You are on page 1of 6

FILIPINO REVIEWER

---
PAGBASA
I.MAIKLING KWENTO

II. ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Tagpuan (ganapan)
Tauhan (mahahalagang tao, hayop, bagay)
Pakwadradong Pagsasalaysay: Tagpuan
(ganapan), Tauhan (tao sa kwento), Panimula
Banghay (istruktura ng kwento; nagdalo o
(self-explanatory), Tunggalian (problema,
nangyari sa kwento)
sulirnin), Kasukdulan (climax), Kakalasan
Tema
(solusyon), Wakas (katapusan)
Aral
III. EPIKO
Ito ay isang uri ng akda na paawit o patula; mahabang pagsasalaysay ng buhay ng isang mamamayan.
Katangian: kaisahan ng banghay, mabilis na aksyon, paggamit ng kakaibang galling
Halimbawa: Biag ni Lam-Ang (Ilokano), Ibalon (Bikolano), Maragtas (Panay), Hudhud at Alim (Ifugao)
IV. ANEKDOTA
Kwentong katawa-tawa hango sa totoong buhay at may taglay na arsl
V. TULA
Pagbabagong hugis sa paglalarawan ng buhay LAYUNIN
Malayang pagpapahayag ng damdamin o makapagbigay ng impormasyon o aral
SANGKOP/ELEMENTO o makapaglibang
o tugma (palasintumigan)
o sukat (bilang ng pantig)
o makapangutya (insult)
o kariktan (presentasyon) ANYO
URI o panagkaugalian (may sukat at tugma)
o Tanaga (haiku) o blanko berso (may sukat, walang tugma)
o Liriko (mahimig) o malayang taludtod (walang sukat, walang
o Pasasalaysay (pagkwento) tugma)
o Pandulaan (sa entablado)
VI. TUNGGALIAN
Tunggalian laban sa tao (kapwa)
Tunggalian laban sa sarili (ugali)
Tunggalian laban sa kalikasan (lindol, ulan,
natural na kalamidad)
Tunggalian laban sa lipunan
(diskriminasyon)
VII. OPINYON O KATOTOHANAN
OPINYON: batay sa paniniwala, kuro-kuro, KATOTOHANAN: may basehan at
damdamin o kaisipan ng isang tao lamang; walang napatunayan na; ginagamit ng ekspersyong tulad
basehan o patunay; ginagamit ng ekspresyong ng ayon kay/sa, mababasa sa, makikita sa, batay
tulad ng sa aking palagay, sa tingin ko, kung ako sa
ang tatanungin, marahil, siguro
VIII. SANHI AT BUNGA
SANHI: dahilan ng pangyayari; sa BUNGA: resulta, kinalabasan, kinahinatnan o
pagpapahayag ng sanhi ginagamit ang epekto ng sanhi; sa pagpapahayag ng bunga
ekspresyong tulad ng dahil, dahil sa, sapagkat, gainagamit ang ekspresyong tulad ng kaya, kung
kasi, dulot ng, atbp. gayon, atbp.
IX. URI NG KOMPOSISYON
KOMPOSISYON: pagpili, pag-ayos at paglinang ng ideya sa mga pangungusap at talata upang ang resulta ay maging
malinaw na piyesa ng sulatin
URI: Malaya (sariling paksa) at Kontrolado (binigyan na paksa)
LAYUNIN: maging mahusay sa pagsulat at pagsalita ng Pilipinas
KATANGIAN: Mabuting Pamagat, Mahalagang Paksa, Wastong Pagkasunod-sunod, Kawili-wiling Simula at Wakas
MUNGKAHING SIMULA/WAKAS: Tanong, Kasabihan, Aral, Paglalahat/Kaisipan
PAGSASALAYSAY: para sa pagkukuwento; pwedeng batay sa sariling karanasan, nakita o nasaksihan, narinig o
napakinggan, nagbasa o natunghayan o kaya likhang-isip
PAGLALARAWAN: binubuo ng magkaugnay na pangungusap na naglalarawan tungkol sa isang paksa
PAGLALAHAD: ginagamit sa pagpapaliwanag sa pamamaraan o proseso ng isang paggawa ng isang bagay o
pagpapaliwanag ng direksyon

WIKA
I. BAHAGI NG PANANALITA
PANGNGALAN
A. GAMIT
ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pangyayari, gawain at kaisipan
B. URI
PANTANGI: tiyak, nagsisimula sa malaking titik
PAMBALANA: pangkalahatan, nagsisimula sa maliit na titik
o KONGKRETO: pwedeng mahawakan, makita, marinig, malasa, maamoy, atbp.
o DI-KONGKRETO: hindi pwedeng makita, marinig, malasa, maamoy, atbp.
- DI-LANSAKAN: ginagamit ng pagsukat o pwedeng bilangin
- LANSAKAN: grupo Buwig/Piling ng Kumpol ng
Pumpon ng bulaklak saging mangga/santol
Hukbo/Batalyon ng Kawan ng tupa/isda Sako ng
sundalo Kaing ng [prutas] bigas/harina
Banda ng Musikero Tumpok ng Bungkos ng susi
Koponan ng kamatis/sibuyas Tali ng kangkong
manlalaro Tangkay ng Bunton ng dayami
Langkay ng ibon ubas/lansones
C. KAUKULAN
PALAGYO
o PAKSA: ang pinag-uusapan (hal. AKO AT SI KATRINA ay kakain na.)
o PAMUNO SA PAKSA: madalas nasa gitna ng dalawang koma (Ito, ANG LIBRO ay makulay.)
o PANAWAG: ang kausap (COYCOY, sumagot ka.)
o KAGANAPANG PAMPAKSA: pagkatapos ng salitang ay (Ang mga guro ay ang BAYANI NG BAYAN.)
PALAYON
o LAYON NG PANDIWA: pandiwa + Ano? Sino? (Binigay niya sa amin ANG REGALO.)
o LAYON NG PANG-UKOL: pagkatapos ng pang-ukol (Ang libro ay tungkol sa BANSA.)
PAARI - nauuna sa salitang ni at ng (Papel ni HANNAH ang nasa mesa.)
PANGHALIP
A. GAMIT
humahalili sa mga pangngalan
B. URI
PANAO: tao (tayo, mo, akin, nila, kami, atbp.)
PAMATLIG: panturo (HAWAK ito, nito, heto, dito, MALAPIT iyan, hayan, diyan, MALAYO doon, hayon, iyon)
PANANONG: pagtatanong (saan, ano, sino, kalian, alin, ilan, anu-ano, kai-kailan)
PANAKLAW: bilang, dami, pangkalahatan, hindi tiyak (iba, lahat, madla, balana, anuman, kailanman, sinuman,
alinman, atbp.)
C. KAUKULAN
PALAGYO
o PAKSA: ang pinag-uusapan (TAYO ay kakain na.)
o PAMUNO SA PAKSA: madalas nasa gitna ng dalawang koma (Ang libro, ITO ay makulay.)
o PANAWAG: ang kausap (IKAW, sumagot ka.)
o KAGANAPANG PAMPAKSA: pagkatapos ng salitang ay (Ang bayani ng bayan ay SILA.)
PALAYON
o LAYON NG PANDIWA: pandiwa + Ano? Sino? (Binigay niya sa amin ITO.)
o LAYON NG PANG-UKOL: pagkatapos ng pang-ukol (Ang libro ay tungkol sa AKIN.)

PAARI - nauuna sa salitang ni at ng (Papel NIYA ang nasa mesa.)


PANDIWA
Nagpapakilos at nagbibigay-buhay sa isang salita
Panlaping Makadiwa: Kataga na isinasama sa isang salita upang ito ay magkaroon ng diwa
Pandiwang Pawatas: Pandiwang Pautos
PANG-URI
A. GAMIT
naglalarawan sa mga pangngalan (Si Hannah ay maganda.)
naglalarawan sa mga panghalip (Siya ay maganda.)
B. URI
PANLALARAWAN: naglalarawan sa hugis, kulay, laki, at iba pa (maganda, maliit, bilog)
PANTANGI: nagsasabi kung saan lumikha ang pangngalan (pancit Malabon)
PAMILANG PAMAHAGI: bahagi; kung ang kabuuan ay pinaghahati-hati (isang kapat, kalahati, sangkalima)
Pamilang Panunuran/Ordinal: kung ang binibilang ay nasa hanay na magkasunod-sunod (pang-anim, ikalawa,
ikasanlibo)
PAMILANG PATAKARAN/KARDINAL: pagbilang (siyamnaraan, dalawampu, isa, dalawa)
PAMILANG PAHALAGA: pagpapahayag ng presyo o halaga (mamera, mamiso, camiseta, tiglimampung piso, tig-
apat na piso, tigsampung libong piso)
PAMILANG PALANSAK: kung pagpapangkat pangkat (isa-isa, dala-dalawa, apat-apat, isahan, dalawahan, apatan,
animan, maramihan)
C. KAANTASAN
LANTAY: nagbibigay ng katangian ng isa lamang pangngalan (maayos, magiliw)
PAHAMBING: naghahambing ng dalawang pangngalan
o MAGKATULAD (sin, sim, sing, kasim, kasin, kasing, magkasim, magkasin, magkasing)
o DI-MAGKATULAD (mas ~ kaysa kay/sa, hamak na ~ kaysa kay/sa, higit na ~ kaysa kay/sa, di-lubha ~
paris/tulad, di-gaano ~ paris/tulad)
PASUKDOL: nagsasaad ng pinakamatayog na katangian ng pangngalan (pinaka, ubod/hari/reyna/sakdal ng, napaka,
pagka)
D. KAYARIAN
PAYAK: salitang-ugat lamang (uhaw, gutom, galit)
MAYLAPI: salitang-ugat at panlapi (maayos, magiliw)
INUULIT: salitang ugat o salitang may panlapi na may pag-uulit
o GANAP: buong salita and inuulit (ganda-ganda)
o DI-GANAP: isang pantig lamang ang inuulit (magaganda)

TAMBALAN: dalawang salita na pinag-isa


o GANAP: bagong kahulugan (taos-pusong)
o DI-GANAP: parang kombinasyon ng kahulugan ng dalawang salita (biglang-yamang)
PANG-ABAY
A. GAMIT
nagbibigay-turing sa mga PANDIWA (Si Gabs ay mabilis tumakbo.)
nagbibigay-turing sa mga PANG-URI (Totoong mabilis si Tobi.)
nagbibigay-turing sa mga KAPWA PANG-ABAY (Talagang mabilis tumakbo si Naomi.)
B. URI
PAMARAAN: paano ang pagganap ng kilos (Dumating siya na nag-iisip. Nag-usap kami nang matagal.)
PANLUNAN: pook o lugar o ginaganapan ng kilos (Maghihintay kami doon. Sa labas bat ayo kakain sa Linggo?)
PAMANAHON: nagsasabi kung kailan ang pagganap ng kilos (Mula umaga hanggang gabi ay umuulan; Tuwing Pasko
at Bagong Taon ay masaya.)
PANANG-AYON: pagpayag o pakikiisa ng opinyon; oo, opo, talaga, totoo, tunay, siyempre (Talagang masaya siya.
Totoong mahirap ang buhay ng isang kapus-palad.)
PANANGGI: pagsalungat o di pagsang ayon; hindi, huwag, ayaw, bawal, ayoko (Ayaw kumain ang maysakit. Huwag
kayong maingay.)
PANGGAANO: dami, bilang, sukat, halaga o bigat (Kumain kami nang marami. Nag-aral siya nang dalawang oras.)
PANG-AGAM: pag-aalinlangan, walang katiyakan; siguro, baka, marahil, maaari, tila, waring (Baka tayo mahuli sa
klase. Tila bumubuti na ang panahon.)
KATAGA/INKLITIK: walang kabuuan kung wala ang isa, hindi pwedeng mag-isa; pala, kaya, din, rin, daw, raw, pa,
lang, lamang, muna, ba, man, nang, kasi, sana, naman, yata, na, nga, tuloy (Naghihintay pa sila hanggang ngayon.
Naiwan tuloy sila ng huling biyahe.)
KUSATIBO: dahilan ng pagkagawa ng pandiwa (Nasagasaan ang dalawang matanda dahil sa mabilis na
pagpapatakbo ng driber. Akoy naging isang guro dahil sa sahod.)
BENEPAKTIBO: nagsasaad ng benepisyo para sa pangngalan (Magbenta ka ng bote para sa pang-almusal mo. Akoy
naging isang guro para sa kabataan.)
KUNDISYUNAL: kung ano ang kundisyon para maganap ang kilos; kung, kapag, pag, pagka (Maraming turista ang
pupunta rito kapag nawala na ang mga terorista.)
PANG-UGNAY: PANGATNIG
A. GAMIT
nag-uugnay ng dalawang SALITA (Lumakad at nagdasal siya.)
nag-uugnay ng dalawang PARIRALA (Sa Quiapo o sa Baguio kaya ako pupunta?)
nag-uugnay ng dalawang SUGNAY (Magdasal tayo upang ang bansa ay magkakaroon ng kapayapaan.)
B. URI
PAMUKOD: pagbubukod o pagtatangi ng mga tao, hayop, lugar, bagay o kaisipan
o o, maging, pati, saka, at, ni (or, even, and)
o Anong kulay gusto mo, berde o asul? Si Anita, maging si Nida ay walang mamanahin sa kanilang lolo. Ang
sapatos pati damit ay nabasa. Ang pagkain ng gulay saka prutas ay mainam sa katawan.
PANINSAY: kung may sinasalungat na tao, hayop, lugar, bagay o kaisipan
o ngunit, subalit, dapatwat, samantala, bagamat, bagaman (but)
o Ibig kong mag-aral, ngunit akoy inaantok na. Aalis na sana kami subalit may dumating na bisita. Hindi
siya maganda daptwat mabuti ang kanyang kalooban. Kalat siya nang kalat ng mga papel samantalang ang
dyanitor ay walis naman nang walis. Ininom ng bata ang gamut bagamat may kapaitan ito.
PANUBALI: pagbabaka-sakali
o kung, pag, kapag, sakali (if, when)
o Ibinili kita ng relo kung papasa ka. Tatawagin ka naman pag dumating ang sundo mo. Hubarin mo ang
dyaket kapag umiinit ang panahon. Babalik sila sa Pilipinas, sakaling hindi mapabuti ang buhay nila sa Amerika.
PANANHI: kadahilaan kung bakit naganap, nagaganap o magaganap ang isang pangyayari
o sapagkat, dahil, paano, palibhasa, sanhi, mangyari (because)
o Yumaman ang mag-asawa sapagkat pareho silang masipag. Uuwi nang maaga sila dahil masama ang
kanilang pakiramdam. Nadapa ang bata, paanoy napakalikot niya. Marami siyang kaibigan, palibhasay
marunong siyang makisama.
PANLINAW: paliwanag sa pangyayari o kaisipan
o kaya, samakatuwid, kung gayon, sana (so, therefore)
o Mababa ang kanyang mga marka, kaya kailangang mag-aral siya ng mabuti. Malaki na ang sahod ni Mang
Digoy, samakatuwid maaari na niyang bumili ng kotse. Natapos na ang kanilang mga Gawain, kung gayon
makapamamasyal na sila.
PANAPOS: katapusan ng (diwa ng) pangungusap
o para, upang, nang (for, so that)
o Mag-ingat ka para hindi ka magkasakit. Magsisikap sila upang ang kanilang buhay ay umunlad. Sa kwarto
ka mag-aral nang hindi ka maingayan.
PAMANAHON: panahon
o bago, habang, pagkatapos, hanggang, nang (before, during, after, until, when)
o Kumain ka muna bago umalis. Pumasok ang mga magnanakaw habang nanonood sila ng telebisyon.
Mamamasyal ang mag-anak pagkatapos nilang makinig ng Misa. Magpaliwanag ka hanggang ikaw ay
maunawaan nila. Tapos na kaming kumain nang dumating si Lolo.
PANULAD: pagtutulad ng pangyayari o kaisipan; hindi pwedeng magkaisa
o kung ano siya rin, kung saan doon din, kung alin iyon din
o Kung ano ang ibinigay mo siya ring babalik sa iyo. Kung saan daw siyang ipinanganak doon din siya
mamatay. Kung alin ang ipinatabi ong bilhin iyon din ang dapat mong kunin.
PANG-UGNAY: PANG-ANGKOP
A. GAMIT
nagpapadulas sa bigkas
inaangkop sa salitang panuring at tinuturingan (batang madungis bata = tinuturingan, ng = pang-angkop,
madungis = panuring)
B. URI
NA: kapag ang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa N (makapal na aklat)
-NG: kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig (batang matalino)
-G: kapag ang salita ay nagtatapos sa titik N (kabataang mayaman)
PANG-UGNAY: PANG-UKOL
A. GAMIT
nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap (Nabasi ni Nelson ang balita sa
Internet.)
B. HALIMBAWA
sa, ng, ni/nina, ukol sa/kay, alinsunod sa/kay, tungkol sa/kay, laban sa/kay, hinggil sa/kay, nang may/wala,
kay/kina, ayon sa/kay; para sa/kay; labag sa/kay; tungo sa/kay
PANANDA
A. PANTUKOY
pagpapakilala sa paksa
ang/ang mga, si/sina
B. PANGAWING
pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos
ay (Ako ay galing sa banyo.)
II. ALPABETONG PILIPINO
Alibata Titik Romano Abakadang Tagalog
(17) (20) Alpabetong Pilipino BAGONG ALPABETONG FILIPINO
Katumbas ang ilang TITIK banyaga sa Pilipino:
- C k, s ;; CH ts ;; F p ;; J dy, h ;; Q k ;; V b ;; X eks ;; Z s ;; ny
Katumbas ang ilang SALITA banyaga sa Filipino (cake keyk ;; meeting miting ;; taxi taksi)
Pananatilihin ang ORIHINAL na baybay ng ilang salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino (marshmallow,
hotdog, orange)
May katumbas ng ilang salitang banyaga na may magkasunod na PATINIG
- io iyo ;; ia iya ;; ie iye ;; iu iyu ;; ue uwe ;; ua uwa
HINDI MAG-IIBA kung ito ay: Pangngalang pantangi, Salitang teknikal, Salitang Panlalawigan
III. DIIN AT BIGKAS NG SALITA
MALUMAY
MALUMI [[ paiwa ]] (vowel clipped short like in bat (child))
MABILIS [[ pahilis ]] (syllable is stressed like in Hapn (Japanese))
MARAGSA [[ pakupya ^ ]] (syllable is stressed and vowel is clipped short like in bas (wet))
IV. KAYARIAN NG MGA SALITA
PAYAK: salitang-ugat lamang walang panlapi, hindi inuulit, walang katambal ng isang salita
INUULIT: ang kabuuan o isang pantig ng salitang-ugat ay inuulit
o GANAP: buong salita ang inuulit
o DI-GANAP: parsyal ang inuulit
MAYLAPI: may panlapi at salitang-ugat
o UNLAPI: panlapi sa unahan ng salita
o GITLAPI: panlapi sa gitna ng salita
o HULAPI: panlapi sa hulihan ng salita
o KABILAAN: panlapi sa unahan at hulihan ng salita
o LAGUHAN: panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita
TAMBALAN: isang salita na binubuo ng dalawang magkaibang salita
o GANAP: bagong kahulugan
o DI-GANAP: parang kombinasyon ng kahulugan ng dalawang salita
V. ASPEKTO NG PANDIWA
Nagsasabi kung kailan naganap ang kilos
PERPEKTIBO: tapos na ang kilos
IMPERPEKTIBO: hindi pa tapos ang kilos; ginagawa pa
KONTEMPLATIBO: hindi pa nauumpisahan ang kilos
SALITANG-UGAT PANDIWANG PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
Kuha Ikuha Ikinuha Ikinukuha Ikukuha
Magkuha Kumuha Kumukuha Kukuha
Tago Itago Itinago Itinatago Itatago
Magtago Nagtago Nagtatago Magtatago
Luto Iluto Iniluto Iniluluto Iluluto
Magluto Nagluto Nagluluto Magluluto
Tusok Itusok Itinusok Itinutusok Itutusok
Tusukan Tinusukan Tinutusukan Tutusukan
VI. POKUS NG PANDIWA
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa
AKTOR: ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
o -UM, MAG-, MANG-, MAKAPANG- (kumuha, nagsusulat, maglilinis)
o Halimbawa: Ang kapayapaan ay lumalaganap. Nangangalaga ng kapayapaan ang pamahalaan. Namumuno ng
bansa ang pangulo. Ang mga tao ay nagsisikap mabuhay. Si Katrina ay sumalok ng tubig sa balon.
LOKATIBO: ang paksa ay lugar o ganapan ng kilos nagsasagot sa tanong saan
o AN, -HAN, PANG- -AN/-HAN, PAG- -AN/-HAN (pinagdausan, pinagsisilbihan, paghuhugasan)
o Halimbawa: Tinamnan nila ng palay sa bukid. Tinitirahan niya ang Palasyo ng Malacanang. Ang opisina niya ay
pinupuntahan ng ibat ibang panauhin. Ang Malacanang ay pinagdarausan ng mahahalagang usapin ng bansa.
GOL: ang layon ay ang paksa o binibigyang-diin; ang gumagawa ng kilos ay nasa bahagi ng panaguri; nagsasagot sa
mga tanong ano o sino
o I-, -AN, INA-, IPA-, -IN (inalis, ginagawa, tatalupan)
o Halimbawa: Itinanim nila ang magandang uri ng palay sa bukid. Ipinaaayos niya ang mga sulat. Dinaraanan ng tao
ang kalsada. Ang alitan ay dapat itigil ng lahat. Ang tulong ay ibinibigay ng pangulo. Ipinababa nila ang mga
producto mula sa kabundukan.
INSTRUMENTAL: ang bagay ay ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ang siyang paksa ng pangungusap
o IPAM-, IPAN- IPANG- (ipinambutas, ipinandidilig, ipang-iipit)
o Halimbawa: Ipampusta mo ang perang pamalengke. Ang magaling na manok ay ipansabong mo.
KUSATIBO: ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos
o I-, IKA-, IKAPANG- (ikinatuwa, ikinasulat)
o Halimbawa: Ikinatuwa ni Bining ang pagkatalo ng asawa sa sabong. Ang masakit na biro ay ikinasama ng loob ng
kumpare. Ikinalungkutan ni Crispin ang pagkakamatay ng asawa niya.
VII. PARIRALA
Walang buong diwa
Pariralang PANG-UKOL: may pang-ukol (para kay, labag sa, atbp.)
Pariralang PAWATAS: inuutos; may panlaping makadiwang um o mag (maglaba ka, kumain ka, atbp.)
Pariralang: PANGNGALANG PANDIWA/KARANIWANG PARIRALA walang pang-ukol o pandiwa; pwedeng pangngalang
gawain (madulas na daan, paglalaro muna, atbp.)
VIII. SUGNAY
Lipon ng mga salita na may paksa at panaguri
MAKAPAG-IISA: may buong diwa at pwedeng magiging isa; pwedeng maging isang pangungusap na (Binubuhay
nila ang kagubatan)
DI-MAKAPAG-IISA: kailangan ng sugnay na di-makapag-iisa para may buong diwa; nagsisimula sa pangatnig tulad
ng sapagkat, at, pati, dahil sa, ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at, o (dahil kailangan nila ito)
IX. PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
PANAWAG: tumatawag (Maia! Marianna! Halina!)
PANANONG: nagtatanong (Ano? Sino? Kailan?)
PANAGOT: sumasagot sa tanong (Oo. Hindi po.)
PAUTOS: nag-uutos (Takbo. Maglaba ka. Kumain ka na.)
PADAMDAM/PAHANGA: nagsasaad ng matinding damdamin (Aray! Ang ganda!)
PAMANAHON: nagsasaad ng panahon (Lumilindol! Umaga na. Malamig ngayon.)
EKSISTENSYAL: nagsasaad ng pagkamayroon (May malakas na lindol. May tao sa labas.)
PORMULARYONG PANLIPUNAN: nagbibigay-galang (Tao po! Magandang umaga po.)
X. AYOS NG PANGUNGUSAP
KARANIWAN: ang panaguri ay nauuna sa simuno
DI-KARANIWAN: ang simuno ay nauuna sa panaguri; may pangawing AY
XI. KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
*SM = sugnay na makapag-iisa; SDM = sugnay na si-makapag-iisa
PAYAK: 1 SM (Ang labis na pagtrotroso ay nakakasama.)
TAMBALAN: 2 o higit pang SM (Pigilin ang labis na pagtrotroso at magtanim tayo ng mga puno.)
HUGNAYAN: 1 SM at 1 o higit pang SDM (Maiiwasan ang mga pagbaha kung lahat tayo ay makikipagtulungan.)
LANGKAPAN: 2 o higit pang SM at 1 o higit pang SDM (Magdasal ka at mag-aral ka nang mabuti upang tumaas ang iyong
marka.)
XII. KASABIHAN, SALAWIKAIN, SAWIKAIN
SALAWIKAIN: nagbibigay-aral; sandata sa pangangatwiran; mas mahaba
SAWIKAIN: idiomatic expressions, hindi direkta o tiyak ang pagpapahulugan
XIII. LIHAM
Paraan ng komunikasyon na pwedeng pasulat o kaya sa pamamagitan ng e-mail

You might also like