos dumeretso na ako ng
upo para hindi na niya ako tanungin. Kaya lang mapilit eh, nag-lean doon sa
sandalan ko para magtanong. "Saan?" bakit niya ako tinatanong kung saan? Aba malay
ko! Napansin naman ni Kay na wala na akong maisagot. Kaya ayun naman siya, to the
rescue. "Sa.." Ini-stop naman siya ni Jasper. Sa akin uli siya humarap. "Saan?"
inulit niya uli yung tanong sa akin. Province.. province... saan ba kami
nagbabakasyon nun? "Zambales." yun na lang yung unang pumasok sa isip ko. "Talaga
lang? Yung uncle ko doon nakatira. Saan sa Zambales?" Ano na nga ba yung isang
lugar dun? 'C' ang simula.. letter 'C'. Cadungan? "Cadangan? Cabungan?" hininaan ko
yung boses ko para hindi niya mahalatang
nanghuhula na ako. "Cabangan?""Yun! Tama." yun nga ba yun? Hindi ko na matandaan.
Basta 'C' ang simula. Sa wakas eh sumandal na siya sa upuan niya. Sana lang hindi
na siya magtanong dahil baka hindi ko naman masagot patay na ako. "Ibig sabihin
marunong kang gumawa ng mga farm work?""Oo naman. Marami kaming chicken, may baboy,
may pato.." inisa-isa ko lang yung mga hayop na maisip ko. Ano na nga ba yung
details sa 'Old McDonald'? "Lumaki ka sa probinsiya? Sigurado ka?" Sumabat naman na
si Kay. "Eh bakit ba tanong ka ng tanong eh paulit-ulit naman. Syempre isasagot na
naman niya Oo. Tanong mo ulit saang probinsiya. We get it ok? May iba pa ba?"
Tinignan ko ng masama si Kay. May iba pa ba? Mas ok na nga yung paulit-ulit yung
tanong kaysa naman magtanong siya uli na hindi ko naman alam ang sagot. "Marunong
kang sumakay ng ka--" hndi na niya natapos yung sasabihin niya dahil pinutol ko.
"--bayo? Kabayo? Oo naman. Ang dali lang kaya." marunong talaga akong sumakay ng
kabayo. Bumili kasi yung Daddy ko ng kabayo nun eh. "Sasabihin ko sana eh kalabaw.
Pero dahil nabanggit mo naman, may kabayo kayo?""Uh.. mmm.. hiniram. Sa kabilang
farm." tumingin na naman si Jasper sa akin,"Bukid." Kasi naman nangunguna sa mga
bagay-bagay! "Sabi mo eh!" Nakinig na lang ako sa teacher ko nun. I swear!
Kailangan ko talagang mag-research ng bagay-bagay tungkol sa pagiging province
girl! *** Nag-bell na ng uwian nun. Ewan ko ba, sinimulan na naman akong kabahan.
May cafeteria duty kasi kami eh. Ok lang naman sa akin yun at least mararanasan ko,
ang problema lang eh baka may mga bagay doon na hindi ko alam gamitin. "Basta yung
malambot, sponge? Ok?" binatukan ko nga si Kay, pati ba naman yun? "Hindi naman ako
inosente no! Baka lang may kung ano doon na hindi ko alam yung tawag o kung paano
gamitin. Details nga!" Nag-isip naman siya. Sabi niya, wala naman daw kakaiba doon
dahil maglilinis lang kami ng tables, punas-punas, hugasan yung pinggan,
pupunasan.. ganun lang naman. Walang mahirap at walang kakaiba. Kakayanin ko naman
na siguro. Ngayon naman, si Kay na ang nag-prisinta na hihintayin daw niya ako
hanggang matapos kami ni Jasper doon. Baka daw kasi gabihin eh mabuti na raw na
kasabay niya ako dahil siya daw ang pinagkatiwalaang magbantay sa akin. Kung si
Jasper daw kasi ang kasama ko, hindi daw niya pinagtitiwalaan. In the sense na,
prankster. Baka may kung anong kalokohan na plano.
Nag-stay siya doon sa classroom at ako naman eh pumunta na sa cafeteria. Hindi kasi
ako hinintay ni Jasper at nauna na siya doon. Ang sama nga naman ng ugali! Wala
naman ng tao doon sa loob maliban doon sa cafeteria lady, si Jasper at syempre..
ako nung dumating ako. Kapapasok ko pa lang eh may binato na sa aking tela. Kakaiba
pa nga yung amoy nung tumama sa mukha ko. "Tama yun ibato mo sa akin.." tapos
tinignan ko yung tela, "Ano 'to?" Tinignan niya ako ng anong-klaseng-tanong-ba-yan
look. "Apron! Ano pa ba?" tapos tinuloy na niya yung pagpunas niya sa table. "Ibig
kong sabihin, ano ito?" hinawakan ko naman yung bilog doon sa gilid. "Butones!"
huminto na talaga siya, "At kung magtatanong ka uli doon sa design sa baba, beads
po iyon na may rose at dahon. Yung kulay ng apron? White and red na checkered."
talagang inisa-isa pa niya sa akin. "May tanong ka pa.. RIEL?" Alam ko naman na
butones yun. Kaya ko lang naman siya tinanong eh nagtataka lang ako kung bakit may
butones doon eh hindi mo naman kailangang ibutones ang kung ano. Siguro nga, style.
Mali lang kasi yung style nung pagtatanong ko. Dapat, nirephrase ko. Sinuot ko na
yung apron at sinimulan ko rin na magpunas ng table. Pinili ko pa yung may lemon
scent kaysa yung plain na bleach. "Anong amoy yun?!?""Lemon! Ano pa nga ba?" ako
naman yung nagsabi sa kanya, "At kung magtatanong ka uli, sprayer ito, at yung
kulay sa loob eh yellow." akala niya siya lang ang marunong mag-ganun ah! "Alam ko
na yellow yan! Tinanong ko lang kung ano yung amoy?!? Bakit yan pa yung pinili mong
i-spray! Ang tapang.. ang sakit sa ilong. Nakakahilo pa.""Ang bango nga eh!" binasa
ko pa yung nakadikit doon na brand. "Oo na.. pare-parehas naman yung mga babae.
Mahilig sa mga..." nag-boses babae siya, "Lemon, strawberry, cherry, apple.. kasi
ang bango eh!" bigla siyang tumigil, "Oh please!" Pagkatapos naming mag-linis ng
tables at nailagay yung mga kalat sa trash can, kinuha ko naman yung walis nila at
yung dustpan nila na kakaiba yung itsura. Mahaba yung handle tapos may gulong pa.
Nasa loob nga ako nun at sinusubukan kong alamin kung paano gamitin, kaya inabot pa
siguro ako ng 10 minutes bago lumabas. Pawis na pawis na ako. "Nawalis ko na yung
buong cafeteria ngayon ka lang lumabas kasama ng walis mo saka dustpan?""Sorry ka
hindi ko mahanap!""Isa lang yung shelf dito. Dalawa lang ang walis tambo, isa ang
dustpan. Tapos hindi mo mahanap?!?" Nainis naman ako. Sabagay, hindi naman niya
alam. "Ayan na yung dustpan mo." tapos binato ko sa kanya. Eksato naman nung binato
ko, may laman pala sa loob yun kaya natapon pa yung nasa loob. "SORRY!" sarcastic
pa yung pagkakasabi ko, "My bad."
Halata mong gusto niyang gumanti, pero hindi niya ginawa. Nakakapagtaka nga eh.
Nung nasa banyo kami nun, madalas gumaganti. Pero ngayon, wala talaga siyang
ginawa. Mas ok na rin yun kasi ayokong maging suki ng Guidance Office. Pumasok na
uli ako sa loob at sinimulan ko na yung pagbabanlaw doon sa mga pinggan at ako na
yung magsasabon. Si Jasper na lang ang magbanlaw at tagapunas. Siguro naman balance
na iyon. Hindi katulad dati, nakikita ko na si Tilly gumawa nito kapag nakikipag-
usap ako sa kanya sa kusina sa bahay namin. Kaya sa ganitong bagay, may alam naman
na ako. Pinuno ko ng tubig yung kabilang lababo para doon na ang banlawan.
Nakakadiri nga yung mga pagkain at malay ko kung sino yung mga ngumuya niyan.
Ngayon mas naappreciate ko na kapag kakain ako sa cafeteria na ito, linisin na
kaagad. Kawawa rin pala yung mga cafeteria lady na gumagawa nito araw-araw. Mabuti
na lang may gloves doon sa gilid na pwedeng gamitin. Pumasok naman si Jasper at
nagka-cough pa siya nun. Aba, tingnan ako ng masama at dala-dala niya yung dustpan
at nilagay niya doon shelf. "Pumasok lahat ng alikabok sa lungs ko.. thank you very
much!" tapos sinara niya yung shelf. Katulad ko, nagsuot din siya ng gloves at
tumabi doon sa akin pero sa kabilang lababo siya. Sinimulan na niyang magbanlaw
doon at nilagay niya sa gilid yung mga natapos na niya. "I wonder kung makakatagal
ako kung ganito ang maging trabaho ko balang araw.." Tumingin naman ako sa kanya at
ngumiti ako. "Ako for sure hindi ako--" napaisip naman ako, wrong dialogue yun kung
itutuloy ko,"-hindi ako... magrereklamo. Ok naman maging trabaho ito ah." sasabihin
ko sana eh, hindi ako makakatagal. "Hindi naman sa ayoko, kaya lang.. gawaing babae
ito! Bakit ko naman gagawin?"siraulong ito ah! Hindi lang naman babae ang tagahugas
ng pinggan. "Kaya naman ng mga lalaki ang maghugas ng pinggan ah.. kagaya ng mga
babae. Ang dali-dali lang naman." Oo nga madali pero hindi ko ito ginagawa dati.
Napaisip naman ako. Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa utak ko para
itanong ko yun. "Naramdaman mo na ba na parang magkaroon ka ng normal na pamilya,
talagang normal, yung tipong, yung tatay ang nagtratrabho... nanay yung tinatawag
na 'housewife'. Simple lang. Parang.. yun yung hinahanap mo sa buhay? Tatay ang
nagtratrabaho, nanay ang gumagawa ng ganito." Tumingin siya tapos binalik niya yung
tingin niya doon sa pinggan na binabanlawan niya. "No and Yes." dalawa yung sagot
niya? "Huh?!?""No kasi hindi ko naramdaman magkaroon ng normal na pamilya. Lumaki
ako sa uncle ko. Yes sa pangalawang tanong mo. Simpleng pamilya.""Sa katunayan, yun
ang ambisyon ko sa buhay." tumingin ako sa ceiling. "Ang alin?""Magkaroon ng
simpleng pamilya, para sa sarili ko syempre."
Nakatayo lang siya doon. Napansin ko na umapaw na yung lababo kaya pinatay ko yung
tubig. "Hoy, umapaw na kaya patayin mo na yung gripo." kinuha ko uli yung isang
pinggan na marumi para masabunan ko, kaya lang may A.L na nakatatak sa gilid.
"Nyay!"muntik ko nang mabitawan, sinalo lang ni Jasper. "Dahan-dahan ok?" tinignan
niya yung ikinagulat ko, "Yeah, ayun na naman yung AL guy.""Ano?" hndi ko
naintindihan yung sinabi niya. "Si AL. Yung nagdodonate dito. Idol ko yung guy na
yun." Parang gusto kong tumawa nun. He thinks I'm a guy? "Nababasa mo ba? It's A
dot L. Not AL." tama yun, akala niya AL ang basa. "Siya pa rin yung tinutukoy ko."
tapos inabot niya uli sa akin, "Ang tiyaga niyang magdonate dito para sa lahat
tapos hindi siya nagpapakilala. Yun ang totoong tumutulong. Hindi mahalaga na
makilala siya o ano." napansin naman niya ako, "Anong nginingitingiti mo?""Wala.
Natutuwa ako sa pinggan." tinignan ko rin siya, "Bakit naman tingin mo lalaki
sya?""Sa name? AL.""It's A.L." ang kulit paulit-ulit na lang! "Paano kung babae
siya?""Kung mami-meet ko siya, hihingi pa ako ng autograph. Kung matandang lalaki
siya, Idol ko siya. Kung matandang babae naman, idol ko pa rin siya. Kung 'man'
naman, mid 40's, role model ko. Kapag 'woman' naman na mid 40's, mother-like tingin
ko. Kung lady naman siya or so-called guy na nasa 20's, I can say I like them."
huminto naman siya, "Pero kung boy, teenager, he's a bro to me. Kung girl naman
siya, teenager..." Hindi naman niya tinapos yung sinabi niya. Nakakainis naman.
"Ano? Bakit naman iba-iba yung tingin mo in certain ages? And gender?" "Wala lang.
Mas mataas lang siguro magiging tingin ko kung teenager siya. Kasi naman sa panahon
ngayon, ilang teenager ba ang nag-aabala na mag-donate sa isang school? Mas iba ang
tingin ko sa lalaki kaysa sa babae. ngumiti naman siya. "Bro ang magiging tingin ko
sa kanya kung lalaki siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin, I like him. Baka isipin
bading ako. Sa isang case naman kung babae siya..." ngumiti siya uli. "I admire
her." pagkatapos nun, nabitawan ko na talaga yung pinggan.

***8*** Nagulat din siya nung nakabasag ako. Na-shock din ako eh kaya yumuko ako
kaagad. "May rayuma ka ba or what? Lagi ka na lang nakakabitaw ng pinggan." yumuko
rin siya. "Ako na.. kaya ko na ito. Ako naman nakabasag. Magtrabaho ka na doon."
Tinignan naman niya ako na nagtataka. "Excuse me? Tinutulungan kita hindi dahil
nagpapakabait ako sa iyo. Tinutulungan kita para mabilis kang makabalik doon. Ayoko
ngang magsabon at magbanlaw! Sinuswerte
ka naman!" sabi ko nga eh, hindi siya concern. Kinuha niya yung mga kumalat na
glass. Kahit na nakakainis siya, meron din pala siyang sinasabi na ok din naman
pala sa pandinig. Dahil nga marami yung pinggan na hinugasan namin, nangangawit na
yung braso ko nun. Pagkabanlaw ko nung kamay ko, nakita kong kulay pula na. Saka ko
lang napansin.. Nasugatan ako? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Tinignan ko
naman yung index finger ko. Ang haba nung cut. Tumigil naman ako at nung tumingin
si Jasper, nilagay ko sa bulsa ko yung kamay ko. "Ok ka lang?" pinupunasan na rin
niya yung kamay niya. "Oo. Sus! Paghuhugas lang ng pinggan! Sanay na sanay na.."
tapos tumalikod ako sa kanya sabay yumuko ako. Saka ko naramdaman na mahapdi na
siya. Tinanggal na niya yung apron niya. Nagtataka na rin siya sa akin. Tinalikuran
ko uli siya. "Ayos ka lang? Ang weird mo.""Kulit mo ah! Oo nga!" tapos hininaan ko
yung boses ko, "Ow!" Tinanggal ko na rin yung apron ko gamit yung kaliwang kamay
ko. Ayaw ko kasi malagyan ng dugo eh. Nagulat na lang ako nung lumapit siya sa
akin. "Meron ka ba ngayon?!?" nagulat din siya sa tanong niya, "Huwag mo na
sagutin. Kakakilabot.""Wala no! Sira!""Eh bakit may blood stain ka sa damit mo?"
Huh? Meron? Tinignan ko yung damit ko sa gilid. Siguro napunas ko kanina. Ano ba
naman yan! Nakakahiya. Iba iniisip niya. "Wala ako ngayon o-k??" kainis. "Kunwari
pa." nang-asar pa tapos inalis niya yung polo niya, "Oh pantakip mo." Kahit na
isang napakabait na move yun, medyo nainis pa rin ako. "Nah.. keep it. Wala ako
ngayon. Kadiri..""Ganyan naman mga girls eh, halata na.. deny pa." Grrr! Ang kulit.
"Wala ako ngayon! Nasugatan ako ok?" tapos pinakita ko yung daliri ko. Lumapit
naman siya sa akin. "Eh bakit hindi mo sinabi?" sinuot niya uli yung polo niya at
inabot naman niya eh yung scarf niya na kulay black, "Pantali mo. Kapag hindi
tumigil dumugo yan, magkakahemorrhage ka." Iniwas ko naman yung daliri ko sa kanya.
"Hindi na. Hindi naman masakit."
Dahil nga ayaw kong iabot sa kanya, inagaw naman niya ng mabilis at hinawakan niya
yung kamay ko ng mahigpit. Diniinan naman niya. "Masakit yun ah!" sinuntok ko siya
sa braso niya. "Sabi mo hindi masakit 'di ba?" binitawan din niya yung kamay ko
tapos binato niya yung scarf sa akin kaya tumama sa mukha ko, "Itali mo."
Pagkatapos niyang sinabi yun eh lumabas na siya at hindi man lang nag-bye sa akin o
ano. Oh well, ang bango naman ng scarf niya para malagyan lang ng dugo. Sabi naman
niya eh! That guy... is abnormal. What I mean is.. different. Prankster na smart?
Rude pero minsan mabait? Seryoso pero minsan loud? Isa lang ang name para sa taong
ganun... Jasper. *** Nasanay na rin naman na ako nung mga sumunod na araw. Yung mga
room by room sa school eh saulo ko na. Akalain mo yun, mas masaya naman na ako
ngayon dito. For the first time in my life, nararanasan ko na ang totoong high
school life. Ngayon eh weekend na. Nasa 'grocery' ako ngayon gaya nga ng tawag ni
Jasper. Madali lang naman yung trabaho eh, ilalabas nila Jasper at Carlo yung
boxes, ako naman eh aalisin ko yung dusts at iaayos ko yung mga paninda. May mga
cute pa nga na tinda doon eh. Nung natapos magbuhat yung dalawa, naupo sila at
naglabas ng baraha. Tawa sila ng tawa at naglalaro sila ng game. Hindi naman yata
sila nagsusugal, kasi walang involved na pera. Tama yun, maglaro sila at ako dito
eh mag-isang nag-aayos. Tumingin si Carlo sa akin. "Riel! Hindi ka ba sasali sa
amin?" tinanong pa ako? Obvious ba na may ginagawa? "Hindi na. Busy eh.." tapos
nilagay ko uli sa shelf. "Tulungan mo!" tapos tinulak siya ni Jasper. "Pinapabili
mo nga ako ng ulam diyan sa kanto tapos ngayon tutulungan ko siya? Isa lang ako
Jas!" Inangat ko naman yung ulo ko. Mag-uusap na lang din sila yung naririnig ko
pa. "Pwede pakihinaan niyo yung boses niyo, naririnig ko eh!" tumawa sila
parehas,"Thank you.""E di huwag kang makinig problema ba yun?" inayos na nila yung
cards sa harapan nila at tinulak na naman niya si Carlo, "Alis na! Bilihin mo na
yung pinapabili ko." Dinaan lang sa ngiti ni Carlo tapos binatukan naman niya si
Jasper. Lumabas na siya ng shop at ewan ko kung saan pupunta yun.
"Bakit ganun mo na lang siya inuutusan?""Sumusunod naman eh. Isa pa, tabla lang
kami. Ako naman nagluto kagabi." tumayo siya sa pagkakaupo niya. "Nagluluto
ka?""Ako?" tinuro niya yung sarili niya, "Kailangan eh. Unfortunately. Ikaw? Kayo
ni Kay? Sinong nagluluto?""Si Kay." totoo naman eh. "Hindi ka marunong magluto?""Eh
kasi yung.. ah.. nanay ko ang nagluluto dati. Ako lang tagahiwa.. mga ganun." si
Tilly yung tinutukoy ko, hindi yung Mommy ko. "Ikaw taga-hiwa? Eh basag na pinggan
nga nasusugatan ka na kutsilyo pa?""Marunong ako no!" sa kitchen kasi namin noon sa
bahay, naghihiwa rin ako. "Tapos na ba yung ginagawa niyong pagbubuhat ng boxes?"
Inayos niya yung pants niya dahil nadumihan. "Hindi.""Eh bakit naglalaro na kayo
hindi pa pala?" asar! hindi pa pala sila tapos may paupo-upo na?!? "Gusto namin eh!
If you don't mind my dear boss RIEL," nang-asar pa lalo, "Papasok na po ako sa loob
at bubuhatin ko na yung boxes at ilalabas ko na. OK?""Ok. Dapat kanina mo pa
ginawa." Pumasok na siya sa loob at ako naman eh tumayo sa pagkakaupo ko habang
nagdadust. Ang sakit ng likod ko at ang dumi na ng damit ko. Feeling ko nalanghap
ko na lahat ng alikabok galing sa box. Eksakto namang pagtingin ko sa labas, may
nakita akong 'di kaaya-aya na tumitingin sa loob at may nagtuturo. Oh my God.
Classmates ko yun sa dati kong school. Nakita nila yung maliliit na keychain sa
loob at nakangiti pa sila parehas. This is not good. Sinubukan kong tumakbo papunta
ng likod kaya lang nabangga ako sa dala-dalang box ni Jasper. "Mag-ingat ka nga!"
Pumasok na sa loob yung dalawa. Lumapit sila doon sa nakasabit sa harapan. "Excuse
me!" tinaas naman niya yung kamay niya, "Magkano yung keychain niyo dito?" Hindi
naman ako sumagot. Kinakabahan na naman ako. Tumingin si Jasper sa akin at
magkasalubong na yung kilay niya. "Pwede ba i-assist mo yun?" ini-incline niya yung
ulo niya. Tumawag uli yung isa sa classmate ko. "Hey.. Miss!" Wala na talaga akong
magagawa nun. No-choice na talaga ako. "Akin na nga yan.." tapos inagaw ko sa kanya
yung dala-dala niyang box. Hindi naman niya binitawan kaya nung hinila ko, kasama
siya. "Ano bang ginagawa mo?!?""Ibigay mo na yung box at ako na yung
magbubuhat!" inagaw ko pa lalo. "Mabigat ito hindi mo kaya!" hinila niya yung box.
"Ibigay mo na para walang masaktan!" ako pa yung nag-threat! Akala mo naman totoo..
"Ang hirap mong intindihin!""Tinutulungan na nga kita, ibigay mo na yung box."
please ibigay mo na para matakpan ko yung mukha ko. "Fine kung yun ang gusto mo!"
tapos tinulak niya ng malakas yung box sa tiyan ko. Ang bigat nga. "Never mind!
Hindi na namin gusto! Ang cheap pala ng material!" tapos lumabas naman na silang
dalawa. "Ok!" sumigaw naman ako, "Don't come again!" hininaan ko yung pagkakasabi
ko. Dahil nga ang bigat-bigat nung buhat-buhat ko at nakatingin sa labas si Jasper,
nagbago na yung isip ko. "Never mind na rin!" tapos tinulak ko rin sa tiyan niya
yung box. Ang sama ng tingin niya sa akin nun. "Rich kids.." tapos umiling-iling
siya. "Huh?!?" napatingin ako sa kanya, "Anong sabi mo sa akin?""Hindi ikaw!"
sinigawan ako, "Yung mga pumasok." Tumango-tango naman ako. "Oo nga, rich kids."
tumabi ako sa kanya at nakinood umalis nung mga classmate ko. Lumuhod naman siya
para ibaba yung box. "Pumasok dito, titingin-tingn pero hindi naman pala bibili.
Tapos lalaitin pa yung paninda.""Oo nga. Dapat sa mall sila pumupunta.""Ang dami
nilang pera.. I wonder how they live their life..""Tama ka diyan. Swerte rin sila
no? Dapat nagdo-donate na lang sila.." nakatingin na ako doon sa laman ng box.
"Yeah. Dapat nga." tumingin siya sa akin, "At least nag-aagree tayo na yung mga
mayayaman, kadalasan publicity lang yung alam. Magdo-donate for publicity. Spoiled
brats.""Oo nga tama ka uli.""And I'm not afraid to say that I hate rich people in
general... they suck.." Tumango-tango uli ako. Agree na lang ako ng agree sa kanya.
"Oo nga tama ka---" saka ko narealize yung sinabi niya.. "Anong sinabi mo?!?"
***9*** Nasaktan naman ako doon sa sinabi niya. Bakit naman nilalahat niya? Oh
well, siguro nga kapag sinasabi nga nila na may pera ka, nasa iyo na ang lahat ng
mga bagong bagay. SPOILED BRATS? Probably. Siguro nga isa rin ako doon eh. Kasi
noon, nakukuha ko rin naman yung gusto ko, although, hindi ko naman hiningi sa
kanila. "Ano yung sinabi mo?" inulit ko yung tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya
sa akin ng nagtataka. "Sabi ko, generally, I hate rich people. Bingi ka ba?" aba,
inakusahan pa ako na bingi. "Of course not. Narinig ko nga yung sinabi mo. 'They
suck.' " unfortunately tumatak sa akin yun. "Narinig ko naman pala eh, bakit
pinaulit mo pa sa akin!" sinisigawan ako? "Iba ka rin no?""Pinaulit ko kasi
sinisigurado ko yung narinig ko.. baka mali.""Hindi ka naman bingi bakit mo pa
papaulit. Sigurado yun.""Paano naman ako magiging sigurado eh nanggaling sa iyo
yung opinion? Kung opinion ko yun sigurado ako." ano ba itong pinaguusapan namin?
"Just stick to your senses OKAY??!" nasanggi niya yung de-lata sa gilid, "Mas
madalas na tama yun!""Bakit napunta na tayo sa senses?""Bakit hindi ka ba nag-aral
ng Biology nung 2nd year ka?" tingnan mo, Biology naman ngayon? "Nag-aral ako ng
Biology no! At alam ko ang nervous system." Na-realize ko rin na walang connection
yung mga pinagsasasabi ko at lalung-lalo na yung pinag-uusapan namin, "Teka nga,
bakit ba ang gulo! Inulit ko lang yung tanong ko nasa Nervous System na tayo?""Ikaw
ang nagsabi ng Nervous System hindi ako. Ikaw ang magulo sa ating dalawa."inayos
niya yung natumba niya. "Ikaw ang magulo. Pinapahaba mo yung usapan." tinaas ko
naman yung kilay ko. "Ikaw nga yung nagsalita ngayon, eh di ikaw yung
nagpapahaba.""Ikaw yung nahuli ngayon kaya ikaw yung nagpapahaba.." Tumingin lang
din siya sa akin. Alam niya kapag nagsalita siya ibabalik ko lang sa kanya yun.
"Wala ngang sense. Huwag ka na nga magsalita." Hindi ko na sinagot. Akalain mo yun?
Ok na sana yung idea na nag-uusap kami. Pero yung may sense naman sana. Nagulat
naman ako sa kanya nung bigla siyang tumawa mag-isa at sumandal doon sa shelf.
Nakatingin siya sa akin. "Ganyan ka ba makipag-usap?" tinanong naman niya ako. "Na
walang sense?" umiling ako, "Not really.""Nah, kakatuwa nga eh. Tell me something I
don't know.." Nag-isip naman ako. Napaka in-general naman ng tanong niya.
"Hmmm... capital ng South Korea eh Seoul.""Not that!" binato niya sa akin yung
stuff toy sa gilid, tumingin siya sa kisame,"Anatomy came from the greek words,
'ana' and 'tomy', which means apart and to cut." Tumawa naman ako sa kanya. Binato
ko naman pabalik yung binato niya. "Ano ba ang gusto mong malaman?""I don't know,
kaya nga magsabi ka ng kung ano.""Hndi ko alam sasabihin ko eh.." ano ba yan, wala
pala talaga akong kwenta kausap. "O sige na nga ako na magsisimula..." tumingin
siya doon gilid, "Nung bata pa ako mahilig akong kumain ng butong pakwan." Nagtaka
naman ako sa kanya. Sa dinami-dami naman ng sasabihin yung hindi pa mahalaga.
Nakatingin lang ako. Wala rin siyang reaksiyon. Hinihintay ko na dagdagan niya yung
sinabi niya. "Ano na?" sabi niya sa akin. "Anong.. ano?""Hindi mo man lang ba
itatanong sa akin kung bakit ako mahilig kumain ng butong pakwan?" bakit ko naman
itatanong yun? "Itatanong ko pa yun? Syempre isasagot mo either favorite mo.. o
dahil masarap.""Itanong mo lang..." talagang mapilit. "Ok.. bakit ka mahilig sa
butong pakwan?" Ngumiti naman siya tapos tumingin siya sa rubber shoes niya. "Eh
kasi, walang anak yung uncle ko." Ano daw? "Anong connection?" abnormal naman yata
itong tao na ito. "Connection? Simple lang. Sinusubukan kong pasayahin siya."
ngumiti siya uli. "Sa pagkain ng butong pakwan?""You don't get it do you?""Hindi."
Tumawa na naman siya ng tumawa. "Paniniwala ko kasi nung maliit ako, kapag may
nilunok ka raw na buto, tutubo raw sa tiyan mo. Naisip ko na kapag kumain ako ng
butong pakwan, tutubo sa tiyan ko yung pakwan.""In short naniniwala ka na tutubo
yung pakwan sa tiyan mo?" that's odd, "At related sa uncle mo by what?""Kapag
tumubo yung pakwan sa tiyan ko, bibilog yun. Para akong buntis. Naisip ko ganun
yun..""Magkaiba pala tayo ng paniniwala eh. Ako kasi ang alam ko--" Tinakpan naman
niya yung bibig ko ng kamay niya. "Please do not go down there..." tapos yung
expression ng mukha niya eh nandidiri. Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko.
"First of, nagbuhat ka ng mga karton kaya madumi yang kamay mo. Second, ang
sasabihin ko eh ang paniniwala ko nun, kapag nag-kiss daw kayo yun na." tumingin
ako
sa kanya at ako naman yung nandiri, "Ikaw yung iba ang iniisip. AND PLEASE, DO NOT
GO DOWN THERE. Yuck." Tumahimik kami saglit nun. Hindi rin nagtagal, dumating na si
Carlo dala yung pinabiling pagkain ni Jasper kanina. Tumayo kaagad si Jasper at
mukhang kakain na yata. Sa may likuran kasi nung shop, may table doon at upuan.
Binuhat ko naman yung isang karton dahil nakakalat doon. Naunang pumasok si Carlo
sa pintuan kaya hindi ko na siya nakita. Si Jasper eh sumunod naman kaagad. Akala
ko eh bubuksan niya yung pintuan para sa akin dahil dala ko yung malaking karton
kaya lang hindi niya ginawa. Oh great!!! Ang bait niya masyado. Eh yung Homo
Erectus yata eh mas may sense na buksan yung pintuan. Hahawakan ko na sana yung
door knob kaya lang bigla niyang binuksan. "Hindi mo naman siguro kailangan na
buksan ko yung pinto para sa iyo 'di ba?" Tinignan ko siya ng masama. "Ay hindi
po!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko. "Ok." tapos sinara niya uli. Arrrgghh! Grabe
naman! Binaba ko yung karton at binuksan ko yung door na hindi niya binuksan. Hindi
ko na lang pinansin. Pumasok na ako sa loob at hindi ko alam kung makikikain ako.
Nakakahiya naman kasi. Isa pa, hindi naman ako nagpabili. Naupo si Jasper doon sa
isang upuan at tinaas niya yung paa niya. Tama ba yun? "Ano? Kakain ka ba?" tinuro
niya yung isang upuan. Tinuro ko yung sarili ko. "Ako ba?" Tumayo siya at
nilagpasan ako. Nung tinignan ko siya, nakikipag-usap siya sa WALA naman sa likod
ko. "Makikikain ka? great?" tapos tumingin uli siya sa akin, "HELLO? Sino pa bang
kausap ko. Ikaw lang nakatayo diyan." bumalik siya uli sa pagkakaupo niya. "Riel,
sa iyo ba itong phone na ito?" tapos nakita ko yung 3315 na hawak ni Carlo. Lumapit
naman ako sa kanya. "Err yeah. Saan mo nakuha?""Doon sa likuran. Baka nahulog
mo.""Thanks." nilagay ko na ng maayos sa bulsa ko. Hindi ko alam kung anong gagawin
ko nun. Pagkatapos kasi nilang maghugas ng kamay nila, naupo na sila doon at kinuha
yung kanin. Ginaya ko na lang yung ginawa nila. "Tara na kain na...""Teka lang,
hindi kayo magkukutsara or something?""May kamay ka naman 'di ba?""Uhmmm.. oh...
right." tinignan ko lang tapos hinawakan ko uli, "Ayos ah.""Galing mo rin magpatawa
ha! Kung hindi siguro kita kilala, maniniwala na ako na
hindi ka marunong.." tapos kumuha siya ng kanin at kumain na siya talaga. Ganun
pala yun? Nakitawa naman ako pero pilit lang. Kumain naman ako at nakailang subo na
rin ako nun. Kakaiba pala sila kumain kapag normal day. And oddly, I feel ok.
Nakatingin si Carlo at si Jasper sa akin. Saka ko lang napansin na tumigil sila sa
pagkain. "What?!?" nahiya tuloy ako ng bahagya, "May dumi ba ako sa mukha?""Wala."
ngumiti si Carlo, "Ang cute mo kumain.""Paki-elaborate naman.." sumubo ulit ako.
"Di gaya nung mga nakasabay ko na girls kumain dati, ang bagal mo kumain." huh? Ako
mabagal? "At masama yun?""Hindi. Hindi no." pero hindi na niya sinabi kung bakit
naman kakaiba yun. Marami namang tao sa mundo na mabagal kumain. Tumayo naman siya
at tapos na yata siyang kumain. Si Jasper naman eh nakatingin pa rin sa akin.
Nailang naman ako. "Hanggang ngayon ba nagulat ka pa rin at mabagal ako kumain?"
Saka lang siya tumigil nun at tumingin sa kinakain niya. "Anong lasa?" Nagulat
naman ako sa kanya. "Anong lasa ng... alin? Ulam?" tinuro ko yung nasa pinggan ko.
May kinuha siyang chocolate sa harapan niya. Lush yata yun eh. "Kainin mo."
tinignan ko lang siya "Bakit ko naman kakainin yan?" siraulo? "Basta kainin mo."
Kinuha ko naman yung chocolate sa harapan niya at kumagat naman ako. Dahil maliit
lang yun, nawala rin kaagad. "Ngayon sabihin mo sa akin kung anong lasa..""HIndi ka
ba nakakain ng chocolate? Eh di chocolate.""Elaborate." yun din yung dialogue ko
kanina. Dahil mukhang mangungulit lang siya, nag-isip naman ako. "Matamis...
kakaiba yung lasa. Kumbaga sa vocabulary, bago sa list mo. Pero sa akin, matamis
pero... iba. Ang hirap i-explain eh. Bakit ba?""Thanks sa pagsagot." tumingin siya
uli sa akin, "Bakit kita tinanong? Curiousity." Tinuloy na niya yung pagkain niya
at nakadalawang-subo lang siya eh tumayo na siya kaagad. Magtatanong na sana ako
uli kaya lang pinigilan na naman niya ako.. "You heard me.. curiousity." ang...
gulo!
"Okay.." yun na lang ang sinabi ko. "Bakit ka curious?" Lumingon siya pero hindi
masyado. "Gusto ko lang malaman kung anong lasa ng chocolate..""E 'di ito tikman
mo..""Hindi yun.. hindi yun ibig sabihin ko." Dumeretso siya ng tayo, "Gusto ko
malaman yung lasa ng chocolate... sa panlasa mo.""Bakit?""It's a symbol. Sinabi sa
akin ng friend ko, kapag na in-love ka daw, pwede mong ikumpara sa candy.
Particularly, chocolate." hindi ko na nga ipu-push. Hindi naman maliwanang yung mga
sagot niya eh! "Gusto ko lang malaman sa girl's point of view. Girl's taste."
Ganun? Ok...alright.. "Ikaw, anong panlasa mo sa chocolate?" Saka lang siya
tumingin sa mata ko. "When it happen to me...""I'll let you know." bakit ba ang
layo ng sagot niya lagi?

***10*** Umuwi na lang ako pagkatapos nun. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong
maniwala sa sinabi sa akin ni Kay dati. Dati siguro naniniwala ako sa pagiging
prankster niya, pero lately yata mas nagiging in-touch siya sa.. oh well.. ano bang
tawag dun? Poetic side? Ewan ko ba. May term ba dun? Sinalubong ako ni Kay kaagad
at dumating na yung flat screen tv namin. As usual, hinila ko kaagad siya sa loob
at mukhang masayang-masaya pa siya. Pinagsabihan ko nga ang bruha na hindi dapat
ipagmalaki yun kundi, nanalo lang talaga kami sa raffle. Hindi ko alam na kapag
naiba pala ang social status mo sa nakasanayan mo eh kumplikado. Lalo pa ngayon.
Ssusubukan mong makisama, magiging ok, tapos may darating na pro-prpblemahin mo.
Parang yung mga bagay sa mundo eh... sunud-sunod na lang na darating sa iyo. Oh..
yuck. Am I getting in touch on my poetic side too? "Hoy ano ka ba!" shinake naman
niya yung katawan ko. "What?!?" nairita pa ako nun sa ginawa niya dahil nag-iisip
ako bigla na lang nainterrupt. "Tumutunog po yung phone mo, este phone ko pala kaya
lang nakipagpalit ka... kanina pa! Baka gusto mong tignan yung mga text messages mo
insan!" Tinignan ko lang siya ng masaya. Pagod kasi ako kaya medyo nairita nga ako.
Nakita ko naman yung phone... ko. 3 messages received. Yung una, galing sa provider
so wala lang kwenta yun. Yung dalawang messages naman
eh hindi naka-store sa inbox ko. 'cge pla, kta n lng tau bukz. =)' Maikli lang yung
message. Yung isa naman ganito lang.. '....' Nagtaka naman ako. Hindi ko naman siya
kilala bakit naman ako makikipagkita sa kanya. Nag-abala pa akong mag-reply nun.
Instead na unahin ko yung 'who are you?' na tanong, sa iba bumagsak. 'do i know u?'
Wala pa sigurong 5 minutes eh tumutunog na naman yung phone ko. Syempre tinatamad-
tamad pa akong nagpipipindot nun. 'dis s janice ryt? si ian 2.' Excuse me? Matagal
na akong nabinyagan at alam kong hindi Janice ang pangalan ko. As far as I know,
Szarielle a.k.a. Arielle a.k.a A.L and right now a.k.a Riel. But never Janice. And
the bottomline of it is... 'sori, i dn't know a guy named ian. u got d wrong #' At
yun nga, panay naman ang sagot niya. Mayaman yata sa load eh. Sinasayang lang yung
oras ko. 'oh sori po ha.' hindi pa ko nagrereply, pumasok na uli yung text niya,
'.....' ganun na naman. 'ng-uubos k lng b ng load?' parang ganun kasi yung
lumalabas eh, sino bang matino na magse-send ng panay dots lang? 'medyo...' Ay ang
sipag sumagot. Sulit naman talaga yung text message niya. 'nd, nghhnp ng kausp.
sungt m nga eh, bbae k no?' Nung nabasa ko yung text na yun, napatingin na lang ako
doon sa phone na akala mo eh nakikita ko yung kausap ko. Siraulong ito?!?
'un4tun8ly, ba2e nga ako.' tinatamad na ako makipag-usap nun. Nilagay ko yung phone
ko sa gilid. Kung hindi ko lang alam, sinadya lang niya na mawrong-send para naman
magkaroon siya ng textmate. Sorry na lang siya, hindi ako mahilig sa ganun. 'so...
what?!' Katulad kay Kay, nairita din ako sa text niya. Bakit ako yung tinatanong
niya eh samantalang wala akong time na kausapin siya? 'wat do u mean, what..'what?'
'i mean.. so what if ur a girl. wud dat mke u better dan any1?'
Hindi ko alam kung bakit o dahil sa pagod na rin siguro, naiinis talaga ako sa
kanya. Kung sa text pa lang ganyan na siya, paano pa kaya kung personal? 'bye..
ayaw na kita kausap.' 'owkei sabi mo eh!' then pinindot ko yun send. Tumunog na
naman yung phone. Arrrghhhh! 'OO!!' 'akala ko ba bye ka na?' 'u r 1 of the mst
annoying guys i have ever met!' 'na-meet mo na ko? cool! anong impression mo?'
Pilosopong ito? Feeling naman niya ha! 'ur rude.' 'ako rude? bka nga kpg ikw nkita
k, my impression n kagd ako.' Hindi ko na talaga siya sinagot. Tumingin lang ako sa
kisame. Si Kay naman eh hindi na ako pinapansin dahil busy siya sa panonood ng tv.
Hindi naman nagtagal, tumunog na naman yung phone ko. Gaano ba ka-desperado itong
tao na ito ng kausap? 'gus2 m mlmn impression k sau s txt? hnd n kta ggluhin.'
Dahil nga sinabi naman niya na hindi na niya ako guguluhin kapag sinabi kong gusto
kong malaman, tinanggap ko na. 'fine. ano ung impression m?'. Medyo matagal-tagal
bago siya nag-reply di gaya nung mga nauna niyang messages. After 10 minutes or
more, pumasok na yung text niya. 'u wud say 'do i know u' dan 'who r u' ' now how
did he know that? Hindi ko alam kung anong meron sa message na yun, pero sinave ko
siya sa inbox ko. That made me smile... *** "Shup up!" sumigaw si Kay sa akin dahil
nagulat siya. "Oo nga ano bang nakakagulat doon?""Hello? Ilang tao ba ang
nagbibigay ng first impression sa text? Impression.. mas maganda kung nakikita mo."
nakangiti pa siya sa akin. "Sabi ko nga sa 'yo eh retarded siya.""No way!""Way."
tinaas ko yung kilay ko. Naupo kami doon sa isang bakanteng stall sa cafeteria. Ang
dumi-dumi nga nung table at panay tulo pa ng ketchup. Kumuha pa kami ng tissue para
lang maalis yung mga dumi doon.
Si Kay na naman ang nagsabi na siya na daw ang bibili ng pakain namin at kapag ako
eh disaster ang kinalalabasan. May umupo din doon sa stall sa likuran namin at
nadaganan pa yung buhok ko. Ang sakit nga eh. "Excuse me lang yung buhok--""Hey
Riel stah na?" narinig ko naman yung boses ni Jasper. Lilingon sana ako kaya lang
narinig ko naman yung binulong niya. "DONT YOU DARE!" tapos dumeretso ako ng upo,
"Hindi nila dapat malaman na kausap kita.""Oo nga eh kaya pwede.. yung buhok ko?"
Hindi siya gumalaw. Bakit ba kasi napunta pa yung buhok ko sa kabilang side eh.
"You owe me.""Wala akong utang sa 'yo.""Hindi naman pera eh!" sinubukan kong tumayo
kaya lang hinawakan niya yung blouse ko sa likuran. "The 'I'll help you with the
hiring if you said YES' day??? " Naalala ko naman yung araw na iyon. Natahimik
naman ako. "Yun nga naisip ko eh, maalala mo." kung kaharap ko lang siya siguro
ngayon, tinignan ko na siya ng masama. "Siguraduhin mo lang na hindi ako
mapapahamak diyan..""Hindi naman, madali lang. Kayang-kaya mo nga siguro eh.."
tapos narinig kong tumawa siya, "First of dahil isa itong secret movement,
kailangan mo ng codename.. at kailangan ko rin.""Siraulo ka naman pala eh. Codename
pa.. just get to the point." Hinigpitan niya yung paghawak niya sa blouse ko para
mapalapit yung likod ko sa kanya. Tapos narinig kong hininaan niya yung boses niya.
"You'll be the new San Juanico Bridge." ano daw? "Ano?!?""Codename mo, San Juanica.
Codename ko, Nemesis guy.""You mean NEMESIS GAY.""Hindi mo kinakausap yung boss mo
ng ganyan alam mo yun?" pakiramdam ko lukot na yung blouse ko. "Ano bang gagawin
dito sa San Juanico thingy?""Simple. Just put on a good word for me sa isang
babae." Tumawa naman ako nun. As in, tumawa talaga ako. "Narinig ko ba yun ng tama?
Good word? Ikaw?" pinalo ko siya sa likuran. "Tama na ang panlalait.""Sino naman
yung malas na girl?" Hindi naman sumagot kaagad si Jasper dahil dumating naman si
Kay nun dala-dala yung pagkain namin. Naramdaman ko na sumandal siya lalo. "Aray ko
masakit ha!""Ano yun?" Pineke ko naman yung ngiti ko kay Kay para hindi niya
mapansin. "May kumagat na LANGGAM.. sa likod ko.""Ok." tumingin siya sa table,
"Nalimutan ko yung kutsara saka tinidor. Babalik lang ako.." Umalis uli si Kay.
This time, humarap na ako kay Jasper.
"Ang sakit nun ha! Baliw ka ba o ano?" nagsimula na akong magdaldal. "It's
her.""Tapos ngayon kung makatingin ka akala mo ikaw na masusunod!""Bahala ka na.
Sige." tapos tumayo na siya at lumabas na ng cafeteria. "Loko ka nilukot mo yung
blouse ko." tapos diniretso ko yung ulo ko at sinundan ko ng tingin si Jasper nung
nasa labas. Hey wait.. "Si Kay?!?"

***11*** Kaya pala San Juanico este, San Juanica ako? Magiging tulay ako sa kanya
at kay Kay? Ayos lang namang maging tulay, pero bakit siya pa? Hello? Mahal ko kaya
ung pinsan ko. Hindi ko lang naman siya irereto sa 'kung sinu-sino' lang. At yung
'kung sinu-sino' na iyon eh si Jasper. May gusto pala siya kay Kay no? Sa totoo
lang, hindi naman halata. Sa itsura kasi niya, parang yung pagloloko lang niya sa
mga tao ang mahalaga sa kanya. Girls? That's a whole new world. "Hoy, bakit tulala
ka sa labas?" napansin ko na dumating na si Kay. "Wala lang. May siraulo kasi
kanina sa labas." Kumain naman ako nung kinuha niya. Pancit naman daw yun. Masarap
naman eh, kahit papaano naenjoy ko. Kumain na rin kasi ako nun before. Nung
nakapagisip-isip naman na ako, naisipan ko naman magtanong sa kanya. Better yet,
simulan ko na rin siguro. "Ei Kay, anong tingin mo kay Jasper?" Tumingin naman siya
sa akin. Puno pa yung bibig niya nung nagsalita siya. "Morales?" lukaret na ito!
Sino pa nga ba? "Ay hindi, yung friendly ghost.""Hindi ba Casper yun?" Naku,
pasalamat siya pinsan ko siya..
"Si Jasper po.. Morales. 'Di ba crush mo yun?" Tumawa naman siya sa akin. "Si
Jasper?" tumawa siya ng tumawa ng malakas. Naku ha, papahiya naman ako nito eh.
"Nakakatawa ka naman insan." tinuloy pa rin niya yung pagtawa niya tapos bigla
siyang nag-seryoso. "Oo. Dati.""Dati? You mean hindi na?""Err.. medyo. Pero obvious
naman 'di ba, may crush yata sa 'yo yun eh." Na-choke naman ako nun kaya nag-panic
si Kay. Uminom ako nung soda sa harapan ko. "Nah-uh. Never.""Huwag ka nga
nagsasalita ng tapos. Madalas na nga yata kayo nagkakasama eh. Kanina lang
magkatalikuran kayo." Umilng-iling naman ako sa kanya. "Trust me. He doesn't like
me." Masyado namang kumplikado sa simula. Tingnan natin kung ano sa tingin ko ang
nagyayari at ang sa tingin ko eh hindi. Si Kay, may gusto kay Jasper dati pero si
Jasper naman eh hindi namin alam. Dumating naman ako sa eksena kaya iniisip ni Kay
na may gusto si Jasper sa akin kahit wala. Nawala yung crush niya kay Jasper, si
Jasper naman gustong magtulay ako sa kanya. Ngayon naman si Kay hindi na gusto si
Jasper dahil sa akin. Ano bang dapat sabihin ko? HELP? *** Maaga akong dumating sa
classroom kinabukasan para bigyan ko ng lesson si Jasper kung ano ba dapat ang
gawin niya kay Kay. Hindi ko naman kasi makukumbinsi ng ganun-ganon na lang si Kay
kung wala rin naman siyang action. "Ano na?" ang galang niya masyado. Umagang-umaga
yun ang tanong niya sa akin. "Wala man lang ba na good morning or anything?"
tinanong ko naman siya. "Bakit naman? Teacher ba kita?""You mean sa teacher ka lang
nag good morning? Ang plastic mo tsong!" tinapik ko siya sa balikat niya. "Hindi.
Magalang ako sa matatanda." ngumiti siya sa akin tapos tinignan ako mula ulo
hanggang paa kaya napakunot-noo ako, "Fine. Good morning." Parang napilitan lang
yata eh! "Anyways.." umupo ako doon sa tabi niya pero hindi naman kami magkalapit
masyado, "Anong plano mo?""Hoy hoy hoy.. ako ang boss dito. Ako ang nemesis guy,
ikaw si San Juanica. Ikaw ang mag-iisip ng plano. Isa pa, umoo ka sa akin.""Hoy hoy
hoy ka rin. Hindi ka ba nag-iisip?" tinuktukan ko naman siya sa ulo niya,"Kahit
anong kumbinsi ko sa pinsan ko, kung wala naman siyang gusto sa iyo at wala ka
namang action na ginagawa.. wala rin alam mo yun?!? Unang-una sa lahat. Kailangan
may action ka. Kailangan mapansin ka niya. Gets mo?""Magpapapansin ako? Sa kanya?"
tinuro niya yung sarili niya kaya tumango ako,"Nah-uh.""Doon ka naman magaling
eh.""Pasakit ka
alam mo?!?""No pain no gain?" ngumiti ako, "Anong balak mo sa step number 1." Nag-
isip naman siya nun tapos ngumiti sa akin. "Ok, may naisip na ko. Later.""Jasper!"
lumingon siya, "Siguraduhin mong maayos yan ha!!" Kinabahan talaga ako sa kanya
nun. Baka naman kung anong idea niya ng pagpapapansin ha. Nung nag-alarm naman na,
tumayo na ako sa upuan sa likuran at lumipat lang ako sa kabilang row. Nagsi-upuan
na rin yung mga classmate namin. Medyo late lang ng kaunti yung teacher namin ng
first period kaya ok lang nung na-late si Jasper dahil lumabas siya. Umupo naman si
Kay sa tabi ko nun. Dati kasi si Ronnie doon eh. Ok naman si Ronnie at siya naman
yung naupo sa upuan ni Kay. Nag-klase naman na kami. Hindi nga ako nakapag-
concentrate kasi panay ang sipa ni Jasper ng upuan ko. Hindi ko nga pinapansin nung
simula pero hanggang second period, sipa pa rin siya ng sipa. "WHAT?!?" napalakas
yung pagkakasabi ko kaya nagtinginan sa amin. "May itatanong ako hindi ka
lumilingon.""O-K. Lumingon na ako. Now what?!?""Pwede bang manghiram ng white-out?"
ngumiti siya ng nakakaloko. "Bwisit ka!" Tumawa lang si Kay nun. Laking tuwa ko nga
talaga nung nag-alarm na para sa breaktime. Hindi naman ako nagugutom nun kaya ssi
Kay lang ang umalis papuntang cafeteria. Nag-stay ako sa labas ng classroom dahil
sobrang init doon sa loob. Dumaan naman si Jasper kasama na naman si Carlo.
Inirapan ko nga. "Ang taray mo naman.""Kailangan ba mabait ako sa iyo?" Tinulak
naman ni Carlo si Jasper. "Talo ka bro, binabara ka lang.""Tatanungin sana kita
tungkol doon sa balak ko kanina. Hindi ka naman lumilingon. Palusot ko lang yung
white out kasi nakatingin si Kay.""Ok, nakatingin na uli ako sa iyo. Ngayon?""Ang
sungit mo uli." tapos ngumiti siya, "Ganito yung naisip ko para mapansin niya ako.
Kunwari papaupuin ko siya sa teachers table pero yung upuan na nilagay ko eh yung
sira na tatlo lang yung paa. Kaya matutumba siya. Tatawa kami.""Anong sabi mo?!?"
nagulat naman ako sa kanya, "Kapag natumba siya, patalikod yun. Baka mabagok siya.
Tatawa ka? Mapapahiya siya. In the end, alam mo kung saan ang tuloy natin? Hindi
magandang idea yun. Hindi ka ba matino?" Naglalakad naman yung second period
teacher namin. "Ewan ko sa 'yo. Sabi mo magpapansin. Nung nakaisip ako ng idea,
ayaw mo naman.""Hindi ka pa ba nanligaw before?" Tumawa ng malakas si Carlo. "Shut
up Carlo baka bukas lang disabled ka na." Natawa namana ko nun. Ibig sabihin wala
pa siyang experience. Kaya pala siya walang kwenta magpapansin.
"Ikaw rin huwag kang tumawa." tapos tumingin siya sa rubber shoes niya, "If I know
hindi mo alam ang salitang 'date'." Nawala yung ngiti ko nun. Masyado namang tagos
yun. "Excuse me! Huwag ka ngang nagsasalita as if kilala mo ko dahil hindi mo ko
kilala!""Sinabi ko bang kilala kita? Nagsabi lang ako nung unang pumasok sa utak
ko.." tapos nang-aasar na yung tingin niya, "Huwag mong sabihin na hindi ka pa
nakikipag-date?""Feeling mo naman expert ka eh sa ating dalawa ikaw nga itong
nangangailangan ng tulong ko!""Hey guys..""Umoo ka kaya ibig sabihin nun pumayag
ka!""Pinaoo mo ko kahit hindi ko alam. Kung alam ko lang na may kinalaman pala sa
pinsan ko, hindi ko na ginawa!""Hey guys...""Buti nga nagbibigay pa ako ng sarili
kong idea!""Eh wala ngang sense yung idea mo! Magpapapansin ka na lang din, yung
upuan pa na matutumba yung uupo?!? How lame is that?" bigla kong tinakpan yung
bibig ko sa huling sinabi ko. "Guys.." Kanina pa tumatawag si Carlo sa amin kaya
tumingin kami sa kanya. "Ano ba?" nagsabay pa kami. "Si Mam Amy pumasok sa loob, at
mukhang uupo siya doon sa upuan na nilagay mo..."nag-panic kami ni Jasper.
"Ano?!?""Bakit 'di mo sinabi kaagad?!?""Kanina ko pa kayo tinatawag.." Tumakbo kami
doon sa tapat ng pintuan. Dahil nga may hinahanap yata yung teacher namin na naiwan
niya, nandun lang yun upuan. "Mam Amy.. huwag po kayong uupo!!!""Oo nga po! Huwag
po sa upuan na iyan. Special po kayo eh. Dapat sa golden chair.""Ano ba kayong
dalawa.. para uupo lang--" tapos bigla siyang umupo. Katulad nga nung inaasahan,
bumagsak siya doon sa silya. Tumingin ako kay Jasper at nagsimula na siyang
tumakbo. "KAYONG DALAWA!!!""Wala po akong kinalaman diyan, si Jasper po!""Ako?
Bakit ako na naman?!?""Go!""Where?""Miss Lopez... saan pa? Kung hindi kayo makuha
sa Detention dapat siguro pumunta kayo sa Principal's office.""Principal's
OFFICE???" Galit na galit yung teacher namin sa amin. "At ang pinakamaganda sa
lahat.." tumayo siya at hinawakan niya yung likod niya,"Tatawagan ko parents niyo."
Nakangiti lang si Jasper. "Ok lang. Wala naman na parents ko. Sumalangit nawa ang
kanilang kaluluwa. Halelujah!""We'll call your uncle Mr. Morales.." tumingin sya sa
akin, "As for you Miss Lopez, tatawagan namin yung parents mo." Oh no.. this isn't
happening.
***12*** Oh no she didn't!!! Tatawagan niya parents ko? Paano kung nalaman ng Daddy
ko yun? Mahigpit sa ganyan yun eh. Baka hindi pa umaabot ang bukas eh naka-enroll
na ako sa ibang school. Kung kailan pa naman naeenjoy ko na lahat, tapos saka pa
mawawala? It sounds cheesy, but true. Ibubuka ko na sana yung bibig ko kaya lang
naunahan ako ni Jasper. "Hindi niyo po matatawagan yung uncle ko kasi hindi naman
siya dito nakatira. Isa pa, dalawang oras yung biyahe. Papagurin niyo pa siya?"
Parang wala lang sa kanya lahat. Ako naman eh kinakabahan na nun. Paano kaya kung
malaman nila? Ano kayang reaksiyon ko? Gusto ko sanang sabihin yung palusot na
ginawa ko dati. Sasabihin ko sana na tagaprobinsiya yung parents ko at walang
telepono doon. Kaya lang nga, pumasok na sa isip ko yung idea na hindi ko alam kung
sino ang kinausap ni Daddy na i-enroll ako dito, lalo pa yung idea na baka kapag
sinabi ko yun, lalo akong maging in-trouble kapag nalaman nila na nagsisinungaling
ako. Too much risks... wala naman akong lakas ng loob mag tip-toe sa line. "Please
po Mam, huwag niyo na pong tawagan yung parents ko. Madidisappoint po sila sa akin
eh..." yun na lang yung nasabi ko at alam ko naman na hindi rin naman yun magwo-
work. Nanahimik lang din si Jasper. Si Mam Amy naman eh tinignan lang ako. "Kayo
kasing mga bata kayo, wala na kayong galang sa nakakatanda. Saka niyo naiisip na
mali yung ginawa niyo kapag nandiyan na..." Mukhang hindi siya makikinig sa akin.
This is hopeless. "Pero--" hindi naman siguro masamang mag-try kahit papaano. "Go."
sabi nung teacher namin at tinuro niya yung direksiyon papunta ng Principal's
Office. "Pero po--""Just GO Miss Lopez!" nagtaas na siya ng boses niya kaya
napaatras ako. Nakangiti naman si Jasper at parang lalo pa niya akong inaasar.
Hindi ba siya problemado? Ako lang ba yung talo dito? Kung sabagay, sanay na siya.
"Oo nga ang kulit mo naman San Jua-- este Riel, 'JUST GO' daw. Hindi ka ba
nakakaintindi ng French?" Tinignan ko lang siya ng masama. Hindi na nga maganda
yung pakiramdam ko nanloloko pa. "Ikaw rin Mr. Morales kasama sa office. Tatawagan
namin yung uncle mo, at kaming bahala sa punishment mo. Sobra na. Hindi ka na
nadadala." this time, ako naman yung tumawa kay Jasper.
"Pero--""Pumunta na kayong dalawa." inalis na nung teacher namin yung sirang upuan
at nilagay niya sa gilid. "Pero po--""Expulsion Mr. Morales?""Principal's Office
here I go!!!" nakapekeng ngiti pa si Jasper nun. Alam ko naman na hindi totohanin
nung teacher namin yung expulsion na sinasabi niya. Ginawa lang niya yung para
mapapunta niya si Jasper kagaya ko sa office. Masyado kasing makulit eh. Basta
nakaisip siya ng alibi na pu-puwede, sasabihin niya... gagawin niya. Sumabay naman
siya maglakad sa akin. Hindi naman kalayuan sa classroom namin yung office. Hindi
ko siya kinausap dahil galit ako, basta gusto ko lang manahimik. Baka nga last day
ko na ito sa school na ito, hindi ko alam. Sino bang makakapagsabi? "May problema
ka ba?" tinanong naman niya ako dahil nakatingin lang ako sa black shoes ko.
"Wala.""Eh bakit ang tahimik mo?" sinsabi ko na nga ba uulanin na naman ako ng
tanong nito. "Gusto ko lang.""Bakit mo naman gusto?""Kasi wala lang." ang kulit
naman niya. "Pwede ba huwag ka muna magtanong? Iniisip ko pa yung problema ko
ok?""Galing ko talaga. Eh di may problema ka pala?" Naisip ko rin naman yung sinabi
ko. Dahil nga makulit naman siya, hindi ko na lang sinagot. Nakarating kami kaagad
sa tapat ng Principal's Office. May benches sa tapat ng office kung saan pwede kang
maghintay kapag hindi mo pa turn. Bigla na lang niya ako hinawakan sa balikat ko.
"Mauuna na ako sa loob para tapos na. Pagkatapos ko, saka ka pumasok. Ayaw niya ng
sabay-sabay sa loob eh. Baka lumala pa yung sabihin nila sa uncle ko." Pumasok
naman siya sa loob pagkatapos kung tumango sa kanya. Naupo naman ako doon sa bench
at naghintay na lang ng turn ko. Tatawagan nga nila yung Daddy ko. Kung Mommy ko
man lang sana ang nasa bahay ok lang kahit papaano ang kalalabasan. Kaso malaki
yung possibility na Daddy ko. Nag-alarm naman na at ibig sabihin eh time na namin
para sa second period. Hindi naman ako kinabahan para sa late ng klase. Kung
tutuusin, wala nga akong pakialam eh. Mas namromroblema pa ako sa maaaring mangyari
ngayon. Nag-alarm na naman. Natapos na yung next two periods. Absent na kami ni
Jasper. Ang tagal-tagal nga niya sa loob eh. Hindi ko alam kung bakit ganun. Ano
bang ginagawa nila? Ano bang pagtawag ang ginagawa? Hindi ba kinakausap ka lang
naman sa loob, tapos tapos na? Pumasok naman si Mam Amy sa loob at tumango lang din
sa akin as a sign na nakita niya ako. Hindi katulad ni Jasper, lumabas din siya
kaagad. Alarm na naman. Nagsisimula na akong mainip sa labas kakahintay doon.
Nagsisilabasan na rin yung mga estudyante para sa lunch break nila. After 10
minutes or so, finally, lumabas na rin si Jasper. Tumingin lang siya sa akin, tapos
dumire-diretso na umalis. Ano na naman yun? Wala man lang good luck or bye or
anything?
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Mabuti pang malaman ko na yung
simoy ng hangin dito. Lumingon yung Principal nung pumasok ako sa loob. Nakangiti
pa siya sa akin. "Can I help you... Miss Lopez?" kilala niya ako? "Uhmmm..
kakausapin niyo po ako right? Sa punishment ko?" Nagulat naman siya sa akin. Hindi
ko rin alam kung bakit. "Punishment? Anong sinasabi mo?""Yung sa upuan po ni Mam
Amy. Sinabi po kasi niya pumunta daw dito at tatawagan daw yung parents ko." Umupo
siya sa upuan niya at ngumiti sa akin. "Hindi na kailangan yun Miss Lopez. Sinabi
na sa amin ni Mr. Morales yung totoo.." Ngayon naman, ako yung nagulat sa kanya.
"Teka.. ano po? Anong totoo?""Na wala kang kinalaman doon sa upuan. Kaya sa ngayon,
siya lang yung mabibigyan ng punishment. Tinawagan na namin yung uncle niya, at
magkamag-anak nga sila. Tawa lang ng tawa yung uncle niya na parang wala lang at
may kalokohan yung pamangkin niya.""Pero po, ako po yung nagsabi sa kanya na..."
hindi ko tinuloy yung sinabi ko. Ako yung nagsabi sa kanya na magpapansin. Although
idea niya pa rin yun, may kinalaman pa rin ako. I'm off the hook. Just like that?!?
I think I deserve something. Anything. Pero kapag wala, parang hindi ako panatag.
"Inako na niya yung kasalanan.""Oo nga po eh.. pero..""Gusto mo ba maparusahan
din?""Hindi po pero--""E di ano pang problema?" oo nga naman anong problema. "Wala
naman po. Medyo.." nag-isip isip naman ako. "Ano po bang parusa yung binigay niyo
sa kanya? Ma-expel po ba siya or something?""Expel? Hindi no." Ano ba namang
klaseng tanong yan Riel? "Ilang beses na naming pinarusahan si Mr. Morales pero
parang hindi rin nadadala. From cafeteria duty to bathroom cleaning.. wala pa rin.
So binigyan namin siya ng activity na wala sa interest niya.""Activity? Akala ko po
punishment?""The same thing. He doesn't like one activity, then it's like a
punishment na pinipilit namin siyang gawin yun." Gusto ko sanang itanong kung ano.
Kaya lang masyado naman na akong insider kaya hindi na rin. Nagpaalam ako sa
Principal at hindi ako makapaniwala na wala akong parusa. Hindi nila tinawagan yung
parents ko. Higit sa lahat, mag-stay ako dito. Pero bakit parang hindi pa rin ako
ok? Nakita kong hindi pa nakakalayo si Jasper kaya tumakbo ako para mahabol ko
siya. Akalain mong inako niya yun? "Jasper!" sumigaw ako doon sa hallway kaya
nagtinginan sila sa akin. Wala naman akong pakialam.
"Jasper!" Lumingon naman siya? "What?!?" hindi naman siya galit. Malakas lang yung
pagkakasagot niya. Ngumiti naman ako nun. Sumabay ako maglakad sa kanya. Saka naman
siya nagsalita. "Parang kang ewan alam mo yun?" Tumingin ako sa kanya. "Ano na
naman ginawa ko?""Yung mukha mo kasi.." tapos tumawa siya. Hinawakan ko yung mukha
ko. Tapos may dinagdag siya. "Hindi, wala kang dumi sa mukha. Mukha kang ewan
kasi..." huminto siya saglit,"Bakit ka nakangiti?" Yun lang pala yun. Siguro nga
tama siya. Nakangiti ako pero hindi niya alam yung dahilan. "Sinabi kasi nung
principal na hindi na ako mapaparusahan. Ni-hindi nga daw nila tatawagan yung
parents ko.""Really?!?" kunwari nagulat pa siya. "Yeah. Hindi pa nga niya alam nung
simula kung bakit ako nandun." Nanahimik naman siya. Ako naman eh tumingin sa kanya
kasi nakatingin na siya ng diretso. "Baka sinabi ni Mam Amy na wala kang
kasalanan.. ganun..""Siguro..." ayaw niyang sabihin sa akin na inako niya? "So..
ano namang punishment mo?""It's terrible.""May mas masama pa ba sa paglilinis ng
banyo?" Nakasimangot na siya. "Oo naman no! It's that stinking Theater Club na
walang naman member!" Tumawa ako ng malakas nun. Theater Club? "Hindi mo ba
interest yun?""Yuck. That's so gay.." mukhang punishment nga yung sinasabi ng
principal. "Anong gagawin mo doon? Aarte ka?""Ewan ko. Baka gagawin yung 'Romeo oh
Romeo' " nagboses babae siya. "Hindi ka bagay mag-Juliet." Tapos tumingin naman
siya sa akin. "Hey.. I just got an idea.." Napakunut-noo ako sa kanya. "Tama!""Alin
ang tama?""Pwede bang---""Pilitin mo mag-lead si Kay kasama ako?" pwede bang ibang
tao na lang???
***13*** Nakakainis naman itong tao na ito. Sa lahat naman din naman ng TORPE, siya
na ang PINAKA. Teka, torpe naman ang tawag doon 'di ba? Hindi naman siya makaamin.
At take note, wala siyang experience sa bagay na ganito. WEIRD. "Hindi ko gagawin
yun no!""Bakit naman?" nagtaka naman siya sa akin. "Syempre, hindi naman interest
ni Kay ang theater. Buti sana kung makinig sa akin yun. At kung interested man siya
sa Theater, e di sana noon pa siya ng sign-up sa club. Kita mo namang hindi.."
binilisan ko na naman yung lakad ko. "Dali na kasi." hindi ko pa rin siya pinansin
at dire-diretso lang ako, "Sige naman na! Kayang-kaya mo naman yun eh! Pinsan mo
kaya siya!""Pinsan ko nga siya pero hindi naman laging nakikinig sa akin yun no!"
tinakpan ko naman yung tenga ko. "Riel naman!" humabol pa talaga sa akin yan.. Lalo
kong tinakpan yung tenga ko. "Blah.. blah.. blah.. hindi kita naririnig! Beh..
beh..beh..." nakatingin ako sa itaas,"La...la...la...""Sige naman na oh! Szarielle
naman may tiwala ako sa iyo! Kaya mo yun!""La..la la.." napahinto naman ako, "Anong
sabi mo?" Huminto rin siya nun at parang ewan yung expression ng mukha niya.
Nakatingin lang siya sa akin. "Na kayang-kaya mo yun?" parang wala siya sa sarili
niya. "Hindi, bago pa yun...""Na may tiwala ako sa iyo?" ako pa ang tinanong.
"Nope.. before that." Nainis naman siya sa akin dahil hindi na rin niya maalala.
"Ewan ko! Di ko na matandaan.""You called me Szarielle.." Tumingin-tingin siya sa
gilid niya at lumapit sa akin para bumulong. "Bakit bawal ba yun?""Tangek!"
binatukan ko nga ng malakas. "Hindi no." tumigil ako ng kaunti, "It's just that,
hindi mo ko tinatawag sa buo kong pangalan. And you got it right." sumabay na uli
siya maglakad. Kakalakad namin nun, nakarating din naman kami sa classroom. Ewan ko
ba kung bakit sadyang big deal sa akin na tinawag niya ako sa buong pangalan ko.
Siguro nga mas
sanay lang ako ng Arielle, Riel, A.L., or even San Juanica. Eksakto namang pagbalik
namin eh palabas na para sa lunch si Kay. Ewan ko ba, coincidence na rin siguro na
lumabas siya, at nagkataon namang sinisiko-siko ako ni Jasper. Si Carlo naman eh
tumatawa sa amin dahil alam niya na nasa trouble kami. Siya kasi pinaka-witness ng
nangyari kanina. "Oi bruha ka! Saan ka nanggaling? Pinapakaba mo ako ah!" halata
mong para akong sinesermonan ng pinsan ko. "Sa office." sabi ko naman.
"PRINCIPAL's.. to be precise." dinagdagan pa ni Carlo. "Shut up Carlo!" Nanlaki
yung mata ni Kay sa akin at humawak sa magkabilang balikat ko. "PRINCIPAL's
OFFICE?? ANONG NANGYARI?" Napaka-OA naman talaga ng pinsan ko. Si Jasper naman
sumabat. "Alam mo Kay, yung mga magagaling umarte tulad mo, katulad ngayon..
pwedengpwede sumali sa--" tinignan ko siya ng masama, "Mamaya na lang Kay!" Humarap
ako kay Kay. "Sabi nila tatawagan yung parents ko..""WHAT?!? Anong sabi ng DADDY
mo?" Binigyan ko siya ng 'tumahimik-ka-nga-or-else' look. "I mean, TATAY
mo?""Walang sinabi kasi hindi naman tinawagan tatay niya. Ako lang introuble.."
siya na sumagot sa akin, "So what do you say kung sasali ka sa Theater
Club?""Theater Club?" tumingin naman si Kay sa akin, "Anong meron?""Aarte.." Tinaas
ko lang yung dalawang balikat ko na parang sinasabing, 'Ewan.' "Sure." Bigla akong
na-choke nun. Kanina lang sinasabi ko kay Jasper na hindi niya interest yun tapos
ngayon ganun-ganon na lang siya umoo? "Sure, as in YES sasali ka?" mukhang excited
naman siya. "Yeah. Of course. Kung sasali si pinsan ko, sasali ako." Biglang
humarap si Jasper sa akin at tinitigan talaga ako sa mata. "Syempre sasali si Riel.
HINDI BA RIEL???" inemphasize niya yung tanong niya. "Ako?" tinuro ko naman yung
sarili ko. "Ayoko nga." Parang naiinis na si Jasper sa akin nun. Totoo naman eh,
ayokong sumali. Kanina lang si Kay ang gusto niyang kausapin ko, ngayon sa akin pa
rin pala babagsak yung pangungulit niya. "Ayoko nga ang kulit mo!"
Tumalikod uli si Jasper tapos humarap kay Kay. "Ok, umoo na siya.""Hindi ako
umoo!""Cool." sabi naman ni Kay. Kaya pala ang sarap nilang pagsamahin na dalawa eh
no? Kung alam lang nila... "Ano ba yung story?" hindi naman ako nakikinig nun.
"Beauty and the Beast. You know the rest." Akala ko ba hindi ako nakikinig? Eh
bakit narinig ko yata yun? "Beauty and the Beast? Sabi mo Romeo and Juliet?""I'm
speaking in general. Kapag sinabi mong Romeo oh Romeo, anong pumapasok sa utak mo?
Theater right? So get over with. Kasali ka na.""Wow! So it'll be
musical?""Yeah.""I'm in!" nakangiti naman si Kay. Tumingin si Jasper kay Carlo.
"Ikaw?""Sige. Supporting role na lang." tatahi-tahimik naman si Carlo. "Ok. It's
settled then." tuwang-tuwa naman si Jasper. "Ayos. Ngayon lang ako makakasali sa
Theater, musical pa." tumabi si Kay sa akin at humawak sa kamay ko, "You'll do fine
couz. I'll be the TEAPOT.""Oo nga naman..." nagbuild-up pa si Jasper. Kaya lang,
parehas kaming nagulat ni Jasper. "Hey WHAT?" "I'll be the teapot! Sabi ko kasali
ako, it doesn't mean I'm the lead role right?" tinulak pa ako ni Kay, "You're the
lead." "Pero ikaw dapat--" Tumingin ako ng masama kay Jasper nun. Bwisit talaga!!!
"Hoy, wala akong kasalanan!""You horrible BEAST!!!" yun lang ang unang pumasok sa
utak ko. "Oh hey hey hey.. hindi mo naman siguro ineexpect na irereturn ko yung
insult at iaddress kita ng BEAUTY?" Nanlilisik na siguro yung mata ko nun. "I'm
out.""Huh?" nagulat si Kay, "Kung ayaw mo, ayoko na rin.""Oh come on!" nakapekeng
ngiti si Jasper at umakbay sa akin, "She's in." Hinigpitan niya yung pagkakahawak
sa balikat ko kaya napalapit ako sa kanya. "Right, BEAUTY??" sarcastic smile pa
yun. ***

Tinulak ko nga siya ng malakas. Feeling close masyado. Selfish pa. Iniisip lang
yung
sarili niya. Ang sama ng ugali. Masyado! "Ayoko nga!""KJ nito.""KJ na kung KJ..
basta ayoko.." dumikit naman ako kay Kay. Tumingin si Jasper sa akin na nakakaloko.
"Alam ko na!" sabi niya parang nang-aasar, "Alam ko na kung bakit ayaw mong
sumali.""Kapag nalaman mo pwede pakisabi sa akin?!?""Alam ko na kung bakit. Huwag
ka na sumali. 'Di namin kailangan mga walang talent sa pag-arte." Ang yabang naman
nito. Selfish na nga, mayabang pa. "Excuse me?!?" syempre ipagtatanggol ko naman
yung sarili ko, "Feeling mo naman wala akong talent sa pag-arte. Hindi ako pro,
pero hindi naman ako mulala sa ganyan.""Then prove it.""FINE!!" Pagkatapos kong
sinabi yung eh nag-wave na siya sa amin ni Kay at dumire-diretso kung saan man siya
papunta ng lunch. Siraulo yung tao na yun, pinag-iinit yung ulo ko. Nakatingin pa
rin kami ni Kay sa kanya kahit nakalayo na siya. Narinig ko na lang nagsalita yung
pinsan ko. "Pinsan uto-uto ka alam mo?" sabi naman ni Kay sa akin. "Huwag mong
sabihin ikaw rin kaparehas nung taong yun?""Hello? Hindi naman sa nilalait kita,
pero uto-uto ka nga." tinap niya ako sa balikat ko, "Narinig mo na ba yung term na,
'reverse psychology?' ""Of course." Umakbay siya sa akin na para bang kino-comfort
niya ako. Isa pa itong pinsan ko, hindi mo maintindihan ang takbo ng utak. "I'm
sorry couz, pero nauto ka lang ni Jasper." Mukhang totoo naman yung sinabi ni Kay.
Nauto nga siguro ako ni Jasper, pero hindi naman ako basta-basta na lang aatras sa
mga sinasabi niya. Syempre, ako pa?!? Competitive ba ako masyado? Hindi naman. May
gusto lang ako i-prove sa sarili ko, hindi kay Jasper. Gusto ko i-prove sa sarili
ko na... na may nagagawa rin naman akong ibang bagay. "Ei, dumating na yung pera
galing sa dad mo ah, anong balak mo?""Idodonate." nilabas ko yung sobre sa bag ko
na pera galing kay Daddy, "Tara lagay na natin doon.""Idodonate mo talaga? Hindi ka
man lang mag-shopping or anything? Kasi alam mo...""Mas kailangan ng school kaysa
sa akin. Saka yung kisame yata sa science lab nabalitaan ko medyo..."hindi ko naman
natapos yung sinasabi ko dahil napigilan naman ako. "Eh ikaw rin naman kailangan mo
ah! Marami ka na kayang nadonate dito. Give it a break." tingnan mo, parang nanay
ko no? "Isa pa, ngayon mo ilalagay yan sa donation box? Eh kung may makakita sa
iyo?""Ito na naman yung issue?""Oo. Pinapagod mo lang sarili mo para magtrabaho
tapos may pera ka naman. Lukaret ka!" binatukan pa ako. "O sige, 1 month akong
walang gagawin, walang idodonate. Pero last na muna ito, please naman!" ewan ko ba,
di ko mapigilan yung sarili ko, "Saka lunch break na, tiyak siguro wala naman
makakakita sa akin.""Mamayang hapon na lang. Tapos magbihis ka ng walang
makakakilala sa iyo pwede?" Dahil hindi na naman ako manalo kay Kay, pumayag na ako
sa kanya na mamayang hapon na lang at uwian na ako magdo-donate. Sabagay, may point
din naman siya.
Kung ngayon ko dadalhin yung pera, baka nga may makapansin sa amin. Mahirap na mag
take ng chances. Kumain kami nun sa cafeteria. Si Jasper nun eh nanulpit na naman.
Nakakainis na nga yung tao na yun eh. Syempre pinagalitan siya ni Kay, pero tiyak
gustung-gusto niya yun dahil napapansin siya kahit pagalit. Nagklase kami nung
hapon. First period namin ng afternoon classes eh inaantok-antok pa talaga ako.
Pero yung second namin eh Calculus kaya medyo nabuhayan yung dugo ko at ang hirap-
hirap naman pala nun. "Ano daw?" tinanong ko naman si Ronnie dahil siya yung katabi
ko. "Homework na yung nasa board. Even numbers lang ang gagawin.""Ooh.. gee thanks
Ronnie." tapos sumandal uli ako sa desk ko. Naramdaman ko naman na may nag-lean
doon sa upuan ko. Hindi na ako lumingon dahil nakakatamad. Isa lang naman yung tao
sa likod ko eh. "Homework na yung nasa board. Even numbers lang ang gagawin..."
inulit naman niya yung sinabi ni Ronnie. "Ano na namang drama mo Morales?""Wala
bang thank you??" bakit naman ako magtha-thank you sa kanya? "Bakit naman? May
naitulong ka ba?" Nag-snap siya doon. "Sayang naman." hindi pa rin siya tumatayo
doon sa pagkakaupo niya, "So anong next step mo maliban sa pagpapansin?" Dahil nga
ang kulit-kulit at wala ako sa mood, tumayo na lang ako nun at iniwan ko siya.
Sinabihan ko siya na kakain lang ako sa labas at mamaya na lang siya mangulit. Nasa
labas si Kay nun at nakikanta doon sa mga taga ibang section na may hawak ng
gitara. Hindi naman talaga ganun kagaling si Kay sa pagkanta, pero maganda rin ang
boses niya. Hamak naman sigurong mas ok kaysa sa boses ko. Honestly, hindi pa ko
nakakakanta ng public except sa banyo namin. Ewan ko, mahiyain lang siguro ako
pagdating sa ganyan. Tumayo naman ako doon sa gilid nila at nakinig ako. Tumigil sa
pagtugtog yung lalaki na hindi ko kilala at nag-acapella nal ang sila. Kinanta nila
yung 'Fallen' ni Janno. Ayos nga eh, nakaka-relax. "Wow couz, galing natin ah!"
pinuri ko naman siya nung natapos yung kanta. "Ikaw nga?!? Matagal na kitang di
naririnig kumanta.""Ayoko.. saka na lang.""Dali na.." siniko naman niya ako.
"Chorus lang ha!" tapos sinabi ko doon sa lalaki yung kanta para tugtugin niya sa
gitara. Chorus lang naman yung gusto ko para maikli. Syempre, nahihiya pa ako nung
simula, at nahihiya pa rin ako nung talagang kumanta na ako. Ewan. Ang gulo ko.
"Ang pag-ibig kong ito. Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo
Kaya't sa Maykapal tuwinay dalangin ko Sana'y, kapalaran ko ay magbago." Pagkatapos
nung chorus na parang napadaan lang eh tumigil na ako. "Ayoko na. Yun na yun.""Ayos
nga eh." tapos napansin kong biglang tumawa si Kay at nakatingin sa likuran ko.
Nanlaki yung mata niya sa akin na parang may sinasabi siya sa akin na nasa likod
ko. Syempre, alam kong may tao doon. Alam ko namang gugulatin lang ako kung sino
man yun.... Kaya ang ginawa ko... nag-turn ako. I didn't know that... that was a
very bad move. Hindi dapat ako nag-turn. Ano bang word na pwede kong i-describe sa
naramdaman ko? Scared? Mortified? Stupified? Petrified? Yep.. petrified. It was
horrible. Saka lang ako napaatras nun. Nawala na ako sa sarili ko. "OH MY GOD! Nag-
kiss kayo?" nagulat lahat ng nasa hallway kaya nagtinginan lahat sa amin. Ako naman
eh parang shocked pa rin sa mga nangyayari. Hinawakan ko yung lips ko. Hindi ko
talaga inaasahan yun. Nasa likod ko kasi siya at balak niyang tusukin sana ng
daliri niya yung pisngi ko kapag lumingon ako. Pero dahil hindi pa nga siya
nakaayos... masama yung naging turn ko.. Eksakto. "I.. uh.. h-hindi." nag-deny pa
ako. "Nakita kaya namin yun!" tapos tumingin siya sa gilid at nakitango lang yung
iba. Parang nakakatawa lang sa kanila yun. Ako naman eh.. ewan. Nanginginig na yung
buong katawan ko. "H-hindi ko naman sinasadya. Akala ko..""That was.... that was.."
si Jasper eh nakatayo lang doon sa harapan ko. "That was just.. uh..
just...""Siraulo ka Jasper! Ikaw kasi eh.""Bakit ka kasi bigla-bigla na lang
lumilingon?" sinabi niya sa akin. "Eh bakit naman kasi nasa likod ka niya?" tapos
lumapit sa akin si Kay at bumulong, "Couz, first mo yun?" Dahil nga hindi na ako
makapag-isip ng tama, hindi na rin ako sumagot. "That was very disturbing!!!" hindi
mo maintindihan yung expression ng mukha niya. Tawa ng tawa si Carlo nun sa gilid.
Namumula na yung mukha niya at hawak niya yung tiyan niya. "Manloloko lang sana si
Jasper, palpak pa!""Carlo... ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo yung salitang
SHUT UP?" Dahil ayoko naman na mukha akong ewan doon, mabuti na siguro na magsalita
ako na parang walang nangyari. Bakit ba kasi ako lumingon. BWISIT!!! First kiss?
Nasayang. Inimagine ko pa man din na ayos yung first kiss ko.. HINDI SA HALLWAY!!!
Mabuti na sigurong maging mahinahon ako. "BADTRIP KA NAMAN KASI JASPER EH!!!"
tinulak ko siya, "BAKIT KA KASI NASA LIKOD KO!" tinulak ko uli, "ALAM MO NAMAN NA
MAY POSSIBILITY NA LUMINGON AKO TAPOS YUNG MUKHA MO ILALAPIT MO PA!!! BWISIT!!
ASAR! KANIS!! ARRRGGGHHH!" ewan ko ba, asar na asar talaga ako. Siguro ganun lang
talaga kapag awkward yung pakiramdam. "First kiss yata ni Jasper yun eh!!" inasar
naman si Jasper ni Carlo. "Cousin?!? Ikaw rin 'di ba? Wala ka namang
binabanggit.""Iba na ito! Next level na!" tapos inakbayan lumapit siya kay Jasper,
"Binata na si Jasper, may first kiss na." nakangiti pa siya,"First kiss niyo ang
isa't isa?" tumawa naman si Carlo. "Oo nga, namumula si Riel!!" Nag-step ako
papalayo at nag-step din papalayo si Jasper sa akin. Nagtinginan kaming dalawa nun.
"SIYA?" tinuro ko siya at tinuro niya ako, "FIRST KISS KO?" Sabay pa kaming
sumagot. "HINDI NO!!!" tapos iniwas niya yung tingin niya.

***14*** Wala pa rin ako sa sarili ko hanggang sa makauwi kami ng hapon ni Kay.
Hindi ko naman kasi masyadong inaasahan yung mga nangyayari. Bakit ba naganap yun?
Super duper badtrip talaga. Tapos ngayon medyo naiilang pa akong makita si Jasper.
Sino ba namang hindi kung sa iyo naman nangyari yun? Kanina nga binabrainwash ko
yung sarili ko na, 'Accident yun' o kaya naman, 'Friendly kiss?', or just simply,
'Kalimutan mo na lang.' Unfortunately, walang nag-work. Katulad nga nung sinabi ko
kay Kay kanina, nagbihis lang ako nun sa room namin at nanguha ako ng sumbrero at
shades. Mahirap na magbaka-sakali. Ayoko na rin kasing mag-utos ng bata at baka
makilala rin ako, kapag nangyari yun... lagot na. Kinuha ko yung P3,000 galing kay
Daddy at nilagay ko sa sobre. Naglagay lang ako ng maliit na note sa loob: 'Science
Lab', tapos sinara ko na at nilagyan ko ng maliit na A.L. doon sa gilid. Lumakad
ako ng mabilis sa school. Natural lang ang ginawa ko para hindi halatang may agenda
ako. Pagkatapos nun eh nasa tapat na ako ng gate. Nabasa ko na yung DONATION BOX at
bago ko pa ihinulog, tumingin-tingin muna ako sa gilid para walang makakita.
And the coast is clear. Hinulog ko yung sobre sa loob. Dahil nga naisipan kong
kumain, dadaan sana ako doon sa Ice Cream Parlor malapit sa school. Ewan ko ba,
napaka-uneasy ng pakiramdam ko. Kaya ayun, lumingon ako sa likuran ko at feeling ko
may nakatingin sa akin. Walang tao. Kinilabutan tuloy ako. Naglabas naman ako ng
pera at binilisan ko yung lakad ko. At yun nga, pakiramdam ko naman may sumusunod
sa akin. Lumingon uli ako sa likod ko pero wala pa rin. Tumakbo na ako nun. Saka ko
narinig na may ingay sa likod kaya napatunayan ko lang na may sumusunod talaga sa
akin. 'MISS! SANDALI LANG!' Hindi talaga ako lumingon. Hingal na hingal na ako nun.
Liko dito at liko doon ang ginawa ko. Ang layo ng direksiyon na napuntahan ko sa
Ice Cream Parlor. Tumingin ako sa gilid kung may sumusunod pa rin. Wala na yata....
saka naman... "AHHHHHHHHHH!!!" nagulat ako nung biglang nag-ring yung phone ko.
Text lang pala ang OA ko naman. 'uwi k n nga gabi n' si Kay lang pala. Pagkatapos
kong binasa yung text niya, napahawak na lang ako doon sa dibdib ko. PHEW! That was
close. *** "Hoy!" narinig kong sumisigaw si Jasper doon sa bintana galing sa labas.
"Pssst! Hoy!" Nagsusulat naman ako nun at wala ako sa sarili ko. Pakialam ko ba
kung sino tinatawag niya. "Ito kamo mapili! Gusto pa niya BEAUTY pa itawag. PSSST!!
BEAST!" Ako pala tinatawag niya? "Siraulong 'to, ikaw ang Beast sa ating dalawa."
sumandal ako sa upuan ko, "Ano na namang kailangan mo Morales?""Bakit ba pinipilit
mong sanayin ang sarili mo na Morales ang itawag sa akin? Jasper name ko.""Name mo
rin naman yung Morales eh.""Pasaway ka? First name ibig sabihin ko!""Liliwanagin
mo. Di mo sinasabi kung anong klase ng name..may surname, first name at nickname."
tumawa ako, "So what now.. BEAST?" Nakatingin siya sa akin parang gusto niya akong
asarin pero hindi niya ginawa. "Marunong ka ba kumanta?" tinanong niya ako, "Kasi
Musical yun. Kapag napahiya ka..." huminto siya, "MAPAPAHIYA KA." Hinampas ko nga
sa braso niya. "Aray ko masakit yun ah!" hinawakan niya yung braso niya. "Akala ko
pa man din sasabihin mo, kapag napahiya ka, dadamayan mo ko.""Bakit naman kita
dadamayan? E di napahiya rin ako?" ni-rub pa rin niya yung braso niya, "As
I was saying, marunong ka ba kumanta?""Sa banyo.. oo." totoo naman eh. "Kailangan
mo kumanta bago ka pumunta doon. Baka sabihin nagre-recruit ako ng talent na walang
kwenta.." ang sakit magsalita nito ah! "Kanta na.. kahit ano.""Bakit ako
kakanta?""Basta kumanta ka!" sinisigawan ako? "Fine!" tapos huminga ako ng malalim,
"Old Mcdonald had a farm.." Binatukan ba naman ako. "Pwede yung hindi naman
pambata?""Sabi mo kasi kahit ano eh!" tinulak ko siya at inayos ko yung buhok ko.
Nag-isip naman ako ng kanta. "It's been quite a while You've really kept me wanting
you You've got some style, it's so unique So beautiful, so warm so deep." Seryoso
lang siya doon at wala namang masamang comment sa kanta ko kaya dumeretso na ako.
"Stay with me tonight Let me know what kind of love That will remain, forever be A
dream that had become reality" Tumingin na lang ako sa desk ko. Acapella kasi, kaya
nakakahiya. "Loving you, ooh. Is such an easy thing to do No you, never know It's
driving me crazy coz it grows and grows No I won't let it stop No I'm not giving up
Lovin' you.. just a bit too much." huminto na talaga ko ng tuluyan, "Ayun na!"
Nakatingin lang siya nun at nakakunot na yung noo niya. Tahimik lang siya at hindi
nagsasalita. Ang awkward naman. Nag-snap ako sa harapan niya. "Baka gusto mo
magsalita? Comments? Suggestions?" tapos narealize ko yung sinabi ko, "Huwag na
pala suggestion. Comment na lang." Yung itsura niya nun eh parang natauhan. Tapos
nakatitig sa akin. "WOW." WOW? Nagustuhan niya? Wow as in, wow ang ganda ng boses
mo? Wow as in ang galing mo? "Really?""Yeah. Wow." ngumiti naman ako, "That was
awful." tapos tumawa naman siya. Hinampas ko talaga siya ng malakas nun. "Alam mo
hindi ako madalas kumanta, pero at least 'di ba dapat mabait ka sa akin kaso hindi
eh.." tumayo na ako sa upuan ko. "Bakit ba siniseryoso mo lagi sinasabi ko?""Eh
kasi seryoso ka tapos---" tumingin ako sa
kanya, "Biro mo lang yun?""Oo na bahala na.." yun lang sinabi niya, "Pwede ka na
rin pag-tiyagaan.""Ang sama mo no?""Oo nga eh." naki-ayon pa sa akin. Papalabas na
sana ako ng classroom nun at si Jasper naman eh nakaupo pa rin doon sa upuan na
katabi nung sa akin. "HEY RIEL!!""WHAT?!?" yung boses ko nun parang naiirita.
"Bakit ba ang sungit mo? Ang bata-bata mo pa para kang nagmemenopose na
matanda!""Oo na oo na." tumingin uli ako kanya, "Ano na nga uli?""Kahapon.. alam mo
yun... ahh.." hindi siya tumingin sa akin, "May nakita ka ba dito sa school
kahapon?""What do you mean? After school?""Oo.""Umuwi kami ni Kay ng maaga eh." na-
curious naman ako sa kanya, "Bakit mo natanong?""Remember nung may cafeteria duty
tayo, napag-usapan natin si A.L.?" Kinabahan naman ako nun. 'Di kaya siya yung
sumunod sa akin kahapon? "Err.. oo.""Tingin ko tama ka. Tingin ko babae siya."
seryoso talaga siya nito at bihirang mangyari yun. "Paano mo naman.. n-nalaman
yun?""Kahapon kasi may nakita akong babaeng naghulog ng sobre sa donation box. Eh
wala namang masyadong nagdodonate doon maliban doon sa A.L. It could be her..
right?""HINDI KAYA! Malay mo.. malay mo ibang tao.""Siguro nga. Sinundan ko nga sya
eh." sinasabi ko na nga ba siya yun, "Kaya lang ang bilis tumakbo. Naka sumbrero
siya saka naka-shades." Oh my God! Mabuti na lang nakaganun ako. "I wonder what she
looks like..""Naku hindi ka nagwo-wonder I'm sure." Tumingin siya sa akin.
"Matangkad nga siya eh.. about.. your height." Tumawa namana ko nun pero peke lang.
"Talaga?" naku ibahin mo na yung usapan, "Lalabas lang ako ah..""At yung buhok niya
medyo mahaba... parang sa iyo.""Grabe naman no? O sige labas na ko ah..""And yung
body built niya... teka.." Tumingin siya sa akin at tinitigan ako. "Same height,
same hair, same body built..." nagtataka na siya nun.. Kinakabahan na ako. Tapos
sinabi niyang... "Don't tell me kamag-anak mo siya?" sus akala ko pa naman!!!!
***15*** Nawala yung kaba ko nun. Nakangiti lang si Jasper pero biglang nagseryoso.
Matalino ba ito o ano? Eh ang lakas ng tama sa utak. Pero mabuti na rin na hindi
niya tinanong kung ako ba si A.L. dahil hindi ko rin ma-take na sumagot sa mga
tanong niya. Tapos tinitigan na naman niya ako. Then, umiling lang siya. Bigla ring
tumawa. Siraulo? "Ano na namang nangyari sa iyo?" nakakapagtaka na itong tao na
ito. "Nah.. hindi pwedeng ikaw." titingin siya uli sa akin, tapos iiling. Tumalikod
na ako nun. That's it ARIELLE LOPEZ. Li-lo ka muna. Huwag ka muna magdodonate sa
school. Tama si Kay, makikilala ka nila. Mabuti siguro na hindi muna. "Sige pala!
Labas muna ako!" Alam kong nakakahalata na siya nun. Hello? Ganun ba kahalata para
malaman niya? Pero I'm sure, maiiisip din niya na hindi nga ako yun kasi S ang alam
niyang simula ng name ko, hindi A. Nakatulong din ang pag-disguise ng name. Tumakbo
talaga ako ng malayo at gusto kong hanapin si Kay. Grabe, kailangan ko talaga ang
pinsan ko. "KAAAAYYYY!" nakita kong nandun siya sa kabilang dulo. Nagtinginan yung
mga nasa hallway. Wala akong pakialam. Basta gusto kong sumigaw. Si Kay naman eh
tumakbo rin sa direksiyon ko. Nung nakalapit na siya, bumulong naman sa akin.
"Cousin, narinig mo na ba yung salitang: 'Mahinhin?' ""Anong koneksiyon nun sa
pagsigaw ko?" isa pa ito magulo rin, "Anyways.. we have a very big
problem.""Ano?!?" parang siya kinabahan din. "Tingin ko nakakahalata si Jasper na
ako si A.L.""Anong problema doon? Eh ikaw naman talaga si A.L." tapos tinalikuran
ako. "Big shocker there!" Tinignan ko sya ng masama. Akala ko pa man din iko-
comfort ako. "Ok fine. Ano balak mo?""I don't know..""Paano niya nalaman?""Sinundan
niya ko kahapon!" tumingin ako sa paanan ko. "Oo nga pala maiba ako, may practice
daw mamaya." Nagulat naman ako sa kanya. Practice ng alin? "Ng ano?""Theater!"
binatukan na naman ako, "Lola ka na ba at nagiging makakalimutin ka?" Tumingin si
Kay doon sa relo niya. Hindi ko rin alam kung anong oras na. "Oops,... my bad. Yung
MAMAYA pala na tinutukoy ko eh ngayon na. Tara na sa taas.."tapos hinila niya ko.
"KAAAYYY! Ayoko na. Backout na ko. Ayoko na!" Hinila niya ako ng hinila hanggang sa
makarating kami sa auditorium. Ang dilim na naman doon sa loob maliban sa ilaw sa
stage. Ang maganda lang dito, aircon eh. May mga tao naman na doon sa stage at
hindi ko kilala yung karamihan. Si Carlo eh nakaupo doon sa isang sulok at si
Jasper eh nandun na rin. Ang bilis niya no? "Late kayo! Alam niyo ba na ang kanina
pa ang Calltime? Anong oras na?""8:04?!?" sumagot naman si Kay. "Exactly!!!" sabi
niya tapos tinuro kami parehas, "4 minutes late kayo." Biglang may babae naman na
dumaan sa gitna. Yung theater instructor. "Ok tama na yan Mr. Morales.""Sorry po
Mam." Sabi ko na nga ba eh feeling president na naman itong tao na ito. "Ladies
lumapit kayo dito.." nag-signal naman sa amin. Parang ang bigat ng mga hakbang ko
hanggang sa makarating ako sa stage. "Oo nga lumapit kayo dito.." inulit niya yung
sinabi. Umupo naman kami doon sa stage kasama nung ibang mga students na hindi
namin kialala. Tama nga sila, konti lang ang member ng theater club. Kung wala pa
siguro kaming apat dito, ilan-ilan na lang silang maiiwan. "Ngayon, orientation
lang tayo. Characters, and script." tapos huminto yung teacher,"So liwanagin muna
natin ah. Ang magiging Beast natin eh si Mr. Morales?" tumango sya kay Jasper.
"Syempre po eh!""At si Belle eh si..." lumingon siya sa akin, "Miss Lopez?" Ayoko
pa sana nun. Pero hindi na lang ako nagsalita. "Si Carlo daw si Gaston!" Pangiti-
ngiti lang si Carlo pero wala namang sinabi. Ayun nga, wala naman kaming ginawa
kundi i-assign yung mga characters namin. Unlike doon sa movie, konti lang kami at
yung main lang talaga ang ginawa. Yung iba nga, dalawa pa ang role. Binasa namin
yung script. At sa lahat naman ng characters, si Jasper naman ang walang kakwenta-
kwenta. As in, babasahin na nga lang... basa pa talaga!!! At nung sinabihan siya na
ayusin daw niya, ang sagot ba naman eh masyado lang daw talagang natural yung
talent niya. Kung ako siguro yung teacher, nainis na ko sa kanya. Nung breaktime
naman eh pumunta ako doon sa gilid at nagtetetext ako. Saglit lang, may nagtext na
naman na nakakabwisit.
"muzta k n?" Yung abnormal na naman na ka-text ko dati. "nu na naman kelangan mo?"
sabi ko doon sa reply ko. "alm m s txt p lng suplada k." "so?" "alm k kng nsan k."
Kilala ba ako nito? "what do you mean?" "nsa theater k d ba?" "err.. yeah." batrip
to ah! "kilala kita no.. intentional text ko dti" "loko ka! cno ka?" Hinintay ko
yung text niya. "lst na txt k n 2, lngon k s likod mo.." Dahil nga nandun ako sa
stage, lumingo na naman ako sa likod ko. Kialala pala ako! Bwisit. "CARLO!!! GRRR!"

***16*** Asar na asar talaga ako kay Carlo nun. Siya pala yung nagtetext sa akin.
Nasa likod ko kasi siya nun eh. Tapos tumatawa. Kausap niya kasi yung isa sa mga
Theater club member. Tumingin lang siya sa akin, tapos kumaway. "Eh kung sipain
kaya kita?" yun talaga yung unang sinabi ko sa kanya nung makalapit ako. "Huwag
naman! Masakit yun!""Gaano ba kalaki ang problema mo at ang lakas mong mang-trip?"
tapos tumingin ako doon sa phone, "San mo nakuha yung number ko?""Ako?" tinuro niya
yung sarili niya. "Oo, ikaw lang naman kausap ko.""Nung nasa shop tayo, remember
inabot ko sa 'yo yung phone at sinabi kong nahulog mo yata?!? Tinignan ko kasi yung
phonebook mo, tapos nandun yung number mo... kaya ayun." nagpaalam siya saglit doon
sa kausap
niya, "Bakit bawal ba?""Hindi. Pero nakakainis lang." Dumating naman na si Kay nun
at may dala-dalang siopao. May drinks din siya na nasa tray kaya lang halatang
nahihirapan siyang magbuhat. Para sa lahat na yata yung binili niya eh. Si Jasper
naman eh pumasok at nag-chewing gum pa. Kaway pa ng kaway sa labas at nakangiti na
akala mo naman eh artista. Tingnan mo nga naman itong tao na ito, may gusto na nga
lang din sa pinsan ko hindi pa alam kung kailan ang tamang oras para tumulong o
hindi. Kaya ang ginawa ko, tumakbo ako doon sa pintuan na kinatatayuan niya.
Bumulong naman ako sa kanya para walang makarinig. "Hoy, bobo ka?!?" ay ganun
talaga yung dialogue ko! "Nag-iisip ka ba?" hinampas ko siya doon sa braso niya.
"Ano na namang ginawa ko? Ikaw nagiging hobby mo na yang pananakit. Mag-collect ka
na lang selyo ng sobre para 'di mo ko hinahampas lagi..." hinimas na naman niya
yung braso niya. "Kita mo yun?" tinuro ko si Kay, "Dala-dala niya yung tray ng
siopao na marami. Dahil marami, mabigat." inisa-isa ko talaga sa kanya para
maintindihan niya, "Kita mo naman 'to?" tinuro ko yung mga iced tea doon sa table,
"Siya rin nagdala niyan.""O ngayon?" inosente pa yung itsura niya. Hahampasin ko na
sana siya uli kaya lang umatras siya. "Hello? Para mapansin ka niya in a good way,
kailangan tulungan mo siya!""Alam ko yun!" kunwari pa nagpalusot. "Fine!" sinigawan
ko uli, "Pero huwag mo muna ihahatid ngayon baka makahalata na sinabi ko sa iyo.
Hintayin mo muna na makaupo ako sa stage kasama nila, at kapag nakita mong balak
niyang bumalik dito, pipigilan ko siya at ituturo kita na dinadala mo. In that way,
may entrance ka naman!""Ok. Got it... " nagpa-cool effect pa siya. Tumakbo naman
ako papuntang stage at si Jasper eh naghihintay doon ng signal ko kung kailan niya
dadalhin yung tray na panay iced tea. Katulad nga ng hinala ko, balak na ni Kay
bumalik uli para kunin yung tray, kaya lang nag-sign na ako kay Jasper na dalhin na
niya. Naglakad naman ang mokong at todo-ngiti pa talaga yan papunta sa stage kung
saan kami nakaupo nila Kay. Si Kay naman eh napansin na dala-dala na niya kaya
sinabi niya na ang bait naman daw ni Jasper. See? My plan's working. Habang
papalapit siya nun, nakakatuwa rin tignan na gentleman effect ang drama niya. This
will work out well... Kaya lang nung malapit na siya sa amin, napansin ko na
nanginginig yung kamay niya. Ano ba naman yan?!? Para si Kay lang kailangan pa ba
niyang kabahan? Umakyat siya doon sa hagdan at hindi rin nagtagal...
SPLAASSSSHHHHH!!! Natapon lang naman yung mga inumin. At ang jackpot sa lahat at
dahil katabi ko si Kay, ako yung napuruhan. Basang-basa ako nun. Si Kay hindi
masyado.
Tinignan ko lang si Jasper. Anak ng tinapay!!! "Sorry!!! Pasensya na!" nilabas niya
yung panyo niya, "Kay, gusto mo gamitin yung panyo ko?" Ako kaya yung basang-basa
dito.. pero ayos lang magpakabait siya sa pinsan ko. Kailangan niya talaga!
"Thanks." Tumingin si Jasper sa akin na akala mo eh hiyang-hiya. Iniwas niya yung
tingin niya. "Riel, may towels sa clinic." ang sama ng ugali! "As for me, bibili na
lang ako uli ng bago." Nag-step forward naman si Carlo. "Bro, ako nal ang bibili
para sigurado. Pera mo nga lang!" naka-spread naman yung kamay niya sa harapan ni
Jasper. Narinig naman nung teacher yung nangyari. Pero syempre, wala na siyang
magagawa. ACCIDENTS DO HAPPEN. At kapag mamalasin ka lang din naman, sa akin pa
bumabagsak yung kapalpakan niya. Una yung upuan muntik na tawagan yung parents ko,
ngayon naman basa ako ng iced tea? Ano kaya sa susunod? "Okay lang yan Jasper!
Hindi mo naman sinasadya eh.." sabi nung isang babae sa likuran. Baling naman yung
atensiyon niya doon sa babae. "Tama ka diyan di ko naman sinasadya," tumingin siya
uli sa akin tapos sa babae doon uli, "Sino ka naman?" Tama bang ganun ang itanong?
It's kinda' rude. Pero syempre si Jasper siya, expect the worst.. "Mandee Vargas
nga pala." tapos kumaway lang siya. "Pleasure!" tapos sumaludo naman. Naupo naman
siya doon sa bandang gilid. Kaya lang, sinita siya. "Siguro naman tama lang na
samahan mo si Miss Lopez sa clinic dahil ikaw naman ang may gawa niyan.." tinuro
niya yung basang uniform ko. "Naku hindi na po!""See? Ayaw niya. Isa pa, kaya naman
ni Riel yan. Macho yata ang dating!""Ito gusto mo?" nagclose-fist ako sa kanya,
"Macho ha!""O sige na Miss Lopez, dumeretso ka na sa clinic at maglinis ka
doon..""Maglinis ka nga doon!" inulit niya uli yung sinabi ng teacher gaya dati.
Tumingin yung teacher sa kanya, "Kasama ako!" natakot yata eh. Syempre dahil nga
basang-basa ako at wala ring magagawa si Jasper, sumunod na lang siya hanggang doon
sa clinic. May towels nga doon at shirt ng school. At syempre, suot ko na naman
yung A.L. shirt. Hangga't maaari nga ayoko. Nakakahalata na nga si Jasper, ganito
pa yung shirt ng school. Tumingin siya sa t-shirt nun tapos sa akin. Hindi na lang
siya nagsalita dahil iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
Please lang.. huwag naman niyang isipin na ako yun!!! Si Kay naman eh tawa ng tawa
nung makabalik kami sa auditorium. Nanloko pa na ang ganda raw ng shirt ko. Bagay
na bagay sa akin. "A.L. shirt pa ang suot! Naks naman!""Please lang... la namang
ganyanan. Nakatingin nga si Jasper kanina.. feeling ko talaga may hinala na siya
eh.." Umupo si Jasper doon sa gilid at nagsimula na ring kumain. Sabay-sabay kasi
kaming lahat. Yung teacher eh nakaupo doon sa armchair na nasa gilid. Nagtaas ng
kamay si Jasper nun. "Ano yun Mr. Morales?!?" nakita niya yung kamay ni Jasper na
nakataas. "Mam may tanong lang ako.." nagtinginan kami lahat sa kanya, "What do you
think of A.L.?" Nanlaki yung mata ko kay Jasper nun. Sinasadya ba niya na iparinig
sa akin? "A.L.? Well, kung sino man siya tingin ko napakabuti niyang tao..""Kaya
nga po 'di ba Mam?!? Eh kayo, tingin niyo rin ang bait niya 'di ba?" tinuro niya
yung ibang mga nasa gilid. Tumango naman yung iba at naki-ayon. "Ikaw Kay, anong
tingin mo kay A.L.?" Na-choke naman si Kay nun. "Pakiramdam ko, para ko na siyang
kapatid!" siniko ko nga bigla, "Aray ko naman!"sabi niya pero mahina lang. Ngumiti
lang si Jasper. "Riel yung sauce ng siopao mo malapit nang tumulo," napatingin ako
sa siopao ko kaya kinain ko na rin, "Riel, anong tingin mo kay A.L.?""Uhmm ah..."
hindi ako makatingin sa kanya, "I think she's nice." hindi na ako makapag-comment.
"SHE???" oh my god. "Paano mo nalaman na babae siya?""S-sabi mo kasi nakita mo siya
'di ba?" ano ba naman yan Riel!! "Nag-assume lang ako." Napansin naman ni Kay na
nalulunod na ako nun. Kaya tama lang na i-rescue niya ako. "Bakit ikaw Jasper ano
bang tingin mo sa kanya?""Hmm.. ako?" tumingin siya sa kisame, "I think she's kind.
Ang tiyaga niya.. she's nice and all that. Pero sana magpakilala siya 'di ba? I
think everyone will love her.." Nung natapos magsalita si Jasper, nagsalita na
naman yung Mandee kanina. "Wow Jasper, flattered naman ako sa sinabi mo.." Hey
what?!? Hindi ko yata na-gets yun. "Excuse me? Flattered saan?" Nagtinginan kami ni
Kay nun. "Care to explain?""Di ba sinabi mo na she's kind and nice and all that. At
sinabi mo na
magpakilala na KO..""You liar!""Shhh!" sinabihan ko si Kay. Nagtinginan kaming
lahat sa kanya dahil nanahimik kami. "Ako si A.L." Walang makapagsalita nun. Long
pause talaga. Tumingin si Jasper sa akin, tapos sa kanya. "Ikaw?" Ewan ko ba, ayaw
kong malaman nila na ako si A.L. pero di ko makuhang umamin ngayon. Kung nagke-
claim siya na siya si A.L... Then who am I??

***17***

Hindi na lang ako nagsalita nun. Instead, yumuko na lang ako. Alam na alam ko sa
sarili ko na ako si A.L., pero bakit naman sinasabi niya na siya eh.. AKO? "Gusto
mo upakan ko na ito?!?" sabi ni Kay na halatang asar na asar din naman. "Ano ka
ba... okay lang. Malay mo may reason--" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko,
nagsalita na uli si Kay. "Reason reason! Bwisit! Ang kapal naman ng mukha niya!
Bakit nangunguha siya sa credit ng hindi naman kanya?" hinawakan ko na si Kay dahil
baka ano mang oras eh sumugod na rin siya. Pinatahimik ko na lang si Kay at baka
may makarinig pa. Yung iba namang kasama namin doon sa auditorium eh nabaling na
lahat ang atensiyon kay Mandee. Ako naman eh tumingin sa kanya, pero hindi na
masyado. "Ikaw pala hija si A.L.?" tumayo naman yung teacher namin at yumakap sa
kanya, "Naku, eh kay bait mo naman palang bata ka!" Yung iba naman eh nag-cheer pa
kay Mandee. Nakatodo-ngiti lang din siya. Dahil nga nakabili na rin si Carlo nun ng
iced tea, tinaas pa namin yung mga baso namin para sa kanya. Ewan ko kung anong
pakiramdam ko nung mga oras na iyon. Basta ang alam ko, nakikisabay na lang ako sa
kanila. Si Kay halata mong nagpipigil na rin. Hindi rin nagtagal, nagkwento rin
yung Mandee.
"Matagal na akong nagdo-donate eh. Ayun, ayoko kasi na ipaalam dahil 'di ba hindi
naman kailangan malaman kapag nagdo-donate ka? Supposed to be dapa anonymous, kaya
lang laging pinag-uusapan." yun yung sinabi niya. Parang kwento ko yun ah?!?
"Tapos, hilig ko lang talaga tumulong. Nakakagaan kasi ng loob eh.." Yung iba naman
eh tuwang-tuwa sa kanya. "Talaga lang!" sarcastic pa yung pagkakasabi ni Kay.
Tumingin si Jasper sa kanya saglit tapos binalik niya yung tingin niya kay Mandee.
Hindi tulad kanina, seryoso na talaga siya. "Kung ikaw talaga si A.L., ano namang
ibig sabihin ng A.L.?""Oo nga! Ano bang ibig sabihin ha... Mandee Vargas?" halatang
hinuhuli siya ni Kay. "Uhmm.. ahh.. actually, I just made it up. Yung A, for
Andee.. galing sa Mandee. Tapos yung L.. uhmm.. galing sa bestfriend ko. Lovely
name niya. Magkasama kasi kami dati na nagdo-donate." Narinig kong bumulong si
Jasper sa gilid. "Andee Lovely?" mahina lang kaya napatingin ako sa kanya, "It's...
weird.""Weird talaga!""Hay naku hija, huwag kang mag-alala, ipapaalam ko sa office
yung mga pinaggagagawa mo dito sa school at para mabigyan ka naman ng Award." sabi
nung teacher namin. "Hindi na po kailangan!""Deserve mo naman." Pagkatapos naming
kumain lahat nagsimula na uli yung practice namin. Wala nga ako sa mood nun eh.
Hindi katulad nung unang practice namin na medyo ganado pa ako, ngayon talaga
walang kabuhay-buhay. Si Kay nga din eh sinabihan ako kung ano daw ba problema ko,
pero syempre.. nahulaan niya rin. Si Mandee naman eh parang hinakot naman lahat ng
kasiyahan sa mundo. Lagi nga siyang kinakausap ni Jasper nun. Nung pinayagan kami
na magpahinga uli at ipasaulo yung lines, gumilid lang ako. Si Kay eh nandun sa
kabilang dulo dahil hindi raw siya makapag-concentrate magsaulo ng lines kapag
maingay daw sa paligid. Yung iba rin eh kanya-kanyang upo sa auditorum. Doon ako sa
stage naupo. Sinusubukan kong magsaulo pero walang pumapasok sa utak ko. Saglit
lang din, may narinig akong nag-uusap sa backstage. Boses ni Jasper at ni Carlo.
"Si Mandee si A.L.?" narinig kong sinabi ni Carlo. Ano ba yan Riel, huwag ka ngang
nakikinig sa usapan ng may usapan! Pero syempre, hindi ko rin mapigilan yung sarili
ko. "Yeah.. sinabi na nga niya siya yun eh. I thought it was.." humina yung boses
niya. Sino daw yung akala niyang si A.L.? "Si RIEL?!?" ang lakas ng pagkakasabi ni
Carlo kaya napaatras ako.
"Sshh.." pinagbawalan pa siya ni Jasper, "It's a stupid hunch. Kaya nga kanina
sinusubukan kong i-corner siya. I mean... gusto ko lang malaman kung siya. Pero
hindi rin pala..""Paano mo naman naisip na si Riel yun?""Ewan ko. Siguro dahil
parehas sila nung girl na sinundan ko kahapon. Pero kung titignan mo si Mandee,
malayo naman eh. Sabagay, hindi ko rin naman sigurado kung sino nga yung nakita
ko.. maybe.. it's just some girl.""Some girl? Ano bang itsura?""Mahaba ang buhok..
about this height..." hindi ko alam kung may hand gesture ba siya, "Slim..
basta..""Parang si Riel nga.. pero marami namang magkakahawig sa mundo." huminto
lang sila saglit kaya tumingin ako sa papel ko in-case na lumabas sila, "Ano bang
tingin mo kay Mandee?""Ewan ko ba. Remember sinabi ko sa iyo na.. idol ko kung sino
man yung A.L.? Iniisip ko pa nun na lalaki. Then I found out she's a girl, now alam
ko na kung sino. Sinabi ko rin kay Riel nun na 'I admire her' or something like
that nung hindi pa ko naghihinala sa kanya..." tapos umingay doon sa gitna dahil
may bumagsak, "--pinsan niya si Kay. But I think Mandee's got something special.
Baka.. alam mo na..." Hey.. hey.. what about Kay? Hindi ko yata narinig yun? "Oo
nga bro.." Lalo lang gumulo yung utak ko nun. Bigla-biglang lumabas si Jasper nun
sa likod at ako eh umayos na ako ng pagkakaupo. Nakatingin pa siya sa akin nun,
kaya kunwari eh ngumiti na lang ako para hindi halatang narinig ko yung pinag-
uusapan nila. Tinapik niya sa balikat si Mandee. "Good job..""Thanks." tapos
tumingin din siya kay Carlo at parang nag-eexpect na may sasabihin din. "What he
said." tinuro niya si Jasper. Pinilit ko mag-focus nun pero wala talagang pumapasok
sa utak ko. Ganun pala talaga kapag yung mga nangyayari eh fresh pa sa utak mo at
marami kang iniisip. Mahirap palang gawin yung pagsasaulo ng lines kapag ganun.
Tumabi din si Jasper sa akin pero hindi ako tumingin sa kanya. "Ba't ganyan itsura
mo? Parang ang tahimik mo ngayon?""Wala.""Okay fine.. sorry kanina. Alam ko medyo
pinapahiya kita... pero sorry. Ganun talaga ako. What can I say!" tinaas pa niya
yung dalawang kamay niya. Natawa naman ako pero hindi masyado. "Ayun si Kay oh!"
tinuro ko si Kay na seryoso sa piece niya. "Yeah.. so?""Are you kidding me? Wala ka
man lang bang move na hindi naman palpak?""Gaya ng?" talagang sa akin pa niya
itatanong? "Hmm... yung.. kausapin mo. Company. Minsan kasi gusto rin naming mga
babae ng kausap. At minsan kapag at-ease kami sa guy, nakakapag-open kami sa
kanila.""Nakapag-open ka na ba sa isang guy?" Napatingin ako sa kanya. "Not
really.. hindi. Bakit mo naman natanong?""Wala lang. Para kasing ang seryoseryoso
mo minsan. Si Kay kasi madalas maingay.." tinignan ko ng masama, "--in a good way."
dinagdag niya. "Gusto mo ako mag-open sa iyo? Baka kasi tawanan mo ko.""Sus.. may
nakakatawa ba sa buhay mo?""Wala." tumingin siya sa rubber shoes niya, "I uh.. my
parents died when I was 3. Yung bro ko when I was 7. Then.. lumaki ako sa uncle ko.
Bago ako mag high school, lumipat na ako sa boarding house para hindi
malayo sa school." ngumiti naman siya. "Ang lungkot pala..""Ang saya nga eh!""Maiba
nga pala ako.." tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, "Bakit wala kang alam
sa panliligaw?""Walang experience eh.""Bading ka ba?" Tumawa naman siya ng malakas.
"Ako bading? Mukha ba akong bading?""Bakit, may mga bading naman na ngayon na mga
cute ah.""Ibig sabihin cute ako..""Kapal mo." sumimangot ako, "Yun lang yung word
na unang pumasok sa utak ko." Nag-uusap lang kami ni Jasper nun nung bumalik yung
teacher namin galing sa office. Yun pala eh ipapaalam lang yung awarding daw na
plano para kay Mandee. In the end, hindi rin ako nanghinayang. At least ako, hindi
nanloloko. Lumapit naman si Mandee sa akin habang nag-uusap kami ni Jasper. "Excuse
lang ha.." tapos humarap siya sa akin, "Uhmm Riel right? Hindi kasi kilala name mo
eh.. anyways.." insulto ba yun? "Alam kasi namin na hindi ka interested sa main
role as Beauty, so ako na ang papalit sa iyo." Umupo ng maayos si Jasper. "Says
who?""Si Mam.""Sure.""Sure?!?" parang naiirita si Jasper, "Hindi ba masyado namang
rude yun? Nasa kanya na yung role papaalisin niyo?""Ok lang. Ayoko naman talaga ng
lead. You can have it.""Great. Sa props ka na ngayon, saka ikaw na din taga hila
nung curtain.""Tagahila ng curtain? That's unfair.""Pero yun yung sinabi eh..""Yun
ba?" parang ewan na yung itsura niya, "Then.." tumingin siya sa paligid
niya,"CARLO! Ikaw na yung lead!""Ako?" tinuro ni Carlo yung sarili niya. "So, minor
character na lang ako.. kahit papaano.." tumingin siya sa akin.. "Sasamahan kita sa
backstage.." he did what?

***18*** Wala akong ginawa kundi tumingin lang kay Jasper nung sinabi niya yun.
Hindi ko rin naman inaasahan na gagawin niya yun. Syempre sinabihan ko siya na ok
lang ako at hindi naman na niya kailangang samahan niya ako sa backstage, pero
mapilit eh. Si Mandee naman eh mukhang nakasimangot na, tapos nung humarap si
Jasper sa kanya eh saka lang siya ngumiti. Umuwi na kami nun ni Kay at pagod na
pagod kami. Ewan ko ba kung bakit sadyang nakakapagod yung araw eh wala naman
kaming ginawa kundi magbasa ng lines, magsaulo at i-try yung ibang parts. Pero
dahil ngayon at wala naman na akong part sa play, hindi naman na siguro ako
masyadong mapapagod dahil sa props section na lang ako. Nung gabi naman eh nagtext
uli si Carlo sa akin. Syempre, sinave ko na yung number
niya. Dati kasi binubura ko lang lahat ng messages niya eh. Yung unang-una nga
niyang text nun na hindi ko pa siya kilala eh hindi naman ako nag-abala na i-save
pa yung number niya. "Anong balak mo kay Mandee?" tinanong ako ni Kay nung parehas
na kaming nakapagbihis. "Anong balak? Eh di wala. Meron ba dapat?""Hindi ka ba
naiinsulto nun? Ikaw yung naghirap sa lahat-lahat! Tapos siya yung mabibigyan ng
award?" tinaas niya yung isang paa niya. "Kind of. Pero naisip ko naman, it's her
problem.. not mine. Isa pa, li-lo nga si A.L. this month 'di ba? Which means, hindi
muna ako magdodonate. It's up to her na pangatawanan niya." tumingin ako kay Kay,
"Mayaman ba si Mandee?""Anong malay ko? Close ba kami? Eh sa ugali pa lang niya
mukhang hindi na kami magiging close eh!" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko sa
akin. "Para saan naman yang ngiti na iyan?" nagduda kasi ako sa kanya. "Hindi ba sa
tagahila ka na ng curtains?""Yeah.. ngayon?""Tapos si Jasper nagpalipat din sa
backstage.." tumawa naman siya, "WEIRD.""What so weird about that?""Lahat ba ng
lalaki gagawin yun para lang samahan yung isang girl sa backstage?""Ewan! Matulog
ka na nga!" sinigawan ko nga. "Asus! Kung hindi ko lang alam, kilala ko na kung
sino ang gusto ni Jasper.." "Oh talaga lang? Pakisabi sa akin kapag sure na sure ka
na ah!" inasar ko nga rin. Natulog na kami ni Kay nun. Ako kasi eh kung anu-ano
yung pumapasok sa utak ko nun kaya madaling araw na yata ako nakatulog. Nung
ginising ako ni Kay at baka ma-late daw kami, hirap na hirap akong bumangon at
idilat yung mata ko. Nung kinuha ko yung tuwalya ko at papalabas na ako ng kwarto
namin, nauntog naman ako. May kasabay pa akong nagsabi ng 'Aray', kaya yun.. si
Jasper lang pala na hindi rin tinitignan yung dinadaanan niya. Pumasok na kami ng
maaga sa school. Dumaan lang kami nila Kay sa room para magreport sa adviser namin
na may practice kami sa Theater. Este, sila lang pala. Yung Science teacher namin
eh pinagalitan ako, at si Jasper dahil ilang weeks na raw kaming hindi umaattend ng
so-called Science Club. Remember naging kasali kami nung nagsagutan kami sa
Physics? Right now, nasa auditorium uli kami at inaantok pa talaga ako. "Ok, so
nagpalit na si Carlo at si Jasper ng role. Si Jasper pwede nang maging Gaston at
props. Si cousin ko eh.. curtain and props.""Miss Lopez.." Hindi naman ako
nakikinig nun pero alam kong tinawag yung pangalan ko. Nagsalita ng nagsalita yung
teacher namin pero wala naman akong naintindihan. Oo na lang din ako ng oo at tango
ng tango kahit hindi ko naman alam yung sinasabi niya. Nagulat na lang ako nung
tumayo silang lahat at ewan ko kung ano yung napag-usapan. Nasa harap ko naman si
Jasper nun. "Tara na.." sabi niya sa akin. "Huh? Saan?""Hindi ka kasi nakikinig
eh!" binatukan ako pero hindi malakas, "Oo ka lang ng oo. Pumayag ka kaya na tayo
ang bibili ng props sa mall!"
Yun pala yun. Okay fine! Kulang kasi ako sa tulog kaya ganito yung pag-iisip ko.
Hindi ko na rin namalayan hanggang sa nakasakay na kami sa jeep nun. Konti lang
yung tao sa jeep kaya ang sarap ng hangin. Medyo malayo yung mall kaya matagal yata
kaming sumakay doon. Ewan ko na nga ba kung anong nangyari. Hindi nga rin ako
nagbayad eh. Nagulat na lang ako nung ginigising na ako ni Jasper. "Oi! Dito na
tayo.." napataas naman yung ulo ko. Nakasandal na pala ako sa balikat niya. Nagulat
nga rin ako kaya tumama yung ulo ko sa bakal. "Ok ka lang? Parang wala ka sa sarili
mo..""Kulang kasi sa tulog eh..""Halata nga." Una naming pinuntahan yung National
Bookstore kasi merong mga kung anu-ano doon na pwedeng gamitin as props. Ewan ko ba
kung may pera bang dala si Jasper o pera ba yun sa Theater. Ayan kasi hindi
nakikinig eh! "So anong kukunin natin?" sa akin siya nagtanong. "Siguro.. yung
pwedeng ilagay sa mga damit. O kaya kuha tayo nung makintab.. nalimutan ko na yung
tawag.. para pwede sa crown. Yung iba.. hanapin na lang natin kung anong pwede."
tumingin ako sa kabilang direksiyon. "Hey saan ka pupunta?" humihiwalay na kasi ako
sa kanya. "Titingin ng materials ano pa ba? Kung magkasama tayo baka wala tayong
matapos eh!""Yeah right! As if may alam ako sa pagdedecide ng designing! Babae ba
ako?""Homosexual ka naman 'di ba!" inasar ko naman siya. "Ikaw ha sumosobra ka na!
Kahapon ka pa!" mukhang nainis din siya sa akin. "Sungit nito! Basta bahala ka
na!""Yeah right bahala ka na rin!" Dahil hindi ako nakatingin sa likuran ko, bigla
na lang akong may tinamaan na kung sino. Ako nga yung napatumba eh. Tapos nakita ko
may matanda na sa harapan ko at nahulog yung binibili niyang kung ano. "Naku sorry
po! Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." nakipulot naman ako doon sa
nahulog ko. Lumapit din si Jasper at nakipulot din. Tinulak ko nga sya kaya
napatungkod yung isang kamay niya sa gilid. "Ang sama nito!""Tutulong ka pa eh ikaw
naman may kasalanan.." teka.. parang mali yung statement ko ah?!? "Ikaw nga yung
bumangga eh.." Ini-offer ni Jasper yung kamay niya doon sa matanda para makatayo.
Kasi naman eh padalos-dalos masyado Riel! Hindi tinitignan yung dadaanan. "Sorry po
talaga ha.. kung nasaktan ko po kayo, sabihin niyo lang.. sorry po." Tinitigan
naman ako nung matandang lalaki. Tapos napakunot-noo siya. Nung una, kinabahan pa
ako nun. Tapos hinawakan niya ako sa pisngi ko. Grabe naman itong matandang 'to..
close kami?
"Mam Arielle?" sabi niya sa akin tapos inalis na niya yung kamay niya sa pisngi ko.
"I'm sorry? Magkakilala po ba tayo?" Si Jasper naman eh lumapit pa lalo. Mukhang
interesado naman siya sa naririnig niya. "Mam?" Pineke ko naman yung ngiti ko at
tinulak ko si Jasper. "Eh kasi magalang lang siya.. ano eh.. magkasama kami sa
pinagtratrabahuhan ko dati..." Halata kong hindi naniniwala si Jasper nun. Yung
matanda naman eh hinila ko sa gilid para hindi marinig yung sasabihin. "Kilala niyo
po ako?""Hindi ba anak ka ng mga Lopez?""Uhmm.. opo." kinabahan naman ako nun.
"Naku!" tuwang-tuwa naman siya, "Kay ganda mo namang bata ka! Dati akong
nagtratrabhao sa Daddy mo kaya lang lumipat na kami ng asawa ko. Kilala ka ng anak
ko, sa katunayan gandang-ganda nga siya sa iyo eh. Si Dayday?" Wala talaga akong
matandaan sa sinasabi niya. "Excuse me lang po ah.." nakialam na si Jasper, "Kaanu-
ano niyo po si Riel?""Si Mam Riel?""Magkasama nga kami sa trabaho!!!""Shhh.." tapos
humarap siya doon sa matanda, "Kaanu-ano niyo po siya?" Oh please.. don't tell..
don't tell.. please! Don't tell HIM!!! "Eh kilalang-kilala ko itong bata na ito eh.
Syempre nagtrabaho ako sa kanila dati..""Nagtrabaho?""Bakit hindi mo ba alam na
anak siya ni Sir.. Lopez?""Oh yeah.. tatay ko. Lopez apelyido!" hinila ko si
Jasper, "Tara na.. bibili na tayo ng gamit.""Saglit lang.." ang lakas niya kaya
nag-stay siya doon, "Ano po yun uli?""Nagtrabaho ako sa tatay niya sa farm nila sa
Zambales.. ako pa nag-alaga nung kabayo nila.." Phew! That's much better. May
tumwag naman doon sa matanda na matandang babae rin at pinapalabas na siya. Walang
magawa si Jasper kundi hayaan na umalis na lang yung matanda. Sinuswerte lang ako.
Tumingin si Jasper uli sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko. "Are you
hiding something?""Wala!" yun na lang yung sinabi ko. "Eh bakit ganyan ka kumilos?"
seryosong-seryoso siya. Umatras siya uli, iniwas yung tingin tapos binalik niya uli
sa akin. "Kung may gusto kang sabihin, pwede naman sa akin eh." hindi sya mapakali,
"You can trust me. At kung ayaw mong may makaalam, hindi ko sasabihin. You can take
my word to it." Nag-isip naman ako. Mukhang totoo naman yung sinasabi niya.
Should I tell him? Right now? *** Nakatingin lang siya sa akin nun at naghihintay
ng sagot ko. Kahit ako nalilito rin nung mga oras na iyon. Sabi naman niya eh
mapapagkatiwalaan ko siya. Siguro nga... seryoso kasi siya masyado. Kaya ang ginawa
ko, binalik ko yung tanong sa kanya. "Tingin mo ba may tinatago ako?" hindi ko kasi
masagot eh. "Oo! err.. No.. yes.. NO. Ano?!" medyo nalilito rin siya, "Bakit ako
kailangan sumagot niyan?""Eh sa ating dalawa ikaw lang naman ang nagdududa..""Yeah
right!" nagisip-isip din siya, "Never mind. Nilito mo lang ako lalo. Hanapin na nga
natin yung materials." Nauna siyang naglakad kaya sinundan ko lang siya. Nakatingin
lang ako sa likod niya. Palingon-lingon siya doon sa mga stall kaya nakikita ko
yung mukha niya ng sideview. Hindi ko nga sinabi sa kanya yung totoo. Bakit? Ayoko.
Ayoko pa. Siguro kung may balak man akong sabihin yung totoo, malalaman nila dahil
naramdaman kong tama na yung time para doon.. hindi dahil tingin nila dapat ko nang
sabihin. Siguro nga mali ako, pero naniniwala ako na hindi lahat ng DAPAT ay TAMA.
Dahil kapag lagi kang sumusunod sa iniisip mong DAPAT, hindi ka magiging masaya.
Yung nagpapasaya sa iyo, kahit na sa tingin ng iba eh HINDI DAPAT, yun ang TAMA.
Magulo ba? Ngayon kasi, parang yung sinsasabing DAPAT eh sabihin ko na sa kanya
yung totoo. Pero yung isang side ko, huwag ko munang sabihin sa kanya yung totoo.
Bakit? Dahil sa tingin ko kapag isa ako sa mga "typical kids" mas maeenjoy ko ang
lahat. Kapag may social status na, para akong nasa gitna at may malaking pader na
nakapalibot sa akin. Siguro nga mahirap intindihin, pero... hindi talaga eh. "Ito
pwede ba?" tinaas niya yung malaking board. Tumango na lang ako. In the end, bumili
na lang kaming dalawa na sa tingin namin eh makakatulong kahit na hindi naman namin
talaga talent ang props ng theater. Ang dami-rami na naming dala nun. Si Jasper ang
nagdala nung mabibigat at medyo malalaki samantalang ako eh yung mga magagaan at
maliliit lang. Tawa nga ako ng tawa sa kanya kasi nasa harapan niya yung malaking
board kaya hindi niya masyadong nakikita yung dinadaanan niya at kung may tatamaan
niya. Kaya ang ginawa namin, ako yung nasa harapan niya at ako yung nag-guide sa
kanya. So far, it worked. Bumalik na kami doon sa school at dumeretso na kami sa
auditorium. Nakita namin yung iba na nagre-rehearse na sila ng lines nila at yung
iba naman eh kumakanta. Nung makalapit kami eh narinig naming kumanta si Mandee.
"There goes the baker with his tray, like always The same old bread and rolls to
sell.." tapos nilakihan niya yung boses niya, "SELL!!"eh hindi pa rin kumbinsido
yung teacher kaya niliitan naman niya, "sell.." Tapos huminto siya dahil nakatingin
lang sa kanya yung teacher at nakahawak sa ulo niya.
"Sabi ko sa iyo Mandee, yung sell pataas.." nakita na niya kami ni Jasper, "Kanina
pa kami sa song na yan hindi pa rin niya makuha-kuha. Tatlong kanta na nga lang ang
gagawin sa play, paano pa yung iba kung simula pa lang hindi na makuha?""Ano po
yung mga kanta na pinili niyo?""Yung 'Belle', 'Beauty and the Beast', saka yung
'Something There' " tinaas niya yung pinagbibibili namin, "Sumasakit na nga yung
ulo ko eh..." Si Mandee eh hindi naman naririnig yung sinasabi nung teacher dahil
busy siya sa pagkanta niya. "Ev'ry morning just the same Since the morning that we
came..." paulit-ulit yung pagkanta niya. Napatingin lang si Jasper sa akin at
napalunok. "That's awful.." Tinignan ko rin siya. Napailing na lang ako. "Yan din
yung sinabi mo sa akin nung kumanta ako alam mo yun?""But you know I'm joking
right?""HINDI!" sinigawan ko nga. "Kumakanta ka?" inabot niya sa akin yung lyrics,
"Try mo ito." Hindi ko alam yung kanta nun kaya pinarinig pa nila sa akin yung tape
para malaman ko kung paano. Then, sinubukan kong kantahin. "There goes the baker
with his tray, like always The same old bread and rolls to sell Ev'ry morning just
the same Since the morning that we came To this poor provincial town" kaya ayun..
huminto na rin ako. Nakatingin lang si Jasper at yung teacher sa akin. Nailang
tuloy ako. Hindi ko alam kung ano na ba... "VARGAS!!" tinawag niya si Mandee na
nasa stage, "You're fired. Ikaw na uli ang Belle Riel. Backstage ka na Mandee,
kasama mo si Jasper." Akala ko man din eh ligtas na ako at hindi ko na kailangang
magsaulo ng mga lines. Ngayon naman, binalik pa sa akin yung role. Ang gulo no? Si
Carlo naman, narinig ko na ring kumanta. Nag-practice kasi siya sa likod ng stage.
Kinakanta niya yung part niya sa song na 'Something There'. Partner ko na si Carlo,
kasi siya si Beast. Si Kay, narinig ko na ring kumanta. Siya kasi yung kakanta ng
Beauty and the Beast. At maganda naman yung boses niya. Part lang naman ng tatlong
kanta yung nasa play. Hindi buo. Mukhang mahirap ito ah.. *** After ilang days,
panay practice lang kami ng practice sa theater. May malaki kaming mascot ng Beast
na isusuot ni Carlo sa ulo niya. Yung ibang mga props na basket at mga damit sa
town people eh madali na lang. Si Kay naman eh may carton lang siya na nakakorteng
tea-pot. Theatrical play talaga. Nagtawanan kaming lahat nung sinabing may part daw
ng kissing scene pero syempre peke naman at hindi totohanin. Sa part na mamamatay
na si Beast, iki-kiss ko daw yung
mascot ni Carlo. Ayos lang naman yun kasi yung mascot ang ikikiss at hindi siya.
Then sasara yung thick curtain, tatanggalin yung mask niya.. prince na siya kunwari
uli. Tapos ganun din kina Kay. Tatanggalin lang nila yung mga mascot nila.. ayos
na. Yung final kiss eh peke rin. Silhouette naman. Maglalapit lang kami ng mukha ni
Carlo, magcross, pero hindi naman talaga mag-kiss. Sa tingin lang ng mga tao na
nasa audience, parang ganun na nga. Nakakapagod din yung mga practice namin pero ok
lang. Sinadya lang nilang gawing busy kami kasi within two weeks ipeperform kasi
yun. Bumabalik-balik din kami sa mga klase namin kapag hindi pa namin time mag-
practice. Usually naabutan namin yung Values Ed. Si Jasper naman, ayun.. tinuturuan
ko pa rin kay Kay. Nung sinabi ko sa kanya nun na kausapin niya dahil ang girls
minsan naghahanap ng kausap, tama bang ikwento yung namatay daw niyang aso. Ano
namang nakakatuwa doon? Palpak na naman. Nung sumunod eh sinabi ko uli na maging
sweet siya at bigyan niya ng kahit binili lang niyang candy sa cafeteria. Hinintay
ko siya kung ano yung ibibigay niya at nakita ko yung hawak niya, CHICKEN SOUP.
Tama ba iyon? "Chicken soup?""Sabi mo kasi bigyan ng kung ano eh!""Yeah, sabi ko
maging sweet ka. That's nice, magbigay ka. Pero bakit naman chicken soup? Palitan
mo yan!""Ano pala dapat?" yumuko na lang siya. "Ok, huwag na nga yun!" Everyday,
binibuild-up ko rin siya kay Kay. Lagi kong binabanggit yung pangalan niya, mga
magagandang traits.. at kung anu-ano. Pero hindi maganda yung kinalalabasan,
iniisip naman ni Kay may gusto ako sa kanya kaya tumigil din ako. Ilan na ba yung
nagawa at nasabi ko kay Jasper para ma-appreciate siya ni Kay? Una, magpapansin..
in a good way. Palpak naman. Pangalawa, maging matulungin. Palpak din dahil natapon
niya nun yung iced tea. Sumunod, mag-act as company. Palpak din dahil walang kwenta
yung kinuwento naman. Fourth, maging sweet. Sweet nga balak naman sana eh magbigay
ng chicken soup. Fifth.. mag-text siguro sa kanya. At least kapag may communication
'di ba.. nagiging close. "I-text mo siya..""Bakit naman?""Communication? Sumasakit
ulo ko sa iyo..""Nakkahiya kaya mag-text. Wala naman akong sasabihin!""Kahit ano!!"
tapos nag-isip ako, "Ask her on a date... or something.""Ayoko! Hindi ako nagyayaya
ng date. Yung iba ngang classmate ko ako niyaya dati ako lang umayaw, tapos ngayon
ako magyayaya?" Naiinis na talaga ako sa kanya. Siraulo! Gusto niyang magkagusto sa
kanya si Kay, o maging bridge ako sa kanya.. pero yung kinikilos naman eh walang
kwenta. "JASPER!" sinigawan ko nga sya, "Every single day kadikit kita para lang i-
coach sa gagawin mo. Palpak lahat. Napapagod na ako. Sumasakit na yung ulo ko! Ano
bang balak mo?!?""Ewan ko, kaya nga dumedepende ako sa iyo 'di ba?!?" "AYOKO NA!!"
umupo ako doon sa bench, "Give up na ko! Pagod na pagod na ko! Bahala ka na!
Diskarte mo na yan! Ayoko na Jasper. Good luck na lang sa pinsan ko--" Akala ko
kung anong magiging reaksiyon niya. Lumapit ba naman sa akin, at medyo nag-kneel sa
harapan ko dahil nakatingin ako sa paanan ko. GInawa lang niya yata yun para makita
ko yung mukha niya. "Really? You're giving up?" nakangiti pa siya nun. Teka lang..
NAKANGITI???
"Eh bakit parang natutuwa ka pa?""Sagutin mo lang yung tanong ko... naggive-up ka
na para maging San Juanica? Talaga lang? Totoo?""OO!" bakit ba ang gulo niya?
"YES!""Dapat ba mainsulto ako niyan?""HINDI NO!" nakangiti talaga siya. Ang gulo
naman ng taong ito.. hindi mo mawari kung anong iniisip. "Sige pala alis na muna
ako.." Naglakad na siya papalayo nun sa bench na kinauupuan ko at nakakailang
hakbang na rin siya, Pinapanood ko siya maglakad kaya lang bigla uling lumingon at
bumalik. "Bakit may nakalimutan ka?""Yeah.." After that.. Niyakap niya ko.. Bigla
na lang siyang bumulong habang yakap niya ko.. "Thanks...""Thanks alot Riel."

***19*** Simula nung araw na niyakap niya ko, sobrang nalito na talaga ako sa
kanya. Minsan nga kapag nag-iisa ako sa room namin ni Kay sa boarding house,
iniistrain ko yung utak ko na isipin kung ano ba yung ibig sabihin ni Jasper doon.
Minsan nga dahil sumasakit na yung ulo ko kakaisip, sumagi naman sa utak ko na
tanungin ko na lang sa kanya. Pero syempre, ano namang tanong ang itatanong ko?
'Bakit ka nag thank you sa akin?' o kaya naman 'Bakit mo ko niyakap?' In the end, I
decided against it. Ibig kong sabihin, nag-decide na ko na hindi ko na siya
tatanungin. Isa pa, wala naman akong balak pag-aralan kung paano gumagana ang utak
ng mga lalaki. Particularly, Jasper's. Parang, sobrang kumplikado. Nag-practice na
naman kami sa Theater, as usual, napakamonotonous na nga ng school eh. Pero kahit
papaano, activity pa rin yung ginagawa namin. Oo nga pala, nagkaroon kami ng
assembly sa school Ano pa nga ba kundi gaganapin lang daw ang pag-award kay Mandee
as a wonderful donor. Hindi na lang ako nagsalita. Nung isang araw nga magkasabay
kaming maglakad na dalawa para bumalik sa practice namin. Mukhang mabait naman
siya, pero ewan ko lang talaga kung bakit niya gustong magpanggap na sya si A.L.
"Close ba kayo ni Jasper?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami. "Anong ibig
mong sabihin? Maraming kasing meaning yung salitang 'close'.""Close in the sense
na... nanliligaw ba siya sa iyo?"
Nagulat ako sa kanya kaya natawa na lang ako. Si Jasper nanliligaw sa akin? "Hindi
no!" hindi na ko makahinga sa kakatawa ko. "Mukha kasi eh. Madalas kasi kayong
magkasama. So close lang pala kayo... friends?"niliwanag niya yung tanong niya.
"Yeah.""Pero akala ko talaga.. oh well.. cool." ngumiti siya nun. Malapit na kami
sa pintuan sa auditorium nun nung may narinig akong sumisigaw. Hindi ko pa
masyadong marinig kung sino yung tumatawag, pero dahil nga pasigaw, lumakas ng
lumakas. "A.L.!!!" A.L. daw? "Psssttt! A.L.!!!" Tinignan ko si Mandee nun pero
diretso pa rin siyang naglalakad at parang walang naririnig. Hindi ko na lang
pinansin. "A.L.!!" Ano ba naman itong tao na ito! Lumingon nga ako. Nakita kong
tumatakbo si Jasper sa direksiyon namin. Hinihingal pa siya nun. Humawak pa siya sa
tuhod niya at mukhang pawis na pawis pa. "Sabi ko A.L. hindi Riel.." inasar pa ako,
"Ikaw ba si A.L.?" Sabi ko nga eh hindi ako si A.L.!!! "Hey Mandee, kanina pa kita
tinatawag hindi ka lumilingon..""Tinatawag mo ako?" tinuro niya yung sarili niya na
parang nagtataka, tapos nag-isip.. then.. ngumiti na parang pilit, "Oo nga pala."
Sinabi lang ni Jasper na pinapatawag siya sa office para i-congratulate ng
principal. Tapos nun, kasabay ko na naman lumakad si Jasper. Unfortunately.
Dumeretso kami nun sa cafeteria at nag-order siya ng pagkain niya. Ang sama nga ng
ugali dahil hindi ako inorderan, kaya tumayo pa ako para sa sarili ko. "Riel,"
sumubo siya ng spaghetti, "Sa tingin mo anong symbol ng love?""Symbol?" tinignan ko
siya at nag-isip ko, "Heart?" wala kasi akong maisip nun. "Ang corny mo.." sabi
niya sa akin. "Ok.. sige na corny na. Bakit mo tinanong?" SUmubo na naman siya ng
spaghetti niya. Natatawa nga ako sa kanya kumain kasi parang wala siyang pakialam
kung may nakatingin sa kanya. "Wala lang.." tapos tumawa siya. "Baliw ka ba?
Nagtatanong ka tapos wala lang?!?" siraulo talaga siya! "Gusto mo ba malaman kung
ano sa tingin ko ang symbol ng love?" tinabi niya yung pinagkainan niya tapos nag-
lean sya sa table.
Almost two inches away from my face. "Ano?" tinignan ko lang siya sa mata niya.
"Fire.""Fire?" bakit naman yun? "Bakit apoy?""Alam mo ba yung sinasabi nilang story
ng discovery ng fire?" seryoso na siya nun,"Sabi nila noon daw, nung mga sinaunang
tao pa lang... may matinding ulan. Syempre, malakas daw yung kulog at kidlat. Dahil
nga hindi pa natutuklasan nun yung apoy, tinamaan daw ng kidlat yung isang
puno.""Ano namang kinalaman nun sa love?""Patapusin mo muna ako ok?" pinigilan niya
ako, "Yun nga, tinamaan yung puno ng kidlat. Yung puno, nag-split sa dalawa. Dahil
nga kuryente yung tumama doon, umapoy. Saka lang nalaman nung mga sinaunang tao
yung apoy. Nagamit na nila yung apoy, sa pamumuhay nila.""Hindi ko pa narinig yung
istorya na yan.. per ayos.""Alam mo na ba kung bakit yun ang symbol ng love para sa
akin?""Hindi." umilling ako sa kanya. "Simple." ngumiti siya sa akin nun, "Hindi ba
kapag may naramdaman ka sa isang tao na kakaiba, parang kuryente. Tatamaan ka na
lang. Kagaya doon sa puno. Hindi mo pa alam kung ano yun, basta nangyari na lang..
basta tinamaan ka na lang. Yung puno, tao yun. Nag-split sa dalawa 'di ba? Sabi
nila, ang LOVE, tatamaan ang dalawang tao. Hindi mo alam kung kailan, basta
tatamaan ka na lang.." huminto siya saglit, "Yung apoy naman, yung yung.. alam mo
na. 4 letter word. Maraming gamit sa mundo. Doon nagsisimula ang lahat." For some
moment, nakatingin lang ako sa mukha niya at wala akong sinasabi. Saka lang ako
gumalaw nung nag-snap siya sa harapan ko. "I think that's cool.""Thanks." tinapon
niya yung pinagkainan niya sa trash can sa gilid, "Na-struck ka na ba ng
lightning?" Wala ako sa sarili ko nun. Hindi ko maintindihan yung tanong niya.
"Ahh.. what?""Sabi ko tinamaan ka na ba ng lightning?!?""Hindi. Hindi pa.""Ako Oo."
may nilabas siyang digital camera, "Gusto mo malaman kung sino?""Ipapakita mo sa
akin kung sino?""Oo naman. Para makilala mo kung sino.." Nag-lean ako sa table para
makita ko yung picture nung sinasabi niyang 'bagong prospect' ng buhay niya. Kaya
lang nung makita ko, hay naku.. sinlayo ng 5 milya ang kuha. Ang masama pa,
nakatalikod. "Sino yan?""Secret." nakangiti na uli siya. "Pinakita mo pa sa akin
hindi rin naman pala kilala.""Sabi ko ipapakita ko, hindi ko sinabing sasabihin
ko.." Tinignan ko uli yung picture. Wala. Ang layo sobra ng kuha. Pero halatang sa
school grounds kinuhanan. "Si Kay?" nanghula naman ako. "Ewan." Tinitigan ko uli.
Hawak niya kasi yung digital camera eh. "Si Mandee?" tumingin ako sa kanya. "Si
Mandee no?""Ewan." hindi siya tumitingin sa akin. "Teka... si---" Bigla na lang may
nagbukas ng glass door ng malakas doon sa cafeteria.
"RIEL!!!" tinawag naman ako ni Kay. Tumawa ng malakas si Jasper nun. "Tawag ka ni
Mam, practice ka na daw ng kanta." Tumingin lang ako kay Jasper nun, tapos nag-bye
ako. "SIGURO!!!" sumigaw siya nung palabas na ko.. "Ano?""Sabi ko siguro kakanta
ka!""Obvious ba?" Sipain ko kaya siya? *** Wala kaming klase nung Wednesday at nag-
stay kami ni Kay sa labas at wala kaming ginagawa. Syempre, kailangan din naman
namin ng pahinga dahil panay na lang ang saulo namin sa lines. Pero syempre, saulo
na namin yung buong play at panay polishing na ang ang ginagawa namin. So hindi rin
naman talaga mahalaga na mamroblema pa kami sa play. Sa totoo lang, within two
days, mag-perform na kami. Kinakabahan nga ako eh. Minsan nga nakatingin ako sa
isang direksiyon, bigla na lang tatapat si Jasper doon sa tinitignan ko tapos
tatawa kapag naiinis na ako. Tama ba yun? Kaya nga minsan kapag lilingon ako kung
saan, titignan ko muna kung pakalat-kalat si Jasper at baka bigla na lang sumulpot
kung saan. Nakakatuwa rin siya minsan. Kaya nga nagtataka rin ako sa sarili ko
kapag wala siya, naghahanap din ako. Kakaiba... Ngayon naman, galing ako sa
cafeteria at kumain naman kami. Pabalik na ako sa room para kunin ko yung bags
namin ni Kay at siya kasi eh naghihintay na lang doon sa gate para makauwi na kami.
Konti na lang kasi ang tao sa school nun dahil medyo gumagabi na. Kaya lang eto na
naman ako, may narinig na naman ako na nag-uusap. "Oo nga alam ko yun! Totoo naman
yung sinabi ko sa kanila ah!" parang galit pa siya nun. Kialala ko na naman yung
boses niya. "Oo nga bro, totoo.. emotionally.. not literally. Anong bang iniisip mo
na iniisip nila? Syempre yung literal version.""Wala akong pakialam.""Bro, hindi
marami oras mo sa mundo! Pagkatapos mo dito, college ka na. Tayo pala..""Ikaw ang
nagke-create ng buhay mo. Yung sinasabing oras, nasa utak lang yan." Narinig kong
may inusog sila doon na mga upuan. "Bakit ba nitong mga huling araw nahihilig ka
magkukukuha ng mga pictures sa digital camera?""Gusto ko lang masama ba?""Hindi
naman. Pero panay babae." narinig kong sinabi ni Jasper, "Babaero ka na ba
ngayon?""Hindi. Kailangan daw nila sa yearbook saka sa school paper. Kumuha lang
daw ng picture, ewan ko kung para saan..""Ang ganda ni Anabelle dito ah!" tumawa si
Jasper. "Oo iyo na!""Ayos din ito ah.. Stolen shot ni Kay sa auditorium?""Oo, hindi
niya alam
yan.." Hindi ako makapasok nun. Kasi kapag pumasok ako, tiyak malalaman nila
nakikinig ako doon. "May picture ka rin ni Riel?" Picture ko? Kailan niya ko
nakuhanan? "Close up pa ah!""Magaling ako eh.." close up?!? close up?!? "Akin na
nga yan baka madelete mo yung mga pictures!""Titignan ko lang. Nasa pang-siyam pa
langa ko, eh 15 yata laman niyan." narinig ko na naman na may humila ng upuan,
"Anong tingin mo kay Riel? Ang cute niya no?""Cute? Riel's not cute. She's not even
pretty.." Ewan ko ba, pero parang nasaktan ako doon sa sinabi niya. "She's... she's
beautiful." napahinto ako nun at pakiramdam ko hindi na ako makahinga, "Tingin ko
yun yung tamang word na dapat kong gamitin.""May gusto ka sa kanya?""May sinabi ba
ako?!?" yung boses niya parang naiirita. Tapos narinig kong tumahimik sila parehas.
Wala nang nagsasalita. Ano kayang nangyari sa dalawang yun? "Teka lang, pwede
bigyan mo muna ako ng time para pag-isipan...""May gusto ba ko kay Riel?" tapos
nun, tumakbo na ako.

***20*** Tumakbo talaga ako nun. Hingal na hingal nga ako nung makarating ako sa
gate at nakita ko si Kay. Tinignan niya lang ako na para bang nagtataka. Ang tagal
pa nga bago pa niya ako tinanong. "Anong nangyari sa iyo?" Hindi pa ako nakasagot
kaagad. Kaya ayun.. inulit niya ung tanong niya. "Sabi ko, ok ka lang?""Oo, okay
lang ako.." ANg bilis ng tibok ng puso ko nun dahil sa sobrang pagod na rin.
Napansin yata ni Kay na wala yung bag namin. Tumingin siya sa likuran ko. "Nasaan
na yung bag natin?""Wala.. naiwan ko.. wala nga.." Mukhang nagdududa na siya sa
akin nun. Hinawakan niya yung pisngi ko. "Bakit namumula yung mukha mo?" iniwas ko
naman yung tingin ko sa kanya.
"Ha.. wala. Tumakbo nga ako 'di ba" Mukhang hindi naman siya kumbinsido sa sagot
ko. Dahil si Kay siya, mahilig magimbestiga yan. "Bakit ka naman tumakbo?"tinanong
naman niya ako. "Kasi.. ano.. may nakita akong 'di maganda.." hindi talaga ako
magaling sa ganitong bagay. "Alam mo Riel, dalawang bagay lang naman ang dahilan
kung bakit namumula ka, either pagod ka nga.. or nagba-blush ka..""Ako nagba-blush?
Hindi!" hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya "Dali na... bumalik ka na sa
loob at ikaw na kumuha ng bags.." tinulak ko naman si Kay. Kaya lang paglingon ko
doon sa gate, may papadating naman. Papalapit sa direksiyon namin. "Riel!"
Tumalikod nga ako.. Tumawa ng nakakaloko si Kay sa akin.. "Parang kilala ko na kung
sino!" sabi ni Kay. Lumapit naman si Jasper at bigla na lang umakbay sa akin. "Good
luck..""Para saan naman?!?""Basta good luck.. BEAUTY!" tapos tumakbo na siya
papalayo. Si Carlo naman eh tumingin sa akin tapos ngumiti, then tumakbo na kasama
ni Jasper. Para saan naman yun?!?" *** Nung sumunod na araw, pinagre-ready na kami
dahil malapit na kami mag perform. May costume practice pa kami nun. Syempre dahil
pinatong ko lang naman yung gown ni Belle sa uniform ko, mukha akong ewan.
Tinawanan pa nga ako ni Jasper nun eh. "Ang yabang mo alam mo yun!" sinabihan ko
nga siya. "Ikaw ba tinatawanan ko?" pangisi-ngisi pa siya nun. "Eh ako lang naman
ang nandito eh..""Nag-judge ka na kaagad. Yung upuan tinatawanan ko" tinuro niya
yung upuan na nasa likod ko. "Ano namang nakakatawa sa upuan eh nananahimik?""Kulay
violet kasi.." tumawa na naman siya. "So? Kung violet?""Sino naman nagkukulay ng
violet sa upuan?" Tumayo siya at tumabi sa akin. Tumingin siya doon sa kurtina.
"Ano na namang ginagawa mo?""Masama na ba tumingin sa kurtina?""Mamaya mo na
karirin yung pagtingin sa kurtina.. backtage ka di ba? Bukas lang kambal na kayo
niyan.." tumawa naman ako. "Sino ngayon mayabang sa atin?!?""Ako na naman sige!"
Tumingin din ako doon sa tinitignan niya sa kurtina. Nasa likod kasi kami nun.
Medyo mainit nga eh. Nung tinignan ko, nasa kaliwa si Kay, nasa kanan si Mandee.
Napaisip tuloy ako.. sino kayang tinitignan niya? Tinaasan ko nga ng kilay ko.
"Ayoko ng tingin mo na yan.." umupo siya para ayusin yung rubber shoes niya.
"Bading ka no!" nakakapagtaka na talaga siya. "Bakit ba lagi mo na lang ako
sinsabihan na bading?!?""Eh kasi, yan lang hindi mo pa magawa! Lalapitan mo
lang..." tinignan ko siya, "Bading lang ang duwag." "Hoy hindi ako bading.. mukha
ba akong bading?" tinignan niya yung itsura niya,"Alam mo ba last time na may babae
na tinawag ako ng bading, alam mo kung anong ginawa ko?""Ha-ha.." pineke ko yung
tawa ko, "Hinalikan mo?!?""OO!" seryoso na siya nun. Nawala yung tawa ko. Kinabahan
ako dahil lumapit siya sa akin. "J-jasper.. easy lang. Lalaki ka 'di ba?" yun na
lang sinabi ko. Paatras na ko.. pa-forward siya. "A-alam mo Jasper.. kailan mo nga
uli ginawa yun?" iniiba ko na lang yung usapan. "4th year high school." pa-forward
pa rin siya nun. "4th year? You mean kailan lang?!?" tinuro ko siya. "Oo. 4th
year... Sa totoo lang..." hinawakan niya ko sa dalawang balikat ko.. "NGAYON!"

***21*** Dahil mahigpit yung hawak niya sa balikat ko at cornered na talaga ako,
wala naman na akong magiging move. Mukhang totohanin niya talaga yung sinabi niya.
Sumobra talaga yung kaba ko nun. Ni-hindi ko makuhang umatras, at nagle-lean na
siya sa akin. No choice na talaga ako kundi... "AHHHHHHHH!" sumigaw talaga ako at
sobrang lakas, "AHHHHHH--" kaya lang natigilan ako dahil tinakpan niya yung bibig
ko.
"Sorry, bawal sumigaw eh!" lalo niyang nilapit yung mukha niya. Papalapit na ng
papalapit na siya kaya lalo ko namang iniwas yung mukha ko. Saka ko lang narinig ni
may nagbukas nung kurtina pero hindi ko makita kung sino dahil natatakpan ni
Jasper. "Hoy! Anong ginagawa mo sa pinsan ko?" si Kay pala. Umatras ng kaunti si
Jasper pero hindi naman niya binitawan yung pagkakahawak niya sa dalawang braso ko.
"Wala.." sabi naman niya. "Wala ka diyan eh narinig ko siyang sumigaw.""Sus. Gusto
mo manood kung anong balak ko sana?!?" tumingin naman siya sa akin."Ok." Tapos nag-
lean siya uli kaya nilayo ko ng nilayo yung ulo ko. Wala talaga. Napapikit na lang
ako dahil ayokong makita. Tapos naramdaman ko na lang, humalik siya. Sa forehead
ko. Tapos binitawan na niya ako. "Hindi muna ngayon Riel.." tapos ngumiti siya sa
akin at humawak siya sa kurtina na para bang lalabas na, "Bakit hindi ka
makapagsalita?!?""Siraulo ka ba?!" yun ang una kong naisigaw sa kanya nung
pakiramdam ko nagkaboses na ako. "Siguro.." Si Kay naman eh palingon-lingon sa
akin, tapos kay Jasper. Kay Jasper uli, tapos sa akin. "Sinasaktan mo ba pinsan
ko?" hindi pa rin pala niya na-gets yung mga nangyari? "Ako?" ngumiti si Jasper ng
nakakaloko, "Bakit ko naman sasaktan si Riel? Bakla nga ako 'di ba?" Lumabas na
siya nun. Hindi rin nagtagal, napaupo ako doon sa violet na upuan na tinatawanan ni
Jasper kanina nung hindi na nakayanan ng tuhod ko. That was... CLOSE. ***
Kinabukasan nun, maagang-maaga kaming pinapasok sa school para daw sa calltime ng
last practice. Ngayong araw na ito ang performance namin. Papanoorin na kami ng
buong school. At lalo akong kinakabahan. Sinabi nung teacher na ngayon lang daw
sila nakasold-out ng tickets. Hindi daw nila alam kung ano naman daw bang kaibahan
ng ngayon kaysa dati. Nung mga naunang play daw nilang ginawa, hindi pa raw
nangalahati yung auditorium. Kasama ko si Kay nun na nasa dressing room. Iisang
room lang kasi kami lalagyan ng make-up at kung anu-ano pang mga costume at
designs. Si Carlo eh hindi ko pa nakikita pero alam ko naman na yung itsura ng
costume niya. May malaking mascot na beast, tapos may costume na siya na pam-
prince.
Si Jasper rin eh hindi ko pa nakikita buong umaga. Dahil nga props siya, busy rin
siguro yun sa pag-aayos ng stage at pagse-secure nung mga kailangan niya. Kung
hindi ko lang alam, baka magkasama sila ngayon ni Mandee. Nakailang pasok yung
teacher namin sa dressing room at ilang beses kami ni-remind na within 30 minutes
daw eh mag-perform na kami. Narinig namin na umiingay na sa labas at alam na namin
na napapapasok na sila. Nagtinginan kami ni Kay. "Belle kinakabahan na ko!""Mrs.
Potts ako rin!" tapos naghawak kamay kami. Binilisan naman nung babae na nagmamake-
up sa amin yung ginagawa nila dahil may line-up pa kami. Katulad nga ng plano,
tatlong kanta lang yung ilalagay sa buong play. Yung unang-unang suot ko eh
simpleng-simpleng dress lang. Kulay blue siya na may white sa harapan. May hawak
lang akong basket at syempre, libro na rin dahil mahilig magbasa si Belle sa story.
Lumingon ako kay Kay nun at sinuot na niya yung malaking cardboard na may drawing
ng pot. Natawa nga ako sa kanya eh pero hindi naman nahihiya sa ganyan si Kay. Sabi
niya, role lang naman. After that, pinaline-up na kami. "Lumapit kayong lahat
dito!" tinawag kami nung teacher, yung mga papasok sa kabilang side. "Carlo!
Carlo!" tinawag naman si Carlo na suot naman na yung mascot. Parang ang laki tuloy
tignan ng ulo niya. "Ok, basta bigay niyo lang lahat ng kaya niyo. Kung paano tayo
nag-practice, ganun din. Isipin niyo lang walang nanood sa inyo."tapos humarap siya
sa akin, "Belle! Este.." tinuro niya ko, "Riel! Yung kanta mo." Narinig namin na
pinatayo na yung mga tao para sa National Anthem at opening prayer. Doon na ako
sinimulang kabahan dahil pumasok na yung isa sa amin. Yung pinaka-narrator ng
story. Syempre, naka-costume na siya ng itim. Siya kasi yung enchantress. Hindi
namin nakikita kung ano yung nasa stage. Ang alam lang namin, yung words, music...
saka signal nung kung sino man. May tao rin doon sa kabilang side ng stage. Narinig
ko na rin yung boses. "Once upon a time, in a faraway land, A young Prince lived in
a shining castle. Although he had everything his heart desired, The Prince was
spoiled, selfish, and unkind." lumakas naman yung boses na parang umuulan-ulan.
"But then, one winter's night, An old beggar woman came to the castle And offered
him a single Rose In return for shelter from the bitter cold. Repulsed by her
haggard appearance, The Prince sneered at the gift, And turned the old woman away."
wala na si Carlo nun sa backstage, nasa harap na siya nun at kaharap na siguro yung
gumanap na enchantress. Katulad sa plano, silhouette lang din yung kay Carlo na
normal pa siyang tao, tapos magiging beast, Syempre nakikita lang ng mga tao yung
effect dahil madilim. Kami rin silhouette lang nakita namin na hinahawakan niya
yung nagiging Beast niyang ulo. Tapos nun, lumuhod siya. Ang galing niya ah!
"But she warned him not to be deceived by appearances, For Beauty is found within.
And when he dismissed her again, The old woman's ugliness melted away To reveal a
beautiful Enchantress. The Prince tried to apologize, but it was too late, For she
had seen that there was no love in his heart. And as punishment, She transformed
him into a hideous beast, And placed a powerful spell on the castle, And all who
lived there. Ashamed of his monstrous form, The beast concealed himself inside his
castle, With a magic mirror as his only window to the outside world. The Rose she
had offered, Was truly an enchanted rose, Which would bloom for many years. If he
could learn to love another, And earn her love in return By the time the last petal
fell, Then the spell would be broken. If not, he would be doomed to remain a beast
For all time. As the years passed, He fell into despair, and lost all hope, For who
could ever learn to love...a Beast?" After nung Prologue/narration, pinatay na uli
yung ilaw at wala na talagang makikita. Sinara na nila uli yung kurtina at nag-
position naman na kami. Nung naka-position na kami lahat, binuksan naman nila yung
ilaw at naka spotlight ako. Sobrang liwanag naman kaya hindi ko rin makita yung
audience. Medyo nasisilaw din ako pero wala akong magagawa. Kailangan kasi
maliwanag yung ilaw para ang effect eh umaga talaga. Nagsimula na rin yung tugtog
na 'Belle'. Syempre masaya iyon, kaya kunwari eh umikot-ikot naman ako. Dahil town
yun, may nasasalubong din naman ako na mga taga-town. 'Bonjour!' 'Bonjour!'
'Bonjour!' 'Bonjour!' 'Bonjour!' "There goes the baker with his tray, like always
The same old bread and rolls to sell Ev'ry morning just the same Since the morning
that we came To this poor provincial town" huminto ako doon sa harap nung gumanap
na baker. "Good Morning, Belle!" " 'Morning, Monsieur." "Where are you off to?"
nakangiti naman sa akin yung lalaki.
"The bookshop. I just finished the most wonderful story about a beanstalk and an
ogre and a -" "That's nice. Marie! The baguettes! Hurry up!" Umalis naman yung
Baker sa harapan ko at kunwari eh nag-balance ako doon sa isang daanan na peke
naman sa likuran. May hawak pa akong libro na binabasa-basa ko habang umiikot ako.
Medyo nahilo nga ako eh, pero hindi ko na lang pinahalata. Habang ginagawa ko naman
yun, saka naman kumakanta yung ibang mga nasa likuran na Town People din. "Look
there she goes that girl is strange, no question Dazed and distracted, can't you
tell? Never part of any crowd 'Cause her head's up on some cloud No denying she's a
funny girl that Belle" Nakakapagod naman kung iisa-isahin ko pa sa inyo kung ano
yung mga sumunod na nangyari sa play. Siguro, ikukuwento ko na lang yung mga
sumunod na nangyari. Ayun nga, sumunod na scene pagkatapos nung opening number
namin eh papaalis na si Maurice, tatay ni Belle. At syempre, meron pang effect na
umuulan-ulan at may kulog at kidlat habang naliligaw siya. At for the first time,
pinakita yung mascot ni Carlo. Kinulong niya si Maurice sa isa sa mga jail na gawa
lang naman sa karton din. After that, sumunod na rin si Belle, ako yun. Iba na yung
damit ko nun. Kulay brown naman yun dahil naglilinis ako kunwari. At nakita ko nga
yung tatay ko na nakakulong. Nagkaroon ng deal si Carlo (beast), at si Maurice. "No
Belle! No!" sumisigaw si Maurice habang tinutulak-tulak siya kunwari ni Beast. Ako
naman eh kailangang umiyak, kaya umiyak ako. Nag-progress yung story. Tinignan ko
nun si Carlo dahil medyo basa na yung colar niya. Sa pawis siguro yun. Ikaw ba
naman eh magsuot ng mascot hindi ka ba naman mainitan. May scene pa na nakahiga ako
sa kama at doon ako umiiyak. Pumasok nun si Mrs. Potts at niyaya naman akong
kumain. Ako naman yung may ayaw. Tapos sumigaw si Carlo. "IF SHE DOESN'T EAT WITH
ME, SHE DOESN'T EAT AT ALL!" Syempre, may away scene din kami. Tapos sinigaw ko
naman yung famous line ni Belle na 'THEN YOU SHOULD KNOW HOW TO CONTROL YOUR
TEMPER!" Syempre, habang ninanarrate yung story, pinakita yung scene na
nagkakamabutihan na si Belle at si Beast. Yung mga tao pa nun eh may 'Uuuyy!" pang
nalalamn nung may batuhan pa kunwari ng pekeng snowball na gawa naman sa styrofoam.
Doon kami kumanta ng Something There "There's something sweet And almost kind
But he was mean and he was coarse and unrefined And now he's dear And so I'm sure I
wonder why I didn't see it there before" Humarap naman si Carlo sa akin. Natatawa
na ako nun sa itsura niya. Eto kasi yung maikling duet part namin. "She glanced
this way I thought I saw And when we touched she didn't shudder at my paw No it
can't be I'll just ignore But then she never looked at me that way before" Tapos
humawak siya sa dalawang kamay ko at umayos ng pagtayo. "Belle, I have something to
show you. But first you have to close your eyes. IT'S A SURPRISE!" At yun na rin
yung part na pinakita niya yung malaking library sa palace niya. Medyo napapagod na
rin ako nun dahil kailangan mabilis kang kumilos. At syempre, turn naman na ni Kay
para pumasok. May dance naman kami ni Beast. Yung kanta eh sinasabayan namin ng
sayaw syempre. Slow Dance pa nga. "Tale as old as time True as it can be Barely
even friends Then somebody bends Unexpectedly. Just a little change Small to say
the least Both a little scared Neither one prepared Beauty and the Beast." Ang
ganda ng boses ni Kay! Kinakarir nga niya yun eh. Nag-thumbs up nga ako sa kanya sa
likod ko eh habang sumasayaw kami ni Carlo. "Ever just the same Ever a surprise
Ever as before Ever just as sure As the sun will rise. Tale as old as time Tune as
old as song Bittersweet and strange Finding you can change Learning you were wrong.
Certain as the sun Rising in the east Tale as old as time Song as old as rhyme
Beauty and the Beast." Narinig ko namang bumulong si Carlo sa akin nun. 'Ang ganda
mo Riel!' Kaya natawa lang ako.
Syempre, hindi rin nagtagal, nagkaroon na naman ng effect ng thunder at lightning.
Dumating na yung mga townpeople para patayin si Beast. Ako naman eh nasa likod at
wala ako sa scene dahil darating lang ako eh yung mamamatay na siya. Scene na iyon
ni Jasper at Carlo dahil si Jasper ang papatay kay Beast. Siya kasi si Gaston 'di
ba? "Si Jasper?" tinanong ko naman si Mandee dahil hawak niya yung string ng
kurtina. Inirapan ba naman ako. "Nasa stage na syempre!" sinigawan niya ako. Nung
malapit na matapos yung play, tinulak ako nung teacher namin dahil nalimutan ko na
scene ko na dapat pumasok. Nakita ko na nakahiga na kunwari si Beast doon sa stage
at may pekeng blood pa siya. Tumakbo naman ako para lumuhod. "Don't die! Please!
Beast! Don't die!" Panay lang ang sabi ni Carlo ng Beast at hinawakan niya ako
kunwari sa pisngi ko. At syempre, kailangan ko na naman umiyak. Bago pa bumagsak
yung kamay ni Beast, nai-whisper ko pa yung salitang 'I Love you' tapos hinalikan
ko yung Mascot ni Carlo. Ang corny talaga nun. Nung practice namin, ito yung part
na tawa kami ng tawa. Hindi lang namin magawa ngayon. Syempre, may magical song pa
na kung ano. Nagkaroon ng yellow lights... tapos sinara nila yung kurtina uli para
silhouette na naman yung pagpapalit ni Carlo as Beast.. to a Prince. Hindi niya
maalis yung mascot niya kaya tinulungan ko na. Pinagpapawisan na nga siya dahil
halatang init na init na. Kaya lang pagtanggal ko eh nagulat na lang ako at hindi
ako makagalaw. "JASPER?!" binitawan ko nga yung mascot sa tiyan niya. "Aray ko
masakit yun!" hinawakan niya yung mascot tapos binato niya sa gilid, "Hi
BEAUTY!""A-akala ko si.. a-akala ko.. si CARLO??""Ibig mong sabihin eh si
Gaston?!?" WHAT?!? Nagpalit sila? All this time yung guy na kasama ko sa stage at
naka-mascot eh si Jasper?!? Binuksan nila uli yung kurtina at kuwari eh tumayo na
si Jasper. Prince na siya kunwari. Nakangiti siya sa akin at ako naman eh nagtataka
lang sa kanya. Pretty much BELLE reaction kapag nag-change ang isang beast sa
harapan mo. Hindi ako makapagsalita. Yumakap naman si Jasper sa akin at ako naman
eh napilitan na lang din. Nasa scene kasi yun eh. Syempre, diniliman na lang nila
uli yung stage para ipakita sina Kay na normal na tao na kunwari uli. Tinakpan uli
kami ng kurtina, dahil may kissing scene naman na hindi naman talaga totoo. "Mag-
cross lang yung pisngi para kunwari nag-kiss sa tingin ng tao.." masama na yung
tingin ko sa kanya.
"Says who?!?" laging yun yung dialogue niya kapag may balak siya. Dahil nakatingin
ako sa kurtina, nung paglingon ko sa kanya eh... ARRRRRGHHHH! Susuntukin ko sana
siya nun kaya lang inalis na yung kurtina. Nung pinaka-finale na namin, nagtabi-
tabi yung cast at sabay-sabay kaming nag-bow. Wala na ako sa sarili ko nun. Bigla
na lang nagpalakpakan yung mga tao at isa ako sa mga nauna na bumalik sa backstage
nung matapos na. Humabol sa akin si Kay at si Jasper. Saka ko lang nakita si Carlo
na katabi si Mandee sa kurtina. "Riel!" tumingin si Kay sa akin, "Bagong blush-on
ka ba?" hinawakan niya yung pisngi ko. "Uhmm.. ahh.. oo." naki-oo na lang ako kahit
hindi naman talaga. Ibig sabihin namumula na naman yung pisngi ko. "Bro! Ang galing
nung silhouette niyo ni Riel ah! Ang galing! Para kayong nagkiss!"inakbayan siya ni
Carlo. "Parang totoo ba?!?" tumingin si Jasper sa akin tapos tumawa. "Ewan.
Tanungin niyo si Riel.." tinuro niya ako. "A-ako? Bakit ako?!?""Ikaw makakasagot
'di ba? At least yung last part kanina..""You knew I'm not gay right?!?" nakakainis
naman! Bakit niya tinotoo yung kissing scene?!?

***22*** Hindi talaga ako makapaniwala nun. Ewan ko ba kung anong pakiramdam ko sa
kanya, naiinis ba ako o ano? Pero sa totoo lang.. parang may.. 'di bale na nga
lang. Wala naman siguro yun. Baka alam mo na, na-shock lang ako kaya kung anu-anong
nararamdaman ko. Dahil nga kahit papaano eh naiinis ako sa kanya, tumingin ako ng
masama tapos sumigaw ako ng... "BADING! BADING KA!" inasar ko muna siya bago ako
pumasok ng dressing room. Hindi rin nagtagal, sumunod din sa akin si Kay para
magbihis na. Nakatingin lang ako sa kawalan nun at hindi ako makakilos. Kung hindi
pa siguro niya ako tinulungan, ewan ko na. Baka hindi na siguro ako nakapagbihis.
Saka lang ako natauhan nung bigla niyang sinabi na..
"Totoo yung kissing scene niyo kanina no?!?" Tumingin lang ako sa kanya. *** Maaga
kong ginising si Kay dahil gusto ko rin na maaga kaming makaalis ng boarding house.
Ayoko kasi na makasalubong ko pa sa bathroom si Jasper o kaya naman si Carlo.
Mukhang wala pa ngang balak bumangon si Kay nun at pumipikit-pikit pa yung mata
niya. Pero dahil pinilit ko nga siya, bumangon din naman. "Bakit ba ang aga-aga mo
akong ginisng? Alas-4 pa lang ah!" pero ayun, tinulak-tulak ko siya para dumeretso
kaagad siya ng bathroom. Maaga kaming nakaalis ng boarding house at wala pa yatang
alas-6 nun. Medyo gising na ang diwa ni Kay at dahil nga malapit yung school,
saglit lang eh nakarating na kami. Nagulat kami parehas nung nakita naming may
banner sa harapan ng gate. Nakalagay eh.. Thank you very much to our number 1 donor
Miss Mandee Vargas also known in her initials, A.L. We are so honored to have you
here at our school!!! Hinawakan ni Kay yung banner at napakunut-noo siya sa akin.
"What the heck?!?" Ngumiti lang ako pero wala akong sinabi. "Wala ka man lang bang
balak gawin?!? Kahit ano?" hinila na niya ako pumasok sa school. "Gaya ng
ano?""Ikaw si A.L.!! Hindi mo ba naiintindihan yun? Si Mandee narerecognize sa
lahat ng ginawa tapos wala kang balak gawin?" hysterical na talaga si Kay. "Sabi ko
sa iyo dati pa, anonymous si A.L. Wala akong balak magpakilala. Ano iisipin nila?
Impostor ako? At kung hindi niya aaminin yung totoo, it's her problem.. not
mine.""Alam mo pinsan minsan naiisip ko kung kamag-anak ba talaga kita o galing ka
sa mental hospital eh. Tao ka ba?" Napatingin kami ni Kay doon sa gilid nung bigla-
bigla na lang may natalisod. Hindi namin alam na may tao pala doon malapit sa
swing. Nanlalaki yung mga mata niya. At diretso siyang nakatingin sa akin. Teka..
kilala ko ito ah. "Ronnie?!?" yung classmate namin na pinagtripan ni Jasper ng glue
dati na hindi niya natuloy, "Anong ginagawa mo diyan?" Tinuturo naman niya ako at
parang may gusto siyang sabihin na parang 'di niya masabi. Lumapit tuloy si Kay sa
kanya at tinapik siya ng malakas sa likod. "I-ikaw.. i-ikaw si A.L.?" Turn ko naman
lumapit sa kanya at tinakpan ko kaagad yung bibig niya. Tumingin-tingin ako doon sa
gilid ko kung may tao pa. "Shh.. shh.. narinig mo lahat?"
Tinatakpan pa rin ng kamay ko yung bibig niya kaya tumango lang siya. Ako naman eh
bumilis yung tibok ng puso ko. "Naku Ronnie! Please lang.. walang dapat makaalam
nun!" ano ba naman yan?!? "Ako si A.L., pero wala akong balak siraan ang sino man
ah.. si Mandee.. or anyone.. okay? Please be quiet about it.. huh? Pwede ba?"
Tumango na naman siya sa akin. "Kaya ikaw RONNIE!" seryoso naman si Kay, "I-leak mo
yung information ha. Kailangan makarating sa principal...""Kay!""Kailangan
makarating sa pricipal na.. si Mandee si A.L.!!" sumimangot siya. "Promise mo.. ha
hindi mo sasabihin. Promise mo! Gusto ko marinig kong sinsabi mo na hinid mo
sasabihin kahit kanino.." hindi pa rin siya nagsasalita, "Ronnie naman eh mangako
ka!" inalog ko siya ng kaliwang kamay ko. Humawak naman si Kay sa right hand ko.
"Cousin.. tinatakpan mo yung bibig niya kaya hindi siya makapangako." Napansin ko
na totoo nga. "Sorry Ronnie, my bad." Mukhang ok lang naman at alam ni Ronnie.
Siguro nga iki-keep naman niya yung promise niya at hindi naman nya sasabihin.
Harmless naman siguro na may isa sa school bukod sa aming dalawa ni Kay nakakaalam
na ako talaga si A.L. Isa lang naman ang ikinakatakot ko. Gusto ko na alisin nila
yung banner sa labas ng gate. Baka kasi nagkataon na nagda-drive si Daddy around
town at mabasa niya yun. Disaster yun kapag nangyari. Wala pang time eh nakaupo na
kaming tatlo nila Kay sa room at nagusap-usap. Nung malapit na mag-time, dumami na
rin yung mga tao sa room at maraming nagcongratulate sa amin doon sa Beauty and the
Beast. Nung hinihintay ko na mag-time, may umupo naman sa tabi ko. "Galit ka?"
narinig ko pa lang yung boses alam ko na. "Hindi.""Eh bakit parang galit ka?!?"
naririnig ko pa rin siya nun. Nakatingin kasi ako sa gilid eh. "Hindi nga ako
galit.""Kung hindi ka galit bakit hindi mo ko tinitignan?!?" ang dami niyang tanong
no?!? "Jasper hindi nga ako galit ang kulit mo naman eh!!!""Tingnan mo galit ka
sinisigawan mo ko!" Humarap naman ako sa kanya. Kung hindi ko pa haharapin,
mangungulit lang siya eh. "Ok.." mahinahon na ako, "Hindi ako galit. Happy?" pineke
ko yung ngiti ko. "Not really." umiling siya, "Gusto ko umupo ka doon sa upuan sa
likuran." tinuro niya yung upuan sa likuran na katabi nung upuan niya, "Doon
ka.""Bakit naman ako uupo doon?""Friends nga tayo 'di ba?!?"
Tinaasan ko nga ng kilay ko. "Oo nga eh.. kaya nga.. FRIEND.. dito ako sa upuan na
ito, doon ka sa likod ko. Ok na yun!" nilabas ko yung binder ko at nilagay ko sa
desk. "Sige na!" Arrgghhh! Hindi talaga siya papatalo! Tumayo ako at kinuha ko yung
bag ko at yung binder na nilabas ko. Nilapag ko sa sahig yung bag ko at sa desk
yung binder para makaupo ako. Tinititigan lang ako ni Jasper na papaupo na ako.
Nakakapagtaka talaga sya. "Bakit ganyan ka makatingin?""Hindi ka pa ba uupo?""Uupo
nga eh!" Paano ko ba malalaman na oras na umupo ako nun eh isa sa mga embarassing
moments ng buhay ko. Paano ba naman kapag upo ko, yun pala yung sirang upuan kaya
natumba ako at napaupo ako doon sa sahig. Tawa ng tawa si Jasper. Ako naman, walang
nakakatawa doon. Yung ibang classmates din namin eh nagtinginan at yung ilan-ilan
sa kanila eh ngumisi lang. "You think that's funny?!?" seryoso na ako nun at kinuha
ko yung binder ko, "HINDI SIYA NAKAKATAWA!" medyo naiiyak na ako nun. Lalabas na
sana ako ng room at gusto ko pumunta sa girls restroom kaya lang narinig kong
sumisigaw si Jasper at tnatawag ako. "Riel!" tumakbo siya nun para habulin ako,
"Riel!" Binilisan ko naman yung pagtakbo ko doon sa hallway kaya hindi na niya ako
nahabol. Nakakainis naman siya! At ito talaga, totoo na. Tama bang ipahiya ako?
Papaupuin ako sirang upuan tapos tatawanan pa niya ako? "Riel! Sorry na! Ginawa ko
lang yun dahil--" sinandal niya yung isang kamay niya sa pader, "Sana lang pwede ko
sabihin sa iyo kung bakit!""Sana lang alam mo kung ano yung nakakatawa sa hindi!"
sumigaw din ako doon sa hallway. Bigla na lang may humawak sa balikat ko. "Miss
Lopez, magsisimula na ang klase. At bawal sumigaw sa hallway.." Bumalik na lang ako
sa klase nun. Kahit na iniinis pa rin ako ni Jasper kakatawag niya, hindi ko na
lang pinansin. Siguro nga nature na niya yun. Nasa dugo na niya ang pagiging...
prankster. Nung breaktime nga namin eh hindi ko pa rin siya kinakausap. Nahalata
niya rin siguro niya yung damage na ginawa niya. Hndi siya makatiis nun. Nasa
cafeteria na kami ni Kay eh umupo ba naman sa harapan ko. "Sorry na Riel! Sorry na
talaga!" humahawak pa siya sa kamay ko nun. "Ayaw ni Riel ng sorry mo!" niloko siya
ni Kay.
"Kasalanan ko na ok? Napahiya ka kanina!" seryosong-seryoso siya, "Ano gusto mo
gawin ko para tanggapin mo sorry ko? Lumuhod ako?!?""Oo lumuhod ka para mas
sincere!" Tinignan ko si Kay. Ang kulit din nito. "Sige luluhod ako." Luluhod na
sana siya nun. Isang tuhod lang yung nakaluhod yng isa sinasandalan niya ng kamay
niya. "Sus ang OA!!" nag-comment naman si Mandee. Tumingin si Jasper, tapos bumalik
uli sa akin. "Sorry na. Sabihin mo lang anong gagawin ko para tanggapin mo sorry
ko. Kahit ano...""Oo na.. ayos na!" hindi naman ako masamang tao na nagtatanim ng
sama ng loob. Basta nag-sorry, ayos na ako. "Tumayo ka na diyan at hari ka na ng
drama." Tumayo naman na siya at mukhang hyper na naman dahil nakangiti siya.
Papaalis na sana siya at bumalik na siya sa table nila. Si Kay eh inasar na naman
ako kay Jasper nun. Hindi lang niya alam na gusto naman siya ni Jasper. Kumain lang
kami ng kumain nun na para kaming elepante at nag-alarm na dahil sa time. At eto na
naman yung numbers na naririnig ko sa kanila dati. "8.." sabi nung isa na hindi ko
kilala "8.." sabi ni Carlo. "6.." si Jasper eh tinatapon pa yung pinagkainan nila.
Nagsabay pang tumingin yung dalawa niyang kasama sa kanila. "6? Bakit ganun?""Gusto
ko eh. Yung isa, 9.""Whoa.. some change there... 9 din ako sa isa.""8.. di kami
close." Tinignan ko lang si Jasper nun nung dumadaan kami. Umayos siya ng
pagkakatayo niya at hindi man lang siya ngumiti. "Bro tama na nga yan, hindi dapat
binibigyan ng grades ang babae..""Ikaw nga nagpauso niyan sa ating tatlo eh!""Pwes
ngayon hindi na!" Bigla ba naman akong dinaanan. Ano ba naman yun? "Ikaw nagsabi
nun 'di ba? Na hindi tamang bigyan ng grades ang babae? From now on, hindi na."
hininaan niya yung boses niya, "Huling beses ko na gagawin yun. Nung unang beses na
binigyan kita ng grade, I gave you a 6." tapos ngumiti siya sa akin, "I gave you 9
this time." Hindi ko alam kung matutuwa na naman ba ako nun o maasar o magtatanong.
Yun ba yung the same game na 10 ang pinakamataas, tapos 1 ang lowest.
Hindi na lang ako nagsalita. Bago pa siya umalis nun eh may binulong siya ng mahina
kaya lang narinig ko. "Out of 9." Hindi pa nagsi-sink sa utak ko yung sinabi niya
nung tumakbo siya. Whoa... "WHAT?!?" he's kidding..or.. is he?

***23*** Habang tumatagal at nakakasama ko si Jasper, lalo siyang nagiging 'I-


don't-understandhis-brain' guy. Totoo naman eh. Minsan ayos naman siya, may time
naman na ang gulugulo. Katulad... Well.. araw-araw naman yata. Hindi ko na lang
siya tinanong doon sa sinabi niya sa akin tungkol sa pag-grade niya ng mga babae.
Lalung-lalo namang hindi ko na ioopen sa kanya yung sinabi rin niya na... I gave
you a 9... out of nine. That's weird. Meron bang nag-grade ng perfect? Anyways, the
next week.. ganun pa rin naman ang buhay namin. Tumawag ang Daddy ko at kinukumusta
pa nga ako. Naalarma nga ako sa kanya paano ba naman nagbigay ba naman ng comment
na pupunta daw siya sa school At syempre kapag si Szarielle Madrigal Lopez ka,
gagawa ka at gagawa ng paraan para hindi mapunta ang Daddy mo sa school at mabuking
ka. Ganun nga ang nangyari... so na-erase naman na yung problema ko na yun. So eto
na naman ako, another day. Dumaan ako sa locker ko sa hallway at kinuha ko yung mga
gamit ko. Ang dami nga nun at panay hardbound books pa yung iba. Hindi ko pa
nalalabas lahat at baka maging hunchback na ako, may sumandal naman na halimaw doon
sa kabilang locker kaya nagulat pa ako. "Anak ng AUSTRALIA naman!" ewan ko kung
bakit Australia ang unang pumasok sa isip ko.
"Hindi naman, PINAS lang." ngumiti siya ng kaunti, "Teka nagpapauso ka ba?""Hindi."
binuhat ko yung libro ko, "Alis na diyan mala-late na tayo.""Ang sungit mo alam mo
yun?!?" sabi niya sa akin. "Oo! Maraming nagsabi." Nagsimula na akong maglakad nun
pero mabagal lang dahil sa sobrang bigat ng daladala. Humabol naman siya sa akin at
sumabay sa gilid ko. "Gusto mo tulungan na kita?" nag-offer pa. Ang bait naman...
"Hindi na." ang bait pero contradictory yung sagot ko? "Kaya ko na. Doon lang naman
yung room eh.." tapos tinuro ko yung dulo ng hallway. "Dali na tutulungan na
kita..." hinila niya yung kabilang end ng books ko. "Ako na, hindi na kailangan."
hinatak ko pa-side ko. "Sige na pumayag ka na, ang bigat nito oh.." hinila na naman
niya. "Mabigat nga pero kaya ko na!" hinatak ko uli. "Riel, ang dami nung books mo.
Akin na yung iba.." malakas na yung paghila niya. Hindi ko talaga binitawan yung
books ko. "Feeling mo naman dahil babae ako hindi ko kayang buhatin ito? Hoy, kaya
ko no!"malakas din yung paghatak ko. Bakit ba ako nakikipag tug-of-war sa kanya?
"Bilisan mo na! Ibigay mo na sa akin para tapos na! Sige ka lalo tayong mala-late
sa klase!" hinawakan niya uli, tapos hinila niya sa tiyan niya. "Ayo--" hindi ko na
tinuloy yung sasabihin ko. "AYAN NA NGA!!" tapos tinulak ko lalo sa tiyan niya ng
sobrang lakas. Napaatras tuloy siya. "Bakit mo tinulak?" hnawakan niya yung tiyan
niya, "Ang sakit nun ah!""Gusto mo 'di ba? Ayan na.""Nagbago na isip ko...kunin mo
na nga." tinulak naman niya sa side ko. I can't believe this guy... "Akin na.."
kukunin ko uli. "Loko lang 'di ka mabiro!""Nambwibwisit ka ba?!?" tinanong ko siya,
"Kasi kung oo, effective masyado.""Ooh thanks!" nakangiti pa siya nun. "Say number
2 Riel!""Say what now?" nakakapagtaka naman. Sabi nila matalino si Jasper. Sigurado
ba sila na matalino siya as like a gifted child or a special child? Kasi sa kaso
niya, parang special child siya eh. Dumating naman kami sa roon nun awa ng Diyos.
Pero late na rin kami kaya inasar pa kami nung mga classmates namin dahil sabay
kaming dumating. Yumuko pa nga si Jasper kasi sa harapan ba naman siya dumaan. Ako
kasi sa likuran eh.
Nagklase lang kami. Na-boring nga ako kaya hindi rin naman ako nakinig. Nag-quiz pa
kami sa Calculus, naka 7/10 ako. Hindi naman masama kahit hindi ka nakinig. Si
Jasper naka 9/10. May mali siyang isa at sign lang. Nilagay niya positive intead of
negative. Does that matter? I guess. Nung breaktime namin ng umaga, pumasok si Kay
at mukhang cheerful naman ang bruha. Kapag ganyan ang itsura niya na parang
nakangisi na hindi mo maintindihan, maganda yung nangyari. "Ano nangyari sa
iyo?""Guess what!" sabi nya tapos naupo sa tabi ko, "Kinakausap nila si Mandee
ngayon." "Anong meron?""Ano pa! Tinatanong siya kung bakit hindi siya nagdo-donate.
Kasi parang nanalo yata siya sa Wordsmith, may premyo siya ng P100.00, ayun ikinain
sa cafeteria. Syempre nag-iba yung tingin sa kanya. Kung siya si A.L., pati ba
naman isang daan lulubusin niya?" tawa ng tawa si Kay. Hindi ko alam kung
makikisama ba ako sa pagtawa niya. In the end, hindi na lang. Hindi lang naman iyon
ang unang beses na ginawa iyon ni Mandee. Nung nakaraang linggo, bumili siya ng
pagkain niya, halos hindi naman niya nagalaw. Imbis na ibigay niya yung hindi niya
nagalaw doon sa walang pambili, tinapon niya lahat. Bakit naman daw niya ibibigay
doon sa ibang tao eh hindi naman nila pera? Addition to that, tinapon niya yung
A.L. shirt na binigay sa kanya nung nurse. Umalis naman kaagad si Kay nun dahil
kakain pa yata sya kaya naiwan ako mag-isa sa loob. Hindi naman ako gutom nun kaya
naupo na lang ako. Isa pa sa dahilan niya, may gagawin din daw siya. Kakaupo ko
doon, narinig kong nag-ring yung cellphone ko kaya hinanap ko pa sa bag ko. Nung
nakita ko na yung 3315 ni Kay, tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Napansin
ko, unknown number. Hindi naka-store sa inbox ko. Sino 'to? "Hello?!?" napansin ko
na medyo maliit yung boses ko nun. "Hey, Anong ginagawa mo?" Anong ginagawa? Close
ba kami? "Err.." hindi ko alam isasagot ko, "Do I know you?" "Ito na naman itong si
Do I know You person. Naalala mo yung tinext ko dati sa impression ko sa iyo? Ako
yung Ian guy na naka-text mo." "Wait up... yung na wrong send?" Teka.. si Carlo yun
'di ba? Tumayo ako nun sa upuan ko at nagsimula ako maglakad papuntang pintuan para
tignan kung nasaan si Carlo at kung may hawak siya na phone. Kaya lang muntik pa
akong nadapa dahil nakakalat yung basahan sa gitna. "Carlo, are you trying to pull
a trick on me?" yun na lang ang tinanong ko. "Kasi nakausap na kita dati alam mo
yun!"
"Carlo?!?" halata mong gulat yung boses niya, "Inaasahan ko Ian yung itatawag mo sa
akin tapos ngayon Carlo?" Biglang nagsalita siya. "Ok, I give up Kay. Panalo ka na.
Kung niloloko mo ko, panalo ka na." "Kay?!? I'm not Kay." naiinis na ko. "Ano ka ba
naman Carlo!" Nag-step ako doon papalabas ng room namin kaya lang may nakabangga
ako. Napahawak pa ako sa braso niya para hindi ako matuluyan sa sahig. Napakunut-
noo ako kasi may hawak din siyang phone at may hawak din akong phone. "Cc-carlo?!?"
nabubulol pa ko nun at hindi ko alam kung nawala lang ba ako sa sarili ko nung
binanggit ko yun. "KAY???" Oh My God... don't tell me what I'm thinking... is what
I'm thinking??? I'm Lost.

***24*** Lalo talaga akong naguluhan nun. Si Jasper... si Jasper yung ka-text ko
dati? Paano namang nangyari yun eh samantalang si Carlo yun ;di ba? Ano ba yan!!!
Sumasakit na yung ulo ko. "Teka.. ikaw ang ka-text ko? Hindi pwede..." tinuro ko
siya tapos umiiling pa ako, "Si Carlo ang ka-text ko.""Yeah right. Si Kay rin ang
ka-text ko.." huminto siya tapos nanahimik.
Sabay kaming umupo doon sa gilid at walang makapagsalita sa amin. Bigla na lang
siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, si Kay ba talaga yung ka-text ko?" Tingnan
mo, hindi rin pala siya sigurado masyadong nagmamagaling. "Malay ko!" lumayo nga
ako ng kaunti, "Basta alam ko may nakatext ako nun, then sinabi ni Carlo siya
yun..." Nilabas ni Jasper yung phone niya at lumapit siya sa akin. Bigla niyang
inangat yung phone niya at hinarap niya sa akin. "Number mo 'to?" tapos tinignan ko
yung nasa phonebook niya na Kay ang nakalagay pero... "Number ko yan.." yun na lang
ang nasabi ko. Turn ko naman tumingin sa phone ko. Unlike sa kanya, naka-store yung
number. Nilabas ko yung phone ko at pinakita ko sa kanya. "Kaninong number 'to?"
Tinitigan naman niya tapos nilagay niya sa bulsa niya uli yung phone. "Kay Carlo
nga yan.." see? Si Carlo nga! Tinignan ko naman yung mga recently received calls.
Ito lang yung kanina at nakita ko na naman yung unknown number. "Eto, kanino
ito?""Sa akin kanino pa ba!" sinigawan ba naman ako, "Kausap lang kita kanina!""Eh
siraulo ka pala bakit galit ka?" bumulong ako sa gilid, "Nagtatanong lang yung
tao.""O sige.." naging mahinahon na siya, "Isa-isahin natin 'to ah. Paanong number
mo yung number ni Kay?""What're you talking about? Number ko na ito.. noon pa!"
napaisip naman ako,"Matagal na.""Number mo?" iba na yung expression ng mukha niya,
"Nakuha ko yung number na ito nung nasa shop tayo. Yung Motorolla V3 ni Kay? 'Di ba
tinignan ko that day? Tinignan ko lang yung phonebook para sa number niya." Whoa...
that day.. what happened that day? Isip Riel.. isip... Oh yeah. That day nagpalit
kami ng phone ni Kay kaya lang hindi pa namin napapagpalit yung sim card namin. So
nakuha niya... yung number ko. "Kung phone yun ni Kay, bakit sim card mo?" sumandal
siya doon sa pader. "Eh.. eh... ano.. kasi... KASI... hiniram ko yung phone niya!"
yun na lang ang naisip ko,"Bakit wala na ba kaming karapatan magpalit ng phone?
Gusto ko lang naman maranasan na magka-RAZR eh. Since wala akong pambili, hiniram
ko phone niya.."what a liar!! "Kung yun ang kaso.. fine!" iniwas niya yung tingin
niya sa akin, "My bad. Akala ko number ni Kay." Lalabas na sana siya kaya lang
pinigilan ko naman. Unfair naman yata yun. Alam na niya yung kanya tapos yung akin
hindi pa? Kung siya yung naka-text ko dati, paanong naging si.. CARLO? "Ikaw ba
talaga yung naka-text ko?" yun na lang ang pumasok sa isip ko na itanong sa kanya.
"Ang una kong tinext sinadya ko yun. I can't remember, but it's something like..
'this is janice and i'm ian' thing.""Yeah.. naalala ko na. May naligaw na text sa
akin. Asking me kung ako yung Janice, and siya daw si Ian.""Oo nga, SINADYA ko nga
yun! Para kay KAY dapat!""In short, nagpapapansin ka.." inirapan ko nga siya. "O
ngayon?""Eh kasi naman kung kinakausap mo na lang siya ng personal o magtext ka sa
kanya na ikaw eh IKAW di ayos lahat!""AYOKO NGA!" sumigaw na naman siya.
Tinalikuran ko nga uli siya. Hindi pa rin nasasagot yung tanong ko. "Paano nga uli
naging si Carlo?" nagtataka na ako nun. "Ewan ko. Bakit ako yung tinatanong mo?
Ikaw nga itong sinungitan ako sa text!"nilabas niya uli yung phone niya at
nagpipipindot. Tumatawag pala siya kasi sumunod na lang, nilagay niya sa tenga niya
yung phone. "CARLO! PUMUNTA KA DITO SA ROOM.." ang lakas ng boses niya, "NGAYON
NA!"umiling-uling siya, "SINABI KO NGAYON NA!!!" Binaba niya uli yung phone niya
tapos humarap siya sa akin. "He'll be here in no time... 10 seconds..." nagbilang
pa siya, "9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1..." Bigla na lang may tumama ng
malakas doon sa pintuan. "Ano Jasper?" mukhang hinihingal-hingal pa siya. "Paki-
explain nga.. IAN?" sinabi ni Jasper pero hindi naman siya mukhang galit. "Ooh.."
nag-iba yung itsura ni Carlo, "That.""Oo yun nga.." Tumingin si Carlo sa akin at
ako naman eh hindi na lang nagsalita. Gusto ko lang, malaman kung paano nangyari
yun at para hindi naman na ako naguguluhan. "Hindi ba kinuwento ko sa iyo na ka-
text ko si Kay at sa nakaka--" tumingin siya sa akin tapos tumigil siya, "Hindi
bale na nga. Basta naka-text ko siya. Anong ginawa mo?" Lumayo na kaunti sa amin si
Carlo. "Ok, I'm sorry." yun ang una niyang sinabi. "FOR WHAT?" nagsisimula na
mairita si Jasper. Tumingin si Carlo sa akin tapos kay Jasper. "Di ba nga nung nag-
usap tayo, kinuwento mo yung naka-text mo? Tinignan ko yung number. At first
glance, medyo familiar sa akin. Saka ko nalaman na number yun ni Riel kasi na-save
ko yung number niya nung nahulog niya yung phone sa grocery.."huminga siya ng
malalim, "Nung nasa theater, naisipan ko siyang i-text. Sinubukan ko na magpakilala
bilang.. yung unang nag-text sa kanya. She thought it was me.." Tumingin sa akin si
Jasper nun. "A-akala ko kasi sya. Hindi ko naman sinave yung number mo nun.""Eh
bakit gusto mo namang magpanggap na ako?" tinanong uli ni Jasper, "Kung magtetext
ka lang din naman, bakit hindi na lang bilang ikaw?"
Kung makapagsalita naman itong si Jasper akala mo hindi naman niya ginawa yun! Siya
nga itong unang nagtext na dapat eh kay Kay at nagpapanggap na ibang tao at hindi
siya. "Nagsalita ang hindi naman ganun ang ginawa!" nagparinig naman ako. "Riel
pwede ba--" hindi niya natuloy yung sasabihin niya. Mabilis niyang binaling yung
tingin niya kay Carlo at tinitigan niya. "You don't mean to tell me.." Tumango-
tango lang si Carlo. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. "Kailan pa?!?""Noon
pa." yun lang ang sinagot ni Carlo. Ako naman eh parang poste na lang doon at hindi
ko na sila maintindihan. "Pwede bang i-explain niyo sa akin yung nangyayari?"
tinuro ko sila parehas, "I'm kinda' lost.""Hindi Riel.." hinawakan niya ako sa
braso ko at dinadala niya ako sa labas, "You're out of this." Sinarahan naman ako
ng pinto. Ang lakas nga eh. "Bakit mo ko pinalabas?!? ANG LABO MO JASPER!!!" tapos
nagdabog na ako paalis. Ikinuwento ko naman kay Kay kung ano yung nangyari except
yung part na intention ni Jasper na sa kanya dapat yung text. Syempre ayaw ni
Jasper na malaman ni Kay na may gusto siya sa kanya, kaya hindi ko na business yun.
Torpe kasi yung tao na yun eh. "For real? Si Jasper yung ka-text mo?" Nakailang-Oo
at tango ang ginawa ko bago pa naniwala sa akin si Kay. Kinikilig daw siya para sa
amin ni Jasper. Hay naku.. kung alam lang niya... Naupo na lang ako doon at wala na
lang akong sinabi. Mahirap na at baka madulas pa ako sa kanya. Nung sumunod na mga
raw eh madalas na patingin-tingin lang si Jasper at wala namang sinasabi sa akin.
Si Carlo naman ang madalas bumati sa akin ngayon. Ang weird nila parehas no? Hindi
rin nagtagal at wala naman si Carlo sa paligid, umupo naman si Jasper sa tabi ko.
Lagi naman eh. "Alam mo yung kwento ng gold fish na na-murder accidnetally?"
Napatingin ako sa kanya. Ewan ko ba kung anong sinasabi niya. "Pardon?!?"
nagsusulat kasi ako ng homework nun. "Sabi ko, may gold fish na pinatay..." ngumiti
siya ng kaunti, "Accidentally.""Pinatay nga tapos accident?" nakakapagtaka naman
itong tao na ito. "Kasi may gold fish ako nun dati. Na-overfed so tumaba ng tumaba.
Dahil lagi kong pinapakain, nakita ko na lang isang araw lumulutang na siya sa fish
bowl ko
nakabaliktad." Seryosong-seryoso siya magkwento nun. "Dahil bata pa ko, umiyak ako
dahil mahal ko yung gold fish ko. Dinala ko yung fish bowl at nagpunta ako doon sa
bathroom ng bahay ng uncle ko. Nag-flush ako sa toilet para mapasama na yung gold
fish ko." huminto na siya, "Dala-dala ko na yun sa konsensiya ko after
that.""Huh?!? Bakit naman? Usually naman ganun ang ginagawa sa pet fish 'di
ba?""Yun nga eh. Nung nakita ko, gumagalaw pa pala siya. Eh nai-flush ko na yung
toilet, kaya nakasama sya. Na-murder ko siya... accidentally." Natawa naman ako sa
kanya pero hindi masyado. Ayos naman yung kwento niya, pero para saan? "Sus, malay
mo naman nung nai-flush mo siya napunta siya sa ilog or something. Eh di natulungan
mo pa siya.." huminto naman ako, "Teka, bakit mo kinukuwento sa akin?""Wala lang. I
just thought you need company.." ngumiti siya. "Oh thanks." tinapik ko siya sa
balikat niya. Dahil nakaupo ako mag-isa doon, narinig kong may tumawag ng pangalan
ko. Nakatalikod naman si Jasper at nagsasalita mag-isa. Hindi ko nga masyadong
maintindihan dahil naging busy ako doon sa tumawag sa akin. Si Kay pala. May
sinasign siya sa akin pero dhail malayo siya, hindi ko maintindihan. "... gusto ko
lang sana malaman kung ano sa tingin mo.." Nagthumbs-up naman ako kay Kay kahit na
hindi ko siya maintindihan masyado. Nahahati yung utak ko, isa kay Jasper.. at isa
kay Kay. Saka ko na-realize na hindi yata ako ang kausap niya. May tao rin kasi
doon eh. Bigla na lang humarap si Jasper kaya napaatras ako at may tinamaan naman
siyang dumadaan sa hallway. "Pwedeng manligaw?!?" Napahawak na siya doon sa balikat
nung nabangga niya na hindi niya siguro nakita dahil nakatalikod siya. Ako naman eh
nakatayo lang doon at binigay na lang yung support sa kanya. Hinihintay ko yung
sagot. "Sure Jasper, you can court me!"

READERS: this is not included in the story.


References po! Doon sa mga parts na may kinalman sa *text chappie* kung paano
naging si Jasper then si Carlo then si Jasper uli.. hehehe. 1. "Wow! RAZR?"
tumingin siya sa pinsan ko, "Ang cool ng phone mo Kay!" tapos tinignan naman niya,
"Gusto ko nga bumili ng ganito eh, kaya lang mahal walang pambili. Pero ayos din
yung Motorolla L7. Sa ngayon, mag-stick muna ako sa Nokia. After 10 years siguro
makakabili na ako niyan." tinuro niya yung phone ko, este phone ni Kay, at nilabas
naman niya yung kanya... Nokia 2100. "Patingin nga ako." Lalo akong kinabahan nun.
Please naman huwag siyang madayo sa messages! Please huwag naman. Sim card ko pa
yung nanduon sa loob. Please naman... Pindot siya ng pindot doon. Tapos saglit
lang, inabot niya na uli kay Kay. "Cool." (this is the part na nagpalit si Kay at
riel ng phone. Notice the part na hiniram ni JASPER yung phone na Motorolla V3 at
sim pa ni Riel yung nandun. Nagpipipindot siya, kunwari chini-check out niya pero
kinukuha niya yung number.) 2.."Riel, sa iyo ba itong phone na ito?" tapos nakita
ko yung 3315 na hawak ni Carlo. Lumapit naman ako sa kanya. "Err yeah. Saan mo
nakuha?""Doon sa likuran. Baka nahulog mo.""Thanks." nilagay ko na ng maayos sa
bulsa ko (ito naman yung part na nakuha ni Carlo yung phone ni Riel sa shop. Kinuha
din niya ung number. That explains how he got riel's number.) 3. Wala pa sigurong 5
minutes eh tumutunog na naman yung phone ko. Syempre tinatamad-tamad pa akong
nagpipipindot nun. 'dis s janice ryt? si ian 2.' (this is the part na unang nag-
text si Jasper kay Riel. He was pretending to be somebody else.. ang name niya eh
IAN kasi nga nahihiya siya magpapansin kay *Kay* dapat.) He was just playing na
kunwari ligaw na text yun. 4.Nung gabi naman eh nagtext uli si Carlo sa akin.
Syempre, sinave ko na yung number niya. Dati kasi binubura ko lang lahat ng
messages niya eh. Yung unang-una nga niyang text nun na hindi ko pa siya kilala eh
hindi naman ako nag-abala na i-save pa yung number niya. (ito naman, sinsabi ni
Riel na isinave na niya yung number ni Carlo.. as CARLO. Which is right dahil phone
talaga ni Carlo yun.) here's the next one. Kakaupo ko doon, narinig kong nag-ring
yung cellphone ko kaya hinanap ko pa sa bag ko. Nung nakita ko na yung 3315 ni Kay,
tinignan ko muna kung sino yung tumatawag. Napansin ko unknown number. Hindi naka-
store sa inbox ko. (ito yung sa last chap before yung na-post ko. May tumatwag kay
Riel, ito na si Jasper. Lumabas, unknown number. Which means yung number ni Carlo
na ginamit niya para mag-text kay Riel sa theater eh different sa number ni
Jasper.) still confused?
It only means na nung unang beses na nag-text si JASPER as IAN, hindi na-save ni
Riel yung number na yun. So the next time na may nag-text at medyo similar dahil
unknown number at si Carlo na yun, she thought it was the same guy.. so sinave na
niya. She got the wrong number thinking na si Jasper.. eh si Carlo. GULO PA RIN
BA?!???

***25***

"Whoa Mandee!" nagulat si Jasper nung nasa harap niya si Mandee, "Nandiyan ka
pala?" Nakatodo-ngiti naman si Mandee sa kanya. "Oo no! Tinanong mo pa nga ako kung
pwedeng manligaw 'di ba?" sabi niya tapos lalong lumapit kay Jasper. "Oh no.."
umatras si Jasper, "Para kay.." kinamot niya yung batok niya, "Para kay Riel yun
eh." Nagulat naman ako nun kaya hindi ako nagsalita. Para sa akin? Ang alin nga
uli? "Ako?" wala pa ako sa sarili ko nun. "Yeah." tumango si Jasper tapos tumingin
kay Mandee, "Sorry Mandee. Hindi ko alam na nasa likod kita eh." Sumimangot naman
si Mandee tapos umalis sa harapan namin. Ako naman eh hindi pa rin maliwanag ang
lahat, kaya hindi ako nagsalita. Konti lang yung narinig ko sa mga sinabi ni Jasper
kanina, kaya hindi ko alam yung full details. "Pwedeng ulitin uli yung sinabi mo
kasi.." lumingon ako sa likod ko at medyo tinuturo ko yung spot kung nasaan si Kay
kanina kahit wala na siya doon, "May.. kausap ako kanina." Yumuko naman si Jasper.
Sa itsura parang nalungkot na 'di mo maintindihan. "Hindi ka naman pala nakikinig
sa akin may tinatanong pa man din ako na mahalaga...""Hey.. sorry. Ano na nga
uli?""Wala na. Hindi ko na mauulit yun. One time thing lang yun." tapos tinalikuran
niya ako, "Ang tagal-tagal kong pinractice tapos hindi
mo naman pala inintindi. Saka na nga lang!" Naglakad na siya mag-isa. Siraulo na
yun! "Hey Jasper!""Ang hirap-hirap magtanong papaulit mo pa?!? Sana lang 'di ba
nakuha mo na nung unang beses?" halata kong may halong biro yung boses niya. "Sige,
punta muna ako ng cafeteria." then nagsimula na siyang tumakbo. "JASPER! ANO NA NGA
ULI YUN?!?" sumigaw ako doon sa hallway... Teka nga, bakit ko ba pinapaulit sa
kanya??? Narinig ko naman 'di ba? *** After another week, may pera na naman ako
galing sa Daddy ko. Dahil nga sa sobrang iba yung pakiramdam ko kapag sobra-sobra
na yung pera ko, naisipan ko na namang mag-donate sa school. This time, mas maingat
na ako. May inutusan ako na bata para maghulog doon sa donation box. Si Kay naman
ay medyo nagagalit sa akin. Nagdodonate na naman ako as 'A.L.' pero si Mandee naman
daw ang nagiging maganda ang image. Wala naman akong pakialam na doon, siguro dati
nabahala ako. Ngayon... hindi na. Dumating naman yung teacher namin sa Values at
may inannounce siya sa amin. May hawak-hawak siyang papel na dapat daw malaman ng
mga seniors. Ayun, binasa niya sa harap ng klase namin. "Teachers, Kindly inform
the 4th year students..." blah blah.. kasi ang daming ek-ek,"-that we are having a
school 'recollection' that is usually done for seniors. It'll be held at 'The Blue
Lagoon Resort' for 3 days and two nights." Blah blah.. details kung magkano at kung
anu-ano, "--and it is a good experience for our seniors before they graduate.
Please take note that it is not mandatory, but I advice seniors to go. Sincerely,
<insert name here>""Recollection?!?" si Carlo ang unang-unang nag-react, "Grabe,
sound pa lang... nakakatuwa na." sarcastic naman yung pagkakasabi niya. Seryoso
naman yung ibang classmates namin at nag-ingay kung sino ang mga sasama. Syempre
maraming ineterested. Matutulog ka ba naman for 2 days sa isang resort. "Mam!"
nagtaas ng kamay si Jasper, "Ito ba yung ginawa din namin nung elementary na may
orientation at ilang discussion na sama-sama kayo... tapos magku-kuwento ka sa
experiences mo?" nagtanong naman si Jasper. "The same thing, except it's deeper
this time." Humarap ako kay Kay nun. "Sasama ba tayo?" tinanong ko naman siya.
"Ikaw bahala..""Ewan ko.. " Naririnig kong nagbubulungan na naman yung dalawa sa
likuran. Sinabi nung teacher namin na ilalagay daw niya yung sign-up form sa
bulletin kung sino ang gustong sumama. Pumirma na lang doon para sigurado at
magdala na lang daw ng pera for three days. Saturday, Sunday at Monday kasi yun
which is, two days from now. Hindi ko pa rin alam kung sasama ba kami. Recollection
kasi eh. Alam mo na, delikado.
Baka may matanong tungkol sa family ko at school ko dati, at kapag nadulas ako..
patay na. On the other side, it sounds.. alright. Baka pumunta nga sina Jasper eh.
Teka, bakit ba concern ako kung sasama siya? Kahit anong sabi ko sa sarili ko na
wala akong pakialam kung sasama ba siya o hindi, ilang beses akong dumadaan sa
Bulletin para tignan kung nandun na yung pangalan niya. Wala pa rin eh. Nagtataka
na nga si Kay kasi everytime na break namin, dadaan ako uli doon at titignan ko na
naman. "Sino ba hinahanap mo?" nakahalata na rin sya, "Hinahanap mo si Jasper?""Oi
hindi no.." nagsimula na akong maglakad. "Hindi ka dyan.. obvious ba nandiyan ka
lagi?" Sumabay siya maglakad sa akin at tumatawa-tawa. Tama naman siya, tinitignan
ko kung nandun na yung pangalan niya. "JASPER!!!" sumigaw si Kay sa hallway. "Ano
ka ba!" tinapik ko si Kay kaya lang lumapit na si Jasper. Nakangiti lang si Jasper
at tumingin sa akin saglit then kay Kay uli. "Ano yun?""Nag sign-up ka na ba para
sa recollection?" tinanong siya ni Kay. Nanahimik na lang ako. "Hindi pa eh..
bakit?""Wala lang, naisip ko lang." hinila na ako ni Kay. "Sasama ka ba?""I don't
know.." umiling naman siya, "Hindi ko sure." tinignan na naman niya ako for the
second time, "Nag sign-up ka na ba Riel?""Hindi pa nag sa sign-up yung pinsan ko.."
siniko ko siya, "I mean, kami pala.""Really?!?" nagtaka naman siya, "Bakit hindi
pa?" Sasagot pa sana si Kay kaya lang natigilan na siya. Prangka kasi minsan yan...
nadudulas sa mga sinasabi niya. "Walang pera eh.." Na-choke naman si Kay nun.
"Walang pera?!?" patanong pa siya at nilaksan ko yung pagsiko ko, "I mean, walang
pera!" pinalitan niya yung tono na parang sentence na lang. Bigla namang dumating
si Carlo at parang pagod na pagod pa. "Hey Jasper! May pambayad na tayo. Mag sign-
up ba tayo para sa recollection?""Mamaya na yan pwede!" hindi kami nakita ni Jasper
sa gilid. "Hanggang ngayon ba tingin ka pa rin ng tingin diyan sa Bulletin? Sino
bang pangalan ang hinahanap mo?""CARLO SHUT UP!""Sino nga? Half a day ka na tingin
ng tingin diyan..""FINE!" tumingin siya sa akin,
"SI RIEL OK?!?"

***26*** *** Tinulak ako ng malakas ni Kay kaya muntik-muntikan na akong masubsob
doon sa sahig. Tinignan ko nga siya ng masama dahil sumakit yung balikat ko sa
sobrang lakas. "Sus!" nakangiti pa siya, "Pinsan ko pala ang hinahanap mo eh!" sabi
niya na nangaasar pa. Tumayo na lang ako doon at inayos ko yung blouse ko. Si Kay
kasi eh, yan tuloy nalukot. Si Jasper naman eh tumingin na lang doon sa rubber
shoes niya. Narinig ko siyang bumulong nun: 'Yeah, hinihintay ko lang si
Riel..'"Nahihiya na yan si Jasper.." sabi ni Carlo. Lumapit si Kay doon sa Bulletin
Board kung saan ka dapat mag sin-up. May nakalagay doon na pen na may rope para
hindi makuha nung mga nagpupunta doon. Hinila niya iyon at nilagay niya sa kamay
ko. "Mag sign-up ka na.." sabi niya sa akin ng mahinahon. Ako naman eh tinignan ko
yung ballpen sa kamay ko. "Wala ngang--""PERA?!?" sabi ni Kay sa akin, "Pinsan
naman! Alam mo namang may pera!"sinigawan ba naman ako, "Right ARIELLE?" Alam kong
sinadya niya lang yun para hindi na ako magsalita. Tumayo lang ako doon at si Carlo
naman eh may kinuha sa bulsa niya. Sariling pen din niya. Binigay naman niya kay
Jasper yun. "Mag sign-up ka na rin.." nakangiti siya kay Jasper. Katulad ko,
tinignan lang din ni Jasper yung ballpen sa kamay niya. Pagkatapos nun, nagtinginan
kaming dalawa.
After that... Sabay na kaming nag sign-up. *** After two long days, dumating na rin
ang pinakaaabangang School Recollection. Tinawagan ko ang Daddy ko nun, at syempre
eh pumayag naman siya. Bago pa niya ako bigyan ng pera, ilang paalala pa ang
natanggap ko sa kanya. Kesyo dapat daw mag sunblock dahil nakaka-cancer daw ang
araw, huwag daw pumunta sa malalim dahil baka malunod ako samantalang marunong
naman akong lumangoy, o kaya naman tignan daw yung tubig kung marumi. Dumating kami
ng maaga ni Kay sa school at dala-dala na namin yung malalaki naming bags na
punung-puno ng damit. May busses na rin sa labas ng school nun at by-section ang
arrangement ng busses. Dalawang section sa isang bus. Nauna kami ni Kay at ng iba
naming classmate na babae ang sumakay doon sa bus. Nakatingin pa nga ako sa bintana
nung lumabas ng gate ng school si Jasper kasama si Carlo at may dala-dala rin
silang kanya-kanyang bag. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya
ng bus. "Ikaw ba pinsan.." sabi ni Kay na napaatras akos a gulat, "May gusto kay
Jasper?""Bakit ba napaka chismosa mo ha?" biniro ko na lang sya. "Eh bakit kasi
iniiba mo naman yung usapan. Isang tanong, isang sagot... may gusto ka ba sa
kanya?" Napasandal ako doon sa upuan ko at saka ako nakiramdam. Saglit lang eh may
sumandal doon sa sandalan ng upuan ko. "Hi Riel!" kaya lumingon ako doon. Naka-todo
ngiti pa siya. Nag-hi na lang din ako. Tumingin ako kay Kay nun. "Marahil...
siguro... pwede..." seryoso na ako nun, "OO?" Hindi rin naman nagtagal, nag-biyahe
naman na kami. Alam ko kasi, an hour and a half o mahigit ang distance ng Blue
Lagoon mula sa school. Kaya ayun, panay ang kantahan doon sa loob bus at pasahan ng
mga baon. Uso naman na kasi yun eh. Bumaba na kami nung sinabi nung teacher namin
na nakarating na daw kami sa destination. As usual, may small orientation na
ginawa. Magkahiwalay na buildings ang mga babae at lalaki. Yung nasa kanan, mga
lalaki at yung sa kaliwa eh mga babae. Pero dahil magkatapat naman yung buildings
ng mga rooms, kitang-kita mo pa rin yung mga doors. Syempre, pumili na kami ng mga
room. Pinili namin ni Kay eh yung pinakadulo. Unfortunately dahil sa sobrang dami
ng sumama, apat ang assigned per room kaya may kasama pa kami ni Kay. Nung araw rin
na iyon eh pinababa na kami at sisimulan daw nung mga staff ng resort, Values
teachers at pati na rin mga volunteers ng church. Pinagsama-sama kaming lahat at
pinaupo kami sa mga monoblocks doon sa chapel nila. Section by section pa rin dahil
kami-kami daw ang magkakakilala.
"Ok seniors..." sabi nung speaker na babae na hindi ko kilala, "Kapag nag-sign ako
ng ganito.." nag-sign siya na parang peace, "It means you need to be quiet." Tapos
tinaas niya yung dalawang daliri niya kaya unti-unting nanahimik naman. "Nandito
tayo ngayon para sa 'Recollection' niyo. Ilang months na lang, gra-graduate na
kayong lahat at magka-college na kayo. So sa recollection, we're actually
'collecting' " nag-quote siya sa kamay niya, "From the word itself-- our memories.
Then we can actually learn from it. After 3 days, you'll realized how you've grown
up so fast.. and some stuff." bigla siyang ngumiti, dahil nagbulungan... "But right
now, I need you all to write your name on the stickers I provided so it'll be
easier for me to call everyone..." Kanya-kanyang sulat kami nun ng mga pangalan
namin. Binigyan din kasi kami ng markers tapos dinikit namin yung names namin sa
chest. Si Jasper nilagay niya sa upper part ng knee niya kaya hindi kita. "Gusto
niyo na ba mag-start?" sabi nung babae tapos tinapat niya yung microphone sa aming
lahat. Syempre.. maraming sumagot ng OO at may mga ilang pasaway na sumagot ng
HINDI kasama na si Carlo doon. "O sige magsisimula na tayo." tinignan ko yung
babae. Kung papansinin mo, siya yung tipo na kahit high school students, kaya
niyang kunin yung attention.. although.. she's the type of lady na pang 'childrens
party.' Inexplain lang nung babae sa amin na may activities daw kami na gagawin. It
will test our VALUES in life at syempre, may discussion session kami sa kung anu-
anong bagay. Bago kami magsimula nun at dahil tanghali na kaming dumating sa
resort, nauna na sa amin yung lunch. Naupo ako mag-isa doon sa isang puting table
at hinihintay ko naman si Kay. Yung ibang mga kasama namin na hindi na nakatiis eh
nagpalit na ng mga panligo nila at nagtulakan na doon sa pool. Yep.. swimming pool.
Dahil nga sa daming nakapila na kumukuha ng pagkain nila, hindi muna ako tumayo at
hinintay ko muna na kumonti yung tao. Pero dahil nga sa view, parang hindi nauubos.
"Hindi ka kakain?" narinig kong may nagtanong sa akin. "Kakain pero marami pang tao
eh.." Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko kasi siya nilingon nung sumagot ako.
Nakita kong may hawak na siya doon. "Gusto mo ng..." tinignan niya yung dala-dala
niya, "Soup?!?" Err... Soup.. O--K?? "Sure." medyo gutom na kasi ako nun kaya
pumayag na rin ako na akin na yung soup niya. Halata mong mainit pa yung soup dahil
umuusok-usok pa kaya hinipan ko pa. Nung unang sumubo nga ako eh medyo napaso ako.
Kaya ayun, napatigil pa ako sa pagkain ko.
Hindi ko pa nauubos yung soup ko, napansin ko na nakatingin sa akin si Jasper.
"Tsong wala namang ganyanan.." yun na lang ang sinabi ko kasi hindi ako makakain ng
maayos. "You know what? Para sa isang girl na probinsiyana, hindi ka marunong
kumain ng soup.""Anong sabi mo?""Nakikita mo itong butas na ito sa gilid?" tinuro
niya yung maliit na butas doon.."Diyan ka dapat nagsi-sip. That's why there's a
hole." Napatingin ako uli. Akala ko handle. "Alam ko yun no!" nag-snap naman ako sa
kanya pero ginamit ko pa rin yung kutsara,"Eh bakit hindi ka pa kumakain?" Ngumiti
siya sa akin at nag-lean sa table. "Kasi, nasa iyo yung kutsara ko. Hindi ako
makakain." Kasalanan ko pala ganun kaya hindi siya makakain?!? "Riel, gusto mo ba
malaman kung bakit gustung-gusto kitang asarin noon na probinsiyana ka?" Saka naman
ako tumigil sa pagkain ko nun. It wouldn't hurt kung sabihin kong 'OO' no? "Bakit
nga ba?!" tinanong ko naman siya. "Kasi katulad mo ko. Lumaki ako sa farm. Bukid.."
seryoso naman siya nun. "Nanloloko ka ba or what?!?""Seryoso ako." mukha nga, "I
grew up in a farm. Since 7 ako, hanggang 12. Nung nag high school lang ako lumipat
ng city." That's a shocker. "Hindi ko alam yun ah." panay pa rin ang sip ko doon sa
soup. "Akala ko nga nang-aasar ka lang dahil talaga namang prankster ka.""Prankster
ako dahil ineexpect ng lahat na ganun ako..." yumuko siya ng kaunti, "It's like...
they're expecting me to.... be one. Tingin nila.. 'cool' ka." tumingin siya uli sa
akin, "Oo nga pala, tapos ka na ba?""Oo bakit?""Pahiram po.." kinuha niya yung
kutsara ko. Kumain naman na siya nun kaya turn ko naman na manood sa kanya. Ang
bagal nga niya nun eh. Bigla siyang tumingin sa akin ng nakakaloko kaya napaatras
na lang ako bigla. Tinawanan ba naman ako. "Riel..""Yeah?!?" parang ang hilig niya
akong tawagin sa pangalan ko ngayon. "May mahalaga akong sasabihin." Tumayo naman
siya at may nilabas siya sa bulsa niya. Nung tinignan ko, dalawang chocolate bars.
Nilapag niya sa table yung isa, at yung isa eh hawak-hawak niya. "Remember the day
na tinanong kita kung ano sa panlasa mo ang chocolate?" Nag-isip naman ako. Yun
kaya yung nasa shop nun? "Yeah.. I think so.." hindi pa ako sigurado nun.
"Alam ko na kung anong lasa ng chocolate..""Marami naman nakakaalam ng lasa ng
chocolate 'di ba?" umiling na lang ako. "Nakalimutan mo na no?" sabi niya sa akin,
"I said, alam ko na ang lasa ng chocolate.""Yeah, I heard." ang sungit ko naman.
"Alam ko dahil sa iyo.." Dumaan naman si Carlo at tinapik ng malakas si Jasper doon
sa balikat niya. Tinignan lang siya ni Jasper. "Oh come on Jasper... just get to
the point!" tumingin si Carlo sa akin, "He's just saying alam na niya yung lasa ng
chocolate..." tapos natawa siya. "Yeah.. that's right." ngumiti lang si Jasper,
"Binibigay ko sa iyo yung sa akin.." inabot niya yung chocolate bar sa akin.
"Please say YES.""Para saan?!?" Saka ko na-realize, yung chocolate bar nga pala.
"Ooh.. ok.. Sure." kinuha ko naman. Parang natuwa si Jasper nun kaya kakatakot
dahil bigla na lang siya nag-lean bigla-bigla sa side ko and then.. Hinalikan niya
ako sa pisngi.. Nakakarami na ito ah!! Suntukin ko kaya? Bigla na lang tumakbo doon
kasama si Carlo at hindi ko alam kung saan papunta. Now that was weird!!!

***27*** Dumating naman na si Kay nun at tinignan ako. May dala-dala na siyang
pagkain which is medyo late na dahil naman nakakain na ako ng soup. Hindi na rin
ako masyadong gutom nung mga oras na iyon. Napansin kong nakatingin siya sa
direksiyon kung saan tumakbo si Jasper at si Carlo at magkasalubong naman yung
kilay niya. Saka siya umupo doon sa harapab ko.
"Na-pano na naman yung dalawang tao na iyon?" tinuro niya yung likuran niya gamit
yung tinidor niya, "Mukhang malaki na naman ang tama sa utak.""That's too harsh
cousin.." yun na lang sinabi ko sa kanya at binuksan ko yung chocolate. "Don't you
'thats-too-harsh-me-cousin' ah." tinignan niya ako habang kumakain siya,"Hindi ka
ba hina-harass nung mga yun?""Hindi naman.. they were just giving me..." napaisip
ako doon sa hawak ko,"Chocolate." Matapos namin kumain lahat at natapon na yung mga
pinagkainan namin sa basurahan, umakyat muna kami sa taas doon sa may room namin
dahil mamayang hapon na daw sisimulan yung recollection. Yung iba kasi eh nagswi-
swimming pa kaya pinayagan na nila. Nagising naman ako nung hapon dahil binagsakan
ako ni Kay ng unan sa mukha. Tinatawag daw yung mga seniors sa baba at may ibibigay
daw sa amin na kung ano. Dahil nga kagigising ko pa lang nun, medyo wala pa ako sa
mood magisip-isip at lalunglalo na wala sa mood maglakad. Hinila lang ako ni Kay
hanggang sa baba doon sa maraming monoblocks at naupo ako doon. May hawak na
microphone uli yung babaeng nagsasalita kanina. Tinignan ko lang siya at may mga
kulay pula siyang papel na hawak at yung isa eh kulay brown. "Seniors, itong mga
hawak ko eh dalawang magkaibang bagay. Yung brown na korteng maliliit na kamay eh..
'Slaps'. Bibigyan ko kayo ng limang slaps para kung may sa tingin kayo na ginawa ng
isang tao na hindi maganda, ilalagay mo yung reason doon sa line at ididikit mo
doon sa katapat ng name ng taong bibigyan mo. Hindi mo kailangang ilagay yung name
mo, anonymous dapat." tinaas naman niya yung pula,"Ito naman na korteng lips eh..
'Kisses'. Kapag may mabuti sa iyo na ginawa yung classmate mo o friend mo, ididikit
mo naman yung kisses sa tapat ng name niya. At the end ng recollection, titignan
natin yung pinakamaraming kisses at siya yung mabibigyan ng award. At titignan
natin yung pinakamaraming slaps..then.. ilalagay natin sa hot seat." May
nagtatawanan naman doon sa likuran ko kaya hindi ko masyadong maintindihan yung
sumunod na sinabi nung babae. Nung lumingon ako, yung dalawang ewan pala. "Ilalagay
ko lahat ng slaps ko sa 'yo!" sabi ni Jasper, "Bakit kaya slaps? May mga lalaki
kaya dito!""Ayos lang yan, outnumbered naman tayo eh.." nag-inarteng bading si
Carlo. Napatingin siya sa akin, "For sure, may limang kisses ka na Riel." Tinignan
siya ni Jasper at humawak sa balikat niya. "Anong sinabi mo?!?""Sabi ko may limang
kisses na siya na sigurado.." tinignan naman siya ni Carlo. Biglang yumuko na lang
si Jasper. Ayaw na niya ipakita mukha niya sa akin. After that, binigyan nga kami
ng limang slaps at limang kisses. Hindi mo pwedeng ibigay sa sarili mo yung kisses
or slaps dahil may certain number yun. Tignan lang nila yung number, alam nila kung
kanino galing pero hindi nila ire-reveal. Pinagharap-harap kami nun. Unang-unang
tinuro sa amin eh yung... TRUST. Siyempre sa mga ganyan alam mo na yung madalas
ginagawa para sa test of trust. Yung babagsak ka tapos sasaluhin ka nung kasama mo.
Ka-partner ko nun si Kay, kaya medyo kinakabahan ako. Mas matangkad kasi ako sa
kanya at dahil babae siya, baka di niya ko kayanin. At least siya medyo maliit-liit
kaya ko naman. "Kay naman huwag mo akong ibabagsak ah!" sinabihan ko siya nung
naka-ready na ako sa harapan niya.
"Kaya nga inimbento 'to.. para sa trust 'di ba?""Yun nga eh wala akong trust sa
iyo!" pero pabiro lang naman yun kaya tumawa rin si Kay. Nagbilang naman na yung
babaeng nasa harapan namin at at the count of three daw, babagsak na kami.
"1...2.." nung naka-two na, may narinig akong nagsalita sa likod ko. "Three.."
Hindi ko tuloy ako natumba. Napatingin ako sa likod ko. Dahil nga kitang-kita doon
sa buong chapel na ako lang yung nakatayo maliban doon sa mga sasalo, lumpait yung
babae sa akin. "Miss.." tinignan niya yung name ko, "Riel.. go..""Pwede po bang.."
pwedeng ano? Bakit si Jasper pumalit kay Kay? Tumalikod ako nun. Hindi ko kaya 'to.
Hinihintay ako nung babae na bumagsak doon sa likuran ko. "Please huwag mo akong
ibagsak.. please huwag naman..." bumulong-bulong na lang ako ng paulit-ulit. "I
won't let you fall Riel. Trust me.." Trust him daw?? Do I really?.. close your
eyes... AAHHHHHHH! Then... wala na. Bumagsak na ako doon na parang wala lang.
Pagdilat ko nun, nakangiti siya sa akin kaya tinulak ko nga. "Sabi ko nga eh tapos
na.." yun na lang sinabi ko. Tumayo naman ako tapos siya eh medyo nakaluhod pa.
Bigla namang may nag-asaran na mga classmate namin kasi kami lang yung pinakahuling
gumawa nun. Tinignan ko si Kay na nakacross finger pa. "Lagot ka sa akin!" "I owe
her alot.." narinig kong bumulong si Jasper sa akin. "Sino?""Si Kay.." Nagtaka
namana ko sa kanya kaya tinitigan ko lang siya. "Kasi kung hindi dahil sa
kanya...""Hindi ko marerealize na mas mahal ko pala yung tulay kaysa sa kanya..."
***28*** Hindi ako makapagsalita nun. For some reason, tinitigan ko lang siya at
wala akong masabi. Sinasabi niya ba sa akin na... "Sinasabi mo ba na..." hindi ko
matuloy yung sasabihin ko. "Ano ba sa tingin mo ang sinasabi ko?" binalik niya sa
akin yung tanong. "S-sinasabi mo na.. mah--," itutuloy ko ba? "Na... mahal mo yung
tulay." Ngumiti siya sa akin tapos bigla akong tinapik sa balikat ko. Akala ko kung
anong gagawin dahil lumapit siya ng lumapit sa akin, then dinikit niya sa noo ko
yung isa sa limang 'kisses' niya na galing doon sa babae kanina. As usual, nag-
asaran na naman pero nag-continue na kami sa activity namin. Si Kay eh ginulo pa
nga yung buhok ko at si Carlo eh inaasar din si Jasper nung magkasama na sila.
Mahal ni Jasper yung tulay... hindi yung nasa kabila ng tulay. Ain't that
something? Eh ako? Mahal ko ba yung gustong tumawid ng tulay??? Ewan ko. Ang gulo
ko rin no? Siguro nga matagal ko nang alam yung sagot doon, hindi lang ako
sigurado. Basta sa ngayon ang mahalaga... HINDI AKO NATUMBA!!! *** Kinagabihan nung
first day namin, bandang 6 o'clock na yata nung pinatawag na naman kami para bumaba
sa mga kwarto namin. Ang nakakahiya pa nun eh maaga akong nagPj's kaya nagpalit na
naman ako ng denim shorts at blouse para naman hindi ganun yung itsura ko. Kitang-
kita mo na nagsisibabaan sa hagdan yung mga lalaki sa kabilang building at casual
na rin yung mga pansuot nila. Ano ba naman kasi ang activity ganitong maggagabi na?
Pinadiretso kami doon sa damuhan nung resort malapit doon sa basketball court. May
kung anong maliwanag na kitang-kita mo malayo pa lang. Si Kay din eh walang idea
kung ano iyon, kaya binilisan na lang namin yung lakad. May mga nauna nang seniors
doon sa damuhan at nakapaikot sila doon kumpul-kumpol na damo at kahoy. Sa unang
tingin mo eh parang campfire na yung nasa gitna. Pero hindi nag-aapoy eh. Maliwanag
lang at mainit. Naupo na kami ni Kay doon sa gilid. Nung natapat kami doon sa
parang campfire, nakita namin na may kandila doon sa ilalim pero hindi naman
nasusunog yung damo. Ang weird?!? Para saan naman yun? Nag-settle na lahat doon na
nakapaligid doon sa campfire 'kuno' at may mga teachers na rin sa gilid. Nandun na
naman yung pinaka-speaker ng program, yung babae uli kanina. "Seniors, hindi ba
kapag nagka-camp kayo eh may mga campfires? This one is just an improvised
campfire. Hindi kasi tayo pwedeng magsunog dito sa resort eh kaya nag-
create na lang kami na ganun din naman yung spirit, at ganun din yung dating." May
hawak siyang stick na pinangtutulak niya nung damo, "May tatlo na kandila doon sa
ilalim nung damo. It represents three things: Family, Friends, and our Special
Someone." syempre nag-ingayan na naman dahil doon sa pangatlo, "Nakikipagtalo sa
akin yung ibang seniors na nauna dito kanina at mas gusto daw nilang tawaging CRUSH
lang." May nilabas siyang isang bowl na may lamang tatlong bola na iba't ibang
kulay. Red, blue and Yellow. At eto na naman ang explanation niya.. "Papaikot,
bubunot kayo dito. Kapag ang nakuha niyo eh Yellow, magkukuwento kayo ng mga
memories niyo about your family, kapag blue eh sa friends mo at syempre Red kapag
sa special someone." hinawakan niya yung bowl, "Para fair sa lahat, ako ang
magsisimula." Nakatingin lang kami sa kanya habang bumubunot siya doon sa bowl.
Nakuha niya eh, yellow. Nagkuwento siya tungkol sa family niya na noon daw at may
umuwi daw silang kamag-anak galing sa America, nagkaroon daw sila ng Grand Reunion.
Dahil nga daw maliit yung bahay nila, may natutulog na daw sa sahig, sa library, sa
kusina.. pero wala naman daw sa banyo. Kahit daw na hindi lahat naging comfortable
sa pagtulog, naging masaya daw sila. Nagkaroon pa nga daw sila ng contest ng
spelling at nanalo daw yung mga laking Pinas kaysa sa mga lumaki ng America. Paikot
naman yung pagkukuwento. May isang babae pa nga na ang nabunot eh RED kaya medyo
nahihiya pa siyang nagkuwento. Sa high school daw kasi kadalasan niyang ginagawa eh
hindi siya nagpapahalata sa crush niya. Kaya daw nung field trip nila noon at
nakatabi daw niya yung crush niya, tuwang-tuwa daw siya at ang nakakahiya lang daw
eh nakuhanan daw siya ng picture na nakanganga habang nakatulog. Marami pang
nagkuwento nun, at dumating naman yung turn ni Kay. Nabunot niya eh yellow din.
"Family ko? Simple lang. Sa katunayan kung magiging open ako ngayon.." tumingin
siya sa akin saglit, "May isa akong pinsan na talagang kinaiinggitan ko simula bata
pa ako. Maganda, matalino.. nakukuha niya yung gusto niya. Madalas ko nung ikumpara
yung pamilya ko sa kanya. Ano ba kami? Muntik-muntikan ng maputulan ng kuryente
dahil hindi na kami makapagbayad. Yung tatay ko nawalan ng trabaho nung nagsara
yung pinagtratrabahuhan niya. Nung wala nga kaming pera nun, dumating yung point na
pati gatas inuulam na namin.." tinitigan ko talaga si Kay nun, "Mahirap pero sama-
sama naman kami. Tapos recently ko lang na-realize na yung pinsan ko na yun, meron
din pala siyang mga bagay na hindi niya ikinakasaya. Naisip ko na hindi ako dapat
mainggit sa kanya dahil pare-parehas lang tayong may mga bagay na hindi nakukuha.
Naisip ko na dapat lang naming gawin eh suportahan ang isa't isa kapag kailangan
namin." Tumigil na rin si Kay at medyo naluluha na siya. Gusto ko sana siyang
yakapin pero hindi ko na lang ginawa dahil baka may makahalata na ako yung
tinutukoy niya. Instead, pinasandal ko na lang siya sa balikat ko at alam na niya
yung ibig sabihin nun. Nagkuwento rin yung isang lalaki na hindi ko alam kung anong
section tungkol din sa family niya. Panay yellow kasi yung nabubunot eh. Hindi nga
maintindihan yung kwento niya kasi tawa siya ng tawa. Parang siya lang yung
natutuwa sa kwento niya. "--tapos nakita namin na may pula na siya sa ilong.."
tumawa siya, "Kinabukasan dumating yung aso..." tawa na naman uli, "Nakita namin na
may daga pala.." tawa siya ng tawa hanggang sa natapos siya. Wala akong
naintindihan sa kwento niya maliban sa keywoards: Mapulang ilong, aso at daga. Ang
gulo! Oh well..
Bumunot naman si Carlo nun at nakuha niya eh color Blue. Kailangan niyang magkwento
about sa friends niya. "Nakilala ko yung kaibigan ko nung nagsuntukan kami nun sa
tapat ng bahay nila dahil sa isang babae. Mga bata pa kami nun at may kapitbahay
kami na mas matanda siguro sa amin ng mga limang taon. Dahil nga parehas kaming
nasa tapat ng bahay nun at hinihintay namin siyang lumabas, nagkakaselosan na
kaming dalawa. Sinabihan pa nga niya ako ng.. 'Girlfriend ko na yun!' at ako eh
sinagot ko siya ng'Asawa ko naman na!' pero walang gustong magpatalo sa amin kaya
nauwi sa suntukan.." medyo natawa kami nun kasi away-bata yung kinukuwento
niya,"Anyways, yun nga sa ganun kami nagkakilala. Nabigyan niya ako ng blackeye
nun, at siya eh nagasgasan ko sa mukha. Ewan ko ba kung anong nangyari dahil
parehas na lang kaming tumatawa nun at hindi na kami makasuntok. Hanggang ngayon,
magkaibigan pa rin kami." Tumingin si Carlo nun sa paanan niya at saka ko napansin
na baliktad yung tsinelas niya. Siraulo din talaga itong si Carlo! "High school na
kami ngayon. Pero yung away-bata na yun siguro ngang madadala namin. Signal na nga
siguro namin yun sa isa't isa para sabihing 'matauhan ka naman!'. Lately
nagsuntukan kami uli." tumawa naman siya, "Pero hindi kami magkaaway. Way lang
namin yun para matauhan ang isa't isa." Nung matapos si Carlo nun eh pinasa na niya
uli yung bowl para makabunot naman si Jasper. Eto na naman ang mahiwagang YELLOW at
tungkol sa family naman niya yung ikukuwento niya. Kinabahan naman ako nun. Next na
pala ako sa kanya at kapag yellow ang nabunot ko, kailangan ko na namang
magsinungaling. Siguro nga dapat ibang kulay na lang mabunot ko. "Sa totoo lang
wala akong masyadong memory sa family ko. Lumaki kasi ako sa uncle ko sa isang
malayong lugar..." tumingin siya sa direksiyon ko. Nung una eh hindi ko pa alam
kung bakit siya tumingin sa akin, yun pala eh naalala ko yung kinuwento niya
kanina. Lumaki siya sa probinsiya at walang nakakaalam nun. Kaya pala napaka in-
general ng lugar niya. Nakayuko na naman si Jasper nun at halata mong nakikinig sa
kanya lahat. Ewan ko ba kung bakit maraming interested sa number 1 prankster ng
school. Siguro hindi lang sila sanay na nkikita siyang seryoso dahil madalas siyang
pala-tawa sa school. Tinuro niya yung puso niya gamit yung right index finger niya.
"My parents died when I was three. One day before ng birthday ko." tumango-tango
siya mag-isa nun at iba na yung pagtingin niya doon sa apoy na nasa harap niya.
Tapos inalis na niya yung daliri niya sa puso niya, "May isa akong kapatid. He died
when I was 7. Leukemia. An hour before kong na-receive yung award ko as first honor
nung grade 1 ako. Galing siya sa hospital nun, pumunta lang sa recognition day ko."
nag-iba yung pakiramdam ko nun, medyo nalulungkot na ako, "After that, I was
considered an orphan. Kaya ako lumaki sa uncle ko. TIME. That's all I need to be
happy." yun yung sinabi niya na hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, "At yun
din ang madalas tinuturo sa akin ng uncle ko. 'Mahalaga ang oras, kaya dapat wala
kang sinasayang', o kaya naman... 'Hindi mo na maibabalik yun, gustuhin mo man'.
And he's right. He's always been. Siya na yung tumayong tatay ko nun at yung auntie
ko ang naging nanay ko. Sama-sama kami kapag kumakain, kung may kailangan ako
nandiyan sila. And now I'm here... nagkukuwento sa inyo. Utang ko sa kanila kaya
ako nandito." Pagkatapos niyang magkwento eh walang nagsalita kaagad. Lahat ng
seniors pati yung speaker na babae eh hindi rin nakapagsalita. May nakita pa nga
ako na mga babae na nangingilid yung luha, pero ako hindi ako umiyak. Hindi ko alam
na ganun pala siya katapang... ganun na rin yung naranasan niya sa buhay.
Inabot niya sa akin yung bowl at ako naman na yung bubunot. Huminga ako ng malalim
at wish ko na sana huwga naman sana tungkol sa family ko ang mabunot ko at ayoko
nang mag-imbento ng sasabihin ko. Sa sobrang tagal ko at kapapaikot ko nung
binubunot ko, I ended up with a red. "Red?!?" tinignan ko lang yung hawak ko.
"Special someone." niliwanag nung babae sa akin. Alam ko naman na yun yung ibig
sabihin nun. I just didn't think that I would... I would have this one. Ang tagal
kong nakatingin lang sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung anong ikukuwento ko.
Lahat sila nakatingin din pabalik sa akin at pakiramdam ko masyado na akong on the
spot. "Madalas kapag tinatanong ako kung sinong hinahanggan ko madalas kong
sinasabi eh artista. Sinasabi rin nila sa akin na masyado daw akong corny dahil
hindi pa rin ako umaamin sa mga kaibigan ko. Recently, may isang taong sobrang
close sa akin na nagtanong kung mahal ko ba yung isang tao... saka ako napaisip.."
ngumiti na lang din ako sa side ni Kay, "Mahal ko nga ba? Hindi ako sigurado sa
sagot ko. Baka kasi kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, parang kapatid... o
sadyang natutuwa lang ako kapag nandiyan siya. Matagal akong nakiramdam, at ngayon
ko lang sasagutin yung tanong ko..." huminga ako ng malalim, "At least may alam ako
na isang bagay. Sa lahat ng ginawa ng tao na iyon para sa akin, alam ko na marami
pa rin akong hindi alam sa kanya." tinignan ko si Jasper nun, "I love him enough
that I'm willing to get to know him better." ngumiti ako nun at nakatingin na siya
sa akin, "At gusto ko lang malaman niya na yung bridge eh binibigyan siya ng sapat
na time para patunayan yung totoong siya...""You can have all the time you need
Jasper..."

***29*** Ewan ko na kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko yun. Siguro nga
nagulat ako, pero nandun na yun at marami na ring nakarinig. Bawiin ko man siguro
wala nang maniniwala. Sabagay kung babawiin ko naman, sinong niloloko ko? Oh
yeah... MYSELF. Pinasa ko na rin yung bowl nun na may bunutan. Tinignan ko lang din
si Jasper at tumingin din siya sa akin. Bago pa siya yumuko, umiling-iling pa siya
habang nakangiti. Yung pagkukuwento namin tungkol sa mga experiences namin eh
tumagal ng tumagal hanggang sa lahat eh nakapag-kwento na. Binigyan kami ng snacks
at pagkatapos nun eh isa-isa na kaming pinaakyat para matulog dahil maaga pa daw
kaming gigising bukas. Sabay na kaming umakyat ni Kay nun. Nakatingin siya sa akin
na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya.
"You cracked up!! Alam mo yun?!?" akala ko naman galit, bruhang 'to ginulat pa
ako!"Nabasag?!? Gets mo?""Anong ibig mong sabihin?""O sige gusto mo paalala ko,"
nag-isip naman siya, then nagmaliit na boses, " 'You can have all the time you
need.. JASPER' parang ganun.. naalala mo na?""Yun ba?!? Tingin mo ba mali yung
ginawa ko?" naguguluhan na talaga ako. "ABSOLUTELY-!!!" sabi ni Kay sa akin.
"Ganun?" dapat pala hindi ko na ginawa. "-NOT. Ano ka ba girl, ang taray nung
ginawa mo no! Tara nga dito!" tapos niyakap niya ako na sobrang higpit at ginulo
yung buhok ko. "Kailangan bukas ayusin mo yang kilos mo. May nanliligaw pala sa iyo
hindi mo sinasabi sa akin!" Natawa na lang ako sa kanya. Pagkatapos niyang yumakap
sa akin eh tinignan lang namin ang isa't isa. "Anong plano mo? Sasabihin mo sa
kanya na... ikaw eh you-know-what?!" Sumandal ako nun sa dingding at naguluhan din
ako. "Oo." yun ang una kong sinagot, "Pero hindi muna ngayon. Siguro naman
malalaman ko kung kailan ang tamang oras para doon 'di ba?" *** Umagang-umaga pa
lang eh nagising ako nung may narinig ako na may kumakatok sa pintuan namin. Kahit
na alam kong puyat na puyat pa ako at medyo pumipikit-pikit pa yung dalawang mata
ko eh tumayo pa rin ako. Tinignan ko yung tatlo pang kasama ko doon sa loob ng
room. Katabi ko kasi si Kay sa kama at hindi man lang nagising doon sa katok.
Yakap-yakap pa niya yung unan na parang ang sarap-sarap ng tulog. Yung dalawang
classmate din namin na nasa kabilang kama eh mga tulog mantika rin. Magkapatong pa
yung dalawang paa niya at nahulog na yung mga unan nila. Hay naku.. hindi naman
halata na malikot sila matulog no?!? Kinamot ko pa yung ulo ko nun bago ko binuksan
yung pintuan. Nasilaw naman ako nung may maliwanag na ilaw na tinapat sa akin at
hindi ko malaman kung sino yung nakatayo doon. Saka lang niya inalis yung nasa
harap ko, flashlight pala. Sa labas eh madilim pa. "Girls, gising na." yung isa
lang pala sa mga teachers. Tinignan ko yung wall clock na nakasabit doon sa
pinakadulo ng room. "Mam, it's only 4:30." grabe naman ito ang agang manggising.
"Exactly, 4:30 na kaya bumangon na kayo." Ang dilim pa talaga sa labas kaya pala
nagfla-flashlight siya. Ako naman eh nakipagtalo pa doon sa teacher. "Yung araw nga
po hindi pa bumabangon bakit kami babangon---" hindi ko natapos yung sasabihin ko
kasi bigla niyang nilaksan yung boses niya. "7:00 ANG CALLTIME KAYA TUMAYO NA
KAYONG APAT DIYAN AT MALIGO NA KAYO!!!" Nagising bigla-bigla yung diwa ko. Grabe
naman yun. Napasaludo tuloy ako na parang member ng army.
"Mam yes mam!" Ginising ko na yung tatlong kasama ko at binato pa ako ng unang para
paalisin ako. Pero syempre dahil hindi ko naman sila tinigilan kaya hinila ko pa
yung paa ni Kay. Tumayo rin naman siya. "Ano ba naman yan Riel ang aga-aga pa!"
Dahil nga ang bagal-bagal pa nilang kumilos nun eh nauna na akong bumaba sa kanila.
Nakita ko na may mga gising na rin pero hindi pa ganun karami at halata mong tulog
pa yung karamihan. Grabe talaga yung calltime. Anong oras na nila kami pinatulog
kagabi tapos ngayon 4:30 dapat gising ka na?!? Ayoko na mag-take ng chances ko
maya-maya dahil marami nang maliligo sa bathroom kaya kinuha ko na yung mga gamit
ko para makaligo na rin at makapag-bihis. May mga ilaw naman doon sa binababaan ko
kaya ok lang na maglakad ako mag-isa. Syempre, naligo na ako doon sa girl's
bathroom. Ang lamig nga ng tubig kaya ang tagaltagal kong nakaligo. Hinahanap ko
kung may hot water man lang, wala talaga eh. Minsan namimiss ko rin yung bathroom
sa bahay namin nila Daddy. Gustuhin ko ng certain temperature para sa tubig, nandun
na yun. Pero ayos na rin ito. Nung matapos akong maligo eh naririnig ko na may mga
nag-iingay na sa labas at mukhang marami nang gising. May mga nagbukas na rin ng
shower at mga nagsimula na ring naligo. Buti na lang ako eh tapos na at hindi ko na
kailangang makipagsiksikan sa kanila. Naka-denim shorts lang ako nun na above the
knee pero hindi naman sobrang ikli. May anklet lang ako at flipflops, ayos na. May
sunglasses din ako na nilagay ko sa ulo ko. Nakababy-blue naman ako na blouse. Ang
daming nagkalat na Seniors nun. Nakita na rin ako nila Kay dahil napansin nila na
tapos na ako. Naglalakad pa lang ako doon sa gilid ng pool nung may narinig naman
ako na nagsalita sa likod ko. "I love your outfit Riel.." tapos narinig kong tumawa
siya. Teka, tumawa? Does that mean... ang pangit ng outfit ko? Iniinsulto niya ko?
Ganun ba yun? "Ok fine kung pangit yung outfit ko sabihin mo na.." nakatalikod pa
rin ako nun. "I told you I love it.." inulit pa niya. Hindi ko alam kung maiinis pa
ako kaya kahit na nakalagay pa sa balikat ko yung tuwalya ko eh humarap na ako sa
kanya. Dala-dala ko rin yung maliit na bag ko kung saan ko nilagay yung gamit na
pinagpalitan ko. Nakapamewang pa ako nun. Pagharap na pagharap ko sa kanya eh hindi
ko alam baka nanlaki na yung mata ko sa sobrang gulat.. "HOLY COW!!!" napaatras
naman ako nun. Kung titignan mo nun eh parang nag-usap kami kung anong susuotin
namin. Naka denim shorts din siya pero below the knee naman, naka-blue na shirt,
black slippers, at may shades din siya pero nakasabit naman sa shirt niya. Ang
kaibahan lang, may necklace siyang itim at ako naman eh anklet sa paa.
"Ginaya mo ba ako?" tinuro ko naman siya. Ngumiti siya uli. "Ngayon nga lang kita
nakita simula kagabi sasabihin mo ginaya kita?" tumawa na naman siya, "Coincidence
siguro.""There's no such thing as coincidence.." sinabi ko na medyo naiirita pa
ako. "Paano mo nalaman?!?""I just... know." oo nga paano ko ba nalaman yun? "Fine.
Ayaw mo ng coincidence..." nag-isip naman siya, "We think alike.""Magpalit ka
na..." sinabi ko talaga yun sa kanya? Siya naman ang lumapit sa akin at napatingala
tuloy ako sa sobrang lapit. "Bakit naman ako magpapalit eh kasusuot ko pa lang
nito?!?""It took me almost an hour sa bathroom.. alangan naman ako ang magpalit?!?"
tinuro ko siya lalo. "Ano bang problema sa outfit?!?" Ano ba naman itong tao na
ito? Hindi niya alam kung anong problema doon sa outfit?!? Ako syempre alam ko..
"Basta magpalit ka! We look almost... the same." almost lang naman... "So?!? We're
not twins!" pilosong ito! "So-so ka diyan! So-sohin mo ang mukha mo! Alam mo ba
kung sino lang ang nagsusuot ng parehong damit?!?""O sino?!?" nakikipag-away ba
siya sa akin eh o nakikisakay? "Mga cou--" iniwas ko tingin ko. "Never mind. Basta
magpalit ka, sabi ko.""Cou--ples?""NO?!?" deny pa ko. I totally meant to say..
couples. Dahil nga medyo naasar na rin ako nun eh hindi ko napansin na may tao na
pala akong naatrasan kaka-atras ko kay Jasper. Kasi naman eh bakit ba parehas pa
kasi kami ng suot eh! Well.. almost. "What do we have here?" narinig ko si Carlo sa
likod ko dahil naatrasan ko siya. "LQ?""LQ?!?" tinaasan ko siya ng kilay ko. "Yun
na rin term sa inyo 'di ba? You like her, you like him.." tinuro niya kami ni
Jasper."Teka... bakit parehas yata kayo ng suot? Nag-usap kayo?!?""HINDI!"
sinigawan ko talaga siya. Hinawakan niya yung tenga niya. "Easy Riel, kaharap mo
ko.." sabi ni Carlo sa akin. "Ano bro?!""Nope. Hindi kami nagusap." nag-cross arms
si Jasper pero halata mong natatawa-tawa siya. "O ano ngayon pinag-aawayan
niyo?""SINABI KO KASI MAGPALIT SIYA BAKA KASI ISIPIN NG MGA TAO.." Natawa rin si
Carlo nun. As in, tawang namumula na yung mukha niya. "Sinabi ko bakit naman ako
magpapalit, e di siya na.." tinuro ako ni Jasper. "Siya yung lalaki ako yung babae
ako pinagpapalit niya?!?"
Panay ang lipat ng tingin ni Carlo sa akin, then Kay Jasper. "KNOCK IT OFF!" sabi
ni Carlo kaya napahinto kami ni Jasper. "Para yan lang pipnagaawayan niyo pa?"
Tinignan ko si Jasper nun. "Sino bang maysabi na nag-aaway kami?!?""Ano pa pala
yung ngayon!?" tinanong ako ni Carlo, "O sige.. para walang away ganito na lang..."
Lumapit si Carlo sa amin at hinawakan niya yung balikat ko at balikat din ni
Jasper. Nakatingin lang kami sa kanya ta mukhang magbibigay ng comment niya.
"Syempre para tabla, mas mabuti siguro na..." HIndi naman namin inaasahan na
lalagyan niya ng pressure yung pagkakahawak niya kaya nagulat kami ni Jasper bigal
nung tinulak niya kami ng sabay. Nahulog kami parehas doon sa pool.
"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!" nakainom yata ako ng tubig nun kaya humawak ako doon sa
tiles sa gilid. "Bakit mo ginawa yun?!?""CARLO!!! LAGOT KA SA AKIN!" halata mong
galit na si Jasper nun. Humawak din siya sa tile sa gilid at hinawakan niya ako sa
likod ko dahil panay na ang cough ko nun. "Ok ka lang?!?" Si Carlo eh mukhang
tuwang-tuwa pa sa nakikita niya. "Hindi nakakatawa Carlo.""Tingnan niyo yung itsura
niyong dalawa. E di tabla na kayo... parehas kayong magpapalit.." tapos may nilabas
siyang digital camera. "Say.. CHEESE!" Pipigilan sana ni Jasper si Carlo at humawak
na siya doon sa tiles doon sa gilid para makaahon na siya. Kaya lang nag-slip yung
paa niya napahawak siya sa akin. HE DRAGGED ME DOWN. The heck. OH GREAT!!! NOW WHAT
DO WE HAVE HERE?!? A cute picture?!?!

***30*** This time talaga, nakainom na talaga ako ng tubig dahil sumigaw ako tapos
hinila niya ako pababa. Kadiri talaga. Hinawakan kasi ako ni Jasper sa kamay ko.
Dahil mas matangkad siya sa akin at halata namang mas mabigat, nahila ako pababa.
Ang higpit ng hawak niya nun kaya hinawakan ko yung kamay niya at pinilit kong
alisin yung kamay niya. Nawawalan na ako ng oxygen... HEEEELLLPPPP! Ayun, naalis ko
naman. Hingal na hingal ako nun. Si Jasper hindi ko na napansin. Baka ayun,
nagpakalunod na sa kailaliman ng swimming pool. Humawak uli ako doon sa gilid. Kaya
lang pagtingin ko... "Whoa.. bakit may dugo dito?" tinuro ko yung nasa gilid ko
habang nagka-cough pa ako. "Ano yan?!?" tinanong ko si Carlo. "Ewan ko..." tapos
umupo siya doon malapit sa akin, tapos tumingin siya doon sa pool.. nagulat na lang
ako nung sumigaw siya ng.. "BRO!!! BRO!" inalis niya yung t-shirt niya kaya lang
napatingin na ako doon sa likod ko. Naka 'Dead Man's Float' si Jasper. "Oh my God
anong nangyari?!?" tapos lumangoy ako doon sa direksiyon niya. Hinawakan ko siya
doon sa sa t-shirt niya at hinila ko siya. Tatalon dapat si Carlo kaya lang
sinabihan ko siya na huwag na at kaya ko siya. Tinulungan niya na lang akong iangat
si Jasper doon sa gilid. Bumilis yung tibok ng puso ko nun. "Huwag mong sabihin sa
akin na nalunod siya?!?" nanginginig na yung boses ko nun."Hindi ba siya marunong
lumangoy? Kasi kung alam ko lang 'di ba hindi ko na inalis yung kamay niya..." Si
Carlo nun eh medyo namumutla na yung itsura. "Bro.. bro.." panay ang tapik niya sa
pisngi ni Jasper, "Bro ayos ka lang?!?""Nalunod yata siya eh!!!" sumigaw ako doon,
"Sabihin mo na sa kanila..""Hindi siya nalunod Riel!" sumigaw si Carlo sa akin,
"Nag competitive swimming na siya before, imposibleng malunod siya." Tinapik-tapik
siya ni Carlo sa pisngi niya. Nagulat na lang ako nung biglang nag-cough din si
Jasper. "Hey ano ba! Bakit mo ko sinasampal?!?" nag-cough na naman uli. Yumuko ng
kaunti si Jasper. "Nakainom ako ng tubig..." tapos hinawakan niya yung tuhod niya,
"Ou--""Ano bang nangyari sa iyo?!? Parang nalunod ka ah. Hindi ka na kumikilos.""I
felt numb you jerk!" sinabi niya kay Carlo tapos tinulak niya ng malakas, "See
that?!?" Pinakita niya yung paa niya at nakita ko na may malaki siyang cut doon.
Panay pa man din ang dugo. "May broken tile pala doon sa gilid. Nasugatan ako. Kaya
napahawak ako kay Riel.."tapos tumingin siya sa akin. "Lagyan mo na ng gamot yan,
baka ma-infect.""Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa iyo." sabi ni Carlo na
nakatawa pa,"Nasugatan ka lang pala..""I told you I felt numb.." sabi ni Jasper na
halata mong naiinis na.
"Concern na concern pa man din si Riel.." sabi niya, "Ima-mouth-to-mouth ka na niya
sana eh.." Nagulat ako doon sa sinabi niya kaya hinampas ko rin siya ng malakas.
"Ano ka! Wala akong sinabi ah!""Hayaan mo na si Carlo, Riel. Baliw yan.." tapos
tumawa siya ng nakakaloko, "Riel nalulunod ako!!!" hawak niya kunwari yung leeg
niya. Ganun pala ah... BINATUKAN KO NGA NG MALAKAS! *** After that, alam kong
inalalayan na ni Carlo si Jasper para gamutin yung sugat niya sa paa. Ang laki
talaga. Ni-ayaw ko ngang tignan kasi panay dugo na yun. Ako naman eh nagpalit na
ako doon sa taas kasama si Kay. Tinanong pa niya ako kung anong nangyari sa akin at
mukha daw akong basang sisiw, kaya sinabi ko nahulog ako sa pool. Kinuha ko yung
black t-shirt ko na nasa bag ko, at yun na lang ang sinuot ko. Ayun, nagpantalon na
lang ako. Dahil nga sa may na-accident doon sa sirang tile sa pool, pinagbawalan na
lahat na maligo doon at baka sa susunod eh meron na namang masugatan. Responsible
naman yung resort doon, at kung ano mang pag-areglo ang gagawin nila sa school at
sa parents (aunt and auntie) ni Jasper, ewan ko na. Tinuloy pa rin naman yung
recollection. Besides, second day pa lang namin ngayon. Hanggang bukas pa kami
dito. Nakaupo na kami doon sa monoblocks uli sa may chapel nila at nakita ko na
dumarating na naman si Jasper. Halata naman na may sugat siya kasi naka tsinelas
lang siya at nagli-limp. Nung kumpleto na kami, saka lang nagsalita yung speaker sa
harapan. "Bago nga pala tayo magsimula, gusto ko lang ipaalam sa lahat ng seniors
na nandito.." sabi nung babae tapos tumingin siya sa aming lahat, "Last day niyo na
dito tomorrow. So we're having a party.." Nag-hiyawan naman doon sa buong chapel
kaya medyo nabingi rin ako. Excited naman 'tong mga ito sa party. "Bukas na ng gabi
yun bago kayo umalis." sabi nung speaker na nakangiti pa,"Awarding, dancing,
singing.. food.. normal party.." sabi niya uli. May mga babae pa na kinikilig-kilig
kaya medyo nairita ako. Ang OA ah.. "Take note, may binago lang kaming konting
detail.." hinigpitan niya yung hawak niya sa microphone, "Gals will ask guys... as
their dates." Nanahimik kaming lahat nun. Bakit ganun?!? "Oh no she didn't!" sabi
ni Kay na nagulat din, "Bakit naman baliktad? Hindi ba nakakahiya yun?!?""Who needs
a date anyway?" sinabi ko at nagsungit pa ako. "Asus kung magsalita ito! Mas masaya
kaya may date ka..""Bakit naman?!?" tinanong ko si Kay.
"At least sigurado may kasayaw ka na... kahit isa.""Loka!" Binigyan kami per class
ng dalawang kandila (again!). Symbolism daw ang kandila ng pagiging 'totoo'.
Pagiging sincere kumbaga. Ibig sabihin daw nun eh yung dalawang phrase na
nahihirapan daw ang mga taong sabihin. 'Thank You' and 'I'm Sorry'. Iikot ka sa
buong klase mo, at yung isa eh bibigay mo sa taong gusto mong pasalamatan, at gusto
mong mag-sorry ka. Then pagkatapos mong sabihin sa kanya kung bakit, yung binigyan
naman ang iikot at iaabot sa taong gusto niyang mag-sorry at mag-thank you.
Pinatugtog naman yung nakakalungkot na tugtog nun. Dapat kasi tatayo yung unang
magsisimula, tapos kukunin yung kandila. Nagkakahiyaan yata kaya walang gustong
tumayo. Yung ibang section nakapagsimula na. Wala pa ring tumatayo sa amin. Ano ba
naman yan? Yung mga nasa harapan napakamahiyain naman. Hindi na ako makapag-pigil
nun. Papatagalin pa nila eh.. kaya bigla-bigla na lang akong tumayo. "Ako na nga
magsisimula.." nagkatinginan kaming dalawa kaya sabay kaming napaupo, "Ikaw na
nga.." Nagtinginan na naman lahat sa amin. Kaya ayoko ng ganito eh. "Sige na nga
ako na..." Arrrrggghhh! Kailangan ba magsabay kami? Nauna na siya sa harapan kahit
na hirap na hirap siyang maglakad. Kinuha niya yung dalawang kandila. Grabe naman,
sabi isa lang ah! Pumunta na rin ako at kinuha ko yung isa sa kanya. Kinuha ko yung
'Sorry.' Nagtingin siya sa chapel, at ako rin eh nagtingin. Ano ba naman yan kanino
ba ito?!? Bigla na lang akong tumalikod. "Riel.." tapos ini-extend niya yung kamay
niya, "Thank you." seryoso naman siya,"Thank you dahil nakilala kita." Nagulat ako
nun kay napaatras naman ako. Ako naman ang nag-extend ng kamay ko. "Sorry..." sabi
ko sa kanya kaya nagulat din siya. "Para saan?!?""For everything that I've
done.""Wala ka naman ginawa ah!" Hindi niya alam na nagsisinungaling ako sa
kanya... "I'll tell you tomorrow..." tapos yumuko ako, "I'm sorry Jasper."
Nakatingin lang siya sa akin at medyo puzzled na. Alam ko naguguluhan na siya. Pero
sasabihin ko na nga ba?!? "Tomorrow..." sasabihin ko na.. "--at the 24th hour."
***31*** Katulad nung unang araw namin nun, nakatingin lang si Jasper sa akin na
akala ko eh nagsalita na nama ako ng complete Greek. Ayun nga, nasabi ko naman na.
Tomorrow, 24th hour. It's just a fancy phrase to tell him, tomorrow, 12 midnight.
Ayoko na. Ayoko siguro na nanliligaw siya pero hindi niya alam yung mga bagay
tungkol sa akin. That stuff about giving candles went on and on. Nung nagutom na
kaming lahat, pinatayo kami para sa lunch. Si Kay eh kumain ng kumain at namo-
mroblema sa party kanina. Ako naman... ibang bagay. Nakatingin ako sa kawalan nun.
"Kay, masama ba akong tao?!?" yun na lang ang tinanong ko sa kanya. Napatingin lang
si Kay sa akin. Uminom pa siya doon sa tubig sa harap niya. "Of course not. Bakit
ba?" tuloy pa rin siya sa pagkain niya. "It feels like it.." nilaro-laro ko yung
pancit ko, "I lied." Nagsalubong naman yung kilay niya sa akin at hinawakan niya
yung kamay ko. "Sus ito naman! Alam mo ikaw tao ka parang lagi mong pasan ang
mundo!" sumubo uli siya, "Kung anu-ano kasi iniisip mo eh. Mabilis kang tatanda
niyan.""Gusto ko kasing sabihin sa kanya... kaya lang.. kaya lang natatakot ako."
iniwas ko yung tingin ko kay Kay, "Noon pa. Simula nung sinabi niya na ayaw niya sa
rich kids.""Si Jasper pala pinaguusapan natin dito?!?" sabi niya, "Oh well... let's
put it this way. Rich kid ka nga siguro, but he loves you as YOU, not as
SZARIELLE.""Yun nga rin naisip ko eh.." pinalakas ko yung loob ko, "Tama." tapos
tumingin ako doon sa direksiyon nila Jasper at Carlo na kumukuha pa ng pagkain
nila. Si Kay naman eh sinundan yung tingin ko. "Come on! Alam mo namang gusto mo
siyang yayain sa party bukas?!?""No I don't!" nag cross arms ako. "Alam mo
magsinungaling ka doon sa maniniwala... GO ON!" tinuro niya si Jasper. "Ayoko ngang
magyaya. Nakakahiya no!""Hoy dalagang Filipina.. modern world na naliligaw ka pa?!?
Hindi na uso ang hiya-hiya ngayon dahil wala kang mararating.." pinilit niya akong
tumayo, "Yayain mo na kasi dahil kapag may nagyaya diyan.. sige ka ikaw rin! Si
Jasper Morales pinag-uusapan dito.""Ayoko nga!" hinila ko naman yung kamay ko.
"Dali na!" hay ang pilit talaga!!
"Oo na.. oo na! Ang kulit naman eh..." Tumayo ako at inayos ko yung shirt ko at
naglakad ako doon sa direksiyon ni Jasper at Carlo. Panay ang thumbs up sa akin ni
Kay para lumapit ako. Ayoko na... hindi ko kaya ito. Kakaatras ko kaharap ko si
Kay, may tinamaan naman ako. "Sorry.." Ngumiti naman siya sa akin. "Hi Riel.."
tinignan niya yung kamay ko, "Kumain ka na?!? Sa 'yo na lang ito." inaabot naman
niya sa akin yung pagkain na ipinila pa niya." "Nah.. meron ako doon.""O-K." sabi
niya na medyo mabagal, "Saan ka pupunta?!?""Ako?!?" tinignan ko uli si Kay nun.
Panay ang signal niya sa akin ng GO! or something like.. 'Sige yayain mo na!' mga
ganun. "Kukuha ng tinidor. Nahulog kasi yung tinidor ko kanina." teka bakit nabago
yata? Dinaanan ko naman siya papunta doon sa kuhaan ng tinidor. Ano ba naman yan!
Tatanungin mo lang siya!! KAINIS NAMAN! Hindi pa ako nakakalayo eh hindi ko rin
napigilan yung sarili ko. "Jasper.." lumingon naman siya sa akin. "Yeah?!?"
nagtataka na yung itsura niya. "Nice... shoes." Ay ang ewan mo Riel! "It's
slippers..." sabi niya nung tumingin siya sa paa niya, "The same one na suot ko
kanina." Napalunok naman ako nun. Bakit ba masyadong mahirap magyaya?!? Ganito pala
pakiramdam ng guys no, hindi sigurado. "Nice shirt too.." tapos tumalikod na ako
nun. Para kang sira!! Pinagpapapalo-palo ko yung ulo ko. Si Carlo nun ang narinig
kong tumawag sa akin. Kaya yun, napahinto pa ko. "Riel!" syempre, nag-drama naman
ako sa pag-ikot. "Bakit?!?""May date ka na ba sa party bukas?" Tinignan ko lang
siya na ako naman yung nagtataka ngayon. "Wala eh... wala ring balak magyaya."
ngumiti ako ng alanganin nun. "Ganun?!?" sabi ni Jasper tapos naiapak niya ng
malakas yung paa niya na may sugat,"Aray ko!""Actually, ang gustong sabihin ni
Jasper... it'll be great kung may date ka.""I didn't say that!" tinignan niya ng
masama si Carlo. "I mean, yeah.. sinabi ko yun.""Maarte kasi yan parang babae."
tumawa si Carlo, "7 girls asked him this morning.
Na turn-down lahat. May hinihintay yata eh..""wala akong
hinihintay..""Magsinungaling ka sa maniniwala!" sabi ni Carlo sa kanya. Teka,
parang narinig ko na yung dialogue na yun ah?! "Since wala kang date, and si Jasper
wala, bakit hindi kayong dalawa... AS FRIENDS?"inemphasize pa niya yung dulo.
Tinignan ko si Jasper nun. For a guy, mahiyain talaga siya. Nakayuko na naman eh.
"You wanna' go with me?" tinanong ko sa kanya na casual na casual ang dating na
parang wala lang. Napaka-uneasy niya nun. Akala mo hindi mapakali na hindi
maintindihan. "Ah..kasi.. err... ok." Binatukan siya ng malakas ni Carlo. "Mago-ok
ka lang din naman pala pinatagal mo pa!" tumingin siya sa akin, "Sige Riel, una na
kami.""Ok.. I need to get my spoon..""Akala ko tinidor?!?""Yeah.. that." nadulas pa
oh! "See ya' Riel.." ngumiti sya sa akin tapos kumaway, "I need to talk to you
too... at the24th hour." *** Nung hapon din nung araw na iyon eh nagsimula nang
mag-design yung ibang staff ng resort para sa party bukas. The party doesn't mean..
(gowns and tux and all that crap), since pare-parehas kaming walang dala. You can
wear jeans.. shorts.. almost anything basta decent. Nakausap ko naman si Ronnie
nun. Ayun, ang bait na naman niya. Other than that, tawag niya sa akin eh A.L. kung
walang nakakarinig. Nerd effect nga siya eh, kaya siguro walang masyadong.. well..
admirers. Syempre dahil nga masasabi mong meron pa sa kanya na espesyal kaysa sa
nakikita mo, I'm always here to help. "Wala ngang nagyaya sa akin eh.." sabi niya
sa akin na parang nahihiya, "Siguro pupunta na lang ako mag-isa.""Well.. you can go
with us.." sabi ko kaya lang ni-revise ko, "I mean, date ka namin ni Kay. Kaya lang
may date ako.. si Kay hindi ko sure. Kung kailangan mo ng company, sama ka sa
amin.""Thanks A.L. ah, the best ka talaga.""I'll help you out.." sabi ko sa kanya
ng medyo nakasimangot, "Pero huwag mo akong tatawaging A.L. ok?!? Mas ayos kasi
kung ganun.""Ok.. Arielle..." tumawa siya, "Riel.""That's much better." nginitian
ko siya tapos ini-scan ko yung physical appearance niya from head to toe, "Una sa
lahat... dapat.." hinawakan ko yung eyeglasses niya,"Tanggalin mo ito." Nung
tinignan ko siya, cute pala si Ronnie kung walan salamin. "Bagay pala sa iyo eh.."
sabi ko sa kanya, "You feel ok?""Medyo blurry lang paningin ko.." sabi niya, "Pero
kung hindi ko naman kailangan magbasa, ayos lang na ganito." Nagikot-ikot ako nun
at tinignan ko yung mga gamit niya. Grabe talaga, halos pareparehas lahat ang style
ng damit niya. Tight-fitting shirt, checkered and mostly brown. He really needs
some style.
"Wala ka nang ibang damit?" tinanong ko sa kaya nung makita ko na yung
kaduluduluhan nung shirts niya, "Like.. blue ones.. na malalaki?!?""Wala eh.." sabi
niya. Walang mangyayari kung ipapasuot ko sa kanya yun. Nag-isip naman ako. Kanino
kaya ako hihiram? Lumabas ako ng room niya sa building ng guys. Hinanap ko nun si
Carlo at si Jasper. Kaya lang naisip ko, masyadong matangkad si Jasper para
magkasaya naman yung damit niya kay Ronnie. Si Carlo siguro mas ayos... Kakalakad
ko nun sa hallway, nakita ko na kasama ni Kay si Carlo. "Carlo!!" sumigaw ako doon
sa hallway, "Carlo!""Oi.. sup?""May extra clothes ka?""Para saan?" tinignan niya
ako na suspicious pa siya, "Susuotin mo?" Well, inexplain ko nga sa kanya na gutso
ko ngang tulungan si Ronnie na mag-ready para bukas. Naghanap naman siya ng extra
na damit niya at yun nga, nagbigay siya ng pants at malaking shirt. At least si
Carlo may taste sa damit, si Ronnie wala eh. This will look fine. Nung makarating
ako uli doon sa room kung saan natutulog si Ronnie, nakahiga na siya doon sa kama
at hinihintay niya ako. Tumayo siya nung dumating ako at inabot ko sa kanya yung
damit. Sinabi ko sa kanya na pwede niyang isuot yun para bukas. Nung una parang
nagulat siya, pero sinabi ko na mas ayos yun kaysa sa damit naman na nasa bag niya.
Nauna akong lumabas doon dahil nga kwarto yun ng mga lalaki. Kasunod ko naman siya
nun at nasa likod ko siya. Hindi pa ako nakakasampung hakbang eh bigla na lang
napatumba sa akin si Ronnie kaya naitulak niya ako sa gilid. Ako naman eh napahawak
na lang doon sa braso niya. For some moment walang makakilos. "I'm sorry.." sabi
niya sa akin. That was really an awkward moment. "Ok lang..." sabi ko tapos umayos
ako ng tayo. "Na... natisod kasi ako. Hindi ko nakita yung carpet." Narinig ko na
lang na may nagsalita doon sa gilid kaya napatingin naman ako. Sino pa ba? "Riel.."
nagulat ako nun kaya inalis ko na lang yung kamay ko sa braso ni Ronnie. "Hey..
Jas... per." Naglakad si Jasper papunta sa direksiyon namin. Mga isang ruler siguro
ang tangkad niya kay Ronnie. "Who are you?" sabi niya na seryosong-seryoso yung
dating. Bakit niya tinatanong kung sino si Ronnie eh samantalang classmate namin
siya? "Hello Jasper? Si Ronnie, classmate natin.""Ronnie?!" tinignan niya si
Ronnie, "Hindi kita matandaan."
Ewan ko kung bakit parang naiinis ako sa tono ni Jasper. Nakakainis naman siya.
Classmate namin ganun na lang siya magsalita. "Anong ginagawa mo naman dito?"
binaling niya yung tingin niya sa akin. "A-ako? I'm helping him, para
bukas.""Bakit?!?""Bakit?!? Kasi... basta tinutulungan ko siya. May masama ba
doon?""Trying to help? No. Being in a guy's room? Yes." Medyo nag-iinit na yung ulo
ko nun. Nag-excuse ako nun kay Ronnie at hinila ko siya don sa gilid. Ang higpit ng
hawak ko sa kanya. "Anong pinapalabas mo?!?" nilakasan ko yung boses ko, "Anong
problema mo?""Wala akong problema.""You certainly look like it.." pinagpilitan ko
talaga. "Wala akong problema!!!" sumigaw siya sa akin. Napaatras ako nun sa sobrang
gulat ko sa kanya. "Sorry." lumapit siya sa akin at umiiling siya, "I'm sorry
Riel.""Oo na... wala ka nang problema." tinignan ko siya sa mata niya nun,
"Kausapin mo ko kapag malamig na ulo mo pwede?" Tinalikuran ko siya nun at
nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Siya eh nakatayo lang doon at hindi
ko na nilingon kung anong ginagawa. "ALRIGHT!" sumigaw siya uli, "I'M JEALOUS!
NAGSESELOS AKO NUNG NAKITA KITA NA HAWAK-HAWAK MO SIYA NG GANUN KALAPIT!" Huminto
naman ako nun. Hindi ko siya nilingon. "NAGSESELOS AKO DAHIL NANDUN KA KASAMA SYA
NA KAYONG DALAWA LANG!"sinigaw niya uli yun, "NAGSESELOS AKO DAHIL MAY TIME KA PARA
SA KANYA, PERO SA AKIN WALA!" Huminto ako nun. Hindi ko siya nilingon. "NAGSESELOS
AKO DAHIL mah--" huminto siya nun at halata mong hindi niya masabi,. "Dahil mahal
kita. Does that make me a selfish person?"

***32*** Huminto lang ako nun pero hindi ko talaga siya tinignan. Siya nagseselos?
Kay Ronnie? That's... ridiculous. Kaibigan ko lang naman si Ronnie. At hindi na
siguro hihigit pa doon.
Well, he doesn't know so.. "Eh siraulo ka pala eh!" sumigaw ako nun kahit hindi ako
nakaharap sa kanya, Haay Riel, so rude.. "Kaibigan ko lang naman yun binibigyan mo
ng malisya!""Hindi ko naman mapipigilan yun 'di ba? Kung makita kita, maiiwasan ko
ba na hindi magselos? Kung pwede lang ba, tinuruan ko na ito.." anong ito?!? Hindi
ko alam kung ano yun, kaya humarap ako sa kanya. Tinuturo niya yung puso niya.
Tapos nung tinignan ko siya, seryosong-seryoso na yung itsura niya. "Noon pa lang
sana tinuruan ko na yung sarili ko..." nakinig lang ako sa kanya, "Para noon pa ko
hindi nahihirapan." Nagtataka na talaga ako sa kanya nun, kaya hindi ko rin
naiwasang magtanong. "Anong ibig mong sabihin?" nakatayo ako doon mga ilang hakbang
lang ang layo sa kanya. "Riel, I'm torn." huminga siya ng malalim, "Between you...
and another girl." Nung binanggit niya yung mga salitang yun, parang sinaksak ako
na hindi ko mainindihan. Magsasalita na sana ako uli kaya lang inunahan niya ako.
"Ikaw... at si... A.L." Si A.L.?!? Ano bang-"A.L.?" nagulat talaga ako nun. "You
mean Mandee?""Hindi.. oo.. err.. saglit lang.." sabi niya na hindi niya maisip kung
ano yung hinahanap niya word, "A.L., as a person... not Mandee as a girl.""I'm
lost. Save it for tomorrow, pagod na ko Jasper." tapos nagsimula na akong maglakad
nun. Akala ko naman eh magtutuloy-tuloy na ako kaya lang hinawakan niya ako sa
kamay ko at hinarangan niya ako sa harapan. "Makinig ka muna pwede?" pinilit kong
dumaan kaya lang ayaw niya akong padaain doon, "Sinabi ko na sa iyo dati, I admire
A.L. Hindi ko pa siya kilala nun. Then Mandee showed up." tumingin siya doon sa
gilid, "She's... different." nagkunut-noo siya, "Alam kong siya si A.L., pero
minsan hindi ko maramdaman na siya yun. You know what I'm saying?" sabi niya na
parang gusto niyang ako pa ang mag-clear sa kanya, "What I'm trying to say is, I'm
not really into Mandee. Pero yung fact na siya si A.L., nahihila ako sa kanya."
hindi na siya mapakali nun, "Then ikaw.." tinuro niya ako, "You're... real."huminto
siya saglit, "Sinusubukan kong timbangin at pumili... pero ang hirap." Nakatingin
lang ako sa kanya nun at hindi ko alam ang sasabihin ko. Matutuwa ba ako? Parang
hindi ko na alam kung ano ba dapat ang i-react ko. Kaya lang dahil nagsisigawan nga
kaming dalawa, narinig naman ni Ronnie yun at hindi naman din yun maiiwasan. "Teka
lang, sorry kung makikiaalam ako.." sabay kaming tumingin ni Jasper sa
kanya,"Sinasabi mong nalilito ka kay Riel.. at kay A.L. kung sino ang mas mahal
mo?" Tumango lang si Jasper nun. Ako naman eh kinabahan nun dahil alam ni Ronnie
yung tungkol sa akin. Tinignan ko lang siya ng warning sign. Ewan ko kung napansin
niya. "Riel's A.--"
Pinilit kong kuhanin yung attention niya, then nakita niya ako. "--girl. Rie's a
girl." buti na lang. "I know she's a girl!" nilakasan ni Jasper yung boses niya
dahil nairita siya kay Ronnie. Saka lang siya humarap sa akin. Bago pa siya
magsalita, ako naman ang nanguna sa kanya. "Pwede ba bukas na lang tayo mag-usap ng
maayos? Mag space-up muna tayo hanggang bukas. Mag-ready. Pagod lang ako. Promise
tomorrow, we'll be.. ok." Tinap ko siya sa shoulder niya at ngumiti lang ako ng
kaunti. Pagkatapos nun eh nagsimula na akong maglakad papunta ng building ng mga
babae. Hindi ako galit kay Jasper. Ewan ko kung bakit hindi ko magawa. Kanina rin
muntik nang sabihin ni Ronnie kaya lang pinigilan ko. Alam ko sa sarili ko na gusto
ko nang malaman ni Jasper na si A.L. at ako eh iisa, kaya lang kung may magsasabi
man sa kanya ng totoo kung sino ako, ako yun at wala nang iba. Pero tamang oras 'di
ba? Hindi ngayon... *** Nagising ako ng maaga kinabukasan. Or should I say,
bumangon lang ako ng maagaaga dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Kung anu-
ano kasing pumapasok sa utak ko. Third day na namin dito ngayon sa resort. Last day
na at mamayang gabi na yung party namin. So far, walang scheduled na gagawin kundi
i-tally na lang yung votes. May malalakas na tugtog din doon. May games lang din
kami na gagawin sa baba at syempre eh sisimulan na rin yung party. Pinauna ko nang
maligo yung mga kasamahan ko dahil ayoko ngang makipag-siksikan kapag maraming tao.
Wala pa ako sa sarili ko nun. ARRRRRRRRRGGGGGHHHHH!!! Ano ba talaga si Jasper sa
akin? Nakahiga pa rin ako sa kama nun at nakatingin sa kisame. Pumasok naman si Kay
nun at bihis na bihis na. Yung ibig sabihin kong bihis na bihis eh hindi siya
nakagown or dress or whatever. naka-denim lang siya. Wala namang mag-gown sa party
na ito no. "Hoy ano ka ba?!? Nare-ready na yung iba sa games tapos ikaw hindi ka pa
nakakaligo?" lumapit siya sa akin at hinila niya ako, "Mabaho ka na.. dalian
mo.."kinuha niya yung tuwalya ko at nilagay naman niya sa balikat ko. Tinulak-tulak
ako ni Kay nun kaya lang nakasayad yung paa ko. "Dalian mo na Riel.. ano ba?!"
Humarap naman ako kay Kay nun. "Anong nakikita mo sa akin?!?" tinanong ko naman
siya. "Ano na naman yan?!?" sabi niya na parang ayaw sagutin yung tanong ko,
tinulak niya ako uli, "Iligo mo lang yan... wala ka na naman sa sarili mo. Ito kasi
hirap sa mga inlove eh.." tinulak na niya ako ng malakas.
"OUCH!" hinawakan ko yung likod ko, "In-love?""Go!" sabi niya tapos nag-wave siya
ng kamay niya para umalis na ako, "Nasa baba na yung bag mo kanina ko pa binaba."
Sinarahan ako ni kay ng pintuan nun kaya hindi na ako makapasok doon sa kwarto
namin. Wala naman na akong magagawa kundi ang bumaba na nga papunta doon sa
restroom at maligo. Kung tatanungin nga ako, wala nga ako sa mood. Hindi naman ako
tinatamad or anything, parang ang dami-dami ko lang na dinadala. Ang dami nang
nakabihis sa baba nun. Parang ako na nga lang yata ang hindi ready kaya ang ginawa
ko eh inalis ko yung tsinelas ko at tumakbo na ako ng mabilis. Nakakahiya na kasi.
Nag-seremonyas ako mag-isa sa banyo. Wala nang masyadong tao doon kaya ayos na
akong maligo. Kinuha ko na lang yung white na blouse ko. Hindi pa naman main event
ngayon na DANCE talaga. Panay games lang at tiyak pagpapawisan lang din naman ako.
Dahil nabasa yung flip-flops ko, nakailang hakbang lang ako eh natanggal naman yung
strap. Sa dami-rami naman ng araw na masisira, ngayon pa. Kanina kasi ok lang na
maglakad ako ng nakapaa at marumihan yung paa ko dahil maliligo naman ako. Ngayon
naman na nakaligo na ako at lahat saka pa marurumihan ang paa ko? Hindi naman yata
tama yun. "Need a hand?" napatingala naman ako doon sa nagsalita. "Oh no, ayos lang
ako. Nasira lang yung..." napatingin naman ako sa kanya, "You're wearing white."
tapos tinuro ko yung suot niya. Parehas na naman kami ng kulay? "Magpapalit ako
kung ayaw mo parehas tayo.. hindi ko naman talaga alam na white din ang
isu--""Nah.. ok lang. Hindi mo kailangang magpalit.""Anong nangyari sa tsinelas
mo?" tinignan naman niya. "It's flip flops. Nasira eh.""The same thing. Tsinelas,
flipflops.. sinusuot mo rin sa paa. PInaarte lang yung tunog." Tinignan ko siya ng
masama nun pero may halong biro. "Sabi ko nga hindi na ako magsasalita.." tumingin
siya sa taas nun pero binalik din niya sa akin, "Kung gusto mo gamitin mo yung akin
para hindi na madumihan yung paa mo.." inaalis na niya yung tsinelas niya na malaki
naman. Nung tinignan ko yung paa niya, may bandage pa rin hanggang ngayon.
Nakakaawa naman itong tao na ito. How I wish naririnig niya yung thoughts ko.
Nakakaawa tignan..' No offense Jasper.. "Uhmm.. hindi na. May sugat ka pa eh, baka
lumala.""Hindi naman siguro." sabi niya, "Hindi naman na siya masakit. Medyo na
lang pero.. ayos na siya. Magling na rin.""Huwag na talaga.." sabi ko sa kanya and
I mean it, "Maghuhugas na lang uli ako ng paa pagbalik ko mamaya. Kukuha na lang
ako uli ng tsinelas na bago sa taas.." Nakatayo lang siya doon sa harapan ko at
parang ayaw niyang umalis. "Malay mo may broken tile diyan na nagkalat ikaw naman
matulad sa akin," tinakot pa ako hindi naman effective.. "May naisip na ako.." sabi
niya tapos bigla siyang lumuhod pero yung isang paa lang niya yung nakataas na
pinag-le-lean niya. "Hop on."
Napanganga na lang ako nun. Ano bang pinagsasasabi nito? "Hop on?" Hinarap niya
yung likod niya sa akin. Hop where? "Yeah.. dito sa binti ko, para mahawakan kita
ng maayos." parang ayoko yung naisip niya, "Piggyback ride?" Pinigilan ko naman
yung sarili ko nun na tumawa. Seryoso ba siya? Kasi kung nagjojoke siya, natatawa
talaga ako. "Bakit ka natatawa?""Ang cute mo kapag seryoso ka tapos joke lang.."
ngumiti ako nun. Seryoso pa rin siya hanggang ngayon. "That wasn't joke.""Oh you're
serious?!?" natawa ako lalo nun, "Nah... thank you na lang." pinilit ko yung strap
ng tsinelas ko one last time ayaw pa rin. "Ok lang sa akin.. alam mo yun?" ang
kulit nito ah.. "Hindi nga tala--" Lumapit naman si Carlo sa amin. Ayoko kapag
nandiyan si Carlo, kakaiba mag-isip, delikado pa. "Bro, kung itutulak mo kami sa
pool, ngayon pa lang lumayo ka na..""Sino namang maysabi na itutulak ko kayo?" sabi
ni Carlo tapos ngumiti siya,"Tutulong lang ako.""Ano namang klaseng tulong yan?"
tinarayan ko pero hindi naman totoo. "I can't help overhearing both of you.." oh
baka nman nakikinig siya talaga, "Ito namang si Riel, may patanggi-tanggi pa.. OO
na kasi." nagulat na lang ako nung binuhat nya ako sa bewang ko at dinala niya ako
sa likod ni Jasper. Ito naman si Jasper eh tumawa lang at humawak na sa paa ko.
Pakiramdam ko nun babagsak ako pabaliktad na una ang ulo kaya napahawak na lang ako
bigla doon sa leeg niya. "B-baba mo ko.." sbai ko habang nanginginig pa yung boses
ko. "He's right, he's just tring to help. And I am too." ngumiti siya tapos nag
thumbs up kay Carlo. "Hawak ng mahigpit." Tumakbo ba naman ang loko.
AAAAYYYYYOOOKKKOOOOO NNNAAAAA!! "Don't always try to help, just do it." yun lang
ang sinabi ko. Teka nga, parang mali yun ah?!? parang pinu-push ko siya lalo.
Hinampas ko siya nun ng malakas. Hindi ko naman makuhang bumaba dahil hawak niya
yung paa ko. "IBABA MO NA KO! JASPER NAMAN NAKAKAHIYA ITO!""I don't give a crap on
what they're thinking.." tapos tumingin siya sa akin ng side view, "Kagaya nung
sinabi ko sa iyo kahapon, sinusubukan kong pumili... si A.L. o ikaw" sabi niya sa
akin ng mahina, "Katulad ng sinabi mo naman ngayon, don't always try.. just do it.
Ayoko nang sumubok Riel... "Mas mahal ko yung nasa harap ko ngayon..."
***33*** Hindi na lang ako nag-react sa sinabi niya. Ang ginawa ko na lang eh
humawak ako ng mahigpit sa balikat niya, at sinandal ko yung ulo ko. Hindi ko rin
alam sa sarili ko kung bakit ko ginawa yun. "Inaabuso mo na ako ah!" sabi niya ng
medyo nang-aasar, "Walang hipuan Riel!" Hinampas ko nga ng malakas. "Ang kapal ng
mukha mo! Sa dami-rami naman ng hihipuan ikaw pa?!?" Nahatid naman niya ako doon sa
building namin. Dahil sementado naman doon, nagpababa na ako doon at tiyak naman
hindi na marurumihan yung paa ko. Isa pa, nakakailang din na nakapiggyback ka.
Sinabi niya lang sa akin na hihintayin na lang niya ako doon sa baba. Tumakbo na
ako sa taas nun. Kumatok ako at binuksan na rin ni Kay yung pintuan. Nakita niya na
nakapaa ako. "Anong nangyari diyan?" tinuro niya yung flipflops ko, "Alam mo ba na
para sa paa yan?""Loka!" dinaanan ko naman siya, "Nakita mo ba nasira?!?" Kumuha
lang ako ng bagong flipflops nun. May white din kasi ako doon at yun na lang ang
sinuot ko. Buti na lang talaga nagdala ako ng extra, dahil kung hindi, baka
nagsapatos na ako ngayon. Kasabay ko si Kay na lumabas sa room namin. Ni-lock niya
nga yun at dinala niya yung susi namin. "Games tayo ngayon 'di ba?" tinanong naman
niya ako. "Yata.." maikli lang yung sinagot ko. "Ikaw itong kanina pang nasa baba
tapos hindi mo alam?" sinermonan pa ko, "It's a partner thing. Kaya pala sinabi
nila na mas ok kung may date ka kasi yung games nila, for partners.""Bakit naman
ganun?" tinignan ko siya, "Sinong date mo?""Si Carlo, sino pa ba?" sabi niya sa
akin na parang naiirita, "Nagku-kuwento kasi ako nun kahapon sa kanya na hindi
naman kailangan ng date at hindi ko kaya na nagtatanong sa lalaki, kaya sabi niya
siya daw wala daw date kaya kami na lang..."tinignan niya ako, "Ikaw paano mo
nayaya si Jasper? Ang lakas ng fighting spirit mo girl!""Sinong maysabi na ang
lakas ng fighting spirit ko?" sinabi ko talaga sa kanya, "Kung hindi rin dahil kay
Carlo hindi naman kami magka-date ngayon. Ipinilit lang niya. Nakahalata siguro na
hindi ako mapakali." ngumiti ako tapos sumimangot, "Si Jasper kasi mukhang ewan
minsan, manhid ba yun o ano?""Hindi manhid. Minsan torpe..""Hey.. hindi na siya
torpe no!" sinabi ko ba talaga yun? "Well, minsan hindi naman."
Pagkababang-pagkababa namin ay nakita namin na naghihintay nga doon si Jasper. Si
Carlo namana ng wala doon kaya nakisabay na lang si Kay sa amin. Dumiretso na kami
sa chapel nila. Ang daming dekorasyon at super ingay talaga. PInatawag na lahat ng
seniors at pinaupo doon para daw makapagsimula na yung program. Syempre, nag
opening prayer kami at opening speech ng teacher. Hindi na kami kumanta ng national
anthem. Pagkatapos ng mahabang seremonyas namin doon sa chapel, nagsalita na uli
yung speaker at kaming lahat eh nakinig sa kanya. "Ang unang game natin eh.."
sasabihin na sana niya yung name ng game kaya lang binulungan siya ng teacher, "Oh
huwaw daw muna sasabihin. Kailangan namin ng 5 pairs, gals and guys dito sa mga
upuan sa harapan.." Ako naman eh nakikinig lang doon nung biglang tumayo si Jasper.
"Kami po sasali!" tinuro niya ako sa ulo ko. "Hey ayoko!" hinila ko yung kamay
niya. Nakita naman siya nung babae at ngumiti sa kanya. "Ok, we have our first
pair..." kasi naman oh!!! "Sino pang gustong sumali?" Walang gustong sumali nun
dahil hindi alam kung ano yung game. In the end, kami lang ni Jasper ang nasa
harapan at wala nang mapilit yung speaker na sumali pa. "Since sila lang ang
gustong sumali, sigurado na silang panalo." sabi niya sa amin,"Pero siyempre,
kailangan gawin niyo pa rin yung game." Ano ba naman yan! Akala ko ba panalo na
kami? Natutuwa rin si Jasper nun dahil panalo na kami. Nakaupo kami doon sa
monoblocks sa harapan at binigyan kami ng board. Mukhang hindi naman masamang game
ito. "Ang tawag sa game eh, 'How well do you know me?'" okay?!? "Titignan natin
kung gaano nila kakilala ang isa't isa. Magtatanong kami at ilalagay niyo yung
sagot niyo. Bibilangin namin yung parehas niyong sagot." Ano ba naman yan?!? Wala
akong masyadong alam kay Jasper! I mean, meron man.. konti lang. "First question,
sabi nung babae... sa girl ito ah, 'Ano ang favorite color ni.." tinignan niya yung
name-tag ko, "Riel?" Napatingin si Jasper sa akin at napakunut-noo siya. Halata
mong hindi rin niya alam. Ako naman eh wala naman akong favorite color, kaya
sinulat ko sa board ko eh.. 'Pink.' Binigyan kami ng 10 seconds nun para magsulat.
After nun pinaharap na yung board namin para i-compare. "Sinulat ni Riel eh.."
tinignan niya yung board ko, "Pink." lumapit naman siya sa side ni Jasper, "Si
Jasper naman eh... 'Pink.' " Whoa! How did he know that? Tinapat sa kanya yung
microphone.
"Common kasi sa girls na pink ang favorite color, kaya ayun ang nilagay ko."
ngumiti siya sa akin. Are you kidding me? Hinulaan niya lang yun? "Second
question..." sabi nung babae uli, "Para kay Jasper ito ah." humarap siya kay
Jasper, "Kailan ang birthday mo?" Holy cow! Paano ko naman malalaman ang birthday
niya? Hindi ko talaga alam! Ilang taon na ba siya? 16? Uhmm ano ba? Mag-imbento na
lang siguro ako no? Hindi ko kasi talaga alam. Kaya ayun, nilagay ko na lang eh...
July 26, 19**. Grabe naman kasi. Nung pinagharap yung boards namin, of course hindi
parehas. 365 days meron sa calendar, napakaliit ng chances ko. Nakalagay sa board
niya, Jan. 1, 19**. New Year?!? Nagsunud-sunod pa yung tanong. Alternate kapag
tungkol sa akin at tungkol sa kanya. Unfortunately, lahat ng tanong sa kanya eh
namali ako. Nakakahiya na talaga nun. Sobra. Natatapat kasi ako sa mahihirap na
tanong. Isa ba naman sa tanong eh 'Saan nagtratrabaho ang parents ni Jasper?' Who
knows? Alam ko sa farm yung uncle niya at auntie, pero saan? Kaya panay na lang ang
hula ko. Pinakahuling tanong sa amin eh, 'Anong ideal date ni Riel?' Napaisip naman
ako. Ideal date? Meron nga ba? Syempre medyo suspense yun. Kinuha na nung teacher
namin yung board at dinala niya sa harapan. Pinaupo na kami sa likuran nun dahil
tapos na yung game. After ilang minuto, hinarap na nung speaker yung sagot namin.
Ito yung mga nakasulat. 'Depende sa kanya.' at yung isa eh, 'Basta kasama siya.'
Tumingin lang si Jasper sa akin nun. Hindi ko nga alam na ganun na lang siya
makatingin. Hindi ko naman inaasahan eh.. Bigla ba naman akong niyakap?!?
***33b*** Nag-continue pa yung games nun. May paper dance pa nga eh. Pinilit uli ni
Jasper na sumali kami. Hindi kami nanalo dahil natumba ako, damay naman siya. Si
Carlo at Kay ang nanalo doon. Nakakatuwa nga eh, bridal carry pa talaga. Inasar ko
nga si Kay. Syempre hindi siya natutuwa nun. May isa pang game na nakatali yung
kamay mo sa taas tapos kakainin niyo ng partner niyo yung cake sa harapan niyo. Ang
hirap talaga. Maraming nagkaka-untugan ng mga ulo. Ginawa namin ni Jasper,
alternate. Siya, ako, siya ako. Nanalo uli kami sa game na iyon. Pero nung nanalo
kami, mukhang ewan na yung mukha namin sa sobrang dami ng icing. Yung ibang games
eh hindi na namin sinalihan dahil pinagbigyan na namin ang ibang seniors na hindi
pa nananalo. Naupo na lang kami doon sa gilid malapit sa pool. Pinupunasan ni
Jasper yung mukha niya ng tissue. "Riel 'di ba sinabi ko sa iyo may sasabihin akong
mahalaga?" Hindi naman ako masyadong interested sa sinasabi niya, pero narinig ko
naman. "Oh, yung mamayang 12?""Yeah.. mamayang 12." tapos yumuko siya nun. Nanood
na lang kami doon sa mga naglalaro. Pinakain din kami ng spaghetti at mga normal sa
handaan nung matapos. Nagsisismula na ring maggabi nun at syempre, 6 o' clock nila
sisimulan yung Dance. Binigyan kami ng time para magpalit ng damit namin just in
case. Naghiwalay na kami ni Jasper dahil siya eh magpapalit daw ng shirt. Denim nga
ang isusuot niya. Ako eh.. skirt na lang siguro. Lumabas na ako nun at may
nakasalubong naman ako. Ang gwapo talaga nung dumaan at halos lahat eh nagtinginan
din sa kanya. Hindi ko kilala yun ah? Sino nga uli yun? Binilisan ko yung lakad ko.
Wala na akong pakialam kung sira na yung poise ko. Bigla namang humarap yung lalaki
na kanina pa pinagtitinginan. Oh what the--? "Ronnie?!?" nagulat talaga ako nung
makita ko siya, "Ikaw ba yan?""Hi A.L.!!" sabi niya nung nakita niya ako, "I mean
Riel." tumayo siya ng maayos, "Ok lang ba yung damit ni Carlo sa akin?""Yeah, you
look.. great." hinawakan ko yung sleeves niya, "Dapat pala ganyan ka lagi manamit,
nakatingin tuloy lahat ng girls sa iyo." sabi ko naman sa kanya. "Talaga?" nakita
ko na natutuwa siya, "Thanks nga pala sa iyo ah. Kung hindi mo ginawa ito, siguro
hindi na ako umattend.""Sus wala yun! Mag thank you ka kay Carlo. Damit niya kasi
yan." Nakipag-usap na lang ako kay Ronnie nu habang hinihintay ko si Jasper.
Nilipat nila yung spotlight nun from Ronnie, papunta doon sa guy na bumababa. Well,
you know who. Naka-black na polo siya siya na hindi naka-butones. Open yun kaya
kita yung white shirt niya sa harapan. Kitang-kita mo na may kausap siya sa phone
at tinakpan niya ng kamay niya yung light dahil nasisilaw siya.
Naglakad siya nun papunta sa direksiyon. Akala ko nga sa akin siya galit eh.
"Sinabi ko naman sa iyo ayoko!" sumigaw siya doon sa phone niya, "I gotta' go.
Bye." Nung binaba niya yung phone niya, nilagay niya iyon sa bulsa niya. Tumingin
siya sa akin tapos kay Ronnie. "You look awesome." sabi niya sa akin. Tinitigan
lang niya si Ronnie. "Uhmm, kita-kita na lang tayo mamaya. Aalis na muna ako." sabi
naman ni Ronnie na parang natatakot yata kay Jasper. Hinawakan siya ng Jasper sa
balikat niya. "Pare!" nakangiti na siya, "Kumusta?" Halata mong hindi inaasahan ni
Ronnie yun, pero nakipagshake hands na lang siya. Nakalagay na yung Bulletin nun sa
gitna kung saan nakalagay yung 'Slaps and Kisses' namin. So far, may 7 kisses na
ako at wala pa namang slaps. Hindi naman pala masama. I don't care about winning,
ang mahalaga sa akin eh wala namang may galit sa akin. Niyaya ako ni Jasper na
umupo kami. Ewan ko ba, parang wala siya sa mood nun dahil hindi niya ako masyadong
kinakausap. "Ok ka lang ba?" naisip ko naman na tanungin siya. "Ayos lang." sabi
niya tapos nilaro niya yung baso sa harapan niya, "Nabadtrip lang ako sa tumawag sa
akin.""Huwag mo na kaya isipin yun, dahil kung iisipin mo... masisira lang yung
gabi mo.""Tama ka diyan!" ngumiti sya, "Bakit ko ba iyon iniisip? Kasama ko si Riel
sinisira ko ang gabi ko?" Natawa naman ako sa kanya nun. Kahit pala masama yung mga
nangyayari sa kanya, nakukuha pa ring magsaya. Hinila niya ako nun. "Tara sayaw
tayo!" hinila-hila niya ako nun. Disco yung tugtog. Hindi pa naman ako sumasayaw ng
disco in-public. Sinasabayan pa niya yung beat nun at tawa siya ng tawa. Bigla ba
namang.. nagslowdance. Nakatayo lang siya doon na akala mo eh nahihiya. "Yan naman
ang hindi ko sinasayaw.." sabi niya sa akin tapos umatras sya, "Ayoko niyan.""Dali
na!" pinilit ko ng siya, "Ako na lang mag-lead. Kamay mo dito," nilagay ko yung
kamay niya sa waist ko, "Kamay ko, sa balikat mo." Syempre left, right, left right
lang naman yun, nakuha rin naman niya. Pero syempre bago niya nakuha, ako ang nag-
lead. Akala daw niya kasi mahirap na parang cha-chacha.. or swing.. hindi daw
talaga siya sumasayaw nun. Whether it's swing, tango, or any dance na slow, kaya
ko. Nag dance lessons kasi ako. Sinabi ni Daddy sa akin kasi bata pa ako eh mahilig
na magpa-party ang family ko. Itinigil lang yung tugtugan para sa awarding. Nanalo
yung isang section para sa most
points. Second lang yung class namin. Ok lang naman. Winning isn't about competing,
it's about having fun sabi nga nila. Hinayaan ko naman si Jasper na makisayaw sa
ibang classmates namin. Hindi naman ako OA na kami lang dapat ang magkasama all
night. Sinayaw din niya si Kay. Ako naman eh sinayaw din ni Carlo pati ni Ronnie.
Yung ibang classmates ko eh nahihiya pa akong yayain, pero niyaya pa rin ako. Ang
weird nila no? Nahihiya na lang din sa akin pa. Mas sosyal namanyung pagkain
ngayon. May malaking lechon sa gitna, roast chicken, iba't ibang salads, rice
toppings... basta marami. Hindi ko nga alam yung tawag sa iba eh. Nakita ko naman
yung kulay itim doon na hindi ko alam kung ano. Nung umiikot ako, nilaktawan ko
nga. "Ayaw mo ng dinuguan?" narinig kng may nagtanong sa likod ko. "Uhmm... no?!?"
sinagot ko, "It doesn't look right.""Sus.." sabi niya sa akin, "Try mo." bigla ba
naman siyang nagsandok tapos nilagay doon sa kanin ko. "Bakit mo nilagay
yan?""Subukan mo lang!" Wala na akong magagwa nun dahil nasa pinggan ko na. Kumain
lang ako ng kumain nun kasama si Kay. Si Jasper kasi sumama kay Carlo eh. Nagpaalam
naman siya sa akin. "Hey Riel, hiramin ko lang si Jasper ah..." sabi ni Carlo sa
akin na akala mo eh ako mayari sa tao na yun, "Lalabas lang kami. Important
call.""Sure." tumango na lang ako. "It's already 10:30..." tinignan ni Jasper yung
relo niya, "24th hour, sa likod ng building niyo." binulong niya sa akin.
Pagkatapos niyang sinabi yun, umalis na silang dalawa. Ang lalaki ng hakbang nung
dalawa. Hindi namin alam ni Kay kung saan sila pupunta pero ang mga itsura nila eh
para silang mga busy. Oh well, buti na lang may pagkain sa harap ko kaya hindi nama
masama. Yung dinuguan eh okay lang. Nagseryoso naman na si Kay nun. "Sasabihin mo
na talaga sa kanya?" tinanong niya ako nung matapos siyang kumain,"Ready ka na?"
Yumuko ako nun at iniwas ko yung tingin ko. "I think so." umiling-iling ako, "Ayoko
na kasing patagalin pa eh. Habang tumatagal, mas lalong mahirap lahat.""Good luck
girl.." sabi niya sa akin. "Sana ayos lang maging kalabasan." Huminto lang siya ng
kaunti nun. Nanahimik kumbaga. "Oo nga pala, 12 din nila iaannounce yung nanalo ng
may most kisses ah. Eh di hindi niyo maabutan na dalawa yun?""Hindi na siguro."
Binilisan na lang namin yung pagkain namin nun dahil may awards na naman na
pinamimigay. Sa teachers ang star of the night eh yuung values teaher namin.
Nakakatawa nga siya eh kasi yung suot niyang damit eh ma-balloon pa talagang gown.
Parang alam na alam nga niya na may planong dance kaya siya nagdala ng gown.
Nung lumalapit na yung oras na sasabihin ko na sa kanya, pakiramdam ko ay sumisikip
yng dibdib ko. Hindi ko ako masyadong makahinga. Siguro dahil bumibilis lalo yung
tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Si Ronnie nga kumuha pa ng tubig para sa akin.
"Ronnie natatakot na ko.." sabi ko sa kanya sabay inom ng tubig, "Paano kapag
nalaman niya? Tingin mo magagalit siya sa akin?""Riel, kapag nalaman niya magiging
ok lahat. At least sinabi mo sa kanya. Hindi ba nahihirapan siya dahil namimili
siya kung si A.L. ba o ikaw? Kapag nalaman niya, hindi na siya mahihirapan.""Tama..
tama ka diyan.." uminom uli ako ng tubig, "Paano ko nga pala sisimulan
yun?""Makisabay ka na lang sa flow ng pag-uusap niyo. Kapag nandun ka na, malalaman
mo na yung sasabihin mo. Darating na lang sa iyo yun." hinawakan niya ako sa likod
ko, "Pero this time, huminga ka muna ng malalim." Nag-inhale exhale lang ako. Grabe
pala kapag sobrang kaba ka, pakiramdam ko may sakit na ako sa puso. "Bakit kasi
hindi mo sinabi sa kanya?" Uminom na naman ako ng tubig. Pakiramdam ko nalulunod na
ako. "Na ako si A.L., o anak mayaman ako?" Tumingin lang si Ronnie sa akin. "Na
ikaw si A.L." Ewan ko ba, nahihirapan akong sumagot nun. TInignan ko lang siya.
"Kasi ayaw ko malaman nila na ako yun noon pa lang!" sumigaw ako, "Kapag tumutulong
ka ba kailangan pang malaman ng mga tao na ikaw yun? Hindi naman nasusukat yung
pagtulong po kapag nalaman nila. Nasusukat.. dito.." hinawakan ko yung puso ko.
"Hindi ba tama ako?""Uhmm.. yeah." naki-ayon na lang siya. "Anong oras na?""Quarter
to twelve.." Tumayo ako nun kaya lang napaupo ako. Pati ba naman tuhod ko
nanginginig na? "Ihahatid na nga kita doon." sabi ni Ronnie sa akin tapos
inalalayan niya ako, "Saan daw ba?""Sa likod ng building ng girls." Sinamahan ako
ni Ronnie nun sa paglalakad. Sobrang dilim na talaga. Yung sayawan nun sa chapel eh
tuluy-tuloy pa rin pero iniwan na namin yun. Nakakalayo na kami eh naririnig pa rin
namin yung tugtog. Konting ilaw lang meron doon sa likod ng building namin. Nung
nandun na ako, wala pa rin si Jasper. Humarap ako kay Ronnie nun. "Ronnie..
natatakot na talaga ako.. hindi ko alam gagawin ko!" Hinawakan niya ako nun sa
magkabilang pisngi ko. "Huwag kang matakot. Kaya mo yan. Maganda naman yung
intention mo 'di ba?"tapos humawak siya sa balikat ko, "Just go." tinuro niya yung
bench doon sa likod. Hindi ako makalakad nun. Hindi ko alam kung bakit ganito yung
pakiramdam ko. Nalulungkot ba ako? Kinakabahan? Naiiyak? Hindi ko alam.
"O sige, dito lang ako sa gilid. Babantayan kita. Kapag nakita ko na nandiyan na si
Jasper, saka lang ako aalis. Ok ba yun?" Tumango na lang ako sa kanya at dumiretso
na ako sa bench. Naupo na ako doon at nakita ko si Ronnie na nakatayo doon sa
madilim na part. Ang tagal ni Jasper nun. After 10 minutes siguro, saka lang syia
dumating. Pawis na pawis na siya at hawak niya yung phone niya. "Kanina ka pa?"
unang tanong niya sa akin nung tumayo siya sa harapan ko. Umiling lang ako nun.
Hindi ako makatingin sa kanya. Nanahimik lang kami parehas at walang makapagsalita.
Finally nung maisipan na namin na basagin yung katahimikan, nagsabay pa kami. "May
sasabihin ako.." nagtinginan kami, "Ikaw muna." Yumuko rin siya nun. "Ok, ako
mauuna." umupo naman siya doon sa bench. Halata mong hindi rin siya makapagsalita.
"Hindi ko na patatagalin." huminga siya ng malalim, "PInag-isipan ko na ito ng
matagal." tumingin siya sa akin, "Riel, we can't be together." Napatingin ako sa
kanya. Hindi ko alam kung bakt nasaktan ako sa sinabi niya. "We can't." umiling
siya, "We just can't." napaka-seryoso ng mukha niya, "Marami na akong naging
kasalanan sa iyo, so you don't deserve me. I'm just here to say goodbye.""What?!?
Goodbye for what? Kasalanan kailan? Ano ka ba?!? Anong sinasabi mo!?? Ang gulu-gulo
mo naman eh!" sinigawan ko talaga siya. Sa sobrang gulat ko sa pinagsasasabi niya,
naiiyak na ako. "Hindi kita maintindihan.""Hindi kita mahal. Ibang tao ang mahal
ko. I lied to you. Why? Ask Carlo. He knows why." Umiyak na ako ng umiyak nun.
Hindi ko na mapigilan yung sarili ko. "I didn't mean to hurt you, it's a guy thing.
Hindi mo maiintindihan." Yumuko na ako nun at ayaw ko nang lumapit sa kanya.
Nakalimutan ko na kung ano ba yung sasabihin ko sa kanya. HIndi ko alam kung paan
ko sisimulan. Para akong nabagsakan ng mundo. Bakit niya sinasabi sa akin ito?
Nagulat na lang ako nung bigla-bigla na lang may lumabas doon sa gilid na
tumatakbo. Tapos Sinuntok niya si Jasper. "Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa
kanya yan! Naririnig mo ba yung sarili mo?" galit na galit si Ronnie nun, "Alam mo
ba kung gaano siya natatakot na sabihin sa iyo yung totoong bagay tungkol sa
kanya?!? Tama ka! You don't deserve her! You don't deserve a girl like her!"
hinawakan niya ako. "Masyado siyang mabuti para sa isang tulad mo.""Sino ka ba at
anong pinagsasabi mo?" hinawakan niya yung bibig niya. "Kaibigan ako ni A.L. She's
in front of you." hinola na ako ni Ronnie, "Tara Riel!" Hinawakan ako ni jasper sa
braso ko.
"A.L.? I don't understand.""You won't." pinunasan ko yung luha ko. Bago pa kami
umalis sinabi ko sa kanya...

"It's a girl thing. Hindi mo maiintindihan."

***34*** Kahit na kasama ko na si Ronnie na lumalayo kay Jasper, humabol pa rin


siya sa akin at hinigpitan niya yung hawak sa braso ko. Lalo lang akong umiyak nun.
"Bitawan mo nga ako! Bitawan mo nga ako pwede ba?!?" pinilit kong alisin yung kamay
niya. "Hindi kita papaalisin hanggat hindi mo nililiwanag sa akin kung anong
nangyayari!"sinigawan niya ako, "Ikaw si A.L.? Paanong nangyari yun? Paanong
mangyayari kung si Mandee--" sinuntok niya yung puno doon sa gilid gamit ng
kaliwang kamay niya dahil yung isang kamay niya nasa braso ko, "WILL SOMEBODY
PLEASE EXPLAIN TO ME WHAT'S GOING ON?!?" namumula na yung mukha niya. Hinawakan ko
rin ng mahigpit yung kamay niya ta inalis ko na talaga. "Bakit ako?! Pinaliwanag mo
ba sa akin kung anong nangyayari? Niliwanag mo ba sa akin kung anong problema?
Hindi 'di ba?" nahihirapan na akong magsalita nun dahil sa pag-iyak ko, "J-jasper
simula nung nakilala kita pinipilit na kitang intindihin pero hindi mo ko
tinutulungan!!!" Humakbang siya papalapit sa akin at sinubukan niyang hawakan ako.
Lumayo naman ako. "Huwag na huwag mo akong hahawakan!" Umatras siya nun at tinignan
niya ako. Hindi siya umiiyak. Parang isa lang siyang poste doon na walang
pakiramdam na nakatingin sa akin. "Isa lang ang gusto kong malaman, isang tanong
isang sagot.." mahinahon na yung boses niya, "Anak mayaman ka ba?" Pinilit kong
pigilin yung sarili ko sa pag-iyak nun. Humihikbi-hikbi pa ako nung makuha kong
tumango sa tanong niya.
"So you're one of them..." napaka-fierce nung pagkakasabi niya. Iniwas naman niya
yung tingin niya sa akin. Ang tahimik namin pare-parehas at walang makapag-salita.
Tanging yung hangin lang ang maririnig mo. Kaya nung sumigaw si Jasper, parehas
kaming ni Ronnie na nagulat. "For God sake Riel!" sinipa niya yung puno na sinuntok
niya kanina, "Anong gusto mong itawag ko sa iyo ngayon? Mahal na prinsesa?" hindi
ko na siya sinagot at umiyak lang ako doon sa kinatatayuan ko. "Pare-parehas kayo.
Tama ako. Kayong mga may kaya sa buhay!" tinuro niya ako, "You lied to me!" Sasagot
sana ako kaya lang pinigilan niya ako. "That's it. Nagsinungaling ka sa akin,
nagsinungaling din ako sa iyo na mahal kita. We're even. We're in a win-win
situation. Katulad nga ng sinabi ko kanina, I'm just here to say goodbye."
Pagkatapos niyang sinabi yun eh binilisan niya yung pagtakbo niya. "Jas.." hindi ko
mabuo yung pangalan niya, "JASPER!" Hindi na siya huminto nun at nagtuluy-tuloy na
siya. Tuluy-tuloy na yung pag-iyak ko nun. Si Ronnie eh inalalayan na lang ako.
Bakit ganun? Win-win situation kami dahil parehas kaming nagsinungaling sa isa't
isa? Pero bakit pakiramdam ko parang ako yung talo? Siguro nga tama siya. I'm just
one of them... and will forever be. Tinignan ko yung phone ko nun. It's 12:01. At
this moment in my life, I actually believed... Fairytales do end at 12. *** Nung
nakauwi na kami ni Kay nung madaling araw, hindi ako makatulog eh umaga na. Siya
kasi eh binantayan niya ako at iyak ako ng iyak doon sa unan ko sa boarding house.
Panay pa ang tanong niya sa akin... "Cousin ok ka lang ba? Ilang oras ka nang
umiiyak ah.. pinapakaba mo na ko niyan.." Nakailang ulit din ako sa kanya na hindi
ako ok at iiyak na lang ako ng iiyak doon dahil makakagaan yun sa pakiramdam. Pero
pakiramdam ko ng mga oras na iyon kahit ilang beses akong umiyak eh hindi mawawala
yung sakit na nararamdaman ko. Monday nga yung last day namin sa resort. Tuesday na
ngayon at wala pa rin akong tulog. Nag-umaga na nga't lahat eh gising pa rin ako.
Kaibahan nga lang eh hindi na ako umiiyak at nakatingin na lang ako sa kisame.
Dapat ay may pasok na kami ngayon. Kaya lang dahil alam ni Kay na wala akong tulog,
hinayaan na niya akong matulog doon sa boarding house at siya na lang daw ang
bahalang mag-excuse sa akin sa klase. Hindi ko pa naiku-kuwento sa kanya yung
nangyari kagabi dahil wala na ako sa sarili ko. Si Kay naman kahit minsan eh
makulit, binigyan niya ako ng privacy ngayon. Half a day akong natulog. Nung
nagising nga ako at tinignan ko yung sarili ko sa salamin, parang hindi ko makilala
yung sarili ko. Bago pa ako lumabas ay nagtatago pa
ako at tinitignan ko kung nandun si Jasper. Kaya lang naisip ko, pumasok yun at
malbo na magkita kami. Pagbalik ko nun sa room namin, nanood lang ako ng TV buong
maghapon kahit hindi ko naiintindihan. Pakiramdam ko kasi lumilipad lang yung isip
ko. Nung hapon na, dumating na rin si Kay nun galing sa school. Hindi ko alam kung
paano niya nakuhang pumasok eh pare-parehas kaming puyat dahil kagabi. "Hey,
kumusta na?" yun ang una niyang bati sa akin nung pumasok siya. Tumingin lang ako
sa kanya saglit, tapos binalik ko sa tv. "Ayos lang." Binaba naman niya yung bag
niya nun at tumabi sa akin doon sa kama ko. "Alam mo cousin, kapag nagsisinungaling
ka madalas hindi kapani-paniwala kasi hindi ka magaling dun.." sabi niya na medyo
seryoso, "Hindi na kita tatanungin kung anong nangyari kagabi, pero alam mo naman
sasamahan kita kahit ano pa yan.." isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya. Oras
na ginawa ni Kay yun, nalungkot na naman ako. "Ikaw talaga. Gabalde na yung iniiyak
mo ah.." sabi niya sa akin. "Kagabi pa yan. Baka ma-dehydrate ka. Masama yun!"
Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko, umiyak na talaga ako doon sa balikat ni
Kay. "Bakit ganun Kay?" sabi ko habang umiiyak, "Bakit kapag pakiramdam mo ok lahat
tapos hindi naman pala? Bakit kapag pakiramdam mo totoo sa iyo yung isang tao yun
pala papaasahin ka lang? Bakit kapag pakiramdam mo planado na ang lahat pero kapag
nandiyan na masisira pala lahat? Bakit kapag nagmamahal ka kailangan mong
masaktan?""Maraming tanong hindi naman nasasagot. Maraming 'Bakit' alam mo kung
bakit?"ewan ko ba kung pinapatawa lang ako ng pinsan ko pero magaling yan sa
ganyan,"Kasi hindi mo naman hawak ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo hawak
yung naiisip nila. Hindi natin alam kung anong susunod na mangyayari. Nasa atin
yun. Kaya kung masasaktan tayo sa sa sobrang dami ng 'bakit' sa mundo, dapat handa
tayo na tanggapin yun. Dahil kung wala yung mga bagay na yan, hindi tayo matatawag
na tao. Hindi ka tao kung hindi ka marunong masaktan." Umiiyak pa rin ako nun kaya
nabasa ko na yung blouse ni Kay. Alam ko naman na wala lang sa kanya yun dahil
dinadamayan niya ako sa ganitong oras. "Uhmm insan.." sabi niya sa akin ng medyo
mahina, "Ewan ko kung tamang oras ko bang sabihin sa iyo ito pero si Jasper hindi
rin pumasok ngayon." Inangat ko yung ulo ko nun at tumingin ako sa kanya. "Bakit
daw?" pinunasan ko yung luha ko. "Ito na naman itong si 'Bakit'..." umiling siya sa
akin, "Hindi ko alam. Kung ano man ang nangyari sa inyo kagabi, walang nakakaalam.
O dapat ko bang sabihin na hindi ko alam. Si Carlo ayaw din kausapin ni Jasper.."
tumingin siya sa gilid, "Sinusubukan niya din daw, tahimik lang daw simula pa
kagabi. Si Ronnie.." kinabahan naman ako nun,"Ayun, back to his makapal na
glasses." Natawa naman ako nun. Hinampas ko siya sa balikat niya pero hindi
malakas.
"Nakakainis ka!" inalis ko na talaga yung luha ko, "Seryoso yung tao tapos ikaw
ganyan ka...""Isa pa nga pala cousin.." sabi niya kaya tumingin ako, "Tumawag yung
Daddy mo sa phone ko..""Huh?!? Anong sabi?" umayos ako ng upo ko sa kama, "Anong
sabi niya?""Akala ko rin kung anong sasabihin. Sabi niya nangungumusta lang daw
siya. Pero sa tingin ko may alam yun na kung ano.." tumingin siya sa akin, "Sa
bahay niyo daw ba ikaw mag-christmas?" Tumango ako nun. Christmas would be great.
"Pwede bang sa amin ka mag-christmas?" tinanong ko si Kay, "Isama mo sina uncle.
Kailangan ko lang ng kakampi. Ng kausap.." ngumiti ako sa kanya, "Pwede ba? Please
Kay. Pwede ba?" Ngumiti siya sa sa akin tapos ginulo yung buhok ko. "Ano ka ba! Ang
lakas mo kaya sa akin!" Kuamin kami sa labas ni Kay nung gabi na iyon. Siguro
pinapasaya niya lang ako at para na rin makalimutan ko yung problema ko. Makakabuti
na rin siguro yun. Ikukuwento ko rin kay Kay, pero hindi na muna ngayon. Kasi naman
kapag lalo kong naaalala, lalo lang mahirap kalimutan yung nangyari. Busog na busog
ako nung makauwi kami. May take-out pa nga si Kay at ako eh hindi ko rin naubos
yung pagkain ko pero hindi ko na naisip na dalhin pa. Medyo madilim na nung
nakabalik kami sa boarding house. Eksakto namang nung nasa tapat na kami at
bubuksan namin yung pinaka-gate, kasabay namin yung dalawa. Si Carlo at Jasper.
Galing din sila sa labas. Napansin nga niya ako eh. "Mauna ka na.." pinapauna niya
akong pumasok doon sa gate. "Ikaw na, ikaw naman nauna sa gate." Napaka-seryoso ng
mukha niya nun. "Ikaw ang babae, ikaw na ang mauna.""Ikaw na yung nasa tapat, ikaw
na ang mauna.." Pati ba naman gate ngayon issue pa? "Oh.. whoa.. wait wait.." sabi
ni Carlo na napansin na masyado na kaming nagiinit."Para walang away, ako na ang
mauuna. Then si Kay. Tapos kayo maiiwan." Nagulat na lang ako nung sinabi niyang..
"Hindi na, ako na mauuna." tapos pumasok siya sa loob at nagdire-diretso sa pag-
akyat sa second floor. Nakatingala lang si Carlo nun. Tumingin siya sa akin at
parang kakaiba na yung expression ng mukha niya. "Pasensya ka na Riel ha.." sabi
niya na parang nagpapaliwanag sa akin,"Pagpasensyahan mo na si Jasper. Talagang
malaki lang problema niya ngayon."umiling-iling pa siya. "9 years since huli ko
siyang nakitang ganyan..""9 years na ano?""7 years old siya nung huling umarte ng
ganyan. Walang pakialam sa mundo. Wala sa sarili. Pati nga sa akin parang galit yan
kagabi pa..""It's been 9 years the last time he cried. Ngayon lang uli nasundan."
***35*** Umakyat na kami ni Kay nung gabi na iyon sa room namin. Ako naman eh
walang magawa kung hindi mag-isip. Nine years? Ang tagal na nun ah. Maybe Carlo
meant something like.. 'Ngayon lang siya umiyak ng seryoso?' Hindi naman pwedeng...
Teka, hindi nga ba? Umiyak siya kagabi? Bakit? Dahil sa akin? Nah. Masakit mang
maggaling sa akin, sinabi niya na may mahal siyang iba. And yes, ako yung talo dito
kasi... nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa dahilan na alam ko na yung sagot ayaw ko
na namang harapin. Hindi katulad nung Monday na nangyari sa 24th hour, nakatulog
naman na ako. Balak ko na rin kasing pumasok kinabukasan at kaya ko naman na. Isa
pa, hindi na ako kulang sa tulog. Alam ko sa sarili ko na may problema pa rin ako,
pero sabi nga nila, you must learn how to move on. Maaga ako at si Kay na
nakarating sa school. Kapapasok ko pa lang sa gate eh hindi na maganda ang
sumalubong sa akin. Ang daming nakatingin sa akin. Yung iba nga na tinignan ko rin
pabalik, iniiwas nila yung tingin nila. Anong meron? May dumi ba ako sa mukha? May
alam ba sila na hindi ko alam? O baka naman si Kay ang tinitignan nila? "Hey, bakit
nakatingin sila sa iyo?" tinanong ko si Kay habang naglalakad kami ng mahina lang,
"Anong meron?""Hindi sila sa akin nakatingin.." diretso pa rin siya maglakad, "Sa
iyo." Nung una eh hindi pa ako nag-react sa sinabi niya. Kaya lang nag-sink na sa
utak ko. "Err.. why? Why're they looking at me as if--" Hindi ko na natapos yung
sasabihin ko dahil bigla na lang may tumayo sa harapan ko at tinulak ako ng sobrang
lakas sa kaliwang balikat ko. Napaatras ako ng kaunti. Medyo nahulog pa yung bag
ko. Tinignan ko naman kung sino. "Mandee ano bang problema mo?!?" napikon kaagad si
Kay sa kanya. Si Mandee eh nakatingin lang sa akin na parang galit na galit na
hindi mo maintindihan. "Nagpakita pa ang makapal ang mukha!" sabi niya ng malakas
doon sa hallway. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin kaya nanahimik lang
ako. Tinignan ko
lang siya. Si Kay naman ay hindi nakapagpigil, siya na ang sumagot sa akin. "Ikaw
nga yung makapal ang mukha diyan!" tinulak din ni Kay si Mandee, "Huwag na huwag
mong itutulak yung pinsan ko dahil baka masaktan ka!""Ano bang pakialam mo dito
Kay?!? Ikaw ba ang kinakausap ko?" sinabi ni Mandee sa kanya, "Si Riel hindi ikaw!"
sumigaw uli siya, "Bakit ba kailangan ikaw ang sumagot para sa kanya?!" tumingin
siya sa akin, "Ano Riel?!?" Alam ko na ayaw kong patulan si Mandee. Pero wala akong
magagawa kundi sumagot para matigil na. "Paano akong sasagot sa iyo eh hindi ko nga
alam ang pinagsasasabi mo?""Nagkukunwari ka pa eh!" susugod sana siya kaya lang
inawat siya nung mga nasa likod niya, "Impostor!" Kinabahan ako nun sa sinabi niya.
Impostor? Ako? Ano na naman bang ginawa ko? Halata niya sigurong puzzled yung mukha
ko kaya tinuloy niya. "Hindi lang ako nakasama sa recollection kung anu-ano na yung
pinagkakalat mo!"namumula na yung buong mukha niya, "A.L.? Palibhasa naiinggit ka
sa akin na nasa akin ang attention at awards tapos ikaw na nagke-claim na ikaw si
A.L.? Ako si A.L.! Alam mo yan!" So nagagalit siya na pinagkakalat ko na ako si
A.L.? Teka, ako? Impostor? Nagkakalat? "I don't know what you're talking about.."
sabi ko sa kanya ng mahinahon, "I really don't.""Palibhasa yung mga probinsiyanang
katulad mo kulang sa pansin!" dinuro niya ako sa dibdib ko.. tinulak-tulak niya ako
kaya napaatras ako ng napaatras, "Kung hindi pa madudulas si Ronnie sa akin na ikaw
daw si A.L., hindi ko pa malalaman!" Si Ronnie? Nadulas si Ronnie. "I didn't! Wala
akong sinasabi!" sinigawan ko na rin si Mandee nun. Wala akong pinagkakalat. I
never did. Kahit alam ko na ako yun, ayaw kong malaman nila. Paatras pa rin ako ng
paatras nun. Ang sakit nung pagtulak sa akin ni Mandee. Ayoko siyang patulan dahil
ayoko na ng gulo. Kahit ngayon... Hindi ko naman napansin na kakaatras ko eh may
naapakan ako. Paglingon ko.. "Leave her alone." sabi niya na parang wala lang sa
kanya. "Pero Jasper alam mo ba siya eh--""I don't care what she is! Just leave her
alone." sinubukan niyang dumaan nun na parang hindi niya ako napansin. Gumilid na
lang ako. "Jasper mapagpanggap itong babaeng ito alam mo?" Nainis yata si Jasper
kaya huminto siya at humarap kay Mandee. "Mandee just stop!" nanahimik kaming lahat
nun, "Kahit ikaw naman eh, matagal mo nang ikini-claim na ikaw si A.L. pero na-
prove mo ba? Hindi 'di ba? She's.." tumingin siya sa akin, "She's not claiming
anything.. so just stop!" Pagkatapos niyang sinabi yun eh hindi na nagsalita si
Mandee. Bakit niya nga uli ginawa
yun? Mabilis na naglakad si Jasper nun. Ako naman eh hindi ko napigilan yung sarili
ko, hinabol ko naman syia doon sa hallway. Hindi ko alam kung napansin ba niya ako,
pero sinabayan ko siya. Nung una natatakot pa ko na magsalita. Tinignan ko lang
siya saglit tapos nagsalita na rin ako. "Hindi mo naman kailangang gawin
yun..""Hindi ko ginawa yun para kanino.." hindi niya ako tinignan, "Masyado na
akong pagod sa ganyan! Ayoko na." Halata kong ayaw niya akong kausapin. Ewan ko ba,
parang masyado siyang nagagalit sa akin. Hindi ba dapat ako yung magalit sa kanya?
Naiwan akong nakatayo doon at lumalakad pa rin siya. "JASPER ANO BA!!!" wala na
akong pakialam kung may mga tumingin. "Kung galit ka sa akin dahil nagpanggap ako
sana alam mo naman yung reason ko kung bakit ko ginawa yun! Sana naman makinig ka!"
Huminto siya nun tapos bumalik sa akin. Hinawakan niya ako sa braso ko. "Alam mo
kung bakit ako galit? Hindi dahil nagsinungaling ka! Hindi dahil nagpanggap ka!"
seryosong-seryoso siya nun at nakatingin siya sa mata ko, "Galit ako sa iyo dahil
hindi ko na alam kung sino ka!" habang sinasabi niya iyon eh lalong humihigpit yung
paghawak niya sa akin. "Ako pa rin yun! Ako pa rin si Riel na nakilala mo!""Yun na
nga eh! Hindi ko alam kung sino ba yung nakilala ko.." iniwas niya yung tingin niya
sa akin, "Dahil hindi ko alam kung alin yung totoo sa pagpapanggap." Binitawan niya
ako nun at lumayo siya ng kaunti sa akin. "Hindi ko alam kung totoo ba yung taong
minahal ko..." Nakatayo lang ako doon at umiiyak. Yumuko ako nun at hindi na ako
makakilos. Teka lang... Mahal niya ko? ***

Hindi naman ako nakinig sa buong klase ko nung umaga na iyon. Ang ginawa ko eh
nakasandal lang ako sa desk ko at nananahimik. Wala kasi ako sa mood. May quiz nga
din kami sa Physics namin pero hindi ko ginawa. Bahala na kung lagyan man ako ng
zero sa grade. Si Jasper naman eh hindi nagpakita sa klase. Bakante yung upuan niya
simula kanina pa. Alam ko naman na pumasok siya sa school kaninang umaga, pero
hindi umattend sa room namin. Si Carlo naman eh medyo busy at panay ang labas ng
classroom. Inuutusan nga rin siya nung mga teachers. Hindi ko tuloy siya matanong
kung nasaan si Jasper. Nung breaktime naman na namin, niyaya na ako ni Kay na
kumain sa cafeteria. Nakisabay na lang ako sa kanya kahit wala naman akong gana.
Ewan ko ba, parang ang
gulu-gulo na naman ng utak ko. Kagabi lang naisip ko na kalimutan na lang, pero
bumabalik at bumabalik sa isip ko yung mga nangyari. Sa school naman eh hindi rin
naman maganda ang kinalalabasan. Everyone loved A.L. Well, maybe almost everyone.
But never Riel. Hindi ko rin alam kung ano ang kaibahan. From the most loved person
sa school, I became the most hated in just a day. "Huwag mo na silang pansinin,
hindi nila alam mga pinagsasasabi nila." sabi ni Kay na hinihimas-himas pa ako sa
likod, "naku talagang yung Mandee na yan baka mapatay ko siya!" Wala naman talaga
akong pakialam sa tingin ng ibang tao sa akin. Lagi ngang sinasabi sa akin ng Mommy
ko na dapat kong tandaan, hindi mahalaga ang tingin ng ibang tao sa iyo. Ang
mahalaga, ang tingin mo sa sarili mo. Nung makarating na kami sa cafeteria, nag-
order lang si Kay para sa akin at kumain na kami. Ni-hindi ko nga halos magalaw yun
eh. Napansin din ako ni Kay. Nag-comment ba naman.. "Naku huwag mo ngang iniisip
yun! Mahal ka ng taong yun!" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. At that very
moment, naisip k na may alam si Kay sa akin. Nagbago lang nung nakita ko siyang
nakangiti. Madalas kasing sinasabi sa tao na mukhang malalim ang inisiip eh mahal
ka ng isang tao. Pinsan ko naman si Kay, kaya hindi masamang sabihin ko sa kanya
kung ano ba yung problema ko. Nakinig naman siya sa akin. Sinimulan ko doon sa
magandang usapan namin ni Jasper bago yung araw na mag-uusap kami ng 12. Tapos
ikinuwento ko rin sa kanya na sinamahan ako ni Ronnie doon sa meeting place dahil
sobrang kabado na ako nun. After that, dumating na ako doon sa point na kahit ako
eh naguguluhan kung bakit. "Sinubukan mo bang tanungin siya kung bakit?" sabi ni
Kay sa akin na interesadonginteresado sa sinabi ko, "I mean, nanliligaw siya sa iyo
'di ba? Imposible namang liligawan ka niya tapos hindi ka niya mahal?" nagtataka
rin siya, "That's really odd. Sa kinikilos talaga ni Jasper noon pa, alam ko naman
na may gusto siya sa iyo pero anong nangyari?" Yumuko na lang ako. Hindi ko rin
alam ang sagit sa mga tanong ni Kay. "Ewan ko ba.." tumingin uli ako sa kanya,
"Sinabi niya na tanungin ko daw si Carlo. At kaht tanungin ko si Carlo, hindi ko
rin naman maiintindihan dahil daw 'guy thing' yun." napakunut-noo ako, "Tapos
sinabi niya sa akin ngayong umaga na galit siya sa akin hindi dahil nagpanggap ako
o nagsinungaling.. kundi dahil hindi niya kilala yung taong minahal niya."
Nagsalubong na yung kilay ni Kay nun. "The--what?" sabi niya na naguguluhan din,
"Sinabi niya na hindi ka niya mahal tapos sinabi niya na mahal ka niya kanina
lang?" umiling-iling siya, "Ano bang klaseng utak meron yung tao na iyon?" Kahit si
Kay eh hindi rin maintindihan yung takbo ng utak niya. Sino kayang may kaya? Kumain
na lang kami at hindi na namin pinag-usapan si Jasper. Si Mandee naman eh
panay ang parinig ng 'Impostor' doon sa table niya kaya lang hindi na namin
pinapatulan. Paano kaya niya nagagawa iyon? Paano niya nakukuhang lokohin yung
sarili niya pati ang ibang tao? "Tara na nga Riel.." hinila ako ni Kay nung matapos
siyang kumain, "Ayoko na makarinig ng kahit ano galing sa babae na iyan dahil
makakatikim sa akin yan!" galit na galit talaga siya, "Kaya parang walang gulo,
tayo na ang umalis." Dinaanan namin yung table ni Mandee one last time at narinig
ko pang sinabi niya na 'Guilty kasi..' Umarte naman si Kay na susuntukin niya si
Mandee, kaya mukhang natakot. Hindi naman niya ginawa eh. Isa kami sa mga naunang
nakabalik sa room. Wala pang masyadong tao doon sa upuan namin sa bandang dulo pero
naupo na kami. Hindi rin naman nagtagal, pumasok din si Carlo at ang bilis-bilis
maglakad. Kinuha lang niya yung bag niya at lalabas na yata uli. "Psssttt!" tinawag
siya ni Kay kaya huminto siya nung nandun na siya sa upuan. "Bakit?!""Tara nga
dito.." nag-sign si Kay sa kanya na umupo doon sa upuan sa tapat naming dalawa.
"Bakit nga?" ayaw niyang lumapit. "Sabi ko tara dito.." Dahil ayaw naman sabihin ni
Kay sa kanya kung bakit, lumapit na rin si Carlo nun at naupo doon sa upuan sa
harap namin. Nakabukas pa yung polo niya kaya kita yung tshirt niya sa loob. "Ano
bang meron?" nagtanong siya kaagad nung kauupo pa lang niya, "Hindi ako pwedeng
magtagal.. aalis na rin ako--""Magtatanong lang sana ako.." tapos tumingin siya sa
akin saglit, binalik niya kay Carlo, "Anong meron doon sa kaibigan mo?" Halata mong
hindi inaasahan ni Carlo yung tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?" Hinampas ni
Kay si Carlo sa braso niya. "Come on Carlo! Alam ko mas marami ka pang alam sa
akin!" himampas niya uli, "Huwag ka nang magkunwari! Anong problema nun?""You mean
yung ngayon--?""Hindi, yung nangyari sa kanila.." tinuro ako ni Kay. Nabaling naman
yung tingin ni Carlo sa akin. Seryoso naman siya nun. "Sorry Riel ah, di ako
pwedeng magsabi sa iyo ng kahit ano. Baka kasi magalit si Jasper sa akin." Hindi ko
naman mapigilan yung sarili ko. Alam ko may alam si Carlo. Hindi pwedeng wala.
"Siya nga ang nagsabi sa akin na tanungin kita." naiiyak na naman ako nun, "S-
sinabi nniya sa akin na... na hindi niya ko mahal.""Sinabi niya yun?!?" parang
nagulat siya sa sinabi ko. "--sa iyo ko daw tanungin kung bakit.. at kung anong
meron."
Humawak si Carlo sa kamay ko nun. At least kahit papaano, ramdam ko na parang
dinadamayan niya rin ako. "Riel sinabi ko naman sa iyo na hindi ako pwedeng magsabi
sa iyo ng kahit ano," tapos tumingin siya sa bandang likuran niya, "Pero hindi
naman siguro masama kung sasabihin ko sa iyo na.." Huminto siya nun at hindi niya
matuloy yung sasabihin niya. Hinampas uli siya ni Kay ng malakas. "Aray ko naman
Kay! Bakit mo ko hinampas?!" hinimas niya yung braso niya. Kahit na lumuha na naman
ako nun, nakuha ko pang tumawa. "May pasuspense-suspense ka pa kasi.. sabihin mo na
nga!""Okay okay.." tinaas niya yung dalawang kamay niya, "Huwag mo akong
hahampasin!" tapos lumayo siya ng kaunti kay Kay at sa akin nag-lean, "Riel, Jasper
lied to you." Lalo naman akong naiyak nun. Totoo nga. Totoo yung sinabi ni Jasper.
Nagsinungaling siya sa akin na mahal niya ko. "I know that. Sinabi niya sa
akin.""No.. no!" pinunasan niya yung luha ko, "Nagsinungaling siya pero hindi yung
iniisip mo. Nagsinungaling siya na hindi ka niya mahal." umiling siya, "Mahal ka
niya. Mahal na mahal." Tumawa naman ng kaunti si Carlo. "Pero bakit sinabi niya
yun?""Oo nga!" nakiayon naman si Kay, "Gusto pa niya may brain teaser pa kami na
iso-solve!""I told you hindi ako pwedeng magsabi ng kahit ano dahil nangako ako.
Marami lang talagang problema si Jasper ngayon. Pero mahal ka niya." huminga siya
ng malalim, "Ikaw nga yata ang unang babaeng niligawan nun eh. Torpe kasi." ngumiti
siya sa akin, "Pero yun nga, nung gabi na nag-usap kayong dalawa.. nag-usap o nag-
away.. hindi ko alam.." huminto siya saglit tapos tinuloy din niyay ung sasabihin
niya, "Umiyak siya nun. Si Jasper hindi basta-basta umiiyak unless nasaktan siya
talaga.""Naguguluhan pa rin ako. Bakit imbis na mabawasan yung tanong sa utak ko sa
pagsasabi mo sa akin niyan, parang lalong nadadagdagan? Bakit ba niya sinabi
yun--""Sorry, hindi ko talaga masasabi. Gustuhin ko man. Ayaw ko lang makialam. Sa
tingin ko kung mayron mang taong dapat magsabi sa iyo, si Jasper yun." Tumayo naman
ako doon sa upuan ko at parehas silang tumingin sa akin. Pinunasan ko uli yung luha
ko at nagsimula na akong maglakad. "Teka, cousin saan ka pupunta?" tinanong ako ni
Kay nung paalis na ako. Lumingon naman ako. "Kay Jasper. Hahanapin ko siya. Gusto
ko lang magkaliwanagan na. Ayoko ng ganito.." Napatayo rin si Carlo nun. Tumakbo
siya sa kinatatayuan ko. "Wait!" humawak siya sa dalawang braso ko, "You can't do
that!""Bakit naman?" pinipilit kong alisin yung kamay niya sa braso ko, "Kakausapin
ko lang siya!""Hindi mo ba alam?!?" tinanong niya ako kaya lalo akong nalito. "Alam
na ano? Ano bang meron? Ang gulo na masyado. Anong hindi ko alam?!?" Yumuko si
Carlo nun at binitawan na niya ako. "I'm so sorry Riel. I'm afraid you can't do
that." tinignan ko siya na puzzled ako.
"Nag drop out na siya sa school..."

***36*** Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nung mga oras na iyon, pakiramdam
ko eh huli na ang lahat. Kung iniiwasan niya ako at ayaw niyang makipag-usap sa
akin, then that's it. I respect his decision. Wala akong karapatan para pigilan
siya. Isa pa kung gawin ko man, wala na ring mangyayari dahil nagawa naman na niya.
Ang tanging gumugulo lang sa isip ko, kung talagang iniiwasan niya ako eh hindi
naman niya kailangang mag drop out. Ako na lang sana para mas maging ayos ang
lahat. Umiyak ako syempre. Hindi ko na maiiwasan yun. Yung iba nga sa school
iniisip na siguro na crybaby ako. Maybe I am. Ganun pa rin, walang pagbabago sa
school. I'm still the same Riel na impostor sa paningin ng iba. After ilang days at
hindi na nga pumapasok si Jasper sa school namin ng tuluyan, lumabas naman yung
class rank namin. Siguro nga dapat akong maging masaya, lumabas na pang-1st ako.
"Congrats couz!" sabi sa akin ni Kay tapos tinapik ako sa balikat. Ngumiti ako nun
pero hindi ako masayang-masaya. As far as I know, wala akong pakialam sa class
rank. Lalo pa nung sinabi nung teacher namin na... "Riel, points lang ang pagitan
niyo ni Jasper. Nag rank 1st siya by point zero five, pero since wala naman na siya
sa school.. ikaw na ang 1st. Congratulations." Noon nung unang beses na nakarating
ako sa school na ito, masayang-masaya ako. Pakiramdam ko totoong teenager ako. Pero
yung school spirit na iyon, matagal nang nawala sa akin. Kinaumagahan nun, inasar
pa rin ako ni Mandee. Ayun, hindi ko na pinapansin dahil katulad nga ng sabi nila,
sanayan na lang din. Ang gusto ko lang ay matapos na yung school, may christmas
vacation at makalayo sa lahat. Siguro sa ganun marerelax ako sa bahay namin at baka
makalimot na rin. Dahil sa ngayon, walang nangyayari sa akin. Carlo's still around.
Pero syempre katulad ko, halata mong malungkot siya. Ilang buwan
ko na rin siya kilala at kadalasan pa nung mga panahon eh kasama niya si Jasper.
Pero ngayon kung titignan mo siya, parang may kulang. Pangiti-ngiti lang siya,
kakaway o kaya naman babati. Pero kulang... kulang talaga. Nung nag-iisa nga ako at
nakatingin na naman sa kawalan, tumabi pa siya sa akin. "He's doing alright.." sabi
niya na parang tinanong ko siya kahit hindi naman, "Umuwi siya sa probinsiya nila.
Sa uncle at auntie niya. Alam ko doon na niya balak magtapos ng high school."
Tinignan ko lang siya at hindi na ako sumagot. Hindi rin naman nagtagal, eto na
naman si Mandee. Nagiging habit na nga niya yung pagpunta sa harapan ko at magsabi
ng kung anu-ano. This time, cheer naman ang ginawa niya. "A.L., A.L., we love you!
Riel, Riel, we hate you!""Ano ka ba Mandee?!? Hindi mo ba alam kung kailan dapat
tumigil? Hindi naman nagpapanggap si Riel alam mo?" Hinawakan ko si Carlo sa braso
niya. "Hayaan mo na.""Palibhasa totoo naman!" tapos tinuloy niya uli yung kanta
niya. "---we hate you!" Tanggap na lang ako ng tanggap. Wala na sa akin yang mga
yan. Hindi na ako nasasaktan. Habang tumatagal, lalo na akong nagiging manhid.
Dahil paulit-ulit yung kanta ni Mandee, paulit-ulit ko din yung naririnig sa tenga
ko. Nakaupo na lang ako doon, nanahimik at walang sinabi. Nagulat na lang ako nung
may narinig ako ng... "Szarielle Lopez!" hindi ako lumingon. Familiar yung boses.
Parang galit na hindi mo maintindihan. Binuo pa yung pangalan ko. "Arielle
tinatawag kita!" Nung inulit yung pangalan ko at Arielle na ang tawag sa akin, saka
ko lang nakuhang lumingon. At hindi ko inaasahan kung sino ang huminto sa harapan
ko. Kaya ayun, napatayo na lang ako ng de-oras. "Arielle Lopez! What do you think
you are doing?!?" napaka-lakas ng boses niya at marami nang nakatingin. "Dad.. just
calm down." pinipilit ko siyang hinaan yung Daddy niya. Naka-tux pa siya nun at
halata mong galing pa siya sa work niya. Ano namang ginagawa niya dito? "Ano pong
ginagawa niyo dito?" tinanong ko siya dahil nakuha na niya yung attention ng lahat.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?" sabi niya na parang galit
pa,"Detentions? Referrals?" alam na niya? "At ano pa itong nalalaman ko na nag part
time ka daw sa isang shop?""Dad just let me explain okay?!?" bakit kailangan pa
niyang i-aanounce sa lahat?!? "No young lady! You are going to listen to me!"
nakakahiya na talaga yun, "Ang usapan natin ay papasok ka dito sa school pero wala
sa usapan natin ang mga pinaggagagawa mo! And what is that filthy bed you're trying
to sleep at doon sa boarding house?!""That
filthy bed is the best bed I've ever slept on my entire life!" hindi ko na
napigilan yung sarili ko, "Dad kung anong nangyayari sa akin dito ginusto ko yun!
Dahil tao lang ako Dad! I'm a teenager! I'm not an adult yet! Gusto ko masubukan
yung mga bagay-bagay sa mundo hindi lang limited kung anong gusto mo!" Napatingin
ako kay Mandee nun sa gilid. Si Carlo rin eh hindi na makapagsalita at halata mong
nagulat din siya. "You're grounded." sabi niya sa akin na medyo mahina, "And we're
cutting off A.L.'s fund.""I don't care Dad! I DON'T CARE! Lagi namang ikaw ang
nasusunod! Do what you want!" Hindi ako umiyak nun. Talagang nagmatigas ako.
Magtinginan silang lahat, wala akong pakialam. May isang teacher naman doon na
lumabas sa classroom at nakikinig din sa amin. Nakialam naman yung teacher sa
usapan. "Uhmm excuse me lang po sir.." sabi nung teacher, "Tinutukoy niyo po ba eh
si Mandee? Si A.L.?" tapos tinuro niya si Mandee. Namumutla na si Mandee nun.
Napaatras naman siya at hindi na makapagsalita. Yung Daddy ko eh parang napuno na.
"What are you talking about?!?" humarap siya kay Mandee tapos sa akin, "My
daughter, Szarielle Lopez.." hinawakan niya ako, "Is no other than A.L." oh GOD!
"DAD STOP!""A.L. stands for Arielle Lopez." hinigpitan niya yung hawak niya sa
akin. "DAD STOP! I SAID STOP!!""And who do you think you are?" tumingin siya kay
Mandee. "Ikaw pala yung bali-balita na sinasabi nilang nagpapanggap na anak ko?
Alam mo ba kung anong pinaggagagawa mo?""DAD ANO BA! MAKINIG KA NAMAN SA AKIN!"
Halata mong gulat na gulat yung iba at lahat eh nagtinginan kay Mandee. Nagsimula
na siyang umiyak nun tapos tumakbo. I felt bad for her. But then I realized,
deserve naman niyang makuha yung nangyari sa kanya. As for my Dad, he couldn't care
less. Basta ang ginawa niya, hinila na niya ako at pinilit niya akong isama sa
kanya hanggang doon sa kotse. "You are not going back to that school you hear
me?!?" sinesermonan niya ako habang naglalakad kami. "I talked to Kay. Pinagsabihan
ko siya na hindi niya ginawa yung binilin ko sa kanya.""Dad walang kasalanan si Kay
dito kaya huwag niyo siyang sisisihin! She's the best company I've ever had so
don't blame her for my mistakes!""Best company? You've been in detention? Not once,
not twice.. Arielle.. you've never been in any trouble so don't tell me she's the
best company you've had! Anong problema mo?" hindi ko siya sinagot, "I knew this
was a bad idea from the very start! Hindi ko alam kung anong meron sa Mommy mo at
kinampihan ka pa!""Kasi naiintindihan niya ako! Ikaw hindi mo ko iniintindi! Puro
gusto mo lang! Paano naman yung gusto ko?" Umupo ako doon sa likod ng kotse. Hindi
ko alam kung anong mangyayari doon sa mga gamit ko doon sa boarding house. Hindi
kami dumaan doon at mukhang walang balak si Daddy. Hindi kami nag-usap buong biyahe
namin. Parehas mainit ang ulo namin. Kahit anong pakikioagtalo ko sa kanya, alam
kong hindi ako mananalo. Hindi naman kahit kailan. Hindi rin nagtagal, nakita ko na
yung village namin na matagal ko nang hindi nakikita.
Sa labas pa lang ay nakita ko na si Tilly, at nakangit siya sa akin. Nung bumaba
ako ng kotse, yumakap pa siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Umakyat ako doon
sa hagdan at inunahan ko si Daddy. "Arielle!" sumigaw siya doon pero nagdire-
diretso ako, "Don't you dare walk away from me! Tingnan mo kung anong natutunan mo
doon?""WHAT?!?" alam kong masyado na akong rude sa Daddy ko, pero siya rin naman sa
akin, "Ano na naman Daddy? Sabihin mo na? Aakyat na ako sa kwarto ko dahil pagod na
akong makinig sa iyo!!!" Kung malapit siguro si Daddy sa akin ay nasampal na niya
ako. Mabuti na lang malayo kami sa isa't isa. "You are not to leave this house.
Mag-stay ka sa kwarto mo. Lalabas ka lang kapag kakain ka, and that's it.""Hindi na
kailangan Dad! Sasabihin ko na lang kay Tilly na dalhin yung pagkain sa kwarto ko!
Para sa ganun, hindi mo na ko problema!" Tinalikuran ko uli siya kaya lang tinawag
niya uli ako. Kung hindi ko lang siya Daddy, ewan ko na! "Fix that attitude!"
sumigaw siya uli sa akin. "It's genetic Dad. Now you know san ko nakuha.""I can't
believe you!" alam ko na nagugulat siya sa akin, "You are to fix yourself by
tomorrow." "Yeah right." pagkatapos nun nagsimula na akong palakad papasok.
"Darating si Mrs. Garcia dito bukas at ayusin mo yang ugali mo!" Kahit na gusto
kong dumiretso nun, huminto pa rin ako. Mrs.. who? "Sino?""Mrs. Garcia.." inulit
niya pero mahina na. "Yeah.. who is she?""Wesley's Mom.." sabi niya sa akin pero
hindi ko maintindihan. Wesley? The... guy before? "Dad No.." umiling-iling ako nun.
"You will.." basta sinabi niya talaga.. sinabi niya. "He's the guy I want you to go
with."
***37*** Asar na asar ako kay Daddy nun. I don't know Wesley. I don't even know who
are the Garcias to start with. And now meet them? Alam ko naman na ang takbo ng
utak ng Daddy ko. Kung gusto niya sigurong magkaroon ako ng kaibigan at isang tao
na magiging higit pa dun, tingin niya siguro mas makakabuti pa sa akin kung parehas
namin ng social status. Well, he's wrong. Kasi may nakilala ako na talagang naging
parte ng buhay ko at hinding-hindi ko makakalimutan na wala sa social status ko. At
kung nasaan man siya ngayon, I wish him well. Hindi na ako nakipagtalo sa Daddy ko
dahil wala namang mangyayari. Ipipilit ko yung gusto ko at ipipilit niya yung gusto
niya.. paikot-ikot lang kami. Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Nakita na rin ako
ng Mommy ko at nag-kiss lang ako sa kanya. Alam niyang may problema dahil ganito
naman ako palagi kapag nag-aaway kami ng Daddy ko. Hindi na ako iimik kapag wala
nang patutunguhan yung usapan, pagktapos ay magkukulong na lang ako sa kwarto ko.
Binilisan ko na lang yung pag-akyat ko. Nakita ko na naman yung familiar na
pintuan. Syempre pumasok ako sa loob, at nahiga na lang ako doon sa kama ko. Hindi
ako lumabas buong gabi. Hindi rin ako kumain. Hindi ako gutom. Yung school ko?
Hindi ko nga alam. Tiyak may paraan na naman si Daddy para kausapin yung school at
para i drop out ako. Honorable dismissal kumbaga. At kung papasok ako sa private
school ko dati? I have no idea. I'd rather be home schooled. Ang gulu-gulo ng utak
ko. Sa sobrang pagod ko siguro, nakatulog ako ng naka school uniform. *** Nagising
na lang ako nung may nagbukas nung may silaw naman ako. Parang may maliwanang na
kung ano na tumama sa mata ko. Pagdilat ko ng mata ko, napatingla ako doon sa
kisame. Kulay blue... Teka nasaan nga ba ako? Oh yeah, sa bahay pala. Umupo naman
ako nun at nakita ko si Tilly na inaangat yung kurtina. Lagi namang ganyan yan at
mahal na mahal ko yan. "Rise and shine Princess!""Don't call me Princess!" sabi ko
naman kay aga-aga, "Alam mo ayaw na ayaw ko nun.""Oo na hindi na.." nakita kong may
tray siya na nakalapag doon sa gilid, "Pinapagising ka ng Daddy mo. Gusto niyang
mag-ready ka dahil darating daw si Mrs. Garcia." NIlapag naman niya yung tray sa
kandungan ko. "Nasaan nga pala siya?""Kakaalis lang. Pumasok na sa opisina." naupo
naman siya doon sa kama. "Umalis siya? Akala ko ba darating si Mrs. Garcia?
Iniwanan niya ko dito tapos darating yung bisita niya?" nakakainis naman talaga
yung tao na iyon!
"Si Mrs. Garcia daw ang nagsabi na ayos lang sa kanya na kayong dalawa lang daw."
Bago pa ako makapag-isip tungkol kay Mrs. Garcia, may naisip naman akong itanong
kay Tilly. "What about my school? Babalik ba ako?" nalungkot tuloy ako bigla. "Doon
sa public school?" nagkunot-noo siya. "Tingin ko hindi ka na babalik doon eh. Alam
mo namang galit na galit yung Daddy mo. Sorry anak." Haay.. parang anak na talaga
ako ni Tilly. Pinakain niya ako ng pinakain nun. Sinabihan ko pa nga sya busog na
busog na ako at hindi ko na kaya, kaya lang pinilit niya akong ubusin yung
natitira. Grabe naman itong si Tilly! Nung natapos tuloy ako, pakiramdam ko nag-
gain ako ng 20 pounds. Ready na rin yung bubble bath ko nun. Kahit na nasanay na
ako sa shower sa boarding house, na-miss ko pa ring magbabad sa banyo ko. Syempre,
inabot yata ako ng matagal uli dahil narinig kong kinukulit niya ako na lumabas na
at kanina pa raw ako doon. Nag-shorts na lang ako. Tutal sa bahay lang naman ako
mag-stay, hindi naman kailangang maganda-maganda pa ang isuot mo. Nag pink lang ako
ng blouse at pink na clip. Yung usual lang na sinusuot ko. Sa baba na ako nanood ng
tv. Tiyak naman anong oras darating na yung babaeng pinapunta dito ni Daddy.
Tinatamad naman talaga akong i-meet siya, at lalung-lalo na hindi ako interesado.
Hindi pa ako nagtatagal doon sa TV namin sa living room, tinawag naman ako ni
Roland, yung isa sa men in black ni Daddy. "Mam.." tapos nakita niya yung tingin ko
sa kanya, "Ahh.. Arielle, may lalaki doon sa labas na naghahanap sa iyo. Gustong
pumasok eh kaya lang sinabihan kami ng Daddy mo na huwag daw magpapapasok ng hindi
kilala. Gusto ka daw niyang kausapin.." Lalaki? "Sino daw?!?" nagtaka naman ako.
"Ewan ko, ayaw ibigay yung pangalan eh." Lumabas naman ako nun at tinignan ko kung
sino yung tinutukoy ni Roland. Sinundan naman niya ako sa labas. Tinignan din niya,
pero wala naman eh. "Kanina lang meron eh.." sabi niya sa akin, "Mga ganito
katangkad." tapos tinaas niya yung kamay niya na medyo matangkad at malapit sa
height niya. Bumalik na siya doon sa bandang likuran sa station niya kung saan siya
madalas magstay. Ako naman eh lumabas ng gate at tinignan ko kung may tao pa. Wala
naman pala talaga. Umalis na siguro kung sino man yung naghahanap sa akin. Sumandal
ako doon sa gate namin tapos nung maisipan ko nang pumasok uli, tumalikod na ako at
nagsimula ng maglakad. Kaya lang nakakaisang-hakbang pa lang ako eh bigla na lang
may nagtakip ng bibig ko at dinala ako doon sa gilid. Binuhat ako siyempre.
Sinubukan kong sumipa-sipa at sumigaw, pero walang epekto. Ang bilis-bilis na ng
tibok ng puso ko. SI Roland nun eh walang silbi at sa kabilang side nakatingin.
NUng nandun na kami sa gilid, narinig kong may nagsalita. "Tatanggalin ko yung
kamay ko, huwag kang sisigaw." Jasper?!? Tinanggal naman niya yung kamay niya.
Humarap naman ako at nakita ko siyang nakatayo doon. Medyo nakangiti pa siya. Ako
naman eh nainis. Tnakot pa ako. Kaya ang ginawa ko eh tinulak ko siya ng malakas sa
dibdib niya. "What's the matter with you?" tinulak ko siya uli, "Paano kung
nagkaheart attack ako?" tinulak ko uli, "Siraulo ka natakot ako! Akala ko kidnapper
na!""Don't worry dadalhin kita sa hospital..." tapos umiling siya, "But the point
is, hindi ka nagkaheart attack at hindi rin ako kidnapper.." tumingin siya sa akin.
"Teka, akala ko na.. nasa probinsiya ka na ninyo?" tinuro ko siya. "I was.. bumalik
lang ako." medyo seryoso na siya, "Sinabi sa akin ni Carlo kahapon yung..
nangyari.""Yeah, it was horrible." Teka nga, bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya
as if walang nangyari dati? "So.." sabi niya sa at nakatingin pa siya sa akin mula
ulo hanggang paa.. Tinaas ko nga yung kilay ko... "Bakit mo ko tinitignan ng
ganyan?" hinampas ko nga siya. "Tinitignan ko yung suot mong damit!" hinawakan niya
yung braso niya gaya ng ginawa ni Carlo nung hinampas siya ni Kay. Tumingin siya
doon sa gate namin. "I was just about to ask you..." humawak siya sa kamay ko, "Are
you coming with me?""HUH?!? SAAN?" Ngumiti naman siya nun. "I don't know. You
pick." Nakatingin lang ako sa kanya nun. Ang gulo niya. Dati-rati nagagalit siya sa
akin tapos ngayon kung umarte siya parang hindi kami nag-away na dalawa. Dahil
siguro naguguluhan ako, imbis na sagutin ko yung tanong niya eh nagtanong na lang
ako sa kanya in-return. "Paano mo nalaman na dito yung bahay ko?" nakakapagtaka
naman kasi dahil bigla na lang siyang susulpot. Yung tingin niya sa akin nun eh
yung 'ano-bang-klaseng-tanong-na-yan' look. "Anong klaseng tanong ba yan?" tingnan
mo sabi ko na nga ba?!? "Does that even matter?""For me.. it does.""Ok." sabi niya
tapos lumapit siya sa akin, "Your Dad owns a company. Madali lang para sa akin na
hanapin yung information tungkol sa family mo. Newpapers?!?"
Nagsuspetsa naman ako lalo nun. "Unlisted kami. Try again.""Alright! Hindi ka
papatalo eh.." sabi niya pero may halong biro, "Pinilit ko si Kay." nag cross arms
siya, "Nakuha mo na yung sagot sa tanong mo, sasama ka na sa akin?" Nag step back
naman ako nung niyaya niya ako. "Hindi pwede eh.." umiling-iling naman ako. "Bakit
hindi pwede?" tumingin siya doon sa gate namin, "Dahil ba doon? I promise you hindi
nila mapapansin. Ibabalik kita dito sa inyo in no time.""Hindi nga ako pwedeng
umalis..." inulit ko pa yung sinabi ko kanina. "Bakit nga? Dahil ba sa suot
mo?""NO?!?" siraulong ito! "Eh kasi bawal ako.. saka..." Natigil naman yung
sinasabi ko nung may humintong kotse sa harap ng gate namin. Nagtago kami doon sa
poste kaya I doubt na nakita pa kami nung nasa loob. Tumayo naman si Roland doon sa
inuupuan niya at tinignan kung sino yung dumating. May isang babae na bumaba doon
sa kotse at pumasok doon sa loob ng bahay namin. Ibinalik ko naman yung tingin ko
kay Jasper nun. Nakatingin din siya doon sa babae. "Sino yun?!?" tinuro niya yung
nasa likod ko. Napapikit-mata na lang ako. Parang gusto yatang sumakit ng ulo ko.
"She's the reason why I can't go." hininaan ko yung boses ko, "My dad told me
yesteday that I have to meet her.""Bakit? Sino sya?""Mrs. Garcia." tinulak ko naman
si Jasper, "I have to go. Sa susunod ka na lang uli dumalaw ok!" Bago pa ako
pumasok uli doon sa gate namin, napansin ko pa yung expression ng mukha ni Jasper.
Parang nalungkot siya na ewan ko ba. Ang bagal bagal pa niyang maglakad nun nung
papalayo na siya. Alam ko naman na gusto ko rin sanag sumama sa kanya kanina para
makapag-usap na rin, pero hindi talaga pwede. Nakita ako ni Roland na naglalakad
papunta doon sa pintuan namin. Tapos tinuro niya ako.. "Teka.. akala ko nandun ka
sa loob?" tinuro niya yung pintuan namin. "Naku Roland ah ang hina na ng memory
mo!" napansin niya rin pala? "Kanina pa ko nandito sa garden ikaw talaga!"
Pagkatapos kong sinabi yun eh hindi ko na hinintay yung ire-react niya. Binilisan
ko na lang yung pagtakbo doon sa loob. Nandun pa lang ako sa hagdan sa front door
namin eh nakita ko na si Mrs. Garcia na diretsong-diretso kung makaupo doon sa
upuan namin. Medyo kinabahan yata ako. "*Ehem*" pineke ko lang yun para tumingin
siya sa akin, "Hello po." sabi ko na lang,"Kayo po ba si Mrs. Garcia?""Oo ako nga."
tinignan niya ako nun na parang sinusuri, "Ikaw ba si Szarielle?""Opo ako nga, at
Arielle na lang po." Bigla naman siyang tumayo doon sa pagkakaupo niya at bigla ba
namang yumakap sa akin. "Nice to meet you hija!" sabi niya sa akin taps nag-kiss pa
sa pisngi ko, "Ang tagal na kitang gustong ma-meet kaya lang sinabi sa akin ng
Daddy mo na nag boarding house
ka raw." The way she sounds right now, she's not that bad. "Gusto niyo po ba ng
maiinom or anything at all?""Naku hindi na!" umupo naman siya, "Hindi rin naman ako
magtatagal eh. May trabaho pa kasi ako. Dumaan lang ako dito para makilala ka. Baka
kasi hindi na tayo magkita sa susunod na araw." Pinilit ko na lang ngumiti nun. May
nilagay naman siya sa lap niya na parang malalaking libro na hindi mo maintindihan.
Saka ko lang napansin na album pala. Hindi naman niya binuksan at ayoko namang
maging rude, kaya tumingin na lang ako sa kanya. "Magiging busy kasi ako at ang
asawa ko. Sa susunod na magkikita tayo eh sa party mo na.." Nagulat naman ako doon
sa sinabi niya. Party? Party nino? "Party po?!? Kailan?" party ko pero hindi ko
alam? Ain't that weird? Natawa naman siya nun. Grabe, may nakakatawa ba? "Naku
hindi ko alam na ganito ka pala magaling magbiro!" sino bang maysabi na nagbibiro
ako? "Yung party mo sa sabado para sa sweet 16 birthday mo. Escort mo ang anak ko
di ba?" Party? Sweet 16? Escort? Anak niya? What're we talking about here? "Uhmmm
yeah!" ngumiti na lang ako. "That one.""Ang anak ko na si Wesley? Ayun, ganun pa
rin walang pagbabago. Masipag pa rin at madalas wala sa bahay." sabi niya na parang
tuwang-tuwa siya magkwento tungkol sa anak niya, "Isasama ko siya dapat dito kaya
lang busy sa school eh." Buti pa siya busy sa school samantalang ako hindi na yata
mag-school. "Good for him." sabi ko pero mahina lang, "Teka lang po, para saan po
ba iyan?"tinuro ko yung mga album na nasa kandungan niya. "Ahh ito ba? Pictures ng
anak ko." Sinimulan naman na niyang buksan yung black na album. "Alam ko kasi hindi
pa kayo nagkakakilala. Kaya eto, nagdala na ako ng pictures para naman makita mo
siya." Pinakita niya sa akin yung isang album doon na sobrang kapal. Panay baby
pictures. Sa dinami-dami naman ng pictures na ipapakita sa akin, yung bata pa yung
Wesley. Wala bang mas latest naman diyan? Buklat siya ng buklat doon sa album at
panay ang kwento niya. Medyo nabo-bored na nga ako dahil iisang mukha lang naman
nung baby yung nandun. Pero unti-unti nun, lumalaki naman na. Umabot na nga kami sa
two years old siya eh. Tinabi niya yung album na pangatlo na yata sa tinignan
namin. Kinuha naman niya yung red one na huli na yata sa lahat. "Ito naman yung mga
latest pictures niya.." tapos inilagay niya sa kandungan ko, "Ito na pala."
Nung binuksan niya yung album eh napatitig na lang ako doon sa letrato. Teenager
nga yung lalaking nandun. For some reason, hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya.
"Ang gwapo ng anak ko no?" No kidding. "Ilang taon na po siya?" hindi ko na
maiwasang magtanong. "Wesley's already 16.""Ooh.." tumango na lang ako at tingnan
ko uli yung picture. "Bakit nagkakilala na ba kayo? Kasi tinititigan mo yung
picture niya." Nilayo ko naman yung tingin ko at binalik ko sa kanya. Ngumiti naman
ako sa kanya. "Uhmmm.. akala ko po eh..." sabi ko sa kanya. So he's Wesley Garcia.
Siya pala yung matagal nang sinasabi ni Daddy sa akin. "Nah.." umiling naman ako...
"I've never seen him before."

***38*** Sigurado ako na hindi ko pa nakita sa Wesley. Nah. He kinda' looks


familiar.. pero never in my life ko siyang nakita. Pero bakit ako parang
nakakaramdam na parang kilala ko siya? Siguro ganun lang talaga. Nung araw din na
iyon eh panay pa rin ang kwento ni Mrs. Garcia sa akin. Umalis din naman siya
kaagad dahil may trabaho pa nga siya. Pero parang regalo na rin daw, iniwan na niya
yung isa sa picture ni Wesley. Pasaway din na Mommy ito! Kung hindi ko lang alam
may ibig sabihin yung mga actions niya.
Since Saturday naman na yung 'Sweet 16' party ko, hindi naman papatalo ang Mommy ko
sa mga pagbili ng mga kailangan. Ako naman kasi hindi ako interesado ng mga
magagarang party. Bigyan na lang nila ako ng pera at mag-treat lang ako ng ilang
kaibigan masaya na ako. Pero dahil nga Daddy ko at Mommy ko sila, hindi pwedeng
walang party. May mga kung anu-anong kulay ang tinapat sa akin kung anong gusto
kong maging table cloth. Meron doong hot pink at baby pink na hinarap sa akin para
pagpilian ko. Nakatingin lang ako doon at hindi naman ko pumipili. In the end,
Mommy ko rin ang pumili. "Anak naman, pwede ka namang mag-pretend na interesado ka
sa mga bagay-bagay 'di ba?" Lahat ng tinanong nila sa akin eh wala ako sa mood na
pumili. Kaya ayun, sinabihan ko na lang sila na sila na ang mag-decide para sa
akin. That very same day din eh may sample cakes pa na titikman ko at pagpipilian
din ng kulay. Sinabihan ko rin sila na sila na ang bahala kung anong masarap.
Dumating pa yung nananahi ng damit para daw sa gown na isusuot ko. "Mom?!?"
naisipan ko naman tanungin ang Mom ko, "Bakit ba ginagawa niyong big deal ito?
Hindi pa ako 18." nakataas pa yung kamay ko nun dahil sinusukatan ako sa waist ko.
"Anak, dati-rati naman mahilig ka sa mga birthday parties..""Duh? When I was 9?!?
Of course bata pa ako nun." sumimangot nama ako, "But then kapag tumatanda ka na,
you'll get tired of it." Sanay na si Mommy sa akin kapag nagrereklamo. Unlike ni
Daddy na lagi akong hindi nananalo, si Mommy minsan eh kinukunsinti naman ako.
Minsan din eh ginagawan niya ng paraan para makumbinsi yung Daddy ko sa gusto ko.
Minsan nagwo-work, madalas naman hindi. Totoo nga yung sinabi ni Daddy sa akin.
Idinrop na niya ako doon sa school at ini-enroll niya uli ako doon sa dati kong
school. The day before ng birthday ko, tumawag naman si Kay sa akin. Sinabi niya na
may sasabihin daw siya at pupunta raw siya sa birthday ko. Kaya lang ayun, sabi ko
tumawag na lang siya uli dahil may dance lessons ako at that time. It was horrible.
Syempre, all big days sabi nga nila eh darating. No matter what. Nung morning ng
saturday eh kagigising ko pa lang eh parang ang lahat eh gusto akong i-treat at
ayaw na akong pagalawin. That bothered me alot. Actually, nairita nga ako dahil
ayoko ng binibaby ako. I'm 16 at this very day, and I'm not a small kid anymore.
Pagkababang-pagkababa ko doon sa hagdanan namin, may sumalubong naman sa akin na
iba't ibang klaseng regalo na nasa living room. Inaayos pa nga nila doon sa table
namin. "Saan galing yan?" tinuro ko naman yung mga regalo na nandun. Tumingin naman
yung isang maid sa akin. "Ahh ito po ba Mam?" tinignan niya yung hawak niya,
"Dumating na lang po dito kanina eh.""Call me Ri--" sasabihin ko sana eh Riel kaya
lang naisip ko na Riel's long gone. Si Jasper pa ang nagbigay ng nickname na iyon
sa akin, "Arielle. Call me Arielle."
Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy siyang mag-ayos. Ako naman kahit naka-Pj's
pa eh pumunta ako doon at tinignan ko yun ilang cards doon sa regalo. And then..
nagulat lang ako doon sa mga card na nakasulat. To: A.L.,. A.L.,. A.L., A.L., basta
si A.L., lahat. Merong ibang Szarielle ang nakasulat, pero galing sa Daddy at Mommy
ko yun. May ibang Arielle, pero galing sa mga kaibigan nila Mommy. Dumaan naman
yung Mommy ko nun at parang busy na busy na may kausap sa phone. "Bakit may
problema ba? May sakit ba siya o ano?" narinig kong sinabi niya, "Eh bakit ayaw daw
niya? Sino si Arielle?" tumango-tangi siya, "Ok I'll ter her that. See you later.
Bye." Nakataas yung kilay ko sa kanya nung binaba niya yung phone. "Bakit ganyan ka
makatingin?" sabi niya nung napansin niya ako. "Sino naman yung kausap mo?""Ahh..
si Mrs. Garcia." sabi niya tapos ngumiti, "Medyo stubborn daw si Wesley ngayon."
tapos humawak siya sa balikat ko, "Pero maaga daw silang darating dito dahil nga
escort mo siya, sabay kayong papasok." I don't like the sound of it kaya naki-oo na
lang ako. Well, dahil nga sa preparation para sa party, kung sinu-sino na ang
nakahalubilo ko nung sumunod na oras. Nung una, may nagmake-up sa akin. Tapos
sumunod eh may nag-aayos na ng damit ko.. nails ko.. basta kung anu-ano. Pati nga
buhok ko may gumawa na. Dahil nga medyo naiinip ako, panay na lang ang dala nila ng
pagkain sa akin at yung ipod ko eh nandun na rin. Unti-unti na rin naman nang
dumilim na nun. Habang dumidilim eh lalo tuloy akong kinakabahan. Ayoko kasi ng
ganito eh. Nung natapos akong ayusan na inabot yata ng 5 horas, haharap pa sana ako
sa salamin para tignan ko yung sarili ko kaya lang hinila na ako nung babae na
hindi ko naman kilala kung sino. "Dali na Miss Riel, next ka na tatawagin!" Iniisip
ko, grabe naman yung mga tao dito!!! Wala na ba akong break man lang?!? Hindi ko na
maintindihan yung ibang sinasabi niya sa akin dahil umiingay na nung lumalapit na
kami doon sa garden ng bahay namin. Yep, sa bahay lang namin ginanap. It's weird
though. May hagdan kami doon na super duper taas at doon nila ako balak na bumaba.
Asar na asar na talaga ako nun dahil ayoko ng mga paimportanteng entrance pa. Sina
Mommy at Daddy naman eh nasa likod ko. Syempre magka-partner sila. Sabay silang
papasok doon. After ilang minutes lang, tinawag na ang pamilya 'Lopez' doon sa
loob. Nagsitayuan naman yung mga tao. Escort naman ni Mommy si Daddy.. at syempre..
ako eh... AKO. Pagdating mo kasi doon sa dance floor, maghaharap kayo ng partner mo
at sasayaw kayo. Ako naman dahil wala akong partner, nakatayo lang ako doon at
mukhang ewan.
Wesley? Nasaan na ba yun? Sinubukan kong umikot-ikot. Wala talaga. Sina Mommy
sumasayaw na, ako nakatayo pa rin. For some moment naisip ko na umupo na lang dahil
wala naman akong ginagawa doon, kaya lang lumapit sa akin si Mrs. Garcia at tumayo
sa harapan ko. "Hi Arielle!" nakatodo-ngiti pa siya, "Happy happy birthday." tapos
nag-kiss siya sa pisngi ko, "You look very very pretty tonight.""Thank you."
ngumiti na lang ako inreturn. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nasaan ba yung
anak niya at medyo naiinis na ako, kaya lang mukhang masama naman ang ugali ko kung
ganun. Siguro nakahalata rin siya, kaya bigla na lang niyang sinabi... "Sorry ha,
medyo late lang yung anak ko. Wala kasi siya sa bahay buong araw, bumalik lang
hapon na." Iginilid niya ako ng kaunti para hindi naman nakakahiya doon sa ibang
bisita. Hindi ko naman alam kung napansin nila na wala yung escort ko or what, pero
tingin ko oo. Hindi naman ako makaupo dahil sa sobrang haba ng gown ko, hindi ko
makita yung likuran ko kung may mauupuan ba ako o ano kaya nanatili akong nakatayo.
"Parating na siya hintayin mo lang.." Nagsisimula na talagang mag-init yung ulo ko.
Ano ba naman yang tao na yan? Feeling ba niya napaka-importante niyang tao at
nagpapatagal? "Uhmm Mrs. Garcia, hindi bale na po.. papasok muna ako sa loob at
naiinitan kasi ako eh.." Hindi ko na hinintay yung isasagot niya at tumalikod na
ako. Binuhat ko yung gown ko para hindi ako matapilok or something tapos narinig ko
siya ng.. "Nandito na ang anak ko!" hindi naman siya sumigaw, pero medyo malakad
yung pagkakasabi niya. Napahinto ako nun. Hindi ako tumingin sa likuran ko.
"Arielle nandito na siya.." nung sinabi niya yun, saka lang ako humarap. Pinilit
kong hanapin kung sino sa dumating yung tinutukoy niya. Tatlong lalaki yung nandun
ah. Sino doon? Wait... "Arielle, I would like you to meet my son, Wesley." Umalis
siya sa harapan ko at nakita ko kung sino yung nakatayo malapit sa kanya. Iniisip
ko na yung itsura nung lalaki sa picture kaya lang iba yung humarap sa akin.
"Carlo?!?" napakunot-noo na talaga ako. "Ikaw si Wesley?" Halata mong nagulat si
Carlo nung tinanong ko siya. Umiling-iling siya sa akin pero wala namang sinabi.
Kagaya ng ginawa ni Mrs. Garcia, tumabi rin siya nun. Si Ronnie naman yung nandun.
"Not me.." ngumiti siya ng kaunti...
Nagulat na lang ako nung bigla na lang may nag-tap sa balikat ko sa bandang
likuran. Pagharap ko.. "I need your right hand.." hinihila naman niya ako doon sa
gitna. Hindi ako makapagsalita nun. Hindi pwedeng siya si Wesley. Si Jasper? "J-
jasper.." nanginginig na yung boses ko, "I-ikaw si Wesley?" Nakatingin lang siya sa
akin na parang wala lang. Naka-tuxedo siya nun. "I said, I need your right hand."
Hindi ko talaga maiwasang magtaka nun kaya nilakasan ko yung boses ko.. "What are
you doing?!? How did--""Dancing. Ngayon paano ako sasayaw kung hindi ko hawak yung
kanang kamay mo.."napaka-seryoso ng mukha niya nun. "Naguguluhan na ako. Paanong
naging ikaw si Wesley--""Trust me... I'm not." sinabi niya ng medyo mahina at
nilagay niya yung kamay niya sa waist ko, "I'm not who you think I am." Tumingin
ako kay Mrs. Garcia nun. Tuwang-tuwa siya sa aming dalawa at narinig ko pa nung
sinabi niya.. "Bagay kayo ng anak ko!" Napatingin lang ako kay Jasper nun ng medyo
nakatingala. This isn't good. "I'm not Wesley." inulit niya uli sa akin tapos medyo
naguluhan siya, "J-just for now... Riel..""Take my word for it. Just for now."

***39*** Sumayaw naman kaming dalawa nun. Siguro nga dapat akong matuwa kaya lang
parang ang daming pumasok sa utak ko. Naguluhan tuloy ako bigla.
Siya si Wesley? Ang gulo. Ayoko ng nag-iisip ako ng nag-iisip. Sumasakit yung ulo
ko. Kailangan kong malaman yung tamang sagot. Kailangan ipaliwanag niya kung anong
meron. Hindi pwedeng ganito na lang parati... nanghuhula sa mga nangyayari. Nung
natapos naman yung kanta, saka lang ako gumilid nun at medyo nawawala ako sa mood.
Ewan ko ba, birthday ko tapos ganito na naman ako. Sinundan ako ni Jasper nun sa
gilid. Parang wala lang sa kanya ang lahat. At sa itsura rin niya, mukhang wala rin
siyang balak mag-explain sa akin ng kahit na ano. "Nauuhaw ka ba? Gusto mo ikuha
kita n inumin?" I can't believe him. Paano niya nakukuhang magpanggap? "Pwede bang
paki-explain kung anong meron ngayon?" naiinis na talaga ako, "Meron ka bang dapat
sabihin sa akin.""Mamaya na Riel pwede?" seryoso na siya nun, "I-enjoy mo muna yung
gabi." Hahawakan niya sana ako sa kamay ko kaya lang iniwas ko. "Paano ko maeenjoy
kung naguguluhan ako?" hindi ko na mapigilan yung sarili ko kaya nilakasan ko yung
boses ko nung tinanong ko siya ng, "WHO ARE YOU?!?" Nag-step siya papalapit sa akin
at wala siyang sinasabi. Dahil nga nasa gilid kami, nagulat na lang ako nung
sumigaw sya. "RIEL! SINABI KO SA IYO MAMAYA IPAPALIWANAG KO!" iniwas niya yung
tingin niya tapos naging mahinahon yung pagkakasabi niya ng, "Kung meron man akong
dapat ipaliwanag." Hindi ko alam kung galit ba sya nun sa akin o ano. Pero parang
nagagalit siya. "Si Jasper ka.. tapos ngayon si Wesley.. ano ba talaga?""Now you
know how it feels.." tinitigan niya ako, "Right A.L.?" Ewan ko ba, nasaktan ako
doon sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya sinagot at bigla na lang siyang
nagtanong sa akin. "Ngayon anong gusto mong inumin?" Tinignan ko lang siya. Mukhang
totohanin naman niya yung sinabi niya sa akin na mamaya niya sasabihin. "Juice.
Juice na lang." Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil tiyak naman na masisira
lang ang gabi namin parehas. Instead ang ginawa ko, sinubukan ko ngang inenjoy ang
lahat. Wala naman palang masamang kalalabasan nung ginawa ko. Si Jasper, parang
kinalimutan yung mga sinabi ko sa kanya. Nakikitawa na lang din siya doon sa mga
bisita. Ang gulo namin parehas no? Ako rin eh, naguguluha sa aming parehas. Nakita
ko rin si Carlo nun. Pero akala niya yata magtatanong ako sa kanya ng kung ano kaya
medyo umiiwas. Bigla ko ngang niyakap kaya natawa rin siya. Si Ronnie.. uhmmm..
ayun kain na lang ng kain. Kapag titingin ako sa kanya, sabi niya puno daw ang
bibig niya at hindi siya pwedeng magsalita.
Kung hindi ko lang alam, sinasadya na nila yun eh. Si Kay?!? Busy. Simula kanina
hindi ko pa sya nakikita. Ewan ko ba kung nasaan siya. Sbi niya kasi sa akin may
sasabihin daw siya pero hindi naman na matuloy-tuloy. Nung malapit na kaming
magkainan, pinaupo ako ni Mommy doon sa gitna. Syempre kasama rin namin si Daddy.
At sino pa bang kasama namin sa table? Si Mrs. Gacica na todo ngiti, si Mr. Garcia
na ngayon ko lang nakita at syempre.. si Jasper. Si Carlo nga eh niyayaya rin sa
table kaya lang ayaw niya. Doon na lang daw siya uupo sa gilid. Kainan na nun ng
lahat ng bisita. At syempre, ipinakilala na sa akin ng formal, siWESLEY. Or at
least yun ang alam ko sa ngayon. "Eto kasing si Wesley eh matalino yan.." nakangiti
sya at humawak siya sa braso ni Jasper, "Matigas lang ang ulo paminsan-minsan pero
mahal na mahal ko yan." Halata mong ayaw ni Jasper na siya ang pinag-uusapan. "Mom!
Stop." hindi naman rude yung labas ng pagkakasabi ni Jasper. Normal na kasi yun na
sinasabi ng mga teenagers kapag nakakahiya yung ginagawa ng parents sa iyo.
"Ipinakita ko nga sa kanya yung mga baby pictures niya kay Arielle eh.." Bigla na
lang tumingin ng mabilis sa akin si Jasper, then kay Mrs. Garcia. "The blue one or
the green one?" tinanong niya sa kanya. This time, si Mr. Garcia naman ang sumagot.
"The blue one." Nagsalubong yung kilay ni Jasper. "MOM! What's wrong with you?"
tumingin na naman siya uli sa akin, then yumuko,"Alam mo ba kung gaano nakakahiya
yun?" Ibig sabihin siya talaga yung mga nasa pictures na baby nun? Well,
naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung sino ba yung Wesley na nakita ko. Ang
weird. I'm certain, yung nasa picture eh hindi si Jasper. "Huwag kang mag-alala,
ipapakita ko rin sa iyo yung mga pictures ni Arielle nung bata siya.." nakangiti
naman yung Mommy ko. "Really?" nakangiti naman si Jasper nun. "No Mom." sumimangot
ako. "I'm looking forward to!" parang nang-asar pa si Jasper nun. Buong pagkain
namin nun, pinagtritripan kami ng mga parents namin. Ewan ko ba, nakikisakay na
lang din kami. Dahil kung hindi, baka bata pa lang ako eh may puti na akong buhok.
Nandoon naman yung photographer na hinire nila Mommy. Nung una eh pinatayo kami
doon ni Jasper malapit sa poste at kinuhanan kami ng picture. Naka-tux pa rin siya
nun. Mga 20 pictures siguro yun at medyo nangangawit na yung panga ko sa kakangiti.
"Hindi pa ba tayo matatapos?!?" ang tagal-tagal naman kasi! "Malapit na po Mam..
last shot na then mamaya na uli." Inalis ni Jasper yung tux niya dahil naiinitan
yata siya. Kahit siya rin eh naiinip na sa sobrang tagal nung pagkuha ng pictures.
Pinatayo uli kami ng side by side. Medyo nagkakailangan kami kaya hindi kami
magkalapit. Tinapat nung lalaki yung camera sa mata niya then inalis niya uli.
"Closer.." Nag one step kami parehas papalapit.. "Closer.." Nag-step uli kami.
"Konti pa.." nag-sign siya na maglapit pa daw kami. Niliitan ko na lang yung
hakbang ko dahil sobrang lapit na namin. "Warmer..." What is wrong with this guy?
"Warmer ka diyan! We're barely an inch!" sinigawan ko nga. "Sorry po!" mukhang
natakot yata sa akin. "Oo nga!" sumagot naman si Jasper, "Anong gusto mo buhatin ko
pa siya?!?" Hindi ko alam kung sinadya ba niya yun na i-suggest tapos biglang
ngumiti yung photogpraher ng nakakaloko. "Pwede niyo bang gawin yun?" Alam ko naman
na biro yun kaya hindi ko na lang pinansin. "Tapusin na nga ito." then tumayo ako
uli sa gilid ni Jasper. Hindi pa rin kami kinuhanan nun. Parang hinihintay niya
talaga na buhatin ako ni Jasper. "Are you serious?!?" Tumango siya nun sa amin.
Tinignan ko si Jasper nun. Tinaas niya yung dalawang balikat niya na parang
sinasabing, 'Ewan ko..' "Fine." sabi niya then ngumiti siya, "Let's get this over
with." Pagkatapos niyang sinabi yun eh binuhat niya ako kaya nagulat ako. Hinampas
ko nga siya ng hinampas kaya lang na-blind ako nung nag-flash yung camera. Binaba
rin niya ako nung tapos na. "Done." then lumakad sa harapan ko.
Arrrggghhh! Sipain ko 'to eh! Bwisit! Bumalik naman kami doon sa pinaka party.
Panay sayawan naman yung nandun. Napansin ko nga na almost midnight na rin at hindi
pa ako inaantok. Kailan nga ba matatapos yung party na ito at gusto ko nang
magkulong sa kwarto. Narinig ko naman yung Daddy ko. Kausap niya si Mr. Garcia. "Oh
yeah... yeah.. we can do that." may hawak pa siyang shot glass, "Doon na lang kayo
mag-stay sa guest room. Kayo na ang bahalang pumili. Sasabihin ko sa maid na dalhin
na lang kayo mamaya." The heck why?!? Huwag mong sabihing dito sila sa amin mag-
stay? Nag-roll na lang ko ng mata ko. Ayoko sila mag-stay sa bahay namin. Kahit
anong mangyari, gagawin ko yung paraan para hidni sila mag-stay sa bahay. Nung
nandun na ako sa bandang garage namin... may narinig akong tumawag sa akin. "Psst!"
nanggaling kung saan. Lumingon naman ako sa likuran ko. Wala naman. "Hey! Dito!"
Tumingin ako doon sa gilid. Nakita kong nakayuko siya doon sa madilim na part na
talagang hindi mo na siya makita. Medyo naaaninag ko naman yung mukha niya. "Anong
ginagawa mo diyan?" nagulat ako dahil nag-iisa siya doon. "Ewan ko rin eh.."
Lumapit naman ako at nakiyuko ako doon sa kinauupuan niya. Nung nakarating na ako,
umupo na lang ako doon sa tabi niya. Ang tahimik naming dalawa. Walang nagsasalita.
Tapos ang init pa doon. Awward pa talaga. "So... what do you wanna' do?" Tinawag
niya ako tapos ako tinatanong niya? "Are you kidding me?""No." umiling siya sa
akin. Tinignan ko lang siya nun na para bang hindi ako makapaniwala. Wala na namang
nagsalita sa amin. Siguro nga naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ba ang
magsisimula. Nagulat na lang ako nung may tumutugtog na sa labas. Time... I've been
passing time watching trains go by All of my life Nakaupo lang kaming dalawa doon.
Ang dilim-dilim. Mas ok na siguro ito. Lying on the sand watching sea birds fly
Wishing there would be someone waiting home for me
Dahil nakikinig ako doon sa labas, saka ko lang napansin na kumakanta siya ng
mahina... "Something's telling me it might be you" tinignan ko lang siya uli.
Tumingin din siya sa akin pabalik. "Yes, it's telling me it might be you All of my
life" Tumayo naman siya at bigla ba namang ini-offer yung kamay niya sa akin.
Kumakanta pa rin siya nun. "Para saan yan?" Hindi siya sumagot. "Looking back as
lovers go walking past All of my life Wondering how they met and what makes it last
If I found the place would I recognize the face" Dahil nakatayo lang siya doon at
parang ayaw niyang umalis, tinanggap ko na lang. Nag-slow dance kami doon. Pero ang
naririnig ko, siya ang kumakanta. Ang dilim doon, kahit siya hindi ko masyadong
makita. Sumandal na lang ako doon sa dibdib niya. Yumakap naman siya sa akin. "That
night, 24th hour, yayayain sana kita na ma-meet mo yung aunt ko saka unlce ko.."
Something's telling me it might be you "Kasi noon sinabi ko sa sarili ko, dadalhin
ko sa kanila yung unang babaeng mamahalin ko..." Yeah, it's telling me it might be
you "That's when they called me..." huh?!? So many quiet walks to take So many
dreams to make "Kaya nagbago yung plano.." ang hinahon ng boses niya kaya nakikinig
na lang ako, "I told you I don't love you... at all." And with so much love to make
"Hindi ka dapat naniniwala sa akin." ewan ko ba kung matatawa ako doon sa sinabi
niya, "That's a bunch of bull.." I think we're gonna need some time "I do love
you.. and will always will.." tapos tumawa siya, "This time maniwala ka na sa
akin." Maybe all we need is time...
"I don't care if you are A.L. or Riel.. or Szarielle.." And it's telling me it
might be you Humarap naman ako sa kanya nun. Nakatingin lang din sya sa akin.
"Since I'm telling you the truth right now, might as well tell you the
rest..""Anong gusto mong isagot ko?""Wala kang dapat sabihin. Makinig ka muna.."
huminga siya ng malalim, "I'll start with the biggest question you have all
night.." All of my life rinig pa rin yung kanta... "Si Wesley...""He's my brother."

***40*** Lumayo ako sa kanya nun. Hindi ko inaakala yung sinabi niya. Tama ba yung
narinig ko o nasa isip ko lang yun? Si Wesley? Wesley Garcia? Kapatid niya?
Paanong-"Kapatid mo siya? Paano? Kailan pa? Ang gulo.." hindi na ako mapakali nun.
Kahit na madilim doon sa garage namin eh nakikita ko pa rin siya. Napaka-seryoso na
niya at alam kong hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya. Hinawakan niya ako sa
braso ko at hinarap niya ako sa kanya para tumigil ako sa kakaikot ko. Nung medyo
ok na ako, huminto rin ako. "Older brother ko si Wesley. Remember sinabi ko sa iyo
dati na may brother ako? Siya yung tinutukoy ko." huminga siya ng malalim, "Siya
rin yung brother na tinutukoy ko sa recollection nung nagkukuwento ako. And yes, he
died. Leukemia." Habang nakikinig ako sa kanya nun eh hindi ako makapaniwala. "Pero
Garcia siya 'di ba? Hindi Morales? Half brother mo ba siya? Bakit magkaiba kayo ng
apelyido?" ang dami kong tanong nun at parang ang hirap isa-isahin lahat. "Full
blooded brother ko siya. His mom is my mom and his dad is my dad. At hindi siya
Garcia. Wesley Morales ang totoo niyang pangalan." Nakatingin lang siya sa akin nun
at hindi pa rin niya ako binibitawan. Hindi naman ganun kahigpit yung pagkakahawak
niya sa akin kaya hindi ako nasasaktan. Siguro nga, gusto lang niya akong maging
kalmado at makinig sa kanya. Hindi talaga ako mapakali habang maraming nasa isip
ko. Habang nagsi-sink sa utak ko na naman yung mga bagay-bagay at nakakapag-isip
ako nung tumahimik kami, may kung ano na namang pumasok sa isip ko at bigla ko na
lang inalis yung kamay niya at lumayo ako bigla. Hindi ko alam kung anong nangyari
sa akin at sinabi ko na lang... "You mean to tell me... YOU LIED TO ME???" Tinignan
niya ako na parang gulat na gulat sa akin. "Hindi ako ang issue dito Riel! Yung
kapatid ko!" sinabi ko na nga ba sasagot siya ng kung ano na naman, "You're the one
who lied to me to start with!""Ginawa ko lang yun dahil may reasons ako! I have a
million reasons why I did that at baka hindi mo lang maintindihan isa-isa!!!"
sumigaw ako nun kaya bigla na lang siyang lumapit sa akin at humawak sa kamay ko,
"All my life I'm screaming right here..."tinuro ko yung dibdib ko, "but no one can
hear me. NO ONE." nagsimula na akong umiyak nun, "Wesley's another reason why I
left. You know why? Ayokong makasama siya. I don't know him. I don't want to have a
friend na sinet-up sa akin. Gusto ko dahil nakilala ko! Naiintindihan mo ba yun?
Ang kaibigan hindi pinipilit, dumarating!"hindi siya nagsasalita, "I didn't tell
everyone that I'm A.L., for what? To earn their respect? I can earn their respect
without that! Mas gusto kong tumutulong ng patago! Hindi na kailangang malaman pa!"
nagtuluy-tuloy na yung luha ko, "Gusto ko ring maranasan yung mga bagay na kahit
kailan eh hindi ko naranasan! Kasi pakiramdam ko nakakulong ako! Nagiging sunud-
sunuran ako sa gusto ng Daddy ko! Ayoko nun!"umatras ako ng kaunti at hinawakan ko
yuung pisngi ko, "At alam mo kung bakit pa? Kasi pakiramdam ko rin buong buhay ko
lumaki ako sa paligid na lahat ng tao nagpapanggap! Hindi ko alam kung sino ang
totoo! Napapagod na ko..." hindi na ako makapagsalita nun dahil sa sobrang iyak ko,
"A-ang h-hirap hirap. Naging masaya naman ako. Masayang-masaya nung nandun ako.
Natuto akong magmahal! Kaya lang yung taong minahal ko nagsinungaling sa akin. Yung
taong minahal ko sinaktan ako... at yung taong minahal ko eh hindi ko rin kilala...
dahil ayaw niyang sabihin sa akin yung totoong bagay tungkol sa kanya!" Nung
huminto na ako at hindi na ako makahinga, bigla na lang siyang yumakap sa akin ng
mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Lalo tuloy akon naiyak nun. Hindi siya nagsalita.
Wala siyang sinabi kahit isa sa akin. Nakinig lang siya nung sinabi ko kung ano
yung nararamdaman ko... na matagal ko nang tinatago dito sa akin. Sobrang tahimik
naming dalawa. Narinig ko na lang siyang nagsalita.. "I didn't lie to you Riel."
medyo mahina yung boses niya, "Lahat ng sinabi ko sa iyo eh totoo." Nakayakap pa
rin siya sa akin nun. This time, gustuhin ko mang sumagot eh hindi ko na magawa.
Nahihirapan na akong huiminga nun. "I told you my parents died when I was 3. Totoo
yun. Not literally. They died emotionally.. mentally.. 13 years ago." hindi ko alam
kung anong meron, pero parang ang lungkot ng boses niya, "Yung kilala mong Mrs.
Garcia, she's my real mom. Yung real dad ko, naghiwalay sila nung 3 years old ako.
Kagaya ng sinabi ko dati, a day before ng birthday ko. Masayang-masaya pa ako nun
dhail umuwi yung Daddy ko. For the first time in my life aattend siya ng kahit isa
lang sa birthday party ko. Nasa pintuan ako nun
nung makita ko sila na nag-aaway ng Mommy ko. Bata pa ako nun, hindi ko na
matandaan lahat. Ang naaalala ko lang eh ini-insist ng Mommy ko kami ni Wesley para
hindi siya iwanan ni Daddy. My dad said he didn't care." huminto siya nung sinabi
niya yun, "Nagalit ako sa Daddy ko. Dapat sa kanya lang, but then my Mom used us...
para sa sarili niya lang. She didn't love us. Hindi niya alam ang mga bagay-bagay
sa akin. Wala siya nung magsimula akong pumasok sa school, magkaroong ng kaibigan..
WALA SILA NUN! Uuwi siya, ki-kiss sa amin na parang wala lang..." saka ko lang
napansin na umiiyak na rin siya nun, "Si Wesley lang ang kakampi ko. Naiintindihan
na niya yung mga bagay-bagay. He was 12 when they separated." huminga siya ng
malalim nun,"2 years later, na-diagnose siya na may leukemia siya. My mom tried the
best she can. Nacure naman si Wesley.. kaya lang bumabalik lang. He lasted for
another two years. He even told me na pupunta siya sa recognition ko sa school.
Well, he did. He tried to. He died an hour BEFORE ng recognition ko. Coincidence?
Hindi ko alam." I felt bad at that moment. All my life I felt bad for myself, but
then, mas maswerte pa pala ako sa kanya. Mas marami na siyang napagdaan kumpara sa
akin. "Pagkatapos nun, I think it struck her. Na hindi siya naging mabuting mom
para sa aming dalawa. She cried when Wesley died. Hindi niya matanggap na namatay
na yung paborito niyang anak... smart.. mabait.. so up to now, she still thinks I'm
him. Parang pakiramdam niya, simula nung naghiwalay sila ni Daddy at nawala si
Wesley, gumuho na yung mundo niya. Hindi ako masaya... so I decided to live with my
aunt and uncle. Totoo yun. Sa kanila ako lumaki. Sa kanila ko naranasan na para
akong totoong anak." Umiiyak na talaga si Jasper nun. Kahit anong pagpigil niya,
hindi rin niya nakayanan. "Minsan kapag tinatawag niya akong Wesley, I really
wanted to yell at her. Gusto ko siyang sigawan na hindi pa gumuho yung mundo niya.
Na hindi siya nag-iisa! Dahil nandito ako. Pero parang hindi niya ako nakikita.
Hindi kailanman." huminga siya ng malalim uli at inayos niya yung sarili niya para
humarap uli sa akin, "She got married. That's why Garcia na ang apelyido niya. As
for me, you know the rest. Eversince I started high school, nag-boarding house na
ako. Itatanong mo sa akin kung bakit nagsinungaling ako na anak mayaman ako? Hindi
ako nagsinungaling. Hindi sa akin yun. Sa parents ko yun at mananatiling kanila.
Bakit ayaw ko sa rich kids? Rich people in general? The same reason as you are.
Their world doesn't exist." Nakatingin lang ako sa kanya nun. "I'm sorry.."
humihikbi-hikbi pa rin ako nun. "Sorry talaga.""Si Carlo, alam niya lahat.
Nagkakilala kami sa probinsiya ng uncle ko. I did grow up in a province.. totoo rin
yun." tinititigan niya ako at hindi niya inaalis yung mata niya sa akin, ako naman
eh binalik ko na lang yung tingin na yun, "Nung gabi ng recollection, they called
me. Sabi nila imi-meet ko daw yung girl na anak mayaman. I got mad. Dahil ayoko nga
sa kanila, hindi na ako nag-abala na tanungin pa yung tungkol doon. They even
mentioned it to me. Sabi nila papasok daw ako sa private school. I told them they
can't control me... so sa public school pa rin ako nag-aral." nagtuluy-tuloy pa rin
siya at parang hindi niya hinihintay yung sagot ko, "Nag drop out ako sa school
para tumigil na sila. Sinabi nila sa akin na susunduin nila ako doon kapag hindi.
Katulad mo, ayokong malaman nila yung tungkol sa akin kaya ako na yung nagkusang
umalis. Ayaw rin kitang saktan kaya ko ginawa yun.""But you did.." iniwas ko yung
tingin. "Sinabi sa akin ni Carlo na umalis ka na rin sa school. It scared me.
Tinanong ko si Kay kung saan yung bahay niyo, yun yung araw na pumunta ako." yumuko
naman na siya nun, "Nasaktan din ako nung ayaw mong sumama sa akin. Tanungin mo ko
kung bakit kita tinanong kung sino yung dumating nun kahit alam kong Mommy ko yun?
Kasi that time nagulat ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng Mommy ko sa bahay
niyo. Then that very same day I realized na ikaw at yung babaeng sinasabi nila na
imi-meet ko eh iisa."
Alam kong hindi tama yung ginawa ko, pero ngumiti ako nun at bigla na lang akong
yumakap sa kanya. "Whether you are Jasper or if they call you Wesley.. I don't
care! Ikaw pa rin yun!""Whether A.L. or Riel.. it's still you." yumakap din siya
nun. Ang tagal naming ganun lang. Natawa rin siya nun kasi para kaming sirang
dalawa. Siya ang unang humiwalay nun pero nakangiti siya. "Tell me you didn't see
my baby pictures?""Akala ko ba sa Kuya mo yun?""Yung baby pictures, sa akin yun.
Yung 16 year old na hindi mo makilala, pictures ni Kuya." umakbay naman siya sa
akin tapos nag-kiss siya sa ulo ko, "My mom's crazy. I hope she'll see me as me..
and not as my brother.""Ano ka ba! Nakita ka na niya bilang ikaw!" hinampas ko siya
sa balikat niya pero hindi malakas, "Kasi sinabi niya sa akin kanina, hinatayin daw
kita dahil dadating ka. Hindi ba kahit anong mangyari darating ka?" tumawa naman
ako at naisip ko na asarin siya, "But technically, you still lied to me. Hindi mo
sinabi na mayaman ka.. kung ano pa yung pinakamahalagang bagay tungkol sa iyo.""Oh
come on Riel!" ngumiti din siya, "I broke a toe when I was 6 nung naglaro ako ng
soccer at hindi ko sinabi sa iyo yun. It's still important as telling you that I'm
rich even though I'm not. Does that make any difference?""WELL YEAH!!!" binatukan
ko nga. "Paano kung hindi gumaling yung toe mo eh di hindi ka na nakakasayaw!" Teka
parang ang weird na yata ng usapan ngayon. Alam kong mukhang ewan na kaming dalawa.
Sa sobrang init doon sa loob at pawis na kami, idagdag mo pa na umiyak kami
parehas.. mukha na siguro kaming mga basahan. Naglakad na kami papalabas nun.
Parang yung nasa dibdib ko na kung ano eh gumaan na. Kung tutuusin, parang nawala
na nga eh. Malapit na kami nun kaya lang nung nauna akong naglakad, naramdaman ko
na lang na bigla na lang may humila sa kamay ko. "Can I kiss you?" nagulat naman
ako doon sa tanong niya. Tinignan ko lang siya at tinaasan ko ng kilay ko. Inirapan
ko nga tapos sinabi niyang... "Fine next time I won't ask. I'll just do it.""Ha-ha
patawa ka!" sarcastic yung pagkakasabi ko. Lalakad na sana ako uli nun kaya lang
hindi pa rin niya binitawan yung kamay ko. Tinignan ko lang siya at nakatayo lang
siya doon at nakatingin sa kamay niya. May relo kasi siya doon eh. "Hey anong
ginagawa mo?" Narinig ko nun na nagbibilang naman siya. For what again? "...6.. 7..
8..." then tumingin siya sa akin ng nakakaloko... "Fine.." lumapit siya sa akin ng
sobrang lapit.. "Dumating na yung next time..." after that, I..uh... if ya' figure
it out, sabihin niyo sa akin. **************************************** NOTE: THIS
IS NOT INCLUDED IN THE STORY. THESE ARE REFERENCES AND EXPLANATION IN CASE SOME OF
YOU ARE STILL CONFUSE ABOUT WESLEY BEING
JASPER'S BROTHER, AND OTHER CONFUSING PARTS ABOUT JASPER'S PERSONALITY. IF YOU
STILL HAVE QUESTIONS, FEEL FREE TO ASK ME. **** "You're going back in that school
you hear me?!?" dinire-diretso ko lang paglalakad ko, "You're going back to that
school with that Wesley guy!" Nung binanggit ng Daddy ko yun, napahinto na talaga
ak ng tuluyan. Nasa pinakataas na ako ng hagdan nun. "Who?!?" Mommy ko naman ang
sumagot. "Wesley. Yung nag-iisang anak ng mga Garcia." Nagalit talaga ako nun.
Gusto nilang bumalik ako sa school na iyon para magkasama kami nung Wesley Garcia?
I don't even know him. Alam ko na kung bakit. Dahil may kumpanya sila. Syempre yung
Daddy ko, gusto lang na magkagusto ako doon din sa may pera na. Kaya nga niya ako
inenroll sa private school na yun 'di ba? >>>sa may last paragraph sa may line na..
'magkasama kami nung Wesley Garcia?' Riel's the one who said that. NOBODY said that
his last name was Garcia. Not even her dad. So Riel in short was assuming. "Sus..
may nakakatawa ba sa buhay mo?""Wala." tumingin siya sa rubber shoes niya, "I uh..
my parents died when I was 3. Yung bro ko when I was 7. Then.. lumaki ako sa uncle
ko. Bago ako mag high school, lumipat na ako sa boarding house para hindi malayo sa
school." ngumiti naman siya. >>>ito yung first time na sinabi ni Jasper yung info
about his family. It stayed that way til nagkaalaman na. He said na namatay yung
parents niya nung 3 siya (edad niya nung naghiwalay sila) and Wesley's (12) which
makes him 9 years older than him... and 7 siya nung namatay si Wesley (16) na si
Wesley nun... kaya yung last pictures niya, na pinakita ni Mrs. Garcia.. 16 na si
Wesley nun. At kaya rin hindi nakilala ni Riel yung picture coz it't not Jasper.
Naglakad siya nun papunta sa direksiyon. Akala ko nga sa akin siya galit eh.
"Sinabi ko naman sa iyo ayoko!" sumigaw siya doon sa phone niya, "I gotta' go.
Bye." >>>ito yung recollection party dance nila. Jasper's arguing with somebody...
may hula ba diyan kung sino? (his mom.) "Pasensya ka na Riel ha.." sabi niya na
parang nagpapaliwanag sa akin,"Pagpasensyahan mo na si Jasper. Talagang malaki lang
problema niya ngayon."umiling-iling pa siya. "9 years since huli ko siyang nakitang
ganyan..""9 years na ano?""7 years old siya nung huling umarte ng ganyan. Walang
pakialam sa mundo. Wala sa sarili. Pati nga sa akin parang galit yan kagabi
pa..""It's been 9 years the last time he cried. Ngayon lang uli nasundan."[/b]
>>>Carlo mentioned that na it's been nine years nung umiyak si Jasper. Jasper's 16,
minus 9... 7 years old siya. What happened when he was 7? Namatay si Wesley!!! "My
parents died when I was three. One day before ng birthday ko." tumango-tango siya
mag-isa nun at iba na yung pagtingin niya doon sa apoy na nasa harap niya. Tapos
inalis na niya yung daliri niya sa puso niya, "May isa akong kapatid. He died when
I was 7. Leukemia. An hour before kong na-receive yung award ko as first honor nung
grade 1
ako. Galing siya sa hospital nun, pumunta lang sa recognition day ko." >>>ito yung
kwento ni Jasper sa camp nila. After he said 'my parents died when i was three' so
on... may decription ako afterwards... na '--tapos inalis niya yung daliri niya sa
puso niya.' Which means? His body language tells us that his parents died... sa
PUSO niya! Kaya tinuro niya yun. Tumayo naman si Roland doon sa inuupuan niya at
tinignan kung sino yung dumating. May isang babae na bumaba doon sa kotse at
pumasok doon sa loob ng bahay namin. Ibinalik ko naman yung tingin ko kay Jasper
nun. Nakatingin din siya doon sa babae. "Sino yun?!?" tinuro niya yung nasa likod
ko. Napapikit-mata na lang ako. Parang gusto yatang sumakit ng ulo ko. "She's the
reason why I can't go." hininaan ko yung boses ko, "My dad told me yesteday that I
have to meet her.""Bakit? Sino sya?""Mrs. Garcia." tinulak ko naman si Jasper, "I
have to go. Sa susunod ka na lang uli dumalaw ok!" >>>ito naman yung part na
nakatingin si Jasper kay Mrs. Garcia. Bakit siya nakatingin ng ganun? Kasi nagulat
siya. Ito yung day na nalaman niya na yung girl na imi-meet niya at si Riel eh
iisa! A shocker to him.. so he didn't tell her. Tinabi niya yung album na pangatlo
na yata sa tinignan namin. Kinuha naman niya yung red one na huli na yata sa lahat.
"Ito naman yung mga latest pictures niya.." tapos inilagay niya sa kandungan ko,
"Ito na pala." Nung binuksan niya yung album eh napatitig na lang ako doon sa
letrato. Teenager nga yung lalaking nandun. For some reason, hindi ko maalis yung
tingin ko sa kanya. "Ang gwapo ng anak ko no?" No kidding. "Ilang taon na po siya?"
hindi ko na maiwasang magtanong. "Wesley's already 16.""Ooh.." tumango na lang ako
at tingnan ko uli yung picture. "Bakit nagkakilala na ba kayo? Kasi tinititigan mo
yung picture niya." Nilayo ko naman yung tingin ko at binalik ko sa kanya. Ngumiti
naman ako sa kanya. "Uhmmm.. akala ko po eh..." sabi ko sa kanya. So he's Wesley
Garcia. Siya pala yung matagal nang sinasabi ni Daddy sa akin. "Nah.." umiling
naman ako... "I've never seen him before." >>>First meeting ni Riel at Mrs. Garcia.
Pinakita ni Mrs. Garcia yung pictures at may line si Riel na.. 'For some reason
hindi ko maalis yng tingin ko sa kanya' and 'Uhmm akala ko po eh..' sagot niya sa
question ni MRs. Garcia (Bakit nagkakilala na ba kayo?.....').. bakit niya
tinititigan? Kasi may resemblance si Jasper sa brother niya. So
she thought.. at that very moment.. he looks familiar. I'll assume that you got the
Jasper's last name is Morales and not Garcia part. Simply because, his mom got
married kaya iba apelyido niya. Morales eh galing sa dad niya dati.

***41*** A couple of days passed pagkatapos nung araw na iyon. Yes, 16 na ako, and
yes, nagkaayos na kami ni Jasper. Sinabi naman niya sa akin na nasabi naman na daw
niya halos lahat ng gusto niyang sabihin sa akin. Gulo no? Well, ako na lang yata
ang naguguluhan. Hindi na ako inenroll ni Daddy sa public school. Unfortunately
nakakalungkot talaga dahil nasanay na ako sa school na iyon. Sabi nga nila kapag
nasanay ka daw sa kakaibang environment, mahirap daw mag-adopt sa bago. I found
that hard to believe. Siguro nga nung bago pa lang ako sa school at maraming bagay
na bago sa akin dahil hindi ko ginagawa dati, nakuha ko rin naman hindi rin
nagtagal. At least naranasan ko na maging tunay na teenager.. at naranasan ko ang
totoong high school life. Kadalasan, against pa rin si Daddy sa mga ideas at plano
ko. Isa sa plano ko eh magkaroon ng Charity for children. Sabi niya masyado daw
matrabaho at baka mapressure daw ako. Pero ang pinakaayaw niya lang sa lahat ng
ginagawa ko, eh yung pagtakas ko kay Roland at maglalakad ako mag-isa. Siguro nga
may pagka-rebelde ako in some way. Bata pa kasi ako ayoko na ng mga men in black na
sumusunod-sunod sa akin. Bumalik na naman ako sa private school na pinapasukan ko
dati. On the positive side, kasama ko na si Jasper. Anak mayaman nga siguro siya
pero lumaki siya na hindi naman siya umaarte bilang isa. Una sa lahat, ayaw niya
yung uniform ng school. Kailangan kasi eh naka-tie ka na pormal na pormal. Napaka-
OA daw kaya ang ginagawa niya eh hinihila niya yung tie niya para mag-loose at yung
polo niya eh madalas na hindi nakabutones kaya kita yung shirt niya sa loob.
Slacker sheep look daw ang tawag niya doon. Dress code violator nga ba siya? Yeah.
But he looks cool. Dumadalaw na rin siya sa bahay. Madalas after school kapag
naghahatid. One time nga siya pa nag-influence sa akin na takasan daw namin yung
driver ko. Tumakbo nga kami, pero ayun.. kung saan-saan kami nakarating. Tuwang-
tuwa nga ako nung sumakay kami ng pedicab. Sabi pa niya sa akin yung itsura ko raw
eh parang first time ko raw nakasakay nun. And yeah.. he's right. That very same
day, gabi na kami nakauwi. Mabuti na lang eh wala pa si Daddy dahil tiyak patay na
kami nun. Si Mommy ang nandun at alam ko na hindi rin pabor yun na
tumatakas-takas lang kami. Pero dahil nga si Mommy yun, mas maluwag siya kaysa kay
Daddy. Kinausap niya kaming dalawa nung nandun na kami sa living room. "Kayo ngang
dalawa halinga kayo dito.." sabi niya sa amin at naupo naman kami doon sa couch,
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?""Wala po... umuupo lang." Tinignan ko ng
masama si Jasper. Pasaway talaga eh. "What do you mean Mom?" nagkunwari pa ako na
hindi ko alam yung sinasabi niya,"Something wrong?" Alam ko naman na yung gustong
pag-uspan ni Mommy. Yung pagtakas namin at kalokohan naming dalawa. What can I
say?!? Ganun talaga kami. Nakatingin lang ako kay Mommy at si Mommy rin eh ganun sa
akin. Nung nagsalita na siya eh yumuko na lang ako. "Kayo bang dalawa eh..."
Hinihintay ko yung katuloy nung tanong yata ni Mommy kaya lang wala na. Nakatingin
lang kasi ako paanan ko then narinig ko na lang si Jasper na sumagot ng.. "Opo."
tinignan ko siya at nakangiti pa siya, "Opo. Hindi niyo po ba alam?" sabay
tangotango pa siya. Dahil hindi ko alam yung sinasabi niya eh napataas na lang yung
kilay ko. Binalik ko yung tingin ko kay Mommy. "Really?" parang interesado si
Mommy, "Totoo ba yun anak?" Tinatanong niya ako pero hindi ko naman alam yung
tinutukoy niya. Araw? "Say what?!?" yun na lang ang naisagot ko dahil puzzled na
talaga ako, "Am I missing something?" Ngumiti lang si Mommy nun. Alam niya na hindi
ko sila naiintindihan parehas. Kasi naman, bakit nga ba ako yumuko? Takot ba ako na
masermonan ako? "Tinatanong ko lang kayo kanina kung kayo bang dalawa eh.." bigla
niya akong tinuro saka si Jasper, "You know what." Nagtinginan kami ni Jasper nun
at hindi ko naman inaasahan na sabay pa kaming sasagot. "Opo./Hindi po." Binigyan
ko siya ng 'what-are-you-talking-about' look at parang wala lang sa kanya yun. Nag-
nod siya sa akin na para bang sinasabi na.. 'sige na nga sasabihin ko na yung
totoo..' Humarap uli ako sa Mommy ko at sinabi ko sa kanya na.. "Hindi po Mommy.."
Napansin ko habang nakatingin ako kay Mommy eh natatawa-tawa siya. Kaya ako eh
bigla-biglang lumingon sa likuran ko sa side ni Jasper kung anong ginagawa niya.
Nakita ko siya na nagsa-sign sa Mommy ko at sinasabi niyang.. 'Wag ka maniwala sa
kanya!' then umiiling siya at tinuturo ako.
Nung nakita niya ako, bigla siyang umayos ng upo na akala mo eh inosente at walang
ginagawa. Well, ganun lang talaga si Jasper. He loves to bug me alot, kasi daw ang
cute ko minsan tignan kapag naiinis. Pero hindi rin nagtagal, magse-seryoso siya at
sasabihin niyang 'Alam mong biro lang yun 'di ba?' kapag minsan na napapansin niya
parang galit ako.. kahit hindi naman. The real deal is, hindi kami ni Jasper.
Maraming tao na iniisip na parang kami na daw dahil madalas kaming magkasama.. sa
school.. out of school.. or even when it comes to family. His mom? Tawag pa rin sa
kanya eh Wesley. Para bang nabubuhay na nga siya na hindi niya alam na may isa pa
pala siyang anak na Jasper naman ang pangalan. Unfair para kay Jasper, pero ano pa
nga bang magagawa namin? Isa pa, tanggap naman na niya yun. Nag-sorry na nga pala
si Mandee sa akin. Sinabi niya na hindi naman niya sinasadyang saktan ako o manguha
ng credit na hindi naman sa kanya. Para sa akin? Limot ko na iyon. Isa pa sabi
nila, mas mabuti na magpatawad kaysa ang magtanim ka ng galit. Yung family ni
Jasper at family ko eh magkasama nag-spent ng Christmas. This time, sa bahay naman
nila. Walang room si Jasper. Ewan ko ba kung bakit ganun. Oh well, the important
thing is, we had a great time nung christmas. Walang party kaming pinuntahan kaya
walang kaming ide-deal na rich people. Short time after christmas, naalala ko na
malapit na rin yung birthday niya. From recollection. Kasi sinulat niya nun sa
board niya, Jan. 1 ang birthday niya. Sa dami ng dates... new year? So ayun,
vacation kasi nun. Ang hirap talagang magpalusot sa kanya. Kapag sinabi kong
pupunta ako ng mall, baka mahalata niya na bibili lang ako ng regalo. Nung sinabi
ko naman na bibisitahin ko yung friend ko, sabi niya sasamahan daw niya ako. The
next day nung sinabi ko na bibili ako ng mga damit ko at sinabi kong matagal akong
magshopping, sabi niya ayos lang daw at uupo na lang siya sa gilid. Ang kulit niya
no? Dahil nga super kulit niya, naisip ko na sabihin sa kanya na may slumber party
ang mga babae. Dahil nga PAMBABAE nga lang ang party na yun, parang nagdalawang-
isip siya na sumama. "Uhmmm.. aalis ka?" Parang ayaw niya akong paalisin nun kaya
ako naman eh... "Yeah... obvious ba?" Pinapakita ko lang sa kanya na hindi ko
naalala yung birthday niya. Ang masama pa, sarcastic pa yung pagkakasabi ko.
Nagpunta nga ako sa mall mag-isa nun at wala akong kasama. Si Kay kasi eh hindi na
makikipag-celebrate sa amin dahil may sarili silang celebration ng family niya.
Hindi ko alam ang ireregalo ko kay Jasper. Ni-hindi ko nga alam kung ano ba ang
magugustuhan niya. Unang-una kong pinuntahan eh National Book Store, kaya lang
naisip ko eh hindi naman siguro bookworm si Jasper. Hello? Bihira yata sa lalaki
yun. Sumunod kong pinuntahan
eh accessory shop. Mag-iisang oras yata ako doon sa loob eh hindi ako makapag-
decide doon kung brown ba o black ang kukunin ko, o kung yung mas mahal ba o mas
mura. In the end, naisip ko na baka hindi niya magustuhan yung accessories dahil
maarte din ang lalaki sa ganun. Nakita ko rin yung Hardware. Malabong doon ako
makakuha ng regalo para sa kanya dahil hindi naman siya carpenter.. technician.. or
anything in that field. Sa RRJ din eh super duper tagal ko. NAMAN OH! Sumakit sobra
yung paa ko kaya kahit na maglilimang oras na ako doon sa mall, naupo ako at kumain
ako ng ice cream. Parang yung agenda ko eh naiiba dahil wala talagang pumapasok sa
utak ko. Pati nga sa Bench eh pumasok rin ako.. Penshoppe.. basta halos lahat na
from the genre of little kids to a rocker stuff. Bakit ba ang hirap regaluhan ng
mga lalaki? Siguro nga sobrang desperate na ako makabali ng regalo kahit isa dahil
gumagabi na nun. Isa pa, Dec. 31 ngayon. Pumikit na lang ako na parang bata at
umikoy-ikot at yung unang maituro ko na shop eh doon ako bibili ng ireregalo ko sa
kanya. Nung nahihilo na ako eh huminto na ako. Sports Store. NOT BAD RIEL!
Nanginginig na yung mga binti ko nung makapasoka ko doon. Nakita ko yung mga diving
gear. Siguro naman hindi marunong mag-scuba si Jasper. Basketball? Yeah...
typical.. but yeah.. a guy thing. Soccer? Cool... lots of running... and kicking of
course.. pretty much guy thing. Bowling? Definitely not. Baka tignan niya lang ako
ng masama at sabihing... 'You think I bowl?!?' Umikot pa ako doon sa loob. May
nakita pa nga akong aquarium doon eh. Hindi ko tuloy alam anong connection nun. May
mga rollerblades din doon, saka ice skating stuff. Jasper's definitely not a twirl
girl. Sumasakit na yung ulo ko nun. Kaya ayun, nag-lean ako doon sa may glass na
may lamang kung ano sa loob. "Hi Miss, you need anything?" tanong nung lalaki na
nagulat pa ako at para yata akong magkakasakit sa puso, "Sorry kung nagulat kita."
May edad na yung lalaki na nakatayo doon. Napansin niya yata na kanina pa ko ikot
ng ikot doon sa shop niya pero hindi naman ako bumili. "Yes.. please." sobrang
kailangan ko na talaga ng tulong! "Actually, may reregaluhan ako. It happens to be
a guy.""New Year gift?""Uhmm.. sort of." tapos tumingin ako sa kanya, "Ok. Birthday
niya kasi. Kaya lang nahihirapan ako mag-isip ng ireregalo sa kanya. He's a very
very open guy when it comes to experiences. With Jasper, it could be
anything.""Ahh.. Jasper pala ang pangalan ng boyfriend mo.. I see.." Tinignan ko
yung lalaki doon. Intrigerong ito?!? "Nah.. he's not.. really.... he's my.."
napaisip naman ako bigla... Nanahimik ako nun. Jasper's my--- what?!? "I don't
know." naguluhan din ako, "Friend?""So close friends kayong dalawa?" nagtanong siya
uli sa akin. "Uhmm.. more than that?"
Ngumiti na naman yung lalaki sa akin as if alam na alam niya yung mga bagay-bagay.
"You're confuse." una niyang sinabi sa akin, "Iniisip mo na kaibigan mo siya, pero
tanungin mo ang sarili mo.. mahal mo ba siya higit pa sa isang kaibigan?" Nung
sinabi niya yun.. nakiramdam naman ako. In fact... I do. Hindi ko lang inaamin.
Bakit nga ba? Teka nga teka nga.. sports store ba ito o love doctor? Eh naghahanap
lang ako ng regalo bakit napunta yata sa lovelife ko? "Sports store po ba ito o
advice column?" dinaan ko na lang sa biro kaya natawa siya. "Ikaw na rin ang
nagsabi na si.. Jasper.. eh all around guy. Open for anything. So maybe, he's
actually looking for something na hindi nabibili." a ng lalim naman nun nalulunod
yata ako! "What do you mean?""Ang best gift na pwede mong ibigay sa kanya eh wala
dito sa mall na ito.. wala sa sports shop na ito.. at lalung-lalo na wala sa kahit
saang parte ng mundo." tapos tinuro niya ako, "Nasa iyo." Parang Greek ang language
niya ah! Hindi ko yata maintindihan. "You need to go look for him... and you'll
know the rest.""Seriously.. I don't know the rest." puzzled na naman ako. Ang EWAN
ko talaga! "Hey hija.. ever heard of the term... '25th hour'?" Napaatras naman ako.
Parang lang... "You mean.. 24th hour?""Hindi. 25th hour." seryoso naman niya
masyado. Natatawa na siya sa akin dahil hindi ko talaga maintindihan yung mga
sinasabi niya. "The best gift you'll give him is 25th hour..""Ahhh!" nakangiti pa
ako nun at napalakas yung boses ko, "Gets ko na!""See? Nakuha mo pala..""Yun pala
ang best gift kay Jasper.." tumangotango naman ako, "Why didn't I think of that?"
Tumingin naman ako doon sa gilid ko. Yun daw ang best gift ko? "25th hour pala ah!"
biniro-biro ko pa siya tapos lalo akong nag-lean doon sa glass table. "Say WHAT
again?!?" Riel naman!!!
***LC*** Puzzled talaga ako nun. Yung lalaki kasi sa Sports Shop eh lalong ginulo
yung utak ko. Kanina lang nag-decide na ako na bibili na lang ako ng kahit anong
sports gear para kay Jasper sa birthday niya kaya lang ngayon nag-aalangan tuloy
ako. Kasi naman eh! Ano ba yung 25th hour na yun na sinasabi niya? eh kung
pinapaliwanag na lang din niya eh di hindi ko na siguro kailangang mag-isip eh no?
At alam niyo ba ang sinagot nung sinabi ko yan? Sabi niya ako lang daw ang
makakasagot nun at hindi na kailangang sabihin pa sa kanya. Ang weird niya no?
Hindi ko nga masagot tapos ngayon ako ang makakasagot? Parang lalo lang yata akong
naguluhan... oh well... Dahil napagod na ako sa kakaisip at kakaikot sa mall, wala
na akong magawa kundi ang umuwi na lang. Anong regalo ko? Bumili na lang ako ng
sumbrero. Kasi naman wala na akong maisip. Hindi naman siguro mapili si Jasper. Isa
pa, hindi ko pa siya nakikitang magsuot nun kaya pwede na yan! Pagdating na
pagdating ko sa bahay eh si Mommy kaagad ang bumungad sa akin. Nakaupo siya doon sa
couch namin at may binabasang magazine. Bihis na bihis pa siya at tumingin siya sa
akin nung pumasok ako sa loob. Hinawakan ko pa yung ulo ko at medyo masakit yata.
Paakyat na ako sa hagdan namin at hindi pa ako nakakailang hakbang eh bigla ba
naman niya akong tinawag... "Anak!" sabi niya kaya nagulat ako, "Bakit hindi ka pa
bihis?" Tinignan ko naman yung suot ko nun. Ano bang problema? Saka may pupuntahan
ba kami? "Bihis? Para saan?" tinanong ko naman siya pero wala naman ako sa mood.
"Eh di ba kina-Jasper tayo magce-celebrate ng New Year?" inulit pa niya sa akin
yun, "Gabi na nandito pa tayo. Tapos magbi-birthday pa siya..""Yeah I know that.."
pinikit ko pa yung mata ko at medyo inaantok na ako, "Jan.1 ang birthday niya Mommy
at hindi Dec. 31.""Exactly." sabi niya na parang wala akong alam, "Ilang oras na
lang birthday na niya. So move it!" Tinatamad-tamad pa akong kumilos nun pero dahil
nga sina Mommy eh kukulitin lang ako, umakyat na rin ako pero mabagal pa rin. Hindi
nga rin nagtagal eh nainip na rin sila sa akin at sinabi ko sa kanila na mauna na
lang sila at ako eh magpapahatid na lang sa driver. Grabe pala talaga kapag
maghapon kang umiikot sa mall at panay pa ang isip mo. Nakaka-drain ng energy!
Naligo lang naman ako nun at lumaba na rin ako kaagad ng bathroom. Wala na nga sila
Mommy at hindi na nila ako hinintay. HInanap ko lang yung driver namin na naghatid
sa akin kanina, kaya lang napansin ko na nakikisaya siya doon sa ibang maid namin
kaya hindi ko na lang tinawag. Kaya ko naman sigurong sumakay ng jeep at pumunta sa
bahay nila Jasper ng walang driver 'di ba? "Pero Mam, baka po pagalitan ako ng
Daddy mo.." yun ang sinabi niya sa akin na medyo worried pa sa naging desisyon ko,
"Kabilin-bilinan niya kasi huwag ka daw paalisin ng walang kasama kahit sino eh."
Ako naman eh hindi basta-basta nakikinig sa mga sabi-sabi lang kaya tinapik ko siya
sa balikat niya. "Kuya, don't worry. Hindi ka matatanggal sa trabaho mo. Akong
bahala sa Daddy ko. Ano ka ba! Kaya ko na pumunta doon." tinignan ko silang lahat
na nakatingin sa akin,"Happy New Year nga pala sa inyong lahat. Yung mga pagkain sa
kusina, kayo nang bahala doon! Sasabihin ko kay Daddy na ako nagpasabi na lutuin
niyo para sa inyo!" Umalis na ako nun at hindi naman na nila ako pinigilan. Sus yan
pang mga yan, kampi naman sila sa akin noon pa! Yun nga lang minsan takot sila kay
Daddy kaya minsan mas sinusunod nila si Daddy kaysa sa akin. Naglakad lang ako ng
kaunti at medyo nakakatakot dahil may mga nagpapaputok pa doon sa labas. Baka kasi
bigla na lang may bumagsak na kung ano sa ulo ko. Sa awa ng Diyos, nakasakay naman
ako ng jeep at pakiramdam ko mas safe ako doon dahil may bubong na. Medyo malayu-
layo rin ang bahay ng mga Garcia sa bahay namin kaya inabot din siguro ng 25-30
minutes nung nakarating ako. Nag-invite naman yata sila ng mga kasama nila at
marami naman nang tao doon. Ang ingay ingay pa doon sa labas dahil may malaki
silang sound system sa may garden nila. Umikot ako ng umikot sa loob at marami pa
ngang nakakakilala sa akin na hindi ko naman matandaan kung sino at kilala nila
ako. Nakiki-Hi na lang din ako kaya nahirapan pa akong makadaan dahil sa sobrang
dami ng binabati. Nakita ko rin naman si Mrs. Garcia at nakatayo siya doon sa gitna
at nangunguha yata ng juice niya. Napansin niya lang ako nung mapansin niyang
nilalaro-laro ko yung susi ng sasakuyan namin na nadala ko ng wala namang reason.
"Arielle nandito ka na pala!" tuwang-tuwa na naman siya nung makita niya ako,"Gusto
mo bang kumain ng kahit ano? Maraming pagkain doon!" tinuro niya yung kabilang
side, "Sabihin mo lang at uutusan ko si Manang na kumuha ng pagkain..""Naku hindi
po.." umiling naman ako sa kanya, "Hindi naman po ako gutom eh. Si Jas--,"
natigilan naman ako, "Si Wesley po?" Ginala naman nia yung tingin niya pero sa
sobrang dami ng bisita doon at madilim na, malabong makita pa niya si Jasper.
"Hindi ko pa nga nakikita yung anak ko na yun simula kaninang umaga. Nasa kwarto
niya lang yun kanina pa, pero hindi ko na napansin." humawak siya sa buhok
ko,"Magkakaroon ng fireworks display mamayang 12.. so kailangan nandito na kayo
ha.." Sinasabihan niya ako na kailangang nandun na kami mamayang 12 eh samantalang
hindi ko alam kung nasaan ang anak niya. Malaki rin naman yung buong bahay niya at
sa sobrang dami ng tao dito eh mahihirapan talaga akong maghanap. Isa pa, past 11
na rin naman na. Nung nakaakyat ako doon sa hagdan nila papunta sa main door eh
tinignan ko yung mga bisita. Nag-overview muna ako in-case na makita ko siya pero
ang daming naguusap, kumakain, sumasayaw at kung anu-anong business. This is also
one reason why I hate being... one of them. Marami ngang parties, panay hindi naman
totoo yung mga tao. Pumasok ako sa loob ng bahay nila at ganun din. Sobrang dsami
ring tao doon eh medyo maingay din. Siguro nga nasa taas yun sa may kwarto niya.
Tama ba yun? Birthday celebrant mamaya tapos siya pa yung mahirap hanapin?
Nakita ko naman yung isang nagse-serve doon na babae at naisipan ko naman itanong.
"Excuse me.." kinalabit ko siya doon sa likod niya, "Have you seen Jasper Morales?"
Tinignan niya lang ako at halata mong hindi niya alam yung pinagsasasabi ko. "I'm
sorry Mam.." sabi niya na medyo friendly naman ang dating, "Tinawagan lang po kami
ngayong gabi para sa party pero hindi po kami permanent worker dito. Hindi ko po
kilala kung sino si Mr. Jasper Morales.""Oohh.. uhmm.. thank you anyways.." Aaakyat
na naman uli sana ako doon sa hagdan papunta doon sa mga kwarto nila kaya lang na
narinig ko naman yung kasama nung babae na pinagtanungan ko na may sinabi. "Hindi
ba yun yung anak nung may-ari nung bahay? Yung guwapo kanina na bumaba?" Napatingin
naman ako doon sa babae. "Miss, yung matangkad ba yung tinutukoy mo?" Napansin
naman niya ako doon. "Opo. Pabalik-balik nga po yun kanina sa taas at baba pero
hindi po nag-stay dito. Bumababa lang kapag tinatawag siya at may ipapakilala daw
sa kanya." Ngumiti lang ako at tumango naman ako kanya. Syempre, binilisan ko naman
na yung pag-akyat ko. Ganun na naman sa taas at nagtanong-tanong uli ako dahil
hindi ko naman alam kung saan yung naging kwarto niya. TInuro lang sa akin nung
lalaki na hindi ko naman kilala na doon daw siya sa kwarto sa may bandang dulo
madalas niyang nakikita si Jasper. Kumatok naman ako doon sa kwarto pero wala man
lang sumagot. Ayoko namang buksan na lang kaagad dahil masamang habit yun. Tinignan
ko yung butas doon sa gilid at mukhang madilim naman. Nah.. wala si Jasper dito
tiyak. Tumabi naman ako doon sa may bathroom in case na siya yung nandun. Nagtataka
na nga yung mga tao dahil nakabantay ako doon at hindi naman ako gumagamit. LUmabas
pa nga yung matandang lalaki at tinitignan ba naman ako ng masama. That is
definitely not Jasper. Naikutan ko yata eh limang bathroom pa at nag give up na ako
dahil sari-saring amoy lang ang nalalanghap ko at panay flush lang naman ang
naririnig ko. Mukhang wala siya dito. Siguro ng kumakain na yun sa baba. Nung
malapit na ako doon sa spot kung saan ako nagsimula, bigla ba naman akong naging
masaya dahil nakita ko si... "CARLO!!!" sumigaw ako doon pero wala akong pakialam
kung magtinginan sila. "HOY CARLO!" Lumapit naman siya sa akin at yumakap naman
siya. Nakatodo-ngiti din siya nun. ANg higpit-higpit pa nga ng yakap niya at
humiwalay din naman siya kaagad. "Riel!" hinawakan niya ako sa kamay ko at inikot
ako as if sumasayaw ako, "Ang ganda natin ah!""Thank you!" ini-return ko na lang
din yung compliment, "Ikaw din gawapo natin ngayon ah!" "Hindi naman.." hinawakan
pa niya yung buhok niya. "Sinong kasama mo?""Ahh.. parents ko." lumingon siya sa
likuran niya, "Somewhere.
Baka kumakain na yung mga yun." then binalik niya yung tingin niya uli sa akin, "So
kumusta na? Kumusta na kayo ni Jasper?""Nakakainis naman yung tanong mo eh!"
hinampas ko nga sa balikat niya, "Saka yan din ang tanong ko sa iyo, nakita mo ba
siya?""Hindi eh. Hindi ko pa siya nakita whole day. Akala ko nga magkasama kayo
eh.."seryoso sya at alam kong totoo yung sinabi niya, "Ibibigay ko pa man din yung
regalo ko sa kanya." Nakita ko naman yung regalo niya at may hawak siyang kung ano
na korteng box. "Ano namang laman niyan?""Goggles. Mahilig kasi mag-swimming yun si
Jasper dati. Sumali sa competitive swimming. Eh ganito yung gusto niyang bilhin
dati pa..." Well, not bad! Goggles pala yung kanya. Mine's better I guess. Kasi
naman, ball cap yata yun! Worth P400 na bili ko. At pera ko pa! "---P1200 nga bili
ko kasi orginal eh." Na-choke naman ako nun. Ang mahal naman yata nun para sa
goggles! I mean... "Ok ka lang?" humawak siya sa likod ko, "Ikaw ano namang dala mo
para sa kanya?" TInago ko naman yung ball cap na hawak-hawak ko. "Uhmm.. it's
uhmm... a.." tumingin ako sa gilid, "A clock. Yeah." ano ba yan! "A clock?" Dahil
mukhang nagsususpetsa rin si Carlo, umamin na ako. "Ok alright!" sabi ko dahil
naggive-up naman na kao, "I was at the mall this morning. Yun nga, naghahanap ako
ng regalo para sa kanya. Gusto ko pera ko yug pinambili ko at hindi galing kay
Daddy.. P500 na lang pera ko, yung P100 nakain ko pa ng kung ano.." sumimangot ako,
"Hindi ko talaga alam kung ano ireregalo ko sa kanya. GUsto ko magugustuhan niya.
Then I bought this.." nilabas ko na yung regalo ko, "Ball cap. Hindi naman siya
nagsusumbrero di ba? Tapos ngayon ikaw pinakita mo yung regalo mo.. kay ayun nahiya
tuloy ako.." Tumawa naman ng tumawa ng malakas si Carlo. Grabe naman, nahiya na
talaga ako lalo! "Tignan po pati ikaw natawa!""Hindi ikaw tinatawanan ko.. at
lalong hindi yung regalo mo..." pinilit niyang pigilan yung tawa niya, "I can
really imagine you going here and there para maghanap ng regalo niya. Alam mo,
hindi mapili na tao si Jasper. Kaya kung ako sa iyo kahit ano pa yan basta galing
sa iyo.. matutuwa yun!" Hindi pa rin ako sigurado nun. "Talaga?" para na akong bata
nun, "Totoo ba yung sinasabi mo?""Oo no!" yumakap uli siya sa akin, "Naku alam ko
na kung anong nagustuhan sa iyo ni Jasper!" tatanungin ko pa sana kaya lang nagbago
isip ko, "Ngayon, hanapin mo na siya dahil 10 minutes before 12 na.""10
minutes?!?""O sige ganito na lang.." nataranta na rin siya, "Hahanapin ko siya dito
sa baba, mag-stay ka na lang doon sa taas. Kapag nakita ko siya, sasabihin ko na
puntahan ka doon. Ok ba yun?""But it's almost 12. I wanted to... gusto ko sana
siyang ksama--""Riel, alam ko yun pero kung hindi ko siya hahanapin ngayon hindi
mangyayari yun..." Pagkatapos niyang sinabi yun eh tumakbo nama na na siya kung
saan. AKo naman eh ginawa ko na lang yung sinabi niya at umakyat na lang ako uli
doon sa taas. Syempre bumalik ako doon sa tinuturo nilang kwarto niya. Sarado pa
rin.
Binuksan ko na lang at pumasok ako doon sa loob. Iniwan ko na lang na bukas yung
pinto para naman kung may pumasok eh alam ko kung sino. Napansin ko na may labasan
pala doon sa kwarto niya papunta ng terrace nila. Dito pala magandang umupo dahil
sabi nila may fireworks display mamaya. Tinignan ko yung wall clock, 5 minutes
before twelve na. Naupo na lang ako doon sa terrace at ang lamig doon. Yng mga
bisita eh pinagsamasama nila sa labas at sabay-sabay yata sila magka count down
para nga sa New Year. Nandun na ngayon sila sa gutna at dikit-dikit sila. I bet my
parents are there. Anyways... nakatingin lang ako doon sa langit, then sa baba uli.
Wala na ring sign ni Carlo. Tingin ko nahihirapan din siyang hanapin si Jasper.
Hindi rin naman nagtagal... nagsimula na silang magbilang for the last 10 seconds
ng taong ito. 10... Nasaan ka na Jasper? 9... Darating ka naman 'di ba? 8... Hindi
bale may 7 seconds pa.. 7... 'Di pa naman huli lahat.. 6... Siguro tumatakbo na yun
sa hallway ngayon.. 5... Konting tiis pa.. 4... JASPER NAGAGALIT NA KO! 3...
MAGPAKITA KA NA! 2... Ano ba yan wala na... 1... NAKAKAINIS KA NAMAN EH! And then..
BOOM. May fireworks na nga. At sobrang ganda. Yep.. walang Jasper. "Wow.." nasabi
ko na lang sa sarili ko habang nakaupo ako doon, "Happy New Year Jasper.." Huminga
na lang ako ng malalim at tinignan ko na lang yung fireworks na pinagkagastusan
nila para dito. Bakit ba nakakamangha tumingin sa ganun no? Narinig ko namang may
nagsara ng pintuan at may huminga rin ng malalim. "Happy New Year Riel.."
Napalingon naman ako. Teka, pangalan ko yun ah! Dahil hindi bukas yung ilaw doon sa
kwarto, nahirapan pa akong tignan kung sino yung nasa loob. Sumilip ako doon sa
glass door at nakita ko si Jasper na nakahiga doon sa kama at nakaalis na yung coat
niya. Naka-polo na lang siya. Nakatingin siya doon sa kisame. "And Happy birthday
to me.."
Naku kung hindi ko lang kilala itong tao na ito eh iisipin kong baliw ito. Tama
bang magsenti siya mag-isa? Ewan ko ba, hindi pa rin ako pumasok sa loob at
pinapanood ko pa rin siya. Ang tagal niyang ganun. Bigla na lang siyang tumayo at
nilapag yung mga hawak-hawak niya sa kama at nagsimula naman na niyang hilahin yung
polo niya at tanggalin yung butones.

***LC2*** Nung nakita ko siya na unti-unting inaalis yung pantaas niya, hindi ko na
napigilan yung sarili ko kaya pumasok na ako doon sa loob. "Hey hey hey!" sabi ko
na nakapikit pa yung mata, "Don't you dare remove your shirt in front of me!"
Narinig kong kumilos siya at siguro eh nagbihis na rin. Sinabi niya eh.. "Ok safe
na.." sabi niya kaya inalis ko na yung kamay ko sa mata ko, "What're you doing
here? A-akala ko ba eh...""Nasa slumber party ako? Nah.""Pero sabi mo sa akin na
hindi ka makakauwi...""Para sa birthday mo?" binatukan ko nga, "Syempre pupunta ako
no!""Hindi ka tumuloy sa slumber party?" tanong niya na nagtataka pa sa sinasabi
ko. "Ibig mong sabihin hindi natuloy yung slumber party.." then parang naguluhan
din ako sa sinabi ko, "I meant... I just made that up. Walang slumber party." tapos
naisip ko na umamin na, "Sinabi ko lang yun para makapunta ako sa mall mag-
isa.""You're trying to get rid of me?" tinuro niya yung sarili niya. "DUH? Of
course." nung sinabi ko yun eh parang nasaktan naman siya doon, "Kasi naman.. paano
ako bibili ng regalo mo kung kasama ka? Sabihin mo nga?" Nung sinabi ko yun, parang
nabuhayan na naman siya. "Binilihan mo ako ng regalo?" Nahiya naman ako nung oras
na iyon. Inilabas ko na lang yung binili ko sa mall. Binubuksan na niya at mukhang
gusto niya nang malaman yung nasa loob. Ako naman eh hindi na makapagpigil eh bigla
ko na lang sinabi. "Ball cap." taops umupo ako doon sa kama, "KASI NAMAN EH!"
nilakasan ko yung boses ko kaya nagulat din siya, "Maghapon na ako doon sa mall
pero hindi ko alam kung anong ireregalo ko! Ang hirap-hirap naman kasi ng regalong
talagang magugustuhan mo!"
Nung sinabi ko yun eh bigla na lang siyang lumuhod at yumakap sa akin ng sobrang
higpit. Hindi ko naman inaasahan yun kaya nakiyakap na lang din ako. "Para saan
ito?""Just listen." sabi niya na medyo mahina, "Hindi mo naman kailangan akong
bilihan ng kahit na anong regalo. Ang mahalaga, dumating ka! That's all I'm asking
for." Humiwalay na rin siya nun at tinignan ko lang siya. Halata kong masaya na
siya dahil nakangiti siya sa akin. "Oh men!" natwa siya lalo sa akin, "I've spent a
whole day at the mall tapos hindi ka naman pala mapili sa regalo?" tapos naalala ko
yung lalaki kanina sa Sports Shop,"And I talked to this guy from the Sports
Store... parang Greek yung language! Ang lalim ng mga sinasabi." Nahalata ko namang
naging interesado siya sa sinabi ko. "He said something like..." pinilit ko namang
alalahanin yung sinabi nung lalaki kanina,"The best gift is---""25th hour. Yun ba
yung sinabi niya?" Tinignan ko siya ng at hindi ko alam kung paano niya nalaman
yung sasabihin ko. Teka, manghuhula ba siya? "How did you know that?" Yumuko siya
nun at umupo naman siya ngayon sa tabi ko. Napaka-seryoso naman na nya at hindi
siya tumingin sa akin. "Alam ko dahil yan din ang sinabi niya sa akin dati..."
hindi ako makapagsalita nun kaya tinuloy niya yung pagkukuwento niya, "He's my dad.
My real dad.""HE'S YOUR WHAT?!?" hindi ko naman inaasahan yun, "Real dad?" tumango
lang siya sa akin, "He works at the Sports Store?""He owns the Sports Store." sabi
ko nga eh.. whatta' question Riel! "So.. siguro nga tama siya. 25th hour nga siguro
ang best gift." ang bagal ng pagsasalita niya, "Galit lang ako sa kanya nun, kaya
hindi ko siya pinaniniwalaan. Ayokong makarinig ng kahit anong galing sa kanya."
Hindi ko masundan yung mga sinasabi niya dahil hindi ko naman alam ang ibig sabihin
ng 25th hour. Daddy nga niya yun. Parehas silang Greek ang pagsasalita. "I'm sorry
Jas.." sumandal ako sa balikat niya, "Hindi ko alam ang meaning ng 25th hour." At
that time na sinabi ko yun, tumawa siya ng malakas at at umakbay sa akin. "Hindi mo
alam ang meaning ng 25th hour... pero iniregalo mo sa akin? How weird is that!"
tumawa pa rin siya ng tumawa. Siniko ko nga siya sa tiyan niya pero hindi malakas.
Kunwari eh hinawakan niya na para bang nasaktan siya kahit hindi naman. Humawak
siya nun sa kamay ko at hinila niya ako doon papunta sa terrace niya. Tuloy pa rin
yung fireworks nila at kitang-kit a doon. Walang nagsasalita sa amin at parehas
lang kaming tumahimik. Ganun lang, nakatingin lang kaming dalawa doon. Ang sarap sa
pakiramdam. Nakatayo ka lang doon at parang relax na relax yung buong katawan po
pati yung utak mo eh kakaiba talaga sa pakiramdam. Umakbay siya sa akin tapos
tumingin uli siya. "Riel.." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya..
"Yeah?""Anong inisip mo nung hindi ako dumating at exactly 12 nung counting? Late
ako. Anong naramdaman mo?" Hinampas ko nga. Ewan ko ba. Ang sadista ko no? "I got
mad. Naiinis ako sa iyo kasi kung kailan pa naman eksartong 12 wala ka!" Hinarap
niya ako sa kanya. Hindi naman siya galit, pero hindi siya nagbibiro. "Yun ang
gusto kong ma-realize mo. Ang mga numbers na nakikita mo sa orasan.. they're all
just figures. They don't mean a thing." tapos tinuro niya yung puso niya,"Tayo ang
dapat nagbibigay buhay sa kanila... hindi sila sa atin." umiling-iling naman siya,
"What I'm trying to say is... hindi naman mag-eexist ang so called "time" kung
hindi naman natin ginawa." nahihirapan naman siyang sabihin kung ano yung gusto
niyang sabihin. "You know what I mean?" Nakatingin lang ako sa kanya nun. At that
very moment, hindi ko iniwas yung tingin ko sa kanya at nakatingin lang siya sa
akin. Hindi ko alam kung aoong meron nung mga oras na iyon pero parang may nagbukas
sa isip ko na kung ano.. at bigla ko na lang sinabi na... "YES...." napakunut-noo
siya, "Yes Jasper.""Yes naiintindihan mo?""Yes... they're just figures. And yes..."
hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, "Fairytales don't end at twelve."
Napaatras siya sa akin nun at hindi ko alam kung ako naman ngayon ang nagpapagulo
sa isip niya. "Are you trying to tell me that you and me..." tinuro niya ako then
sarili niya... hindi na niya naituloy yung sasabihin niya. "YES!!""Geez Riel huwag
mong babawiin yan dahil masaya ako ngayon!" then yumakap talaga siya sa akin at
binuhat pa niya ako. I didn't know I was doing it that time. But 25th hour... did
happen. ************** The phrase that 25th hour will not learn is... Marami nga
sigurong nangyari sa amin. At marami pa rin namang mangyayari. Pero kung yung mga
bagay na iyon eh haharapin namin magkasama, mas magiging ayos siguro ang lahat.
Sinabi kaagad ni Jasper kay Carlo yung nangyari nung New Year. Si Carlo naman eh
hindi makapagpigil eh sinigaw kaagd na: "BRO KAYO NA?" kaya muntik-muntik ko na
talaga syang nasuntok. Ayoko pa sanang ipaalam. Pero ayun, mabilis kumalat yung
balita na sinagot ko na nga si Jasper Morales. Dumalaw si Kay sa bahay namin after
New Year. May dala-dala siyang newspaper at pinabasa niya sa akin. May picture doon
si Mr. and MRs. Garcia at may isang lalaki na nakaside view lang at parang ayaw na
masama sa picture. Nung binasa ko yung caption... something Garcia... something
Morales.. and something business. Oh well! Masyado naman na yatang late para doon
sa balita na yun! Remember Mang Ramon? Yung pinagtrabahuhan namin? Nalaman ko na
mas marami pa palang alam siya sa akin dati pa. He knows that Jasper's rich at ayaw
ipaalam kahit kanino.. and he knows that I'm rich na ayaw din ipaalam kahit kanino.
Ain't that cool? At
least nagkaalaman na. Sinabi ko na rin kay Jasper na phone ko talaga yung kay RAZR
na gamit ni Kay. In the end, both of us bought new phones para identical. Ang
masama nga lang, pera ni Daddy ang ginamit namin. Bumalik na rin pala kami sa
public school. Pumayag na rin si Daddy as long as Jasper would look after me. He
said he will... ewan ko lang kung totoo. Everyone calls me A.L., at si Mandee rin
eh ka-close na namin. This time.. as Mandee, and not as another person. Awarded nga
pala si Jasper na first honor dahil nga bumalik siya. Salutatorian lang ako. Close
fight nga masyado.. pero ok lang naman sa akin kung ano ang kalabasan. His mom?
She's... fine. Wesley pa rin ang tawag sa kanya pero ganun talaga eh. She's sick.
Kaya nga sabi ni Mr. Garcia.. a.k.a, Papa daw, eh dadalhin daw niya sa
psychiatrist. There's nothing wrong with that. His dad? A.k.a.. Daddy? He's great.
Binalikan namin siya sa Sports store at masaya siya para sa amin. Ang kabilin-
bilinan niya eh huwag daw munang magpakasal dahil bata pa raw kami para doon.
Nakitawa na lang din kami. And guess what? May stepsiblings pala si Jasper sa dad's
side niya. Hindi ko nga alam yun eh. Kung tatanungin naman niyo ako about Carlo?
Hindi sila ni Kay. I don't know why. Pero nakikita mo naman na they would actually
end up together. Si Carlo kasi eh nagiging si Jasper. Ang mga kilos pagdating sa
babae,... parang hindi iniisip! Yayain ba naman si Kay sa date nila at dalhin sa
chicken poultry? Ayun... hindi ko alam anong kinalabasan. Hindi ko alam kung ok ba.
But I guess, it went well. BInabanggit kasi sa akin ni Kay na cute daw si Carlo.
One of the best thing that happened to me lately eh nung dumalaw kami sa memorial
park para bisitahin ang puntod ni Wesley. Jasper's... still Jasper pero alam mo na
emotional siya kung may kinalaman ang bro nya. Nakaupo lang kami doon at nabasa ko
yung mahabang engraved writing doon. ...... ..... ... We create our moments. It's
not actually what the material world has to offer that will make things change.
It's us. And will always be us. Time is a great thing if we use it wisely.. or
should I say... emotionally. Things didn't just exist until somebody created it. Or
so, I believe. It's the same thing on how we believed on how we live our life. To
become happy? Figures are just figures. Don't be blinded by it. MOMENTS exists if
we believe it will exist. If we are willing to create it. We have 24 hours a day 7
days a week... and still... we will not realize what we are doing. We can create a
world where we can say we have 30 days a week... and we have a million seconds in a
minute. I made it. It exists when I said it. It's like saying I created 25th hour.
It doesnt exist, but now it does when I said so. 25th hour are moments that we
think are out of this world. It's not ruled by any figure or any material things
that we see. It's only with our hearts. We create these things.. and it will not be
here unless WE BELIEVE IN IT. It goes on and on... 25th hour is a powerful thing.
It lies in each and every one of us.
"Riel.. tara na?" tinanong ako ni Jasper pagkatapos na pagkatapos kong basahin yung
nakasulat. Hindi ko maalis yung tingin ko doon. "Who made that?" tinuro ko yung
mahabang nakasulat doon. "Wesley." sabi niya sa akin, "He made that before he died.
Just like that, He believes in 25th hour.""Bakit ikaw hindi ba?" Ngumiti naman siya
sa akin nun. "Are you kidding me? My 25th hour started when I almost tripped at the
hallway..." Napaisip naman ako nun. "First day of school. I met Szarielle Lopez?!?"
tapos lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Ooh..." sabi ko naman nung sinabi
niya yun, "Mine started when I heard the name... Wesley.""Bakit?""They're talking
about you that time." Lumuhod na naman si Jasper nun sa harapan ng puntod ni
Wesley. "Hey bro..." tumingin siya sa akin, "She's the one I'm talking about."
Tumingin naman ako sa kanya nun. "Anong sinasabi mo diyan?""Wala. Kinukuwento kita
sa kanya." tumayo siya uli. Papaalis na kami nun. Tumingin lang uli ako sa likuran
ko. Nakilala ko na rin ang nagiisang Wesley Garcia. How I wish he was here. "San
nga tayo pupunta?" naisipan kong magtanong dahil hindi ko alam kung saan niya ako
dadalhin. "Wala lang. Naisip ko lang na mag-cruise tayo.""Cruise?!? are you
crazy?""No." nilabas niya yung dalawang ticket, "Ticket for two. 2 weeks
vacation?!?""Oh my God! Bakit?""Dahil--" sabi niya na nakangiti pa, "Gusto kitang
kasama doon!" bigla siyang nainis,"Kailangan ba talaga ng reason?""Of
course!""Fine!" sumigaw din siya, "COZ I WANNA' SPEND A GREAT DEAL OF MY LIFE WITH
YOU! You hear that?" tapos tumingin uli siya sa akin, "--and, I'm planning to go to
college with you." Napatingin lang ako sa kanya nun pero hindi ko na sinagot.
Kapatid nga niya si Wesley. He's creating a moment. At magtutuloy-tuloy lang yun
hanggat gusto niya. At ngayon, habang sinusubukan kong taousing isulat ito at
magsimula ng bagong chapter para sa cruise namin... may na-realize na naman ako...
There is one phrase that 25th hour will never learn... and I'm delighted to tell
you... that phrase was the first line I wrote when I started this story.

You might also like