You are on page 1of 1

Topic 10: Ang Talinhaga tungkol sa Lingkod na Di-Marunong Magpatawad

Objective: Matutunan ng mga nagmamahal kay Jesus na inaasahan ng Panginoong Diyos ang pagpapatawad natin sa iba
Mateo 18:21-35
21
Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid (kapatid sa pananampalataya)
kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?
22
Sinagot siya ni Jesus, Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito (70 times 7)
23
Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang
mga utang. 24Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. 25Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari
na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26Lumuhod ang taong ito
sa harapan ng hari at nagmakaawa, Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat. 27Naawa sa kanya ang
hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.
28
Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban
niya ito sa leeg, sabay sigaw, Magbayad ka ng utang mo! 29Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, Bigyan mo pa ako ng panahon at
babayaran kita. 30Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.
31
Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong
pangyayari. 32Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. Napakasama mo! sabi niya. Pinatawad kita sa utang mo sapagkat
nagmakaawa ka sa akin. 33Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo? 34At sa galit ng hari, siya'y
ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. 35Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung
hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid.
Method (Consider your whole class as one group or you may sub-divide them into several sub-groups for discussion)
A. Reading: Basahin ng sabay ang lahat ng talata. Gumamit ng mga visual aids upang mas lalong maintindihan.
B. Discussions and guide questions:
1. Ano ang katanungan ni Pedro kay Jesus na mahalaga din sa ating pamumuhay ngayon?
- Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid (kapatid sa pananampalataya) kong paulit-ulit na nagkakasala sa
akin?
2. Ano ang sagot ni Jesus kay Pedro, ilang beses ba dapat tayo magpatawad sa mga paulit-ulit na nagkakasala sa atin?
- Sinagot siya ni Jesus, Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito (70 times 7 = 490 times). Ang ibig sabihin
ni Jesus ay walang katapusan o walang limitasyon dapat ang pagpapatawad.
3. Ipasalaysay sa mga estudyante kung ano ang nangyari ayon sa talinhaga (talata 23-34) na isinalaysay ni Jesus. Hayaan silang
magkwento ayon lang sa kanilang matandaan. Pwede mo rin silang tulungan ng kaunti.
4. Ano ang unang desisyon ng hari sa alipin niyang hindi makabayad na may napakalaking utang (milyun-milyong utang)?
- iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad.
5. Ano ang ginawa ng aliping ito dahil sa hatol ng hari?
- Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa na bigyan pa siya ng panahon upang mabayaran ang kanyang utang?
6. Ano ang sagot ng hari pagtapos lumuhod at nagmakaawa ang aliping ito?
- Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.
7. Nang makalis ang aliping ito ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya, ano ang
ginawa niya sa kanyang kamanggagawa?
- Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, Magbayad ka ng utang mo!
8. Ano ang ginawa ng kamanggagawa na may utang sa kanya?
- Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya na bigyan pa siya ng panahon upang makabayad.
9. Ano ang sagot ng unang alipin sa kanyang kamanggagawa?
- hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.
10. Nang mabalitaan ng hari ang ginawa ng unang alipin sa kanyang kamanggagawa, ano ang ginawa ng hari?
- 32Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. Napakasama mo! sabi niya. Pinatawad kita sa utang mo sapagkat
nagmakaawa ka sa akin. 33Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo? 34At sa galit ng hari,
siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang.
11. Ano ibig sabihin ni Jesus ng sinabi niya ang ganito: 35Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo
patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid.
- Hindi bibigyan ng Diyos ng habag o awa ang hindi marunong magpatawad sa iba
- Hahatulan ng Diyos ng walang awa ang mga hindi nagpapatawad sa iba
12. Ano ang mahalagang bagay na iyong natutunan sa aral natin ngayon? (Hayaan ang mga estudyante na magsalita sa kanilang
natutunan)
13. Paano mo i-apply sa iyong buhay ang iyong natutunan? Ano ang iyong gagawin?
Conclusion (important)
1. Ang pagpapatawad ay napakahalagang turo ni Jesus na dapat gawin ng mga mananampalataya
2. Itinuro ni Jesus na ang pagpapatawad ay dapat ibigay ng walang limitasyon
3. Ang hindi nagbibigay ng patawad sa iba ay hahatulan ng Diyos ng walang habag o awa.
4. Ang kakayahang magpatawad sa iba ay katibayan ng pagbabago at pagkakaroon ng maayos na puso ng totoong mananampalataya
ni Jesus
Mention all the things in the key ideas and say this: Ang Diyos ay nagpapatawad sa atin dahil sa kanyang habag at awa kaya tayo ay
magbigay din ng habag at awa sa iba at patawarin natin sila.

You might also like