You are on page 1of 1

Pluma: Sandata ng tunay na Makata

Si Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso


Realonda o Pepe ay ang ay bayaning hindi gumamit ng
dahas sa pakikipaglaban sa mga nanakop ng ating
bansa. Ang naging panlaban niya sa mga Espaol ay
isang pluma. Pinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna.
Kilala si Rizal sa pagsusulat ng mga nobela
kagaya ng Noli Me Tngere at El Filibusterismo.
Marami siyang alam na ibat ibang wika ang tawag dito
ay polyglot. Ginamit niya ang husay at talino sa pag
gagawa ng nobela para malaban ang mga Espaol. Siya
ay nag-aral sa Ateneo noong 1872-1877 at nakuha niya
ang parangal na Bachiller en Artes o Batsilyer ng
Sining.
Napagdesisyunan ni Rizal na mag-aral ng
medisina sa University of Santo Tomas noong 1877-1882,
pero hindi medisina ang unang kurso na kinuha niya, Pilosopia
y Letra ang gustong kurso ng kanyang ama pero hiningan niya ng payo si Padre Pablo Ramon SJ
at medisina ang sinabi sa kanya pumayag siya para magamot niya ang kanyang ina na may sakit.
Pagkatapos niyang mag-aral ay palihim siyang umalis ng bansa para pumunta ng Espanya
para ituloy ang pag-aaral. Noong Enero 2, 1884 ay pinanukala niyang mag gagawa siya ng
nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas. Tinapos niya ang Noli Me Tngere sa Wilhelmsfeld
noong Pebrero 21, 1887. Marso 21, 1887 nilimbag ang Noli Me Tangere sa halagang Tatlongdaang
piso at ito ay may 2000 na kopya.
Bumalik siya ng Pilipinas noong Agosto 1887 at nakilalang Dr. Jose Rizal. Noong 1892,
bumalik siya ng Maynila at nadamay sa rebelyon. Inaresto siya noong Oktubre 6, 1896 at kinulong
sa Barcelona pero binalik muli sa Fort Santiago. Siya ay napatawan ng kamatayan dahil sa
naakusahan siya ng rebelyon, sedisyon at pakikipagsabwatan. Disyembre 30, 1896 siya
nakatakdang patayin ngunit noong araw na siya ay papatayin ay wala siyang naramdamang kaba.
Pinilit niyang humarap bago siya patayin at sinabing consummatum est na ang ibig sabihin ay
natapos na.

You might also like