You are on page 1of 2

ANG KWENTO NI ROSARIO

ANG BARRIONG TANYONG ay nasa tabi ng estero ng ilog Malabon. Ito ay


may laking 5 ektarya kung saan may nakatirang 1,850 pamilya o may 12,400
katao. Para marating ang mga bahay-bahay, ang mga tao ay lumalakad sa mga
tulay na hindi naman matitibay. Kaya maraming tao ang naaaksidente at
maraming mga bata ang nahuhulog sa marumi at napakaitim na tubig. Ang
tubig sa ilalim ng bahay ay tapunan ng basura at palikuran na rin.

Sa survey na isinagawa, 10% lamang ang may sariling palikuran at ang 90% ay
gumagamit ng balot system o diretso na sa istero. May 10% ang may sariling
tubig at 90% ay umiigib sa poso. May dalawang pampublikong poso at ang
tubig ay binibili. Ang isang container na may lamang 5 galon ay may halagang
PhP15.00 PhP30.00 depende sa layo ng bahay.

Ang mga nakatira rito ay walang titulo sa lupang tinitirikan. Ang upa sa
kuwartong parang tirahan ng baboy ay PhP500 Php1,000 bawat buwan. Ang
mabuti-buti naman ay Php1,500 PhP2,000 bawat buwan. Dito sa barrio
Tanyong nakatira si Jaime, 24 taong gulang. Ang kanyang asawa ay si Lucy, 27
taong gulang. Ang mga anak nila ay sina Jocelyn, 5 taon; Marites, 4 na taon;
Antonio, 2 taon; at si Rosario, 1 taon at 4 na buwan.

Isa si Jaime sa 70% na galling sa probinsiya at lumuwas patungong Maynila


upang magkaroon ng mahusay-husay na buhay. Ang pamilya niya ay galing sa
Pangasinan. Ang kanyang ama ay isang maliit na magsasaka. Ngunit ang
kanilang ani ay hindi sapat sa kanilang pamilya kayat lumuwas silang
patungong Maynila.

Ngayon, si Jaime ay isang laborer sa isang construction site sa Quezon City.


Ang kita niya ay Php165.00 isang araw. Hindi ito sapat para sa kanilang
pamilya. Tinitipid nila ang lahat ng gastos, ngunit baon sila palagi sa utang.
Kung namamalengke si Lucy, ang Php50.00 na ulam ay pinagkakasiya niya sa
tatlong kainan. Kung minsan ay hindi na siya nakakatikim ng ulam.

Dahil dito, lahat ng anak niya ay 2nd degree malnourished. Pare-pareho ang
kanilang mga sakit palagi silang inuubo, nilalagnat at nagtatae. Ang kanilang
tiyan ay malalaking parang tambol. May bulateng lumalabas kapag sila ay
dumudumi na pinaniniwalaan naman ni Lucy na normal lamang dahil sa
pagkakaalam na tumutulong ang mga bulate sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan.

Wala ring bakuna sina Antonio at Rosario dahil natakot si Lucy noong
nilalagnat ng bahagya sina Jocelyn at Marites nung ang mga ito ay
pinabakunahan niya. Kinagagalitan din diya ni Jaime kung lagnatin ang bata
pagkatapos ng bakuna.

Ang pinakasakitin sa kanilang lahat ay ang bunsong si Rosario. Siya ang


pinakapayat, maputla at palaging nagtatae. Isang araw, si Rosario ay
nagkasakit ng tigdas. Dinala siya ni Lucy sa pinakamalapit na health center na
siya rin namang kanilang barangay health center.

Binili na lamang ni Lucy ang tatlong gamot na inireseta para kay Rosario
Loviscol syrup (para sa ubo) / 60ml PhP109.00, Ercefuryl suspension (para
sa pagtatae) 220mg per 5ml / 60ml Php243.00 at Ceporex (isang antibiotic)
250mg per 5ml / 30ml PhP150.00. Sinabihan siyang yung mga mismong
brands na inireseta ang dapat bibilhin dahil ito ang para sa karamdaman
mismo ni Rosario. Nang maubos na ang tig-isang bote ng tatlong gamot ay
hindi na sila makabili dahil wala na silang pera. Hindi tuluyang gumaling si
Rosario. Patuloy ang pagtatae niya hanggang sa matuyuan.

Dinala muli ni Lucy si Rosario sa health center subalit ipinalipat na sila sa


pribadong ospital ng hindi malinaw kay Lucy kung bakit hindi puwedeng sa
barangay health center tingnan si Rosario. Humingi ang ospital ng deposito
na PhP1,200.00. Mabuti na lang at naka-utang sila ng PhP 1,500 sa kanilang
kapitbahay na nagpapa-5 - 6. Dahil maputlang-maputla si Rosario ay isang
yunit ng dugo ang kinailangang isalin sa kanya. Si Jaime ang kinunan ng isang
yunit ng dugo para rito.

Sa pagtigil nila ng isang gabi sa ospital, ang kanilang gastos ay umabot sa


PhP4,150 at ipinasya nilang ilabas na lang si Rosario kahit ayaw nilang ilabas
ito ng hindi pa magaling dahil parang patak ng metro ng taxi ang gastos nila sa
ospital. Lahat ay sinisingil sa kanila bulak, alcohol, gasa, tape at iba pa.
Pagkatapos ng kataku-takot na pakiusapan ay pinayagan din ang pasyente na
lumabas. Pinapirma sila na silang mag-anak ay nagpipilit lumabas ng ospital
kahit labag sa utos ng doctor. Pinayuhan silang bumalik na lamang kung may
pera na o kaya ay sa government ospital pumunta.

Pagkaraan ng isang linggong patuloy na pagtatae at lagnat, si Rosario ay


nanghina, natuyuan at tuluyan ng namatay.

You might also like